Tuesday, August 30, 2022

SPECIALTY HOSPITAL SA MGA REHIYON, ITINUTULAK NG ANAKALUSUGAN SA KAMARA

Para tugunan ang mataas na kaso ng noncommunicable diseases at lalo pang palawakin ng serbisyong medikal sa bansa, isinulong ni ANAKALUSUGAN Party-list Representative Ray Florence Reyes ang House Bill No. 3134 o "Regional Specialty Hospital Act" na magtatayo ng tig-isang specialty hospital base sa nangungunang sakit sa bawat rehiyon sa bansa.


"Karamihan sa mga specialty hospital ay nasa Maynila, at halos wala sa mga rehiyon. Panahon na upang tunay na ihatid at ilapit ang serbisyong medikal sa kanila. Ito ang mithiin ng panukalang ito," ani ni Rep. Reyes.

No comments:

Post a Comment