Sinabi ni Quad Committe co-chairperson Bienvenido Benny Abante sa kanyang opening statement na magpapagaling si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte para siya makadadalo sa susunod na hearing nila.
Ayon kay Abante, maraming katanungan na puwedeng masagot si Duterte kung haharap siya sa Quad Comm, na nag-iimbestiga ukol sa giyera kontra droga at extrajudicial killings o EJKs noong nakalipas na administrasyon.
Umaasa si Abante na samahan ang dating pangulo ng iba pang imbitadong personalidad, na nagtatago pa rin.
Nauna nang inimbitahan ng komite si dating Pangulong Duterte, ngunit batay sa kanyang kampo, masama ang kanyang pakiramdam kung kaya’t hindi ito makakadalo.
No comments:
Post a Comment