Tuesday, September 6, 2022

POSIBLENG ANG DAHILAN NG PAGKALAT NG MGA TEXT SCAM AY ANG DATA BREACH SA CONTACT TRACING APPS

Posibleng data breach mula sa mga contact tracing app, dahilan ng pagkalat ng mga personal text scams


Dahil iba-iba ang app at database ng IATF noong kasagsagan ng contact tracing…malamang nagagamit ito ngayon sa mga kumalat na personal text scams.


Ayon kay Congressman Joey Salceda, naging careless o pabaya umano ang IATF sa pag-iingat ng impormasyon kung saan ang ginamit sana ay single contact tracing app na may single database.


Ipinaliwanag ni Salceda, ipinag-utos ng Department of Health ang contact tracing noong March 2020 pero ang privacy guidelines ay inilabas pagsapit na ng June 2020.


Sa loob anya ng tatlong buwan, hindi naprotektahan ang mga personal data na ngayon ay magagamit na sa mga text scam kung saan identified ang pangalan ng padadalhan ng mensahe.


Sabi ni Salceda, posibleng ito ay mula sa mga contact tracing information na sinasagutan kapag papasok sa mga establisimento gaya ng mga grocery at bangko.


Katuwiran ni Salceda, naiwasan sana ang data breach kung iisa lang ang controller at clearinghouse ng data kung saan pwedeng magsagawa ng audit.


Kinalampag ni Salceda ang National Privacy Commission at National Telecommunications Commission na agad ng makipag-ugnayan sa mga telco para ma-detect ang pinagmumulan ng personal text scams at alamin ang source ng data breach. Milks/06sept22



Posibleng data breach mula sa mga contact tracing app, dahilan ng pagkalat ng mga personal text scams…


…


Dahil iba-iba ang app at database ng IATF noong kasagsagan ng contact tracing…malamang nagagamit ito ngayon sa mga kumalat na personal text scams.


Ayon kay Congressman Joey Salceda, naging careless o pabaya umano ang IATF sa pag-iingat ng impormasyon kung saan ang ginamit sana ay single contact tracing app na may single database.


Ipinaliwanag ni Salceda, ipinag-utos ng Department of Health ang contact tracing noong March 2020 pero ang privacy guidelines ay inilabas pagsapit na ng June 2020.


Sa loob anya ng tatlong buwan, hindi naprotektahan ang mga personal data na ngayon ay magagamit na sa mga text scam kung saan identified ang pangalan ng padadalhan ng mensahe.


Sabi ni Salceda, posibleng ito ay mula sa mga contact tracing information na sinasagutan kapag papasok sa mga establisimento gaya ng mga grocery at bangko.


Katuwiran ni Salceda, naiwasan sana ang data breach kung iisa lang ang controller at clearinghouse ng data kung saan pwedeng magsagawa ng audit.


Kinalampag ni Salceda ang National Privacy Commission at National Telecommunications Commission na agad ng makipag-ugnayan sa mga telco para ma-detect ang pinagmumulan ng personal text scams at alamin ang source ng data breach.

BARMM, HINDI DAPAT MAPAG-IWANAN SA SA IPINATUTUPAD NA MGA PROGRAMA NG DA

Naniniwala ng Dept of Agriculture na hindi dapat mapagiwanan ang BARMM sa mga ipinatutupad nilang programa, lalo na ang may kinalaman sa commodities tulad ng bigas at mais.


Sa budget deliberation ng ahensya, napuna ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong kung bakit hindi kasama ang BARMM sa mapa ng national rice program.


Paliwanag ng DA, dahil sa umiiral na Bangsamoro Organic Law ay hindi na isinama ang BARMM sa mga mabebenepisyuhan ng national subsidy programs.


Pero punto ni Adiong, ang bloc grant na ibinibigay sa BARMM ay ginagamit para sa proseso ng transtition bukod pa sa lumiliit din ang pondo na ito dahil sa Mandanas-Garcia Ruling.


Tugon naman ni Agriculture Usec. for Special Concern in BARMM Zamzamin Ampatuan, dapat talaga ay walang bias sa BARMM pagdating sa mga programa ng DA.


Tinukoy pa nito na ang BARMM ay kasama sa key rice at fisheries area at naging top 5 pa sa corn production.

AKSIYON SA MGA PANUKALAG NANANAWAGAN PARA SA KAPAKANAN NG MGA NURSE SA BANSA, TINIYAK NG ISANG KONGESISTA

Tiniyak ni House Committee on Labor chairman at Rizal Rep. Fidel Nograles na aaksyunan ng Kamara ang mga panawagan at panukala na para sa kapakanan ng mga nurse sa ating bansa.


Ito ay kasunod na rin ng pahayag ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na tutugunan ang mga pangangailangan ng Filipino nurses gaya ng sahod nila na aniya’y hindi sapat.


Ayon kay Nograles, makikipag-tulungan ang mga kongresista sa presidente upang magkatotoo ang matagal nang hangarin ng mga nurse na bumuti ang kanilang kalagayan, at una rito ang pagpapataas ng sweldo.


Aminado si Nograles na maraming nurse pero hindi napupunan ang mga health institution dahil sa iba’t ibang rason, na nakita noong kasagsagan ng COVID-19 pandemic.


Ito aniya ang kailangang alamin at resolbahin ng Kongreso, upang maagapan ang anumang posibilidd na mapilay ang healthcare system.


Samantala, sinabi ni Nograles na mainam ding maisama nag pribadong sektor sa paghahanap ng solusyon upang mailapit ang sweldo ng nurses na nagta-trabaho sa mga pampubliko at pribadong ospital.


Ang pagkakaiba kasi aniya ng sweldo pati ng mga benepisyo ay mistulang nagtutulak sa mga nurse na maghanap na mas magandang oportunidad sa abroad.


Sa huli, sinabi ni Nograles na kailangan ding isaalang-alang ang katotohanan na maraming ospital sa bansa ang hindi kayang magtaas ng sahod ng mga medical personnel, ngunit gagawa umano ang Kongreso ng “workable solution” para sa interes ng lahat ng stakeholders.

PAGLULUWAG NG POLISIYA SA PAGSUSUOT NG FACE MASK, DAPAT PAG-ARALAN NA NG MGA HEALTH AUTHORITIES

Umapela si Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte sa mga health authorities na aralin na ang pagluwag sa polisiya ng pagsusuot ng face masks.


Kasunod ito ng pagsuporta ng kinatawan sa hakbang ng cebu city government na ipahinto na ang obligatory na pagsusuot ng facemask sa open areas.


Ayon kay Villafuerte maaaring makahanap ng kompromiso ang pamahalaan sa pagpapatupad ng pagsusuot ng face mask.


Mungkahi nito, ipatupad lamang ang mandatory na pagsusuot ng facemask sa Metro Manila at mga lugar na may mataas pa ring kaso ng COVID-19 at hayaan nang i-lift o gawing boluntaryo ang pagsusuot sa mga lugar na may mababa nang case loads.


Maaari din aniya na ipasuot na lamang ang face masks sa indoor areas lalo na kung may air conditioning, transportasyon, at high-risk areas tulad ng ospital.


Isa pang suhestyon ng CamSur solon ay panatilihin ang mandatory na pagsusuot ng face mask para sa mga nakatatanda, buntis at may comorbidity.


Dagdag pa nito na kung magedesisyon ang mga otoridad na panatilihin ang obligatory use ng face mask ay mamigay ng libreng face mask para sa mga mahihirap.


Punto nito, naglalaro sa P3 hanggang P5 ang isang face mask, kautmbas ng P25 para sa isang pamilya na may limang miyembro. Halaga na maaari na aniyang ipambili ng bigas para makain.

NAGLIPANANG TEXT SCAMS NA NAMBIBIKTIMA SA MGA PILIPINO, PINASISILIP NG ISANG MAMBABATAS

Pinasisilip ng isang kongresista sa Kamara ang naglipanang text scams na nambibiktima ng maraming Pilipino.


Sa house resolution 323 ni Laguna Rep. Maria Jamina Katherine Agarao, hinihimok ang angkop na komite sa Mababang Kapulungan na magsagawa ng investigation in aid of legislation kaugnay sa mga text scams na nag-aalok ng pekeng trabaho at investment.


Tinukoy pa sa resolusyon na maliban sa mga pekeng trabaho at investment, ginagamit di nang text messaging upang manloko na nanalo ang isang indibidwal sa raffle o kaya’y may nagpapanggap na kamag-anak na nagpalit ng numero gayundin ang load scam.


Diin ni Agarao, nakaka-alarma ang pagdami ng text scams na ito at nararapat lamang na hanapan ng solusyon.


Sa pagtalakay ng Kamara nitong Lunes sa SIM Card registration bill ay, inilapit ng mga mambabatas sa national privacy commission ang isyu ng “personalized spam text messages” o mga mensahe na ngayon ay mayroon nang nakalagay na pangalan ng mobile users.

POSIBLING MAIBALIK NG DEPARTMENT OF AGRICULTURE O DA ANG PHILIPPINE CROP INSURANCE CORPORATION O PCIC

Posibleng maibalik sa ilalim ng dept of agriculture ang philippine crop insurance corporatiin o pcic.


Ito ang inihayag ni agriculture senior usec. Domingo panganiban matapos mausisa ng mga mambabatas sa budget briefing ng ahensya.


Una kasing ni leyte rep. Richard gomez ang hindi nagbagong halaga ng appropriation ng pcic para sa 2023.


Paliwanag ng DA, DBM ang nag apruba sa naturang budget na ipatutupad ng DOF.


Natanong tuloy ni appropriations senior vice chair stella quimbo kung mas maigi ba na ibalik na lamang sa ilalimng DA ang PCIC tulad ng ang philhealth ay nasa ilalim ng DOH.


Tugon ni panganiban, ito ang direksyon nais ni pangulong ferdinand marcos jr.


Aniya, nag palabas na siya ng memorandum upang ipaalala itosa pangulomg marcos jr., na kasalukuyang namumuno sa DA.


umaasa si panganiban na agad ding tutuparin ng presidente ang naturang pag lilipat.


Kung matatandaan saligsa EO 148 nang nakaraang administrasyon, mula DA ay inilipat ang PCIC sa DOF.

MGA PANUKALANG MULING INIHAIN PARA SA REHISTRASYON NG SIM CARD, APRUBADO SA KOMITE; TWG PARA SA MGA PANUKALANG E-GOVERNANCE AT E-GOV’T, NILIKHA

Pinagsama-sama at inaprubahan ngayong Lunes ng Komite ng Information and Communications Technology sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Rep. Tobias Reynald Tiangco (Lone District, Navotas City), ang mga panukalang batas kabilang na ang Ulat ng Komite sa panukalang SIM Card Registration Act. 


Ang mga kahalintulad na panukala ay ang HBs 14, 59, 794, 841, 951, 2113, 2478, 2923, 3299 at 3327 sa SIM Card Registration Act; HBs 116 at 1528, sa regulasyon ng pagbebenta ng pre-paid SIM cards; at HBs 506 at 2819, na naglalayong sugpuin ang mga kriminal na aktibidad gamit ang mobile phone, internet, at mga electronic communication, sa pamamagitan ng pagrerehistro ng SIM card at rehistrasyon ng mga social media account. 


Nagpasya ang Komite na gawing pangunahing panukalang batas ang HB 14 dahil ito ang kopya ng panukala na nasa ikatlong pagbasa na, nang ito ay pinawalang bisa ni dating Pangulong Duterte. Ang HB 14 ay iniakda nina Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander Marcos, TINGOG Party-list Reps. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre. 


Nilikha rin ng Komite ang Technical Working Group (TWG) para pagsama-samahin ang mga panukalang E-Government at E-Governance. Sinabi ni Tiangco na ang mga ito ay dalawang prayoridad sa lehislasyon na binanggit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang unang State of the Nation Address (SONA). 


Ang mga inihaing panukala sa E-Government Act ay HBs 277, 2683, 2731, 2963, 3421 at 2568, samantalang ang panukala naman sa E-Governance Act ay HBs 3, 1809, 2902, 2978, 3563 at 3612. 


Nagpasya rin ang Komite na isama ang isang kinatawan mula sa Tanggapan ng Pangulo (OP) at Anti-Red Tape Authority (ARTA), bilang mga miyembro ng TWG na pagsasamahin ang dalawang panukala.

REP. DY NAHIRANG NA CHAIRMAN NG KOMITE NG BASES CONVERSION

Hinirang ngayong Lunes ng Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez si Rep. Faustino “Inno” Dy (6th District, Isabela) bilang Chairperson ng Espesyal na Komite ng Bases Conversion. 


Sa ilalim ng kanyang pamumuno, tatalakayin ng Komite ang, “all matters directly and principally relating to policies and programs relating to bases conversion, the operation of special economic zones in former military bases, sale of military camps and disposition of proceeds thereof, relocation of military camps and personnel, and the construction of new military camps.” 


Samantala, inaprubahan ng Kapulungan sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 3968 na gagawing component city ang Munisipalidad ng Carmona sa Cavite, na kikilalanin bilang Carmona City. 


Ang hybrid na sesyon ngayong araw ay pinangunahan nina Deputy Speakers Kristine Singson-Meehan at Camille Villar.

SENSITIBO AT TUMUTUGON NA BADYET SA CLIMATE CHANGE PARA SA 2023, PANAWAGAN NG MAMBABATAS

Dahil na rin sa lumalaking panganib mula sa mga baha, tagtuyot, at iba pang mga natural na kalamidad dulot ng climate change, nanawagan si Bohol Rep. Edgar Chatto, Chairperson ng Komite ng Climate Change sa Kapulungan ng mga Kinatawan, sa kanyang mga kapwa mambabatas na, “this is the most appropriate time to ensure that the 19th Congress passes a climate change sensitive and responsive budget for the year 2023”.  


Sa kanyang privilege speech sa idinaos na sesyon sa plenaryo ngayong Lunes, sinabi ni Chatto na kahit pa nananatiling ang pandemyang sanhi ng COVID-19 ang nangangailangan ng kagyat na pagtugon, dapat ding pagtuunan ng pansin ng Kongreso na matugunan ang climate change. 


Ayon sa kanya, ang climate change ang siyang dahilan ng grabeng kaganapan sa panahon, tagtuyot, at kakulangan ng pagkain, na may madalian at malaking epekto sa mga tao at kalikasan. 


Hindi makapaniwala si Chatto kung papaano ang mga tao ay pinagwawalang bahala pa rin ito, “with a business-as-usual attitude even though scientific studies show that its consequences will come much sooner than we expected.” 


Sinabi niya na ang climate change ay hindi na banta sa hinaharap. “It is here and rapidly getting worse,” aniya. 


Binanggit ni Chatto na batay sa Global Climate Risk Index 2021, ang Pilipinas ay nasa ika-17 pwesto sa pinakaapektadong bansa sa buong mundo, mula sa mga grabeng kaganapan sa panahon. Samantala, pang-apat na pwesto naman ito sa mahabaang banta dulot ng mga pagbaha at mga bagyo. 


“It is for this reason that there is hope in the current administration’s governance direction. 


His Excellency, President Ferdinand Marcos Jr.’s first ever State of the Nation Address (SONA) not only discussed in fleeting but dedicated a whole section on climate change as a priority agenda, a first in a SONA,” aniya. 


Ang hybrid na sesyon ngayong araw ay pinangunahan nina Deputy Speakers Kristine Singson-Meehan at Camille Villar.

SAPILITANG PAGREHISTRO NG MGA SIM CARD, INAPRUBAHAN NG KOMITE SA KAPULUNGAN

Inaprubahan ngayong Lunes ng Komite ng Information and Communications Technology sa Kapulungan ng mga Kinatawan ang pinagsama-samang panukala na nag-uutos ng sapiltang rehistrasyon sa lahat ng postpaid at prepaid mobile phone subscriber identity module (SIM) cards.


Inaprubahan ng Komite na pinamumunuan ni Navotas Rep. Toby M. Tiangco ang ilang panukala sa ilalim ng House Bill (HB) Nos. 14, 59, 116, 506, 794, 841, 951, 1528, 2113, 2478, 2819, 2923, 3299 at 3327 na inihain nina Speaker Martin G. Romualdez, Representatives Yedda Marie Romualdez (Tingog Party-list), Sandro Marcos, Jude Acidre, Jaime Fresnedi, Roy Loyola, Edvic Yap, Eric Go Yap, Paolo Duterte, Rex Gatchalian, Christian Tell Yap, Roman Romulo, Luis Raymund Villafuerte, Jr., Miguel Luis

Villafuerte, Virgilio Lacson, Keith Micah Tan, Tiangco, Rufus Rodriguez and Edwin Olivarez, ayon sa pagkakasunod, ang sapilitang rehistrasyon ng SIM card upang masugpo ang mga pangloloko at mga kriminal na aktibidad.


“The mother bill is HB No. 14 filed by Speaker Martin Romualdez, the exact version approved in the last Congress,” ani Tiangco, na nanguna sa pag-apruba sa pinagsama-samang panukala.


Ang pinagsama-samang panukala ay inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa noong nakalipas na ika-18 Kongreso.


Si Deputy Speaker and Pampanga Rep. Aurelio “Dong” Gonzales ang nag-mosyon upang pagsama-samahin ang mga panukala sa rehistrasyon ng SIM card.


Ipinakiusap naman ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda ang Rule 10, Section 48 sa kagyat na pag-apruba sa pinagsama-samang panukala, na nagbibigay pahintulot sa mga Komite sa Kapulungan ng mga Kinatwan, na tapusin ang mga prayoridad na panukala na naihain at naaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa sa sinundang Kongreso.


Isinasaad sa Rule 10 na: “In case of bills or resolutions that are identified as priority measures of the House, which were previously filed in the immediately preceding Congress and have already been approved on third reading, the same may be disposed of as matters already reported upon the approval of the members of the committee present, there being a quorum.”


Sa kanyang sponsorship speech, sinabi ni Acidre na ang mga wala sa regulasyon na merkado ng SIM card ang nasa likod ng ibat ibang panloloko sa mobile phone, mula sa simpleng text messages na humihingi ng cellular loads, hanggang sa mas sopistikadong pamamaraan ng voice phishing at marketing spams, na kadalasang ginagamit upang makapasok sa mga hindi otorisadong pag-akses sa mga sensitibong personal na impormasyon ng mga hindi naghihinalang gumagamit ng mobile phones.


“This humble representation is cognizant of the value of democratizing mobile communication to the public. The increase in connectivity through affordable SIM Cards and mobile phones has made government service delivery more efficient and possible in the far flung areas of the country. However, we are also conscious of the fact that the accessibility of SIM Cards has encouraged unscrupulous actors to take advantage and use this in the commission of criminal acts,” ani Acidre, isa sa mga pangunahing may-akda ng HB No. 14.


“With this in mind, Speaker Ferdinand Martin Romualdez, Congresswoman Yedda Romualdez, Ferdinand Alexander Marcos and myself are pleased to introduce HB No. 14 or An Act Requiring the Registration of Subscriber Identity Module Cards.  This proposed bill shall require ownership registration of Subscriber Identity Module (SIM) cards to eradicate mobile phone-aided criminal activities. Moreover, it shall regulate the sale and distribution of SIM cards in order to promote end-user accountability, prevent the proliferation of mobile phone scams and data breaches, and to assist law enforcement agencies in resolving crimes involving the use of mobile phone units, within the limits imposed by data privacy laws and regulations. It is in this spirit that I ask my fellow members of this chamber to work with me in securing the immediate passage of this bill,” ani Acidre.


Sa kasalukuyan, ang mga SIM cards para sa postpaid mobile o cellular phone subskripsyon lamang ang sapilitang nirerehistro.


Nilalayon ng panukala na sapilitang irehistro ang pag-aari ng SIM cards, upang masugpo ang kriminal na aktibidad gamit ang mobile phone.


Sinabi nina Speaker Romualdez, Rep. Yedda Romualdez, Marcos at Acidre na ang kakayahan at madaling ma-akses na SIM cards ay, “have resulted in the democratization of mobile communications, possibly contributing to a more leveled playing field in terms of employment, education and access to public information.”


Ang mobile phone card ay mabibili lamang sa halagang P30 sa mga sari-sari o convenience store.


Kanilang binanggit ang ulat sa 2020 World Bank na nagpapakita na may 137 cellular phone subskripsyon kada 100 Pilipino, na nagpapahiwatig na maraming Pilipino ang may mahigit sa isang subskripsyon o mobile phone.


Binanggit rin na ang mga cellular phone service providers ay nakapag block ng milyong text messages at SIM cards dahil sa mga reklamo mula sa mga subscribers. Subalit kahit pa nagawa ng mga kompanyang ito na tanggalan ng silbi ang mga numerong ito, ay patuloy pa ring mabilis na napapalitan ito dahil nagkalat sa merkado ang mga prepaid mobile phone subscriptions.


“Furthermore, due to the lack of SIM card registration, it becomes nearly impossible to trace the persons behind the text scams and hold them accountable for fraud, breach of data privacy or other punishable offenses that they committed using an unknown mobile number,” dagdag pa rito.


Binigyang-diin rito na panahon na, “has come to regulate the sale and distribution of SIM cards in order to promote end-user accountability, prevent the proliferation of mobile phone scams and data breaches, and to assist law enforcement agencies in resolving crimes involving the use of mobile phone units.”


Sa ilalim ng panukalang HB No. 14, ang bawat pampublikong telecommunications entity (PTE) o authorized seller ay kinakailangang irehistro, at lagdaan ng end user ang tatlong kopya ang may numerong rehistrasyon na inisyu ng PTE.


Ang form ay dapat na kinabibilangan ng patunay na ang taong bumibili sa nagbebenta ay siya ring taong nagrehistro at lumagda sa dokumento, at siya ay nagpakita ng mga identification cards na may bisa.


Ang PTE o ang kanilang otorisadong tagapagbenta ay hindi dapat magbenta ng SIM card kung ayaw ng end user na tumalima na magrehistro, na sumasaklaw din sa mga dayuhan.


Ang form ay dapat din na naglalaman ng pangalan ng subscriber, petsa ng kapanganakan, kasarian, ang kanyang tinitirhan na siyang makikita rin sa kanyang valid ID na may larawan, at ang numero ng mobile number at serial number.


Anumang impormasyon na nakasaad sa dokumento ng rehistrasyon ay ituturing na ganap na lihim, maliban na lamang kung ipinahintulot ito na nakasulat, ng subscriber.


Ngunit ang mga impormasyon ay maaaring ihayag sa utos ng hukuman o nakasulat na kahilingan ng mga ahensyang nagpapatupad ng batas, na may kaugnayan sa isinasagawang imbestigasyon ng isang labag sa batas na paggamit ng mobile number.


Irerehistro rin dapat ang SIM cards na ibinenta o inisyu bago ang pagiging epektibo ng panukalang SIM Card Registration Act. 


Ang mga PTE ay kailangang magmantine ng mga talaan ng lahat ng mga subscribers at numero ng kanilang SIM cards. Isusumite nila ang talaan ng kanilang mga otorisadong tagapagbenta/ahente sa National Telecommunications Commission.


May kaakibat na kaparusahan ang Bill No. 14.


Kapag ang paglabag ay nagawa ng isang PTE, ang pangulo at mga responsableng opisyal ang siyang mananagot, at pagmumultahin ng aabot sa halagang P300,000 para sa unang paglabag, halagang P500,000 para sa pangalawang paglabag, at aabot sa halagang P1-milyon para sa ikatlo at mga susunod pang paglabag.


Kapag ang lumabag ay ang otorisadong tagapagbenta, ang kanyang operasyon ay sususpindihin at pagmumultahin ng halagang mula P5,000 hanggang P50,000.


Kapag ang lumabag naman ay isang opisyal o kawani ng ahensyang nagpapatupad na ahensya, ay tatanggalin siya sa trabaho at pagmumultahin, maliban pa sa paghahain ng karampatang kriminal na kaso at kasong administratibo. 

Monday, September 5, 2022

KOMITE SA KAPAKANAN NG MGA BATA, NAGDAOS NG UNANG PAGPUPULONG

Nagdaos ngayong Lunes ng unang pagpupulong ang Komite ng Welfare of Children sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni BHW Rep. Angelica Natasha Co, at inaprubahan ang Mga Panuntunan ng Pamamaraan ng Komite. 


Sinabi ni Co sa kanyang pambungad na pahayag na ang araw na ito ang takdang araw na sila, bilang mga mambabatas, ay natutong tumingin sa mga mata ng mga bata, at inalam, pati na rin ang maranasan kung ano ang mundo para sa kanila. Ipinahayag niya na tutukuyin nila ang pinakasanhi at patuloy na magiging sanhi ng mahirap na kalagayan, na humantong sa malubhang paglabag at hindi pagtupad sa mga protektadong karapatan ng mga bata sa ilalim ng Saligang Batas. 


Noong ika-18 Kongreso sa ilalim ng pamunununo ni Chairperson Yedda Marie Romualdez, sinabi ni Co na isinulong ng Komite ang pagpapatibay ng mga panukala na nilalayong maiwasan ang karahasan at pagbabanta sa mga bata, gayundin ang mga pagkakataon para sa kanilang paglaki at pag-unlad. 


Nilayon din ng mga panukala na isulong ang pangkalahatang kapakanan at pinakamabuting interes ng mga bata, protektahan ang mga bata sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga batas, at gawing institusyonal ang mga programa sa proteksyong panlipunan, gayundin palakasin ang pagiging inklusibo sa pamamagitan ng pagbibigay kapangyarihan sa mga bata na lumahok hindi lamang sa proseso ng lehislasyon, kungdi maging sa lahat ng bagay na nakakaapekto sa kanila. 


“This categorization of bills established under the previous leadership remains our model for achieving the best interest of children. 


The letters of the laws are stronghold, the committee is more emboldened to actively pursue efforts to realize a safe and secure environment for our children,” ani Co.  


Samantala, nagbigay ng pangkalahatang-ideya hinggil sa kalagayan ng mga batang Pilipino si Undersecretary Angelo Tapales ng Council for the Welfare of Children, isang sangay na ahensya ng Department of Social Welfare and Development. 


“Our marching order from Secretary Erwin Tulfo, of course we are an attached agency of the DSWD, is to be more relevant than it presently is, to reach more, to help more, not only children but also their families and persons having legal custody of them, to be able to be an instrument of change, with of course our partnership with the Committee on the Welfare of Children, our partner LGUs, NGOs, and other national government agencies,” ani Tapales. 


Gaya ng nabanggit ni Chairperson Co, “Caring for children or furthering the rights of children is a public trust, which we jointly hold,” aniya.

Sunday, September 4, 2022

PASADO NA SA KOMITE SA KAMARA ANG SIM CARD REGISTRATION ACT

Pasado na sa House Committee on Information and Communications Technology ang panukalang “SIM Card Registration Act.”


Sa pagdinig ng komite, inaprubahan ang “consolidated version” ng panukala maging ang committee report matapos na ilahad ng mga may-akda ang kanilang sponsorship speech.


Si House Deputy Speaker Aurelio Gonzales ang nagmosyon na i-consolidate ang mga House Bill na inihain ngayong 19th Congress, para sa SIM card registration bill.


Pero tinutulan ito ni Kabataan PL Rep. Raoul Manuel, dahil kailangan pa aniya ng mabusising pagtalakay sa panukala lalo sa usapin ng “privacy” at iba pang concerns o pag-aalinlangan.


Paliwanag naman ng chairman ng House Committee on Information and Communications Technology na si Navotas Rep. Toby Tiangco, aprubado na ang katulad na panukala noong 18th Congress at na-veto lamang ni dating Pang. Rodrigo Duterte. Ginamit din ng komite ang Rule 10, section 48 ng Kamara, para mapabilis ang pagpasa sa panukala.


Nagbotohan sa komite para sa consolidation ng House Bills, kung saan 1 lamang ang tumutol at mayorya ang bumotong pabor.


Kinalauna’y nagmosyon na si Rep. Fernando Cabredo na aprubahan ang panukala, kung saan mayorya ng mga miyembro ng komite ang bumoto pabor, at 1 ang kontra.


Ang mother bill ay ang House Bill ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, na nauna nang nagsabi na makatutulong ito upang masawata ang mga indibidwal na mayroong masamang balakin at makilala ang mga scammer na gumagamit ng SIM card sa kanilang modus o panloloko, sa pamamagitan ng pagpaparehistro ng SIM cards.


Samantala, umaasa naman si Pasig City Rep. Roman Romulo na ikunsidera na rin ng Senado at aprubahan ang panukala.

MGA OPISYAL NG DA, TILA HINDI YATA HANDA SAGUTIN ANG MGA TANONG NG MGA MAMBABATAS

Pinagsabihan ni House Committee on Appropriation Vice Chairman at Iloilo 1st District Representative Janette Garin  ang mga taga Department of Agriculture (DA) na tila hindi handa ang mga opisyal ng ahensiya sagutin ang mga tanong ng mga mambabatas sa isinagawang budget deliberation.


Partikular na pinuna ni Garin ang kawalan ng undersecretary at assistant secretary for finance ng tanungin kaugnay sa pondo ng ahensiya at ang paglabas sa session ng mga opisyal at hindi tinutulungan ang kanilang mga tauhan sa pagsagot sa mga tanong.

Sinabi ni Garin, dapat alam ng mga opisyal ang kanilang isasagot sa mga tanong lalo at hindi araw araw ginagawa ang budget hearing.


Nasa P163.8 billion ang proposed budget ng Department of Agriculture para sa fiscal year 2023.


Mataas ito ng 40% mula sa 2022 budget ng ahensiya.

Sa opening statement ni Garin sa pagsisimula ng budget briefing ng ahensiya, sinabi nito na ang pagtaas sa pondo ng DA ay patunay ito na seryoso si Pang. Bongbong Marcos na gawing prayoridad na magkaroon ng sapat na pagkain na naaayon sa kaniyang 8-point socio-economic agenda.


Dahil si Pang. Marcos ang nakatutok sa ahensiya, ni-recalibrate ng DA ang kanilang budget para sa 2023 na naaayon sa direktiba ng Pangulo ang pagpapalakas sa local production, reducing production costs at raising income ng mga magsasaka at mangingisda.


Pinasisiguro din ng Pangulo na magkaroon ng stability sa presyo ng mga pangunahing bilihin at taasan pa ang production levels.


Binigyang-diin din ni Garin na madaming magagandang programa ang nakalinya para sa mga manggagawa sa agrikultura.


Giit ng mambabatas ang usaping agrikultura ay hindi lamang tungkol sa pagtatanim o pag-aalaga ng hayop kundi tungkol ito sa isang buo at kompletong sistema na makakatulong para sa sapat at abot kayang pagkain.

PAGTATATAG NG IISANG REPOSITORY AGENCY NG LAHAT NA MGA LAW ENFORCERS SA KASO NG MGA ILLEGAL DRUGS

 


Ipinanukala ni Agusan de Norte Rep. Dale Covera sa Kamara de Representantes ang pagtatatag ng  isang repository agency o iisang ahensiyang imbakan na hahawak sa lahat na mga dangerous drug cases sa bansa.


Sinabi ni Corvera na nasaksihan niya ang discrepancy sa datus ng mga kaso hinggil sa mapanganib at ipinagbabawal na gamot  o droga na inuulat ng Philipine National Police o PNP at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA.


Aniya, nagdudulot lamang ng malaking problema sa epektibong pagpaplano at pagpapatupad ng mga drug operation sa bansa.


Hindi umano tumutugon ang mga maling datus na ito sa ipinatutupad na mga plano at programa ng pamahalaan sa pagsasawata ng illegal drugs na nagdudulot ng kasiraan sa lipunan.


Itinulak ni Corvera ang kanyang mungkahi sa isinagawang pagdinig ng Committe on Dangerous Drugs kamakailan.

PRICE CAP SA PASAHE SA EROPLANO PARA SA LOCAL AT DOMESTIC NA RUTA, IMINUNGKAHI

Humihirit si Ilocos Sur Rep. Ronald Singson sa pamahalaan na magkaroon ng pansamantalang “price cap” sa air fares o pasahe sa eroplano para sa “local o domestic” na mga ruta.


Ito ay nakasaad sa kanyang House Resolution 307, kung saan hinihimok din ni Singson ang kaukulang komite ng Kamara na magdaos ng pagsisiyasat “in aid of legislation” ukol sa umano’y nakaka-alarmang pagtaas sa presyo ng air fares na kinokolekta ng iba’t ibang airline companies.


Katwiran ni Singson, ang price cap ay para sa proteksyon ng mga pasahero, gayundin ng airline companies.


Binanggit ng mambabatas na batay sa mga datos, ang local air travel bookings ay tumaas lalo’t maraming local destinations ang nagluwag na ng COVID-19 restrictions at nagbukas ng borders.


Pero, may mga reklamo at ulat aniya na may mga airline company na sinasamantala ang sitwasyon, at ang mataas na halaga ng langis sa kasalukuyan ay ipinapasa sa mga commuter sa pamamagitan ng taas-pasahe sa eroplano.


Ayon kay Singson, batid naman ng lahat na ang mataas na presyo ng produktong petrolyo ay dahil sa tensyon ng Russia at Ukraine, at pandemya. 


Ngunit, masyadong kwestyonable aniya kung bakit ang airline companies ay masyadong mataas maningil ng pasahe sa mga biyahero partikular sa mga kilalang destinasyon sa bansa gaya ng Boracay, Cebu, Bohol, Siargao at Palawan, kumpara sa mga probinsya o destinasyon.


Babala ng kongresista, maaaring bumagsak ang “air travel demand” kung mananatiling mataas ang air fares, at kinalauna’y makakaapekto sa aviation sector at industriya ng turismo.


Giit ni Singson, kailangang masilip ng Kongreso kung bakit pinayagan ng Civil Aeronautics Board o CAB na maningil ng labis ng mga airline company, habang makapaglatag din ang mga mambabatas ng kinakailangang lehislasyon upang maprotektahan ang publiko habang binabalanse ang interes ng mga pasahero at mga kumpanya.

BODY CAM NG MGA LAW ENFORCER PARA ANTI-ILLEGAL DROG OPS, KULANG PARA SA KANILA

Aminado ang ibat-ibang law enforcement agencies gaya ng PNP, PDEA at NBI na kulang ang kanilang mga body worn cameras na gagamitin para sa ikakasang mga anti-illegal drug operations.


Layon kasi ng pagsusuot ng body worn cameras ay para maging transparent ang operasyon, maiwasan ang paglabag sa karapatang pantao lalo na sa PNP na may kinakaharap na mga reklamo ang extra judicial killings at ang umanoy pagtatanim ng ebidensiya.


Sa panig ng PNP mahigit dalawang libo ang na procure nilang mga body worn cameras at ginagamit na ito sa kanilang anti-illegal drug at law enforcement operations.

Gayunpaman kulang pa rin ito sa dami ng mga pulis sa buong bansa.


Ang PDEA naman ay may na procure na subalit hindi ito sapat at gumagamit sila ng mga alternatibong kagamitan gaya ng cellphone at camera at maging ang NBI ay kokonti lang kanilang mga body worn cameras.


Ang dahilan dito ay kakulangan ng pondo para sa procurement.

Ayon kay House Committe Chair on Dangerous Drugs Board  chair Rep. Robert Ace Barbers na gagawan ng paraan ng komite para makakuha ng pondo para mabigyan ng body worn cameras ang mga law enforcement agencies lalo at halos lahat na ng mga bansa sa buong mundo ay gumagamit na nito.


Samantala, ibinunyag din ng PNP, PDEA at NBI sa committee briefing ang patuloy na pamamayagpag ng mga convicted drug lords sa kanilang illegal drug trade kahit nasa loob na ng kulungan ang mga ito.


Kaya ayon kay Rep. Barbers panahon na para matigil ang ganitong iligal na aktibidad.

Bubuo ng polisiya ang committee para hindi na maipagpapatuloy ng mga convicted drug lords ang kanilang iligal na gawain.

Binigyang-diin naman ng mambabatas na dapat pakatutukan din ng mga ahensiya ang pagpasok ng mga iligal na droga sa bansa lalo na at nalulusutan ito.

-SAMPUNG ARAW NA LEAVE SA TRABAHO PARA SA MGA EMPLEYADONG NAMATAYAN NG KAANAK, ISINUSULONG SA KAMARA

Isinulong sa Kamara na mabigyan ng sampung araw na pagliban trabaho na may sweldo ang mga empleyado sa pribado at pampublikong sektor na namatayan ng miyembro ng pamilya o iba pang kamag-anak.


Nakapaloob ito sa inihain nina TINGOG Party-list Reps. Yedda Marie Romualdez at Jude Acidre na  House Bill (HB) No. 2345 o Panukalang Bereavement Act of 2022.


Layunin nito na magkaroon ng pagkakataon  ang mga manggagawa na makapagluksa at unti unting makabangon mula sa pagpanaw ng kanilang asawa, magulang, anak, kapatid o iba pang kaanak ng hindi nasasakripisyo ang kanilang sweldo.


Iginiit sa panukala na ang 10-day paid bereavement leave ay hindi pwedeng maging basehan ng anumang aksyon laban sa empleyado  tulad ng misconduct, demotion, o termination sa trabaho.


Ang panukala ay alinsunod sa itinatakda ng Section 18, Article Il ng 1987 Philippine Constitution na mandato ng estado na protektahan ang mga karapatan ng mga manggangawa at isulong ang kanilang kapakanan.


Kapag naging batas, ang lalabag dito ay pagmumultahon ng P20,000 o  15- araw hanggang isang buwan na pagkakulong.


Kung ang lalabag ay kompanya o asosasyon, ay ang mga opsiyal nito ang haharap sa kaparusahan.