ISA / HINDI BABABA SA ANIM NA PANUKALANG BATAS ANG NAIHAIN NA NG HOUSE QUAD COMMITTEE, MULA SA MGA GINAWA NILANG PAGDINIG.
ITO ANG IBINIDA NI REP. ROBERT ACE BARBERS, ANG OVERALL CHAIRMAN NG HOUSE QUAD COMMITTEE.
AYON KAY BARBERS, BATID NILA NA MAY MGA BUMABATIKOS SA QUAD COMMITTEE AT MAY KUMUKWESTYON KUNG “IN AID OF LEGISLATION” BA TALAGA ANG KANILANG MGA HEARING AT NAGMA-MARITES LAMANG.
PERO SINABI NI BARBERS NA MULA SA LABING ISANG PAGDINIG NILA, MAY IBA’T IBANG HOUSE BILLS NA NAIHAIN ANG KANILANG LUPON, AT ASAHAN DING MAY ISUSULONG PA SILANG IBANG PANUKALA.
KABILANG SA MGA PANUKALA NG QUAD COMMITTEE AY ANG ANTI-POGO AT ANTI-EXTRAJUDICIAL KILLINGS O EJK BILLS.
………………
Milks/Ngayon pa lang, dapat samantalahin na ng mga kababayan natin na undocumented sa Amerika ang panawagang voluntary repatration bago pa man tamaan sa mas mahigpit na deportation policies.
Ginawa ni Kabayan Partylist Representative Ron Salo ang apela dahil kilala ang Trump administration sa mahigpit na deportation policies.
Sa record na nakalap ni Salo, tinatayang aabot sa 300-thousand undocumented Pinoys ang nasa Amerika.
Ito rin ang dahilan kaya umaapela si Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel Romualdez na i-avail o i-consider kung wala ng legal option na pwedeng gawin para manatili pa doon.
Base sa report, pupulungin ni Romualdez ang pitong Philippine consulates sa Amerika para sa koordinasyon at agad na suporta sa legal and repatration para sa mga Pinoy na maaapektuhan ng binago at mas mahigpit na immigration policy.
Sabi ni Salo, hindi man madali ang magiging desisyon na bumalik sa bansa, makabubuti na ang voluntary repatration para maiwasan din ang pag-aalala ng kanilang mga kamag-anak na naririto sa bansa dahil sa lupit ng immigration policies sa Amerika.
Umaapela naman si Salo sa DMW, OWWA, DOLE, DSWD AT TESDA na ipatupad ang comprehensive reintegration programs sa mga magsisibalik natin na mga kababayan.
……………………….
Milks/ Kung may oras siya na makapunta kahapon at umanoy “mag-miron” sa hearing ng Quad Committee para magpakita ng suporta sa kanyang ama… walang dahilan para hindi dumalo si Vice President Sara Duterte sa hearing ng House Committee on Good Government and Public Accountability.
Ito ang hamon ni House Deputy Minority Leader France Castro matapos personal na tanggapin ni VP Sara ang imbitasyon ng komite na dumalo sa hearing sa November 20.
Ito ay ang pagpapatuloy ng imbestigasyon sa kuwestiyunableng paggamit ng 2022 at 2023 confidential fund ng OVP at Department of Education nang siya pa ang kalihim.
Paalala ni Castro, nang tanggapin at pirmahan ni VP Sara ang imbitasyon, ibig sabihin nito, kailangan niyang dumalo sa hearing dahil ang personal niyang pagpunta ang kundisyon ng komite.
Hamon pa ni Castro, kung ang kanyang ama ay humarap na sa Quad Comm hearing matapos ang ilang ulit na imbitasyon dito, dapat magsilbi rin siyang ehemplo.
Matatandaan, sinamantala ng committee secretariat na ibigay ng personal ang imbitasyon kay VP Sara dahil nasa Kamara sya kahapon hanggang gabi bilang suporta sa kanyang ama na dumalo sa hearing ng Quad Comm.
……………………
Hajji/ Isinusulong ni Representative Wilbert Lee ang panukalang batas na magkakaloob ng libreng bakuna laban sa infectious diseases para sa lahat ng senior citizens sa bansa.
Batay sa House Bill 11055, o ang "Safeguarding Seniors: Free Immunization Act of 2024", aamiyendahan ang Expanded Senior Citizens Act of 2010 upang isama ang lahat ng matatanda at hindi lamang limitado sa indigents para sa libreng pagpapabakuna.
Ipinapanukala rin ni Lee na bukod sa libreng bakuna laban sa influenza virus at pneumococcal disease, dapat masaklaw ang pertussis, tetanus and diphtheria at iba pang sakit.
Malaki aniya ang pagpapahalaga ng mga Pilipino sa matatanda lalo na sa mga magulang na nagtaguyod sa pamilya kaya sila naman ang dapat alagaan.
Ipinaliwanag pa nito na maraming sakit ang may malalang epekto para sa senior citizens na humihina ang immune system kaya napakahalaga ng bakuna at hakbang na gawin itong libre at accessible.
Iginiit ni Lee na ang libreng bakuna ay alinsunod sa pangako ng Universal Health Care Law na gawing libre ang gamot at pagpapagamot.
…………………
Isa/ Isinusulong sa Kamara na tuluyan nang ipagbawal ang pag-okupa o pag-reserba ng isang tao sa pampublikong parking space para hindi makapag-park ang ibang sasakyan.
Ito ang House Bill 11076 o Mindful Parking Act (ni Akbayan Rep. Percival Cendana).
Ayon sa may-akda, layon ng panukala na matuldukan na ang “practice” o diskarte na nirereserba ang parking spaces sa pamamagitan ng “physical occupation” ng isang indibidwal.
Giit sa panukala, ang naturang gawi ay hindi lamang labag sa kurtesiya at “first come, first served basis” kundi mapanganib para mismo sa mga taong ginagamit ang sarili para makapag-reserba ng parking gayung ang lugar ay para sa mga sasakyan.
Dagdag sa House Bill, kailangan ng pangmatagalang solusyon para mas mapagbuti ang mass transportation.
Kapag naging ganap na batas, ang mga lalabag ay mahaharap sa multang P2,000 sa unang offense: P5,000 na multa at suspension ng driver’s license sa loob ng anim na buwan para sa ikalawang offense; at P10,000 na multa at revocation ng lisensya para sa ikatlong offense.
Ang mga pribadong establisimyento naman ay aatasang maglatag ng sariling patakaran at akmang multa o parusa.
………………………..
Mar Mga staff ng OVP hinihikayat na lumantad at makipag-tulungan sa Blue Ribbon Committee ng Kamara
HINIHIKAYAT ni Manila 2nd Dist. Rep. Rolando "CRV" M. Valeriano ang mga kawani ng Office of the Vice President (OVP) na lumantad at magbigay ng imporasyon sa Blue Ribbon Committee ng Kamara de Representantes patungkol sa kanilang mga nalalaman hinggil sa kontrobersiyal na Confidential Intelligence Fund (CIF) ni Vice President Inday Sara Duterte.
Ayon kay Valeriano, Chairman ng House Committee on Metro Manila Development, napakahalagang makipag-tulungan umano ang mga staff o regular employees ng OVP upang magbigay linaw sa kontrobersiyal na CIF na kinukuwestiyon ng mga kongresista.
Sabi ni Valeriano na ang tinutukoy nitong mga staff ay ang mga tauhan ng OVP na may direktang nalalaman kung papaano at saan ginastos ni VP Sara Duterte ang naturang po pondo na nagkakahalaga ng P500 million taliwas sa mga report na inilabas ng kampo ng Pangalawang Pangulo.
Dahil dito, ipinahayag ng kongresista na sakaling natatakot lumantad at magbigay ng testimonya ang mga staff ng OVP. Maaari naman silang isailalim sa Witness Protection Program (WPP) ng pamahalaan upang mabigyan sila ng kaukulang proteksiyon kasama na ang kanilang pamilya.
Ang pahayag ni Valeriano ay kaugnay sa naging press conference ni VP Sara kung saan lumalabas aniya na mistulang tinatakot o nais nitong patahimikin ang mga potensiyal na saksi o whistleblowers na magtatangkang magbigay ng kanilang testimonya sa imbestogasyon ng Blue Ribbon Committee ng Kamara.
"That press conference by VP Sara Duterte can be a veiled attempt at threatening and silencing witnesses and whistleblowers. It's time for the the OVP staff to come out of hiding. If the safety of your families is your concern, there are ways to keep them safe,' wika ni Valeriano.
Naniniwala si Valeriano na ang naging pahayag ni VP Sara sa kaniyang press conference ay maaaring nasusukol na siya sapagkat kahit hindi ito dumalo sa pagdinig ng naturang Komite ay unti-unti naman sumasambulat kung papaano nito ginastos at kung ano-ano ang pinagka-gastusan ng P500 milyon na CIF ng OVP at Department of Education (DepEd).
Kasabay nito, ipinagmalaki naman ni Valeriano na mahigpit nitong sinusuportahan ang si Mayor Honey Lacuna dahil sa pagiging masinop at maalam nito sa "fiscal management" para sa pamamahala sa Lungsod ng Maynila.
Ipinagmalaki din ng mambabatas na napakaraming proyekto ang nagawa at naisulong na programa na kasalukuyang pinakikinabangan ng mga Manileño.
______________________
————————-
Hajji Nilinaw ngayon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na mga drug lord at pusher ang nais niyang patayin noong siya pa ang leader ng bansa.
Sa ikalabing-isang pagdinig ng Quad Committee sa Kamara ngayong araw, inungkat ni Co-Chairman at Manila 6th District Representative Bienvenido Abante Jr. ang naging pahayag niya noong 2016 kung saan tahasan nitong sinabi na magiging masaya siya na i-"slaughter" o patayin ang mga drug addict habang inihahambing ang sarili kay Hitler.
Giit ng dating pangulo, hindi basta-basta maaaring pumatay lalo na ang mga drug addict dahil ang dapat gawin sa kanila ay dalhin sa rehabilitation centers.
Bilang paglilinaw ay drug purveyors o drug lords aniya ang nais niyang mamatay.
Ipinaliwanag din ni Duterte ang pagkakapatay sa mahigit pitong libong drug pushers na binanggit ni Abante at binigyang-diin na nagiging legal lamang ang pagpatay kapag nakompronta ang pulis ng suspek na armado.
Nasermonan pa ng mambabatas si Duterte nang ihayaag nito na wala siyang pakialam sa human rights dahil hindi ito bahagi ng kanyang trabaho.
Pero sa huli ay sumang-ayon naman ang dating punong ehekutibo kay Abante na bilang pangulo ng bansa ay siya ang kauna-unahang dapat tumalima sa constitutional provision ng human rights.
———————
Isa Mariing itinanggi ni dating Sen. Leila de Lima ang naging bansag sa kanya ni dating Pang. Rodrigo Duterte noon na siya ang “mother of all drug lords” o “the Bilidid Drug Queen.”
Inihayag ito ni De Lima pagdinig ng House Quad Committee, kung saan katabi pa niya mismo ang dating Pangulo.
Ayon kay de Lima, “absolutely false” ang alegasyong mother of all drug lords siya.
Kinasuhan din umano siya ng tatlong gawa-gawang kasong may kinalaman sa ilegal na droga.
Ani de Lima, abswelto siya sa lahat ng mga kaso dahil wala siyang kaugnayan sa ilegal na droga, at sa halip ay “propaganda” lamang ito ng Duterte administration noon.
Naging emosyonal naman si de Lima nang inaalala ang pagkakakulong niya ng pitong taon, na hindi na aniya maibabalik ang nasayang panahon.
—————————
Isa Sinabi ni dating Pang. Rodrigo Duterte na siya mismo ang papatay sa negosyanteng Chinese at dating Presidential Economic Adviser na si Michael Yang kung may ebidensya na siya ay may kinalaman sa ilegal na droga.
Inihayag niya ito bilang tugon sa pagtatanong ni Rep. France Castro, sa pagdinig ng House Quad Committee.
Ani Duterte, sa pagkakakilala niya kay Yang ay may-ari ng isang malaking department store sa Davao City at dumalo pa raw siya sa ribbon cutting noon.
Ayon kay Duterte, kung mayroon mang ebidensya ay siya na ang papatay kay Yang, at isasama pa raw niya sa Castro para tumestigo sa isang “murder.”
Tugon naman ni Castro, ayaw niyang madamay sa gagawin ni Duterte.
Una nang dinipensahan ni Duterte si Yang, at iginiit na wala siyang kinalaman sa illegal drug trade.
————————-
Mar Dating Pangulong Duterte. Inamin na tinataniman ng ebidensiya ang mga kriminal noong siya pa ang Mayor ng Davao City
DAHIL sa kaniyang pagiging taklesa o masyadong madulas ang kaniyang dila. Inamin mismo ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa ika-11 pagdinig ng Quad Committee ng Kamara de Eepresentantes na umabot siya sa puntong tinataniman nito ng ebidensiya ang isang pinaghihinalaang kriminal noong panahon na siya pa ang Mayor ng Davao City.
Ang pag-amin ni Duterte ay nangyari sa huling bahagi ng question and answer
na ipinukol sa kaniya ng co-Chairman ng House Quad Committee na si Santa Rosa Lone Dist. Rep. Dan S. Fernandez kung saan una nitong itinanggi subalit inamin narin ng dating Pangulo sa isang interview noong 2016.
Binawi ng dating Pangulo ang kaniyang pagtanggi matapos ipakita sa kaniya ang isang video footage ng nangyaring interview sa kaniya.
"Hindi po totoo yung nasa video?". Tanong ni Fernandez. Subalit inamin ni Duterte na totoo ang nasa video sa pagsasabing. " Totoo iyan".
Gayunman, ikinatuwiran naman ni Duterte na ang pagtatanim nito ng ebidensiya ay bahagi lamang ng estratehiya bilang Mayor at leader ng isang law enforcement agency.
Nang muling tanungin ng kongresista kung totoo bang nagtatanim ito ng ebidensiya sa mga kriminal. Sinbi nito na: "Well, that was part of the strategy as a Mayor and as the leader of a law enforcement agency in the City".
" Mr. President, mayroon po kayong sinabi nung 2016 sa interview niyo po that you have planted evidence during your time as a fiscal. Is this true?" tanong ni Fernandez kay Duterte.
Subalit itinnaggi ni Duterte sa pagsasabing; "That's garbage, Sir".
Gayuman, mistulang inamin din ng dating Pangulo matapos nitong ipahayag na: " Alam ng mga police yan. Yung planting of evidence".
————————
Hajji Magbibigti umano si dating Pangulong Rodrigo Duterte kung mapatutunayan na tumanggap ng bilyun-bilyong pisong drug money ang kanilang pamilya na siyang inaakusa ni dating Senador Antonio Trillanes IV.
Sa ikalabing-isang pagdinig ng House Quad Committee, ipinrisinta ni Trillanes ang bank documents na pag-aari umano ng pamilya Duterte kung saan 2.4 billion pesos ang nadeposito sa bank account ng dating pangulo at kay Vice President Sara Duterte mula 2011 hanggang 2015.
Ipinaparatang din ng dating senador na ang 2016 campaign contributor ni Duterte na si Sammy Uy ay nagdeposito ng 120 million pesos sa bank accounts ng pamilya at konektado umano ang naturang indibidwal sa drug trade.
Pero sinabi ng dating presidente na handa siyang lumagda sa bank waiver upang buksan ang kanyang bank accounts at kapag napatunayan ang alegasyon kahit isa lang sa mga iyon ay magbibigti umano siya sa harap ng Quad Comm.
Bukod dito, sasabihan ni Duterte si VP Sara na magbitiw sa puwesto sakaling totoo ang mga akusasyon.
Sa usapin naman ng drug smuggling, hindi makikialam ang dating pangulo kung lilitisin sa korte ang anak na si Congressman Paolo Duterte at manugang na si Atty. Mans Carpio at kapag napatunayan ay hahayaan silang mabilanggo.
Idinagdag pa ni Trillanes na ang pattern ay nagbabayad ang drug lord ng dividends sa pamilya Duterte kada Abril at Oktubre.
————————
Hajji Magbibigti umano si dating Pangulong Rodrigo Duterte kung mapatutunayan na tumanggap ng bilyun-bilyong pisong drug money ang kanilang pamilya na siyang inaakusa ni dating Senador Antonio Trillanes IV.
Sa ikalabing-isang pagdinig ng House Quad Committee, ipinrisinta ni Trillanes ang bank documents na pag-aari umano ng pamilya Duterte kung saan 2.4 billion pesos ang nadeposito sa bank account ng dating pangulo at kay Vice President Sara Duterte mula 2011 hanggang 2015.
Ipinaparatang din ng dating senador na ang 2016 campaign contributor ni Duterte na si Sammy Uy ay nagdeposito ng 120 million pesos sa bank accounts ng pamilya at konektado umano ang naturang indibidwal sa drug trade.
Pero sinabi ng dating presidente na handa siyang lumagda sa bank waiver upang buksan ang kanyang bank accounts at kapag napatunayan ang alegasyon kahit isa lang sa mga iyon ay magbibigti umano siya sa harap ng Quad Comm.
Bukod dito, sasabihan ni Duterte si VP Sara na magbitiw sa puwesto sakaling totoo ang mga akusasyon.
Sa usapin naman ng drug smuggling, hindi makikialam ang dating pangulo kung lilitisin sa korte ang anak na si Congressman Paolo Duterte at manugang na si Atty. Mans Carpio at kapag napatunayan ay hahayaan silang mabilanggo.
Idinagdag pa ni Trillanes na ang pattern ay nagbabayad ang drug lord ng dividends sa pamilya Duterte kada Abril at Oktubre.
————————
Isa Personal na tinanggap ni Vice Pres. Sara Duterte ang imbitasyon sa kanya ng House Committee on Good Government and Public Accountability.
Ito ay para sa imbestigasyon ukol sa umano’y maling paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President o OVP at Department of Education noon.
Si VP Sara ay nasa Kamara hangganhg ngayong gabi, habang nakasalang ang kanyang ama na si dating Pang. Rodrigo Duterte sa House Quad Committee hearing.
Pinirmahan ni VP Duterte ang imbitasyon, na sulat ng chairman ng Good Gobvernment panel na si Rep. Joel Chua.
Nakasaad dito na imbitado si VP Duterte na humarap sa pagdinig sa Nov. 20 (araw ng Miyerkules), na magsisimula ng alas-diyes ng umaga.
Iginiit sa imbitasyon na kailangan ang presensya ng bise presidente upang mabigyang-linaw ang mga kwestyon sa paggamit ng confidential funds.
Una nang pinatawan ng contempt at pinaaaresto ng komite ang apat na OVP officials, habang muling sinubpoena ang OVP Chief of Staff na si Atty. Zuleika Lopez.
—————————
Hinamon ni dating pangulong rodrigo duterte ang international criminal court o ICC na bilisan ang imbestigasyon kaugnay sa reklamong crime aainst humanity laban sa kanya.
Sa pagdinig ngayon ng house quad committee ay tinanong ni gabriela women’s party rep. arlene brosas kung handa si dating pangulong duterte na makipagtulungan sa ICC.
Bilang tugon ay sinabi ni dating pangulong duterte na kung pwede bukas ay magpunta na dito sa Pilipinas ang mga kinatawan ng ICC para mapadali ang kanilang pagsisiyasat.
Ayon kay duterte, kailangan magmadali ang ICC dahil baka sya ay mamatay na hindi na sya maimbestigahan kaugnay sa umano’y extra judicial killings na naganap sa ilalim ng ipinatupad nyang war on drugs.
Tiniyak ni dating pangulong duterte na kung mapapatunayan ng ICC na guilty sya sa alegasyong crime against humanity ay handa syang mabulok sa loob ng kulangan./grace
—————————
Digong inamin sa Quad Comm na pumatay siya ng anim hanggang pitong kriminal sa Davao City noong siya pa ang Mayor
SA kauna-unahang pagkakataon na humarap siya sa imbestigasyon ng Quad Committee ng Kamara de Representantes. Inamin mismo ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na personal niyang pinatay ang tinatayang nasa anim hanggang pitong kriminal sa Davao City noong siya pa ang nanunungkulan bilang Mayor ng naturang Lungsod.
Ang naging pag-amin ng dating Pangulo ay ginawa nito matapos nitong paunlakan ang malaon ng imbitasyon sa kaniya ng Quad Committee ng Kamara de Representantes na nag-iimbestiga sa Extra-Judicial Killings (EJK), madugo at brutal na war-on-drugs campaign at illegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na pawang nakakulapol lahat sa dating administrasyon ni Duterte.
Inamin ni Duterte ang naturang pag-amin matapos siyang tanungin ni Gabriela Party List Rep. Arlene Brosas kung mayroon ba itong pinatay o siya mismo ang pumatay noong siya pa ang Mayor ng Davao City.
"Ako, marami. Mga anim o pito, hindi ko na-follow up sa hospital kung natuluyan," pag-amin at pahayag ni Duterte sa tanong ni Rep. Broasas.
Ipinahayag pa ng dating Pangulo na bilang dating Mayor. Personal aniya siyang magpa-patrolya sa mga lansangan sa Davao City at umaasang makakahanap o makaka-engkuwentro siya ng mga kriminal.
"Nagdasal po ako na magmo-motor ako na may mag-hold-upper diyan. At kung talagang mahuli kita. Talagang palatayin kita, wala akong pasensiya sa mga kriminal," pag-amin ng dating Pangulo.
Pinagdiinan naman ni Brosas kay dating Pangulong Duterte ang accountability o pananagutan nito sa mga nangyaring EJK na naka-angkla sa kaniyang madugo at brutal na war-on-drugs campaign. Kung saan, hinamon pa ng kongresista si Duterte na aminin sa harap ng pamilya ng mga naging biktima ng EJK ang mga pagkakasala nito.
Muli naman naninindigan si Duterte sa mga nauna na nitong pahayag na: "I and alone take full legal responsibility sa lahat na nagawa ng mga pulis pursuant to my order. Ako ang mananagot. At ako ang makulong, huwag yung pulis na sumunod sa order ko," sabi ni Duterte./mar
——————————
Pilipinas, naging "killing field" noong panahon ni dating Pangulong Duterte
NAGMISTULANG "killing field" ang Pilipinas ng mga taong sangkot sa paggamit at pagtutulak ng illegal na droga noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte patungkol sa inilunsas nitong war-on-drugs campaign.
Ito ang ibinigay na pahagag ng co-Chairman ng House Quad Committee na si Manila 6th Dist Rep. Bienvenido "Benny" M. Abante, Jr. sa kaniyang opening statement sa ika-11 pagdinig ng Komite na ginawang killing field ng mga drug suspect at inosenteng biktima ang bansa noong panahon ng dating Pangulo base narin sa kaniyang naging direktiba sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP).
Sabi ni Abante na matapos maluklok si Duterte bilang ika-16 na Pangulo ng bansa. Ipinangako aniya ni Duterte na wawakasan o pupuksain nito sa loob ng anim na buwan ang salot na illegal na droga. Subalit inamon umano ng anim na taon hanggang sa kasalukuyan ay namamayagpag parin ang illegal drugs.
"The new-elected President Duterte promised to wipe-out the drug manace in six months. Pero inabot kayo ng anim na taon. Hanggang ngayon, meron tayong war on drugs," pahayag ni Abante sa kaniyang opening statement.
Pagdidiin pa ni Abante na sa takbo ng war-against-drug campaign ni dating Pangulong Duterte. Ipinunto ng mambabatas na naging brutal ang naturang kampanya sapagkat dito aniya sumulpot ang mga tiwaling pulis na nakapatay ng mga inosenteng biktima kasama na dito ang walang habas na pagpatay ng mga tinaguriang riding-in-tandem sa mga inosenteng sibilyan.
"Hindi namin akalain kung bakit kinakailangang pumatay ng libo-libong Filipino, more than 30,000 in fact. Sa more than 30,000. 7,000 lang ang drug suspects," sabi pa ni Abante.
Ayon sa kongresista, ang mga tinaguriang "assasin" ay inudyukan umanong pumatay ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan sa pamamagitan ng ipinatupad na reward system ng administrasyong Duterte.
Dahil dito, ipinahayag pa ni Abante na dahil sa naging talamak at laganap ang mga pagpatay sa bansa na naka-angkla sa war-on-drugs campaign. Mas naging masahol pa aniya sa Mexico at Columbia ang Pilipinas patungkol sa madugong kampanya laban sa illegal na droga.
"Naging killing field po ang ating bansa. Talo pa natin ang Mexico at Columbia. Kung saan, not more than 10,000 ang namatay," agon pa kay Abante.
Paliwanag pa ni Abante na pinagtibay ito ng mga bata at inosenteng sibilyan na walang habas na napatay sa takbo ng madugo at brutal na drug war kung saan trinato lamang ang mga biktima bilang "collateral damage"./mar
—————————
Umusad na sa Kamara ang panukalang pagbuo ng Department of Disaster Resilience o DDR.
Ito ay makaraang makapasa sa House Committee on Government Reorganization at Committee on Disaster Resilience ang “substitute bill” at committee report ng panukala.
Ayon kay Rep. Joey Salceda, isa sa mga may-akda ng panukala --- kapag nagkaroon na ng DDR, ito ang magsisilbing “primary agency” na mangunguna sa mga hakbang ng pamahalaan para mabawasan ang banta ng kalamidad; at makapaghanda at makatugon.
Tututukan din nito ang pagbangon at rehabilitasyon ng mga lugar na sinalanta ng sakuna.
Maliban naman sa mga bagyo, lindol at iba pang katulad na kalamidad, masasakop sa trabaho ng DDR ang mga susulpot na epidemya at pandemya.
Ayon sa mambabatas, sa ngayon kasi kapag may mga nangyayari, bagong “task force” lamang ang binubuo. Ngunit sa oras na maitatag na ang DDR, ito ay permanente na at may kapangyarihan.
Naniniwala ang kongresista na ang mabubuting institusyon ay nagliligtas ng mga buhay. Habang ang mga maling institusyon ay nagdadala naman ng panganib.
Umaasa naman aniya ang mga nagsusulong ng DDR na kakatigan ni Defense Sec. Gilbert Teodoro ang panukala, at magkakasundo para rito./isa
——————————
Iisa ang itinuturo ng apat na opisyal ng Office of the Vice President na siyang makasasagot sa tanong ng mga kongresista kaugnay sa paggastos ng confidential funds ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte.
Sa ikalimang pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, inusisa ni House Deputy Minority Leader France Castro sina Chief Accountant Julieta Villadelrey, Administrative and Financial Services Director Rosalynne Sanchez at Budget Officers Kevin Jerome Tenido at Ma. Edelyn Rabago hinggil sa kanilang partisipasyon sa proseso at utilization ng confidential funds.
Ang pananaw kasi ni Castro ay mayroon silang pananagutan dahil sa kanila dumadaan ang panukalang budget ng OVP at dapat ay nagtaka na sila na may confidential funds nang inihirit nang maupo si Duterte sa huling quarter ng 2022.
Sagot ni Tenido, bagama't kinonsulta sila patungkol sa isusumiteng request letter sa Department of Budget and Management ay wala silang kinalaman sa "safe implementation" ng iba't ibang aktibidad sa ilalim ng Good Governance Program.
Giit ni Castro, tila pinabayaan lang ng mga opisyal na mag-request ng 125 million pesos na CIF nang walang justification at itemized projects o hindi alam kung saan ito gagamitin.
Ginisa rin ni Taguig City Representative Pammy Zamora si Villadelrey ukol sa procedures at responsibilidad na konektado sa issuance at handling ng tseke partikular sa disbursement ng confidential funds.
Depensa naman ni Villadelrey, kasama lamang siya sa pagpoproseso ng disbursement voucher at checking ng supporting documents na naka-attach sa issuance ng cash advance.
Pare-parehong isinagot ng OVP officials na si Special Disbursing Officer Gina Acosta ang dapat tanungin.
Una rito, inihayag ni dating DepEd Spokesperson Michael Poa na SDO rin ang may kontrol sa confidential funds sa ahensya sa katauhan ni Edward Fajarda./hajji
—————————
Pasado na sa ikalawang pagbasa sa Kamara ang panukalang protektahan ang “remittances” ng Overseas Filipino Workers o OFWs.
Binuo ang panukala bilang pagkilala sa malaking ambag ng mga OFW sa pambansang ekonomiya nang dahil sa kanilang remittances o pinapadalang pera.
Sa ilalim ng House Bill 10959 --- iginiit ang kahalagahan na mangalagaan ang pinaghirapang pera ng mga OFW laban sa mga labis-labis o napakataas na bayarin na sinisingil ng financial institutions.
Kapag naging ganap na batas, ang mga OFW at kanilang pamilya ay magkakaroon ng 50% na diskwento mula sa mga fee na ipinapataw ng mga bangko at non-bank financial intermediaries, sa tuwing may remittances.
Bibigyan naman ng financial relief ang mga bangko at kaparehong institutsyon sa pamamagitan ng bawas-buwis.
Ang mga lalabag, mahaharap sa mabigat na parusang kulong na 6-buwan hanggang 6-taon, o multang aabot sa P50,000 hanggang P750,000.
Dagdag sa House Bill, magkakaloob ng libreng financial education para sa OFWs at kanilang mga kaanak, na pangangunahan ng Department of Migrant Workers o DMW katuwang ang iba pang ahensya ng pamahalaan./Isa
—————————-
Pormal nang inihain sa Kamara ang isang resolusyon na nagpapasiyasat sa mga hindi otorisadong transaksyon at pagkawala ng pera ng maraming customers ng GCash.
Sa House Resolution 2068 (ng Makabayan bloc) --- pinaiimbestigahan sa House Committee on Banks and Financial Intermediaries at Committee on Information and Communications Technology ang isyu “in aid of legislation.”
Giit sa resolusyon, dapat na papanagutin ang Gcash dahil sa posibleng iregularidad na lubos na naka-apekto sa mga Pilipinong nagtitiwala pa naman sa kanila para sa araw-araw na transaksyon.
Diin pa sa House Reso, kailangang silipin ang mga insidente upang makabuo at magpatupad ng mas malakas na regulasyon, at para mas maprotektahan ang mga consumer.
Dismayado naman ang mga kongresista dahil sa kabila ng SIM Card Registration Law, marami pa ring ulat ng cyber fraud, scam, hacking at katulad.
Nitong weekend, maraming GCash users ang nagreklamo ukol sa hindi otorisadong transaksyon at pagsimot ng kanilang pera mula sa e-wallet accounts nila.
Pero sa paliwanag ng Gcash, nagkaroon ng error sa system reconciliation process nila, pero nilinaw na ligtas ang pera ng kanilang users./Isa
———————
Pinaalis ang chief lawyer ng Office of the Vice President o OVP na si Atty. Emily Torrentira sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability.
Ito ay dahil tumanggi siyang mag-oath o nanumpa sa komite.
Una rito, gusto ni Torrentira na magpaliwanag kung bakit hindi natanggap ng ilang OVP officials ang subpoena ng komite.
Gayunman, binara siya ng mga kongresista dahil bukod sa hindi siya nanumpa, hindi pala siya imbitado at walang komunikasyon mula sa OVP na siya ang ipinadalang kinatawan.
Nagmosyon si Rep. Joseph Stephen Paduano na palabasin si Torrentira ng People’s Center ng Kamara.
Ani Paduano, hindi uubrang magsalita si Torrentira maliban na lamang kung nag-oath siya.
Kinatigan ito ni House Deputy Speaker David Suarez, at sinabing bakit nasa hearing si Torrentira.
Bukod naman sa pagpapaalis kay Torrentira sa hearing, pina-strike out o pinaalis sa records ang kanyang mga naging statement./Isa
No comments:
Post a Comment