Friday, August 12, 2022

PAGLALAGAY NG MGA COVID-19 VACCINE CENTER SA MGA PAARALAN, IPINANAWAGAN

Iginiit ni CamSur Rep. LRay Villafuerte sa mga local government units na makipag-ugnayan sa Department of Education at Department of Health gayundin sa Department Interior and Local Government.


Para ito sa paglalagay ng anti-Covid 19 vaccine centers sa mga paaralan bilang suporta sa pagsisikap ng Marcos Administration na mapag-ibayo ang pagbabakuna sa harap ng nakatakdang pabubukas ng klase sa susunod ba linggo.


Ayon kay Villafuerte ang paglalagay ng vaccination centers sa mga eskwelahan ay makakatulong para mas marami ang mabakunahang mga guro at mag-aaral para sila ay maproteksyunan sa muling pagbabalik ng face to face classes habang tumataas muli ang kaso ng COVID 19 sa bansa.


tinukoy ni Villafuerte na sa ngayon ay maaring tumanggap ng booster shots ang mga adults at mga batang edad 12 hangang 17 habang maari ng bigyan ng 2 doses ng bakuna ang 5 hanggang 11 taong gulang.


Nakikiisa din si Villafuerte sa apela ni DepEd spokesman Michael Poa sa mga opisyal ng LGU na alisin na ang mga itinayong Covid-19 isolation facilities sa mga paaralan.


inihalimbawa ni Villafuerte ang ginawa ng Camsur provincial capitol na pagtanggal sa Covid-19 quarantine centers sa mga eskwelahan at paglipat ng mga ito sa district hospitals o sa isolation facilities na inilaan ng provincial government. (Grace)

No comments:

Post a Comment