Suportado ng Young Guns ng Kamara de Representantes ang paghingi ng tulong ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa National Bureau of Investigation (NBI) upang magtukoy at makasuhan ang mga vloggers na nagpapakalat ng kasinungalingan laban sa mga miyembro ng House Quad Comm.
Iginiit nina 1-RIDER Party-list Rep. Rodge Gutierrez at House Assistant Majority Leader at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ang kahalagahan na mapanatili ang integridad ng Kamara at upang matugunan ang organisadong pagkakalat ng mga maling impormasyon.
Sinabi ni Gutierrez na bagamat protektado ng Saligang Batas ang freedom of speech, tila yata ito ay isang concerted effort talaga na gawaing may mga taong nasa likod nito.
Ipinunto ni Gutierrez ang panganib ng mga kampanyang ito laban sa mga opisyal ng gobyerno.
Sinabi naman ni Adiong na kinikilala nito ang pagkakaiba ng mga opinyon na bahagi umano ng demokrasya.
Dagdag pa ni Adiong, ginagamit lamang ang mga ito para sa political propaganda upang siraan at i-discredit ang kanilang kalaban sa politika.
MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCES RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO
No comments:
Post a Comment