Ipinahayag ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na ang suporta ng Kongreso sa pagtataguyod at higit pang pagpapalago sa industriya ng real estate, na aniya’y ay mayroong mahalagang papel sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.
Sa kanyang mensahe sa 25th Anniversary Gala ng RE/MAX Philippines na ginanap sa Grand Ballroom ng Shangri-La The Fort Hotel sa Bonifacio Global City noong nakaraang Biyernes, iginiit ni Speaker Romualdez ang kontribusyon ng real estate sector sa katatagan, pag-unlad, at pagbibigay ng mga oportunidad sa mga pamilyang Pilipino.
Ayon sa kanya, ang pagdiriwang ng anibersaryo ng RE/MAX ay isang makasaysayang okasyon na hindi lamang nagtatampok ng kanilang mahabang kasaysayan sa industriya, kundi pati na rin ang kanilang legasiya ng kahusayan at pamumuno sa sektor ng real estate.
Idinagdag pa ni Speaker Romualdez na ang kanyang mensahe sa pamamagitan ng isang panawagan sa mga propesyonal sa industriya ay upang patuloy na hubugin nila ang kalagayan ng real estate sa bansa.
MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCES RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO
No comments:
Post a Comment