Special protocol plate no. 8 na nakakabit sa SUV na nakuhanan sa road rage posibleng peke— House Sec. Gen
Posible umanong peke ang special protocol plate no. 8 na nakakabit sa sports utility vehicle (SUV) na sinakyan ng isang lalaki na nagbanta na babarilin ang kanyang nakaalitan sa kalsada, ayon kay House Secretary-General Reginald “Reggie” S. Velasco.
Sinabi ni Velasco noong Biyernes na mariing kinukondena ng Kamara de Representantes ang maling paggamit ng special protocol plate number “8” ng may-ari o driver ng naturang SUV.
“From watching the viral video, it would seem that the protocol plate is fake. It does not seem to have the security features of an original ‘8' protocol plate. Our law enforcement agencies can easily identify fake plates and confiscate them,” ani Velasco.
Hinimok ni Velasco ang mga awtoridad na agad magsagawa ng imbestigasyon at papanagutin ang indibidwal na nasa video.
“Using a fake special plate number, if that is indeed the case, is illegal and constitutes a punishable offense under existing laws. It is a serious matter that undermines the integrity of official markings and erodes public trust,” ayon pa sa opisyal ng Kamara.
Ipinaliwanag ni Velasco na ang special protocol plate “8” ay eksklusibong ipinapagamit lamang sa mga kasalukuyang miyembro ng Kamara.
“Any attempt to impersonate or abuse this privilege is a direct affront to the institution and the law,” aniya.
Hinimok din ni Velasco ang publiko na maging mapagbantay at i-report ang mga katulad na insidente.
“The House is fully committed to cooperating with law enforcement agencies to ensure that those who misuse government-issued protocol plates face the full force of the law,” dagdag ni Velasco.
@@@@@@@@@@
Speaker Romualdez suportado gawang Pinoy na modern-jeep, modernisasyon ng transportasyon
Muling inihayag ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang kaniyang suporta sa programang modernisasyon ng pampublikong transportasyon sa bansa, gayundin sa mga local manufacturer at gawang Pinoy na modern at electric jeepney.
“Yayayain natin ang mga kongresista na suportahan natin ang locally-made (modern jeepneys) at electric-powered utility vehicles,” sabi ng pinuno ng 306 miyembro ng Kamara de Representantes.
Nakipagpulong si Romualdez sa mga opisyal ng Francisco Motors —Chairman Elmer Francisco at President & CEO Dominic Francisco—at mga lider ng transport group sa isinagawang modern jeepney showcase sa Main Wing ng Batasang Pambansa Complex sa Quezon City Sabado ng hapon.
Ibinida dito ang pagbuhay sa iconic Filipino jeep na may bagong disensyo para makatalima sa moderno, episyente at ligtas sa kalikasan na pampublikong transportasyon.
Sumakay si Speaker Romualdez sa naturang mga jeepney at ininspeksyon ang kanilang mga bahagi, bilang patunay sa kahandaan na isulong ang mga polisiya para sa umusad nag modernisasyon nang hindi maiiwan ang mga Pilipinong manggagawa at lokal na industriya.
“Modernization isn’t just about new vehicles—it’s about improving the daily lives of drivers and passengers. These jeepneys are safer, more efficient, and better for the environment,” sabi ni Speaker Romualdez matapos inspeksyunin at paandarin ang isa sa mga modernong unit.
“The jeepney has long been a symbol of Filipino ingenuity. As we modernize, we must preserve its cultural value while making it more responsive to today’s needs,” punto niya
Ang tradisyunal na Francisco Passenger Jeepney (FPJ) ay pinapaandar ng EURO4-compliant diesel engine habang ang fully-electric Pinoy Transporter naman ay mayroong air-conditioning, CCTV, pasukan ng pasahero sa kanang bahagi at emergency backdoor exit at access para sa mga persons with disability.
Binigyang-diin ng pinuno ng Kamara ang kritikal na papel ng mga lokal na tagagawa ng sasakyan hindi lamang sa modernisasyon ng sistema ng transportasyon ng bansa kundi pati na rin sa pagtulak ng inklusibong paglago ng ekonomiya
Ayon kay Elmer Francisco tinatayang kakailanganin ng 250,000 na unit ng bagong public utility vehicles sa ilaim ng Jeepney Modernization Program na sinimulan ng nakaraang administrasyon.
Binigyang-diin ni Speaker Romualdez na ang pagsuporta sa mga kompanya tulad ng Francisco Motors ay tumutulong sa paglika ng mga trabaho, pagsuporta sa mga komunidad, at pagbabawas ng pag-asa sa mga imported na sasakyan, na binili ng maraming transport cooperative upang makasunod sa mga regulasyon ng modernisasyon.
“Supporting local businesses is key to building a strong economy. When we invest in Filipino-made products, we invest in our people,” ani Speaker Romualdez.
Tinukoy ni Francisco na ang suporta ng gobyerno para sa mga lokal na gumagawa ng sasakyan ay magpapasigla sa paglago ng mga kaugnay na lokal na industriya gaya ng spare parts na makakalikha ng libu-libong trabaho.
Sinabi niya na ang mga locally-made modern jeep ay maaari ding ibenta nang mas mura kaysa sa mga imported na unit basta may tamang suporta mula sa gobyerno, tulad ng duty-free importation ng raw materials at capital equipment, at zero-rated VAT para sa mga binili sa bansa at imported raw materials.
“Saka yun pong gawa dito matibay, yun nga pong jeep ko mahigit 30 taon na tumatakbo pa rin ng maayos. Yun pong imported balita namin kahit tatlong taon pa lang me mga problema na,” sabi ni Ely Villena, pangulo ng PISTON-National Capital Region.
Nangako ang Speaker na makikipag tulungan sa Kongreso para sa dagdag na alokasyon ng pondo sa transportation modernization program, kasama ang suporta para sa mga tsuper at operator na maaapektuhan ng pagbabago.
“As Speaker, I am committed to securing more funding to help modernize our transport system while protecting livelihoods and the environment,” diin niya. (END)
@@@@@@@@@@
Pagbabawal ng Comelec sa mga bastos na salita sa kampanya, supprtado sa Kamara
Nagpahayag ng suporta ang isang mambabatas sa Kamara sa Commission on Elections (Comelec) sa ginawa nitong pagpapalabas ng show-cause order sa mga kandidatong inirereklamo dahil sa paggamit ng malaswa at sexist language sa pangangampanya.
Ayon sa kanya, isa itong malaking hakbang upang mapanatili ang kaayusan at pananagutan sa pampublikong diskurso.
Sa isang press briefing sa House of Representatives, sinabi ng mambabatas na kanyang ikinagagalak ang hakbang ng Comelec dahil ito ay nagsisilbing matibay na paalala sa lahat ng kandidato na ang kalayaan sa pagpapahayag sa pulitika ay palaging may kaakibat ng paggalang at disenteng asal—lalo na kapag ang usapin ay tungkol sa kababaihan at mga sektor na nasa laylayan ng lipunan.
“Ako personally, sinusuportahan ko and I would like to commend the Commission on Elections for coming up with this bold step in disciplining, if I should say no, the candidates running for this election, ‘yung pag-adopt nila ng anti-discrimination and fair campaign resolution,” ayon sa solon.
Dagdag pa niya, bagama't pinapayagan ng batas ang negative campaigning, hindi ito dapat humantong sa diskriminasyon o pang-aalipusta.
“Allowed naman under the electoral, election omnibus code yung sinasabi nilang negative campaigning and this has been explained by Chairman George Garcia of Comelec. But if you want to attack a certain candidate or a certain adversary in a political position, you should not use something that would touch the sensitivity of a certain group of people,” paliwanag niya.
Kamakailan, nagpalabas ang Comelec ng show-cause order laban kay Davao de Oro Representative Ruwel Peter Gonzaga matapos siyang makuhanan sa video na gumagawa ng malaswa at mapanirang-puring pahayag sa isang political rally. Ang naturang video ay umani ng matinding batikos mula sa publiko, mga grupo ng kababaihan, at ilang mambabatas.
Nauna nang nagpalabas ng show-cause orders ang Comelec kina reelectionist Misamis Oriental Governor Peter Unabia, Mataas na Kahoy Vice Mayor at Batangas gubernatorial candidate Jay Ilagan, Nueva Ecija gubernatorial candidate Virgilio Bote, at Pasig City lone district representative aspirant Ian Sia.
Binigyang-diin ng solon ang kahalagahan ng pagpapanatili ng disente at maayos na diskurso sa publiko, lalo na para sa mga naghahangad ng posisyon sa gobyerno.
"So dapat nga tayo, we always have to maintain decency in public discourses, especially if you're elected, especially if you're seeking a political position. Kasi, ehemplo nga tayo eh. We are supposed to be the role models in our community," ayon pa sa kanya
Hinimok din ng mambabatas ang mga kandidato na maging sensitibo at maingat sa kanilang mga pahayag upang hindi makasakit o makapagpababa ng dignidad ng ibang tao.
"We should at least be sensitive enough to, and be circumspect in dealing with the campaign speeches and campaign remarks that will not belittle a group of people, but actually demeans the humanity of a certain individual," dagdag pa niya.
Ayon kay mambabatas, hindi dapat palampasin ang mga pananalitang nananakit o nagpapahiya sa kapwa.
"Hindi na dapat din natin hayaan na maging, ang pananalita ng bawat isa ay hindi lang nakakasakit sa isang indibidwal pero nakaka-demean at nakaka-dehumanize sa isang grupo ng tao... sa isang mga sektor sa ating lipunan," ayon sa congressman.
Ipinaliwanag din niya na ang ginagawa ng Comelec ay pagbibigay ng due process sa mga kandidato upang maipaliwanag nila ang kanilang panig.
"Again, the Comelec is just giving them the due process. Because show-cause order would provide them the time to explain themselves... they come out in the public saying all of those things," ayon pa sa kongresista.
Umaasa siya na wala nang madagdag pa sa mga kandidatong padadalhan ng show-cause orders.
"So I hope hindi na madagdagan yung numero na iyan. The last time I checked on the news, I think nasa mga apat o lima na sila na nabigyan ng show cause order," aniya.
Nang tanungin kung sinusuportahan niya ang panukala ng isang mambabatas na diskwalipikahin ang mga kandidatong gumagamit ng seksista o misogynistic na pananalita, sinabi nito na may umiiral nang mekanismo ang Comelec para sa mga ganitong kaso.
"Mayroon namang mekanismo naman ngayon ang Comelec, ang commission, to cite that specific example as a ground for disqualification," saad pa nito.
Dagdag pa niya, ang show-cause order ay nagbibigay ng pagkakataon sa mga kandidato na ipaliwanag ang kanilang panig bago magdesisyon ang Comelec kung itutuloy ang disqualification.
"I believe the reason for the show-cause order is for the candidates to also explain their side. Whether or not Comelec has to proceed with filing a disqualification, because the Comelec as a regulatory commission can do in moto propio those kind of penalties," paliwanag nito.
Binigyang-diin din niya na bukod sa karapatan ng mga kandidato na tumakbo sa posisyon, may karapatan din ang mga botante na tratuhin nang may dignidad at magkaroon ng pagkakataong gumawa ng matalinong desisyon.
"Hindi ho dapat tayo doon nakikipag-diskurso sa level ng kasarian ng tao, sa level ng paniniwala ng tao, but to what can we provide to our community to better the services of the government," aniya.
"We should maintain... discourse sa public spaces na hindi tayo makakasakit sa grupo ng tao," dagdag pa ng solon.
"Dapat po isa-isipan po nating mga kandidato na may karapatan din po ng ating mga electorate... they will also be equipped with a well-informed decision." (END)
@@@@@@@@@@
Pakiramay sa pamilya ng OFWs na nasawi sa lindol sa Myanmar, ipinahayag sa Kamara
Isang pinuno ng Kamara ang nagpahayag ng kanyang pakikiramay sa mga pamilya ng dalawang overseas Filipino workers (OFWs) na nasawi sa malakas na lindol na yumanig sa Myanmar kamakailan.
Sinabi nga isang mambabatas n, unang-una, siya ay nakikiramay sa pamilya ng mga nasawi sa lindol na nangyari sa Myanmar sa isang press conference nitong Huwebes.
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga nasawi at sinabing isinasagawa na ang mga hakbang para maiuwi sa bansa ang kanilang mga labi.
Nagpahayag siya ng tiwala sa ginagawa ng DFA.
“I’m sure the DFA is doing its level best to provide assistance and support to ‘yung naging biktima, as well as provide assistance to the family kung anuman ‘yung kailangan ng ating mga kababayan,” aniya.
Dagdag pa niya, nakikipag-ugnayan ang DFA sa mga awtoridad sa Myanmar upang matiyak na makarating ang tulong sa mga apektadong Pilipino, lalo na sa mga pamilya ng mga nasawi sa lindol noong Marso 28.
Nagpahayag din ito ng pag-asa na agad maibabalik sa Pilipinas ang mga labi ng mga biktima.
“So I pray that they [are] transported back home so that makakasama man lang nila ang kanilang mahal sa buhay,” aniya. (END)
@@@@@@@@@@
Pag-uwi ni dating Pangulong Duterte sa PH, nakadepende sa pasya ng ICC
Ang International Criminal Court ang magdedesisyon kung papayagang umuwi si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nakakulong sa The Hague, Netherlands kaugnay ng kinakaharap nitong crimes against humanity.
Ito ang sinabi ng isang lider ng Kamara ng tanungin ito kaugnay ng sinabi umano ng dating Pangulo na matanda na ito at kung mamamatay ay nais nito na siya ay nasa Pilipinas.
Ipinaliwanag naman nito na kailangang tapusin muna ang paglilitis. Hangga’t hindi pa na nade-desisyunan at wala pong hatol ang korte at talagang nasa korte na yan.
Sinabi ni Vice President Sara Duterte na nais ng umuwi ng kanyang ama, na halos isang buwan pa lamang nakapiit sa ICC detention facility.
Sinabi ng mambabatas na bagamat maraming tao ang nagnanais na makabalik si Duterte, tanging ang ICC lamang ang maka-kapagdesisyon nito.
Inaresto ang dating Pangulo noong Marso 11 batay sa isang warrant mula sa ICC para sa mga kasong crimes against humanity kaugnay ng kanyang war on drugs.
Pagkatapos ng kanyang pagkaka-aresto, siya ay dinala sa The Hague kung saan siya ay kasalukuyang nakakulong habang naghahanda ang ICC para sa paglilitis. Ang kaso ay kaugnay ng mga kaso ng extrajudicial killing sa oagpapatupad ng war on drugs campaign nito.
Ipinahayag ng solon na hindi dapat makaapekto ang mga pampulitikang pananaw sa mga proseso ng batas.
Giit pa nito, nasa korte talaga yan at aniya, anuman ang kalalabasan, ang korte ang magpapasya at hindi ang opinyon ng publiko.
Ang confirmation of charges ng kaso ni Duterte ay itinakda sa Setyembre 23, 2025. (END)
@@@@@@@
Nagpakalat ng fake news may pananagutan sa batas
Dapat managot ang mga indidbiwal na nagpapakalat ng fake news, lalo na kung ang kanilang mga kasinungalingan ay naglalagay sa panganib ng buhay at umaabuso sa mga ordinaryong tao na walang kakayahang ipagtanggol ang kanilang sarili.
Ito ang sinabi ng isang lider ng Kamara sa isang press briefing noong Lunes kaugnay sa paghahain ng kaso sa dalawang indibidwal na nag-edit umano sa kuha sa Sinulog festival sa Cebu upang palabasin na ito ay prayer rally pabor kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ayon sa mambabatas, meron tayong mga batas tungkol diyan, so kung meron po talagang magkakaso or magsasampa, they will have to suffer the consequences sa mga pinapalaganap nilang ganyan.
Nagbigay ng reaksyon ang solon sa mga ulat na ang dalawang suspek ang sinampahan ng kasong paglabag sa Cybercrime prevention law.
Ang sabi naman daw niya na hindi pu-puedeng maging natural nalang dito sa atin ang fake news kasi buhay po minsan ang nakataya na dito at alo na yung mga common na tao na hindi naman kayang lumaban at saka walang means.
“So dapat ipakita natin na ‘yung justice system natin gumagana sa part na ‘yun,” aniya.
Bilang isa sa mga pangunahing miyembro ng House Tri-Committee na tumatalakay sa disinformation, sinabi nito na ipagpapatuloy ng komite ang mga imbestigasyon kung paano kumakalat ang fake news online at kung paano makalilikha ng akmang batas laban dito.
Sinabi rin niya na maaaring imbitahan ang ilang personalidad, kabilang ang mga celebrities na naging biktima ng fake news, upang magbahagi ng kanilang karanasan at pananaw.
Binigyang-diin din niya na mas laganap pa ang fake news sa mga probinsya, lalo na tuwing halalan.
“Actually sa provincial level po, ngayong election, grabe. Grabe po ang fake news,” aniya.
Nagbabala rin siya tungkol sa mga mapanganib na epekto ng social media kung ito ay iresponsableng gagamitin.
@@@@@@@
Vloggers na pro-China at mga utusan ng kandidato, banta sa bayan
Nagbabala ang lider ng House Special Committee on Bases Conversion kaugnay ng lumalaking impluwensya ng China sa politika ng bansa gamit ang ipinapakalat na maling impormasyon.
Nanawagan ito sa mga Pilipino na huwag suportahan ang mga kandidato at social media influencers na nagtataguyod ng interes ng Beijing at pinagtataksilan ang soberanya ng Pilipinas at sinasayang ang ibinuwis na buhay ng ating mga bayani.
“Ang tunay na magigiting, hindi nagpapagamit sa dayuhan. Sa katatapos lang na Araw ng Kagitingan, hindi natin dapat palampasin ang mga nagpapanggap na makabayan pero tahimik o pabor sa China. Hindi sila kakampi ng bayan,” ayon sa solon.
Ang mga pahayag niya kasunod ng mga rebelasyon na inilabas sa pagdinig noong Abril 8 ng House Tri-Committee na binubuo ng Committee on Public Order, Public Information, at Information and Communication Technology, kung saan ibinunyag ng tagapagsalita ng Philippine Coast Guard (PCG) sa usapin ng West Philippine Sea na si Commodore Jay Tarriela kung paanong ang dalawang kilalang pro-Duterte na blogger na sina Anna Malindog-Uy at Ado Paglinawan, ay nagpapakalat ng mga kuwentong tumutugma sa propaganda ng China, partikular upang siraan ang posisyon ng Pilipinas sa West Philippine Sea (WPS).
Ipinakita ni Tarriela ang post ni Malindog-Uy, kung saan pinalalabas nito na ang Philippine Coast Guard ang nag-umpisa ng banggaan sa dagat laban sa China Coast Guard.
“Pag-aralan ninyo ang footage, sabi niya, parang tayo pa ang may kasalanan,” giit ni Tarriela.
Binanggit din niya ang post ni Paglinawan na tinawag ang mga pagsisikap ng Pilipinas na ipagtanggol ang karapatan nito sa karagatan bilang kabaliwan.
“Ito po ang mga halimbawa ng disinformation na direktang sumasalungat sa interes ng ating bansa,” saad pa ni Tarriela sa ginanap na pagdinig ng Tri-Comm.
Sinang-ayunan ni Khonghun ang pangamba ni Tarriela at binigyang-diin na ang disimpormasyong ipinakalat ng mga influencer na ito ay hindi simpleng maling impormasyon—bagkus, ito ay bahagi ng isang mas malawak at koordinadong pagsusumikap mula sa mga banyagang pwersa. “Kung parehong pro-Duterte at pro-China ang content nila, hindi na tayo dapat magtaka—iisa lang ang amo nila. At hindi Pilipino ’yon.”
Ayon sa investigative report ng PressOne. PH, isang network ng mga pro-China na X (dating Twitter) accounts ang tahasang umaatake kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. habang pinapalakas ang mga ‘content’ na pabor kay Vice President Sara Duterte.
Ang mga account na ito ay nagbabahagi ng sabayang mga post, kabilang ang pekeng "polvoron" video na maling iniuugnay si Marcos sa paggamit ng droga, mga artikulong nakasulat sa wikang Chine na kumakalaban sa pakikialam ng Estados Unidos sa mga isyu ng Pilipinas sa karagatang, at mga kwentong pro-Duterte na tahasang ipinagwawalang bahala ang mga paglabag ng China sa West Philippine Sea.
“Kapag tahimik sa West Philippine Sea pero maingay sa paninira sa presidente, alam na natin kung sino ang pinoprotektahan,” ayon pa sa solon. “’Wag tayong magpabola sa mga kandidatong ang pinagsisilbihan pala ay banyagang interes.”
Pinagtibay ng mga independiyenteng imbestigasyon ang pag-iral ng isang masinsin at estratehikong kampanya na naglalayong wasakin ang demokrasya ng Pilipinas.
“Ang ginagawa ng China ay hindi simpleng pakikialam. Isa itong sistematikong kampanya para gawing sunod-sunuran ang mga lider natin, habang inaagaw ang teritoryo natin,” babala pa ni Khonghun.
“Hindi malayong China ang sumusuporta sa mga kandidato na kalaban ng administrasyon sa Senado. Balikan nati, sila rin ang tahimik o kampi sa China sa bawat usapin ng West Philippine Sea. ’Wag na tayong palinlang. Hindi sila para sa bayan,” giit pa ng kongresista.
Hinihikayat niya ang mga botante na ipamalas ang tunay na diwa ng Araw ng Kagitingan sa pamamagitan ng hindi pagsuporta sa mga kandidatong ito. “Hindi sapat na bumoto—dapat alam mo kung sino ang binoboto mo. Hindi porke’t kilala sa YouTube o may ‘tapang at malasakit’ e para na sa bayan. Tanungin natin: sa tapang nila, kaninong interes ang pinoprotektahan?”
“Kung mahal mo ang Pilipinas, bumoto ka para sa Pilipinas. At kung tunay kang magiting, hindi ka mananahimik habang inuunti-unti tayong sinasakop ng kasinungalingan. Panahon na para tumindig. Hindi lang ito eleksyon—ito ang laban para sa ating Kalayaan,” ayon pa sa mambabatas. (END)
@@@@@@@@@@@@@
Pagbagal ng inflation rate patunay na epektibo mga ginagawa ng Marcos admin
Ikinatuwa ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong Biyernes na bumagal ang inflation rate o antas ng pagtaas ng presyo ng bilihin noong Marso.
“This is a welcome development. As I have been saying, this shows that the intervention measures taken by President Ferdinand R. Marcos Jr. and his administration like the drastic reduction in tariff on rice imports and the setting of maximum retail prices for rice and other food items are paying off,” ani Speaker Romualdez.
“We are happy for our people because slower inflation means less financial burden on their part,” dagdag pa ng lider ng 306 miyembro ng Kamara de Representantes.
Ayon sa PSA, bumaba ang inflation rate noong nakaraang buwan sa 1,8 porsiyento, ang pinakamababang antas sa nakaraang anim na buwan. Noong Pebrero ang inflation rate ay 2.1 porsyento. Noong Marso 2024 naitala ito sa 3.7 porsyento.
Iniuugnay ng ahensya ang pagbagal ng inflation rate sa mas murang pagkain at non-alcoholic beverages.
Sinabi ni Speaker Romualdez na naniniwala siya na ang pagbagsak ng presyo ng bigas ang pangunahing dahilan ng pagbaba ng inflation noong Marso.
“We are seeing rice prices dropping gradually due to government intervention measures, principally the decision by the President to reduce tariff on imported rice,” ani Romualdez.
Umaasa siyang magpapatuloy ang pagbaba ng inflation o kaya'y mananatiling mababa sa dalawang porsyento.
“As I have stated before, the continuing challenge is for us to keep the increase in food prices down,” dagdag pa ng lider ng Kamara.
Hinimok din ni Speaker Romualdez ang gobyerno na maghanda para sa paparating na tag-ulan, na ayon sa kanya ay karaniwang nagdudulot ng pagtaas ng presyo ng ilang mga bilihin.
Sinabi niya na patuloy na magsusulong ang Kamara sa paglikha ng mga naaakmang batas at gagamitin ang kanilang oversight power upang tulungan ang Ehekutibo sa paghahanap ng mga paraan upang mas bumagal pa ang inflation rate. (END)
@@@@@@@@@@
PNP Chief Marbil pinuri ng mga mambabatas sa pagpapakulong sa kotong cops
Pinuri ng mga pinuno ng Kamara de Representantes si Philippine National Police (PNP) Chief Gen. Rommel Francisco Marbil sa mabilis nitong aksyon laban sa mga pulis ng Eastern Police District (EPD) at District Special Operations Unit (DSOU) na sangkot umano sa pangongotong sa dalawang Chinese national sa Las Piñas.
Ayon kina Laguna Rep. Dan Fernandez, chairman ng Committee on Public Order and Safety, at Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, chairman ng Committee on Dangerous Drugs, ang hakbang ni Marbil na ipakulong ang mga pulis na sangkot at papanagutin ang kanilang hepe ay isang malinaw na pagpapakita ng matibay na dedikasyon sa pagpapatupad ng reporma sa kapulisan at pagpapatupad ng pananagutan sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
“This is exactly the kind of action the public has long demanded. Rogue police officers are not just being relieved. They’re being sent to jail,” ayon kay Fernandez.
“Gen. Marbil’s decision to relieve the EPD director and the entire DSOU reflects a no-nonsense application of command responsibility,” dagdag pa ng kongresista ng Laguna.
Sinabi naman ni Barbers na ang agarang pagsasampa ng kasong kriminal at ang pagbibitiw ng buong unit ay malinaw na indikasyon na seryoso ang PNP sa pagkakaroon ng reporma.
“This is the kind of institutional response we need. Swift, direct, and with no excuses,” wika ni Barbers.
Dagdag pa nito, ang mga pulis ay kumikilos na parang kriminal at tinatrato sila base sa kanilang ginawa. “At the same time, their superiors are being held accountable. That’s what real command responsibility looks like,” wika pa ng mambabatas.
Sina Barbers at Fernandez rin ang chair at co-chair, ng House Quad Committee na nag-imbestiga sa mga pulis na sangkot sa mga iligal na gawain tulad ng bentahan ng droga, extra-judicial killings, at pagbibigay proteksyon sa mga ilegal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
Naaresto ang walong miyembro ng DSOU—anim na staff sergeants, isang corporal, at isang patrolman—noong gabi ng Abril 5 dahil umano sa pagdukot at pangingikil sa dalawang Chinese nationals sa isang moro-morong operasyon.
Isinailalim sila sa inquest sa Las Piñas Prosecutor’s Office noong gabing iyon at kasalukuyang nakakulong sa custodial facility ng pulisya sa lungsod. Isa pang suspek na isang police major na dati'y nakatalaga sa DSOU, ang patuloy pang pinaghahanap.
Inatasan din ni Marbil ang agarang pagbibitiw ng direktor ng EPD at iniutos sa PNP Internal Affairs Service at sa National Capital Region Police Office na magsagawa ng masusi at patas na imbestigasyon kaugnay sa insidente.
Sinabi ni Marbil na walang second chance para sa mga pulis na umaabuso sa kanilang kapangyarihan. Inilarawan niya ang insidente bilang isang kabiguan ng pamumuno at nagbabala na kapag nasira ang disiplina, nagsisimula ito sa itaas.
Ayon kay Fernandez, dapat magsilbing babala ang insidenteng ito sa lahat ng police commanders na bigong panatilihin ang disiplina sa kanilang hanay.
“Let this be the turning point. We want a professional, reliable, and honest police force. If you cannot lead with integrity, then you do not belong in public service,” diin ni Fernandez.
Umaasa si Barbers na ipagpapatuloy ni Marbil ang parehong pamantayan ng pananagutan sa iba pang unit na kinakaharap ang mga isyu ng katiwalian at pang-aabuso.
“The war on drugs and the fight against syndicates begin with a clean police force. We fully support Gen. Marbil’s resolve. No fear. No favor,” paliwanag ni Barbers.
Ipinahayag din ng dalawang lider ng Kamara ang kanilang kahandaang suportahan ang anumang hakbang sa pamamagitan ng paggawa ng mga batas o paglalaan ng budget na layuning palakasin ang internal cleansing ng PNP at itaguyod ang pinakamataas na pamantayan ng etikal na pagpapatupad ng batas.
“The Filipino people deserve a police force they can trust. One that enforces the law without abusing it and protects public safety without compromising integrity,” saad ni Fernandez.
“Gen. Marbil is showing the country that such a vision is not only possible. It is already beginning,” dagdag naman ni Barbers. (END)
@@@@@@@@@@
Pagbili ng F-16 fighter jets na magpapalakas sa kakayanang pangdepensa ng Pilipinas, suportado ng Kamara
Mapapalakas umano ng pagbili ng Pilipinas ng 20 unit ng F-16 fighter jet ang kakayanan nito na madepensahan ang teritoryo ng bansa, ayon sa isang lider ng Kamara.
“Sabi ko nga ‘yung ginagawa na modernization is geared towards defense. Kahit sinong bansa, kailangan may kakayahan na ipaglaban o ipagtanggol yung kanyang sarili. Again, it's a step in the right direction,” sinabi ng mambabatas sa isang press conference nitong Lunes.
Ayon sa kanya, maaaring hindi pa sapat sa ngayon ang pondo para sa ganap na modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP), ngunit unti-unti itong isinasakatuparan.
Sinabi iy na alam niyang hindi pa enough ang pondo natin but paunti-unti at least we are modernizing. So we have the chance to better our defense and we have the chance na ang AFP natin is mabigyan sila ng kaukulan na pondo para magamit sa pagprotekta ng ating bansa.
Sinabi pa niya na ang mungkahing pagbili ng F-16 fighter jets mula sa Estados Unidos ay isang positibong hakbang.
Binigyang-diin niyang ang layunin nito ay purong pang-depensa at hindi para sa anumang opensibong aktibidad.
Nagbigay ang solon ng paghahambing sa pagitan ng pangangailangan ng isang bansa na palakasin ang depensa at ng isang maybahay na kailangang protektahan ang kanyang tahanan.
Inaprubahan na ng gobyerno ng Estados Unidos ang pagbebenta ng F-16 aircraft na nagkakahalaga ng $5.58 bilyon sa Pilipinas upang mapalakas ang kakayahan ng isang “strategic partner.”
Sa pag-anunsyo ng pag-apruba, inilarawan ng US State Department ang Pilipinas bilang “an important force for political stability” sa Southeast Asia.
Sinabi rin nito na ang pagbili ng F-16 ay makatutulong sa “the Philippine Air Force’s ability to conduct maritime domain awareness and close air support missions and enhance its suppression of enemy air defences.”
Idinagdag pa ng mambabatas na the proposed sale of this equipment and support will not alter the basic military balance our the region. (END)
@@@@@@@@@
No comments:
Post a Comment