Quad Comm leaders file bill to cancel fraudulent birth certificates obtained by foreigners
LEADERS of the historic House Quad Comm on Wednesday filed a bill seeking to establish an administrative process to expedite the cancellation of birth certificates fraudulently acquired by foreign nationals, including those involved in illegal drug operations and other criminal activities associated with Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
House Bill (HB) No. 11117, also known as the proposed “Fraudulent Birth Certificate Cancellation Law,” marks the third legislative measure to arise from the Quad Comm’s investigation into alleged criminal activities by foreigners, particularly the use of falsified documents.
The bill was introduced by Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” D. Gonzales Jr., Deputy Speaker David “Jay-Jay” C. Suarez, Quad Comm Chairs Robert Ace Barbers, Bienvenido Abante Jr., Dan Fernandez and Joseph Stephen “Caraps” Paduano and Vice Chair Romeo Acop.
Other authors include Reps. Johnny Ty Pimentel, Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, Rodge Gutierrez, Francisco Paolo Ortega V, Jay Khonghun, Jonathan Keith Flores, Jil Bongalon, Margarita “Atty. Migs” Nograles, Ernesto Dionisio Jr., Joel Chua, Zia Alonto Adiong, Lordan Suan and Cheeno Miguel Almario.
“A birth certificate is the most basic document a Filipino citizen must have. It is a document which provides the imprimatur of the State that an individual is a Filipino and opens to the individual vast opportunities unavailable to foreigners, such as practicing a profession, pursuit of certain businesses, or even to run for public office,” the bill’s authors wrote in their explanatory note.
The move comes after revelations that thousands of foreign nationals have secured Philippine birth certificates through fraudulent means.
In Davao del Sur alone, more than 1,200 falsified birth certificates were issued by the local civil registrar as of July 2024.
Lawmakers said these schemes likely involved collusion with public officers.
“These foreigners must have gotten aid from public officers from local civil registry offices to secure such falsified birth certificates for consideration,” the bill’s authors said.
Even with enough evidence of fraud, lawmakers noted that current procedures require a judicial order to cancel a birth certificate, a process that can take years.
In the meantime, they said, the fraudulent documents allow foreign nationals to engage in crimes such as illegal drugs, money laundering and human trafficking.
“This sad state of affairs cannot be allowed to continue,” they said.
Under the proposed legislation, a Special Committee on Cancellation of Fraudulent Birth Certificates would be created, chaired by the Philippine Statistics Authority (PSA) Registrar General, with members from the Department of Foreign Affairs, Department of the Interior and Local Government, Department of Justice and Office of the Solicitor General.
The committee would be empowered to investigate complaints, subpoena evidence, and issue decisions on fraudulent birth certificates within 30 days of receiving evidence.
Complaints can be filed by any legal-age citizen or law enforcement agency and must include specific evidence, such as the name of the foreign national, the fraudulent birth certificate’s details and the circumstances of its acquisition.
The foreign national would have 15 days to respond to the complaint, after which the committee would conduct hearings and decide based on substantial evidence.
Decisions would be immediately executory but could be appealed to the Office of the President, which must resolve the appeal within 30 days.
The bill also seeks to penalize public officials and private individuals involved in facilitating fraudulent registrations.
“It is time to put an end to these unlawful activities,” the authors declared. “Being a Filipino citizen should not be so easily acquired or given away by unscrupulous and selfish individuals who only wish to attain Filipino citizenship to fuel their self-interests. Being a Filipino is something that we should always honor and zealously protect.”
This measure follows the filing of two other bills tied to the Quad Comm investigations.
Earlier this month, Quad Comm leaders filed HB 11043, or the proposed “Civil Forfeiture Act,” which seeks to authorize the government to seize real estate unlawfully acquired by foreign nationals, especially those linked to POGOs.
They also filed in October HB 10987, or the “Anti-Offshore Gaming Operations Act,” aiming to institutionalize a nationwide POGO ban, reinforcing President Ferdinand R. Marcos Jr.’s directive to protect public safety and national security from criminal activities linked to POGOs.
The proposed legislation seeks to ban all offshore gaming in the country and impose penalties for violations.
Also last month, the Quad Comm submitted key documents to the Office of Solicitor General (OSG) for potential legal actions against Chinese nationals accused of using fake Filipino citizenship to acquire land and establish businesses in the Philippines.
The mega-panel, composed of the House Committees on Dangerous Drugs, Public Order and Safety, Human Rights and Public Accounts, urged the OSG to fast-track the review and initiate legal actions, including civil forfeiture proceedings, with relevant agencies. (END)
————————
House Quad Comm naghain ng panukala para agarang makansela pekeng birth certificate na gamit ng mga dayuhan
Naghain ang mga lider at miyembro ng Quad Committee ng Kamara de Representantes ng panukalang batas upang magkaroon ng administratibong proseso para mabilis na makansela ang mga pekeng birth certificate na nakuha ng mga dayuhan, kabilang ang mga sangkot sa ilegal na droga at iba pang kriminal na aktibidad na may kaugnayan sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
Ang House Bill (HB) 11117, na kilala rin bilang panukalang “Fraudulent Birth Certificate Cancellation Law,” ay ang ikatlong panukalang batas na bunga ng imbestigasyon ng Quad Committee kaugnay ng mga umano’y kriminal na aktibidad ng mga dayuhan, partikular ang paggamit ng mga huwad na dokumento.
Inihain ang panukalang batas nina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” D. Gonzales Jr.; Deputy Speaker David “Jay-Jay” C. Suarez; mga chairman ng Quad Committee na sina Robert Ace Barbers, Bienvenido Abante Jr., Dan Fernandez, at Joseph Stephen “Caraps” Paduano; at vice chairman ng Quad Committee na si Romeo Acop.
Kabilang din sa mga umakda sa panukala sina Reps. Johnny Ty Pimentel, Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, Rodge Gutierrez, Francisco Paolo Ortega V, Jay Khonghun, Jonathan Keith Flores, Jil Bongalon, Margarita “Atty. Migs” Nograles, Ernesto Dionisio Jr., Joel Chua, Zia Alonto Adiong, Lordan Suan, at Cheeno Miguel Almario.
“A birth certificate is the most basic document a Filipino citizen must have. It is a document that provides the imprimatur of the State that an individual is a Filipino and opens to the individual vast opportunities unavailable to foreigners, such as practicing a profession, pursuit of certain businesses, or even to run for public office,” bahagi ng explanatory note ng mga may akda.
Ang hakbang na ito ay ipinatupad matapos mabunyag na libu-libong dayuhan ang nakakuha ng mga birth certificate sa Pilipinas sa pamamagitan ng pamemeke ng mga dokumento.
Sa Davao del Sur lamang, mahigit 1,200 fake birth certificate ang inilabas ng local civil registrar hanggang Hulyo 2024.
Naniniwala ang mga mambabatas na maaring may sabwatan ang mga ito sa opisyal ng gobyerno.
“These foreigners must have gotten aid from public officers from local civil registry offices to secure such falsified birth certificates for consideration,” ayon pa sa panukala.
Kahit na may sapat na ebidensya ng pandaraya, binanggit ng mga mambabatas na ang kasalukuyang pamamaraan ay nangangailangan ng kautusan mula sa korte upang mapawalang-bisa ang birth certificate, isang proseso na maaaring magtagal ng ilang taon.
Sa kasalukuyan, sinabi nila na ang mga huwad na dokumento ay nagagamit ng mga dayuhan upang makagawa ng mga iligal na aktibidad tulad ng ilegal na droga, money laundering, at human trafficking.
“This sad state of affairs cannot be allowed to continue,” ayon pa sa rito.
Sa ilalim ng panukalang batas, itatatag ang isang Special Committee on Cancellation of Fraudulent Birth Certificates na pamumunuan ng Registrar General ng Philippine Statistics Authority (PSA), at kasaping miyembro mula sa Department of Foreign Affairs, Department of the Interior and Local Government, Department of Justice, at Office of the Solicitor General (OSG).
Kabilang sa mandato ng komite na magsagawa ng imbestigasyon sa mga reklamo, maglabas ng subpoena para sa mga ebidensya, at magbigay ng desisyon ukol sa mga fake birth certificate sa loob ng 30 araw mula sa pagtanggap ng mga ebidensya.
Ang reklamo ay maaring isampa ng sinumang legal-age citizen o ng law enforcement agency at kailangang magbigay ng detalyadong impormasyon at ebidensya tulad ng pangalan ng dayuhan, detalye ng pekeng birth certificate, at kung paano ito nakuha.
Bibigyan ng 15 araw ang foreign national upang sagutin ang reklamo, pagkatapos nito ay magsasagawa ng pagdinig ang komite at magbibigay ng desisyon batay sa ebidensya.
Ang mga desisyon ay agad na ipatutupad, bagama’t maaaring i-apela sa Office of the President, at resolbahin ang apela sa loob ng 30 araw.
Layunin din ng panukalang batas na magpataw ng parusa sa mga opisyal ng gobyerno at mga pribadong indibidwal na nagsabwatan para makakuha ng pekeng dokumento.
“It is time to put an end to these unlawful activities,” the authors declared. “Being a Filipino citizen should not be so easily acquired or given away by unscrupulous and selfish individuals who only wish to attain Filipino citizenship to fuel their self-interests. Being a Filipino is something that we should always honor and zealously protect.”
Ang hakbang ay kasunod na rin ng dalawa pang ibang panukalang batas na may kaugnayan sa mga isinasagawang imbestigasyon ng Quad Committee.
Una ng naghain ang mga lider ng Quad Committee ng HB 11043, o ang panukalang "Civil Forfeiture Act," na naglalayong pahintulutan ang gobyerno na bawiin ang mga ari-arian na ilegal na nakuha ng mga foreign national, lalo na yaong may kaugnayan sa POGO.
Naghain din sila noong Oktubre ng HB 10987, o ang "Anti-Offshore Gaming Operations Act," na naglalayong gawing institusyonal ang pagbabawal sa POGO sa buong bansa, at palakasin ang direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na protektahan ang kaligtasan ng publiko at pambansang seguridad mula sa mga kriminal na aktibidad na may kaugnayan sa POGOs.
Ang panukalang batas ay naglalayong ipagbawal ang lahat ng offshore gaming sa bansa at magpataw ng mga parusa para sa mga paglabag.
Noong nakaraang buwan, nagsumite rin ang Quad Committee ng mga dokumento sa Office of the Solicitor General (OSG) para sa mga posibleng pagsasampa ng kaso laban sa mga Chinese nationals na inaakusahan ng paggamit ng pekeng Filipino citizenship upang makakuha ng lupa at magtayo ng negosyo sa Pilipinas.
Hinimok ng mega-panel, na binubuo ng mga komite sa Kamara ang Dangerous Drugs, Public Order and Safety, Human Rights, at Public Accounts, ang OSG na pabilisin ang pagrepaso at maglunsad ng mga legal na hakbang, kabilang ang mga proseso ng civil forfeiture, katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan. (END)
——————————
‘Mary Grace Piattos’ maliit na piraso palang ng kontrobersya ng OVP confidential fund— Chairman Chua
Ang misteryosong kaso ni “Mary Grace Piattos” ay maliit na piraso lamang umano ng malaking kontrobersya kaugnay ng 158 acknowledgment receipts (AR) na ipinasa ng Office of the Vice President (OVP) upang bigyang katwiran ang paggastos ng P612.5 milyong confidential fund ni Vice President Sara Duterte.
Ito ay ayon kay Manila 3rd District Rep. Joel Chua, chairman ng House Blue Ribbon Committee, na nagsabi na ikinokonsidera ng komite ang pagkuha ng mga penmanship experts upang suriin ang mga sulat sa AR na ginawang katibayan sa pagtanggap ng confidential fund.
Ginastos ng OVP ang kabuuang P500 milyong confidential fund mula Disyembre 2022 hanggang sa ikatlong quarter ng 2023 at P112.5 milyon naman sa DepEd sa unang tatlong quarter ng 2023.
Nauna ng nag-alok ang komite ng P1 milyong pabuya para sa makapagbibigay ng impormasyon upang makilala si “Mary Grace Piattos,” ang pangalan na isinulat sa isa sa mga AR.
Sa isang press conference, sinabi ni Chua na makikipag-ugnayan ang komite sa Philippine Statistics Authority (PSA) upang malaman kung mayroong nakarehistrong Piattos sa kanila.
Ayon kay Chua hindi lamang si “Mary Grace Piattos” ang pinagtutuunan ng pansin ng komite dahil maliit na bahagi lamang ito ng kanilang iniimbestigahan.
“Hindi lang ‘yan ang nakita namin na problema dito. Marami po kaming nakitang problema, isa lamang ‘yan sa nakita namin na problema,” sabi ni Chua.
Ayon kay Chua posibleng nagmadali ang OVP sa pag-liquidate ng confidential fund matapos na maglabas ang Commission on Audit ng Audit Observation Memorandum (AOM).
“Ang theory po namin, parang lumabas ang mga [ARs] noong nilabasan po sila ng AOM ng COA. So because of that, nataranta po sila to justify ‘yung liquidation nila. Nag-produce sila ng maraming [ARs],” paliwanag ni Chua.
Sinabi ni Chua na mayroong mga AR na isinumite ang OVP na hindi akma ang petsa sa paglabas ng confidential fund.
“‘Yung mga stroke po, bagama’t iba-iba ang pangalan, pero ang stroke kung paano pinirmahan ito ay isa lang. Pati po ang ballpen na ginamit, iisa ang tinta. Medyo highly suspicious po ang mga [ARs] na isinumite,” sabi ni Chua.
Kung hindi umano mapatutunayan na totoo ang mga lumagda sa AR ay maaaring sabihin na gawa-gawa lamang ang mga ito.
Ganito rin ang sinabi ni House Assistant Majority Leader at Taguig 2nd District Rep. Amparo Maria “Pammy” Zamora.
“And you know, it’s very simple, ‘yung requirements. It’s just an acknowledgment receipt. It asks for a signature, ng pangalan, ng petsa,” sabi ni Zamora.
“Ang daming [AR] doon na nakita namin—meron walang petsa, merong pirma lang walang pangalan, merong pangalan walang pirma. Merong mali ang petsa, hindi naaayon sa kung kailan ni-release, kung kailan dinisburse,” dagdag pa ni Zamora.
Sinabi ni Zamora na mayroong ding pagkakahawig ang mga sulat kahit na sa iba nakapangalan ang AR kaya posible na iilang tao lamang ang gumawa nito.
“Pare-parehas ang sulat. If you go back to it, talagang ‘yung pagsulat nung mga petsa, iisa lang eh. Iniba lang ‘yung pangalan. Meron nga wala pang pirma,” saad pa ni Zamora.
Nanawagan si Zamora kina Duterte at OVP Special Disbursing Officer (SDO) Gina Acosta na humarap sa pagdinig ng komite upang makapagpaliwanag.
“Napakalaking halaga pero ganito na nga lang ang requirement, hindi pa maitama. Kaya talaga pong, you know, it casts doubt, and that’s why we asked that the VP and the SDO ay magpakita at magpaliwanag naman,” dagdag pa ni Zamora. (END)
————————-
Serbisyo Fair ni PBBM bibisita sa 13 lalawigan sa unang quarter ng 2025
Labing-tatlong lalawigan ang nakatakdang bisitahin ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., ang pinakamalaking serbisyo at convergence caravan ng bansa sa unang quarter ng 2025 upang direktang dalhin ang mahahalagang serbisyo ng gobyerno sa mga komunidad sa buong Pilipinas.
Sa press briefing sa Kamara noong Martes, inihayag ni Deputy Secretary General Sofonias “Ponyong” P. Gabonada ang nakatakdang schedule ng BPSF, kung saan ang serbisyo caravan sa Samar na gaganapin ngayong linggo ang huli para sa taong ito.
"We have Albay, Sorsogon, Camiguin, Quezon, La Union, Tarlac, Pangasinan, Nueva Ecija, Davao Oriental, North Cotabato, Misamis Occidental, Bohol and Aklan lined up for the first quarter of next year," ayon kay Gabonada.
Layunin ng BPSF na magbigay ng iba’t-ibang serbisyo ng gobyerno, kabilang ang tulong pinansyal, mga programang pangkalusugan, suporta sa pabahay, emergency employment, at mga clearance mula sa iba’t ibang ahensya at departamento ng pamahalaan.
Binigyang-diin ni Gabonada ang mas malawak na layunin ng programa. “We are targeting two-thirds of the provinces of the entire country will be served through BPSF.”
Ayon pa kay Gabonada nais ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, ang pangunahing tagapagtaguyod ng serbisyo fair, na gawing isang mahalagang plataporma ang BPSF upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga komunidad na apektado ng kalamidad.
Sinabi pa ni Gabonada ang direktiba ni Speaker Romualdez na palawakin ang mga serbisyo sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.
“The Speaker, Speaker Martin Romualdez, has an instruction already in response to the call of the President na buhusan ng serbisyo iyung mga nasalanta din ng bagyo or various typhoons na dumaan,” saad nito.
Ang mga susunod na serbisyo fair ay hindi lamang tututok sa pamamahagi ng tulong, kundi pati na rin sa mga pangmatagalang pangangailangan para sa pagbangon mula sa epekto ng kalamidad.
“Hindi lamang relief ang kailangan nila. Kailangan nilang i-rebuild iyung bahay nila, kailangan nila ng emergency employment, kailangang matingnan iyung kalagayan ng kalusugan nila, kung may iba pa silang pangangailangan ay dapat naduon iyung full government approach para mas madali silang makabangon,” diin pa ni Gabonada.
Sinabi rin niya na nakapagbigay na ang BPSF ng kinakailangang tulong sa mga lugar na sinalanta ng kalamidad.
“We have been allocated P850 million already. Para sa cash assistance to 170,000 families affected in the Bicol region,” ayon pa kay Gabonada. Dagdag pa niya, nagsimula ang pamamahagi ng tulong noong Nobyembre 13 at nagpapatuloy araw-araw upang matulungan ang lahat ng benepisyaryo.
Bilang karagdagan sa tulong pinansyal, naghatid ang gobyerno ng mahahalagang suplay sa mga apektadong komunidad.
“Masaya po kaming i-announce sa inyo na duon sa 24 trucks na hinatid natin sa Bicol, mostly po nun ay bigas. That’s around 650,000 kilos of rice ang ipamamahagi natin,” saad pa nito, kung saan kabilang din sa mga ioinmahagi ang mga gamit tulad ng damit at de-latang pagkain.
Pinuri naman ni Gabonada ang pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno at mga private partners sa pagbibigay ng mga materyales para sa pagtatayo ng mga bahay at sa muling pagbabalik ng kuryente sa mga lugar na tinamaan ng bagyo.
“Ang NHA together with private partners nila … ay magko-consolidate sila para makabuo ng mga materials, construction materials para maibigay duon sa rebuilding ng houses ng mga nawalan talaga ng bahay,” ayon pa rito.
Binanggit din ng Deputy Secretary General ang nalalapit na BPSF sa Samar, na magsisilbing huling event para sa 2024.
“We are expecting to cater to hundred thousand families for cash assistance. We are targeting around 180,000 beneficiaries across all programs and services,” ayon pa sa pahayag ni Gabonada, kung saan inaasahan aniyag aabot sa kalahating bilyong piso ang halaga ng mga programa at serbisyo.
Para sa mga BPSF ng 2025i, tinukoy ni Gabonada ang mga partkular na serbisyong ibibigay sa mga lugar na napinsala ng kalamidad.
“Sa Albay, it’s a mini BPSF. Medyo yung tinap natin dun yung relevant agencies that can provide rehabilitation to our affected areas kagaya ng DOLE for the emergency employment, DOH for the health programs,” saad pa nito.
Habang ang event sa Samar, mayroon ding mga serbisyo tulad ng pagkuha ng pasaporte, clearance, scholarship, at mga livelihood programs.
“Hopefully we are praying… na sana hindi na masundan [ng bagyo], at kung meron man ay hindi ganun ka destructive,” ayon kay Gabonada. (END)
————————-
Affidavit ni VP Sara hindi sapat, pinahaharap sa House probe
Naniniwala ang mga lider ng Kamara de Representantes na hindi sasapat ang pagsusumite ng affidavit ni Vice President Sara Duterte upang lubusang maipaliwanag ang kuwestyunableng paggamit nito ng P612.5 milyong confidential fund ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) noong 2022 at 2023.
Kaya nanawagan sina House Blue Ribbon Committee Chair Joel Chua (Manila, 3rd District) at Assistant Majority Leader Amparo Maria “Pammy” Zamora (Taguig City, 2nd District) sa Bise Presidente na dumalo sa pagdinig sa Miyerkoles upang makapagpaliwanag.
“Well, ang sabi niya magsa-submit na lang daw po siya ng sworn statement o affidavit, pero kami po ay hopeful na makarating siya dahil tingin namin ‘yung sworn affidavit is not enough,” sabi ni Chua sa isang press conference.
“So paano po namin maitatanong sa kanya ‘yung mga… marami po kasing katanungan nung mga kasama po natin sa komite na gusto rin po namin malinawan,” dagdag pa ng solon.
Sinabi ni Zamora na bagamat tinatanggap ng komite ang sworn affidavit hindi nito mapapalitan ang pagtestigo ng personal upang agarang matugunan ang mga tanong.
“In fact, tinatanggap talaga ng committee, Cong. Joel, ‘yung sworn affidavit. In fact, maganda ‘yun,” saad ni Zamora. “However, you know, if she was able to come here last week, she should be able to go here tomorrow (Wednesday).”
Ipinunto ni Zamora na nakapunta si Duterte noong nakaraang linggo sa pagdinig ng ibang komite kung saan dumalo ang kanyang amang si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nanumpa na magsasabi ng totoo sa imbestigasyon ng madugong war on drugs ng kanyang administrasyon.
“Nagpunta siya, nagulat ako nung dumating ang VP. Sabi ko, ‘Oh, I think she is in the wrong hearing,’ and then it turns out she was there para bantayan ‘yung kanyang father kasi nga daw hindi sumusunod sa mga kasama. That was very kind of her,” ani Zamora.
“Even though she said na hindi siya darating, we hope she’ll arrive tomorrow so that she can answer pertinent questions,” dagdag pa nito.
Sinabi ni Zamora na ang hindi pagdalo ni Duterte ay isang masasayang na pagkakataon upang makapagpaliwanag ito.
“Kasi if she doesn’t arrive and kahit may sworn affidavit siya, she loses her chance na mas mabigyang linaw ‘yung mga issue na ito. Kung kaya naman niyang ipagtanggol ang sarili niya, she should come,” wika pa ni Zamora. (END)
————————-
Kamara nakisimpatya sa mga biktima ng bagyo, simple gagawing pagdiriwang ng Pasko
Isang simpleng pagdiriwang ang isasagawa ng Kamara de Representantes sa pagdiriwang ng Pasko bilang pakikiisa sa mga nasalanta ng bagyo at pakikibahagi sa panawagan ng Office of the Executive Secretary (OES) sa mga ahensya ng gobyerno na iwasan ang marangyang Christmas party.
Ito ang sinabi ni House Deputy Secretary General Sofonias “Ponyong” P. Gabonada sa isang press briefing sa Kamara de Representantes noong Martes.
“Of course we will sympathize sa lahat ng naapektuhan ng recent calamities. In fact, nung November 30, supposedly, may HRep Month tayong celebration. It’s a big gathering supposedly, pero the administration and the leadership of the House and per the appeal of the Speaker, Martin Romualdez, ay kinancel po natin lahat ng mga activities na ‘yon,” sabi ni Gabonada.
Ang bahagi umano ng alokasyon para sa mga aktibidad ay ilalagay sa relief effort ng Kamara, ayon kay Gabonada.
“All the financial cash na available ng activity na ‘yon ay dinonate at binili ng mga relief goods para maibigay doon sa mga lugar na nasalanta ng bagyo,” sabi pa nito.
Ganito rin ang naging sentimyento ni Manila Rep. Joel Chua na nagsabing gagawin ding simple ang pagdiriwang sa kanyang distrito.
“In fact, siguro I would encourage lahat ng mga Congressman pati sa kanilang mga district to do the same, para at least medyo, lalong-lalo na iyung mga distrito na hindi naman nakaranas, para at least to sympathize din naman with the other districts na dumadaan ngayon sa mga pagsubok,” sabi ni Chua.
Iginiit rin ng kongresista ang kahalagahan ng pagiging simple ng pagdiriwang upang mapanatili ang tunay na kahulugan ng Pasko.
“Okay lang naman na mag-celebrate kahit na simple dahil siyempre lahat naman din ito, we have to always remember iyung birth ng ating Panginoon and at the same time iyun na rin iyung way natin para makapag-pasalamat sa Diyos,” saad pa nito.
Ayon naman kay House Assistant Majority Leader at Taguig City Rep. Amparo Maria “Pammy” Zamora palaging simple ang Christmas party sa Kamara.
“Ever since naman mula nung nakaupo ako, never naman talaga kami nagkaroon ng magarbong selebrasyon dito, kahit Christmas party. We always just gather here in the House,” saad pa nito.
“We never really like, never kami lumabas, dito lang sa House, kumakain lang kami. So, it’s always been simple and we assure you that it will be even simpler. Kung pwedeng ‘wag na kaming kumain, go! Gagawin namin,” wika pa niya.
Sinabi ni Gabonada na ang simpleng pagdiriwang ng Pasko ay pakikiisa ng Kamara sa mga nasalanta.
“We are one with the nation to really call for just a simple celebration and to be one with our constituents in various districts, lalo na yung mga Congs natin na lubhang naapektuhan nitong mga bagyo,” wika pa ni Gabonada. (END)
——————————
Kamara nakisimpatya sa mga biktima ng bagyo, simple gagawing pagdiriwang ng Pasko
Isang simpleng pagdiriwang ang isasagawa ng Kamara de Representantes sa pagdiriwang ng Pasko bilang pakikiisa sa mga nasalanta ng bagyo at pakikibahagi sa panawagan ng Office of the Executive Secretary (OES) sa mga ahensya ng gobyerno na iwasan ang marangyang Christmas party.
Ito ang sinabi ni House Deputy Secretary General Sofonias “Ponyong” P. Gabonada sa isang press briefing sa Kamara de Representantes noong Martes.
“Of course we will sympathize sa lahat ng naapektuhan ng recent calamities. In fact, nung November 30, supposedly, may HRep Month tayong celebration. It’s a big gathering supposedly, pero the administration and the leadership of the House and per the appeal of the Speaker, Martin Romualdez, ay kinancel po natin lahat ng mga activities na ‘yon,” sabi ni Gabonada.
Ang bahagi umano ng alokasyon para sa mga aktibidad ay ilalagay sa relief effort ng Kamara, ayon kay Gabonada.
“All the financial cash na available ng activity na ‘yon ay dinonate at binili ng mga relief goods para maibigay doon sa mga lugar na nasalanta ng bagyo,” sabi pa nito.
Ganito rin ang naging sentimyento ni Manila Rep. Joel Chua na nagsabing gagawin ding simple ang pagdiriwang sa kanyang distrito.
“In fact, siguro I would encourage lahat ng mga Congressman pati sa kanilang mga district to do the same, para at least medyo, lalong-lalo na iyung mga distrito na hindi naman nakaranas, para at least to sympathize din naman with the other districts na dumadaan ngayon sa mga pagsubok,” sabi ni Chua.
Iginiit rin ng kongresista ang kahalagahan ng pagiging simple ng pagdiriwang upang mapanatili ang tunay na kahulugan ng Pasko.
“Okay lang naman na mag-celebrate kahit na simple dahil siyempre lahat naman din ito, we have to always remember iyung birth ng ating Panginoon and at the same time iyun na rin iyung way natin para makapag-pasalamat sa Diyos,” saad pa nito.
Ayon naman kay House Assistant Majority Leader at Taguig City Rep. Amparo Maria “Pammy” Zamora palaging simple ang Christmas party sa Kamara.
“Ever since naman mula nung nakaupo ako, never naman talaga kami nagkaroon ng magarbong selebrasyon dito, kahit Christmas party. We always just gather here in the House,” saad pa nito.
“We never really like, never kami lumabas, dito lang sa House, kumakain lang kami. So, it’s always been simple and we assure you that it will be even simpler. Kung pwedeng ‘wag na kaming kumain, go! Gagawin namin,” wika pa niya.
Sinabi ni Gabonada na ang simpleng pagdiriwang ng Pasko ay pakikiisa ng Kamara sa mga nasalanta.
“We are one with the nation to really call for just a simple celebration and to be one with our constituents in various districts, lalo na yung mga Congs natin na lubhang naapektuhan nitong mga bagyo,” wika pa ni Gabonada. (END)
——————————
Pagpatay sa mga lokal na opisyal ng Pampanga pinaiimbestigahan sa Kamara
Pinaiimbestigahan ni Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr. sa Kamara de Representantes ang pagpaslang umano sa mga lokal na opisyal ng kanyang probinsya.
Kasabay nito ay nanawagan si Gonzales sa pulisya na resolbahin ang mga pagpatay at gumawa ng paraan upang matigil ito.
Sa isang privilege speech noong Lunes, sinabi ni Gonzales na maghahain din ito ng resolusyon para sa pagsasagawa ng imbestigasyon.
Ayon kay Gonzales apat na opisyal ng barangay sa San Fernando City at isang konsehal ng Arayat ang pinaslang at isa pang opisyal ng barangay nag nakaligtas sa ambus.
Nangyari umano ito sa pagitan ng Abril 30, 2022 hanggang Nobyembre 12.
“Nakakalungkot isipin na hindi pa man nareresolba ang mga patayan noong 2022 ay patuloy pa ring nangyayari ang mga ganitong klaseng krimen sa aking distrito,” sabi ni Gonzales.
“And I can’t help but think: Are these recent deaths related to illegal activities? Away kaya ito sa negosyo? May kinalaman kaya ito sa (May 2025) eleksiyon?…Ilan pa ba ang mamatay bago kumilos ang lokal na kapulisan?” tanong ng mambabatas.
Nanawagan ang kongresista sa kapulisan na resolbahin ang mga pagpatay at bigyan ng hustisya ang mga biktima.
“The perpetrators must be exposed and should be punished within the full extent of the law. Their conviction shall provide the victims’ family with closure and shall allow them to begin to heal and mourn the loss properly,” sabi nito.
Ayon sa mambabatas 16 na beses na pinagbabaril si Barangay Captain Alvin Mendoza ng Alasas, San Fernando noong Abril 30, 2022.
Noong Disyembre 28, 2022 naman pinaslang si Barangay Captain Jesus Liang ng Sto. Rosario, San Fernando City, habang naglalakad sa palengke.
Pinaslang naman ang dating board member at Pampanga Liga ng mga Barangay President na si Gerome Tubig noong Abril 17, 2023 sa tapat ng VL Makabali Memorial Hospital isa San Fernando City.
Makalipas ang isang taon, noong Hunyo 11, 2024 ay pinaslang naman si Barangay Captain Matt Ryan de la Cruz at drayber nitong si Henry Aquino sa gaslinahan sa Del Pilar, San Fernando City.
Noong Agosto 11, 2024 ay pinaslang naman si Barangay Captain Norberto “Mel” Lumbang ng Laquios, Arayat sa loob ng barangay hall.
Pinagbabaril naman si Arayat, Pampanga Councilor Federico Hipolito noong Nobyembre 12. Sugatan ang kanyang kasama na si Brgy. Captain Julito Trinidad ng Barangay Batasan.
“As usual, the police have yet to determine the motive for the attack,” sabi ni Gonzales.
Nanawagan ang kongresista sa kanyang mga kapwa mambabatas na suportahan ang kanyang panawagan na imbestigahan ang “senseless and unresolved killings” sa kanyang distrito.
“Justice may have many faces, but in the end, I believe it’s primarily about accountability,” sabi nito.
Nangako si Gonzales sa pamilta ng mga biktima na hindi ito titigil hanggang sa mabigyan ng katarungan ang pagkamatay ng mga biktima. (END)
—————————
Kaarawan ni Dr. Jose Rizal gagawing special working holiday aprub sa Kamara
Aprub sa Kamara de Representantes na gawing special working holiday ang Hulyo 19, ang kaarawan ni Dr. Jose Rizal.
Ang House Bill (HB) No. 10958, na inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara sa botong 175 pabor, walang tutol, at dalawang abstention ay tatawaging “Araw ng Kapanganakan ni Dr. Jose P. Rizal.”
“By institutionalizing the commemoration of Dr. Jose Rizal's birth anniversary, we ensure that future generations of Filipinos will continue to remember and draw inspiration from his legacy of patriotism, intellectual excellence, and unwavering dedication to the Filipino people,” ani Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.
“This bill reflects our commitment to preserving and celebrating our rich national heritage,” dagdag pa nito.
Ang panukala ay pangunahing akda nina Representatives Jose Alvarez, Gloria Macapagal-Arroyo, Lordan Suan, Wilbert “Manoy” Lee, Anna Victoria Veloso-Tuazon, Ysabel Maria Zamora, at Edward Vera Perez Maceda.
Si Rizal, na itinuturing na isa sa mga unang reformist intellectual ng Asya, ay ipinanganak noong Hunyo 19, 1861 sa Calamba, Laguna.
Siya ay kilala bilang nanguna sa paghihimagsik laban sa mga kastila gamit ang kanyang nobelang “Noli Me Tangere” at “El Filibusterismo.” (END)
——————————
Libreng paghahatid ng relief goods sa mga nasalantang lugar pasado na sa Kamara
Pinagtibay ng Kamara de Representantes sa huling pagbasa ang House Bill (HB) No. 10924 o ang “Free Transportation of Relief Goods Act” na nag-aatas na gawing libre ang freight services para sa pagbiyahe ng mga relief goods at donasyon sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.
Layon ng panukala na resolbahin ang pagkaipit at pagkabalam ng disaster response sa pamamagitan ng pagtiyak na mabilis na makakarating ang mga relief goods sa nasalantang komunidad.
“This legislation creates a vital partnership between government and the private logistics sector, requiring free freight services for relief goods while providing tax incentives to participating carriers,” sabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.
“By eliminating transportation costs and streamlining the delivery process, we can ensure that aid reaches disaster victims when they need it most,” dagdag pa ng lider ng Kamara.
Pumabor ang 182 kongresista sa pag-apruba sa HB No. 10924 sa ikatlong pagbasa sa sesyon nitong Martes.
Oras na maging ganap na batas, aatasan ang National and Regional Logistics Cluster na pangungunahan ng Office of Civil Defense (OCD), katuwang ang Department of Transportation (DOTr) kasama ang Philippine Postal Corporation (PPC), freight companies, common carriers, private carriers, freight forwarders, at iba pang kompanya na nagbibigay ng logistic services sa Pilipinas na ilibre ang freight services sa mga rehistradong organisasyon na magbibigay ng relief operations sa mga sinalantang lugar.
Aalisin na rin ang shipping auxiliary costs tulad ng arrastre services, pilotage, at iba pang port charges, pati airport-related fees.
Para naman mahimok ang pribadong sektor na makibahagi, magbibigay ng 100 porsyentong tax deduction mula sa gross income para sa gastusin sa libreng freight services, kasama ang sweldo at allowance ng mga may kinalaman sa pagbiyahe ng relief goods.
Titiyakin naman ng National and Regional Disaster Risk Reduction Management Councils, sa pamamgitan ng kanilang Response Clusters, ang mabilis na pagbiyahe ng tao, kalakal at kagamitan sa mga apektadong lugar at kaukulang ahensya sa pakikipagtulungan sa mga lokal na otoridad, port authorities, at mga organisasyon na may kahalintulad na mandato at responsibilidad.
Kabilang sa pangunahing may akda ng panukala sina Representatives Florida “Rida” Robes, Rosanna “Ria” Vergara, Luis Raymund “LRay” Villafuerte Jr., Harris Christopher Ongchuan, Paolo Duterte, Eric Go Yap, Edvic Yap, Gus Tambunting, Jane Castro, Steve Chiongbian Solon, Noel “Bong” Rivera, Jurdin Jesus Romualdo, Camille Villar, Lani Mercado-Revilla, Eduardo Rama Jr., Joseph Gilbert Violago, Alan Ecleo, Anthony Rolando Golez Jr., Zia Alonto Adiong, Ma. Cynthia Chan, Olga “Ara” Kho, Dante Garcia, Edsel Galeos, Joey Sarte Salceda, Milagros Aquino-Magsaysay, Sergio Dagooc, Rufus Rodriguez, Peter John Calderon, Luisa Lloren Cuaresma, Michael Gorriceta, Rodolfo “Ompong” Ordanes, John Tracy Cagas, Roy Loyola, Midy Cua, at Teodorico Haresco Jr. (END)
———————-
Kamara inaprubahan 50% na diskwento sa remittance fee ng OFW
Sa botong 174 na pabor, inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa ng Kamara de Representantes ang panukalang batas na naglalayong proteksyunan at bigyan ng malaking diskwento ang money remittance ng mga overseas Filipino worker sa kanilang pamilya dito sa bansa.
Nagkasundo ang mayorya ng mga mambabatas na pagtibayin ang House Bill (HB) No. 10959 o ang Overseas Filipino Workers Remittance Protection Act, na magbibigay sa mga OFW ng 50% diskwento na remittance fee kung idaraan ito sa bangko o non-banking institutions.
Kada taon, umaabot ang halaga ng remittances na ipianpadala ng mga OFW ng hanggang $30 billion—pang apat sa pinakamalaki sa mundo kasunod ng India, Mexico at China—at siyang tumutulong sa paglago ng ekonomiya loob ng ilang dekada.
“This is one way of showing our unsung heroes, our more than 10 OFWs across the globe, that we really care for them, and we have the compassion to help them lighten their burden for all their sacrifices, being the breadwinners of their families,” ani Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez
Ang panukala ay pangunahing iniakda ni Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. (Pampanga third district), at dinipensahan sa pelnaryo nit House Assistant Majority Leader Jude Acidre (Tingog party-list), tagapangulo ng House Committee on Overseas Workers Affairs.
“This provides incentives to encourage remittance centers to grant the discount. The centers may claim the discounts granted as tax deductions based on the cost of services rendered to OFWs to be treated as ordinary and necessary expense deductible from their gross income,” ani Acidre.
Nakapaloob sa panukala na lahat ng bangko at non-bank financial intermediaries, ay pagbabawalan na magtaas ng kanilang kasalukuyang remittance fee nang walang konsultasyon sa Departments of Finance (DOF), of Migrant Workers (DMW) at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Sakop nito ang lahat ng remittance ng mga OFW, boluntaryo man o salig sa batas, kautusan, panuntunan at regulasyon.
Inilatag din dito ang mga ipiangbabawal na gawain na papatawan ng pagkakakulong ng anim na buwan hanggang anim na taon at multa na P50,000 at hindi hihigit sa P750,000.
Kabilang sa mga ipinagbabawal ang:
A) Maling paggamit o conversion, na magdudulot ng pinsala sa OFW o benepisyaryo, ng mga foreign exchange remittances na natanggap sa tiwala, o sa komisyon, o para sa pangangasiwa, o sa ilalim ng iba pang obligasyon bilang bahagi ng tungkuling paabot, o ibalik, o pagtanggi na nakatanggap ng naturang foreign exchange remittance,
B) Pagkuha ng foreign exchange remittances nang walang pahintulot ng OFW o benepisyaryo,
C) Pagpapataw ng mga bayarin sa remittance na lampas sa mga itinakda sa batas na ito,
D) Pagkabigong ipaskil sa nakikitang lugar ang halaga sa Philippine Peso ng foreign currency na sakop ng transaksyon ; at,
E) Pagkabigong magsagawa ng konsultasyon sa DOF, BSP at DMW bago itaas ang mga bayarin sa remittance. (END)
——————————
Kamara pinagtibay libreng financial education sa mga OFW
Bilang tanda ng dedikasyon na protektahan at bigyang-kapangyarihan ang mga makabagong bayani, inaprubahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso nitong Martes, sa ikatlo at huling pagbasa, ang House Bill (HB) No. 10914, o ang “Free OFW Financial Education Act.”
“This landmark legislation ensures that our overseas Filipino workers (OFWs) and their families will receive free comprehensive financial education, equipping them with the knowledge and tools they need to secure their financial future,” ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.
“Through mandatory financial literacy training integrated into pre-departure and post-arrival seminars, along with online resources for OFW families, we are creating a support system that will help OFWs maximize their hard-earned income and protect them from financial scams and pitfalls,” ayon pa sa pinuno ng Kamara.
Sa botong 179, pinagtibay ng Mababang Kapulungan sa ikatlo at huling pagbasa ang HB No. 10914, na nagtatakda ng pagsasailalim ng mga OFW sa updated financial education o literacy training seminars bilang bahagi ng kanilang Pre-Departure Orientation Seminars (PDOS) at Post-Arrival Training Seminars (PATS).
Ang panukalang batas ay nagbibigay din ng opsyon sa mga Pilipinong marinong nagtatrabaho sa ibang bansa na dumalo sa mga seminar sa kani-kanilang points-of-hire o o sa loob ng naaangkop na panahon matapos ang kanilang pagbabalik sa bansa.
Habang ang mga pamilya ng OFW ay magkakaroon din ng pagkakataong matuto ng edukasyong pinansyal sa pamamagitan ng mga online seminar at iba pang naaangkop na pamamaraan.
Sa ilalim ng HB 10914, tungkulin ng Department of Migrant Workers at iba pang ahensya ng gobyerno na magturo sa mga OFW at kanilang mga pamilya hinggil sa mga isyu tulad ng consumer protection, protection on mortgaged or collateralized properties, pag-iwas sa mataas na interes sa mga pautang o pagkakautang, at credit information sa micro at small-scale enterprises para sa mga nagpapautang at matulungan silang magkaroon ng mas maayos na pamamahala ng kanilang pera at negosyo.
Ang programa ay naglalayong magbigay ng edukasyon at kaalaman sa mga OFW at kanilang pamilya tungkol sa iba’t ibang aspeto ng pamamahala sa pananalapi kabilang na dito ang obligasyon at kontrata, credit transactions, interests, pledges, mortgages, guarantees, at kaalaman tungkol sa mga financial products tulad ng stocks, bonds, insurance, at mutual funds.
Kabilang sa mga pangunahing may-akda ng panukalang batas sina Representatives Joey Salceda, Salvador Pleyto, Ralph Wendel Tulfo, Jocelyn Tulfo, Erwin Tulfo, Edvic Yap, Eric Yap, Jude Acidre, Ron Salo, Danny Domingo, Presley De Jesus, Lex Anthony Colada, Glona Labadlabad, Yedda Marie Romualdez, Kristine Tutor, Julienne “Jam” Baronda, Raymond Democrito Mendoza, at Marissa “Del Mar” Magsino.(END)
—————————
Cong. Zaldy Co nagpasalamat kay Speaker Romualdez sa mabilis na pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo sa Bicol
Nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat si Ako Bicol Party-List Rep. Elizaldy S. Co kay House Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa kanyang pamumuno sa mahalagang relief efforts para sa mga Bicolanong nasalanta ng sunod-sunod na kalamidad, kasama na ang Super Typhoon Pepito.
“Ang mabilis at maagap na aksyon ni Speaker Romualdez ay patunay ng kanyang malasakit at dedikasyon sa ating mga kababayang nangangailangan. Ang relief efforts na ito ay isang malaking tulong para sa mga kababayan ko sa Bicol na nasalanta, lalo na sa mga taga-Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, at Catanduanes na matinding naapektuhan,” ayon kay Co, isang ipinagmamalaking anak ng Bicol.
Ang inisyatibang “Tabang Bikol, Tindog Oragon” ay naghatid ng 24 na trak ng mga relief goods at P750 milyon na financial aid para sa mga apektadong pamayanan sa Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, at Catanduanes.
“This comprehensive relief operation demonstrates the power of unity and bayanihan. Lubos ang aking pasasalamat sa ating Speaker at sa lahat ng tumulong upang maisakatuparan ito,” ayon pa kay Co, chairman ng House Appropriations Committee.
Sinabi ng mambabatas na tubong Bicol na ang inisyatiba ay hindi lamang nakatuon sa agarang tulong kundi nagbibigay-diin din sa pangmatagalang pagbangon. Pinuri niya ang maayos na koordinasyon ng mga ahensya ng gobyerno, tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), at mga private donor sa pagtugon sa kagya’t at pangmatagalang pangangailangan ng mga apektadong pamilya.
“Napakahalaga ng mga ganitong programa na hindi lang nagbibigay ng agarang tulong, kundi nagtatayo rin ng pundasyon para sa muling pagbangon ng mga komunidad. Ako, bilang kinatawan ng mga Bicolano, ay patuloy na makikipagtulungan upang matiyak na maabot ang bawat nangangailangan,” pahayag ni Co.
Ang mga relief efforts ay kinabibilangan ng pamamahagi ng financial assistance sa mahigit 150,000 benepisyaryo simula Nobyembre 18 sa ilalim ng AICS (Assistance to Individuals in Crisis Situations) program ng DSWD, paghahatid ng kinakailangang suplay sa mga apektadong lugar, at ang pagsasagawa ng Mini-Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF) sa Nobyembre 21 sa mga pangunahing lugar sa Bicol.
Muling tiniyak ni Co ang kanyang patuloy na pakikipagtulungan kay Speaker Romualdez at Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang matiyak na matatanggap ng mga apektadong pamilya ang nararapat na suporta.
“Layunin natin ay hindi lamang ang maibalik ang normal na pamumuhay ng ating mga kababayan kundi ang masigurado na sila’y mas handa sa mga hamon ng hinaharap. Tiwala akong sa tulong ng pagkakaisa, kaya nating malampasan ito,” saad ni Co.
Ang “Tabang Bikol, Tindog Oragon” ay isang patunay ng pagsisikap ng gobyerno na mapabuti ang kalagayan ng mga Pilipino at tiyakin na walang maiiwan sa kanilang muling pagbangon mula sa epekto ng kalamidad. (END)
—————————
Pagbibigay ng bank waiver ginawa ni Duterte under oath, dapat tuparin— Ortega
Dapat umanong asahan ng Quad Committee ng Kamara de Representantes ang pagbibigay ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ng waiver ng Bank Secrecy law dahil ginawa nito ang pangako matapos manumpa na magsasabi ng totoo, ayon kay House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union.
“Duon sa waiver, nakita nyo naman po, paiba-iba po ‘yung sagot tungkol sa waiver,” ani Ortega, isang miyembro ng Young Guns ng Kamara, sa isang pres briefing ngayong Lunes.
“Nagbitaw siya (Duterte) under oath so inaabangan lahat ‘yan,” dagdag pa ng kongresista.
Ipinunto rin ni Ortega ang paiba-ibang pahayag ni Duterte na noong una ay payag na payag na magbigay ng bank waiver pero kinakaunan ay sinabi na kailangan muna nitong konsultahin ang kanyang misis dahil joint account umano nila ito.
“Nung una, mag-execute ng waiver. Nung mayroon na tayong ginawang waiver sa Quad, magpapaalam sa asawa,” sabi ni Ortega.
Ipinunto naman ni Ortega na ang joint account ay kina Duterte at Vice President Sara Duterte at hindi siya at sa kanyang asawa, batay sa testimonya ni dating Sen. Antonio Trillanes IV.
Ayon kay Ortega nag-iiba ang sagot ni Duterte.
“Iba-iba po ‘yung sagot don sa 2nd floor, iba sagot sa hagdanan, pagdating po sa ground floor iba na naman po yung sagot,” paliwanag ni Ortega.
Sa kabila nito, sinabi ni Ortega na babantayan ng komite ang magiginga aksyon ni Duterte dahil ginawa nito ang pangako na magbibigay ng waiver matapos na manumpa na magsasabi ng totoo sa pagdinig.
Sinabi ng solon na naghahanda na ang Quad Comm upang maging maayos ang susunod nitong pagdinig.
“Sa Quad po, inaayos pa para sa next hearing mag-uusap usap po muna siguro yung members ng Quad para po ilatag ng maayos yung next na hearing,” sabi pa nito.
Ang mga susunod na hakbang ng Quad Comm ay mahalaga sa gitna ng mga tanong kaugnay ng pagkakaroon ng transparency at accountability ng dating Pangulo. (END)
————————
P1M pabuya alok ng Kamara para mahanap confidential fund recepient na si ‘Mary Grace Piattos’
Nag-alok ng P1 milyong pabuya ang mga lider ng Kamara de Representantes para sa sinuman na makapagbibigay ng impormasyon para mahanap si “Mary Grace Piattos”, isa sa mga tumanggap ng confidential fund ni Vice President Sara Duterte.
Inanunsyo nina Assistant Majority Leader Jay Khonghun ng Zambales at Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ang pabuya sa isang pulong balitaan nitong Lunes, kasabay ng panawagan sa publiko na tumulong upang mahanap si Piattos.
“Kami sa Blue Ribbon Committee at Quad Committee, aming binibigyan ng importansya na kailangan dumating ‘yung mga ipinatawag natin, lalong-lalo na pati ‘yung mga pumirma sa acknowledgment receipts,” ani Khonghun.
“So nag-usap-usap kami, boluntaryo, na magbibigay kami ng pabuya na P1 milyon sa kung sinumang makakapagsabi o makakapagbigay ng impormasyon kung sino si Mary Grace Piattos,” dagdag pa niya.
Naging tampulan ng komento ng publiko at katatawanan si “Mary Grace Piattos” dahil sa tila pinagsama itong pangalan ng kilalang kainan at brand ng sitsirya. Ngunit para sa mga mambabatas ito ay isang seryosong usapin.
Sabi ni Khonghun, si Piattos ang nakatanggap ng pinakamalaking porsyento sa sinasabing confidential fund na ginastos ng Office of the Vice President (OVP) noong Disyembre 2022.
“Si Mary Grace Piattos kasi ‘yung may pinakamalaking nakuha dun eh,” ani Khonghun. “We want to set an example, we want to know the truth. Kasi it follows na ‘pag wala si Mary Grace Piattos, sigurado halos lahat ng tao na naandun is fictitious na.”
Sentro ng kontrobersiya ang 158 na acknowledgment receipts na inilakip sa liquidation reports na isinumite ng OVP sa Commission on Audit (COA).
Naniniwala ang mga mambabatas na ang naturang mga resibo ay gawa-gawa lang at minadali para bigyang katwiran ang paggamit sa P125 milyon na confidential funds na ginastos sa loob lamang ng 11 araw.
Ikinumpara pa ni Khonghun ang bilis ng liquidation sa pamosong pork barrel scam ng negosyanteng si Janet Lim Napoles.
“Ang pondo ay nagastos ng 11 days, mas mabilis pa,” sabi ni Khonghun. “Sabi nga natin kung si Napoles, 60 days niya nagastos ‘yung pondo, ito 11 days lang.”
Pinuna naman ni Ortega ang mga gawa-gawang pangalan at magkakaparehong sulat kamay sa mga resibo.
“Napakadami na pong imbitasyon lalo sa mga sumusunod sa ating hearings. We’ve been lenient enough na bigay ng imbitasyon, may orders na for the resource person. It’s about time they attend and explain ang mga anomalya na nangyayari,” sabi ni Ortega.
Dagdag pa niya: Sabi nga ni Congressman Jay, isama mo na rin si Chippy McDonald. Sino pa ba ‘yung mga fictitious na tao na na-mention? Siyempre ang pinakasikat na na-mention si Mary Grace Piattos na patuloy po nating hinahanap para po maipaliwanag ‘yung mga acknowledgment receipt.”
Sinisiyasat ng House Blue Ribbon Committee, o Committee on Good Government and Public Accountability, kung paano ginastos ang kabuuang P612.5 milyong confidential fund ng OVP at Department of Education (DepEd) noong 2022 at 2023.
Una ng sinabi ni 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez na ang mga resibo ay “spurious and bogus,” dahil sa mga magkakaparehang sulat kamay, hindi makatotohanang petsa at hindi malinaw na mga detalye.
Kinuwestyon pa nito kung bakit may mga resibo na ang petsa ng paggastos ay Nobyembre 2022 gayong Disyembre 2022 lang nailabas ang pondo.
Sinegundahan ito ni Antipolo City 2nd District Rep. Romeo Acop na pinuna ang mga detalyeng nakapaloob sa resibo kasama na nga ang pangalang “Mary Grace Piattos.”
Sabi ng mga mambabatas na ang P1 milyong pabuya ay pagbibigay diin sa kahalagahang maresolba ang isyu at mapanagot ang sangkot sa maling paggasata ng pondo ng bayan.
“Kung sino ang makakapagturo para malaman natin kung sino ang makakatukoy ng pagkatao ni Mary Grace Piattos at matutulungan tayo na maiharap siya sa hearing kasi gusto naming malaman kung may katotohanan ba ‘yung katauhan ni Mary Grace Piattos,” wika ni Khonghun
Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Komite at desidido ang mga mambabatas na malaman ang katotohanan at maibalik ang tiwala ng publiko sa proseso ng pamahalaan. (END)
—————————
Young Guns tinutulan pagtataas ng OVP badyet
Mariing tinutulan ng mga lider ng “Young Guns” ng Kamara de Representantes ang panukala ni Sen. Sherwin Gatchalian na dagdagan ang inaprubahang P733-milyong badyet ng Office of the Vice President (OVP) para sa 2025.
Iginiit ng mga kongresista ang kawalan ng malinaw na paliwanag kung papaano ginastos ng OVP ang mga badyet na ibinigay dito at nagbabala laban sa mga “budol” na taktika na upang maloko at malito ang publiko.
Sinabi ni Sen. Sherwin Gatchalian na may mga pag-uusap tungkol sa pagdaragdag ng pondo ng OVP na pinamumunuan ni Vice President Sara Duterte upang makapagbigay umano ito ng tulong sa mga nangangailangan.
Pinuna rin nina House Deputy Majority Leader Paolo Ortega ng La Union at Assistant Majority Leader Jay Khonghun ng Zambales ang pabago-bagong posisyon ng OVP kaugnay ng panukala nitong badyet.
Ayon sa mga mambabatas, nauna ng sinabi ng OVP na bahala na ang Kongreso na magdesisyon kung magkano ang alokasyon na ibibigay nito sa ahensya. Subalit ngayon ay humihingi na umano ang OVP ng pagtaas, ayon kay Gatchalian.
“Parang paiba-iba ‘yung statement, Before they (OVP) told the House na bahala na po ang House of Representatives saka Senate kumbaga doon sa hatol sa budget nila, pero ngayon parang nag-iiba ‘yung statement,” ayon kay Ortega.
Iginiit ni Ortega na ang mga regional office ng mga ahensya tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Health (DOH) ay handa at may sapat na kakayahan upang magbigay ng tulong na sinasabing dahilan ng hinihinging karagdagang pondo ng OVP.
“Naka-setup naman po ang mga regional agencies natin eh, so maiiwasan pa nga na may duplication [of functions],” saad nito.
Dagdag pa ng kongresista: “Pero paiba-iba ang statement. Siguro sinusubukan nilang ibudol-budol ‘yung mga iba dyan para ma-confuse para, ewan ko, parang gusto nila na maawa sa kanila. Mahirap na rin kasing paniwalaan dahil ‘yun nga parang budol-budol statement na naman eh.”
Nanindigan ang mambabatas na kumakatawan sa unang distrito ng La Union na hindi naipresenta ng maayos ng OVP ang mga programa nito sa mga pagdinig ng budget sa Kamara, na nagdulot ng pagdududa sa kredibilidad nito.
“Nakita po natin na hindi maipaliwanag ang mga programa na nilatag nila dito sa House of Representatives,” paliwanag ng mambabatas. “Noong nakita namin na hindi maipaliwanag, wala naman pong gustong magpaliwanag, wala naman pong kaukulan na, sabi nga nila, ‘ika nga resibo na makita. Ano naman ang gagamitin mong rason para ituloy ang budget na iyon kung underutilized sya o hindi man lang nagamit ng maayos?”
Panawagan naman ni Khonghun ang mas mahigpit na pananagutan bago pag-isipan ang pagdagdag ng pondo.
Ipinunto niya ang diumano’y kakulangan ng transparency sa paggamit ng OVP ng ₱500 milyong confidential funds, na kasalukuyang iniimbestigahan sa Kongreso.
“Kailangan ng transparency and accountability sa lahat ng budget at pondo na ibinibigay ng ating pamahalaan,” ayon kay Khonghun.
“Nakita naman natin ngayon ‘yung pag-iwas ng Office of the Vice President, ni VP Sara, sa accountability at transparency kung paano nila ginagamit ‘yung pondo. So papaano pa natin sila pagkakatiwalaan?” Giit pa ng kongresista.
Tinukoy din ni Khonghun ang nagpapatuloy na kontrobersiya tungkol sa mga alegasyong pekeng benepisyaryo sa mga liquidation document ng OVP, kabilang na ang sinasabing “Mary Grace Piattos.
“Ayaw na natin magkaroon ng iba pang Mary Grace Piattos at Chippy McDonald (social media) sa mga liquidation report at mga acknowledgment receipt,” saad nito.
“Binibigyan na natin ng pagkakataon si VP Sara na makaiwas sa katiwalian at anomalya na kinakaharap niya ngayon,” diin nito.
Nauna nang sinang-ayunan ng Senado ang pasya ng Kamara na bawasan ng P1.3 bilyon ang 2025 budget ng OVP, mula sa orihinal na hinihinging P2.03 bilyon at ibinaba ito sa P733 milyon.
Binanggit din ng Senado ang kawalan ng mga kaukulang dokumento mula sa OVP bilang pangunahing dahilan ng kanilang desisyon na panatilihin ang badyet na ibinigay ng Kamara.
Ang pagsang-ayon ng Senate Finance committee sa ginawang pagbawas ng Kamara ay nagpapatibay umano sa ginawang masusing pagsusuri ng Kamara sa badyet at nagbibigay-katwiran sa desisyon nitong ilipat ang bahagi ng pondo ng OVP sa DSWD at DOH.
Ang suporta ng magkabilang panig sa pagbawas ng budget na ito ay nagpapakita ng pagkadismaya ng parehong kapulungan dahil sa sinasabing kawalan ng transparency at kooperasyon ni Vice President Duterte at ng kanyang opisina. (END)
——————————
Trillanes isang tunay na ‘fiscalizer;’ hindi ‘attack dog’ ng Malacañang— solon
Pumalag ang isang lider ng Young Guns ng Kamara de Representantes sa pahayag ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ‘attack dog’ ng Malacañang si dating Sen. Antonio “Sonny” Trillanes IV.
Ayon kay House Deputy Majority Leader Paolo Ortega V si Trillanes ay isang tunay na “fiscalizer.”
Ayon kay Ortega mula pa noong 2016 ay mayroon ng tensyon sa pagitan ni Duterte at Trillanes kaya hindi na umano nakakapagtaka ang bintang ng dating Pangulo.
“Actually … first time ko ma-meet si former Senator Trillanes nung hearing po sa Quad-Com and consistent naman po yata ang reputation niya na he has been a fiscalizer ever since,” ani Ortega
Sabi pa niya, kilala na si Trillanes na kritikal sa mga opisyal ng gobyerno, kahit noong ito ay senador pa.
Pinabulaanan din ni Ortega na pakawala ng Malacañang si Trillanes, patunay aniya dito ang mga independent na imbestigasyong ikinasa niya noong senador pa.
“But I doubt if he's an attack dog or … an attack dog of Malacañang. Nakita ko nga rin po iyung interview with our Executive Secretary parang di na lang po niya pinatulan,” saad ni Ortega.
Tinukoy din ng kongresista mula sa La Union na matagal ng may alitan sina Duterte at Trillanes.
“Alam naman natin na ika nga may rivalry sila ng dating Pangulo. So siguro ito part ano ito, anong part na ba ito? Part three na siguro nung rivalry nila,” aniya.
Sinabi naman ni House Assistant Majority Leader Jay Khonghun ng Zambales, isa ring lider ng Young Guns, na pinasinungalingan mismo ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang alegasyon ni Duterte.
“Nagbigay na po ng statement ang ating Executive Secretary at sinabi nga po niya na ito ay isang kahibangan, iyung kanyang statement na iyun,” ani Khonghun.
“Alam naman natin iyung issue ni former Sen. Trillanes since 2016 pa, bago pa naging president si former President Duterte sinasabi na ni Sen. Trillanes,” saad pa niya.
“I think valid lang na kailangan din niyang sagutin iyung mga issue sa kanya lalung-lalo na iyung mga pinaparatang, sinasabi ni Sen. Trillanes sa kanya.”
Pagdating naman sa posibilidad ng paghahain ng kaso laban kay Duterte dahil sa ipinatupad nitong giyera kontra iligal na droga kung saan libo-libo ang nasawi, sinabi ni Khonghun na maaaring maghain ng kaso ang Department of Justice (DOJ) batay sa mga ebidensyang nakalap ng Quad Comm.
“Meron po tayong tamang departamento na nakakaalam at haharap patungkol sa responsibilidad ng dating (dating) Pangulo. Nandiyan po ang ating DOJ at sinabi na nga po nila Sec. [Crispin] Remulla na tinitingnan nila kung ano iyung mga kaso na pwedeng kaharapin ng ating dating pangulo,” ani Khonghun.
Mahalaga aniya na maging patas ang DOJ sa pagtalakay sa naturang usapin lalo na ang mga binitiwang pahayag ni Duterte ukol sa ipinatupad na madugong laban kontra iligal na droga na siyang sinisiyasat din ngayon ng International Criminal Court kaugnay sa mga paglabag sa crimes against humanity.
Mahalaga naman ani Ortega na ipagpatuloy ang pag-dinig para masuri ang mga posibleng ligal na hakbang.
“Hindi pa naman po tapos iyung mga hearings, so talagang kailangan po nating puliduhin. Alam naman po natin hindi naman, we're taking steps, pero we have to understand that all of this is in aid of legislation,” sabi niya
Sabi ni Khonghun na ang pinakahuling pag-dinig ng Komite ay nagbigay daan para maisiwalat sa publiko ang mga isyu tungkol kay Duterte kasama na ang posibleng katiwalian.
“At least nabigyan ng pagkakataon yung mga nagrereklamo, yung may mga issue sa kanya, na harapin ang dating pangulo ng diretso,” aniya
Importante na hayagan itong mapagusapan upang mabigyang linaw ang mga kontrobersiya na kinahaharap ng dating pangulo.
Sinagot din ng mga mambabatas ang pahayag ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez, na sinabing maaari pa muli tumakbo sa pagpapangulo si Duterte sa 2028 dahil wala naman aniyang nakasaad sa 1987 Constitution na nagbabawal sa isang dating pangulo na tumakbo para sa isang non-consecutive term.
“Si Presidente po ang tatakbo ulit, si ex-President Duterte? Good luck po,” reaksyon ni Ortega sa pahayag ni Alvarez
“God bless.” Maikling tugon naman ni Khonghu. (END)
—————————
Speaker Romualdez pinagtibay pagpapalakas ng ugnayan, kalakalan ng bigas ng Pilipinas at Cambodia
Nakipagpulong si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kay Cambodian Prime Minister Hun Manet ngayong Lunes upang itaguyod ang pagpapalakas ng kooperasyon ng dalawang bansa sa kalakalan ng bigas, turismo, seguridad, at depensa.
Binigyan-diin ni Speaker Romualdez ang pangangailangan na matiyak na matatag ang suplay ng bigas at abot-kaya ang presyo nito lalo na at ang Pilipinas ay madalas tamaan ng bagyo at iba pang problema na dulot ng pababago-bagong klima na nakakaapekto sa sektor ng agrikultura.
Bago tumulak patungong Cambodia, pinangunahan ni Speaker Romualdez ang pinagsamang pagsisikap ng Kamara de Representantes at ng Department of Social Welfare and Development, sa paglulungsad ng “Tabang Bikol, Tindog Oragon”, kung saan 24 na trak ng mga relief goods at P750 milyong halaga ng financial aid ang ipamamahagi sa mga biktima ng bagyo sa Bicol region.
"Collaborating with Cambodia, a leading rice exporter, will help us secure a steady supply of this vital commodity. Strengthening our food security not only protects Filipino families but also ensures our resilience in the face of extreme weather events," ayon kay Speaker Romualdez.
Binanggit niya na kahit tumataas ang lokal na produksyon ng bigas, kinakailangan pa rin ng Pilipinas na mag-angkat upang mapanatili ang matatag ang suplay. Pangunahing umaangkat ang bansa sa Vietnam at Thailand.
Sa nakaraang bilateral meeting sa pagitan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Cambodian Prime Minister Hun Manet sa sidelines ng ASEAN-Australia Special Summit sa Melbourne noong Marso 2024, binanggit ni Speaker Romualdez na nagkasundo ang dalawang bansa na palakasin ang kalakalan ng bigas sa pagitan ng Pilipinas at Cambodia, at ang mga patuloy na pagsisikap na tugunan ang isyu ng double taxation at mapadali ang mga proseso sa negosyo.
Gayundin, sa naging bilateral meeting noong Nobyembre 2022 sa pagitan ng Pangulo at Prime Minister Hun Sen sa 40th at 41st ASEAN Summit and Related Summit, inalok ng huli ang Cambodia na mag-supply ng bigas sa Pilipinas at inimbitahan ang Pilipinas na mamuhunan sa pagpapabuti ng mga kagamitang pang-agrikultura at imprastruktura ng Cambodia, tulad ng mga rice mill at drying facilities.
Ipinaabot din ni Speaker Romualdez ang pasasalamat sa pagpapahalaga ng Cambodia sa pagpapalawak ng import at export market, at ibinahagi kay PM Hun Manet ang kanyang mga inaasahan para sa isang matagumpay na pagbisita sa Phnom Penh ng trade at investment mission ng Pilipinas na nakatakdang ganapin sa Enero 2025.
Bukod sa kalakalan ng bigas, tinalakay din nina Speaker Romualdez at Prime Minister Hun Manet ang pagpapalago sa turismo at people-to-people exchanges.
“Let me assure Your Excellency that the House of Representatives remains ready to enhance and deepen our ties with the National Assembly of Cambodia through various initiatives under the Philippines-Cambodia Parliamentarians Friendship Group, Inc.,” saad ni Speaker Romualdez.
Sa mga usapin ng seguridad at depensa, muling pinagtibay nina Speaker Romualdez at Prime Minister Hun Manet ang kanilang pangakong pagtutulungan sa mga isyung nakakaapekto sa kapayapaan at seguridad ng rehiyon.
Ayon kay Speaker Romualdez, ang kanyang pagbisita ay isang makabuluhang hakbang tungo sa pagpapalakas ng relasyon ng Pilipinas at Cambodia, at ipinahayag din niya ang kanyang pag-asa sa patuloy na pag-unlad ng ugnayan ng dalawang bansa.
“I look forward to joining President Marcos in welcoming you to the Philippines in
February for your Official Visit,” saad pa ng mababatas sa Cambodian PM.
"As close neighbors and ASEAN partners, the Philippines and Cambodia share a mutual aspiration for growth and security. By working together, we can unlock new opportunities and create a better future for our peoples,” ayon pa kay Speaker Romualdez. (END)
—————————
Chief of staff ni VP Sara ipapaaresto kung hindi sisipot sa pagdinig ng Kamara
Ipaaaresto ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang chief of staff ni Vice President Sara Duterte na si Atty. Zuleika Lopez kung hindi ito makadadalo sa pagdinig sa Miyerkules.
Umaasa ang mga miyembro ng komite na haharap na si Lopez sa pagdinig kaugnay ng paggastos ng kabuuang P612.5 milyong confidential fund ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).
Ayon sa vice chairman ng komite na si Zambales Rep. Jay Khonghun mayroon silang impormasyon na dumating na si Lopez mula sa Estados Unidos kung saan nila inasikaso ang kanyang tiyahin.
“Ang balita ng komite is dumating na siya. So ine-expect natin sa Wednesday a-attend na siya dahil nga nakatanggap na siya ng subpoena,” ani Khonghun.
“So ine-expect natin na susunod siya sa imbitasyon ng komite at magpapakita na, at least para magbigay linaw patungkol sa gastos ng OVP tungkol sa confidential fund,” dagdag pa nito.
Ipinaalala naman ni Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng La Union ang pangako ni Lopez na dadalo ito sa pagdinig pagbalik nito sa bansa.
“‘Yung reply letter naman niya nanduon she indicated na she will be back…sa (Nov.) 14th. Pero kailangan na i-honor niya iyon kasi napakahalaga niya po sa mga hearing na ito kasi siya po ang nagre-release (ng confidential funds) eh,” sabi ni Ortega.
“Mas marami po siyang masasagot na importanteng katanungan and hopefully she will shed light dito sa anomalya na nahanap po ng good government committee,” saad pa nito.
Noong nakaraang linggo na cite in contempt ng committee on good government and public accountability na pinamumunuan ni Manila Rep. Joel Chua, ang apat na opisyal ng OVP na hindi dumalo sa pagdinig.
Si Lopez ay hindi isinama sa ikinontempt sa mosyon ni Deputy Speaker David Suarez na bigyan ito ng isa pang pagkakataon.
Ang mga na-contempt ay sina Gina Acosta, OVP special disbursing officer; Lemuel Ortonio, OVP assistant chief of staff at Bids and Awards Committee chairman; Sunshine Fajarda, dating DepEd assistant secretary; at mister nito na si Edward Fajarda, dating DepEd special disbursing officer.
Apat na opisyal ng OVP naman ang dumalo sa pagdinig noong Nobyembre 11. Ito ay sina Rosalynne Sanchez, OVP administrative and financial services director; Julieta Villadelrey, OVP chief accountant; Kevin Gerome Tenido, OVP chief administrative officer; at Edelyn Rabago, OVP budget division officer-in-charge.
Ayon sa kanila wala silang direktang alam kung papaano ginastos ang P500 milyong confidential fund ng OVP na naubos mula Disyembre 2022 hanggang sa ikatlong quarter ng 2023.
Sina Duterte, Lopez at Acosta umano ang mayroong direktang alam kung papaano ginstos ang naturang pondo.
Dalawang opisyal din ng DepEd ang umamin sa pagdinig ng committee on good government na nakatanggap sila ng envelope na mayroong lamang pera mula kay Duterte noong ito pa ang pinuno ng ahensya.
Kinukuwestyon ng Commission on Audit ang naging paggastos ng confidential fund ng OVP at DepEd noong 2022 at 2023. (END)
—————————
VP Sara walang dapat na sisihin kundi sarili kapag may nawalan ng trabaho sa OVP
Wala umanong dapat na sisihin si Vice President Sara Duterte kung mawalan ng trabaho ang mahigit 200 empleyado ng Office of the Vice President (OVP) dahil tumanggi ito na ipagtanggol ang kanilang panukalang badyet sa 2025 at ayaw ipaliwanag kung papaano ginastos ang ibinigay na pondo sa kanyang ahensya.
Sinabi ni House Assistant Majority Leader Jay Khonghun ng Zambales na hindi masisisi ni Duterte ang Kongreso kung ibinaba sa P733 milyon ang panukalang P2 bilyong pondo nito dahil ayaw niyang ipaliwanag kung papaano nito ginastos ang P500 milyong confidential fund ng OVP, na sinita na rin ng Commission on Audit (CoA).
“Yung 200 plus na sinasabi ni Vice President na mawawalan ng trabaho, para ipaglaban, i-justify ‘yung kanyang budget. The problem is hindi niya jinustify yung budget niya. So it’s her responsibility,” sabi ni Khonghun.
Ayon kay Khonghun ilang ulit na binigyan ng pagkakataon ng Kamara si Duterte na maipaliwanag ang panukalang badyet nito subalit hindi ito humarap sa pagdinig at sinabi na bahala na ang Kongreso na magdesisyon.
“Ilang beses siyang inimbitahan, hindi siya umattend, hindi siya pumunta para i-justify ang kanyang budget. And yet pagkatapos ibabalik niya sa Kongreso yung mawawalan ng trabaho?” sabi ng solon.
Kung naipaliwanag lamang umano kung papaano ginamit ng OVP ang pondo na inilaan sa kanila ay maaaring naiwasan ang ganitong pangyayari.
“Kung jinustify niya ang budget niya at inayos niya ang paggamit ng pondo ng pamahalaan, walang mawawalan ng trabaho at maayos ang trabaho ng Office of the Vice President,” giit ni Khonghun.
Ganito rin ang sinabi ni House Deputy Majority Leader Paolo Ortega ng La Union.
“Hindi naman enough reason yung employment for me,” sabi ni Ortega. “Kaya nagkaroon ng ganyan na problema dahil yung fulfillment ng trabaho, unang-una, utilization rate, burn rate, hindi nagamit maigi ang mga programa na yan.”
Ayon kay Ortega ang underutilization ng pondo ay pagpapakita rin na hindi produktibo ang mga empleyado ng OVP na may kaugnayan sa paggamit sa pondo.
“Paano mo dadagdagan yung pondo? Eh noong nakaraang taon, hindi naman nagamit, sobrang underutilized. So common sense would dictate na ibig sabihin kung hindi ginamit ‘yung pondo na ‘yan, pati ‘yung mga empleyado na ‘yan, underutilized sila, hindi nila nagawa-maigi ang trabaho nila,” sabi ni Ortega.
“Sa sinubmit din po namin sa Senate, may kaakibat at magiging role ang mga empleyado na ‘yan. At hindi naman direktang mawawalan ng trabaho,” paglilinaw nito.
Nauna ng sinabi ni House Committee on Appropriations Senior Vice Chairman Stella Quimbo na hindi binawasan ng Kamara ang pondo para sa pampasuweldo ng OVP. Ang inalis na pondo ng OVP ay inilipat sa Department of Social Welfare and Development at Department of Health. (END)
———————————
Ryan / 24 trak ng relief goods mula sa Kamara para sa mga nasalanta ng bagyo, tumulak na pa-Bicol
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" R. Marcos Jr., inilunsad ng Kamara de Representantes sa pangunguna ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang "Tabang Bikol, Tindog Oragon” relief initiative.
Bahagi ng inisyatiba ang pagpapadala ng 24 na trak na puno ng relief goods at P750 milyong halaga ng pinansyal na tulong para sa mga lugar na naapektuhan ng mga bagyo kamakailan, kabilang na ang Catanduanes.
Ayon kay Speaker Romualdez, ang mga trak ay aalis ngayong araw patungong Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, at Catanduanes.
“Ito ang mensahe sa atin ng ating mahal na Pangulong Bongbong Marcos, na tayo ay magkaisa at patunayang kaya nating magtulungan at bumangon mula sa kahit anong unos. Alam natin ang hirap ng ating mga kababayang nasalanta, kaya tayo ay pupunta doon para maghatid ng relief goods at tulong-pinansyal,” ani Speaker Romualdez.
“Pagkakaisa pa rin ang esensya ng ating pagbangon. Sabay-sabay tayong tatayo mula sa kalamidad na ito at magsumikap para sa magandang kinabukasan,” dagdag pa ng pinuno ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.
Ang mga pagsisikap sa pagtulong, na pinangunahan ni House Appropriations Committee Chairman Zaldy Co, na nagmula sa Bicol, at pakikipagtulungan ni House Deputy Secretary General Sofonias “Ponyong” P. Gabonada, ay nakatuon sa pagbibigay ng kagyat na ayuda at pagsuporta sa pangmatagalang pagbangon ng mga nasalanta ng bagyo.
Kabilang sa nakapaloob sa inisyatiba ang:
1. Financial assistance payouts: Magsisimula sa Nobyembre 18 ang pamamahagi ng pinansyal na tulong sa ilalim ng Assistance for Individuals in Crisis Situations (AICS) program ng DSWD sa mahigit 150,000 benepisyaryo sa buong rehiyon.
2. Mini-Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF): Sa Nobyembre 21 ay isasagawa ang mga mini-BPSF event upang magbigay ng pangunahing serbisyo ng iba’t ibang ahensya ang mga residente, kabilang na ang mga programa sa pabahay, pang-kalusugan, at kabuhayan. Gaganapin ito sa Jessie Robredo Coliseum sa Naga City, Ka-Fuerte Sports Complex sa Pili, at BUPC Gymnasium sa Polangui, kung saan inaasahang makikinabang ang 10,000 katao sa bawat lugar.
3. Pamamahagi ng mga ayuda: Isang convoy ng 24 na truck na naglalaman ng mga pagkain, hygiene kits, damit, at iba pang mahahalagang gamit ang aalis mula sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ngayong araw, Nobyembre 18, upang maghatid ng tulong sa mga apektadong komunidad.
Ayon kay Gabonada, ang proyektong ito ay nagpapakita ng dedikasyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa isang komprehensibo pamamaraan upang agad na makabangon ang mga nasalanta.
Ang relief operation ay nagpapakita ng pagtutulungan sa pagitan ng mga ahensya ng gobyerno at mga pribadong donor, tulad ng Tingog Party-list, PHILRECA, National Irrigation Administration (NIA), at iba pa mula sa private sector.
Ang mga pagsisikap na ito ay naglalayong tugunan ang mga agarang pangangailangan ng mga apektadong lugar, kasabay ng pagpapalakas sa mga komunidad para sa kanilang pagbangon mula sa epekto ng kalamidad.
Sinabi ni Speaker Romualdez, ang kahalagahan ng mabilis na pagtugon sa mga pangangailangan habang tinitiyak ang pangmatagalang pag-unlad para sa mga apektadong komunidad, kung saan ang kanyang distrito ay dati na ring nakaranas ng Super Typhoon Yolanda noong 2013.
"Ito ang ating natutunan sa mga nagdaang bagyo, na ang response and recovery ay dapat mabilis. Dapat naihahatid agad ang tulong sa ating mga apektadong komunidad at dapat ito rin ay hindi lamang pantawid sa nangyari kundi kasama ang tulong sa pagbangon mula sa epekto ng bagyo,” paliwanag ni Speaker Romualdez.
Ang inisyatibang ito ay magtatapos sa pagpapamahagi ng mga relief goods sa mga mini-BPSF events sa Nobyembre 21, na magbibigay-diin sa mensahe ng pagkakaisa at katatagan sa mga apektadong komunidad.
Ang "Tabang Bikol, Tindog Oragon" ay nagpapakita ng dedikasyon ng gobyerno na tiyakin na walang pamilya ang maiiwan sa kanilang pagbangon. (END)
—————————
Quad Comm hinimok na irekomenda pagsasampa ng crimes against humanity, murder laban kay Duterte kaugnay ng mga kaso EJK sa war on drugs
Hinimok ng isang mambabatas ang Quad Committee ng Kamara na irekomenda ang pagsasampa ng kasong kriminal laban kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil sa umano’y paglabag sa international humanitarian law at kasong murder kaugnay ng libu-libong nasawi sa war on drugs campaign ng administrasyon nito.
Sa pagdinig ng Quad Committee noong Nobyembre 13, inilahad ni Batangas 2nd District Representative Gerville “Jinky Bitrics” Luistro ang naka-a-alarmang bilang ng mga nasawi sa kontrobersyal na kampanya kontra droga ni Duterte na nagbunga ng mga tanong sa legalidad ng mga pamamaraang ginamit sa pagpapatupad nito.
Batay sa datos mula sa Philippine Drug Enforcement Agency at human rights group, binanggit ni Luistro na may 6,252 na napatay sa police anti-drug operations hanggang Mayo 2022, at tinatayang nasa 27,000 hanggang 30,000 ang mga biktima ng extrajudicial killings (EJK), kabilang na ang mga pamamaslang na isinagawa ng mga vigilante o riding-in-tandem.
Binanggit din ni Luistro ang pagkamatay ng 427 aktibista, human rights defenders, at mga grassroots organizer hanggang noong Disyembre 2021; 166 land at environmental defenders hanggang noong Disyembre 2020; 23 journalist at media workers hanggang Abril 2022; 66 miyembro ng hudikatura at abogado hanggang noong Disyembre 2021; at 28 alkalde at bise-alkalde hanggang noong Disyembre 2021.
Sa pagdinig, diretsahang tinanong ng mambabatas mula Batangas si Duterte kung ang kanyang kampanya kontra droga ay sumunod sa due process.
“Mr. President, my question is, when you implemented the war on drugs, did you strictly comply with the requirement of due process?” Ttanong ni Luistro, na agad namang sinagot ng dating Pangulo ng “Oo.”
Pero ayon kay Luistro ang sagot ni Duterte ay kabaligtaran ng mga nangyari dahil sa dami ng bilang ng mga nasawi na hindi dumaan sa legal na proseso.
“Contrary to the answer of the former President, I humbly believe that the former President and his war on drugs never complied with the requirements of due process,” sabi ng kongresista.
“If, indeed, they followed the requirement of due process, wala po dapat ganito karaming patay at ang dapat maraming kaso na pending in court,” punto pa ni Luistro.
Ikinumpara ni Luistro ang malaking bilang ng mga nasawi sa ilalim ni Duterte sa halos 200 naitalang pagkamatay na may kaugnayan sa droga sa ilalim ng sinundang administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.
“The statistics show, Mr. Chair, this is almost or around 31,000 victims of the war on drugs,” ayon sa pahayag ng mambabatas sa komite, na pinamumunuan ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers.
Iginiit ni Luistro na ang pagsasampa ng kasong kriminal batay na rin sa pag-ako ni Duterte ng lahat ng legal at moral na pananagutan sa mga aksyon ng pulisya sa panahon ng kampanya laban sa droga.
“By Mr. President’s own admission of his accountability, both to legal and illegal actions of the police, it is the humble submission of this representation, Mr. Chair, that the Quad Comm is ready to make a recommendation for the filing of the necessary action in court—that is a violation of the law, RA 9851, Act Defining and Penalizing Crimes Against International Humanitarian Law, or at the very least, the murder cases, as defined under the Revised Penal Code,” paliwanag pa ng lady solon.
Ang Republic Act 9851 na ipinatupad noong 2009, ay nagtatakda at nagpaparusa sa crimes against international humanitarian law, genocide, at crimes against humanity, kabilang na ang mga sistematikong pamamaslang.
Ang mga drug-related na EJK ay nakapaloob sa “other crimes against humanity” ayon sa itinakda ng Seksyon 6 ng batas, na tumutukoy sa mga sinadyang pagpatay, torture, at sapilitang pagkawala.
Ang mga krimeng ito ay walang piyansa at may katumbas na parusang reclusion perpetua o habambuhay na pagkakakulong.
Sa ilalim ng Seksyon 8, ang pananagutan ay hindi lamang sa mga direktang may kagagawan sa krimen kundi pati na rin sa mga nasa posisyon ng awtoridad na nag-utos, humiling, o nag-udyok ng mga krimeng ito.
Sa ganitong sitwasyon, maaaring managot si Duterte bilang pangunahing akusado sa pamamagitan ng panghihikayat dahil sa kanyang papel sa pagplano o paghikayat ng mga sistematikong pag-atake laban sa mga sibilyan sa panahon ng kampanya kontra droga ng kanyang administrasyon. (END)
———————————
‘Budol style’ na hindi pagdalo ni VP Sara sa confidential fund probe tinuligsa ng Young Guns
Tinuligsa ng dalawang lider ng Young Guns ng Kamara si Vice President Sara Duterte kaugnay ng kanyang pahayag na huwag dumalo sa pagdinig ng House Blue Ribbon Committee sa Nobyembre 20 at magpadala na lamang ng affidavit kaugnay ng alegasyon ng maling paggastos sa kabuuang P612.5 milyong confidential fund nito noong 2022 at 2023.
Naniniwala sina House Assistant Majority Leader Jay Khonghun ng unang distrito ng Zambales at Deputy Majority Leader Paolo Ortega V ng unang distrito ng La Union na ang planong gawin ni Duterte ay isang pag-iwas sa pananagutan nito.
“Walang masama sa affidavit. Pero ang problema ay ‘yung budol style niya—sinasabing hindi siya inimbitahan, pero ngayong may pagkakataon siyang linawin ang isyu, ayaw niyang humarap. Kung walang itinatago, bakit hindi kayang sagutin nang harapan ang tanong ng Kongreso at ng taumbayan?” ani Khonghun.
Sinabi naman ni Ortega na ang pagsusumite ng affidavit ay isang taktika upang makaiwas sa pag-usisa.
“Isang pambubudol na naman ito sa ngalan ng panawagang sumagot si VP Sara dahil gagamitin ang affidavit para makatakas at hindi na mag-appear sa hearing. Hindi ito sapat para linawin ang mga isyu ng confidential funds. Harapin niya ang mga tanong ng publiko at ng Kongreso,” sabi ni Ortega.
Ang House Blue Ribbon Committee, na ang pormal na tawag ay Committee on Good Government and Public Accountability, ay nag-iimbestiga sa P500 milyong confidential fund ng Office of the Vice President at P112.5 milyong confidential fund ng Department of Education (DepEd), na parehong ginastos sa ilalim ng pamumuno ni Duterte.
Dumalo si Duterte sa unang pagdinig noong Setyembre 18 subalit hindi naman ito nanumpa na magsasabi ng totoo kaya hindi tinanong ng mga kongresista.
Kinukuwestyon ni Duterte ang pagsasagawa ng imbestigasyon.
Sa pagdinig ng House Quad Comm na dinaluhan ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte noong Miyerkoles ay surprisang dumating si VP Duterte kaya personal na iniabot rito ang imbitasyon ng Blue Ribbon committee para sa isasagawang pagdinig sa Nobyembre 20.
Sa panayam, sinabi ni VP Duterte na hindi ito dadalo sa pagdinig at magpapadala na lamang ng affidavit.
Sinabi nina Khonghun at Ortega na ang pagsusumite ng affidavit sa halip na dumalo sa pagdinig ay mistulang pagmamaliit sa prinsipyo ng transparency at accountability.
“The House Blue Ribbon Committee has given the Vice President every opportunity to clarify the use of public funds under her office. Ang tanong ng taongbayan: Nasaan ang malinaw na paliwanag?” sabi ni Khonghun.
Punto naman ni Ortega ang patuloy na hindi pagdalo ni VP Duterte sa pagdinig ay lalo lamang magpapatindi sa pagdududa na mayroon itong itinatago kaugnay ng ginagawa niyang paggastos sa confidential fund.
“Kung magpapatuloy ang pag-iwas, lalong magdududa ang publiko. Huwag natin hayaan ang mga ‘budol’ tactics na maghari,” ani Ortega.
Hinimok ni Khonghun si VP Duterte na ikonsidera ang pagdalo at iginiit ang kahalagahan ng tiwala ng publiko.
“As public servants, our duty is to the people. Vice President Duterte owes it to the Filipino people to provide answers—not just on paper, but in person,” dagdag pa nito. (END)
——————————
TABANG BIKOL AT TINDOG ORAGON RELIEF CARAVAN, INILUNGDAD SA KAMARA
Inilungsad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., katuwang ang Kamara de Representantes sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez at Social Welfare Sec. Rex Gatchalian, ang Tabang Bikol, Tindog Oragon relief initiative kung saan halos P750 milyong halaga ng financial assistance at 24 na trak na puno ng relief goods ang ipamimigay sa mahigit 150,000 benepisyaryo sa Bicol region na sinalanta ng magkakasunod na bagyo, at ang huli ay ang super typhoon Pepito.
Ang programa kung saan si Speaker Romualdez ang pangunahing tagapagtayugod, ay naglalayong suportahan ang mga nasalantang komunidad sa Camarines Norte, Camarines Sur at Albay upang agad na makabangon mula sa hagupit ng bagyong Kristine, Carina, at Pepito.
Sinabi ni Speaker Romualdez na ang direktiba ni Pangulong Marcos ay tulungan ang mga nasalanta ng bagyo sa Bicol at ang inisyatibang ito ay ang paraan ng Kamara na tumundig, balikat sa balikat, kasama ang ating mga kababayan sa Bicol sa panahon ng kagipitan.
Ayon sa lider ng Kamara, ang Tabang Bikol ay hindi lamang tulong pinansyal kundi ito ay simbolo ng malasakit at pagkakaisa ng sambayanang Pilipino.
Ang pagtulong ay nahahati sa tatlong pangunahing aktibidad: ang pamimigay ng financial assistance, pagsasagawa ng mini-Bagong Pilipinas Serbisyo Fair (BPSF), at ang distribusyon ng mga relief goods.
MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCES RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO
Ayon kay House Deputy Secretary General Sofonias “Ponyong” P. Gabonada ang inisyatiba ay sinusugan din ni House Appropriations Committee Chairman Zaldy Co – na nagmula sa Bicol at kumakatawan sa pangako ng Kamara na isang “holistic and sustainable recovery” na tutugon hindi lamang sa kasalukuyang pangangailangan.
Sinabi ni Gabonada na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang mangunguna sa pamamahagi ng financial aid sa ilalim ng Assistance for Individuals in Crisis Situations (AICS) program nito simula sa Nobyembre 18.
Ang mini-BPSF ay ilulungsad naman sa Nobyembre 21 at magbibigay ng iba’t ibang serbisyo mula sa mga ahensya ng gobyerno, ayon kay Gabonada.
Ayon kay Gabonada ang mga aktibidad ay magkakasabay na isasagawa sa iba’t ibang lugar kasama ang Jessie Robredo Coliseum sa Naga City, Ka-Fuerte Sports Complex sa Pili, at BUPC Gymnasium sa Polangui. Inaasahan na tig-10,000 ang benepisyaryo sa bawat lokasyon.
Iginiit ni Speaker Romualdez ang kahalagahan na sabayan ang pamimigay ng financial assistance ng serbisyong ibinibigay ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno upang mas maging mabilis ang pagbangon ng mga nasalanta.
“Hindi lamang ito pantawid sa ngayon, kundi hakbang tungo sa mas maayos na kinabukasan. Mahalaga na magkaisa ang lahat – pamahalaan, pribadong sektor at bawat Pilipino – upang mapanumbalik ang sigla ng ating mga komunidad,” sabi ni Speaker Romualdez.
Isang mahalagang aspeto ng inisyatiba ay ang pamiimigay ng mga relief goods na tinipon mula sa mga donation drive, ayon kay Speaker Romualdez.
Ang mga relief goods ay ikinarga sa mga trak at aalis sa Lines, Nobyembre 18, mula sa Kamara de Representantes.
Kasama sa mga donasyong ipadadala sa mga nasalanta ay sako-sakong bigas, at produktong de lata mula sa iba’t ibang grupo gaya ng Tingog Party-list, PHILRECA, National Irrigation Administration (NIA), at mula sa pribadong sektor.
Ang pagpupunyagi ni Speaker Romualdez upang matulungan ang mga nasalanta ay bunsod ng kanyang naranasan ng manalasa ang super typhoon Yolanda noong 2013.
Sa Nobyembre 21 ay isasagawa ang ceremonial turnover ng mga relief goods sa mini-BPSF event sa Naga City, Pili, at Polangui. Ang pagsasamang ito ay isang pagpapalakas ng mensahe ng pagkakaisa at pagiging matatag sa mga apektadong lugar.
“Tabang Bikol, Tindog Oragon reflects the compassion, resilience, and unity of the Filipino spirit,” sabi ni Gabonada.
Ang mga benepisyaryo ng programang ito ay mga pamilya na nasalanta ng mga nagdaang bagyo, karamihan ay nawalan ng tahanan at kabuhayan.
“Ang ating pagkakaisa ay patunay na kaya nating bumangon mula sa kahit anong unos. Magtulungan tayo para sa mas maliwanag na kinabukasan,” dagdag pa ni Speaker Romualdez. (END)
————————
Ryan / lMga kasong isinampa laban sa mga pulis na nagpatupad ng Duterte drug war pinasisilip sa Kamara
Ipinasisilip ng isang lider ng Kamara ang mga kasong kriminal at administratibo na isinampa laban sa mga pulis sa pagpapatupad ng war on drugs campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Interesado si Sta. Rosa City, Laguna Rep. Dan Fernandez, co-chairman ng Quad Committee, na malaman kung ano ang sinapit ng mga pulis, lalo na ang mga mabababa ang ranggo na sumunod lamang sa utos subalit sa huli ay sila pa ang nakasuhan.
Iginiit ni Fernandez, chairman ng House Committee on Public Order and Safety, ang kahalagahan na masuri ang mga pangyayari kaya itinulak nito ang motu proprio investigation.
“I mean iyung mga kapulisan under my committee, actually tinitingnan ko po na bigyan ng isang motu propio investigation on this matter, kasi nga ang policy po ng former government ay iyun pong talagang negation, neutralization,” sabi nito.
Sa nakaraang pagdinig ng Quad Comm, sinabi ni Duterte na hindi nito alam na mayroong mga pulis na nakasuhan at ang ilan ay nasibak na sa puwesto dahil sa pagsunod sa mga utos kaugnay ng war on drugs campaign.
Ayon sa mambabatas mayroong mga pulis na hindi alam na iligal ang mga utos sa kanila kaya nila ito sinunod.
“Sabi nga ni Chief PNP maraming mga pulis ang mga na-dismiss, 195 yung mga na-dismiss tapos 398 facing dismissal,” abi Fernandez na ang pinatutungkulan ay ang sinabi ni PNP Chief Rommel Marbil.
“So papaano iyung pamilya nila? Nawalan sila ng jobs, nawala iyung kanilang life, iyung kanilang dignity as well in following those orders,” sabi ni Fernandez.
Iginiit naman ng solon ang pangangailangan na malaman ng mga puls ang mga legal at hindi legal na utos sa kanila.
“Kailangan siguro po natin ma-distinguish iyung isang lawful order and unlawful acts na ginawa ng mga pulis,” saad pa ni Fernandez. “Mga lower ranks sila eh. Hindi nila alam na yun ang ginawa nila is unlawful.”
Ipinaalala rin ni Fernandez ang sinabi ni Duterte na sagot niya ang mga pulis sa gagawin ng mga ito.
“Di ‘ba may pronouncement ang Presidente na, me alone will be responsible for the effects of the war on drugs now na nangyari sa kanila to so sino ang tutulong kanila?” tanong ng kongresista.
Sinabi ni Fernandez na mahalagang malaman ang tunay na intensyon sa mga aksyong ginawa ng mga pulis sa pagganap ng kanilang tungkulin at pagsunod sa batas.
Suportado naman ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang pahayag ni Fernandez at sinabi na maraming pulis ang mayroong problemang pinansyal dahil sa gastos sa kaso.
“Base po sa datos na binigay ni Chief PNP Marbil ay marami pong miyembro ng PNP ay nahaharap sa mga kasong administratibo at kasong kriminal and nangangailangan po sila ng abogado,” sabi ni Barbers.
Mayroon pa umanong mga pulis na nangungutang upang mabayaran ang mga legal fees.
“In fact, ‘yung iba ay napipilitan pong mangutang sa AFPSLAI ba iyun or yung PSSLAI para lang makapagbayad ng abogado,” sabi pa nito.
Ayon kay Barbers mayroong mga pulis na ang pakiramdam sila ay naloko o pinagtaksikal dahil sila ay pinabayaan matapos na sumunod lamang sa utos sa kanila.
“Isa lang ho ang kanilang sinasabi na nasaan daw iyung pangako sa kanila na tutulungan sila sa mga kaso,” dagdag pa ni Barbers.
Sinabi naman ni Manila Rep. Bienvenido “Benny” Abante ang layunin ng imbestigasyon ay matulungan ang mga pulis at hindi habulin ang mga ito sa kanilang maling aksyon.
“Sa Quad Comm naman ay hindi upang parusahan natin ang kapulisan kundi para tulungan din natin,” sabi ni Abante.
Mayroon din umanong mga pulis na nagsabi na handa silang magsabi ng totoo.
“Pinag usapan na namin ito e that we are there to help,” dagdag pa nito.
Iminungkahi rin ni Abante kung maaaring ipasok sa witness protection program ng Department of Justice (DOJ) ang mga pulis na titestigo.
“We’re there to ask the DOJ to perhaps provide the witness protection on them,” saad pa ni Abante. “The present craft of the Philippine National Police leadership would provide protection for policemen who are honest enough to tell the truth.”
Nagpahayag naman ng pagkadismaya si Zambales Rep. Jay Khonghun sa sinapit ng mga pulis na sumunod lamang sa utos pero sa huli sila ang nakasuhan at nagdusa.
“Again, this cases is steming up from their obedience sa Presidential directive dati ni Presidente Digong,” sabi ni Khonghun.
“So nakakalungkot lang na napabayaan yung mga police,” saad pa nito.
Sinabi ni Khonghun na naniniwala ang mga pulis na tama ang kanilang ginagawa ng sumunod sa utos ng nakatataas sa kanila.
“Siyempre they are, akala nila na they are following direct orders coming from the former President. So sa ngayon, napabayaan sila. So nakakalungkot lang dahil yung sinasabi ni former President is all rhetoric,” wika pa nito.
Inulit naman ni Fernandez ang naging epekto ng pagsunod sa war on drugs ng nakaraang administrasyon.
“Meron tayong, sinulat ko po yung mga police na 1,286 yung cops na they either died or wounded, 1,286,” sabi nito. “214 po yung may mga kinakaharap na administrative and criminal cases.”
Sinabi rin ni Fernandez na mayroong 195 na pulis ang nasibak sa puwesto at 398 naman ang nahaharap sa pagkasibak.
Hinimok ni Fernandez ang mga pulis na nagpatupad ng war on drugs na humarap sa Kamara at ihayag ang kanilang karanasan.
“So well, nananawagan din po kami sa inyo kasi nga kayo biktima rin kayo rito ng war on drugs,” sabi pa ng solon. “So if ever that you wanted to avail para madinig po namin kayo, so iniimbitahan din po namin kayo na makipag-ugnayan po kayo sa Quad Comm.” (END)
—————————
Ryan / Duterte laban-bawi sa pagbibigay ng bank waiver para sa umano’y P2.4 bilyong deposito nito
Consistent na inconsistent si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Nalito ang mga kongresista sa magkakasalungat na pahayag ng dating Pangulo sa isinagawang pagdinig ng quad committee ng Kamara de Representantes noong Miyerkoles kung saan laban-bawi ito sa pagbibigay ng waiver upang mabuksan ang bank account nito na nagkaroon umano ng P2.4 bilyong deposito na iniuugnay sa bentahan ng iligal na droga.
Upang maging malinaw sa lahat, tinanong ni House Assistant Majority Leader Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur ang daging Pangulo kaugnay ng mga naging sagot nito sa pagtatanong ni Antipolo City Rep. Romeo Acop sa pagbibigay ng bank waiver.
“So, is it now the understanding of the committee that when the former President was asked by Chairman Acop that the President be willing to sign any waiver would that be safe to assume, Mr. Chair, that that would be ‘conditional,” tanong ni Adiong.
Sinabi ni Adiong na ang pagkaka-intindi nito sa naging sagot ni Duterte sa pagtatanong ni Acop ay magbibigay ito ng waiver.
Napansin din ni Rep. Gerville Luistro ng ikalawang distrito ng Batangas ang inconsistency sa mga pahayag ni Duterte na nanumpa na magsasabi ng totoo sa pagdinig.
“The President made his testimonies inconsistent. I don’t know why,” sabi ni Luistro, isang abugado, sa panayam sa telebisyon.
Noong una sinabi ni Duterte na pipirma ito ng waiver kinabukasan (Nobyembre 14) ng una itong itanong ni Adiong.
“I’m willing to execute an affidavit, to summon the bank pursuant to my waiver. If there is an iota of truth, I will ask my daughter to resign and all members of my family. I will also hang myself in front of you,” deklara ni Duterte.
Pero pagkatapos ng ilang saglit ay dinugtungan nito ang sinabi na dapat kasabay niyang magbigti si dating Sen. Antonio Trillanes IV na siyang nagsiwalat ng umano’y P2.4 bilyon sa joint account nito at ni Vice President Sara Duterte.
“But Trillanes should also hang himself too,” hirit ni Duterte.
Iginiit rin ni Duterte na dapat sabihin sa kanya kung ano ang layunin ng paghingi ng bank waiver sa kanya dahil hindi naman siya iniimbestigahan.
“Please give me one purpose. Why should I produce it? My problem is that that bank account is joint with my wife. So, I cannot waive her right to secrecy. I myself has no problem with that. The problem is that it is a joint account,” giit ni Duterte.
“So, I have to ask my wife to appear here and to ask her if she is ready to waive the bank secrecy law,” sabi ng dating Pangulo. “The problem is: What is the purpose of this investigation? Am I under investigation? Why are you asking for my bank accounts? What is my purpose here?”
“I don’t want you (congressmen) to make a suspicion. So, if not in public I’ll give you a copy, I’ll show you a copy on the condition that it sticks with you. The problem is that it is a joint account, at the back of my mind: How about my wife?” dagdag pa nito.
“I'm sure you (lawmakers) have a wife and you have bank accounts. It's always when you have a wife, it's really a joint account - that is the Filipino way of doing it,” giit pa ng dating Pangulo.
Sinabi naman ni Trillanes na batay sa mga dokumentong nakalap nito, ang ang ka-joint account ng dating Pangulo ay ang kanyang anak at hindi ang kanyang asawa.
“Just for the record, the joint account is between Duterte and VP Sara Duterte - not the wife. Those are the bank records that are in our custody,” sabi ng dating senador.
“Just like what I anticipated earlier, that he’s been saying he is willing to sign a waiver. At the same time, it’s always a bluff. Now, he’s saying he will slap me first before he signs the waiver. I will agree, provided he should first sign the bank waiver,” dagdag pa ni Trillanes. (END)
No comments:
Post a Comment