Nagkamit ng pinakamataas na trust rating ang Kamara de Representantes noong Hunyo, sa ilalim ng pamumuno ni Leyte 1st District Representative Ferdinand Martin G. Romualdez.
Batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations (SWS), tumaas ang “much trust” rating ng Kamara sa nakaraang tatlong buwan. Mula 34% noong Abril 2025, umakyat ito sa 49% noong Mayo, at umabot sa 57% nitong Hunyo.
Tumaas din ang tiwala ng publiko kay Speaker Romualdez—mula 23% noong Abril, naging 26% sa Mayo, at umabot sa 34% sa Hunyo. Ipinapakita nito na kinikilala ng taumbayan ang kanyang matibay na pamumuno kahit sa gitna ng tensyong pulitikal.
Ayon kay House Spokesman Atty. Princess Abante, sa pamumuno ni Romualdez, naipasa ng Kamara ang 61 sa 64 na mahahalagang panukala mula sa LEDAC, kabilang ang 27 sa 28 na prayoridad sa ikatlong regular session. Higit 280 batas ang naisabatas at mahigit 13,800 panukalang batas ang naihain, kaya’t isa ang ika-19 na Kongreso sa mga pinaka-masigasig na Kongreso sa kasaysayan.
MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCES RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO
No comments:
Post a Comment