A-Otso o Ika-Walo ng Pebrero, Taong 2025 — Katropa sa Kamara Script:
[Segmento 1: Pagbubukas (10-15 minuto)
• Musikang Panimula at Pagbati.
• Batiin ang inyong tagapakinig sa Filipino.]:
—
Isang masiglang umaga sa inyong lahat, mga Katropa! Good morning, Pilipinas! Good morning, Camp Aguinaldo! Magandang umaga, Luzon! Maayong buntag, Visayas! At ¡Buenos días, Mindanao! Muli, samahan ninyo kami sa dalawang oras ng makabuluhang talakayan at balitaan dito sa Katropa sa Kamara!
Pause
Yes, Sabado na naman, mga Katropa! At narito na naman kami upang ihatid sa inyo ang makabuluhang talakayan at balitaan sa Katropa sa Kamara kasama si Terence Mordeno Grana.
Pause
Pero bago tayo magsimula, unahin muna natin ang pagpapasalamat. Una sa lahat, ipinaabot natin ang taos-pusong pasasalamat sa ating Panginoong Maykapal sa patuloy Niyang pagbibigay ng biyaya at patnubay. Sa nakalipas na mga araw, pinagpala tayo ng Kanyang grasya at binigyan ng lakas upang maisakatuparan ang ating mga tungkulin para sa Kanyang kaluwalhatian.
Pause
Sunod naman nating ipinaabot ang taos-pusong pasasalamat sa ating mga opisyal sa Armed Forces of the Philippines. Unang-una, sa ating Commander-in-Chief, Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.; sa Kalihim ng National Defense, Atty. Gilbert ‘Gibo’ C. Teodoro Jr.; sa ating AFP Chief of Staff, Gen. Romeo S. Brawner Jr.; at sa ating Commander ng Civil Relations Service, BGen. Ramon P. Zagala.
Pause
Of course, nagpapasalamat din tayo sa ating MCAG Group Commander at DWDD Station Manager, Francel Margareth Padilla, pati na rin sa kanyang Deputy Group Commander, Maj. Mark Anthony Cardinoza. At siyempre, isang malaking pasasalamat sa lahat ng bumubuo ng ating production staff—maraming, maraming salamat po!
Pause
Yes! Terence Mordeno Grana po, ang inyong lingkod—ang inyong kaagapay at gabay dito sa Katropa sa Kamara!”
Para sa inyong mga mensahe, tawag, o text, maaari ninyo akong maabot sa ating mobile numbers:
Pause
Ang Katropa sa Kamara ay inyong matutunghayan, eksklusibo, dito lamang sa DWDD Katropa Radio—1134 sa inyong talapihitan! Live din tayo sa ating Facebook page, Katropa DWDD-CRS Virtual RTV, at syempre, mapapanood din tayo sa YouTube—i-search lang ang DWDD Katropa!
Pause
[• Mga Pangunahing Balitang Pambatasan.]:
Sa paumpisang bahagi ng ating talakayan, ibinigay ko muna sa inyo mga Katropa ang Mga Ulo Ating Balita:
Pause
Matagumpay na nag-adjourn ang Kamara bago ang halalan
Speaker Romualdez: “Isinulong natin ang interes ng Sambayanan. Lumaban sa mga puwersa ng kadiliman.”
Pangalawang Pangulo Sara Duterte, Na-impeach
Mambabatas Naghain ng Resolusyon na Nanawagan ng Aksyon ng Gobyerno sa Immigration Policies ni Trump na Apektado ang mga Pilipinong Migrante
House Leader Nanawagan ng Regulasyon sa Social Media Laban sa Fake News at Mapanganib na Nilalaman, Habang Pinoprotektahan ang Kalayaan sa Pamamahayag
House Tri-Comm Probe: CICC Ipinagmamalaki ang App na Kayang Matukoy ang Deepfakes sa Social Media
CICC, ipinakita sa House Tri-Comm ang app na madaling makakatukoy ng deepfakes sa social media
Kamara Nanawagan ng Disbarment ni Social Media Strategist Trixie Cruz-Angeles
Gurong Bicolana, Natanggap ang Pangarap na Bahay; Camille Villar, Nangakong Ipaglalaban ang Karapatan at Kapakanan ng mga OFW
Mga Mambabatas Nagkakaisa: Dapat Kumilos ang Gobyerno Laban sa mga Nagpapalaganap ng Pekeng Balita, ‘Traydor ng Bayan’
Chinese Social Media Warriors, Nagsusulong ng Anti-PBBM at Pro-VP Sara Duterte na Nilalaman
Yamsuan, Kumpiyansa na ang Bagong BFAR Chief ay Magpapatuloy ng “Laser Focus” sa Pagtulong sa Maliliit na Mangingisda
Barbers sa mga no-show vloggers: ‘Ang tatapang nyo, dito niyo dalhin’
CICC ipinakita sa House Tri Comm app na kayang mag-detect ng deepfakes
Gobyerno dapat umaksyon laban sa nagkakalat ng fake news, ‘traydor ng bayan’
Social media strategist Atty. Trixie Cruz-Angeles pinapa-disbar
@@@@@@@@@@@@@
Pause
Break
Sa ating pagbabalik, kayo po ay nakikinig sa palatuntunang Katropa sa Kamara kasama ako, Terence Mordeno Grana, dito lamang sa himpilang DWDD Katropa Radio!
At syempre, tayo ay sinasamahan sa ating technical side ng ating magigiting na engineers—(Ronald Angeles, Pherdee Blues, Leonor Tanap, Regine Ascaño, Jayton Dawaton, John Mark Molina, at iba pa. ) Maraming salamat sa inyong suporta!”
@@@@@@@@@@@@@
[• Ibahagi ang mga mahahalagang balita tungkol sa batas ngayong linggo:
Pause
Break
Okey, tuloy-tuloy na po tayo sa iba pang mahahalagang balita na ating nakalap…
• Buod ng mga mahahalagang panukalang batas o resolusyon.]
NEWS ITEMS … next page
@@@@@@@@@@@@@
[Segmento 2: Recap ng Plenaryong Pagpupulong sa Linggo (20-30 minuto)
• Mga Pangunahing Pangyayari sa Plenaryo.
• Ibahagi ang mga mahahalagang talakayan, debate, at desisyon.
• Banggitin ang mga pangunahing mambabatas at ang kanilang mga posisyon.
• Mabilisang Paliwanag.
• Paliitin o gawing simple ang isang teknikal o kontrobersyal na paksa.]:
Mga Kaganapan sa Plenaryo, sa Bulwagan ng ating Kamara nitong huling mga araw ng sesyon, sang-ayon sa Legislative Calendar
Tinalakay sa plenaryo ang mga mahahalagang panukalang batas, resolusyon, at iba pang usapin na may kaugnayan sa pambansang interes. Ang mga deliberasyon ay nakatuon sa pagsusuri at pagpapasa ng mga batas na may layuning tugunan ang iba’t ibang sektor ng lipunan, kabilang ang ekonomiya, enerhiya, seguridad, at iba pang pangunahing pangangailangan ng mamamayan.
1. Pagsusuri ng mga Panukalang Batas – Tinalakay at pinagbotohan ang ilang panukalang batas na may layuning mapabuti ang mga serbisyo ng pamahalaan at palakasin ang ekonomiya. May ilang panukala na naipasa sa ikalawa at ikatlong pagbasa, habang may ilan pang pinagdedebatehan sa antas ng komite.
2. Mga Isyung Pang-Enerhiya – Isa sa mga tampok na usapin sa mga sesyon ay ang Philippine Natural Gas Industry Development Act (RA 12120), na naglalayong palawakin ang paggamit ng natural gas bilang isang matipid at maaasahang pinagkukunan ng enerhiya. May mga mambabatas na nagpahayag ng suporta rito dahil sa potensyal nitong mapababa ang presyo ng kuryente at mabawasan ang pagdepende ng bansa sa inangkat na langis.
3. Pagsisiyasat sa Fake News at Cybercrime – Napag-usapan din ang paglaganap ng fake news at online disinformation, kung saan isang congressional hearing ang isinagawa upang imbestigahan ang ilang social media personalities na tumangging humarap sa komite. Ang Tri-Committee ng Public Order and Safety, Information and Communications Technology, at Public Information ay naglabas ng show cause orders laban sa mga indibidwal na ito upang ipaliwanag ang kanilang hindi pagdalo.
4. Pagpapakita ng Bagong Teknolohiya sa Cybersecurity – Ipinakita rin sa plenaryo ng isang eksperto mula sa Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) ang isang bagong software tool na kayang matukoy ang deepfake videos sa loob ng 30 segundo. Ito ay isang hakbang ng pamahalaan upang labanan ang disimpormasyon at maprotektahan ang publiko mula sa panlilinlang sa social media.
5. Panawagan para sa Mas Mabilis na Aksyon sa Cybercrime Laws – Sa harap ng patuloy na paglaganap ng cybercrimes, iminungkahi ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na amyendahan ang kasalukuyang batas upang payagan ang gobyerno na magsampa ng kaso laban sa mga cybercriminals kahit walang pribadong complainant. Ito ay upang mas mabilis na matugunan ang mga kaso ng pandaraya at cyber-attacks.
Tampok din ang ilang mga mahahalagang talakayan, panukalang batas, at resolusyon na may kinalaman sa pambansang interes sa mga sesyon sa plenaryo nitong huling mga araw ng sesyon bago mag-adjourn ang Congress
Privilege Hour: Mga Usaping Itinampok ng mga Mambabatas
Ilan sa mahahalagang isyu na tinalakay ng mga kinatawan ay:
• Public Administration Week (Rep. Jude Acidre)
• Sobrang dami ng condominium sa Metro Manila (Rep. Ma. Victoria Co-Pilar)
• Pagtutol sa DepEd Order ukol sa Comprehensive Sexuality Education (Rep. Bienvenido Abante Jr.)
• Tumataas na gastos at lumalalang accessibility ng higher education (Rep. Raoul Manuel)
• Mataas na presyo ng bigas at kalagayan ng lokal na produksyon (Rep. Arlene Brosas)
• Kakulangan ng mga prinsipal sa pampublikong paaralan (Rep. France Castro)
Mga Panukalang Batas na Inaprubahan sa Ikalawang Pagbasa
Kabilang sa mga panukalang batas na inaprubahan ay:
1. Pagbabawal ng offshore gaming operations (HB 10987)
2. Pagbabawal ng sabungan at iba pang katulad na pasilidad malapit sa tirahan, paaralan, at lugar ng pagsamba (HB 11253)
3. Pagbabawal ng online sabong o e-sabong (HB 11254)
4. Pagsasaayos ng regulasyon sa sabong ng mga LGU (HB 11044)
5. Reforma sa Energy Regulatory Commission (HB 11373)
6. P200 dagdag sahod sa mga pribadong manggagawa (HB 11376)
Mga Panukalang Batas na Inaprubahan sa Pangatlo at Huling Pagbasa
Ilan sa mga panukalang batas na tuluyang naipasa ay:
• Paglikha ng karagdagang sangay ng Regional Trial Courts sa Cavite, Bukidnon, Agusan del Norte, at Valenzuela (HB 11340, HB 11349, HB 11350, HB 11352)
• Pagdedeklara sa Nobyembre 7 bilang special national working holiday bilang paggunita sa unang mosque sa Pilipinas (HB 10902)
• Pagtatalaga ng Libingan ng mga Bayani bilang libingan para sa mga Filipino sports heroes (HB 11229)
• Pagpapalakas ng Polytechnic University of the Philippines bilang National Polytechnic University (HB 11341)
• Pagpapalakas ng excise tax sa mga produktong tabako, vape, at iba pang kahalintulad na produkto (HB 11286)
• Pagbibigay ng karagdagang batayan para sa pagkansela ng certificate of candidacy at pagpapataw ng parusa sa nuisance candidates (HB 11317)
• Pagtatatag ng Animal Competitiveness Enhancement Fund (HB 11355)
Mga Pinagtibay na Resolusyon at Ibang Mahahalagang Usapin
• HR 2203 – Pagpapalakas ng Public Administration Education sa bansa
• HR 2214 – Pakikiramay sa pamilya ni Hon. Edcel C. Lagman
• Pagbuo ng Bicam Members para sa Universal Health Care Act, Virology and Vaccine Institute of the Philippines Act, at iba pa.
Pebrero 5, 2025
Nagtampok ng isang makasaysayang kaganapan—ang impeachment ni Pangalawang Pangulo Sara Duterte, bukod sa pagpasa ng mahahalagang panukalang batas.
Mahahalagang Kaganapan sa Plenaryo
1. Impeachment ni Pangalawang Pangulo Sara Duterte
Sa ganap na 3:44 p.m., inaprubahan ng 215 mambabatas mula sa kabuuang 306 miyembro ng Kamara ang ikaapat na impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte. Agad na inatasan ang Secretary General na ihatid ang reklamo sa Senado para sa pagsisimula ng paglilitis.
Mga Itinalagang Prosecutors para sa Impeachment Trial:
• Rep. Gerville “Jinky Bitrics” R. Luistro
• Rep. Romeo M. Acop
• Rep. Ramon Rodrigo Gutierrez
• Rep. Joel R. Chua
• Rep. Raul Angelo Bongalon
• Rep. Loreto B. Acharon
• Rep. Marcelino C. Libanan
• Rep. Arnan C. Panaligan
• Rep. Ysabel Maria J. Zamora
• Rep. Lorenz R. Defensor
• Rep. Jonathan Keith T. Flores
2. Mga Panukalang Batas na Inaprubahan sa Ikalawang Pagbasa
Kabilang sa mga naipasa sa ikalawang pagbasa ang mga panukalang batas na naglalayong:
• Paglikha ng mga bagong sangay ng hukuman sa Zamboanga del Norte, South Cotabato, at Batangas (HB 11354, HB 11382, HB 11384)
• Pagpapalawak ng benepisyo para sa senior citizens (HB 11400)
• Pagtatatag ng isang epektibong sistema ng civil registration (HB 11359)
• Pagbuo ng mekanismo para sa deklarasyon ng ‘state of imminent disaster’ upang mapabilis ang pagtugon sa mga kalamidad (HB 11430)
• Pagpapalakas ng industriya ng malunggay sa bansa bilang suporta sa agrikultura at nutrisyon (HB 11429)
3. Pag-aadopt ng mga Senate Bills bilang Amandments sa House Bills
Ang mga sumusunod na panukalang batas mula sa Senado ay inampon bilang bahagi ng mga House Bills:
• Magna Carta para sa Barangay Health Workers (HB 6557/SB 2838)
• Pagpapalakas sa Philippine Coast Guard (HB 10841)
• Pagpapabilis ng Muslim burial rites (HB 8925)
4. Pagtibay ng Bicam Reports
Matapos ang deliberasyon, naaprubahan ang mga bicameral reports para sa mga sumusunod na batas:
• Pag-reset ng unang regular na halalan sa Bangsamoro Autonomous Region (HB 11144/SB 2942)
• Bagong Charter ng Development Bank of the Philippines (HB 11230/SB 2804)
• Mga reporma sa Motorcycle Crime Prevention Act (HB 11113/SB 2555)
• Pagdedeklara ng National Education Support Personnel Day tuwing Mayo 16 (HB 4896/SB 2872)
• Pagtatatag ng National Hijab Day tuwing Pebrero 1 (HB 5693/SB 1410)
• Pagtaas ng pensyon ng mga retiradong opisyal ng Department of Foreign Affairs (HB 10466/SB 2863)
• Reporma para sa pagpapalakas ng Philippine Capital Markets (HB 9277/SB 2865)
5. Pahayag ni Speaker Romualdez at Pagtatapos ng Sesyon
Binigyang-diin ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang kahalagahan ng mga naipasang batas sa pagpapatibay ng hustisya, pangangalaga sa senior citizens, pagpapalakas ng agrikultura, at pagpapaunlad ng mga serbisyong pampubliko.
Ang sesyon ay in-adjourn sa ganap na 7:27 p.m. at muling itatakda sa Hunyo 2, 2025, sa ganap na 3:00 p.m.
Konklusyon
Ang sesyon noong Pebrero 5, 2025, ay nagmarka ng isang makasaysayang sandali sa pulitika ng bansa sa pamamagitan ng impeachment ni Pangalawang Pangulo Sara Duterte. Kasabay nito, naipasa rin ang mahahalagang batas na may kinalaman sa hudikatura, kalamidad, senior citizens, agrikultura, at pampublikong serbisyo. Ang mga panukalang batas na ito ay nagpapakita ng patuloy na pagsisikap ng Kongreso na tugunan ang pangangailangan ng mamamayan at mapaunlad ang bansa.
@@@@@@@@@@@@@@
Pause
Break
Segmento 3: Pagpapaliwanag ng Proseso ng Batas (10-15 minuto)
• Pumili ng isang proseso ng paggawa ng batas na tatalakayin.
• Halimbawa: paano nagiging batas ang isang panukalang batas.
• Ipaliwanag ito sa simpleng Filipino.
• Iugnay ito sa isang kasalukuyang isyu kung maaari.
Imprachment Process:
Sa Pilipinas, ang proseso ng impeachment ay nakasaad sa Saligang Batas ng 1987 (Article XI, Sections 2-3). Narito ang mga pangunahing yugto ng impeachment laban sa isang opisyal na maaaring ma-impeach (impeachable official), gaya ng Pangulo, Pangalawang Pangulo, mga Mahistrado ng Korte Suprema, mga Komisyuner ng mga Konstitusyonal na Komisyon (COMELEC, COA, at CSC), at ang Ombudsman:
1. Pagsusumite ng Impeachment Complaint
• Ang isang impeachment complaint ay maaaring isampa sa House of Representatives sa pamamagitan ng alinman sa mga sumusunod:
• Endorsement ng kahit isang miyembro ng Kamara; o
• Petisyon ng hindi bababa sa 1/3 ng lahat ng miyembro ng Kamara (kung ganito ang mangyari, hindi na daraan sa committee level at direkta nang dadalhin sa Senado).
2. Pagsusuri ng House Committee on Justice
• Ang House Committee on Justice ang unang magsusuri ng impeachment complaint upang matukoy kung ito ay:
• Sufficient in form (naaayon sa itinakdang proseso);
• Sufficient in substance (may sapat na basehan at ebidensya).
• Kung matanggap ito ng committee, susundan ito ng pagdinig at deliberasyon.
3. Pagboto ng House of Representatives
• Kapag inirekomenda ng House Committee on Justice na may sapat na basehan ang reklamo, isusumite ito sa plenaryo ng House of Representatives.
• Kailangan ng at least one-third (1/3) ng kabuuang bilang ng mga miyembro ng Kamara upang maipasa ang Articles of Impeachment.
• Kapag naaprubahan, ang impeachment complaint ay ipapasa sa Senado, na siyang magsisilbing impeachment court.
4. Impeachment Trial sa Senado
• Sa Senado, ang mga Senador ang gaganap bilang mga hukom sa impeachment trial.
• Ang House of Representatives ang magsisilbing prosecutor na maghaharap ng ebidensya laban sa opisyal.
• Ang opisyal na ini-impeach ay may karapatang magdepensa sa pamamagitan ng kanyang mga abogado.
5. Pagboto ng Senado
• Matapos ang paglilitis, boboto ang mga Senador kung dapat bang maalis sa puwesto ang nasasakdal na opisyal.
• Kailangan ng two-thirds (2/3) na boto ng lahat ng Senador upang ma-convict ang opisyal at mapatalsik siya sa posisyon.
• Kung hindi umabot sa 2/3 ang boto para sa conviction, ang opisyal ay ma-abswelto at mananatili sa kanyang puwesto.
6. Kaparusahan Kapag Nahatulang Guilty
• Kapag napatunayang guilty, mapapatalsik sa posisyon ang opisyal at maaaring pagbawalang humawak ng anumang pampublikong tungkulin sa hinaharap.
• Ang impeachment ay hindi isang kriminal na kaso, kaya’t kung may ibang paglabag na ginawa ang opisyal, maaari siyang kasuhan sa regular na hukuman.
Mga Halimbawa ng Impeachment sa Pilipinas
• Joseph Estrada (2000-2001) – Nagsimula ang impeachment trial niya, pero hindi natapos dahil sa EDSA People Power II.
• Renato Corona (2012) – Unang opisyal na na-convict sa pamamagitan ng impeachment; tinanggal sa posisyon bilang Chief Justice.
• Maria Lourdes Sereno (2018) – Sinampahan ng impeachment complaint, pero natanggal sa puwesto sa pamamagitan ng quo warranto petition sa Korte Suprema.
Konklusyon
Ang impeachment ay isang mahalagang mekanismo upang mapanagot ang matataas na opisyal ng gobyerno sa kanilang mga pagkakasala. Gayunpaman, ito rin ay isang proseso na may halong pulitika, kaya’t madalas na nagiging kontrobersyal ang mga impeachment cases sa bansa.
Pause
Break
@@@@@@@@@@@@@@
Segmento 4: Mga Pangyayari sa Pagdinig ng Komite (20-30 minuto)
• Mga Pangunahing Pagdinig sa Linggo.
• Ibahagi ang mga update mula sa mga pagdinig ng komite.
• Ituon ang pansin sa mga isyung mahalaga sa publiko.
• Halimbawa: pambansang badyet o mga reporma sa edukasyon.
• Mga Pahayag mula sa Panauhin (Opsyonal).
• Magpatugtog ng mga soundbite o pahayag kung mayroon.
• Magbigay ng inyong sariling pagsusuri pagkatapos.
Pause
Break
Segmento 5: Komentaryo at Pagsusuri (20-25 minuto)
• Pagsusuri ng mga Pangunahing Isyu.
• Talakayin nang mas malalim ang isang mainit na isyung pambatasan.
• Gamitin ang Filipino at Ingles para sa mas malinaw na pagpapaliwanag.
• Pakikilahok ng Tagapakinig (Opsyonal).
• Ibahagi ang mga tanong o opinyon ng mga tagapakinig mula sa social media.
Pause
Break
Segmento 6: Pagsasara (5-10 minuto)
• Balikan ang mga pangunahing puntong natalakay sa programa.
• Banggitin kung ano ang aabangan sa susunod na episode.
• Hikayatin ang mga tagapakinig na sundan ang programa.
• Tapusin sa inyong pirma o karaniwang pamamaalam sa Filipino.
@@@@@@@@@@@@@@
Before Commercial Break:
@@@@@@@@@@@@@@
Before Commercial Break:
Sa ating pagbabalik, kayo po ay nakikinig sa Katropa sa Kamara kasama ako, Terence Mordeno Grana, dito lamang sa himpilang DWDD Katropa Radio!
At syempre, tayo ay sinasamahan sa ating technical side ng ating magigiting na engineers—Ronald Angeles, Pherdee Blues, Leonor Tanap, Regine Ascaño, Jayton Dawaton, John Mark Molina, at iba pa. Maraming salamat sa inyong suporta!”
Okey, tuloy-tuloy na tayo sa iba pang mahahalagang balita na ating nakalap…”
Recap Segment:
“Sa puntong ito, mga Katropa, dadako na tayo sa ating pagbabalik-tanaw o recapitulation ng lahat ng ating natalakay ngayong umaga. Balikan natin ang mahahalagang balita at usaping ating tinalakay bago tayo tuluyang magtapos ng ating programa…”
@@@@@@@@@@@@@@
Closing Segment:
“Haay… dalawang oras na naman ang lumipas, at muli tayong pansamantalang magpapaalam. Maraming, maraming salamat sa inyong pagsubaybay at sa pagpapapasok sa amin sa inyong mga tahanan sa pamamagitan ng ating programang Katropa sa Kamara!”
Daghang salamat usab sa atong mga kahigalaang Bisaya nga naminaw kanato karong taknaa!
Ito po ang inyong lingkod—kini ang inyong kabus nga suluguon, Terence Mordeno Grana.
At sa ngalan ng buong production staff ng ating programa, ako po ay nagpapahayag ng isang taos-pusong pasasalamat. Nawa’y pagpalain tayong lahat ng ating Panginoong Maykapal. God bless us all! Purihin ang ating Panginoon! Good morning! (30)
No comments:
Post a Comment