Ika-dalawampu’t isa na ng Mayo, Taong 2025 — Katropa sa Kamara Script:
Isang mapagpala at masiglang umaga sa inyong lahat, mga Katropa! Good morning, Pilipinas! Good morning, Camp Aguinaldo! Magandang umaga, Luzon! Maayong buntag, Visayas! At Buenos días, Mindanao! Muli, samahan nyo po kami sa dalawang oras nating makabuluhang talakayan at balitaan dito sa Katropa sa Kamara!
Pause
Yes, Sabado na naman, mga Katropa! At narito na naman po kami upang ihatid sa inyo ang makabuluhang talakayan at balitaan sa Katropa sa Kamara, kasama si Terence Mordeno Grana.
Pause
Pero bago tayo magsimula, unahin muna natin ang ating pagpapasalamat. Una sa lahat, ipinaabot natin ang taos-pusong pasasalamat sa ating Panginoong Maykapal sa patuloy Niyang pagbibigay ng biyaya at patnubay. Sa nakalipas na mga araw, pinagpala tayo ng Kanyang grasya at binigyan ng lakas upang maisakatuparan ang ating mga tungkulin para sa Kanyang kaluwalhatian.
Pause
Sunod naman nating ipinaabot ang taos-pusong pasasalamat sa ating mga opisyal sa Armed Forces of the Philippines. Unang-una, sa ating Commander-in-Chief, Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.; sa Kalihim ng National Defense, Atty. Gilbert ‘Gibo’ C. Teodoro Jr.; sa ating AFP Chief of Staff, Gen. Romeo S. Brawner Jr.; at sa ating bagong Commander ng Civil Relations Service, MGen Oliver C. Maquiling.
Pause
Of course, nagpapasalamat din tayo sa ating MCAG Group Commander at DWDD Station Manager, Francel Margareth Padilla, pati na rin sa kanyang Deputy Group Commander, Maj. Mark Anthony Cardinoza. At siyempre, isang malaking pasasalamat sa lahat ng bumubuo ng ating production staff—maraming, maraming salamat po!
Pause
Yes! Terence Mordeno Grana po, ang inyong lingkod—ang inyong kaagapay at gabay dito sa Katropa sa Kamara!”
Para sa inyong mga mensahe, tawag, o text, maaari ninyo akong maabot sa ating mobile numbers:
📱 +63 916 500 8318
📱 +63 905 457 7102
Pause
Ang Katropa sa Kamara ay inyong matutunghayan, eksklusibo, dito lamang sa DWDD Katropa Radio—1134 sa inyong talapihitan! Live din tayo sa ating Facebook page, Katropa DWDD-CRS Virtual RTV, at syempre, mapapanood din tayo sa YouTube—i-search lang ang DWDD Katropa!
Pause
Sa paumpisang bahagi ng ating palatuntunan, ibibigay ko na muna sa inyo ang ating Pangunahing mga Balita magbuhat sa ating Kamara at konmentaryo ng ating palatuntunan:
Pause
@@@@@@@@@@@@@
Pause
Break
Okey, i-tuloy pa po natin ang ating ma pagbabalita komentaryo at naririto na pa po ang ating mga balita na ating nakalap…
Break
Sa ating pagbabalik, kayo po ay nakikinig sa palatuntunang Katropa sa Kamara kasama ako, Terence Mordeno Grana, dito lamang sa himpilang DWDD Katropa Radio!
At syempre, tayo ay sinasamahan sa ating technical side ng ating magigiting na engineers—(Ronald Angeles, Pherdee Blues, Leonor Tanap, Regine Ascaño, Jayton Dawaton, John Mark Molina, at iba pa. ) Maraming salamat sa inyong suporta!”
@@@@@@@@@@@@@
Pause
Break
Okey, tuloy-tuloy na po tayo sa iba pang mahahalagang balita na ating nakalap…
NEWS ITEMS … next page
Pause
Break
@@@@@@@@@@@@@@
Sa ating pagbabalik, kayo po ay nakikinig sa Katropa sa Kamara kasama ako, Terence Mordeno Grana, dito lamang sa himpilang DWDD Katropa Radio!
At syempre, tayo ay sinasamahan sa ating technical side ng ating magigiting na engineers—Ronald Angeles, Pherdee Blues, Leonor Tanap, Regine Ascaño, Jayton Dawaton, John Mark Molina, at iba pa. Maraming salamat sa inyong suporta!”
Okey, tuloy-tuloy na tayo sa iba pang mahahalagang balita na ating nakalap…”
@@@@@@@@@@@@@
Sa segment na ito, ibibigay ko muna sa inyo ang mga naganap nitong nakaraang mga araw sa ating bulwagan, sa ating plenary hall ng ating Kamara:
Pause
Break
@@@@@@@@@@@@@@
Recap Segment:
“Sa puntong ito, mga Katropa, dadako na tayo sa ating pagbabalik-tanaw o recapitulation ng lahat ng ating natalakay ngayong umaga. Balikan natin ang mahahalagang balita at usaping ating tinalakay bago tayo tuluyang magtapos ng ating programa…”
@@@@@@@@@@@@@@
Closing Segment:
Dalawang oras na naman po ang lumipas, at muli na naman tayong pansamantalang magpapaalam. Maraming, maraming salamat sa inyong pagsubaybay at sa pagpapapasok sa amin sa inyong mga tahanan sa pamamagitan ng ating programang Katropa sa Kamara!
Daghang salamat usab sa atong mga kahigalaang Bisaya nga naminaw kanato karong taknaa!
Ito po ang inyong lingkod—kini ang inyong kabus nga suluguon, Terence Mordeno Grana.
At sa ngalan ng buong production staff ng ating programa, ako po ay nagpapahayag ng isang taos-pusong pasasalamat. Nawa’y pagpalain tayong lahat ng ating Panginoong Maykapal. God bless us all! Purihin ang ating Panginoon! Good morning! (30)
No comments:
Post a Comment