Nangako ang pamunuan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sa mga miyembro ng Kamara de Representantes, kahit na hindi bibigyan ng ito subsidiya ng gobyerno, na ibababa nito ang premium contribution rate mula 5% patungong 3.25% at itataas sa 50% ang hospitalization coverage.
Ginawa ni PhilHealth President at CEO Emmanuel Ledesma Jr. ang pangako sa briefing na isinagawa ng House Blue Ribbon Committee bilang tugon sa nais ng mga mambabatas na magamit ang malaking pondo nito para sa benepisyo ng mga miyembro.
Humingi ng kasiguruhan si House Assistant Majority Leader at Ako Bicol Party-list Rep. Jil Bongalon sa PhilHealth na babawasan nito ang kontribusyon na ikinakaltas sa suweldo ng mga miyembro dahil marami naman itong pondo.
Ngunit sinabi ni Bongalon na isa sa mga mandato ng PhilHealth ang pagbaba ng kontribusyon ng mga miyembro nito kapag naabot na ang kinakailangan nitong reserve funds.
Bilang tugon, sinabi ni Ledesma na mayroong intensyon ang PhilHealth na irekomenda na ibaba ang contribution rate sa 3.25% gaya ng panukala sa Senado.
MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCES RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO
(“Can we ask the commitment of the President of PhilHealth? Kasi sinasabi nyo po ngayon, which we appreciate, kasi by next month tataas ng 50% (ang coverage). But you failed to fulfill the second mandate,” ani Bongalon.)
“Yun hong mandato ninyo eh. So can we commit, can you commit na hindi lang kayo nakatuon or naka-focus doon sa benefit expansion. But can you commit also na i-decrease nyo yung premium contribution?” dagdag pa ni Bongalon.
“I actually made a commitment to sit down with my team in PhilHealth to recommend for a decrease in the premium contributions,” ani Ledesma.
“We are fully supporting that reduction. And that is a very huge reduction po,” dagdag pa nito.
Sinabi ni Ledesma na ang premium rates ay itinakda ng batas at ang PhilHealth ay walang kapangyarihan na mag-isa itong itaas.
“Lahat yan nakaset po. And then just for the information of this honorable body, it’s currently at 5% this year. Yan po yung huling increase,” paliwanag ni Ledesma.
Kinuwestyon din ni Bongalon ang tila paglalagay umano ng PhilHealth ng subsidiya na ibinibigay ng ibinibigay ng gobyerno sa investment.
“Same with the 2024 GAA. Ang budget ng PhilHealth ay P60 billion, P40 billion doon ay para sa indirect contributors. So hindi ho natin maintindihan kung bakit napupunta lahat sa investments,” saad pa ni Bongalon.
Ang pangako ng PhilHealth na ibaba ang premium rates ay dagdag sa pangako nito sa pagtatanong ni Manila Rep. Joel Chua, chairman ng komite na itaas ang benepisyong ibinibigay nito sa mga miyembro.
“With this PhilHealth, lalong dadagdag po sana ‘yung tulong,” sabi ni Chua kasabay ng paggiit ng pangangailangan ng mabawasan ang bayarin ng mga miyembrong nagpapa-ospital.
Iginiit naman ni Chua na ang kalusugan ang isa sa mg prayoridad ng mga mambabatas para sa kanilang nasasakupan.
“Kasi, for example, ma-confine ka sa Heart Center, ang bill mo isang milyon. Saan naman kukuha ng isang milyon mga constituents namin?” tanong ni Chua.
“Kaya sana, ito pong PhilHealth, mag-focus tayo sa … healthcare benefits instead sa investments … kasi dito ang investment natin dito ay buhay ng tao,” saad pa nito.
Sagot naman ni Ledesma, “Ang commitment namin is to increase the program benefits, which hopefully mag-take effect by next month.”
Ang sobrang pondo ng PhilHealth ay nasa P150 bilyon bukod pa sa reserve fund nitong P200 bilyon.
Iginiit ng mga mambabatas ang pangangailangan na balansehin ang financial sustainability sa benepisyong nakukuha ng mga miyembro. (END)
No comments:
Post a Comment