Saturday, December 7, 2024

Tagalog Ni Ryan

Hamon ni Romualdez sa mga bagong abugado: Protektahan ang karapatan ng iba, itaguyod ang hustisya, tumulong sa pagpapa-unlad ng bansa

Hinamon ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang mga bagong abugado ng bansa na tumulong upang maprotektahan ang karapatan ng ibang Pilipino, itaguyod ang hustisya, tumulong sa pagpapa-unlad ng bansa, at magserbisyo ng mayroong integridad at malasakit.

“As you begin your journey as lawyers, I encourage you to always keep the greater good in mind. Use your skills to protect the rights of others, promote justice, and contribute to the progress of our nation. The law is a powerful tool to create meaningful change - let it guide you to serve with integrity and compassion,” ani Speaker Romualdez, isang abugado na nagtapos sa University of the Philippines.

“The country needs lawyers who are not only skilled but also principled and driven by a strong sense of duty to the people. Let your practice reflect the values that brought you here - hard work, fairness, and service to others,” saad pa nito.

Binati ng lider ng Kamara na mayroong 307 kinatawan ang mga bagong miyembro ng law profession.

“Your hard work, dedication, and perseverance have paid off, and you now stand as members of one of the most honorable professions in our society,” sabi nito.

“As a fellow lawyer and alumnus of the UP College of Law, I understand the immense effort and sacrifice it takes to reach this milestone. It is not an easy road, but you have proven your resilience and commitment to your dreams,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.

Sinabi ng mambabatas sa mga Bar passer na “nation celebrates this achievement with you.” 

“May your career as a lawyer bring honor to your family, our profession, and the country we all love,” pagtatapos ni Speaker Romualdez. (END)

@@@@@@@@@@@@

Mga lider ng Kamara inihain panukalang regulasyon sa paglalaan, paggastos ng confidential at intelligence funds

Inihain ng mga lider ng Kamara de Representantes noong Miyerkules ang House Bill (HB) No.11192 na naglalayong i-regulate ang paglalaan at paggamit ng confidential at intelligence funds (CIFs) at patawan ng parusa ang maling paggamit nito.

Naghain din sila ng kaugnay na panukala upang i-regulate ang mga special disbursing officer (SDO) ng gobyerno at magtakda ng parusa sa maling paggamit ng pondong kanilang pinangangasiwaan.

Ang dalawang panukala ay inakda ng 38 miyembro ng Committee on Good Government and Public Accountability na pinamumunuan ni Manila Rep. Joel Chua, kasama sina Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio Gonzales Jr., Deputy Speaker at Quezon Rep. David Suarez, at Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., vice chairman ng komite.

Kabilang sa iba pang mga may-akda sina Rep. Franz S. Pumaren, Rep. Lorenz R. Defensor, Rep. Julienne “Jam” Baronda, Rep. Jude A. Acidre, Rep. Johnny Ty Pimentel, Rep. Romeo M. Acop, Rep. Janette L. Garin, Rep. Crispin Diego “Ping” Remulla, Rep. Jefferson F. Khonghun, Rep. Roberto T. Uy, Jr., Rep. Jonathan Keith T. Flores, Rep. Loreto S. Amante, Rep. Horacio P. Suansing, Jr., Rep. Rolando M. Valeriano, Rep. Joseph “Jojo” L. Lara, Rep. Arnan C. Panaligan, Rep. Francisco Paolo C. Ortega V, Rep. Ernesto M. Dionisio, Jr., Rep. Charisse Anne C. Hernandez, Rep. Robert Ace S. Barbers, Rep. Zia Alonto Adiong, Rep. Raoul Danniel A. Manuel, Rep. Ramon Rodrigo L. Gutierrez, Rep. Gerville “Jinky Bitrics” R. Luistro, Rep. Joseph Stephen “Caraps” S. Paduano, Rep. Dan S. Fernandez, Rep. France L. Castro, Rep. Arlene D. Brosas, Rep. Margarita “Atty. Migs” B. Nograles-Almario, Rep. Cheeno Miguel D. Almario, Rep. Mikaela Angela B. Suansing, Rep. Amparo Maria J. Zamora, Rep. Lordan G. Suan, at Rep. Raul Angelo “Jil” D. Bongalon.

Ang mga panukalang batas ay bunga ng masusing imbestigasyon ng komite sa umano’y maling paggamit ng P612.5 milyon na confidential funds na natanggap ng Office of the Vice President Sara Duterte at ng Department of Education sa ilalim ng kaniyang pamumuno.

Sa kanilang explanatory note, binanggit ng mga may-akda na ang paggamit ng CIFs ay “palaging may kaugnay na isyu, kabilang ang pagiging subject nito sa audit.”

Ayon sa kanila, ang Joint Circular No. 2015-01 na inilabas ng COA, DBM, DILG, GCG, at DND ay “nagpapatupad ng mas maluwag na requirement para sa liquidation ng cash advances mula sa confidential funds kumpara sa cash advances ng regular na pondo.

Natuklasan ng komite sa mga pagdinig ang ilang mga paglabag sa paglalaan at paggamit ng CIFs, kabilang ang:

- Hindi pagtutugma ng pagbibigay ng confidential funds sa mga ahensiyang hindi kaugnay sa public order and safety at national security;

- Iregular na paggamit ng confidential expenses para sa mga programa, aktibidad, at proyekto na hindi bahagi ng inisyatiba ng isang ahensya o walang aktwal na paggamit ng confidential funds;

- Pagbabayad ng mga gantimpala sa mga tao na hindi ma-verify ang mga pagkakakilanlan;

- Pagbili ng impormasyon nang walang patunay na ang paggamit ng impormasyon ay nagresulta ng matagumpay na aktibidad mula sa ahensiya na pinagmulan ng confidential funds; at

- Kawalan ng kinakailangang memorandum of agreement sa pagitan ng mga ahensya kung may koordinadong kaganapan para sa paggamit ng impormasyong nakuha sa pamamagitan ng pagbili ng gantimpala ng ahensiyang gumastos ng confidential funds, at ang pagpapalabas ng sertipikasyon para sa matagumpay na paggamit ng impormasyon ng ahensiyang tumanggap at gumamit ng impormasyong iyon.

Ayon sa mga may-akda, ang P112.5 milyong CIF na inilabas sa DepEd sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte “ay ginamit upang suportahan ang mga operasyon nito at hindi para sa pambansang seguridad,” na taliwas sa orihinal na layunin ng pondo.

“Moreover, because of the loose requirements of Joint Circular No. 2015-01 on confidential and/or intelligence funds, acknowledgment receipts bearing only signatures and illegible handwriting belonging to individuals whose identities have not been verified were allowed to serve as proof of liquidation,” ayon pa panukala.

“It is high time that stricter requirements and guidelines be issued in the utilization of confidential funds for confidential expenses. While the necessity of confidential funds for national security is recognized, it must be balanced with the duty of the government to safeguard utilization of public funds and introduce much needed statutory changes,” saad pa nila.

Ang pinaikling pamagat ng panukalang batas ay, “Confidential and Intelligence Funds Utilization and Accountability Act.”

Sinasaad sa panukalang batas na ang CIFs “ay ilalaan sa mga ahensya ayon sa itinatadhana ng General Appropriations Act at sa lahat ng iba pang ahensya, departamento, yunit na may mga mandato na may kinalaman sa pambansang seguridad, kapayapaan at kaayusan, at pangangalap ng impormasyon.”

Ang kabuuang alokasyon para sa confidential funds ng isang ahensya, batay sa bilang ng populasyong pinaglilingkuran, ay hindi dapat lumampas sa 10 porsyento ng kabuuang taunang badyet ng ahensya, maliban na lamang kung ito ay inaprubahan ng batas. 

Ipinagbabawal ng panukalang batas ang paggamit ng CIFs “para sa mga operasyon ng ahensya na hindi direktang may kinalaman sa peace and order or intelligence gathering, political activities, personal o pribadong gastusin ng mga opisyal o empleyado ng gobyerno, at mga public relations o   non-security-related purposes.”

Lahat ng mga pambansang ahensya, lokal na yunit ng gobyerno, at mga korporasyong pag-aari ng gobyerno na gumagamit ng CIFs ay kinakailangang magsumite ng mga ulat sa COA para sa audit ng mga pag-gastos.

Nagtatakda rin ang panukalang batas na ang paghahanda ng alokasyon at layunin ng confidential funds ay dapat ipahayag sa publiko, sa paraang hindi makakasama sa pambansang seguridad o mga operasyon ng pagpapatupad ng batas.

Dagdag pa rito, itinatakda ng panukalang batas na mawawala ang confidentiality status ng CIFs at agad itong ide-declassify kapag naglabas ang COA ng notice of disallowance. Ang mga pondo, kasama ang lahat ng kaugnay na impormasyon at dokumento, ay magiging paksa ng mga imbestigasyon at pagsusuri, at ilalantad sa publiko, nang walang kinakailangang legal na mga hakbang o kautusan na pilit na ipapatupad.

Ang panukalang batas ay nagbibigay kapangyarihan sa Commission on Audit (COA) upang i-audit ang paggamit ng confidential funds sa lahat ng ahensya ng gobyerno. Susuriin ng COA kung ang mga pondo ay ginamit lamang para sa itinakdang layunin, titingnan ang mga dokumento at resibo upang matiyak ang tamang paggamit, at magsasagawa ng mga random at special audit kung kinakailangan. 

Ang COA at iba pang oversight authorities ay magsasagawa ng mga special audit o imbestigasyon kung may mga makatwirang dahilan na paghinalaan ang maling paggamit, pandaraya, o korapsyon.

Ang mga sumusunod ay magiging prima facie evidence ng hindi tamang paggamit ng CIFs:

- Ang hindi pagsunod sa mga kinakailangang dokumento na magpapatunay ng proper disbursement and liquidation ng mga pondo

- Ang hindi pagsusumite ng mga ulat sa audit at iba pang oversight authorities, kabilang na ang COA, House of Representatives, Senate at ang Office of the President;

- Ang paggamit ng mga pondo na inilalaan sa isang ahensya, yunit, o instrumentalidad ng gobyerno na ang mandato ay hindi direktang kaugnay sa pambansang seguridad o peace and order;

- Ang pagpapalabas ng pondo sa isang tao o entidad na siyang magkakaroon ng responsibilidad na maglabas ng karagdagang pondo o magbigay ng mga pondo sa iba; at

- Ang pag-gastos ng pondo para sa mga aktibidad na hindi direktang kaugnay sa pambansang seguridad, kapayapaan at kaayusan, o pangangalap ng impormasyon para sa epektibong pagpapatupad ng mandato nito sa pagpapatupad ng batas.

Ang mga lalabag ay papatawan ng parusang permanenteng pagbabawal sa pagtanggap ng anumang posisyon sa gobyerno, pati na rin ang pagkawala ng mga benepisyo. Ang mga miyembro ng House of Appropriations at ang espesyal na tagapangasiwa ng pondo ay magiging magkakasamang responsable kung mabigong magbigay ng mga ulat, magkamali sa paggamit, o magkamali sa paggasta ng mga pondo, maging ito’y dahil sa kapabayaan o sinadyang gawain.(END)

@@@@@@@@@@

Ginawang pagbabago ng Bicam sa panukalang badyet target pangmatagalang solusyon sa mga problema ng bansa— Rep. Zaldy Co

Ang mga pagbabago sa panukalang badyet para sa 2025 ay naglalayong bigyang prayoridad ang social services, healthcare, food security, at electrification ng bansa, ayon kay House Committee on Appropriations chairperson Elizaldy Co ng Ako Bicol Partylist.

Ayon kay Co ang mga pagbabagong ginawa ng Bicameral Conference Committee ay naglalayong mabigyan ng pangmatagalang solusyon sa mga problema ng bansa at matiyak na tama ang paggastos sa pondo ng bayan.

“We considered the Senate’s concerns, particularly on the Office of the Vice President (OVP) budget,” sabi ni Co.

“We decided to maintain the P1.3-billion budget cut and not to further reduce the OVP’s travel funds. Ang pondong tinapyas ay inilaan sa mga ahensiyang tulad ng DOH at DSWD na may mga subok nang programa tulad ng AICS at MAIFIP,” dagdag pa ni Co.

Ayon kay Co ang mga programa ng OVP gaya ng financial at burial assistance ay ginagawa na ng ibang ahensya.

“Duplication lamang ito ng mga programa ng national agencies. Hindi makatuwiran na magkaroon ng hiwalay na social services ang OVP,” sabi ng mambabatas.

Samantala, mayroon umanong inilaan na P26 bilyon para sa Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) at suportado ito ng mga senador.

“Kinikilala ng Kongreso at Senado ang malaking tulong ng AKAP. Nag-desisyon ding maglaan ng pondo sa pangmatagalang proyekto tulad ng food security at healthcare,” saad ng kongresista.

Pinondohan din umano ang pagtataas ng daily subsistence allowance ng mga sundalo na magiging P350 mula sa P150 o kabuuang P10,500 kada buwan.

Ang pagtataas sa subsistence allowance ay alinsunod sa atas ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Kasama umano sa pagbabago sa panukalang badyet ang paglalaan ng pondo para sa mga dam at solar-powered fertigation systems na magpaparami ng produksyon ng pagkain sa bansa.

May pondo rin para sa pagpapaganda ng mga healthcare facility gaya ng Philippine Cancer Center, MEGA Hemodialysis Center sa National Kidney and Transplant Institute, Women and Children’s Medical Center, at modernisasyon ng Philippine General Hospital at Philippine Heart Center, at iba pang regional specialty hospitals. 

Popondohan din umano ang Solar Home Systems (SHS) program upang magkaroon ng suplay ng kuryente sa mga malalayong lugar sa murang halaga.

“Ang SHS ay bahagi ng layunin nating maabot ang 100 percent electrification sa 2028 (SHS supports our goal to achieve 100 percent electrification by 2028),” sabi ni Co.

Sa halagang P8 kada araw, sinabi ni Co na makakagamit na ang apat na bombilya, isang transistor radio; cellphone charger; electric fan at TV.

“Ang bawat piso sa budget ay kailangang mapunta sa proyektong tunay na makakatulong,” giit ni Co. (END)

@@@@@@@@@@@

AML Acidre ipinaliwanag papel ng Tingog sa health development program

Upang itama ang ikinakalat na maling impormasyon, ipinaliwanag ni Assistant Majority leader Jude Acidre ang magiging papel ng Tingog Partylist sa health development program katuwang ang PhilHealth at Development Bank of the Philippines (DBP).

Ang programa ay tinawag na “Maalagang Republika: Rural Financing Health Development Program.”

“It’s not a Tingog-led project. Tingog Party-list will only complement the efforts of PhilHealth and DBP by assisting local government units (LGUs) in navigating the program through advocacy, capacity building initiatives and other forms of support,” sabi ni Acidre.

“Ang nakakalungkot lang kasi, na-reduce siya into a political issue na hindi naman. Project yan ng LGU, hindi yan project ng Tingog. Ang Tingog nag-capacitate lang. So it’s really a lot of effort on many fronts,” dagdag pa nito.

Sa kabila ng kritisismo, sinabi ni Acidre na determinado ang Tingog na isulong ang programa.

“What we believe is this: bahala na kung ano ang sasabihin ng mga taong hindi naman kasama doon sa pag-plano at paghanap ng solution. Gagawin natin ito. Gagawin natin ng maayos kasi kailangan ng tao,” wika pa ng solon.

“Hindi naman po kaila sa lahat na ang isa sa pinakamalaking problema ng ating healthcare system ang kakulangan ng hospital,” dagdag pa nito.

Sinabi ng mambabatas na prayoridad ng Tingog na mapalakas ang pagtatayo ng mga ospital na pinatatakbo ng mga lokal na pamahalaan upang matulungan ang mga tertiary hospital na pinatatakbo ng national government.

“Kailangan pati ‘yung maliliit na hospital ma-pondohan din,” dagdag pa ni Acidre.

Ayon sa mambabatas nais ng Tingog Partylist na matugunan ang kakulangan sa healthcare system sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga reporma sa batas.

Inihalimbawa ni Acidere ang pagsusulong ng partylist group sa pagsasabatas ng Republic Act No. 11567 na nagtataas sa bed capacity ng Eastern Visayas Medical Center mula 500 at gawin itong 1,500 beds, at  RA 11703 na nagtatayo ng Samar Island Medical Center, isang tertiary hospital sa Calbayog, Samar.

Suportado rin umano ng Tingog ang pagtatayo ng Philippine Cancer Center upang matulungan ang mga may kanser.

Kinilala rin ni Acidre sina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang magkaroon ng badyet ang Cancer Assistance Fund sa ilalim ng National Integrated Cancer Control Act. 

“For the first time, talagang pinush natin sa Kongreso na mapaabot ‘to, hindi lang P1 billion, but naging P1.25 billion po ito for 2024,” ani Acidre.

Suportado rin umano ng Tingog ang pagsasabatas ng panukalang Philippine Pharmaceutical Innovation Act.

“Malakas po ito sa Tingog kasi tinitignan natin na in the coming years, malaking bagay ang level of investment natin in terms of research and development, lalong-lalo na sa health care,” saad pa ni Acidre.

Layunin umanong panukala na manguna ang bansa sa healthcare innovation upang matugunan ang mga problema sa clinical trials, maisulong ang artificial intelligence at precision medicine, at maging competitive ang health care system ng bansa.

“Kung hindi natin na-update ang mga regulations natin, kahit yung pagpapa-approve ng clinical trials napakatagal, pag hindi tayo nakatuon doon, mahuhuli tayo,” sabi pa nito.

Itinutulak din umano ng Tingog ang amyenda sa Medical Act, ang batas para sa mga doktor.

“Isa tayo sa mga main proponents sa pag-update ng batas…that includes telemedicine, already in practice, which requires proper professional regulation to ensure its effective implementation,” dagdag pa ni Acidre. (END)

@@@@@@@@@@@@

House Quinta Comm pinaiimbestigahan sa NBI middleman na nagpapataas sa presyo ng bigas

Inatasan ng House Quinta Comm na kilala rin bilang Murang Pagkain Super Committee ang National Bureau of Investigation na imbestigahan ang mga middleman kaugnay ng mataas na presyo ng bigas sa mga palengke kahit na ibinaba na ang taripa ng imported na bigas.

Naghain ng mosyon si House Deputy Majority Leader at Iloilo 1st District Rep. Janette Garin upang makilala ang mga indibidwal at organisasyon na responsable sa mataas na presyo ng bigas.

“With this, Mr. Chair, will this august body allow me to put forward a motion to direct the [NBI] to investigate [both ways]—from the retailers to the middleman to the wholesalers, or wholesalers papunta rito sa mga middleman papunta sa mga retailers—so we can specifically identify the responsible people in terms of price manipulation. I so move, Mr. Chair,” sabi ni Garin.

Sumegunda naman si Cavite 2nd District Rep. Lani Mercado-Revilla na inaprubahan ni Albay 2nd District Rep. Joey Salceda, ang lead chair ng Quinta Comm.

“Are there any objections? The same is approved,” sabi ni Salceda.

Naghain ng mosyon si Garin matapos ang presentasyon ng Philippine Competition Commission (PCC) kaugnay ng mga kahinaan ng rice supply chain.

Tinanong ni Garin si Agriculture Secretary Francisco “Kiko” Tiu Laurel Jr. kung sino ang nagbabantay sa mga middleman.

“Sa pananaw niyo po, Mr. Chair, doon sa ipinakitang flow ng [PCC] kanina, there was a chart presented by PCC and they mentioned the vertical aspect itong dito sa wholesaler papunta sa retailer, tila meron doon mga middlemen. ‘Yun po ba, kaninong ahensya ang pag-police ng mga middlemen na iyon?” tanong ni Garin.

Sagot ni Tiu, “In my opinion, Mr. Chair, wala.”

Iginiit ni Garin ang kahalagahan na mapunan ang kakulangan sa Rice Tariffication Law na nag-alis ng kapangyarihan ng National Food Authority (NFA) na gumawa ng mga hakbang upang mapanatili ang presyo ng bigas.

“Natanggalan ng power ang NFA na magbenta ng bigas. Bakit ito importante? Dahil kapag nagkakaroon ng sabwatan sa baba, pumapasok ang gobyerno para magbenta at ibaba ang presyo,” sabi ni Garin.

Ikinadismaya ng mga mambabatas kung bakit ang presyo ng bigas ay nasa P55 hanggang P60 kada kilo gayong ibinaba na sa 15% mula sa 35% ang taripa sa imported na bigas.

Sinabi ni Garin na maaaring kinokontrol ng mga middleman ang suplay ng bigas upang makapagbenta sa mataas na presyo.

“At ‘yung retailer ay tila hindi nabibigyan ng direct na linya papunta sa totoong wholesaler kasi kontrolado nito ang mga middleman na ito,” sabi nito.

Batay sa mga datos, nawalan ng P13.3 bilyong kita ang gobyerno dahil sa pagbaba ng taripa na maaaring napunta lamang umano sa bulsa ng mga negosyante.

“Noong inisa-isa ko na, nakita natin ang mga nagtatago dahil iba ang sinasabi ng importer, wholesaler, iba naman ang sinasabi ng farmers’ association. Only to realize na ‘yung nasa gitna na siyang malaki ang kinikita, there was actually a jump of I believe P250 to P300 per kilo profit only net for that specific person and organization na ngayon nga kinakasuhan na ng NBI,” saad pa ni Garin.

“To clarify, Mr. Chair, my motion was for the NBI to do both ways—either retailer, backward hanggang sa source sa Customs, or from the importer papunta sa retailer—indicating the price so that we can really identify whether there is price manipulation or there is unacceptable profiteering and economic sabotage at the level of the middleman,” wika pa nito.

Ang Quinta Committee ay nabuo sa pamamagitan ng House Resolution No. 2036, na akda nina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales, upang imbestigahan ang smuggling, price manipulation, at pagdami ng bilang ng mga walang makain dulot ng mataas na presyo ng pagkain partikular ang bigas.

Ito ay binubuo ng House Committees on Ways and Means, on Trade and Industry, on Agriculture and Food, on Social Services, and the Special Committee on Food Security, at Ways and Means. (END)

@@@@@@@@@@@

DA malaki ang responsibilidad sa pagtatakda ng presyo ng bigas— Quimbo 

Kinontra ni Marikina Representative Stella Luz Quimbo ang katwiran ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na walang kapangyarihan and Department of Agriculture (DA) na pigilan ang pagtaas ng presyo ng bigas.

Sa pagdinig ng House Committee on Agriculture and Food noong Miyerkules, sinabi ni Quimbo na mayroong kapangyarihan ang DA sa ilalim ng Price Act at sa inamyendahang Rice Tariffication Law upang kumilos laban sa pagmamanipula ng presyo, pag-iimbak, pangongotong, at kartel sa industriya ng bigas.

“In other words, huwag niyo po sanang sasabihin na wala po kayong kapangyarihan na habulin ang mga taong nagsasabwatan at pinapataas ang presyo ng bigas dahil hindi po totoo ‘yan,” ayon sa pahayag ni Quimbo kay DA Undersecretary Asis Perez, na nagsilbing kinatawan ni Laurel sa huling bahagi ng pagdinig. 

Sinabi ni Laurel sa unang bahagi ng pagdinig, na kulang ang kapangyarihan ng DA upang matugunan ang mataas na presyo ng bigas at hinimok ang Kongreso na ipasa ang batas na magbibigay sa ahensiya ng mas malakas na kapangyarihan laban sa pagmamanipula ng presyo, pangongotong, at iba pang pang-aabusong gawain sa sektor ng agrikultura.

Gayunman, ipinunto ni Quimbo na ayon sa Section 10 ng Price Act, malinaw na nagbibigay kapangyarihan sa DA bilang ang ahensiyang magpapatupad para sa bigas. Pinapayagan ng batas ang kagawaran na magsagawa ng mga imbestigasyon, magpataw ng mga multa na hanggang P1 milyon, kumpiskahin ang produkto, at pagsasampa ng kaso.

“Nakasulat po dito, kayo ay implementing agency and pwede kayong mag-conduct ng investigation, pwede po kayong magmulta. ‘Yun po ang naka-indicated dito. Tama?” tanong pa ni Quimbo. 

Tumugon naman si Perez, “If it’s in the law, then that’s it, Madam Chair.”

Inusisa ni Quimbo ang pananatiling mataas na presyo ng bigas sa kabila ng oversuplly at pagbawas sa taripa sa ilalim ng Executive Order (EO) No. 62, mula sa 35% sa 15%.

Binanggit niya ang datos na nagpapakita na ang landed cost ng bigas ay bumaba mula P34.21 kada kilo noong Hulyo hanggang P33 noong Disyembre.

Hindi rin nakumbinsi si Quimbo sa dahilan ni Laurel, na binawi ng mas mahinang halaga ng piso ang pagbaba ng presyo ng bigas, ayon kay Quimbo, “The world price of rice dropped enough to offset the peso’s depreciation. The weakening of the peso is not a valid excuse.”

Sinang-ayunan din ni Department of Finance Director Jolly La Rosa ang paliwanag ni Quimbo, na ang pandaigdigang pagbaba ng presyo ng bigas ay mas malaki kaysa sa pagbaba ng halaga ng piso.

Ipinaalala ni Quimbo sa DA ang kanilang kapangyarihan sa ilalim ng inamyendahang Rice Tariffication Law, na nagpapahintulot sa kagawaran ng pagdedeklara food security emergenc at gamitin ang P5 bilyong pondo upang patatagin ang presyo ng bigas. 

“You can use P5 billion to intervene in the market. Puwede kayong mag-import at gamitin ‘yan, ibenta ninyo katulad ng ginagawa niyo today, magbenta ng bigas at P42,” ayon sa kanya.

Gayundin ayon kay Quimbo ang kakayahan ng DA na makipagtulungan sa ibang mga entidad, tulad ng Philippine Competition Commission (PCC), sa ilalim ng kanilang kasalukuyang Memorandum of Agreement (MoA).

“Please confirm that you also see it in the law. And in addition, you may deputize and enlist the assistance of any government official or agency in carrying out the provisions of this Act,” saad pa ng mambabatas.

Hinimok ni Quimbo ang DA na gamitin ang buong kapangyarihan nito at panagutin ang mga negosyante sa hindi makatarungang pagtaas ng presyo.

“Huwag na huwag po natin sasabihin sa ating mga kababayan na kayo po ay powerless,” giit pa nito.

Kasabay ng pagpuri kay Laurel sa pakikipagtulungan sa mga residente ng Marikina, nilinaw ni Quimbo na ang kanyang mga pahayag ay upang matiyak ang malinaw na pag-unawa sa mga legal na responsibilidad ng DA.

“Nagka-clarify lang po tayo, baka may misunderstanding lang tayo patungkol po sa batas,” saad pa nito.

Ang Quinta Committee, na nilikha sa bisa ng House Resolution 2036 na isinulong nina Speaker Martin G. Romualdez at Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales, ito ay binubuo ng mga Komite ng Kamara sa Ways and Means, Trade and Industry, Agriculture and Food, Social Services, at ang Special Committee on Food Security, na pinamumunuan ni Rep. Joey Salceda, ang chairperson ng Ways and Means panel at ng mega panel sa pagsasagawa ng imbestigasyon.

Ipinagpapatuloy ng Quinta Comm ang pagsisiyasat sa mga dahilan ng mataas na presyo ng bigas, na nakatuon sa pagpapatupad ng gobyerno at market inefficiency upang maprotektahan ang mga Pilipinong mamimili. (END)

@@@@@@@@@@@@

Walang sasantuhin: Quad Comm muling tiniyak pag-iral ng katarungan, pagpapanagot sa mga nagkasala

Muling pinagtibay ng House Quad Committee ngayong Huwebes ang kanilang paninindigan na matuklasan ang katotohanan at maihatid ang katarungan sa ginanap na year-end hearing tungkol sa iligal na kalakalan ng droga at extrajudicial killings (EJKs) na konektado sa marahas na kampanya kontra droga ng administrasyong Duterte.

“Wala pong sisinuhin ang Quad Comm. There will be no sacred cows. We will leave no stone unturned in the search for truth, justice, and accountability,” ani Quad Comm lead chair Robert Ace Barbers ng Surigao del Norte sa ika-13 pagdinig ng mega-panel.

Sinabi ni Barbers, na siya ring namumuno sa Committee on Dangerous Drugs, na hindi mapaghihiwalay ang koneksyon sa pagitan ng giyera kontra droga at EJKs (extrajudicial killings).

“It was as if the war on drugs cannot be implemented without killing thousands of people,” ayon sa mambabatas na tinumbik ang sistematikong karahasan at korapsyon batay sa mga nadiskubre ng komite sa mga nagdaang pagdinig nito.

Inilahad ni Barbers ang mga testimonya na nagdidiin sa mga matataas na opisyal, kabilang si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, sa pagpapatupad ng “reward system” para sa pagpatay ng mga pinaghihinalaang sangkot sa droga.

Ang mga gantimpala ay nagkakahalaga mula P20,000 hanggang P1 milyon, batay sa testimonya ni dating General Manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Royina Garma at pinatunayan naman ni dating Commissioner Edilberto Leonardo ng National Police Commission.

Binanggit din ni Barbers na inamin mismo ni Duterte sa kanyang testimonya na inutusan ang mga pulis na mag-imbento ng mga senaryo ng “panlalaban” upang bigyang-katwiran ang mga pagpatay.

“Kanyang inamin na inutusan nya ang mga kapulisan na patayin ang mga drug personalities, bagama’t sinabi nya na dapat ito ay manlaban, na kung hindi naman manlalaban ay dapat piliting manlaban upang ma-justify ang pagpatay sa mga ito,” ayon kay Barbers.

Ibinunyag din ng mga pagdinig ang mga mabigat na akusasyon laban sa ibang mga kilalang personalidad.

Inakusahan ng hinihinalang drug lord na si Kerwin Espinosa, si dating PNP Chief na ngayo’y Senador na si Ronald “Bato” dela Rosa na sangkot sa pagpatay sa kanyang amang si si Albuera Mayor Rolando Espinosa.

Inakusahan din niya si Dela Rosa na bahagi sa pagpapakulong kay dating Senadora Leila de Lima, na nagresulta sa pitong taong pagkakabilanggo nito nang walang matibay na ebidensya.

Isinalaysay din ni Barbers kung paanong ang mga dating tauhan ng Bureau of Customs na sina Jimmy Guban, negosyanteng si Mark Taguba, at sinibak na opisyal na si Colonel Eduardo Acierto ay inakusahan ang mga personalidad tulad nina Davao City Rep. Paolo “Pulong” Duterte, asawa ni Vice Presidente Sara Duterte na si Manases “Mans” Carpio, at dating presidential economic adviser na si Michael Yang ng pagkakaroon ng koneksyon sa malakihang operasyon ng smuggling.

Natuklasan din ng komite ang koneksyon ng mga ilegal na POGO at ang kalakalan ng droga, na nagsangkot kay dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, na isang Chinese national at pangunahing operator ng POGO.

Nalaman na si Guo ay itinago ang malaking halaga ng salapi mula sa ilegal na droga gamit mga korporasyong may ugnayan sa mga hinihinalang drug lord na sina Michael Yang at Lin Weixiong, na mas kilala bilang si Alan Lim.

Naungkat din ang kaugnayan ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque sa pagkakasangkot sa paglobby sa Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) para sa POGO operator na Lucky South 99 sa Porac, Pampanga.

Ipinakita pa ng mga rekord ang hindi maipaliwanag na pagtaas ng mga idineklarang ari-arian ni Roque, na hindi niya nasagot ng maayos.

Sinabi ni Barbers na ang mga natuklasan ng komite ay nagresulta sa pagbalangkas ng mga pangunahing panukalang batas upang tutukan ang mga kahinaan ng batas na maaaring pagmulan ng pagsasamantala.

Kasama rito ang mas mabigat na parusa para sa mga extrajudicial killings, pagkumpiska ng mga ari-arian na nakuha sa gamit ang mga pekeng dokumento, at pagbibigay ng mas malawak na kapangyarihan sa mga ahensya ng gobyerno upang kanselahin ang mga pekeng corporate registrations.

Tinuligsa rin ni Barbers ang mga hakbang na naglalayong siraan ang trabaho ng Quad Comm.

“Maraming bayarang trolls at kritiko na wala namang naintindihan sa usapin o sadyang ayaw umintindi,” saad niya. “But the truth will prevail.”

Ipinaabot naman ni Barbers ang pasasalamat sa publiko sa kanilang tiwala at suporta, na siyang nagbibigay-lakas sa komite upang harapin ang bawat hamon, tuklasin ang katotohanan, at maghatid ng katarungan.

“Dahil sa inyong kooperasyon, suporta, paniniwala at pagtitiwala, ang Quad Comm ay matagumpay na humaharap sa lahat ng pagsubok upang mabatid ang katotohanan at mabigyan ng katarungan at kasagutan ang ating mga hinaing, tungo sa tunay na kapayapaan,” ayon pa kay Barbers. (END)

@@@@@@@@@@@@

Speaker Romualdez pinangunahan Christmas event, bigayan ng regalo sa mga batang pasyente

Pinangunahan ni House Speaker Martin G. Romualdez ngayong Huwebes ang isang Christmas event kasama ang mga batang pasyente at kanilang pamilya at isang People’s Day sa Philippine Children’s Medical Center (PCMC) sa Quezon City.

Nagsama sa “Paskong Tarabangan Event” sina Speaker Romualdez, ang misis nitong si Tingog Rep. Yedda Marie Romualdez, at Ako Bicol Rep. Elizaldy Co. Ang Ako Bicol partylist ang host ng event.

“This is one of my favorite social events as a legislator where we spend time with children. Napakasarap isabuhay ng mga katagang ‘ang Pasko ay para sa mga bata’ dahil nakikita mo ang kanilang tunay na galak at tuwa sa mga pagtitipong katulad nito,” ani Speaker Romualdez.

“Bukod sa paghahanda ng isang pagdiriwang para sa mga bata at kanilang pamilya, mag-aabot din tayo ng tulong pinansyal sa mga naka-confine dito sa PCMC at dadalaw din tayo sa children’s ward para mamigay ng regalo. Iparamdam natin ang Pasko dito sa PCMC,” sabi ng lider ng Kamara.

Nasa 130 bata ang nakisaya sa Christmas party na sinundan ng People’s Day ng Ako Bicol partylist kung saan namigay ng guarantee letter para sa matulungan sa pagpapagamot ang mga pasyente.

Binisita rin ng mga mambabatas ang mga batang pasyente sa mga ward at binigyan ng regalo ang mga ito.

Bukod sa mga regalo, sinabi ni Speaker Romualdez na ang mga pasyenteng inimbita sa event ay makikinabang sa zero billing na ikinatuwa ng mga nasa ward at mga magulang.

Sinabi ni Rep. Yedda na walang mapaglagyan ang kanyang kasiyahan  ng makita ang ngiti ng mga bata.

“There is nothing more pure and sincere than a child’s genuine happiness and Christmas spirit. I am very pleased to be a part of this event,” saad ng lady solon.

“Bilang isang ina napakahirap makita ang ating mga anak na maysakit. Sana sa aming pagdalaw ay nakapagdala kami ng kaunting pag-asa at maibsan ang pinagdadaanan ng ating mga anak. Dasal ko po na sana ay gumaling na sila,” dagdag pa ni Rep. Yedda.

Sinilip din ng mga mambabatas ang itinatayong Philippine Cancer Center sa loob ng Blood Bank Complex, gayundin ang Mega Hemodialysis Legacy Building ng National Kidney and Transplant Institute, na kapwa nasa Quezon City. 

Isinulong ng Kamara de Representantes na mapondohan ang pagtatayo ng mga nabanggit na pasilidad.

“We expect that once the new buildings are done, they would serve more patients in the future and further enhance healthcare delivery to our people,” dagdag pa ni Speaker Romualdez. (END)

@@@@@@@@@@@@

Pagtuligsa ni Sen. Bato sa Tingog pantakip sa isyu ng EJK— Rep Acidre

Ang pagtuligsa umano ni Sen. Ronald “Bato” dela Rosa sa Tingog Party-list at pagsali nito sa health development project ay maaari umanong isang tangka upang matakpan ang pananagutan nito sa extrajudicial killings kaugnay ng Duterte drug war.

Ito ang sinabi ni House Assistant Majority Leader at Tingog Party-list Rep. Jude Acidre bilang sagot sa privilege speech ni Dela Rosa kung saan tinuligsa nito ang pagpasok ng Tingog sa isang memorandum of agreement (MOA) kasama ang PhilHealth at Development Bank of the Philippines para sa pagtatayo ng mga ospital ng mga lokal na pamahalaan.

“It is worth asking why Senator Dela Rosa is so fixated on attacking this program, which is designed to uplift underserved communities,” ani Acidre.

“Could this be an attempt to deflect attention from the House investigation into extrajudicial killings during his time as Philippine National Police chief?” tanong nito.

“(Dela Rosa’s) sudden concern for governance and ethics appears more like a smokescreen to distract from his own accountability issues than a genuine critique of the MOA.”

Hinamon ni Acidre si Dela Rosa na kilalanin ang totoong layunin ng inisyatiba.

“Instead of politicizing a well-intentioned initiative, Senator Dela Rosa should focus on addressing the lingering questions about his past and how it has affected the lives of countless Filipinos. Tingog, for its part, remains committed to serving the people, especially those in rural areas who have long been neglected,” sabi nito.

Ayon kay Acidre mali ang impormasyon na ipinasa kay Dela Rosa kaugnay ng health development project ng Tingog.

Paliwanag ni Acidre sa ilalim ng MOA ay tutulungan ng Tingog ang mga lokal na pamahalaan upang makapangutang sa DBP para makapagtayo ng ospital sa kanilang lugar o makabili ng mga kagamitan sa panggagamot.

“Tingog Party-list’s participation in this initiative is rooted in its mission to improve access to healthcare, especially in underserved and rural communities. This initiative is not about power or control but about facilitating solutions for local government units (LGUs) to enhance public healthcare services,” giit pa nito.

Ipinaliwanag ni Acidre na magbibigay ang Tingog ng fiscal training sa mga LGU para makapasok sa credit facility ng DBP para makapagbigay ito ng serbisyong medikal sa kanilang nasasakupan.

“Tingog Party-list does not handle funds, manage projects, or encroach upon the functions of the Department of Health (DOH) or the Department of the Interior and Local Government (DILG). These agencies remain central to national healthcare programs,” saad ng solon.

“The MOA does not bypass these agencies. Tingog complements, not replaces, their mandates,” wika pa nito.

“Tingog’s involvement is grounded in service, not politics. The MOA adheres to all legal protocols. The financial arrangements are strictly between DBP and LGUs, and no funds are transferred to Tingog. The ethics of this partnership should be measured by its intent and outcomes, not by Dela Rosa’s baseless speculations.”

“We call on the public to see through this distraction and focus on what truly matters: ensuring that healthcare reaches every Filipino, regardless of political noise. Public service should always prioritize the welfare of the people, not personal or political agendas,” dagdag pa ni Acidre. (END)

@@@@@@@@@@

Konek dating Pangulong Duterte, Michael Yang sa 2004 Dumoy Shabu lab raid ikinanta ng misis ng drug lord suspect

Isang testigo na humarap sa House quad comm ang nagpatibay sa alegasyon ng kaugnayan nina dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte at dati nitong presidential economic adviser na si Michael Yang sa isang shabu laboratory sa Dumoy, Davao City.

Ang operasyon, na naganap noong panahon na si Duterte ang alkalde ng lungsod, ay nagresulta sa pagkakatuklas at pagkakakumpiska ng higit sa 100 kilo ng high-grade shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P300 milyon.

Sa sinumpaang salaysay na iniharap sa pagdinig ng komite noong Huwebes,  inilahad ni Jed Pilapil Sy, asawa ng hinihinalang drug lord na si Allan Sy at may-ari ng property sa Dumoy kung saan itinayo ang shabu laboratory, ang mga pangyayari bago ang misteryosong pagkawala ng kanyang asawa at ang kanyang naging pagkakakulong.

Ibinahagi ni Jed ang isang nakakatakot na serye ng mga pangyayari noong Disyembre 31, 2004, kabilang na ang pakikipagtalo sa noo’y Mayor Rodrigo Duterte.

Sinabi niya na nagtungo sa kanilang bahay sa Davao City ang galit nag alit na si Duterte at hinahanap ang kinaroroonan ng kanyang asawa.

“Noong araw din na ‘yun, mga bandang 9:30 ng gabi, pinuntahan ako ni Mayor Duterte at hinahanap niya ang asawa ko sa aming bahay sa Arlene apartment kung saan kami umuupa. Tinanong ko si Mayor Duterte kung bakit niya hinahanap ang asawa ko, ang sabi lang niya ‘basta, galit na galit ako sa kanya,’” ayon kay Jed.

Pagpapatuloy pa nito, “Ako ay nagtataka at nagulat, at dahil dito tinanong ko si Mayor Duterte kung mayroon po bang kasalanan ang asawa ko sa kanya. Inulit lang ni Mayor Duterte na ‘basta, galit na galit ako sa kanya.’”

Sinabi ni Jed na pagkatapos ay binigyan siya ni Duterte ng magbabantay at binalaan siyang huwag lumabas ng bahay, ngunit hindi na niya dinugtungan pa ang kanyang mga sinabi.

Ilang oras pagkatapos ng pagbisita ni Duterte, nalaman ni Jed mula sa isang kaibigan na ni-raid ng mga awtoridad ang ari-arian sa Dumoy.

“Makalipas ng ilang oras, tumawag ang isa sa mga kaibigan ng asawa ko para sabihin sakin na ako daw ay manood ng telebisyon dahil na-raid daw ang Dumoy at nandoon ang asawa ko at may mga namatay,” saad ni Jed. “Noong pagkabukas ko ng telebisyon, napanuod ko ang news tungkol sa Dumoy raid at may mga napaslang.”

Ang raid sa Dumoy ang huling pagkakataon na diumano'y nakita si Allan Sy, na ayon kay Jed ay magpahanggang ngayon ay hindi niya nalalaman kung patay na o buhay pa ang kanyang asawa.

Si Jed, at kapatid nitong si Jong Pilapil, kasama ang iba pa ay inaresto kinabukasan at nahatulan ng hukuman ng habang buhay na pagkakakulong sa isang piitan sa Davao City.

Naninindigan si Jed na ang kanilang pagkakakulong ay base sa gawa-gawang ebindensya, subalit ito ay una ng kinatigan ng Mataas na Hukuman.

Ang sinumpaang salaysay ay nagbigay pa ng mga detalye na nag-ugnay kay Yang, at koneksyon sa mga negosyo ng pamilya Sy sa pamamagitan ng DCLA Plaza sa Davao City.

“Ang DCLA Plaza na pagmamay-ari ni Hong Ming ay naging display area namin ng foam,” saad nito, na tinutukoy si Yang sa kanyang tunay na pangalan sa Chinese na Hong Ming Yang.

Nang ipakita sa kanya ang larawan ni Yang, kinumpirma ni Jed na ang nasa larawan at sinabing siya nga ang malapit na kaibigan ng kanyang asawa.

Ang mga pahayag ni Jed ay tumutugma sa mga sinabi ng sinibak na opisyal na si Police Col. Eduardo Acierto, na inakusahan si Duterte ng pagtatanggol kay Yang at isa pang hinihinalang drug lord na si Allan Lim, kilala rin bilang Lin Weixiong, mula sa pananagutan noong kanyang panunungkulan bilang presidente.

Una ng pinatotohanan ni Acierto sa kaniyang pahayag na si Yang ang nagpapatakbo ng drug laboratories sa Mindanao, kabilang na ang Dumoy lab, simula pa noong mga unang taon ng 2000.

Sinabi ni Acierto sa mga mambabatas, “Si Michael Yang, na kilala rin sa alias na ‘Dragon,’ ay malaki ang kinalaman sa paggawa at pamamahagi ng ilegal na droga,” batay sa intelligence report na nakalap noong 2017.

Sinabi din ni Acierto na nagbigay si Yang ng mga dokumento sa pagpapadala ng ilegal na droga na nasamsam sa isang raid noong 2005 sa Cagayan de Oro City.

Ayon pa kay Acierto na isinama niya ang impormasyong ito sa isang detalyadong matrix na ibinigay kay dating PNP Chief Ronald Dela Rosa, dating Philippine Drug Enforcement Agency Director Aaron Aquino, at Police Deputy Director General Camilo Cascolan.

Ang ulat ay ipinasa rin kay dating PNP chief Oscar Albayalde, ang kahalili ni Dela Rosa. Subalit, hindi na ito binigyang-pansin, habang sina Acierto ay kanyang grupo ay pinalabas na walang kredibilidad at hindi kapani-paniwala ang kanilang mga natuklasan. 

Inakusahan ni Acierto si Dela Rosa na inupuan lang ang kaso, sa halip na tugunan ang alegasyon, ay nakipagkita pa si Dela Rosa kay Allan Lim, na hinihinalang drug lord.

Ipinahayag ni Acierto na agad matapos niyang isumite ang ulat, inakusahan siya ni dating Pangulong Duterte ng pagiging kasangkot sa ilegal na droga.

Noong Oktubre 2018, pinangalanan ni Duterte si Acierto bilang isa sa mga opisyal ng pulisya na diumano'y konektado sa ilegal na kalakalan ng droga.

Noong 2019, nagtago si Acierto matapos masangkot sa smuggling ng P11 bilyong halaga ng droga na nakatago sa mga magnetic lifters na natagpuan sa Manila International Container Port at isang bodega sa Cavite.

Sa kanyang naunang testimonya sa House Committee on Dangerous Drugs, sinabi ni Acierto na diumano'y ipinag-utos ni Duterte na patayin siya, dahil sa kanyang mga imbestigasyon kay Yang at Lim, na mga kilalang malapit kay dating Special Assistant to the President at ngayo'y Senador Christopher "Bong" Go.

“Pinapapatay po ako ni Duterte dahil tinutukan ko at pinaiimbestigahan ko si Michael Yang at Allan Lim na malapit na kaibigan ni Bong Go,” saad pa nito. (END)

@@@@@@@@@@@&

@@@@@@@@@@@@@

Ex-PDEA chief nagsinungaling, na contempt sa House quad comm probe

Dahil sa pag-iwas na sagutin ang mga katanungan sa pagdinig ng Quad Comm ng Kamara de Representantes, na-contempt ang dating pinuno ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na si Wilkins Villanueva.

Ito ay kaugnay ng mga alegasyon ng extrajudicial killings na konektado sa marahas na war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.

Inaprubahan ng komite, na pinamumunuan ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, ang isang mosyon na nagsasabing nilabag ni Villanueva ang Seksyon 11(c) ng House Rules of Procedure Governing Inquiries in Aid of Legislation.

Nag-mosyon si Abang Lingkod Party-list Rep. Joseph Stephen "Caraps" Paduano matapos pagtanggi ni Villanueva sa paulit-ulit na tanong ukol sa kanyang pagkakasangkot sa warrantless arrest ni Jed Pilapil Sy, asawa ng hinihinalang drug lord na si Allan Sy, matapos ang raid noong 2004 sa isang shabu laboratoryo sa Dumoy, Davao City.

Si Michael Yang, ang dating presidential economic adviser ni Duterte, ay nasangkot sa raid sa Dumoy drug lab, kung saan nakuha ang higit sa 100 kilo ng high-grade shabu na nagkakahalaga ng P300 milyon—na itinuturing noon bilang pinakamalaking operasyon laban sa droga.

Gayunpaman, si Villanueva, na siya noong PDEA regional director, ay paulit-ulit na itinanggi ang pagkakasangkot ni Yang, at sinabing walang ebidensya na nag-uugnay dito sa drug lab noong mga panahong iyon. Si Villanueva ay nagsilbing PDEA Director General sa panahon ng Duterte administration.

“You are lying! You are not respecting this committee!” ayon kay Paduano sa ginanap na pagdinig.

Itinanggi ni Villanueva ang akusasyon, na nagsabing hindi niya matandaan ang pag-aresto kay Sy ngunit naaalala niyang tinanong siya sa opisina ng PDEA matapos ang raid sa Dumoy. 

“Hindi ko po maalala na kinausap ko siya. Nasa opisina po siya ng PDEA,” Sinabi ni Villanueva, na pinanindigan ang kanyang posisyon.

Dahil hindi kumbinsido sa sagot ni Villanueva, muling tinanong ni Paduano kung nagsisinungaling siya.

Muling itinanggi ni Villanueva ang akusasyon, na naging dahilan ng paghahain ni Paduano ng mosyon para sa kanyang contempt citation.

Bilang parusa, inutos na ikulong si Villanueva sa pasilidad ng House of Representatives hanggang sa matapos ang mga pagdinig.

Gayunpaman, binago ni Antipolo 2nd District Rep. Romeo Acop ang mosyon, na nagtakda na ang contempt at detention order ay magiging epektibo lamang kapag nagpatuloy ang imbestigasyon ng Quad Comm sa Enero 13 ng susunod na taon.

Inaprubahan ng mega-panel ang inamyendahang mosyon, binigyang-diin na ang pagpapaliban ay ginawa bilang kabutihang loob "sa diwa ng Pasko." (END)

@@@@@@@@@@@

Natupad na pangako: Mas malaking subsistence allowance ng mga sundalo aprub sa Bicam

Inaprubahan ng Bicameral Conference Committee para sa 2025 General Appropriations Bill (GAB) ang pondo para maitaas ang P150 arawang subsistence allowance ng mga sundalo sa P350 o P10,500 kada buwan.

Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagsisikap ng mga miyembro ng Kamara de Representantes at Senado upang maaprubahan ang panukalang P6.352 trilyong badyet para sa 2025 na naglalayong magpatuloy ang pag-unlad ng bansa at matupad ang mga pangako ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. para sa “Bagong Pilipinas.

“Napakagandang balita na nilagay po natin ang increase of our soldier’s daily subsistence allowance. We increased it from P150 to P350, that is going to be maintained and fully supported para sa ating mga sundalo,” sinabi ni Speaker Romualdez sa mga mamamahayag sa isang ambush interview matapos ang pagpupulong ng bicameral conference committee.

Ang pagtataas sa subsistence allowance ay direktiba ni Pangulong Marcos at isinulong ni Speaker Romualdez upang maisama sa bersyon ng badyet ng Kamara.

“Kaya nagagalak po kami for the high morale of the soldiers—our men and women in uniform sa AFP---tuloy po ‘yung daily subsistence allowance increase from P150 to P350. That translates to almost P10,500 kada buwan,” dagdag pa ni Speaker Romualdez. 

“This is a big step forward in showing our full support for the men and women in uniform. It recognizes their sacrifices and the sacrifices of their families who stand behind them,” ayon pa kay Speaker Romualdez sa hiwalay na phayag.

“Ang dagdag na allowance na ito ay hindi lamang suporta sa ating mga sundalo kundi pagkilala rin sa kanilang sakripisyo para sa bayan,” saad pa nito.

Ipinahayag ni House Committee on Appropriations Chairman at Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co na ang pagtaas ng subsistence allowance ng mga sundalo ay pinaglaanan ng P16-bilyong pondo. (END)

@@@@@@@@@@@@@

AKAP pinondohan sa ilalim ng 2025 national budget, suportado ng mga senador

Inanunsyo ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez noong Miyerkules na inaprubahan ng bicameral conference committee (bicam) para sa panukalang 2025 national budget ang desisyon ng Kamara de Representantes na pondohan ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP).

Nagpasalamat si Speaker Romualdez sa mga senador sa kanilang suporta sa AKAP at pinuri ang House Committee on Appropriations na pinamumunuan ni Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, para sa matagumpay na pagtatanggol ng mga panukalang badyet.

“Nagpapasalamat tayo sa kapwa nating mga congressmen at sa Senate na sinuportahan nila ‘yung AKAP. Na-maintain at naibalik kaya tuloy-tuloy ang programa ng AKAP para sa mahihirap,” ayon sa pahayag ni Speaker Romualdez, ang pangunahing tagapagtaguyod ng AKAP bilang tugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tiyakin ang tulong para sa mga nangangailangan.

“Iyun ang talagang hangarin nating lahat, tulungan natin ang ating mga kababayan sa kahirapan ng inflation at mataas na bilihin,” sinabi pa ni Speaker Romualdez.

“Na-maintain, opo. Just as we proposed sa GAB po. Thank you.” 

Ayon kay House Committee on Appropriations Chairman at Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co, ang AKAP ay pinaglaanan ng kabuuang P26 bilyong pondo sa ilalim ng panukalang pambansang badyet para sa 2025.

Nang itanong tungkol sa mga ulat na makikinabang din ang mga senador sa AKAP, sumagot siya, “Well, we can have arrangements now with the Senate po, we’re looking forward to that. We were supported by the Senate, so maraming salamat sa ating [mga senators].”

“Ito’y isang mahalagang programa para sa mga Pilipinong may trabaho ngunit hindi sapat ang kita. Tiniyak ng ating House panel na mananatili ang AKAP sa 2025 budget para tulungan ang ating mga kababayan,” ayon kay Speaker sa naunang pahayag nito.

“Ang AKAP ay isang anti-inflation measure na layong pigilan ang mga near-poor families na bumalik sa kahirapan dahil sa mga di-inaasahang pangyayari tulad ng sakit, pagkamatay, o kalamidad. Pinapakita nito ang pagpa-pahalaga ng Kongreso sa AKAP bilang lifeline ng maraming Pilipino,” paliwanag pa ng mambabatas. (END)

@@@&&&&&&&@@@@

Mga lider ng Kamara inihain panukalang regulasyon sa paglalaan, paggastos ng confidential at intelligence funds

Inihain ng mga lider ng Kamara de Representantes noong Miyerkules ang House Bill (HB) No.11192 na naglalayong i-regulate ang paglalaan at paggamit ng confidential at intelligence funds (CIFs) at patawan ng parusa ang maling paggamit nito.

Naghain din sila ng kaugnay na panukala upang i-regulate ang mga special disbursing officer (SDO) ng gobyerno at magtakda ng parusa sa maling paggamit ng pondong kanilang pinangangasiwaan.

Ang dalawang panukala ay inakda ng 38 miyembro ng Committee on Good Government and Public Accountability na pinamumunuan ni Manila Rep. Joel Chua, kasama sina Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio Gonzales Jr., Deputy Speaker at Quezon Rep. David Suarez, at Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., vice chairman ng komite.

Kabilang sa iba pang mga may-akda sina Rep. Franz S. Pumaren, Rep. Lorenz R. Defensor, Rep. Julienne “Jam” Baronda, Rep. Jude A. Acidre, Rep. Johnny Ty Pimentel, Rep. Romeo M. Acop, Rep. Janette L. Garin, Rep. Crispin Diego “Ping” Remulla, Rep. Jefferson F. Khonghun, Rep. Roberto T. Uy, Jr., Rep. Jonathan Keith T. Flores, Rep. Loreto S. Amante, Rep. Horacio P. Suansing, Jr., Rep. Rolando M. Valeriano, Rep. Joseph “Jojo” L. Lara, Rep. Arnan C. Panaligan, Rep. Francisco Paolo C. Ortega V, Rep. Ernesto M. Dionisio, Jr., Rep. Charisse Anne C. Hernandez, Rep. Robert Ace S. Barbers, Rep. Zia Alonto Adiong, Rep. Raoul Danniel A. Manuel, Rep. Ramon Rodrigo L. Gutierrez, Rep. Gerville “Jinky Bitrics” R. Luistro, Rep. Joseph Stephen “Caraps” S. Paduano, Rep. Dan S. Fernandez, Rep. France L. Castro, Rep. Arlene D. Brosas, Rep. Margarita “Atty. Migs” B. Nograles-Almario, Rep. Cheeno Miguel D. Almario, Rep. Mikaela Angela B. Suansing, Rep. Amparo Maria J. Zamora, Rep. Lordan G. Suan, at Rep. Raul Angelo “Jil” D. Bongalon.

Ang mga panukalang batas ay bunga ng masusing imbestigasyon ng komite sa umano’y maling paggamit ng P612.5 milyon na confidential funds na natanggap ng Office of the Vice President Sara Duterte at ng Department of Education sa ilalim ng kaniyang pamumuno.

Sa kanilang explanatory note, binanggit ng mga may-akda na ang paggamit ng CIFs ay “palaging may kaugnay na isyu, kabilang ang pagiging subject nito sa audit.”

Ayon sa kanila, ang Joint Circular No. 2015-01 na inilabas ng COA, DBM, DILG, GCG, at DND ay “nagpapatupad ng mas maluwag na requirement para sa liquidation ng cash advances mula sa confidential funds kumpara sa cash advances ng regular na pondo.

Natuklasan ng komite sa mga pagdinig ang ilang mga paglabag sa paglalaan at paggamit ng CIFs, kabilang ang:

- Hindi pagtutugma ng pagbibigay ng confidential funds sa mga ahensiyang hindi kaugnay sa public order and safety at national security;

- Iregular na paggamit ng confidential expenses para sa mga programa, aktibidad, at proyekto na hindi bahagi ng inisyatiba ng isang ahensya o walang aktwal na paggamit ng confidential funds;

- Pagbabayad ng mga gantimpala sa mga tao na hindi ma-verify ang mga pagkakakilanlan;

- Pagbili ng impormasyon nang walang patunay na ang paggamit ng impormasyon ay nagresulta ng matagumpay na aktibidad mula sa ahensiya na pinagmulan ng confidential funds; at

- Kawalan ng kinakailangang memorandum of agreement sa pagitan ng mga ahensya kung may koordinadong kaganapan para sa paggamit ng impormasyong nakuha sa pamamagitan ng pagbili ng gantimpala ng ahensiyang gumastos ng confidential funds, at ang pagpapalabas ng sertipikasyon para sa matagumpay na paggamit ng impormasyon ng ahensiyang tumanggap at gumamit ng impormasyong iyon.

Ayon sa mga may-akda, ang P112.5 milyong CIF na inilabas sa DepEd sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte “ay ginamit upang suportahan ang mga operasyon nito at hindi para sa pambansang seguridad,” na taliwas sa orihinal na layunin ng pondo.

“Moreover, because of the loose requirements of Joint Circular No. 2015-01 on confidential and/or intelligence funds, acknowledgment receipts bearing only signatures and illegible handwriting belonging to individuals whose identities have not been verified were allowed to serve as proof of liquidation,” ayon pa panukala.

“It is high time that stricter requirements and guidelines be issued in the utilization of confidential funds for confidential expenses. While the necessity of confidential funds for national security is recognized, it must be balanced with the duty of the government to safeguard utilization of public funds and introduce much needed statutory changes,” saad pa nila.

Ang pinaikling pamagat ng panukalang batas ay, “Confidential and Intelligence Funds Utilization and Accountability Act.”

Sinasaad sa panukalang batas na ang CIFs “ay ilalaan sa mga ahensya ayon sa itinatadhana ng General Appropriations Act at sa lahat ng iba pang ahensya, departamento, yunit na may mga mandato na may kinalaman sa pambansang seguridad, kapayapaan at kaayusan, at pangangalap ng impormasyon.”

Ang kabuuang alokasyon para sa confidential funds ng isang ahensya, batay sa bilang ng populasyong pinaglilingkuran, ay hindi dapat lumampas sa 10 porsyento ng kabuuang taunang badyet ng ahensya, maliban na lamang kung ito ay inaprubahan ng batas. 

Ipinagbabawal ng panukalang batas ang paggamit ng CIFs “para sa mga operasyon ng ahensya na hindi direktang may kinalaman sa peace and order or intelligence gathering, political activities, personal o pribadong gastusin ng mga opisyal o empleyado ng gobyerno, at mga public relations o   non-security-related purposes.”

Lahat ng mga pambansang ahensya, lokal na yunit ng gobyerno, at mga korporasyong pag-aari ng gobyerno na gumagamit ng CIFs ay kinakailangang magsumite ng mga ulat sa COA para sa audit ng mga pag-gastos.

Nagtatakda rin ang panukalang batas na ang paghahanda ng alokasyon at layunin ng confidential funds ay dapat ipahayag sa publiko, sa paraang hindi makakasama sa pambansang seguridad o mga operasyon ng pagpapatupad ng batas.

Dagdag pa rito, itinatakda ng panukalang batas na mawawala ang confidentiality status ng CIFs at agad itong ide-declassify kapag naglabas ang COA ng notice of disallowance. Ang mga pondo, kasama ang lahat ng kaugnay na impormasyon at dokumento, ay magiging paksa ng mga imbestigasyon at pagsusuri, at ilalantad sa publiko, nang walang kinakailangang legal na mga hakbang o kautusan na pilit na ipapatupad.

P2

Ang panukalang batas ay nagbibigay kapangyarihan sa Commission on Audit (COA) upang i-audit ang paggamit ng confidential funds sa lahat ng ahensya ng gobyerno. Susuriin ng COA kung ang mga pondo ay ginamit lamang para sa itinakdang layunin, titingnan ang mga dokumento at resibo upang matiyak ang tamang paggamit, at magsasagawa ng mga random at special audit kung kinakailangan. 

Ang COA at iba pang oversight authorities ay magsasagawa ng mga special audit o imbestigasyon kung may mga makatwirang dahilan na paghinalaan ang maling paggamit, pandaraya, o korapsyon.

Ang mga sumusunod ay magiging prima facie evidence ng hindi tamang paggamit ng CIFs:

- Ang hindi pagsunod sa mga kinakailangang dokumento na magpapatunay ng proper disbursement and liquidation ng mga pondo

- Ang hindi pagsusumite ng mga ulat sa audit at iba pang oversight authorities, kabilang na ang COA, House of Representatives, Senate at ang Office of the President;

- Ang paggamit ng mga pondo na inilalaan sa isang ahensya, yunit, o instrumentalidad ng gobyerno na ang mandato ay hindi direktang kaugnay sa pambansang seguridad o peace and order;

- Ang pagpapalabas ng pondo sa isang tao o entidad na siyang magkakaroon ng responsibilidad na maglabas ng karagdagang pondo o magbigay ng mga pondo sa iba; at

- Ang pag-gastos ng pondo para sa mga aktibidad na hindi direktang kaugnay sa pambansang seguridad, kapayapaan at kaayusan, o pangangalap ng impormasyon para sa epektibong pagpapatupad ng mandato nito sa pagpapatupad ng batas.

Ang mga lalabag ay papatawan ng parusang permanenteng pagbabawal sa pagtanggap ng anumang posisyon sa gobyerno, pati na rin ang pagkawala ng mga benepisyo. Ang mga miyembro ng House of Appropriations at ang espesyal na tagapangasiwa ng pondo ay magiging magkakasamang responsable kung mabigong magbigay ng mga ulat, magkamali sa paggamit, o magkamali sa paggasta ng mga pondo, maging ito’y dahil sa kapabayaan o sinadyang gawain.(END)

@@@@@@@@@@@

Ginawang pagbabago ng Bicam sa panukalang badyet target pangmatagalang solusyon sa mga problema ng bansa— Rep. Zaldy Co

Ang mga pagbabago sa panukalang badyet para sa 2025 ay naglalayong bigyang prayoridad ang social services, healthcare, food security, at electrification ng bansa, ayon kay House Committee on Appropriations chairperson Elizaldy Co ng Ako Bicol Partylist.

Ayon kay Co ang mga pagbabagong ginawa ng Bicameral Conference Committee ay naglalayong mabigyan ng pangmatagalang solusyon sa mga problema ng bansa at matiyak na tama ang paggastos sa pondo ng bayan.

“We considered the Senate’s concerns, particularly on the Office of the Vice President (OVP) budget,” sabi ni Co.

“We decided to maintain the P1.3-billion budget cut and not to further reduce the OVP’s travel funds. Ang pondong tinapyas ay inilaan sa mga ahensiyang tulad ng DOH at DSWD na may mga subok nang programa tulad ng AICS at MAIFIP,” dagdag pa ni Co.

Ayon kay Co ang mga programa ng OVP gaya ng financial at burial assistance ay ginagawa na ng ibang ahensya.

“Duplication lamang ito ng mga programa ng national agencies. Hindi makatuwiran na magkaroon ng hiwalay na social services ang OVP,” sabi ng mambabatas.

Samantala, mayroon umanong inilaan na P26 bilyon para sa Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) at suportado ito ng mga senador.

“Kinikilala ng Kongreso at Senado ang malaking tulong ng AKAP. Nag-desisyon ding maglaan ng pondo sa pangmatagalang proyekto tulad ng food security at healthcare,” saad ng kongresista.

Pinondohan din umano ang pagtataas ng daily subsistence allowance ng mga sundalo na magiging P350 mula sa P150 o kabuuang P10,500 kada buwan.

Ang pagtataas sa subsistence allowance ay alinsunod sa atas ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.

Kasama umano sa pagbabago sa panukalang badyet ang paglalaan ng pondo para sa mga dam at solar-powered fertigation systems na magpaparami ng produksyon ng pagkain sa bansa.

May pondo rin para sa pagpapaganda ng mga healthcare facility gaya ng Philippine Cancer Center, MEGA Hemodialysis Center sa National Kidney and Transplant Institute, Women and Children’s Medical Center, at modernisasyon ng Philippine General Hospital at Philippine Heart Center, at iba pang regional specialty hospitals. 

Popondohan din umano ang Solar Home Systems (SHS) program upang magkaroon ng suplay ng kuryente sa mga malalayong lugar sa murang halaga.

“Ang SHS ay bahagi ng layunin nating maabot ang 100 percent electrification sa 2028 (SHS supports our goal to achieve 100 percent electrification by 2028),” sabi ni Co.

Sa halagang P8 kada araw, sinabi ni Co na makakagamit na ang apat na bombilya, isang transistor radio; cellphone charger; electric fan at TV.

“Ang bawat piso sa budget ay kailangang mapunta sa proyektong tunay na makakatulong,” giit ni Co. (END)

@@@@&&@&&&&

AML Acidre ipinaliwanag papel ng Tingog sa health development program

Upang itama ang ikinakalat na maling impormasyon, ipinaliwanag ni Assistant Majority leader Jude Acidre ang magiging papel ng Tingog Partylist sa health development program katuwang ang PhilHealth at Development Bank of the Philippines (DBP).

Ang programa ay tinawag na “Maalagang Republika: Rural Financing Health Development Program.”

“It’s not a Tingog-led project. Tingog Party-list will only complement the efforts of PhilHealth and DBP by assisting local government units (LGUs) in navigating the program through advocacy, capacity building initiatives and other forms of support,” sabi ni Acidre.

“Ang nakakalungkot lang kasi, na-reduce siya into a political issue na hindi naman. Project yan ng LGU, hindi yan project ng Tingog. Ang Tingog nag-capacitate lang. So it’s really a lot of effort on many fronts,” dagdag pa nito.

Sa kabila ng kritisismo, sinabi ni Acidre na determinado ang Tingog na isulong ang programa.

“What we believe is this: bahala na kung ano ang sasabihin ng mga taong hindi naman kasama doon sa pag-plano at paghanap ng solution. Gagawin natin ito. Gagawin natin ng maayos kasi kailangan ng tao,” wika pa ng solon.

“Hindi naman po kaila sa lahat na ang isa sa pinakamalaking problema ng ating healthcare system ang kakulangan ng hospital,” dagdag pa nito.

Sinabi ng mambabatas na prayoridad ng Tingog na mapalakas ang pagtatayo ng mga ospital na pinatatakbo ng mga lokal na pamahalaan upang matulungan ang mga tertiary hospital na pinatatakbo ng national government.

“Kailangan pati ‘yung maliliit na hospital ma-pondohan din,” dagdag pa ni Acidre.

Ayon sa mambabatas nais ng Tingog Partylist na matugunan ang kakulangan sa healthcare system sa pamamagitan ng pagsusulong ng mga reporma sa batas.

Inihalimbawa ni Acidere ang pagsusulong ng partylist group sa pagsasabatas ng Republic Act No. 11567 na nagtataas sa bed capacity ng Eastern Visayas Medical Center mula 500 at gawin itong 1,500 beds, at  RA 11703 na nagtatayo ng Samar Island Medical Center, isang tertiary hospital sa Calbayog, Samar.

Suportado rin umano ng Tingog ang pagtatayo ng Philippine Cancer Center upang matulungan ang mga may kanser.

Kinilala rin ni Acidre sina Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang magkaroon ng badyet ang Cancer Assistance Fund sa ilalim ng National Integrated Cancer Control Act. 

“For the first time, talagang pinush natin sa Kongreso na mapaabot ‘to, hindi lang P1 billion, but naging P1.25 billion po ito for 2024,” ani Acidre.

Suportado rin umano ng Tingog ang pagsasabatas ng panukalang Philippine Pharmaceutical Innovation Act.

“Malakas po ito sa Tingog kasi tinitignan natin na in the coming years, malaking bagay ang level of investment natin in terms of research and development, lalong-lalo na sa health care,” saad pa ni Acidre.

Layunin umanong panukala na manguna ang bansa sa healthcare innovation upang matugunan ang mga problema sa clinical trials, maisulong ang artificial intelligence at precision medicine, at maging competitive ang health care system ng bansa.

“Kung hindi natin na-update ang mga regulations natin, kahit yung pagpapa-approve ng clinical trials napakatagal, pag hindi tayo nakatuon doon, mahuhuli tayo,” sabi pa nito.

Itinutulak din umano ng Tingog ang amyenda sa Medical Act, ang batas para sa mga doktor.

“Isa tayo sa mga main proponents sa pag-update ng batas…that includes telemedicine, already in practice, which requires proper professional regulation to ensure its effective implementation,” dagdag pa ni Acidre. (END)

@@@@@@@@@@@@

House panel itutulak reporma sa paggamit ng confidential funds

Itutulak ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang pagkakaroon ng reporma sa alokasyon at paggastos ng confidential funds matapos ang imbestigasyon nito kung papaano ginastos ni Vice President Sara Duterte ang kanyang P612.5 milyong confidential funds na nasa ilalim ng Office of the Vice President (OVP) atDepartment of Education (DepEd) na dati nitong pinamunuan.

Sinabi ng chairman ng komite na si Manila 3rd District Rep. Joel Chua na kailangan na magkaroon ng transparency at accountability sa paggastos ng confidential fund para mabantayan ang mga iregularidad sa paggamit nito.

“Ang isa po sa mga recommendation namin dyan ay ‘pag ang confidential fund ay nabigyan ng Notice of Disallowance, ito po ay mawawala po ‘yung confidentiality ng nature ng pondo at ito’y pwede nang usisain nang maigi,” sabi ni Chua sa panayam ng Bantay Balita sa Kongreso sa Dobol B ng mga host na sina Nimfa Ravelo at Isa AvendaƱo Umali noong Linggo.

Sinabi ni Chua na dapat limitahan din sa mga ahensya na may kinalaman sa national security, pangangalap ng intelligence report, at peace and order ang maaaring bigyan ng confidential fund.

“Dapat limitado lang ang mga ahensya o mga departamento na binibigyan ng confidential fund, lalung-lalo na ‘yung mga ahensya at departamento na walang kinalaman sa intelligence gathering, sa national security, saka sa peace and order,” punto ng mambabatas.

Nadiskubre sa imbestigasyon ng komite ang paggamit umano ng mga pinekeng acknowledgment receipts para mabigyang katwiran ang paggastos ng confidential funds, ang pagbibigay nito sa mga hindi otorisadong indibidwal, at kuwestyunableng paggamit nito sa pagbabayad ng mahal na mga safe house at youth leadership summits.

Ang mga ganitong uri umano ng paggastos ay nagpapakita na dapat magkaroon ng mas mahigpit na pagbabantay sa paggamit ng naturang pondo.

Kung maaalis umano ang confidentiality ng pondo kapag naglabas ang Commission on Audit ng Notices of Disallowance ay mas madali itong maiimbestigahan.

Ihahain umano ang panukala sa paparating na linggo.

Iniimbestigahan ng komite ni Chua ang ginawang paggastos ni Duterte sa P500 milyong confidential fund ng OVP at ang P112.5 milyong confidential fund ng DepEd na dating pinamumunuan ng Ikalawang Pangulo.

Kasama din sa iniimbestigahan ang P73 milyon na pinatawan ng COA ng Notice of Disallowance. Ang pondong ito ay bahagi ng P125 milyon na ginastos ng OVP sa loob ng 11 araw noong Disyembre 2022. (END)

@@@@@@@@@

House panel patapos na imbestigasyon sa paggatos ni VP Sara ng P612.5M confidential funds

Patapos na umano ang imbestigasyon ng House Committee on Good Government and Public Accountability, na kilala rin bilang House Blue Ribbon Committee, kaugnay ng paggastos ni Vice President Sara Duterte ng P612.5 milyon confidential fund ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).

Ayon sa chairman ng komite na si Manila 3rd District Rep. Joel Chua magpupulong ang komite sa Lunes upang isapinal ang imbestigasyon nito, bago pa man magsimula ang proseso ng impeachment laban kay Duterte.

“Bukas (Monday) po, mga miyembro na lamang ang mag-uusap-usap, kami po ay magra-wrap up na (confidential funds) at isa-summarize kung ano ang mga nangyari,” ani Chua sa panayam ng radio program na Bantay Balita sa Kongreso sa Dobol B ng host na sina Nimfa Ravelo at Isa AvendaƱo Umali sa dzBB noong Linggo.

Dalawang impeachment complaint na ang naihain laban kay Duterte sa Kamara de Representantes. Kasama sa pinagbasehan nito ang mga nadiskubre sa imbestigasyon ng komite.

“May mga nagpa-file na rin po ng impeachment sa ating Bise Presidente kaya minarapat po namin na i-wrap up na rin ito (confidential funds),” paliwanag ni Chua.

“Nevertheless, ito naman kasi saka-sakaling tutuloy ang impeachment process ay hahayaan na namin na sa impeachment na sagutin ang mga katanungan sa ating Bise Presidente,” dagdag pa ng kongresista.

Ayon kay Chua maaaring gamitin ng House Committee on Justice ang rekord ng kanyang komite sa pagsasagawa nito ng pagdinig sa impeachment complaint na inihain laban kay Duterte.

Nakapagsagawa ng pitong pagdinig ang komite kung saan nadiskubre ang mga iregularidad sa sa paggamit ng confidential funds ni Duterte kasama na ang P125 milyon na naubos sa loob lamang ng 11 araw.

Ipatatawag pa sana ng komite ang dalawang security officer ni Duterte na tumanggap ng confidential funds subalit iniimbestigahan na umano ito ng Armed Forces of the Philippines (AFP) kaya hindi na nila itinuloy.

“Napag-alaman namin na iniimbestigahan na rin sila ng AFP. Kaya hahayaan namin ang AFP na mag-conduct ng kanilang sariling investigation dahil sakop nila ito,” paliwanag ni Chua.

Nadiskubre rin sa imbestigasyon ang pagtanggap ni Mary Grace Piattos ng confidential funds. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) walang rekord si Mary Grace Piattos sa kanilang data base kaya pinagdudahan kung totoong tao ito.

Ginamit din ng OVP ang P16 milyong confidential funds nito sa pag-upa ng 34 safe house sa loob ng 11 araw noong Disyembre 2022.

Ginamit din ng OVP ang P15 milyong confidential fund nito sa youth leadership summits ng Philippine Army. 

Pero ayon sa mga opisyal ng sundalo wala silang tinanggap na confidential fund mula sa DepEd. (END)

@@@@@@@@@@@

DOJ hayaang magdesisyon kung may kriminal na pananagutan ni VP Sara sa pagbabanta kay PBBM

Dapat umanong hayaan ang Department of Justice (DOJ) na tukuyin kung mayroong criminal liability si Vice President Sara Duterte sa ginawa nitong pagbabanta kina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kahit na kasama pa ito sa mga alegasyon sa inihaing impeachment complaint.

Iginiit ni Bataan 1st District Rep. Geraldine Roman ang hiwalay na kapangyarihan ng Kongreso, na siyang didinig sa impeachment complaint, at DOJ na nag-iimbestiga sa ginawang pagbabanta ni Duterte.

“That is a totally separate and independent process, kanya-kanya tayo ng trabaho. Basta as far as we are concerned, we have a mandate to process this impeachment complaint,” sabi ni Roman.

Ayon sa chairperson of the House Committee on Women and Gender Equality magkahiwalay ang trabaho ng dalawang sangay ng gobyerno na maaaring gampanan ang kani-kanilang trabaho.

“We’re not the ones who are going to tell the Justice Department to do their work. But we should let our government agencies do their work freely, independently, with transparency, with honesty,” dagdag pa ni Roman.

Ganito rin ang sinabi ni House Assistant Majority Leader at Tingog Party-list Rep. Jude Acidre.

“Importante para sa mga tao na maunawaan ang pagkakaiba ng proseso ng DOJ at ‘yung ginagawa ho natin sa Kongreso,” ani Acidre, chairperson ng House Committee on Overseas Workers Affairs.

Dagdag pa nito, “Sa DOJ po ito’y separate na proseso ng ehekutibo, involving the criminal liability ng Vice President. Iba po ito sa impeachment process sa Mababang Kapulungan, which is a politically legislative procedure.”

Sa inihaing impeachment complaint ng civil society at religious groups noong Lunes, inakusahan nila si Duterte ng paglabag sa Konstitusyon, graft and corruption, bribery, betrayal of public trust, at other high crimes. Kasama sa mga alegasyon ang pagbabanta ni Duterte sa mga matataas na opisyal ng bansa.

Sa isang online press conference, sinabi ni Duterte na mayroon itong kinausap na papatay kina Marcos, sa First Lady, at Speaker Romualdez kapag siya ay namatay. (END)

@@@@@@@@@@

Quad comm isasapinal ‘progress report’ sa isinasagawang imbestigasyon bago ang Christmas recess

Target ng House Quad Comm na ipresenta sa plenaryo ng Kamara de Representantes ang paunang ulat nito kaugnay ng isinasagawang imbestigasyon sa isyu ng  iligal na droga at koneksyon nito aa iligal na operasyon ng Philippine offshore gambling operators (POGOs) at extrajudicial killings noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa overall chairperson ng komite na si Rep. Robert Ace Barbers ng Surigao del Norte, iaakyat ng komite ang report nito bago ang Christmas recess ng Kongreso na magsisimula sa Disyembre 21. 

Isusumite aniya ng Quad Comm ang “progress report” upang maaksyunan na ang ilan sa mga panukalang batas na kanilang inihain bunga ng isinasagawang imbestigasyon.

“The reason kasi why we will submit this in the plenary ‘yong progress report, kasi there are things na dapat maaksiyunan na kaagad,” sabi niya.

Maaari aniya imungkahi ng plenaryo kay Pangulong President Ferdinand R. Marcos Jr. na maisama ang mga panukala na ito sa priority legislative agenda, o mas maganda ay masertipikahan bilang urgent upang mapabilis ang pag-apruba ng Kongreso at maging batas.

“Halimabawa, no yong mga proposed legislation na ifinile namin no we are hoping na because this is the output of Quad Comm…eh dapat siguro kung pupuwede maisama sa legislative agenda na ating Pangulo or baka suwertehin pa tayo, ma-certify as urgent yong bill no nang sa ganun yong counterpart naman sa Senate ay gumawa din at kumilos din. So basically, this is the intention of the progress report, para ma-dispose na namin yan,” diin pa ni Barbers.

Ani Barbers, may apat na panukalang pag-amyenda ang itinutulak ng Quad Comm 

“Importante yan kasi, if im not mistaken, mayroon kaming mga apat na proposed legislation na diyan tungkol sa amendments to the Republic Act No. 9165 or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002,” ani Barbers.

“So maaaring ma-consider din ito bilang priority legislation. So sana, this is what we are hoping for na once the plenary ay majority of the members agree and vote in support of this report, then perhaps it will give a signal that this should be included in the legislative agenda of our President,” dagdag pa nito.

Kabilang sa mga panukala ng Quad Comm ang pagturing sa extrajudicial killing bilang heinous crime at pagpapataw ng  pinakamabigat na parusa at ang pagbuo ng isang inter-agency government committee sa pangunguna ng Philippine Statistics Authority para sa pagsasagawa ng administrative proceeding upang kanselahin ang mga kuwestyunableng birth certificates.

Lumalabas sa imbestigasyon na mayroong mga Chinese nationals na nakakuha ng pekeng Philippine birth certificate na kanilang ginamit upang makapagtayo ng mga korporasyon na ginamit sa pagbili ng mga lupain. 

Isa na dito ang lupa na pinagtayuan ng warehouse sa Barangay San Jose Malino sa Mexico, Pampanga, kung saan narekober ang P3.6-bilyong halaga ng imported na shabu noong Setyembre 2023.

Kasama din ani Barbers sa progress report ang rekomendasyon na maghain ng reklamo laban sa mga sangkot sa iligal na droga, POGO at EJK, at para sa mga ahensya ng pamahalaan kasuhan ang mga ito.

“Mayroon tayong nirerekomenda d’yan based on testimonial evidence and documentary evidence. Eh nakita namin na siguro its high time that we report this out and let the appropriate agency conduct further investigation on EJK, mayroon din sa POGO and drugs,” saad pa ni Barbers.

Nilinaw naman ni Barbers na magpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng komite kahit na nakapagsumite na ito ng progress report.

Ayon sa mambabatas plano rin ng komite na tapusin na ang pagtalakay sa isyu ng iligal na POGO upang mapagtuunan ang usapin ng iligal na droga at EJKs.

“We are thinking of already terminating yong hearing namin sa POGO, so tututok na lang tayo sa dalawang usapin no yong ejk at saka yong drugs,” saad pa nito.

Nang tanungin kung muling iimbitahan ng komite si dating Pangulong Rodrigo Duterte, tugon ni Barbers, “No need na siguro, because yong 12-13 hours na meeting natin sa kanya basically ‘yun na yong gusto nating marinig, a little more than what he revealed or what he admitted in the Senate. So sa tingin ko sufficient na yon.” (END)

@@@@@@@@@@@

Gaya nina ‘Mary Grace Piattos’ at ‘Kokoy Villamin’, Assassination plot kay VP Duterte ‘peke’ rin

Naniniwala ang isang miyembro ng Kamara de Representantes na ‘peke’ o gawa-gawa lamang ang sinabi ni Vice President Sara Duterte na mayroong nais pumatay sa kanya, gaya ng mga karakter na sina “Mary Grace Piattos” at “Kokoy Villamin,” na ginamit na tumanggap ng confidential fund ng Ikalawang Pangulo.

Tinawag ni Assistant Majority Leader at Tingog Partylist Rep. Jude Acidre na “peke” ang mga alegasyon ni Duterte ukol sa banta ng pagpatay at patunay dito ang kalawan at hindi nila pagre-report nito sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP).

“The supposed assassination threats against Vice President Duterte are fake—completely unfounded and baseless,” ayon pa kay Acidre ng House Committee on Overseas Workers Affairs. “They are as fabricated as the names ‘Mary Grace Piattos’ and ‘Kokoy Villamin,’ which were used to justify the alleged misuse of confidential funds.”

Dagdag pa niya: “If there were any threats, the only one we’ve heard making them is the Vice President herself,” na tinutukoy ang kontrobersyal na pahayag ni Duterte na umano’y kumuha siya ng “hit-man” upang puntiryahin sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kung sakaling may mangyari sa kanya.

Nagsimula na rin ang National Bureau of Investigation (NBI) ng kanilang imbestigasyon sa mga naging pahayag ni Duterte.

Inihalintulad ni Acidre ang mga banta ni Duterte sa mga pekeng identity nina “Mary Grace Piattos” at “Kokoy Villamin,” mga pangalan sa mga acknowledgment receipt na isinumite ng Office of the Vice President at Department of Education sa Commission on Audit bilang patunay ng paggastos sa kabuuang P612.5 milyong confidential fund.

Ayon sa Philippine Statistics Authority walang anumang rekord sina“Mary Grace Piattos” at “Kokoy Villamin,” sa kanilang database kaya pinaniniwalaan na gawa-gawa lamang ang mga pangalan para mabigyang katwiran ang pagggastos sa pondo na hindi binibigyang linaw ni Duterte kung saan napunta.

Nakuha ni “Mary Grace Piattos” ang atensyon ng mga kongresista dahil kapangalan nito ang pangalan ng isang restaurant at isang brand ng potato chips. Sa dalawang acknowledgment receipt na may pangalang Kokoy Villamin magkaiba naman ang sulat kamay at ang pirma.

Dahil dito humingi ng tulong ang komite sa PSA upang malaman kung mayroong rekord sa kanila ang mga ito.

Duda ni Bataan Rep. Geraldine Roman, ang chairperson ng House Committee on Women and Gender Equality, na ang mga alegasyon ni Duterte, na ang walang basehang akusasyon ng Bise Presidente ay isang paraan upang humingi ng simpatiya sa publiko.

“Honestly, wala akong naramdaman o na-perceive na pagbabanta sa buhay ng ating Bise Presidente,” ayon kay Roman. 

“Looking at the videos of her threats against the President and her claim na siya ang pinagbabantaan ng buhay, parang ang interpretation ko doon ay parang it’s a call for help,” dagdag pa ni Roman. “Maybe naghahanap siya ng simpatiya mula sa kanyang mga supporters. For me, it’s non-existent. Hindi ako naniniwalang may pagbabanta talaga sa buhay ni VP Sara.”

Sa kabila a nito ay nangangamba si Roman laban sa umano’y pagbabanta ni VP Duterte kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. “As we have established and what we have seen is talagang mayroong pagbabanta sa buhay ng ating Pangulo.”

Parehong sinabi ng PNP at AFP na wala silang ebidensyang sumusuporta sa mga pahayag ni Duterte tungkol sa mga tangkang pagpaslang laban sa kanya.

Kinumpirma ni Fajardo na bagamat binanggit ni Duterte ang mga “dokumentadong banta,” wala pang kopya ng mga ganitong dokumento na ibinigay sa mga awtoridad.

“If we listen to various reports from our law enforcement agencies—whether military or police—there is no proof of any attempts or threats to the life and safety of our Vice President,” ayon kay Acidre.

Kinondena rin niya ang desisyon ni Duterte na ilabas sa publiko ang mga diumano’y banta nang walang ebidensya, tinawag niya bilang iresponsibleng mga pahayag.

“These threats, without solid evidence, are only in the mind of the Vice President. For someone with that mandate, to express this without clear evidence is basically contributing to greater instability that does not help our country,” giit pa ni Acidre.

Ang pahayag ni Duterte sa umano’y  target na ng pagpatay ang mag-asawang Marcos at Speaker Romualdez, na tinuligsa ng mga mambabatas, eksperto sa seguridad, at publiko, kaya’t nagsagawa ng imbestigasyon ang NBI.

Ayon sa mga kritiko, ang ganitong pahayag mula sa Bise Presidente ay maaaring magpahina ng tiwala ng publiko at magdulot ng pangamba sa mamamayan.

Hamon ni Acidre kay VP Duterte na magpakita ng konkretong ebidensya kung totoo ang kanyang mga alegasyon.

“I hope the Vice President considered that before making such statements, they should present evidence that has been examined and confirmed by our police and military,” ayon pa sa mambabatas. (END)

@@@@@@@@@@@@@

Speaker Romualdez sa  publiko: ‘Mag-ingat sa fake news’

Kasabay ng kanyang pagtanggi sa kumalat na maling balita na siya ay na-stroke, nanawagan si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga Pilipino na mag-ingat sa fake news.

Hinikayat din ng lider ng Kamara de Representantes ang mga Pilipino na tutulan ang pagkakalat ng maling impormasyon at ituon ang atensyon sa pagkakaisa at positibong pananaw, lalo na ngayong panahon ng kapaskuhan.

Tiniyak din ni Speaker Romualdez sa publiko na siya ay nasa mabuting kalusugan at nakatutok sa kanyang mga tungkulin bilang pinuno ng mahigit 300-kinatawan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.

“Mag-ingat na tayo sa fake news,” paalala ni Speaker Romualdez sa isang panayam.

Dagdag pa niya: “Andito lang ako buong araw, nag-shooting ng Christmas messages at iba pa. At mamaya manonood ako ng pelikula kasama ng pamilya ko. Kahapon (Friday) naman nakasama ko ang mga governors, nag-dinner po kami.”

Ipinagkibit-balikat na lamang ni Romualdez ang maling impormasyon na ipinakalat habang siya ay mahimbing na natutulog noong Biyernes ng gabi.

“Kagabi hindi naman ako napuyat at ang sarap ng tulog ko. Wala akong maagang appointment kaya himbing na himbing ang tulog ko, kaya refresh na refresh ako. Now, I’m feeling very, very strong and very energetic lalo na itong araw na ito,” ayon sa kongresista sa panayam noong hapon ng Sabado.

Hinimok din ng Speaker ang lahat na iwasan ang pagpapakalat ng disimpormasyon at sa halip ay magtuon sa pagkakaisa at positibong pananaw ngayong kapaskuhan.

“Sana huwag na lang magpakalat ng fake news. Let’s just all work together. Positive tayo lalo na Pasko ngayon,” ayon sa mambabatas.

Nang tanungin tungkol sa posibleng pinagmulan ng mga maling impormasyon, sinabi ni Speaker Romualdez na maaaring mula ito sa mga kritiko ng Kamara na tutol sa isinasagawa nitong mga imbestigasyon.

“Siguro naman sa mga detractors ng House lalo na sa nangyayari po sa mga hearings natin. Siyempre, may nagbabatikos. Kumbaga, kasama din talaga ‘yan sa trabaho natin pero iwasan na lang natin ang pagkakalat ng fake news,” saad nito.

Una ng kinondena ng Office of the Speaker ang mga kumakalat na maling balita na isang planadong hakbang upang na pabagsakin ang tiwala ng publiko sa mga lider ng bansa.

“These allegations are completely untrue and are clearly designed to mislead the public and sow confusion,” ayon kay Atty. Lemuel Erwin Romero, Head Executive Assistant ng Speaker’s Office.

Binanggit ni Romero ang mga kamakailang pampublikong gawain ni Speaker Romualdez, kabilang ang kanyang pagdalo sa MalacaƱang noong Disyembre 5 at 6, kung saan nakipagkita si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga mambabatas para sa isang Christmas fellowship at nilagdaang dalawang bagong batas

Hinimok niya ang lahat na piliin lamang ang mga mapagkakatiwalaang mapagkukuhanan ng impormasyon at nagbabala na ang disinformation ay naglalayong sirain ang tiwala ng publiko sa mga institusyon at nakakasira sa bansa. (END)

@@@@@@@@@@@

Romualdez hindi na-stroke, pagpapakalat ng fake news kinondena

Itinanggi ng tanggapan  ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na na-stroke ang lider ng Kamara at naka-confine sa ospital.

“These allegations are completely untrue and are clearly designed to mislead the public and sow confusion,” ani Atty. Lemuel Erwin Romero, head executive assistant ng Speaker’s office sa isang pahayag.

“Speaker Romualdez is in excellent health and continues to perform his duties with dedication and focus,” dagdag pa ni Romero.

Ayon kay Romero si Speaker Romualdez ay maraming dinaluhang event noong Disyembre 6 at katibo umano sa pagbibigay ng serbisyo.

Noong umaga ng Biyernes, si Speaker Romualdez ay nasa MalacaƱang para sa paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng dalawang bagong batas— ang Ligtas Pinoy Centers Act at ang Student Loan Payment Moratorium During Disasters and Emergencies Act.

Nakasama ni Speaker Romualdez sa event ang ilang lider ng Kamara at mga senador.

“The event was widely covered by the media, underscoring his active role in advancing these legislative measures,” sabi pa ni Romero.

Dumalo rin si Speaker Romualdez noong Biyernes sa yearend celebration at thanksgiving ng League of Provinces of the Philippines at nakasama nito si Pangulong Marcos, mga gubernador, at ilang senador. 

“We urge everyone to rely only on verified and official sources of information and to reject disinformation that seeks to undermine trust in our leaders and institutions,” dagdag pa ni Romero. (END)

@@@@@@@@@@@@

Kamara obligadong aksyunan inihaing impeachment complaint laban kay VP Duterte

Obligado umano ang Kamara de Representantes na aksyunan ang inihaing impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte dahil mandato ito ng Konstitusyon.

“We have the constitutional duty, and we’re bound by that mandate to act on all impeachment complaints filed with the House,” ani House Assistant Majority Leader at Tingog Party-list Rep. Jude Acidre, chairman ng House Committee on Overseas Workers Affairs.

Bagamat may personal na pag-aalinlangan, sinabi naman ni Bataan 1st District Rep. Geraldine Roman, chairperson ng House Committee on Women and Gender Equality, kailangang gampanan ng Kongreso ang mandato na sinasaad sa Konstitusyon.

“From my personal point of view, I’m not inclined to push for an impeachment process kasi ito rin ang pananawagan sa amin ng Pangulo,” ayon kay Roman. 

“But from a purely constitutional point of view, bahagi po ito ng aming mandato sa Kongreso. Kung meron hong nag-file ng impeachment complaint, we have no choice but to process this complaint,” dagdag pa ni Roman.

Una nang hinimok ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. ang kanyang mga kaalyado sa Kongreso na huwag nang ituloy ang mga planong impeachment laban kay Duterte, na aniya’y hindi ito makabubuti sa mga Pilipino at makakaabala lamang sa pagtutok ng Kongreso sa mas mahahalagang isyung pambansa. 

Sa kabila nito, nagsampa ng magkahiwalay na reklamong impeachment ang mga lider ng civil society at religious group, pati na rin ang Makabayan bloc, na nag-akusa kay Duterte ng mga paglabag sa Konstitusyon, katiwalian, panunuhol, pagtataksil sa tiwala ng publiko, at iba pang malalaking krimen.

Tinukoy ni Acidre ang hakbang bilang patunay ng pagnanais ng publiko para sa pananagutan. 

“Siguro nitong paghahain ng impeachment complaint ng mga civil society groups ay isa lamang pagpapatunay na ang taong-bayan mismo ay naghahanap ng accountability sa kanilang mga halal na pinuno, lalung-lalo na sa kasong ito ng Bise Presidente,” ayon sa kongresista.

Tiniyak naman ni Roman sa publiko na ang proseso ng impeachment ay isasagawa nang tapat at naaayon sa rule of law.

“Rest assured na kung ano mang processing, deliberations, they will be transparent and they will follow to the small letter,” saad nito.

Dagdag pa ni Roman: “Lahat ng dapat, what we have to take in mind, for example, the questions of whether it is correct in form and in substance and siyempre papakinggan natin lahat ng panig. Due process will be followed.”

Ipinaalala pa ni Acidre na ang paghahain ng impeachment ay tumutugma sa mga patuloy na hakbang ng Kamara upang isulong ang pananagutan.

“Nakita ninyo naman ho sa mga pagdinig ng Kongreso, naging prayoridad naman talaga natin ang paghahanap ng accountability,” sabi nito.

Ang reklamo ay dapat isumite sa plenaryo sa loob ng 10 session days, habang ang Justice Committee ang magtutukoy kung ito ay sufficient in form and substance upang magpatuloy.

“This will be a careful balancing act on the part of the leadership and the part of the House,” ayon kay Acidre.

Sa kabila ng mga kinakaharap na hamon, binigyang-diin ni Roman ang determinasyon ng Kongreso na tuparin ang kanyang mga tungkuling konstitusyonal.

“Batas lamang po ang paiiralin—pantay-pantay ang lahat,” giit pa nito. (END)

No comments:

Post a Comment