VP may be liable for of the Anti-Terrorism Act signed into law by his father
VICE President Sara Duterte’s may be held liable for violations of the Anti-Terrorism Act signed into law by then President Rodrigo Roa Duterte in 2020 for her death threats against President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos and Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, one of the leaders of the Young Guns of the House of Representatives said Thursday.
VP Duterte’s latest meltdown included the death threats, which prompted the National Bureau of Investigation (NBI) to consider potential violations of the Anti-Terrorism Act against her.
House Assistant Majority Leader and Zambales Rep. Jay Khonghun criticized Duterte’s recent claims that efforts to freeze her assets are part of a “grand scheme” against her, likening it to the “Arnie Teves playbook.”
He emphasized that Duterte’s current predicament results from her own actions and statements.
“Ito ang resulta ng kanyang pinaggagawa at pinagsasabi. Nakita naman natin ang batas na ipinasa nila sa terorismo at nakita naman natin meron siyang violation doon,” Khonghun stated.
Duterte had previously alleged that moves to freeze her assets mirrored tactics used against former Negros Oriental Rep. Arnolfo “Arnie” Teves Jr., who faced terrorism charges. She described these actions as part of a “grand scheme” against her.
House Deputy Majority Leader and La Union Rep. Paolo Ortega V dismissed Duterte’s narrative, asserting that she is solely responsible for her actions.
“Hindi ito playbook ng ibang tao, playbook niya ito,” Ortega said.
He highlighted the unprecedented nature of Duterte’s alleged threats against high-ranking officials, including President Marcos.
“Siya lang po ang nagtangkang gumawa na tangkain na patayin ang ating Pangulo, ang First Lady, at ang ating Speaker,” Ortega added.
The NBI has initiated an investigation into Duterte’s statements, considering possible violations of the Anti-Terrorism Act. The agency is scrutinizing whether her remarks constitute grave threats under the law.
Khonghun underscored the importance of due process, stating that agencies like the Department of Justice (DOJ) and the NBI should thoroughly investigate the Vice President’s actions.
“Kailangan nating hayaan ang DOJ, ang NBI, at ang ating law enforcement unit na mag-imbestiga,” he said.
He stressed that if violations are found, appropriate legal actions should follow.
“Kung nakita nila may inilabag, nararapat lang na filing talaga siya ng kaso,” Khonghun asserted.
The lawmakers’ statements come amid ongoing investigations into Duterte’s alleged misuse of confidential funds and purported threats against top government officials. (END)
@@@@@@@@@
Liderato ng Kamara nangakong tututukan paglutas, pagbibigay ng katarungan sa Pampanga killings
Nangako ang mga pinuno ng Kamara de Representantes na tututukan ang mga kaso ng pagpatay ng mga opisyal ng gobyerno sa Pampanga upang makamit ng mga biktima at kanilang pamilya ang inaasam na katarungan.
Ipinahayag nina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. at Rep. Dan Fernandez ng Santa Rosa City, Laguna ang kanilang pangako noong Martes ng hapon sa pagsisimula ng imbestigasyon ukol sa pagpatay sa hindi bababa sa anim na lokal na opisyal sa ikatlong distrito ng Pampanga, na kinakatawan ni Gonzales.
Ang Committee on Public Order and Safety na pinamumunuan ni Fernandez na nagsasagawa ng imbestigasyon na bunga ng privilege speech ni Gonzales, na siya ring naghain ng Resolution No. 2086 na humihiling ng imbestigasyon sa insidente.
Sa loob ng dalawang taon at pitong buwan, hindi pa rin nareresolba ng regional, provincial at lokalna pulisya ang pagpaslang, at nanatiling malaya ang suspek sa pagpatay.
Sa pagsisimula ng imbestigasyon, sinabi ni Gonzales sa kanyang mga kasamahan at mga nasasakupan ang panawagan sa law enforcement agencies at tumulong sa mga pamilya ng mga biktima na makamit ang hustisya.
“Gayundin, ito ay para matulungan ang pamilya ng mga biktima, na hanggang ngayon ay patuloy pa rin sa paghahanap ng hustisya,” saad nito.
“Katulad po ng sinabi ko sa aking privilege speech, gagawin ko po ang lahat, sa abot ng aking makakaya, na makuha ang katarungan sa pagpaslang sa inyong mga mahal sa buhay. Hindi po tayo titigil hanggat hindi napapanagot sa batas ang mga may sala,” dagdag pa ng mambabatas.
Kinondena ni Fernandez ang mga pagpatay at sinabi sa mga pamilya ng mga biktima na kaisa niya sila sa paghahangad ng katarungan.
“Tayo po ay nakikiisa sa paghahangad nila ng hustisya. This serious matter not only calls for the resolution of these cases and the swift delivery of justice for the victims and their bereaved families,” ayon pa sa mambabatas.
“More importantly, this calls for legal reforms and institutional strengthening, and even a shift in our cultural mindset as filipinos. Whether these killings are election related or not, political violence is a threat to our democracy and we all have the duty to seek lasting solutions. It is the least we can do for our fallen public servants,” saad pa ni Fernandez.
Tulad ng kanyang mga kasamahan, nagpahayag din si Manila Rep. Bienvenido Abante Jr., ng Committee on Human Rights, ng pakikiisa sa mga pamilya ng mga biktima sa kanilang paghahangad na makamit ang hustisya.
Kinastigo rin ng mambabatas ang local na pulisya sa kabiguang resolbahin ang mga pagpatay sa nakalipas na mahigit dalawang taon.
Sinabi ni Gonzales na ang unang insidente sa serye ng mga pagpatay ay naganap noong Abril 30, 2022, habang ang pinakahuli ay noong Nobyembre 12 lamang.
Ayon kay Gonzales, kabilang sa mga biktima sina Barangay Chairman Alvin Mendoza ng Alasas, Jesus Liang ng Sto. Rosario, at Matt Ryan dela Cruz ng Del Pilar Cutud kasama ang kanyang driver na si Henry Aquino, mula sa San Fernando City; pati na rin sina Barangay Captain Norberto Lumbao ng Laguios, Arayat, at Councilor ng Arayat na si Federico Hipolito.
Pinuna rin ni Abante ang lokal na pulisya na sinabing, “Just imagine from April 2022 to November 2024, anim ang napatay. I would like to find out from the police, kayo ang accountable dito.”
Tanong pa nito, “What have you done? You did an investigation, you know the suspects at bakit at large pa ngayon ang mga ito?”
Sa pahayag naman ni Police Brig. Gen. Redrico Maranan, ang bagong talagang Regional Director ng Central Luzon, “We are still in the process of hunting down the suspects, sir, and we are doing our best to give justice (to the victims and their families). (END)
@@@@@@@@@@@
VP Sara dapat bigyang prayoridad imbestigasyon ng NBI kaugnay ng kanyang pagbabanta sa Pangulo— Rep Adiong
Hinimok ni House Assistant Majority Leader at Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong ang House Blue Ribbon Committee na ipagpaliban ang nakatakdang pagdinig sa Biyernes, Nobyembre 29 upang mabigyan ng pagkakataon si Vice President Sara Duterte na pagtuunan ang kasalukuyang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation (NBI).
Pinatawag ng NBI si VP Duterte upang sagutin ang mga paratang na pinagbantaan nito ang buhay nina President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.
Kasalukuyang iniimbestigahan ng House Blue Ribbon Committee ang umano’y maling paggamit ni Duterte ng P612.5 milyong confidential funds na inilaan sa Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd), na kanyang pinamunuan hanggang Hulyo.
“Given the serious nature of the allegations being investigated by the NBI, the Vice President’s immediate priority must be to comply with the bureau’s summons and provide a clear explanation to the Filipino people,” ayon kay Adiong.
Dagdag pa niya: “The House hearing, where the Vice President is only expected to accompany her staff and not directly answer lawmakers’ questions, can be postponed to prioritize this urgent matter.”
Binanggit ni Adiong na bagamat may mahalagang tungkulin ang House Blue Ribbon Committee sa pagpapalaganap ng pananagutan ng gobyerno, ang imbestigasyon ng NBI ang may mas mataas na prayoridad dahil sa mga direktang epekto nito sa seguridad ng bansa at tiwala ng mamamayan.
“Vice President Duterte must prioritize addressing the NBI probe,” ayon kay Adiong. “The allegations against her are far-reaching, and her full cooperation with the investigation is essential for the sake of transparency and justice.”
Kumpiyansa si Adiong na bibigyan ng konsiderasyon ng komite ng Kamara ang muling pagsasaayos ng pagdinig, na nagbibigay tuon sa kahalagahan ng balanseng pagganap ng kanilang mga tungkulin sa pangangasiwa at paggalang sa tamang proseso.(END)
@@@@@@@@@
Trillanes kumpiyansang sapat ebidensya laban kay Duterte sa ICC
Kumpiyansa si dating Sen. Antonio Trillanes IV na sapat ang mga ebidensyang nakalap nito upang makulong si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaugnay ng kinakaharap nitong kaso sa International Criminal Court (ICC).
Si Trillanes ay humarap sa ika-12 pagdinig ng House quad committee noong Nobyembre 27 upang linawin ang umano’y kaugnayan ni Duterte sa kalakalan ng iligal na droga.
Sa kanyang mahigit isang oras na presentasyon, inilatag ni Trillanes ang kaugnayan ni Duterte sa mga personalidad na sangkot sa bentahan ng ipinagbabawal na gamot at ang paggamit nito sa war on drugs campaign upang maitago ang tunay na ginagawa nito.
Sinabi ni Trillanes na ang DDS na ang ibig sabihin dati ay "Duterte Diehard Supporters” ay nangangahulugan na ngayong “Duterte Drug Syndicate.”
Tinanong ni Batangas 2nd district Rep. Gerville "Jinky Bitrics" Luistro si Trillanes kung ano ang motibasyon nito sa pangangalap ng mga ebidensya laban sa dating Pangulo.
"Now, the whole presentation I made is not to pin down Mr. Duterte for these specific crimes because I'm determined to pin him down through the ICC. And that's all I need. It's enough to put him away for life," sabi ng dating senador.
"What I presented is to shatter that false narrative that he peddled to the Filipino people na galit talaga siya sa iligal na droga," dagdag pa ni Trillanes.
Iniimbestigahan ng ICC si Duterte kaugnay ng mga patayan na umabot umano sa 30,000 ang bilang sa pagpapatupad nito ng war on drugs campaign. Karamihan sa mga kaso ng pagpatay ay hindi naresolba at pinaniniwalaang kaso extrajudicial killings (EJK).
Ang presentasyon ni Trillanes ay binubuo ng mga open-sourced material gaya ng balita, panayam, at testimonya na inipon mula pa noong 2016.
Kasama sa mga ebidensyang ito ay ang mahabang testimonya ng self-confessed hitman na si Arturo Lascan̈as.
Kumpiyansa rin si Trillanes na mapanghahawakan ang salita ni Lascan̈as. “He is way up there as a credible witness, but that's just coming from me."
"Mr. Lascan̈as, again, as a witness, he went through the very rigorous process of being accepted as an ICC witness. He went through this weeks-long process of vetting and validation, and he checked out as the primary witness of the prosecution against Mr. Duterte," sabi ni Trillanes kay Luistro.
"If these professional investigators and lawyers were able to check him out, then I would have to follow suit," dagdag pa ng dating senador. (END)
@@@@@@@@@@@
Impeachment ginagamit ni VP Sara na diversionary tactic
Para sa mga lider ng Kamara de Representantes isang diversionary tactic lamang ang pahayag ni Vice President Sara Duterte na ang nilulutong impeachment complaint laban sa kanya ay ginagamit na pantakip sa mga kakulangan ng administrasyon sa taumbayan.
Si Duterte umano ang gumagamit ng isyu upang matakpan ang imbestigasyon kaugnay ng mali umanong paggamit nito sa P612.5 milyong confidential fund ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd), na dati nitong pinamunuaan.
“Well, that’s another diversionary tactic ng ating Bise Presidente para iiwas na naman ang nangyari sa pondo ng [OVP] at sa confidential fund ng [DepEd],” ani House Assistant Majority Leader at Zambales 1st District Rep. Jefferson “Jay” Khonghun sa isang press conference.
“Ang tunay na usapin dito ay may nawawalang pera ng ating gobyerno. Hindi naging tama ang paggastos, nagkaroon ng kapabayaan sa pag-handle ng confidential funds, at kailangan may managot dito,” dagdag pa nito.
Iginiit ni Khonghun ang kahalagahan ng transparency at accountability.
“Napakasimple lang naman ito. We want transparency, we want accountability, at kung sino may kasalanan, siya ang dapat managot,” giit ng solon.
Sa kaparehong press conference, sinabi ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua, chairman ng House Blue Ribbon Committee, na ang impeachment ay hindi pinag-uusapan sa Kongreso.
“Sa totoo lang, ang impeachment ay hindi pa po napag-uusapan dahil nakapokus pa kami dito sa mga iba pong usapin,” sabi ni Chua.
Ayon kay Chua ang pangunahing layunin ng imbestigasyon ay malaman ang katotohanan upang makabuo ng panukalang batas upang hindi na ito maulit.
“By next week, magpa-file kami ng mga house bill na naging produkto po ng investigation,” sabi ni Chua.
Iginiit naman ni Deputy Majority Leader at La Union 1st District Rep. Paolo Ortega V ang kahalagahan ng imbestigasyon na isang responsibilidad ng Kamara sa publiko.
“Opinyon nya ‘yun,” Ortega said, referring to the Vice President. “Kami naman dito, ang katotohanan at pagtuloy ng hearings ang aming tinitignan dahil ‘yan ay utang namin sa taong bayan,” sabi ng solon.
“We will stick with that and continue the work we are doing in the House of Representatives,” dagdag pa ni Ortega.
Binigyan-diin ng mga mambabatas ang kahalagahan na malaman ang katotohanan sa mali umanong paggamit ng confidential fund at ibinasura ang mga tangka na takpan ang isyu.
“Alam naman natin na itong mga ibang issue na kanilang sinasabi at kanilang inilalabas ay diversionary tactics lang ito sa pag-iwas sa responsibilidad ng ating Bise Presidente,” saad ni Khonghun. “Doon tayo mag-concentrate sa tunay na usapin.” (END)
@@@@@@@@@
Filipino first budget itinulak ni Speaker Romualdez sa bicam
Itinulak ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa bicameral conference committee (bicam) ang paglikha ng panukalang 2025 budget kung saan ang kapakanan at pangangailangan ng mga Pilipino ang inuuna.
“We’re all here because we’ve been trusted with a responsibility. Let’s live up to that trust. Let’s have honest, productive discussions, and let’s find the common ground that puts the people first,” ani Speaker Romualdez sa unang pagpupulong ng bicam na siyang babalangkas ng pinag-isang bersyon ng badyet ng Senado at Kamara.
“We owe it to every Filipino who wakes up every day trying to make ends meet, hoping that their government has their back. Let’s give them a budget that says, ‘Yes, we hear you. Yes, we care. And yes, we’re doing something about it’,” dagdag pa nito.
Sinabi ng lider ng Kamara, na mayroong mahigit 300 kongresista na hindi dapat gawing komplikado ang babalangkasing badyet.
“Let’s keep things practical and straightforward. We don’t need to overcomplicate this. Let’s focus on what will make the biggest difference for the Filipino people. The programs that matter, the services they rely on, and the investments that will move this country forward - those should be non-negotiable,” wika pa ni Speaker Romualdez.
Ipinaalala rin ni Speaker Romualdez sa mga miyembro ng bicam na ang badyet ay mayroong kapangyarihan upang pagandahin o sirain ang buhay ng mga Pilipino.
“This is no ordinary task. We’re not just crunching numbers; we’re crafting solutions to real problems faced by real people every single day,” giit pa nito.
Ayon kay Speaker Romualdez ang bersyon ng Kamara ay nagpapakita ng pagbibigay ng prayoridad sa mga Pilipino.
“We focused on what’s urgent: keeping food prices down, creating jobs, making healthcare accessible, improving education, and ensuring disaster preparedness,” sabi pa nito.
“So now, it’s up to us in this bicam to bridge the gaps - not just between the House and the Senate but, more importantly, between what our people need and what we can deliver.”
“This is where we prove that we’re capable of working together, not just as representatives of our respective chambers but as leaders who genuinely care about the future of this country,” dagdag pa nito.
Ayon kay Speaker Romualdez maaaring magkaiba ang paraan ng dalawang kapulungan subalit dapat ang mithiin nito ay magkapareho— para mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino.
“I know we can get this done, and I know we can do it right. So let’s get to work,” dagdag pa ng lider ng Kamara. (END)
@@@@@@@@@@@@
House Blue Ribbon panel ipinagpaliban pagdinig para makadalo ni VP Sara sa imbestigasyon ng NBI
Nagdesisyon ng House Blue Ribbon Committee na ipagpaliban ang pagdinig nito sa Biyernes, Nobyembre 29, upang hindi ito magamit na dahilan ni Vice President Sara Duterte na hindi humarap sa patawag ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay sa isinasagawa nitong imbestigasyon sa kanyang ginawang pagbabanta kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay Manila 3rd District Rep. Joel Chua, chairman ng komite, ang desisyon ay upang umusad ang imbestigasyon ng isang kritikal na isyu ng national security.
“Marami pong mga miyembro ang tumawag sa akin patungkol po sa issue na ito kaya po kami kanina ay nagdesisyon na i-postpone ‘yung committee hearing for tomorrow to pave way sa imbestigasyon ng NBI na hindi naman po kami nagagamit bilang excuse para masagot ang complaint,” sabi ni Chua sa isang pulong balitaan.
Pinahaharap ng NBI si Duterte para magpaliwanag sa kanyang alegasyon na kanyang pinagbantaan ang buhay nina Pangulong Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos, at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.
“Naniniwala po kami na ito pong issue sa NBI ay napakahalaga as it concerns national security,” sabi ni Chua.
Nauna ng itinakda ng komite ang ikawalong pagdinig kaugnay ng umano’y maling paggamit ni Duterte ng ₱612.5 milyon na confidential funds na inilaan sa Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) noong siya pa ang kalihim.
Pero dahil sa bigat ng kanyang ginawang pagbabanta sa mga pangunahing opisyal ng bansa ay iginiit ng mambabatas na mabigyang prayoridad ang imbestigasyon ng NBI.
“Napaka-importante rin na masagot ang mga tanong at kaukulang investigation ng NBI kasi hindi naman po biro ito. These are grave threats,” sabi naman niHouse Deputy Majority Leader at La Union Rep. Paolo Ortega V na kasama ni Chua sa press conference.
“National security is at stake. Nakakabahala po saka nakakatakot. Ako nga po mismo natakot nung narinig ko ang mga threat na ganoon,” dagdag pa ni Ortega.
Binigyang diin ni House Assistant Majority Leader at Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun ang importansya ng pagsagot ni Duterte sa mga reklamo laban sa kanya.
“Ayaw nating maging rason o maging hadlang ang komite, gawing rason ang hearing ng Blue Ribbon Committee para hindi harapin ni Vice President Sara, lalong-lalo na ‘yung subpoena sa kanya ng NBI,” aniya.
Sabi pa ni Khonghun: “Napakalaking usapin ito lalung-lalo patungkol sa national security ng ating bansa. Dahil nakita natin na pinagbantaan niya ang buhay ng ating Presidente, buhay ng ating Speaker, buhay ng ating First Lady, at lalung-lalo na may mga kaso pa siya na kailangan niyang harapin.”
Pagsiguro naman ni Chua na ang pagpapaliban ay hindi makakabalam sa trabaho ng komite na siyasatin ang paggasta sa confidential funds.
“Kami po ay magbibigay nang [daan] para hindi kami magamit dahilan para hindi siya makarating bukas,” saad niya
Muli nitong tiniyak ang commitment ng komite sa pagpasa mga batas para protektahan ang pondo ng bayan at maiwasang maulit na ang kahalintulad ng pang aabuso.
Hindi pa napagdedesisyunan kung kailan itutuloy ang pagdinig ng komite at iaanunsyo na lamang umano ito ni Chua. (END)
@&&&&&&&@&@@@
Mark Taguba muling iginiit na sabit sina Pulong Duterte, Mans Carpio, at ‘Davao Group’ sa P6.4 bilyong shabu smuggling
Muling iginiit ng Customs broker na si Mark Taguba na sangkot sina Davao City Rep. Paolo "Pulong" Duterte, sa bayaw nitong si Manases "Mans" Carpio, at iba pang miyembro ng tinaguriang "Davao Group" sa pagpuslit ng P6.4 bilyong halaga ng imported na shabu noong 2017.
Sa kanyang pagdalo sa House Quad Committee, muling kinumpirma ni Taguba—na kasalukuyang nakakulong dahil sa kanyang papel sa pagpaproseso ng ipinuslit na kargamento—ang kanyang pahayag noong 2017 sa pagdinig ng Kongreso.
Inihayag ni Taguba na hindi siya uurong sa kanyang testimonya sa kabila ng patuloy na harassment at banta sa kanyang buhay.
Binigyan diin pa ni Taguba na kailanman ay hindi niya binawi ang kaniyang alegasyon, na pinaninindigan at nanatili ang ibinigay na pahayag sa Senado at Kamara, pitong taon na ang nakalilipas.
“Wala po akong na-recant sa affidavit ko kina Pulong Duterte po,” sagot ni Taguba sa pagtatanong ni Batangas 2nd District Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro.
Inamin ni Taguba na humingi siya ng paumanhin sa anak ng noo’y Pangulo sa isang press conference dahil sa matinding pressure, ngunit iginiit niyang hindi ito nangangahulugan ng pagbawi ng kanyang pahayag.
Inakusahan ni Taguba ang Davao Group ng pagmamanipula sa mga operasyon ng Customs gamit ang mga pangunahing kontak, kabilang na si Davao City Councilor Nilo “Small” Abellera. Ayon kay Taguba, nagbayad siya ng P5 milyong “enrollment fee” kay Abellera upang magamit ang serbisyo ng grupo at makuha ang access kay Pulong.
Si Abellera, na dumalo sa pagdinig, ay inamin na nakipagkita kay Taguba sa Davao City ngunit itinanggi ang pagtanggap ng pera mula rito, at sinabi niyang tinanggihan ang mga kahilingan ni Taguba.
Ngunit tinutulan ni Taguba ang pagtanggi ni Abellera, sinabing, “Kinuha niya ang pera.”
Inakusahan din ni Taguba si Carpio, ang asawa ni Vice President Sara Duterte, at sinabing ang pera ay dumaan sa mga operatiba ng Davao Group tulad ni “Tita Nani.”
“Sabi nila si Pulong Duterte ang mag-aayos kapag nagbigay ako ng pera,” ayon kay Taguba, habang inilarawan ang kanyang mga pakikipag-ugnayan sa mga operatiba.
Ikinwento ni Taguba ang mga panggigipit na kanyang naranasan matapos pangalanan sina Pulong at Carpio sa isang pagdinig sa Kongreso, pati na ang mga banta sa kanyang buhay at sa kanyang pamilya.
“Pati nanay ko, balak nilang patayin,” pahayag niya, inilarawan ang mga matinding hakbang na umano'y ginawa upang siya'y patahimikin.
Ibinunyag din ni Taguba na tinanggal ng Senate Sergeant-at-Arms ang kaniyang security detail, na nagbigay daan upang siya ay maging mas madaling target ng mga banta at pananakot.
Ang shipment ng shabu, na nagmula sa China, ay naharang sa isang bodega sa Valenzuela City noong 2017, ngunit nananatili pa rin ang mga tanong tungkol sa tunay na may-ari ng kontrabando.
Kamakailan ay hinatulan ng hukuman sa Maynila sina Taguba at ang kanyang mga kasamahan na sina Eirene Mae Tatad at Dong Yi Shen, na kilala rin bilang si Kenneth Dong, ng habambuhay na pagkakakulong dahil sa kanilang papel sa pagpapasok ng shabu. Nagsumite sila ng motion for reconsideration at hiniling na mag-inhibit ang hukom na humahawak ng kaso.
Tinuligsa rin ni Taguba ang sistema ng katarungan sa bansa dahil sa hindi pagpaparusa sa mga may makapangyarihan at impluwensya.
Ipinahayag din ni Taguba ang kanyang pagkadismaya dahil habang ang mga ordinaryong tao tulad niya ay nahatulan, ang mga pangunahing sangkot sa kaso ay nakaligtas sa pagpaparusa.
Matapos marinig ang kanyang testimonya at ang mga banta sa kanyang buhay, inaprubahan ng Quad Committee, na pinamumunuan ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, ang isang mosyon na humiling sa Bureau of Corrections na ilipat si Taguba sa kustodiya ng Kamara.
Sa mosyon ni Quad Comm co-chair Joseph Stephen Paduano, nagpasiya ang panel na ikulong si Taguba sa Kamara "hanggang sa matapos ang mga pagdinig o hanggang mawala ang banta sa kanyang buhay."
Bagama’t nahatulan, patuloy na binibigyang-diin ni Taguba ang sinasabing kapangyarihan ng Davao Group, na nagpapatuloy sa pagtuon ng pansin sa mga hindi pa nasasagot na isyu ukol sa isa sa mga pinakamalaking kaso ng smuggling sa bansa. (END)
@@@@@@@@@@@
45 na matataas na mga opisyal sa E. Visayas binatikos si VP Sara sa walang ingat, mapaghating aksyon
NAGSAMA-SAMA ang 45 na matataas na mga opisyal ng Eastern Visayas sa pagkondena kay Vice President Sara Duterte kaugnay ng walang ingat at mapaghating aksyon nito laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.
Pinangunahan nina Leyte Rep. Anna Victoria Veloso-Tuazon, Biliran Rep. Gerardo “Gerryboy” J. Espina Jr., at Samar Reps. Reynolds Michael Tan at Stephen James Tan, ang kabuuang 45 opisyal ang paglalabas ng Joint Manifesto of Indignation kung saan kanilang sinabi na ang mga aksyon ni Duterte ay insulto sa mga Waray at kanilang mga lider.
Ang pahayag, na nilagdaan ng mga opisyal ng probinsya, lungsod, at munisipyo sa Eastern Visayas, ay nagsimula sa pagtuligsa, “We, the undersigned local government leaders of Eastern Visayas, express our profound indignation at the malicious, baseless and reckless accusations made by Vice President Sara Duterte against Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.”
Tinuligsa ni Duterte si Speaker Romualdez, isang kilalang lider ng mga Waray at pinsan ni Pangulong Marcos, kaugnay ng imbestigasyon ng Kamara sa umano’y maling paggastos sa P612.5 milyong confidential fund ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).
Ayon sa manifesto ang hindi makatwirang pag-atake ay isang paghamak hindi lamang sa mga lider kundi maging sa dangal at dignidad ng mga Waray— na ang ugali ng pagiging matatag, nagsusumikap, at may karangalan ay ipinakikita ni Speaker Romualdez.
Kinilala rin ng mga lider si Speaker Romualdez na mayroong mahabang kasaysayan ng pagseserbisyo sa publiko at nakapaghatid ng kaginhawahan sa buhay ng mga Pilipino at ng pag-unlad sa bulnerableng sektor.
Kinondena rin ng mga lider si Duterte sa kawalang respeto nito hindi lamang kay Speaker Romualdez kundi maging kay Pangulong Marcos, na mayroon ding dugong Waray.
“Vice President Duterte’s unfounded allegations also insult the Romualdez legacy, which extends to President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., who shares Waray blood through his mother, former First Lady Imelda Romualdez Marcos,” sabi sa pahayag.
“Her reckless tirades strike at the very heart of a region that has overcome countless challenges through hard work, solidarity and trust in capable leadership,” sabi pa rito.
Kinilala rin ng mga lider ang mga nagawa nina Speaker Romualdez at Pangulong Marcos na nakapagdala ng makahulugang pagbabago sa bansa.
Ang mga naging aksyon umano ni Duterte ay lumagpas sa personal na pag-atake.
“Her irresponsible statements not only destabilize the unity of the administration but also erode the trust of the Filipino people at a time when cooperation and stability are paramount,” saad sa manifesto.
Dumipensa ang lahat ng pitong alkalde sa unang distrito ng Leyte para kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, at tahasang tinuligsa ang walang basehan at malisyosong akusasyon ni Vice President Sara Duterte.
Sa isang manifesto, inilahad ng mga alkalde ng Palo, Alangalang, San Miguel, Tanauan, Sta. Fe, Tolosa, at Babatngon na ang mga paratang ni Duterte ay hindi lamang pag-atake kay Speaker Romualdez kundi sa buong unang distrito ng Leyte.
“We, the undersigned mayors of the First District of Leyte, stand in staunch defense of Leyte First District Representative and Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, a leader whose integrity and dedication to public service have been consistently proven throughout his exemplary political career,” saad ng manifesto.
“Representing the First District of Leyte, Speaker Romualdez has served his constituents with honor and distinction, unblemished by allegations of corruption or violence, and always placing the welfare of the people above personal interest,” sabi pa rito.
Lumagda sa manifesto sina Palo Mayor Remedios Petilla, pangulo ng Leyte Chapter of the League of Municipalities of the Philippines, Mayors Lovell Anne Yu-Castro ng Alangalang, Norman Sabdao ng San Miguel, Gina Merilo ng Tanauan, Amparo Monteza ng Sta. Fe, Erwin Ocana ng Tolosa, at Eleonor Lugnasin ng Babatngon.
“These accusations are a direct insult to the very citizens whose trust and mandate he has honorably upheld,” sabi pa sa manifesto.
Binigyang diin sa manifesto ang mga napagtagumpayan ni Romualdez kasama na ang kanyang liderato sa pagpapasa ng mga mahahalang lehislasyon at epektibong paglalaan ng resources para sa kanyang mga nasasakupan at para sa bayan.
“Speaker Romualdez’s record speaks louder than these reckless accusations. Under his leadership, critical legislation has been passed, resources have been effectively mobilized, and the welfare of Filipinos has been prioritized,” sabi ng mga alkalde.
Pinuri din nila ang Speaker sa kanyang pagsusulong sa paglilingkod sa bayan, at kinilala ang kanyang trabaho na kilala sa “diligence, transparency, and unwavering dedication to the greater good of the nation.”
Binatikos din ng mga alkalde ang mga pahayag ni Vice President Duterte laban kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., na anila’y nakakalala lang sa sitwasyon at banta sa pagkakaisa at katatagan ng bansa.
“We likewise categorically reject the statements made against President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. These inflammatory remarks and divisive rhetoric not only undermine the unity we are striving to achieve as a nation but also betray the constitutional duty and trust bestowed upon all public officials,” giit nila
Babala pa ng mga alkalde, “such conduct is unbecoming of an elected leader and is detrimental to the stability and progress of our country.”
Pinayuhan din ng mga alkalde si Vice President Duterte na iwaksi ang pagkakawatak-watak at tuparin na lang ang kanyang atas na isulong ang pagkakaisa at pananagutan.
“To Vice President Sara Z. Duterte, we remind you of your sworn duty to uphold unity and serve with accountability. We urge you to abandon this path of division and hostility, for it is a betrayal of the trust the Filipino people have placed in you,” saad sa pahayag nila.
Mula sa Biliran, ang mga lumagda ay sina Board Member Roselyn Espina Parabos at Mayors Rhodessa Revita (Caibiran), Humphrey Olimba (Culaba), Gemma Adobo (Cabucgayan), Myra Cabrales (Biliran), at Richard Jaguros (Almeria).
Gayundin sina Calubian Mayor Marciano Battancela, Jr. at Villaba Mayor Lito Veloso na mula naman sa Leyte.
Para naman sa Northern Samar lumagda sina Mayors Maria Ana Abalon (San Roque), Leo Jarito (Silvino Lobos), Felipe Sosing (Pambujan), Florence Batula (Palapag), Maria Luisa Menzon, (Lapinig), at Raquel Capoquian (Gamay).
Mula sa Samar, lumagda naman sina Mayors Raymund Uy (Calbayog City), Marinell Apolonio (Sto. Niño), Danny Tan (Tarangnan), Sed Tan (Pagsanghan), Leo De Guia (San Jorge), Amy Cano (Almagro), Aran Boller (Matuginao), Vicente Limpiado (Tagapul-An), Warren Aguilar (Gandara), Felix Ranganoron (Sta. Margarita), Luz Ponferrada (Basey), Myrna Tan (Zumarraga), Red Nacario (Calbiga), Ferdinand Gaviola (San Sebastian), Eunice Babalcon (Paranas), Renato Cabael (Motiong), Philip Astorga (Daram), Julie Cereno (Jiabong), Clarito Rosal (Hinabangan) at Percival Ortillo Jr. (Marabut).
Sinabi rin sa pahayag na ang mga sinabi ni Duterte ay malisyoso at walang basehan at isa umanong direktang pag-atake sa mga Waray na matagal ng haligi ng pagkakaisa at pag-unlad ng bansa.
“Eastern Visayas will not stand idly by as its leaders and its people are disrespected,” saad ng pahayag.
Hinamon din sa pahayag si Duterte na baguhin ang mga prayoridad nito.
“We call on Vice President Duterte to cease these baseless accusations and instead focus on the responsibilities entrusted to her by the Filipino people,” sabi sa manifesto kung saan iginiit din na walang puwang ang mga aksyon ni Duterte sa isang bansa na nagsusumikap para sa pagkakaisa at pag-unlad.
Bilang isang kaalyado ng administrasyon, si Speaker Romualdez ay isang instrumento rin umano sa pagsulong ng legislative agenda ni Pangulong Marcos. Kinilala rin nila ito sa kanyang walang bahid na rekord at pangako sa serbisyo publiko na nagpapakita umano ng pagiging tapat, may pananagutan, at tunay na malasakit sa mga Pilipino.
“Eastern Visayas stands united behind Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez and President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. Their leadership is a source of pride for the Waray people and a symbol of hope for the entire nation.” (END)
@@@@@@@@@
OVP exec inamin pamimigay ng pera ni VP Sara sa mga opisyal ng DepEd
Isang dating opisyal ng Department of Education (DepEd) na ngayon ay nasa tanggapan na ng Office of the Vice President (OVP) ang umamin na nagpadala ito ng pera sa mga opisyal ng DepEd alinsunod sa utos ni Vice President Sara Duterte.
Sa pagdinig ng House Blue Ribbon Committee, tinanong ni House Assistant Majority Leader Jude Acidre si dating DepEd Special Disbursing Officer Eduard Fajarda kaugnay ng pamamahagi ng cash envelopes. Inamin ni Fajarda na inutusan siya ng Bise Presidente na magpadala ng pera sa mga opisyal ng Deped.
“Actually po, I was instructed by VP Sara,” sagot ni Fajarda nang tanungin kung bakit siya humingi ng mga personal na detalye ng bank account mula sa mga opisyal ng DepEd.
Nilinaw niya na ang mga utos ay direktang nanggaling kay Duterte, na walang ibang namagitan, at ang mga pondo ay personal na iniabot sa kanya mismo ni Duterte.
Nabunyag sa imbestigasyon na ang mga sobre ay ipinamigay umano sa mga superintendent ng DepEd, bagamat hindi lahat ay nakatanggap nito.
“May napadalan po pero hindi siya lahat,” paliwanag ni Fajarda, ang mga nakatanggap ay pinili batay sa mga detalye ng kanilang bank account.
“During po kasi sa pag-iikot ni VP Sara, nakita po niya dun yung superintendent gumagastos ng sarili nilang pera sa office field work nila,” paliwanag nito.
Gayunpaman, kinompronta ni Acidre si Fajarda gamit ang mga screenshot at affidavit na nagpapakita na mas maraming opisyal ng DepEd, partikular sa Region 7, ang kinontak para sa pagpapadala ng pera.
“Kung titignan mo sa screenshot, yung lahat po ng superintendent sa Region 7 ay inyo pong kinontak at hiningan (ng bank details). Ibig sabihin silang lahat po nabigyan?” Tanong ni Acidre.
Sinagot naman ni Fajarda, “Actually, hindi ko kilala lahat ng superintendent. Basta ang alam ko lang po hindi po lahat.”
Naging sentro ng pagtatanong ang pinagmulan ng pera. Nang tanungin kung saan nanggaling ang mga pondo, inamin ni Fajarda, “Binibigay ‘po yun sa akin ni VP Sara,” ba higit pang nagpatibay na may personal na kaalaman ang bise presidente sa cash distribution.
Pinagtibay ng pag-amin na ito ang una ng ibinunyag ng mga dating opisyal ng DepEd-na sina dating Undersecretary Gloria Mercado, Chief Accountant Rhunna Catalan, former Bids and Awards Committee Chairperson Resty Osias at former Undersecretary and Vice President spokesperson Michael Poa – na inamin ding tumanggap ng mga sobre mula kay Duterte
Binigyang-diin ni Acidre ang pattern na ito sa pagdinig, at binanggit ang magkakaparehong testimonya mula sa iba’t ibang opisyal tungkol sa pamamahagi ng mga sobre.
Napatunayan din sa pagdinig ang mga iregularidad sa proseso ng pamamahagi. Inamin ni Fajarda na ang pera ay direktang ipinadala sa mga personal na account ng ilang opisyal ng DepEd, nang hindi dumaan sa mga opisyal na proseso ng DepEd.
Tinanong ni Acidre ang mga implikasyon ng pamamaraang ito, nagtatanong kung, “Pag nagpapadala kayo ng pera, personal account ang ginagamit or official account ng DepEd?”
“Account number po nila,” sagot ng pagkumpirma ni Fajarda.
Ipinagtanggol ni Fajarda ang mga piling pamamahagi ng pondo, na aniya’y dahil sa obserbasyon ng Bise Presidente na may ilang mga superintendent ang ginagamit ang kanilang personal na pera para sa office-related expenses.
Subalit, binanggit ni Acidre na ang hindi pagkakapareho sa proseso ay maaring magdulot sa posibleng pagsasamantala sa mga pondo.
Dahil sa mga pag-amin, tinukoy ni Acidre na malaki ang posibilidad na magbigay ng katulad na mga sagot ang mga superintendent at regional directors ng DepEd sa mga susunod na imbestigasyon.
“Itong pong lahat ng pagkakataon, pag naging panauhin po namin ang mga superintendents at regional directors, we would expect that would be the response – na hindi po lahat at hindi po regular?” Tanong ni Acidre.
“Yes, Your Honor,” tugon Fajarda, na pagkumpirma na pili lamang at hindi lahat ay nabigyan sa cash distributions.
Ang pag-amin ng direktang pakikibahagi ni Duterte sa pamamahagi ng mga pondo sa pamamagitan ng mga personal na account ay nagdudulot ng higit pang pagdududa hinggil sa transparency, pananagutan, at posibleng pagsasamantala sa mga pampublikong pondo. (END)
@@@@@@@@@@@@
PBBM, Speaker Romualdez tuloy ang trabaho sa kabila ng panggugulo— House leaders
Pinagtibay ng Kamara de Representantes ang isang resolusyon na nagpapahayag ng suporta kina Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, na nagpapatuloy umano sa pagtatrabaho sa kabila ng panggugulo.
Sina Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr., at Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe ang tumayong sponsor ng House Resolution (HR) No. 2092 na may titulong “Expressing the unwavering and unqualified support and solidarity of the House of Representatives to the leadership of His Excellency, President Ferdinand R. Marcos Jr., and the Honorable Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez in the face of serious and dangerous remarks and defiant acts that threaten the very foundation of democratic governance, rule of law, and public trust and integrity of government institutions.”
Ang iba pang may-akda ng panukala ay sina House Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan, at Reps. Yedda Marie K. Romualdez at Jude Acidre ng Tingog Party-list.
Sumuporta naman sa resolusyon ang mga kongresista mula sa iba’t ibang partido politikal kasama sina Deputy Speaker David “Jay-Jay” Suarez ng Quezon na mula sa Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD); Rep. Albert S. Garcia (2nd District, Bataan) ng National Unity Party (NUP); Rep. Mark Enverga (1st District, Quezon) ng Nationalist People’s Coalition (NPC); Rep. Robert Ace Barbers (2nd District, Surigao del Norte) mula sa Nacionalista Party (NP); Rep. Rosanna Ria Vergara (3rd District, Nueva Ecija) mula sa Partido Federal ng Pilipinas (PFP); Rep. Erwin Tulfo ng ACT-CIS Party-list mula sa Party-List Coalition Foundation (PCFI); Deputy Majority Leader Rep. Jam Baronda (Lone District, Iloilo City) ng Lakas-CMD; Rep. Toby Tiangco (Lone District, Navotas City) ng Partido Navoteño; at Rep. Gabriel Bordado (3rd District, Camarines Sur) mula sa Liberal Party (LP).
“The importance of this resolution cannot be overstated. As members of this honorable and highly esteemed institution, it is our responsibility to uphold the dignity, honor and integrity of the House of Representatives,” sabi ni Gonzales.
“In doing so, we must also express our collective solidarity with out leaders who stand at the forefront of defending our democratic institutions and the rule of law,” dagdag pa nito.
Nagbigay ng hiwalay na sponsorship speech si Dalipe kung saan tinuligsa nito ang pagbabanta kay Pangulong Marcos, First Lady Liza Araneta Marcos at Speaker Romualdez.
Sinabi ni Gonzales na nagpapatuloy ang pamumuno ni Pangulong Marcos upang madala ang bansa patungo sa pag-unlad at katatagan.
“His vision for a strong and united Philippines is evident in his administration’s achievements. It is our duty as legislators to rally behind our President in defending the interests of the Filipino people and safeguarding the future of our democratic institutions,” sabi nito.
Sinabi ni Gonzales na ang pagbabanta ay hindi lamang laban sa Kamara kundi banat sa seguridad ng bansa at tiwala ng publiko sa gobyerno.
“These include actions that defy protocols, undermine accountability, and most alarmingly, threats to the very lives of our leaders - His Excellency, President Ferdinand R. Marcos Jr., the First Lady, Mrs. Liza Araneta Marcos, and our beloved Speaker, Ferdinand Martin G. Romualdez,” ani Gonzales ng hindi pinapangalanan si Vice President Sara Duterte na siyang nagpahayag ng banta.
Sinabi ng solon na nagpakita si Speaker Romualdez ng natatanging pamumuno at ipinagtanggol ang institusyon sa sinumang nagpapahina rito.
“His swift and decisive response to these serious threats is a testament to his commitment to upholding the principles of democratic governance and the rule of law,” sabi nito.
Sa ilalim umano ng pamumuno ni Speaker Romualdez ay nagkaisa ang mga miyembro ng Kamara at epektibong nagampanan ang tungkulin nito.
“We have passed crucial legislations that support the priorities of the administration and address the needs of our constituents. These successes show that, with a stalwart like Speaker Romualdez, this institution can withstand any obstacle and remain a pillar of democracy,” wika pa ni Gonzales.
Para naman kay Dalipe, ang Kamara ay nananatiling cornerstone ng demokrasya ng bansa.
“As we carry out our mandate and stand to uphold the Constitution of the Republic of the Philippines, we operate on established rules and procedures to ensure transparency, accountability, and order within our walls - and beyond,” sabi ni Dalipe.
“I take this opportunity to reiterate that this august chamber must be accorded the honor and dignity befitting its status as the House of the People. To disrespect this chamber is to disrespect the people that we represent. No public official, regardless of rank or position, should consider itself above and beyond the 100-million strong Filipino people by obstructing the lawful proceedings and orders of the House,” dagdag pa nito.
Ayon kay Dalipe, ang hindi pagsunod sa protocol, ang mga masasamang salitang binitiwan, at ang pagbabanta sa mga lider ng bansa ay isang pambabastos sa batas at sa demokratikong institusyon.
“I believe that we can do better. We must remember that our actions set the tone of public governance in the country. I applaud President Marcos and Speaker Romualdez for their patience, restraint, and ability to rise above the fray by blocking out the external noise and focusing on the work that needs to be done. I urge all of us to follow their example,” sabi ni Dalipe.
Hinimok ni Dalipe ang kanyang mga kapwa mambabatas na ipagpatuloy ang pagtatrabaho sa kabila ng mga kinakaharap na hamon at magsama-sama upang maabot ang kanilang mga layunin. (END)
@@@@@@@@@@
Kamara tuloy sa pag-iimbestiga sa confidential fund sa kabila ng posibleng kasong kaharapin ni VP Sara
Tiniyak ng mga miyembro ng Young Guns ng Kamara de Representantes na magpapatuloy ang imbestigasyon kaugnay ng umano’y maling paggamit ng confidential fund kahit pa maharap si Vice President Sara Duterte sa mga kaso kaugnay ng kanyang pagbabanta kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay House Assistant Majority Leader at Ako Bicol Party-list Rep. Raul Angelo “Jil” Bongalon nagsimula na ang proseso ng legal na aksyon laban kay VP Duterte sa Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI), kaugnay ng sinabi nito na ipapapatay sina Pangulong Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos, at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.
“The DOJ through the NBI has started its investigation and a subpoena will be issued for the Vice President to answer and to face this criminal charge,” ayon kay Bongalon.
“Due process will be observed in such a way that the Vice President will be given the opportunity to answer with regard to this threat against the President, the First Lady, including the House Speaker,” dagdag pa nito.
Bilang reaksyon sa kamakailang pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na dapat sampahan na lamang ng kaso ang kanyang anak na si VP Duterte, sinabi ni Deputy Majority Leader at La Union Rep. Paolo Ortega na ang naturang pahayag ay tila pangmamaliit sa bigat ng paratang.
“Opinyon naman niya yon eh. Ginagawa po ng Kongreso ngayon, hinahalungkat po natin ‘yung mga nandito sa ating mga hearing, saka sa Quad Comm,” ayon kay Ortega, na tinukoy ang iregularidad sa paggastos ng P612.5 milyon confidential funds ng OVP at DepEd.
Iginiit ni Ortega na siniseryoso ng Kamara ang mga banta ng bise presidenteat sa umano’y maling paggamit ng pondo ng bayan, kasabay ng pagsuporta sa naunang pahayag ni Pangulong Marcos na kumondena sa mga nasabing banta.
Sinabi naman ni 1RIDER Party-list Rep. Rodge Gutierrez na hindi dapat matabunan ng mga pahayag ng dating Pangulo ang bigat ng alegasyon laban sa kaniyang anak na si VP Duterte.
“We stand by the rule of law and we stand by the statement of the President and the Speaker,” saad ni Gutierrez.
Dagdag pa niya, nasimulan na ang legal na proseso at dapat nang ipaubaya ang usapin sa DOJ.
Inulit ng mga mambabatas na magpapatuloy at walang makakahadlang sa imbestigasyon ng Kamara sa umano’y maling paggamit ng confidential funds ng pangalawang pangulo.
Ang mga imbestigasyong ito ay nagbunyag ng mga iregularidad sa paggamit ng malaking halaga ng pondo, na lalong nagpalala sa mga alalahanin ng publiko hinggil sa transparency at pananagutan ng tanggapan ni Duterte.
Ipinunto ni Bongalon ang kahalagahan ng pagtugon sa parehong legal at congresional investigation.
“This will undergo a regular process,” saad nito.
Kinondena ni Gutierrez ang anumang pagtatangka na maliitin ang mga paratang sa pamamagitan ng sobrang paglalarawan o pampulitikang komentaryo.
Habang nagpapatuloy ang mga imbestigasyon, muling pinagtibay ng Young Guns ang kanilang dedikasyon sa pagpapapanagot sa mga pampublikong opisyal na sangkot sa usapin ng maling paggasta sa pondo ng bayan.
“Ang mahalaga po dito ay ang pagsunod sa batas at pagtiyak na ang pera ng bayan ay ginagamit ng tama,” giit pa ni Bongalon. (END)
@@@@@@@@@@@@@@@
Disbursement officers ni VP Sara posibleng sumabit sa plunder
Posible umanong maharap sa kasong plunder ang mga special disbursing officers (SDO) ni Vice President Sara Duterte dahil sa paglabag umano ng mga ito sa itinakdang proseso kaugnay ng paggamit ng confidential funds.
“If this was taken for personal gain, if it was proven fictitious and erroneous yung ARs (acknowledgement receipts) to justify the taking of this amount, that could be malversation proper or worse, plunder kasi lampas na po ito sa P50 million,” ani 1RIDER Rep. Rodge Gutierrez sa isinagawang media briefing.
Sa pinakahuling pagdinig ng House Blue Ribbon Committee, lumabas na ang mga pondo ay ipinasa umano sa mga security officers sa halip na maayos na pamahalaan ng mga bonded SDOs na sina Gina Acosta ng Office of the Vice President at Eduard Fajarda, dating nasa Department of Education, sa ilalim ng direktang utos ng Ikalawang Pangulo.
Iginiit ng mga mambabatas na nilabag nito ang mga protokol ng gobyerno, partikular ang Joint Memorandum Circular ng 2015.
Ikinabahala ni Manila Rep. Joel Chua, chairman ng House Blue Ribbon Committee, ang posibleng pananagutan ng mga SDOs na siyang responsable sa pagbabayad gamit ang confidential fund.
“Sa kanila inihabilin yung pera at sila ‘yung bonded officer,” ayon kay Chua.
“Ang ibig sabihin po nyon, in the event na may mangyari ‘dun sa pera, sila po ‘yung mag-reimburse. Pero ang pinag-uusapan natin dito ay hindi ordinaryong pera. We’re talking here of P612.5 million,” dagdag pa nito.
Binigyang-diin ni Chua na ang pagkakatiwala ng mga pondo sa mga hindi awtorisadong tao, kabilang ang mga security personnel, ay malinaw napaglabag sa mga protokol.
“Talagang dapat SDO ka kung saang ahensiya ka nagtatrabaho,” saad nito.
Binanggit din ni House Assistant Majority Leader at Ako Bicol Rep. Raul Angelo “Jil” Bongalon, sa media briefing sa Kamara, ang mga iregularidad sa proseso ng disbursement.
“Makikita natin na may malinaw na paglabag sa Joint Memorandum Circular – 2015 dahil ang accountable officer doon ay ang SDO,” pahayag nito.
“Hindi nga iyon ang accountable officer, so doon pa lang malinaw na meron pong paglabag (sa batas),” dagdag pa ng mambabatas.
Kinondena ni House Deputy Majority Leader at La Union Rep. Paolo Ortega V na tila nakakasanayan na ang mga iregularidad na ito.
“They all know the irregularities na ginawa nila, inamin naman nila lahat ‘yun,” giit ni Ortega.
“Because they were too comfortable sa setup na yun, parang wala na lang, hindi na sinusunod ‘yung protocols nila. I wouldn’t be surprised if hindi lang sa security binibigay ‘yan, baka kung sino-sino pa or driver na lang,” dagdag pa ng kongresista.
Ipinaliwanag pa ni Gutierrez na ang pagpapasa ng confidential funds sa mga security officers mula sa labas ng ahensya ay hindi lamang paglabag sa mga patakaran ng proseso kundi nagbukas din ng malalaking puwang sa pananagutan.
“What have been delegated cannot be delegated further,” aniya.
“Yung bonded officer dito, yung SDO dapat siya yung responsible. Ngunit pinasa pa po sa security officer na cannot even account to us now,” ayon pa sa mambabatas.
Itinuro naman ni House Assistant Majority Leader at Zambales Rep. Jay Khonghun na si VP Duterte ang may pinakamalaking pananagutan sa mga aksyon na ito.
“Nakikita natin na lahat sila ay sumusunod lamang sa utos ng ating Bise Presidente. Kung may makitang kailangan may managot, kailangan akuin ng ating Bise Presidente ang pananagutan dito sa pagkukulang,” ayon kay Khonghun.
Idinagdag pa ni Ortega na ang pagiging bahagi ng mga tauhan mula sa labas ng mga civilian agencies, tulad ng militar, ay lalong nagpapahina sa kredibilidad ng proseso ng disbursement.
“Hindi sila sumusweldo sa Office of the Vice President,” ayon pa kay Ortega, na ipinunto kung paanong magiging responsable ang mga tauhan na mula sa labas ng ahensya sa confidential funds.
Nanawagan din ang mga mambabatas sa pagkakaroon ng reporma upang higpitan ang mga regulasyon ukol sa confidential funds at tiyakin ang accountability.
“We might push for legislation to really set the bounds and limitations ng mga SDOs natin and siguro stronger penalties for that responsibility,” ayon kay Gutierrez, na binigyang-diin ang pangangailangan ng mas mahigpit na mga mekanismo ng pangangasiwa. (END)
@@@@@@@@@@@@
Hitman na kinausap ni VP Sara dapat makilala
Iginiit ng isang miyembro Kamara de Representantes ang pangangailangan na makilala ang hitman na kinausap ni Vice President Sara Duterte upang patayin sina Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., First Lady Liza Araneta Marcos, at Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.
“The Vice President’s statement is deeply alarming and raises serious national security concerns,” sabi ni Bukidnon Rep. Jonathan Keith Flores, isang abugado.
“We must ascertain who this ‘mystery assassin’ is. Is this individual part of the Vice President’s trusted security detail, a member of the notorious syndicate, or a hired gun? The fact that Vice President Duterte claims to have personally communicated with this person, who allegedly agreed to her directive, indicates a close and trusted relationship," sabi pa ng kongresista.
Sinabi ni Flores na dapat makilala ang hitman sa lalong madaling panahon gaya ng utos ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa Presidential Security Command (PSC) na tiyakin na masusuri ng husto ang bawat anggulo bago mahuli ang lahat.
“With the Vice President’s own admission, which she stressed ‘is no joke,’ and the fact that she is the primary beneficiary should the president be killed, VP Sara must be considered a person of interest,” saad pa ng kongresista.
Nanawagan din ang kongresista sa repasuhin ang Vice Presidential Security and Protection Group (VPSPG) na itinayo umano ilang araw bago bumaba sa puwesto si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
“It’s imperative that President Marcos reassess this setup. Perhaps it’s time to disband VPSPG altogether and just have PSC manage the security of both the President and Vice President under a single apparatus. Entrusting Vice President Duterte with her own ‘private army’ is concerning, especially given her recent statements,” sabi pa nito.
Nanawagan din ang kongresista sa mga otoridad na magsagawa ng masusing imbestigasyon sa pagbabanta sa buhay ng mga lider ng bansa at upang matiyak na mangingibabaw ang batas. (END)
@@@@@@@@@
Pagtanggi ni VP Sara na ipaliwanag paggastos sa P612.5M confidential fund, nagpatagal sa imbestigasyon
Matagal na sanang naresolba ang kontrobersya kaugnay ng paggastos ng P612.5 milyong confidential fund ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) kung nakipagtulungan lamang si Vice President Sara Duterte at ang kanyang mga opisyal.
Ito ang binigyan diin ni Deputy Majority Leader at Iloilo Rep. Lorenz Defensor sa ikapitong pagdinig ng House Blue Ribbon Committee.
“If only all the resource persons attended and told the truth, it would take this committee only one hearing to conclude its inquiry on what happened to the funds of DepEd and OVP,” ayon kay Defensor, sa kanyang pakikipag-usap kay Manila Rep. Joel Chua, ang chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability.
Iginiit ni Defensor ang pagtanggi ni VP Duterte na humarap sa komite at ang hindi pagpayag sa mga opisyal ng OVP na ipaliwanag ang paggamit ng pondo, ang pangunahing dahilan kung bakit humaba ang imbestigasyon.
“Mr. Chairman, tama rin ho bang sabihin na kung naipaliwanag lang ng mga resource persons nang mabuti kung ano ang ginawa sa mahigit P600 million na intelligence and confidential fund instead of evading and not attending, ay may closure na sana at hindi na humaba ng ganito ang ating hearing at hindi na nagkaroon ng ganitong insidente?” Tanong ni Defensor.
Ayon pa kay Chairman Chua natapos na sana ang imbestigasyon kung binigyan ng prioridad ang transparency, gayundin ang kawalan at pag-iwas ng mga resource persons na naghadlang sa pag-usad ng imbestigasyon.
Ang ikapitong imbestigasyon ng Kapulungan, ay napagtuunan ng atensyon mula sa publiko, makaraan ang ‘pagsabog ng galit’ ni Duterte at ang pagtanggi nitong makibahagi sa mga pagdinig, na nagdulot ng mga hinala ng maling pamamahala at pang-aabuso sa pondo ng bayan, na lalong nagpalala sa pagkaantala ng resolusyon ng komite sa isyu.
Ipinahayag din ni Defensor ang pagkakaantala, na sinabing, “I hope that this serves as an example na kung hindi sila dumadalo lalo pang tatagal at hindi po titigil ang chairman ng komiteng ito sa paghahanap ng katotohanan kung ano ang ginawa nila sa pondo ng bayan.”
Binigyang-diin niya ang determinasyon ng komite na pananagutin ang mga opisyal at tiyakin ang transparency sa paggamit ng pondo ng bayan.
Ang P612.5 milyong confidential fund na nakalaan sa OVP ay naging tampok ng masusing imbestigasyon dahil sa mga isyu ukol sa mabilis na pagkaubos nito sa loob ng maikling panahon.
Ang mga kritiko, kasama na ang mga mambabatas, ay humihiling ng masusing paliwanag tungkol sa paggamit nito, lalo na’t ito ay may sensitibong katangian bilang isang confidential fund.
Samantala, sa isang ambush interview sa People’s Center, sinagot ni House Secretary-General Reginald “Reggie” Velasco ang mga isyu, at ipinaliwanag ang mga hakbang na ginawa ng Kamara upang matiyak ang due process at transparency.
“Sinabi nga namin na hindi totoo ‘yong mga sinasabi na kinumpiska yung cellphone, walang access sa lawyer,” paglilinaw ni Velasco.
Ipinunto niya na ibinigay ang access sa oras ng paghahatid ng kautusan at nagsagawa ng mga hakbang upang tiyakin ang kalagayan ng mga detinido, kabilang na si OVP chief-of-staff Zuleika Lopez, na kasalukuyang sumasailalim sa medical evaluation.
Tiniyak din ni Velasco na ang kalusugan ng mga detinido ay nananatiling pangunahing prayoridad.
“Ang mahalaga sa amin kasi ‘yong well-being no’ng detainees. Kaya nasa Veterans ngayon, we are waiting for the medical evaluation ng mga doktor sa Veterans Memorial Hospital,” saad nito.
Ang mga rekomendasyon kaugnay sa kalagayan ni Lopez ay ibabahagi sa komite kapag natanggap na ang mga opisyal na dokumento.
Nang tanungin tungkol sa pinaigting na mga hakbang sa seguridad sa House of Representatives, kinumpirma ni Velasco na nagpatupad ng karagdagang mga protocol dahil sa mga ulat na maaaring pagbisita ni Vice President Duterte.
“Nag-double security kami, tapos meron din kaming information na darating dito si VP,” dagda pa nito, sa tulong na rin ng Philippine National Police (PNP) sa pagpapatupad ng mga hakbang na ito. (END)
@@@@@@@@@@@
OVP exec inamin pamimigay ng pera ni VP Sara sa mga opisyal ng DepEd
Isang dating opisyal ng Department of Education (DepEd) na ngayon ay nasa tanggapan na ng Office of the Vice President (OVP) ang umamin na nagpadala ito ng pera sa mga opisyal ng DepEd alinsunod sa utos ni Vice President Sara Duterte.
Sa pagdinig ng House Blue Ribbon Committee, tinanong ni House Assistant Majority Leader Jude Acidre si dating DepEd Special Disbursing Officer Eduard Fajarda kaugnay ng pamamahagi ng cash envelopes. Inamin ni Fajarda na inutusan siya ng Bise Presidente na magpadala ng pera sa mga opisyal ng Deped.
“Actually po, I was instructed by VP Sara,” sagot ni Fajarda nang tanungin kung bakit siya humingi ng mga personal na detalye ng bank account mula sa mga opisyal ng DepEd.
Nilinaw niya na ang mga utos ay direktang nanggaling kay Duterte, na walang ibang namagitan, at ang mga pondo ay personal na iniabot sa kanya mismo ni Duterte.
Nabunyag sa imbestigasyon na ang mga sobre ay ipinamigay umano sa mga superintendent ng DepEd, bagamat hindi lahat ay nakatanggap nito.
“May napadalan po pero hindi siya lahat,” paliwanag ni Fajarda, ang mga nakatanggap ay pinili batay sa mga detalye ng kanilang bank account.
“During po kasi sa pag-iikot ni VP Sara, nakita po niya dun yung superintendent gumagastos ng sarili nilang pera sa office field work nila,” paliwanag nito.
Gayunpaman, kinompronta ni Acidre si Fajarda gamit ang mga screenshot at affidavit na nagpapakita na mas maraming opisyal ng DepEd, partikular sa Region 7, ang kinontak para sa pagpapadala ng pera.
“Kung titignan mo sa screenshot, yung lahat po ng superintendent sa Region 7 ay inyo pong kinontak at hiningan (ng bank details). Ibig sabihin silang lahat po nabigyan?” Tanong ni Acidre.
Sinagot naman ni Fajarda, “Actually, hindi ko kilala lahat ng superintendent. Basta ang alam ko lang po hindi po lahat.”
Naging sentro ng pagtatanong ang pinagmulan ng pera. Nang tanungin kung saan nanggaling ang mga pondo, inamin ni Fajarda, “Binibigay ‘po yun sa akin ni VP Sara,” ba higit pang nagpatibay na may personal na kaalaman ang bise presidente sa cash distribution.
Pinagtibay ng pag-amin na ito ang una ng ibinunyag ng mga dating opisyal ng DepEd-na sina dating Undersecretary Gloria Mercado, Chief Accountant Rhunna Catalan, former Bids and Awards Committee Chairperson Resty Osias at former Undersecretary and Vice President spokesperson Michael Poa – na inamin ding tumanggap ng mga sobre mula kay Duterte
Binigyang-diin ni Acidre ang pattern na ito sa pagdinig, at binanggit ang magkakaparehong testimonya mula sa iba’t ibang opisyal tungkol sa pamamahagi ng mga sobre.
Napatunayan din sa pagdinig ang mga iregularidad sa proseso ng pamamahagi. Inamin ni Fajarda na ang pera ay direktang ipinadala sa mga personal na account ng ilang opisyal ng DepEd, nang hindi dumaan sa mga opisyal na proseso ng DepEd.
Tinanong ni Acidre ang mga implikasyon ng pamamaraang ito, nagtatanong kung, “Pag nagpapadala kayo ng pera, personal account ang ginagamit or official account ng DepEd?”
“Account number po nila,” sagot ng pagkumpirma ni Fajarda.
Ipinagtanggol ni Fajarda ang mga piling pamamahagi ng pondo, na aniya’y dahil sa obserbasyon ng Bise Presidente na may ilang mga superintendent ang ginagamit ang kanilang personal na pera para sa office-related expenses.
Subalit, binanggit ni Acidre na ang hindi pagkakapareho sa proseso ay maaring magdulot sa posibleng pagsasamantala sa mga pondo.
Dahil sa mga pag-amin, tinukoy ni Acidre na malaki ang posibilidad na magbigay ng katulad na mga sagot ang mga superintendent at regional directors ng DepEd sa mga susunod na imbestigasyon.
“Itong pong lahat ng pagkakataon, pag naging panauhin po namin ang mga superintendents at regional directors, we would expect that would be the response – na hindi po lahat at hindi po regular?” Tanong ni Acidre.
“Yes, Your Honor,” tugon Fajarda, na pagkumpirma na pili lamang at hindi lahat ay nabigyan sa cash distributions.
Ang pag-amin ng direktang pakikibahagi ni Duterte sa pamamahagi ng mga pondo sa pamamagitan ng mga personal na account ay nagdudulot ng higit pang pagdududa hinggil sa transparency, pananagutan, at posibleng pagsasamantala sa mga pampublikong pondo. (END)
@@@@@@@@@@
PBBM nagsalita na: VP Duterte banta sa bayan -House leaders
Nagpahayag ng buong suporta ang liderato ng Kamara de Representantes sa pahayag ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. kaugnay sa pagbabanta sa kanyang buhay ni Vice President Sara Duterte, at iginiit na dapat harapin ng Ikalawang Pangulo ang pananagutan sa kanyang naging aksyon.
Kapwa sinabi nina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Deputy Speaker David “Jayjay” Suarez, at Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe na kailangan harapin ni Duterte ang resulta ng kanyang mga aksyon na hindi na akma sa kanyang posisyong hinahawakan.
Ang kanyang mga aksyon din aniya ay hindi lang basta kriminal kundi maituturing na isang destabilisasyon.
“Ang pagbabanta sa buhay ng Pangulo ay hindi lang krimen – ito ay senyales ng kawalang-kakayahan na mamuno nang maayos. Ang ganitong asal ay nagpapakita ng problema kung papaano mag-isip ang isang lider na dapat ay nagtutulak ng pagkakaisa, hindi kaguluhan,” ani Gonzales.
Dismayado rin si Suarez sa ipinakitang pag-uugali ni Duterte na aniya ay isang malinaw na banta sa bansa.
“Her behavior only proves that her actions may cause discord in our people, making them a danger to the nation. Mismong Pangulo na natin ang umalma. Unity po ang panawagan ni PBBM, pero may bounds po ang pagkakaisa kung ang kasama niyo ay pinagbabantaan ang inyong buhay,” sabi ni Suarez
“Hindi ito simpleng pananabotahe sa ating demokrasya; ito ay isang pagsubok sa katatagan ng ating republika,” dagdag pa niya
Inakusahan ni Dalipe si Duterte ng kawalan ng paggalang sa pagkapangulo at rule of law.
“Ang pagbabanta ng karahasan sa Pangulo mismo ay hindi lamang mali kundi isang pagtataksil sa bayan. Ang ganitong pagkilos ay kailangang masagot ng Vice President sa ilalim ng ating batas,” ani Dalipe
Kapwa suportado rin ng mga lider ng Kamara ang panawagan ng Pangulong Marcos sa pagrespeto sa proseso ng demokrasya at pananagutan.
“Malinaw ang sinabi ng Pangulo – kailangan manaig ang batas at ang katotohanan. Walang sinuman, kahit ang Pangalawang Pangulo, ang exempted dito,” ani Gonzales
Kinindena rin ng mga mambabatas ang pag-tanggi ni Duterte na makipagtulugnan sa mga imbestigasyon na nauwi sa mga pahayag na puno ng galit.
“Sa halip na harapin ang isyu, mas pinipili niyang maghasik ng kaguluhan. Ang ganitong asal ay hindi karapat-dapat sa opisyal na binoto para maglingkod, hindi para magdulot ng takot,” sabi ni Suarez.
Nagbabala sila sa panganib kung pababayaan ang ganitong asal.
“Kung kayang magbitiw ng ganitong klaseng pagbabanta laban sa Pangulo, ano pa kaya ang kayang gawin ng isang lider na wala nang takot sa batas?” Ani Dalipe
Nabahala rin ang mga lider ng Kamara sa hindi magandang ehemplong maaaring gayahin dahil sa mga aksyon ni Duterte.
“We cannot allow this kind of recklessness to undermine the trust of the people in their leaders,” sabi pa ni Suarez
Kinuwestyon muli ni Gonzales ang pagiging akma ni Duterte sa hawak niyang puwesto, “Ang ganitong meltdown ay nagpapakita na hindi siya karapat-dapat sa kanyang posisyon.”
“Kung hindi niya kayang gampanan ang kanyang tungkulin nang maayos, mas mabuting harapin niya ang mga paratang laban sa kanya,” aniya.
Nanindigan din ang mga mambabatas sa pasuporta sa independent na pagiimbestiga ng kongreso.
“Congress has the mandate to ensure public accountability,” sabi ni Suarez
“Ang paghadlang sa mga imbestigasyon ay isang malinaw na pagsuway sa ating Konstitusyon.” (END)
@@@@&@@@@@@&
VP Sara kinastigo sa paggamit ng ‘diversionary tactics’ sa P612.5M confidential funds misuse
Inakusahan ng chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability noong Lunes si Vice President Sara Duterte sa paggamit umano ng mga “diversionary tactics” upang ilihis ang atensyon ng publiko mula sa umano’y maling paggamit ng P612.5 milyong confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).
Binuksan ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua ang ikapitong pagdinig ng komite sa pamamagitan ng matapang na pahayag, kung saan inakusahan niya si Duterte at ang kanyang grupo na gumamit ng mga drama at panlilinlang upang itago ang katotohanan sa likod ng mga anomalya.
“Imbes na sagutin ang ating mga katanungan, nag-stage po ng mala-siege sa loob ng Kongreso at nagpaunlak ng kung anu-anong kwento ukol sa pag-detain kay Atty. Lopez,” ayon kay Chua.
Sentro ng kontrobersya si Atty. Zuleika Lopez, Chief of Staff ng OVP, na inisyuhan ng contempt sa nakaraang pagdinig na ayon kay Chua bilang “pag-iwas, hindi pakikipagtulungan, at hindi nagsasabi ng katotohanan.
“Paulit-ulit din pong sinasabi ni Atty. Lopez na wala siyang alam sa utilization ng confidential funds ng OVP. Paulit-ulit ito na sagot,” saad pa ni Chua, may mga ebidensyang sumasalungat sa mga pahayag ni Lopez, kabilang na ang mga dokumentong nilagdaan niya na may kaugnayan sa liquidation ng pondo.
Ayon kay Chua, inamin din ni Lopez na siya ang nagsulat ng liham na nagtatangkang harangin ang Commission on Audit na sumunod sa isang congressional subpoena.
“Kung titingnan po ang totality of Atty. Lopez’ acts, malinaw na merong clear, persistent, and willful attempt to interfere, frustrate, and defeat the inquiry undertaken by the Committee,” giit pa ni Chua.
Nasapawan ang isyu ng imbestigasyon, na ayon kay Chua, dahil sa ginawang eksena ng Bise Presidente kasunod ng pagkakadetine ni Lopez.
Binanggit pa ni Chua na ang presensya ni Duterte ay hayagang paglabag sa mga security protocol at isang sinadyang pagtatangka upang hadlangan ang imbestigasyon.
Sa kabila ng mga ibinigay na kosiderasyon kay VP Duterte -kabilang ang pinalawig na oras ng pagbisita, pangangalagang medikal, at access sa personal na doktor at abogado ni Lopez—patuloy umanong binalewala ni Duterte patakaran ng Kamara.
Dahil dito, ini-utos ang komite na ilipat si Lopez sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City.
Muling iginiit ni Chua na natukalasan sa imbestigasyon ang mga nakakabahalang iregularidad sa paghawak ng mga confidential funds.
Kabilang sa mga isyu ang mga hindi pagkakatugma sa mga acknowledgment receipts, misleading certifications na inilabas ng Armed Forces of the Philippines (AFP), at ang hindi maipaliwanag na papel ng isang “Mary Grace Piattos.
“Hanggang ngayon ay wala tayong natatanggap na malinaw na paliwanag kung bakit binudol ang mga kawani ng AFP na maglabas ng mga sertipikasyon na gagamitin pala ng DepEd sa pag-justify ng kanilang paggamit ng confidential funds kahit na wala namang natanggap na pera ang AFP,” ayon kay Chua, na tinawag niyang isang pagtataksil sa tiwala ng publiko.
Mariing panawagan ni Chua, na hinihikayat ang publiko na tutulan ang mga pagsisikap na ilihis ang atensyon mula sa iskandalo at igiit ang pananagutan sa umano’y maling paggamit ng pondo.
“Sa bawat pagdinig po natin, patong-patong po ang mga natutuklasang kababalaghan na nangyari sa P612.5 million na confidential funds ng OVP at DepEd. At panawagan ko po sa taumbayan na huwag po natin hayaan na ibaon ang ating mga katanungan gamit ang mga diversionary tactics,” wika nito.
Idinagdag ni Chua na mananatiling matatag ang komite sa misyon nitong tuklasin ang katotohanan at sagutin ang pangunahing tanong: “Saan po talaga napunta ang P612.5 million pesos na pera ng bayan?”
Habang nagpapatuloy ang mga pagdinig, inaasahang titindi paang imbestigasyon, at ang mga mambabatas ay nangakong pananagutin ang mga may sala sa mga inilarawan ni Chua bilang “a systematic betrayal of public trust.” (END)
@@@@@@@@@@@@
Speaker Romualdez kay VP Sara: Sagutin iregularidad sa paggamit ng P612.5M confidential fund
Hinamon ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez si Vice President Sara Duterte na ipaliwanag ang umano’y paggamit nito ng P612.5 milyong confidential fund ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) noong 2022 hanggang 2023.
Sa kanyang talumpati, sinabi ng lider ng Kamara de Representantes na ang sinabi ni Duterte na mayroon itong kinausap para patayin siya, si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta Marcos ay nakababahala.
“Let me be clear: Hindi na ito biro. Hindi na ito normal na pananalita. Isa itong direktang banta sa ating demokrasya, sa ating pamahalaan, at sa seguridad ng ating bansa,” sabi ni Speaker Romualdez.
Muling iginiit ni Speaker Romualdez ang walang humpay na suporta nito kay Pangulong Marcos at sa kanyang administrasyon.
Idinepensa rin ni Romualdez ang Kamara laban sa mga pag-atake at paglabag ni Duterte sa protocol at hinimok ang kanyang mga kapwa mambabatas na suportahan siya sa hakbang na ito.
Iginiit naman ni Speaker Romualdez na walang basehan ang pahayag ni Duterte na sinisira niya ito dahil mayroon siyang ambisyon na tumakbo sa 2028 na ginagamit lamang umano upang ilihis ang isyu kaugnay ng paggastos sa confidential fund.
“Malinaw ang katotohanan: Ang trabaho ko bilang Speaker ay maglingkod, hindi manira. Ang pulitika ng paninira ay hindi kailanman naging bahagi ng aking prinsipyo,” sabi ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kongresista.
Ayon kay Romualdez ang kanyang atensyon ay nakatuon sa pagtupad sa kanyang mga responsibilidad bilang Speaker ng Kamara at ang paggawa ng mga bagay para sa ikabubuti ng mga Pilipino.
“These unfounded accusations are not just about me. They are an affront to the House of Representatives. They are an attempt to erode public trust in this institution, to sow division, and to create chaos. We choose unity over division, dialogue over conflict, and cooperation over confrontation,” dagdag pa nito.
Ipinagtaka rin umano ni Speaker Romualdez ang paggawa ni Duterte ng mga walang basehang akusasyon.
“The answer is simple: to divert attention from mounting evidence of fund misuse under her leadership at the Office of the Vice President (OVP) and the Department of Education (DepEd),” sabi pa nito.
“The issues surrounding confidential and intelligence funds, the questionable disbursements, and the lack of transparency demand answers. We will not tolerate and accept vague explanations and evasive responses,” dagdag pa nito.
“Kung wala kang itinatago, bakit hindi sagutin ang mga tanong? Karapatan ng taumbayan na malaman ang katotohanan,” giit pa ni Speaker Romualdez .
“Accountability is not optional. Transparency is not negotiable. Those entrusted with public funds must be prepared to explain where it was disbursed, and how these resources were utilized.”
“Hindi ito personal. Ito ay usapin ng pananagutan at tiwala ng taumbayan. Instead of providing clarity, we have seen attempts to shift the narrative, to create distractions, and to fabricate stories,” dagdag pa nito.
Ipinaalala rin ni Speaker Romualdez na anumang ingay ay hindi maitatago ang katotohanan.
Sinabi ng lider ng Kamara na ang banta ni Duterte ay nagpapadala ng “chilling effect” kay publiko, isang mensahe na ang pagiging marahas ay pinag-iisipan ng mga taong nasa kapangyarihan.
“This is not just an affront to the individuals targeted; it is an attack on the very foundation of our government. It is an insult to every Filipino who believes in the rule of law and the sanctity of life. Violence has no place in our society. It is irreconcilable with the values that have taught and guided us for years - values of respect, and amicable peaceful conflict resolution,” sabi pa nito.
Sinabi ni Speaker Romualdez na hindi dapat palagpasin ang banta ni Duterte.
“The gravity of such a confession demands accountability. It demands answers. It demands that we, as the representatives of the Filipino people, take a stand to protect our democracy from any and all forms of threats,” giit pa nito.
"The actions of the Vice President will go down the annals of history like a nightmare that will haunt our people for generations, and this House will do whatever we can to protect the dignity of this institution and the 100 Million Filipinos we represent,” dagdag pa nito.
Nanawagan din si Speaker Romualdez na ipagtanggol ang integridad ng Kamara de Representantes.
“This House of the People is a sacred institution. It is the embodiment of the people’s will, and its dignity must be upheld at all times,” wika pa nito.
“Ang Kongreso ay sagrado. Ang mga patakaran at seguridad dito ay hindi nilalabag. Ang paglabag sa mga ito ay kawalang-galang sa taumbayan na ating pinaglilingkuran,” saad pa ni Speaker Romualdez.
Ipinunto ni Speaker Romualdez na ang pambabastos sa Kamara at protocol nito ay hindi lamang simpleng paglabag sa rules kundi pagsira sa tiwala.
“To mock our protocols, to defy our orders, and to malign our leaders is to disrespect the Filipino people who elected us to serve. This House operates on the principles of the rule of law, transparency, and accountability. These principles are the bedrock of our democracy. To undermine them is to weaken the foundation upon which our nation stands,” wika pa nito.
“Ipaglaban natin ang dignidad ng Kongreso. Ipaglaban natin ang katotohanan. Ipaglaban natin ang ating demokrasya. This is not about personal interests; it is about preserving the integrity of the House of Representatives and ensuring that it remains a strong and credible voice for the Filipino people,” saad pa nito.
Tiniyak naman ni Speaker Romualdez na hindi matitinag ang Kamara sa pagsusulong ng transparency, accountability, at pagseserbisyo sa taumbayan.
“We should not allow individuals to ruin this great nation with their manipulative tactics, their troll armies, or their few blind followers. We owe it to the Filipino people to remain steadfast in our mission to pass laws that improve lives, protect freedoms, and ensure a brighter future for all,” sabi pa nito.
Sa pagtiyak ng suporta kay Pangulong Marcos, sabi ni Speaker Romualdez, “Together, we will continue to advance the reforms and policies that will lead to economic recovery, national security, and a more equitable society."
“Ang laban na ito ay hindi tungkol sa akin, hindi tungkol sa inyo, kundi para sa ating bayan at sa kinabukasan ng bawat Pilipino,” sabi pa nito.
Umapela rin si Speaker Romualdez sa mga lider ng Kamara, “Let us rise above the distractions. Let us reject baseless accusations. Let us focus on what truly matters: serving the people and strengthening the institutions that uphold our democracy.”
“Let us stay focused, steadfast and committed to the great job we are doing. It is indeed my honor and privilege fighting this battle with all of you,” dagdag pa nito. (END)
@@@@@@@@@@@@@
House Blue Ribbon panel ginawang 10-araw pagkulong sa chief of staff ni VP Sara
Inaprubahan ng House Committee on Good Government and Public Accountability, na kilala bilang House Blue Ribbon Committee, na gawing 10 araw ang pagkakakulong ni Office of the Vice President (OVP) Chief of Staff at Undersecretary Zuleika Lopez.
Si Lopez ay na-contempt kaugnay ng sulat nito sa Commission on Audit na huwag makipagtulungan sa komite na nag-iimbestiga sa umano’y iregularidad sa paggamit ng P612.5 milyong confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte.
Si Lopez ay pinatawan ng limang araw na pagkakulong sa pagdinig noong Nobyembre 20. Pero dahil sa bagong utos ng komite ay sa Nobyembre 30 pa siya palalayain.
Iginiit ni House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro, na siyang nagsumite ng mosyon, ang mga ginawa ni Lopez ay isang malinaw na pagtatangkang hadlangan ang imbestigasyon ng komite.
“Considering the totality of her acts of undue interference to the proceedings of this committee and the Congress as a whole, I move that the period of detention of Atty. Zuleika Lopez be 10 days instead of five days,” ayon kay Castro.
Inaprubahan ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua, ang chairman ng komite, ang mosyon matapos itong ma-segundahan at walang naghain ng pagtutol.
Binanggit ni Castro ang patuloy na pag-iwas ni Lopez na makipagtulungan, at naobligang dumalo sa pagdinig noong Nobyembre 20 sa bisa ng subpoena.
Bago ang kanyang pagdalo, paulit-ulit na binabalewala ni Lopez at ng iba pang mga opisyal mula sa OVP at DepEd ang mga imbitasyon ng komite sa pagdinig.
Binanggit ni Castro ang pag-amin ni Lopez na siya ang nagsulat sa Commission on Audit (CoA) upang hadlangan ang pagpapalabas ng mga kinakailangang dokumento.
“By virtue of her conduct, the committee was deprived of invaluable information necessary to allow it to perform its role of crafting legislation for the improvement of the country’s system of governance and transparency,” saad ni Castro.
Inakusahan din ng mambabatas si Lopez ng pagpapakalat ng mga maling kwento tungkol sa kanyang pagkakakulong, partikular na ang mga alegasyon na siya ay inabuso habang nasa kustodiya sa House of Representatives..
Pinabulaanan naman ni House Sergeant-at-Arms Napoleon Taas ang mga akusasyon ni Lopez, at tinawag itong walang basehan.
“So nakita nga natin ang attitude, behavior, at itong crineate niya (Lopez) na sinasabi niya na pagsisinungaling niya na hindi naman siya hinarass o hindi naman na-barge,” giit pa ni Castro.
Si Lopez, unang ikinulong sa custodial center ng Kamara, ngunit inilipat siya sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa Quezon City matapos magkaroon ng problema sa kalusugan.
Ito ay nangyari kasunod ng desisyon ng komite na ilipat siya sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City dahil sa mga paglabag sa protocol ng Kamara ni Vice President Duterte.
Ipinag-utos ni House Secretary General Reginald Velasco ang pananatili ni Lopez sa VMMC bilang konsiderasyon sa kanyang kalusugan. (END)
&&&&&&&&&&&&&&&&
Usec Lopez inilipat ng kulungan dahil sa paglabag ni VP Sara sa protocol ng Kamara
Dinepensahan ng chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang desisyon ng komite na ilipat ng kulungan ang na-contempt na si Undersecretary Zuleika Lopez dahil sa paglabag ni Vice President Sara Duterte sa protocol ng Kamara de Representantes at pag-abuso sa prebilihiyong ibinigay dito.
Ginawa ni Manila Rep. Joel Chua ang paglilinaw sa simula ng ikapitong pagdinig ng kanyang komite hinggil sa diumano’y maling paggastos ng P612.5 milyong confidential funds na natanggap ng OVP (P500 milyon) at ng Department of Education (P112.5 milyon) noong 2022 at 2023, sa ilalim ng pangangasiwa si VP Duterte bilang kalihim ng edukasyon.
Ayon kay Chua, ang paglabag sa mga security protocol ng Kamara at ang pang-aabuso sa mga pribilehiyo ng pagbisita na ibinigay sa Bise Presidente ang naging dahilan ng paglilipat kay Lopez, ang chief of ni Duterte sa Women’s Correctional Facility sa Mandaluyong City.
“May breach of security protocols and guidelines of the House of Representatives on the conduct of visits to detained individuals. Kahit na ilang beses po tayo nanawagan sa Bise Presidente, patuloy pa rin po ang kanyang disregard and brazen non-compliance of office orders prohibiting visitors from staying overnight in the premises of the House of Representatives,” paliwanag ng mambabatas.
Sinabi niya na sa kabila ng mga konsiderasyong ibinigay sa Pangalawang Pangulo at kay Lopez, inilagay nila sa panganib ang seguridad ng buong Kamara at ang mga tauhan nito.
“Nilagay nila sa security risk ang buong Kongreso sa pagpumilit ng Bise-Presidente na manirahan sa loob. May notice pa po tayong natanggap noong Biyernes - magwa-walking exercise raw si Bise Presidente sa loob ng Batasan complex,” saad pa nito.
“Bandang hapon ng November 22, siguro noong naging malinaw sa OSAA (Office of Sergeant-at-Arms) na mananatili ulit ang Bise Presidente sa loob ng Batasan for that night, nakatanggap po ang ating komite ng report mula sa OSAA reiterating that the continued presence of the Vice-President in the House of Representatives complex has disrupted its normal operations and has jeopardized security,” pagbabahagi pa ni Chua.
Dahil sa “kagyat na pangangailangan na iniulat ng OSAA,” nagpulong ang komite ni Chua, na bumoto para ilipat si Usec. Lopez.
Hinimok din niya ang publiko na huwag magpaloko sa mga diversionary tactics at dramatikong kilos na ipinairal ng Pangalawang Pangulo at ni Lopez.
“It seems na ginamit ang pagkakataon na ito upang i-distract at i-divert ang attention ng publiko palihis sa mga isyu na tinatalakay natin…Sadya pong pilit na tinatabunan ang mga tanong ng taumbayan ukol sa magkaibang pirma ni Kokoy Villamin sa acknowledgment receipts ng DepEd at OVP. Pati na rin sa mala-Superman na paglipad ni Edward Fajarda sa dalawampu’t-pitong lugar sa Pilipinas sa loob lamang ng isang araw,” saad nito.
“Imbis na sagutin ang ating mga katanungan ay nag-stage po ng mala-siege sa loob ng Kongreso at nagpa-unlak ng kung anu-anong kwento ukol sa pag-detain kay Atty. Lopez…Sa bawat pagdinig po natin, patong-patong po ang mga natutuklasang kababalaghan na nangyari sa P612.5 million na confidential funds ng OVP at DepEd. At panawagan ko po sa taumbayan na huwag po natin hayaan na ibaon ang ating mga katanungan gamit ang mga diversionary tactics,” ayon pa sa kongresista.
Giit pa nito, magpapatuloy ang imbestigasyon ng panel, hangga’t hindi nasasagot kung saan napunta ang P612.5 million na pondo ng bayan.
Giit pa Chua: “Pero huwag natin kalimutan na hanggang ngayon ay wala tayong natatanggap na malinaw na paliwanag kung bakit BINUDOL ang mga kawani ng AFP na maglabas ng mga Sertipikasyon na gagamitin pala ng DepEd sa pag-justify ng kanilang paggamit ng confidential funds kahit na wala namang natanggap na pera ang AFP mula sa DepEd confidential funds. At oo – isang misteryo pa rin para sa taumbayan ang pagkatao nitong si Mary Grace Piattos.” (END)
—————————-
Usec Lopez inilipat ng kulungan dahil sa paglabag ni VP Sara sa protocol ng Kamara
Dinepensahan ng chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang desisyon ng komite na ilipat ng kulungan ang na-contempt na si Undersecretary Zuleika Lopez dahil sa paglabag ni Vice President Sara Duterte sa protocol ng Kamara de Representantes at pag-abuso sa prebilihiyong ibinigay dito.
Ginawa ni Manila Rep. Joel Chua ang paglilinaw sa simula ng ikapitong pagdinig ng kanyang komite hinggil sa diumano’y maling paggastos ng P612.5 milyong confidential funds na natanggap ng OVP (P500 milyon) at ng Department of Education (P112.5 milyon) noong 2022 at 2023, sa ilalim ng pangangasiwa si VP Duterte bilang kalihim ng edukasyon.
Ayon kay Chua, ang paglabag sa mga security protocol ng Kamara at ang pang-aabuso sa mga pribilehiyo ng pagbisita na ibinigay sa Bise Presidente ang naging dahilan ng paglilipat kay Lopez, ang chief of ni Duterte sa Women’s Correctional Facility sa Mandaluyong City.
“May breach of security protocols and guidelines of the House of Representatives on the conduct of visits to detained individuals. Kahit na ilang beses po tayo nanawagan sa Bise Presidente, patuloy pa rin po ang kanyang disregard and brazen non-compliance of office orders prohibiting visitors from staying overnight in the premises of the House of Representatives,” paliwanag ng mambabatas.
Sinabi niya na sa kabila ng mga konsiderasyong ibinigay sa Pangalawang Pangulo at kay Lopez, inilagay nila sa panganib ang seguridad ng buong Kamara at ang mga tauhan nito.
“Nilagay nila sa security risk ang buong Kongreso sa pagpumilit ng Bise-Presidente na manirahan sa loob. May notice pa po tayong natanggap noong Biyernes - magwa-walking exercise raw si Bise Presidente sa loob ng Batasan complex,” saad pa nito.
“Bandang hapon ng November 22, siguro noong naging malinaw sa OSAA (Office of Sergeant-at-Arms) na mananatili ulit ang Bise Presidente sa loob ng Batasan for that night, nakatanggap po ang ating komite ng report mula sa OSAA reiterating that the continued presence of the Vice-President in the House of Representatives complex has disrupted its normal operations and has jeopardized security,” pagbabahagi pa ni Chua.
Dahil sa “kagyat na pangangailangan na iniulat ng OSAA,” nagpulong ang komite ni Chua, na bumoto para ilipat si Usec. Lopez.
Hinimok din niya ang publiko na huwag magpaloko sa mga diversionary tactics at dramatikong kilos na ipinairal ng Pangalawang Pangulo at ni Lopez.
“It seems na ginamit ang pagkakataon na ito upang i-distract at i-divert ang attention ng publiko palihis sa mga isyu na tinatalakay natin…Sadya pong pilit na tinatabunan ang mga tanong ng taumbayan ukol sa magkaibang pirma ni Kokoy Villamin sa acknowledgment receipts ng DepEd at OVP. Pati na rin sa mala-Superman na paglipad ni Edward Fajarda sa dalawampu’t-pitong lugar sa Pilipinas sa loob lamang ng isang araw,” saad nito.
“Imbis na sagutin ang ating mga katanungan ay nag-stage po ng mala-siege sa loob ng Kongreso at nagpa-unlak ng kung anu-anong kwento ukol sa pag-detain kay Atty. Lopez…Sa bawat pagdinig po natin, patong-patong po ang mga natutuklasang kababalaghan na nangyari sa P612.5 million na confidential funds ng OVP at DepEd. At panawagan ko po sa taumbayan na huwag po natin hayaan na ibaon ang ating mga katanungan gamit ang mga diversionary tactics,” ayon pa sa kongresista.
Giit pa nito, magpapatuloy ang imbestigasyon ng panel, hangga’t hindi nasasagot kung saan napunta ang P612.5 million na pondo ng bayan.
Giit pa Chua: “Pero huwag natin kalimutan na hanggang ngayon ay wala tayong natatanggap na malinaw na paliwanag kung bakit BINUDOL ang mga kawani ng AFP na maglabas ng mga Sertipikasyon na gagamitin pala ng DepEd sa pag-justify ng kanilang paggamit ng confidential funds kahit na wala namang natanggap na pera ang AFP mula sa DepEd confidential funds. At oo – isang misteryo pa rin para sa taumbayan ang pagkatao nitong si Mary Grace Piattos.” (END) P Sara, suporters binabaluktot ang katotohanan— Majority Leader Dalipe
Kinondena ni House Majority Leader at Zamboanga 2nd District Rep. Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe ang pagpapakalat umano ni Vice President Sara Duterte at ng kanyang mga kaalyado ng maling impormasyon kaugnay ng pagkakakulong ng kanyang chief of staff na si Atty. Zuleika Lopez sa Kamara de Representantes.
“It is outrageous that Vice President Duterte and her supporters are distorting the truth. The House has always respected due process and upheld the legal rights of detainees,” giit ni Dalipe.
“The timeline clearly shows that the allegations of denying lawyers entry are baseless and untrue,” dagdag pa ng mambabatas.
Iginiit ni Dalipe na si Duterte mismo ang nagsilbing legal counsel ni Lopez sa kritikal na mga oras, kasama si Atty. Lito Go, na agad pinahintulutang makapasok sa loob ng Kamara pagdating niya.
“These claims are nothing but an attempt to tarnish the credibility of the House while ignoring the reality that legal representation was fully respected,” saad pa ni Dalipe.
Kinondena rin ng Majority Leader si Duterte dahil sa pagharang sa mga tauhan ng Kamara na ipatupad ang direktiba na ilipat si Lopez mula sa kustodiya ng Kamara patungo sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City.
“Instead of complying with lawful processes, the Vice President chose to hold a press conference at midnight. Is this the behavior of someone who respects the rule of law?” tanong pa ni Dalipe.
Nauna ng ipinag-utos ng Committee on Good Government and Public Accountability ang pagkakakulong kay Lopez matapos siyang i-cite for contempt sa isinagawang imbestigasyon kaugnay sa umano’y maling paggamit ni Duterte ng ₱612.5 milyon na confidential funds.
Subalit, dahil sa paulit-ulit na paglabag ni Duterte sa mga patakaran sa seguridad, kabilang ang kanyang pagpupumilit na samahan si Lopez, napagpasyahan ng komite na ilipat si Lopez sa Correctional Institute for Women. Ang paglilipat na ito ay hinarang ni Duterte, kaya’t naantala ang pagpapatupad nito.
Bilang kabutihang loob, nagpasiya si House Secretary General Reginald Velasco na unahin ang kalusugan ni Lopez at iniutos ang pansamantalang pananatili nito sa Veterans Memorial Medical Center sa Quezon City.
Ipinahayag ni Dalipe na hindi hahayaan ng Kamara na madungisan ang integridad ng institusyon dahil sa mga maling impormasyon
“We urge the public to see through these blatant attempts to twist facts and derail the pursuit of justice,” giit pa ni Dalipe. (END)
—————————
VP Sara binatikos ni SDS Gonzales sa pagpapakalat ng kasinungalingan sa protocol ng Kamara
Binatikos ni Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. si Vice President Sara Duterte sa umano’y pagpapakalat ng maling impormasyon kaugnay ng protocol ng Kamara, lalo na hinggil sa paggamit ng cellphone ng mga nakakulong.
“It is infuriating to see the Vice President and her allies twisting facts to suit their narrative. The claim that phones were confiscated is a blatant lie,” ayon kay Gonzales.
Ipinaliwanag ng mambabatas ng Pampanga na kusang isinuko ng Chief of Staff ng Office of the Vice President (OVP) at Undersecretary na si Zuleika Lopez at ng kanyang kasama ang kanilang mga cellphone matapos ang nakatakdang oras ng paggamit, alinsunod sa protocol para mapanatili ang seguridad sa lugar.
“These rules are not arbitrary. They are enforced consistently to maintain order and security within the facility. This is not about special treatment or discrimination,” giit ni Gonzales.
“VP Duterte knows this, yet she insists on spreading disinformation to discredit the institution,” dagdag pa nito.
Ikinulong si Lopez sa Kamara matapos ma-cite for contempt sa imbestigasyon ng House Committee on Good Government and Public Accountability na nag-iimbestiga sa umano’y maling paggamit ng ₱612.5 milyon na confidential funds ng OVP at Department of Education, na dating pinamumunuan ni Duterte.
Sa isang pahayag, nilinaw ni House Secretary General Reginald Velasco na ang alegasyon tungkol sa mga nakumpiskang telepono ay walang katotohanan.
Ipinaliwanag ni Velasco na ang mga nakakulong ay binibigyan ng limitadong paggamit ng telepono bilang bahagi ng mga pangkaraniwang hakbang sa seguridad, at sumunod sina Lopez at ang kanyang kasama sa mga patakarang ito, kusang isinuko ang kanilang mga telepono matapos ipaalam sa kanila na tapos na ang kanilang oras.
Binanggit ni Velasco na ang mga protocol na ito ay ipinatutupad sa lahat ng mga naka-detain nang walang tinatangi.
Binatikos din ni Gonzales si Duterte dahil sa pamumulitika sa isyu, para atakehin at siraan ang Kamara sa paggawa ng eksena.
“Instead of respecting the rules, she has chosen to politicize the matter, tarnishing the House’s reputation in the process. Let’s call this what it is: a deliberate attempt to smear the institution to protect her own political interests,” ayon kay Gonzales.
Ipinunto pa ng lider ng Kamara ang kahalagahan ng pagtutok sa mga katotohanan at hindi pagpapadala sa mga maling impormasyon. “The House remains committed to fairness, due process, and transparency, no matter who tries to undermine it,” saad pa niya. (END)
——————————
Pagharang ni VP Sara sa pagpapatupad ng legal na utos kasiraan sa hustisya— DS Suarez
Kinondena ni Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez ang pagharang ni Vice President Sara Duterte sa isang legal na utos kaugnay ng paglipat sa kanyang chief of staff na si Zuleika Lopez sa Correctional Institute for Women in Mandaluyong City.
Ayon kay Suarez ito ay isang malinaw na pagbabalewala sa batas at pagsuway sa sistema ng hustisya.
“The Committee on Good Government and Public Accountability unanimously decided to transfer Atty. Lopez, yet VP Duterte chose to obstruct this lawful order,” ani Suarez. “Her actions undermine not just the House but also the integrity of our justice system.”
Si Lopez ay na-cite for contempt sa pagdinig ng komite noong nakaraang Miyerkoles sa imbestigasyon ng umano’y maling paggamit ni Duterte ng ₱612.5 milyon confidential fund ng Office of the Vice President at Department of Education, na dating pinamumunuan ni Duterte.
Ipinag-utos ng komite na ikulong si Lopez sa detention facility ng Kamara kung saan ito dinalaw ni Duterte noong Huwebes.
Matapos ang oras ng dalaw, umalis umano ng detention facility ng Kamara pero sa halip na lumabas ng Batasan Complex ay pumunta ito sa opisina ng kanyang kapatid na si Davao City Rep. Paolo Duterte at hindi umalis doon sa kabila ng mga paki-usap ng mga tauhan ng Kamara.
Sinabi ni Duterte na hindi ito aalis ng Kamara hanggang sa makalabas si Lopez.
Nasundan ito ng pagsasagawa ng pagpupulong ng komite kung saan napagdesisyon na ilipat na lamang si Lopez sa Correctional Institute for Women matapos na labagin ni Duterte ang protocol ng Kamara.
Kinondena ni Suarez si Duterte dahil pinupulitika umano nito ang isyu at binabago ang mga pangyayari.
“Instead of respecting the decision of a duly constituted committee, VP Duterte has resorted to twisting facts and spreading lies to paint herself as a victim. This is unacceptable,” sabi ni Suarez.
Sinabi ni Suarez na binigyan din ng prayoridad ng Kamara ang kalagayan ng kalusugan ni Lopez kaya ipinag-utos ni House Secretary General Reginald Velasco na dalhin ito sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) sa halip na ideretso sa kulungan.
“This directive demonstrates the House’s commitment to humane treatment and the well-being of detainees. VP Duterte’s insinuations to the contrary are baseless and damaging,” sabi ni Suarez.
Sinabi ni Velasco na bago pa man dalhin sa ospital ay sinuri na ng mga doktor ng Kamara si Lopez.
Nanawagan si Suarez sa Bise Presidente na itigil na ang pagpapakalat ng maling kuwento at walang basehang alegasyon at obstructionist behavior.
“The people deserve the truth, not political theatrics. VP Duterte owes the House and the public an apology for her actions, which have done a disservice to justice and accountability,” giit ni Suarez. (END)
——————————
Rep. Khonghun inilantad maling pahayag ni VP Sara sa medical emergency ng kanyang COS
Kinondena ni House Assistant Majority Leader at Zambales 1st District Rep. Jefferson “Jay” Khonghun si Vice President Sara Duterte sa maling akusasyon nito sa Kamara de Representantes na inantala nito ang medical assistance para sa kanyang nakakulong na chief of staff na si Zuleika Lopez.
Sinabi ni Khonghun na ang pagpapakalat ni Duterte ng maling impormasyon ay isang pagtatangka na iligay ang publiko at siraan ang Mababang Kapulungan ng Kongreso.
“The Vice President’s narrative of delayed medical response is completely false and an insult to the personnel who acted swiftly and professionally to ensure Atty. Lopez’s safety,” sabi ni Khonghun.
Batay sa inilabas na timeline ni House Secretary General Reginald Velasco, sinabi ni Khonghun na nagpakita ng sintomas ng emergency si Lopez alas-2:29 ng umaga noong Sabado at pinapasok ang kanyang doktor alas-2:35 ng umaga. Alas-3:08 ng umaga ay papunta na umano ito sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC).
“Every step was handled with urgency and care,” giit ni Khonghun.
Inakusahan ni Khonghun si Duterte na ginagamit ang insidente upang ilihis ang atensyon ng publiko mula sa kanyang ginawang pagharap sa pagpapatupad ng legal na utos na ilipat si Lopez sa Correctional Institute for Women sa Mandaluyong City mula sa detention facility ng Kamara de Representantes.
“The Vice President blocked a legal order, staged a press conference, and now blames the House. This is blatant misdirection,” punto ni Khonghun.
Sinabi ni Khonghun na binigyang prayoridad ng Kamara ang kalusugan ni Lopez kaya sa VMMC ito dinala sa halip na ideretso sa kulungan.
“The House acted responsibly and compassionately. It’s VP Duterte who must explain her actions, including obstructing justice and politicizing this issue,” dagdag pa ni Khonghun. (END)
————————————-
AKAP para sa 4M benepisyaryo ipaglalaban ng Kamara
Tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang buong suporta ng Kamara de Representantes upang pondohan ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 2025 na badyet, na pakinabangan ng mahigit 4 milyong “near poor” na mga Pilipino sa buong bansa.
“AKAP is not just a safety net; it is a lifeline for millions of Filipino families teetering on the edge of poverty,” ani Speaker Romualdez. “This initiative has proven its value by providing immediate relief to struggling households, empowering them to weather economic challenges, and ensuring their resilience against inflation and other shocks.”
Ang programa, na pinasimulan sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez, ay naging mahalaga sa pagtulong sa mga pamilyang kulang ang kinikita.
Ito ay nagbibigay ng one-time cash assistance na mula ₱3,000 hanggang ₱5,000 sa mga kwalipikadong benepisyaryo na ang kita ay mababa sa poverty threshold at walang ibang ayudang tinatanggap mula sa gobyerno.
Binanggit ni Speaker Romualdez na malinaw ang epekto sa malawak na naabot ng AKAP, kung saan ₱20.7 bilyon mula sa ₱26.7 bilyon na alokasyon ang nagamit na, at napakikinabangan ng milyon-milyong Pilipino mula sa iba’t ibang rehiyon, kabilang ang higit 589,000 pamilya sa National Capital Region (NCR). Gayundin sa mga rehiyon tulad ng Central Luzon, Bicol, at Western Visayas ay nakapagtala rin ng mataas utilization rates ng pondo na higit sa 70 porsyento.
“Programs like AKAP demonstrate what effective government intervention looks like. It stabilizes households, strengthens communities, and contributes to the country’s overall economic resilience. Cutting its funding would be a disservice to the millions who rely on this vital assistance,” ani Speaker Romualdez.
Hinimok si Speaker Romualdez ang Senado na pag-isipang muli ang mga panukalang tanggalan ng pondo ang AKAP, na siya ring apela ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na protektahan ang programa sa 2025 na badyet.
“We stand with Secretary Gatchalian in urging our colleagues in the Senate to uphold the AKAP budget. This is about ensuring that no Filipino family falls back into poverty because of insufficient support. The House of Representatives is ready to champion this cause in the bicameral discussions if necessary,” giit pa ni Speaker Romualdez.
Binanggit din ng Speaker ang mas malawak na benepisyo ng programa sa ekonomiya, na sinabing ang pagtulong sa mga pamilyang nagtatrabaho ay nakakatulong upang mapanatili ang consumer spending at economic growth.
“The AKAP initiative reflects our collective vision of a more inclusive and compassionate governance model. It is the kind of program that builds trust in government by directly addressing the needs of ordinary Filipinos,” ayon pa sa pinuno ng Kamara.
Pinagtibay din ng liderato ng Kamara ang pagbibigay-prioridad sa mga programa tulad ng AKAP na nag-aangat sa buhay ng mga maralitang Pilipino habang tumutulong sa pambansang pag-unlad.
Habang nagpapatuloy ang mga deliberasyon sa badyet, tiniyak ni Speaker Romualdez sa publiko na hindi titigil ang Kamara upang masiguro na maipagpapatuloy ang programa.
“We will fight for AKAP because it fights for the Filipino people. This program is a testament to what good governance can achieve, and we will not allow its gains to be rolled back,” ani Romualdez. (END)
—————————
House Quad Comm naghain ng panukala para agarang makansela pekeng birth certificate na gamit ng mga dayuhan
Naghain ang mga lider at miyembro ng Quad Committee ng Kamara de Representantes ng panukalang batas upang magkaroon ng administratibong proseso para mabilis na makansela ang mga pekeng birth certificate na nakuha ng mga dayuhan, kabilang ang mga sangkot sa ilegal na droga at iba pang kriminal na aktibidad na may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
Ang House Bill (HB) 11117, na kilala rin bilang panukalang “Fraudulent Birth Certificate Cancellation Law,” ay ang ikatlong panukalang batas na bunga ng imbestigasyon ng Quad Committee kaugnay ng mga umano’y kriminal na aktibidad ng mga dayuhan, partikular ang paggamit ng mga huwad na dokumento.
Inihain ang panukalang batas nina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” D. Gonzales Jr.; Deputy Speaker David “Jay-Jay” C. Suarez; mga chairman ng Quad Committee na sina Robert Ace Barbers, Bienvenido Abante Jr., Dan Fernandez, at Joseph Stephen “Caraps” Paduano; at vice chairman ng Quad Committee na si Romeo Acop.
Kabilang din sa mga umakda sa panukala sina Reps. Johnny Ty Pimentel, Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, Rodge Gutierrez, Francisco Paolo Ortega V, Jay Khonghun, Jonathan Keith Flores, Jil Bongalon, Margarita “Atty. Migs” Nograles, Ernesto Dionisio Jr., Joel Chua, Zia Alonto Adiong, Lordan Suan, at Cheeno Miguel Almario.
“A birth certificate is the most basic document a Filipino citizen must have. It is a document that provides the imprimatur of the State that an individual is a Filipino and opens to the individual vast opportunities unavailable to foreigners, such as practicing a profession, pursuit of certain businesses, or even to run for public office,” bahagi ng explanatory note ng mga may akda.
Ang hakbang na ito ay ipinatupad matapos mabunyag na libu-libong dayuhan ang nakakuha ng mga birth certificate sa Pilipinas sa pamamagitan ng pamemeke ng mga dokumento.
Sa Davao del Sur lamang, mahigit 1,200 fake birth certificate ang inilabas ng local civil registrar hanggang Hulyo 2024.
Naniniwala ang mga mambabatas na maaring may sabwatan ang mga ito sa opisyal ng gobyerno.
“These foreigners must have gotten aid from public officers from local civil registry offices to secure such falsified birth certificates for consideration,” ayon pa sa panukala.
Kahit na may sapat na ebidensya ng pandaraya, binanggit ng mga mambabatas na ang kasalukuyang pamamaraan ay nangangailangan ng kautusan mula sa korte upang mapawalang-bisa ang birth certificate, isang proseso na maaaring magtagal ng ilang taon.
Sa kasalukuyan, sinabi nila na ang mga huwad na dokumento ay nagagamit ng mga dayuhan upang makagawa ng mga iligal na aktibidad tulad ng ilegal na droga, money laundering, at human trafficking.
“This sad state of affairs cannot be allowed to continue,” ayon pa sa rito.
Sa ilalim ng panukalang batas, itatatag ang isang Special Committee on Cancellation of Fraudulent Birth Certificates na pamumunuan ng Registrar General ng Philippine Statistics Authority (PSA), at kasaping miyembro mula sa Department of Foreign Affairs, Department of the Interior and Local Government, Department of Justice, at Office of the Solicitor General (OSG).
Kabilang sa mandato ng komite na magsagawa ng imbestigasyon sa mga reklamo, maglabas ng subpoena para sa mga ebidensya, at magbigay ng desisyon ukol sa mga fake birth certificate sa loob ng 30 araw mula sa pagtanggap ng mga ebidensya.
Ang reklamo ay maaring isampa ng sinumang legal-age citizen o ng law enforcement agency at kailangang magbigay ng detalyadong impormasyon at ebidensya tulad ng pangalan ng dayuhan, detalye ng pekeng birth certificate, at kung paano ito nakuha.
Bibigyan ng 15 araw ang foreign national upang sagutin ang reklamo, pagkatapos nito ay magsasagawa ng pagdinig ang komite at magbibigay ng desisyon batay sa ebidensya.
Ang mga desisyon ay agad na ipatutupad, bagama’t maaaring i-apela sa Office of the President, at resolbahin ang apela sa loob ng 30 araw.
Layunin din ng panukalang batas na magpataw ng parusa sa mga opisyal ng gobyerno at mga pribadong indibidwal na nagsabwatan para makakuha ng pekeng dokumento.
“It is time to put an end to these unlawful activities,” the authors declared. “Being a Filipino citizen should not be so easily acquired or given away by unscrupulous and selfish individuals who only wish to attain Filipino citizenship to fuel their self-interests. Being a Filipino is something that we should always honor and zealously protect.”
Ang hakbang ay kasunod na rin ng dalawa pang ibang panukalang batas na may kaugnayan sa mga isinasagawang imbestigasyon ng Quad Committee.
Una ng naghain ang mga lider ng Quad Committee ng HB 11043, o ang panukalang "Civil Forfeiture Act," na naglalayong pahintulutan ang gobyerno na bawiin ang mga ari-arian na ilegal na nakuha ng mga foreign national, lalo na yaong may kaugnayan sa POGO.
Naghain din sila noong Oktubre ng HB 10987, o ang "Anti-Offshore Gaming Operations Act," na naglalayong gawing institusyonal ang pagbabawal sa POGO sa buong bansa, at palakasin ang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na protektahan ang kaligtasan ng publiko at pambansang seguridad mula sa mga kriminal na aktibidad na may kaugnayan sa POGOs.
Ang panukalang batas ay naglalayong ipagbawal ang lahat ng offshore gaming sa bansa at magpataw ng mga parusa para sa mga paglabag.
Noong nakaraang buwan, nagsumite rin ang Quad Committee ng mga dokumento sa Office of the Solicitor General (OSG) para sa mga posibleng pagsasampa ng kaso laban sa mga Chinese nationals na inaakusahan ng paggamit ng pekeng Filipino citizenship upang makakuha ng lupa at magtayo ng negosyo sa Pilipinas.
Hinimok ng mega-panel, na binubuo ng mga komite sa Kamara ang Dangerous Drugs, Public Order and Safety, Human Rights, at Public Accounts, ang OSG na pabilisin ang pagrepaso at maglunsad ng mga legal na hakbang, kabilang ang mga proseso ng civil forfeiture, katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan. (END)
——————————
Speaker Romualdez kinilala si Pangulong Marcos sa pagpapa-uwi kay Mary Jane Veloso
Pinuri at pinasalamatan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga hakbang na ginawa nito upang maka-uwi sa bansa si Mary Jane Veloso, na 14 na taon ng nasa death row ng Indonesia.
Inanunsyo ni Pangulong Marcos na uuwi na sa bansa si Veloso na nagdala ng kasiyahan, partikular sa pamilya ng nakakulong na OFW na nasa Nueva Ecija.
“I commend President Ferdinand R. Marcos Jr. for his resolute leadership and compassionate heart in bringing Mary Jane home. This achievement highlights the President’s firm commitment to protecting and upholding the rights of our overseas Filipino workers, even in the most difficult of circumstances,” ani Speaker Romualdez.
“His determination to engage in meaningful diplomacy reflects the government’s priority to put our people’s welfare above all else,” dagdag pa nito.
Kinilala rin ng lider ng Kamara ang pamilya Veloso at iba pang tumulong sa kanila upang mailigtas ang buhay ng nakakulong na OFW.
Naaresto si Veloso noong 2010 matapos na magdala ng maleta na mayroong nakatagong iligal na droga. Naki-usap ang Pilipinas na huwag ipatupad ang parusang kamatayan sa kanya.
“The return of Mary Jane Veloso to the Philippines is a triumph of hope, diplomacy, and justice. Her case symbolizes the enduring struggle of many Filipinos abroad who are driven by the desire to uplift their families, only to face extraordinary challenges,” ani Speaker Romualdez.
Sa ika-42 ASEAN Summit and Related Summits sa Indonesia noong Mayo 2023, sinabi ni Pangulong Marcos na patuloy na inaapela ng gobyerno ng Pilipinas ang desisyon kay Veloso at hiniling na patawarin ito.
Nagpasalamat din ni Speaker Romualdez sa gobyerno ng Indonesia sa mabuting kalooban nito.
“I also express my gratitude to the Indonesian government, particularly President Prabowo Subianto, for their goodwill and understanding,” sabi ng lider ng Kamara.
“This act of compassion strengthens the bonds of friendship between our two nations, built on mutual respect and shared values of justice and humanity,” saad pa nito.
Iginiit naman ni Speaker Romualdez ang pangangailangan na maproteksyunan ang mga OFW laban sa pagsasamantala ng mga illegal recruiter at kriminal na sindikato.
“As Speaker of the House of Representatives, I vow to continue working closely with our government agencies to advance policies that protect OFWs and their families, ensuring that no Filipino feels abandoned or unheard, no matter where they are,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.
Ayon sa lider ng Kamara ang sinapit ni Veloso ay isang paalala sa mga hamon na kinakaharap ng mga Pilipino na nasa ibang bansa.
“To Mary Jane, welcome home. Your resilience and courage inspire us all, and we stand ready to support you as you begin anew,” dagdag pa ni Speaker Romualdez. (END)
No comments:
Post a Comment