Tuesday, December 10, 2024

DAYS AFTER HITTING “NARCO VLOGGERS”, BARBERS POUNCES ON “NARCO TROLLS”

Few days after hitting back at what certain sectors called the “narco vloggers,” Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, lead chair of the Lower House’s Quad Committee and chair of the Dangerous Drugs panel pounced on the alleged “narco trolls” who are people reportedly employed by displaced and displeased POGO operators and drug lords to make deliberately offensive, provocative posts in various social media platforms in order to spread lies, cause conflict and manipulate or change public opinion.  


Chairman Barbers emphasized that he and his panel members welcome any criticism related to the performance of their job at Quadcom, but not personally maligning, defaming or slandering their person and integrity with outright lies or baseless accusations. 


The lawmaker from Surigao del Norte said he hopes and prays that those pseudo-journalists, the self-proclaimed and self-righteous political analysts won’t experience what it is to be the subject of defamation and slander “so they would know how to be in that situation.” 


In a privilege speech, Barbers said to state the obvious, dozens or hundreds of trolls, almost all of whom are adopting similar destructive and malicious propaganda lines, and probably paid by POGO and drug money, relentlessly attack personalities with total impunity.


THIS IS TERENCE MORDENO GRANA REPORTING FOR AFP COMMUNITY NEWS, ONE AFP FOR STRONGER PHILIPPINES

From Radio Peeps

Milks / Imbestigasyon ng Quad Comm sa isyu ng pogo, hindi pa tinutuldukan…



Hindi pa ganap na tinatapos ng Quad Committee ang imbestigasyon sa isyu ng pogo.


Ito ang nilinaw ni Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers, chairman ng Quad Comm, matapos unang sabihin na huli na ang hearing ng komite kahapon sa isyu ng operasyon ng pogo sa bansa.


Ayon kay Barbers, may rekumindasyon ang ibang chairmen ng komite na magsagawa pa rin ng hearing  sa isyu ng pogo dahil may dalawang witness ang handang tumestigo.


Sabi ni Barbers, bagong impormasyon umano ang ilalahad ng testigo kaya hindi pa nila ganap na isasara ang imbestigasyon sa pogo.


Narito si Congressman Robert Ace Barbers, chairman ng Quad Comm…


Out cue: doon sa isyu dyan sa bagong info…


Timestamp

0:39-0:58


Nilinaw din ni Barbers na hindi na nila kailangan ang testimonya nila dating Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo, Cassandra Ong ng Lucky South 99 at negosyanteng si Tony Yang.


At dahil hindi pa tapos ang imbestigasyon ng komite sa pogo, hindi sila titigil na paharapin at pagpaliwanagin sa komite si dating Duterte Presidential Spokesman Harry Roque.


@@@@@@@@@@@


Isa Umali / Hindi pa binabawi ng House Quad Committee ang contempt order laban kay dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque.


Paliwanag ni Quad Comm overall chairman Robert Ace Barbers --- nang inisyu nila ang contempt order laban kay Roque noon, binanggit na ang kautusan ay hanggang sa matapos ang kanilang mga hearing.


Pero sa ngayon, hindi pa matiyak ni Barbers kung kailan matatapos ang mga pagdinig ng Quad Comm, at inaasahang magre-resume sila sa Enero 2025.


Dahil dito, sinabi ni Barbers na mananatili ang contempt order laban kay Roque, at hanggang hindi nakikita ang abogado ay hindi mababawi ang kautusan.


Una nang sinabi ni Roque na siya ay nasa ibang bansa. Iniuugnay siya sa Lucky South Corporation, na isa umanong POGO sa Porac, Pampanga.


Kinumpirma naman ni Barbers na hindi pa sasarhan ng Quad Comm ang imbestigasyon sa operasyon ng POGOs.


May mga bagong impormasyon at testigo kasi, at nais nilang maisama sa isyu ng POGO.


@@@@@@@@@@@


Isa Umali / Ni-ratipikahan na ng Kamara ang Bicameral Conference Committee report, para sa panukalang 2025 National Budget.


Sa sesyon ngayong Miyerkules, umayon ang mga kongresista sa ratipikasyon.


Sa oras na ma-ratipikahan na rin ng Senado, i-aakyat na sa tanggapan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. ang panukalang pambansang pondo, para sa kanyang lagda at pagsasabatas.


Sa ilalim ng 2025 General Appropriations Bill, ang national budget sa susunod na taon ay nagkakahalaga ng P6.352 trillion.


Ito ay 10.1 percent na mas mataas sa 2024 National Budget na P5.768 trillion.


@@@@@@@@@@


Mar / Magsino, nananawagan sa pamahalaan para magkaroon ng tiyak na aksiyon laban sa mga nawawalang Balikbayan boxes


NANANAWAGAN si OFW Party List Rep. Marissa "Del Mar" P. Magsino sa mga ahensiya ng pamahalaan para magkaroon ng mga konkreto at espisipikong aksiyon upang tuluyan ng wakasan ang malaon ng problema ng pagka-antala, pagkawala at burarang pagtrato sa mga Balikbayan boxes na ipinapadala ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).


Ayon kay Magsino, ang kaniyang naging panawagan sa mga ahensiya ng gobyerno ay kasunod ng walang humpay na pagkawala at padaskol-daskol na pagtrato sa mga ipinapadalang Balikbayan boxes ng mga OFWs kung saan hanggang sa kasalukuyan ay nagpapatuloy parin ang naturang problema.


Sa isinagawang Committee Hearing sa Kamara de Representantes patungkol sa nakasalang na House Resolution No. 299. Binigyang diin ni Magsino ang kahalagahan na maprotektahan o mapangalagaan ang mga Balikbayan boxes na simbolo aniya ng pagmamahal sa pamilya at sakripisyo ng mga OFWs.


Binatikos din ng kongresista ang tinawag nitong sistematikong kapalpakan patungkol naman sa proseso ng paghahatid o delivery ng mga nasabing Balikbayan boxes patungo sa mga recipients nito o ang pamilya at mga kamag-anak na tatanggap ng mga ipinadalang pasalubong ng mga OFWs.


Pagbibigay diin pa ni Magsino na nasasayang lamang aniya ang napakalaking sakripisyo ng mga OFWs sa ibayong dagat sapagkat ang mga ipinapadala nilang mga packages sa pamamagitan ng mga Balikbayan boxes ay walang pakundangang nilalapastangan lamang pagdating sa Pilipinas gaya ng pagnanakaw at mismanagement. 


"The Balikbayan box is more is more than just a package. It is the hopes, dreams and sacrifices of our OFWs. To see this tradition tainted by theft, mismanagement and fraud unacceptable. It is an insult to their hardwork and their families," wika ni Magsino.


Nabatid pa sa OFW Party List Lady solon na iginiit din nito sa isinagawang Committee Hearing na dapat magbigay ng malinaw at kasagutan at accountability ang mga partikular na ahensiya ng pamahalaan hinggil sa isyung ito. 


Kasunod din nito ang pagbusisi ni Magsino kaugny naman sa updates ng mga isinampang criminal complaint laban sa mga freight forwarders at iba pang indibiduwal na nasangkot sa pagkawala at mishandling ng mga Balikbayan boxes.


"Ang masakit, maraming Balikbayan boxes ang hindi nakarating sa oras o tuluyan ng nawawala. Kung nakarating man, kulang-kulang na ang laman nito dahil sa pagnanakaw. Ang ganitong mga pangyayari ay hindi lamang nakakagalit kundi nakakasakit sa damdamin ng ating mga OFWs at kanilang pamilya," sabi pa nito.


To God be the Glory


@@@@@&@&@&@&


Grace / hiniling ni Davao del Norte 2nd District Rep. Alan 'Aldu' Dujali sa Kamara na imbestigahan ang umano’y pagkakasangkot ng mga lokal na opisyal ng Davao del Norte sa ilegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators sa lalawigan.


kasunod ito ng pagsalakay ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation Region XI sa isang ilegal na POGO sa Barangay Manay, Panabo City kung saan naaresto ang 59 na mga dayuhang manggagawa na karamihan ay Chinese.


ayon kay Dujali, nakatanggap din ng impormasyon ang NBI na may mga tiwaling opisyal ng lalawigan ang nagbibigay proteksyon sa ilegal na POGO.


diin ni Dujali, ang ikakasang imbestigasyon ng kamara ay bahagi din ng polisya ng pamahalaan na mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa bansa at maitaguyod ang kapakanan ng taumbayan.


@@@@@@@@@@@


Isa Umali / Hinimok ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang Department of Agriculture o DA at iba pang kaukukang ahensya na bilisan ang pagbuo ng Implementing Rules and Regulations o IRR para sa bagong batas na Rice Stabilization Law.


Ayon sa lider ng Kamara, “non-negotiable” at importante na maipatupad kaagad ang batas, upang mapatatag ang presyo ng bigas, malabanan ang hoarding, mas masuportahan ang mga magsasaka, at para mapakinabangan na ng mga Pilipino lalo na ang hirap na makabili ng murang bigas.


Aniya, kung may IRR --- makakakilos na ang DA tulad sa regulasyon ng mga bodega, at matitiyak na ang National Food Authority o NFA ay may sapat na buffer stocks mula sa mga lokal na magsasaka.


Giit niya, kapag wala pang IRR, made-delay ang mga target ng batas.


Dagdag niya, gagarantiyahan ng IRR ang implementasyon ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF), na pinalawig hanggang 2031.


Magagamit na kasi ang pondo para sa makinarya, binhi, at iba pang suporta na magpapalakas sa ani ng mga magsasaka.


Umaasa naman ang House Speaker na magkakaroon ng transparency at accountability sa pagbuo at pagpapatupad ng IRR.


Mahigpit aniyang babantayan ng Kamara ang usad ng IRR, para masigurong maayos na maipatutupad ang batas at mapipigilan ang anumang pag-abuso.


@@@@@@@@@@


Isa Umali / Walang rekord ang aabot sa apatnaraan at limang (405) pangalan mula sa animnaraan at pitumpu’t pitong (677) pangalang sinasabing nakatanggap ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte.


Ito ang inanunsyo ni Rep. Joel Chua, chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability.


Aniya, ito ay batay sa sertipikasyon ng Philippine Statistics Authority o PSA.


Ayon sa kongresista, base sa tugon ng PSA sa sulat ng komite, walang “birth certificate” o masasabing non-existent ang 405 na mga pangalan.


Una nang sinabi ng PSA na walang rekord sa civil registry ang Mary Grace Piattos na nakita ang pangalan acknowledgment receipts o Ars ng Office of the Vice President o OVP.


Gayundin ang Kokoy Villamin, na kapwa nakita ang pangalan sa AR ng OVP at Department of Education.



Ako si Isa Avendano Umali ng GMA Super Radyo DZBB… dapat totoo!