Thursday, March 13, 2025

MGA BALITA 250315

MAMAMAYANG PILIPINO, HINIKAYAT NA MAKILAHOK SA PAGTATANGGOL NG PAMBANSANG TERITORYO SA WPS


Hinamon ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga Pilipino na aktibong makilahok sa pagtatanggol ng teritoryo ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).

Sinabi ni Romualdez na kamakailan ay na-promote bilang Auxiliary Vice Admiral ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA), na ang tumitinding tensyon sa WPS sanhi ng mga ginagawa ng China at disinformation gaya ng pagkakalat na ang Palawan ay dating bahagi ng China, ay nangangailangan ng pagkilos ng mga mamamayan gaya ng boluntaryong pagsali sa PCGA at pakikiisa sa pangangalaga sa soberanya ng Pilipinas.


Ayon sa kanya, hindi na ito panahon para magsawalang-kibo tayo dahil araw-araw, sinusubukan ng ibang bansa na angkinin ang ating karagatan at kung tayo mismo ay hindi kikilos, sino pa ang magtatanggol sa atin.


Lalong tumindi ang agresibong kilos ng China kung saan kamakailan ay sinubukan ng China Coast Guard na harangin ang isang sibilyang bangka ng Pilipinas na maghahatid ng suplay sa BRP Sierra Madre sa Second Thomas Shoal.


Patuloy ding tinataboy ang mga Pilipinong mangingisda, habang ang mga sasakyang pandagat ng Chinese militia ay nananatiling banta sa loob ng katubigan ng Pilipinas.

“Walang bansang may karapatang mangharang ng ating mga sundalo, mangingisda, at kababayan sa sarili nating dagat. Hindi natin ito ipagpapalit sa takot o sa bulong ng iba. Ang West Philippine Sea ay atin—hindi lang sa papel, kundi sa tunay na buhay,” diin ni Speaker Romualdez.


Nagbabala rin siya na ang China ay lumulusob sa dalawang paraan—gamit ang agresyong militar sa karagatan at disinformation sa internet upang phinain ang paninindigan ng bansa at pagwatak-watakin ang mga Pilipino.



“Ginagamit nila hindi lang ang barko, kundi pati ang internet para pasunurin tayo. Isang araw, gigising na lang tayo at sinasabi na nilang hindi sa atin ang Palawan. Hindi natin ito palalampasin,” giit ng Speaker.


Iginiit ni Speaker Romualdez na ang pangangalaga sa territorial integrity ng bansa ay hindi lamang responsibilidad ng militar.


Ayon sa kanya, nagbibigay ang PCGA ng pagkakataon sa mga sibilyan na makibahagi sa pambansang depensa, seguridad sa karagatan, pangangalaga sa kalikasan, at pagtugon sa mga sakuna.


Tumutulong ang mga volunteer sa search-and-rescue missions, coastal cleanups, at marine biodiversity conservation. Nagbibigay rin sila ng kaalaman sa mga lokal na komunidad tungkol sa kaligtasan sa karagatan at nagbabantay laban sa ilegal na aktibidad sa dagat.


Sa panahon ng sakuna, ang mga kasapi ng PCGA ay katuwang sa relief operations at emergency evacuations.


“Ang paglilingkod sa bayan ay hindi lang para sa mga nakauniporme. Lahat tayo may magagawa. Sa pagsali sa PCGA, mas marami tayong nagbabantay, mas malakas ang ating depensa,” ani Speaker Romualdez.


Tumatanggap ang PCGA ng mga Pilipino na edad 18 pataas, lalo na ang may karanasan sa maritime affairs, environmental conservation, at public safety.


Ang mga nais mag-apply ay kailangang magsumite ng application form, picture, at dumaan sa orientation seminar.


Ang mga nasa Metro Manila ay maaaring makipag-ugnayan sa 109th PCGA Squadron Office sa Sta. Cruz, Manila o sa Coast Guard Auxiliary District NCR-Central Luzon sa Pasay City.


Nagpahayag ng tiwala si Speaker Romualdez na tutugon ang mga Pilipino sa panawagang ito, lalo na’t ayon sa Social Weather Stations (SWS) survey na kinomisyon ng Stratbase Group, 77% ng mga Pilipino ang sumusuporta sa pagpapalakas ng pambansang depensa sa pamamagitan ng international alliance, joint patrols, at military exercises.


“Ang laban sa West Philippine Sea ay hindi lang laban ng gobyerno. Laban ito ng buong sambayanan. At kung gusto natin ng mga lider na ipaglalaban ang ating karapatan, tayo mismo ang dapat manguna,” diin ng Speaker.


Ayon kay Speaker Romualdez, ang laban para sa soberanya ay hindi lang sa karagatan kundi maging sa larangan ng pampublikong diskurso. Binalaan niya ang publiko laban sa disimpormasyong nililikha upang pahinain ang pag-angkin ng Pilipinas sa teritoryo nito.


“Huwag tayong magpalinlang. Hindi lang sa dagat ginaganap ang laban para sa ating soberanya, kundi pati na rin sa ating isipan. Lahat tayo ay may tungkuling ipaglaban ang katotohanan at ang ating karapatan,” aniya.


Hinimok niya ang mga Pilipino na sumali sa PCGA, binigyang-diin na ang pagtatanggol sa bansa ay hindi lang tungkulin ng gobyerno kundi responsibilidad ng lahat.


Dahil patuloy ang pananakop ng dayuhan, sinabi niyang kailanman ay hindi naging mas mahalaga ang pakikibahagi ng sibilyan.


“Kung hindi tayo kikilos ngayon, kailan pa? Hindi tayo dapat maghintay ng panibagong insidente, panibagong pambabastos, panibagong banta bago tayo gumalaw,” pahayag ni Speaker Romualdez.


Dagdag pa niya, “Ngayon ang panahon. Ngayon ang laban. Ang ating karagatan ay bahagi ng ating buhay, ng ating pagka-Pilipino, at nasa ating kamay ang tungkuling ipagtanggol ito.” (END)


###############


(Refer to Editorial )


Sa mga panahon ng pagsubok, higit na kailangan manindigan ang mga Pilipino laban sa banta ng pananakop, ayon kay House Speaker Martin Romualdez kasabay ng panawagan sa mga Pilipino na sumapi sa Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA).


Para kay Romualdez, napapanahon na rin palakasin ang kapasidad ng Pilipinas sa larangan ng pagtatanggol sa nasasakupang teritoryo — kabilang ang West Philippine Sea na hayagang inaangkin ng bansang China.


“Hindi na ito panahon para magsawalang-kibo. Araw-araw, sinusubukan ng ibang bansa na angkinin ang ating karagatan. Kung tayo mismo ay hindi kikilos, sino pa ang magtatanggol sa atin?,” wika ni Romualdez na na-promote kamakailan bilang Auxiliary Vice Admiral ng PCGA.


Pag-amin ng lider ng Kamara, lubhang nakababahala ang aniya’y tumitinding tensyon sa West Philippine Sea dahil sa mga umano’y agresibong “disinformation” kabilang ang giit na bahagi ng China ang lalawigan ng Palawan.


Hindi rin aniya dapat ipag kibit-balikat ang panggigipit ng China Coast Guard sa mga civilian vessels na ang tanging hangad sa paglalayag ay maghatid ng pagkain, tubig, gamot at iba pang pangangailangan ng mga Pilipinong sundalo sa BRP Sierra Madre sa gawing Second Thomas Shoal.


Patuloy din aniyang tinataboy ang mga Pilipinong mangingisda, habang ang mga sasakyang pandagat ng Chinese militia ay nananatiling banta sa loob ng 200-nautical mile Philippine exclusive economic zone.


“Walang bansang may karapatang mangharang ng ating mga sundalo, mangingisda, at kababayan sa sarili nating dagat. Hindi natin ito ipagpapalit sa takot o sa bulong ng iba. Ang West Philippine Sea ay atin—hindi lang sa papel, kundi sa tunay na buhay,” mariing pahayag pa ng House Speaker.


Ibinahagi rin ni Romualdez ang aniya’y dalawang taktika ng China — agresyon gamit ang lakas ng militar at disinformation sa internet upang pahinain ang paninindigan ng bansa, sukdulang magkawatak-watak ang mga mamamayan.

“Ginagamit nila hindi lang ang barko, kundi pati ang internet para pasunurin tayo. Isang araw, gigising na lang tayo at sinasabi na nilang hindi sa atin ang Palawan. Hindi natin ito palalampasin,” giit ng Leyte solon.


Binigyan-diin ni Romualdez na ang pangangalaga sa territorial integrity ng bansa ay hindi lamang responsibilidad ng militar.


Tinukoy rin ng lider-kongresista ang pagbibigay ng PCGA nang pagkakataon sa mga sibilyan na makibahagi sa pambansang depensa, seguridad sa karagatan, pangangalaga sa kalikasan, at pagtugon sa mga sakuna.


Dugtong niya, tumutulong din ang mga volunteer sa search-and-rescue missions, coastal cleanups, at marine biodiversity conservation. Nagbibigay rin sila ng kaalaman sa mga lokal na komunidad tungkol sa kaligtasan sa karagatan at nagbabantay laban sa ilegal na aktibidad sa dagat.


“Ang paglilingkod sa bayan ay hindi lang para sa mga nakauniporme. Lahat tayo may magagawa. Sa pagsali sa PCGA, mas marami tayong nagbabantay, mas malakas ang ating depensa,” ani Romualdez. (ROMEO ALLAN BUTUYAN II)


###############


BARBERS: IMBESTIGAHAN DIN ANG PAGPAPAUPA NG LGUs SA 85 CHINESE-OWNED FIRMS SA COASTAL TOWNS


ANCHOR:

Nanawagan si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa Malacañang na palawakin ang kanilang imbestigasyon, hindi lamang sa donasyong ibinigay ng mga umano’y Chinese spies sa Manila Police, kundi pati na rin sa pagbibigay ng lease ng 85 Chinese-owned firms sa mga baybaying bahagi ng Bataan, Zambales, at Pangasinan.


VO:

Ayon kay Barbers, may natanggap siyang impormasyon mula sa mga mangingisda sa naturang mga lugar tungkol sa kahina-hinalang operasyon ng mga negosyong pinamamahalaan ng mga Chinese nationals.


Ang panawagan ni Barbers ay kasunod ng direktiba ng Palasyo na magsagawa ng imbestigasyon sa apat na arestadong Chinese nationals—Wang Ingyi, Wu Jaren, Cai Shaohuang, at Chen Haitao—na sinasabing nag-donate ng 10 Chinese-made motorcycles sa Manila Police at nagbigay ng P500,000 sa lokal na pamahalaan ng Tarlac City.


SFX: ARCHIVE AUDIO CLIP (OPTIONAL)

BARBERS:

“Kung totoo na pinayagan ang mahigit 80 Chinese firms na mag-lease, mag-operate, at ‘magsamantala’ sa mga ari-arian sa mga baybayin, sino o anong ahensya ng gobyerno, maliban sa LGUs, ang nagbigay ng pahintulot at anong uri ng negosyo ang pinapatakbo nila?”


VO:

Ayon sa ilang mangingisda sa lugar, hindi na sila makapangisda sa mga baybayin dahil umano’y itinataboy sila ng mga Chinese firms na nakakuha ng lease sa kanilang mga pangingisdaan.


Higit pa rito, inihayag ni Barbers na dalawang barkong pag-aari ng mga Chinese ang matagal nang nakadaong sa karagatan ng Palauig, Zambales, ngunit hindi matukoy kung ano ang kanilang aktibidad.


SFX: ARCHIVE AUDIO CLIP (OPTIONAL)

BARBERS:

“Ang mga barkong ito ay maaaring sangkot sa dredging, pagmimina, smuggling, at posibleng drug smuggling. Pero tila bulag at bingi ang ating mga awtoridad sa kanilang presensya. Natutulog ba sa pansitan o bayad na ang mga tauhan ng Coast Guard, Immigration, PNP, AFP, DA, BFAR, at LGUs?”


VO:

Iginiit ng kongresista na ang mahigit 80 Chinese-owned firms sa Zambales, Bataan, at Pangasinan ay maaaring ginagamit bilang prente ng mga sundalo at espiya ng China, gaya ng mga naunang ulat sa Palawan, Cagayan, Catanduanes, at iba pang bahagi ng bansa.


SFX: ARCHIVE AUDIO CLIP (OPTIONAL)

BARBERS:

“Nakakagalit na malaman na may mga negosyante, pulis, at opisyal ng gobyerno na tila nabayaran na at ibinenta ang kanilang pagiging Pilipino para sa pera.”


ANCHOR:

Patuloy na nananawagan si Rep. Barbers sa Malacañang na busisiin ang legalidad ng pagpapatakbo ng mga Chinese-owned firms sa mga baybaying bayan upang maprotektahan ang ating kabuhayan at pambansang seguridad.


###############


Batas Laban sa Fake News, Posibleng Maipasa sa Ika-20 Kongreso


Mas lumalakas na ang panawagan sa Kongreso na gumawa ng batas para labanan ang pagpapakalat ng fake news sa social media. Ayon sa mga mambabatas, malaki ang posibilidad na maipasa ang panukalang batas na ito sa Ika-20 Kongreso.


Sinabi ni House Assistant Majority Leader Jay Khonghun ng Zambales na kasalukuyang tinatalakay sa mga pagdinig sa Kongreso kung paano mapipigilan ang fake news, pati na rin ang mga parusang ipapataw sa mga taong nagpapakalat ng maling impormasyon.


“Kaya tayo may mga pagdinig ay para maglagay ng mga panuntunan laban sa fake news. Binubuo na sa Kongreso ang panukalang batas para labanan ito, parusahan ang mga gumagawa nito, at siguraduhin na mahinto ang ganitong maling gawain,” paliwanag ni Khonghun.


Dagdag pa niya, malapit nang matapos ang pagbuo ng panukalang batas ng House Tri-Committee na nakatuon sa regulasyon ng fake news.


Ayon naman kay House Assistant Majority Leader Ernix Dionisio Jr. ng Maynila, delikado para sa bansa ang patuloy na pagkalat ng maling impormasyon.


“Ang fake news ay isang salot. Maraming gumagawa at nagpapakalat nito, pero darating ang araw na kahit sila o ang kanilang pamilya ay matatamaan din,” ani Dionisio.


Binigyang-diin din niya na kailangang magkaroon ng batas para mapigilan ang mabilis na pagkalat ng maling impormasyon, habang pinapanatili ang kalayaan ng media at responsableng pamamahayag.


“Gabi at araw nagtatrabaho ang Kongreso para makabuo ng tamang batas at parusa laban sa fake news,” dagdag pa niya.


Gayunpaman, aminado si Dionisio na posibleng hindi maipasa ang panukalang batas sa natitirang mga sesyon ng Ika-19 na Kongreso.


“Hindi natin masabi kung aabot ito, pero isang bagay ang sigurado—malaki ang suporta ng mga kasamahan natin sa Kongreso at ng taumbayan para sa batas na ito,” aniya.


Kung hindi man ito maipasa ngayon, tiyak na isa ito sa mga unang batas na tatalakayin sa Ika-20 Kongreso.


“Mahalaga na mapabilis ang proseso upang magkaroon ng batas na magbibigay-proteksyon laban sa fake news, lalo na sa social media,” ayon kay Khonghun.


Dagdag pa niya, hindi lang nito pinapalabo ang katotohanan kundi malaki rin ang epekto nito sa buhay ng mga tao.


“Tama si Cong. Ernix—ang fake news ay isang salot. Maraming nabibiktima at natatakpan ang katotohanan,” aniya.


Gayunpaman, binigyang-diin ni Dionisio na dapat masunod ang tamang proseso upang mabigyan ng pagkakataong ipagtanggol ang kanilang sarili ang mga akusado.


“Mahalaga ang due process. Dapat bigyan ng pagkakataon ang mga tao na magpakita ng ebidensya upang manaig ang katotohanan sa huli,” paliwanag niya.


Speaker Romualdez, Kamara, nakikiisa sa pagdadalamhati ng mga Novo Ecijano sa pagpanaw ng dating gobernador at kongresista Edno Joson



Nakiisa si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at ang Kamara de Representantes sa pagdadalamhati ng mga Novo Ecijano sa pagpanaw ng kanilang dating gobernador at kongresista na si Eduardo Nonato “Edno” Joson.


Inilarawan ng pinuno ng 306-kinatawan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso si Joson na bilang “a statesman whose dedication to public service left a very strong impact on Nueva Ecija and the nation.”


Si Romualdez at Joson ay nagsabay noong 14th Congress.


“His loss is deeply felt by those who had the privilege of working with him and by the many lives he touched through his years of service,” saad ng lider ng Kamara.


Sinabi ni Speaker Romualdez na si Joson, bilang miyembro ng Kamara, ay nagsulong ng mga hakbang upang mapabuti ang kapakanan ng knayang mga kababayan at iitnulak ang mga panukala at polisiya para mapa-unlad ang sektor ng pagsasaka, kanayunan, at mapatatag ang ekonomiya ng bansa.


“His voice in Congress was one of reason and action, always pushing for measures that ensured the prosperity of Nueva Ecija and the upliftment of the Filipino people,” dagdag niya.


Bukod sa pagiging gobernador at kongresista ng kanyang lalawigan, minsan ding naging administrador si Joson na “demonstrated the same commitment to governance and public service that defined his career.”


“His leadership was always guided by a deep sense of duty, putting the needs of the people at the forefront of his efforts,” sabi ng pinuno ng Kamara.


Sinabi rin niya na nakikiisa ang Kamara sa mamamayan ng Nueva Ecija sa pagbibigay-pugay sa legasiya ni Joson.


“His work in Congress and beyond will continue to serve as an inspiration to lawmakers and public servants who strive to make a meaningful difference. May Gov. Joson be remembered for his service and passion in public service, and may he rest in eternal peace,” ani Speaker Romualdez. (END)


###############


HEADLINE:

YAMSUAN: ISULONG NG LGUs ANG DIGITAL PAYMENT SA MALILIIT NA NEGOSYO


ANCHOR:

Nanawagan si House Representative Brian Raymund Yamsuan sa mga Local Government Units (LGUs) na hikayatin ang mga Micro at Small Enterprises (MSEs) na gumamit ng digital payment tools upang mapalago ang kita at magkaroon ng mas malawak na access sa credit at iba pang serbisyong pinansyal.


VO:

Ayon kay Yamsuan, maaaring makipagtulungan ang mga LGU sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Department of the Interior and Local Government (DILG) upang magbigay ng insentibo at suporta sa mga maliliit na negosyong tatanggap ng cashless payment systems.


SFX: ARCHIVE AUDIO CLIP (OPTIONAL)

YAMSUAN:

“Marami nang gumagamit ng e-wallets tulad ng GCash at Maya. Kahit walang dalang pera, basta may laman ang e-wallet, bumibili ang tao. Kaya naman dapat bigyan ng oportunidad ang ating mga market vendor, food cart owners, at iba pang maliliit na negosyante na makagamit ng digital payments para lumaki ang kanilang kita.”


VO:

Bukod sa mas mabilis na pag-track ng kanilang transaksyon, mapapababa rin ng cashless payments ang posibilidad ng pagkalugi dahil sa cash-handling errors o pagkawala ng pera.


Ayon sa isang survey ng Visa, 56% ng mga micro businesses sa bansa ang nakakita ng pagtaas sa kita matapos lumipat sa digital payments.


VO:

Sa Parañaque City, kung saan nagmula si Yamsuan, sinimulan na ng lokal na pamahalaan ang pagpapatupad ng Paleng-QR Ph program, kasama ang 168 pang LGU sa bansa.


SFX: ARCHIVE AUDIO CLIP (OPTIONAL)

YAMSUAN:

“Natutuwa ako na ang Parañaque ay isa sa mga LGU na sumusuporta sa digital payment sa palengke at pampublikong transportasyon. Sa pamamagitan ng QR Ph platform, mas mapapadali ang cashless transactions sa ating mga pamilihan.”


VO:

Sa Kongreso, co-author si Yamsuan ng House Bill 8262, na naglalayong isulong ang digital payments sa lahat ng transaksyon ng pamahalaan at publiko. Gayunman, nakabinbin pa ito sa Kamara at Senado.


VO:

Ayon sa datos ng BSP, mahigit 34.3 milyong Pilipino pa rin ang walang bank account, na naglilimita sa kanilang access sa pautang at iba pang financial services.


SFX: ARCHIVE AUDIO CLIP (OPTIONAL)

YAMSUAN:

“Malaking bahagi pa rin ng ating populasyon ang unbanked. Kung mabibigyan natin sila ng access sa bank accounts o digital payment platforms, mas madali para sa kanila ang pagbabayad ng government fees at pagtanggap ng ayuda mula sa gobyerno. Ito ang tunay na financial inclusion.”


VO:

Ngunit para maisakatuparan ito, iginiit ni Yamsuan na kailangang tiyakin ang seguridad at pagiging maaasahan ng digital infrastructure ng bansa.


ANCHOR:

Sa patuloy na digital transformation ng Pilipinas, umaasa si Rep. Yamsuan na magiging mas madali at mas accessible ang mga serbisyong pinansyal sa bawat Pilipino.


###############


Pahayag ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa pagkamatay ng dalawang piloto ng Philippine Air Force


Nakikiisa ako sa pagdadalamhati ng ating Sandatahang Lakas at ng mga pamilya ng dalawang piloto ng Philippine Air Force na nag-alay ng kanilang buhay para sa bayan.


Sila ay hindi lamang mga sundalo; sila ay mga anak, kapatid, at ama na iniwan ang kanilang mga mahal sa buhay upang gampanan ang isang dakilang misyon. Sa kanilang huling paglipad, dala nila ang pangarap ng bawat Pilipino para sa isang ligtas, payapa, at maunlad na bansa.


Ang sakripisyong ito ay isang paalala sa ating lahat kung gaano kahalaga ang patuloy nating pagkakaisa bilang isang bansa. Hindi lamang ito laban ng ating mga sundalo; ito ay laban ng bawat Pilipino laban sa takot, karahasan, at pang-aabuso. 


Sinisiguro namin sa Kongreso na hindi masasayang ang kanilang dugo at pawis. Patuloy nating palalakasin ang ating Sandatahang Lakas, titiyakin ang sapat na suporta para sa ating mga sundalo, at ipaglalaban ang isang bansa kung saan ang kapayapaan ang mananaig.


Sa pamilya ng ating mga bayaning piloto: hindi kayo nag-iisa. Ang buong sambayanan ay nakikiisa sa inyong pagdadalamhati. Ang ating Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. at kanyang gobyerno ay nandito upang siguraduhin na ang inyong mga mahal sa buhay ay kikilalanin hindi lamang bilang sundalo, kundi bilang mga bayani ng ating bayan.


Sa lahat ng sundalong Pilipino— sa himpapawid, sa lupa, sa dagat— saludo kami sa inyo. Ang inyong tapang at dedikasyon ang dahilan kung bakit patuloy tayong namumuhay nang malaya.


Maraming salamat sa inyong serbisyo at malasakit. (END)


###############


OFW PARTY LIST SA OVERSEAS VOTERS: PRE-ENROLLMENT PARA SA ONLINE VOTING HUWAG PALAMPASIN


Nanawagan nitong Miyerkules (Marso 12) si OFW Party List Rep. Marissa “Del Mar” Magsino sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs), Overseas Filipinos (OFs), at Filipino seafarers na magpre-enroll nang maaga para sa Online Voting and Counting System (OVCS) na gagamitin para sa overseas voters sa 2025 Midterm Elections.


Ito ay matapos ianunsyo ng Commission on Elections (COMELEC) ang paglipat ng petsa ng pre-enrollment period para sa internet voting sa Marso 20, 2025 sa halip na Marso 10. Mananatili naman ang deadline sa Mayo 7 ng kasalukuyang taon.


Naniniwala si Rep. Magsino na ang pagbabagong ito ay hakbang upang tiyakin ang maayos at epektibong pagpapatupad ng OVCS, na unang beses pa lamang gagamitin sa kasaysayan ng halalan sa Pilipinas.


Suportado rin ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagpapalawig ng pre-enrollment period upang masiguro na lahat ng teknikal na aspeto at mga probisyon sa ilalim ng Republic Act No. 9369 o Election Automation Law ay matutupad, nang sa gayon ay maging maayos at maaasahan ang bagong sistemang ito.


“Ang paggamit ng OVCS para sa ating overseas voters ay isang makasaysayang hakbang patungo sa mas mabilis at mas maginhawang paraan ng pagboto para sa ating mga OFWs at mga seafarers. Mahalaga ito upang mahikayat silang aktibong gamitin ang kanilang karapatang bumoto bilang mga mamamayang Pilipino,” pahayag ni Rep. Magsino.


Gayunpaman, pinaalalahanan ni Rep. Magsino na dahil pinaikli ang pre-enrollment period, mahalagang mag-enrol agad ang mga OFWs, OFs, at Filipino seafarers upang hindi malampasan ng enrolment period.


“Dahil mas maikli na ang pre-enrollment period, kailangang kumilos tayo agad upang masigurong walang OFW ang maiiwan sa online voting. Huwag nating sayangin ang pagkakataong makibahagi sa kauna-unahang at makasaysayang internet voting sa bansa,” aniya.


Bilang isang masigasig na tagapagtaguyod ng Internet Voting Bill, muling iginiit ng mambabatas na ang pagpapatibay nito ay isa sa kanyang pangunahing adbokasiya. Patuloy na isinusulong ng OFW Party List ang mga reporma at inisyatibang magpapagaan sa buhay ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa at magpapalakas ng kanilang karapatan bilang mga mamamayan.


###############


HEADLINE:

“HINDI ITO TUNGKOL KAY DUTERTE, KUNDI SA MGA BIKTIMA” – MGA PINUNO NG QUAD COMM


ANCHOR:

Nanawagan ang dalawang mambabatas mula sa Quad Committee ng Kamara na ituon ng publiko ang atensyon sa mga pamilyang nawalan ng mahal sa buhay dahil sa Tokhang killings—hindi lamang sa pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ng International Criminal Court (ICC).


VO:

Ayon kina House Assistant Majority Leaders Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur at Jude Acidre ng Tingog Party-list, hindi lamang si Duterte ang sentro ng isyung ito, kundi ang libu-libong biktima ng extrajudicial killings (EJKs) na hindi nabigyan ng hustisya.


SFX: ARCHIVE AUDIO CLIP (OPTIONAL)

ADIONG AT ACIDRE:

“Ang kaso sa ICC ay hindi tungkol kay Duterte—ito ay tungkol sa mga biktima. Maraming pamilya ang matagal nang naghahanap ng hustisya para sa kanilang mga mahal sa buhay. Ngayon na nagkakaroon ng pagkakataong mapanagot ang may sala, gusto nilang ilihis ang usapan at gawing pulitika ang isyu. Pero ang totoong biktima dito ay ang mga inosenteng pinaslang sa ating mga lansangan.”


VO:

Bilang bahagi ng imbestigasyon ng Quad Comm, natuklasan ang umano’y “reward system” na ibinibigay sa mga pulis na sangkot sa mga drug-related killings noong administrasyon ni Duterte.


Isa sa mga tumestigo rito si dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager at retiradong Police Colonel Royina Garma, na nagbunyag ng mga modus operandi sa naturang kampanya kontra droga.


VO:

Kasabay nito, muling inalala nina Adiong at Acidre ang ilan sa mga pinakakilalang kaso ng karahasan sa ilalim ng Tokhang:


Si Kian delos Santos, 17-anyos, estudyante ng Grade 11, na kinaladkad sa isang madilim na eskinita sa Caloocan noong 2017 at walang awang pinaslang.

Si Carl Angelo Arnaiz, 19-anyos, dating estudyante ng UP, na napaulat na lumabas lamang para bumili ng pagkain ngunit natagpuang patay matapos ang sampung araw—may tama ng bala, may bakas ng pagpapahirap.

Si Reynaldo “Kulot” de Guzman, 14-anyos, na natagpuang patay sa isang sapa sa Nueva Ecija, tadtad ng saksak, matapos mawala kasabay ni Carl.


SFX: ARCHIVE AUDIO CLIP (OPTIONAL)

ADIONG AT ACIDRE:

“Hindi nabigyan ng due process ang mga biktima. Pinatay sila nang walang paglilitis. Ngunit ngayon, si Duterte ay binibigyan ng lahat ng proteksyon sa ilalim ng batas. Ang taong tumutuligsa sa karapatang pantao at naghamon sa ICC ay siya ngayong humihingi ng legal na proteksyon. Hindi maaaring piliin lamang kung kailan kikilalanin ang hustisya.”


VO:

Matatandaang noong 2018, inalis ng Pilipinas ang pagiging kasapi nito sa Rome Statute, ngunit ayon sa mga eksperto, hindi nito inaalis ang pananagutan ng dating pangulo sa mga krimeng ginawa habang miyembro pa ng ICC ang bansa.


SFX: ARCHIVE AUDIO CLIP (OPTIONAL)

ADIONG AT ACIDRE:

“Si Duterte mismo ang naghamon sa ICC. Sinabi niyang mas gugustuhin niyang mamatay kaysa makulong. Ngunit ngayong hinahabol na siya ng batas, bigla siyang umaasa sa legal na proseso na noon ay tinutuligsa niya.”


VO:

Binigyang-diin nina Adiong at Acidre na hindi ito ang katapusan ng laban para sa hustisya.


SFX: ARCHIVE AUDIO CLIP (OPTIONAL)

ADIONG AT ACIDRE:

“Matagal nang hinihintay ng mga pamilya ng biktima ang hustisyang hindi ibinigay ng ating gobyerno. Ngayon, pinakikinggan na sila ng mundo. Ang mensahe dito ay malinaw—walang sinuman ang makatatakas sa pananagutan.”


VO:

Habang hinihintay ang mga susunod na hakbang ng ICC, nanawagan ang dalawang mambabatas na gawing sentro ng usapan ang mga biktima, hindi ang dating pangulo.


SFX: ARCHIVE AUDIO CLIP (OPTIONAL)

ADIONG AT ACIDRE:

“Kung gusto nating manatili bilang isang bansang may batas, hindi natin dapat hayaan ang sinuman, gaano man siya kapowerful, na makaiwas sa hustisya. Ito ay tungkol sa pananagutan, hindi sa pulitika.”


VO:

Para sa mga pamilya ng mga biktima, isang malinaw na mensahe ang iniwan nina Adiong at Acidre:


SFX: ARCHIVE AUDIO CLIP (OPTIONAL)

“Sa mga matagal nang naghahanap ng hustisya, ngayon, pinakikinggan na kayo. Nandito na ang oras ng paniningil.”


ANCHOR:

Samantala, patuloy na susubaybayan ng Quad Comm ang mga susunod na hakbang sa kaso ni Duterte at iba pang opisyal na sangkot sa kampanyang Tokhang killings.


###############


Pagsaklolo sa mga mangingisda na apektado ng commercial fishing tiniyak ni Speaker Romualdez 


Tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang kanyang suporta sa mga mangingisda ng Iloilo upang maprotektahan ang kanilang kabuhayan mula sa banta ng komersyal na pangingisda.


Nakipagpulong ang pinuno ng Kamara sa mga lider at kinatawan ng mga mangingisda sa Sicogon, Carles, Iloilo, matapos dumalo sa groundbreaking ceremony para sa P388-milyong Submarine Cable Interconnection Project na magpapatatag sa suplay ng kuryente sa mahigit 13,000 kabahayan sa lugar.


Ang mga mangingisda ay nakipag-ugnayan kay Speaker Romualdez, sa pamamagitan ni Iloilo 5th District Rep. Boboy Tupas, upang iparating ang kanilang hinaing kaugnay ng desisyon ng Korte Suprema noong Agosto 2024 na nagpapahintulot sa mga commercial fishing vessel na mangisda sa loob ng 15-kilometrong municipal waters, na dati para lamang sa mga maliliit na mangingisda. 


“Naiintindihan natin po ang kalagayan ng ating mga fisherfolk. Tama po ang posisyon ninyo, wala akong nakikitang mali. Kaya mataas ang kumpyansa ko na mapapagbigyan tayo. Lahat ng kakayahan ko gagamitin ko (para tulungan kayo) dito sa kaso ninyo, asahan nyo po,” ayon sa pinuno ng Kamara de Representantes na mayroong 306 na kinatawan.


Sinabi ni Romualdez na ihaharap niya ang kanilang mga hinaing sa Office of the Solicitor General upang magamit ang lahat ng legal na hakbang para baligtarin ang desisyon ng Korte Suprema.


“Kakausapin din natin yung abogado natin, yung OSG, kaya siguradong aabot ito sa kinaaukulan. Meritorious naman, at siguro kailangan lang ipaabot natin sa mga mahistrado na ito talaga ang hinaing ng mga mangingisda,” ayon kay Speaker Romualdez.


Sa Mababang Kapulungan ng Kongreso, ilang panukalang batas ang inihain upang amyendahan ang Philippine Fisheries Code, kabilang ang House Bill 6381 na naglalayong magtakda ng 10-kilometrong buffer zone lampas sa 15-km municipal waters upang maiwasan ang pagpasok ng mga malalaking sasakyang pangisda sa mga lugar na nakalaan lamang para sa maliliit na mangingisda.


Sa ginanap na dayalogo, ipinahayag ng mga mangingisda ng Iloilo ang kanilang pangamba na ang pagpapahintulot sa komersyal na pangingisda sa municipal waters ay magreresulta sa pagkawala ng kanilang kabuhayan, at kawalan ng kita upang matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya at mapag-aral ang kanilang mga anak.


Nangangamba rin ang mga residente na ang pagpasok ng malalaking komersyal na bangkang pangisda sa municipal waters ay maaaring magdulot ng matinding pinsala sa kalikasan at mauwi sa pagkaubos ng yamang-dagat na mahalaga sa kabuhayan ng maliliit na mangingisda.


Binigyang-diin ng mga mangingisda sa Iloilo na sumusunod sila sa ipinatutupad na closed fishing season ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources upang mapanatili ang kanilang kabuhayan at likas na yaman.


Noong Enero ngayong taon, naghain ang Department of Agriculture ng mosyon sa Korte Suprema upang hilingin ang pagbawi sa naging desisyon nito. (END)


###############


HEADLINE:

REP. BARBERS SA MGA KASONG LIBEL LABAN SA KANYA: “HINDI AKO NAGBANGGIT NG PANGALAN… PAG-AMIN BA ITO NG KASALANAN?”


ANCHOR:

Mariing kinondena ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang aniya’y pagtatangkang hadlangan ng ilang social media vloggers ang trabaho ng House Tri-Committee na bumabalangkas ng mga panukalang batas para sa regulasyon ng maling paggamit ng social media.


VO:

Ayon kay Rep. Barbers, ang mga kasong certiorari at libel na isinampa laban sa kanya at ilang miyembro ng Tri-Committee ay tila desperadong hakbang upang sirain ang kanilang gawain sa Kongreso.


Giit ng mambabatas, kumpiyansa siyang hindi uusad ang mga kasong ito dahil hindi naman siya direktang nagbanggit ng pangalan ng mga umano’y “narco-vloggers” sa kanyang mga talumpati at panayam.


SFX: ARCHIVE AUDIO CLIP (OPTIONAL)

BARBERS:

“Kung sino man ang mga nagdemanda sa akin at sa ibang miyembro ng Tri-Committee, tila sila mismo ang nag-aakusa sa kanilang sarili. Bakit kayo masasaktan kung hindi naman kayo guilty?”


VO:

Matatandaang dalawang beses nang nagsalita si Barbers sa plenaryo ng Kamara upang kondenahin ang ilang vloggers na gumagamit ng pagmumura at pang-aabuso laban sa mga miyembro ng Tri-Committee at Quad Committee, na siyang bumabalangkas ng batas laban sa iresponsableng paggamit ng social media.


Sinabi rin ni Barbers na ang mga vloggers na nagsampa ng reklamo laban sa kanya ay inimbitahan sa mga pagdinig ng Tri-Committee, ngunit karamihan sa kanila ay hindi sumipot.


SFX: ARCHIVE AUDIO CLIP (OPTIONAL)

BARBERS:

“Malinaw na ginagamit lang nila ang korte bilang panangga sa kanilang kasinungalingan at paninirang puri. Hindi nila kayang panindigan ang kanilang mga pinagsasabi.”


VO:

Dagdag pa ng kongresista, hindi siya tutol sa malayang pamamahayag, ngunit hindi dapat ito gamitin bilang lisensya upang manira ng reputasyon, magpakalat ng pekeng impormasyon, at gumamit ng masasakit na pananalita laban sa iba.


Hinikayat niya ang publiko na maging mapanuri sa mga social media content, lalo na sa mga vloggers na nagkakalat ng maling impormasyon at propaganda nang hindi kumukuha ng panig ng kanilang sinisiraan.


SFX: ARCHIVE AUDIO CLIP (OPTIONAL)

BARBERS:

“Okay lang na batikusin ang aming trabaho, pero kung pagmumura at paninira lang ang layunin, ibang usapan na ‘yan. Dapat patas ang paglalahad ng impormasyon.”


VO:

Samantala, patuloy na tinatrabaho ng House Tri-Committee, sa pangunguna nina Reps. Dan Hernandez, Tobias Tiangco, at Jose Aquino III, ang panukalang batas para sa regulasyon ng vloggers at bloggers sa social media.


Sa kasalukuyan, hinihintay pa ang desisyon ng Korte Suprema kaugnay ng “Petition for Certiorari and Prohibition” na isinampa laban sa ilang opisyal ng Kamara, kabilang si House Speaker Martin Romualdez.


###############


Speaker Romualdez pinuri pagdami ng trabaho sa agrikultura,



Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang 2.6 milyong karagdagang trabaho sa pagsisimula ng 2025 batay sa pinakabagong Labor Force Survey (LFS), na isa umanong patunay sa matibay na pag-usad ng ekonomiya ng bansa sa ilalim ng administrasyong Marcos. 


Bilang pinuno ng 306 kinatawan ng Kamara de Representantes, binigyang-diin ni Speaker Romualdez ang malaking pagtaas ng trabaho sa sektor ng agrikultura, na aniya ay malinaw na patunay na epektibo ang mga programa ng gobyerno sa pagpapalakas ng seguridad sa pagkain at pagpapaunlad ng kanayunan.


Gayunpaman, binigyang-diin niya na bagama’t nakapagbibigay ng pag-asa ang mga tagumpay na ito, kinakailangan ang tuluy-tuloy at pangmatagalang pagsisikap upang matiyak na ang paglago ng trabaho ay inklusibo at matatag sa lahat ng sektor.


Batay sa LFS noong Marso 6 na inilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA), binanggit ni Speaker Romualdez na ang sektor ng agrikultura at panggugubat ang nagtala ng pinakamalaking pagtaas ng trabaho, na may 883,000 bagong hanapbuhay noong Enero.


Sinundan ito ng wholesale at retail trade, kabilang ang pagkumpuni ng mga sasakyan at motorsiklo, na may 850,000 bagong trabaho; accommodation at food service activities na may 533,000 trabaho; at transportasyon at imbakan na may 141,000 trabaho.


“These figures reflect the effectiveness of our policies in expanding employment opportunities. The rising labor force participation rate, now at 63.9 percent from 61.1 percent a year ago, is a sign of economic resilience. More Filipinos are joining the workforce, with a notable increase in youth employment, from 29.7 percent to 31.8 percent,” sabi ni Romualdez.


Sa kabila ng mga positibong pagbabagong ito, kinilala rin ni Speaker Romualdez ang pangangailangan ng pagiging mapagmatyag.


Ipinunto niya na bagama’t tumaas ang bilang ng mga may trabaho, bahagyang lumaki ang pambansang unemployment rate sa 4.3 porsyento noong Enero, mula sa 3.1 porsyento noong Disyembre, na nakaapekto sa 2.16 milyong Pilipino. Ang underemployment—o ang mga naghahanap ng karagdagang trabaho—ay tumaas din sa 13.3 porsyento (6.47 milyong indibidwal) mula sa 10.9 porsyento noong nakaraang buwan.


“Sa bawat datos, may kwento ng pagsisikap. Nakikita natin ang pagdami ng trabaho, pero may mga kababayan pa rin tayong naghahanap ng mas magandang oportunidad. Hindi ito dahilan para huminto tayo—dapat pa nating palakasin ang ating mga programa upang masiguro na ang trabahong nalilikha ay hindi lamang pansamantala, kundi pangmatagalan,” dagdag pa nito.


Binigyang-diin din ni Speaker Romualdez na bagama’t lumalakas ang sektor ng agrikultura at serbisyo sa paglikha ng trabaho, nawala naman ang 209,000 trabaho sa sektor ng pagmamanupaktura noong Enero.


Ipinahayag niya ang pangangailangan na palakasin ang kakayahang pang-industriya upang matiyak na ang pag-unlad ng ekonomiya ng bansa ay balanseng lumilikha ng matatag at de-kalidad na mga trabaho.


Tiniyak ni Speaker Romualdez sa publiko na ang Kongreso ay lubos na nakatuon sa pagpapatupad ng mga hakbang upang suportahan ang paglikha ng trabaho at pagpapalawak ng ekonomiya sa iba’t ibang industriya.


Kabilang sa mga pangunahing prayoridad sa batas na kanyang binanggit ay:


- Pagpapalawak ng access sa pautang para sa micro, small, and medium enterprises (MSMEs) upang makatulong sa paglago ng mga negosyo at paglikha ng mas maraming trabaho.

- Pagbabawas ng mga hadlang sa burukrasya upang makahikayat ng mas maraming pamumuhunan at makalikha ng mas maraming oportunidad sa trabaho.

- Pabilisin ang pagpapatayo ng imprastraktura, partikular sa mga kanayunan, upang pasiglahin ang ekonomiya sa labas ng mga pangunahing sentro ng lungsod.

- Pagpapalakas ng teknikal-bokasyonal na edukasyon at apprenticeship programs upang mabigyan ng kasanayan ang mga manggagawa na kinakailangan ng mga mabilis na lumalagong industriya.

- Paghikayat sa lokal at dayuhang pamumuhunan sa pagmamanupaktura at mga industriyang may mataas na halaga na nag-aalok ng pangmatagalang oportunidad sa karera.


“Hindi sapat na basta magdagdag ng trabaho. Ang kailangan natin ay mga trabahong may seguridad, disenteng kita, at may pag-asang umasenso. Dapat nating pagtuunan ng pansin ang paglikha ng oportunidad na magbibigay ng mas magandang kalidad ng buhay para sa ating mga manggagawa,” dagdag pa ng lider ng Kamara.


Muling tiniyak ng lider ng Leyte na ang gobyerno ay patuloy na magtataguyod ng mga tagumpay sa trabaho habang tinutugunan ang natitirang mga hamon.


Hinimok niya ang matibay na pakikipagtulungan ng mga ahensya ng gobyerno, mga negosyo, at mga grupo ng manggagawa upang bumuo ng mga patakaran na makakatulong sa patuloy na paglago ng ekonomiya at paglikha ng trabaho.


“Hindi tayo titigil hangga’t ang bawat Pilipino ay may pagkakataong umasenso sa sariling pagsisikap. Ang ating trabaho sa gobyerno ay tiyakin na ang paglakas ng ating ekonomiya ay hindi lamang panandalian, kundi pundasyon ng mas matatag at maliwanag na kinabukasan para sa ating bansa,” saad pa ni Speaker Romualdez. (END)


###############


TUCP: REGULARISASYON NG AIRPORT SECURITY PERSONNEL, SOLUSYON KONTRA KORAPSYON AT PANG-AABUSO


ANCHOR:

Nanawagan ang Trade Union Congress of the Philippines o TUCP sa Office for Transportation Security o OTS na gawing regular ang libu-libong kawani nito, lalo na ang mga may tungkulin sa screening process na may kritikal na papel sa seguridad ng paliparan at pambansang seguridad.


VO:

Ayon kay TUCP President at House Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza, ang regularisasyon ng OTS personnel ay makakatulong sa pagprotekta sa mga pasahero laban sa pang-aabuso at katiwalian, kasabay ng pagsusulong ng propesyonalismo sa hanay ng airport security.


Matatandaang noong 2023, sa halos 3,000 na empleyado ng OTS, 300 lamang ang regular, kahit pa ang kanilang trabaho ay pangunahing salik sa ligtas at maayos na paglalakbay ng publiko. Dahil dito, maaaring matukso ang ilan sa kanila na gumawa ng ilegal na gawain dahil sa kawalan ng seguridad sa trabaho at mababang sahod.


SFX: ARCHIVE AUDIO CLIP (OPTIONAL)

MENDOZA:

“Dapat tiyakin ng OTS na hindi mababahiran ng duda ang integridad ng ating airport security. Maraming OFWs at turista ang umaasa sa maayos at ligtas na biyahe. Hindi natin dapat ipagsapalaran ang tiwala ng publiko.”


VO:

Iginiit din ni Mendoza na tulad ng mga manggagawang ENDO sa pribadong sektor, ang mga job order at contractual workers sa gobyerno ay nananatiling alipin ng kahirapan dahil sa kawalan ng security of tenure at sapat na benepisyo.


Dahil dito, isinusulong ng TUCP ang pagpasa ng House Bill No. 1514, na naglalayong bigyan ng awtomatikong civil service eligibility at regularisasyon ang mga matagal nang kontraktuwal na frontliner sa gobyerno na may hindi bababa sa tatlong taong mahusay na serbisyo.


SFX: ARCHIVE AUDIO CLIP (OPTIONAL)

MENDOZA:

“Dapat tayong magkaroon ng konkretong plano para sa regularisasyon ng ating airport security personnel. Ito ang tunay na paraan upang mapanatili ang propesyonalismo, mapataas ang sahod, at matigil ang extortion.”


VO:

Kasabay nito, hinimok ni Mendoza ang mga awtoridad na magsagawa ng mabilis at patas na imbestigasyon kaugnay ng “tanim-bala” incident sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Marso 6, kung saan tatlong kawani ng OTS ang sinibak matapos akusahan ng isang pasahero ng pagpaplantang bala sa kanyang bagahe.


ANCHOR:

Sa huli, iginiit ng TUCP na ang regularisasyon ng airport security personnel ay hakbang upang maipakita sa mundo ang tunay na husay at integridad ng mga Pilipino, bilang bahagi ng kampanyang “Love the Philippines.”


###############


House leaders sumang-ayon kay SP Chiz: Pag-aresto kay Duterte huwag gamitin sa kampanya



Sumang-ayon ang mga lider ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa panawagan ni Senate President Francis "Chiz" Escudero na huwag gamitin ng mga kumakandidato sa 2025 midterm elections ang isyu ng pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang paraan upang palakasin ang kanilang kampanya. 


Ayon kay Escudero, hindi dapat patindihin pa ang "flames of partisanship" sa kabila ng pagkilos ng International Criminal Court (ICC) laban kay Duterte.


Sa isang press conference nitong Miyerkules, sinabi nina Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union at Assistant Majority Leaders Jude A. Acidre ng Tingog Party-list at Jil Bongalon ng Ako Bicol Party-list na hindi dapat gamitin ang kaso ni Duterte upang makakuha ng suporta sa darating na eleksyon.


Ayon kay Acidre: "For once, I would agree with the Senate President. Hindi po ito usapin ng tungkol kay President Duterte, hindi ito usapin ng kampo ng mga Duterte versus kanino. Ito po ay usapin ng krimen na nagawa, hindi ba?"


"Extrajudicial killings (EJKs) will always be illegal. It will always be against the law. ‘Di naman pwedeng ang fight against drugs, kailangan naman mamili. It cannot be a choice between justice and mercy. We have to apply the rule of law. And in this case, we cannot allow personalities to define the narrative, whether it's pro or against," ani Acidre.


Binigyang-diin din niya na ang atensyon ay dapat nakatuon sa mga biktima ng EJK at sa kanilang mga pamilya.


"Sila po dapat ang binibigyan natin ng pansin. Kung sino man ang kailangang managot sa pag patay sa mga taong ito, sa mga biktima ng EJK, kailangang managot, ano man ang naging position niya sa gobyerno natin."


Ang kasong crimes against humanity laban kay Duterte ay isinampa sa ICC sa The Hague, Netherlands noong 2017. Ayon kay Ortega, noong panahong iyon, wala pa sila sa Kongreso.


"Nag-a-agree talaga tayo diyan [kay Cong Acidre]. Kasi nga, nung ito ay mga kasong nahain, wala pa po kaming lahat dito sa 19th Congress. Nasa kanya kanyang mga buhay pa kami noon. Ako, Konsehal. Si Cong. Jude, nandito pero not as a congressman. Si Jil has been working in the province and practicing law," dagdag pa ni Ortega.


"So wala talagang...Yung decision na ito sabi ko nga seven years, wala pa kami lahat dito. So talagang parang kailangan nilang tignan maigi. Mahirap kasi pag ano eh, ‘pag gusto mo pabor lahat sayo. Hindi pwedeng pabor lahat sayo, dapat accountable ka for your actions. Hindi naman pwedeng mag hariharian ka nalang panghabang buhay. Kasi sabi ko nga, hindi natutulog ang mustisya. Bilog ang bola," dagdag pa ng kongresista.


Samantala, sinabi ni Bongalon na nakikita rin niya ang lohika sa panawagan ng kapwa niya Bicolano na si Escudero.


"Yes, I totally agree on the statement of Senator Chiz Escudero not because he is my fellow kababayan a Bicolano lawmaker but also being a leader of the Senate and as a national figure we want to ask or request to our fellow Filipinos na huwag gawin itong isyu politika," he said. 


Tinukoy rin ni Bongalon na hindi ito usapin ng awayan sa pagitan ng dalawang pamilya—ang mga Marcos at Duterte—kundi isang laban para sa hustisya sa libu-libong biktima ng EJK sa nakaraang administrasyon.


"It’s not about politics it’s not about two families who are quarreling. It’s about justice, it’s about vindication to the victims of EJKs so malayong-malayo po na mahaluan ito ng isyu politika sapagkat ang mithiin natin dito ay mabigyan ng hustiya yung mga biktima ng [EJKs] na kawawa and until now seeking justice for many years because of the bloody implementation of the war on drugs," saad pa ng mambabatas na isa ring abogado. 


"So huwag gawin sanang isyung politikal at huwag din kung baga ‘wag ng i-sensationalize no, not because the former president was arrested it’s not about him it’s about the victims of the EJKs," giit ni Bongalon. (END)


###############


Mga solon suportado hindi pagbibigay ng house arrest kay Pastor Quiboloy: Dapat walang special treatment



Suportado ng dalawang miyembro ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang naging desisyon ng Pasig Regional Trial Court (RTC) na tanggihan ang petisyon ni Pastor Apollo Quiboloy na isailalim siya sa house arrest sa kanyang malawak na resort sa Davao City.


Ayon kina Assistant Majority Leader Ernix Dionisio Jr. ng Maynila at Bases Conversion Committee chairman Jay Khonghun ng Zambales na ang desisyon na ito ay nagpapakita na wala dapat special treatment at lahat ay tratuhin ng pantay sa ilalim ng batas.


“Kaya hindi siya binigyan probably walang tamang dahilan o rason para bigyan siya ng house arrest. No. 2, ‘yung batas pantay-pantay regardless of stature in life, ikaw ay mayaman, mahirap, may posisyon o wala,” ani Dionisio.


“I’m sure kung meron namang valid reason kung mabigyan siya ng house arrest, ibibigay ng korte iyan eh. So it only goes to show na walang valid reason. So, kudos (sa judge),” dagdag pa niya.


Naniniwala rin si Khonghun, na isa ring House Assistant Majority Leader, na tama ang naging desisyon ng korte na tanggihan ang house arrest ni Quiboloy.


“Tama lang ‘yun na hindi payagan ang house arrest ni Pastor Apollo Quiboloy. ‘Yung mga nakabilanggo nga na ordinaryong Filipino na nabibilanggo ay walang ganyang pribilehiyo, bakit natin siya bibigyan ng special na pagtrato?” tanong niya.


“Nagpakita lamang ang korte ng tamang desisyon sa isyu ng special na pagtrato lalong-lalo sa mga taong makapangyarihan. Ang pagtanggi sa house arrest ni Pastor Quiboloy siguro nagpapakita na pantay-pantay na patas para sa lahat, lalo sa mga mabibigat na kaso at talagang may mga kasalanan,” dagdag pa niya.


Ang kahilingan ni Quiboloy para sa house arrest ay nakabatay sa mga dahilan ng medikal.


Ngunit tinanggihan ito ng Pasig RTC Branch 159 dahil sa kawalan ng merito.


Ayon sa korte, ang simpleng espekulasyon tungkol sa posibleng paglala ng kanyang kalusugan habang nakakulong ay hindi sapat na dahilan upang bigyan siya ng house arrest.


Sinabi rin ng korte na maaaring mapangalagaan ang kalusugan ni Quiboloy habang nasa kustodiya sa pamamagitan ng mga serbisyong medikal na iniaalok ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) clinic, pati na rin ang mga maaaring ipag-utos ng hukuman.


Nauna nang pinayagan ng korte si Quiboloy na makatanggap ng medikal na atensyon at pangangalaga sa ospital habang siya ay nakadetine. (END)


###############


Ombudsman ibinasura ang mosyon na suspendihin si Speaker Romualdez, iba pa



Ibinasura ng Office of the Ombudsman ang mosyon na humihiling na suspendihin si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at ilan pang opisyal ng Kamara de Representantes kaugnay ng umano’y iregularidad sa pagpasa ng 2025 General Appropriations Act.


Sa 10-pahinang resolusyon, ipinahayag ni Ombudsman Samuel Martires na walang merito ang mosyon para suspendihin si Speaker Romualdez at iba pang opisyal ng Kamara at binigyang-diin na ang Konstitusyon ang nagkakaloob sa Kongreso ng eksklusibong kapangyarihan upang disiplinahin ang kanilang mga miyembro.


“Unquestionably, the Office of the Ombudsman possesses full disciplinary authority over public officials and employees, except impeachable officials, members of Congress, and the Judiciary. Since respondents are members of the House of Representatives, this Office does not have the authority to order their suspension,” pahayag ng Ombudsman.


Nilagdaan ni Martires ang resolusyon noong Marso 7, 2025, ngunit inilabas lamang ito sa publiko noong Marso 11.


Sa naturang desisyon, tuluyang ibinasura ang mosyon na inihain noong Pebrero 19 nina Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez, abogado Ferdinand Topacio, Citizen’s Crime Watch president Diego Magpantay, at retiradong B/Gen. Virgilio Garcia, na humihiling ng preventive suspension kay Speaker Romualdez at sa kanyang mga kapwa respondent.


Kasama sa mga nagreklamo si senatorial candidate Jimmy Bondoc, na inakusahan si Romualdez at tatlong iba pang opisyal ng Kamara ng pagpapeke ng mga dokumentong pambatas at paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019), sa umano’y P241 bilyong halaga ng mga insertions sa 2025 budget bill.


Kabilang sa mga pinangalanang respondent, bukod kay Romualdez, sina Reps. Manuel Dalipe (Zamboanga City), Elizaldy Co (PL-Ako Bicol), Stella Quimbo (Marikina City), at mga hindi pa nakikilalang miyembro ng Technical Working Group ng Bicameral Conference Committee.


Nilinaw na ni Quimbo, na may mahalagang papel sa deliberasyon ng budget, na ang mga blangkong bahagi sa reklamo ay inilaan para sa mga technical staff upang gumawa ng kinakailangang pagsasaayos at na walang diskresyon ang mga mambabatas na baguhin ang mga halaga sa yugtong iyon.


Ipinag-utos ni Martires na pansamantalang ihinto ang pagtalakay sa reklamo, binanggit ang nakabinbing petisyon sa Korte Suprema na inihain nina Davao City Rep. Isidro Ungab, abogado Victor Rodriguez, at iba pa na kumukuwestiyon sa konstitusyunalidad ng 2025 General Appropriations Act (RA 12116).


“After a careful reading of the complaint, I am convinced that the issues raised herein are closely intertwined, if not, intimately related to a Petition for Certiorari and Prohibition that was earlier filed before the Supreme Court,” pahayag ng Ombudsman.


Ipinaliwanag niya na kapag may kasabay na espesyal na aksyong sibil at kasong kriminal, kailangang hintayin ng quasi-judicial body ang desisyon ng Korte Suprema bago ipagpatuloy ang anumang imbestigasyon.


“The Supreme Court must first resolve the issue of constitutionality before the criminal action pending before the Ombudsman will proceed. Whatsoever will be the resolution of the Supreme Court in the Petition for Certiorari and Prohibition would be determinative juris et de jure of the guilt or innocence of herein respondents in the criminal case before the Ombudsman,” paliwanag ni Martires.


Dagdag pa niya, kung paninindigan ng Korte Suprema ang pagiging balido ng 2025 budget law, mawawalan ng probable cause para sa anumang kasong kriminal. Ngunit kung ito ay ideklarang labag sa konstitusyon, saka lamang maaaring kumilos ang Ombudsman sa reklamo.


“Indeed, there is a prejudicial question that necessitates suspension of the criminal proceedings until such time that the Special Civil Action has been resolved with finality by the Supreme Court,” saad pa ng Ombudsman. (END)


###############


Solon, Health Advocates Push for Food Warning Labeling, Marketing Restrictions to Combat Heart Disease and Childhood Obesity


Samar Representative Reynolds Michael Tan, alongside health advocates, urged the House Committees on Health and Trade to prioritize the Healthy Food Marketing Environment Bill through a hearing before the end of the 19th Congress. The proposed law seeks to mandate food warning labels and regulate child-directed food marketing to protect Filipinos from heart disease and childhood obesity. 

In a press conference organized by public interest law group ImagineLaw, Rep. Tan emphasized the urgency of passing the bill, coinciding with the culmination of the Philippine Heart Month and World Obesity Day. 

“Sa batas na ito, may kapangyarihan ang Pilipino na protektahan ang kanilang pamilya at mga anak laban sa sakit (With this bill, we ensure that Filipinos are empowered to protect their families and children from diseases),” Rep. Tan, principal author of House Bill No. 9819, said in his keynote speech. “I urge my fellow lawmakers to support this health measure and secure better health for all Filipinos.” 

According to the World Health Organization (WHO), high intake of unhealthy food significantly increases the risk of heart disease, diabetes, and some types of cancer. 

HB 9819 seeks to mandate front-of-pack warning labeling (FOPWL) on pre-packaged food products to help consumers quickly identify food high in fats, salt, and sugar. This will guide them to easily avoid products that may be harmful to their health. 

The policy also aims to promote responsible food marketing by introducing regulations on child-targeted advertisements that promote food with warning labels. 

“The policy ensures a heart-healthy food environment for children. Dahil kung heart healthy ang food environment sa bata, heart healthy din ito sa lahat (If the food environment is heart-healthy for a child, it is heart-healthy for all)," Rep. Tan said. 

The Philippine Heart Association (PHA) also emphasized the prevalence of non-communicable diseases (NCDs) in the country, particularly cardiovascular disease, which remains the leading cause of death among Filipinos. The Philippine Statistics Authority (PSA) reported that one in every five Filipino deaths in the first half of 2024 alone are caused by heart disease.

"We need to give Filipinos a fighting chance to protect their heart health and that of their loved ones from this deadly yet preventable disease," said Dr. Louella Santos, PHA Director. 

Meanwhile, according to the United Nations Children’s Fund (UNICEF), one in every seven school-aged children in the Philippines is overweight or obese, partly due to exposure to food marketing that promotes unhealthy eating habits. Obesity exposes them to higher risk of heart disease and other NCDs later in life.

Responsible Food Marketing Coalition Launched

In the same press conference, ImagineLaw introduced the Responsible Food Marketing Coalition, a multi-sectoral network advocating for stronger food marketing regulations to protect children’s health. Composed of nutrition organizations, medical societies, academe, and youth groups, the Coalition aims to promote responsible food marketing practices through policy change. 

Key members including the Philippine Legislators' Committee on Population and Development, Philippine Society of Public Health Physicians, Nutrition Foundation of the Philippines, Nutrition Center of the Philippines, Kalusugan ng Mag-ina, World Vision, University of the Philippines (UP) National Institute of Health and UP College of Public Health, and GoodGov Philippines expressed strong support for the proposed bill and jointly called for urgent legislative action to ensure its passage.

“Children’s health is a shared responsibility. The Coalition is committed to creating a healthy food environment that protects the health of Pinoy children,” said Atty. Mikhail Laurence Millan, Project Manager of ImagineLaw.

No comments:

Post a Comment