Qs and As
Transcript:
Question 1: How far are we in the targets for priority legislation?
Malayo na po ang ating narating. Sa first regular session pa lamang ng 20th Congress, naaprubahan na po ng Congress ang 26 sa 52 LEDAC priority measures. Kabilang po dito ang 15 sa 21 priority bills na tinarget maipasa bago matapos ang Hunyo 2026.
These include the groundbreaking Right to Information Act and Anti-Political Dynasty Act, as well as reforms to the Bank Deposits Secrecy Law. Naisabatas na rin po natin ang panukalang pag-reset ng BARMM elections.
Ipinapakita lamang nito na seryoso po ang Kamara sa pagpapatupad sa legislative agenda ng administrasyon. Pero tuloy pa rin po ang trabaho. Hindi po tayo magpapahinga dahil marami pa tayong kailangang tapusin, at pursigido ang House na maipasa rin ang mga natitira pang LEDAC priority measures.
Question 2: What is the timeline for passing the remaining priority bills?
Marami sa natitirang priority bills ay nasa advanced stage na po ng ating legislative process. Halimbawa, ang Cybersecurity Act na nakatakda na para sa second reading, habang may walong panukala ring naghihintay na lamang ng aksyon ng Committee on Appropriations o Committee on Ways and Means. Kaya hinihiling po sana natin sa ating mga counterpart sa Senado, na tulungan tayong maisabatas na ang iba pang mga bills bago matapos ang taon.
Katulad po ng sinabi natin kanina, tuluy-tuloy po ang ating trabaho. Patuloy nating bibigyan ng prayoridad ang mga panukalang direktang makatutulong sa mga Pilipino at sisiguraduhin nating masusi at timely ang pagtalakay sa mga ito.
Siyempre po, mahalaga rin ang tulong ng Executive Branch, lalo na ang Presidential Legislative Liaison Office o PLLO, pati ang iba pang mga kaukulang ahensya ng pamahalaan. Ang kanilang agarang feedback at pagsusumite ng executive versions ng mga panukalang batas ay malaking tulong upang mapabilis ang proseso ng pagsasabatas ng mga ito at matiyak na iisa ang direksyon ng buong pamahalaan.
Ang aming layunin ay makapagpasa ng mga batas na may tunay na pakinabang at mararamdaman ng bawat Pilipino.
Question 3: How do you plan to push the legislative agenda forward given the impeachment trial?
May kumpiyansa po kami na may kakayahan ang Senado na pagsabayin ang kanilang constitutional duty bilang impeachment court at ang kanilang tungkulin bilang mga mambabatas.
Handa po ang Kongreso na makipagtulungan sa Senado sa pamumuno ni Senate President Sherwin Gatchalian, na pagtibayin at pagandahin pa ang mga natitirang panukala through the bicameral conference committees at technical working groups nang sa gayon ay makagawa tayo ng mga batas na napapanahon at tutugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan.
Inaasahan po nating magkakaisa ang dalawang Kapulungan upang mapanatili ang momentum ng ating legislative agenda. Sa dulo ng lahat ng ito, hindi naman ito tungkol sa Kamara o Senado. Ang mahalaga ay magkaroon tayo ng mga batas na magpapagaan ng buhay ng ating mga kababayan at magpapaunlad sa ating bansa.
No comments:
Post a Comment