Friday, August 12, 2022

PAGPAPAUNLAD NG MGA CAPITAL MARKETS SA SOCIALIZED HOUSING, ISINUSULONG NG MAMBABATAS

Inihain ni 1-PACMAN Party-list Rep. Michael Romero ang House Bill 891, na naglalayong paunlarin ang capital market sa pamamagitan ng pamamahagi ng ligal at balangkas na regulasyon, sa pagsasailalim sa seguridad at paglikha ng naaayong kapaligiran ng merkado, para sa mga hanay ng mga seguridad na suportado ng mga pag-aari. 


Layon ng panukala na amyendahan ang Section 48 ng Republic Act 9267, o ang Securitization Act of 2004, Providing For Stiffer Penalties and Sanctions, And For Other Purposes. 


“It is imperative that the State justifies the rules, regulations and laws that impact upon the securitization process, particularly on matters of taxation and sale of real estate on installment,” ani Romero sa kanyang paliwanag na nakasaad sa panukala. 


Isinasaad din sa panukala na ipagpapatuloy ng estado ang pagpapaunlad ng secondary market, lalo na ang para sa residential mortgage-backed securities, at iba pang financial instruments na may kaugnayan sa pabahay, “as essential to its goal of generating investment and accelerating the growth of the housing finance sector, especially for socialized and low-income housing.” 


Bukod rito, isinasaad din sa panukala na, sinoman ang mapapatunayang lumabag sa mga probisyon ng HB 891, ay pagmumultahin ng halagang mula P500,000 hanggang P5,000,000, o pagkabilanggo ng anim hanggang dalawampu’t isang taon, o pareho alinsunod sa utos ng hukuman. 


Kapag ang lumabag ay isang korporasyon, partnership o asosasyon, o iba pang juridical entity, ang parusa ay alinsunod sa itatakda ng hukuman sa mga opisyal ng naturang korporasyon na siyang responsable sa nasabing paglabag, at kapag ang opisyal ay isang dayuhan, bukod sa itinakdang multa, siya ay ipatatapon ng walang anumang proseso, matapos niyang pagsilbihan ang itinakdang parusa.

No comments:

Post a Comment