Saturday, August 16, 2025

PILOT ROLLOUT NG UNIFIED PWD ID SYSTEM, PINURI NI SPEAKER ROMUALDEZ

Pinuri ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pilot rollout ng unified identification system para sa persons with disabilities o PWDs.

Sinabi ng lider ng Kamara na ito ay isang mahalagang hakbang para sa dangal, katarungan, at mas mahusay na serbisyo para sa isa sa mga bulnerableng sektor ng lipunan.


Sinimulan ng Department of Social Welfare and Development ang pilot implementation sa 35 mga piling lugar sa buong kapuluan.


Tinatayang 200,000 PWDs ang direktang makikinabang sa pilot rollout at inaasahang aabot sa dalawang milyon ang maaabot kapag ganap nang ipinatupad ang programa.


Ang National Council on Disability Affairs ang mangangasiwa sa centralized printing ng mga ID.


Kabilang sa mga security feature ng bagong PWD ID ang digital access sa pamamagitan ng mobile app o web portal, QR code para sa beripikasyon, at RFID-enabled physical card para maiwasan ang pananamantala at paggamit ng pekeng ID.


Sinabi ni Speaker Romualdez na ang Unified PWD ID ay hindi lamang modernisasyon kundi pagkilala, malasakit, at katarungan para sa mga kababayan nating may kapansanan.


MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCES RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO

Thursday, August 14, 2025

🎙️🇵🇭📻 Ika-labing anim na ng Agosto, Taong 2025

🎙️ SPEIL PARA SA “KATROPA SA KAMARA”


Magandang araw, mga kababayan!


Ano nga ba ang kasalukuyang mga kaganapan sa loob ng Kongreso ng Pilipinas—lalo na sa Kamara de Representantes? Alin sa mga panukalang batas ang dapat nating bantayan? At anong mga batas na ang naipasa na may direktang epekto sa ating pang-araw-araw na buhay?


Sa gitna ng mabilis na daloy ng impormasyon, mahalaga ang tamang impormasyon. Dito po sa “Katropa sa Kamara”, inyong makakasama itong aba ninyong lingkod, Terence Mordeno Grana, isang batikang tagamasid, tagapagsuri at eksperto sa larangan ng lehislasyon, upang maghatid ng malinaw, makabuluhan, at napapanahong talakayan tungkol sa mga usaping pang-Kongreso lalu na sa Kamara de Representantes at usaping pambansa.


📻 Pakinggan kami tuwing Sabado, alas-otso hanggang alas-diyes ng umaga, sa DWDD Armed Forces Radio, 1134 kHz AM sa Metro Manila.


🖥️ Live din po kaming napapanood sa Facebook pages na:

🔹 Terencius Mordeno Grana

🔹 AFP Radio DWDD


Paminsan-minsan, makakasama rin natin ang ilang mga piling panauhin mula sa lehislatura at iba’t ibang sektor at sasagutin namin ang inyong mga tanong, tatalakayin ang mga isyu, at bubusisiin ang mga batas—lahat ng mga ito ay para sa bayan, para sa Bagong Pilipinas.


Para sa inyong reaksyon, tanong, o mungkahi, maaari po kayong tumawag o mag-text sa:


📱 +63 916 500 8318

📱 +63 917 624 6104

📱 +63 905 457 7102


Huwag kalimutang i-like, follow, at share ang aming mga social media pages upang mas marami pa ang maging Katropa sa Kamara! 


OR ———-


🎙️🇵🇭📻 Ika-labing anim na ng Agosto, Taong 2025 — Katropa sa Kamara Script:


Isang mapagpala at masiglang umaga sa inyong lahat, mga Katropa! Good morning, Pilipinas! Good morning, Camp Aguinaldo! Magandang umaga, Luzon! Maayong buntag, Visayas! At Buenos días, Mindanao! Muli, samahan nyo po kami sa dalawang oras nating makabuluhang talakayan at balitaan dito sa Katropa sa Kamara!


Pause


Yes, Sabado na naman, mga Katropa! At narito na naman po kami upang ihatid sa inyo ang makabuluhang talakayan at balitaan sa Katropa sa Kamara, kasama si Terence Mordeno Grana.


OPENING SEGMENT (8:00 AM – 8:10 AM)


Title: Simula ng Katropa

Warm welcome at pagbati sa mga tagapakinig

Maikling recap ng mga kaganapan sa Kamara at sa bansa ngayong linggo


Pause


Pero bago tayo magsimula, unahin muna natin ang ating pagpapasalamat. Una sa lahat, ipinaabot natin ang taos-pusong pasasalamat sa ating Panginoong Maykapal sa patuloy Niyang pagbibigay ng biyaya at patnubay. Sa nakalipas na mga araw, pinagpala tayo ng Kanyang grasya at binigyan ng lakas upang maisakatuparan ang ating mga tungkulin para sa Kanyang kaluwalhatian.


Pause


Sunod naman nating ipinaabot ang taos-pusong pasasalamat sa ating mga opisyal sa Armed Forces of the Philippines. Unang-una, sa ating Commander-in-Chief, Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.; sa Kalihim ng National Defense, Atty. Gilbert ‘Gibo’ C. Teodoro Jr.; sa ating AFP Chief of Staff, Gen. Romeo S. Brawner Jr.; at sa ating bagong Commander ng Civil Relations Service, MGen Oliver C. Maquiling.


Pause


Of course, nagpapasalamat din tayo sa ating MCAG Group Commander at DWDD Station Manager, Francel Margareth Padilla, pati na rin sa kanyang Deputy Group Commander, Maj. Mark Anthony Cardinoza. At siyempre, isang malaking pasasalamat sa lahat ng bumubuo ng ating production staff—maraming, maraming salamat po!


Pause


Yes! Terence Mordeno Grana po, ang inyong lingkod—ang inyong kaagapay at gabay dito sa Katropa sa Kamara!”


Para sa inyong mga mensahe, tawag, o text, maaari ninyo akong maabot sa ating mobile numbers:

📱 +63 916 500 8318

📱 +63 905 457 7102


Pause


Ang Katropa sa Kamara ay inyong matutunghayan, eksklusibo, dito lamang sa DWDD Katropa Radio—1134 sa inyong talapihitan! Live din tayo sa ating Facebook page, Katropa DWDD-CRS Virtual RTV, at syempre, mapapanood din tayo sa YouTube—i-search lang ang DWDD Katropa!


Pause


OPENING SEGMENT (8:00 AM – 8:10 AM)


Title: Simula ng Katropa

Warm welcome at pagbati sa mga tagapakinig

Maikling recap ng mga kaganapan sa Kamara at sa bansa ngayong linggo

Anunsyo: Focus natin ngayong episode—tiwala, pananagutan, at pamumuno sa panahon ng pagsusulit sa gobyerno




Pause


@@@@@@@@@@@@@


Pause


Break


Okey, i-tuloy pa po natin ang ating mga pagbabalita komentaryo at naririto na pa po ang ating mga balita na ating nakalap…


Break


Sa ating pagbabalik, kayo po ay nakikinig sa palatuntunang Katropa sa Kamara kasama ako, Terence Mordeno Grana, dito lamang sa himpilang DWDD Katropa Radio!


At syempre, tayo ay sinasamahan sa ating technical side ng ating magigiting na engineers—(Ronald Angeles, Pherdee Blues, Leonor Tanap, Regine Ascaño, Jayton Dawaton, John Mark Molina, at iba pa. ) Maraming salamat sa inyong suporta!”


@@@@@@@@@@@@@


Pause 


Break


Okey, tuloy-tuloy na po tayo sa iba pang mahahalagang balita na ating nakalap…


NEWS ITEMS … next page


Pause


Break


@@@@@@@@@@@@@@


Sa ating pagbabalik, kayo po ay nakikinig sa Katropa sa Kamara kasama ako, Terence Mordeno Grana, dito lamang sa himpilang DWDD Katropa Radio!


At syempre, tayo ay sinasamahan sa ating technical side ng ating magigiting na engineers—Ronald Angeles, Pherdee Blues, Leonor Tanap, Regine Ascaño, Jayton Dawaton, John Mark Molina, at iba pa. Maraming salamat sa inyong suporta!”


Okey, tuloy-tuloy na tayo sa iba pang mahahalagang balita na ating nakalap…”


 @@@@@@@@@@@@@


Sa segment na ito, ibibigay ko muna sa inyo ang mga naganap nitong nakaraang mga araw sa ating bulwagan, sa ating plenary hall ng ating Kamara:


Pause 


Break


@@@@@@@@@@@@@@


Recap Segment:


“Sa puntong ito, mga Katropa, dadako na tayo sa ating pagbabalik-tanaw o recapitulation ng lahat ng ating natalakay ngayong umaga. Balikan natin ang mahahalagang balita at usaping ating tinalakay bago tayo tuluyang magtapos ng ating programa…”



@@@@@@@@@@@@@@


Closing Segment:


Dalawang oras na naman po ang lumipas, at muli na naman tayong pansamantalang magpapaalam. Maraming, maraming salamat sa inyong pagsubaybay at sa pagpapapasok sa amin sa inyong mga tahanan sa pamamagitan ng ating programang Katropa sa Kamara!


Daghang salamat usab sa atong mga kahigalaang Bisaya nga naminaw kanato karong taknaa!


Ito po ang inyong lingkod—kini ang inyong kabus nga suluguon, Terence Mordeno Grana.


At sa ngalan ng buong production staff ng ating programa, ako po ay nagpapahayag ng isang taos-pusong pasasalamat. Nawa’y pagpalain tayong lahat ng ating Panginoong Maykapal. God bless us all! Purihin ang ating Panginoon! Good morning! (30)

250816 News & Opinion

extra: House Minority Leader, nananawagan kay Marcos na maglunsad ng pangunahing pambansang flood control program


Iminungkahi pa ni Libanan na isama si Ramon Ang bilang isa sa mga consultant ng programa.



Nanawagan si House of Representatives Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na pamunuan ang isang matapang, komprehensibo, at pangmatagalang pambansang flood control at mitigation program upang tugunan ang lumalalang pagbaha sa Metro Manila at sa buong bansa.


“Mayroon pang tatlong taon ang Pangulo sa kanyang termino — sapat na panahon upang ilatag ang pundasyon para sa isang programang maiiwan bilang isa sa kanyang pinakamatagalang pamana,” pahayag ni Libanan nitong Biyernes.


“Kung kikilos agad ang Pangulo ngayon, maaaring maging pangunahing proyekto ng kanyang administrasyon ang flood control. Kahit hindi matapos ang malakihang imprastraktura sa loob ng tatlong taon, maaaring maisagawa ang blueprint at mga inisyal na proyekto na puwedeng ipagpatuloy ng susunod na administrasyon,” dagdag niya.


Malugod na tinanggap ni Libanan ang alok ng San Miguel Corp. (SMC) president at CEO na si Ramon Ang na tumulong lutasin ang problema sa pagbaha sa Metro Manila nang walang gastos sa pamahalaan o publiko.


“Pinapatunayan ng alok ni G. Ang na handang tumulong ang pribadong sektor upang solusyunan ang matagal nang problemang pumipinsala sa ating mga lungsod at ekonomiya,” ani Libanan.


Dagdag pa niya, maaaring isaalang-alang ng Pangulo na kunin si G. Ang bilang isa sa mga consultant ng pambansang flood control program upang lubos na magamit ang kanyang kaalaman, resources, at praktikal na solusyon.


Binigyang-diin ni Libanan na bagama’t mahalaga ang public-private partnerships, dapat manguna ang pambansang pamahalaan.


Ang panukala ni Ang — na kinabibilangan ng paglilinis ng mga daluyan ng tubig, pagtanggal ng mga bara, at paglilipat ng mga apektadong residente — ay sinuportahan na ng Pangulo, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at ilang alkalde sa Metro Manila.


Upang mapakinabangan ang momentum na ito, hinimok ni Libanan ang Pangulo na magdaos ng isang National Public-Private Flood Control Summit upang tipunin ang mga eksperto, resources, at teknolohiya. Mula rito, maaari umanong mabuo ang isang Presidential Task Force on Flood Control.


“Kailangang manguna nang buong tapang ang Estado, lalo’t malamang na kailangan ang police powers para tanggalin ang mga ilegal na istruktura, ipatupad ang zoning laws, at protektahan ang mahahalagang daluyan ng tubig,” ani Libanan.


Dagdag pa niya, maaaring magbigay ang Kongreso ng special emergency powers sa Pangulo upang mapabilis ang procurement, right-of-way acquisition, at relokasyon ng mga apektadong pamilya, at maiwasan ang pagkaantala dahil sa burukrasya at legal na hadlang.


Kabilang sa mga posibleng kapangyarihan ay:

Mabilisang procurement ng flood control equipment at materyales

Agarang relokasyon at kompensasyon para sa mga pamilyang maaapektuhan

Realignment ng ilang pondo para sa mga agarang hakbang laban sa pagbaha


Binalaan din ni Libanan na mas palalalain ng matinding climate change ang pagbaha sa mga darating na taon, batay sa mga pag-aaral ng Intergovernmental Panel on Climate Change na nagsasabing mas magiging madalas at mas malakas ang pag-ulan sa Southeast Asia.


“Hindi tayo puwedeng maghintay pa ng susunod na malaking sakuna bago kumilos. Bawat taon na tayo’y nagpapaliban, mas maraming buhay, bahay, at kabuhayan ang nalalagay sa panganib,” babala niya.


Kamakailan, lumubog sa baha ang malaking bahagi ng Metro Manila dahil sa habagat at sunod-sunod na bagyong Crising, Dante, at Emong. Sa buong bansa, nagdulot din ito ng flash floods at pag-apaw ng mga ilog na nagpaalis sa libo-libo at nagdulot ng bilyon-bilyong pisong pinsala.


“Hindi lang ito problema ng Metro Manila,” ani Libanan. “Matindi na rin ang pagbaha mula sa Hilagang Luzon hanggang Mindanao. Isa itong pambansang krisis na nangangailangan ng pambansang solusyon.”


Binigyang-diin din niya na dapat isama sa modernong flood control master plan ang mga structural measures gaya ng dams, dikes, spillways, pumping stations, at upgraded drainage systems, at mga non-structural strategies tulad ng reforestation, mas maayos na urban planning, rainwater harvesting at recycling, at mahigpit na pagpapatupad ng environmental laws.


“Ito ang tamang pagkakataon para pangunahan ng Pangulo ang isang matapang na pambansang inisyatiba,” pagtatapos ni Libanan. “Huhusgahan tayo ng kasaysayan hindi sa dami ng talumpati tungkol sa climate resilience, kundi sa mga konkretong solusyon na naitatag para protektahan ang ating mamamayan.”


————-


AFTER NEWS OPINION


Magandang araw mga kababayan.


Kung susuriin natin, malinaw ang punto ni House Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan—ang pagbaha sa Pilipinas ay hindi na lamang isang pana-panahong problema, kundi isang pambansang krisis na lalong pinapalala ng climate change. At kung totoo nga na handang tumulong ang pribadong sektor, gaya ng alok ni Ramon Ang, malaking bagay ito para mapabilis ang mga solusyon.


Ngunit tandaan natin: kahit gaano kalaki ang suporta mula sa pribadong sektor, tungkulin pa rin ng pamahalaan ang mamuno at maglatag ng malinaw na direksyon. Tama si Libanan—kung ngayon kikilos ang administrasyon, maitatayo ang pundasyon ng isang pambansang flood control program na puwedeng maging pinakamahalagang pamana ni Pangulong Marcos Jr.


Hindi ito pwedeng puro plano lamang. Kailangan ng kongkreto at pinagsamang hakbang—mula sa malalaking imprastraktura tulad ng dams, dikes, at pumping stations, hanggang sa reforestation, tamang urban planning, at disiplina sa pagtatapon ng basura. At kung kinakailangan ng emergency powers para mapabilis ang aksyon, dapat ay ikonsidera ito ng Kongreso.


Sa bandang huli, ang tunay na sukatan ng liderato ay kung paano tayo naghahanda bago pa man dumating ang sakuna. Ang tanong: kikilos ba tayo ngayon, o hahayaan na naman nating malubog sa baha ang ating mga lungsod at kabuhayan bago tayo magmadali?


ooooooooooooooooooooooo


1 CONSTITUTIONAL CONVENTION, IPINANANAWAGAN SA KAMARA


Nanawagan si Deputy Speaker at National Unity Party NUP Chairman Ronaldo Puno sa pagbuo ng isang Constitutional Convention o ConCon upang repasuhin at amiyendahan ang 1987 Constitution at alisin ang malalabo na mga probisyon dito.


Ayon kay Puno, nagpapahina lamang ang mga ito sa legal na pundasyon ng Konstitusyon bilang pinakamataas na batas ng bansa.


Sa kanyang privilege speech, sinabi ni Puno na ang ConCon ang “pinaka-matino, malinaw at makataong paraan” para maitama ang mga probisyong malabo at makapag-patupad ng mahahalagang reporma.


Giit pa niya na ito ay hindi panawagan para itapon ang Konstitusyon kundi para kumpletuhin at itama ito.


Binigyang-diin ni Puno ang ilang halimbawa ng kalabuan sa Saligang Batas, gaya ng interpretasyon sa salitang “forthwith” sa proseso ng impeachment, ang hindi malinaw na representasyon ng Kongreso sa Judicial and Bar Council at ang kakulangan ng gabay kung dapat bang joint o hiwalay ang botohan ng Senado at Kamara sa ilang mahahalagang usapin gaya ng amnestiya at pagbibigay ng tax exemption.


Ayon kay Puno, ang malinaw na Konstitusyon ay mahalaga upang maiwasan ang politikal na krisis, mapanatili ang tiwala ng publiko, at masigurong naipapahayag nang tuwiran ang mga karapatan ng mamamayan.


—————-


AFTER NEWS OPINYON


Ang panawagan ni Deputy Speaker Ronaldo Puno para sa isang Constitutional Convention (ConCon) ay muling nagbubukas ng mahalagang diskusyon tungkol sa kahandaan ng bansa na repasuhin ang 1987 Constitution. Hindi ito simpleng usaping teknikal; ang malinaw at tiyak na wika ng Saligang Batas ay pundasyon ng maayos na pamamahala at matatag na demokrasya. Kapag malabo ang probisyon, nagiging maluwag ang interpretasyon at mas madali itong gawing kasangkapan ng pulitika.


Tama ang punto ni Puno na hindi layunin ng ConCon na “itapon” ang Konstitusyon, kundi itama at kumpletuhin ito upang maiwasan ang mga sitwasyong nagdudulot ng krisis, gaya ng mga di-pagkakaunawaan sa proseso ng impeachment, representasyon sa Judicial and Bar Council, at joint o separate voting sa mga sensitibong usapin. Ang mga ganitong butas ay puwedeng pagmulan ng hidwaan sa pagitan ng mga sangay ng gobyerno at magpahina sa tiwala ng publiko.


Subalit, dapat ding maging malinaw na ang anumang pagbabago sa Saligang Batas ay hindi dapat gamitin bilang daan para palawigin ang termino ng mga nakaupong opisyal o para palambutin ang mga probisyong nagpoprotekta sa karapatan ng mamamayan. Ang ConCon ay dapat manatiling nakatuon sa pagbibigay-linaw at pagpapatatag sa mga institusyon, hindi sa pagpapalakas ng kapangyarihan ng iilan.


Kung magiging tapat sa layunin ang proseso, ang ConCon ay maaaring magsilbing pagkakataon para linisin, ayusin, at gawing mas matatag ang legal na balangkas ng bansa—isang hakbang na, kung wasto ang direksyon, ay magbubunga ng mas matibay na demokrasya at mas malinaw na pamamahala para sa lahat.


oooooooooooooooooooooooo


2 Speaker Romualdez sa 2026 budget: Bawat piso ay mahalaga, bawat gastusin ay dapat pakinabahangan ng taumbayan.


Tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na sisiguruhin ng Kamara de Representantes na bawat piso sa panukalang P6.793-trilyong pambansang budget para sa 2026 ay may malinaw na pagkakagastusan at magdadala ng konkretong benepisyo sa sambayanang Pilipino.


“Bawat piso, may pinaglalaanan; bawat gastusin, dapat may pakinabang sa tao,” ani Speaker Romualdez sa turnover ng Department of Budget and Management (DBM) ng 2026 National Expenditure Program (NEP) sa Kamara nitong Miyerkoles.


Ang 2026 NEP, na katumbas ng 22 porsyento ng GDP ng bansa, ay 7.4 porsyentong mas mataas kaysa sa kasalukuyang P6.326-trilyong budget, na may mas malaking pondo para sa edukasyon, kalusugan, social protection, at at seguridad sa pagkain upang mapanatili ang pag-usad ng ekonomiya.


Naka angkla sa temang “Agenda for Prosperity: Nurturing Future-Ready Generations to Achieve the Full Potential of the Nation”, ang pondo para sa susunod na taon ay nakabatay sa Philippine Development Plan 2023–2028 at sa pangmatagalang bisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.


“Today’s (Wednesday) turnover of the 2026 NEP from the DBM is not just a formality. It is the first step in shaping how our government will serve the Filipino people in the year ahead,” ayon kay Speaker Romualdez.


Binigyang-diin ng House leader na ang NEP ay “more than numbers on paper” at kumakatawan sa plano ng pamahalaan na gawing realidad ang bisyon ng Bagong Pilipinas.


“[The NEP] is the government’s plan to make the vision of a Bagong Pilipinas real—roads that connect communities, markets where food is affordable, schools that open doors to opportunity, hospitals that save lives, and safe, secure communities for every Filipino,” wika ng Speaker.


Dagdag pa niya: “A budget is not just a spending plan—it is a mirror of our priorities and a measure of our accountability to the people. And because this is the people’s money, the process of crafting it must be transparent, inclusive, and worthy of public trust.”


Sinabi naman ni DBM Secretary Amenah F. Pangandaman na ang 2026 NEP ay maingat na binuong plano ng paggasta na nagtitipid sa alokasyon habang nagbibigay ng makasaysayang investment sa edukasyon, kalusugan, at food security.


Ipinahayag din niya ang isang makasaysayang tagumpay sa pondo ng edukasyon, dahil sa kauna-unahang pagkakataon, maaabot ng budget para sa basic at higher education ang inirerekomendang spending target ng UNESCO na hindi bababa sa 4 porsyento ng GDP.


Sa halagang P1.224 trilyon, o 16.6 porsyento ng kabuuang budget, lampas din ito sa requirement ng UNESCO Education 2030 Framework na 15–20 porsyento ng kabuuang public expenditure at higit sa global average na 14.2 porsyento.


Tataas naman 23.6 porsyento ang pondo para sa healthcare, kabilang ang subsidiya para sa PhilHealth, pinalawak na medical aid para sa mga mahihirap, at mas mataas na budget para sa mga ospital ng Department of Health—tumaas ng 20.2 porsyento sa Metro Manila at 26.1 porsyento sa mga rehiyon.


Kasama rin sa NEP ang pondo para sa operasyon ng mga Bukas Centers upang dalhin ang abot-kaya at de-kalidad na serbisyong medikal sa mga komunidad.


Para matiyak ang suplay ng pagkain sa bansa, makakatanggap ng P239.2 bilyon ang Department of Agriculture at mga attached agencies nito, kabilang ang pondo ng para sa Rice Competitiveness Enhancement Fund  namas mataas ng tatlong beses habang itinaas din sa 38 porsyento ang budget para sa National Rice Program.


Magtatatag din ang pamahalaan ng National Agricultural Food Hub at ipagpapatuloy ang Rice for All Program na pakikinabangan ng mahigit 15 milyong kabahayan.


Mananatili sa 5–6 porsyento ng GDP ang paggasta sa imprastruktura sa ilalim ng Build Better More Program, kasama ang P87.33 bilyon para sa digital transformation ng mga serbisyo ng gobyerno.


Kabilang sa iba pang pangunahing alokasyon ang: P55.2 bilyon para sa labor at employment programs; P299.3 bilyon para sa Department of National Defense; P287.5 bilyon para sa Department of the Interior and Local Government; at P67.9 bilyon para sa Judiciary. (END)


__________


AFTER NEWS OPINYON


Sa ipinakitang pahayag ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez hinggil sa panukalang P6.793-trilyong pambansang budget para sa 2026, malinaw ang mensahe: bawat piso ng pondo ay kailangang magdala ng direktang benepisyo sa mamamayan. Hindi ito dapat maging simpleng listahan ng gastusin, kundi isang malinaw na plano para sa kaunlaran—mula sa edukasyon, kalusugan, at seguridad sa pagkain, hanggang sa imprastrukturang magdurugtong sa mga komunidad.


Subalit, ang malaking tanong: paano masisiguro na ang bawat pondong ilalaan ay tunay na mapapakinabangan at hindi masasayang sa mabagal na implementasyon, red tape, o maling prayoridad? Maganda ang balangkas ng NEP, lalo na’t nakaangkla ito sa Philippine Development Plan at sa bisyon ng “Bagong Pilipinas,” pero nananatiling hamon ang pagsasalin ng magagandang plano sa kongkretong resulta na ramdam sa barangay, sa palengke, at sa bawat tahanan.


Kung tunay na “mirror of priorities” ang budget, makikita natin sa darating na taon kung gaano ka-prayoridad ng pamahalaan ang ordinaryong Pilipino. Ang transparency at public accountability na binanggit ni Speaker Romualdez ay dapat maging gabay mula sa deliberasyon hanggang sa huling sentimong gagastusin. Sapagkat sa huli, hindi lang ito tungkol sa laki ng pondo, kundi sa tibay ng kalooban ng gobyerno na gawing totoo ang pangakong “bawat piso, may pakinabang sa tao.”


ooooooooooooooooooooooooo


Rodriguez, pinuri ang BSP sa utos na i-unlink ang e-wallet sa online gambling, nanawagan na bantayan ang ilegal na payment platforms


Nanawagan si Cagayan de Oro City 2nd District Representative Rufus Rodriguez sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na bantayan ang mga ilegal na online payment platform na konektado sa online gambling at mga transaksiyon ng pera sa pamamagitan ng mga bangko at iba pang financial intermediaries gaya ng mga pawnshop.


Ang panawagang ito ay ginawa ni Rodriguez matapos ipahayag ni BSP Deputy Governor Mamerto Tangonan sa Senado nitong Huwebes na inatasan ng financial sector regulator ang mga electronic wallet gaya ng GCash at PayMaya na i-unlink mula sa online gambling.


Ayon kay Tangonan, magsisimula ang implementasyon ng naturang direktiba bukas (Sabado).


“Pinupuri natin ang BSP sa kautusang ito. Malaki ang maitutulong nito upang mahikayat ang ating mga kababayan na iwasan at tuluyang ipagbawal ang online gambling na sumisira sa buhay at pamilya,” ani Rodriguez.


Gayunpaman, iginiit niya na dapat maging mapagmatyag ang BSP laban sa mga ilegal na payment platform na maaaring itatag ng mga operator ng online gambling upang magpatuloy sa kanilang operasyon.


Kaugnay nito, iminungkahi ni Rodriguez na makipag-ugnayan ang BSP sa Department of Information and Communications Technology (DICT) upang matulungan sa pagbabantay.


Dagdag pa ng mambabatas mula Mindanao, dapat ding bantayan ng BSP ang mga transaksiyon mula sa mga tumataya gamit ang banking system at iba pang financial intermediaries gaya ng mga pawnshop.


Ipinaalala rin niya na sa kaso ng e-sabong, na ipinagbawal ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., nakahanap pa rin ng paraan ang ilang mapagsamantalang promotor upang makalusot sa kautusan ng Pangulo sa pamamagitan ng ilegal o underground platforms.


“Maging mapagmatyag tayo laban sa mga online gambling at e-sabong operators na patuloy na umaabuso sa ating mga kababayan para lamang kumita. Huwag na nating dagdagan ang mga pamilyang nasisira at buhay na nawawala dahil sa pagkakalulong sa sugal,” diin ni Rodriguez.


Muli rin siyang nanawagan kay Pangulong Marcos Jr. na ipagbawal na sa lalong madaling panahon ang online gambling.


Kasabay nito, inulit ni Rodriguez ang kanyang pakiusap sa mga kilalang personalidad sa entertainment industry gaya nina Vice Ganda, Ivana Alawi at Alden Richards na itigil na ang pag-eendorso ng online gambling.


“Gaya ng aking sinabi sa aking privilege speech noong Agosto 5, ang buhay ng isang Pilipino o saya ng isang pamilya ay walang katumbas na perang kinikita ng pamahalaan at ng mga promotor sa online gambling,” wika niya.


————-


After News Opinyon


Magandang hakbang ang ginawa ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa pag-utos na i-unlink ang mga e-wallet mula sa online gambling. Isa itong malinaw na pahayag na seryoso ang pamahalaan sa pagpigil sa pagkalulong ng marami sa sugal na sumisira sa buhay at pamilya. Ngunit tama rin ang babala ni Congressman Rufus Rodriguez—hindi natatapos dito ang laban.


Sa panahon ngayon, mabilis at madiskarte ang mga operator ng ilegal na sugal. Kapag isinara mo ang isang pinto, maghahanap sila ng ibang daan. At sa mundo ng teknolohiya, madaling makagawa ng mga bagong payment platform at underground network para ipagpatuloy ang operasyon.


Dito pumapasok ang mas malawak na kooperasyon ng mga ahensya ng gobyerno—lalo na ng BSP at DICT—para tugisin at hadlangan ang mga bagong anyo ng ilegal na transaksiyon. Mahalaga ring bantayan ang galaw ng pera hindi lang sa e-wallets kundi pati sa bangko at mga pawnshop na maaaring gawing daluyan ng pusta.


Kung talagang nais nating tapusin ang masamang epekto ng online gambling, kailangan ang tuloy-tuloy at agresibong pagbabantay, mahigpit na regulasyon, at kooperasyon ng publiko. Sapagkat sa huli, mas mahalaga ang katahimikan ng bawat tahanan kaysa anumang kita mula sa sugal.


oooooooooooooooooooooooo



3 VARGAS PINAIGTING ANG AGENDA PARA SA KABATAAN


Sa pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan, mas pinaiigting ni Quezon City Fifth District Representative PM Vargas ang pagsusulong ng mga panukalang batas para sa kabataan sa pamamagitan ng tatlong pangunahing hakbang na layong bigyan ang mga kabataang Pilipino ng kaalaman, kasanayan, at wastong pagpapahalaga upang maging responsableng mamamayan sa tunay at digital na mundo.


Kamakailan ay inihain ni Vargas ang sumusunod na mga panukalang batas:


a. House Bill 3517 – Human Rights Education Act – nag-uutos na isama sa kurikulum ng lahat ng pampubliko at pribadong paaralan ang komprehensibong pagtuturo ng karapatang pantao upang matiyak na alam ng mga mag-aaral ang kanilang mga karapatan, kung paano ito ipagtatanggol, at kung paano igalang ang karapatan ng iba.


b. House Bill 3519 – Social Media Education Act – naglalayong turuan ang mga mag-aaral kung paano ligtas, responsable, at may kritikal na pag-iisip na gumamit ng social media.


c. House Bill 3516 – Compulsory Voter Education Act – naghahanda sa mga kabataang botante para makalahok nang may saysay at pananagutan sa mga demokratikong proseso.


“Kaalaman ang unang sandata nila para sa kinabukasan,” diin ni Vargas. “Sa pamamagitan ng mga panukalang ito, sinisiguro nating ang bawat kabataang Pilipino ay maalam, maingat, at may pananagutan sa kanilang mga desisyon—mula sa kanilang karapatang pantao, pagboto ng kanilang mga lider, at paggamit ng social media.”


Ang mga panukalang ito ay pagpapatuloy sa matagal nang adbokasiya ni Vargas para sa kabataan, kasunod ng nauna niyang mga inisyatiba upang palawakin ang mga oportunidad at igalang ang karapatan ng mga Out-of-School Youth. Sa ilalim ng mga panukalang batas, makikipagtulungan ang Department of Education (DepEd) sa Commission on Human Rights (CHR) at Department of Information and Communications Technology (DICT) upang bumuo ng mga kaukulang modyul at tiyakin ang pagpapatupad nito sa buong bansa.


Ang unang mga bersyon ng mga panukalang ito ay inihain sa mga nakaraang Kongreso ng noo’y Fifth District Representative Alfred Vargas, na patuloy pa rin sa kanyang adbokasiya para sa kabataan bilang kasalukuyang miyembro ng Quezon City Council.


“Ako’y umaasa na ang mga batas na nakatuon sa kabataan ay makatutulong sa paghubog ng isang henerasyong may kapangyarihan at magpapatatag sa ating demokrasya,” pagtatapos ni Vargas.


Ipinagdiriwang ang Linggo ng Kabataan tuwing Agosto 12–17 upang mapataas ang kamalayan ng publiko sa mga isyu ng kabataan at mahikayat ang suporta sa mga programang tumutugon dito.

—————


AFTER NEWS OPINYON


Ang inisyatiba ni Cong. PM Vargas na itaguyod ang tatlong panukalang batas para sa kabataan ay malinaw na hakbang upang ihanda ang susunod na henerasyon hindi lamang sa harap ng tradisyunal na hamon ng lipunan, kundi pati na rin sa mabilis na umuusbong na digital na mundo. Sa panahong laganap ang maling impormasyon, cyberbullying, at mababang partisipasyon sa demokratikong proseso, mahalagang maituro sa murang edad ang kahalagahan ng karapatang pantao, responsableng paggamit ng social media, at matalinong pagboto.


Kung maisasakatuparan ang mga panukalang ito, hindi lamang kaalaman ang maibabahagi sa kabataan, kundi disiplina at malasakit sa kapwa. Ngunit, tulad ng lahat ng magagandang batas, ang tunay na pagsubok ay nasa implementasyon—mula sa kalidad ng mga modyul hanggang sa husay ng pagtuturo sa bawat paaralan. Kailangang masiguro na ang mga araling ito ay magiging praktikal, makabuluhan, at akma sa realidad na hinaharap ng kabataan ngayon.


Sa huli, ang tunay na sukatan ng tagumpay ng mga panukalang ito ay kung mababago nito ang pananaw at asal ng kabataang Pilipino—upang maging makatao, mapanuri, at aktibong mamamayan. Sapagkat, gaya ng sabi ni Cong. Vargas, “kaalaman ang unang sandata para sa kinabukasan,” at tungkulin nating tiyakin na ang sandatang ito ay matalas, makatarungan, at ginagamit para sa ikabubuti ng lahat.


oooooooooooooooooooooooo


4 - 2026 national budget, hakbang tungo sa kaunlaran — Romualdez



Malugod na tinanggap ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang panukalang ₱6.793 trilyong pambansang budget ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa 2026, na tinawag nitong budget para sa mamamayan Pilipino.


“This budget is more than numbers and tables—it is a family’s budget. It speaks to every parent who dreams of a better life for their children, every worker who strives for a secure future, and every community that hopes for safety, opportunity, and dignity,” ani Speaker Romualdez matapos ang Budget Message ng Pangulo sa Kongreso.


Tema ng 2026 National Expenditure Program (NEP), ang “Agenda for Prosperity: Nurturing Future-Ready Generations to Achieve the Full Potential of the Nation,” na nakatuon sa mga pamumuhunan na direktang tumutugon sa mahahalagang pangangailangan ng bawat pamilyang Pilipino, kabilang na ang:


De-kalidad na Edukasyon para sa mga Bata – Ang pinakamalaking pondo sa kasaysayan para sa edukasyon na ₱1.224 trilyon ay ilalaan sa pagpapatayo ng mga silid-aralan, pagkuha ng karagdagang guro, paggamit ng teknolohiya sa pagtuturo, at pagpapalakas ng programang pangnutrisyon para sa mga mag-aaral.


Abot-kamay at Abot-kayang Serbisyong Pangkalusugan – ₱320.5 bilyon ang nakalaan para sa mas malawak na medical assistance, pagpapahusay ng mga ospital, at pagpapatibay ng universal health care upang walang Pilipinong pagkakaitan ng gamutan dahil lamang sa kahirapan.


Pagkain sa Hapag-Kainan – Mas malaking pondo para sa produksyon ng bigas, irigasyon, at suporta sa mga magsasaka upang mapanatiling matatag ang presyo ng pagkain, kalakip ang mga programang panlipunang proteksyon gaya ng 4Ps, pensyon ng senior citizens, at Food STAMP Program.


Ligtas at Matiwasay na mga Komunidad – Mas matibay na pondo para sa modernisasyon ng depensa, serbisyo ng pulisya, at mga programa sa kahandaan sa sakuna upang maprotektahan ang mga pamilya laban sa mga banta, natural man o gawa ng tao.


Trabaho at Kabuhayan – Pinalawak na programa para sa skills training, livelihood assistance, at pagpapaunlad ng imprastruktura na magbubukas ng mas maraming oportunidad para sa matatag at disenteng hanapbuhay.


Binigyang-diin ni Speaker Romualdez na gagamitin ng Kamara ang kapangyarihan nito sa budget deliberations nang may ganap na transparency, accountability, at kagyat na aksyon.


“Bawat piso, may malinaw na patutunguhan—sa edukasyon ng anak, sa kalusugan ng magulang, sa pagkain sa hapag, at sa kinabukasang matiwasay. Every project must be shovel-ready, corruption-free, and responsive to the needs of our people,” ayon sa pinuno ng Kamara.


Tiniyak din niya kay Pangulong Marcos at sa sambayanang Pilipino na kikilos ang Kamara upang maipasa sa tamang oras ang 2026 General Appropriations Act upang agad maramdaman ng mga pamilya ang benepisyo nito.


“This is not just the President’s budget—it is the people’s budget. And the measure of our success is simple: that every Filipino family feels the difference in their daily lives,” ayon pa kay Speaker Romualdez. (END)


——————


AFTER NEWS OPINYON


Ang paglatag ng 2026 national budget na tinawag ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na “budget para sa mamamayan” ay isang malinaw na deklarasyon ng layunin—ituon ang pondo sa mga sektor na may direktang epekto sa buhay ng bawat Pilipino. Mula sa pinakamalaking alokasyon sa kasaysayan para sa edukasyon, hanggang sa mas pinalakas na serbisyong pangkalusugan, suporta sa agrikultura, at seguridad ng komunidad, malinaw ang mensahe: walang maiiwan.


Gayunman, mahalagang tandaan na ang magagandang plano ay kailangang suportahan ng mahusay na pagpapatupad. Walang saysay ang bilyun-bilyong pondo kung mababalam sa burukrasya, maaantala ang proyekto, o mauuwi sa katiwalian. Ang pangako ng transparency, accountability, at “shovel-ready” projects ay dapat bantayan ng taumbayan, sapagkat dito masusukat kung talagang nakarating ang pondo sa mga pamilyang nangangailangan.


Sa huli, ang tunay na batayan ng tagumpay ng budget na ito ay hindi kung gaano ito kalaki, kundi kung gaano kalalim ang pagbabago sa buhay ng bawat Pilipino—mula sa silid-aralan, ospital, at sakahan, hanggang sa hapag-kainan ng bawat tahanan. Kung maisasakatuparan ito nang tapat at mabilis, ang 2026 budget ay maaaring maging isang tunay na hakbang tungo sa mas maunlad at mas makatarungang bansa.


oooooooooooooooooooooooo


5 Young Guns tinukuran isinusulong ni Speaker Romualdez na transparent, people-focused budget 



Nagpahayag ng suporta ang Young Guns ng Kamara de Representantes sa itinutulak na reporma ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez para maging transparent at people-focused ang panukalang ₱6.793-trilyong 2026 National Expenditure Program (NEP) na isinumite ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Kongreso.


Sinabi nina Deputy Speaker Francisco “Paolo” Ortega V, Deputy Speaker Jefferson “Jay” Khonghun, Deputy Majority Leader Ramon Rodrigo “Rodge” Gutierrez, Deputy Majority Leader Ernesto “Ernix” Dionisio Jr., Deputy Majority Leader Zia Alonto Adiong, at Committee Chairman Lordan Suan na ang Budget Message ng Pangulo para sa 2026 ay naglalatag ng malinaw at kapani-paniwalang roadmap para sa Bagong Pilipinas—isang bansa kung saan bawat pamilya ay maaaring umasa sa magkakaugnay na komunidad, abot-kayang pagkain, accessible na edukasyon, dekalidad na serbisyong pangkalusugan, at ligtas na mga pamayanan.


“The President has given us a budget message that speaks directly to the needs and dreams of every Filipino household,” ani Deputy Speaker Ortega. “As the new generation in Congress, we see it as our duty to make sure this vision is carried through a budget process that is honest, inclusive, and easy for our people to follow.”


Binigyang-diin ng Young Guns na ang mga prayoridad sa budget ng Pangulo—edukasyon, kalusugan, seguridad sa pagkain, trabaho, imprastruktura, kapayapaan, at katatagan—ay ang pang-araw-araw na pangangailangan sa kanilang mga Pilipino.


Tinitingnan ng mga mambabatas ang mga ito bilang mga pangakong dapat pangalagaan sa pamamagitan ng mga repormang ipinatutupad ni Speaker Romualdez sa proseso ng pagbuo ng budget.


“For us, this is personal,” sabi ni Deputy Speaker Khonghun. “We grew up seeing communities struggle when government spending failed to reach them. The President’s plan gives us a chance to change that story, and the Speaker’s reforms will make sure every peso is spent where it truly matters.”


Binigyang-diin ni Deputy Majority Leader Gutierrez na lalapitan ng grupo ang mga deliberasyon na may “on-the-ground lens” na hinubog ng kanilang trabaho sa iba’t ibang komunidad.


“The President’s message is a promise; our job is to turn that promise into real outcomes—roads that connect, schools that inspire, hospitals that heal, and communities that thrive,” sabi ni Gutierrez.


Idinagdag ni Deputy Majority Leader Adiong na mahalaga ang timing:


“This is the first national budget to be crafted under a more open, participatory system. The President’s priorities are clear, and with these reforms, we can ensure transparency and accountability from day one.”


Nangako ang Young Guns na susuriin ang bawat pahina ng NEP na may iisang gabay na tanong: “Makakabuti ba ito sa ating mga kababayan?” Nangako silang susuportahan ang mga panukalang maghahatid ng resulta para sa mga pamilyang Pilipino, pahuhusayin ang mga nangangailangan ng pag-amyenda, at titiyakin ang isang budget na transparent sa proseso, transformative sa epekto, at pinagkakatiwalaan ng taumbayan. (END)


—————


AFTER NEWS OPINYON


Ang pagbibigay-suporta ng Young Guns sa isinusulong na transparent at people-focused budget ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ay nagpapakita ng pagkakaisa ng bagong henerasyon ng mga mambabatas sa layuning gawing mas bukas at kapaki-pakinabang ang proseso ng pambansang paggasta. Malinaw ang mensahe nila: hindi lang basta pagtibayin ang budget, kundi siguraduhing bawat piso ay may direktang pakinabang sa mamamayan.


Maganda ang kanilang paninindigan na suriin ang NEP gamit ang tanong na “Makakabuti ba ito sa ating mga kababayan?” Sapagkat ito ang dapat maging batayan ng lahat ng desisyon sa budget deliberations—hindi ang partidong kinabibilangan, hindi ang presyur ng politika, kundi ang totoong pangangailangan ng taumbayan. Ngunit mahalagang bantayan kung paano isasakatuparan ang pangakong ito, lalo na sa gitna ng mga hamon tulad ng red tape, mabagal na implementasyon, at panganib ng maling paggasta.


Kung mapapanindigan ng Young Guns ang kanilang ipinahayag na malasakit at on-the-ground perspective, maaari itong maging hudyat ng mas makabuluhang reporma sa pamamahala ng pondo ng bayan. Sapagkat sa huli, ang sukatan ng kanilang tagumpay ay kung ramdam ng bawat Pilipino sa kanilang komunidad ang pagbabago—mula sa mas maayos na kalsada at paaralan hanggang sa abot-kayang pagkain at serbisyong pangkalusugan.


ooooooooooooooooooooooo


6 ‘Worst in the World’: Erice nanawagan na ayusin ang pamamahala ng basura sa Metro Manila



Nagbabala si Caloocan City 2nd District Rep. Edgar Erice na mananatili ang pagbaha sa Metro Manila hangga’t hindi naaayos ang solid waste management system na tinawag nitong “worst in the world.”


Sa briefing ng House Committee on Public Accounts na pinamumunuan ni Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon, sinabi ni Erice na halos 1.8 milyong tonelada ng basura bawat taon ang hindi nakokolekta at napupunta sa mga daluyan ng tubig sa Metro Manila.


Binigyang-diin niyang magiging posible lamang ang disiplina ng mga residente kung may maayos na sistema ng pamamahala ng basura.


“Kung 10 square meters lang ang bahay mo at hindi ka nadaanan ng truck ng basura sa loob ng isang linggo, saan mo ilalagay ang basura? Mapipilitan kang itapon ‘yan—sa ilog, sa kalsada—na mauuwi rin sa drainage at, sa huli, sa mga waterways. Kaya problema ito ng sistema,” pahayag ni Erice.


Ayon sa isang pag-aaral noong 2020 ng Bloomberg, sinabi ni Erice na Pilipinas ang may pinakamalaking ambag sa plastic pollution sa dagat, na umabot sa 34.7%—pinakamataas sa mundo.


Ayon sa kanya, 11,000 tonelada ng basura ang nalilikha araw-araw sa Metro Manila, ngunit 30–40% lamang nito ang nakokolekta. Kahit kalahati lamang, o humigit-kumulang 5,000 tonelada kada araw, ang hindi nakokolekta, aabot pa rin ito sa 1.8 milyong tonelada bawat taon na nauuwi sa mga daluyan ng tubig—basurang kayang makasira sa pumping stations gaano man ito kalakas o katibay.


Ipinunto ni Erice na kakaunti lamang ang kontratistang namamahala sa koleksiyon ng basura sa Metro Manila, at sila rin ang may-ari ng mga dumpsite—isang monopolyo na pumipigil sa patas na kompetisyon at nagpapababa sa kalidad ng serbisyo.


Binatikos din ng mambabatas ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa umano’y 10-taong pagpapahinto ng dredging sa mga daluyan ng tubig dahil sa alegasyon ng katiwalian, na nagresulta sa pag-ipon ng burak at basura na lalo pang nagpabigat sa problema ng pagbaha.


Inilatag ni Erice ang kanyang mga mungkahi para mabawasan ang pagbaha sa Metro Manila. Kabilang dito ang malawakang dredging sa lahat ng daluyan ng tubig, pag-atas sa Department of the Interior and Local Government (DILG) na obligahin ang mga alkalde na kolektahin ang basura sa waterways, at pagbuwag sa mga istrukturang nakatayo sa ibabaw ng mga daluyan ng tubig.


Ayon sa mambatatas, mapapababa ng mga hakbang na ito ang pagbaha mula tatlong oras hanggang 30 minuto lamang.


Hinikayat din niya ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na buwagin ang monopolyo ng mga landfill contractors at magbukas ng bidding para sa makabagong waste disposal solutions gaya ng waste-to-energy facilities at engineered landfills.


“Magpalabas na kayo ng notice kung sino ang magpo-propose for other forms or other areas for landfill or waste to energy. Sigurado ako maraming negosyante ang papasok diyan. Viable na viable ang waste to energy, viable na viable ang modern landfill, engineered dumpsite,” giit ni Erice.


Sabi pa ni Erice na maaring magdala ng malinaw na resulta ang kanyang mga panukala sa loob ng isang taon.


“’Yan ang short-term solution para next year hindi puro nagsasalita lang tayo, walang output para sa ating mga mamamayan,” aniya.


Isinagawa ng Committee on Public Accounts ang ikalawang briefing kasama ang mga opisyal ng DPWH upang repasuhin ang performance ng Unified Project Management Office–Flood Control Cluster at alamin ang update sa mga kasalukuyan at nakaplanong proyekto.


Ang briefing ay bahagi ng tugon ng Kamara, sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., na kinondena ang katiwalian, mababang kalidad ng trabaho, at mga “ghost” project—mga isyung lalo pang nabunyag sa gitna ng mga nagdaang pagbaha sa Luzon. (END)


————-


AFTER NEWS OPINYON


Mabigat at malinaw ang punto ni Cong. Edgar Erice: hindi matatapos ang problema ng pagbaha sa Metro Manila hangga’t hindi maayos ang sistema ng pamamahala ng basura. Ang tawagin itong “worst in the world” ay hindi simpleng retorika—ito ay reyalidad na pinatutunayan ng datos, kung saan milyon-milyong tonelada ng basura ang nauuwi sa mga daluyan ng tubig taon-taon.


Tama ang obserbasyon na hindi lamang disiplina ng mamamayan ang dapat tutukan, kundi ang mismong sistema ng koleksiyon at pagtatapon ng basura. Kung ang isang pamilya ay hindi nadadaanan ng truck ng basura sa loob ng isang linggo, natural lang na mapilitan silang itapon ito kung saan-saan—at dito nagsisimula ang problema. Dagdag pa rito, ang monopolyo ng iilang landfill contractors ay tila humahadlang sa modernisasyon ng waste management at sa pagbibigay ng mas episyenteng serbisyo.


Ang mga mungkahi ni Erice—malawakang dredging, pag-atas sa mga LGU na kolektahin ang basura sa waterways, pagbuwag sa mga ilegal na istruktura, at pagbubukas ng pinto sa waste-to-energy at modern landfill solutions—ay praktikal at may malinaw na target na resulta. Pero tulad ng lahat ng reporma, ang pinakamalaking hamon ay ang mabilis, tapat, at tuloy-tuloy na implementasyon.


Kung kaya talagang magdala ng makabuluhang pagbabago ang mga hakbang na ito sa loob ng isang taon, gaya ng sinabi ni Erice, malaking ginhawa ito para sa mga pamilyang taon-taong binabaha. Ang susi ngayon ay aksyon—hindi lang paulit-ulit na pag-uusap—upang maramdaman ng taumbayan na ang kanilang buwis ay ginagamit para sa tunay at agarang solusyon.


oooooooooooooooooooooooo


7 DILG dapat atasan ang mga barangay na linisin ang mga daluyan ng tubig, basura ang pangunahing problema sa pagbaha— Rep Garcia



Hinimok ng isang dating general manager ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang Department of Interior and Local Government (DILG) na atasan ang mga opisyal ng barangay sa buong bansa na linisin ang mga daluyan ng tubig upang maiwasan ang pagbaha sa kanilang mga komunidad.


Ipinahayag ni Rizal Rep. Jojo Garcia ang panawagang ito sa ikalawang briefing ng House Committee on Public Accounts na pinamumunuan ni Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon hinggil sa usapin ng pagbaha at mga pumalyang flood control projects.


“Ang pinaka-problema po ay ang basura. Ito ang experience namin sa maliit na bayan ng San Mateo,” sabi ni Garcia, isang dating MMDA general manager, sa kanyang mga kasamahan.


Naalala ni Garcia na bago ang mga nagdaang pag-ulan, siya at ang alkalde ng kanyang bayan ay humiling sa mga opisyal ng barangay na linisin ang mga daluyan ng tubig sa kanilang mga komunidad.


“Naging epektibo po ang ginawa nila, naibsan ang flooding sa San Mateo,” aniya.


Naalala rin ni Garcia na noon, isinama ng DILG ang mga barangay sa pagpigil sa pagbaha.


“We could ask Secretary Jonvic Remulla to re-issue such a directive,” aniya.


Binigyang-diin niya na ang pagsasama ng mga barangay sa paglilinis ng mga daluyan ng tubig upang mabawasan ang pagbaha “is just a short-term solution, which we should undertake while waiting for the medium-term and long-term solutions.”


Ang problema sa mga medium-term at long-term flood mitigation structures “is they are multi-year projects and they often get damaged whenever it rains,” dagdag niya.


Ibinahagi naman ni Marikina City Rep. Romero Quimbo sa kanyang mga kasamahan ang ginawa ng kanyang lungsod at ng Department of Public Works and Highways (DPWH) upang mabawasan ang pagbaha sa kanilang lugar.


Sinabi niya na ang Marikina “serves as the valley that receives floodwaters from its neighbors, including San Mateo and Antipolo and the Sierra Madre mountain range.”


Pinasalamatan din ni Quimbo ang yumaong alkalde ng Marikina City na si Bayani Fernando sa kanyang mga pagsisikap na tiyakin na walang mga informal settler na nakatira sa kahabaan ng Marikina River, na nagpanatiling malinis sa mga daluyan ng tubig.


Sinabi niya na nakipagtulungan ang pamahalaang lungsod at ang DPWH upang “expand the water containment capacity of the Marikina River and Nangka River, constructed flood protection walls along Marikina River and built water interceptor channels.”


Ayon pa kay Quimbo, nagtayo rin sila ng mga underground water impounding structures upang saluhin ang baha, na saka ipinapump palabas matapos ang pag-ulan.


Ngunit ang pinakamalaking nakatulong sa pagpapababa ng pagbaha sa Marikina at mga kalapit na lugar ay ang Upper Wawa Dam, isang pasilidad ng Manila Water, dagdag pa niya.


Binigyang-diin ni Quimbo na sa kahilingan ng pamahalaang lokal ng Marikina, isang bahagi ng dam ang ginagamit upang saluhin ang tubig-ulan mula sa Sierra Madre.


“Napakalaking tulong nung Upper Wawa Dam. It holds up to 20 million cubic meters of rainwater that could otherwise flow to Marikina and low-lying areas,” diin niya.


Iminungkahi rin niya na ituloy ang isa pang proyekto ng dam, ang Triple Dam, sa lugar ng Sierra Madre.


“This is the long-term solution to flooding in many parts of Metro Manila, including Quezon City and Caloocan City,” sabi ni Quimbo. (END)


————-


AFTER NEWS OPINYON


Maliwanag ang punto ni Rep. Jojo Garcia—ang problema ng pagbaha ay hindi lamang isyu ng malalaking flood control projects, kundi nakaugat din sa simpleng katotohanang barado ang mga daluyan ng tubig dahil sa basura. At sa paglilinis nito, ang unang dapat kumilos ay ang pinakamalapit sa komunidad: ang mga barangay. Totoo, makabuluhan ang mga multi-year infrastructure projects, ngunit kung hindi aayusin ang pinaka-ugat ng problema sa araw-araw, mananatiling mabagal at mabigat ang solusyon.


Ang karanasan ng San Mateo at Marikina ay malinaw na patunay—kapag sama-samang kumilos ang lokal na pamahalaan, DPWH, at mga barangay, posible ang agarang ginhawa sa mga residente. Pero habang pinupuri natin ang mga long-term projects gaya ng Upper Wawa Dam, hindi natin dapat kalimutan na ang “short-term solution” gaya ng regular na paglilinis at pagtanggal ng mga nakaharang sa daluyan ng tubig ay kasinghalaga.


Kung magagawa ng DILG na maglabas muli ng malinaw na direktiba at ipatupad ito nang mahigpit, lalo na ngayong tag-ulan, maaari nating mabawasan ang pagbaha sa paraang mabilis, mura, at epektibo—habang hinihintay ang mas malalaking proyekto na magbigay ng pangmatagalang proteksiyon laban sa baha. Sapagkat sa huli, ang kalinisan ng ating mga daluyan ng tubig ay hindi lang tungkulin ng gobyerno, kundi responsibilidad ng buong komunidad.


oooooooooooooooooooooooo


8 Limang budget reforms inilatag ng Kamara para maging transparent pagtalakay sa budget



Inihayag ni House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na magpapatupad ang Kamara de Representantes ng limang mahahalagang reporma upang maging transparent ang proseso ng pag-apruba at pagpapatupad ng pambansang budget para sa susunod na taon.


Ginawa ni Speaker Romualdez ang anunsyo sa ceremonial turn-over ng National Expenditure Program (NEP)—ang P6.793 trilyong panukalang budget ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. para sa 2026—na ipinresenta ng Department of Budget and Management (DBM) sa pangunguna ni Secretary Amenah Pangandaman.


Dumalo rin sa presentasyon ng NEP ang ilang pinuno ng Kamara at mga opisyal ng DBM.


Ayon kay Speaker Romualdez, layon ng mga repormang ito na tiyakin ang ganap na transparency at ang paglahok ng publiko sa pamamagitan ng mga people’s organizations, sapagkat ang budget ay pera ng mamamayan.


“A budget is not just a spending plan—it is a mirror of our priorities and a measure of our accountability to the people. And because this is the people’s money, the process of crafting it must be transparent, inclusive, and worthy of public trust,” ayon kay Speaker Romualdez.


Dagdag pa ng mambabatas na simula ngayong taon, ipatutupad din ng Kamara ang limang mahahalagang reporma kabilang na ang pag-alis ng “small committee” na dati’y binubuo matapos maaprubahan ang budget upang magtipon ng institutional amendments.


“Bukas ang talakayan. Lahat ng amendments, alam ng mamamayan,” paliwanag niya.


Ikalawa, ang pagbubukas sa publiko at media ng House-Senate conference para pagtugmain ang kani-kanilang bersyon ng budget.


“Kung pera ng taumbayan ang pinag-uusapan, dapat taumbayan din ang nakakaalam,” aniya.


“Third, we will invite civil society, people’s organizations, and the private sector to join budget hearings. Ang pambansang budget ay hindi pag-aari ng mga politiko; ito ay pera ng bawat Pilipinong nagbabayad ng buwis,” ayon kay Speaker Romualdez.


Ikaapat, Pagpapalakas sa oversight function ng Kamara sa pagpapatupad ng budget, kabilang ang obligadong agarang ulat mula sa mga ahensya at real-time tracking ng malalaking proyekto.


“Bawat pisong ginastos, dapat may katumbas na serbisyong nararamdaman,” wika niya.


“And fifth, we will prioritize investments that truly change lives: agriculture for food security, infrastructure for connectivity and jobs, education for opportunity, health for all, and defense and disaster preparedness for national safety,” ayon sa mambabatas.


Paglilinaw ng pinuno ng Kamara na ang mga reporma ay hindi layuning pabagalin ang proseso, kundi upang gawing mas maayos, mas matatag, at mas mapagkakatiwalaan.


“Kapag malinaw ang proseso, malinaw din ang tiwala,” diin niya.


Ayon kay Romualdez, “In the coming weeks, we will review every page of this NEP guided by one question: ‘Makakabuti ba ito sa ating mga kababayan?’ If yes, we will support it. If not, we will work to make it better. A budget the people can trust is a government the people can believe in.”


Sinabi rin ng pinuno ng Kamara na ang turnover ng NEP mula sa Ehekutibo papuntang Kongreso ay hindi lang basta pormalidad, kundi ang unang hakbang para gabayan kung paano pagsisilbihan ng gobyerno ang mga Pilipino sa susunod na taon.


“Like every family, we know that every peso must have a purpose. We cannot spend what we do not have – and we must spend wisely on what matters most,” wika niya.


“Bawat piso, may pinaglalaanan; bawat gastusin, dapat may pakinabang sa tao,” aniya pa.


Ipinaalala rin ni Speaker Romualdez na ang NEP ay higit pa sa mga numero lamang sa papel.


“It is the government’s plan to make the vision of a Bagong Pilipinas real—roads that connect communities, markets where food is affordable, schools that open doors to opportunity, hospitals that save lives, and safe, secure communities for every Filipino,” pahayag pa ni Romualdez. (END)


———


AFTER NEWS OPINYON


Ang limang reporma na inilatag ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez para gawing mas transparent ang proseso ng pag-apruba at pagpapatupad ng pambansang budget ay isang makabuluhang hakbang tungo sa pagbabalik ng tiwala ng taumbayan sa pamahalaan. Ang pagtanggal sa “small committee,” pagbubukas ng budget conference sa publiko, at pagbibigay ng mas malaking papel sa civil society at private sector sa pagdinig ay malinaw na senyales ng pagnanais na gawing mas bukas at inklusibo ang proseso.


Gayunman, ang hamon ay nasa aktwal na pagpapatupad. Madalas, maganda ang mga layunin sa papel ngunit nababawasan ang epekto kapag nahaharap na sa pulitika, lobbying, at mga kompromiso sa plenaryo. Ang pangakong “bawat piso, may pakinabang sa tao” ay dapat masukat sa kongkretong resulta—mula sa mas mabilis na proyekto, mas malinaw na ulat ng paggasta, at mas mababang insidente ng katiwalian.


Kung maisasagawa nang tapat at walang palya ang mga repormang ito, maaaring maging huwaran ang Kamara sa tamang paggastos ng pondo ng bayan. Ngunit kung magiging seremonya lamang ito, mananatili itong magandang pahayag na walang tunay na epekto. Sa huli, ang pinakamahalagang sukatan ay kung mararamdaman ng bawat Pilipino sa kanilang komunidad ang positibong bunga ng isang mas malinaw, mas bukas, at mas makatarungang proseso ng pambansang budgeting.


ooooooooooooooooooooooo


9 Suportado ni House Committee Chairperson on Senior Citizens at United Senior Citizens Partylist Representative Congresswoman Milagros Aquino-Magsasay ang gagawing pagbusisi ng Kongreso sa 2025 Budget.


Ayon kay Cong Maysaysay “Kaisa po ako ni Speaker Martin Romualdez sa kahandaan ng Kongreso na masusing pag-aralan ang budget para sa 2026. Budget po ito ng taumbayan kaya dapat po totoong mapakinabangan ng mamamayan lalo na ng mga nakatatandang Pilipino.”


Sinabi rin ni Cong. Magsaysay na titiyakin niyang mailaan ang mga pondo ng iba ibang ahensya ng gobyerno para sa mga pampublikong ospital para sa maayos na programang pangkalusugan lalo na sa pagiging available ng mga pangunahing gamot.


Para sa mambabatas, kailangang transparent at beneficial sa mga mamamayan ang paggamit sa pondo ng gobyerno para mawala ang pag-aalinlangan at pag-aalala lalo na ng mga mahihirap.


Sabi pa ni Magsaysay “Kami po sa United Senior Citizens, wala po kaming ibang hiling kundi mailapat sa pondo ng pamahalaan ang aming mga pangangailangan lalo pa at marami sa aming nakatatanda na tulong lamang mula sa pamahalaan ang inaasahan.


Nanindigan din ang mambabatas na pangunahin sa kanyang tutukan ay ang pondo ng Department of Health dahil ito mismo ang prayoridad niya upang matiyak ang maayos na programang pangkalusugan, mga pangunahin at maintenance na gamot at iba pang programang pangkalusugan para sa mga nakatatanda. 


Nauna na ng sinabi ni House Speaker Martin Romualdez sa pagtanggap ng National Expenditure Program ngayong araw ang pagtitiyak sa isang 2026 na transparent, responsive at worthy of public trust.


————


AFTER NEWS OPINYON


Ang pahayag ni Cong. Milagros Aquino-Magsaysay ay malinaw na nagpapakita ng malasakit sa sektor ng nakatatanda, na madalas ay kabilang sa pinaka-vulnerable sa lipunan. Ang kanyang paninindigan na dapat tiyakin ang sapat na pondo para sa pampublikong ospital, maayos na programang pangkalusugan, at madaling akses sa mga pangunahing gamot ay isang kongkretong tugon sa pangangailangan ng mga senior citizens, lalo na yaong umaasa lamang sa tulong ng pamahalaan.


Subalit, ang mga ganitong pangako ay dapat masundan ng matibay na aksyon at mahigpit na pagbabantay sa implementasyon. Madaling magsabi ng “transparent” at “beneficial” budget, ngunit kung hindi ito masusubaybayan at masisiguro ang tamang paggasta, mananatiling pangarap lamang ang mga layunin.


Kung magiging seryoso ang Kongreso, partikular na ang mga miyembro na kumakatawan sa marginalized sectors tulad ng senior citizens, sa pagbusisi ng bawat linya ng budget, maari itong maging isang makabuluhang hakbang para mabigyan ng dignidad at seguridad ang ating mga nakatatanda. Sapagkat sa huli, ang tunay na sukatan ng isang responsableng pambansang budget ay kung ito’y ramdam at kapaki-pakinabang sa mga taong higit na nangangailangan.


oooooooooooooooooooooooo


10 Mambabatas, hinimok ang DILG na atasan ang mga barangay na linisin ang mga daluyan ng tubig; basura ang pangunahing sanhi ng pagbaha


Hinimok ni Rizal Rep. Jojo Garcia, dating general manager ng Metro Manila Development Authority (MMDA), nitong Miyerkules ang Department of the Interior and Local Government (DILG) na atasan ang lahat ng barangay sa bansa na linisin ang kanilang mga daluyan ng tubig upang maiwasan ang pagbaha sa kani-kanilang lugar.


Ginawa ni Garcia ang panawagan sa ikalawang briefing ng House Committee on Public Accounts na pinamumunuan ni Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon kaugnay ng isyu ng pagbaha at mga pumalyang flood control projects.


“Ang pinaka-problema po ay ang basura. Ito ang experience namin sa maliit na bayan ng San Mateo,” ani Garcia sa kanyang mga kasamahan.


Ikinuwento niya na bago pa man dumating ang mga pag-ulan kamakailan, siya at ang alkalde ng San Mateo ay humiling sa mga opisyal ng barangay na linisin ang mga daluyan ng tubig sa kanilang mga komunidad.


“Naging epektibo po ang ginawa nila, naibsan ang flooding sa San Mateo,” dagdag niya.


Ayon kay Garcia, dati nang naglabas ng direktiba ang DILG para hikayatin ang partisipasyon ng barangay sa pagpigil ng pagbaha.

“Maari nating hilingin kay Secretary Jonvic Remulla na muling maglabas ng ganitong kautusan,” aniya.


Binigyang-diin din niya na ang paglilinis ng mga daluyan ng tubig sa tulong ng barangay ay pansamantalang solusyon lamang habang hinihintay ang mga medium-term at long-term na proyekto.


Aniya, ang problema sa mga medium at long-term flood mitigation projects ay multi-year projects ang mga ito at kadalasang nasisira tuwing umuulan.


Samantala, ikinuwento ni Marikina City Rep. Romero Quimbo ang mga hakbang na ginawa ng kanyang lungsod at ng Department of Public Works and Highways (DPWH) upang mabawasan ang pagbaha sa Marikina.


Paliwanag niya, nagsisilbing “valley” ang Marikina na tumatanggap ng baha mula sa mga karatig-lugar tulad ng San Mateo, Antipolo at kabundukan ng Sierra Madre.


Pinasalamatan din niya ang yumaong dating alkalde ng Marikina na si Bayani Fernando sa kanyang pagsisikap na tiyaking walang informal settlers sa kahabaan ng Marikina River upang manatiling malinis ang daluyan ng tubig.


Dagdag pa ni Quimbo, nakipagtulungan ang lokal na pamahalaan ng Marikina at ang DPWH upang palawakin ang kapasidad ng Marikina River at Nangka River na maglaman ng tubig, magtayo ng flood protection walls sa Marikina River at gumawa ng water interceptor channels.


Nagpatayo rin ng mga underground water impounding structures upang makulong ang tubig-baha na pagkatapos ng ulan ay pinapump palabas.


Ngunit ayon kay Quimbo, malaki rin ang naitulong ng Upper Wawa Dam, isang pasilidad ng Manila Water, sa pagbawas ng pagbaha sa Marikina at mga karatig na mababang lugar.


Paliwanag niya, sa kahilingan ng lokal na pamahalaan ng Marikina, ginagamit ang bahagi ng dam upang maglaman ng tubig-ulan mula sa Sierra Madre.


“Napakalaking tulong nung Upper Wawa Dam. Ito ay kayang maglaman ng hanggang 20 milyong cubic meters ng tubig-ulan na kung hindi ay dadaloy patungong Marikina at mga mababang lugar,” aniya.


Iminungkahi rin ni Quimbo na ituloy ang proyekto ng Triple Dam sa Sierra Madre area.

“Ito ang long-term solution sa pagbaha sa maraming bahagi ng Metro Manila, kabilang ang Quezon City at Caloocan City,” pagtatapos niya. (Wakas)


————


AFTER NEWS OPINYON


Tumpak ang punto ni Rep. Jojo Garcia—ang basura ang pangunahing sanhi ng pagbabara sa mga daluyan ng tubig, at kung hindi ito aayusin sa antas ng komunidad, mananatiling paulit-ulit ang problema ng pagbaha. Ang simpleng hakbang ng paglilinis ng mga kanal at estero sa San Mateo ay nagpakita ng malinaw na resulta, patunay na may magagawa agad kung kikilos ang barangay at lokal na pamahalaan bago pa man dumating ang malalakas na pag-ulan.


Gayunpaman, tama rin ang obserbasyon na pansamantalang solusyon lamang ito. Ang mas pangmatagalang solusyon, gaya ng mga dam at pinalawak na flood control structures, ay kinakailangan upang masigurong may matatag na depensa laban sa pagbaha. Ang karanasan ng Marikina, sa tulong ng mga proyektong tulad ng Upper Wawa Dam at posibleng Triple Dam, ay nagpapakita na kapag may maayos na plano at koordinasyon sa pagitan ng LGU at national government, posibleng malunasan ang problema sa mas matagalang panahon.


Sa huli, dapat magsabay ang dalawang hakbang—ang agarang paglilinis ng mga daluyan sa tulong ng barangay at ang matatag na pagpapatupad ng medium at long-term flood control projects. Kung puro short-term lang ang aayusin, babalik at babalik ang problema; at kung puro long-term lang ang pag-uusapan, masyadong mabagal ang ginhawa para sa mga taong taon-taong binabaha. Ang kailangan ay kombinasyon ng mabilis na aksyon at pangmatagalang plano, sabay na tinututukan at tapat na ipinatutupad.


oooooooooooooooooooooooo


11 WPS Bloc, nagsagawa ng espesyal na screening ng dokumentaryong ‘Food Delivery’ sa Kamara de Representantes


Pinangunahan ni Akbayan Partylist Rep. Chel Diokno nitong Miyerkules ang isang espesyal na screening ng multi-awarded documentary na “Food Delivery: Fresh from the Philippine Sea” sa Kamara de Representantes upang hikayatin ang sambayanang Pilipino na ipagtanggol ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea (WPS).


“Kailangan nating madama ang West Philippine Sea. It is not just a term, not just a line on a map, and certainly not an impossible dream. The West Philippine Sea is ours, and ours alone. It belongs to us, to our children, and it is our duty to protect it,” pahayag ni Diokno sa kanyang maikling talumpati bago ang screening sa Andaya Hall.


Sa nasabing event, na isinagawa sa pakikipagtulungan ng Atin Ito Coalition, nakasama ni Diokno ang kapwa miyembro ng WPS Bloc na sina Akbayan Partylist Reps. Perci Cendaña at Dadah Kiram Ismula, Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao, Mamamayang Liberal Rep. Leila De Lima, at Albay 1st District Rep. Krisel Lagman-Luistro.


Inanyayahan din ni Diokno ang iba pang mambabatas na sumama sa WPS Bloc. “Ngayong linggo lang, may panibagong insidente na naman sa WPS — isang malinaw na paalala na ang banta ay totoo at hindi ito mawawala. Kaya’t kumilos na tayo — at kumilos ngayon,” dagdag niya, patungkol sa huling insidente ng pangha-harass ng dalawang Chinese vessels sa BRP Buluan malapit sa Bajo de Masinloc.


Dumalo rin sa screening ang direktor ng pelikula na si Baby Ruth Villarama, mga mangingisdang sina Ka Arnel Satam at Ka Ozman Pumicpic, at Philippine Coast Guard Spokesperson Commodore Jay Tarriela.


“Pinasasalamatan ko si Direktor Baby Ruth Villarama at ang kanyang team sa pagbibigay-daan na maidaos ang screening na ito dito sa Kamara, at higit sa lahat, sa paggawa ng isang magandang at makabuluhang pelikula na nagdala ng karangalan sa ating bansa. Pinupuri ko rin ang ating mga sundalo at mangingisda na itinampok sa pelikula dahil sa kanilang tapang na ibahagi ang kanilang kuwento sa kabila ng patuloy na banta. Dalawa sa kanila ay narito ngayon — sina Ka Arnel Satam at Ka Ozman Pumicpic mula Subic,” wika ni Diokno.


“Makapangyarihan ang pelikulang ito — kaya nga sinubukan pa ng China na pigilan ang premiere nito sa New Zealand. Makapangyarihan ito dahil tumatagos sa isip at puso. Mapapatawa ka nito. Mapapaiyak ka. At may ilang eksena na magpapagalit sa iyo — lalo na sa mga eksenang may Chinese water cannons,” dagdag pa niya.


Matapos ang screening, magsasagawa ng isang town hall discussion kung saan tatalakayin ng mga kalahok ang mga bagong solusyon at mas maiging polisiya para suportahan ang mga mangingisdang Pilipino, mga sundalo, at ang pambansang interes ng bansa sa WPS. (Wakas)


————


AFTER NEWS OPINYON


Ang espesyal na screening ng dokumentaryong “Food Delivery: Fresh from the Philippine Sea” sa Kamara, na pinangunahan ng WPS Bloc sa pamumuno ni Rep. Chel Diokno, ay higit pa sa isang simpleng pagpapalabas ng pelikula—ito ay isang panawagan para sa pagkakaisa at mas matibay na paninindigan sa isyu ng West Philippine Sea. Sa pamamagitan ng sining, naipapakita ang totoong mukha ng laban: ang mga mangingisdang Pilipinong araw-araw na humaharap sa panganib, at ang mga sundalong nagbabantay sa ating teritoryo sa kabila ng patuloy na pangha-harass mula sa China.


Kapuri-puri ang hakbang na ito sapagkat binibigyan nito ng boses at mukha ang mga isyung madalas ay nananatiling estadistika o headline lang sa balita. Kapag nakita at naramdaman ng publiko ang kuwento sa likod ng balita, mas nagiging malinaw kung bakit mahalaga ang depensa at pangangalaga sa WPS.


Ngunit mahalagang tandaan na ang kamalayan ay simula pa lamang. Kailangan itong sundan ng kongkreto at kolektibong aksyon—mula sa mas mahigpit na diplomatic at legal na hakbang, hanggang sa mas matatag na suporta sa mga mangingisda at tropang nagbabantay sa ating karagatan. Tulad ng sinabi ni Rep. Diokno, “kailangan nating madama ang West Philippine Sea”—at kapag tunay na nadama ito ng bawat Pilipino, mas magiging buo ang ating paninindigan na ito ay atin, at atin lamang.


oooooooooooooooooooooooo


12 ‘Sino ba talaga ang hindi nirespeto?’


DE LIMA, IPINAGTANGGOL ANG KAMARA SA PAGSUSULONG NG PANANAGUTAN AT PAGPAPATUPAD NG KONSTITUSYON


Ipinagtanggol ni House Deputy Minority Leader at Mamamayang Liberal (ML) Partylist Rep. Leila M. de Lima ang tungkuling konstitusyonal ng Mababang Kapulungan kaugnay ng isyu sa kasong impeachment laban kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte.


Sa kanyang privilege speech nitong Martes, iginiit ni De Lima na hindi minadali o nilabag ng Kamara ang Konstitusyon nang ipasa nito sa Senado ang kasong impeachment laban kay Duterte.


“Mahigpit na tumalima ang Kamara sa tungkulin nitong nakasaad sa Konstitusyon na magsimula ng impeachment ayon sa malinaw na itinatadhana ng batas at umiiral na jurisprudence, na ginabayan ng mga desisyon ng Korte Suprema sa Francisco v. House at Gutierrez v. House. Sa kasamaang-palad, nabigo ang ating mga kapantay na sangay ng pamahalaan—hindi lang sa Konstitusyon, kundi pati sa sambayanang Pilipino,” wika ni De Lima.


Binigyang-diin niya na bagama’t sinabi ng ilang senador na ang kanilang preemptive vote ay bilang paggalang sa desisyon ng Korte Suprema, ang totoong hindi iginalang ay ang kapangyarihang nakalaan sa Mababang Kapulungan.


“Ayon sa Konstitusyon, tungkulin ng Senado na agad ipagpatuloy ang impeachment—ngunit inabot ng halos kalahating taon bago nila isaalang-alang ang pag-convene bilang impeachment court. Ngunit nang dumating ang pagkakataon para i-archive ang reklamo, bigla na lang naging malinaw sa kanila ang ibig sabihin ng ‘agad’,” aniya.


“Telling ang biglaang pag-apura matapos ang buwan-buwang pagkaantala. Hindi malayo na isipin na hindi ito nagkataon—na ang mabagal na pagkilos ng Senado sa simula ay nagbigay-oras sa Pangalawang Pangulo at sa kanyang mga abogado para makapunta sa Korte Suprema, at para sa Korte na tapusin ang buong proseso ng pagdedesisyon. Hindi ito paggalang sa ibang sangay; ito’y koreograpiyang pabor sa kaginhawaan ng iilan, at ang Kamara ang napilitang yumuko,” dagdag niya.


Si De Lima, na dati ring tinitingnan bilang isa sa mga House prosecutor kasama si Akbayan Rep. Chel Diokno, ay muling iginiit na sinunod ng Kamara ang one-year bar rule at nagkamali ang Korte Suprema sa pagsasabing hindi inaprubahan sa plenaryo ang transmittal ng impeachment complaint.


Binigyang-diin din niya na ang prinsipyo ng prospectivity ay hindi lamang nalalapat sa mga bagong batas o patakaran, kundi pati sa mga judicial decisions. Tinukoy niya na ang nangyari sa Duterte v. HoR case ay ikalawang pagkakataon ng “judicial amendment” matapos ang kaso ng Republic v. Sereno, kung saan tinanggal sa puwesto si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno sa pamamagitan ng quo warranto, taliwas sa nakasaad sa Konstitusyon na ang mga mahistrado ng Korte Suprema ay maaari lamang tanggalin sa pamamagitan ng impeachment.


“Hindi manghuhula ang mga miyembro ng Kamara para malaman na noong Pebrero 5, 2025 babaguhin at dadagdagan pala ng Korte Suprema pagsapit ng Hulyo 25, 2025 ang kahulugan ng ‘initiation’ na iba sa kanilang dating desisyon sa Francisco v. HOR at Gutierrez v. HOR,” ani De Lima.


“Nang-aabuso ba tayo kung hilingin natin sa Korte Suprema na sundin ang sarili nilang desisyon sa doktrina ng prospectivity? Palagay ko hindi,” dagdag niya.


Binigyang-diin din ni De Lima na mahalaga ang impeachment sa pagtitiyak ng pananagutan ng mga opisyal ng gobyerno, gaano man kataas ang kanilang posisyon, at na hindi dapat malunod sa teknikalidad ang mga totoong isyu.


“Nilunod ng teknikalidad ang dapat sanang tunay na isyu: nasaan ang confidential funds? Sino sina Mary Jane Piattos, Fernando Tempura, Carlos Miguel Oishi, Chippy McDonald at iba pang tila ginawang ‘chichirya’ ang pera ng bayan?”


“Bakit may halos dalawang bilyong piso sa joint bank accounts nina VP Sara Duterte at dating Pangulong Rodrigo Duterte? Bakit may alegasyong sa kabila ng krisis sa edukasyon ay nilalaro pa ang procurement sa Department of Education at ang kinabukasan ng ating kabataan? Tama ba ang pagbabantang pagpatay sa Pangulo, sa First Lady, at sa ating Speaker of the House?” tanong niya.


Giit ni De Lima, sa halip na sagutin ang mga isyung ito ng korapsyon, inakusahan at ininsulto pa ang Kamara sa pamamagitan ng naratibong binababa ang kanilang tungkuling konstitusyonal sa simpleng pulitika lamang.


Umaasa siyang muling pag-iisipan ng Korte Suprema ang desisyon nito sa kaso ng impeachment, binigyang-diin ni De Lima na hindi maitatanggi ng Korte na tinutupad lamang ng Kamara, bilang kapantay na sangay ng pamahalaan, ang tungkulin nito sa paggamit ng kapangyarihang itinatadhana ng Konstitusyon.


“Ang separation of powers ay tulad ng timbangan—bawat sangay ay may sariling bigat upang manatiling matatag ang Republika. Kapag ang isang sangay ay kumilos sa paraang naiiba ang balanse, dapat itong gawin nang may ingat na parang siruhano, hindi parang maso. Kung hindi, mawawasak ang balanse at mawawalan ng saysay ang checks and balances,” aniya.


Binatikos din niya ang tila “special treatment” kay Sara Duterte at ang mga pagkaantala ng ilang senador na animo’y “gumagawa ng lahat ng paraan hindi para papanagutin, kundi para bigyan ng ekstraordinaryong proteksyon ang Pangalawang Pangulo.”


“Sadya bang napaka-special ni VP Sara para ipagpaliban ng Senado ang impeachment trial nang halos kalahating taon? Sadya bang napaka-special ni VP Sara para gumawa ng bagong patakaran ang SC na naging hadlang sa pananagutan sa puntong ito?”


“Ganito po kalakas si VP Sara sa sistema ng hustisya? Para bang wala siya sa ilalim nito. Nandoon siya, sa itaas, untouchable, malayo sa pananagutan ng Kongreso bilang isang impeachable official na ayon sa disenyo ng ating Konstitusyon ay tanging Kongreso lamang ang may kapangyarihang papanagutin siya,” giit niya.


Nanawagan si De Lima sa kapwa mambabatas na magkaisa at huwag panghinaan ng loob sa pagtupad sa tungkulin para sa bayan, dahil ang pagpapanagot sa opisyal at pagtatanggol sa Konstitusyon ay lampas sa partidong kinabibilangan o personal na ambisyon.


“Maaari tayong magkaiba—may majority, may minority, may administrasyon, may oposisyon—ngunit sa isyung ito, maging iisang Kamara para sa Konstitusyon. Anuman ang ating posisyon sa politika o sa Pangalawang Pangulo, dapat nating tutulan ang anumang pagtatangkang bawasan ang kapangyarihang nakalaan lamang sa Kamara ayon sa ating Saligang Batas. Kapag pinalampas natin ito, tatalikuran natin ang sagradong tungkulin at pahihinain ang pundasyon ng checks and balances,” aniya.


“Hindi tayo tumitindig laban sa Senado; tumitindig tayo para sa Republika at sa sambayanang Pilipino. Hindi pa tapos ang laban para sa katotohanan. History is watching. The people are watching,” dagdag niya. (Wakas)


————-


AFTER NEWS OPINYON


Ang privilege speech ni Rep. Leila de Lima ay matapang na depensa sa konstitusyonal na papel ng Kamara sa proseso ng impeachment—isang tungkuling malinaw na nakasaad sa Saligang Batas ngunit, ayon sa kanya, tila binawasan ng desisyon ng Senado at Korte Suprema. Sa kanyang pananaw, ang naging mabagal na kilos ng Senado sa simula at ang biglaang aksyon sa huling yugto ay hindi tugma sa diwa ng “agad” na mandato ng impeachment, kundi naging bahagi ng koreograpiyang pabor sa iilang personalidad, partikular kay VP Sara Duterte.


Ang mas mabigat na punto na kanyang binanggit ay ang posibilidad na natabunan ng teknikalidad ang mas seryosong usapin—ang alegasyon ng maling paggamit ng confidential funds, mga kahina-hinalang bank accounts, at procurement issues sa Department of Education. Sa ganitong perspektiba, ang impeachment ay hindi dapat mauwi sa pulitikal na intriga lamang, kundi dapat maging mekanismo para harapin ang alegasyon ng katiwalian at abuso sa kapangyarihan.


Kung totoo ang sinasabi ni De Lima na may “special treatment” sa isang mataas na opisyal ng gobyerno, ito ay seryosong banta sa prinsipyo ng checks and balances. Kapag ang kapangyarihang ibinigay sa isang sangay ng gobyerno ay hinaharangan o pinahihina ng iba, nawawala ang balanse ng Republika at lumalabo ang pananagutan.


Sa huli, ang panawagan ni De Lima na magkaisa ang Kamara—anumang partido o posisyon—para ipagtanggol ang integridad ng Konstitusyon ay hamon hindi lamang sa mga mambabatas, kundi sa buong sambayanang Pilipino na bantayan ang kanilang mga institusyon. Sapagkat kung may isang mensahe ang talumpating ito, malinaw iyon: ang impeachment ay hindi lamang laban sa isang tao, kundi laban sa anumang pagtatangka na pahinain ang ating demokratikong sistema.


oooooooooooooooooooooooo


13 Chairperson Suansing, nagpasalamat sa Senado sa pag-apruba sa hiling ng Kamara na ayusin ang legislative calendar para matiyak ang mas malalim na pagsusuri ng 2026 national budget


Nagpasalamat ngayong (13 Aug) Miyerkules si House Committee on Appropriations Chairperson at Nueva Ecija Rep. Mika Suansing sa kanyang mga katapat sa Senado, sa pangunguna ni Senador Sherwin Gatchalian, sa pag-apruba sa kahilingan ng Kamara na baguhin ang legislative calendar—na magbibigay ng mas mahabang panahon sa mga mambabatas para suriin ang ₱6.793 trilyong 2026 National Expenditure Program (NEP) para sa kapakinabangan ng sambayanang Pilipino.


“Mas mahabang panahon ay katumbas ng mas mabuting budget para sa bawat Pilipino. Ang pagpapalawig na ito ay magbibigay sa atin ng mas maraming oportunidad para talakayin ang mas maraming isyu, anyayahan ang mas maraming resource persons, at siyasatin ang bawat panukala ng bawat kagawaran nang may nararapat na pagsisiyasat,” ani Suansing.


Sa ilalim ng binagong kalendaryo, ang adjournment ng sesyon sa Oktubre ay ililipat mula ika-3 patungong ika-11, kasama ang pinalawig na panahon ng sesyon bago ang bakasyon ng Pasko at tag-init.


Ang pagbabagong ito, na nakapaloob sa House Concurrent Resolution No. 4 na inihain nina House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander A. Marcos at House Minority Leader Marcelino C. Libanan, ay layong masulit ang mga deliberasyon bago matapos ang taon at matiyak ang tuloy-tuloy na pagtutok sa budget.


Ayon kay Suansing, ipinapakita ng hakbang na ito ang pangakong magkatuwang ng dalawang kapulungan sa pagsusulong ng transparency, accountability, at maingat na paggamit ng pondo ng bayan.


“Pinapasalamatan ko si Senador Sherwin Gatchalian sa kanyang pamumuno sa Senado at ang lahat ng ating mga senador sa pagsuporta sa pagbabagong ito. Ganito kumilos ang magkapantay na kapulungan para sa mabuting pamamahala,” wika niya.


Dahil sa mga pagbabago sa legislative calendar, sinabi ni Suansing na mas maaga kaysa karaniwan magsisimula ang Kamara sa deliberasyon ng budget.


“Sa Lunes, sisimulan na ng House Committee on Appropriations ang masinsinang trabaho sa pagbubukas ng deliberasyon ng Development Budget and Coordination Committee (DBCC) sa panukalang 2026 NEP,” inanunsyo ni Suansing.


Kasunod ito ng pormal na turnover ng NEP ng Department of Budget and Management sa Kamara de Representantes sa pamamagitan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kaninang Miyerkules—isang makasaysayang yugto na nagmarka sa opisyal na pagsisimula ng budget season.


“Ngayong naisumite na ang NEP sa Kamara, nais naming agad simulan ang deliberasyon kasama ang DBCC sa lalong madaling panahon. Ang Lunes ang magiging simula ng masusing trabaho upang bigyang-buhay ang mga numero sa papel,” aniya.


Bilang Chair ng Committee on Appropriations, tiniyak ni Suansing sa publiko na magiging transparent, bukas sa partisipasyon, at nakatuon sa resulta ang DBCC at mga susunod na budget hearings.


“Magtatanong kami ng mahihirap na tanong, hihingi ng malinaw na sagot, at makikipagtulungan nang malapitan sa lahat ng stakeholders upang matiyak na ang 2026 budget ay hindi lamang matatag sa pananalapi, kundi tumutugon din sa pangangailangang panlipunan. May utang kami sa bawat Pilipinong nagbabayad ng buwis na gawing epektibo, responsable, at para sa kabutihang panlahat ang budget na ito,” pagtatapos ni Suansing. (Wakas)


————-


AFTER NEWS OPINYON


Ang pagpapalawig ng legislative calendar upang bigyang-daan ang mas masusing pagsusuri sa ₱6.793 trilyong 2026 national budget ay isang hakbang na dapat pahalagahan. Sa pangunguna ni House Committee on Appropriations Chair Mika Suansing at sa pakikipagtulungan ng Senado, malinaw ang mensahe: mas mahalaga ang kalidad ng budget deliberations kaysa sa pagmamadali para lang makapasa ng pondo sa takdang oras.


Tama ang punto ni Suansing—ang mas mahabang panahon ay nagbibigay ng mas maraming oportunidad para suriin ang bawat probisyon, busisiin ang mga alokasyon, at tiyakin na may malinaw na batayan ang paggasta. Sa laki ng pondo at sa lawak ng pangangailangan ng bansa, bawat araw na idinadagdag para sa masinsinang deliberasyon ay dagdag tiyansa para maiwasan ang maling prayoridad, sobra-sobrang pondo sa hindi kritikal na programa, at kakulangan sa mas mahahalagang sektor tulad ng edukasyon, kalusugan, at agrikultura.


Gayunpaman, mahalaga ring matiyak na ang dagdag na oras ay tunay na magagamit para sa mas malalim na pagsusuri, hindi para sa mga negosasyong pulitikal o dagdag na insertions na wala sa orihinal na plano. Transparency at public participation ang susi upang hindi mauwi ang extension sa simpleng procedural adjustment lamang.


Kung magagamit nang tama, ang pagbabagong ito sa legislative calendar ay maaaring magsilbing halimbawa kung paano dapat lapatan ng sapat na oras, at higit sa lahat, ng masusing pagsisiyasat, ang pinakamahalagang dokumentong pampinansyal ng bansa—ang pambansang budget na direktang humuhubog sa kinabukasan ng bawat Pilipino.


oooooooooooooooooooooooo


14 Kamara tinukuran si PBBM sa panawagang transparency sa P545B flood control projects probe



Ipinahayag ni Deputy Speaker at Iloilo Rep. Janette Garin ang kanyang suporta sa panawagan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. para sa transparent na imbestigasyon sa P545-bilyong halaga ng flood control projects.


Kasabay nito ay iginiit ni Garin na ang mahinang sistema ng pagtatapon ng basura ang nananatiling pinakamalaking sanhi ng pagbaha sa Metro Manila, Cebu, at iba pang urban centers.


Sinabi ni Garin na ang pagbubukas ng talaan ng multi-bilyong pisong programa ay magtitiyak ng accountability at magbibigay-daan para makita ng publiko kung ang mga proyekto ay nagbibigay ng resulta.


Gayunman, binalaan niya na kahit ang pinaka-advanced na flood control infrastructure ay mabibigo kung mananatiling barado ng basura at ilegal na harang ang mga daluyan ng tubig.


“We commend the President for putting transparency front and center. Let the public know where the projects are, how much was spent, and if they work. But at the same time, kailangan nating harapin ang mas malalim na problema na barado ang mga estero at drainage dahil sa basura at kulang sa maayos na koleksyon,” ani Garin.


Binanggit niya ang mga ulat mula sa mga lugar na madalas bahain na nagpapakita na ang hindi nakokolektang basura, plastic waste, at ilegal na pagtatapon ng basura ay patuloy na nagpapawalang-bisa sa bisa ng mga drainage system.


“Tama na may mga flood control projects. Pero kailangan din nating siguruhin na walang babara sa mga proyektong itatayo natin. Kung hindi natin lulutasin ang basurang bumabara sa ating mga daanan ng tubig, we are simply pouring money into projects that will not last,” diin niya.


Bagama’t iniutos na ng Pangulo ang pagsusuri sa mga kontraktor na kasali sa programa, iginiit ni Garin na mahalaga ring tiyakin na ang mga proyektong ito ay protektado laban sa kapabayaan at maling pamamahala ng basura na pumipigil sa kanilang pagiging epektibo.


Hinimok niya ang Department of Public Works and Highways (DPWH), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), at mga lokal na pamahalaan na magpatupad ng magkakasabay at madalas na clean-up at desilting operations, na suportado ng transparent reporting at mahigpit na pagpapatupad ng mga batas laban sa ilegal na pagtatapon ng basura.


Malugod din niyang tinanggap ang mga panukala gaya ng alok ni San Miguel Corporation president Ramon Ang na tumulong sa paglilinis ng mga daluyan ng tubig sa Metro Manila nang walang gastos sa pamahalaan, na tinawag niyang isang “practical step that addresses the root cause instead of just treating the symptoms.”


Iminungkahi ni Ang ang paglilinis ng mga daluyan ng tubig at paglilipat ng mga istruktura, tulad ng mga bahay na itinayo sa tabi ng ilog, patungo sa mga relocation site dahil humaharang ang mga ito sa daloy ng tubig.


Sumang-ayon din siya sa naunang babala ni Caloocan Rep. Edgar Erice na ang korapsyon at kabiguan sa maayos na garbage collection ay nagreresulta sa malaking dami ng basura na napupunta sa mga estero at kanal sa halip na sa tamang disposal sites, na lalo pang nagpapalala sa pagbaha.


“Kung hindi natin maayos ang sistema ng garbage collection at disposal, kahit gaano kalaki ang pondong ilaan sa flood control ay masasayang lang. Infrastructure without maintenance and discipline is a failed investment,” aniya.


Binigyang-diin ni Garin na ang anumang pangmatagalang solusyon ay dapat pagsamahin ang infrastructure at pagbabago sa asal.


“We need stronger enforcement, consistent education, and community-level responsibility. Every piece of trash tossed in the street can be the reason an entire neighborhood floods,” dagdag niya. (END)


———-


AFTER NEWS OPINYON


Ang posisyon ni Deputy Speaker Janette Garin ay isang mahalagang paalala na ang usapin ng pagbaha ay hindi lang nasusukat sa laki ng pondo o lawak ng flood control projects, kundi sa kalidad ng pagpapatupad at pangangalaga sa mga ito. Tama ang kanyang punto—kahit gaano ka-advanced ang imprastrukturang itatayo, kung barado naman ng basura ang mga daluyan ng tubig, mauuwi lamang ito sa pagiging “white elephant” na hindi tatagal at hindi makapipigil sa baha.


Kapuri-puri ang pagsuporta niya sa panawagan ng Pangulo para sa transparency sa P545-bilyong flood control program. Ang pagbubukas ng detalye sa publiko—kung nasaan ang mga proyekto, magkano ang nagastos, at kung epektibo ba ang mga ito—ay mahalaga para sa tunay na accountability. Subalit, ang mas malalim na hamon ay kung paano sabay na haharapin ang root cause ng problema, gaya ng mababang kalidad ng garbage collection, maling pagtatapon ng basura, at kawalan ng disiplina sa komunidad.


Makabuluhan din ang kanyang pagbibigay-diin sa koordinasyon ng DPWH, MMDA, at mga LGU para sa regular na clean-up at desilting, pati na ang pagsuporta sa pribadong inisyatiba gaya ng alok ng San Miguel Corporation. Ipinapakita nito na ang solusyon sa pagbaha ay hindi lang tungkulin ng gobyerno, kundi isang multi-sectoral effort.


Kung maisasabay ang imprastruktura, maintenance, at pagbabago ng asal ng mamamayan, mas may tsansa tayong magkaroon ng pangmatagalang solusyon. Sapagkat sa huli, kahit gaano kalaki ang pondong ilaan, kung walang disiplina at maayos na sistema, mauuwi lang ito sa paulit-ulit na problema tuwing tag-ulan.


oooooooooooooooooooooooo


15 Tangkang water cannon attack sa barko ng PCG, kinondena ng mga mambabatas



Mariing kinondena ng mga lider ng Kamara de Representantes ang panibagong tangkang pag-water canon ng China Coast Guard (CCG) sa barko ng Philippine Coast Guard (PCG).


Ayon sa PCG, naganap ang insidente nitong Lunes sa karagatang sakop ng Scarborough Shoal, kung saan matagumpay na naiwasan ng BRP Suluan ang pagbira ng water cannon mula sa CCG-3104. Sa kabila nito, nagresulta ang insidente sa banggaan ng barko ng CCG at isang warship ng People’s Liberation Army ng China.


“The Chinese have become victims of their own aggression,” pahayag ni Deputy Speaker at La Union Rep. Paolo Ortega V. “They are not supposed to be in Scarborough in the first place. They are intruders there. That area off Zambales and Pangasinan is what is known to our fishermen as Bajo de Masinloc. It is their traditional fishing ground.”


Matatandaang inokupa ng China ang Scarborough Shoal noong 2012 matapos ang tensyon sa pagitan ng China Coast Guard (CCG) at Philippine Coast Guard (PCG). Mula noon, tuloy-tuloy na nitong hinaharang at hinaharas ang mga mangingisdang Pilipino, gayundin ang mga barko ng bansa na nagsasagawa ng lehitimong pagpapatrolya sa lugar.


“What happened on Monday is karma manifesting itself, if the Chinese understand the word. What goes around comes around. Unfortunately for them, they were at the receiving end of their own misdeed,” ani Deputy Speaker at Zambales Rep. Jay Khonghun, na sinabing ang ganitong agresyon ng China ay delikado hindi lang para sa ating mga kababayan kundi maging sa kanilang sarili


“There is nothing to be gained in claiming a territory belonging to another country and refusing to recognize the ruling of an arbitral tribunal constituted under the United Nations Convention on the Law of the Sea that favored the Philippines, even if many countries acknowledge or support that ruling,” ayon naman kay House Deputy Majority Leader at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong.


“It’s time that Beijing stop its aggressive activities in the West Philippine Sea, from Scarborough Shoal in the north off Zambales and Pangasinan to Ayungin Shoal in the south near Palawan, areas that are far away from China,” dagdag pa ng Minanao solon.


Nanawagan din si Adiong sa Beijing at sa mga nagpapakalat ng maling impormasyon na huwag baligtarin ang totoong pangyayari noong Lunes.


Pinuri rin ng mga mambabatas ang PCG crew sa maayos at propesyonal nilang pagharap sa pang-uudyok ng mga tauhan ng China. (END)


—————-


AFTER NEWS OPINYON


Ang panibagong tangkang paggamit ng water cannon ng China Coast Guard laban sa Philippine Coast Guard sa Scarborough Shoal ay isa na namang malinaw na patunay ng patuloy at lantad na pang-aabuso ng China sa ating teritoryo sa West Philippine Sea. Mabuti na lamang at naagapan ng BRP Suluan ang insidente, ngunit ang katotohanang nagkaroon pa ng banggaan sa pagitan ng CCG at kanilang sariling warship ay nagpapakita ng kawalan ng kontrol at delikadong taktika ng kanilang mga tauhan.


Tama ang sinabi ng mga lider ng Kamara—hindi dapat naroon ang China sa Bajo de Masinloc. Ito ay tradisyunal na pangisdaan ng mga Pilipino at malinaw na sakop ng ating eksklusibong economic zone ayon sa arbitral ruling ng 2016. Ang patuloy na paglabag sa ruling at agresibong aksyon ng China ay hindi lamang banta sa ating pambansang seguridad, kundi pati na rin sa kabuhayan at kaligtasan ng ating mga mangingisda.


Sa kabila ng pang-uudyok, kapuri-puri ang mahinahon at propesyonal na tugon ng ating PCG crew—isang patunay na kaya nating ipagtanggol ang ating karapatan nang may dignidad at respeto sa batas. Ngunit malinaw din na hindi sapat ang paulit-ulit na pagkondena; kailangan ng mas matatag na diplomatic at security measures upang pigilan ang ganitong klase ng pang-aabuso.


Sa huli, ang mensahe ay dapat malinaw: ang West Philippine Sea ay atin, at bawat insidente ng panliligalig ay dapat tugunan ng matibay, malinaw, at sama-samang paninindigan—mula sa pamahalaan hanggang sa mamamayan.


oooooooooooooooooooooooo


16 KARAGDAGANG TULONG NG PARA SA MGA BIKTIMA NG BAHA SA BANSA, PINASALAMATAN NG KAMARA


Nagpasalamat si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa pamahalaan ng Estados Unidos sa karagdagang ₱13.8 milyon o $250,000 na tulong para sa mga biktima ng pagbaha noong Hulyo dulot ng habagat.


Ayon kay Romualdez, ang tulong—na kinabibilangan ng emergency shelter at hygiene kits para sa 3,000 pamilya—ay patunay ng matibay na ugnayan at pagkakaibigan ng Pilipinas at US.


Kasama sa ipapamahagi ng International Organization for Migration at DSWD ang tarpaulin, repair kits, at hygiene kits para sa mga pamilyang nasiraan ng bahay sa Rizal, Laguna, Bulacan, at Pampanga.


Sa pinakahuling ayuda, umabot na sa ₱27.6 milyon o kalahating milyong dolyar ang kabuuang tulong ng Estados Unidos para sa disaster response sa bansa ngayong taon.


Hinikayat ni Romualdez ang DSWD na bigyang-priyoridad ang mga low-income families, senior citizens, PWDs, at mga batang maliliit, at tiyakin ang mabilis at transparent na pamamahagi.


Dagdag pa ng Speaker, ang alyansa ng Pilipinas at Estados Unidos ay hindi lamang nakabatay sa depensa at ekonomiya, kundi sa tunay na malasakit at pagkakaibigan na paulit-ulit nang napatunayan sa panahon ng matinding pangangailangan.


MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCES RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO


oooooooooooooooooooo



Nagpasalamat si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa pamahalaan ng Estados Unidos para sa karagdagang ₱13.8 milyon ($250,000) halaga ng tulong para sa emergency shelter at hygiene kits para sa 3,000 pamilyang naapektuhan ng pagbaha noong Hulyo dulot ng habagat.


Sinabi ni Speaker Romualdez na ang tulong ay patunay ng matibay at matagal nang pagkakaibigan ng Pilipinas at Estados Unidos. Binigyang-diin niya na ang bagong tulong ay nagpapakita ng tuloy-tuloy na suporta ng ating matagal nang kaalyado sa panahon ng pangangailangan.


“Lubos naming pinahahalagahan ang bukas-palad na tulong na ito na makatutulong nang malaki sa maraming kababayan nating muling maitayo ang kanilang mga tahanan at maibalik ang normal na pamumuhay,” ani Speaker Romualdez. “Ang ganitong hakbang mula sa Washington ay muling nagpapatibay sa walang pag-aatubiling pagtindig ng Estados Unidos kasama ang sambayanang Pilipino sa mabubuting panahon at sa panahon ng matinding pangangailangan.”


Binanggit ng beteranong mambabatas mula Leyte na bukod sa agarang pagtulong sa mga biktima ng baha, pinatitibay din ng tulong ng Estados Unidos ang malalim na ugnayan ng dalawang bansa na nakabatay sa pagtitiwala, magkakaparehong pagpapahalaga, at sama-samang layunin na pagbutihin ang buhay ng mga mamamayan.


Noong Biyernes, inanunsyo ng U.S. Embassy sa Maynila ang karagdagang pondo para sa pamamahagi ng emergency shelter materials at hygiene kits sa humigit-kumulang 15,000 indibidwal na nananatili sa mga evacuation center sa mga lalawigan ng Rizal, Laguna, Bulacan, at Pampanga.


Sa tulong na ito, umabot na sa kabuuang ₱27.6 milyon ($500,000) ang tulong ng Estados Unidos para sa mga disaster response efforts sa Pilipinas.


Ang International Organization for Migration (IOM) kasama ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang magbibigay ng tarpaulin, repair kits, at mga gamit sa mga pamilyang nasira o napinsala ang mga bahay.


Kasama sa bawat kit ang mga pangunahing gamit sa konstruksyon upang makapagsimula ang mga pamilya sa muling pagtatayo ng kanilang mga tahanan.


Magbibigay din ng hygiene kits na naglalaman ng sabon, timba, at mga gamit panglinis, habang imo-monitor ng IOM ang kalinisan sa mga evacuation center upang maiwasan ang pagkalat ng sakit.


Ayon kay U.S. Embassy Chargé d’Affaires ad interim Y. Robert Ewing, taos-pusong nagpapasalamat ang Estados Unidos sa pakikipagtulungan ng IOM, World Food Programme (WFP), DSWD, at Office of Civil Defense upang makatulong sa pagbangon at pag-ahon ng mga pamilyang naapektuhan.


Kamakailan ay naglaan na ang pamahalaan ng Estados Unidos ng ₱13.8 milyon ($250,000) sa pamamagitan ng World Food Programme (WFP), na nakapagbigay ng 47,700 food packs para sa mahigit 200,000 benepisyaryo sa Northern at Central Luzon. Katuwang rin ng mga eroplano ng militar ng U.S. ang Armed Forces of the Philippines sa paghahatid ng 6,300 food packs para sa 18,000 indibidwal sa Batanes.


Hinikayat ni Speaker Romualdez ang DSWD na siguraduhing magiging mabilis at transparent ang pamamahagi ng pinakabagong tulong.


“Hinihiling namin sa DSWD na bigyang-priyoridad ang mga pamilyang mababa ang kita, lalo na ang mga may mga senior citizens, persons with disabilities, at mga batang maliliit. Kailangan nila ng agarang suporta habang muling itinatayo ang kanilang mga buhay sa gitna ng patuloy na tag-ulan,” ani Romualdez.


Hinikayat din ni Romualdez ang iba pang ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan na palakasin ang suporta sa tulong ng U.S. sa pamamagitan ng pagtiyak na may sapat na access ang mga pamilyang nasa evacuation centers sa malinis at ligtas na pasilidad para sa kalinisan at sanitasyon.


“Kailangan din nating gampanan ang ating bahagi sa pag-aalaga sa ating mga kababayang nawalan ng tirahan. Mahalaga ang pagtiyak sa kanilang kalusugan at kaligtasan sa mga evacuation center, lalo na habang patuloy nating hinaharap ang epekto ng climate change,” ayon pa sa pinuno ng Kamara.


“Ang ating alyansa sa Estados Unidos ay hindi lamang tungkol sa depensa at ekonomiya. Ito ay isang relasyon na nakabatay sa tunay na malasakit at pagkakaibigan. Paulit-ulit nang tumindig ang Estados Unidos sa tabi natin sa pinakamahihirap nating panahon, at kami ay taos-pusong nagpapasalamat para dito,” dagdag pa ni Romualdez. (END)


——————-


AFTER NEWS OPINYON


Ang karagdagang ₱13.8 milyong tulong mula sa Estados Unidos para sa mga biktima ng pagbaha ay malinaw na patunay ng matibay at matagal nang alyansa ng Pilipinas at Amerika—isang relasyon na, gaya ng binigyang-diin ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ay nakabatay hindi lamang sa depensa at ekonomiya, kundi sa tunay na malasakit sa panahon ng pangangailangan.


Sa praktikal na aspeto, ang tulong na ito ay may agarang epekto: mga tarpaulin at repair kits para sa muling pagtatayo ng mga tahanan, hygiene kits para mapanatili ang kalinisan, at suporta sa mga evacuation centers upang maiwasan ang pagkalat ng sakit. Sa harap ng patuloy na banta ng malalakas na pag-ulan at pagbabago ng klima, bawat tulong na ganito ay kritikal, lalo na para sa mga pamilyang mababa ang kita, matatanda, PWDs, at maliliit na bata.


Ngunit kasabay ng pasasalamat, mahalaga ring tiyakin na ang pamamahagi ng tulong ay mabilis, transparent, at umaabot sa pinaka-nangangailangan. Magandang hakbang ang panawagan ni Speaker Romualdez sa DSWD at lokal na pamahalaan na siguruhing maayos ang koordinasyon at may sapat na access sa malinis na pasilidad.


Sa huli, ang ganitong uri ng internasyonal na suporta ay nagbibigay ng ginhawa sa gitna ng sakuna, ngunit ito rin ay paalala na kailangang patuloy nating paigtingin ang sariling kakayahan sa disaster preparedness at response—upang balang araw, mas kaya na nating tumayo sa sariling paa, kasabay pa rin ng matibay na ugnayan sa mga kaalyado.


oooooooooooooooooooooooo


17 TINGOG, Speaker Romualdez naghatid ng bigas, kumot sa mga biktima ng baha sa Marikina


Namahagi ang TINGOG Party-list, katuwang si House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, ng bigas at kumot sa mga pamilyang nasalanta ng pagbaha sa Marikina City noong Huwebes, matapos ang patuloy na pag-ulan dulot ng habagat.


Pinangunahan nina Representatives Yedda Romualdez, Jude Acidre, at Andrew Romualdez ang relief operations sa dalawang barangay. Sa Barangay Tumana—isa sa mga lugar na mababa ang lokasyon at matinding naapektuhan ng pagbaha, partikular sa paligid ng Singkamas Court—1,000 pamilya ang nakatanggap ng tig-iisang sako ng bigas at mahigit 500 naman ang nabigyan ng kumot. 


Katuwang din sa pamamahagi ng tulong sina Marikina District 2 Representative Miro Quimbo, dating Representative Stella Quimbo, Councilor Ziffred Ancheta, at Barangay Captain Akiko Centeno.


Isinagawa naman ang ikalawang yugto ng pamamahagi ng tulong sa Malanday Elementary School sa Barangay Malanday, kung saan 1,000 karagdagang sako ng bigas at mahigit 1,000 kumot ang naipamahagi, sa tulong nina Marikina District 1 Representative Marcy Teodoro at Mayor Maan Teodoro.


“It’s hard to imagine the worry of a mother who doesn’t know where the next meal will come from after a flood,” pahayag ni Rep. Yedda Romualdez. “That’s why we came—not just to bring rice, but to bring comfort, to be present, and to let every family here know that they are seen, they are remembered, and they are not alone.”


Binigyang-diin ni Rep. Jude Acidre na mahalaga ang maayos na koordinasyon sa mga lokal na opisyal upang agad maiparating ang tulong sa mga apektadong residente.


“When families are in crisis, presence matters,” ani Acidre. “We thank our partners in Marikina for working with us to ensure this assistance reached affected residents without delay.”


Ang pamimigay ng bigas ay bahagi ng mas malawak na relief efforts ng TINGOG sa mga lugar na tinamaan ng habagat sa Metro Manila at mga karatig-probinsya. Isinagawa na rin ang kahalintulad na operasyon sa Pasay, Maynila, Caloocan, at iba pang lungsod sa NCR.


Nagpapatuloy ang koordinasyon ng TINGOG sa mga lokal na pamahalaan para maihatid ang mabilis at angkop na tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng kalamidad. (END)


———


AFTER NEWS OPINYON


Ang mabilis na pagtugon ng TINGOG Party-list at ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa pamamagitan ng pamamahagi ng bigas at kumot sa mga nasalanta ng pagbaha sa Marikina ay isang konkretong halimbawa ng agarang serbisyong panlipunan sa gitna ng kalamidad. Sa harap ng pangamba ng mga pamilyang nawalan ng kabuhayan at ari-arian, mahalagang may maramdaman silang presensiya at malasakit mula sa mga lider at kinatawan ng bayan.


Tama ang sinabi ni Rep. Yedda Romualdez—ang tulong ay hindi lamang materyal, kundi mensahe na hindi nakakalimutan at pinapahalagahan ang bawat pamilya. Ganito rin ang diin ni Rep. Jude Acidre na ang mabisang koordinasyon sa mga lokal na opisyal ay susi para sa mabilis at maayos na distribusyon ng ayuda.


Bagama’t kapuri-puri ang relief operations na ito, dapat tandaan na ang ganitong aksyon ay bahagi lamang ng mas malawak na tugon sa epekto ng kalamidad. Kailangan ding sabayan ito ng mas pangmatagalang solusyon gaya ng mas maayos na flood control measures, tamang waste management, at community preparedness upang mabawasan ang panganib at pinsala tuwing may malalakas na pag-ulan.


Sa huli, ang mabilis na pagbibigay-tulong ay nagpapagaan sa bigat ng sitwasyon ng mga nasalanta, ngunit mas magiging makabuluhan ito kung magiging tulay din patungo sa mas ligtas at mas matatag na mga komunidad.


oooooooooooooooooooooooo