@@@@@@@@@@@@
@@@@@@@@@@@@
PH proud sa tennis journey ni Alex Eala— Speaker Romualdez
Nagpa-abot ng taus-pusong pagbati si Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa Filipino tennis sensation na si Alexandra Eala sa kanyang naging performance sa 2025 Miami Open, kung saan tinalo nito ang mga top-ranked na manlalaro at ipinakita ang kanyang natatanging talento na nagdala ng karangalan sa Pilipinas.
“Alex Eala’s journey in the Miami Open is nothing short of extraordinary. Defeating world-class players like Iga Świątek, Madison Keys, and Jeļena Ostapenko demonstrates her strong determination and skill on the court,” ani Speaker Romualdez.
Si Eala, 19-anyos at isang wildcard entrant sa torneo, ay naging usap-usapan matapos niyang talunin ang World No. 2 na si Iga Świątek sa quarterfinals ng Miami Open, isang Women’s Tennis Association 1000 event, sa iskor na 6-2, 7-5.
Bago ito, tinalo rin niya ang 2025 Australian Open champion na si Madison Keys at ang dating French Open champion na si Jeļena Ostapenko, na nagpatingkad sa kanyang talento.
“Her performance is proof of the heights that Filipino athletes can reach on the global stage. Alex embodies the spirit of perseverance and excellence that inspires our youth to dream big and work hard,” dagdag ni Speaker Romualdez.
Ayon sa Speaker, ang pag-angat ni Eala sa Miami Open ay isang simbolo ng pag-asa at inspirasyon para sa mga batang atleta sa buong bansa. Ipinakita rin nito ang halaga ng dedikasyon, disiplina, at walang humpay na pagsisikap sa pag-abot ng mga pangarap.
“Sa bawat palo ng raketa ni Alex, dala niya ang pangarap ng bawat Pilipinong nagnanais magtagumpay sa larangan ng palakasan. Siya ay isang buhay na patunay na ang talento at sipag ay maaaring magdala sa atin sa tagumpay,” ani Speaker Romualdez.
Habang naghahanda si Eala para sa kanyang semifinal match, ipinahatid ni Speaker Romualdez ang kanyang suporta at panalangin.
“We stand united in cheering for Alex as she advances further in the tournament. May she continue to play with the same passion and determination that has brought her this far. The whole country is behind her, praying for her continued success.”
Ang mga tagumpay ni Eala sa Miami Open ay naglagay ng kanyang pangalan sa kasaysayan ng pampalakasan sa Pilipinas at nagtatakda ng bagong pamantayan ng kahusayan sa tennis. Ang kanyang kuwento ay isang patunay kung paano maaaring dalhin ng pagsisikap at talento ang isang atleta sa hindi pa nararating na tagumpay.
“Alex’s journey reminds us all that with hard work and faith, no dream is too big. She has not only broken barriers but has also paved the way for future generations of Filipino tennis players to aim for global recognition,” dagdag pa ni Speaker Romualdez. (END)
@@@@@@@@@@@@
Speaker Romualdez: Pagpanaw ni SolGen Mendoza isang malaking kawalan sa bayan
Nakikiisa si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa pagluluksa sa pagpanaw ni dating Solicitor General Estelito “Titong” Mendoza.
Sa isang pahayag, sinabi ng lider ng 306 kinatawan ng Kamara de Representantes na si Mendoza ay “a cherished brother” sa Upsilon Sigma Phi fraternity.
“His departure is a significant loss to the legal community and to our nation,” ani Speaker Romualdez.
“Ang kanyang pagpanaw ay isang malaking kawalan sa buong sambayanan. Siguradong magsisilbi siyang inspirasyon sa mga susunod na henerasyon ng mga lingkod-bayan,” pagpapatuloy niya.
“Bilang isang kapatid sa Upsilon Sigma Phi, si Atty. Mendoza ay nagsilbing inspirasyon sa amin. Ang kanyang integridad, talino, at dedikasyon sa serbisyo publiko ay nagsilbing gabay sa maraming kasapi ng aming minamahal na kapatiran,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.
Sinabi ni Speaker Romualdez na ang karera ng kanyang fraternity brother sa serbisyo publiko ay patunay ng galing at dedikasyon nito.
Bilang Solicitor General noong 1972 hanggang 1986, matagumpay na na dinepensahan ni Mendoza ang 1973 Constitution sa mga tumutol dito.
“His tenure as Minister of Justice from 1984 to 1986 further showcased his commitment to upholding the rule of law. Additionally, he held the position of Governor of Pampanga, demonstrating his versatility and dedication to public service,” sabi ni Speaker Romualdez.
“Beyond his governmental roles, Atty. Mendoza was a pillar in the international legal arena. In 1976, he was elected as Chairman of the United Nations General Assembly’s Legal Committee, highlighting the global recognition of his legal acumen,” saad pa nito.
Ipinaabot ng House leader ang kanyang maigting na pakikiramay sa pamilya at mga mahal sa buhay ni Mendoza.
“May they find solace in the legacy of excellence and service that he has left behind,” sabi niya.
Saad pa ni Speaker Romualdez, ang mga kontribusyon ni Mendoza sa bayan lalo na sa legal na propesyon ay maaalala at iingatan.
“Rest in peace, Brother Titong,” ayon pa kay Speaker Romualdez. (END)
@@@@@@@@@@@@
Banta sa buhay ng Pangulo, hindi maaaring isantabi dahil lamang walang sesyon ang Kongreso, panahonng kampanya - Prosecutor Defensor
Nagbabala si House prosecutor Lorenz R. Defensor, ng ikatlong distrito ng Iloilo, na hindi puwedeng isantabi at balewalain na lamang ang bigat ng pagbabanta umano ni Vice President Sara Z. Duterte laban kay President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., dahl walang sesyon ang Kongreso at panahon ng kampanya.
“There is a threat, a direct threat, at the life of a sitting president by an incumbent vice president,” saad ni Defensor, miyembro ng House prosecution panel, sa panayam ni Karen Davila noong Miyerkules sa programang Headstart ng ANC.
“I don’t see how it can be overruled by a break or it can be overruled by a campaign. When the Constitution says the trial shall forthwith proceed, that’s clear enough,” dagdag ni Defensor, na isa ring House Deputy Majority Leader.
Binigyang-diin ni Defensor na ang banta sa buhay ng Pangulo, na kasama sa Articles of Impeachment, ay nangangailangan ng agarang aksyon at dapat mas unahin kaysa anumang politikal o institusyunal na pagka antala
“We have to remember that time is of the essence in this impeachment process because of the Articles of Impeachment and the accusations under the articles of impeachment,” sabi ni Defensor.
“Actually, even the Senate rules acknowledge that the trial shall forthwith proceed,” punto ni Defensor.
Muli niyang binigyang diin ang bigat ng alegasyon.
“If you look at Article 1 … of the impeachment complaint, there is a threat. Sabi mismo ng ating bise presidente, may kinausap na siya at pumayag na ang nakausap niya,” sabi ni Defensro.
“May taong nakahandang pumatay ng presidente, ng asawa ng presidente, at ng Speaker of the House of Representatives,” babala niya.
“Don’t you think that there is a national threat that should be faced not only by the impeachment court, but by the people who voted, the 31 million people who voted for Sara Duterte and the 31 million who voted for Bongbong Marcos?” tanong ni Defensor.
Ibinasura niya ang mga pagtatangkang ihambing ang isyu sa retorika na ginawa ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Hindi rin aniya niya dapat itong ihambing sa mga retorikang binibigkas ng dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
“What we want for this impeachment trial, Karen, is not to normalize this behavior of just saying na puwede mong patayin,” sabi ni Defensor.
Sinabi ni Defensor na dapat magkaroon ng pantay na pananagutan ang mga opisyal ng pamahalaan at ordinaryong mamamayan.
“Let’s take example again of that teacher na hinuli, pinosasan at kinulong nung panahon ni President Duterte,” sabi niya.
“That should serve as a lesson to every normal and ordinary Filipino na bakit kapag presidente ang nananakot ay okay lang at ‘pag pangkaraniwang tao ay huhulihin kayo, poposasan,” dagdag niya.
“That should never be the case and it should never be normalized especially if the threat for a contract that was agreed upon was made by an incumbent VP against a sitting President, na papalitan niya just in case may mangyari sa Presidenteng ‘yun,” ani Defensor.
Bilang tugon naman sa alegasyon na ponopolitika lang ang impeachment at para sa kanilang sariling interes, tugon ni Defensor: “Let’s not generalize, there are 300 congressmen… not all members of Congress agreed to what Duterte did.”
Inilahad niya ang ilang panukalang batas na kaniyang tinutulan noong administrasyon ni Duterte.
“I voted against many things na pinu-push niya at pinapasa niya sa Kongreso tulad ng Anti-Terrorism Bill, which I think up to now is unconstitutional,” sabi ni Defensor.
“The amendment to the Dangerous Drugs Act which violates Article III and Bill of Rights of Filipinos,” pagpapatuloy niya.
“We support the good things that he has done, but we have to set in sa mga bagay na hindi dapat. And we have the chance to do that right now and stop this trend of silent following,” sabi ni Defensor.
Bilang pagtatapos, binigyang diin ni Defensor ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tiwala ng publiko sa pinakamatataas na lider ng bansa.
“Dapat mapukaw natin ang mamamayan na ang bise presidente at isang presidente, they should earn the public trust as being elected as the highest and second highest official,” saad ni Defensor. (END)
@@@@@@@@@@@@
Hindi pagpapaliwanag ni VP Sara sa mga kuwestyunableng pangalan na binigyan ng confidential fund, maituturing na ‘betrayal of public trust’— House prosecutor
Malinaw umanong betrayal of public trust ang pagkabigo ni Vice President Sara Duterte na maipaliwanag ang mga kuwestyunableng pangalan na binigyan nito ng kanyang confidential fund, ayon sa isang miyembro ng House impeachment prosecution team.
Ayon kay House Deputy Majority Leader Lorenz R. Defensor ng ikatlong distrito ng Iloilo, maraming pagkakataong sinayang si Duterte para maipaliwanag ang ang ginawang paggamit ng kanyang confidential fund na may kabuuang halagang P612.5 milyon sa ilalim ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) na dati nitong pinamunuan.
“That’s exactly one of the reasons why this impeachment complaint proceeded,” ito ang sinabi ni Defensor sa mamamahayag na si Karen Davila sa isang panayam nitong Miyerkoles.
Nang matanong kung hayagan bang tumanggi si Duterte na sagutin ang mga tanong, tugon ni Defensor: “That’s right. That makes it even worse because it violates your oath on accountability on public trust. It’s a clear betrayal of public trust.”
“Because if only she (Duterte) attended the hearings of the House Committee on Good Government and answered how these acknowledgment receipts were made, if there were true recipients of the P612.5 million spent in intelligence and confidential funds, hindi na sana nagtuloy-tuloy pa itong impeachment,” punto niya.
Ang kaniyang pahayag ay kasunod ng pagsisiwalat ng ilang mambabatas sa bagong mga kuwestyunableng pangalan na nakalista na tumanggap ng confidential fund ng DepEd gaya nina “Amoy Liu,” “Fernan Amuy,” at “Joug De Asim.”
Ang naturang mga pangalan ay bahagi ng tinawag na “Team Amoy Asim,” na kasama rin sa binsansagang “Budol Gang” ni Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union na mga nakinabang umano sa confidential fund ni Duterte.
“Una, may chichirya, may cellphone, at may prutas. Sumunod ang ‘Dodong Gang.’ Ngayon naman, nandito na ang ‘Team Amoy Asim,’” ani Ortega
“Kung sa listahan pa lang ay maasim na ang dating ng pekeng mga pangalan, paano pa kaya sa mga transaksyon mismo?” tanong niya.
Ang mga pangalan na ito ay dumagdag sa humahaba nang listahan ng mga pangalang isinumite para bigyang katwiran ang ginamit na milyong pisong confidential fund ng DepEd.
Bukod sa pinakasikat na si “Mary Grace Piattos,” ilan pa sa “Budol Gang” sina “Renan Piatos,” “Pia Piatos-Lim,” “Xiaome Ocho,” “Jay Kamote,” “Miggy Mango,” at limang indibidwal na may pangalan na “Dodong” ang mga benepisyaryo umano ng confidential fund naman ng Office of the Vice President.
Ayon kay Ortega walang record ng kapanganakan, kasal o kamatayan sina Liu, Amuy, at De Asim batay sa datos ng Philippine Statistics Authority(PSA).
Ang naturang mga pangalan ani Ortega ay isinumite ng OVP at DepEd sa Commission on Audit (CoA).
Sa 1,992 na nakatanggap ng confidential funds ng OVP, 1,322 ang walang record ng kapanganakan, 1,456 ang walang record ng kasal, at 1,593 ang walang record ng kamatayan
Nauna nang isinimwalat ni Manila Rep. Joel Chua, tagapangulo ng House Committee on Good Government and Public Accountability, na 405 sa kabuuang 677 pangalan na nakatanggap umano ng confidential fund ng DepEd sa ilalim ni Vice President Duterte ang walang record ng kapanganakan na isang idikasyon na ang mga pangalan ay pineke.
“Remember that there is a joint memorandum circular on how to liquidate the confidential and intelligence funds,” saad ni Defensor.
“And if the Department of Education as well as the OVP attended, told the truth and may be transparent in the questions of the committee, maybe this would not have reached this process,” sabi ni Defensor. “But they kept evading their answers. And until now, it seems that they still don’t have any answer. They continue to evade answering that, even the VP herself.”
Wala pang pormal na paliwanag si Duterte. Sa pinakahuling panayam sa kaiya sa The Hague, tumanggi siyang patotohanan ang naturang record dahil sa posibleng isyu na umano sa chain of custody.
Inaasahang pormal na magpupulong ang Senado bilang impeachment court sa Hunyo kaugnay ng gagawing paglilitis kay Duterte.
“If they told the truth, if they cooperated with Congress and answered our questions, maybe we wouldn’t be here. But they didn’t—and that’s why we are,” ani Defensor. (END)
@@@@@@@@@@@@
Batangas mayor inaresto sa NAIA pagdating mula sa Amerika kaugnay ng House contempt
Isang mayor mula sa Batangas, na nauna ng na-cite in contempt ng House Committee on Public Accounts, ang inaresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) pagdating nito mula sa Estados Unidos umaga ng Huwebes.
Kinumpirma ni House Sergeant-at-Arms retired police Major General Napoleon “Nap” C. Taas ang pag-aresto kay Bauan Mayor Ryanh Dolor, sa NAIA Terminal 1 sa Pasay City alas-12:08 ng umaga ngayong Marso 27.
Si Dolor ay dumating sa bansa sakay ng Philippine Airlines flight PR 113 mula sa Los Angeles, California. Siya ay inaresto ng mga tauhan ng Office of the House Sergeant-at-Arms katuwang ang House of Representatives Liaison Officer, Airport Police, Criminal Investigation and Detection Office (CIDG), at Bureau of Immigration.
Ang arrest order laban kay Dolor ay inilabas kasunod ng contempt order ng House Committee on Public Accounts na pinamumunuan ni Rep. Joseph Stephen Paduano, ng Abang Lingkod Party-list at kinumpirma ni House Secretary-General Reginald “Reggie” S. Velasco. May petsa itong Marso 17.
Si Dolor ay na-contempt dahil sa paglabag umano sa Section 11, Paragraph A ng House Rules of Procedure Governing Inquiries in Aid of Legislation kaugnay ng hindi pagdalo sa pagdinig ng walang legal na batayan.
Kasama rin sa contempt order sina Joseph Yu at Jonathan Yu, Aquadata Inc. pangulo at vice president.
Ayon kay Taas binasa kay Dolor ang utos at ipinaalam sa kanya ang kanyang constitutional rights at sumailalim sa medical checkup bago dinala sa detention facility ng Kamara de Representantes.
Ang contempt order laban lay Dolor ay nag-ugat sa paulit-ulit nitong hindi pagdalo sa pagdinig ng House Committee on Public Accounts na nag-iimbestiga sa privatization ng Bauan Waterworks System (BWS).
Ayon sa komite, nakapaglabas ito ng tatlong imbitasyon, isang show cause order, at isang subpoena bago naglabas ng contempt order.
Ang tanggapan ni Dolor ay nagpadala ng kopya ng travel authority ng alkalde na pirmado ni Batangas Gov. Hermilando Mandanas. Nakasaad dito na si Dolor ay pupunta sa Estados Unidos mula Marso 11 hanggang 26 para sa medical reasons.
Kinuwestyon naman ng mga mambabatas ang kawalan ng medical records o pagtukoy sa partikular na kondisyong medikal ni Dolor.
“Wala man lang medical records or anything like that to justify his absence,” ani Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores sa nakaraang pagdinig.
Nagpahayag din ng pagdududa si Flores dahil itinaon ang pag-alis ni Dolor sa mga petsa kung kailan magsasagawa ng pagdinig ang komite.
“Medyo halata po na iniiwasan po tayo ni Mayor Dolor,” sabi ni Flores.
Sinabi naman ni Antipolo City Rep. Romeo Acop na nasa abroad din sina Aquadata President Joseph Yu at Vice President Jonathan Yu, na ipinapatawag din sa pagdinig.
Ang imbestigasyon ay nag-ugat sa House Resolution (HR) No. 2148 na inihain ni House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union, kaugnay ng mali umanong paggamit ng pondo at mga iregularidad sa transaksyon ng Bauan local government at Aquadata Inc.
Ayon sa Commission on Audit (CoA), ang kontrata sa pagitan ng munisipyong pinamumunuan ni Dolor at Aquadata ay walang legal na basehan. Nabigo rin umano ang Aquada sa pre-qualification criteria pero itinuloy pa rin ang kasunduan.
Si Dolor ay mananatiling nakakulong hanggang sa matapos ang pagdinig ng komite o ipag-utos ng komite ang pagpapalaya sa kanya. (END)
@@@@@@@@@@@@
Batangas mayor detained straight from US flight for contempt issued by House panel
A mayor from Batangas slapped with a contempt and detention order from a House panel for repeated absence in the hearings is now detained at the House of Representatives shortly after arriving from the United States early Thursday.
House Sergeant-at-Arms retired police Major General Napoleon “Nap” C. Taas confirmed the detention of Bauan Mayor Ryanh Dolor, who was taken into custody upon arrival at NAIA Terminal 1 in Pasay City at around 12:08 a.m. on March 27.
Dolor, 45, arrived via Philippine Airlines flight PR 113 from Los Angeles, California, which landed at 11:34 p.m. on March 26. The arrest was carried out between 12:08 a.m. and 12:20 a.m. by a joint team led by the Office of the House Sergeant-at-Arms, with coordination from the House of Representatives Liaison Officer, Airport Police, Criminal Investigation and Detection Office and the Bureau of Immigration.
The order was served for Dolor’s violation of Section 11, Paragraph A of the House Rules of Procedure Governing Inquiries in Aid of Legislation, which pertains to refusal without legal excuse to obey summons.
The contempt order was signed on March 17 by House Committee on Public Accounts chair Rep. Joseph Stephen Paduano of Abang Lingkod Party-list and attested by House Secretary-General Reginald “Reggie” S. Velasco.
Included in the contempt and detention order were Joseph Yu and Jonathan Yu, Aquadata Inc. president and vice president, respectively.
Taas said that Dolor was read the order, informed of his constitutional rights in a language he understood, and underwent the required medical checkup before being brought to the House of Representatives detention facility where he is now confined.
Dolor had earlier been cited in contempt by the House Committee on Public Accounts for repeated absences in hearings probing the privatization of the Bauan Waterworks System (BWS) despite multiple summonses and notices.
The panel said it had issued three invitations, one show cause order and a subpoena before taking action.
Dolor’s office submitted a travel authority signed by Batangas Gov. Hermilando Mandanas, allowing him to travel to the US from March 11 to 26, purportedly for medical reasons.
But lawmakers questioned the lack of medical records or specific justification in the excuse letter.
“Wala man lang medical records or anything like that to justify his absence,” said Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores during a previous hearing.
Flores added that Dolor’s extended travel authority coincided suspiciously with the dates of the panel’s scheduled hearings.
“Medyo halata po na iniiwasan po tayo ni Mayor Dolor,” Flores said.
Antipolo City Rep. Romeo Acop also noted that Dolor was abroad at the same time as Aquadata President Joseph Yu and Vice President Jonathan Yu, who were likewise cited in contempt and ordered detained by the House panel.
The investigation stems from House Resolution (HR) No. 2148 authored by House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V of La Union, seeking an inquiry into the alleged misuse of public funds and irregularities in the Bauan local government’s dealings with Aquadata Inc.
According to the Commission on Audit (CoA), the contract between the municipality and Aquadata allegedly lacked legal and financial basis, and the company failed to meet prequalification criteria.
Despite this, Bauan entered into a holdover agreement with the firm, allegedly prolonging losses even after the contract’s termination.
Dolor will remain under House detention until the termination of the committee’s hearings, as ordered by the panel. (END)
CONTEMPT AND DETENTION ORDER SERVED. Bauan, Batangas Mayor Ryanh Dolor is met by authorities at NAIA Terminal 1 shortly after arriving from Los Angeles, California, early Thursday morning. House Sergeant-at-Arms retired police Major General Napoleon “Nap” C. Taas said Dolor was detained by joint personnel of the House of Representatives, CIDG, AVSEU and the Bureau of Immigration in compliance with a contempt and detention order issued by the House Committee on Public Accounts for repeatedly ignoring summons to attend hearings on the privatization of the Bauan Waterworks System.
@@@@@@@@@@@@
House prosecutors inirerespeto desisyon ni SP Escudero, hihintayin opisyal na komunikasyon para matukoy susunod na legal na hakbang— Minority Leader Libanan
Iginagalang umano ng House prosecution panel ang desisyon ni Senate President Francis Escudero na huwag aksyunan ang kanilang inihaing mosyon na pasagutin na si Vice President Sara Duterte sa inihaing Articles of Impeachment ng Kamara de Representantes, ayon kay House Minority Leader at Impeachment Prosecutor Rep. Marcelino “Nonoy” Libanan.
Sinabi ni Libanan na hihintayin ng House prosecution team ang pormal na sagot ni Escudero sa kanilang inihaing mosyon para matukoy ang kanilang magiging susunod na hakbang.
“We respect the decision of the Senate President as presiding officer of a co-equal chamber. But in the interest of transparency and due process, we will await his formal written communication to the House panel so we can thoroughly study his legal reasoning and assess our next steps,” ani Libanan.
Ipinaliwanag ni Libanan na ang paghahain ng House prosecutors ng Motion for Writ of Summons ay isang kinakailangang hakbang sa proseso, hindi isang anyo ng pagsuway, kundi isang pagsisikap na maresolba ang pampulitikal at procedural na hadlang na nagpapabagal sa proseso ng impeachment.
“We filed the motion in good faith. It is grounded on the Constitution and the Senate’s own Rules of Impeachment, particularly Senate Resolution No. 39,” sabi ni Libanan. “When SP Chiz himself publicly stated that all preparatory steps could already begin, we acted on that cue. The issuance of a writ of summons is among the first preparatory steps in any impeachment trial.”
Hinimok ng mosyon si Escudero na maglabas ng writ at pormal na ipatawag si Vice President Duterte upang sagutin ang Articles of Impeachment na inihain noong Pebrero 5, 2025. Ayon kay Libanan, ang hakbang na ito ay itinatakda ng Konstitusyon, dahil sa ilalim ng Article XI, Section 3(4) ay nakasaad na ang Senado ay dapat “forthwith proceed to trial” sa sandaling matanggap ang isang verified complaint na inendorso ng hindi bababa sa isang-katlo ng mga miyembro ng Kamara.
“There is no requirement that the Senate be in legislative session before it can convene as an impeachment court. The rules are clear: senators simply need to take their oath as judges, and the process can begin,” dagdag niya.
Binigyang-diin ni Libanan na ang mosyon ay hindi lumalabag sa anumang umiiral na batas o desisyon ng Korte Suprema. “There is no temporary restraining order issued against us. There is no legal barrier preventing the Senate from issuing a summons or starting the trial. The Supreme Court has not stopped the process. We acted well within the bounds of the law,” aniya.
Dagdag pa niya, ang impeachment case at ang mga nakabinbing petisyon sa Korte Suprema, kabilang ang mga isinampa ng mga kaalyado ng Bise Presidente, ay nakabatay sa mga teknikalidad upang maantala ang proseso. “Instead of answering the serious allegations—such as the misuse of confidential funds and grave abuse of power—the Vice President is choosing to hide behind legal technicalities. This motion aims to push past that and compel accountability,” binigyang-diin ni Libanan.
Kinumpirma ni Libanan na depende sa nilalaman ng opisyal na komunikasyon mula sa Senado, tatalakayin ng House panel ang kanilang legal na opsyon, kabilang ang posibilidad ng paghahain ng motion for reconsideration o pagdadala ng usapin sa Korte Suprema para sa constitutional clarification.
“This is a historic test of our institutions and of our commitment to the rule of law. We are determined to see this through—not out of political motivation, but out of our solemn constitutional duty,” ani Libanan.
“Our constituents are demanding answers. It’s been nearly two months since the articles were filed. We cannot allow this to be buried under inaction or technical delay,” dagdag pa ng kongresista. (END)
@@@@@@@@@@@@
Banta sa buhay ng Pangulo, hindi maaaring isantabi dahil lamang walang sesyon ang Kongreso, panahonng kampanya - Prosecutor Defensor
Nagbabala si House prosecutor Lorenz R. Defensor, ng ikatlong distrito ng Iloilo, na hindi puwedeng isantabi at balewalain na lamang ang bigat ng pagbabanta umano ni Vice President Sara Z. Duterte laban kay President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., dahl walang sesyon ang Kongreso at panahon ng kampanya.
“There is a threat, a direct threat, at the life of a sitting president by an incumbent vice president,” saad ni Defensor, miyembro ng House prosecution panel, sa panayam ni Karen Davila noong Miyerkules sa programang Headstart ng ANC.
“I don’t see how it can be overruled by a break or it can be overruled by a campaign. When the Constitution says the trial shall forthwith proceed, that’s clear enough,” dagdag ni Defensor, na isa ring House Deputy Majority Leader.
Binigyang-diin ni Defensor na ang banta sa buhay ng Pangulo, na kasama sa Articles of Impeachment, ay nangangailangan ng agarang aksyon at dapat mas unahin kaysa anumang politikal o institusyunal na pagka antala
“We have to remember that time is of the essence in this impeachment process because of the Articles of Impeachment and the accusations under the articles of impeachment,” sabi ni Defensor.
“Actually, even the Senate rules acknowledge that the trial shall forthwith proceed,” punto ni Defensor.
Muli niyang binigyang diin ang bigat ng alegasyon.
“If you look at Article 1 … of the impeachment complaint, there is a threat. Sabi mismo ng ating bise presidente, may kinausap na siya at pumayag na ang nakausap niya,” sabi ni Defensro.
“May taong nakahandang pumatay ng presidente, ng asawa ng presidente, at ng Speaker of the House of Representatives,” babala niya.
“Don’t you think that there is a national threat that should be faced not only by the impeachment court, but by the people who voted, the 31 million people who voted for Sara Duterte and the 31 million who voted for Bongbong Marcos?” tanong ni Defensor.
Ibinasura niya ang mga pagtatangkang ihambing ang isyu sa retorika na ginawa ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Hindi rin aniya niya dapat itong ihambing sa mga retorikang binibigkas ng dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
“What we want for this impeachment trial, Karen, is not to normalize this behavior of just saying na puwede mong patayin,” sabi ni Defensor.
Sinabi ni Defensor na dapat magkaroon ng pantay na pananagutan ang mga opisyal ng pamahalaan at ordinaryong mamamayan.
“Let’s take example again of that teacher na hinuli, pinosasan at kinulong nung panahon ni President Duterte,” sabi niya.
“That should serve as a lesson to every normal and ordinary Filipino na bakit kapag presidente ang nananakot ay okay lang at ‘pag pangkaraniwang tao ay huhulihin kayo, poposasan,” dagdag niya.
“That should never be the case and it should never be normalized especially if the threat for a contract that was agreed upon was made by an incumbent VP against a sitting President, na papalitan niya just in case may mangyari sa Presidenteng ‘yun,” ani Defensor.
Bilang tugon naman sa alegasyon na ponopolitika lang ang impeachment at para sa kanilang sariling interes, tugon ni Defensor: “Let’s not generalize, there are 300 congressmen… not all members of Congress agreed to what Duterte did.”
Inilahad niya ang ilang panukalang batas na kaniyang tinutulan noong administrasyon ni Duterte.
“I voted against many things na pinu-push niya at pinapasa niya sa Kongreso tulad ng Anti-Terrorism Bill, which I think up to now is unconstitutional,” sabi ni Defensor.
“The amendment to the Dangerous Drugs Act which violates Article III and Bill of Rights of Filipinos,” pagpapatuloy niya.
“We support the good things that he has done, but we have to set in sa mga bagay na hindi dapat. And we have the chance to do that right now and stop this trend of silent following,” sabi ni Defensor.
Bilang pagtatapos, binigyang diin ni Defensor ang kahalagahan ng pagkakaroon ng tiwala ng publiko sa pinakamatataas na lider ng bansa.
“Dapat mapukaw natin ang mamamayan na ang bise presidente at isang presidente, they should earn the public trust as being elected as the highest and second highest official,” saad ni Defensor. (END)
@@@@@@@@@@@@
Judicial proceedings pwede ng simulan ng Senado kahit hindi pa nababalangkas ang impeachment court— House prosecutor
Ngayon pa lamang ay maaari ng maglabas ng writ of summons ang Senado kay Vice President Sara Duterte at payagan ang magkabilang panig na makapaghain na ng mga pleadings upang mapabilis ang proseo ng impeachment, ayon kay House Prosecutor Lorenz R. Defensor, ng ikatlong district ng Iloilo.
“We want them to issue it now. It will expedite the process lalo na pagdating sa mga pleadings na fina-file,” sabi ni Defensor sa panayam ni Karen Davila sa programang Headstart ng ANC noong Miyerkoles.
Nauna nang naghain ng mosyon ang House prosecution panel sa Senado, na magsisilbing Impeachment Court, para hilingin ang pagpapalabas ng writ of summons para atasan ang Bise Presidente na sagutin sa verified impeachment complaint na inihain ng Kamara laban sa kanya noong Pebrero 5.
Ang hakbang ay nakabatay sa Rule 7 ng Senate Rules of Impeachment, na nagbibigay ng hanggang sampung araw para sa impeached official na maghain ng sagot.
“We have seen how the Senate works very hard. Even during their break, they can conduct committee hearings. Some of them even during the campaign period are still working,” sabi ni Defensor
“And remember that if you conduct a legislative inquiry, it should be in aid of legislation. So somehow, the Senate is functioning, and we do not see any reason why we should delay an impeachment of a Vice President that involves national interests of utmost national significance,” saad niya.
“We want to speed up the process of the pleadings. Para pagdating ng kumpletong Senado ay ready for trial na tayong lahat with all the pleadings dispensed with,” idinagdag niya.
Paliwanag ni Defensor, maaari nang kumilos ang Senado kahit hindi pa ito pormal na nagpupulong bilang Impeachment Court.
“We have existing Senate impeachment rules as of today because Senate Resolution No. 39, which is the Senate Rules on Impeachment that has been previously approved and published still subsists. It’s still in operation,” ipununto ni Defensor.
“So, if the Senate President as presiding judge will recognize that the rules are still valid, he can issue that summons against the Vice President so she can answer,” paliwanag ni Defensor.
“Actually Karen, even the Senate rules acknowledge that the trial shall forthwith proceed. And under Rule 7 of the Senate Rules on Impeachment, dapat mag-issue na rin sila agad-agaran ng summons,” pagiit niya.
Ani Defensor ang mas maagang pagbibigay ng summon ang magbibigay ng sapat na oras sa magkabilang partido na makapaghanda ng mabuti.
“The difference is if the vice president files her answer within a non-extendable period of 10 days and it gives the prosecution time to also study her answer and her defenses,” ani Defensor.
“It gives us time to file our reply based on Rule 7 of the Senate Rules of Impeachment to file our reply within an unextendible period of also five days. So puwede na naming parehong pag-aralan ang kaso para pagdating ng June, tapos na ito,” pagpapatuloy ni Defensor.
“We can proceed with the trial, mark our evidence, and the sooner that the vice president faces this trial, whether she will be convicted or acquitted, we can dispense with this and have national closure with respect to this impeachment case,” aniya.
Nang tanungin kung dapat ba munang pormal na magpulong ang Senado bilang Impeachment Court, tumugon siya, “Well, let’s just say that as of now, we have a presiding judge in the Senate president.”
“So we will continue to push our position that way so that we can speed up this impeachment process,” sabi ni Defensor. (END)
@@@@@@@@@@@@
VP Sara binigyan ng kopya ng mosyon ng House prosecution panel na sagutin Articles of Impeachment
Pormal nang binigyan ng House prosecution panel ng kopya ang tanggapan ni Vice President Sara Duterte kaugnay ng inihain nitong mosyon para siya ay pasagutin sa Articles of Impeachment ng Kamara de Representantes noong Pebrero.
Dinala ng House Secretariat Staff ang kopya ng mosyon sa tanggapan ni VP Duterte sa 11th Floor of Robinsons Cybergate Plaza, Mandaluyong City alas-11:20 ng umaga ngayong Miyerkoles. Noong Martes, Marso 25, inihain ng House prosecution panel ang mosyon sa Senado.
Kasalukuyang nasa The Hague, Netherlands si VP Duterte kung saan nakakulong ang kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaugnay ng kasong crimes against humanity na kinakaharap nito sa International Criminal Court (ICC).
Sa mosyon, hiniling ng House prosecution team kay Senate President at Impeachment Court Presiding Officer Francis “Chiz” Escudero na maglabas ng writ of summons para kay VP Duterte at atasan ito na sagutin ang Verified Complaint for Impeachment na inihain ng Kamara sa loob ng 10 araw mula sa pagtanggap nito.
Ang mosyon na inihain sa Senado ay piermado nina House Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan, 1RIDER Party-list Rep. Rodge Gutierrez, at House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union.
Si Libanan ay binigyan ng kapangyarihan ng lahat ng Public Prosecutor na lumagda sa mga pleadings na ihahain sa Impeachment trial.
Ang impeachment complaint laban kay VP Duterte ay nilagdaan ng 215 kongresista at ipinadala sa Senado noong Pebrero 5, 2025, alinsunod sa Section 3, Article XI ng Saligang Batas.
“In case the verified complaint or resolution of impeachment is filed by at least one-third of all the Members of the House, the same shall constitute the Articles of Impeachment, and trial by the Senate shall forthwith proceed,” ayon pa sa mosyon na base sa sinasaad ng Saligang Batas.
Binibigyang-diin din ng dokumento na alinsunod sa umiiral na Rules of Procedure on Impeachment Trials, ang pagpapalabas ng writ of summons ay obligado kapag natanggap na ng Senado ang Articles of Impeachment.
Ang mosyon ay isinampa alinsunod sa Resolution No. 39, dated March 23, 2011, na nagsisilbing gabay sa impeachment proceedings sa Senado.
Sinasaad din sa mosyon ang Rule VII ng Senate’s Rules of Procedure on Impeachment Trials: “A writ of summons shall be issued to the person impeached, reciting or incorporating said articles, and notifying him/her to appear before the Senate upon a day and at a place to be fixed by the Senate and named in such writ, and to file his/her Answer to said articles of impeachment within a non-extendible period of ten (10) days from receipt thereof.”
Dagdag pa ng mga prosecutor, nananatiling epektibo ang Senate Rules maliban kung ito ay babaguhin o pawawalang-bisa, na tinutukoy ang Rule XXV: “These Rules shall take effect immediately upon publication in two (2) newspapers of general circulation and shall remain in force until amended or repealed.”
“Thus, it behooves the Honorable Impeachment Court to give effect to the constitutional mandate for the instant impeachment case to ‘forthwith proceed’ and issue the writ of summons to respondent Duterte,” ayon sa prosecution panel.
Binigyang-diin ng prosecution panel ang obligasyon ng Senado na ipatupad ang constitutional process ng impeachment at tiyakin na ang paglilitis ay “forthwith proceed.” (END)
@@@@@@@@@@@@
Pinoy pro-Chinese propagandists kasuhan: ‘You’re either for PH or against it’- Chairman Khonghun
Hinimok ni House Special Committee on Bases Conversion Chairman Jay Khonghun ng Zambales ang gobyerno na kasuhan ng cyber libel, espionage, sedition, at terorismo ang mga Pilipinong “wumaos” na nagpapakalat ng propaganda na pabor sa China at laban sa soberanya ng Pilipinas.
“Wumaos are not just online trolls. They are dangerous enablers of foreign aggression,” ayon kay Khonghun, miyembro ng tinaguriang Young Guns ng Kamara, na ang kinakatawang lalawigan sa Kamara ay nakaharap sa West Philippine Sea.
“If their actions cross the line into aiding the enemy, spreading disinformation, or sabotaging national interest, they must be held criminally liable,” saad pa ni Khonghun, na siya ring Assistant Majority Leader sa Kamara.
Nagmula ang salitang “wumao” sa Chinese phrase na “wu mao dang” o “50-cent party,” na tumutukoy sa mga indibidwal na binabayaran upang magpakalat ng pro-government propaganda.
Sa Pilipinas, ang mga wumaos ay dumedepensa sa mga ginagawa ng China, binabale wala ang panggigipit sa mga mangingisdang Pilipino, at inaatake ang gobyerno ng Pilipinas gamit ang mga online platform.
Sinabi ni Khonghun na hindi maaaring magsawalang-kibo ang gobyerno at hayaan maging tagapagsalita ng dayuhan ang mga Pilipino, lalo na’t tumitindi ang tensyon sa West Philippine Sea.
Ang panawagan ni Khonghun ay kasunod ng kumpirmasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) na binabantayan nito ang 20 vloggers na may kaugnayan sa mga kampanyang nagpapakalat ng maling impormasyon.
Ayon kay NBI Director Jaime Santiago, iniimbestigahan nila ang mga vloggers na ito sa pagpapakalat ng fake news laban sa mga opisyal ng gobyerno at sa pag-uudyok ng kaguluhan sa politika.
Dagdag pa niya, iniimbestigahan din ng NBI ang posibleng mga nagpopondo at namumuno sa mga vloggers.
Ayon kay Khonghun, bagamat mahirap patunayan ang kasong pagtataksil sa bayan (treason), may mga umiiral na batas na maaaring ipatupad laban sa mga wumaos.
Kabilang dito ang Cybercrime Prevention Act, Anti-Espionage Law, mga probisyon sa Revised Penal Code tungkol sa sedisyon o pag-uudyok ng rebelyon, at ang Anti-Terrorism Act.
“Our laws exist to protect the Republic from enemies, foreign or domestic,” aniya.
Dagdag pa niya, “If you’re a Filipino justifying China’s illegal actions, mocking our troops, and spreading lies, don’t hide behind free speech. You’re not an activist—you’re an accomplice.”
Pinaalala rin ni Khonghun na ang laban para sa soberanya ay hindi lang nagaganap sa karagatan.
“It’s on social media, in our classrooms, in our news feeds,” aniya.
Giit pa nito: “ We must not let traitors win the war of narratives. You are either for the Philippines or against it. There is no middle ground when it comes to defending our sovereignty.” (END)
@@@@@@@@@@@@
House prosecution panel ginagawa lang ang trabaho sa paghahain ng mosyon sa Senado— House Minority Leader Libanan
Nilinaw ni House Minority Leader Marcelino “Nonoy” C. Libanan ng 4Ps Party-list, na hindi pinupuwersa ng House impeachment prosecution panel ang Senado sa ginawa nitong pagsasampa ng mosyon, kundi tinutupad lamang nila ang kanilang tungkulin ayon sa tinatadhana ng Konstitusyon.
“We are not pressuring (the Senate), we are doing our job. Sabi ko nga kanina, gusto rin namin mangampanya pero kami naman ang magkakaroon ng culpable violation of the Constitution ‘pag hindi namin ginawa ang aming tungkulin,” ani Libanan sa isang press conference nitong Martes.
Ipinunto pa ni Libanan na aktibo pa rin ang Senado sa kanilang mga gawain kahit naka-recess ang sesyon ng Kongreso.
“Sinasabi nila baka hindi sila makapagtrabaho dahil break na ‘yung Senado. Pero apparently, nagkaroon po sila ng hearing last Thursday noong committee ni Senadora Imee [Marcos]. Ibig sabihin, nagtatrabaho pa rin po ang Senado,” aniya.
Una ng naghain ang prosecution team ng Entry with Motion to Issue Summons upang obligahin si Vice President Sara Zimmerman Duterte na tumugon sa mga Articles of Impeachment na inihain laban sa kanya ng House of Representatives noong Pebrero 5.
Giit ni Libanan, ang kanilang mga ihinahaing dokumento ay “in accordance with their rules of procedure sa impeachment proceedings ng Senado na pag mayroong i-file ay within ten days bibigyan ng pagkakataon ang officer who is being sought to be impeached to answer in a period of ten days.”
Sa naging pahayag ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na ire-refer niya sa legal team ng Senado ang mosyon ng prosecution panel, sinabi ni Libanan: “Alam niyo, lahat po kami ay sumusunod, lahat po tayo ay dapat sumunod sa Constitution.”
“Kung sinasabi ng Constitution that the proceeding shall start forthwith, e kailangan sumunod kami. Otherwise ‘pag hindi kami sumunod, kami na ang nagba-violate ng ating Constitution. So kahit anong ginagawa po namin dahil napakahalaga ng proseso nito ay kailangan sumunod po kami sa ating pinaka-fundamental law,” paliwanag niya.
“At ‘yun po ang lahat ng oath of office namin ay based doon sa ating Constitution at gagampanan namin na walang anumang pasubali o hangaring umiwas ang aming mga sinumpaang katungkulan,” dagdag pa niya.
Muling binigyang-diin ni Libanan ang kahalagahan ng agarang aksyon ayon sa Konstitusyon, na nagsasaad na dapat agad simulan ang impeachment trial kapag may reklamong inihain ng hindi bababa sa one-third ng mga miyembro ng Mababang Kapulungan.
Ang reklamo laban sa Bise Presidente ay nilagdaan ng 215 miyembro ng Kamara, na higit pa sa dalawang-katlo ng 306-kasaping mababang kapulungan ng Kongreso.
“Anong ibig sabihin ng forthwith? Right away without delay. Kami naman po sa 11-man prosecution team we have to follow this, that we have to assume our duties and responsibilities para gampanan po namin,” sabi ng House Minority Leader.
“Medyo gusto rin naming mangampanya, mag-break, ganun din, pero because of this provision of the Constitution, wala kaming magagawa eh. Pero kung ano ang interpretation nila sabi ko nga, basahin natin siguro. Pero inirerespeto natin may tinatawag tayong inter-parliamentary courtesy. Taong bayan na po magde-desisyon diyan at..may Supreme Court naman po tayo sana madesisyunan po ito,” aniya.
Inaasahan niyang pag-uusapan ng mga senador ang mga isinampang petisyon ng prosecution panel.
“Iyung pagkakaisahan po nila, iyun po ang puwedeng maging direksyon. So alam niyo napaka beterano rin lalo na ang ating SP Chiz Escudero, is a veteran lawmaker. Alam niya po ang prosesong ito. Pero pag-uusapan iyan nila, ang tingin ko po ang Senate President hindi naman siya magdedesisyon alone in this matter. Napakahalaga, alam nila yung kahalagahan po nito. Kaya mag-uusap-usap sila bilang isang Senado,” dagdag pa niya. (END)
@@@@@@@@@@@@
Paghahain ng Kamara ng mosyon para pasagutin si VP Sara legal— Rep Defensor
Iginiit ng isang miyembro ng House prosecution team na legal ang ang kanilang ginawang paghahain ng mosyon sa Senado upang hilingin kay Senate President Francis “Chiz” Escudero na pasagutin si Vice President Sara Duterte sa inihaing Articles of Impeachment ng Kamara de Representantes.
Ayon kay House Deputy Majority Leader Lorenz Defensor ng Iloilo hindi gagawa ang prosekusyon ng bagay na labag sa batas at wala sa panuntunan ng impeachment trial.
“Lagi naming irerespeto ang Senate president as the presiding judge ng impeachment court. At gagawa lang kami ng prosesong mga legal based on the existing Senate rules of impeachment,” sabi ni Defensor sa Radyo 630.
“Wala kaming gagawing wala sa legal na pamamaraan, at igagalang namin, kasi katulad nga ng sinabi ko, ang isang judge sa isang trial court, hindi mo naman pwede basta-basta mangbraso ka,” ani Defensor.
“You always have to respect. And what we did was based on the Senate rules and the Senate secretary accepted or received the motion filed by Congressman (Marcelino) Libanan yesterday (Tuesday),” hagdag pa niya.
Ang tinutukoy ni Defensor ay ang Entry with Motion to Issue Summons kung saan hiniling ng prosekusyon na pasagutin si Duterte sa inihaing impeachment case na nilagdaan ng 215 mambabatas o mahigit two-thirds ng 306 miyembro ng Kamara.
Sa pulong balitaan nitong Martes, sinabi ni Libanan na nakapaloob ang paghahain ng naturang mosyon sa Senate rules kaugnay ng pagsasagawa ng impeachment trials.
Sa ilalim ng naturang panuntunan, pasasagutin ng Senado ang respondent sa inihaing kaso sa kanya sa loob ng 10 araw, mula sa araw na natanggap ang atas.
Batay sa impeachment timeline na inilabas ni Escudero, pasasagutin ng Senado si Vice President Sara Duterte sa Hunyo 4 pa.
Sisimulan naman ang paglilitis sa Hulyo 30, dalawang araw matapos ang State of the Nation Address of President Ferdinand Marcos Jr. at matapos ang pagbubukas ng ika-20 Kongreso.
“Ang nakikita ko po sa June 4, kapag doon sila nagsimula ay wala po sa kanilang rules of procedure. Dahil pag nai-file kaagad, sa kanilang impeachment rules ay mag-i-issue sila ng summons to the one who is being sought to be impeached in a period of ten days from receipt of the articles of impeachment,” sabi niya.
“So June 4 is is not ten days, napakalayo po niyan. So with this with this motion, hopefully ay magagawa nila, mapapa-answer nila ang ating vice president in a period of ten days. Otherwise, they have to amend their rules on impeachment procedure…i-amend nila sa Senado ‘yung kanilang impeachment proceedings rules,” dagdag niya.
Ipinunto rin ni Libanan na maaaring aksyunan ng Senado ang mosyon ng Kamara dahil nagtatrabaho pa rin naman ang kapulungan kahit naka-recess ang Kongreso.
Patunay aniya dito ang ginawang pag-dinig ni Sen. Imme Marcos noong Marso 11 sa pag aresto kay dating Pangulong Duterte.
“Sinasabi nila baka hindi sila makapagtrabaho dahil break na ‘yung Senado. Pero apparently, nagkaroon po sila ng hearing last Thursday, yung committee ni Senadora Imee (Marcos),” sabi niya. (END)
@@@@@@@@@@@@
Pag-asikaso sa ama hindi maaaring dahilan para VP Sara makalibre sa pananagutan
Naiintindihan ni House impeachment prosecutor Rep. Lorenz Defensor ng Iloilo ang pangangailangan na asikasuhin ni Vice President Sara Duterte ang kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, na kasalukuyang nakakulong sa International Criminal Court (ICC) sa the Netherlands.
Pero hindi umano ito dahilan, ani Defensor, upang malibre na ang Bise Presidente sa mga akusasyon sa kanya sa inihaing impeachment case at tumugon sa mga summons kaugnay nito.
“Being the Vice President, while you have a father to take care, you also have a nation to look after and a nation you have to see that you are accountable for your actions,” ani Defensor sa panayam ng Radyo 630.
“Tandaan natin hindi kaso ng ICC ito, ang kalagayan ng dating Pangulong Duterte, pero kaso mismo ito ng mga sarili niyang kababayan na naging biktima ng drug war. At kaso ito hindi ng isang simple homicide, hindi simpleng murder. This is a case of crimes against humanity, laban sa sangkatauhan,” sabi pa nito.
“Kaya naiintindihan natin ang dinaranas ng ating bansa. But we do not abandon our duties and responsibilities especially our accountability as the sitting Vice President,” dagdag pa niya.
Pinaalalahanan ni Defensor si VP Duterte na mayroon siyang pagkakataon para depensahan ang kaniyang sarili mula sa reklamong impeachment sa Senate impeachment court na walang kinikilingan, bagay na hindi nagawang gawin ng mga biktima ng madugong giyera kontra iligal na droga ng kanyang ama noong panahon ng pamumuno nito.
Kaparehong pagkakataon din aniya ang iibigay ng ICC para sa kaniyang ama, saad ng mambabatas.
“Talagang lahat ng mga pamilya na involved sa nangyayari sa ating bansa ay nakakaranas ng kahirapan. Pero tandaan din natin na ang mga pamilya na naging biktima ng drug war lalo’t lalo na ‘yung mga walang kasalanan ay nakalagay din sa sitwasyon na mas malala,” aniya.
“In fact, wala silang due process. Maraming namatay na walang tsansang makapagpaliwanag sa isang korteng patas at sigurado akong ‘di hamak mas patas ang korteng ikinaharapan o kinalalagyan ng ating dating Pangulo,” wika pa ng kongresista.
Naghain ng mosyon ang House prosecution team noong Martes at hiniling kay Senate President Francis “Chiz” Escudero na pasagutin si VP Duterte sa inihaing Articles of Impeachment laban sa kanya ng Kamara de Representantes noong Pebrero 5.
Naniniwala ang mga prosekutor na maaari sumagot ang bise presidente sa pamamagitan ng kaniyang abugado ng hindi kinakailangang umuwi sa bansa.
Gayonman mas maigi na kapag nagsimula na ang paglilitis at bumalik na umano ang Bise Presidente sa Pilipinas.
Kasalukuyang nasa the Netherlands ang Pangalawang Pangulo at inaasikaso ang pagbuo sa legal team ng kanyang ama. isang Briton ang kanyang napili na maging lead counsel. (END)
@@@@@@@@@@@@
Mga solon ibinasura alegasyon na nakatanggap ng milyong halaga ng ayuda funds sa pagsama sa sortie ni Speaker Romualdez
Ibinasura ng mga mambabatas ang alegasyon ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong na tumatanggap ang mga miyembro ng Kamara de Representantes ng milyong halaga ng social amelioration funds sa kanilang pagdalo sa mga out-of-town engagement ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.
“Sa experience ko po ay wala akong ganyan na nakikita at wala po akong ganyan na na-experienced,” ani House Minority Leader at 4Ps Party-list Rep. Marcelino “Nonoy” C. Libanan.
Kinontra rin ni Libanan ang sinabi ni Magalong na ginagamit ang 2025 national budget bilang “election fund,” at iginiit na ang pamimigay ng ayuda sa ilalaim ng mga programang AKAP, AICS at TUPAD, ay hindi kontrolado ng mga politiko.
“Yung sinasabing 2025 na iyong GAA ay election funds, lahat ng disbursements hindi po nakikialam ang mga politiko,” sabi ng solon.
“Sa mga distribution ng social services bawal po ang mga politiko magpunta roon. Iyan ay strictly na in-implement po ngayon,” dagdag pa ni Libanan. “Ang ating pondo ay para sa pag-aayos ng ating bansa at ang nakikita ko po dito ay gawin lang natin ang ating mga tungkulin.”
Kung mayroon umanong nangyaring iregularidad, pinayuhan ni Libanan ang mga nakasaksi nito na pumunta sa angkop na otoridad at maghain ng reklamo.
“Kung may reklamo man, kung may nakikita, nandyan naman ang ating mga husgado at pwede magpunta sa House to clarify sa mga charges na binabato,” saad pa nito.
Itinanggi rin ni 1Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez ang naturang alegasyon.
“I’m not part of the leadership. I am a regular member of this House, but just to answer anecdotally, I don’t think I’ve had the experience that would answer that question in the affirmative,” ani Gutierrez.
Iginiit ni Gutierrez na ang lahat ng pondo sa mga kinukuwestyong programa ay nasa kontrol ng mga ahensya ng gobyerno.
Sinabi ni Libanan na walang miyembro ng opposition bloc sa Kamara ang nag-ulat sa kanya na nakatanggap ng pondo para sa ayuda.
“In addition to that, I am the leader of the minority and they have not received any report of the minority. Any member of the minority telling me na mayroong ganung mga mga 7 AICS, 7 AKAP wala po akong narinig na ganyan,” saad ni Libanan.
Nang tanungin kaugnay ng sinabi ni Magalong na nakatanggap siya ng pagbabanta mula ng isiwalat ang alegasyon ng pagbibigay ng ayuda sa mga kongresista na sumasama sa mga biyahe ni Romualdez, sinabi ni Libanan na nangyayari talaga ito sa mga public servant.
“Alam niyo po pag government official ka kasama na po yan. Hindi po ordinaryong maging public servant,” wika pa ni Libanan.
Iginiit naman nito na dapat iulat ni Magalong ang insidente sa otoridad.
“Pwede niya ipa-report ‘yan sa sa DICT madaling matunton ‘yan kung sinong nagte-threat na yan,” wika pa ni Libanan.
“Lalo na katulad sa kanya na dating [pulis], alam niya madaling matunton kung sinoman kung sinong nagte-text dahil ‘yung ating procedure ngayon lahat ng ating numbers sa telepono ay registered na ‘yung ating mga pangalan kaya pwedeng matunton ‘yan kung sino ang taong yan,” dagdag pa nito. (END)
@@@@@@@@@@@@
Senado obligadong pasagutin si VP Duterte sa Articles of Impeachment– House prosecutor
Dapat umanong maglabas ng writ of summons ang Senado upang obligahin ang na-impeach na si Vice President Sara Duterte na sagutin ang Articles of Impeachment na isinampa laban sa kanya ng Kamara de Representantes noong Pebrero 5, ayon kay House Minority Leader Marcelino Libanan.
Sa isang press conference, sinabi ni Libanan na nakasaad ito sa rules ng Senado kaugnay ng impeachment trial.
Ayon sa naturang alituntuning ito, sinabi ni Libanan na dapat utusan ng Senado ang respondent na magsumite ng sagot sa loob ng 10 araw mula sa pagtanggap nito ng kopya ng reklamong impeachment.
Batay sa impeachment timeline na inilabas ni Senate President Francis Escudero, obligado si VP Duterte na sagutin ang reklamo sa Hunyo 4.
Magsisimula ang paglilitis sa Hulyo 30, dalawang araw matapos ang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at ang pagsisimula ng ika-20 Kongreso.
Ayon kay Libanan, wala sa mga alituntunin ng Senado sa impeachment ang planong pag-obliga sa Bise Presidente na sagutin ang petisyong impeachment sa Hunyo 4.
“Ang nakikita ko po sa June 4, pag duon sila nagsimula ay wala po sa kanilang rules of procedure. Dahil pag nai-file kaagad, sa kanilang impeachment rules ay mag-i-issue sila ng summons to the one who is being sought to be impeached in a period of ten days from receipt of the articles of impeachment,” aniya.
“So June 4 is not ten days, napakalayo po niyan. So with this with this motion, hopefully ay magagawa nila, mapapa-answer nila ang ating vice president in a period of ten days. Otherwise, they have to amend their rules on impeachment procedure…i-amend nila sa Senado ‘yung kanilang impeachment proceedings rules,” ayon pa sa pahayag ni Libanan.
Bukod sa pagsunod sa sarili nitong mga alituntunin sa impeachment, sinabi ni Libanan na maaaring umaksyon ang Senado sa mosyon ng prosekusyon ng Kamara dahil nagtatrabaho pa rin ang Senado kahit nasa recess ang Kongreso.
Binanggit pang kongresista na nilagdaan ng mga miyembro ng House prosecution team ang kanilang mosyon para sa entry of appearance at mosyon na mag-isyu ng summons kay VP Duterte noong Marso 14.
“Pero hindi namin kaagad ifinile dahil ang tingin po namin ay break nila. Sinasabi nila baka hindi sila makapagtrabaho dahil break na yung Senado. Pero apparently, nagkaroon po sila ng hearing last Thursday, yung committee ni Senadora Imee (Marcos),” aniya.
Ang tinutukoy niya ay ang imbestigasyon sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Marso 11.
“Ibig sabihin, nagtatrabaho pa rin po ang Senado. Kaya ngayong araw ay ifinile po natin itong entry with motion to issue summons. Anong ibig po sabihin ito? Una, ay pinahahayag po namin na handa, nakanda po ang House. Kahit po ngayon ay panahon din ng kampanya po namin…dahil inatasan po kami na maglitis, maging prosecutors, ay gagawin po namin ang aming tungkulin,” aniya.
“At ayon po sa rules of impeachment ng Senado, pag mayroong nai-file sa Senado na impeachment complaint, the Senate shall start the proceedings forthwith, simulan kaagad. Anong ibig sabihin ng forthwith? Without delay, right away, without delay. Yun po ang ibig sabihin ng forthwith,” dagdag niya.
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng agarang pagsisimula ng paglilitis.
“Una, napakahalaga nito dahil, the first reason is to prevent more harm, further harm. Kung may ginagawa ang isang opisyal na nakakasama sa ating bayan…ay kailangan maprevent yung harm na kanyang ginagawa,” aniya.
“Second is to uphold the rule of law. May Konstitusyon tayo. At ito po ay nasa loob ng ating Constitution, pino-provide po ito na pag sinabi ng Congressmen na one-third of all the members ay didiretso na sa Senado. One-third of all the members didiresto na sa Senado, why? Kasi representative ng taong bayan yung mga representatives sa Kongreso. Pag sinabing 215 na members of Congress, that is two-thirds of all the members of the House. So malaking obligasyon po yan. Kailangan nananaig sa atin ang rule of law, ang ating Constitution, ang pinaka-mataas na batas sa atin,” aniya.
Ikatlo, aniya ay upang mapanatili ang tiwala ng publiko.
“Para palaging nagtitiwala ang taongbayan sa mga nanunungkulan. Dahil pag na-erode ang public trust walang gobyernong makakatayo. Ang pang-apat is to preserve institutional integrity. Kaya pag ganitong mga proseso, hindi po pwede na may delay, mga delaying tactics,” giit nito.
“Ang pang-lima, is to set a precedent to deter future misconduct of high public officials. Para kung may hindi tamang ginagawa ay sana hindi na mangyari. Kaya napaka-importante po ang prosesong ito at dahil sa entry with motion to issue summons ay pasasagutin na ang ating Vice President in a period of 10 days from receipt in accordance with the impeachment rules of the Senate na hindi naman nila binabago hanggang ngayon,” dagdag pa niya. (END)
@@@@@@@@@@@@
Senado legal na matatalakay mosyon ng Kamara para pasagutin si VP Duterte sa Articles of Impeachment
Naniniwala ang House prosecution panel na maaari nang talakayin ng Senado ang mosyong inihian nito upang pasagutin si Vice President Sara Duterte sa inihaing Articles of Impeachment kahit hindi pa nababalangkas ang Impeachment Court.
“So we are of the opinion that legally, they can tackle this matter even within the timeline that they have originally mentioned,” ani 1RIDER Party-list Rep. Rodge Gutierrez, isang miyembro ng prosecution team.
“The good SP has mentioned that the Senate is ready to prepare for the trial. They are willing to go through the motions and any preparation that might be necessary even prior po no,” sabi pa nito.
Ang tinukoy ni Gutierrez ay ang mosyon para sa entry with prayer for the issuance of summons na naunang inihain sa Senado ng House prosecution panel, sa pangunguna ni House Minority Leader Marcelino “Nonoy” C. Libanan, ang House panel lead prosecutor.
“In relation to the timeline, the motion filed by the prosecution thru the Hon. Libanan, ‘yung entry with the motion of summons, this could be considered one of those preparatory steps,” dagdag pa ni Gutierrez.
Nang tanungin kung kailangang bumalik sa Pilipinas si Duterte upang sagutin ang Articles of Impeachment, sinabi ni Gutierrez na hindi kinakailangan ang presensya nito.
“Does not necessarily follow. Although we have to review the rules, we are of the opinion that upon, whether… assuming first the summons would be properly delivered to the Vice President, whether through personal summons or through substitute,” aniya.
“The Vice President if she would still be abroad can still file her answer and just approach the nearest consulate to have it Apostilled,” paliwanag ni Gutierrez. “In the same way to make it more common knowledge, ‘yung pagsagot rin ni Atty. Harry Roque ginawa niya rin abroad. So, in the same manner it could be done.”
Ipinaliwanag niya na maaaring gawin ang pormal na pagsagot sa pamamagitan ng mga diplomatic post ng Pilipinas sa ibang bansa.
“She would have to answer it na formal filing through the court, through the consulate that’s one of the thing that we have,” aniya.
“Although the ideal would still be personally, she would return to the Philippines to file her answer for the court,” dagdag niya.
Naunang naghain ang House panel ng mga prosecutor ng mosyon sa Senado, na gumaganap bilang Impeachment Court, upang maglabas ito ng writ of summons na nag-uutos kay Bise Presidente Duterte na sagutin ang Artikulo ng Impeachment.
Iginiit ni Libanan na ginagawa lamang ng panel ang tungkulin nito alinsunod sa Konstitusyon. (END)
@@@@@@@@@@@@
House Prosecutor: Mosyon para pasagutin si VP Duterte may batayang legal
Nanindigan ang House prosecution panel na mayroong batayang legal ang kanilang inihaing mosyon uypang pasagutin si Vice President Sara Zimmerman Duterte sa inihaing Articles of Impeachment ng Kamara de Representantes laban sa kanya.
“The prosecution has collectively taken the stand that given the Constitution says that the trial under the Senate will proceed immediately forthwith, we are of the opinion that legally sound naman ang aming motion,” ayon kay 1RIDER Rep. Rodge Gutierrez, miyembro ng House prosecution panel.
Inamin ni Gutierrez na maaaring iba ang pananaw ng Senado kaugnay nito kaya ipinasa ni Senate President Francis “Chiz” Escudero sa legal department ng Senado ang usapin.
“However, we do understand that the good Senate President might have a differing opinion and thus we would understand the reason for them to refer it to their legal team,” saad ni Gutierrez.
“But we remain confident that our submission is in line with our legal theory,” dagdag nito.
Una ng naghain ang prosecution panel ng Kamara na pinamumunuan ni House Minority Leader Marcelino “Nonoy” C. Libanan ng mosyon sa Senado na magsisilbing Impeachment Court, ng mosyon upang maglabas ito ng summons kay VP Duterte upang siya ay pasagutin sa Articles of Impeachment na inihain noong Pebrero 5.
“We filed a motion for entry with motion to issue summons sa Senado,” ayon kag Libanan.
“Ito po ay tungkol sa pag-file ng House ng impeachment noong February 5 laban sa ating Vice President Sara Duterte. At pinirmahin po namin ito noong March 14 na entry with motion to issue summons,” ayon pa sa mambabatas. “Pero hindi namin kaagad na-file dahil ang tingin po namin ay break nila.”
Ipinunto ni Libanan na aktibo pa rin ang Senado sa kanilang mga gawain kahit nasa break.
“Sinasabi nila baka hindi sila makapagtrabaho dahil break na ‘yung Senado. Pero apparently, nagkaroon po sila ng hearing last Thursday noong committee ni Senadora Imee [Marcos]. Ibig sabihin, nagtatrabaho pa rin po ang Senado,” saad pa nito.
Binigyang-diin ni Libanan na handa ang House prosecution panel na gampanan ang kanilang tungkulin sa kabila ng panahon ng kampanya.
“Una, ay pinahahayag po namin na handa, nakanda po ang House. Kahit po ngayon ay panahon din ng kampanya po namin, kami ni Congressman Rodge Gutierrez ay nangangampanya,” ani Libanan.
“Dahil inataasan po kami na maglitis, maging prosecutors, ay gagawin po namin ang aming tungkulin,” saad pa nito.
Binigyang-diin ni Libanan, batay sa panuntunan ng Senado, ang pangangailangang na agad simulan ang pagdinig.
“Ayon po sa rules of impeachment ng Senado, ‘pag mayroong nai-file sa Senado na impeachment complaint, the Senate shall start the proceedings forthwith, simulan kaagad,” giit ng kongresista.
“Anong ibig sabihin ng forthwith? Without delay, right away, without delay,” aniya.
Iginiit ni Libanan na dapat magpatuloy ang proseso ng impeachment nang mabilis at walang anumang pagkaantala. “So kahit anong ginagawa natin dahil napakahalaga po ito, ay kailangan gumulong kaagad ang impeachment.”
Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagpapalabas ng summons sa Bise Presidentr
“At dahil po dito ay nag-motion kami na issuehan ng summons ang ating Vice President para sagutin na po niya,” pahayag ni Libanan.
“Kaya napaka-importante po ang prosesong ito at dahil sa entry with motion to issue summons ay pasasagutin na ang ating Vice President in a period of 10 days from receipt in accordance with the impeachment rules of the Senate na hindi naman nila binabago hanggang ngayon,” dagdag pa niya. (END)
@@@@@@@@@@@@
‘Huwag ninyo kaming pilitin na i-cite kayo in contempt’: Chairman Paduano nagbabala ng kalaboso sa mga pro-Duterte vloggers, influencers kapag muling dinedma fake news probe
Nagbabala si House Committee on Public Accounts Chairman Joseph Stephen “Caraps” Paduano ng Abang-Lingkod Party-list sa mga pro-Duterte vloggers at influencers na hindi dumalo sa nakaraang pagdinig ng House tri-comm na maaaring mauwi sa kalaboso ang muli nilang hindi pagsipot sa imbestigasyon kaugnay ng fake news.
“Just to remind everyone… resource persons and that include all those resource personnel who are present in today’s (Friday) hearing and maybe they’re monitoring this hearing, let me remind everyone that please don’t force us to cite you in contempt,” ani Paduano.
Ang susunod na pagdinig ay itinakda sa Abril 8 bagamat maaari pa itong baguhin ng komite.
Sa joint hearing ng House Committees on Public Information, Public Order and Safety, at Information and Communications Technology, kinumpirma ang paglalabas ng subpoena sa 24 na personalidad na hindi dumalo kahit na nakatanggap na sila ng show-cause orders mula sa komite para dumalo sa pagdinig at ipaliwanag ang kanilang pag-absent.
Kabilang sa mga hindi dumalo at inisyuhan na ng subpoena sina Lorraine Marie Tablang Badoy-Partosa, Jeffrey Almendras Çeliz, at Allan Troy “Sass” Rogando Sasot. mga kilalang pro-Duterte influencers at bloggers.
Kasama rin sa listahan sina Alex Distor, Alven L. Mortero, Claire Eden Contreras, Claro Ganac, Cyrus Priglo, Darwin Salceda, Edwin Jamora, Elmer Jugalbot, Ernesto S. Abines Jr., Atty. Glen Chong, Jeffrey G. Cruz, Joe Smith Medina, Jonathan Morales, Julius Melanosi Maui, Kester Ramon John Balibalos Tan, Lord Byron Cristobal, Ma. Florinda Espenilla-Duque, Maricar Serrano, Suzanne Batalla, Mary Catherine Binag, at Vivian Zapata Rodriguez.
“Mr. Chairman… may I respectfully move that we issue a subpoena ad testificandum for all those mentioned names by the chairman,” pahayag ni Paduano sa pinakahuling pagdinig ng komite.“So move, Mr. Chair.”
Sinegundahan naman ni Antipolo Rep. Romeo Acop ang mosyon at inaprubahan ito ni Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, isa sa co-chair ng Tri-Comm matapos na walang miyembro na nagpahayag ng pagtutol.
“The motion is approved and the chair hereby directs the committee secretary to issue subpoenas to the mentioned resource persons,” ani Pimentel.
Dagdag pa niya, sa 11 indibidwal na unang nabigyan ng subpoena, walo lamang ang sumipot.
“The following three resource persons did not attend – Badoy, Celiz and Sasot,” wika ni Pimentel. “May we inform those mentioned that have been issued subpoena that the subpoena is still in effect.”
Sinabi ni dating Press Secretary Cruz-Angeles na nasa China si Sassot at tinangkang sumali sa pamamagitan ng Zoom.
Nilinaw ni Pimentel na ayon sa panuntunan, ang Zoom link ay eksklusibo lamang para sa mga miyembro ng Kamara.
Paalala pa ni Paduano sa mga hindi dumalo, kailangan nilang magsumite ng dokumentasyon bilang katibayan.
“Let it be clear to the resource persons, especially those not present today (Friday), in regards to the explanation relayed to you by Ms. Badoy… ang mahalaga po dito, Attorney, is the written explanation attached with all the documents that will prove that she is indeed abroad… and the written explanation is valid,” ani Paduano.
“As of now, we will accept all those documents that you will submit to the secretariat, but still Ms. Badoy and Ms. Sassot ba ‘yun, should still make a written explanation and submit to the committee before the next hearing,” dagdag pa niya.
Nagbigay naman si Pimentel ng final warning sa mga patuloy na bumabalewala sa imbitasyon ng Tri-Comm.
“If those personalities that already received subpoenas will not attend in the next hearing, this committee would be compelled to issue a contempt order,” aniya.
Nagbabala rin si Paduano laban sa anumang pagbatikos sa komite pagkatapos ng pagdinig.
“Just to remind you – Section 11 of our internal rules, Paragraph F – we will not allow discussions or attacking, insulting this committee hearing after the suspension of this hearing because you will be in violation… we will be forced to cite you in contempt (undue interference),” banta ng mambabatas.
Dagdag pa niya, naipatupad na ito ng kanyang komite noon.
“We have already done that in my committee when a block timer from Cagayan, Bombo Radyo Cagayan, was cited in contempt because after the hearing he attacks the results of the committee hearing. Please be reminded po,” babala ni Paduano.
Kung mababago umano ang schedule ng pagdinig ng komite ay ipapaalam ito sa mga inimbitahan. (END)
@@@@@@@@@@@@
Pakikilahok ng mamamayan sa paggawa ng batas, itinutulak sa Kamara
Itinulak ni Rep. Brian Raymund Yamsuan ang aktibong partisipasyon ng mga Pilipino sa proseso ng pagsasabatas ng Kamara sa pamamagitan ng pagpayag sa kanila na magsumite ng mga panukala sa pamamagitan ng mga digital platform sa pagrepaso, pag-amiyenda, pagpapawalang-bisa o paglikha ng mga batas.
Sinabi ni Yamsuan na ang mga panukalang crowdsourcing mula sa mga mamamayan ay magbibigay-daan sa Kongreso na matukoy ang kanilang pinakamahihirap na pangangailangan at alalahanin.
Makakadagdag ang Crowdsourcing sa mga insight na nakalap sa mga pagdinig ng komite mula sa mga resource person at eksperto na ang mga pagtatasa ay maaaring hindi palaging sumasalamin sa tunay na mga damdamin at pananaw ng sektor na kanilang kinakatawan.
Ang makabagong pamamaraang ito ay naglalayong pahusayin ang demokrasya sa bansa sa pamamagitan ng paggawa ng proseso ng paggawa ng batas na higit na inklusibo at transparent, sabi ni Yamsuan.
"Ang aming layunin ay palakasin ang partisipasyon ng mga tao sa proseso ng pambatasan. Sa pamamagitan ng teknolohiya, maaari naming i-demokrasiya ang paraan ng paggawa ng mga batas. Maari ng makilahok ang ating mga mamamayan sa pagbalangkas ng batas.
"Ang paglahok ng mamamayan sa proseso ng pambatasan sa pamamagitan ng crowdsourcing ay magbibigay sa mga mambabatas ng independiyente, walang pinapanigan na mga input sa mga kasalukuyang batas at mga nakabinbing hakbang. Gamit ang mahahalagang input mula sa mga kapwa mamamayan, makakapagpasa tayo ng mga batas na mas epektibo at mas tumutugon sa kanilang mga pangangailangan," dagdag niya.
Sa ilalim ng panukala ni Yamsuan, ang Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) ay gagawa ng online na platform kung saan maaaring magsimula ang mga tao ng kampanya o isang elektronikong petisyon upang suriin, amyendahan, pawalang-bisa o lumikha ng batas.
Si Yamsuan ay co-authored ng House Bill 303 na naglalayong lumikha ng crowdsourcing platform na ito.
Kapag umabot na sa 300,000 verified signature ang panukalang crowdsourced, inaatasan ng panukalang batas ang PLLO na ipasa ito sa kani-kanilang mga tagapangulo ng naaangkop na komite ng Senado at ng Kapulungan ng mga Kinatawan para sa karagdagang aksyon.
Sinabi ni Yamsuan na hindi bagong konsepto ang crowdsourcing legislation, dahil ito ay iminungkahi na ito mahigit isang dekada na ang nakalipas ni dating Senador Teofisto Guingona III sa 15th Congress.
Sa pandaigdigang pambatasan, pinasimulan ng Brazil ang paglahok ng mamamayan sa proseso ng paggawa ng batas sa pamamagitan ng Internet Bill of Rights nito. Sa limitadong sukat, pinahintulutan din ng Finland at Iceland ang mga mamamayan na magkomento at magbigay ng mga mungkahi sa pamamagitan ng mga digital platform kung paano pahusayin ang mga batas trapiko.
@@@@@@@@@@@@
Budol Gang dumarami: Bukod sa ‘chichiria’ at ‘Dodong gangs,’ ‘Amoy’ ‘Asim’ binigyan din ng confidential funds ni VP Sara
Patuloy ang paghaba ng listahan ng mga miyembro ng grupo na tinaguriang “Budol Gang” na binubuo ng mga kaduda-dudang pangalan na nasa listahan ng binigyan ni Vice President Sara Duterte ng kanyang confidential fund na may kabuuang halagang P612.5 milyon.
Sa patuloy na pagsuri sa pinagkagastusan ng confidential fund na ipinagkatiwala kay Duterte noong ito ay kalihim pa ng Department of Education (DepEd), sinabi ni House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union na lumabas ang tinawag niyang “Team Amoy Asim.”
"Sa patuloy na pagsusuri ng Kongreso sa listahan ng mga nakatanggap ng confidential funds sa DepEd, may bagong grupo na naman—ang tinatawag nating ‘Team Amoy Asim,’" ani Ortega.
Kabilang sa mga bagong pangalang lumutang ang “Amoy Liu,” “Fernan Amuy,” at “Joug De Asim.”
Ang mga pangalang ito ay dagdag sa lumalaking listahan ng mga kahina-hinalang pangalan na umano’y ginamit upang bigyang-katwiran ang milyun-milyong confidential fund allocations sa ilalim ng DepEd.
Bukod sa ngayo’y kilalang “Mary Grace Piattos,” ilang miyembro rin ng “Budol Gang” ang nabunyag, kabilang sina “Renan Piatos,” “Pia Piatos-Lim,” “Xiaome Ocho,” “Jay Kamote,” “Miggy Mango,” at limang indibidwal na pawang pinangalanang “Dodong” bilang umano’y mga benepisyaryo ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP).
Ayon kay Ortega, sina Liu, Amuy, at De Asim ay walang birth, marriage, o death records sa database ng Philippine Statistics Authority (PSA).
Sinabi ni Ortega na ang mga pangalan ay isinumite ng OVP at DepEd sa Commission on Audit (CoA).
Ang kawalan ng mga pangalang ito sa opisyal na talaan ay nagbubunga ng seryosong pagdududa sa pagiging lehitimo ng mga pondong inilabas.
“Una, may chichirya, may cellphone, at may prutas. Sumunod ang ‘Dodong Gang.’ Ngayon naman, nandito na ang ‘Team Amoy Asim.’ Kung sa listahan pa lang ay maasim na ang dating ng pekeng mga pangalan, paano pa kaya sa mga transaksyon mismo?” tanong ni Ortega.
Mula sa 1,992 na sinasabing nakatanggap ng confidential funds sa OVP, sinabi ni Ortega na 1,322 ang walang birth records, 1,456 ang walang marriage records, at 1,593 ang walang death records.
Nauna nang ibinunyag ni Manila Rep. Joel Chua, chair ng House Committee on Good Government and Public Accountability, na 405 sa 677 pangalan na nakalista bilang benepisyaryo ng confidential funds ng DepEd sa ilalim ni Pangalawang Pangulo Duterte ay walang birth records—isang malinaw na indikasyon na peke ang mga pangalan.
"Anong klaseng payroll ito? Lahat ng pangalan ay parang gawa-gawa lang. Imposible ang ganito kung sumusunod sa tamang proseso," diin ni Ortega.
Sa kabila ng paulit-ulit na kahilingan para sa paliwanag, hindi pa nagbibigay ng malinaw na sagot ang Pangalawang Pangulo.
Nang tanungin tungkol sa mga kahina-hinalang pangalan sa isang panayam sa The Hague, iginiit ni VP Duterte na hindi niya maaaring beripikahin ang mga dokumento dahil sa pagdududa sa chain of evidence.
Itinuring ito ni Ortega bilang isa pang tangka upang iwasan ang pananagutan.
"Kung maayos ang sistema, bakit parang magic na lang na napunta ang pera sa mga pangalan na wala namang pagkatao? Nasaan ang mga dokumento? Nasaan ang mga sagot?" ani Ortega. "Kung ito ay hindi panloloko, bakit hindi nila maipaliwanag nang maayos?”
Binigyang-diin ni Ortega na ang lumalaking bilang ng mga kahina-hinalang pangalan ay nagpapakita ng tila sinadyang modus upang mag-imbento ng mga benepisyaryo at abusuhin ang pondo ng bayan.
"Hindi ito simpleng kapabayaan. Peke ang mga pangalan sa liquidation. Nasaan ang kanilang pananagutan?” ani Ortega.
Sa nalalapit na pagsisimula ng impeachment trial sa Senado sa Hunyo, hinimok ni Ortega si Duterte na itigil na ang mga palusot at harapin ang mga alegasyon nang direkta.
Binigyang-diin niya na nararapat lamang na masagot ng malinaw ang mga tanong at hindi ito iwasan.
"Kahit anong pagtatago ang gawin, aalingasaw at aalingasaw lahat ng mga ito,” diin ni Ortega. (END)
@@@@@@@@@@@@
Solon kinilala pagsasampa ng kaso laban sa 4 na tauhan ng Davao City Registrant na sangkot sa pagbibiyag Philippine birth certificate sa mga Chinese
Kinilala ni House Assistant Majority Leader Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur ang pagsasampa ng kasong kriminal sa apat na empleyado ng Davao City Civil Registrar’s Office na sangkot umano sa pagbibigay ng Philippine birth certificate sa mga Chinese nationals, na maaari umanong bahagi ng mas malawak na modus kaya dapat ipagpatuloy ang imbestigasyon.
“While this is a good first step, we must not stop with just one office. This kind of syndicate work could not have thrived without a broader network. We should look for similar operations in other parts of the country, especially during the Duterte administration when Chinese influence grew unchecked,” ani Adiong.
Sinampahan ng kasong falsification at cybercrime ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na empleyado ng civil registrar sa Davao City, matapos matuklasan sa isinagawang imbestigasyon na sangkot sila sa pagbibigay ng pekeng birth records sa mga Chinese nationals upang palabasin na Pilipino ang mga ito at magkaroon ng karapatan sa bansa gaya ng mga Pilipino.
Ginamit ang mga pekeng dokumento upang makakuha ng pasaporte, na nagbigay-daan sa mga dayuhang ito na makapasok at makapagtrabaho sa bansa nang legal.
“Any Filipino who helps a foreign national – especially someone from a country aggressively encroaching on our territory – commit fraud should be ashamed of themselves. This isn’t just a case of corruption. This is treasonous behavior,” ani Adiong.
Sinabi ni Adiong na ang eskandalo ay nagpapakita ng tensyon sa pagitan ng “Team Pilipinas at Team China,” at idinagdag na ang mga Pilipinong kumakampi sa dayuhang interes kapalit ng pambansang seguridad ay dapat na isiwalat at kasuhan.
“Team Pilipinas is fighting to protect our sovereignty, our identity, and our future. Team China is playing the long game, trying to infiltrate our systems one fake birth certificate at a time. Anyone helping them is not neutral – they are an active part of the problem,” aniya.
Nanawagan ang lider ng Kamara sa Department of Justice (DoJ), Philippine Statistics Authority (PSA), at Department of Foreign Affairs (DFA) na magsagawa ng masusing pagsusuri sa lahat ng birth records na inilabas sa nakalipas na sampung taon sa mga lugar kung saan may mataas na bilang ng mga migranteng Chinese.
“Look at other local civil registrar offices. Look at immigration records. Look at who’s getting passports under fake names. This may just be the tip of the iceberg,” babala ni Adiong.
Hinimok din niya ang Bureau of Immigration (BI) na suriin ang mga alien employment permits at investor visas laban sa posibleng pekeng pagkakakilanlan.
“Ang mga opisyal na nagpaparami ng dayuhang may pekeng papeles ay hindi dapat manilbihan sa pamahalaan. Kung tapat ka sa bayan, hindi mo ito ipagkakanulo sa kapalit ng pera,” ani Adiong.
Dagdag pa niya, mawawalan ng saysay ang mga pagsisikap na gawing Pilipino ang industriya, protektahan ang mga trabaho sa bansa, at palakasin ang digital identity systems “kung ang mga dayuhan ay madaling makabili ng kanilang pagkakakilanlan bilang Pilipino.”
“Lahat ng Pilipinong sangkot sa ganitong modus ay dapat kasuhan. Hindi natin pwedeng palampasin ito. Walang puwang sa gobyerno ang mga traydor,” aniya.
Ipinunto rin niya ang implikasyong pang-geopolitika ng pagpapahintulot sa mga Chinese nationals na makapasok sa Philippine system gamit nag mga pekeng dokumento at tinawag niya itong “national security red flag.”
“This is about our national integrity. We owe it to every Filipino to defend our systems from being weaponized by a foreign power,” ani Adiong. (END)
@@@@@@@@@@@@
Pag-aresto sa vlogger dahil sa fake news paalala laban sa iresponsableng content creators— AML Zamora
Ang pag-aresto sa isang vlogger sa Oslob, Cebu kaugnay ng pagpapakalat ng fake news ay isang paapapa umano sa mga content creator na maging responsable sa kanilang mga ipino-post online.
Ito ang sinabi ni House Assistant Majority Leader Pammy Zamora ng Taguig City, matapos arestuhin ng National Bureau of Investigation (NBI) kamakailan ang 30-anyos na si Wendelyn Magalso dahil sa pagpo-post ng pekeng content tungkol kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ginawa na umanong legal ang paggamit ng illegal na droga sa bansa.
"This case is a stark reminder that freedom of expression is not freedom to deceive," pahayag ni Zamora, na kumakatawan sa 2nd District ng Taguig City sa Kamara de Representantes.
Dagdag pa niya, "May hangganan ang pagiging ‘content creator,’ lalo na kung ginagawa mo ito para manira, magpakalat ng kasinungalingan, at kumita mula sa panloloko. Kung pipiliin mong magkalat ng fake news, may kapalit iyan."
Ayon sa NBI, binago ni Magalso ang isang post ng TV5 News sa pamamagitan ng paglalagay ng pekeng quotes at pinalabs na sinabi ito ni Pangulong Marcos.
Isa sa mga pinekeng caption ay nagsabing: "Legal na daw ang druga grabe ka nanam Marcos ngayon harapin mo lahat nang hamon kong makakabalik ka pa pagka looy sa mga inosente."
Iniulat din na inedit niya ang isang video ng pahayag ng Pangulo upang linlangin ang mga manonood.
Ayon sa NBI Central Visayas Regional Office, kumilos sila matapos makatanggap ng reklamo mula sa TV5 at nagsagawa ng sariling cyber patrol.
Inamin ni Magalso na ginawa niya ang post upang kumita mula sa views at kalaunan ay humingi ng paumanhin sa Pangulo.
"Hindi ito simpleng opinyon. Ito ay tahasang panlilinlang," ani Zamora.
“At kung ginagaya mo pa ang Pangulo o lehitimong media outlet para magmukhang totoo, malinaw na intensyon mong manloko,” binigyang-diin niya.
Si Magalso ay nahaharap sa mga kaso sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act of 2012. Kung mapatunayang nagkasala, maaari siyang makulong ng anim na buwan hanggang anim na taon at pagmultahin mula P40,000 hanggang P200,000.
Pinuri rin ni Zamora ang TV5 sa mabilis nitong aksyon sa pag-report ng insidente, pati na rin ang NBI sa mabilis nitong tugon.
“This shows that when media and law enforcement work together, we can fight back against the spread of dangerous disinformation,” ani Zamora.
Binigyang-diin din niya ang pangangailangang palakasin ang digital literacy at papanagutin ang mga content creator.
“Kailangan nating turuan ang kabataan kung paano kilalanin ang totoo sa peke. At para sa mga sadyang gumagawa ng fake news, tandaan ninyo—mahahabol kayo ng batas,” babala ni Zamora. (END)
@@@@@@@@@@@@
Agad na pag-aksyon sa impeachment ni VP Sara magpapakita sa publiko na hindi pinalalagpas kasalanan ng mga opisyal
Binigyang-diin ni House Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan kung bakit dapat na agad aksyunan ang isang impeachment case.
Ayon kay Libanan, miyembro ng 11-man House prosecution panel sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, ang agarang paglilitis ay kailangan dahil sa iba’t ibang dahilan.
“The first reason is to prevent further harm. If an official is abusing their power, breaking the law, or acting against the public interest, allowing them to remain in office could lead to greater damage,” ani Libanan.
“The second reason is to uphold the rule of law. Swift impeachment reinforces public accountability and ensures that no one is above the law,” dagdag niya.
“The third reason is to maintain public trust. Delays in impeachment proceedings can erode confidence in government institutions and create the perception that justice is not being served,” binigyang-diin ni Libanan.
“The fourth reason is to preserve institutional integrity. If an official is unfit for office, their continued stay can weaken the legitimacy of the institution they serve,” saad pa nito.
Ayon kay Libanan, ang ikalimang dahilan ay upang maiwasan na mayroong manghimasok sa proseso.
“The longer an impeachable official stays in power, the greater the risk of obstruction—whether through intimidation of witnesses, manipulation of the system, or other means to evade accountability,” ipinaliwanag ng kongresista.
Sa huli, binigyang-diin ni Libanan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng halimbawa upang pigilan ang maling gawain ng matataas na opisyal ng gobyerno sa hinaharap.
"Taking swift action sends a strong message that wrongdoing will not be tolerated and will be met with decisive consequences," iginiit niya.
Si Libanan, na isang abugado, ay dating chairman ng House Committee on Justice.
Ginawa ni Libanan ang pahayag kasunod ng muling pagtitiyak ni Speaker Martin Romualdez sa kahandaan ng House prosecution panel sa isasagawang impeachment trial ng Bise Presidente.
“The House has fulfilled its duty by transmitting the Articles of Impeachment, and our prosecution panel stands ready to present the case as soon as the impeachment court is convened,” ayon sa pahayag ni Romualdez noong Marso 19.
“We trust that the Senate will carry out its constitutional duty and proceed with the trial without unnecessary delays, in full adherence to the rule of law,” dagdag niya.
Ayon sa Artikulo 11, Seksyon 2 ng Konstitusyon (Panagutan ng mga Opisyal ng Publiko): “The President, the Vice President, the Members of the Supreme Court, the Members of the Constitutional Commissions, and the Ombudsman may be removed from office on impeachment for, and conviction of, culpable violation of the Constitution, treason, bribery, graft and corruption, other high crimes, or betrayal of public trust.” (END)
@@@@@@@@@@@@
Chairman Paduano nagbabala sa mga pro-Duterte vloggers, influencers: Contempt kakaharapin ng aatake sa Tri-Comm
Nagbabala si House Committee on Public Accounts Chairman Joseph Stephen “Caraps” Paduano ng Abang Lingkod Party-list sa mga vloggers at social media influencers na humarap sa pagdinig ng House Tri-Comm na sila ay mahaharap sa contempt kung aatakehin ang komite matapos ang pagdinig.
“Paalala lang po – Section 11 ng ating internal rules, Paragraph F – hindi natin papayagan ang anumang diskusyon o pag-atake, pang-iinsulto sa pagdinig na ito matapos itong isuspinde dahil magiging paglabag ito… mapipilitan kaming i-cite kayo in contempt (undue interference),” sabi ni Paduano.
Sinabi ni Paduano na nangyari na ito noon sa pagdinig ng kanyang komite.
“Nagawa na namin ito sa aking komite nang isang block timer mula Cagayan, Bombo Radyo Cagayan, ay ma-cite in contempt dahil pagkatapos ng hearing, inatake niya ang resulta ng pagdinig ng komite. Paalala lang po,” aniya.
Ang joint committee ng Kamara, na binubuo ng Committees on Public Information, Public Order and Safety, at Information and Communications Technology, ay nakatakdang ipagpatuloy ang pagdinig sa Abril 8, bagamat maaari pa itong baguhin.
Kung magkakaroon ng pagbabago sa iskedyul ay agad itong ipapaalam sa lahat ng inimbiitahan, ayon kay Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel, na presiding officer ng pagdinig ng Tri-Comm noong Biyernes.
Nauna nang hiniling ni Paduano ang pagpapalabas ng subpoena sa 24 na pro-Duterte vloggers at influencers na hindi dumalo sa pagdinig sa kabila ng natanggap nilang show-cause orders.
Kabilang sa mga pinangalanan sina dating NTF-ELCAC spokesperson Lorraine Badoy, vlogger Jeffrey “Ka Eric” Celiz, at vlogger Allan Troy “Sass” Rogando Sasot.
Kasama rin sa mga sinubpoena sina Alex Distor, Alven Mortero, Claire Eden Contreras, Claro Ganac, Cyrus Priglo, Darwin Salceda, Edwin Jamora, Elmer Jugalbot, Ernesto Abines Jr., Atty. Glen Chong, Jeffrey Cruz, Josmith Medina, Jonathan Morales, Julius Milan Maui, Kester Tan, Lord Byron Cristobal, Maria Florenda Espenilla, Maricar Serrano, Susan Batalla, Mary Catherine Binag, at Vivian Zapata Rodriguez.
“Mr. Chairman… may galang po akong inihahain ang mosyon na magpalabas tayo ng subpoena ad testificandum sa lahat ng pangalang binanggit ng chairman,” sabi ni Paduano.
Agad itong sinang-ayunan ni Antipolo Rep. Romeo Acop at inaprubahan ni Pimentel.
“Inaprubahan ang mosyon, at iniuutos ng chair sa committee secretary na magpalabas ng mga subpoena sa mga nabanggit na resource persons,” sabi ni Pimentel.
Dagdag pa niya, mananatili pa rin sa bisa ang mga subpoena na nauna nang inilabas sa 11 indibidwal, kabilang sina Badoy, Celiz, at Sasot, na hindi dumalo sa pagdinig noong Biyernes.
“Nais naming ipaalam sa mga nabanggit na nabigyan na ng subpoena na ang subpoena ay nananatiling epektibo,” aniya. (END)
@@@@@@@@@@@@
Agad na pag-aksyon sa impeachment ni VP Sara magpapakita sa publiko na hindi pinalalagpas kasalanan ng mga opisyal
Binigyang-diin ni House Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan kung bakit dapat na agad aksyunan ang isang impeachment case.
Ayon kay Libanan, miyembro ng 11-man House prosecution panel sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, ang agarang paglilitis ay kailangan dahil sa iba’t ibang dahilan.
“The first reason is to prevent further harm. If an official is abusing their power, breaking the law, or acting against the public interest, allowing them to remain in office could lead to greater damage,” ani Libanan.
“The second reason is to uphold the rule of law. Swift impeachment reinforces public accountability and ensures that no one is above the law,” dagdag niya.
“The third reason is to maintain public trust. Delays in impeachment proceedings can erode confidence in government institutions and create the perception that justice is not being served,” binigyang-diin ni Libanan.
“The fourth reason is to preserve institutional integrity. If an official is unfit for office, their continued stay can weaken the legitimacy of the institution they serve,” saad pa nito.
Ayon kay Libanan, ang ikalimang dahilan ay upang maiwasan na mayroong manghimasok sa proseso.
“The longer an impeachable official stays in power, the greater the risk of obstruction—whether through intimidation of witnesses, manipulation of the system, or other means to evade accountability,” ipinaliwanag ng kongresista.
Sa huli, binigyang-diin ni Libanan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng halimbawa upang pigilan ang maling gawain ng matataas na opisyal ng gobyerno sa hinaharap.
"Taking swift action sends a strong message that wrongdoing will not be tolerated and will be met with decisive consequences," iginiit niya.
Si Libanan, na isang abugado, ay dating chairman ng House Committee on Justice.
Ginawa ni Libanan ang pahayag kasunod ng muling pagtitiyak ni Speaker Martin Romualdez sa kahandaan ng House prosecution panel sa isasagawang impeachment trial ng Bise Presidente.
“The House has fulfilled its duty by transmitting the Articles of Impeachment, and our prosecution panel stands ready to present the case as soon as the impeachment court is convened,” ayon sa pahayag ni Romualdez noong Marso 19.
“We trust that the Senate will carry out its constitutional duty and proceed with the trial without unnecessary delays, in full adherence to the rule of law,” dagdag niya.
Ayon sa Artikulo 11, Seksyon 2 ng Konstitusyon (Panagutan ng mga Opisyal ng Publiko): “The President, the Vice President, the Members of the Supreme Court, the Members of the Constitutional Commissions, and the Ombudsman may be removed from office on impeachment for, and conviction of, culpable violation of the Constitution, treason, bribery, graft and corruption, other high crimes, or betrayal of public trust.” (END)
@@@@@@@@@@@
Ginagawa ng TikTok laban sa pagkalat ng fake
Ang paglaganap ng maling impormasyon sa TikTok gaya ng pagmamay-ari ng China sa Palawan ay nagpapakita umano ng kulang ang ginagawa ng naturang social media platform upang mapigilan ang pagkalat ng maling impormasyon.
Kasabay nito ay nanawagan si 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez sa pagpapatupad ng mga hakbang upang mapigilan ang pagpo-post ng mga maling impormasyon upang hindi na ito kumalat.
Partikular na tinukoy ni Gutierrez sa pagdinig ng House tri-comm ang kumalat sa TikTok na ang Palawan ay dating pagmamay-ari at pinamamahalaan ng China.
“Pag-aari daw ng China ang Palawan,” ni Gutierrez sa pagdinig ng komite.
Ayon kay Gutierrez, ipinapakalat ng mga gumagamit ng TikTok ang naturang maling impormasyon at hindi ito pinipigilan ng TikTok.
Diin ng mambabatas na pawang reactionary lang ang tugon ng TikTok sa fake news kung saan kikilos lang kapag may pumuna sa maling content sa halip na gumawa ng hakbang para hindi na ito mai-post.
“Mr. Chair, most respectfully, while we laud the attempts at the measures being taken by TikTok in relation to this and we appreciate the numbers that are being put forward – one issue that we have really is that anecdotally that doesn’t seem to be the case,” ani Gutierrez.
Ipinunto rin ni Gutierrez na kahit na natanggal na ang orihinal na post ay maraming iba pa na nag-post na nito kaya patuloy pa ring napapanood at kumakalat.
“For example when we talk about fake news in relation to China, when we see one video posted and it has been reported, we would see the same video posted by a different person,” aniya.
“So that’s why I wanted to ask if – how do we ensure that a video that has been flagged for disinformation is not posted again?” sabi pa ni Gutierrez.
Natalakay ang isyu ng mapanlinlang na content sa TikTok sa pagsisiyasat ng Kamara tungkol aa online disinformation, kung saan isiniwalat ng mga kinatawan ng Philippine Coast Guard (PCG) na ang ipinakalat ang maling impormasyon na pagmamay-ari umano ng China ang Palawan ay nakasulat sa salitang Chinese.
“This is a new kind of propaganda,” sabi ni PCG Commodore Jay Tarriela kasabay ng pagtiyak na itatama ito ng pamahalaan
Sa kaparehong pag-dinig tiniyak ni Peachy Laderna, public policy manager ng TikTok, sa mga mambabatas na hindi nila pinahihintutan ang misinformation na magdudulot ng panganib.
“We do not allow misinformation that causes harm, including disinformation that could lead to individual or community harm,” wika ni Paderna.
Iniulat ni Paderna, “between July to September, I believe during a period last year, we removed over 4 million videos that violated our community guidelines. 99.5% of those videos were taken down proactively and of the remaining percentage, 98% was taken down in less than 24 hours after being reported by users.”
Gayunman hindi kumbinsido si Gutierrez, na epektibong napigil ng TikTok na mag-viral ang nga kasinungalingan.
“It tends to be that once there is a narrative being taken by certain bad actors in relation to fake news and it’s posted and they take it down, they just post it through another user,” saad niya.
“So I hope you’d understand the frustration that this committee would have in relation to the social media posts—and that’s not even going into yet the issue of suppression that our journalists are facing in relation to the territorial dispute of the West Philippine Sea,” dagdag pa ni Gutierrez.
Nanawagan ang mambabatas sa TikTok na magpatupad ng mas mahigpit na mga patakaran sa pagmo-moderate ng mga post, kabilang ang mas agresibong pagtanggal ng mga disinformation campaign at magoataw ng mabigat na parusa para sa mga account na paulit-ulit na nagkakalat ng pekeng balita. (END)
No comments:
Post a Comment