Wednesday, August 17, 2022

KOMITE NG EAGA NAGDAOS NG ORGANIZATIONAL MEETING; MINDA NAGSAGAWA NG BRIEFING

Nagpulong ngayong Miyerkules ang Espesyal na Komite ng East ASEAN Growth Area (EAGA) sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Rep. Princess Bai Rihan Sakaluran, para sa kanilang organizational meeting at nag-briefing naman ang Mindanao Development Authority (MinDa). 


Sa kanyang pambungad na mensahe, pinasalamatan ni Sakaluran si Speaker Ferdinand Martin Romualdez, sa kanyang lubos na pagtitiwala sa kanyang suporta, sa pagkakahirang sa kanya bilang chairperson ng naturang Komite. 


“As chairperson of the special committee, we shall see to it that we facilitate, initiate and oversee the projects to make sure that it will be well implemented,” ani Sakaluran sa kanyang mensahe sa lupon. 


Kanyang sinabi na pagtutuunan ng Komite ang layunin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na nagbibigay ng kahalagahan sa pagkain, agrikultura, imprastraktura, kalusugan at turismo. 


“I am hopeful that with your support, we can craft and introduce bills in this committee in agreement with its mandate and jurisdiction,” ani Salakuran. 


Sa kanyang presentasyon, tinalakay ni Committee Secretary Alphie Mejia ang mandato ng Komite, at ang mga mahahalagang aktibidad sa ika-18 Kongreso. 


Tinalakay niya rin ang kabuuang layunin ng Brunei Darussalam-Indonesia-Malaysia-Philippines East ASEAN Growth Area (BIMP-EAGA), na inilalarawan sa kanilang website na, “a cooperation initiative established in 1994 to spur development in remote and less developed areas in the four participating Southeast Asian countries.” 


Sa sumunod na briefing, binigyang-diin ni MinDa Secretary Maria Belen Sunga Acosta ang tungkulin ng Espesyal na Komite sa EAGA, at sinabing sa nakalipas na mga taon, ay naging instrumental ang pagpapatibay ng pambansang polisiya na sumusuporta sa inisyatiba sa pagtulong sa kalakalan, transport connectivity, at paggalaw ng mga mamamayan sa pagitan ng Mindanao-Palawan at EAGA BIMP. 


Nagpahayag rin ng mga kaganapan si MinDa Assistant Secretary at Deputy Executive Director Romeo Montenegro sa nakaraang inisyatiba ng BIMP-EAGA, kabilang na ang mga benepisyo sa ekonomiya, ng paglahok ng Mindanao-Palawan sa sub-regional cooperation. 


Isa sa mga paksang natanong sa idinaos sa sumunod na open forum ni Sakaluran, ay kung papaano muling mahihimok ang mga mangangalakal matapos na maraming negosyo ang nagsara dahil sa pandemyang dulot ng COVID-19. 


Ayon kay Acosta, may pangangailangan na maibalik ang mga direct flights mula sa Mindanao patungo sa mga bansa sa BIMP, na naapektuhan at kalauna’y itinigil dahil sa pandemya ng COVID-19.  


Iginiit ni Acosta ang kahalagahan ng inter-connectivity. 


“Kailangan ma connect tayo by land, by sea, and by air as well as the internet,” ani Acosta.

CHAIRPERSONS NG MGA KOMITE NG KALUSUGAN, ENERHIYA AT ICT, HINIRANG

Nag-adjourn ngayong Miyerkules ang Kapulungan ng mga Kinatawan sa paghirang ng ilan pang chairpersons ng mga Komite, upang tiyakin na ang mga mahahalagang panukala ay mababalangkas sa lalong madaling panahon. 


Nahirang si Rep. Ciriaco Gato Jr. (Lone District, Batanes), na isang manggagamot, bilang Chairman ng Komite ng Kalusugan, na tumutugon sa lahat ng mga usapin sa pampublikong kalusugan, kabilang na ang pandemyang dulot ng COVID-19. 


Ang ilan pang nahirang bilang chairpersons ay sina Rep. Lord Allan Velasco (Lone District, Marinduque) para sa Komite ng Enerhiya, Rep. Ma. Rachel Arenas (3rd District, Pangasinan) para sa Komite ng Foreign Affairs, at Rep. Tobias Reynald Tiangco (Lone District, Navotas City) para sa Komite ng Information and Communications Technology. 


Ang mga mambabatas ay labis na naging masigasig simula pa noong nakaraang linggo, na karamihan sa mga Komite ay nagdaraos ng kani-kanilang organizational meetings, kabilang na ang deliberasyon at pagpapasa na rin ng mga mahahalagang panukala, na mangangalaga at magsusulong ng kapakanan ng mga mamamayang Pilipino. 


Ang hybrid na sesyon ay pinangunahan nina Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Deputy Speaker Isidro Ungab.

MGA PANUKALANG BATAS NA MANGANGALAGA SA MGA YAMANG HAYOP, PAGPAPANATILI SA PANGANGASIWA NG KAGUBATAN AT PAGBABAWAL SA LOKAL NA PAGTOTROSO, APRUBADO

Inaprubahan ngayong Miyerkules ng Komite ng Natural Resources sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga Jr. ang ilang panukalang batas na mangangalaga sa mga yamang hayop, pagpapanatili sa pangangasiwa ng kagubatan, pagkakategorya ng mga pampublikong lupain, pagpapatupad ng pagbabawal sa lokal na pagtotroso, at pagdedeklara sa ilang mga lugar na bawal pagminahan, at iba pa. 


Ang pag-apruba ay ginawa kasunod ng omnibus na mosyon na inihain ni Negros Occidental Rep. Alfredo Marañon III sa Komite na sumang-ayon sa pagpapatibay ng lahat ng mga panukalang batas sa adyenda ng pagpupulong, na naaprubahan sa ikatlong pagbasa, at ikinonsidera bilang mga prayoridad na mga panukala noong Ika-18 Kongreso. 


Binanggit ni Barzaga ang Paragraph 2 ng Section 48 ng House Rules, na nagsasaad na ang mga tinukoy na panukalang batas bilang prayoridad na mga panukala ng Kapulungan, na naaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa noong nakaraang Kongreso, ay maaari nang ituring bilang mga usapin na naiulat na at bilang inaprubahan na ng karamaihan ng kasapi ng Komite.  


“Therefore, applying this rule of our procedures under the second paragraph of Section 48, what we have to do right now is that there will be no further discussion of the merits of these bills but merely a motion to approve these bills subject to the concurrence of the majority of the members who are present,” ani Barzaga. 


Kinumpirma naman ni Committee Secretary Raul Terso na ang dalawang pambansang panukalang batas, at lahat ng lokal na mga panukala na nasa adyenda ng mga prayoridad na mga panukala noong Ika-18 Kongreso.  


Ang mga sumusunod na panukalang batas na naaprubahan ay: 1) sa konserbasyon at proteksyon ng mga yamang hayop, HBs 154, 2595, 306, 309, 485, 1534, 2769; 2) sa pagpapanatili ng pamamahala ng kagubatan, HBs 1878, 2018 & 2469; 3) sa pagkakategorya ng lupa, HBs 380, 536, 1611, 2198, 2201, 2841; 4) HB 2415 sa pagdedeklara bilang isang protektadong lugar; 5) HBs 966, 967 at 970, na nauukol sa Cagayan de Oro.

PAGPUPULONG NG KOMITE NG KAPULUNGAN SA MGA AHENSIYA NG DOF, BIR, AT BOC, ISINAGAWA; MGA PANUKALANG BATAS SA PAGPAPADALI NG PAGBABAYAD NG MGA BUWIS AT PAGBUBUWIS SA MGA HINDI LOKAL NA DSP, AT MGA PLASTIC BAGS, INAPRUBAHAN

Nagdaos ng paunang pagpupulong ngayong Miyerkules ang Komite ng Ways and Means sa Kapulungan ng mga Kinatawan para sa Ika-19 na Kongreso, na pinamumunuan ni Albay Rep. Joey Sarte Salceda kung saan ay mabilis na pinagtibay ang Mga Panuntunan at Pamamaraan ng Komite.  


Sa pagsisimula, ibinahagi ng Department of Finance (DOF), Bureau of Internal Revenue (BIR), Bureau of Customs (BOC), at National Tax Research Center (NTRC) sa Komite ang kanilang mga nagawa sa mga nakaraang taon, at mga prayoridad na programa para sa taong 2022. Iniulat naman ni Finance Secretary Benjamin Diokno na nakakolekta ang DOF ng ₱575.7 bilyon sa pamamagitan ng pagpasa ng ilang mga batas sa reporma sa buwis, mula 2018 hanggang 2021.  


Humingi rin siya ng suporta para sa Medium-Term Fiscal Framework ng pamahalaan na makakatulong sa pagpapahusay ng pagiging patas, at kahusayan ng sistema ng pangongolekta ng buwis sa bansa. 


“We will work as one in building a robust economy for a faster, greener, and more inclusive growth that benefits all Filipinos,” aniya. 


Binanggit naman ni BIR Commissioner Lilia Guillermo na nakamit ng BIR ang 93.67 porsiyento ng target na koleksyon nito para ngayong taon, na umaabot na sa ₱1.13 bilyon.  


Idinagdag pa niya na nakatuon ang pagsisikap ng BIR sa taong kasalukuyan sa pagpapatupad, pagsubaybay sa pagsunod sa pagbabayad ng buwis, gayundin sa mga programa sa pagpapahusay ng mga serbisyo ng pangangasiwa at suporta. 


Para naman sa BOC, inilahad ni Assistant Commissioner Vincent Maronilla na patuloy nilang ginagawa ang digitisasyon ng mga aktibidad, at transaksyon nito na sumusuporta sa Anti-Red Tape Act.  


Kasama ng mga pagpapahusay sa pagkontrol sa mga hangganan at pagtataguyod ng integridad at pagiging bukas, nagsasagawa din ang BOC ng mga inisyatiba sa programa ng kompyuterisasyon ng customs, anti-smuggling, anti-corruption, pagpapadali ng kalakalan at koleksyon ng buwis. 


Samantala, sinabi ni NTRC Executive Director Marlene Lucero-Calubag na determinado ang NTRC na magbigay ng tulong teknikal sa DOF sa pagpapatupad nito ng mga panukalang batas sa pagbubuwis.  


Inaprubahan din ng Komite ngayong araw ang mga wala pang bilang na substitute bills, kasama ang katumbas na Ulat ng Komite sa 1) HB 53 o ang panukalang “Ease of Paying Taxes Act,” 2) HB 372, na nagpapataw ng value-added tax sa mga digital na transaksyon sa Pilipinas, at 3) HB 220, na nagpapataw ng excise tax sa mga plastic bag.  Nilinaw ni Salceda, may-akda ng HB 372, na hindi ito magpapataw ng karagdagang buwis sa mga digital service provider (DSP), ngunit magbibigay ng mekanismo sa pamahalaan na makakolekta ng value-added tax mula sa mga hindi residenteng DSP.  


Sinabi niya na makakatulong ito sa pagkakaroon ng pantay na oportunidad para sa mga lokal na DSP, pati na rin ang pasimplehin ang pagsingil at pagpaparehistro para sa mga VAT-registered nonresident DSPs.  


Ang mga panukalang ito ay nakasalang na sa ikalawang pagbasa ng deliberasyon sa plenaryo.

UNANG PULONG NG KOMITE NG APROPRIYASYON, IDINAOS

Nagpulong ngayong Miyerkules ang Komite ng Appropriations sa Kapulungan ng mga Kinatawan na pinamumunuan ni Rep. Elizaldy Co (Party-list, Ako Bicol) para sa kanilang organizational meeting sa ika-19 na Kongreso, ilang linggo matapos ang itinakdang deliberasyon ng 2023 General Appropriations Bill. 


Inaprubahan ngayong araw ng mga miyembro ng Komite ang Internal Rules and Procedure ng lupon, na nangangahulugang sila ay handa na upang talakayin ang mga mahahalagang panukala na amy kaugnayan sa gastusin ng pamahalaang nasyunal. 


Ang mga dumalo sa pulong ay sina dating Pangulo na ngayon ay Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, Minority Leader Marcelino Libanan, at Committee on Appropriations Senior Vice Chairperson Rep. Stella Luz Quimbo (2nd District, Marikina City).

MGA ISYU HINGGIL SA TV5 NETWORK AT ABS-CBN, PINA-IIMBESTIGAHAN SA KAMARA NG MGA MAMBABATAS

Ilang resolusyon ang inihain sa Kamara na nagpapaimbestiga sa ilang isyu laban sa TV5 Network Inc. at ABS-CBN Corporation.


Sa House Resolution 280 ni Zamboanga Sibugay Rep. Wilter Palma --- inaatasan ang House Committee on Legislative Franchises na magdaos ng pagsisiyasat “in aid of legislation” ukol sa alegasyong “foreign ownership” ng ABC Development Corporation o TV5 sa kasalukuyan.


Ayon kay Palma, maaaring paglabag sa 1987 Constitution at legislative franchise ng TV5 sakaling mapatunayan na ito ang pag-aari ng isang Indonesian national.


Samantala sa hiwalay na House Resolution 281 na akda naman ni Quezon Rep. David Suarez, inaatasan din ang Committee on Legislative Franchises na imbestigahan ang maaari umanong “franchise violation” ng TV5 dahil sa “block time agreement” nito sa ABS-CBN Corporation.


Sinabi ni Suarez na kamakailan ay inanunsyo ang sanib-pwersa ng TV5 at ABS-CBN, kung saan ipalalabas ang ilang programa ng ABS-CBN at TV5; gayundin ang pag-acquire ng ABS-CBN ng 34.99% ng total voting at outstanding capital stock ng TV5.


Habang sa House Resolution 282 ni TGP PL Rep. Bong Teves --- ipinasisiyasat ang pag-ere ng news program na “TV Patrol” sa ibang istasyon na maaari umanong paglabag din sa legislative franchises.


Bukas, magdaraos ng briefing ang House Committee on Legislative Franchises ukol sa mga usapin laban sa TV5 at ABS-CBN, pero base sa abiso ay hindi raw ito bukas sa media.

Tuesday, August 16, 2022

MGA PANUKALANG MAGPAPABILIS NG ECONOMIC RECOVERY NG BANSA, INILATAG NA NG DOF

Inilatag ni Department of Finance (DOF) Secretary Benjamin Diokno ang ilang mga measures para mapabilis ang economic recovery ng bansa sa isinagawang pagdinig ng House Committee on Ways and Means sa pangunguna ni Rep. Joey Salceda.


Sa naging talumpati ni Sec. Diokno kaniyang sinabi na kabilang sa mga measures na makakatulong sa epagbangon ng konomiya ng bansa ay ang mga sumusunod: Real Property Valuation and Assessment reform; Imposition of Vat on Digital Goods and Services; Excise Tax on Single-use of Plastic bags; Passive income and financial intermediary Taxation; Rationalization of Mining Fiscal Regime; Military and Uniformed Personnel Pension Reform Bill; Amendments to Landbank of the Philippines Charter; Livestock Development and Competitiveness Bill; Capital Market Development at Amendments to the Philippine Crop Insurance Corporation Charter.


Sinabi ng Kalihim na sa kabila na mataas ang public debt o utang, nananatili naman itong manageable.


Ipinunto ni Secretary Diokno na hindi kasama ang Pilipinas sa mga bansa na may pinakamataas na panganib na hindi matupad ang kanilang mga obligasyon sa taong ito.

Giit ni Diokno ang ratio ng utang-sa-GDP ay hindi ang tanging pamantayan na mahalaga, dapat isaalang-alang ang economic fundamentals ng bansa.


Binigyang-diin ng chief economic manager ni Pang. Marcos na ang ating panlabas na sektor ay nananatiling matatag ang gross international reserves (GIR) at higit pa sa sapat at mayroong tuluy-tuloy na structural inflow at tumataas na exports.


Layon kasi ng Marcos administration na palaguin ang ekonomiya ng 6.5 hanggang 7.5 porsiyento sa taong ito at pagkatapos ay gawing 6.5 hanggang 8 porsiyento taun-taon mula 2023 hanggang 2028.


Sinabi din ni Diokno na walang dapat ikabahala sa kasalukuyang antas ng public debt o utang.

PANUKALANG MAG-PAPATAW NG VAT SA NON-RESIDENTIAL DIGITAL SERVICE PROVIDERS, LUSOT NA SA KOMITE SA KAMARA

Lusot na sa House Committee on Ways and Means ang “substitute bill” ng panukalang batas na magpapataw ng Value Added Tax o VAT sa non-resident digital service providers sa bansa.


Sa pagdinig ng komite sa pangunguna ng chairman nito na si Albay Rep. Joey Salceda, inaprubahan “subject to amendments” ang wala pang numerong substitute bill ng House Bill 372 matapos ang diskusyon at pagkuha sa posisyon ng ilang stakeholders.


Layon ng panukala na maayendahan ang ilang sections ng National Internal Revenue Code of 1997.


Kapag naging ganap na batas ang panukala, kasama sa mapapatawan ng 12% VAT ay ang foreign-based digital services gaya ng Netflix, Spotify, Lazada at iba pang online service providers.


Nauna nang sinabi ni Salceda, na siyang may-akda ng House Bill, na ito ay hindi naman bagong tax o buwis at sa halip ay layong palakasin ang tax compliance ng digital service providers.


Ang VAT aniya para sa non-resident digital service providers ay inaasahang ay katumbas na P9 billion na kita para sa pamahalaan.


Aprubado na ng Kamara ang katulad na panukala noong 18th Congress. Kaya naman sa bisa ng Rule 10 ng section 48, isa ito sa mga panukalang pwedeng madaliin ang approval ngayong 19th Congress. 


Matatandan naman na sa unang State of the Nation Address o SONA ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ay kanyang sinabi na i-a-adjust ang tax system ng pamahalaan, kasama na ang pagpapataw ng VAT sa digital service providers, upang makasabay sa digital economy.

COMMITTEE ON APPROPRIATION, NAGSAGAWA NA NG PRE-BUDGET BRIEFINGS

Kinumpirma ng ilan sa vice chair ng committee on appropriations na nagsasagawa na sila ng pre-budget briefings.


Ito ay habang hinihintay pa ang pagsusumite ng ehekutibo ng 2023 national expenditure program.


Ayon kina appro vice chairs agelica natasha co ant bienvenido abante, inisyatibo ito ng house leadership at ng komite upang mapabilis ang proseso ng pagtalakay sa panukalang pambansang pondo.


Sa paraang ito ayon kay Co, ay nagawa na nilang makapagtanong at mag-komento sa mga ahensya tungkol sa kanilang mga programa.


“Initiative of the House Leadership and Appro together to get the budget on time. We were able to ask questions already about their programs. This gives us time to clarify things and an avenue for us to maybe also comment if needed.” Tugon ni Co.


Inaasahan naman ni abante na sa ikinasang “meet-and-greet” ng mga mambabatas sa mga ahensya ng pamahalaan ay matutukoy nila kung paano pang mas mapagsisilbihan ang kanilang mga constituents.


Dagdap pa ng manila solon na ang pagtalakay sa budget ay isang collaborative process sa pagitan ng lehislatura at ehekutibo.


Ngayong araw naman itinalaga sa mga miyembro ng cttee on appropriations ang mga ahensya na kanilang iso-sponsor at dedepensahan.



".. members of the House have been holding meet-and-greet, informal meetings with the representatives of various agencies and departments, with the end in view of finding ways for us to better serve our constituents and to better fulfill our respective mandates.” Saad ni abante.


BRIEFING KAUGNAY SA KASUNDUAN NG ABS-CBN AT TV-5 NETWORK, GAGANAPIN SA KAMARA

Nagkasa na ang House Committee on Legislative Franchises ng “briefing” kaugnay sa kasunduan ng ABS-CBN Corporation at TV-5 Network Inc.


Sa kalendaryo ng Kamara, ang naturang briefing ay itinakda bukas (Aug. 18), alas-dos ng hapon.


Si Paranaque Rep. Gus Tambunting ang mangunguna sa briefing.


Maalala na kamakailan ay nagprivilege speech si SAGIP PL Rep. Rodante Marcoleta na kumukwestyon sa sanib-pwersa ng ABS-CBN at TV-5.


Kanyang sinabi na dapat umanong silipin ito ng Kongreso, dahil sa aniya’y ilang paglabag sa batas.


Matatandaan na noong 18th Congress, na-reject o hindi na-renew ang prangkisa ng ABS-CBN.

PAGSISIYASAT SA KONTROBERSIYAL NA SO NO. 4, PORMAL NA HINILING NG MINORYA SA KAMARA

Pormal nang hiniling ni House Minority Leader Marcelino Libanan sa Mababang Kapulungan ng imbestigahan ang kontrobersiya sa Sugar Order no. 4 o ang naunsyaming pag-aangkat ng 300,000 metriko toneladang asukal.


Sa kanyang House Resolution 259 --- inaatasan ang House Committee on Good Government and Public Accountability at Committee on Agriculture and Food na agarang magdaos ng “joint inquiry” sa ilegal na pag-iisyu ng SO no. 4.


Matatandaan na nakwestyon ang naturang kautusan makaraang pirmahan ito ng nagbitiw na si Agriculture Usec. Leocadio Sebastian at iba pang opisyal, nang walang otoridad ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na siyang namumuno bilang kalihim ng Department of Agriculture.


Maliban kay Sebastian ay nagbitiw na rin sa pwesto sina SRA administrator Hermenegildo Serafica at Sugar Board member Atty. Roland Beltran.


Nauna nang nagdaos ng “joint briefing” ang dalawang komite ng Kamara ukol sa usapin, kung saan imbitado ang mga opisyal ng DA, Sugar Regulatory Administration o SRA at iba pang ahensya at stakeholders.


Pero katwiran ni Libanan, kailangan ng mas malalimang pagsisiyasat sa usapin, upang mabatid kung may naganap bang sabwatan sa tangkang importasyon ng asukal, at para pagpaliwanagin ang mga dawit na opisyal para sa posibleng kriminal na asunto.


Binanatan naman ng Lider ng Minorya ang dating pamunuan ng DA na bigo umanong palakasin ang lokal na produksyon at sa haluo ay panay pag-aangkat ang inatupag.


Ngunit sa kasalukuyang administrasyon, umapela si Libanan na dapat bumuo at mag-isyu ng malinaw na patakaran ukol sa importasyon ng mga produktong-agrikultural lalo na sa panahon ng harvest season, hindi lamang para sa asukal kundi iba pa pang pagkain at ani upang hindi maging pasakit sa mga magsasaka at producers.

PAGPAPA-WALANG BISA NG BATAW NA NAGBABAWAL SA UKAY-UKAY, IMINUNGKAHI

Plano ng House Committee on Ways and Means na magsulong ng panukalang batas na magpapawalang bisa sa Republic Act No. 4653 o  batas na nagbabawal sa importasyon ng ukay-ukay o mga ginamit ng damit.


sa pagtaya ni Albay 2nd district Representative Joey Salceda na syang chairman ng committee, aabot sa P18 billion ang industriya ng ukay-ukay na makapagbigay ng trabaho at makakatulong sa mahihirap na sektor sa bansa.


Ayon kay Salceda, malaking negosyo ito dahil ang mga maayos at maaring isuot muli na ukay ukay ay pwedeng  itinda sa mga supermarkets o fashion stores at i-export habang ang mga hindi na ubrang gamitin pa ay maaring gawing basahan at ibenta.


Sabi ni Salceda, nasa 28 billion US dollars ang halaga ng merkado para sa ukay ukay.


ikinatwiran pa ni Salceda, na sa kabila ng batas na nagbabawal sa ukay ukay ay nagpapatuloy naman ang pagbebenta nito kaya mainam na gawin itong legal.


diin ni Salceda, maaring magtakda ng pamantayan ang department of health para matiyak na hindi makakasama sa kalusugan ang mga ukay ukay na aangkatin at papasok sa bansa.

######

PAGPAPATUPAD NG NCAP SA MANILA, PINSISIYASAT NG ISANG MAMBABATAS

Ipinasisiyasat na sa Kamara ang kontrobersyal na pagpapatupad ng No Contact Apprehension Policy o NCAP sa ilang siyudad sa Metro Manila.


Sa House Resolution 237 ni Quezon City Rep, Marvin Rillo --- hinihimok ang House Committees on Local Government; Metro Manila Development at Transportation na magdaos ng imbestigasyon “in aid of legislation” ukol sa implementasyon ng NCAP at upang makatukoy ng mga angkop hakbang para sa kapakanan ng mga motorista at mga commuter.


Bukod dito, gusto rin ni Rillo na suspendihin ang implementasyon ng NCAP, habang wala pang “uniform guideline” para rito.


Ayon kay Rillo, mayroong iba’t ibang isyu na ipinupukol sa NCAP, na gumagamit ng CCTVs, digital cameras at artificial intelligence upang mamonitor, makuhanan at maparusahan ang mga drayber na pasaway umano sa mga kalsada.


Halimbawa rito ang mga sinasabing paglabag ng mga motorista sa batas trapiko at iba pang rules and regulations, pero may potensyal na pang-abuso umano sa implementsyon ng NCAP gaya ng masyadong mataas, at hindi makatarungang multa at parusa, bukod pa sa abala.


Sa ngayon, ipinatutupad na ang NCAP sa Maynila, Paraanque, Quezon City at Valenzuala, habang iiral na rin ito sa San Juan ngayong buwan. May kaparehong patakaran din ang Metropolitan Manila Development Authority o MMDA katuwang ang Land Transportation Office o LTO.


Umaasa naman si Rillo na magdaraos pa rin ng pagsisiyasat ang Kamara kahit may ilang transport group na ang dumulog sa Korte Suprema laban sa NCAP.

PAGDINIG TUNGKOL SA KONTROBERSIYAL NA SUGAR ORDER NO. 4, IPAGPAPATULOY SA SUDUNOD NA LINGGO

Ipapatuloy ng Mababang Kapulungan sa susunod na linggo ang “joint briefing” nito kaugnay sa kontrobersyal na Sugar Order no. 4 o naunsyaming pag-aangkat ng tatlong daang libo (300,000) metriko toneladang asukal.


Ito ay sa kabila ng pagbibitiw ng ilan pang lumagda sa SO no. 4, gaya ni Sugar Regulatory Administration o SRA Administrator Hermenegildo Serafica at Board Member Atty. Roland Beltran.


Sa isang pahayag, sinabi ni San Jose del Monte, Bulacan Rep. Rida Robes, na ang kanyang pinamumunuang House Committee Good Government and Public Accountability katuwang ang Committee on Agriculture and Food na pangunguna ni Quezon Rep. Mark Enverga ay muling magsasanib-pwersa para sa ikalawang briefing sa Lunes, Aug. 22.


Pahaharapin dito ang mga opisyal ng Department of Agriculture, SRA at iba pang ahensya at stakeholders.


Ani Robes, gusto nila na makuha ang panig ng dalawa pang opisyal na nagbitiw sa pwesto at iba pang imbitadong resource persons.


Dagdag pa ni Robes, layon ng joint briefing ng Kamara na malinawan ang mga mambabatas hinggil sa iba’t-ibang isyu na kinakaharap ng industriya ng asukal kasama na ang usapin sa supply at pagpapalakas s lokal ng produksyon at mga magsasaka na kasali rito.


Matatandaan na ang SO no. 4 ay tinawag na “ilegal” ng Malakanyang, dahil hindi ito aprubado ni Pang. Ferdinand Marcos Jr.

DAGDAG NA PONDO PARA SA BARANGAY AT SK ELECTIONS, KAKAILANGANIN KUNG IDAOS ANG PAGPAPALIBAN NITO — COMELEC

Mangangailangan ng nasa P5 billion na dagdag-pondo ang Commission on Elections o Comelec kung mauusad ang Barangay at Sangguniang Kabataan o SK Elections sa susunod na taon.


Ito ang inihayag ni Comelec chairman George Garcia, sa pagdinig ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms kanina ukol sa panukalang ipagpaliban ang Dec. 5, 2022 Barangay at SK polls.


Ayon kay Garcia, ang P8.449 billion na pondo para sa halalang pambarangay at SK ngayong taon ay sapat naman.


Pero paliwanag ni Garcia, kung maging ganap na batas ang pagpapaliban sa halalan sa Disyembre, bubuksan muli ang voter registration at dahil dito ay inaasahang dadami pa ang mga botante.


Bunsod pa nito, kakailanganin na magkaroon ng dagdag na mga presinto, at mangangailangan din ng dagdag na poll workers.


Kapag naman kumuha ng poll workers, sinabi ni Garcia na nangangahulugan na kailangan din ng dagdag na pondo para sa honoraria, at ite-training pa sila.


Sa katunayan, aabot sa P3 billion ang pagtaya ni Garcia para sa honoraria ng mga poll workers gaya ng mga guro.


Binanggit din ni Garcia na kakailanganin din ng dagdag na forms, mga gamit gaya ng ballpen, ink at balota.

PASYA NG KONGRESO HINGGIL SA BARANGAY AT SK ELECTIONS, IRIRESPETO NG COMELEC N

Nirerespeto ng Commission on Elections o Comelec kung anuman ang desisyon ng Kongreso hinggil sa panukalang pagpapaliban ng Barangay at Sangguniang Kabataan o SK Elections na nakatakda sa Dec. 5. 2022.


Ang pahayag ay kasunod ng pag-apruba ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms sa panukalang i-postpone ang halalan.


Sa ambush interview ng mga mamamahayag kay Comelec Chairman George Garcia, kanyang sinabi na may kapangyarihan naman ukol dito ang Kongreso.

 

Inihayag niya na posibleng maghihinay-hinay o magdadahan-dahan ang Comelec sa preparasyon para sa halalang pambarangay at SK sakaling ang panukala ay maaaprubahan na sa plenaryo ng Kamara.


Pero sinabi ni Garcia na sa ngayon ay hindi pa hihinto ang Comelec sa paghahanda kahit pa naaprubahan na ang panukala sa committee level ng Kamara, at aakyat pa rin aniya ito sa plenaryo kung saan mayroon pang proseso rito.


Giit ng Comelec chairman, ang poll body ay hindi dapat nagugulat at sila ay handa rin naman sila kung idaraos man ang halalan sa Mayo o Disyembre ng susunod na taon.

BARANGAY AT SK ELECTIONS IDARAOS SA DISYEMBRE 2023 NA AYON SA PASYA NG KAMARA

Sa botong 12 na pabor at 2 ang tutot, inaprubahan na ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang panukalang ipagpaliban ang Dec. 5, 2022 Barangay at SK Elections. 


Sa pagdinig ng komite, si Cavite Rep. Elpidio Barzaga ang nagmosyon.


At matapos ang botohan ay nakalusot na ang panukala.


Napili naman ng komite bilang bagong petsa para sa Barangay at SK elections ang unang Lunes ng Dec. 2023.


Nagpasya rin ang komite na ang mga mananalo sa naturang halalan ay magsisimla ang termino sa Jan. 1, 2024 para sa period o panahon na 3 taon.


Sa Kamara para sa 19th Congress, aabot sa 38 ang mga House Bill na nagsusulong na ipagpaliban ang Barangay at SK elections sa Dec. 2022.


Pero magkakaiba ang petsang itinutulak para sa pagdaraos ng halalan.


Samantala, aprubado rin ng komite ang probisyon para i-repeal ang kasalukuyang batas para sa Dec. 2022 elections, at isinama na ang “holdover positions” kung saan ang mga incumbent o kasalukuyang opisyal ng mga barangay ay mananatili hanggang mahalal ang mga bagong opisyal sa Dec 2023, maliban kung sila ay tinanggal sa posisyo

ELEKSIYON NG BARANGAY AT SK, IPINAKIUSAP NG COMELEC NA HUWAG NAMAN SANANG IDAOS SA 2024 PA SAKALING MAGPASYA ANG KAMARA

ELEKSIYON NG BARANGAY AT SK, IPINAKIUSAP NG COMELEC NA HUWAG NAMAN SANANG IDAOS SA 2024 PA SAKALING MAGPASYA ANG KAMARA


Nakiusap ang Commission on Elections o Comelec sa Kamara na huwag naman sanang maidaos sa taong 2024 ang Barangay at Sangguniang Kabataan o SK Elections, sakaling mapagpasyahan na ipagpaliban ang naturang halalan na nakatakda sa Dec. 2022.


Sa pagdinig ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ukol sa House Bills para sa postponement ng halalang pambarangay at SK ngayong taon --- sinabi ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na kinikilala ng poll body ang kapangyarihan ng Kongreso na ipagpaliban ang eleksyon at palawigin ang termino ng mga lokal na opisyal ng barangay.


Ani Garcia, ang naturang usapin din ay isang “political question” pero susunod at “amenable” umano ang Comelec sa Kongreso kung magdesisyon na idaos ang Barangay at SK Elections sa May 2023 o Dec. 2023.


Ngunit hirit ni Garcia, huwag naman sanang itakda ito sa 2024 dahil kailangan aniyang maghanda ang Comelec para sa 2025 Elections.


Sa kabila nito, sinabi ni Garcia na tuloy-tuloy naman ang kanilang preparasyon para sa Dec. 5, 2022 Barangay at SK polls.


Sa pagdinig, kinumpirma ni Garcia na mula sa P8.449 billion na budget para rito, nasa P800,000 pa lamang ang nagagamit.


Ngunit sa mga darating na buwan aniya ay tiyak na magagastos ang ibang pondo dahil sisimulan na ang procurement ng mga gamit pang-eleksyon at printing ng mga balota.


Sa bilang ni Garcia, nasa 90 milyong balota ang kailangan para sa Barangay at SK Elections, kung saan 67 milyong balota ay para sa mga regular na botante habang nasa 25 milyong balota para sa SK.


Kaya naman ani Garcia, kailangang-kailangan ng Comelec ng direktiba mula sa Kongreso kung tuloy pa ba sila o hindi na.

PATATATAG NG OSPETAL PARA MGA GURO AT ESTUDYATE, IMINUNGKAHI SA KAMARA

Mayroong panukalang batas sa Kamara na nagsusulong ng pagtatayo ng pagamutan para sa mga guro at estudyante sa bawat rehiyon sa bansa.


Ito ang House Bill 2809 o “Philippine National Hospital for Teachers at Students Bill” ni Manila Teachers PL Rep. Virgilio Lacson.


Paliwanag ng kongresista, ang mga guro ay “bayani ng sektor ng edukasyon” dahil sa kabila ng mga kinakaharap na hamon, patuloy ang kanilang serbisyo at pagtuturo sa mga mag-aaral. At nitong COVID-19 pandemic, nagsilbi silang “frontliners.”


Kaya naman dapat aniyang tiyakin ng estado ang kapakanan at kalusugan ng mga teacher, at makakatulong umano sa kanila ang pagkakaroon ng mga ospital na laan para sa kanila, kani-kanilang pamilya at mga estudyante.


Kapag naging ganap na batas ang House Bill ni Lacson, ang bawat regional hospital ay magsisilbing “primary medical facility” para anumang serbisyong-medikal para sa mga guro at estudyante.


Ang kada ospital ay dapat magkaroon ng hindi bababa sa 500-bed capacity, at maaaring itaas depende sa populasyon sa rehiyon.


Pinalalagyan din ang bawat ospital ng isolation/quarantine facilities, mga gamit na makatutugon sa anumang banta o pagkalat ng mga sakit, alinsunod sa international standards at patakaran o rekumendasyon ng World Health Organization o WHO.


Isinusulong ni Lacson na mapondohan ng P20 billion ang inisyal na implementasyon, sakaling maging batas na.

BULTO NG IMPOTED NA ASUKAL NA HINDI PA DUMATING SA BANSA, KINOMPIRMA SA PAGDINING SA KAMARA

Kinumpirma ni Sugar Regulatory Board (SRA) Administrator Engr. Hermenegildo Serafica na hindi pa dumating sa bansa ang bulto ng asukal na inimport ng bansa sa ilalim ng Sugar Order no.3 kung saan nasa 200,000 metric tons na asukal ang inaangkat.

Sa isinagawang Joint briefing ng House Committee on Good Governance and Public Accountability at Agriculture and Food kahapon, kinumpirma ni Serafica na mayruong development na sa 200,000 metric tons na asukal na-inimport.


Inihayag ni Serafica sa Komite na as of August 12,2022, nasa kabuuang 185,633.9 metric tons ang nabigyan ng clearances ng Sugar Regulatory Administration (SRA).


Pero ayon kay Serafica sa ngayon ang dumating lamang at naideliver sa bansa  ay nasa 166,234.90 metric tons.


Nagkaroon din kasi ng aberya hinggil sa pag-angkat ng asukal sa ilalim ng SO no.3  dahil ipinatigil ito ng korte sa Negros Occidental.


Ang SO no.3 ay inilabas nuong buwan ng Pebrero.


Sa kabilang dako, naniniwala naman si Philippine Sugar Miller Association President Pablo Lobregat na kung natuloy lamang ang Sugar Order no. 3, hindi aniya magtataasan ang presyo ng asukal sa merkado.