Thursday, September 1, 2022

PAGDINIG SA PANUKALANG BADYET NA P52.72-B SA HUDIKATURA PARA SA 2023, TINAPOS NA NG KOMITE NG APPROPRIATIONS

Tinapos na ngayong Huwebes ng Komite ng Appropriations, na pinamumunuan ni AKO BICOL Rep. Elizaldy Co ang pagdinig sa P52.72-bilyon panukalang badyet ng The Judiciary para sa piskal na taong 2023. Sa kanyang pambungad na pahayag, pinasalamatan ni Co si Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmundo sa mga pagbabagong iniharap upang bigyang-daan ang The Judiciary na harapin ang mga hamon ng pagkakaloob ng hustisya, sa panahon ng pandemyang dulot ng COVID-19. 


Kabilang dito ang: 1) Philippine Judiciary 365app na itinalaga sa lahat ng korte, bilang plataporma para sa mga pagdinig sa pamamagitan ng videconferencing (VCH); 2) Judiciary Electronic Payment System na unang sinubukan sa mga korte sa unang antas ng hukuman, upang simplehan ang pagtataya at pagbabayad ng mga bayaring legal sa hukuman; at 3) kauna-unahang digital at lokal na Bar Examinations na ginanap noong Pebrero ngayong taon, na may 11,402 examinees at lumabas ang mga resulta pagkalipas lamang ng halos dalawang buwan. 


“We look forward to more judicial innovations to deliver efficient and accessible justice in real-time to the public,” ani Co, at tiniyak niya sa Kapulungan sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, na susuportahan ang pamilya ng Hudikatura para makamit ang mga plano at programa nito sa 2023. 


Sa kanyang presentasyon, sinabi ni Court Administrator Raul Villanueva ng Korte Suprema, na ang halagang P21.46-bilyon ay kinaltas mula sa orihinal na panukalang badyet ng Hudikatura na P74.18 bilyon, na isinumite sa Department of Budget and Management (DBM). Hinikayat niya ang mga mambabatas na muling bigyan ng konsiderasyon ang pagdaragdag ng P2.8-bilyon sa P52.72-bilyong badyet ng The Judiciary, na binubuo ng Supreme Court of the Philippines and the Lower Courts (SCPLC), Court of Appeals (CA), Court of Tax Appeals (CTA), Presidential Electoral Tribunal (PET), at Sandiganbayan (SB). Sa kanyang interpelasyon, tinanong ni ACT Teachers Rep. France Castro kung bakit marami pa ring hindi napupunan na mga posisyon ang Hudikatura. “Nagtititpid ba tayo?,” tanong ni Castro. 


Ipinaliwanag ni Villanueva na dinodoble na ng The Judiciary ang pagsisikap nitong mapunan ang mga bakanteng posisyon, at sa katunayan, ang Selection and Promotions Board nito ay nagpupulong tuwing Lunes, upang desisyunan ang mga aplikasyon. Nagtanong naman si Komite ng Appropriations Senior Vice Chair at Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo kung bakit sa kabila ng nahigitan nito ang mga target nito, humihiling pa ang Hudikatura ng karagdagang 271 pang posisyon. 


Ipinaliwanag naman ni Villanueva na mayroong ilang mga korte kung saan ang bunton ng kaso ay maaaring mas mataas, at may mga korte na maaaring mas mababa ang bunton ng kaso. 


“But we cannot discriminate between these two courts because they have the same plantilla positions,” aniya.  Pinangunahan ng Vice Chair ng Komite at Davao de Oro Rep. Ruwel Peter Gonzaga ang pagdinig.

Wednesday, August 31, 2022

PAGPAPTUPAD NG DEVOLUTION PLAN SA MGA LGU, HAHON PARA SA DILG

Aminado si DILG Sec. Benhur Abalos na hamon  ang pagpapatupad ng devolution plan para sa mga local government unit salig sa Mandanas-Garcia Ruling.


Sa budget briefing ng DILG sa Kamara, sinabi ni Abalos na partikular na mahihirapan dito ang mga 4th, 5th at 6th class municipalities.


Noong nakaraang taon kasi aniya ay naglabas na ng kautusan ang DBM na ang ilang proyekto ng national government ay ililipat na sa lokal na pamahalaan, tulad na lamang ng pagpapatayo ng mga eskuwelahan.


Bagay na hindi aniya kakayanin ng ilang LGU.


Bunsod nito, posible silang humugot ng pangtulong mula sa kanilang local government support fund.


Ngunit maliban dito, isa pa aniyang hamon na haharapin ng mga LGU sa susunod na taon ang mababang IRA o internal revenue allotment.


Paliwanag ni Abalos, mababawasan ito ng 14% dahil sa ang halaga ng IRA ay ibabatay sa nakaraang taon na kasagsagan ng pandemiya.


Batay sa 2023 National Expenditure Program, nagkakahalaga ng 28.9 billion pesos ang Local government support fund na nahahati sa financial assistance to LGU, growth equity fund at support to barangay development program na nasa ilalim ng NTF-ELCAC.

IMBESTIGASYON SA INSEDENTENG AMBUSH SA AMPATUAN PNP CHIEF, GUMULONG NA

Tiniyak ni DILG Sec. Benhur Abalos na nakipag-ugnayan na siya kay OPAPP Sec. Carlito Galvez maging sa panig ng MILF, kasunod na ambush na ikinasawi ng Ampatuan Chief of police.


Sa pagtalakay ng P251.1 billion 2023 proposed budget ng DILG, natanong ni Basilan Rep. Mujiv Hataman kung umiiral pa rin ba ang mekanismo ng koordinasyon sa pagitan ng pamahalaan ay MILF na Ad Hoc Joint Action Group o AHJAG.


Nangangamba kasi si hataman na posibleng magkaroon ng isyu ang tila naging mis-communication sa insidente kung saan, hindi na inabisuhan ng pa ng PNP ang MILF na maghahain sila ng warrant of arrest sa isang isang nagngangalang Kamir Kambal na wanted sa kaso ng robbery.


Aminado si Abalos na kailangan matugunan ang mga gaps na ito upang hindi lumala ang sitwasyon.


Nakikipag ugnayan na rin aniya siya sa counterpart sa BARMM na si Minsiter Naguib Sinarimbo patungkol dito.

TUMAAS NG BAHAGYA ANG BADYET NG DILG PARA SA TAONG 2023

Nakasalang ngayon ang Department of Interior and Local Government (DILG) sa pangunguna ni DILG Sec. Benhur Abalos sa budget briefing and deliberation na pinangunahan ng House Comittee on Appropriations.


Nasa mahigit P251,184,514 billion ang proposed budget ng DILG para sa 2023 mas mataas ito kumpara sa 2022 budget na nasa mahigit P249,448,881billion.


Sa nasabing budget 10 ahensiya ang paghahatian sa nasabing  budget. 


Ang PNP ang siyang may pinaka mataas na pondo na mabibigyan na nasa mahigit P191,496,160 billion.


Batay sa budget proposal mahigit isang bilyon ang nadagdagan sa budget ng PNP para sa 2023 kumpara ng kasalukuyang taon na budget na nasa mahigit P190,649,897 billion.


Sumunod ang BFP na mayruong P26,772,363 pangatlo ang BJMP na may budget na P22,330,853 billion

Habang ang Office of the Secretary ay mayruong budget na P6,786,310 billion bumaba kumpara sa 2022 na budget na nasa P7,267,071 billion.


Samantala, tiniyak naman ni DILG Sec Benhur Abalos na ang pondo na ibibigay sa kanilang ahensiya ay gagamitin nila ito wisely and judiciously para makamit ang thrusts and priorities lalo na sa pag enhance sa capacities ng LGU sa pagbibigay serbisyo publiko, palakasin ang socio-economic shocks at impacts ng Covid-19 pandemic at para ma-institutionalize ang LGU preparedness and resilience to disasters at pag manage sa mga nararanasang krisis.


Siniguro naman ni Abalos, sa house members na ipagpapatuloy ng ahensiya na maging efficient and effective sa pagpapatupad ng reporma at initiatives.

PAGPAPALAWAK AT PAGMO-MODERNISA NG RAILWAY SYSTEM SA BANSA, ISA SA PRAYORIDAD NG ADMINISTRASYON

Mula sa P23.12 billion sa 2022, lumobo ang mungkahing budget sa P113.99 billion para sa susunod na taon limang beses na mas malaki kaysa dating budget ang gagastusin ng gobyerno upang gawing makabago at palawakin ang railway system sa bansa na isa sa prayoridad ng administrasyon ni President Ferdinand Marcos Jr upang maresolba ang masikip na daloy ng trapiko.


Ayon kay House Majority Leader at Zamboanga City Rep. Manuel Jose Dalipe ang pagkakatalaga kina Transportation Secretary Jaime Bautista at Undersecretary for Rails Cesar Chavez ay nagpapakita lamang na seryoso ni President Marcos sa kanyang pangako na gumawa ng isang world-class national railway system.


Dagdag pa ng mambabatas ang Pilipinas ang unang nagkaroon ng light rail syatem sa Southeast Asia subalit nadiskaril at kulang sa prayoridad ang pagpapalawak nito na nauwi umano sa alegasyon ng korapsyon.


Sinabi ni Dalipe ang karagdagang pondo ang inaasahang magtu-tuloy tuloy ang ibat ibang big-ticket railway projects.

TINIYAK NG DFA NA DIPLOMATIKO AT LIGAL PA RIN ANG PAMAMARAAN SA PAGTUGON NG BANSA SA WEST PHIL SEA ISSUE

Tiniyak ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na idadaan pa rin ng gobyerno sa 'diplomatic way at legal means' ang pagtugon sa isyu kaugnay sa pinag-aagawang teritoryo sa West Philippine Sea.

Ito ang sagot ni Sec. Manalo sa deliberasyon ng kanilang proposed 2023 national budget sa Kamara.


Sinabi ni Secretary Manalo, malinaw ang naging polisiya ni Pang. Bongbong Marcos kaugnay sa claims ng Pilipinas sa West Philippine Sea na hindi nito hahayaan na may isang bahagi ng teritoryo ng bansa ang mawala o kaniyang isusuko.


Patuloy na ia-assert ng Pilipinas ang karapatan nito sa West Philippine Sea partikular ang exclusive economic zone (EEZ) ng bansa sa kabila ng pagiging agresibo ng China.


Ipinunto ni Manalo na ipupursige din ng pamahalaan ang independent and principled foreign policy at ipagpapatuloy ng Pilipinas ang pagiging isang mabuting kaibigan sa lahat ng bansa  at hindi isang kalaban.


Inihayag din ni Sec. Manalo na may mga pag-uusap na rin sila kasama ang China at nilinaw nito ang posisyon ng Pilipinas na kailanman hindi kilalanin ng Pilipinas ang historical claims ng Beijing lalo na ang 9 dash line.


Isusulong din ng Pilipinas ang 2016 arbitral ruling at ang UNCLOS decision laban sa China. 


Gagawin nito ang lahat para protektahan ang soberenya ng bansa.


Samantala bukas din ang pamahalaan sa panibagong joint oil and gas exploration kasama ang China sa West Phl Sea.


Binigyang-diin ni Manalo, na hindi i-compromise ng Pilipinas ang legal claims nito sa West PH Sea sa pakikipag sundo sa posibleng energy exploration deal sa China.

PANUKALANG BADYET NG DFA PARA SA 2023, TINALAKAY NG KAPULUNGAN

Tinalakay ngayong Miyerkules ng Komite ng Appropriations ng Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Rep. Elizaldy Co (Party-list, AKO BICOL) ang 2023 panukalang badyet ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nagkakahalaga sa P20.304-bilyon. 


Ang panukalang badyet ng ahensya ay katumbas lamang ng 0.39 porsyento ng P5.268-trilyon pambansang badyet sa 2023. 


Mula sa halagang ito, P20.175-bilyon ang ilalaan sa DFA-Office of the Secretary, habang P128.793 milyon naman ang ilalaan sa mga kalakip na ahensya nito. 


Ang 2023 panukalang badyet ay mas mababa sa 2022 budget ng P 21.54 bilyon. Sinabi ni DFA Secretary Enrique Manalo na ang pagkakaltas sa badyet nila ay makakaapekto sa kanilang operasyon. 


Sa kanyang presentasyon, sinabi ni Undersecretary Antonio Morales na kung tataasan ang 2023 badyet nito ay magiging matibay ang kakayahan ng DFA na mas mapagsilbihan ang mga Pilipino dito at sa ibang bansa, lalo na para sa 10-million-strong diaspora. Gayundin, magkakaroon ng kakayahan ang DFA na tumugon sa lumalaking pangangailangan sa mga panserbisyong konsulado. 


Dahil dito, humihiling ang DFA ng paborableng pagsasaalang-alang ng Tier 2 na mga panukala. Ito ay 1) maibalik ang mga binawas na badyet sa mga operasyong konsulado. 2) taasan ang badyet para sa suweldo ng mga lokal na empleyado upang matugunan ang mga aktwal na kinakailangan ng mga foreign service posts; 3) pagpapatakbo ng 20 temporary on-site passport services (TOPS); 4) madagdagan ang inaprubahang pondo para sa gusali sa fiscal year 2023; at 5) badyet para sa bagong tatag na office of civilian security (OCS). 


Pinangunahan ni Committee Senior Vice-Chairperson Rep. Stella Quimbo (2nd District, Marikina City) at Vice Chairman Rep. Joseph Gilbert Violago (2nd District, Nueva Ecija) ang pagdinig.

MGA PAGSISIKAP SA AGRIKULTURA AT PLANO SA HILAGANG LUZON, IBINUNYAG SA KOMITE

Nagsagawa ng briefing ngayong Miyerkules ang Komite ng North Luzon Growth Quadrangle, na pinamumunuan ni Rep. Angelo Marcos Barba (2nd District, Ilocos Norte) kasama ang Department of Agriculture (DA), at ang mga kalakip nitong ahensya hinggil sa katayuan ng kanilang mga natatanging programa sa 2022, gayundin ang kanilang mga plano at programa para sa Fiscal Year 2023, sa mga rehiyon ng Hilagang Luzon. 


Sa kanyang pambungad na pananalita, binigyang-diin ni Barba ang pangangailangan na magbigay suporta sa mga magsasaka at mangingisda, na walang sawang nagtatrabaho upang magbigay ng mga produkto sa kanilang mga kapwa Pilipino, kahit ang kanilang kinikita ay mas mababa pa sa minimum. 


Aniya, ang Komite ay hindi lamang tututukan na mapabuti ang mga lupang pang-agrikultura sa bansa, kungdi pati na rin sa pagtataguyod ng kapakanan ng mga magsasaka. “It is high time for us to help our farmers, sustain them, and give them the support they need,” aniya. 


Iniulat ni DA Undersecretary Engr. Zamzamin Ampatuan na agarang nagbigay ng suporta ang DA sa mga magsasaka, na kamakailan ay naapektuhan ng lindol. Habang ang mga biktima ay nakatanggap na ng P3.5-milyong halaga ng agrikultural na suplay, ang DA Disaster Risk Reduction and Management Service ay magbibigay din ng karagdagang suporta, na aabot sa P127.5-milyon. 


Pinakinggan din ng mga mambabatas ang mga regional directors ng DA sa Hilagang Luzon, na binalangkas ang mga nagawa ng ahensya, tulad ng paggawa ng mga bagong farm-to-market roads (FMRs), at mga network ng irigasyon; pagsasagawa ng mga pagsasanay at pananaliksik para sa pag-unlad; at pagbibigay ng mga makinarya, kagamitan, at pasilidad sa agrikultura sa mga lokal na magsasaka. 


Nagpahayag ng pagkadismaya si Rep. Luisa Lloren Cuaresma (Lone District, Nueva Vizcaya), na ilang rehiyon na may malaking kontribusyon sa seguridad sa pagkain ng bansa, ay patuloy pa rin na tumatanggap ng mababang pondo para sa mga FMRs. 


Ipinag-diinan din ni Rep. Joseph Lara (3rd District, Cagayan), na ang dapat na paglalaan ng badyet para sa mga FMRs ay batay sa datos. Inihayag ni Ampatuan na nagsimula na ang DA sa paggawa ng mas malinaw na mga parameter, upang matiyak ang mas pantay na alokasyon sa lahat ng rehiyon, gaya ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. 


Ang iba pang opisyales na kasama sa pagpupulong ay mula sa National Irrigation Administration, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, National Food Authority, National Tobacco Administration, Agricultural Credit Policy Council, at National Dairy Authority.

RESOLUSYON NA NAGGAGAWAD NG PARANGAL PARA KAY OBIENA, PINAGTIBAY NG KAPULUNGAN

Nagkakaisang pinagtibay ngayong Miyerkules ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang House Resolution (HR) No. 317, na naggagawad ng parangal kay pole vaulter Ernest John "EJ" Uy Obiena, sa pagbibigay ng karangalan at dangal sa Pilipinas.


Pinapurihan nina Speaker Martin G. Romualdez, House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander A. Marcos, House Minority Leader Marcelino C. Libanan, at Tingog Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude A. Acidre si Obiena, ikatlong vaulter sa buong mundo, sa kanyang pagwawagi ng mga gintong medalya sa 26th Internationales Stabhochsprung-Meeting sa Jockgrim at True Athletes Classic 2022 in Leverkusen, parehong sa bansang Aleman.


“Resolved by the House of Representatives, to congratulate Ernest John ‘EJ’ Uy Obiena for winning the gold medals in the 26th Internationales Stabhochsprung-Meeting held in Jockgrim, Germany and in the True Athletes Classics in Leverkusen, Germany. Resolved, further, that a copy of this Resolution be given to Ernest John “EJ” Uy Obiena,” ayon sa isinasaad sa resolusyon.


Pinagtibay ang HR No. 317 mula sa pinagsama-samang HR Nos. 103, 105, 123, 131, 138, 147, 207, at 246.


Pinuri ng mga mambabatas si Obiena, isang Filipino Olympian at Men’s Pole Vault record holder, sa kanyang natatanging kontribusyon sa pagbibigay ng karangalan sa bansa.


“The exemplary performance of Ernest John ‘EJ’ Uy Obiena in pole vaulting deserves utmost commendation and distinction for the honor and glory he brought to the country,” ayon sa resolusyon.


“With his string of accomplishments, EJ’s feat is one of the greatest in Philippine athletics’ history, and underscored the kind of dizzying heights the country has achieved in pole vaulting,” ayon pa sa resolusyon. “He is set to compete again in various events, and with

his hard work and determination to be the best male pole vaulter, success is within his reach.”


Noong ika-23 ng Agosto 2022, nagwagi si Obiena ng gintong medalya sa 26th Internationales Stabhochsprung-Meeting sa Jockgrim, Germany.


Sa loob lamang ng limang araw, muling nanalo si EJ Obiena ng isa pang gintong medalya sa True Athletes Classics 2022 sa Leverkusen, Germany noong ika28 ng Agosto 2022.


Sa 26th Internationales Stabhochsprung-Meeting, ay nagtala si Obiena ng 5.81 meters sa kanyang seven-meet stretch, at tinalo ang sampu niyang mga katunggali, kabilang na ang nasa ikalawang pwesto na si Christopher Nilsen ng Estados Unidos, na nagtala ng 5.71 meters, at Kurtis Marschall ng Australia, na kumuha ng ikatlong pwesto sa parehong tala na 5.71 meters.


Sa True Athletes Classics 2022 naman, nagwagi si Obiena matapos siyang magtala ng 5.81 meters, para maungusan sina Rutger Koppelaar ng Netherlands at Kurtis Marschall ng Australia.


Bukod sa pagwawagi ng mga gintong medalya, naabot ng pole vaulter ang pamantayan upang maging kwalipikado sa 2023 World Athletics Championships, na gaganapin sa Budapest, Hungary.


Mula sa kanyang makasaysayang medalyang tanso sa 2022 World Athletics Championships na idinaos sa Oregon, United States of America, ay umangat si Obiena mula pang-anim, hanggang sa ikatlong pwesto sa men’s pole vault, at nangunguna siya sa Asia.

RESOLUSYON NA NAGPAPALAWIG SA BUHAY NG CONGRESSIONAL OVERSIGHT COMMITTEE ON DANGEROUS DRUGS, PINAGTIBAY NG KAPULUNGAN

Nagsagawa ngayong Miyerkules ng pulong para sa pag-oorganisa ang Komite ng Dangerous Drugs sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, at kanilang pinagtibay ang kanilang Rules of Procedure. Isa sa mga tampok sa pagpupulong ay ang pagpapatibay ng mga miyembro ng Komite sa House Joint Resolution No. 7, na naglalayong palawigin ang buhay ng Congressional Oversight Committee on Dangerous Drugs, na itinatag alinsunod sa Section 95 ng RA 9165, na naamyendahan, at mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. 


Iniakda ni Barbers, isinasaad sa HJR 7 na ang Congressional Oversight Committee on Dangerous Drugs ay mananatiling magmomonitor at titiyakin ang wastong implementasyon ng mga otorisadong drug testing, pagtatatag at operasyon ng drug treatment at rehabilitation centers, kabilang na ang joint anti-drug operations ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP), at National Bureau of Investigation (NBI). 


Isinasaad rin dito na tinukoy ng oversight committee ang mga kahinaan sa batas sa droga, na nangangailangan ng masusing pagrerepaso sa mga polisiya / proseso ng mga nagpapatupad na ahensya, pakikipag-ugnayan sa hudikatura at kodipikasyon ng batas sa droga. Ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ay isinabatas noong ika-7 ng Hunyo 2002 bilang Republic Act 9165, at nagkabisa noong ika-4 ng Hulyo 2002. 


Isinasaad sa resolusyon na alinsunod sa Section 5 ng RA 9165, ang Congressional Oversight Committee on Dangerous Drugs ay itinatag matapos magkabisa ang batas, at kinabibilangan ng tag-pipitong miyembro mula sa Kapulungan ng mga Kinatawan at Senado na pinamumunuan ng bawat Chairpersons ng Komite ng Dangerous Drugs at Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs. Isinasaad din sa resolusyon na ang Republic Act No. JR00004 ay isinabatas noong ika-30 ng Agosto 2012 at pinalalawig ang buhay ng oversight committee mula Hulyo 2012 hanggang Hulyo 2022. 


Ilan sa mga tungkulin ng Congressional Oversight Committee on Dangerous Drugs ay tiyakin ang kalinawan at gawing rekisitos ang pagsusumite ng mga ulat mula sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan, sa kanilang isinasagawang programa, proyekto at mga polisiya na may kaugnayan sa pagpapatupad ng naturang batas. 


Samantala, sa idinaos na pagdinig, nagpahayag ng mga kaganapan ang mga opisyal ng PNP, PDEA at NBI sa Komite ng Dangerous Drugs hinggil sa kanilang nakamit na tagumpay sa kanilang kampanya laban sa iligal na droga, mga plano at mga programa.

RESOLUSYON NA PUMUPURI KAY EJ OBIENA, PINAGTIBAY NG KAPULUNGAN, MGA KARAGDAGANG CHAIRPERSONS NG MGA ESPESYAL NA KOMITE, HINIRANG

Pinagtibay ngayong Miyerkules sa Kapulungan ng mga Kinatawan na pinamumunuan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang House Resolution 317, na bumabati kay Ernest John "EJ" Uy Obiena, ang Pilipinong pole vaulter, na nagwagi ng mga gintong medalya sa 26th Internationales Stabhochsprung-Meeting at True Athletes Classics 2022. Sinimulan ni Obiena ang kanyang seven-meet streak sa pagtala ng 5.81 meters sa Internationales Stabhochsprung-Meeting. 


Samantala, nagwagi rin siya sa True Athletes Classics 2022 matapos siyang magtala ng 5.81 meters. Naabot rin ni Obiena ang pamantayan upang maging kwalipikado sa 2023 World Athletics Championships na gaganapin sa Budapest, Hungary, sa resolusyong pinagsama-sama ng HRs 103, 105, 123, 131, 138, 147, 297 at 246. Ito ay iniakda nina Speaker Romualdez, Majority Leader Manuel Jose Dalipe, Minority Leader Marcelino Libanan, Senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander Marcos at TINGOG Partylist Reps. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre. 


Gayundin, hinirang ng Kapulungan ang mga karagdagang chairpersons ng mga Espesyal na Komite. 


Si Rep. Luisa Lloren Cuaresma (Lone district, Nueva Vizcaya) ay nahalal bilang Chairperson ng Espesyal na Komite ng Seguridad sa Pagkain, samantalang si Rep. Francisco Jose Matugas II (1st District, Surigao del Norte) ay nahirang naman bilang Chairperson ng Espesyal na Komite ng Land Use. 


Samantala, sa kanyang privilege speech, pormal na nanawagan si SENIOR CITIZENS Partylist Rep. Rodolfo Ordanes ng isang imbestigasyon, sa National Commission of Senior Citizens (NCSC) hinggil sa kanilang mga aktibidad. 


Inanyayahan niya rin si NCSC Chairman Franklin Quijano na magpaliwanag hinggil sa mga usapin ng Komisyon. 


Binatikos ni Ordanes ang mabagal na paglilipat ng mga tungkulin mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), tungo sa NCSC matapos na maisabatas ang RA 11350, o ang "National Commission of Senior Citizens Act," noong 2019. Ang hybrid na sesyon ay pinangunahan ni Deputy Speaker Isidro Ungab.

MGA PANUKALA SA PENCAS AT DELINEATION OF SPECIFIC FOREST LIMITS NG PUBLIC DOMAIN, TINALAKAY NG KOMITE

Nagdaos ng panimulang deliberasyon sa House Bills 73 at 2604 ang Komite ng Natural Resources sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Rep. Elpidio Barzaga Jr. (4th District, Cavite) ngayong Miyerkules. Ang dalawang panukala ay naglalayong itatag ang Philippine Ecosystem and Natural Capital Accounting System (PENCAS). 


Sa kanyang sponsorship speech, sinabi ni Rep. Antonio Legarda Jr. (Lone District, Antique), may-akda ng HB 2604, na ang PENCAS ay isang permanenteng ahensya ng pamahalaan na magtutuos ng pangkalahatang stock ng likas na yaman, na maaaring magamit at ang mga dapat na pangalagaan. 


"In other words, we need a system that would serve as a guide for our economic managers to work for national growth and development without harm to our natural resources," ani Legarda. Samantala, ang HB 73 ay iniakda ni Rep. Jose Francisco Benitez, PhD (3rd District, Negros Occidental). 


Sa ginanap na pagdinig, tinukoy ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Analiza Teh ang panukalang PENCAS bilang isa sa prayoridad na lehislasyon ng ahensya. 


Binanggit niya ang iba pang mga prayoridad na lehislasyon, tulad ng panukalang Mineral Processing and Value-adding Act, ang pagtatag ng isang fiscal regime para sa industriya ng pagmimina, regulasyon sa single-use ng mga produkto ng plastik, ang pagtatatag, pagmamantine at pangangasiwa ng rainwater harvesting systems, Land Reform Administration Bill, National Land Use Bill, kasama ang Integrated Coastal Management Bill. Sinimulan ring talakayin ng lupon ang HBs 3707 at 2596, na naglalayong tukuyin ang specific forest limits sa mga public domain. 


Ang mga panukala ay iniakda nina Deputy Speaker Ralph Recto at Rep. Jose Manuel Alba (1st District, Bukidnon), ayon sa pagkakasunod.

MGA PANUKALA HINGGIL SA APPRENTICESHIP AT DUAL TRAINING SYSTEM, PAGSAMA NG NATIONAL BUILDING CODE BILANG PANGUNAHING ASIGNATURA SA KURSO NG ENGINEERING, APRUBADO

Pinagsama-samang inaprubahan ngayong Miyerkules ng Komite ng Higher at Technical Education ng Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Rep. Mark Go (Lone District, Baguio City) ang dalawang panukala hinggil sa apprenticeship at dual training system. Ito ay ang House Bill 1665 na inihain ni Rep. Rufus Rodriguez (2nd District, Cagayan de Oro City), at HB 2283 ni Rep. Eduardo Villanueva (Party-list, CIBAC). 


Sa kanyang pambungad na mensahe, sinabi ni Rodriguez na, “the State recognizes that apprenticeship, learnership, dual-tech training and other forms of industry-based training arrangements will certainly develop the skills of student-trainees in a world where technology is rapidly changing.” Aprubado din ang HB 1693 ni Deputy Speaker Aurelio Gonzales, Jr. 


Ang panukalang batas ay magmamandato ng pagsasama ng National Building Code of the Philippines sa ilalim ng RA 6541, bilang pangunahing asignatura sa kurikulum ng Bachelor of Science degree programs sa Civil Engineering, Mechanical Engineering, Electrical Engineering, Sanitary Engineering, Electronics Engineering, at Arkitektura. 


Samantala, inaprubahan din ng komite ang HB 2351 kung saan ang San Isidro Satellite Campus ng Leyte Normal University na matatagpuan sa San Isidro, Leyte ay gagawing isang regular na campus. Ang panukalang batas ay inihain nina Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Rep. Yedda Marie Romualdez, at Rep. Jude Acidre (Party-list, TINGOG). 


Inaprubahan din ng Komite ang HB 2625, kung saan ang Floridablanca National Agricultural School sa Floridablanca, Pampanga ay gagawing isang attached campus ng Pampanga State Agricultural University sa Magalang, Pampanga. Ang panukalang batas ay inihain ni Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo. 


Inaprubahan din ang pinagsamang HB 2167 ni Rep. Jose Teves Jr. (Party-list, TGP) at HB 3893 ni Rep. Eulogio Rodriguez (Lone District, Catanduanes). 


Ang mga nasabing panukala ay ilalagay sa pangangasiwa ng Technical Education and Skills Development Authority ang Cabugao School of Handicraft and Cottage Industries na nasa Bato, Catanduanes. Ito ay makikilala bilang Catanduanes Polytechnic Skills Development Institute. Inaprubahan din ang Ulat ng Komite para sa mga panukala.

MMDA NAGBRIEFING SA MGA MAMBABATAS HINGGIL SA MGA INISYATIBA NG PAMAHALAAN

Nagdaos ngayong Miyerkules ng pulong para sa pag-oorganisa ang Komite ng Metro Manila Development sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Rep. Rolando Valeriano (2nd District, Manila), at kagyat na inaprubahan ang Rules of Procedure ng Komite. 


Inilatag ni Valeriano ang mga tungkulin ng lupon na kanilang kakaharapin sa ika-19 na Kongreso, ito ay ang: 1) development planning para sa Metro Manila; 2) pagsusuri ng mga umiiral na proyekto; 3) pamamahala ng transportasyon at trapiko; 4) pamamahala at disposal ng solid waste; 5) pagkontrol sa baha at pamamahala sa mga imburnal; 6) zoning at land use planning; at 7) pagtitiyak sa pampublikong kaligtasan. 


Iginiit niya ang pangangailangan sa matibay na pakikipagtulungan sa pagitan ng Kongreso at iba pang mga ahensya ng pamahalaan, upang matugunan ang mga umiiral na usapin na nararanasan ng lahat ng distrito sa rehiyon. 


Matapos nito, ay nagsagawa ng briefing ang mga may kaugnayang ahensya, sa kanilang mga plano at programa para sa Metro Manila. 


Sa pamamagitan ng audio-visual presentation, iniulat ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na patuloy nilang pinauunlad ang kanilang intelligent transport systems (ITS), upang maiayos ang pagiging episyente ng MMDA sa pagganap nila sa kanilang mandato. 


Dagdag pa rito, pinamamahalaan din ng MMDA ang operasyon sa mga pasilidad ng pagkontrol sa baha, pumping stations, kabilang na ang pagmamantine ng daluyan ng tubig, upang mabawasan ang matinding pagbaha sa National Capital Region. Isinusulong naman ni Rep. Jose Arturo Garcia Jr. (3rd District, Rizal) ang pag-aayos ng mga umiiral na pumping stations at parusahan ang mga nagkakalat ng basura sa mga kanal. 


Samantala, hinimok nina Reps. Roman Romulo (Lone District, Pasig City) at Edward Vera Perez Maceda (4th District, Manila) ang mga ahensya na magkortesiya na regular na ipaalam sa mga kinatawan ng mga distrito ang mga kaganapan sa kanilang mga plano at proyekto. 


Sinabi ni Maceda na makakatulong ang mga mambabatas upang maging kapaki-pakinabang ang mga pagsisikap na ito sa kanilang mga nasasakupan. 


Nangako naman sina MMDA Chairman Carlo Dimayuga III, Department of Public Works and Highways Secretary Manuel Bonoan, Department of Interior and Local Government Undersecretary Marlo Iringan, gayundin ang opisyal ng Department of Health, Philippine National Police, at Commission on Higher Education, na makikipagtulungan sila sa Kongreso at mga mambabatas, upang iulat ang kani-kanilang mga inisyatiba.

MGA PAGSISIKAP SA AGRIKULTURA AT PLANO SA HILAGANG LUZON, IBINUNYAG SA KOMITE

Nagsagawa ng briefing ngayong Miyerkules ang Komite ng North Luzon Growth Quadrangle, na pinamumunuan ni Rep. Angelo Marcos Barba (2nd District, Ilocos Norte) kasama ang Department of Agriculture (DA), at ang mga kalakip nitong ahensya hinggil sa katayuan ng kanilang mga natatanging programa sa 2022, gayundin ang kanilang mga plano at programa para sa Fiscal Year 2023, sa mga rehiyon ng Hilagang Luzon. 


Sa kanyang pambungad na pananalita, binigyang-diin ni Barba ang pangangailangan na magbigay suporta sa mga magsasaka at mangingisda, na walang sawang nagtatrabaho upang magbigay ng mga produkto sa kanilang mga kapwa Pilipino, kahit ang kanilang kinikita ay mas mababa pa sa minimum. 


Aniya, ang Komite ay hindi lamang tututukan na mapabuti ang mga lupang pang-agrikultura sa bansa, kungdi pati na rin sa pagtataguyod ng kapakanan ng mga magsasaka. 


“It is high time for us to help our farmers, sustain them, and give them the support they need,” aniya. 


Iniulat ni DA Undersecretary Engr. Zamzamin Ampatuan na agarang nagbigay ng suporta ang DA sa mga magsasaka, na kamakailan ay naapektuhan ng lindol. 


Habang ang mga biktima ay nakatanggap na ng P3.5-milyong halaga ng agrikultural na suplay, ang DA Disaster Risk Reduction and Management Service ay magbibigay din ng karagdagang suporta, na aabot sa P127.5-milyon. 


Pinakinggan din ng mga mambabatas ang mga regional directors ng DA sa Hilagang Luzon, na binalangkas ang mga nagawa ng ahensya, tulad ng paggawa ng mga bagong farm-to-market roads (FMRs), at mga network ng irigasyon; pagsasagawa ng mga pagsasanay at pananaliksik para sa pag-unlad; at pagbibigay ng mga makinarya, kagamitan, at pasilidad sa agrikultura sa mga lokal na magsasaka. 


Nagpahayag ng pagkadismaya si Rep. Luisa Lloren Cuaresma (Lone District, Nueva Vizcaya), na ilang rehiyon na may malaking kontribusyon sa seguridad sa pagkain ng bansa, ay patuloy pa rin na tumatanggap ng mababang pondo para sa mga FMRs. 


Ipinag-diinan din ni Rep. Joseph Lara (3rd District, Cagayan), na ang dapat na paglalaan ng badyet para sa mga FMRs ay batay sa datos. Inihayag ni Ampatuan na nagsimula na ang DA sa paggawa ng mas malinaw na mga parameter, upang matiyak ang mas pantay na alokasyon sa lahat ng rehiyon, gaya ng utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. Ang iba pang opisyales na kasama sa pagpupulong ay mula sa National Irrigation Administration, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, National Food Authority, National Tobacco Administration, Agricultural Credit Policy Council, at National Dairy Authority.

MAS MAAYOS NA PAGGAMIT NG PONDO NG DOT, TINIYAK NI TOURISM SECRETARY FRASCO SA KAPULUNGAN

Nagdaos ngayong Miyerkules ng p agdinig ang Komite ng Appropriations sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni AKO BICOL Rep. Elizaldy Co, hinggil sa P3.573-bilyon na panukalang badyet ng Kagwaran ng Turismo (DOT) para sa piskal na taong 2023, na mas mataas sa badyet ngayong taon na P2.5-bilyon. Binigyang-katwiran ni Tourism Secretary Christina Garcia-Frasco ang panukalang badyet na tutulong sa DOT na maisakatuparan ang pitong puntong adyenda nito na: 1) pagpapabuti ng imprastraktura ng turismo at kaginhawahan sa pag-akses; 2) magkakaugnay at komprehensibong digitalisasyon at pagkakaugnay; 3) pagpapahusay ng pangkalahatang karanasan ng mga turista; 4) pagkakapantay-pantay ng pagpapaunlad at promosyon ng produkto ng turismo; 5) sari-saring uri ng portfolio sa pamamagitan ng multidimensional na turismo; 6) sulitin ang lokal na turismo; at 7) pagpapalakas ng pamamahala sa turismo, sa pamamagitan ng mahigpit na pakikipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan at mga nagsusulong.  Ibinahagi ng pamilya ng DOT ang magandang balita, na nakaranas ng 3.8 porsiyentong pagtaas noong 2021 ang industriya ng turismo. 


Bukod dito, mula nang magbukas ng pinto ang bansa sa pandaigdigang turismo noong Pebrero 2022, tinanggap nito ang 1,352,904 milyong manlalakbay, hanggang ika-28 ng Agosto 2022. Ito ay mas mataas kaysa sa 163,879 dumating na mga turista, na naitala sa buong 2021. 


Sa kaniyang interpelasyon, sinabi ni Manila Rep. Edward Vera-Perez Maceda na ang P3.573 bilyong panukalang badyet ay hindi sapat upang ipatupad ang lahat ng programa ng DOT para sa susunod na taon. 


Habang suportado niya ang panukalang badyet ng DOT, nagpahayag si Maceda ng pag-asa na magiging mas mahusay ang paggamit ng pondo ng DOT, at sinambit niya na noong nakaraang administrasyon, ang paggamit ng pondo ng DOT ay nasa 34 porsiyento lamang. 


Kinumpirma ni Frasco na nito lamang ika-30 ng Hunyo 2022, 34 porsiyento lamang ng pondo nito ang nagamit ng DOT. “So immediately, we coordinated with the operating units of the department to require them to submit catch up plans to ensure that the utilization rate will vastly improve, with the goal of course of having a 100 percent utilization, if not that, at least a 90 percent utilization. We will ensure the full maximization of the funds that have been made available to us within this year,” ani Frasco.

KARAGDAGANG PONDO PARA SA PNP AT IBA PANG ANTI-DRUG AGENCIES, ITINULAK NI REP. RICHARD GOMEZ

Itinutulak ni Leyte Rep. Richard Gomez na dagdagan ng Kongreso ang pondo ng PNP at iba pang anti-drug agencies para sa training sa paghawak ng mga ebidensya sa drug cases.


Ito’y matapos ibahagi ni PNP Deputy Chief of Operations PMGEN Benjamin Santos na nasa .88 percent o wala pang isang porsyento ang conviction rate nila sa mga kaso na may kaugnayan sa iligal na droga.


Malaking dahilan aniya nito ang pagkaka-dismiss ng kaso dahil sa technicality sa chain of custody o paghawak sa mga ebidensya.


Punto ni Gomez, kung magtutuloy-tuloy ang mababang conviction rate ay paglalaruan lang ng mga drug traffickers ang otoridad.


Bilang dating local chief executive batid ani Gomez ang hirap ng mga kapulisan para sa labanan ang iligal na droga ngunit nababalewala lamang dahil sa teknikalidad.


Ayon naman kay Santos, nitong nakaraang linggo ay isinailalim nila sa training kaugnay sa chain of custody ang nasa 16,000 investigators.


“We can see that the conviction rate is very low. A major part of that, major contributor of that is the technicality on the chain of custody. That’s why if by legislation Mr. Chair, maybe we can help the police force or all the anti-drug agencies to at least increase tehir budget for training para mas gumaling ang pag-handle nila ng mga evidence, pag-harap nila sa mga cases nila otherwise, kung magtutuloy-tuloy lang ‘to, kawawa rin naman yung mga trabaho ng pulis nababalewala. With a very low conviction rate of less than 1percent, paglalaruan lang tayo ng mga drug traffickers.” Saad ni Gomez.

DAGDAG SA 2023 BUDGET NG DFA, HINILING NG KAGAWARAN SA KAMARA

Umaabot sa 20.303  billion pesos ang  budget ng department of foreign affairs para sa fiscal year 2023.


Mas mababa ito ng 1.2 billion pesos kumpara sa 2022 budget na nasa 21.545 billion pesos.


Sa pagharap ng DFA sa house committee on appropriation, hiniling nito  dagdagan ang kanilang budget para sa susunod na taon upang mas palakasin ang kapasidad ng DFA.


Ayon sa DFA undersecretary Antonio Morales nasa 10.7 million na ang mga pinoy sa ibat ibang bahagi ng mundo kaya tumataas din ang demand ng mga ito na mapagsilbihan.


Sa katunayan anya.. marami na ang nagrerequest ng dagdag na consular office abroad para matugunan ang kanilang pangangailangan.


Panawagan ng DFA, ibalik ang ibinawas na budget para sa  tier  2 proposal ng ahensya.


Samantala, ipinagmalaki naman  ng DFA na kabilang sila sa top  revenue generating agency ng bansa kung saan umabot sa 3 billion pesos.

Tuesday, August 30, 2022

ILANG MGA PANUKALANG BATAS, INAPRUBAHAN NG COMMITTEE ON HIGHER EDUCATION NGAYONG ARAW

Inaprubahan ng house committee on higher  and technical education ang ilang panukalang batas. 


Ito ay ang House Bill 2625 o converting the Floridablanca National Agriculture School na maging attached campus ng Pampanga State Agricultural University. 


Umaasa si  senior deputy speaker Gloria Macapagal Arroyo  na may akda ng house bill na maisasabatas ang panukala upang masalba ang buhay ng eskwelahan na humaharap sa hamon ng pondo para mas lalong makapagsilbi sa mamayan duon. 


inaprubahan din ng komite ang house bill 3251 converting the San Isidro Satellite Campus of the Leyte Normal University  na maging  regular campus  na panukala ni  Tingog party-list Rep. Yedda Marie Romualdez. 


Lusot din sa committee level ang HB 1693, Mandating the integration of the National Building Code of the Philippines bilang major subject ng mga Engineering courses. 


Maging ang HB 1665 o Establishing an enterprise-based education and training program ay inaprubahan ng komite.

PANANAMBANG AT PAGPATAY SA HEPE NG PNP AT DRIVER NITO SA AMPATUAN, PINA-IIMBESTIGAHAN

Umapela si Basilan Representative Mujib Hataman sa Philippine  National Police  na imbestigahan at resolbahin sa lalong madaling panahon ang pinakahuling insidente ng karahasan sa bayan ng Ampatuan.


Kinundina ni Hataman ang pag-ambush sa hepe ng bayan ng Ampatuan na si Police Lt. Reynaldo Samson at driver/bodyguard nito na si Police Corporal Salipudin Endab at pagkasugat ng tatlong iba pa.


Isisilbi sana ng grupo ni Samson ang warrant of arrest sa isang nagngangalang Kamir Kambal na wanted sa kaso ng robbery nang tambangan ang mga ito.


Pinaniniwalaan na kagagawan ng grupo ni Abdulnasser saptula gulanid ang ambush kina Samson at mga kasamahan nito.


Giit ni Hataman, dapat imbestigahan din ng PNP ang anggulo na may breakdown ng peace and order sa lugar at bakit alam ang ruta at oras ng pagpunta ng mga pulis para isilbi ang warrant.