Sunday, April 13, 2025

PINALAWAK NA PH-US MILITARY EXERCISES, MAINIT NA TINANGGAP SA KAMARA

Mainit na tinanggap ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pinalawak na PH-US military exercises na isinasagawa sa iba’t ibang bahagi ng bansa sa kayang pagsasabing ang mga pagsasanay na ito ay hindi lamang pagpapalalim ng ugnayang militar sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos kundi isang matibay na hakbang sa pagpapatatag ng kakayahan ng ating bansa na ipagtanggol ang sarili.


Aniya, siya ay sumasang-ayon dito at ang ganitong kooperasyon ay maaaring palakasin ang depensang panlupa at pandagat ng bansa nang hindi isinusuko ang ating patakarang panlabas na nagsasarili.


Kabilang sa mga pangunahing aktibidad ay ang Marine Exercise 2025 o MAREX 2025, na nagsimula noong Marso 30 at nagtapos noong Abril 11.


Ang ehersisyong ito ay isinasagawa sa ilalim ng 1951 Mutual Defense Treaty, isang kasunduang matagal nang haligi ng ugnayang depensa ng Pilipinas at Amerika.


MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCES RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO

No comments:

Post a Comment