Sunday, November 24, 2024

From Radio Peeps

JohnCon / STATEMENT ON THE PASSING OF SEN. SANTANINA RASUL


Lubos nating ikinalulungkot ang pagpanaw ni dating Sen. Santanina Tillah Rasul, ang kauna-unahang babaeng Muslim na naging senador ng Pilipinas. 


Si Sen. Rasul ay naging isang tapat na lingkod-bayan. Isinulong niya ang mga batas na nagtaguyod sa karapatan ng mga Muslim at mga kababaihan na nagbigay-daan sa kanilang mas aktibong partisipasyon sa iba’t ibang larangan.


Kabilang sa mga mahahalagang batas na kanyang isinulong ang Republic Act No. 7192 o ang “Women in Development and Nation-Building Act,” na nagbukas ng pinto ng Philippine Military Academy para sa mga kababaihan at nag-atas na bahagi ng pondo ng gobyerno ay ilaan sa mga programang makikinabang ang kababaihan. 


Siya rin ang isa sa mga pangunahing may-akda ng Republic Act No. 6949 na nagdedeklara sa ika-8 ng Marso bilang National Women’s Day sa Pilipinas.


Bilang senador, naging tagapangulo siya ng Senate Committee on Civil Service and Government Reorganization at ng Committee on Women and Family Relations kung saan ipinamalas ni Sen. Rasul ang kanyang dedikasyon sa pagsusulong ng mga reporma para sa ikabubuti ng sambayanan. 


Ang kanyang mga kontribusyon sa larangan ng edukasyon, karapatan ng kababaihan at kapayapaan ay nagsilbing inspirasyon sa marami, kasama na ang representasyong ito.


Lubos kaming nagpapasalamat sa kanyang paglilingkod at mga naiambag sa ating bansa. Ang kanyang legacy ay mananatiling buhay sa puso ng bawat Pilipino. Nakikiramay kami sa kanyang mga kaanak at kaibigan sa kanyang pagpanaw. ###



For inquiries:


John Concepcion

09086046110



                   @@@@&@@@@@


ISA / NAGLULUKSA NGAYON ANG MGA KONGRESISTANG MUSLIM DAHIL SA PAGPANAW NI DATING SENADOR SANTANINA TILLAH RASUL, SA EDAD NA SIYAMNAPU’T APAT.


SI RASUL AY GUMAWA NG KASAYSAYAN DAHIL SIYA ANG KAUNA-UNAHANG BABAENG MUSLIM NA NAGING SENADOR NG PILIPINAS.


AYON KAY HOUSE ASSISTANT MAJORITY LEADER AT LANAO DEL SUR REP. ZIA ALONTO ADIONG, HINDI KAILANMAN MALILIMUTAN NG MUSLIM COMMUNITY ANG MALAKING AMBAG NI RASUL SA EDUKASYON, KARAPATAN NG MGA KABABAIHAN, AT MARGINALIZED COMMUNITIES.


SINABI NI BASILAN REP. MUJIV HATAMAN, SI RASUL AY NAGING TAPAT NA LINGKOD-BAYAN, NA NAGSULONG NG MGA BATAS PARA SA KARAPATAN NG MGA MUSLIM AT MGA KABABAIHAN NA NAGBIGAY-DAAN SA KANILANG MAS AKTIBONG PARTISIPASYON SA LIPUNAN.


NAGSILBING SENADOR SI RASUL MULA NOONG 1987 HANGGANG 1995.


KABILANG SA KANYANG MGA INI-AKDANG BATAS AY ANG REPUBLIC ACT 6949 O ANG BATAS NA NAGDIDEKLARA NG MARCH 8 NG BAWAT TAON BILANG NATIONAL WOMEN’S DAY SA PILIPINAS; AT REPUBLIC ACT 7192 NA NAG-AALIS NG “GENDER DISCRIMINATION” AT NAGBUKAS NG PINTUAN NG PHILIPPINE MILITARY ACADEMY PARA SA MGA KABABAIHAN.




             @@@@@@@@@@


Isa Umali / Itinalaga na ng Kamara ang “House contingent” para sa Bicameral Conference Committee na nakatoka sa panukalang 2025 National Budget.


Sa sesyon ngayong Miyerkules, kabilang sa mga kasama sa House contingent ay sina:


- Rep. Zaldy Co, chairman ng House Committee on Appropriations


- Rep. Stella Quimbo, vice chairman ng House Committee on Appropriations


- House Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr.


- House Deputy Speaker David Suarez


- House Majority Leader Mannix Dalipe


- Rep. Jude Acidre


- Rep. Neptali Gonzales II


- Rep. Jose Aquino II


- Rep. Jill Bongalon


- Rep. Eleandro Jesus Madrona


- Rep. Michael John Duavit


- At House Minority Leader Marcelino Libanan


Bukas (Nov. 28), sisimulan na ng Bicam ang pulong para pagtugmain ang magkakaibang bersyon ng dalawang Kapulungan ng 2025 General Appropriations Bill.


@@@@@@@@@@@


Mar Rodriguez / VP Sara Duterte, dapat lang na ma-impeach dahil may topak -dating Sen. Trillanes


PARA kay dating Senator Antonio "Sonny" Trillanes IV. Dapat lamang tanggalin si Vice President Inday Sara Duterte sa puwesto sa pamamagitan ng proseso ng impeachment dahil mayroon umano itong "topak".


Ito ang ipinahayag ni Trillanes matapos itong magtungo sa Kamara de Representantes para dumalo sa ika-labing-dalawang pagdinig ng House Quad Committee na nag-iimbestiga sa paglaganap ng illegal na droga sa Pilipinas dahil narin sa mga notorious Chinese nationals.


Sinabi ni Trillanes na masyado na umanong "kinikilabutan" ang mamamayang Pilipino sa kakatwang ikinikilos ni VP Sara Duterte na hindi akma para sa isang mataas na opisyal ng gobyerno. Kabilang dito ang pagpapakawala ng malulutong na pagmumura at pagbibitiw ng mga pagbabanta laban kina Pangulong Bongbong Marcos, Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos at House Speaker Martin Gomez Romualdez.


Dahil dito, pagdidiin ng dating Senador na hindi na dapat pang manatili sa puwesto ang Pangalawang Pangulo dahil bukod sa hindi na angkop ang kaniyang mga ikinikilos bilang opisyal ng pamahalaan. Hindi rin ito nagsisilbing mabuti at magandang halimbawa para sa mga kabataan na napapanood o nakikita ang harap-harapang pagmumura nito na may kasama pang pagbabanta.


Magugunitang galit na galit na nagbanta at nagmumumura si VP Sara Duterte sa kaniyang FaceBook live noong nakaraang linggo. Kung saan, tahasan nitong sinabi na mayroon na umano siyang kausap na hired killer na magsasagawa ng asasinasyon laban kina Pangulong Marcos, Jr., FL Liza Araneta-Marcos at Speaker Martin G. Romualdez.


Ayon pa kay Trillanes, maghahain ang kanilang grupo (Magdalo) ng impeachment complaint laban kay VP Sara sa Kamara de Representantes dahil hinog na aniya ang paghahain ng naturang impeachment bunsod ng mga naging kaganapan sa mga kontrobersiyang kinasasangkutan ng Bise Presidente. 


"Red flag na yung unfitness to hold into her position. In time of emergency wala siya, wala na sa tamang katinuan. Bibigyan pa ba ng power yang ganyan? Kinikilabutan ang mamamayang Pilipino sa mga ginagawa ni VP Sara Duterte," wika ni Trillanes.


Binigyang diin pa ng dating Senador na hindi dapat ipagwalang bahala ang mga naging pagbabanta ni Duterte sa buhay ng Pangulo at pamilya nito ay isang kasong kriminal. Isang bagay na kailangang idetermina ng Department of Justice (DOJ). 


"In fact anything happens to the President. Kailangan na matanggal sa puwesto, mag topak ang taong ito. Hindi naman tayo psychiatrist pero alam naman natin na may topak si VP Sara dahil hindi na normal ang kaniyang ikinikilos," sabi pa ni Trillanes patungkol kay VP Sara.



              @@@@@@@@@@@


Hajji / Nanawagan si House Deputy Majority Leader Jude Acidre sa mga kapwa kongresista na simulan na ang pagtalakay sa panukalang batas na layong i-modernize at gawing mas makatao ang batas ng Pilipinas sa pagpapawalang-bisa ng kasal at legal separation.


Batay sa House Bill 10970 o ang Declarations of Nullity of Marriage Reform Act na iniakda nina Acidre, Representative Yedda Romualdez at Cagayan De Oro Representative Rufus Rodriguez, palalawakin ang grounds para sa pagpapawalang-bisa at legal separation, sisimplehan ang court procedures at kikilalanin ang church declarations of nullity na may civil effects.


Ipinaliwanag ng mga may-akda na ang kasal ay hindi lamang isang kontrata kundi isang "profound institution" na kinikilala ng batas at ng ating lipunan bilang pundasyon ng pamilya.


Giit ni Acidre, ang realidad ay hindi lahat ng kasal ay nagtatagal dahil sa mga bagay na hindi na kayang kontrolin samantalang ang iba ay napilitan lang dahil sa takot at dulot ng immaturity.


Sa ilalim ng panukala, magpapatupad ng reporma upang tugunan ang mga puwang sa Family Code of the Philippines partikular ang limitadong grounds kung saan idadagdag na ang psychological incapacity, lack of due discretion of judgment at simulation of consent.


Saklaw din nito ang mga kasal na para lang sa immigration benefits, pagkubra ng mana o pagtakpan ang hindi napagplanuhang pagdadalantao.


Isa sa mga pinakamahalagang probisyon ng panukala ang pagkilala sa church declarations of nullity dahil aalisin na ang redundant at magastos na civil proceedings na mag-uugnay sa canonical at civil law.


Bukod dito, sisimplehan ang legal process sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mga kaso sa Rules on Summary Procedure kung saan ang mga may malinaw na ebidensya gaya ng panlilinlang at gawa-gawang consent ay pabibilisin ang resolusyon.


Para naman maiwasan ang pag-abuso sa batas, naglagay ng safeguards sa mga probisyon tulad ng pag-obliga sa mga korte na kumpirmahin na ang manifested grounds ay suportado ng substantial evidence.


@@@@@@@@@@@


Isa Umali / Binawi na ng House Quad Committee ang contempt order laban kay dating Mexico, Pampanga Mayor Teddy Tumang.


Sa pagdinig, nagpasya ang Quad Comm na i-lift na ang contempt order matapos na umapela si Tumang “for humanitarian and medical reasons.”


Ani Rep. Joseph Paduano, humingi na ng tawad si Tumang at nangako na makikipagtulungan na sa Quad Comm.


Si Tumang din aniya ay may diabetes at mino-monitor ang blood pressure.


Nilinaw naman ni Paduano na “conditional” lamang ang pagbawi sa contempt order.


Sa susunod na pagdinig ay dapat na dumalo si Tumang, at dapat na sumagot sa lahat ng mga tanong ng mga miyembro ng Quad Comm.


Una nang pinatawan ng contempt si Tumang dahil sa umano’y pagsisinungaling at hindi pagsagot sa mga tanong, partikular sa isyu ng Chinese nationals na isinasangkot sa ilegal na POGO at ilegal na droga.


@@@@@@@@@@@


Isa Umali / Hindi dapat na maging kampante ang mga otoridad, kasunod ng panawagan ni dating Pang. Rodrigo Duterte sa militar na bawiin ang suporta kay Pang. Ferdinand Marcos Jr.


Ito ang sinabi ni dating Sen. Antonio Trillanes IV, sa isang ambush interview sa Kamara.


Aniya, batay sa kanilang monitoring ay may mga sundalo na may simpatya pa rin sa mga Duterte. Pero duda siya na isa-sakripisyo ng mga ito ang kanilang buhay, pati kalayaan at career.


Sa kabila nito, iginiit ng dating senador na dapat na tiyakin ng mga otoridad na walang makukuhang malaking suporta ang dating Pang. Duterte, dahil kung magkakaroon ay malaking problema ito. Kaya kailangan aniya ng patuloy na monitoring.


Dagdag niya, ang ginawang panawagan ni Duterte ay krimen o isang “sedition” kaya dapat siyang managot dito.


@@@@&&@&&&&@&&


Grace / para kay dating senator antonio trillanes iv, hinog na at nasa tamang panahon na para sampahan ng impeachment complaint si vice president sara duterte.


sabi ni trillanes, nakikita na ngayon ng taumbayan na hindi karapat-dapat si Duterte para maging ikalawang pangulo ng bansa kung saan ang asal nito at estado ng pag-iisip nito ay hindi akma para maluklok sa Malakanyang sakaling malagay sa emergency situation o may mangyari kay pangulong ferdinand bongbong marcos jr.


VC 1 

00:05 - 00:41

IN….nakikita ng mga kababayan natin lahat

OUT… wala ito sa tamang katinuan 


giit ni trillanes, kailangang matanggal sa pwesto si vp duterte at hindi sapat na masampahan lang ito ng mga kasong kriminal.


VC 2

1:03 -  1:15

IN…. kailangan matanggal ito sa puwesto 

OUT…. may topak at normal



ayon kay Trillanes, matagal ng may draft ng impeachment at ina-update na lang ito dahil sa mga bagong pangyayari.


nilinaw naman ni trillanes na hindi sya ang maghahain ng impeachment laban kay duterte pero hindi nito binanggit kung sino.


@@&@&@@@@@@@


Hajji / Inamin ng Philippine Drug Enforcement Agency na hindi pa direktang maiuugnay sa ilegal na droga ang negosyante at dating Presidential Adviser na si Michael Yang.


Sa pagdinig ng Quad Committee sa Kamara, pinakukumpirma ni House Deputy Minority Leader France Castro sa PDEA kung totoong sangkot sa ilegal na droga si Yang na malapit kay dating pangulong Rodrigo Duterte.


Ayon kay PDEA Deputy Director General Renato Gumban, ang impormasyon na sangkot sa droga si Yang ay base lamang sa impormanteng si Col. Eduardo Acierto.


Nagkataon lamang aniya na parehong incorporators sa Paili Holdings sina Yang at Allan Lim o Lin Weixiong na siyang kumpirmadong konektado sa illegal drug trade.


Gayunman, patuloy umanong iniimbestigahan ng PDEA ang posibleng kaugnayan ni Yang sa droga.


Dito na kinuwestyon ni Castro ang ipinrisintang POGO at illegal drugs "matrix" ng PDEA kung saan hindi dapat basta-basta inilalagay ang pangalan ng mga indibidwal nang hindi nakukumpirma ang relasyon at hindi sumasailalim sa analysis.


Maging si Senador Bong Go na isinama sa matrix ay lumalabas na wala ring koneksyon kundi malapit na kaibigan lamang ni Allan Lim.


Punto naman ni Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong, "incriminating" ang heading o titulo ng matrix dahil lahat ng pangalan ay lalabas na konektado sa POGO at droga at sapat ang impormasyon na nakalap ng ahensya kaya dapat ay nakumbinse muna sila na sangkot ang mga naturang indibidwal.



                 @@@@@@@@@@@


Pam / Dismayado ang House Quadruple Committee sa kawalan ng urgency o agarang pagkilos ng AMLC sa pag-issue ng freeze order sa mga ari-arian ng Empire 999 na pag-aari ng Chinese nationals na sina Willie Ong at Aedy T. Yang.


Partikular na hinanap o kinuwestyon ni Congresswoman Gerville Luistro ang freeze order sa assets nito sa Mexico, Pampanga kung saan nadiskubre ang 530 kilos ng shabu na nagkakahalaga ng 3 point 6 billion pesos.


Paliwanag naman ni Attorney Fraño Dumale ng AMLC na wala pa silang nailalabas na FO ngunit siniguro ang komite na patuloy silang nagsasagawa ng imbestigasyon.


Giit naman ni Luistro na noong nakaraang taon pa nila inumpisahan ang pag-iimbestiga sa naturang warehouse.


Nang tanungin din aniya kung ano ang nagiging sanhi ng delay ay tugon ng AMLC na hinihintay pa anila ang ‘unlawful activity’.


Binigyang-diin naman ni Luistro na maliban sa ilegal na drogang nakuha sa warehouse ay nakuha rin aniya ang mga naturang lupain sa pamamagitan ng pamemeke ng mga dokumento.


Mahalaga aniya na ma-preserve ang naturang assets upang maiwasang maipasa ang pag-aari sa ibang tao kung patatagalin pa ang pag-issue ng freeze order.



              @@@@@@@@@@@@


Mar / Mga kasapi ng House Quad Comm hindi parin matitinag sa paninirang puri ng mga trolls -Barbers


BINIGYANG DIIN ng Lead Chairman ng Quad Committee ng Kamara de Representantes na si Surigao del Norte 2nd Dist. Cong. Robert Ace Barbers na sa kabila ng patuloy na panggigiba at paninirang puri na ginagawa ng mga trolls na kinakasangkapan ng mga malalaki at kilalang personalidad ay hindi parin magpapatinag ang mga miyembro ng Komite kaugnay sa isinasagawa nitong imbestigasyon.


Ito ang nilalaman ng opening statement ni Barbers sa pagpapatuloy ng ika-labing-dalawang pagdinig ng House Quad Committee na kung inaakala ng mga taong tinatamaan ng kanilang imbestigahan ay ihihinto na nila ang kanilang pagsisiyasat. Sila aniya ay nagkakamali.


Pagdidiin pa ni Barbers na ang mga taong nasasangkot sa mga isyung iniimbestigahan nila ay gumagamit ng mga trolls na pinopondohan ng mga ito. Kung saan, ang perang ibinabayad nila sa mga trolls ay mula sa illegal drug trade o drug money at illegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa na pawang mga Chinese nationals ang nasa likod at nagpapatakbo ng mga nasabing illegal operations. 


"Subalit nais namin kayong garantiyahan na habang kami ay pinipilit na siraan. Lalo kaming hindi titigil sa pag-ungkat ng mga bagay upang makita at maisiwalat ang buong katotohanan," wika nito.


Hinihikayat din ng kongresista ang mga taong naging biktima ng illegal na droga na dumalo sa imbestigasyon ng Quad Committee upang makapagbigay din sila ng impormasyon at maisiwalat ang katotohanan kung sino-sino ang mga taong nasa likod para lumaganap ang illegal na droga sa bansa. 


"Hinihikayat pa namin ang mga tao na nagdusa sa kalakaran ng illegal na droga na pumarito sila sa Quad Comm at isiwalat ang katotohanan kung sino-sino pa ang mga may kagagawan ng pagpapakalat ng illegal na droga sa ating bayan," sabi pa ni Barbers.


Sabi pa ng Mindanao solon na upang malinawan ang mga isyu na sinisiyasat ng Komite kaugnay sa Extra-Judicial Killings (EJK), madugo at brutal na war-against-drugs campaign at illegal POGO operation ay makabubuting magbigay ng pahayag ang sinomang mamamayan sa pamamagitan ng kanilang testimonya sa kabila ng magiging banta sa kanilang buhay.


"Ang mga ibang kusang pumarito ay hindi boluntaryong nagbigay ng pahayag sa kabila ng mga banta sa kanilang buhay at seguridad. Sa pamamagitan ng kanilang mga testimonya ay nabigyan ng liwanag ng House Quad Comm ang maraming bagay. Kabilang dito ang pagpaslang kay General Wesley Barayuga. Ang paghinto ng mga sindikato sa Philippine Statistics Authority (PSA) na nagbibigay ng pekeng birth certificates sa mga dayuhan," ayon kay Barbers.


@@@@@@@@@@@@


Milks / Tumangging humarap sa Quad Comm dahil sa may naisampa nang kaso laban kay Jimmy Guban…


Nagpaliwanag si Atty. Mans Carpio, mister ni Vice President Sara Duterte sa patuloy nitong pagtanggi ng humarap sa hearing ng House Quad Committee.


Ang hindi pagdalo ni Carpio ay nakapaloob sa kanyang sulat sa Quad Comm at binasa ni Rizal Representative Romeo Acop.


Sa sulat,  ipinaliwanag ni Carpio, may mga isinampa na siyang kaso laban kay Guban sa Ombudsman, Quezon City Prosecutor’s Office at Office of Provincial Prosecutor ng Pampanga.


Narito si Rizal Representative Romeo Acop…


0:18-0:52

of Pampanga…


Matatandaan, inakusahan ni Guban si Carpio, Davao City Representative Paolo Duterte at dating Presidential Adviser Michael Yang umanoy sangkot sa smuggling ng P11 billion na halaga ng shabu sa Manila International Container Port noong 2018.


Samantala, sinabi ni Surigao del  Norte Representative Robert Ace Barbers, chairman ng Quad Comm, dedesisyunan ng komite ang posisyon ni Carpio bago matapos mamaya ang hearing.


@@@&&&&&&&&&&&


Pam / TRILLANES


Q: ANO ANG PAKAY TODAY


T: i was invited ano so ngayon mayroon akong presentation mamaya ipapakita ko yong koneksyon ni duterte sa ilegal na droga no ipapakilala ko yong buong sindikato ng duterte drug syndicate lahat ng mga personalities na invovled


Q: RE AMLC DENYING BANK STATEMENTS(?)


T: wala naman akong sinabing sa amlc galing per se yong aking dokumento pero ang sinasabi ng ombudsman pareho okay so those are two different things yong content is the same pero the documents ang nagbigay sa akin isang messenger


Q: YOU ALREADY BROUGHT THE SYNDICATE SA SENATE ANO DIFFERENCE 


T: ngayon kasi the general public is paying attention dati it was supressed napakakonti lang nung mga nakaalam non tapos ngayon after so many years marami pa kaming nakalap na mga impormasyon kaya nabuo na namin yong picture para kailangang malaman na ng sambayanang pilipino yong duterte drug cartel duterte drug syndicate kung sino sino itong mga ito


Q: (inaudible)


T: because of the political realignments yong paghihiwalay dahil don nagkaroon ng puwang nagkaroon ng opportunity na macover ito ngayon lang nabibigyan ng attention nang ganito kalawak tapos mas


Q: RE: DIGONG SA MILITARY


T: yoon ay unang-una that’s a crime no yong ginawa niya inciting to sedition so kailangan managot siya diyan so sa effect nung panawagan na yon ako ang advise ko sa otoridad ay huwag maging kumpiyansa no kailangang siguraduhin na walang makukuna na officers itong mga duterte kasi malaking problema yan ano lang continuous monitoring


Q: HINOG NA BA ANG IMPEACHMENT


3:41 hinog na hinog na sobra 


siguro naman nakikita nung mga kababayan natin lahat nung mga dangers mga red flag yung unfitness ni duterte sara duterte to hold the position of vice president and remember as vice president she could be president any time no in cases of emergencies kaya imagine mo asal na nilalabas niya pinapakita niya bibigyan mo ng power ng presidency yan dapat kilabutan yong bawat pilipino


wala ito sa tamang katinuan


06:18 kailangan matanggal ito sa puwesto diba sabi ko may topak eh alam naman nating di naman tayo psychiatrist pero alam natin may topak at yong normal at ito hindi to normal


               @@@@&&&&&@&@&


Isa / Pinatawan ng contempt ng House Quad Committee at pinakukulong sa Batasan Pambansa si dating Mexico, Pampanga Mayor Teddy Tumang, dahil umano sa pagsisinungaling.


Sa pagdinig ng Quad Committee --- natanong muna ni Rep. Gerville Luistro si Tumang kung kilala ba niya ang Chinese nationals na sina Willie Ong at Aedy Yang, na incorporators ng Empire 999 Realty  na isinasangkot sa ilegal na land ownership at ilegal na droga.


Aniya, hindi niya personal na kilala ang dalawa. Pero nagpunta ang mga ito sa munisipyo, at doon niya nakilala ang dalawa dahil bibili raw ng lupa.


Gayunman, napikon dito si Rep. Joseph Paduano, at nagbanta na maglalabas siya ng mga ebidensya o litrato, gaya ng naimbitahan sa China.


Nagmosyon si Paduano na i-contempt si Tumang. Ang style daw ng dating alkalde ay “bulok.”


Ngunit giit ni Tumang, hindi siya nagsisinungaling. Sumubok pa siyang magpaliwanag.


Kinalauna’y inaprubahan ng Quad Committee ang mosyon.


Si Tumang ay madedetine sa detention center ng Kamara hanggang sa matapos ang mga pagdinig ng Quad Comm.


Itinuloy naman ang pagtatanong kay Tumang, hanggang sa nagsabing hindi na niya masagot ang mga tanong dahil masama na umano ang kanyang pakiramdam.


@@@@@@@@@@@


Milks / Tumangging humarap sa Quad Comm dahil sa may naisampa nang kaso laban kay Jimmy Guban…


Nagpaliwanag si Atty. Mans Carpio, mister ni Vice President Sara Duterte sa patuloy nitong pagtanggi ng humarap sa hearing ng House Quad Committee.


Ang hindi pagdalo ni Carpio ay nakapaloob sa kanyang sulat sa Quad Comm at binasa ni Rizal Representative Romeo Acop.


Sa sulat,  ipinaliwanag ni Carpio, may mga isinampa na siyang kaso laban kay Guban sa Ombudsman, Quezon City Prosecutor’s Office at Office of Provincial Prosecutor ng Pampanga.


Narito si Rizal Representative Romeo Acop…


0:18-0:52

of Pampanga…


Matatandaan, inakusahan ni Guban si Carpio, Davao City Representative Paolo Duterte at dating Presidential Adviser Michael Yang umanoy sangkot sa smuggling ng P11 billion na halaga ng shabu sa Manila International Container Port noong 2018.


Samantala, sinabi ni Surigao del  Norte Representative Robert Ace Barbers, chairman ng Quad Comm, dedesisyunan ng komite ang posisyon ni Carpio bago matapos mamaya ang hearing.



                  @@@@@@@@@@@


Isa / Ang pagtaas ng credit rating outlook ng Pilipinas ay patunay ng matatag na pamumuno ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., sa kabila ng mga kasalukuyang ingay gaya sa politika.


Ito ang inihayag ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, kaugnay sa desisyon ng S&P Global Ratings na itaas ang credit rating ng Pilipinas sa “positive.”


Ayon sa lider ng Kamara, sa kabila ng mga hamon sa lipunan, nananatiling nakatuon ang administrasyong Marcos Jr. sa pagpapabuti ng kabuhayan ng mga Pilipino.


Ang pagkilala aniya ng S&P ay nagpapakita na nasa tamang landas ang Pilipinas, at mayroong matatag at maunlad na ekonomiya.


Dagdag niya, dahil dito ay mas marami ang mamumuhunan, at dadami ang trabaho para sa mga Pinoy.


Pagtitiyak ng House Speaker, aktibong makikipag-tulungan ang Kongreso sa Ehekutibo at magpapasa ng mga panukalang batas na layong palakasin pa ang ekonomiya, at makapagbibigay ng benepisyo sa mga Pilipino lalo na ang mga mahihirap.


@@@@@@@@@@


Hajji / Sa ikatlong pagkakataon ay hindi sumipot sa pagdinig ng Quad Committee sa Kamara si Police Col. Hector Grijaldo na sinasabing pinilit umanong tumestigo upang kumpirmahin ang reward system ng administrasyong Duterte sa war on drugs.


Ngayong araw ay muling nagpadala ng liham si Grijaldo sa ikalabindalawang pagdinig upang ipabatid na kasalukuyan siyang nasa ospital simula pa noong November 13 dahil sa rotator cuff syndrome.


Pero hindi ito tinanggap nina Sta. Rosa City Representative Dan Fernandez at Manila Representative Bienvenido Abante na idiniin ni Grijaldo sa Senate hearing na kumausap umano sa kanya para patotohanan ang affidavits ni dating PCSO General Manager Royina Garma.


Dahil dito, inatasan ng mega-panel ang doktor ng Kamara na tingnan ang kondisyon ni Grijaldo lalo't tatlong beses na itong hindi humaharap sa imbestigasyon.


Ipinaliwanag ni Fernandez na bagama't nais niyang mag-inhibit sa diskusyon ukol sa alegasyon ni Grijaldo, hindi niya matatanggap ang medical excuses at malinaw na tinatakasan lang ang responsibilidad matapos manira ng imahe.


Napag-alaman naman sa pinuno ng Police Holding and Accounting Unit na si Brigadier General Constancio Chinayog Jr. na nag-report pa si Grijaldo sa opisina noong November 18 hanggang 22.


Nagbabala si Public Accounts Chairman Joseph Stephen Paduano na kapag niloloko lamang ni Grijaldo ang Quad Comm ay hindi siya magdadalawang-isip na ipapa-cite-in-contempt ang opisyal kasama na ang mga pulis na sangkot.


              @@@@@@@@@@


Mar / Perang ibinabayad sa mga trolls galing sa drug money at POGO -Barbers


ISINIWALAT ng Lead Chairman ng Quad Committee ng Kamara de Representantes na si Surigao del Norte 2nd Dist. Cong. Robert Ace S. Barbers na ang perang ibinabayad sa mga "trolls" upang magpakalat ng mga paninira, panlilibak at pagpapakalat ng mga fake news laban sa mga miyembro ng naturang Komite ay galing sa illegal drug trade (drug money) at illegal na operasyon ng Philippins Offshore Gaming Operators (POGO).


Ito ang nilalaman ng opening statement ni Barbers, Chairman din ng House Committee on Dangerous Dugs sa ika-labing-dalawang pagdinig ng House Quad Comm kung saan sinabi nito na kaya nagpapatuloy ang walang pakundangang paninira ng mga trolls sa social media laban sa mga kasapi ng Komite ay dahil sila ay sustentado ng ilang matataas na personalidad sa pamamagitan ng drug money at pera naman mula sa POGO.


Sabi ni Barbers na halatang-halata aniya na inaalagaan ng mga matataas at kilalang personalidad ang mga trolls para magpakalat din ng mga paninira laban sa mga resource persons na humaharap sa pagdinig ng House Quad Comm para magbigay ng kanilang testimonya patungkol sa mga isyu na iniimbestigahan ng komite kabilang na dito ang Extra-Judicial Killings (EJK), madugo at brutal na war-on-drugs campaign at illegal na operasyon ng POGO sa bansa.


Pagdidiin ni Barbers na ang pangunahing puntirya at objektiba ng mga trolls ay upang sirain ang kredebilidad ng mga testigo o resource persons upang magkaroon ng agam-agam at pagdududa ang publiko sa imbestigasyon ng Quad Comm at palitawin na ang isinasagawa nitong pagdinig ay "politically motivated" laban sa mga taong nasasangkot lalo na si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.


Agon sa kongresista, hindi barya ang salaping ibinabayad umano sa mga trolls ng mga malalaki at kilalang personalidad sapagkat maaaring kinakabahan na ang mga ito dahil unti-unti nang nalalantad ang tunay na kaugnayan nila sa illegal drug trade at illegal POGO operation. 


"Napakarami na pong nakita at nadiskubre ang Quad Comm. Kung kaya naman pilit itong binabatikos at minamaliit ng mga natatamaan. Patuloy ang paninira ng mga trolls na bayad ng POGO at drug money, sa mga miyembro at mga taong tumetestigo rito. Kataka-taka na napakalaki ng puhunan na umiikot sa mga trolls na halatang inaalagaan ng mga nasasaktan sa mga bagay na nauungkat sa mga pagdinig natin dito. Kabilang na marahil ang mga malalaking pangalan sa illegal na droga at POGO," wika ni Barbers. 


Kasabay nito, nilinaw din ng Mindanao solon na ang House Quad Comm ay binuo sa pamamagitan ng House Resolution na isinulong at inakda ni House Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd Dist. Cong. Aurelio "Dong" Gonzales na nauna ng nagpa-imbestiga sa 560 kilos ng shabu na ipinuslit sa Subic Port na dinala naman sa Distrito ni Gonzales sa Mexico, Pampanga.


Pagdidiin ni Barbers na sa isinagawang imbestigasyon ng kaniyang Komite kabilang na ang House Committee on Public Accounts, dito aniya nila natuklasan ang relasyon at pagkaka-ugnay ng illegal na droga sa mga dayuhang Intsik na illegal na bumibili ng lupain sa Pilipinas. Kung kaya'y minabuti na nilang pag-isahin ang mga pagdinig ng apat na Komite patungkol sa mga magkaka-ugnay sa issue. 


Ang Quadcom ay binuo sa pamamagitan ng isang resolusyon na katha ni Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales, na syang orihinal din na nagpa imbestiga sa 560 kilos na shabu na ipinuslit sa Subic port at dinala sa kanyang nasasakupang distrito sa Mexico, Pampanga.  Sa una ay inimbistigahan ito ng dalawang komite, ang Dangerous Drugs Committee at ang Public Accounts.  Dito nakita and relasyon at pagkaka ugnay ng mga droga sa mga dayuhan na iligal na bumibili ng mga lupain sa ating bayan.  Kung kaya’t minabuti na pag-isahin ang mga pandinig ng apat na komite sa mga nadiskubreng mga kaugnayan," dagdag pa ni Barbers.


@@@@@@@@@@&


Milks / Cong. Duterte at Atty. Mans Carpio, no show sa pagpapatuloy ng hearing ng Quad Comm…


Hindi dumalo sa ika-labingdalawang pagdinig ngayon ng House Quad Committee sina Davao City Representative Paolo Duterte at Atty. Mans Carpio.


Sa pagsisimula ng hearing, iniulat ng committee secretariat, pinadalhan ng notice si Duterte para i-inform itonsa hearing ngayong araw pero walang tugon.


Binigyan naman ng imbitasyon si Atty. Carpio na dumalo sa hearing pero, walang natanggap na tugon ang komite kung dadalo o hindi sa pagdinig ngayong araw.


Ayon kay Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers, chairman ng Quad Comm, ilang beses nang lumutang ang pangalan nina Duterte at Carpio sa isyu ng illegal drugs.


Bukod sa illegal drugs, tatalakayin sa muling hearing ng Quad Comm ang tungkol sa pogo.


Sa kanya namang opening statement,  nagpasalamat si Manila Representative Bienvenido Abante Jr., chairman ng House Committee on Justice and Human Rights, sa ating mga kababayan na nagbibigay ng suporta sa hearing sa kabila ng ilang mga batikos.


Binanggit ni Abante ang survey kung saan naitala ang “strong level of engagement” .


78-percent ng mga Pinoy ang naghayag ng interes sa hearings habang 17-percent ang hindi interesado.


@@@@@@@@@@@


Grace / nagpapatuloy ngayon ang ika-12 pagdinig ng house quad committee na sisentro sa operasyon ng ilegal na droga at Philippine Offshore Gaming Operators o POGO.


sa kanyang opening statement ay tiniyak ni Quad Committee Overall chairman  Robert Ace Barbers na hindi sila matitinag kahit anong paninira at batikos sa kanila na kagagawan ng trolls na bayad ng POGO at drug money.



cong robert ace barbers 

time stamp…. 24:46 - 25:28 

real time…. 10:53

IN…. Napakarami na pong nakita at nadiskubre ng Quadcom

OUT… nauungkat sa mga pandinig natin dito



bunsod nito ay hinihikayat ni Barbers ang lahat ng mga nagdusa sa kalakaran ng iligal na droga, na lumapit sa quad committee at isiwalat ang katotohanan kung sino sino pa ang mga may kagagawan ng pagpapakalat ng iligal na droga sa ating bayan.  

 

ibinida rin ni Barbers na malayo na ang narating ng imbestigasyon ng quad committee na naging daan para masiwalat ang napakaraming bagay tulad ng pagpaslang kay General Wesley Barayuga, at ang sindikato sa Philippine Statistics Authority na nagbibigay ng pekeng birth certificates sa mga dayuhan.


binanggit din ni Barbers ang pagkadiskubre sa libo libong ektaryang lupaing agrikultura at iba pang ari-arian na iligal na binili ng mga dayuhang nasa likod ng ilegal na POGO na ugat ng ibat ibang krimen.



                @@@@@@@@@@@


hajji / Binigyang-diin ni Albay Representative Joey Salceda ang kahalagahan ng pananagutan hinggil sa mga kapalpakan na nagresulta sa paglipana ng mga cartel na nakaapekto sa suplay ng pagkain sa bansa.


Sa pagsisimula ng Quinta Committee sa Kamara, sinabi ni Salceda na ang pinakamalaking kaso ng manipulasyon sa presyo ng produktong pang-agrikultura na naranasan umano sa ilalim ng administrasyong Duterte ay hindi pa rin nareresolba hanggang ngayon.


Tinukoy nito ang umano'y anomalya sa pag-aangkat ng bigas na nagkakahalaga ng bilyun-bilyong piso.


Partikular na inihayag ni Salceda ang pagkontrol ng pribadong sektor sa rice imports at manipulasyon ng import permits mula 2016 hanggang 2018.


Dito aniya naitala ang lubhang pagtaas ng presyo ng bigas na hanggang walong piso kada kilo ang naidagdag.


Sa pagtaya ng kongresista, aabot sa 88.6 billion pesos ang nawala sa ekonomiya at humupa lamang ang isyu nang buwagin ng Rice Tariffication Law noong 2019 ang permit system na pinangangasiwaan ng National Food Authority.


Paliwanag pa ng overall chairman ng Quinta Comm, nananatiling palaisipan kung sinu-sino sa pribadong sektor ang nakinabang sa rice importation permits na ipinagkaloob ng NFA sa loob ng dalawang taon.


Kabilang pa sa inungkat ang umano'y dalawang bilyong pisong isyu ng bribery sangkot ang NFA officials noong 2018 kung saan walang nakulong.


Ipinunto ng ekonomista na sinamantala ng mga cartel ang pag-divert ng procurement funds ng NFA para sa palay na sa halip na ipangsuporta sa mga magsasaka ay inilaan sa pagbabayad ng loans.


@@@@@@@@@@@@


Isa Umali / Nov. 26, 24

Naniniwala ang isang lider ng Kamara na isa na namang “diversionary tactic” ang panawagan ni dating Pang. Rodrigo Duterte sa militar na bawiin ang suporta kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. 


Sa isang pulong balitaan, sinabi ni House Assistant Majority Leader Jay Khonghun na ang bagong pahayag ni dating Pres. Duterte ay layong pagtakpan ang totoong isyu na kinakaharap ng kanyang anak na si Vice Pres. Sara Duterte. 


Aniya, kailangang tulungan pa ng ama ang kanyang anak para malihis ang atensyon ng publiko. 


Giit naman ng House leader, magpaliwanag na lamang si VP Duterte ukol sa kanyang confidential funds. 


Hindi na rin umano kailangan ng mga salita na hindi makakatulong sa bayan o makapag-hahati lamang sa mga mamamayan.


@@@@@@@@@@@@@@@@@


Pam / 56;57 Q: MALAPIT NANG MAG-BUDGET BICAM IYONG OUTBURST BA NI VPSD AY ENOUGH REASON NA HUWAG NANG IBALIK ANG BUDGET CUT AMID SOME SENATORS PUSHING NA MAIBALIK ITO


we respect that opinion of the senators but then again itong mga pagdinig 

mayroong disconnect sa ovp officials

precisely the reason mas lalong dapat ibigay sa major agency sa implementation ng iba-ibang programa


hindi naman talaga binawasan kung hindi inilipat sa mga ahensiya na mayroon talagang prtimary mandate to implement these programs


final outcome will be subject to the delibs during the bicam


baka next week magka-sched for the members to meet in a bicamcom


FURLOUGH KAY ZULEIKA?


depende sa friday

kung aattend ng hearing


pero kumpiyansa na di magagamit to go out of the country?


hindi naman po siguro ito naman ay nagcommit 

we have to remember na under oath sila


KAGABI SINABI NI ACOP NA ISUSPEND HEARING UNTIL FRIDAY

&&&&&&&&&&&&&@&


Hajji / Dagdag ko lang dito kay Hajji


Paniwala ni Tulfo, baka dapat nang ihinto ang bawas taripa dahil mga importers lang naman ang nakikinabang dito.


Ayon naman kay Agriculture Undersecretary Asis Perez, batid ng DA ang sentimiyento ng mga mambabatas.


Magpupulong aniya sila bukas kasama ang NEDA at iba pang ahensya ng pamahalaan para i-review ang naturang tariff reduction.


Ngunit batay na rin aniya sa pagtaya ng NEDA posibleng tapusin na ang bawas taripa sa Pebrer ng susunod na taon lalo at pagsapit ng Marso ay panahon na ng anihan.


##


So far yan lang din ang bet kong story dito sa quinta


Hajji / Kinuwestyon ni Albay Second District Representative Joey Salceda ang pagsipa ng rice inflation sa kabila ng umiiral na tariff reduction sa inaangkat ng bansa.


Sa pagsisimula ng "Murang Pagkain Supercommittee" o Quinta Committee ngayong araw, ikinagulat ni Salceda ang ulat ng Philippine Statistics Authority na sumipa sa 9.6 percent ang rice inflation noong Oktubre.


Ayon kay Rachel Lacsa ng PSA, bahagya pa lanag na nararamdaman ang tariff reduction kung saan 50 pesos and 22 centavos ang presyo ng regular-milled rice kada kilo sa kasalukuyan, mula sa 50.90 pesos noong Hulyo.


Punto ni Salceda, napakaimposible ng numero lalo't mula 35 percent ay ibinaba sa 15 percent ang taripa sa rice imports at harvest season pa.


Masyado aniyang malayo kung 45 pesos ang ipinataw na price cap ni Pangulong Bongbong Marcos noong Setyembre ng nakaraang taon samantalang nasa 44 hanggang 45 pesos ang average na presyo ng bigas ngayon.


Suspetsa tuloy ni Salceda, tila mga rice cartel lang ang nakinabang sa reduced tariffs pati na mga importer.


Pinatotohanan ito ni House Deputy Majority Leader Erwin Tulfo at kinumpirmang base sa kanilang imbestigasyon ay nasa 50 hanggang 60 pesos pa rin ang presyo ng imported na bigas at hindi man lang gumalaw kahit may ipinatutupad na bawas sa taripa.


Mahalaga umanong imbestigahan na sa halip na mapunta sa savings ng gobyerno ang bunga ng tariff reduction ay maaaring pinakikinabangan ito ng importers at namamanipula ang presyuhan.


@@@@@@@@@@


Hajji / Ituturing na "customer feedback" ng Young Guns sa Kamara ang pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na kumukuwestyon sa paglilipat ng bilangguan kay Office of the Vice President Chief-of-staff Atty. Zuleika Lopez.


Iginiit kasi ni Duterte sa isang late night press conference na ang "contempt" ay isang hakbang upang mapanatili lang ang maayos na congressional hearing.


Kung mayroon aniyang nagawang hindi magandang asal sa pagdinig ay dapat may detention center ang Kamara o quarter sa halip na dalhin sa correctional na para sa mga kriminal.


Ayon kay Ortega, ikokonsidera nila ang pagtatalaga ng mas maraming detention facilities lalo't nagpapatuloy pa ang pagdinig ng Quad Committee.


Binigyang-diin din ni Good Government and Public Accountability Chairman Joel Chua na desisyon ng mga miyembro ang paglalabas ng transfer order kay Lopez patungong Correctional Institute for Women na maiiwasan sana kung walang nangyaring security breach at walang VIP na nasa Kamara.


Dagdag pa ni 1-Rider Party-list Representative Rodge Gutierrez, nagkataon na may "special circumstances" nitong weekend kaya kinailangang ilipat ang OVP Chief-of-staff.


Nanindigan naman si Gutierrez na may kapangyarihan ang Kongreso na magpataw ng contempt at ilang beses na itong pinrotektahan ng Korte Suprema.


@@@@@@@@@@@@


Grace / iginiit ng house committee on good government and public accountability na walang may kagustuan sa nangyari kay office of the vice president chief of staff atty zuleika lopez na hanggang ngayon ay naka-confine sa veterans memorial medical center.


tugon ito COmmittee chairman at manila 3rd distrcit representative joel chua sa napaulat na pahayag ni dating pangulong rodrigo duterte kung bakit kailangang magpasya ang komite na ilipat sa women’s correctional si zuleika gayong hindi naman ito kriminal.


muli binigyang-diin ni Chua, na ang nagtulak sa komite para ipalipat sa correctional si lopez ay ang ginawang paglabag ni vice president sara duterte sa protocols at seguridad ng kamara.


joel chua 

time stamp…. 2:59 - 3:37

real time… 11:12 AM 

IN…. that is for the committee members to decide 

OUT… pinakamtaas opisyal ng ating bansa 


@@@@@@@@@@@@


Isa Umali / Wala pang lumilitaw na “Mary Grace Piattos,” sa kabila ng alok na isang milyong pisong pabuya ng mga kongresista.


Ito ang inamin ni House Assistant Majority Leader Jay Khonghun, kasunod ng naging pahayag ni Special Disbursing Officer Gina Acosta na may mga Piattos sa Davao.


Matatandaan na ang pangalang Mary Grace Piattos ay lumutang sa ilang acknowledgement receipts ng tanggapan ni Vice Pres. Sara Duterte.


Sa isang pulong balitaan, sinabi ng kongresista na patuloy ang kanilang panawagan na lumantad at humarap na sa pagdinig ng Kamara si Mary Grace Piattos.


Pero habang tumatagal aniya, lalo umanong nakikita na ang katauhan ni Mary Grace Piattos ay kathang-isip lamang.


Tiniyak naman ng House Leader na patuloy ang pakikipag-ugnayan nila sa Philippine Statistics Authority o PSA, kahit sa National Bureau of Investigation o NBI para malaman kung totoo ba o wala talagang Mary Grace Piattos.

@@@@@@@@@@@


Grace / lumutang sa ikapitong pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability na inutusan umano ni vice president sara duterte si dating departmant of education Former Special Disbursing Officer Edward Fajarda na bigyan ng exrtra funds ang piling school superintendents.


sa pagdinig ay inamin ni Fajarda na kinuha nya ang bank account details ng piling mga school superintendents para maibigay ang extra funds mula kay VP Sara at hindi galing sa official DepEd appropriations.


giit ni Tingog Party-list Representative Jude Acidre, highly irregular practices ito at hindi umaayon sa standard financial protocols.


4:48:32 -  4:49:17

IN… so mr fajarda bakit ho kayo humingi ng mga 

OUT…. hindi sya lahat 


paalala ni Acidre ang pamamahagi sa pondo ng bayan ay dapat magmula sa legitimate sources at sumunod sa tamang proseso.


@@@@@@@@@@@@@


Isa Umali / Nagpasya ang House Committee on Good Government and Public Accountability na bigyan ng “furlough” ang apat na opisyal ng Office of the Vice President o OVP na una nang pinatawan ng contempt.


Sa pagdinig ng komite na natapos halos ala-una ng madaling araw ---- nagmosyon si Rep. Joseph Stephen Paduano.


Dahil aniya kusang sumuko ang apat at humarap sa pagdinig ukol sa isyu ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte, ang mga sumusunod ay mapagbigyan ng furlough sa kondisyong babalik sila sa susunod na pagdinig.


Sila ay sina:


- Lemuel Ortonio, OVP Assistant Chief of Staff


- Gina Acosta, Special Disbursing Officer o SDO


- Edward Fajarda, dating Deped SDO


- Sunshine Fajarda, dating assistant secretary ng Deped


Pinaburan naman ito ng komite.


Samantala, nililinaw na hindi pa lifted ang contempt order laban sa kanila.


Ayon kay Rep. Joel Chua, chairman ng komite --- mukhang namang sinsero ang apat na opisyal ng OVP kaya sila pinagbigyan muna para sa furlough.

@@@@@@@@@@@@@


sa Umali / Pinagtibay ng Kamara ang isang resolusyon na naghahayag ng buong suporta at pagkakaisa ng Kapulungan para kay Pang. Ferdinand Marcos Jr. at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.


Ito ay sa gitna ng mga naging pahayag ni Vice President Sara Duterte, laban sa Pangulo, Speaker at First Lady Liza Marcos.


Sa sesyon ngayong hapon, inadopt ang Kamara ang House Resolution 2092.


Isa-isa ring nagsalita ang mga lider ng Kamara.


Ayon kay House Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr, importante ang naturang resolusyon upang iginiit ang dignidad at integridad ng Kamara.


Bukod dito, nakompromiso aniya ang pambansang seguridad at tiwala ng publiko sa gobyerno, dahil sa mga binitawan ng bise presidente.


Una nang nagsalita si Speaker Romualdez, na pumalag sa mga statement ng bise presidente at iginiit na dapat siyang managot.


Samantala, habang nasa People’s Center ay pinanuod ni VP Duterte ang pagsasalita sa plenaryo ni Romualdez kanina.


Pero sa mga oras na ito, wala pang reaksyon ang bise presidente.


—————————


Hajji / Diretsahan nang hinamon ni House Speaker Martin Romualdez si Vice President Sara Duterte na ipaliwanag ang umano'y maling paggamit ng 612.5 million pesos na confidentialfunds ng OVP at Department of Education.


Sa kanyang mensahe sa plenaryo ngayong araw, binuweltahan ni Romualdez si Duterte kasunod ng banta ng pangalawang pangulo na kumausap na umano siya ng papatay sa kanya at kina Pangulong Bongbong Marcos at First Lady Liza Araneta-Marcos.


Nakakaalarma aniya ang pahayag ni VP Sara at mapanganib lalo't hindi na ito normal na pananalita kundi direktang banta sa demokrasya, sa pamahalaan at sa seguridad ng bansa.


Ipinagtanggol din ni Romualdez ang Kamara laban sa mga pag-atake at breach of protocols na ginawa ng bise-presidente at nanawagan sa mga kapwa mambabatas na protektahan ang integridad ng institusyon.


Wala umanong basehan ang mga alegasyon na pinababagsak o sinisiraan niya si Duterte dahil sa ambisyon sa pulitika sa taong 2028 at maituturing na desperadong hakbang upang ilihis ang tunay na isyu.


Kumbinsido naman ang Speaker na ang nasa likod ng mga walang basehang akusasyon ni Duterte ay ang tangkang pagtakpan ang lumalakas na ebidensya ng maling paggamit ng pondo sa ilalim ng kanyang liderato.


Giit pa nito, hindi optional ang pananagutan at hindi negotiable ang transparency kaya ang sinumang pinagkatiwalaan sa pondo ng bayan ay dapat handang magpaliwanag kung saan at paano ito ginastos.

—————————


Hajji / Iisang tao ang nakakaalam kung saan dinadala ang confidential funds ng Department of Education.


Ito ang inilahad ng dating special disbursing officer ng DepEd na si Edward Fajarda sa ikapitong pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability ngayong araw.


Sa interpelasyon ni Antipolo City Representative Romeo Acop, kinumpirma ni Fajarda na ang security officer na tinukoy na si Col. Dennis Nolasco ang nagbibigay ng quarterly activity plan bago i-disburse ang perang gagamitin.


Hindi na umano inuusisa ni Fajarda kung saan gagastusin ang confidential funds dahil si Nolasco ang eksperto sa confidential operations.


Isiniwalat din ng dating SDO na si Nolasco ang gumawa ng pitong disbursements sa pitong magkakaibang lokasyon kabilang ang Malolos, Bulacan; Davao, Agusan Del Sur, Makati City at Negros Oriental.


Bukod dito, inihayag ni Fajarda na siya ang nagwi-withdraw ng confidential funds sa Land Bank at sinasamahan lang ng isang "Sir Allan" na bahagi umano ng VPSPG.


Isinisilid aniya ang 37.5 million pesos sa duffle bags at naglalakad lamang siya dahil nasa compound lamang ng DepEd ang Land Bank.


Itinanggi naman ni Fajarda na iniuuwi niya sa bahay ang pera kundi agad na inilalagay sa vault na nasa opisina.


———————————


Grace / nakatanggap ng surrender feelers ang House Committee on Good Government and Public Accountability kaugnay sa planong pagsuko ng apat na opisyal ng Office of the Vice President (OVP) na pinatawan nito ng contempt at pinapa-aresto.


Bunsod nito ay umaasa si Committee chairman at Manila 3rd district representative Joel Chua na darating ang naturang apat na OVP officials sa pagpapatuloy ng padinig ngayon ukol sa kwestyunableng paggastos sa confidential funds ng OVP at Department of Education sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte.


Kinabibilangan ito nina:

Atty. Lemuel G. Ortonio – Assistant Chief of Staff at Chairperson of the Bids and Awards ng OVP;

Gina Acosta – Special Disbursing Officer ng OVP

Atty. Sunshine Charry Fajarda – dating Assistant Secretary ng DepEd na nasa OVP na ngayon

Mr. Edward Fajarda – dating Special Disbursing Officer ng DepEd at ngayon ay nasa OVP


may impormasyon din na darating ngayon si VP Sara Kamara dahil ilang miyembro umano ng kanyang security team ang nakita na dito sa Batasang Pambansa.


——————————


Isa / “No show” o hindi dumalo ang chief of staff ni Vice Pres. Sara Duterte na si Atty. Zuleika Lopez sa ika-pitong pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability ngayong Lunes.


Sa excuse letter na may petsang Nov. 24, at binasa ng Committee Secretary --- idinahilan ni Lopez na siya ay naka-confine sa Veterans Memorial Medical Center o VMMC.


Si Lopez ay na-diagnose umano ng acute stress disorder, kasunod na rin ng nangyari noong mga nakalipas na araw gaya ng paglipat sa kanya ng pasilidad --- mula sa detention center ng Kamara.


Umapela naman si Lopez sa komite ng konsiderasyon.


May ipinadala ring certificate of confinement si Lopez, na mula sa VMMC.

————————


Grace / nakatanggap ng surrender feelers ang House Committee on Good Government and Public Accountability kaugnay sa planong pagsuko ng apat na opisyal ng Office of the Vice President (OVP) na pinatawan nito ng contempt at pinapa-aresto.


Bunsod nito ay umaasa si Committee chairman at Manila 3rd district representative Joel Chua na darating ang naturang apat na OVP officials sa pagpapatuloy ng padinig ngayon ukol sa kwestyunableng paggastos sa confidential funds ng OVP at Department of Education sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte.


Kinabibilangan ito nina:

Atty. Lemuel G. Ortonio – Assistant Chief of Staff at Chairperson of the Bids and Awards ng OVP;

Gina Acosta – Special Disbursing Officer ng OVP

Atty. Sunshine Charry Fajarda – dating Assistant Secretary ng DepEd na nasa OVP na ngayon

Mr. Edward Fajarda – dating Special Disbursing Officer ng DepEd at ngayon ay nasa OVP


may impormasyon din na darating ngayon si VP Sara Kamara dahil ilang miyembro umano ng kanyang security team ang nakita na dito sa Batasang Pambansa.

######

No comments:

Post a Comment