Kahit ano pang sabihin, VP Sara hindi maitatanggi na pro-China— House leaders
Hindi umano maitatago ni Vice President Sara Duterte ang kanyang pagiging pro-China kahit pa itinatanggi niya ito, dahil taliwas ito sa kanyang mga ginagawa.
Ito ang inihayag nina House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union at Assistant Majority Leader Jay Khonghun ng Zambales, mga kinatawang direktang apektado ng panggigipit ng China sa West Philippine Sea (WPS), matapos igiit ni Duterte na hindi siya panig sa anumang dayuhang bansa.
“We agree with what Undersecretary Claire Castro said. The President is pro-Philippines. The Dutertes, as we’ve all seen, are pro-China. The Vice President can keep denying it, but her record speaks for itself,” pahayag ni Ortega.
Tinukoy niya ang paulit-ulit na pagtanggi ng Bise Presidente na kilalanin ang legal na tagumpay ng Pilipinas sa WPS at ang kanyang pananahimik sa mga paglabag ng China bilang “more than enough proof” ng kanyang kinikilingan.
“Habang nilalabag ng China ang ating teritoryo, ang tinig ng Pangalawang Pangulo ay kadalasang katahimikan. At kung may pahayag man, ito’y paninisi pa sa liderato. That’s not neutrality; that’s evasion,” giit ni Ortega.
“She can deny it all she wants, but the facts are clear. Her silence on Chinese incursions and her criticisms of the President’s foreign policy direction have long aligned with Beijing’s interests,” dagdag pa ni Ortega.
Nagbabala naman si Khonghun na ang patuloy na pag-iwas ni Duterte sa malinaw na paninindigan ay nagpapalakas ng loob ng mga dayuhang umaangkin sa teritoryo at nakalilito sa mga mamamayan.
“Sa totoo lang, hindi mo puwedeng sabihing ‘hindi ka pro sa anomang bansa’ habang tina-target ng China ang ating mga mangingisda at kababayan. Ang katahimikan mo ay kasing ingay ng pagkampi,” ani Khonghun.
Dagdag pa niya, ang malabong at pabagu-bagong mga pahayag ng Bise Presidente ay nagpapahina sa paninindigan ng Pilipinas sa global stage.
“Kapag ang Pangalawang Pangulo mismo ay hindi klaro kung kanino siya kakampi, mahina ang laban natin. Lalo lang nitong pinapahina ang posisyon ng Pilipinas sa harap ng mga banyagang umaabuso,” wika ni Khonghun.
Giit ng dalawang mambabatas, sa panahon ng tumitinding tensyon sa rehiyon, nararapat lamang na ang mga lider ng bayan ay magpakita ng paninindigan at tapang—hindi magkakaibang mensahe.
“President Marcos has drawn the line. He is pro-Philippines. We expect the rest of our leaders, especially those in high office, to do the same,” sabi ni Ortega.
“Walang puwang sa alanganin pagdating sa interes ng bayan,” diin ni Khonghun. (END)
———-
OPINION: Dapat Bang Manahimik ang Isang Pangalawang Pangulo sa Gitna ng Pananakop?
Hindi madaling batikusin ang isang halal na opisyal, lalo na kung ito’y may malawak na suporta at galing sa isang makapangyarihang pamilya. Subalit sa usaping pambansang soberanya, walang puwang ang pag-uurong-sulong, lalong-lalo na sa mga isyung may kinalaman sa West Philippine Sea.
Sa kontekstong ito, makatuwiran ang punto nina House Deputy Majority Leader Paolo Ortega at Assistant Majority Leader Jay Khonghun: sa panahon ng tumitinding tensyon sa karagatan, ang katahimikan ng isang mataas na opisyal ng gobyerno ay maaaring ituring na pananagutan—hindi pananahimik na may pananagutan.
Ang pagiging pro-Philippines ay hindi lamang ipinapakita sa salita. Ito ay nakikita sa mga aksyon, sa pagdedepensa ng karapatan ng mga mangingisda, sa matibay na pagsuporta sa 2016 arbitral ruling, at sa hayagang pagtutol sa anumang porma ng pananakop o panggigipit ng dayuhang kapangyarihan. Kapag ang isang lider ay hindi nagsasalita laban sa mga malinaw na paglabag ng China sa ating soberanya, habang binabatikos ang pamahalaan sa pagkilos nito—ang tanong: kaninong interes ba talaga ang isinusulong?
Ang mga pahayag ni VP Sara na siya ay “hindi pro-anumang bansa” ay tila diplomatikong paraan ng pag-iwas. Ngunit ang pag-iwas ay hindi neutralidad—lalo na kung nasa harap ng isang malinaw na pananakop. Sa ganitong mga sitwasyon, ang kawalan ng paninindigan ay maaring mas mapanganib kaysa sa tahasang pagsang-ayon.
Ang sinumang nagnanais tumakbo sa mas mataas na posisyon sa hinaharap ay dapat malinaw ang tindig sa usaping ito. Hindi pwedeng sabihing ikaw ay para sa Pilipino, pero tahimik habang inaagaw ang teritoryo ng Pilipinas. Hindi maaaring mangarap ng pamumuno sa mas mataas na antas kung hindi mo kayang magsalita para sa bayan sa mga oras na pinakakailangan.
Sa huli, tulad ng binigyang-diin ng mga kongresista, ang tunay na lider ay hindi nagpapasakalye—siya’y naninindigan. Ang tanong ngayon: saan ba talaga nakatayo si VP Sara Duterte sa usaping West Philippine Sea? At sa katahimikang ito, para kanino ba siya talaga?
ooooooooooooooooooooooo
Speaker Romualdez hinimok mga batang mambabatas na suportahan ang PBBM agenda para sa Bagong Pilipinas
Nanawagan si Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa mga miyembro ng paparating na 20th Congress na suportahan ang mga pangunahing agenda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. at ang kanyang pangarap para sa isang Bagong Pilipinas.
Sa kanyang talumpati sa fellowship dinner na ginanap sa Imelda Hall, Aguado Residence sa Malacañang, binigyang-diin ni Speaker Romualdez ang kahalagahan ng pagkakaisa, maagang paghahanda, at buong suporta sa agenda na nakatuon sa reporma ng administrasyon.
Pinagtibay rin ng pinuno ng Kamara ang kanyang paninindigan para sa isang inklusibo, produktibo, at umaaksyong Ika-20 Kongreso na nakabatay sa agenda ng Bagong Pilipinas ni Pangulong Marcos.
“We want to make sure that the 20th Congress is much in sync with the administration’s policies, his (President Marcos) Philippine Development Plan, his Fiscal Medium-Term Framework for the economy, and the vision for the Bagong Pilipinas,” ayon kay Speaker Romualdez, Pangulo ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD), sa 40 bago at nagbabalik na kongresista na nagtapos nitong Miyerkules ng hapon sa tatlong-araw na Executive Course on Legislation para sa mga miyembro ng 20th Congress.
Tumanggap sila ng orientation sa mga paksang may kinalaman sa paggawa ng batas, proseso ng budget, pananagutan, at tungkulin ng mga komite upang mas maunawaan ng mga bagong kongresista sa Ika-20 Kongreso ang kanilang tungkulin at ang takbo ng trabaho sa Kongreso.
Pinangunahan ni Speaker Romualdez, kasama ang Center for Policy and Executive Development (CPED) ng University of the Philippines – National College of Public Administration and Governance (UP-NCPAG), ang pagsisimula ng Executive Course on Legislation para sa mga bagong mambabatas.
Ang fellowship dinner ang nagsilbing pagtatapos ng tatlong-araw na oryentasyon para sa mga bagong miyembro ng Kongreso at naging pagkakataon upang mapalakas ang samahan ng mga bagong halal at muling nahalal na mambabatas.
Ito ang isa sa mga unang gawain bilang paghahanda sa pagbubukas ng Ika-20 Kongreso at sa State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo 28.
Ipinahayag ni Speaker ang kanyang pasasalamat sa kanilang aktibong pakikilahok at hinikayat na harapin ang susunod na tatlong taon nang may malinaw na layunin at malasakit sa bayan.
“I hope it would be meaningful enough for you to make the three years ahead gratifying and very, very successful,” dagdag pa ni Speaker Romualdez, umaasa ang kanilang panahon sa panunungkulan ay magdudulot ng positibong pagbabago hindi lamang sa kanilang mga distrito kundi para sa buong bansa.
Si Speaker Romualdez, isang abogado mula sa University of the Philippines, ay nagpaabot ng pagkilala sa presensya ng mga pangunahing lider at opisyal ng Mababang Kapulungan ng Kongreso. Kabilang dito sina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. ng Pampanga, Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez ng Quezon, at Agusan del Norte Rep. Jose “Joboy” S. Aquino II, na kasalukuyang Secretary General ng Lakas-CMD.
Binanggit din niya ang mga kinatawan mula sa sektor ng party-list, tulad nina House Assistant Majority Leader at Tingog Party-list Rep. Jude Acidre, na namumuno sa House Committee on Overseas Welfare Affairs, TGP Party-list Rep. Bong Teves, at Ako Bicol Party-list Rep.-elect Alfredo Garbin.
Kasama rin sa mga binanggit ang mga opisyal ng Kamara na sina House Secretary General Reginald “Reggie” S. Velasco, Deputy Secretary General Sofonias “Ponyong” P. Gabonada, Deputy Secretary General for Committee Affairs Department Jennifer “Jef” Baquiran, at Deputy Secretary General for Legislative Operations Department Atty. David Robert Amorin.
Kinilala rin niya ang pagsusumikap ng mga kawani ng Kongreso at ng mga nagbabalik na miyembro na tumulong sa paggabay at pagbabahagi ng kaalaman sa mga bagong mambabatas.
Pinuri rin ni Speaker Romualdez ang mga miyembro ng “Young Guns” dahil sa kanilang mahusay na pagtupad ng tungkulin sa Ika-19 na Kongreso, at pabirong sinabi na sila ngayon ay maituturing nang “Top Guns.”
“You have to hand it to them, sila talaga ang nagpakita ng gilas ng ating Kongreso. Very eloquent, very learned, very experienced, and always on point. In fact, they are the pride of the 19th Congress and we thank them,” ani Speaker Romualdez.
Kabilang sa mga miyembro ng Young Guns na dumalo sa fellowship dinner sina House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union, House Special Committee on Bases Conversion and Assistant Majority Leader Jay Khonghun ng Zambales, House Ad Hoc Committee on Marawi Rehabilitation and Victims Compensation Chairman Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur, 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez, House Assistant Majority Leader Ernix Dionisio ng Manila, Cagayan de Oro City Rep. Lordan Suan, at Acidre.
Dumalo rin sa pagtitipon ang iba pang kilalang lider ng House Young Guns na sina Taguig City Rep. Pammy Zamora, Ako Bicol Party-list Rep. Jil Bongalon, Nueva Ecija Rep. Mika Suansing, Davao Oriental Rep. Cheeno Almario, at PBA Party-list Rep. Migs Nograles.
Binigyang-diin ni Speaker Romualdez ang kahalagahan ng kahandaan sa paggawa ng batas at ng matatag na kooperasyon sa pagitan ng lahat ng bloke sa Mababang Kapulungan. Iginiit din niya na mas pinahusay na ang mga internal system ng Kamara upang mapabilis ang proseso at makamit ang mas maganda at makabuluhang resulta sa mga polisiya.
“But we have some innovations here that try to make the whole process more efficient and more meaningful to all of you,” saad ni Speaker Romualdez.
“And again, we in your House leadership are here to serve you,” aniya.
Tinapos ni Speaker Romualdez ang kanyang talumpati sa isang mensahe ng pagkakaisa at sama-samang layunin, at ipinahayag ang kanyang tiwala na ang bagong hanay ng mga mambabatas ay magbibigay ng malaking ambag sa paghubog ng mas maayos na kinabukasan para sa mga Pilipino.
“We look forward to working with you, and I hope it would be a satisfying - not just like gratifying - but a satisfying experience. Because the better we serve you, we know the better you can serve the Filipino people. ‘Yun lang ang mandato natin at kaya po nandito tayo,” ayon pa kay Speaker Romualdez.
“So mabuhay po kayong lahat. Congratulations. Mabuhay ang Bagong Pilipinas. Thank you,” ayon sa pinuno ng Kamara.
Hinimok din ni Speaker Romualdez ang mga first-term members ng Mababang Kapulungan na maging matapang, mahabagin, at tapat sa pagtupad ng kanilang tungkulin bilang mga mambabatas.
“This is your moment to step up, not just as lawmakers but as leaders,” ani Speaker Romualdez. “Be fearless in standing up for what is right. Be compassionate in responding to the needs of the people. And be committed in delivering results that uplift lives.”
Binigyang-diin ni Speaker Romualdez na ang Kamara ay hindi lamang isang institusyon na gumagawa ng batas—kundi ay isa ring plataporma para sa pambansang pag-unlad, kung saan mahalaga ang
—————
AFTER NEWS OPINION: Mandato ng 287 Tagapagsalita, Panimula sa Matatag at Mapagkakaisang 20th Congress
Ang pagkamit ng suporta ng 287 sa 317 na bagong kongresista kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ay hindi lang simpleng numero—ito ay isang malakas na pahayag ng tiwala at pagkakaisa na mahalaga sa pagbubukas ng ika-20 Kongreso. Ang ganitong antas ng suporta ay nagbibigay daan upang maging maayos at mabilis ang pag-usad ng pambansang agenda, lalo na ang mga panukala ni Pangulong Bongbong Marcos para sa Bagong Pilipinas.
Sa isang fellowship dinner sa Malacañang, ipinakita ni Speaker Romualdez ang kanyang bisyon: isang Kongresong nakahanay sa pambansang plano ng pag-unlad—mula sa Philippine Development Plan, fiscal framework, hanggang sa konkretong mga reporma. Ang ganitong malinaw na direksyon ay nagpapahiwatig ng matatag na istruktura at kolektibong disiplina sa loob ng Kamara.
Ang ganitong uri ng koalisyong lehislatibo ay hindi lamang tungkulin, kundi paglilingkod, hindi parang maluwag na alyansa kundi isang makabuluhang pwersa para sa pagbabago. Sa kooperasyon ng “Young Guns” at mga beteranong kongresista, nabubuo ang isang kumbinasyong naglalayong magdala ng sariwang isip at karanasang may puso at prinsipyo.
Ngunit sa kabila ng isang matagumpay na pagsisimula, hindi sapat na may 287 na suporta—dapat may kasamang malalim at makabuluhang aksyon. Lahat ng istrukturang inilatag—mga makabagong sistema sa paggawa ng batas—ay dapat masusing gamitin upang maisulong ang mga polisiya na tunay na makapagpapabago sa buhay ng ordinaryong Pilipino.
Ito rin ang pagkakataon ni Speaker Romualdez upang ipakilala ang isang Kongresong bukas at tugon sa mga boses ng mamamayan. Ang mga bagong mambabatas na hinimok niyang “be fearless, compassionate, and committed” ay dapat magsilbing modelo ng serbisyo publiko—hindi lamang mula sa podium, kundi lalo na sa gawa at resulta.
Sa huli, ang mensahe ng fellowship dinner ay malinaw: hindi ito hudyat ng selebrasyon, kundi simula ng bagong yugto—isang panahon ng pagsasakilos, pagpapatupad, at pagtugon sa matitinding hamon ng bansa. Kinakailangan ng pagkakaisa, kaya’t ang 287 na suporta ay isang matibay na pundasyon na dapat pagtibayin ng mga kongkretong batas, programa, at solusyon.
Sa pagbubukas ng ika-20 Kongreso, tunay na baguhin ang daan ng pampulitikang serbisyo—para sa Bagong Pilipinas at para sa bawat Pilipino.
oooooooooooooooooooooooo
Romualdez walang seryosong kalaban sa speakership race sa 20th Congress, suportado ng 287 sa 317 kongresista
Walang malinaw na seryosong kalaban sa speakership race ng Kamara sa 20th Congress si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na suportado umano ng 287 sa 317 miyembro ng paparating na Kongreso.
“With the numbers that presented in front of us, parang malabo,” ani House Assistant Majority Leader at Manila Rep. Ernesto “Ernix” Dionisio Jr. nang tanungin sa isang media briefing kung may seryosong kalaban si Speaker Romualdez sa pagka-Speaker sa ika-20 Kongreso.
“Each vote, each decision by each House member is given weight and importance. Just to be exact, there’s already 283 who signed the manifesto, so that’s an overwhelming majority in the support of Speaker Martin Romualdez,” pahayag ni Dionisio.
“Actually, who signed there are already 287 who expressed their support. It’s more of hindi pa sila nakaka physically signed. But 287 total expressed their support and 283 who physically signed the manifesto.”
“I think the leadership of House Speaker kasi it’s supported really by the majority of the present and incoming members of the House,” dagdag pa niya.
Kinumpirma rin ni House Assistant Majority Leader at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na 283 mambabatas na ang lumagda sa manifesto ng suporta para kay Speaker Romualdez mula sa kabuuang 287 na nagpahayag ng kanilang suporta, na nagpapakita ng matatag na hawak ng mambabatas mula Leyte sa Kamara habang papalapit ang bagong sesyon ng lehislatura.
“Anybody can actually run for the Speaker,” ani Adiong. “But the question is whether that person or that Congress member has the number to secure the position. So sinabi nga ni Cong. Ernix, we have already secured 280 plus signatures supporting Speaker Martin Romualdez to be our Speaker in the 20th Congress,” dagdag pa niya.
Lalo pang tumatag ang suporta kay Speaker Romualdez bago ang State of the Nation Address (SONA), kung saan opisyal na gaganapin ang eleksyon para sa pagka-Speaker.
Ang pag-endorso ng 287 na mambabatas ay nagpapakita ng halos pagkakaisa ng mga miyembro, mula sa mga pambansang partido at lokal na kinatawan ng mga distrito.
Nang tanungin ukol sa naging pahayag ni Deputy Speaker Duke Frasco na susuportahan niya si incoming congressman Rep. Albee Benitez o si Rep. Toby Tiangco para sa pagka-Speaker, binigyang-diin ni Adiong ang boluntaryo at demokratikong proseso ng pagpili ng liderato.
“Well, he’s entitled to his opinion, he is entitled to cast his vote to whom he feels for him betting for the position,” ani Adiong.
“Wala naman pong nagpwe-pwersa sa bawat isa sa amin na bomoto, in fact that actually is a manifestation that there is no… that when it comes to the election of the speakership wala pong sapilitan dito sa House,” pagpapatuloy niya.
Dagdag pa ni Adiong, ang manifesto ay nilagdaan nang malaya at kusang-loob ng bawat mambabatas na sumusuporta sa patuloy na pamumuno ni Speaker Romualdez.
“Yung 200-plus congressmen na nag-signed sa manifesto voluntarily and consciously supporting Speaker Martin Romualdez. So sa kanya pong palagay iyon, nirerespeto naman natin yung opinion nya,” dagdag niya.
Ipinahayag din ni Dionisio ang parehong saloobin na nananatiling isang demokratikong proseso ang speakership race at lahat ng miyembro ay iginagalang anuman ang kanilang paninindigan.
“At the end of the day Congress is a collegial body,” ani Dionisio. (END)
—————-
OPINION: Isang Malakas na Mandato kay Speaker Romualdez sa Pagbubukas ng Ika-20 Kongreso
Ang halos buong suporta ng 287 sa 317 na miyembro ng Mababang Kapulungan para kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ay malinaw na indikasyon ng kanyang matatag na liderato at malawak na tiwala ng kanyang mga kapwa mambabatas.
Hindi ito basta-bastang numero. Ang 287 na pirma sa isang manifesto ng suporta ay hindi lamang pormalidad kundi isang patunay ng pagkakaisa at kumpiyansa sa pamumuno ni Romualdez, lalo’t papasok ang Kongreso sa bagong sesyon na puno ng panibagong hamon at mataas na inaasahan mula sa publiko.
Mahalagang bigyang-diin na nananatiling demokratiko ang proseso ng pagpili ng Speaker, gaya ng binigyang-linaw nina Reps. Dionisio at Adiong. Ngunit sa sistemang ito, ang laki ng suporta na tinatamasa ng kasalukuyang Speaker ay nagpapakita ng maturity at stability sa loob ng institusyon. Sa politika kung saan karaniwang may mga paiba-ibang alyansa, ang ganitong antas ng pagkakabuklod ay bihira at mahalaga.
Hindi rin dapat balewalain ang timing ng pagkakasa ng suporta—bago ang State of the Nation Address (SONA)—isang makasaysayang sandali kung kailan inaasahan ng publiko ang malinaw na direksyon mula sa mga pinuno ng bansa. Kaya’t ang pagkakaroon ng “walang seryosong kalaban” ay hindi nangangahulugang walang demokrasya, kundi indikasyon na maraming mambabatas ang naniniwala sa continuity, competence, at kakayahan ni Romualdez na mamuno sa panibagong yugto ng pambansang lehislatura.
Sa ilalim ng kanyang liderato, naging matatag ang ugnayan ng Kamara sa Malacañang, na nagtulak sa pagpasa ng mahahalagang batas gaya ng economic reforms, dagdag-sahod, at reporma sa PhilHealth. Marahil ito rin ang dahilan kung bakit patuloy ang pagtitiwala sa kanya—dahil konkretong resulta ang batayan ng suporta, hindi lamang pulitikal na koneksyon.
Sa huli, ang malinaw na mandato kay Speaker Romualdez ay hindi lang personal na tagumpay kundi tagumpay din ng institusyon. Ipinapakita nito na kayang magsanib-puwersa ang mga halal na lider para sa isang mas maayos, mas mabisang Kongreso—at sa huli, para sa kapakanan ng sambayanang Pilipino.
oooooooooooooooooooooooo
Yamsuan: Obligadong Maglagay ng CCTV ang mga Negosyong Establisamyento bilang Suporta sa Kampanya Laban sa Krimen ni PBBM
Nais ni Parañaque 2nd District Representative-elect Brian Raymund Yamsuan na gawing obligado ang paglalagay ng closed-circuit television (CCTV) systems sa loob at paligid ng mga komersyal na establisimyento bilang suporta sa pinaigting na kampanya ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. laban sa kriminalidad.
Ayon kay Yamsuan, muling ihahain niya sa nalalapit na Ika-20 Kongreso ang panukalang batas na mag-oobliga sa mga negosyong may 20 o higit pang empleyado, o may transaksyong hindi bababa sa ₱50,000 kada araw, na maglagay ng CCTV sa mga pasukan, labasan, lugar ng trabaho, at iba pang bahagi ng kanilang gusali.
“Malaki ang maiaambag ng pribadong sektor sa pagpapatatag ng kampanya laban sa krimen ng Pangulo. Napatunayan nang epektibo ang mga CCTV sa pagpigil, pagdiskubre, at paglutas ng mga krimen,” ani Yamsuan, na dati ring Assistant Secretary ng Department of the Interior and Local Government (DILG).
Ipinunto niya na noong 2014 at muling noong 2022, naglabas ang DILG ng mga memorandum circular na humihikayat sa mga lungsod at kabisera ng mga lalawigan na i-require ang CCTV sa ilang establisimyento tulad ng mga bangko, mall, at mga lugar na dinarayo ng maraming tao.
Ikinatuwa rin ni Yamsuan na agad na tumugon ang Lungsod ng Parañaque sa nasabing circular sa pamamagitan ng pagpasa ng City Ordinance No. 14-03, na nag-oobliga sa mga negosyo at pribadong subdibisyon na mag-install ng CCTV. Kinakailangan ng katibayan ng pagsunod bilang requirement sa pag-renew ng Mayor’s Permit.
Kabilang sa mga nagtaguyod ng ordinansa ay sina dating Konsehal Tess de Asis at Binky Favis, na parehong muling nanalo sa 2025 elections sa ilalim ng Team Pagasa na pinamumunuan ni Yamsuan. Ang ordinansa ay inaprubahan ni dating Mayor Edwin Olivarez, na ngayo’y kinatawan ng 1st District at babalik bilang alkalde ng lungsod ngayong Hulyo 1.
Ayon kay Yamsuan, ang pagsunod ng ibang LGUs sa Parañaque sa pag-require ng CCTV ay hindi lang makakapigil sa krimen, kundi makatutulong din upang maberipika ang mga posibleng abuso mula sa mga tagapagpatupad ng batas.
Bilang miyembro ng House Committee on Public Order and Safety sa Ika-19 na Kongreso, ibinahagi ni Yamsuan na may mga pagkakataong ginamit sa mga pagdinig ang CCTV footage bilang ebidensya sa mga abuso ng ilang pulis, gaya ng sa mga buy-bust operations.
Imbes na paunti-unting ordinansa mula sa bawat LGU, nais ni Yamsuan na ipasa bilang batas ang kanyang panukala para saklawin ang lahat ng mga negosyo sa buong bansa na may 20 o higit pang empleyado, o may transaksyong ₱50,000 pataas kada araw.
Sakop ng panukalang batas ni Yamsuan ang mga sumusunod (ngunit hindi limitado sa):
• Mga restawran
• Ospital
• Mall at shopping centers
• Sinehan at teatro
• Pamilihan at grocery
• Entertainment centers
• Opisina, bodega, at cockpit arenas
Ayon sa kanya, dapat panatilihing maayos ang kondisyon ng mga CCTV, at naka-record ito 24/7 o buong araw at buong linggo.
Itatadhana rin sa kanyang panukala ang mga probisyon sa privacy at pagiging kompidensyal ng datos, gayundin ang mga parusa sa mga lalabag sa batas.
(END)
———
AFTER NEWS OPINION: CCTV sa mga Negosyo—Proteksyon, Hindi Pasanin
Makatuwiran at napapanahon ang panukala ni Congressman-elect Brian Raymund Yamsuan na gawing obligado ang paglalagay ng CCTV sa mga negosyong may sapat na laki o kita. Hindi ito dagdag na pasanin kundi isang pamumuhunan sa seguridad—hindi lamang ng negosyo, kundi ng buong komunidad.
Sa panahon ng matinding krimen, karahasan, at minsan pa’y mga insidente ng pang-aabuso ng kapulisan, ang CCTV ay hindi na luho—ito’y pangunahing kagamitan sa katarungan. Ang simpleng camera sa isang sulok ng gusali ay maaaring maging saksi sa katotohanan at proteksyon laban sa paninirang-puri, pagnanakaw, o karahasan.
Ang isa pang mahalagang aspeto ng panukala ay ang proteksyon hindi lang sa mga kustomer kundi pati na rin sa mga empleyado. Maraming kaso ng workplace harassment, pilferage, at pananakit ang naresolba dahil sa mga video recording. Bukod dito, isa rin itong depensa ng mga may-ari ng negosyo laban sa mga maling paratang.
Hindi rin nalilimutan ni Yamsuan ang aspeto ng data privacy. Ang kanyang panukala ay malinaw na may probisyon ukol sa pagiging kumpidensyal ng mga datos—isang mahalagang detalye na magbibigay-katiyakan sa publiko.
Kung maipapasa ang batas na ito, lalo na kung may malinaw na guidelines, suporta sa maliliit na negosyo, at sapat na monitoring, ito ay magiging epektibong hakbang tungo sa mas ligtas, mas disiplinadong lipunan.
Ito ang klase ng batas na hindi lamang reactive kundi preventive—umiiral hindi lang pagkatapos ng krimen kundi upang ito’y maiwasan. Panahon na para gawing bahagi ng bawat gusali ang mga matang nakatingin para sa kapakanan ng lahat.
ooooooooooooooooooooooo
JOLO REVILLA, NANAWAGAN SA DFA NA MAGLUNSAD NG MALAWAKANG REPATRIATION PLAN HABANG LUMALALA ANG BANTA NG DIGMAAN SA GITNANG SILANGAN
Nanawagan si Cavite 1st District Representative Jolo Revilla sa Department of Foreign Affairs (DFA) na agad na bumalangkas ng isang malawakang preemptive repatriation plan para sa lahat ng Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Gitnang Silangan, sa gitna ng lumalalang tensyon sa pagitan ng Iran at Israel na nagbabanta nang maging malawakang digmaang rehiyonal.
Hinimok din ni Revilla ang Kongreso na maging handa sa pagbibigay ng karagdagang pondo at sa mabilisang pagpasa ng mga emergency measure upang suportahan ang operasyon ng DFA at Department of Migrant Workers (DMW).
“Ang ating mga OFW ay siyang bumubuhay sa ekonomiya at dangal ng sambayanang Pilipino. Ang kanilang proteksyon ay hindi lamang obligasyong moral—ito ay isang sagradong tungkulin,” ani Revilla.
Nagbabala rin ang mambabatas na ang patuloy na tensyon sa pagitan ng Tehran at Tel Aviv ay humihila na ng mga kaalyadong puwersa at mga grupong proxy sa rehiyon, na maaaring magbunsod ng kaguluhan sa mga karatig-bansa gaya ng Saudi Arabia, United Arab Emirates, Bahrain, Qatar, Kuwait, Iraq, Jordan, at Lebanon, kung saan libu-libong Pilipino ang nagtatrabaho.
“Hindi na ito simpleng digmaan ng dalawang bansa—isa na itong krisis na may malawak at malalim na epekto,” ani Revilla. “Ang ating mga OFW ay nasa gitna ng mapanganib na lugar. Dapat kumilos na agad ang pamahalaan bago pa magsara ang mga border at mawalan ng akses sa mga rutang pangkomersyo.”
Hinimok ni Revilla ang DFA, sa mahigpit na koordinasyon sa DMW, na paigtingin ang aksyon ng lahat ng embahada at konsulado sa Gitnang Silangan upang agad na suriin ang kalagayan sa lupa, tukuyin ang mga evacuation corridor, maghanda ng mga suplay, at isakatuparan ang mga emergency protocol.
Binigyang-diin din niya ang pangangailangang bumuo ng inter-agency task force na tututok lamang sa repatriation, transportasyon, at reintegration ng mga OFW na maaaring mapilitang lumikas sa kani-kanilang mga bansang pinagtatrabahuhan.
“Ito ay isang worst-case scenario na hindi na natin dapat ipagwalang-bahala. Buhay ng ating mga kababayan ang nakataya,” giit ni Revilla. “Huwag na nating hintayin pang magkaroon ng isa pang krisis tulad ng sa Lebanon o Libya bago tayo kumilos.” (END)
———
OPINION: Huwag Na Tayong Maghintay ng Sakuna — Kumilos Habang Maaga
Wasto, maagap, at makabayan ang panawagan ni Congressman Jolo Revilla para sa isang malawakang repatriation plan sa Gitnang Silangan. Sa harap ng lumalalang tensyon sa pagitan ng Iran at Israel, hindi natin puwedeng iasa sa kapalaran ang kaligtasan ng libu-libong Pilipinong manggagawa sa mga bansang maaring madamay sa gulo.
Mahalagang tandaan: ang OFWs ang tinaguriang “bagong bayani” ng bansa, at sila rin ang patuloy na bumubuhay sa ating ekonomiya. Hindi sapat ang pasasalamat—dapat itong sabayan ng konkretong aksyon lalo na kapag ang kanilang buhay ay nasa panganib.
Ang kanyang mungkahi na magkaroon ng inter-agency task force at aktibong koordinasyon sa mga embahada ay hindi lamang praktikal, ito ay isang makataong tugon sa isang krisis na unti-unti nang umiigting. Nakita na natin sa kasaysayan kung paano naging mapaminsala ang kawalan ng kahandaan sa mga biglaang sigalot tulad ng sa Lebanon noong 2006 at Libya noong 2011.
Kung totoo ang malasakit natin sa ating mga kababayan sa ibang bansa, ngayon ang panahon para gumalaw. Hindi tayo dapat maghintay ng balita ng pagkamatay, pagka-hostage, o pagkakahiwalay sa pamilya bago tayo magdesisyon. Ang preemptive repatriation ay hindi kahinaan; ito ay katalinuhan at pag-iingat.
Ang panawagan ni Revilla ay hindi dapat balewalain—ito ay panawagan ng isang lider na may malasakit at may malasang tumingin sa hinaharap. Ang tanong: makikinig ba ang gobyerno? O maghihintay na naman tayo hanggang huli na ang lahat?
Sa mga ahensyang may kapangyarihang kumilos—DFA, DMW, Kongreso—ang bola ay nasa inyo. Buhay ng ating mga kababayan ang nakasalalay.
ooooooooooooooooooooooo
VP Sara kinondena, mga lumagda sa impeachment hindi bayaran
Binatikos ng mga lider ng Kamara si Vice President Sara Duterte kaugnay ng pahayag nito na binayaran ang mga mambabatas na lumagda sa impeachment complaint na inihain laban sa kanya.
Sa isang panayam kamakailan sa Russian television, sinabi ni Duterte na ang mga lumagda sa reklamo ay hindi ito binasa at basta na lamang “binayaran.”
Mariing itinanggi ni House Assistant Majority Leader at Manila 1st District Rep. Ernesto “Ernix” Dionisio Jr. ang naturang paratang.
“I strongly, strongly denounce the statement na binayaran. Mga salitang ganyan is trying to, you know, evade the real issue,” ani Dionisio sa isang press conference.
“The issue is there’s an impeachment complaint filed by a Filipino citizen, dinala sa Kongreso. We have to act upon it as a constitutional mandate by Congress,” aniya.
Dagdag pa niya: “That’s exactly what the House did. May batayan ba? May pamantayan? Yes. So that’s why it was elevated to the Senate. Now they’re there to act as impeachment court.”
Sinabi ni Dionisio na layunin lamang ng mga pahayag ni Duterte na ilihis ang atensyon mula sa mga seryosong tanong na inilahad sa complaint.
“Now ‘yung ibang rhetoric, ‘yung ibang comments is simply there to sort out the real issue. There are questions being raised in the impeachment complaint. The impeachment process is there for a reason. It shows accountability, transparency in government. So ‘yun ‘yung mandated duty ng ating Constitution. It should be followed to the letter,” ayon pa kay Dionisio.
“Hindi na ‘yung mga political stunts or political comments na para ma-evade ‘yung real issue. This is the best way to prove whether a person, a leader is guilty or not. Let’s go with the process. Let’s show the Filipino people that there is nothing to hide,” pagpapatuloy niya.
“Ipakita natin na patas ang gobyerno, na patas ang institusyon, at patas ang proseso as mandated by our Constitution. Doing so, the issues na nahaharap sa kahit sinong leader sa ating bansa—they will either be judged accordingly in history as tama ba o mali,” dagdag pa niya.
Samantala, mariin ding binatikos ni Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong, chairman ng House Ad Hoc Committee on Marawi Rehabilitation and Victims Compensation, ang mga pahayag ni Duterte at ipinagtanggol ang naging hakbang ng Kamara.
“The Articles of Impeachment were passed overwhelmingly by the House of Representatives,” ani Adiong.
“Compared to the devious acknowledgment receipts, the verified impeachment complaint has the blessing—it carries with it the blessing—of the Constitution. Sabi nga ni Cong. Ernix, the process wherein we ensure that our Constitution is alive and well,” dagdag pa niya.
Binigyang-diin ni Adiong na ang impeachment ay hindi lamang tungkol sa accountability kundi bahagi rin ng laban kontra sa kultura ng kawalang pananagutan.
“Iilan lang ang mga enumerated by the Constitution na mga impeachable officers. I guess apart from holding the principle of accountability to these public officials, it also carries with it our fight against the culture of impunity,” aniya.
“The reason why we’re holding these high officials accountable to their actions, because we do not want also the culture of impunity be the dominant rule of the day. So ‘yun ang issue doon,” dagdag ni Adiong.
Binalaan din niya na ang hindi pagsagot sa mga pahayag ni Duterte ay maaaring makasira sa mga institusyong itinatag para protektahan ang bansa.
“If we allow such remarks to go unchallenged, we do not only disregard this constitutional mandate given to us by the Constitution, given to the House of Representatives, but it also undermines constitutional mechanism. Isa ‘yan—ang impeachment process,” aniya.
Muling iginiit ni Adiong na natupad na ng Kamara ang tungkulin nito sa ilalim ng Konstitusyon.
“The framers of our Constitution—meron silang nilagay diyan sa sariling artikulo, Article XI—precisely because they think that the impeachment process, the impeachment mechanism, would actually stabilize our country,” ani Adiong.
“This is the way, this is the most legal and the most valid and the most legitimate way of holding those enumerated under the Constitution as impeachable officers accountable to their actions,” dagdag pa niya. (END)
———-
After News Komentaryo
Sa kabila ng umiinit na diskurso sa impeachment trial laban kay Vice President Sara Duterte, isa sa mga pinakamatitinding pagbatikos ay nagmula mismo sa kanyang bibig—na ang mga kongresistang lumagda sa reklamo ay “binayaran.” Ito ay hindi lamang mapanira; ito ay insulto sa buong institusyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Tama at makatwiran ang mariing pahayag ni Rep. Ernix Dionisio: “We have to act upon it as a constitutional mandate.” Ang impeachment complaint ay hindi isang larong pulitika—ito ay nakapaloob sa mismong balangkas ng ating Saligang Batas. Ang pagtawag sa mga mambabatas na bayaran ay hindi lang pambabastos sa kanilang personal na integridad, ito rin ay isang direktang pagyurak sa konstitusyonal na proseso.
Higit pa rito, itinuring ni Rep. Zia Alonto Adiong ang naturang pahayag bilang banta sa katatagan ng mga institusyon. Aniya, ang impeachment ay hindi lamang ukol sa accountability—ito ay bahagi ng patuloy na laban kontra sa kultura ng impunity, kung saan ang makapangyarihan ay nakaliligtas sa pananagutan.
Sa harap ng mabibigat na alegasyon—gaya ng paggamit ng confidential funds sa loob ng 11 araw, pagbibitiw ng banta laban sa Pangulo at iba pang opisyal ng gobyerno, at iba pang usaping may kinalaman sa tiwala ng publiko—ang inaasahan sana ay pagharap, hindi paninira.
Kung tunay na walang kasalanan si VP Duterte, bakit kailangang gumamit ng mga mapanirang pahayag? Ang pagbaling sa insulto ay tila isang pagtatangka upang iwasan ang sustansya ng usapin. Sa halip na ilahad ang kanyang depensa sa loob ng impeachment court, binubomba ng retorika ang publiko para madamay ang damdamin at lituhin ang katotohanan.
Mas mabigat pa ang isyu kung ang mga institusyong dapat ay nagsusulong ng hustisya ay pinapalabas na may bahid ng suhol. Kung hindi tutugunan ang ganitong mga paratang, baka hindi lamang mga pangalan ng mambabatas ang malusaw—baka pati tiwala ng bayan sa Kongreso ay tuluyang mapundi.
Ika nga ni Adiong, “The Constitution is alive and well.” Pero hindi ito mananatiling buhay kung tuloy-tuloy na lalapastanganin ang mga prosesong nakapaloob dito. Hindi sapat na sabihing popular ka, o isa kang frontrunner. Ang tanong: tumupad ka ba sa tungkulin, o nilabag mo ito?
Kaya sa puntong ito, dapat manindigan ang taumbayan at ang Senado—ipagpatuloy ang paglilitis. Ibigay ang tamang forum para sa ebidensya. Itaguyod ang katotohanan at igalang ang proseso. At kung may kasalanan, papanagutin. Kung wala, linisin ang pangalan sa paraang hindi nakakasira sa dangal ng ating mga demokratikong institusyon.
Ang impeachment ay hindi insulto. Ito ay kasangkapan ng Konstitusyon upang panagutin ang mga nasa kapangyarihan. At ang paghamak dito ay tila paghamak na rin sa sambayanang Pilipino.
oooooooooooooooooooooooo
Mataas na survey rating hindi lisensya para lumabag sa Konstitusyon— Chairman Zia Alonto Adiong
Kinondena ni Lanao del Sur 1st District Representative Zia Alonto Adiong ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na politically motivated ang inihaing impeachment case laban sa kanya dahil siya ay frontrunner sa 2028 presidential race.
Ayon kay Adiong ang pahayag ni Duterte ay “a distraction from the real issues of accountability.”
“Let me be very clear: being a front-runner is not a defense against serious allegations. It is not a shield from investigation, nor is it a justification for violating the Constitution,” ayon kay Adiong, Chairman ng House Ad Hoc Committee on Marawi Rehabilitation and Victims Compensation.
“Hindi lisensya ang pagiging frontrunner para gumawa ng krimen o lumabag sa Konstitusyon. Popularity is not immunity,” diin niya.
Nauna nang sinabi ni Duterte na may mga mambabatas na tumanggap ng pera para suportahan ang impeachment complaint laban sa kanya.
“That allegation is outrageous, malicious, and utterly beneath the dignity of the Office of the Vice President. For her to claim—without a shred of evidence—that we were paid off to do our constitutional duty is an insult to every member of the House of Representatives,” ani Adiong, na halatang galit.
“We signed the impeachment complaint because we believe in accountability—not because we were bought. This institution is not for sale,” dagdag ni Adiong.
Binigyang-diin ng mambabatas mula Mindanao na hindi isang political ambush ang impeachment kundi resulta ito ng isang transparent na proseso na sinunod ang Konstitusyon at alituntunin ng Kamara.
“Vice President Duterte cannot claim political persecution while evading the substance of the charges—misuse of confidential funds, threats against the President, and questions over her involvement in state-sanctioned killings. These are matters of public interest, not partisan games.”
Binalaan din ni Adiong na ang paggamit ng disimpormasyon at pagganap bilang biktima ay nakasisira sa mga demokratikong institusyon.
“We do not impeach people because they are popular. We impeach when the law is broken. That is our duty. That is our mandate under the Constitution. No one is above it—not even the most powerful public officials,” ani Adiong.
Hinimok ng mambabatas si Duterte na harapin ang proseso nang may dignidad at iwasan ang mga pahayag na maaaring makapagdulot ng pagkakabaha-bahagi at pagkalito sa taumbayan.
“Let the truth come out in the proper forum. We are not afraid of scrutiny—and neither should she be, if her conscience is clear,” ani Adiong. (END)
————
After News Opinyon
Sa harap ng mga alingasngas at pampulitikang pag-atake na umiikot sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte, isa na namang matapang at makatwirang tinig ang nagpaalala kung saan dapat nakatuntong ang usapin: hindi sa popularidad, kundi sa pananagutan sa ilalim ng batas. At sa puntong ito, tama at malinaw ang pahayag ni Rep. Zia Alonto Adiong: “Popularity is not immunity.”
Ang paggamit ng pagiging “frontrunner” sa 2028 presidential elections bilang kalasag laban sa impeachment ay hindi lamang palusot—ito ay isang tahasang pag-iwas sa tunay na isyu: may nilabag bang batas? May inabuso bang kapangyarihan? May ginamit bang pondo nang hindi wasto? Hindi dapat pinapalitan ng drama ang due process.
Kung tunay na ang impeachment ay isang “political ambush” gaya ng sinasabi ni VP Duterte, nasaan ang ebidensya? Ang pag-aakusa sa mga mambabatas na tumanggap ng pera para suportahan ang complaint, na walang kahit katiting na patunay, ay hindi lang insulto—ito ay pagsira sa integridad ng buong institusyon ng Kamara.
Tama si Adiong: “This institution is not for sale.” Ang mga pahayag ni VP Duterte na tulad nito ay malinaw na pagtatangka upang ilihis ang usapin at gawing personal ang laban, kaysa harapin ang bigat ng mga alegasyon—maling paggamit ng confidential funds, pagbabanta sa kapwa opisyal ng gobyerno, at pagkakaugnay sa umano’y extrajudicial killings. Hindi ito invention ng pulitika—ito ay usapin ng interes ng bayan.
Ang lalong nakakabahala ay ang paggamit ng disimpormasyon at pagpapakilalang biktima ng “political persecution.” Sa isang bansang matagal nang dumaranas ng kahinaan sa mga institusyon at kawalang-tiwala sa gobyerno, ang ganitong retorika ay hindi lang mapanlinlang—ito ay mapanganib. Winawasak nito ang pundasyon ng demokrasya: ang pananagutan, ang katotohanan, at ang tiwala ng publiko sa hustisya.
Hindi rin maaring palampasin ang mensahe ni Adiong sa lahat ng opisyal ng pamahalaan: Ang pagsunod sa Konstitusyon ay hindi opsyon—ito ay obligasyon. Walang sinuman, gaano man kataas ang survey rating, ang dapat mailagay sa itaas ng batas.
Ang panawagan na “Let the truth come out in the proper forum” ay isang paalala na ang sagot sa impeachment ay hindi sa media, hindi sa social media, at lalong hindi sa insulto o drama sa entablado ng pulitika—ito ay sa loob ng impeachment court, sa ilalim ng ilaw ng katotohanan, at sa gabay ng Konstitusyon.
Sa huli, kung malinaw ang konsensya, hindi kailangang umangal—harapin ang proseso, sagutin ang tanong, at hayaang magsalita ang ebidensya. Yan ang diwa ng tunay na pamumuno.
oooooooooooooooooooooooo
Bobo remark ni VP Sara hindi nararapat sa pamantayan ng pagiging mataas na opisyal ng bansa
Dalawang lider ng Kamara ang bumatikos kay Vice President Sara Duterte dahil sa paggamit nito ng salitang “bobo” bilang tugon sa mga tanong ukol sa kanyang madalas na biyahe sa ibang bansa.
Ayon kina House Assistant Majority Leader at Manila 1st District Rep. Ernesto “Ernix” Dionisio Jr., at Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto hindi nararapat sa isang lider ng bansa ang ganitong pananalita at sinisira nito ang pamantayan ng pagiging isang opisyal ng gobyerno.
“It’s uncalled for,” ani Dionisio, bilang reaksiyon sa sinabi ni Duterte na ang mga kapwa niya nasa administrasyon na pumupuna sa kanyang mga biyahe ay sadyang nagpapaka-mangmang o simpleng “bobo.”
“Each leader—same goes with House members—each position, basta leader ka ng isang bansa, there’s a certain decorum that you should follow,” ani Dionisio sa isang press conference.
“I believe respect begets respect. Wala namang mararating ‘yung mga name-calling o pagtatapon natin ng di magagandang salita sa kapwa natin,” dagdag pa niya.
Iginiit ni Dionisio na inaasahang maging huwaran ang mga opisyal ng gobyerno, lalo na sa kabataan.
Binigyang-diin niya si President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. bilang halimbawa ng isang lider na patuloy na nagpapakita ng hinahon sa kabila ng mga batikos.
“Sa dami-dami ng tinatapon na putik sa kanya, this is my own opinion, he maintains that decorum of being a good leader, setting example to the youth and the generations coming ng ating bansa na talagang nagbibigay pa rin siya ng respeto,” aniya.
“Being an objective leader is what we need. Name-calling and other bad words na ginagawa, I don’t think it’s really called for,” dagdag pa ni Dionisio.
Nagpahayag din ng pagkabahala si Adiong hinggil sa asal at prayoridad ng Pangalawang Pangulo, lalo na kaugnay ng paulit-ulit nitong pagbiyahe sa labas ng bansa.
“She has her obligation here in the country. So I guess the question really is about the frequency of her travels abroad. Kasi ‘pag ikaw ay opisyal, you are also expected by the public to be present every time in areas where you are supposed to serve,” ani Adiong.
Bagamat hindi na siya nagulat sa naging pahayag ni Duterte, binigyang-diin ni Adiong na dapat ay mas mataas ang pamantayan sa diskurso ng mga opisyal ng gobyerno.
“That’s why we, as public officials, also have to call out whenever there are utterances or words, phrases that come out individually, not just specifically citing the Vice President,” aniya.
“But as public officials, we must maintain—sabi nga ni Cong. Ernix—at least a semblance of respect and diplomacy whenever we engage with other public officials,” dagdag pa niya.
Pinaliwanag niya na ang mga salita ng Pangalawang Pangulo ay hindi lamang repleksyon ng kanyang pagkatao kundi ng opisina na kanyang kinakatawan.
“When she speaks about certain things and utterances, certain words, it does not only reflect her own personality but also reflects the office that she occupies, which to us should be held to higher standards,” ani Adiong.
Hinimok niya ang mga opisyal ng pamahalaan na ituon ang pansin sa esensya ng mga usapin kaysa sa mga insulto.
“I hope that this kind of responses and utterances will be avoided so that public discourse, especially on national concerns and issues, will be based on the merits of the issue, based on the issue in itself rather than go down to personality attacks,” ani Adiong. (END)
——-
After News Opinyon
Ang paggamit ng salitang “bobo” ni Vice President Sara Duterte bilang tugon sa mga puna tungkol sa kanyang mga biyahe sa labas ng bansa ay hindi simpleng “pasaring”—ito ay isang malinaw na paglabag sa pamantayan ng katapatan, dangal, at dignidad na inaasahan sa isang mataas na opisyal ng pamahalaan. Sa mata ng publiko, ang ganitong asal ay hindi lamang bastos—ito ay nakakababa sa mismong institusyong kanyang kinakatawan.
Tama ang naging reaksiyon ng mga mambabatas na sina Rep. Ernix Dionisio at Rep. Zia Alonto Adiong. Sa bawat salita ng isang lider, higit lalo kung ito’y ipinahahayag sa harap ng publiko, kaakibat nito ang bigat ng kanyang opisina at ang inaasahang halimbawa sa taumbayan—lalo na sa mga kabataan. Ang pagpuna ay bahagi ng demokratikong proseso; ang pag-insulto ay pag-iwas sa responsibilidad.
Kung pagbabatayan ang argumento ni Rep. Dionisio, “respect begets respect.” Hindi ba’t ang isang tunay na pinuno ay marunong magpaliwanag, hindi nanlalait? Ang pagpili ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na manatiling kalmado sa gitna ng mga batikos ay isang ehemplo ng pagiging estadista—isang asal na nararapat lamang tularan ng lahat ng nasa kapangyarihan, lalo na ng Bise Presidente ng bansa.
Samantala, itinuro rin ni Rep. Adiong ang mas malalim na usapin: ang obligasyon ng mga opisyal na maging present sa kanilang tungkulin. Totoo, may karapatan ang isang lider na bumiyahe para sa opisyal na layunin. Ngunit kapag ito ay madalas at walang malinaw na paliwanag, may karapatan ang taumbayan na magtanong. At ang dapat na tugon sa mga tanong na ito ay hindi insulto, kundi paliwanag na may respeto.
Ang paglabas ng salitang “bobo” ay hindi lamang pananakit sa kapwa opisyal—ito ay pagtatangkang ilihis ang usapan mula sa tunay na isyu: May basehan ba ang mga biyahe? May kaugnayan ba ito sa mandato ng Bise Presidente? May transparency ba sa paggastos? Sa halip na sagutin ang mga ito, piniling mambastos—at sa ganitong paraan, tinatanggihan ang pananagutan.
Sa huli, tama si Rep. Adiong: ang bawat salita ng isang opisyal ay repleksyon ng opisina. At kapag ang opisyal ay nagbitiw ng salita na hindi ayon sa dignidad ng kanyang puwesto, nadudungisan hindi lamang ang kanyang pangalan kundi ang buong institusyong kanyang kinakatawan.
Kung nais natin ng mahinahong diskursong pampubliko, magsimula ito sa taas. At kung ang mga lider ay hindi marunong magbigay ng respeto, paano pa natin maaasahan na sila’y rerespetuhin ng sambayanan? Ang pagiging lider ay hindi lamang kapangyarihan—ito ay pananagutan. At minsan, nagsisimula ito sa pagpili ng tamang salita.
oooooooooooooooooooooooo
Anong dahilan ng Senate impeachment court para ibasura ang impeachment case ni VP Sara?
Nagbabala ang mga lider ng Kamara na hindi maaaring basta na lamang ibasura ng Senate impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte nang walang paglilitis gaya ng nakasaad sa Konstitusyon.
Binibigyang-diin ni House Assistant Majority Leader at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na ang verified complaint na inihain laban kay Duterte ay naglalaman ng mga seryosong paratang na malalaman kung totoo o hindi sa isasagawang paglilitis.
Sinabi ni Adiong na may konstitusyonal na tungkulin ang mga senador na ituloy ang paglilitis at mula rito sila ay magdedesisyon kung guilty o hindi ang nasasakdal.
“It’s either you convict or you acquit. Wala naman pong problema kung ang mga senador ay mag-a-acquit or mag-co-convict,” ani Adiong, binigyang-diin na parehong konstitusyonal ang dalawang kinalabasan ngunit dapat dumaan sa due process.
Malakas ang naging reaksiyon ni Adiong nang tanungin ukol sa posibilidad na ibasura ng Senado ang Articles of Impeachment kahit wala pang paglilitis.
“It's not the question of can they do it. It's a question of why should they do it. Tama ba na i-junk itong impeachment? Verified impeachment na complain na ito na ang pinag-uusapan dito ay pera ng taong-bayan. Mga allegations that constitute high crimes tantamount to betrayal of public trust, among others, laid down in the Constitution,” giit niya.
“The public deserves to know the truth. The public deserves to know kung saan napunta ‘yung kanilang pera. And the only way for us to find out and to also, at the same time, give due process to the defendant is by holding the impeachment process and to continue on with the impeachment trial,” dagdag pa niya.
Ang pahayag ay kasunod ng posibilidad na binanggit ni Senate President Chiz Escudero na maaaring i-dismiss ng Senado, na uupong impeachment court, ang kaso sa pamamagitan ng majority vote.
Nagpahayag ng pangamba ang mga lider ng Kamara sa naturang posibilidad at iginiit na obligasyong konstitusyonal ang ituloy ang paglilitis.
Kinuwestiyon din ni House Assistant Majority Leader at Manila Rep. Ernesto “Ernix” Dionisio Jr. ang legal na basehan ng anumang mosyon na ibasura ang kaso nang walang buong pagdinig.
“I don’t see any reason why. The Constitution specifically says to try and decide,” aniya.
Nagbabala rin si Dionisio na ang ganitong mga hakbang ay maaaring makasira sa inaasahang impartiality ng mga senador-judges.
Binigyang-diin din ni Adiong na karapat-dapat malaman ng mamamayang Pilipino ang katotohanan sa mga paratang, partikular sa ginastos ni Vice President Duterte na P125 milyon na confidential fund sa loob lamang ng 11 araw noong 2022.
“The public, the Filipino people deserve to know what happened with the P125 million allegedly spent in just 11 days. These are serious allegations,” aniya.
Dagdag pa niya na ang mga verified impeachment complaint ay hindi basta “mere scrap of paper” at hindi dapat basta-bastang ibasura nang hindi naririnig ang ebidensiya.
“So kung ‘yung tanong nila na baka ma-junk, I think the public should ask and the question that must be answered is dapat ba talaga?” sabi ni Adiong.
Sumuporta si Dionisio sa pananaw na ito, at sinabing sinumang senador na nagtutulak ng dismissal nang walang ebidensiya ay nilalabag ang kanilang tungkuling konstitusyonal.
“Each senator should act impartial whether or not they are in favor of the accused or not. You should do your part in your job as a Senate judge,” aniya.
Inamin ni Adiong na may ilang senador na maaaring may desisyon na, ngunit iginiit niya ang kahalagahan ng pagtuloy sa proseso.
“I admit that there are senators who have already pre-judged the outcome… but allow the process to proceed, because that’s what the Constitution says,” dagdag niya.
Tinukoy rin ni Adiong ang gabay ng Korte Suprema sa impeachment kay dating Chief Justice Renato Corona noong 2012, kung saan sinabi na kapag nag-convene na ang Senado, obligasyon nitong ituloy ang paglilitis.
“It’s not even an option for the Senate… it’s their obligation,” aniya. (END)
—————
After News Opinyon
Sa gitna ng patuloy na tensyon sa usapin ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte, malinaw at matapang ang pahayag ng mga lider ng Kamara: hindi maaaring basta-basta ibasura ng Senado ang Articles of Impeachment nang walang pormal na paglilitis. At tama sila—hindi ito tanong ng kaya bang gawin, kundi nararapat bang gawin.
Binibigyang-diin nina Reps. Zia Alonto Adiong at Ernesto “Ernix” Dionisio Jr. na ang impeachment ay hindi simpleng prosesong politikal. Ito ay konstitusyonal na tungkulin ng dalawang sangay ng Kongreso: ng Mababang Kapulungan bilang taga-akusa, at ng Senado bilang tagapaghukom. Kapag nilaktawan ng Senado ang mismong paglilitis at agad na ibinasura ang kaso, ito ay hindi lang shortcut sa hustisya—ito’y tahasang paglabag sa mandatong iniatang sa kanila ng Saligang Batas.
Kung susuriin, ang sinasabi ng Konstitusyon sa Article XI, Section 3 ay malinaw: “The Senate shall have the sole power to try and decide all cases of impeachment.” Ang salitang “try” ay hindi pinalamutian. Hindi ito optional. Hindi ito pwedeng palitan ng “dismiss outright.” Ang ibig sabihin: kailangang dumaan sa proseso, marinig ang ebidensya, at hayaang magdesisyon batay sa merito, hindi sa estratehiya o pulitika.
Ang mga alegasyon laban kay VP Duterte ay seryoso at hindi dapat balewalain—P125 milyong confidential funds na umano’y naubos sa loob ng 11 araw; mga paratang ng betrayal of public trust, grave abuse of discretion, at obstruction of legislative oversight. Ang mga ito ay hindi simpleng administrative lapses—ito ay mga isyung tumatagos sa integridad ng pamahalaan at pananagutan ng mga nasa kapangyarihan.
Kung ibabasura ito ng Senado bago pa man masimulan ang pagtalakay sa mga ebidensya, anong mensahe ang maiiwan sa sambayanan? Na ang impeachment ay maaari palang gamitin lamang kung hindi ka kapanalig? Na ang due process ay para lang sa mga hindi makapangyarihan?
Ipinunto rin nina Adiong at Dionisio ang moral imperative ng mga senador: magpakatotoo bilang huwes. Ang sinumang senador na pipilit na ipasara ang kaso nang hindi man lang ito narinig ay hindi lamang lumalabag sa Konstitusyon—nilalabag din nito ang tiwala ng taumbayan.
Ang pagkukumpara sa impeachment trial ni dating Chief Justice Renato Corona noong 2012 ay mahalaga. Sinabi noon ng Korte Suprema: kapag ang Senado ay nag-convene bilang impeachment court, wala na itong opsyon kundi ang ituloy ang paglilitis. Iyon ang pamantayang dapat ulitin ngayon.
Kaya’t ang tanong na dapat nating itanong ay hindi kung “puwede ba?” kundi “dapat ba?” At kung ang sagot ay hindi, dapat itong maging dahilan para tayo’y magtanong: Kanino ba talaga naglilingkod ang ating mga institusyon? Sa Saligang Batas, o sa kapangyarihan?
Sa huli, gaya ng sinabi ni Rep. Adiong: “The public deserves to know.” At hindi kailanman dapat hadlangan ng taktikang pampulitika ang paghahanap ng katotohanan.
oooooooooooooooooooooooo
Panawagan ni Chairman Acidre: Panatilihin legasiya ng San Juanico bridge sa pag-unlad, pagkakaisa, pangarap
Nanawagan si House Committee on Overseas Welfare Affairs Chairman Jude Acidre ng Tingog Party-list sa lahat, kasama ang mga kritiko, na alalahanin at pangalagaan ang pamana ng San Juanico Bridge sa larangan ng kaunlaran, pagkakaisa, at malalaking pangarap.
Ginawa ni Acidre ang panawagan matapos sabihin ni Vice President Sara Duterte na nainis siya nang makita niya sa kanyang flight papuntang Australia ang isang advertisement na nagpo-promote sa iconic bridge na nag-uugnay sa mga isla ng Leyte at Samar bilang isang tourist spot.
“Paano naging tourist spot ang 2.6km (it’s actually 2.16 kilometers) na bridge? Ang bridge sa China papunta sa Shenzhen, papunta sa Macau, papunta sa HongKong, gaano kahaba? 264km (the HK-Macau-Zhuhai is 55 kilometers long) Yun ang tourist spot. Yun ang modernization. Yun ang infrastructure, hindi ang 2.6km na ngayon nagkakagulo pa [kung] paano ayusin,” sabi ni Duterte sa kanyang mga tagasuporta sa Melbourne.
Sa isang pahayag, sinabi ni Acidre na marami ang nag-uusap tungkol sa iconic bridge na itinayo noong panahon ng unang administrasyon ni Marcos at siyang nag-uugnay sa mga isla ng Leyte at Samar, bagamat ang iba ay may kasamang pangungutya.
Para kay Acidre, ang estrukturang ito ay “more than just a tourist attraction…It’s more than a ribbon of steel and concrete stretching across the San Juanico Strait. The San Juanico Bridge is a powerful symbol of progress.”
“It was built during a time when our country dared to dream big, when our leaders imagined something bold and beautiful, and they actually made it happen. We didn’t just build a bridge; we built a statement. A statement that we, too, could rise, create, and inspire. It was a marvel of engineering in its time, and even today, it continues to awe,” ani Acidre.
Saad pa ni Acidre “that there was a time when the Philippines was ahead of the curve in Asia, when we were showing others what was possible. It was a season of ambition. A moment when we believed that the best days of our country lay just ahead.”
Dagdag pa ni Acidre, ang San Juanico Bridge ay isa ring simbolo ng kapayapaan, paghilom, at pagkakasundo.
“Not everyone knows this, but the San Juanico Bridge was financed through the war reparation payments of Japan. Imagine that. Decades after the devastation of World War II, two nations, once enemies, found common ground. They found the courage to look forward, to invest in peace, and to rebuild trust,” diin niya.
“The bridge isn’t just a piece of infrastructure; it’s a testimony that even the deepest wounds can heal, that forgiveness and partnership are possible. It teaches us that peace isn’t just the absence of conflict. It’s the act of building something new, something better, together. And more than anything, it is a symbol of unity,” aniya.
Ayon kay Acidre, pinag-uugnay ng tulay na ito ang dalawang isla na may kanya-kanyang kasaysayan, dayalekto, at kultura, “and yet reminds us that we are one region, one nation, one people.”
“It weaves together stories of commerce and community, of family ties and shared aspirations. It bridges the dreams of farmers and fisherfolk, of students and professionals, of entrepreneurs and everyday citizens who cross it each day with hope in their hearts. It’s a literal and figurative connection, proof that geography doesn’t have to divide, it can unite,” sabi pa niya.
Idinagdag ng kinatawan ng Tingog Party-list na si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, kinatawan ng unang distrito ng Leyte, ay lubos na nauunawan ang kahalagahan at pamana ng San Juanico Bridge.
Kaya naman, aniya, ang lider ng Kamara ay tahimik ngunit tuloy-tuloy na kumikilos sa likod ng mga pangyayari upang tiyaking hindi mapag-iiwanan ang San Juanico Bridge.
“He knows its importance, not just as a lawmaker, but as a son of this region. He understands that this isn’t just about fixing a bridge; it’s about preserving a legacy, restoring faith, and reigniting a sense of pride. That’s why he’s not only pushing for the bridge’s immediate rehabilitation, but is also advocating for something even more visionary: the construction of a second San Juanico Bridge. Because in a time when others build walls, we should be the ones building bridges, literally and figuratively,” ani Acidre.
Sinabi rin niya na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay naiintindihan din ang sitwasyon.
“Because anyone whose roots in Eastern Visayas truly run deep knows the promise of this region, and believes in its future. He knows that real leadership isn’t about playing the blame game. It’s not about revisiting the mistakes of yesterday. It’s about boldly choosing the path toward a better tomorrow. And that’s why the support of national leadership matters because when the President believes in us, it gives the rest of the country a reason to believe, too,” ani Acidre.
Hinimok ni Acidre ang lahat na alalahanin kung ano talaga ang San Juanico Bridge.
“It’s not just a line on a map. It’s a living legacy. A tribute to what we can achieve when we dream big, work together, and refuse to give in to small-mindedness. It reminds us of what we’ve overcome and what we can still become. It is our monument to progress, our reminder of peace, our icon of unity,” aniya.
“Let’s not allow cynicism or conflict to tarnish that meaning. Let’s protect it, not just the physical bridge, but everything it stands for…Let’s not just cross bridges. Let’s build them. Together,” sabi pa ni Acidre. (END)
———
After News Opinyon
Ang panawagan ni House Committee on Overseas Welfare Affairs Chairman Jude Acidre ay isang makapangyarihang paalala na sa bawat tulay na itinatayo ng ating bansa—lalo na ang San Juanico Bridge—ay may kasaysayan, kahulugan, at pangarap na hindi dapat balewalain o maliitin.
Habang pinuna ni Vice President Sara Duterte ang San Juanico bilang umano’y hindi karapat-dapat na ituring na tourist attraction, binigyang-linaw ni Acidre na ang tulay na ito ay hindi lamang sukatan ng haba. Hindi kailanman naging batayan ng kahalagahan ang kilometro ng isang imprastruktura kundi ang bigat ng simbolismo nito sa puso at kamalayan ng mamamayan.
Ang San Juanico Bridge ay hindi lamang bakal at semento—ito ay isang buhay na monumento ng pagsusumikap, pagkakaisa, at pagkalinga sa isang rehiyong matagal nang nangangarap ng kaunlaran. Sa panahon ng digmaan, ito ay bunga ng pagkakasundo. Sa panahon ng kapayapaan, ito ay tulay ng pag-asa.
Hindi dapat maliitin ang halaga ng tulay na ito dahil sa limitadong haba nito. Sa halip, dapat nating tingnan kung gaano kalawak ang naabot nitong epekto sa komunidad at kabuhayan ng Leyte at Samar. Araw-araw, daan-daang magsasaka, mangingisda, estudyante, manggagawa, at negosyante ang dumaraan dito—dala-dala ang kani-kanilang pangarap at pag-asa.
Marapat lamang ang pagkilala sa tahimik ngunit sistematikong pagsisikap ni Speaker Martin Romualdez na tiyaking hindi mapag-iiwanan ang San Juanico, kundi mapalalakas pa ito bilang regional lifeline. Ang pagsulong niya sa panukalang ikalawang San Juanico Bridge ay hindi lamang solusyon sa imprastruktura, kundi visionary leadership na tumutugon sa kasalukuyan habang tinatanaw ang hinaharap.
Tumpak din ang obserbasyon ni Acidre na sa panahon ngayon kung saan ang pulitika ay madalas puno ng paninisi at pagkakawatak-watak, ang liderato na nagpapalawak ng ugnayan at diyalogo ay kailangang pahalagahan. Tulad ng San Juanico Bridge, ang isang tunay na lider ay hindi naghihiwalay—nag-uugnay.
Sa huli, ang tanong ay hindi kung tourist spot ba ang San Juanico o hindi. Ang tanong ay: tinutulungan ba nating kilalanin, pangalagaan, at ipagmalaki ang mga simbolo ng ating pagkakaisa bilang isang bansa? Kung ang sagot ay oo, nararapat lamang na ang San Juanico ay ituring na higit pa sa isang estruktura—ito ay isang pamana ng pananampalataya sa kinabukasan.
At tulad ng sinabi ni Acidre, huwag tayong basta tumawid sa mga tulay—magtayo rin tayo ng mga tulay. Sama-sama.
ooooooooooooooooooooooo
Ombudsman inaksyunan alegasyon laban kay VP Sara bago pa man makita ang ebidensya— Rep Chua
Bago pa man makita ang ebidensya ng House Committee on Good Government ay umaksyon na ang Office of the Ombudsman sa mga alegasyon laban kay Vice President Sara Duterte, ayon kay Manila Rep. Joel Chua.
“The mere fact na in-adopt nila ang aming committee report nang hindi pa man din naka-attach doon ang mga ebidensya, eh ibig sabihin noon, nakikita po nila na meron na pong probable cause,” ani Chua, chairman ng Good Government committee at isa sa House impeachment prosecutor.
Ayon kay Chua, naipadala sa Ombudsman ang ulat ng komite noong Hunyo 16, anim na araw matapos itong aprubahan. Makalipas ang tatlong araw, inutusan ng Ombudsman si Duterte at iba pa na magsumite ng kanilang counter-affidavit.
“Bagamat doon sa isinumite naming committee report, hindi pa nakapaloob dito ‘yung mga ebidensya namin… masasabi namin na parang mabilis din ‘yung pangyayari,” ani Chua.
“So, medyo nagulat lang kami, pero maaasahan po ninyo na kami naman ay magko-comply dito,” dagdag pa ng kongresista.
Sinabi rin ni Chua na nagulat ang komite sa mabilis na aksyon ng Ombudsman, lalo na’t noong 2023 ay nagpahayag ito ng salungat na pananaw.
“This is a welcome development sa amin. Dahil kung maalala ninyo, noong November sinasabi ng ating Ombudsman na wala siyang nakikitang violation ng ating Bise Presidente. So sa pag-akto nila dito sa aming committee report, maaaring nag-iba na ang kanilang opinion,” sabi ni Chua.
Kung magsusumite ng counter-affidavit ang panig ni Duterte, sinabi ni Chua na hihiling sila ng sapat na panahon upang makapaghain ng kanilang sagot, na sa pagkakataong ito ay sasamahan na ng lahat ng dokumento at annexes na ginamit sa pagbuo ng ulat ng komite.
“Kami naman ay humihingi ng ilang palugit para makapag-submit naman ng aming reply. So we will cooperate,” ani Chua.
Nang tanungin tungkol sa pangamba ng ilang mambabatas sa naging hakbang ng Ombudsman bago pa magsimula ang impeachment trial sa Senado, sinabi ni Chua na may umiiral na batas na dapat sundin.
“Masasabi po natin na na-surprise din kami kasi itong ating Vice President ay impeachable officer. Nakalagay doon sa mandato [ng Ombudsman] ay dapat antayin muna ang maging resulta ng impeachment bago ma-file ang mga kaakibat na charges,” paliwanag ni Chua.
“Kaya medyo nasorpresa kami sa bilis ng trabaho ng ating Ombudsman. But just the same, ito ay wine-welcome namin at kami ay makikipag-cooperate fully,” dagdag ng mambabatas.
Nilinaw ni Chua na handa ang komite na tumulong sa legal na proseso at tiwala silang igagalang ang due process at mga patakaran sa Konstitusyon sa paghawak ng kaso laban sa mga impeachable official. (END)
————-
After News Opinyon
Isang bagong yugto sa kontrobersyal na impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte ang nabuksan sa pahayag ni House Good Government Committee Chair Rep. Joel Chua: bago pa man maisumite ang ebidensyang kalakip ng ulat ng Kamara, umaksyon na ang Office of the Ombudsman. Ang bilis ng pangyayaring ito ay kapwa ikinagulat at tinanggap ng mga miyembro ng prosecution panel—at sa mas malalim na pagbasa, ito ay maaaring magsilbing “turning point” sa usapin ng pananagutan ng mga mataas na opisyal ng pamahalaan.
Mahalagang bigyang-diin na ang Ombudsman ay isang independent constitutional body na may sariling kapangyarihang mag-imbestiga ng mga reklamo laban sa mga opisyal ng gobyerno. Subalit ang kanilang agarang pagtugon sa committee report kahit wala pang kalakip na dokumentaryo o pisikal na ebidensya ay nagpapahiwatig ng isang napakalakas na “prima facie” o unang tingin na batayan upang ituloy ang pormal na imbestigasyon.
Sa legal na pananaw, ito ay hindi pangkaraniwan. Sa pulitika, ito ay sensitibo. At sa pananaw ng publiko, ito ay isang welcome development na sana’y hindi matapos sa “pa-impress” kundi magbunga ng komprehensibo at makatarungang proseso.
Gayunman, may valid na punto si Rep. Chua: ang Office of the Ombudsman ay kailangang maging maingat sa pagkilos kapag ang sangkot ay isang impeachable officer gaya ng Bise Presidente. Ayon sa umiiral na batas at jurisprudence, dapat bigyang-halaga ang constitutional precedence ng impeachment process bago umusad ang iba pang kaso sa regular na korte. Kung mauuna ang aksyon ng Ombudsman sa panahong nakabimbin pa ang impeachment sa Senado, maaaring malagay sa alanganin ang jurisdictional harmonyng ating mga institusyon.
Kaya’t ang tanong ngayon: ang mabilis bang aksyon ng Ombudsman ay indikasyon ng urgency for accountability, o ito ba’y legal misstepna maaaring magamit pabor sa depensa ng Bise Presidente?
Anuman ang sagot, isang bagay ang malinaw: ang usapin ng confidential funds ay hindi na simpleng isyu ng disbursement—it now cuts across constitutional law, legal ethics, and political responsibility. At kung ang Kamara at Ombudsman ay parehong nananawagan ng due process, tungkulin ng bawat Pilipino na bantayan ang takbo ng prosesong ito.
Dahil sa bandang huli, ang tunay na tanong ay hindi lang kung may kasalanan ang isang opisyal—kundi kung may kakayahan ba ang ating mga institusyon na habulin, imbestigahan, at panagutin kahit sinong makapangyarihan. At ang kasagutan diyan ay magiging salamin ng uri ng pamahalaang mayroon tayo.
oooooooooooooooooooooooo
Chairman Chua suportado ang hindi pakiki-alam ni PBBM sa impeachment laban kay VP Sara
Ipinagtanggol ng isang miyembro ng House prosecution panel ang desisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na huwag makialam sa impeachment case na kinakaharap ni Vice President Sara Duterte.
Iginiit ni Manila 3rd District Joel Chua, na siya ring Chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability, na ang proseso ng impeachment ay isang natatanging tungkuling konstitusyonal ng lehislatura at ang desisyon ng Pangulo na umiwas dito ay hindi lamang makatuwiran kundi mahalaga upang mapanatili ang prinsipyo ng separation of powers.
“Ang impeachment po ay constitutional duty ng Senado at ng Kamara. Hindi po dito saklaw ang Ehekutibo,” ayon kay Chua sa isang press conference.
“So tama po ang ating Presidente. Ito po ay constitutional duty ng dalawang Congress—‘yung House at upper chamber which is the Senate,” dagdag pa niya.
Kamakailan, sinabi ni Pangulong Marcos sa media na wala siyang balak makialam sa impeachment proceedings, at binanggit ding ang marami na niyang responsibilidad na ginagampanan bilang pinuno ng ehekutibo.
Sinabi ni Chua na ang ganitong posisyon ng Punong Ehekutibo ay nararapat at dapat igalang.
“Siguro sa akin pong pananaw, mas maganda na hayaan na lang po natin ‘yung Palasyo na gampanan nila ang kanilang tungkulin bilang Punong Ehekutibo dahil marami rin pong dapat na tutukan ang ating Pangulo,” ani Chua.
Nang tanungin kung makakatulong ba sa prosekusyon ang kung magsasalita ang Pangulo upang ipahayag ang suporta sa impeachment o ang kahalagahan ng pananagutan, iginiit ni Chua na mas nararapat sa ngayon ang pagiging neutral ng Malacañang sa usapin.
Penrero nang aprubahan ng Kamara de Representantes ang impeachment laban kay VP Duterte dahil sa iba't ibang alegasyon, kabilang ang umano’y maling paggamit ng P125 milyong confidential funds na naubos sa loob lamang ng 11 araw noong Disyembre 2022.
Sa kabuuan, kinuwestiyon ang pamamahala ni Duterte sa P612.5 milyong confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education (DepEd), na kapwa niya pinamunuan.
Kabilang din sa mga paratang ang betrayal of public trust, culpable violation of the Constitution, grave abuse of discretion, at obstruction of legislative oversight.
Pitong Articles of Impeachment ang inaprubahan ng Kamara, na nagpapakita umano ng pattern ng pang-aabuso sa pondo ng bayan at paglabag sa mga mekanismo ng checks and balances sa gobyerno. (END)
—————
After News Opinyon
Ang pahayag ni House Good Government Chair Joel Chua na sumusuporta sa desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na huwag makialam sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte ay isang paalala sa lahat sa kahalagahan ng separation of powers sa ating demokratikong sistema.
Totoo ang sinabi ni Chua—ang impeachment ay isang natatanging constitutional process na nasa ilalim ng Kongreso, at hindi saklaw ng Ehekutibo. Sa kasaysayan ng Pilipinas, ang mga pagtatangkang pakialaman ng Malacañang sa mga impeachment proceedings ay kadalasang nagdudulot ng alingasngas, panghihinala, at minsan pa nga’y krisis pampulitika. Kaya ang paninindigan ng Pangulo na manatiling neutral ay hindi lamang makatarungan—ito ay statesmanlike.
Sa isang banda, may mga nagsasabing dapat magsalita si Pangulong Marcos upang idiin ang kahalagahan ng transparency at pananagutan sa pamahalaan. Ngunit kung titingnan sa mas malawak na konteksto, ang pananahimik ng Pangulo ay maaaring isang estratehikong pagpigil sa pagka-pulitika ng proseso. Kapag ang isang sitting president ay malinaw na nakikialam sa isang impeachment trial, agad itong nagkakaroon ng kulay—“yellow,” “dilawan,” “DDS,” o kung ano pa mang label.
Kaya’t sa kasalukuyang sitwasyon, ang pagiging tahimik ng Pangulo ay hindi kahinaan—ito ay respeto sa batas at proseso.
Gayundin, ang posisyon ni Rep. Chua ay nagpapakita ng lumalalim na maturity sa liderato ng Kamara. Sa halip na maghanap ng basbas mula sa Palasyo, pinipili nilang manindigan sa kanilang mandato. Ipinapakita nito na ang Kamara, bilang institusyon, ay maaaring kumilos nang may sariling paninindigan, hindi lamang sa gabay o basbas ng Malacañang.
Sa huli, ang isyu ng impeachment ay hindi dapat sentrohan ng pulitika, personalidad, o kapangyarihan. Ito ay dapat pagtuunan bilang isang mekanismo ng check and balance, kung saan ang mga pampublikong opisyal—kahit gaano pa kataas ang posisyon—ay hinaharap ang tanong: “Karapat-dapat ka pa bang pagtiwalaan ng taumbayan?”
At sa tanong na ito, dapat walang impluwensiya ng kapangyarihan, kundi tanging katotohanan at batas ang magpasya.
oooooooooooooooooooooooo
BAGONG MRT DISCOUNT PARA SA MGA ESTUDYANTE, SUPORTADO SA KAMARA
Ikinatuwa ni Cavite Second District Representative Lani Mercado-Revilla ang bagong inisyatibo ng Department of Transportation (DOTr) na magbigay ng fare discounts para sa mga estudyanteng sumasakay sa Metro Rail Transit (MRT)—isang hakbang na napapanahon para suportahan ang mas malawak na access sa edukasyon.
Sinabi ni Congresswoman Mercado-Revilla na welcome development ito lalo na para sa mga estudyanteng araw-araw na umaasa sa pampublikong transportasyon para makapasok sa eskwela.
Dagdag pa niya, alam ng lahat na malaki ang gastos sa pag-aaral, kaya anumang tulong na makakagaan sa kanilang gastusin ay malaking bagay na para sa mga mag-aaral at kanilang pamilya.
Kamakailan lamang, inilunsad ng DOTr ang pinalawak na discount program para sa mga estudyante na sasakay sa MRT, kung saan itinaas sa 50% ang student fare discount sa LRT-1, LRT-2, at MRT-3 sa Metro Manila.
Para kay Cong. Lani, ang hakbang na ito ay tugma sa mas malawak na mga inisyatibo para tugunan ang mga isyu sa sektor ng edukasyon.
"Bilang mga mambabatas, responsibilidad natin na tiyaking may access ang ating mga kabataan sa de kalidad na edukasyon. Isang konkretong paraan para maisakatuparan ito ay ang pagle-legislate ng mga public school institutions," sabi ni Cong Lani.
Ipinaliwanag niyang kapag naipasa bilang batas ang pagtaguyod ng isang paaralan, nagkakaroon ito ng fiscal autonomy—ibig sabihin, may kakayahan silang mag-hire ng sarili nilang staff, bumili ng mga kagamitan o ari-arian, at makatanggap ng direktang pondo mula sa General Appropriations Act (GAA). Sa ganitong paraan, mas nagiging matatag, self-sustaining, at mas mahusay ang serbisyo ng mga paaralan sa kanilang mga estudyante.
Isa sa mga landmark laws na naisulong ni Cong. Lani ay ang Republic Act No. 11946, na nilagdaan noong 2023 at naghihiwalay sa Bacoor National High School - Tabing Dagat Annex bilang isang independent na paaralan. Ito ngayon ay kilala na bilang Mariano Gomes National High School.
Noong 2024, naisabatas din ang Republic Act Nos. 12007 at 12008, na nagtatatag sa Progressive Senior High School at Progressive Elementary School sa Barangay Molino 2, Bacoor City, at lalong nagpalawak ng access sa basic at senior high education.
Ngayong taon, mas marami pang panukalang batas ni Cong. Lani ang naisabatas: Republic Act No. 12089, para sa Ciudad de Strike Integrated School sa Barangay Molino 1 at Republic Act No. 12090, para sa pagtatatag ng City of Bacoor National Science and Technology High School.
Kasama rin sa mga education-related house bills na akda ni Cong. Lani ang pagtaguyod ng mga sumusunod: Cavite State University - City of Bacoor Campus (HB 9803), REVILLA High School (HB 6974), Edilberto Evangelista Senior High School (HB 8721), Mariano Noriel Senior High School (HB 8722), at Sinbanali Senior High School (HB 9545).
Sa pamamagitan ng mga national programs gaya ng student fare discounts at mga makabuluhang batas na nagpapalawak at nagpapalakas sa education sector, naniniwala si Cong. Lani na sama-sama, tulong-tulong ay mabibigyan natin ng mas maliwanag na kinabukasan ang kabataan at pamilyang Pilipino.
————-
After News Opinyon
Ang pagbibigay ng 50% student fare discount sa MRT, LRT-1 at LRT-2 ay hindi lamang simpleng diskwento—ito ay isang makabuluhang hakbang tungo sa pagkakapantay-pantay sa access sa edukasyon. Sa panahon ng mataas na gastusin, kung saan ang pamasahe ay isa sa mga pangunahing balakid sa araw-araw na pagpasok ng maraming mag-aaral, ang ganitong uri ng inisyatiba ay tunay na game-changer para sa mga estudyanteng araw-araw na sumasakay ng tren upang makapasok sa paaralan.
Tama ang naging pahayag ni Congresswoman Lani Mercado-Revilla—anumang paraan upang mapagaan ang pinansyal na pasanin ng mga mag-aaral ay dapat ipagpasalamat at suportahan. Ngunit higit pa rito, ipinakita ng kanyang track record bilang mambabatas na ang kanyang suporta sa sektor ng edukasyon ay hindi lamang simboliko kundi sistematiko—sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga batas na lumilikha ng mga bagong paaralan, nagbibigay ng fiscal autonomy, at lumalawak sa abot ng serbisyo sa lokal na antas.
Ang mga batas na kanyang naisabatas—mula sa Bacoor hanggang sa barangay level—ay nagpapatunay ng pangmatagalang pananaw: hindi lamang dapat padaliin ang pagpasok sa paaralan, kundi tiyaking may de-kalidad na paaralang sasalubong sa mga estudyante. Ang integrasyon ng student fare discounts sa mga makro-level na patakarang ito ay nagpapakita ng malinaw na education roadmap—mula transportasyon, pasilidad, hanggang kurikulum.
Kung ating susumahin, ang mensahe ng bagong programang ito ay malinaw: kapag ang gobyerno at lehislatura ay nagkakaisa para sa kapakanan ng kabataan, nagkakaroon tayo ng mas inklusibo, makatao, at progresibong edukasyon. Hindi lang ito tungkol sa pisikal na pagdating ng estudyante sa paaralan, kundi sa pagbibigay sa kanya ng patas na pagkakataong umasenso.
Sa huli, ang ganitong inisyatiba ay paalala na ang edukasyon ay hindi lamang tungkulin ng mga guro o ng paaralan—ito ay isang pambansang proyekto na nangangailangan ng suporta mula sa bawat sektor, lalo na sa mga tagagawa ng batas. At sa mga mambabatas na tulad ni Cong. Lani na may konkretong ambag sa larangan ng edukasyon, ang tagumpay ng kabataan ay hindi malayong abutin.
oooooooooooooooooooooooo
VP Sara takot sa ebidensyang lalabas sa full-blown impeachment trial— De Lima
Takot umano si Vice President Sara Duterte na magkaroon ng isang full-blown investigation dahil lalabas doon ang mga ebidensya na magpapatunay ng mga alegasyon laban sa kanya gaya ng maling paggamit ng confidential funds, ayon kay dating senador at Representatives-elect Leila de Lima ng Mamamayang Liberal Partylist.
Sinabi ni De Lima na ang takot na ito ang nagpapaliwanag sa tila koordinadong estratehiya upang pahabain o hadlangan ang proseso sa Senado—kabilang ang paghahain ng mga legal na mosyon, mga biyahe sa ibang bansa, at ang posibleng paggamit ng desisyon ng Ombudsman upang maagang hadlangan ang paglilitis.
“You can say, they’re really scared. I mean VP Sara is scared,” ayon kay de Lima sa panayam ng Laban para sa Karapatan radio program nina Atty. Lorna Kapunan at Jaime Regalario sa dwIZ noong Sabado.
“This is really cause for concern kasi ang pinaka-objective is hangga’t maaari hindi dapat magkaroon ng trial proper. Hangga’t maaari hindi dapat lumabas ang mga ebidensya,” dagdag pa niya.
Kamakailan lamang, inatasan ng Office of the Ombudsman na pinamumunuan ng appointee ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na si Samuel Martires ang Bise Presidente na magsumite ng sagot sa mga kasong plunder, technical malversation, at iba pa, batay sa ulat na inaprubahan ng House Committee on Good Government.
Ang kautusang ito ay inilabas ilang linggo matapos aprubahan ng Kamara ang Articles of Impeachment laban kay Duterte na ngayon ay nakabinbin sa Senado.
Sinabi ni De Lima na kung ibabasura ng Ombudsman ang reklamo, maaari itong gamitin upang pahinain ang kaso ng prosekusyon laban sa Pangalawang Pangulo.
Nauna rito, tinangkang ipa-dismiss ni Sen. Ronald dela Rosa ang articles of impeachment, ngunit sa halip ay piniling ibalik ng Senado ang mga dokumento sa Kamara.
Ang hakbang na ito ay mariing pinuna ng mga legal expert at itinuring ng House prosecution bilang isang delaying tactic. Nagsumite rin ang kampo ni Vice President Duterte ng appearance “ad cautelam” sa impeachment court—na nagpapahiwatig ng posibilidad ng mga susunod pang procedural challenges.
Itinuro ni De Lima na ang sunod-sunod na mga aksyon—mula sa biglaang kautusan ng Ombudsman na magsumite ng counter-affidavit hanggang sa nakabinbing petisyon sa Korte Suprema na kinukuwestiyon ang pagpapasa ng Articles of Impeachment—ay nagpapakita ng isang pattern.
“Lahat ‘yan magkatugma-tugma. It could really part of the strategy, na ‘yan na nakikita na, nababasa na,” ani De Lima.
Pinuna rin niya ang patuloy na pagliban ni Duterte sa bansa sa gitna ng lumalalang usapin sa batas.
“Ito ang ginagawa niya ngayon, hindi mo na alam kung nagtatrabaho siya as VP. Kasi kung palagi na lang siyang abroad, nagme-meet ng mga supporters nila. The latest is that I think she’s going or she left already for Australia to meet up and to have again there some sort of a rally. Iyung pauwiin si former Pres. Duterte,” sabi ni De Lima.
Kumpirmado rin aniya na ang Articles of Impeachment ay may kasamang mga alegasyon na may kinalaman sa mga transaksiyon sa bangko at paggamit ng pekeng dokumento sa pagli-liquidate ng pondo ng bayan.
“Kasama nga ‘yun. Kasama nga ‘yun sa charges. There are about two articles dun sa articles of impeachment na covered yan. And I think, isa yan sa mga bagay sa mga charges na takot si VP Sara,” aniya.
Dagdag pa niya, tila ginagamit ni Duterte ang parehong legal at public relations na estratehiya upang kontrolin ang naratibo at guluhin ang proseso.
“So they’re doing everything. Sa legal side of course hiring a big firm and ang dami nila 16 lawyers. And then itong kanyang mga foreign trip blitz part of propaganda,” sabi ni De Lima. (END)
—————
Opinyon
Sa gitna ng umiinit na usapin sa nalalapit na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, lumutang ang matapang na pahayag ni dating Senadora Leila de Lima: “Takot si VP Sara sa isang full-blown impeachment trial.” Bagamat mapanlikha at matalim ang komentaryo, hindi ito basta opinyon lamang—ito’y binigyang-laman ng mga konkretong kilos at estratehiyang tila idinisenyo upang pigilan ang pag-usad ng legal na proseso.
Makikita sa sunod-sunod na pangyayari—mga legal na mosyon, biyahe sa ibang bansa sa gitna ng kontrobersiya, at ngayon, ang tila “timely” na kautusan mula sa Office of the Ombudsman para magsumite ng counter-affidavit—na maaaring mayroong planadong disruption sa proseso ng impeachment. Mismong si De Lima ang nagsabing “everything fits together,” at tila bahagi ng isang mas malawak na estratehiya ang mga ito upang pigilan ang paglantad ng ebidensya sa publiko.
Mapapansing hindi lamang sa legal na larangan gumagalaw ang kampo ni VP Sara. Maging sa public relations ay aktibo, gaya ng mga pagdalo sa mga rally sa ibang bansa at pakikipagpulong sa mga tagasuporta. Ang ganitong mga hakbang ay maaaring tingnan bilang pagtatangkang kontrolin ang naratibo—na ang imbestigasyon ay isang “political persecution” at hindi lehitimong paghabol sa pananagutan.
Ngunit taliwas sa posisyon na ito, ipinunto ni De Lima na ang kasong impeachment ay may sapat na basehang legal, kabilang na ang mga alegasyon ng paggamit ng pekeng dokumento, iregularidad sa pagli-liquidate ng pondo, at mga transaksiyong pinansyal na posibleng lumabag sa batas. Ang pagsasama ng mga ito sa Articles of Impeachment ay hindi magaganap kung walang sapat na batayan.
Ang tanong ngayon: kung walang dapat ikatakot, bakit tila may matinding pagsusumikap na pigilan ang paglilitis? Bakit tila inuuna ang procedural defenses kaysa harapin ang mga ebidensya?
Ang tanong ay hindi na lamang tungkol sa kung nagkasala ba ang Pangalawang Pangulo, kundi kung may bukas bang daan para sa buong katotohanan na mailantad—kung ang sistema ay papayagang gampanan ang tungkulin nito nang walang hadlang. At dito nasusukat ang tunay na pananagutan: hindi sa harap ng kamera, kundi sa harap ng batas at bayan.
Kung tunay na walang itinatago, harapin ang paglilitis. Dahil sa isang demokratikong lipunan, ang hustisya ay hindi kinatatakutan—ito’y nilalapitan, niyayakap, at hinaharap nang buong tapang.
oooooooooooooooooooooooo
Bias na senator-judges sa impeachment case ni VP Sara dapat mag-inhibit— De Lima
Muling kinuwestyon ang pagiging patas ng ilang senator-judges sa nalalapit na impeachment trial ni Vice President Sara Duterte, lalo na’t may ilan sa kanila na hayagang nagpapakita ng pagkiling at dapat isaalang-alang ang kusang pag-inhibit sa pagdinig.
“It is a clear basis. It is a legal basis. It’s a just basis,” ayon kay dating senador at representative-elect Leila De Lima ng Mamamayang Liberal party-list, kaugnay sa mga pahayag at kilos ng ilang senador na nagpapakita ng pagkiling kay Duterte.
“Pero ang nag-decide yan … sila, voluntary,” ayon kay De Lima sa panayam ng Laban para sa Karapatan radio program nina Atty. Lorna Kapunan at Jaime Regalario sa dwIZ.
Ginawa ni De Lima ang pahayag habang binabanggit ang kilos ng ilang senador na hayagang nagpahayag ng suporta kay Duterte at nakasama pa ito sa mga biyahe sa ibang bansa sa kasagsagan ng impeachment proceedings.
Tinukoy niya sina Senador Imee Marcos at Robin Padilla na sinamahan pa umano si Bise Presidente Duterte sa Kuala Lumpur kahit alam nila bahagi sila ng Senate impeachment court.
Lumutang ang isyu kasunod ng batikos mula sa mga sektor ng civil society, mga legal expert, at akademya matapos maghain si Senador Ronald “Bato” dela Rosa ng mosyon para ibasura ang impeachment case.
Giit ni De Lima, ang ilang senador ay tila mas kumikilos bilang tagapagtanggol kaysa tagahatol, dahil sa mga pahayag nila na kampi sa panig ng depensa.
“Talaga namang halatang-halata na sila. Pagsasalita even sa conduct nila,” ani De Lima.
“Remember may dalawang Senador na sinamahan pa si VP Sara sa Kuala Lumpur. Imagine that.”
Nilinaw ni De Lima na walang kapangyarihan ang prosekusyon na pilitin ang isang senator-judge na mag-inhibit.
Gayunman, iginiit niyang ang mga kilos ng ilang senador—tulad ng pagbibigay ng public support kay Duterte bilang susunod na pangulo—ay malinaw na paglabag sa dapat na asal para sa isang hukom.
“Kung sa basehan, may basehan. Malinaw ang basehan. What else can you call that kundi pagkiling,” ayon sa dating senador.
“Saan ka nakikita ng isang korte ng isang judge na nag-file at nag-move for dismissal? Hindi po ‘yan nangyayari,” dagdag pa De Lima.
Ayon pa kay De Lima, nakasalalay sa konsensiya at asal ng isang senador kung siya’y magpapakita ng delicadeza o paggalang sa angkop na gawi ng isang hukom.
“So nasa concerned judge na ‘yan kung meron syang delicadeza, kung may sense of propriety,” sabi pa ni De Lima. “Ordinarily he should, doon sa mga pinakita na nila na mga asal.”
Nang tanungin ukol sa pananaw ng publiko sa nalalapit na paglilitis, iginiit ni De Lima na may karapatan ang mamamayan na malaman ang buong katotohanan, at hindi ito dapat ipagkait sa publiko
“Karapatan ng taong bayan na malaman ang katotohanan. Hindi ito political persecution na sinasabi nila,” ayon De Lima.
“Yung kaso ko, ‘yun ang political persecution. Pero ito, tungkol po ito sa katotohanan, hustisya at pananagutan,” giit pa nito. (END)
————
After News Opinyon
Ang panawagan ni dating Senadora Leila de Lima para sa inhibitiono boluntaryong pagliban ng ilang senator-judges sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte ay isang napapanahong paalala sa prinsipyo ng judicial impartiality—ang batayang haligi ng anumang makatarungang paglilitis, lalo pa kung ang nakasalang ay isang mataas na opisyal ng estado.
Hindi basta akusasyon lamang ang binanggit ni De Lima. May kongkretong obserbasyon: may mga senador na hayagang nakikisalamuha sa mismong opisyal na kanilang lilitisin, tulad ng paglalakbay sa Kuala Lumpur kasabay ng Bise Presidente. Sa pananaw ng sinumang karaniwang mamamayan, ito ay hindi lang “di kaaya-aya”—ito ay tahasang conflict of interest.
Ang isang hukom, maging ito man ay miyembro ng regular na hudikatura o ng impeachment court, ay inaasahang hindi lamang patas, kundi makikitang patas. Sa legal na prinsipyo, tinatawag ito na appearance of impartiality. Kapag may duda sa pagiging patas ng isang tagahatol, nawawala ang tiwala ng publiko sa buong proseso. At sa isang bansang ang institusyon ay matagal nang sinusubok ng politika at kawalang-pananagutan, ang kawalang-tiwala ay maaaring maging mas nakapipinsala pa kaysa sa mismong krimen.
Hindi ipinipilit ni De Lima ang pag-inhibit—at tama siya rito. Walang batas na nagsasabing kailangang i-disqualify ang isang senator-judge na may personal na relasyon o pampublikong simpatya sa isang akusado. Ngunit ang delicadeza, ang moral na kabutihang-asal, ang dapat sana’y manguna.
Ang kaso ng impeachment laban kay VP Sara ay may constitutional gravity—ito’y hindi lamang tungkol sa paggamit ng confidential funds, kundi sa pagtukoy kung karapat-dapat pa ba siyang humawak ng tiwala ng publiko. Kung ang mismong mga tagapaghusga ay tila mas tagapagtanggol kaysa tagapamagitan, ang buong proseso ay maaaring mawalan ng saysay.
Ang huling linya ng opinyon ni De Lima ay may bigat: “Karapatan ng taong bayan na malaman ang katotohanan.” Hindi ito tungkol sa pulitika. Hindi ito dapat balewalain bilang persecution. Kung may pagkiling, iwasto. Kung may katotohanan, ilantad. Kung may pananagutan, panagutin. At kung may natitirang dangal ang ating mga institusyon, ngayon ang panahon upang ito’y patunayan.
oooooooooooooooooooooooo
Agarang aksyon ng Ombudsman sa alegasyon laban kay VP Sara patunay na mabigay ang ebidensya— Rep. Chua
Pinuri ni Manila Rep. Joel R. Chua, Chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability, ang mabilis at hindi pangkaraniwang aksyon ng Office of the Ombudsman na patunay umano na mabigat ang mga ebidensyang nakalap ng komite laban kay Vice President Sara Duterte at iba pang inaakusahan kaugnay ng iregularidad umano sa paggamit ng confidential funds.
“It is both unusual and significant that the Ombudsman proceeded directly to preliminary investigation and issued subpoenas to the respondents —skipping the usual fact-finding phase – all within the same week that we furnished them with a copy of the Committee Report. This kind of swift response sends a clear signal: the Ombudsman has found prima facie evidence to warrant a preliminary investigation on the basis of the Committee Report,” saad ni Chua.
Ayon pa sa mambabatas, sa pagkakaalam ng komite, wala pang opisyal na reklamo ang inihain maliban sa mismong ulat ng panel na inaprubahan ng plenaryo ng Kamara.
“The Ombudsman acted purely on the strength of our Committee Report. We have not yet even attached or submitted the supporting evidence for the Committee Report. That alone speaks volumes,” dagdag pa ni Chua.
Binanggit din ni Chua ang kapansin-pansing pagbabago sa tono ng Ombudsman. “Just a few months ago, Ombudsman Martires publicly stated that he saw no grounds to investigate the Vice President. That he now believes otherwise shows that the facts uncovered by our committee could no longer be ignored.”
Binigyang-diin din ni Chua na nakahanda ang Kamara, sa pamamagitan ng Committee on Good Government and Public Accountability, na aktibong makilahok sa imbestigasyon.
“Since the Ombudsman has effectively treated our Committee Report as the initiating complaint, we are prepared to fulfill our role as the complainant and ensure the process is based on truth, fairness, and accountability.”
Kinumpirma rin Chua na pormal na hihilingin ng Komite ang pagkakataong makapagsumite ng tugon sa counter-affidavits kung at kailan ito ihain ng mga respondent.
Ayon sa kanya, ito ang magiging daan upang maisumite rin ng Komite ang buong transcripts at iba pang ebidensyang binanggit sa kanilang ulat.
“The Ombudsman will need to see the evidence supporting the Committee Report. We want to make sure this is not just a speedy process—but a credible one,” diin ni Chua. “We will cooperate fully to ensure that all parties are given fair and reasonable opportunity to present their side, as we likewise present the truth uncovered through months of legislative inquiry.”
“Ultimately, this is about accountability. We are not rushing to judgment. But we owe the Filipino people a full and impartial investigation—and we are committed to seeing it through,” pagtatapos ni Chua. (END)
————
After News Opinyon
Ang mabilis na pagkilos ng Office of the Ombudsman sa mga alegasyon laban kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte ay isang pambihirang senyales ng judicial responsiveness—na sa ilalim ng mga tamang kalagayan, ang mga institusyon ng pamahalaan ay maaaring kumilos nang mabilis, matalino, at may paninindigan. Ito rin ay nagpapakita ng bigat at kredibilidad ng mga ebidensyang tinukoy ng House Committee on Good Government and Public Accountability sa kanilang ulat.
Sa karaniwang proseso, ang Ombudsman ay dadaan muna sa fact-finding bago magsimula ng preliminary investigation. Ngunit sa pagkakataong ito, direktang lumundag ang tanggapan sa mas seryosong yugto ng proseso—isang hakbang na hindi gagawin kung mahina o hungkag ang ebidensya. Ang nasabing hakbang ay malinaw na indikasyon ng prima facie evidence laban sa mga inaakusahan, ayon na rin sa paliwanag ni Rep. Joel Chua.
Isa pang mahalagang punto ang pagbabagong-tinig ni Ombudsman Samuel Martires. Noong nakaraang mga buwan, tahasan niyang sinabing walang batayan para imbestigahan ang Bise Presidente. Ngayon, tila kabaligtaran ang direksiyon ng kanyang tindig. Sa kontekstong ito, malinaw na hindi basta-basta ang mga detalyeng ibinahagi ng House panel—sapat upang baguhin ang pananaw ng isang mataas na opisyal ng batas.
Bagamat hindi pa ito ang simula ng isang pormal na kaso, ito ay isang critical threshold sa laban para sa katotohanan at pananagutan. Ang pahayag ni Rep. Chua na ang Kamara ay handang magsumite ng kompletong dokumentasyon, kabilang na ang mga transcript at iba pang ebidensya, ay patunay ng kanilang seryosong hangaring itaguyod ang due process.
Ngunit kailangan ding maging mapanuri ang publiko. Ang mabilis na aksyon ay hindi dapat isalin agad bilang pagsiguro ng pagkakasala. Ang susunod na yugto ng proseso—ang preliminary investigation—ay dapat magbigay-daan sa patas na pagdinig sa panig ng mga inaakusahan. Sa ganitong paraan, ang tiwala ng taumbayan sa mga institusyon ay lalo pang mapagtitibay.
Sa huli, ito ay hindi lamang usapin ng confidential funds o personal na pananagutan—ito ay tungkol sa kakayahan ng ating sistemang demokratiko na kumilos batay sa katotohanan at hindi sa pulitika. Kung may kasalanan, dapat managot. Kung wala, dapat luminaw. Sa alinmang dulo ng prosesong ito, ang mahalaga ay malinaw na may hustisyang umiiral.
No comments:
Post a Comment