Mariing kinondena ni Lanao del Sur 1st District Representative Zia Alonto Adiong ang kumakalat na pekeng police report na umano’y nag-uugnay kay First Lady Liza Araneta-Marcos sa pagkamatay ng negosyanteng si Paolo Tantoco. Ayon sa mambabatas, malinaw na paninirang-puri ito at isang desperadong hakbang para sa pulitikal na paninira.
Sinabi ni Adiong na ang paggamit sa isang personal na trahedya para sa pulitika ay hindi lamang imoral kundi isang paglapastangan sa karapatang magluksa ng isang pamilya.
Ayon sa kanya , dapat tayo muna ay makisimpatya, at hindi gawing sensasyonal ang isang pribadong pagdadalamhati.
Ayon sa ulat, ang pekeng dokumento ay pinalalabas na nagmula umano sa Beverly Hills Police Department sa California, isang bagay na agad tinutulan ni Adiong at nanawagan siyang imbestigahan kung sino ang nasa likod nito.
Dagdag pa niya, ang ganitong uri ng smear campaign ay sumisira sa dignidad ng tao at nagpapakita ng kawalan ng respeto sa patay at sa naiwang pamilya.
Dahil dito, hinimok ni Adiong ang publiko na maging maingat sa pakikilahok sa mga diskurso sa social media, at manindigan laban sa pagpapakalat ng maling impormasyon.
MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCES RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO
No comments:
Post a Comment