Friday, June 20, 2025

Spox Bucoy

Sen Bato pinuna sa pagpapakalat ng kasinungalingan



Pinuna ng tagapagsalita ng House prosecution panel sa impeachment si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa pagpapakalat ng artificial intelligence-generated na content laban sa impeachment ni Vice President Sara Duterte, na nagpapakita rin umano ng pagkiling nito sa halip na maging patas sa Senate impeachment trial.


“Kaya ho merong isasabatas against fake news. Meron hong samahan ‘yung Movement Against Disinformation. Ang target po niyan, among others ay ‘yung mga fake media productions gaya po ng AI,” sabi ng tagapagsalita na si Atty. Antonio Audie Z. Bucoy.


“Kung alam po ni Sen. Dela Rosa na fake ‘yun, he’s propagating a lie,” dagdag pa niya.


Tinutukoy ni Bucoy ang isang kontrobersyal na post ni Dela Rosa kung saan ibinahagi nito ang link sa isang AI-manipulated video na nagpapakita ng mga estudyanteng umano'y tutol sa impeachment trial laban kay VP Duterte.


Ang nasabing video ay kumalat sa social media at na-flag na ng mga fact-checker at media watchdog bilang peke.


“The message doesn’t matter. If the source is fake, how can you rely on the message? Hindi po ba? Kung polluted ‘yung source, eh ‘di polluted ‘yung message. So, pure propaganda. It only emphasizes the bias,” dagdag ni Bucoy.


Si Dela Rosa, na inaasahang magsisilbing senator-judge sa nalalapit na impeachment trial, ay umaming alam niyang AI content ang kanyang ibinahagi at naninindigan siyang naniniwala pa rin siya sa mensaheng ipinaparating nito.


Nang tanungin kung ano ang masasabi sa tila kawalang-pakialam ng senador sa katotohanan, hindi nagpaikot-ikot si Bucoy.


“Well, if he doesn’t care then huhusgahan siya ng bayan. Pag takbo niya sa susunod, hindi na siya iboboto,” ani Bucoy. “It’s political suicide.” (END)


_________


Maikling Opinyon:


Ang isang senador na bahagi ng impeachment court ay dapat magpakita ng pinakamataas na antas ng integridad at pagiging patas—hindi tagapagpakalat ng impormasyon na alam niyang peke. Kung si Sen. Bato Dela Rosa mismo ang nagpapalaganap ng AI-generated fake content laban sa lehitimong proseso ng impeachment, hindi lang niya sinisira ang tiwala ng publiko—nilalapastangan din niya ang sariling tungkulin bilang hukom sa paglilitis.


Tama si Atty. Bucoy: kung “polluted ang source,” hindi maaaring paniwalaan ang mensahe. Sa panahong laganap ang disimpormasyon, ang katotohanan ang dapat itindig. Ang Senado ay hindi lugar ng propaganda kundi ng katarungan.


ooooooooooooooooooooo


Impeachment trial ni VP Sara pagsubok din sa moral na panangutan sa bansa


Itinuring ng beteranong human rights lawyer na si Atty. Antonio Audie Z. Bucoy, ang itinalagang tagapagsalita ng prosecution panel ng Kamara de Representantes, ang nalalapit na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ay hindi lamang isang legal na proseso kundi isang mahalagang pambansang hamon sa moral na pananagutan.


Sa kanyang kauna-unahang press conference bilang opisyal na tagapagsalita ng mga House impeachment prosecutors, binigyang-diin ni Bucoy ang bigat at kahalagahan ng mga kasong inihain sa Senado.


“Tayo ay nahaharap sa isang usaping pananagutan. Pero ito po ay hindi pangkaraniwan na usaping pananagutan. Ito po ay moral na usaping pananagutan,” ayon kay Bucoy.


“Ito po ay kaakibat sa natatanging proseso na hinaharap ng sambayanan. Ito po ay ang impeachment ng ating Pangalawang Pangulo,” dagdag pa ng abogado.


Ayon kay Bucoy, ngayon lang sa kasaysayan ng Pilipinas may na-impeach na Bise Presidente dahil sa pagkontrata sa magsasakatuparan sa kanyang banta sa Pangulo, Unang Ginang, at Speaker ng Kamara.


“Sa kauna-unahang pagkakataon, sinakdal ang pangalawang pinakamataas na pinuno ng bansa sa pagbabanta sa buhay ng Pangulo, ng Unang Ginang, at ng Speaker of the House. Hindi lang po ito pagbabanta. Inamin niya na kumontrata siya ng taong magsasakatuparan ng bantang ito. In other words, may kinontrata na siya na asasino o mamamatay-tao,” giit nito.


Ipinunto rin ni Bucoy na hindi pangkaraniwan at mabigat ang mga kasong isinampa laban kay VP Sara, gaya ng pandarambong, paglulustay ng pondo ng bayan, pagtataksil sa Saligang Batas, at iba pang karumaldumal at mabibigat na krimen.


“Natatangi rin dahil sa kauna-unahang pagkakataon, nasakdal din siya sa pangalawang artikulo which is pandarambong ng kaban ng bayan or plunder. Natatangi because nasasakdal siya sa pangatlong artikulo, malbersasyon ng pananalapi ng bayan. Natatangi dahil siya nasasakdal sa pagkataksil sa Saligang Batas. And finally natatangi dahil sinakdal siya sa mga karmaldumal na krimen,” ayon pa sa tagapagsalita ng prosekusyon.


Ngunit ayon kay Bucoy, hindi lamang si VP Duterte ang nakasalang sa paglilitis na ito—kundi maging ang integridad ng Senado at ang konsensyang moral ng sambayanang Pilipino.


“Ito pong paglilitis na ito, hindi lang ang Pangalawang Pangulo ang nasasakdal. Nasasakdal din po rito ang institusyon ng Senado bilang isang impeachment court. Nasasakdal din ang buong sambayanan,” saad pa nito.


Nanawagan din siya sa publiko na maging mapagmatyag at aktibong lumahok sa proseso ng paglilitis.


“Dapat ay buksan ang mga mata, makilahok sa proseso upang sa gayon matugunan ang mga pag-aagam-agam at mga katanungan,” ani Bucoy.


Inaasahang magsisimula ang impeachment trial sa mga darating na linggo. Nangako ang mga tagausig ng Kamara na maghahain sila ng matitibay na ebidensya at mga saksi upang patunayan ang mga paratang. (END)


__________


Maikling Opinyon:


Tama si Atty. Audie Bucoy—ang impeachment trial ni VP Sara Duterte ay higit pa sa legal na laban; ito ay salamin ng moral na katatagan ng bansa. Sa harap ng mga mabibigat na akusasyon, hindi sapat ang teknikal na paliwanag o pulitikal na alyansa. Ang tanong: May tapang ba tayong pairalin ang prinsipyo ng pananagutan, kahit gaano kataas ang puwesto ng inaakusahan?


Hindi lang si VP Sara ang sinusubok dito. Ang Senado, bilang hukuman ng impeachment, at ang sambayanan, bilang tagapagbantay ng katotohanan, ay parehong sinusubok ang konsensyang moral. Sa panahong ito, kailangang maging matalas ang ating pag-unawa: katarungan ang dapat manaig, hindi kapangyarihan.



oooooooooooooooooooooooo


Walang Crossover sa Impeachment— House prosec spox


Maaaring ipagpatuloy at dapat ituloy ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa ilalim ng Ika-20 Kongreso sapagkat ang pananagutang itinakda ng Konstitusyon ay hindi nakatali sa takdang termino ng Kongreso, ayon kay Atty. Antonio Audie Z. Bucoy, tagapagsalita ng prosecution panel ng Kamara.


Bilang sagot sa tanong ng Senado kung itutuloy pa ng Kamara ang kaso, mariing itinanggi ni Bucoy ang ideya na hindi maaaring tumawid ang impeachment trial mula Ika-19 patungong Ika-20 Kongreso, at sinabing ito ay isang maling pag-unawa sa kung paano gumagana ang mga institusyon ng pamahalaan.


“Sa akin pong pananaw at pananaw ng prosecution panel, there’s no such thing as crossover,” pahayag ni Bucoy sa isang press conference.


“Ang natatapos po ay ‘yung legislative work, ang paggawa ng batas. ‘Yung institusyon ng Kongreso, ‘yung institusyon ng Senado ay hindi po ‘yan nag-e-expire. Tuloy-tuloy po ‘yan,” giit niya.


Paliwanag ni Bucoy, ang kalituhan ay nag-ugat sa maling pag-aakala na ang pagtatapos ng isang legislative session ay nangangahulugang tapos na rin ang hurisdiksyon ng mga institusyon—isang interpretasyong taliwas sa Konstitusyon at sa mga umiiral na desisyon ng Korte Suprema.


“It’s a misnomer to say, ‘Will it cross over?’ There’s nothing in the Constitution that says crossover,” ani Bucoy.


“In fact, sa ilang decided cases gaya po ng Pimentel v. Joint Committee, sinabi ng Supreme Court na ang napuputol ay ang legislative session—hindi ang proseso ng impeachment,” paliwanag pa ng abogado. 


Inihalintulad din ni Bucoy ang impeachment court ng Senado sa isang collegial body gaya ng hudikatura, kung saan hindi kailangang magsimulang muli ang proseso kahit magpalit ng mga miyembro.


“Ang institusyon does not expire. Gaya po ‘yan sa collegial body, meaning judges composed of more than one. Kahit na ho magpalit ‘yung mga hukom doon, hindi naman back to square one ‘yung paglilitis. Tuloy-tuloy ‘yan,” paliwanag niya.


“Ganoon din ang impeachment court. It doesn’t matter what the composition is because the institution survives. It does not expire. It is the legislative function that expires,” dagdag ni Bucoy.


Matatandaang sinampahan ng Kamara ng impeachment si Vice President Sara Duterte noong Pebrero 2025 dahil sa mga kasong pagbabanta sa buhay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, at House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez; hayagang paglabag sa Konstitusyon; pagtataksil sa tiwala ng publiko; at maling paggamit ng confidential at intelligence funds noong siya’y kalihim ng edukasyon sa mga taong 2022 at 2023.


Ang Senado, na ngayon ay nakaupo bilang isang impeachment court, ay humiling sa Kamara na kumpirmahin kung balak pa rin nitong ituloy ang kaso sa Ika-20 Kongreso.


Naninindigan naman ang mga tagausig ng Kamara na nananatili ang kanilang mandato at nararapat lamang na ituloy ang paglilitis bilang pagtupad sa hangad na katarungan at tungkuling itinatadhana ng Saligang Batas. (END)


__________


Maikling Opinyon:


Wasto ang paninindigan ni Atty. Audie Bucoy—ang impeachment ay hindi larong pampulitika na pwedeng putulin sa gitna ng proseso dahil lang sa pagpapalit ng Kongreso. Ito ay usapin ng pananagutan, at ang pananagutan ay walang “term limit.” Ang argumento laban sa tinatawag na “crossover” ay malinaw na pagpapahina sa prinsipyo ng check and balance sa ilalim ng Konstitusyon.


Kung hahayaan nating mabura ang proseso sa bawat pagtatapos ng Kongreso, binibigyan natin ng laya ang mga opisyal na magtago sa likod ng teknikalidad para umiwas sa pananagutan. Kaya’t tama lang na ituloy ang paglilitis. Katarungan ang hinihingi rito—at ang katarungan ay hindi dapat naantala ng kalendaryo ng pulitika.


oooooooooooooooooooooooo


Impeachment trial ni VP Sara dapat bilisan— House impeachment panel spox



Ipinahayag ng tagapagsalita ng House impeachment prosecution panel ang kanyang pagkadismaya sa mabagal na pag-usad ng paglilitis ng Senado sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.


“Sa ngayon, will there be a swift trial? It doesn’t look that way. There’s so much foot dragging on the part of the impeachment court. Also on the part of the impeached official,” ani Atty. Antonio Audie Z. Bucoy sa kanyang kauna-unang press conference bilang tagapagsalita ng House impeachment panel.


“Pero ito po, once ito ay umusad, pag-usad po nito sa panig ng prosecution, hindi ang prosecution ang magbibigay ng dahilan para maantala ito. Ang gusto ng prosecution, swift trial,” ani Bucoy.


Ang pahayag ni Bucoy ay kaugnay ng pangamba ng iba’t ibang sektor, kabilang ang mga business group, na ang mabilis na paglilitis ay makabubuti sa kumpiyansa ng mga mamumuhunan at sa kabuuang kalagayan ng ekonomiya.


“Yes, a swift trial will address the issue of stability, the issue of investor confidence in the Philippines. Kasi po habang tumatagal ito, habang naaantala, habang lumalawig, naguguluhan ang tao. Anong ginagawa ng tao? Nagagalit, nag-ra-rally, nagpo-protesta,” ani Bucoy.


“So sa foreign investors, hindi po maganda ‘yan. Ang gusto ng foreign investors, stability. Pangalawa, nagda-digress ang atensyon ng Senado sa halip na sila ay makagawa ng mga batas na makakatulong sa ekonomiya,” dagdag pa niya.


Sinabi niya na ang Senado bilang impeachment court ay dapat magsagawa ng isang mabilis na paglilitis upang makabalik agad ito sa tungkulin nitong paggawa ng batas.


“Ayon po sa rules of impeachment, ang impeachment should be given priority at a certain hour they should stop their legislative work and conduct the trial of impeachment. So nakahati ‘yung atensyon. So hindi ho maganda ‘yan. Dahil ‘yung paggawa ng batas na makakatulong sa ekonomiya ay naaantala. So mas mabuti na maging swift, maging mabilis ‘yung paglilitis para investor confidence is assured,” paliwanag ni Bucoy.


Ibinunyag ni Bucoy na sa mga susunod na araw ay magsusumite ang House prosecution team ng isang pleading sa impeachment court na magsasama ng resolusyong inaprubahan ng Kamara noong nakaraang linggo, na nagsasaad na ito ay sumunod sa Konstitusyon sa pag-impeach kay VP Duterte.


Binigyang-diin niya na ang prosecution ang hindi magiging dahilan ng pagkaantala ng paglilitis.


“Ngayon, ito po ano, gaya ho ng nabanggit ko, ang Prosecution Panel ay magsusumite or maglalahad ng appropriate pleading. Ngayon, I assure the public that Prosecution Panel will not provide reason for any delay. Hindi ang House Prosecution Panel ang magbibigay ng dahilan upang maantala ang trial ng impeachment,” ani niya.


Ipinahayag din niya na ang hinihinging requirement ng impeachment court para sa incoming 20th Congress na maglabas ng kumpirmasyon na nais nitong ituloy ang paglilitis kay VP Duterte ay hindi kinakailangan at isa umanong “surplusage.”


“Consistent po doon sa aking unang nabanggit na ang institusyon ay hindi nag eexpire, ang nage-expire ay ang paggawa ng batas. Hindi po dapat kinakailangan pang magkaroon ng attestation or affirmation na gusto pa ng ikadalwampung kongreso na ipagpatuloy (ang trial),” aniya.


Sinabi rin niya na hindi na maaaring bawiin ng incoming House ang complaint dahil ito ay naipadala na sa Senado ng kasalukuyang House.


“It is not an option to withdraw it dahil tapos na ang constitutional duty ng Kamara nung trinansmit yung Articles of Impeachment. Hindi na pupwedeng bawiin ‘yun. So sa madalit sabi, it is not an option. Tuloy-tuloy na po yan, and besides paano magcocomply ang 20th Congress ay hindi pa convened its a surplusage,” ani Bucoy. (END)


____________


Maikling Pagsusuri at Komentaryo para sa Radyo:


Isang matapang at diretsahang pahayag ang ibinato ni Atty. Antonio Audie Bucoy, tagapagsalita ng House impeachment prosecution panel, laban sa umano’y pagbagal ng Senado sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.


Ayon kay Bucoy, ang foot-dragging—o ang sinadyang pagbagal ng proseso—ay hindi lamang isyu ng pagiging abala o kulang sa oras. Ito ay may seryosong epekto sa investor confidence, sa stabilidad ng ekonomiya, at higit sa lahat, sa tiwala ng taumbayan sa katarungan at Konstitusyon.


Habang hinihintay ng mga Pilipino ang pormal na paglilitis, ipinaalala ni Bucoy na ang Senado ay may konstitusyunal na obligasyon: itigil pansamantala ang paggawa ng batas upang pagtuunan ng pansin ang impeachment proceedings. Ayon sa impeachment rules, ito dapat ang prayoridad sa itinakdang oras. Ngunit tila iba ang nangyayari sa kasalukuyan.


Isa pang punto: ang panawagan ng Senado na ang incoming 20th Congress ay dapat maglabas ng bagong kumpirmasyon ay tinawag na “surplusage”—hindi na kailangan, sapagkat ang Articles of Impeachment ay naipasa na, at hindi na ito maaaring bawiin.


Ang mensahe ni Bucoy ay malinaw: Ang hustisya ay hindi dapat kinakaladkad. Kapag may sapat na ebidensya, dapat may paglilitis. Kapag may kaso, dapat may kahihinatnan. At kapag may pananagutan, dapat may pananagot.


Sa gitna ng usaping ito, ang tanong ng taumbayan ay simple: Ang Senado ba ay susunod sa diwa ng Konstitusyon, o ito’y magpapadala sa impluwensya at pulitika?


Panahon na para panindigan ng bawat institusyon ang kanilang sinumpaang tungkulin—para sa batas, para sa bayan, at para sa katotohanan.


oooooooooooooooooooooooo


Impeachment spox kinatigan ang pahayag ni dating CJ Puno: SP Chiz, Senado may hangganan ang maaaring gawin


Sumang-ayon si House impeachment panel spokesperson Atty. Antonio Audie Z. Bucoy sa pananaw ni dating Chief Justice Reynato Puno na maaaring magkaroon ng grave abuse of discretion ang Senado sa ilalim ni Senate President Chiz Escudero sa uri ng paghawak nito sa impeachment case laban kay VP Sara Duterte.


“Ako sumasang-ayon sa sinabi ni Chief Justice Renato Puno sapagkat ang mga naging actuation and ruling ni Senate President Chiz Escudero as the presiding officer of the impeachment court, ay wala sa Saligang Batas,” ani Bucoy.


Ang tinutukoy ni Bucoy ay ang desisyon ng Senado na ibalik sa Kamara de Representantes ang Articles of Impeachment laban kay Duterte, isang hakbang na pinuna ng ilang eksperto sa Konstitusyon at mga legal na iskolar.


“Ang pag-remand ibig sabihin ‘yung lower court should reconsider,” paliwanag ni Bucoy. “Wala hong salitang remand sa impeachment. Hindi angkop ang remand sa impeachment. Yung remand ay para sa ordinaryong kaso sa ordinaryong hukuman but never sa impeachment court.”


Ang mga pahayag ni Bucoy ay lalo pang nagpapalalim sa lumalawak na pananaw sa hanay ng mga eksperto sa batas-konstitusyonal na ang mga kilos ng Senado, sa ilalim ng pamumuno ni Escudero, ay labas sa hangganan ng naaayon sa Konstitusyon.


Ang mga kilos ng Senado ay kasalukuyang sinusuri hindi lamang ng Philippine Constitution Association (Philconsa), kung saan siya ang tagapangulo, kundi pati ng mga dekano ng mga law school, mga propesor, at iba pang eksperto sa Konstitusyon.


Nauna nang binawasan ni Escudero ang bigat ng pahayag ng Philconsa, dahil umano sa pagiging pangulo ng grupo ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez. Mabilis naman itong itinanggi ni Bucoy.


“That’s not fair. Because you judge the position based on the merit of what was said. Hindi ‘yung personalidad,” ani Bucoy.


Nilinaw din niya na bagaman pangulo si Speaker Romualdez ng Philconsa, hindi nito naaapektuhan ang malayang opinyon legal ni dating Chief Justice Puno.


“Sa palagay nyo ba si Speaker, iba ang posisyon nya (bilang) presidente ng PhilCONSA. Sa palagay, si Speaker Romualdez ay kayang impluensyahan ang pag-iisip ni dating Chief Justice Puno? I don’t think so,” ani Bucoy.

“In much the same way that Chief Justice Puno will not and cannot influence the mindset of the Speaker of the House.”


Ayon kay Bucoy, dapat suriin ang mga posisyon ng mga legal na eksperto at mga organisasyong tulad ng Philconsa batay sa laman ng kanilang argumento, hindi kung sino ang nagsabi.


“So my take is that the argument is based on the merit of the argument, not on the personality. Hindi po personality based yan, merit based,” ani Bucoy. (END)


_________


Maikling Komento at Pagsusuri para sa Radyo:


Makapangyarihan, ngunit may hangganan—ito ang malinaw na mensahe ni Atty. Antonio Audie Bucoy, tagapagsalita ng House impeachment panel, kasabay ng kanyang pagsang-ayon sa legal na pananaw ni dating Chief Justice Reynato Puno.


Ang pagkontra sa desisyon ng Senado na ibalik o i-remand ang Articles of Impeachment pabalik sa Kamara ay hindi lamang usaping teknikal. Ito ay usapin ng tamang interpretasyon ng Saligang Batas at ng makatuwirang paggamit ng kapangyarihan ng impeachment court. Ayon kay Bucoy, “walang salitang remand sa impeachment”—isang pahayag na may bigat dahil pinapahiwatig nito na ang Senado ay maaaring lumalampas sa limitasyon ng kanyang awtoridad.


Ang impeachment ay sui generis—isang natatanging proseso—pero hindi ito imbitasyon sa arbitraryo o pamumulitika. Sa halip, ito ay proseso na dapat gabayan ng respeto sa rule of law at ng mga tiyak na itinatadhana ng Konstitusyon.


Makabuluhan din ang sinabi ni Bucoy na huwag husgahan ang argumento batay sa personalidad. Ang punto ni dating CJ Puno ay hindi dahil siya ay dating punong mahistrado, kundi dahil matibay ang kanyang paninindigan sa konstitusyunal na hangganan ng kapangyarihan.


Sa panahong pinagmamasdan ng publiko ang bawat kilos ng Senado at ng Kamara, paalala ito sa lahat ng lider ng bansa: Kapag hindi na sinusunod ang batas, ang proseso ay nawawala ng saysay. Ang pagsunod sa tamang proseso ay hindi opsyon, ito ay obligasyon.


ooooooooooooooooooooooo


Kapangyarihan ng Senate impeachment court may hangganan — House impeachment spox


Mayroon umanong hangganan ang kapangyarihan ng Senate impeachment court, ayon kay House impeachment panel spokesperson Atty. Antonio Audie Z. Bucoy.


Ayon kay Bucoy dapat gamitin ang awtoridad ni Senado sa loob lamang ng mga limitasyon ng Saligang Batas at sa Impeachment Rules nito, kahit pa itinuturing na sui generis na proseso tulad ng impeachment trial.


“Meron pong limitasyon. Ang limitasyon ay ang ating Saligang Batas at ang kanilang sariling impeachment rules,” ani Bucoy. “Hindi po pwedeng porke you are sui generis pwede mong gawin ang lahat ng gusto mo.”


Tugon ito ni Bucoy sa pahayag ni Senate President Chiz Escudero na may malawak na kalayaan ang Senado, bilang impeachment court, kung paano nito isasagawa ang pagtalakay sa Articles of Impeachment na ipinasa ng Kamara.


Iginiit ni Escudero na bilang isang natatanging institusyon, may diskresyon ang Senado sa pagbuo ng sarili nitong mga patakaran.


Ngunit giit ni Bucoy, kahit ang mga patakarang ito ay kailangang sang-ayon sa mga hangganan ng Konstitusyon.


“Ang limitasyon ay nasasaad sa ating Saligang Batas at sa kanilang sariling impeachment rules. In fact, kung yung impeachment rules hindi alinsunod sa Saligang Batas, hindi rin uubra ‘yun,” aniya.


“So lalo na ‘yan sa kanyang statement na kaya niyang gawin, kaya nilang mag-order ng kahit ano, mali po yan,” dagdag pa niya. “Dapat alinsunod sa parameters na si-net ng Saligang Batas.”


Binigyang-diin ng tagapagsalita ng impeachment panel na magkaiba ang kapangyarihan ng Kongreso sa ilalim ng Article VI ng 1987 Constitution kumpara sa mga tiyak na tungkulin sa ilalim ng Article XI, na tumutukoy sa pananagutan ng mga opisyal ng pamahalaan.


“Kung inyong tutunghayan, nakahiwalay ‘yung Article 11 dun sa Article 6. Article 6 tungkol sa trabaho ng paggawa ng batas. Ang Article 11 is for accountability,” paliwanag ni Bucoy. “Very specific ang provision ng accountability. Very specific what the powers are.”


Nagbabala rin siya laban sa arbitraryo o pansariling interpretasyon ng kapangyarihan ng Senado.


“So hindi po pwedeng bardagulan ito. Hindi pwede na kung anong gusto yan ang gagawin. May limitasyon,” aniya.


Tungkol naman sa susunod na hakbang ng House prosecution panel, sinabi ni Bucoy na magsusumite sila ng mga kaukulang pleading sa mga susunod na araw.


“Within the next few days, ang prosecution panel ay magfa-file or maglalahad ng mga kaukulang pleading,” ani Bucoy.


Nilinaw rin niya na maaaring motion o manifestation ang pormal na ihahaing dokumento.


“It could be a motion or it could be a manifestation. Either way, it is to clarify ‘yung order,” ani Bucoy. (END)


_______


Maikling Komentaryo para sa Radyo:


Ang pahayag ni Atty. Antonio Audie Bucoy ay isang matalinong paalala: hindi absolute ang kapangyarihan ng Senado kahit pa ito ay kumikilos bilang isang impeachment court. Hindi ito isang larangan na malaya sa anumang hangganan o kontrol—ito ay balot ng pananagutan sa Saligang Batas at sa mismong mga patakarang pinagtibay ng institusyon.


Ang salitang “sui generis” na ginagamit upang ipagtanggol ang malawak na diskresyon ng Senado ay hindi lisensya para isantabi ang mga proseso, batas, at prinsipyo ng makatarungang paglilitis. Gaya ng binigyang-diin ni Bucoy, ang impeachment ay bahagi ng constitutional system—hindi labas dito.


Ang posibleng panganib ay kapag ginamit ang kapangyarihan ng impeachment court para sa pansariling interpretasyon o pulitikal na interes. Kapag nangyari ito, hindi lamang proseso ang nasasakripisyo kundi ang mismong tiwala ng taumbayan sa katarungan.


Ang paalala ni Bucoy: “Hindi ito bardagulan.” Isang makahulugang babala na ang Senado ay hindi dapat maging arena ng kapangyarihang walang pananagutan. Sa ilalim ng Saligang Batas, ang kapangyarihan ay laging may kalakip na pananagutan—lalo na kung hustisya ang nakataya.


ooooooooooooooooooooooo


House impeachment panel spox sa mga bias na senador: Nanumpa sila na magiging patas



Nanumpa ang mga senador na maging patas na hukom sa impeachment trial ni Pangalawang Pangulo Sara Duterte at makabubuti kung tutuparin nila ito, ayon kay Atty. Antonio Bucoy, ang tagapagsalita ng House prosecution panel sa panayam nitong Martes.


Ginawa ni Bucoy ang pahayag bilang tugon sa tanong kung ano ang gagawin ng House prosecution panel sa mga senador na umano’y kumikilos bilang tagapagtanggol o nakakiling kay VP Duterte.


Partikular na binanggit si Sen. Ronald “Bato” dela Rosa na inaakusahan ng ilan na parang abogado sa depensa ng na-impeach na Pangalawang Pangulo.


“Ganito, we will give them the benefit of the doubt, sapagkat alam naman nila ‘yung batas. Alam nila kung ano ang ginagawa nila. Nanumpa sila, they will administer impartial justice. Ngayon tignan natin kung talagang tutuparin nila yung pinanumpaan nila to deliver impartial justice,” ani Bucoy.


Sinabi niya na nasa pagpapasya ng bawat senador-hukom kung siya ay mag-i-inhibit o hindi sa paglilitis ng impeachment kay VP Duterte.


“Ganito yan, sa impeachment, even sa regular courts, lalong lalo na sa impeachment, ‘yung inhibition o recusal, personal to the judge. Kung ayaw nyang bumitaw, nasa sa kanya yan,” aniya.


Dagdag pa niya, sa mga regular na korte, may partikular na mga batayan para mag-inhibit ang hukom gaya ng relasyon o kaugnayan sa partido.


“But other than those, if the ground is perceived bias, yan po ay personal na desisyon nung hukom. Ngayon sa impeachment po, yan ang umiiral na kalakaran. It is personal to the judge concerned,” diin ni Bucoy.


Hihilingin ba ng House prosecution ang inhibition ng mga senador-hukom na umano’y bias kay VP Duterte?


“Pinag-uusapan po yan. Subalit kung ito ay magiging dahilan para maantala, siguro isang tabi na lang yan. Anyway, ilalahad ng ebidensya, ipapakita sa mga hukom, makikita ng publiko, nasa sa kanila yan. Kung kahit malakas ang ebidensya, mag-a-acquit pa rin sila, sinong huhusga? Ang bayan,” ani Bucoy.


Sinabi rin niya na hindi papel ng prosecution na turuan ang mga senador-hukom kung ano ang dapat nilang gawin.


“Wala po kami sa katayuan na turuan sila. Alam na po nila yan. Hindi na kinakailangang ipaalala pa. Subalit once umusad ang impeachment trial, may gag order na nasa impeachment rules. Bawal magbigay ng mga opinion, bawal magbigay ng mga pahayag ukol sa merito ng kaso ang prosecution, ang depensa, pati na ang mga hukom. May gag order po na nakalagay duon sa impeachment rules ng Senado,” paliwanag niya.


Ipinahayag ng tagapagsalita ng prosecution ang pag-asa na pagbabatayan ng mga senador ang ebidensyang ihaharap laban kay VP Duterte gamit ang malamig na paghusga ng isang patas na hukom.


“Kami po ay umaasa na bubuksan ng mga hukom ang kanilang mga mata. At titimbangin nila ang ebidensya. Ngayon mayroon pong mga identified na kumikiling sa nasasakdal, mayroon din po naman na swing votes,” ani Bucoy.


“Ngayon yun pong kumikiling, umaasa kami that the evidence will convince them to be impartial and to vote. Kung kinakailangang mag-convict, they will convict. Kung kinakailangang mag-acquit, they will acquit. Lahat po ay depende sa ilalahad na ebidensya. So para sa akin, let's give them the benefit of the doubt,” dagdag pa niya.


Dagdag pa niya, kung si Sen. dela Rosa ay hindi man lang titingnan ang ebidensya, ang taumbayan na ang huhusga sa kanya. (END)


_________


Maikling Komento o Opinyon:


Makatuwiran ang panawagan ni Atty. Antonio Bucoy na igalang ng mga senador-hukom ang kanilang panunumpa na magpatupad ng impartial justice sa impeachment trial ni VP Sara Duterte. Sa panahong halos lahat ng kilos ng Senado ay lantad sa publiko, mas mahalaga kaysa dati ang pananagutan at integridad.


Ang pahiwatig ni Bucoy na “ang bayan ang huhusga” ay isang paalala: ang impeachment ay hindi lang legal na proseso—ito rin ay pagsubok sa moralidad ng mga institusyon. Kung ang mga senador ay magpapadala sa impluwensiya, halatang pagkiling, o pamumulitika, sisirain nila hindi lamang ang kredibilidad ng Senado kundi ang mismong tiwala ng taumbayan.


Tama rin na ang perceived bias ay dapat na mag-udyok sa isang opisyal na mag-inhibit, kung mayroon siyang delicadeza. Ngunit sa kawalan nito, sambayanan ang magpapataw ng tunay na hatol—hindi sa korte, kundi sa kasaysayan.


ooooooooooooooooooooooo


Pagbasura sa VP Sara impeachment ng walang paglilitis isang masamang halimbawa, pagtataksil sa Konstitusyon- Atty. Bucoy



Nagbabala ang tagapagsalita ng House prosecution panel na ang pagbasura ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte nang walang paglilitis ay isang paglabag sa Saligang Batas na magtatakda ng isang hindi magandang halimbawa at sisira sa prinsipyo ng rule of law.


Ito ang inihayag ni Atty. Antonio Audie Z. Bucoy, tagapagsalita ng House Impeachment Prosecution panel sa isinagawang press conference sa Kamara de Representantes nitong Martes.


“Wala po sa Saligang Batas ‘yan. ‘Yan ho ay betrayal. ‘Yan ho ay hindi alinsunod sa ating Saligang Batas,” sagot ni Bucoy nang tanungin hinggil sa posibilidad na ibasura ng Senate impeachment court ang kaso nang hindi isinasagawa ang mga pagdinig.


Partikular niyang tinukoy ang resolusyon ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na i-dismiss ang kaso bago pa man makapagsagawa ng paglilitis.


“I’m assuming ang tinutukoy ay ang motion to dismiss na inilahad ni Sen. Bato Dela Rosa. Ang hukom po ay hindi nagmo-motion. Ang nagmo-motion ‘yung mga partido,” saad nito.


Dagdag pa ni Bucoy: “‘Yung mga grounds na binanggit ni Sen. De La Rosa, ‘yun din ang grounds na iniakyat nila (Duterte camp) sa Supreme Court eh. So ang nangyari, si Sen. De La Rosa umaaksyon na parang defense counsel.”


Nang tanungin kung ano ang magiging epekto sa mga susunod na impeachment proceedings kung hindi itutuloy ang paglilitis, mariin ang sagot ni Bucoy.


“It’s a bad precedent. It’s a terrible precedent dahil hindi ito alinsunod sa Saligang Batas,” aniya.


“Ang trabaho ng hukom ay litisin at desisyunan ayon sa ebidensya. Hindi maaring i-dismiss na walang paglilitis. Wala ‘yan sa Saligang Batas. Ang sabi ng Saligang Batas, litisin at desisyunan,” diin pa ng abogado.


Ipinaliwanag ni Bucoy na kapag naipasa na ang Articles of Impeachment mula sa Kamara, obligado ang Senado, ayon sa Konstitusyon, na agad isagawa ang paglilitis—ay hindi basta-basta i-dismiss ang kaso.


“Ayon ho sa Saligang Batas, kapag nailatag ang Articles of Impeachment, dapat agad-agad mag-proceed sa trial. At dapat bigyan ng writ of summons ang impeached official para maglahad ng sagot or answer, not a motion to dismiss,” paliwanag ng tagapagsalita ng prosekusyon ng Kamara.


“Kung ‘yung nasasakdal ay hindi pwedeng maglahad ng motion to dismiss, lalo na siguro ang hukom, di po ba?,” diin niya.


Nilinaw rin ni Bucoy ang tiyak na lenggwahe ng Konstitusyon ukol sa papel ng Senado sa impeachment.


“Dahil ang sinabi ng Saligang Batas, ang kapangyarihan [ng Senado] ay to try and decide the case. To try, ang ibig sabihin po ay maglitis,” paliwanag niya. “Ang ginamit ng Saligang Batas na lenggwahe, trial shall forthwith proceed. Hindi sinabi ng Saligang Batas na ang kapangirian ay to hear and decide.”


Ipinaliwanag niya na ang legal na kahulugan ng “to hear” ay nagbubukas ng posibilidad na alamin muna kung may basehan ang kaso bago ituloy—isang kapangyarihang sadyang hindi ibinigay ng Konstitusyon sa Senado pagdating sa impeachment.


“Mas malapad po ang saklaw ng legal term na to hear. Ang legal term to hear means to ascertain whether or not the Articles of Impeachment or reklamo ay worth pursuing. In other words, may basehan ba ‘yung sakdal? Hindi sinabi ng Saligang Batas to hear, ang sinabi ng batas to try and decide. Ganoon ka-eksakto ang lenggwahe ng Saligang Batas ukol sa proseso ng impeachment,” paliwanag pa ni Bucoy..


Noong Pebrero 2025, inaprubahan ng Kamara ang impeachment laban kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte dahil sa mga alegasyon kabilang ang pagbabanta sa buhay nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez; paglabag sa Saligang Batas; pagtataksil sa tiwala ng bayan; at maling paggamit ng confidential at intelligence funds noong siya’y kalihim ng Edukasyon noong 2022 at 2023.


Patuloy na iginigiit ng House prosecution panel na obligado ang Senado, batay sa Konstitusyon, na isagawa ang isang ganap at makatarungang paglilitis dahil ang anumang tangkang pagbasura sa kaso nang walang proseso ay itinuturing na panlilinlang sa bayan at pagyurak sa batas. (END)


________


Maikling Komento o Opinyon:


Kung totoo ngang iuurong ng Senado ang impeachment case kay VP Sara Duterte nang walang paglilitis, ito ay hindi lamang legal na pagkukulang kundi isang mabigat na moral at konstitusyunal na kasalanan. Ang tanging tanong na dapat sagutin ng Senado ay hindi kung may basehan ang kaso—iyon ay trabaho na ng Kamara—kundi kung paano ito didinggin at desisyunan sa liwanag ng ebidensya.


Ang pagtalikod sa tungkulin ng paglilitis ay pagtalikod sa Saligang Batas. Masaklap kung ang mga senador ay magpapadala sa politika o personal na alyansa kaysa sa tungkulin nilang itaguyod ang rule of law. Hindi dapat maging kasangkapan ang Senado ng pagtatakip, kundi tagapagpatupad ng katarungan. Sa mga panahong tulad nito, ang dapat manaig ay ang integridad, hindi ang impluwensiya.


oooooooooooooooooooooooo


Ginagawa ng Senado sa VP Sara impeachment, ikakahiya ng mga yumaong legal luminaries



Ikakahiya umano ng mga namayapang senador tulad nina Sens. Jose Diokno, Lorenzo Tañada, at Joker Arroyo ang ginagawa ng kasalukuyang Senado sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte, ayon sa House impeachment panel spokesperson Atty. Antonio Audie Z. Bucoy.


“Mahihiya sila. Ikahihiya nila itong ginagawa ng kasalukuyang Senado. Calling a spade a spade,” sagot ni Bucoy sa tanong kung ano sa palagay nito ang iniisip ng mga senador na sumikat dahil sa kanilang kaalaman sa batas.


Ikinabahala ni Bucoy ang umano’y bumababang kalidad ng diskurso sa Senado, partikular sa paghawak sa impeachment ni VP Duterte, kabilang ang pag-remand o pagbabalik ng Articles of Impeachment sa Kamara at ang pagtanggap sa mosyon na ibasura ang kaso.


“Kasi po iba ‘yung composition noon eh. Iba. Umaani ng respeto. Walang patutsada,” aniya.


“Ngayon ho, dahil sa actuations nila, maraming patutsada. Hindi ho maiiwasan ‘yan. Hindi naman bulag ang tao eh,” dagdag pa niya.


Ayon sa beteranong abogado na matagal nang kasapi ng Free Legal Assistance Group (FLAG), ang kanyang legal at moral na gabay ay hinubog ng mga kilalang haligi ng demokrasya.


Kabilang sa mga binanggit niya ay sina yumaong Senador Jose Diokno, Lorenzo Tañada, at Joker Arroyo.


“Ang aking pong kaalaman bilang abogado, sila po ang nagpunla,” ani Bucoy.


“So natutunan ko how to litigate. Natutunan ko paano maglahad ng ebidensya. The tricks of the trade in other words. I learned the ropes from them, na kinilala kong malaking utang na loob,” dagdag pa niya. (END)


__________


Maikling Komento o Opinyon:


Matapang at mabigat ang pahayag ni Atty. Audie Bucoy—at marahil, makatarungan. Sa gitna ng isang kasaysayang prosesong gaya ng impeachment, ang inaasahan ay dignidad, disiplina, at malinaw na pagtalima sa batas—hindi ang pamumulitika o patutsadahan.


Kung totoo ngang bumababa ang antas ng diskurso sa Senado, ito ay hindi simpleng isyu ng estilo, kundi ng pananagutan. Ang mga gaya nina Diokno, Tañada, at Arroyo ay naging simbolo ng prinsipyo sa gitna ng krisis—hindi sila tahimik sa harap ng mali, pero hindi rin sila maingay sa kawalan ng batayan.


Ang tanong ngayon: sa panahong sinusubok ang sistema, ang Senado ba ay naninindigan bilang korte ng katarungan, o nadadala na rin ng agos ng kapritso at kapangyarihan? Sa bawat desisyong ginagawa nila, hindi lamang ang kinabukasan ng isang opisyal ang nakasalalay, kundi ang dangal ng institusyong minsan ay kinilalang tagapagtanggol ng konstitusyon.


oooooooooooooooooooooooo


There’s so much foot-dragging on part of Senate sitting as an impeachment court; swift trial will promote stability - House prosecution spokesman


THE newly appointed spokesman of the House impeachment prosecution panel on Tuesday lamented the delay in the impending Senate trial of impeached Vice President Sara Duterte.


“Sa ngayon, will there be a swift trial? It doesn’t look that way. There’s so much foot-dragging on the part of the impeachment court. Also on the part of the impeached official,” lawyer Antonio Audie Z. Bucoy said in his first news conference.


“Pero ito po, once ito ay umusad, pag-usad po nito sa panig ng prosecution, hindi ang prosecution ang magbibigay ng dahilan para maantala ito. Ang gusto ng prosecution, swift trial,” Bucoy said.


Bucoy was addressing concerns raised by various sectors, including business groups, that a speedy trial would be good for investor confidence and the economy in general.


“Yes, a swift trial will address the issue of stability, the issue of investor confidence in the Philippines. Kasi po habang tumatagal ito, habang naaantala, habang lumalawig, naguguluhan ang tao. Anong ginagawa ng tao? Nagagalit, nag-ra-rally, nagpu-protesta,” he said.


“So sa foreign investors, hindi po maganda ‘yan. Ang gusto ng foreign investors, stability. Pangalawa, nagda-digress ang atensyon ng Senado sa halip na sila ay makagawa ng mga batas na makakatulong sa ekonomiya,” he said.


He said the Senate sitting as an impeachment court should conduct an expeditious trial so it could return to its lawmaking job as soon as possible.


“Ayon po sa rules of impeachment, ang impeachment should be given priority at a certain hour they should stop their legislative work and conduct the trial of impeachment. So nakahati ‘yung atensyon. So hindi ho maganda ‘yan. Dahil ‘yung paggawa ng batas na makakatulong sa ekonomiya ay naaantala. So mas mabuti na maging swift, maging mabilis ‘yung paglilitis para investor confidence is assured,” he explained.


Bucoy revealed that in the coming days, the House prosecution team would submit a pleading to the impeachment court that would include the resolution the House approved last week certifying that it complied with the Constitution in impeaching VP Duterte.


He reiterated that the prosecution would not be the cause of delay in the trial.


“Ngayon, ito po ano, gaya ho ng nabanggit ko, ang Prosecution Panel ay magsusumite or maglalahad ng appropriate pleading. Ngayon, I assure the public that Prosecution Panel will not provide reason for any delay. Hindi ang House Prosecution Panel ang magbibigay ng dahilan upang maantala ang trial ng impeachment,” he said.


He expressed the view that the requirement imposed by the impeachment court for the House of Representatives in the incoming 20th Congress to affirm that it would pursue VP Duterte’s trial was unnecessary and a “surplusage.”


“Consistent po doon sa aking unang nabanggit na ang institusyon ay hindi nag-e-expire, ang nag-e-expire ay ang paggawa ng batas. Hindi po dapat kinakailangan pang magkaroon ng attestation or affirmation na gusto pa ng ikadalwampung kongreso na ipagpatuloy (ang trial),” he said.


He said the incoming House cannot withdraw the impeachment complaint as it had already been transmitted to the Senate by the outgoing House.


“It is not an option to withdraw it dahil tapos na ang constitutional duty ng Kamara nung trinansmit yung Articles of Impeachment. Hindi na pupwedeng bawiin ‘yun. So sa madali’t sabi, it is not an option. Tuluy-tuloy na po yan, and besides paano magku-comply ang 20th Congress ay hindi pa convened its a surplusage,” Bucoy said. (END)


__________


Maikling Komento o Opinyon:


Ang pahayag ni Atty. Bucoy ay tahasang panawagan para sa katiyakan at katapatan sa proseso—isang bagay na lalo pang nagiging mahalaga habang tumatagal ang pagkaantala sa impeachment trial ni VP Sara Duterte.


Tama ang kanyang punto: hindi lang hustisya ang nakasalalay dito, kundi pati ang tiwala ng publiko, katahimikan ng lipunan, at kumpiyansa ng mga mamumuhunan. Sa bawat araw ng pag-antala, lumalalim ang agam-agam, tumitindi ang pag-aalinlangan, at lumalabo ang pananampalataya sa ating mga institusyon.


Hindi ito panahon para sa paglalakad nang mabagal. Impeachment is a constitutional duty, not a political convenience. Kung nais nating ipakita na seryoso tayo sa panawagang pananagutan, kailangang ituloy ang paglilitis nang mabilis, patas, at walang kinikilingan—nang walang sinasayang na oras at walang iniiwasang katotohanan.


ooooooooooooooooooooooo


Impeachment ni VP Sara, Isang Pagsubok sa Moral na Pananagutan—House Spokesman


Hinimok ni Atty. Antonio Audie Z. Bucoy, beteranong human rights lawyer at bagong itinalagang tagapagsalita ng House Prosecution Panel, ang sambayanang Pilipino at ang Senado na ituring ang nalalapit na impeachment trial ni Pangalawang Pangulo Sara Duterte hindi lamang bilang isang legal na proseso, kundi bilang isang pambansang pagsubok sa moral na pananagutan.


Sa kanyang kauna-unahang press conference bilang opisyal na tinig ng mga tagausig ng Mababang Kapulungan, binigyang-diin ni Bucoy ang bigat at kasaysayang hatid ng mga kasong inihain laban kay VP Sara.


“Tayo ay nahaharap sa isang usaping pananagutan. Pero ito po ay hindi pangkaraniwan na usaping pananagutan. Ito po ay moral na usaping pananagutan,” mariing pahayag ni Bucoy.


“Ito po ay kaakibat sa natatanging proseso na hinaharap ng sambayanan—ang impeachment ng ating Pangalawang Pangulo,” dagdag pa niya.


Ayon kay Bucoy, ito ang unang pagkakataon sa kasaysayan ng Pilipinas na ang isang nakaupong pangalawang pangulo ay sinakdal sa kasong pagkontrata umano ng mamamatay-tao upang isakatuparan ang pagbabanta sa buhay ng Pangulo, ng Unang Ginang, at ng Speaker ng Kamara.


“Sa kauna-unahang pagkakataon, sinakdal ang pangalawang pinakamataas na pinuno ng bansa sa pagbabanta sa buhay ng Pangulo, ng Unang Ginang, at ng Speaker. Hindi lang po ito simpleng pagbabanta—aminado siyang kumontrata ng taong magsasakatuparan nito. Ibig sabihin, may kinontrata siyang asasino,” aniya.


Itinampok din ni Bucoy ang bigat at kasariwaan ng mga ibang kasong isinampa laban kay VP Sara: plunder, malversation, betrayal of the Constitution, at iba pang matitinding krimen.


“Natatangi ito dahil sinakdal siya sa pandarambong sa kaban ng bayan, sa malbersasyon ng pondo ng bayan, sa pagtataksil sa Saligang Batas, at sa iba pang karumal-dumal na krimen,” ani Bucoy.


Ngunit giit ng tagapagsalita, hindi lamang ang Pangalawang Pangulo ang nakasalang sa paglilitis na ito—kasama rin dito ang kredibilidad ng Senado bilang impeachment court at ang moral na konsensya ng sambayanang Pilipino.


“Ito pong paglilitis na ito, hindi lang ang Pangalawang Pangulo ang nasasakdal. Nasasakdal din po rito ang institusyon ng Senado bilang isang impeachment court. Nasasakdal din ang buong sambayanan,” babala niya.


Nanawagan si Bucoy sa publiko na makialam at maging mapanuri sa buong proseso.


“Dapat ay buksan ang mga mata, makilahok sa proseso upang sa gayon matugunan ang mga pag-aagam-agam at mga katanungan,” aniya.


Inaasahang magsisimula ang impeachment trial sa mga darating na linggo. Nangako ang mga tagausig ng Mababang Kapulungan na maghahain sila ng matibay na ebidensya at mga testigong magpapatunay sa bigat ng mga paratang laban kay VP Sara Duterte. (WAKAS)


___________


Maikling Komento o Opinyon:


Ang impeachment trial ni VP Sara Duterte ay hindi lamang pagsubok sa kanyang personal na pananagutan, kundi isang litmus test sa moralidad ng buong pamahalaan—at maging ng taumbayan.


Tama si Atty. Bucoy: higit pa ito sa legal na proseso. Isa itong pagkakataon para ipakita kung may saysay pa ba sa ating sistema ang integridad, hustisya, at pananagutan. Sa panahong madalas mabalewala ang prinsipyo sa harap ng kapangyarihan, ang tanong ay hindi lang “may sala ba?” kundi “handa ba tayong manindigan para sa tama?”


Ang Senado, bilang impeachment court, at ang sambayanan, bilang hukom ng opinyong publiko, ay parehong may papel. Kung mananatili tayong tahimik, baka sa huli, hindi lang isang opisyal ang mapawalang-sala—kundi ang mismong ideya ng pananagutan.


oooooooooooooooooooooo

No comments:

Post a Comment