Nanawagan si reelected Leyte 1st District Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez sa sambayanang Pilipino na magkaisa sa pagtatanggol sa pambansang soberanya at manatiling tapat sa pagiging Pilipino — sa salita, sa gawa, at sa tungkulin — kasabay ng paggunita noong Sabado ng ika-9 na anibersaryo ng makasaysayang 2016 Arbitral Award hinggil sa South China Sea.
Sinabi ni Rep. Romualdez, Speaker ng katatapos na 19th Congress, na ang nasabing desisyon ay isang makasaysayang pagpapatibay sa lehitimong karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea — isang tagumpay hindi lamang para sa sambayanang Pilipino, kundi para rin sa prinsipyo ng paghahari ng batas sa pandaigdigang komunidad.
Ayon pa sa kanya, ang Arbitral Award ay napapatunay lamang na ang napag-alaman natin kailanman sa ating mga puso, ang West Philippine Sea ay pagmamay-ari mga Pilipino, hindi dahil tayo ay ang pinak-malakas na bansa kundi dahil ito ay tunay na sariling atin batay sa internation law.
Inilabas ang desisyon noong July 12, 2016 ng Permanent Court of Arbitration sa The Hague at sa desisyong ito, ibinasura ang nine-dash line claim ng China at kinatigan ang karapatan ng Pilipinas, ayon sa United Nations Conventioni on the Law of the Sea (UNCLOS), na siyang itinuturing itong mahalagang batayan ng pandaigdigang kaayusang nakabatay sa batas.
KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCES RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO
No comments:
Post a Comment