Wednesday, December 4, 2024

KATAPATAN SA KONSTITUSYON AT INILUKLOK NA MARCOS GOV’T, PINAGTIBAY NG MGA AFP OFFICIAL

Muling pinagtibay ng mga matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang katapatan sa Konstitusyon at sa iniluklok na pamahalaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa kanilang pakikipagpulong kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa Kamara de Representantes kamakailan.


Tiniyak ni AFP Deputy Chief of Staff Lt. Gen. Jimmy Larida kay Speaker Martin Romualdez na mananatili silang cimmitted sa AFP sa Saligang Batas at sa duly-constituted authorities at sa kanilang dedikasyon sa mandato  ayon sa Konstitusyon.


Binigyan-diin naman ni Lt. Gen. Ferdinand Barandon, commander ng Armed Forces Intelligence Command, ang propesyonalismo ng militar at ang suporta nito sa mga institusyon ng gobyerno.


Ang pulong, kung saan kabilang sa mga dumalo ng 17 bagong talagang heneral at senior flag officer, ay nakatuon sa pagsuporta ng pamahalaan sa militar sa pamamagitan ng paglalaan ng karagdagang pondo at welfare programs.


Ipinahayag naman ni Speaker Romualdez ang kanyang buong suporta sa modernisasyon ng AFP at muling inilahad ang kanyang panukala na magbigay ng ₱350 na subsistence daily allowance para sa mga sundalo. Ang inisyatibo ay bahagi ng direktiba ni Pangulong Marcos na layuning mapabuti ang kalagayan ng mga uniformed personnel.

No comments:

Post a Comment