P411M halaga ng tulong para sa biktima ng bagyong Kristine, ikinasa ng Kamara— Speaker Romualdez
Alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang paghahanda para sa malawakang relief operations ng Kamara de Representantes para sa mga pamilyang naapektuhan sa pananalasa ng bagyong Kristine.
Agad na umaksyon si Speaker Romualdez para agarang mailabas ang P390 milyong halaga ng tulong pinansyal na ipapamahagi sa may 22 distrito sa Bicol Region, Eastern Visayas, MIMAROPA at apat na party-list representatives na apektado ng bagyo.
“Malinaw po ang direktiba ni Pangulong Marcos: walang pamilyang Pilipino ang maiiwan sa pagtulong ng pamahalaan sa mga nasalanta ng bagyong Kristine. Ito ang pangako natin sa sambayanang Pilipino, lalo na doon sa mga matindi ang naranasan sa kalamidad na ito,” sabi ni Speaker Romualdez.
“We are making sure the government’s assistance reaches our affected countrymen as quickly as possible,” dagdag ng lider ng Kamara na mayroong mahigit na 300 kinatawan.
Ayon kay House Deputy Secretary General Sofonias Gabonada naghahanda na rin ang Office of the Speaker at Tingog Party-list ng 2,500 relief packs kada distrito o kabuuang 62,500 na relief goods na nagkakahalaga ng higit P21 million na siyang ipapamahagi sa mga pamilyang nasalata ng bagyong Kristine.
Mayroon din aniyang hiwalay na relief mission na gagawin si Ako Bicol Partylist Rep.
Zaldy Co, chairman ng House Committee on Appropriations.
Ayon kay Gabonada ang P15 milyong halaga ng cash assistance na ipamamahagi sa bawat distrito ay mula sa Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng Department of Social Welfare and Development sa ilalim ng pamumuno ni Sec. Rex Gatchalian. Inaasahan na maipamahagi ito sa mga benepisyaryo sa mga susunod na araw.
Ang Tingog party-list naman ang nagsisilbing on-the-ground support sa mga nasalatang lugar.
Tinukoy ni Speaker Romualdez na karamihan sa mga distritong aabutan ng tulong ay ang mga pinaka tinamaan ng bagyo paritkular sa kabahayagm imprastraktura at kabuhayan
“We know how difficult the situation is for our fellow Filipinos, and we are here to help,” ani Speaker Romualdez. “We will ensure that these funds go directly to the recovery and rebuilding efforts in these communities.”
Kinumpirma rin ni Gabonada na maipagkakaloob ang tulong pinansyal sa 22 distrito at apat na party-list representatives sa lalong madaling panahon para na rin matugunan ang pangangailangan ng mga biktima.
“The AICS funds will be directly distributed to those in need. We have set up mechanisms to ensure that the aid reaches the constituents of the affected districts as quickly and efficiently as possible,” paliwanag ni Gabonada.
Kabilang sa mga makakatanggap ng tulong sa Bicol region ang distrito nina Rep. Eulogio Rodriguez, Rep. Josie Tallado, Rep. Rosemarie Panotes, Rep. Tonton Kho, Rep. Olga Kho, Rep. Ricardo Kho, Rep. Wowo Fortes, Rep. Dette Escudero, Rep. Fernando Cabredo, Rep. Joey Salceda, Rep. Edcel Lagman, Rep. Migz Villafuerte, Rep. Lray Villafuerte, Rep. Arnie Fuentebella, Rep. Hori Horibata, atRep. Gabriel Bordado.
Sa Eastern Visayas, paaabutan ng ayuda ang mga distrito nina Rep. Paul Daza, Rep. Harris Ongchuan, Rep. Reynolds Tan, and Rep. Stephen James Tan.
Mayroon ding tulong para sa distrito ni Rep. Cong. Reynante Arrogancia mula CALABARZON habang sa MIMAROPA naman ay ang distrito ni Rep. Lord Allan Velasco.
Kabilang naman sa relief efforts ang party-list groups na kinakatawan nina Rep. Raul Angelo “Jil” Bongalon, Rep. Brian Yamsuan, Rep. Presley De Jesus, at Rep. Felimon Espares.
“This is a coordinated effort between the national government and local representatives, and we will ensure that aid is delivered promptly as instructed by President Marcos,” ayon sa House Speaker.
Hinikayat din niya ang pribadong sektor at non-government organizations na umagapay sa mga hakbangin ng pamahalaan. “This is the time for solidarity and cooperation. We welcome any additional support that can help our people get back on their feet,” dagdag niya
Ang relief operations na ito ay bahagi lamang ng malawakang estratehiya ng administrasyon Marcos para tugunan ang kagyat at pangmatagalang pangangailangan ng mga tinamaan ng kalamidad.
“Rest assured, we will not stop at relief operations. We will push for sustainable recovery programs that will help these communities rebuild their lives,” pagtatapos ni Speaker Romualdez (END)
—————————
Davao Death Squad, iba pang detalye ng reward system sa war on drugs inilahad ni Garma
Kinumpirma ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager at retired Police Col. Royina Garma ang operasyon ng Davao Death Squad (DDS) at isiniwalat ang iba pang detalye ng reward system ng war on drugs ng administrasyong Duterte.
Sa kanyang supplemental affidavit na isinumite sa House Quad Committee na nag-iimbestiga sa mga extrajudicial killings (EJKs) sa pagpapatupad ng kampanya kontra droga noong nakaraang administrasyon, nagbigay si Garma ng personal na salaysay ukol sa marahas na mekanismong nasa likod ng kontrobersyal na war on drugs ni Duterte.
Kinumpirma ni Garma, na naitalaga sa Davao City Police mula noong 1997, ang pagkakaroon ng DDS, isang grupo na itinuturong nasa likod ng mga pagpatay sa panahon ng panunungkulan ni Duterte sa lungsod.
Sinabi ni Garma na isang open secret ang DDS na iniiwasan umanong pag-usapan ng mga pulis sa Davao.
“I became aware of the so-called ‘Davao Death Squad’ through various sources during my assignment in Davao,” sabi ni Garma sa kanyang affidavit. “It was common knowledge among officers that almost all station commanders had special teams designated for specific operations. Although I did not know the identities of these teams, a culture of silence prevailed among police officers in Davao regarding such matters.”
Dagdag pa niya na ang “culture of silence” sa DDS ay umabot hanggang sa mga operasyon ng pulisya, kung saan walang kumukuwestyon at umuusisa sa mga pagpatay.
Sa kanyang naunang sinumpaang salaysay na binasa sa pagdinig ng Quad Committee noong Oktubre 11, tuwirang inakusahan ni Garma si dating Pangulong Rodrigo Duterte na nagsagawa ng isang pambansang kampanya laban sa droga na nagresulta sa libu-libong kaso ng extrajudicial killings ng mga pinaghihinalaang sangkot sa droga.
Ang sinumpaang salaysay ay hindi lamang nagbunyag ng diumano'y reward system sa mga pagpatay, kundi nagdetalye rin sa mga papel nina Duterte at ng kanyang malapit na aide na si Sen. Christopher 'Bong' Go sa pangangasiwa at pagmamando sa mga operasyon kontra droga.
Ayon pa kay Garma, ang mga cash reward para sa mga pagpatay sa mga drug suspect ay mula P20,000 hanggang P1 milyon, depende sa target.
Sa kanyang karagdagang sinumpaang salaysay na may petsang Oktubre 22, inilarawan ni Garma ang kanyang mga personal na karanasan ukol sa reward system habang siya ay Station Commander sa Sasa at Sta. Ana mula 2012 hanggang 2016.
Isa aniya sa operasyon ay naganap sa Barangay Malagamot, Davao City, noong 2012.
Sinabi ni Garma na nakatanggap siya ng tawag mula kay Police Lt. Col. Padua, isang intelligence officer ng noon ay Davao City Police chief Ronald 'Bato' Dela Rosa, na ipinaalam sa kanya ang isasagawang operasyon.
Makaraan ang ilang oras, nalaman ni Garma ang pagpatay sa isang lalaking suspek.
Naging kakaiba aniya ang operasyon, dahil sa cash reward sa mga pulis na nakapapatay sa suspek.
“From that operation, I received ₱20,000 from Sgt. Suan provided by Boy Alce,” banggit pa niya, na tumutukoy sa isang indibidwal na tumulong sa pamamahagi ng mga pabuya sa mga opisyal.
Ikinuwento rin ni Garma ang pagkamatay ng isang kilalang lalaking adik at nagtutulak ng droga malapit sa GT Gasoline Station sa Panacan, Davao.
“I remember this person because, in the morning of the day of his death, the duty desk officer informed me that he went to my office and left an image of the Holy Family, to tell my men that he just went to Mass and was very happy,” sabi ni Garma. “A few hours later, he was dead.”
Nang nagtanong si Garma tungkol sa insidente, sinabi sa kanya ng isang Police Staff Sgt. Suan na ang pagpatay ay ikinoordinate ni Alce. “There was never any clearance from my office for this operation, nor was my office informed of it,” saad pa nito.
Sinabi rin ni Garma na ang mga police commander ay pinagsusumite ng ulat tungkol sa mga matagumpay na operasyon sa pagtatapos ng bawat buwan. Aniya ang mga ulat na ito ay kinakailangan para ma-reimbursement ang mga gastos sa operasyon, kabilang ang mga gastos tulad ng buy-bust money at gasolina.
“At the end of each month, all station commanders were required to submit reports documenting successful police operations to the LGU of Davao,” paliwanag ni Garma. “These reports included details of cases filed in the Office of the Prosecutor and other relevant information concerning the operations.”
Para sa bawat kaso, sinabi ni Garma na ang mga hepe ay nire-reimburse ng ₱5,000, na pinangangasiwaan ni 'Muking.
“The disbursement of these funds occurred monthly through Irma Espino, aka ‘Muking,’ and we were required to sign documents acknowledging receipt of payment,” ayon kay Garma.
Sa nakalipas na pagdinig, tinukoy si Muking bilang si Irmina Espino, isang staff tanggapan ni Go sa Davao City Hall.
Sii Espino ay naging isang Assistant Secretary sa Malacañang nang italaga si Go bilang Special Assistant to the President.
Ipinahayag din ni Garma sa kanyang sinumpaang salaysay na ang mga pabuya para sa mga pagpatay ay mas tumaas.
“For the deaths of suspects, Sonny Buenaventura provided direct payments of ₱20,000 to station commanders, with no signed documentation required,” ayon pa kay Garma.
Pinagtibay ni Garma ang katotohanan at bisa ng kanyang mga pahayag upang magbigay ng impormasyon sa imbestigasyon ng House mega-panel na binubuo ng Committees on Dangerous Drugs, Public Order and Safety, Human Rights, at Public Accounts. (END)
—————————-
Quad Comm nag-isyu ng show cause order laban sa aide ni Bong Go, apat na iba pang sangkot sa drug war ni Duterte
Naglabas ang House Quad Committee ng show cause order para sa limang indibidwal, kabilang si Irmina Espino, ang malapit na aide ni Sen. Christopher “Bong” Go, dahil sa hindi pagsipot sa pagdinig noong Martes.
Bukod kay Espino, kasama rin sa pinagpapaliwanag ng joint panel sina, Peter Parungo, Rommel Bactat, Michael Palma, at Sanson Buenaventura, na pinangalanan ni dating General Manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na si Royina Garma, sa kanyang affidavit na nagkukumpirma sa reward system ng pulisya sa ipinatupad na marahas na war on drugs sa ilalim ng dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ipinakita ng testimonya ni Garma na ang giyera kontra droga ay nagpapatakbo sa pamamagitan ng reward system na nag-uudyok sa mga pulis na patayin ang mga indibidwal na nasa kontrobersyal na “drug list” ni Duterte, na nagresulta sa libu-libong extrajudicial killings (EJKs) at paglabag sa karapatang pantao.
Bilang isang retiradong pulis na malapit kay Duterte, dinetalye ni Garma kung paano ipinatupad ang kampanya sa ilalim ng direktang utos ng dating pangulo, kung saan sina Go at retiradong Police Col. Edilberto Leonardo ay gumanap ng mga pangunahing papel sa operasyon.
Ipinaliwanag niya na ang pambansang kampanya na hango sa “Davao Model” na ginamit noong si Duterte ang alkalde, na nagbigay ng kabayaran sa mga pulis para sa mga pagpatay, na may pabuyang mula ₱20,000 hanggang ₱1 milyon depende sa target.
Ayon kay Garma, pagkatapos mahalal si Duterte bilang pangulo noong 2016, iniutos nito sa kanya na humanap ng isang opisyal ng Philippine National Police (PNP) upang ipatupad ang giyera kontra droga, kung saan inirekomenda niya si Leonardo, ang hepe ng PNP Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Region 11.
Si Leonardo na kalauna’y naging Undersecretary sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Commissioner ng National Police Commission (Napolcom).
Sa testimonya ni Garma, sinabi nitong bumuo ng task force si Leonardo kasama ang mga operatibang sina Bactat, Cerbo, at Palma, na responsable sa intelligence gathering at pangangasiwa sa police operations.
Ang mga ulat ay isinasaayos ni Berganio, na may listahan ng mga drug personalities para suriin ni Leonardo at magtalaga ng mga kaukulang halaga ng gantimpala.
Si Buenaventura, isang mataas na opisyal ng pulisya at isa sa mga pinagkakatiwalaang tao ni Duterte, ay nakilalang miyembro ng Davao Death Squad.
Ibinunyag ni Garma sa kanyang testimonya na si Buenaventura mismo ang namamahagi ng ₱20,000 na cash sa mga station commander para sa bawat matagumpay na pagpatay sa operasyon sa Davao City.
Samantala, sina Cerbo at Berganio ay hindi nabigyan ng show cause orders dahil walang ebidensiya na natanggap nila ang mga imbitasyon mula sa Quad Comm.
Inaasahan ng mega-panel—na binubuo ng mga House Committees on Dangerous Drugs, Public Order and Safety, Human Rights, at Public Accounts—na dadalo si Espino at ang apat na iba pa sa susunod na pagdinig upang magpaliwanag ng kanilang hindi pagdalo at magbigay ng testimonya sa harap ng komite.
Kung ang kanilang mga paliwanag ay hindi magiging katanggap-tanggap, maaaring i-cite sila for contempt at ipag-utos ng komite na makulong. (END)
—————————
Pulis na iniuugnay sa pagpatay kay Mayor Halili na-contempt
Na-cite in contempt ang isang pulis na iniuugnay sa pagpatay kay dating Tanauan, Batangas Mayor Antonio Halili, na pinaniniwalaang isa sa mga biktima ng extrajudicial killing (EJK) sa war on drugs ng administrasyong Duterte.
Si Police Capt. Kenneth Paul Alborta ay na-cite in contempt sa pagdinig ng House Quad Committee dahil umano sa pagsisinungaling na isang paglabag sa Section 11, Paragraph C ng House Rules of Procedure Governing Inquiries in Aid of Legislation.
Si Alborta ay makukulong sa detention center ng Kamara hanggang sa mapagtibay ng plenaryo ng Kamara ang ulat na ilalabas ng Quad Committee na pinamumunuan ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers.
Si Abang Lingkod Partylist Rep. Joseph Stephen Paduano ay nagmosyon na i-cite in contempt si Albotra matapos na hindi masabi ang motibo sa pagpatay sa kanyang isang tauhan noong 2018.
“Napakasinungaling nito, Mr. Chairman. Kung hindi mo ma-corner, ‘di sasagot ng tama. Bata mo ‘yung dalawa, hindi mo alam?” sabi ni Paduano.
Sa pagdinig ng Quad Committee noong Oktobre 11, sinabi ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager at retired Police Colonel Royina Garma na naka-usap nito si Alborta at iniyabang nito sa kanya na sila ang pumatay kay Mayor Halilii na kasama umano sa “narco-list” ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Si Halili ay pinatay ng isang sniper habang nasa flag ceremony noong Hulyo 2018.
Itinanggi ni Albotra ang sinabi ni Garma sa pagdinig ngayong Martes at iginiit na chismis lamang ito.
Iginiit naman ni Garma na nagsasabi siya ng totoo.
“Makukunsensya din po ‘yan kasi I treated him very well when I was the [Police] Director of Cebu City,” sabi ni Garma. “If he will sue me, I will face it. But I can look straight in his eyes. I am not lying, and he’s lying and cowardly for not mentioning the names he knows were involved in Mayor Halili’s killing. He knows it.”
Humarap din sa pagdinig ang dating konsehal na si Norvin Tamisin na nakulong ng pitong buwan matapos akusahan na sangkot sa pagpatay kay Los Baños, Laguna Mayor Caesar Perez noong Disyembre 2020.
Sinabi ni Tamisin na siya ay ginawang “fall guy” ng mga pulis.
Si Perez ay pinagbabaril at napatay sa loob ng compound ng munisipyo noong Disyembre 3, 2020. Siya ay kasama rin umano sa “narco-list” ni Duterte.
Noong 2016, inilabas ni Duterte ang listahan ng mga opisyal ng gobyerno na sangkot umano sa kalakalan ng ipinagbabawal na gamot.
Tinaguriang“narco-politicians” ang mga ito at marami sa kanila ang pinaslang. (END)
———————————-
Duterte maaaring maharap sa crimes against humanity sa ilalim ng batas ng Pilipinas
Maaaring maharap si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kasong crimes against humanity kaugnay ng extrajudicial killings (EJK) sa pagpapatupad ng war on drugs campaign ng nakaraang administrasyon.
Sa pagharap ni dating Sen. Leila de Lima sa ikasiyam na pagdinig ng House Quad Committee ngayong Martes, tinukoy ni De Lima ang Republic Act (RA) 9851, isang batas na napagtibay noong 2009 na nagbigay ng kahulugan upang maparusahan ang crimes against international humanitarian law, genocide, at iba pang crimes against humanity.
Ayon kay De Lima ang RA 9851 ay isinabatas dalawang taon bago lumagda ang Pilipinas sa Rome Statute ng International Criminal Court (ICC), na sakop ang sistematikong pamamaslang sa ilalim ng drug war.
“The crime of EJKs carried out by state security forces and their agents in the implementation of the war on drugs falls under the general category of ‘other crimes against humanity’ under Section 6, which consists of acts ‘committed as part of a widespread or systematic attack directed against any civilian population, with knowledge of the attack,’” sabi ni De Lima na tinutukoy ang probisyon ng batas “These acts include willful killing, extermination, torture, and enforced disappearance, among others.”
Giit pa niya na sa ilalim ng RA 9851 ang mga krimen na ito ay non-bailable o walang piyansa at maaaring patawan ng parusang reclusion perpetua, o habang buhay na pagkakakulong.
Ayon sa dating senador pinapanagot ng batas hindi lamang ang mga direktang responsable sa krimen kundi maging ang mga nasa posisyon na nag-utos para sa naturang krimen.
“According to Section 8, a person who orders, solicits or merely induces the systematic attack on the civilian population and which thereafter occurs or is attempted is liable as a principal,” paliwanag ni De Lima
“The same applies to anyone who contributes to the commission of the crime by a group of persons acting with a common purpose,” dagdag niya.
Pagpapatuloy pa ni De Lima, mananagot din sa ilalim ng RA 9851 ang mga opisyal ng gobyerno kabilang ang lider ng estado.
“Section 9 provides that ‘official capacity as a head of state or government shall in no case exempt a person from criminal responsibility under this Act, nor shall it, in and of itself, constitute a ground for reduction of sentence,’” paglalahad ni De Lima.
Diin pa ni De Lima walang prescription ang mga krimen sa ilalim ng RA 9851, ibig sabihin, lahat ng responsable sa krimen ay maaaring habulin anomang panahon.
“The crimes defined and penalized under this Act, their prosecution, and the execution of sentences imposed on their account, shall not be subject to any prescription,” sabi niya. “Puwede po silang tugisin habambuhay.”
Sabi pa ni De Lima na bago pa man umanib ang Pilipinas sa Rome Statute noong 2011 ay kinikilala na ng bansa ang otoridad ng mga international court gaya ng ICC.
“Through this law, we have recognized the jurisdiction of the ICC over crimes against humanity committed in the Philippines even before we ratified the Rome Statute as a binding treaty,” sabi pa niya.
Tinuligsa ni De lima ang desisyon ni Duterte na kumalas ang Pilipinas sa ICC noong 2018 na aniya’y para matakasan ang pananagutan sa paglabag sa karapatang pantao ang kaniyang administrasyon.
“Even before we became a member of the ICC, our law already allowed for the surrender or extradition of individuals involved in crimes against humanity to international courts like the ICC,” sabi ni De Lima
Dagdag pa niya, “To say we no longer have to cooperate with the ICC, we must first nullify this law. Until then, we are still bound by it.”
Matagal ng kritiko si De Lima ni Duterte at ng war on drugs nito na nagresulta sa pagkamatay ng libu-libong katao.
Noong 2017 nakulong si De Lima matapos sampahan ng mga kaso kaugnay ng bentahan ng ipinagbabawal na gamot, matapos na imbestigahan ang mga kaso ng EJK sa Senado.
Matapos ang anim na taon, napawalang sala ng mga korte si De Lima sa mga alegasyon laban sa kanya.
Sa kabila ng pagkakakulong, nagpatuloy si De Lima na labanan ang mga polisiya ni Duterte lalo na ang desisyong umalis sa ICC (END)
—————————-
Matapos magpa-drug, psych tests, hamon ng Young Guns kay VP Sara humarap sa confidential fund probe
Kumasa ang mga miyembro ng Young Guns ng Kamara de Representantes sa hamon ni Vice President Sara Duterte na sumailalim sa drug test at psychiatric evaluation.
Pero hamon ng Young Guns, pagkatapos ng mga test ay dapat humarap si Duterte sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability at tumestigo, matapos manumpa na magsasabi ng totoo, sa imbestigasyon ng kinukuwestyong paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).
“We are more than willing to take the drug test and psychiatric exam, as the Vice President suggested, but we will not allow her to divert the real issue, which is the allegations of fund misuse and graft and corruption against her. We believe that transparency should go both ways. If she wants to challenge us, she should be ready to face the House Blue Ribbon Committee and testify under oath,” ani House Assistant Majority Leader at Zambales Rep. Jay Khonghun.
“This isn’t just about clearing our names from baseless accusations—it’s about accountability, which every public official must uphold,” sabi ni Khonghun.
Sinabi pa ng solon na kung mahalaga na matiyak na nasa tamang pag-iisip ang isang opisyal ng gobyerno importante rin na magkaroon ng pananagutan ang mga ito sa kanilang mga aksyon.
“I am prepared to take these tests, and I am sure my colleagues are as well. However, the public deserves the same level of transparency when it comes to the use of public funds, and this can only happen if Vice President Duterte agrees to testify,” sabi ni Khonghun.
Hinamon ni Duterte ang mga miyembro ng Young Guns na magpa-drug test sa isang panayam ng media.
Kumasa rin si House Assistant Majority Leader at La Union Rep. Paolo Ortega, isa ring miyembro ng Young Guns, sa hamon ni Duterte.
“If we’re going to undergo these tests, let’s level the playing field. We’re all public servants here, so let’s agree that anyone failing the drug or psychiatric test should face the consequences, and anyone found misusing public funds should also be held accountable,” ani Ortega.
“We have nothing to hide. We’re ready to undergo these tests, but in the same breath, the Vice President should demonstrate her accountability by appearing before Congress to answer the allegations of fund misuse in her office. Only then will this challenge truly serve the public interest,” dagdag pa nito.
Iginiit ni Ortega na dapat isang patas na pagsusuri ang isagawa.
“We propose that neutral third-party groups of medical experts administer both the drug and psychiatric exams to ensure the process is objective and transparent,” sabi pa ni Ortega.
Ayon naman kay House Assistant Majority Leader at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, “We’re ready for these tests. Let’s schedule it within the next few days. But more than that, we challenge the Vice President to step forward and answer the people’s questions about her office’s budget use. The real test of leadership is accountability, and we hope she’s ready for that.”
Sinabi naman ni House Deputy Majority Leader at Ako Bicol Partylist Rep. Jil Bongalon na ang sinumang babagsak sa drug test ay dapat papanagutin alinsunod sa Dangerous Drugs Act.
Iginiit rin ni Bongalon ang kahalagahan na humarap si Duterte sa imbestigasyon ng Kamara kaugnay ng paggamit nito ng confidential funds.
Payag din sina House Deputy Majority Leader at PBA Party-list Rep. Migs Nograles at Davao Oriental Rep. Cheeno Almario na sumailalim sa mga pagsusuri. (END)
————————
Notoryus na ‘Davao Death Squad’ ginamit na model ng nationwide Duterte drug war
Kumbinsido si dating Sen. Leila De Lima na ang Davao Death Squad (DDS) ang pinagmulan ng war on drugs campaign na ipinatupad ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa buong bansa na nagresulta sa pagkamatay ng libu-libong Pilipino.
Ang testimonya ni De Lima ay mistulang pagkumpirma sa sinabi ni dating Police Col. Royina Garma na ipinatupad ni Duterte ang Davao model anti-illegal drug campaign sa buong bansa noong kanyang panunungkulan bilang Pangulo.
Sa kanyang pagharap sa House Quad Committee na nag-iimbestiga sa mga extrajudicial killings (EJKs) sa pagpapatupad ng madugong war on drugs ng nakaraang administrasyon, sinabi ni De Lima n a ang DDS ay mayroon ding reward system o binibigyan ng pabuya ang mga nakakapatay ng drug suspect.
Sinabi ni De Lima na ang DDS ay mayroong dalawang yugto. Ang una ay mula 1988 hanggang 1998, kung kailan si Duterte ay alkalde ng Davao.
Sa panahong ito, ang mga hitman—na binubuo ng mga dating rebelde at mga opisyal ng Philippine National Police (PNP)—ay binabayaran ng ₱15,000 para sa bawat pagpatay. Ang ₱5,000 ay napupunta sa mga police handler, habang ang ₱10,000 ay pinaghahatian ng mga hitman.
“Their safehouse was located inside the NAPOLCOM compound in Brgy. San Pedro, Davao,” sabi ni De Lima. “After the summary execution of targeted victims, the DDS members regrouped at their safehouse and divide the reward.”
Idinetalye rin ni De Lima ang direktang papel ni Duterte sa operasyon. “Duterte sometimes personally gave out the kill orders and the reward money directly to the assassins themselves.”
Ang ikalawang yugto ay mula 2001 hanggang 2016, kung saan ang DDS ay naging isang opisyal at organisadong grupo—ang Heinous Crimes Investigation Section (HCIS)—na nasa ilalim ng Davao City Police Office.
Sa pagkakataong ito, ang pabuya ay ₱13,000 hanggang ₱15,000 sa bawat pagpatay, kung saan napupunta ang ₱3,000 hanggang ₱5,000 para sa police handlers habang ang nalalabing halaga ay pinaghahatian ng mga “abanteros” o hitmen, na karamihan ay mga dating rebelde.
“A team of one PNP handler and three civilian ‘abanteros’ was given an average of three targets every month,” saad ni De Lima.
Ayon kay De Lima, pinalawig ang DDS-type na anti-illegal drug campaign sa buong bansa ng maging Pangulo si Duterte.
Sinabi ni De Lima na ang mga pinagkakatiwalaang opisyal ni Duterte mula sa Davao, ay kinabibilangan ni dating PNP Chief, ngayo’y Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, ay itinalaga sa mga pangunahing posisyon sa malalaking lungsod upang pangunahan ang kampanya ng mga pagpaslang sa ilalim ng kampanya laban sa droga.
“Duterte used the Davao system of barangay-based lists of victims,” ayon pa kay De Lima. “Barangay officials were required to identify drug offenders in their communities, who were then targeted in riding-in-tandem operations by death squads and official ‘nanlaban’ operations conducted by the PNP.”
Binigyan diin ni De Lima na ang imbestigasyon ng Commission on Human Rights (CHR) sa DDS, na isinagawa noong 2009 ay napakahalaga sa pag-unawa kung paano nag-ooperate ang mga death squad ni Duterte.
“The CHR investigation provides crucial insight into how Duterte organizes his death squads using active police officials as their leaders,” paliwanag pa ni De Lima, na noo’y chairperson ng CHR, ang unang nagsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa DDS.
Ang imbestigasyon ay nagbigay-linaw din sa sistema ng insentibo para sa mga death squad, na nagbunyag kung paano ginamit ang confidential at intelligence funds upang pondohan ang mga logistics at pabuya sa mga pumapatay ng drug suspect.
Isa sa pangunahing pahayag sa testimonya ni De Lima ay ang pagbubunyag sa istraktura ng organisasyon ng DDS, kasama ang papel ni Duterte bilang diumano’y utak ng operasyon.
Ayon kay De Lima, ang DDS ay hindi basta-bastang grupo ng mga mamamatay tao kundi isang “structured state-backed death squad.”
“Most of our unofficial findings in the CHR investigation were eventually confirmed by Edgar Matobato and Arturo Lascañas,” paliwanag ni De Lima, na tumutukoy sa mga dating kasapi ng DDS na nagpatunay tungkol sa operasyon ng grupo.
Ang self-confessed hitman na si Matobato na hayagang ibinunyag ang operasyon ng DDS noong 2016. Ang kanyang testimonya ay pinagtibay din ni Lascañas, isang dating mataas na opisyal ng pulisya na kalaunan ay lumantad upang patunayan ang pagkakaroon ng DDS at ang mga pamamaraan nito sa operasyon.
Si Lascañas ay nagsumite ng detalyadong 186-pahinang affidavit sa International Criminal Court, na inilarawan ni De Lima bilang “pinaka-komprehensibong ulat tungkol sa DDS mula sa pagkakatatag nito noong 1988 hanggang 2016.”
Sa affidavit, tinukoy ni Lascañas si Duterte—na may codename na “Superman”—bilang lider at utak ng DDS.
“MRRD (Mayor Duterte) alias Superman was the highest leader and mastermind of the DDS,” ayon pa kay De Lima na direktang nag-uugnay sa dating pangulo.
Tinukoy din sa affidavit si SPO4 Sanson Buenaventura bilang logistics at finance officer na humawak sa clearance para sa mga operasyon ng death squad, at si SPO3 Arturo Lascañas bilang pangkalahatang lider ng grupo para sa mga operasyon at pagpaplano.
Sinabi pa ni Lascañas na ang pondo para sa cash incentives at gastusin ng death squad ay mula sa “Peace and Order” o “Intel Fund” ng tanggapan ng dating pangulo.
Ang pondong ito ay nagbigay ng lingguhang allowance para sa gasolina, buwanang cash stipend, at iba pang insentibo para sa mga hitman na nakatalaga sa pag-pagpatay ng mga malilit na kriminal at mga high-value target.
“In so-called ‘special project’ killings, they were rewarded anywhere from ₱100,000 to ₱1 million depending on the status of the target,” ayon kay De Lima, patungkol sa affidavit ni Lascañas
Ang estrukturang ito, na pinangangasiwaan ni Duterte na kilala bilang “Superman,” ay mahalaga sa pagpapalawak ng modelo ng DDS sa buong bansa nang maging pangulo si Duterte
Kinumpirma ni Lascañas na ang DDS ay may mga mass grave, kabilang ang Laud Quarry at ang Mandug site, kung saan itinatapon ang mga labi ng mga biktima—isang detalye na pinagtibay ng iba pang testimonya ng imbestigasyon ng Senado.
Sa kanyang testimonya, binanggit din ni De Lima ang affidavit ni Garma, na iniharap sa nakaraang pagdinig, na naglalarawan ng isang katulad na sistema ng gantimpala.
Ayon kay De Lima, si Garma ay naging malapit na katuwang ng DDS kahit bago pa man ang 2016.
Ang ugnayan sa pagitan ng Davao Model at ng pambansang war on drugs ni Duterte ay mahalaga upang maunawaan kung paano nabibigyan ng pabuya at naisagawa ang mga extrajudicial killings sa mas malawak na antas.
Hinimok ni De Lima ang mga mambabatas na isaalang-alang ang mga natuklasan ng CHR at ang mga testimonya nina Matobato at Lascañas bilang mahalagang ebidensya.
Binigyang-diin niya na kinakailangan makamit ang katarungan para sa libu-libong biktima na EJK sa giyera kontra droga ni Duterte, marami sa kanila ay naging target ba
—————————
De Lima hangad agad na paggaling ni Duterte para maharap mga alegasyon
Hangad ni dating Sen. Leila de Lima ang agad na paggamit ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte upang magkaroon ng lakas na harapin ang mga alegasyon laban sa kanya.
“Well I hope, he gets well na so he would have the health to face the music. So sana, kay dating Pangulong Duterte, sana gumaling na kayo, magpagaling po kayo para meron kayong lakas na harapin ang lahat,” ani De Lima, na pinawalang-sala ng korte sa mga drug case na isinampa noong administrasyong Duterte.
Si De Lima ay dumalo sa pagdinig ng quad committee ng Kamara de Representantes at nagbigay ng testimonya kaugnay ng extrajudicial killings sa pagpapatupad ng war on drugs ng administrasyong Duterte.
Inimbita ng komite si Duterte subalit hindi ito dumalo.
Sa isang sulat na ipinadala ng kanyang abugado na si Atty. Martin Delgra III sa komite na pinamumunuan ni Rep. Robert Ace Barbers ng Surigao del Norte, sinabi na hindi umano maganda ang pakiramdam at kailangang magpahinga ni Duterte.
Maaari umanong humarap si Duterte sa pagdinig ng komite matapos ang Nobyembre 1.
Si Delgra ay ang dating chairman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board noong administrasyong Duterte. (END)
————————
Rep Marcos kay VP Sara: Sana okay ka lang
Umalma si House Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” A. Marcos sa naging mga pahayag ni Vice President Sara Duterte sa kanyang ama na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at dating Pangulong Marcos Sr.
Ayon kay Rep. Marcos wala na sa lugar at wala na sa katwiran ang ipinakitang asal ng Bise Presidente sa press conference nito noong Biyernes.
“Going ballistic was perhaps the self therapy she prescribed for herself. But she crossed the line, leaving the civic and civil space in which disagreements can be rationally argued,” ani Rep. Marcos.
“Let this be an opportune time to remind ourselves that we mustn't take our mental health for granted and that above all else I sincerely hope she is okay,” saad pa nito.
Sa kabila nito, sinabi ng batang Marcos na hangad pa rin niya ang tagumpay ang Pangalawang Pangulo sa kabila ng matitinding salitang binitiwan nito laban sa kanyang ama at lolo.
“As such, I still wish the Vice President well. Ultimately, her success, like the President's, will be the success of our nation as a whole. May she find the peace of mind and mental clarity that seems to be eluding her,” ayon kay Rep. Marcos.
Ayon kay Rep. Marcos nanahimik siya tungkol sa mga pahayag ng Pangalawang Pangulo bilang paggalang sa kanya dahil sa mandato na ibinigay sa kanya at sa mga responsibilidad na taglay ng kanyang posisyon.
“However, as a son, I cannot stay silent while she threatens to exhume a former president and behead an incumbent one. Besides, her bizarre temper tantrum has been condemned by a nation horrified from such displays of insensitivity towards the dead and cruelty to the living,” giit pa ng mambabatas.
“Forget that the objects of her derisions are dear to me, but I would also be remiss in my responsibility as an llocano representative if I didn't voice out my disdain at the abhorrent comments she so carelessly uttered. I can ascertain that my emotions are shared not only by my kakailian in the north but across the country,” saad pa nito.
Sinabi pa niya na pinagsabihan siya ng kanyang ama na huwag gumawa ng anumang komento sa mga patutsada ni Duterte.
“For his part, the President had not said anything against her that can be remotely construed even as a mild rebuke against her tirades. He even advised me to withhold my disappointment and refrain from making a statement. However, one must draw the line at some point and it's frankly long overdue,” giit pa nito.
Ang Bise Presidente ay nahaharap sa mga paratang ng hindi wastong pamamahala sa daan-daang milyong pisong confidential at intelligence funds (CIFs) na inilaan para sa OVP at DepEd, kung saan nagsilbi siyang Kalihim sa loob ng dalawang taon hanggang sa kanyang pagbibitiw noong Hulyo ng taong ito.
Sa pagsisiyasat ng mga mambabatas, binibigyang-diin ang nakakabahalang kawalan ng transparency at pananagutan sa paraan ng paglalaan at paggastos sa pondo ng bayan.
Sa kabila ng nakababahalang akusasyon, paulit-ulit na tumanggi si Duterte na dumalo sa mga pagdinig ng Kamara upang linisin ang kanyang pangalan at harapin ang mga paratang ng maling pamamahala ng pondo ng bayan.
Sa halip na sagutin ang mga isyu tungkol sa mga confidential funds(CIFs), inilihis ni Duterte ang atensyon sa pamamagitan ng mga personal na pag-atake laban kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., kabilang ang pagbanggit ng mga hinanakit mula sa halalan noong 2022.
Sa isang press conference, gumawa si Duterte ng nakakagulat na eksena, kung saan sinabi pa nitong naisip nitong pugutan ang Pangulo at nagbantang huhukayin ang mga labi ng yumaong Pangulong Marcos Sr. at itatapon ito sa West Philippine Sea.
Ang mga pahayag na ito ay nagpasiklab ng galit mula sa publiko at mga mambabatas, na kinondena ang kanyang mga komento bilang taktika ng paglihis ng atensyon mula sa alegasyon tungkol sa maling paggamit ng pondo ng bayan. (END)
—————————-
Pam Hinamon ni Davao City 1st District Representative Paolo Duterte ang kaniyang makakatunggali sa darating na halalan na sumailalim sa hair follicle drug test.
Sa isang pahayag ay sinabi ni Congressman Pulong na ang kaniyang hamon ay para sa kapakanan ng taumbayan at upang matiyak aniya na ang mga maglilingkod sa bayan ay malinis mula sa ilegal na droga.
Dagdag pa ng kongresista ay natapos na niya ang hair follicle drug test pero kung kinakailangan pa ay handa naman daw siyang sumailalim muli rito bilang pagtitiyak na walang dapat ipag-alala ang publiko sa integridad ng kanilang mga lider.
Batay sa kopya ng test result na ibinahagi ng kaniyang kampo sa media ay nagpa-test siya noong Agosto kung saan negatibo ang lumabas na resulta.
Walang nabanggit na pangalan ang kongresista ngunit kabilang sa makakatapat niya si PBA Party-list Representative ‘Migs’ Nograles sa pagkakongresista sa unang distrito.
Sa isang pahayag ay kumasa naman si Congresswoman Nograles at inimbatahan pa si Pulong upang sabay silang sumailalim sa drug test mamayang ala una y media ng hapon sa isang clinic sa Davao City.
————————-
Haj Binawi na ni Police Lt. Col. Jovie Espenido ang lahat ng testimonya laban kay dating Senadora Leila De Lima kaugnay sa illegal drug trade.
Sa ikasiyam na pagdinig ng Quad Committee sa Kamara, inusisa ni Batangas Representative Gerville Luistro si Espenido ukol sa mga personalidad na nagdiin kay De Lima upang makasuhan.
Dito ay inamin ni Espenido na hindi niya kilala si Kerwin Espinosa bago pa ang pagdinig ng Senado noong 2016.
Hindi rin umano niya kilala ang driver-bodyguard ni De Lima na si Ronnie Dayan at maging ang dating senador kaugnay sa pagkakasangkot sa kalakalan ng ilegal na droga bago ang Senate probe.
Bukod dito, itinanggi ng police official na siya ang nagpakilala kay Espinosa kay Dayan.
Kinumpirma naman ni Espenido ang testimonya ni Espinosa na inatasan silang mag-usap upang ayusin at gawing tugma ang mga salaysay na magdidiin kay De Lima na sangkot sa illegal drug trade.
Bago ang tuluyang pagbawi sa mga naunang testimonya, una nang humingi ng tawad si Espenido kay De Lima at iginiit na lalabas din ang katotohanan.
—————————
Isa Handa si House Assistant Majority Leader, CongW. Margarita Nograles na sumalang sa drug at neuropsychiatric test.
Ito ay bilang tugon sa hamon ni Vice President Sara Duterte na magpa-test ang mga kongresista.
Pinangalananan ni VP Sara sina Nograles, maski ang kapatid na si Davao City Rep. Paolo Duterte.
Sa isang pahayag, sinabi ni Nograles na ipapa-schedule niya ang tests sa susunod na mga araw.
Wala umanong problema sa kanya na magpasuri.
Una nang sinabi ni VP Sara na bukas siya sa televised na neuro exam.
————————-
Kath Inatasan ng House Quad Committee na maglabas ng show cause order laban sa ilang personalidad na binaggit ni dating PCSO General Manager at retired Pol. Col. Royina Garma na bahagi ng malawakang war on drugs task force noong nakaraang administrasyon.
Kasama rito si Irwin Espina alyas ‘Muking’ na ani Garma ay siyang humahawak umano sa financial operations ng reward system sa war on drugs.
Hindi dumalo si Muking sa kabila ng imbitasyong ipinadala ng Komite.
Ayon sa Committee Secretariat, ipinadala ito sa tanggapan ni Sen. Bong Go dahil sinasabi na staff ito ng senador.
“Ms. Muking has not presented herself but we sent an invitation through the office of the Senator.” Sabi ng Quad Comm Committee Secretary.
“With that Mr. Chairman I move to issue a show cause order for Irwina “Muking”Espina for her absence in today's hearing.” Sabi ni Quad Comm co-chair Joseph Stephen Paduano.
Pinaglalabas rin ng show cause order kay Peter Parungo.
Sa salaysay ni Garma, sa mga bank account ni Parungo idinadaan ang pera para sa operasyon ng war on drugs.
Sabi naman ni CIDG Chief GEn. Nicolas Torre III na naisilbi nila ang imbitasypon sa kaniyang bahay sa Davao City at tinanggap ng kaniyang asawa.
Dahil dito pinagpapaliwanag ni Paduano si Parungo kung bakit hindi siya dapat ipacontempt dahil sa hindi pagdalo.
“Since the letter was received in his residence and received by his wife, Mr. Chairman,… I move to issue a show cause order for Mr. Parungo to explain why he should not be cited in contempt in he next hearing, Mr. Chairman, and be present in the next hearing.” Mosyon ni Paduano
Kasama rin sa pina-i-isyuhan ni ng show cause order sina Rommel Bactat, Rodel Cerbo, at Michael Palma, na itinuro ni Garma bilang taga-kolekta at taga-verify ng impormasyon mula sa mga police officers ukot sa mga pag-aresto o pagkamatay ng mga indibidwal na nasa drug list.
Pagdating naman kay Lester Berganio na siyang nagko-compile ng naturang reports at may hawak ng drug list, sinabi ni Torre na hinahanap pa nila ang address nito para maisilbi ang imbitasyon.
“We have not found any address for Mr. Bergano at the moment, sir. We are still locating any known address, sir." Sabi ni Torree
“Once again, Mr. Chairman, we will direct Comsec to coordinate with the PNP to once again invite certain Mr. Bergano.” Mosyon ni Paduano.
Ayon kay Garma ang mga personalidad na ito ay pinili ni resigned NAPOLCOM Chief Edilberto Leonardo na kaniya naman inirekomenda kay dating Pang. Rodrigo Duterte para ipatupad ang Davao Model na war on drugs sa buong bansa.
##
————————
Isa Humarap si dating Senadora Leila de Lima, sa pagpapatuloy ng imbestigasyon ng House Quad Committee ngayong araw.
Sa kanyang pagsalang, ibinahagi niya ang “findings” ng Commission on Human Rights noong siya ang chairperson nito, ukol sa “payment system” sa giyera kontra droga noong alkalde pa ng Davao City si dating Pang. Rodrigo Duterte, batay sa mga saksi.
Ayon kay de Lima, tugma ang findings ng CHR noon sa mga naging pahayag ni dating PCSO General Manager Royina Garma ukol sa “reward system” sa war on drugs, na naisiwalat sa nakalipas na Quad Comm hearing.
Matatandaan na batay kay Garma, iniutos ni Duterte na ipatupad ang “Davao model” ng giyera kontra droga, kung saan may pabuya sa mga pulis na makakapatay ng mga sangkot sa ilegal na droga.
Aniya, sa “Davao Death Squad o DDS reward system” --- noong 1988 hanggang 2000, nasa P15,000 ang binibigay para sa handler at assasins; habang noong 2001 hanggang 2016 ay na sa P13,000 hanggang P15,000 para sa handler, assassin, at informants o abanteros.
Mayroon din aniya na aabot hanggang P1 million para sa special projects killings reward.
Samantala, “Superman” umano ang bansag noon kay Duterte, bilang pinaka-mataas na pinuno noon ng DDS.
Mayroon din umanong tatlong mass graves para sa mga biktima ng war on drugs sa Davao City.
———————-
Pam Humarap sa ika-siyam na quadruple committee hearing ng Kamara si dating Senator Leila de Lima
Sa unang bahagi ng kaniyang pahayag ay sinabi ni Senator Leila de Lima na ang ginawang inquiry ng Kamara taong 2016 ay hindi talaga para busisiin ang illegal drug trade sa Bilibid noon kung ‘di para sirain ang kaniyang pangalan.
Binalikan din ni de Lima ang kaniyang pagkondena sa drug war ng Duterte administration at nakiusap na tigilan na ito at huwag nang paabutin sa libo ang mga nasawi pero wala aniyang nakinig.
Sa halip ay siya ay pinaaresto at pinakulong nang pitong taon sa pamamagitan ng fabricated o gawa-gawang mga ebidensya.
Dagdag pa ni de Lima ay ginawa ito sa kaniya dahil sa tatlong layunin.
*SOT: FORMER SEN. LEILA DE LIMA*
“to silence me to destroy my credibility and to serve as an example to others by doing all three my message to the people against duterte’s ejk would no longer be heard or listened to and no one else would dare to act as a messenger after seeing what was done to me”
Sobrang nakalulungkot din aniya na ngayon lamang nagkaroon ng komprehensibong pagtalakay ng Kamara hinggil sa EJK kung kailan libo-libo na ang namatay dahil sa drug war.
Matapos naman ang rebelasyon ni dating PCSO General Manager Royina Garma ukol sa reward system sa PNP ay nanawagan din siya kay Police Lieutenant Coloner Jovie Espenido na magsalita na rin ukol dito.
————————
Anne Pinapa-imbestigahan ni Sta. Rosa, Laguna Representative Dan Fernandez sa Office of the Solicitor General ang kontratang pinasok ng Philippine Statistics Authority (PSA) sa isang private service provider na nagkakahalaga ng P5 billion.
Ayon kay Fernandez 10 taon na ang nasabing service provider na pagmamay-ari ng isang private company na Unisys.
Sinabi ni Fernandez, nalalagay sa alanganin ang bawat profile ng mga Filipino na dumadaan sa service provider.
Dahil dito hiling ni Fernandez kay Solicitor General Menardo Guevarra na silipin ang nasabing kontrata ng PSA.
Inihayag ni Fernandez na ang Unisys Corpration batay sa ulat ng Federal Bureau of Investigation ng US ay nagkaroon ito ng kaso sa kanila.
Hindi naman idinitalye ni Fernandez kung ano ang naging kaso ng Unisys.
Ang pahayag ni Fernandez ay kasunod sa naging rebelasyon sa Quad Comm hearing na maraming mga Chinese nationals ang nakakuha ng birth certificate sa pamamagitan ng late registration policy.
——————————
Sovereign rights ng PH sa West Philippine Sea patuloy na igigiit— Speaker Romualdez
Tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na patuloy na igigiit ng Pilipinas ang sovereign rights nito sa West Philippine Sea (WPS).
Ginawa ni Speaker Romualdez ang pagtitiyak sa isinagawang ribbon-cutting rites para sa "War of Our Fathers-A Brotherhood of Heroes,” isang exhibit ng Philippine Veterans Bank na inialay sa mga beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong Linggo na may kaugnayan sa pagdiriwang ng ika-80 anibersaryo ng Leyte Landings na ginanap sa sa Leyte Convention Complex sa Palo, Leyte.
Ayon sa lider ng Kamara ang giyera na nilabanan ng mga Pilipino may 80 taon na ang nakakaraan ay iba sa laban na kinakaharap ng mga Pilipino ngayon.
“Today, we face a new battlefield. Our enemy is no longer a foreign invader but the threats to our territorial integrity, the undermining of international laws, and the growing tensions in the West Philippine Sea,” ani Speaker Romualdez.
“Just as our forefathers fought side by side with allies in the past, today, we strengthen our alliances with like-minded nations to defend the principles of freedom and democracy. This is a new war - a war for peace, stability, and the preservation of our way of life. We are committed to protecting our sovereign rights, ensuring that the future generations will live in a free and secure Philippines,”
Ayon kay Speaker Romualdez ipinagmamalaki nito na manindigan kasama ng gobyerno sa pagtaguyod ng rules-based international order partikular sa maritime domain ng bansa.
“We continue to advocate for the peaceful resolution of disputes, guided by the principles enshrined in the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). We honor the legacy of our veterans by ensuring that our nation’s sovereignty is respected, especially in the West Philippine Sea,”saad pa ni Speaker Romualdez.
Iginiit ng lider ng Kamara na ang pagdepensa ng karapatang soberanya at integridad ng teritoryo ng bansa ay isang paglaban sa kinabukasan ng mga Pilipino.
“Ang laban na ito ay hindi lang tungkol sa teritoryo. Ito ay laban din para sa ating karapatan, para sa kapayapaan, at para sa kinabukasan ng bawat Pilipino. Ipinaglalaban natin ang mga prinsipyong itinaguyod ng ating mga bayani—karapatan, kalayaan, at katarungan,” wika pa nito.
Nanawagan si Speaker Romualdez sa mga Pilipino na humugot ng tapang sa mga Pilipino na nakipaglaban noong digmaan.
“The legacy they left behind is not one of violence, but of enduring peace through unity and determination. Just as they were victorious in the face of adversity, we too can overcome the challenges we face today—whether they are threats to our sovereignty or the persistent challenges of poverty and inequality,” sabi pa niya.
Sa pagdiriwang ng ika-80 anibersaryo ng Leyte Landing, sinabi ni Speaker Romualdez na ang okasyon ay hindi lamang isang paggunita sa kasaysayan kundi isang panindigan sa prinsipyo ng kapayapaan, kalayaan, at soberanya.
“These values, which were so valiantly defended by our forefathers, remain crucial as we confront new challenges in a rapidly changing world,” sabi pa ng lider ng Kamara.
“Ang magbalik-tanaw sa nakaraan ay isang napakahalagang gawain. Sa pamamagitan ng ganitong mga espesyal na okasyon, binibigyan natin ng halaga at pagkilala ang mga sakripisyo ng mga bayani ng ating bansa. Higit pa rito, ito ay isang paalala na ang kanilang laban para sa kalayaan ay patuloy na ating isinusulong,” giit pa nito.
Ayon kay Speaker Romualdez, ang Leyte Landings ay isang paggunita sa yugto na nagpabago sa kasaysayan ng bansa patungo sa pagkakaroon nito ng kalayaan.
“On this day, 80 years ago, Filipino and Allied forces joined hands in a historic display of courage and unity that set the stage for the liberation of our country. It was a struggle for freedom from foreign domination, and through their sacrifices, we regained our independence and dignity,” wika pa ni Speaker Romualdez.
Ang paggunita sa Leyte Landing ay dinaluhan nina Defense Secretary Gilberto Teodoro. Jr., Japanese Ambassador Endo Kazuya, Australian Ambassador HK Yu, US Major Gen. Matthew McFarlane, Tingog Partylist Rep. Jude Acidre, mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Gov. Carlos Jericho Petilla, mga beneteranong Pilipino, at mga opisyal ng Philippine Veterans Bank sa pangunguna ni Renato Claravall.
Nagpasalamat ang lider ng Kamara sa mga beteranong Pilipino at mga opisyal ng Philippine Veterans Bank sa pag-organisa ng selebrasyon.
“Maraming salamat sa pamunuan at mga kawani ng Veterans Bank of the Philippines sa pagsasaayos ng okasyon na ito. Maraming salamat din sa lahat ng inyong mga hakbangin upang mabigyang parangal ang kabayanihan ng ating mga magigiting na ninuno, para maging inspirasyon ng kasalukuyang henerasyon,” saad pa nito. (END)
—————————
House quad comm sa OSG: Ari-arian na iligal na binili ng POGO boss kumpiskahin
Upang maprotektahan ang pambansang seguridad at matigil ang pang-aabuso ng mga dayuhan, isinumite ng Quad Committee ng Kamara de Representantes ang mga dokumento sa Office of the Solicitor General (OSG) upang makapagsampa ng kaso laban sa mga Chinese national, na gumamit umano ng mga pekeng dokumento upang makapagtayo ng mga negosyo at malalaking lupain.
Hinimok ng mga pinuno ng House Committees on Dangerous Drugs, Public Order and Safety, Human Rights, at Public Accounts—na sina Reps. Robert Ace Barbers, Dan Fernandez, Bienvenido “Benny” Abante Jr., at Joseph Stephen Paduano—ang OSG na agarang tapusin ang kanilang pagsusuri at simulan ang civil forfeiture proceedings, sa pakikipag-ugnayan sa iba pang mga ahensya ng pamahalaan.
Nakatuon ang kaso kay Aedy Tai Yang, isang Chinese national na pinaghihinalaang nagpalsipika ng mga dokumento upang makakuha ng Filipino citizenship. Ginamit umano ito upang makaiwas sa mga batas na nagbabawal sa dayuhan na mag may-ari ng lupa at makapagtayo ng negosyo.
Kabilang sa mga isinumiteng dokumento ay ang birth certificate ni Yang na inisyu ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2004, sa kabila ng kanyang pahayag na siya ay ipinanganak noong 1983. Ang mga rekord mula sa Municipal Civil Registry ng San Antonio, Nueva Ecija, ay nagsasaad na ang kanyang mga birth documents ay nasunog, na nagdudulot ng pagdududa sa pagiging lehitimo ng kanyang citizenship.
Ilan pa sa mga ebidensyang isinumite ang marriage certificate ni Yang, tax declaration mula sa mga pag-aari na nasa kanyang pangalan at corporate records, kabilang na dito ang Empire 999 Realty Corporation at Sunflare Industrial Supply Corp. Ang mga kumpanyang ito ay may ugnayan sa mga kahina-hinalang pagbili ng lupa, na ayon sa tala ng Land Registration Authority (LRA) ay pagmamay-ari ng mga incorporator ng Empire 999.
Pagmamay-ari rin ng Empire 999 ang bodega sa Mexico, Pampanga, kung saan nasamsam ang shabu na nagkakahalaga ng P3.6 bilyon noong 2023. Isinumite ng komite ang mga dokumento na nagpapakita ng mga kahina-hinalang transaksyon sa lupa sa pagitan ni Yang at ng lokal na pamahalaan ng Mexico, Pampanga, na sinusuportahan ng mga Memorandum of Agreement, Deeds of Sale, at mga resolusyon ng munisipyo na hindi sumunod sa mga legal na proseso.
Nakumpirma rin ng Department of Agrarian Reform (DAR) na ang ilan sa mga lupa na ibinenta ni Yang ay hindi dumaan sa kinakailangang proseso ng conversion, na nagpapakita na ilegal ang transaksyon.
Sa kanilang liham kay Solicitor General Menardo Guevarra, binigyang-diin ng Quad Committee ang mga banta sa pambansang seguridad na dulot ng mga aktibidad na ito, at nanawagan para sa agarang aksyon.
“These actions are blatant violations of our laws and call for immediate executive intervention,” ayon sa joint panel.
Ang mga dokumento ay tinanggap nina Assistant Solicitor Generals Hermes L. Ocampo at Gilbert U. Medrano at Senior State Solicitor Neil Lorenzo, na dumalo rin sa isinagawang press conference kasama ang mga Quad Comm leaders.
Kabilang din sa seremonya sina House Senior Deputy Speaker Aurelio "Dong" Gonzales Jr. ng Pampanga, House Deputy Majority Leader David "Jay-jay" Suarez mula sa Quezon, Quad Comm Vice Chairman Romeo Acop ng Antipolo City, 1-Rider Partylist Rep. Rodge Gutierrez, La Union Rep. Paolo Ortega V, at Zambales Rep. Jay Khonghun.
Hiniling din ng joint panel sa OSG na makipagtulungan sa mga ahensya tulad ng LRA, Securities and Exchange Commission (SEC), PSA, DAR, Bureau of Internal Revenue (BIR), at Department of Justice (DOJ) upang matiyak ang masusing pagsisiyasat at pagpapatupad ng batas.
Babala pa ng komite na ang hindi pag-aksyon sa mga paglabag na ito ay maaaring magdulot ng panganib sa pambansang seguridad at sa ekonomiya ng Pilipinas.
“We trust your office will prioritize this matter and act swiftly to protect the integrity of our nation’s legal and economic systems,” ayon pa sa pahayag ng Quad Committee.
Ang pagsusumite ng mga dokumento ay bahagi ng mas malawak na imbestigasyon ng Quad Committee hinggil sa mga ilegal na POGO, kalakalan ng droga, pang-aagaw ng lupa ng mga Chinese, at mga extrajudicial killings na may kaugnayan sa war on drugs ng administrasyong Duterte.
Si Yang ay lumutang bilang pangunahing tauhan sa mga imbestigasyon, na kumakatawan sa mas malalim na isyu ng mga banyagang indibidwal na umaabuso sa mga legal loopholes upang magmaniobra sa mga lupain at negosyo sa Pilipinas.
Nanawagan ang komite para sa tiyak na hakbang upang pigilan ang patuloy na ilegal na pangangamkam at mabawasan ang mga negatibong epekto nito sa bansa. (END)
————————-
‘Okay lang ba siya?’: VP Duterte’s well-being questioned after controversial remarks
HOUSE Assistant Majority Leader and La Union 1st District Rep. Paolo Ortega V on Monday voiced genuine concern over Vice President Sara Duterte’s well-being following a controversial press conference where she made alarming statements that have raised public concern.
“‘Yung sa akin po talaga, gusto kong tanungin kung okay lang ba siya. Nag-aalala po talaga ako,” Ortega said during a press briefing at the House of Representatives.
Over the weekend, Ortega, alongside fellow Assistant Majority Leader Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun, called for a psychological evaluation of the Vice President after she made disturbing remarks.
In a press conference last Friday, Duterte admitted imagining cutting off President Ferdinand R. Marcos Jr.’s head and threatened to exhume the remains of the late President Ferdinand E. Marcos Sr. and throw them into the West Philippine Sea.
Speaking to reporters, Ortega expressed his worry over Duterte’s state of mind, saying her remarks went beyond political disputes.
“The statements were not even, for me, hindi na siya political. Parang it’s a question of kultura. Nasa kultura ba nating mga Pilipino ang mga ganyan na statements? Ganyan ba tayo pinalaki? Ganyan ba kapaligiran natin?” Ortega remarked.
“Talagang nanlilisik. Parang galit na galit sa mundo. ‘Yun lang kaya talagang question ko, kung talagang okay ba siya,” he added.
1-Rider Partylist Rep. Rodge Gutierrez echoed Ortega’s sentiment, noting that the Vice President’s remarks had sparked widespread discomfort.
“Well, I have to agree with Cong. Ortega. I think it’s a cultural issue, most especially ‘yung relation sa desecration ng bangkay. I think most of the people have already complained po,” Gutierrez said.
He continued, “I think it doesn't really involve any comment on our part as congressmen and we leave it to the people to decide on how they would see that as qualities of a leader.”
While Ortega stopped short of recommending any formal evaluation of Duterte, he hinted at the possibility of deeper issues.
“Suggestion lang naman ‘yun. Unang-una, hindi rin ako pwedeng magrekomenda at wala rin akong kilala kasi so far parang okay pa naman ako,” Ortega said. “Pero the people have seen the interview, parang may something. Parang punong-puno ng galit, parang ‘yung mga lumabas sa ating mga pahayagan, parang talagang hindi ko alam kung may meltdown.”
He also speculated that Duterte’s behavior might be an attempt to deflect attention from her handling of public funds, which has been under scrutiny.
“May problema na nangyayari right before our eyes during the press conference. But again, baka it’s another diversionary tactic,” Ortega said. (END)
————————-
Haj Naniniwala ang Quad Committee na mas mapapabilis ang usad ng imbestigasyon ukol sa umano'y extrajudicial killings sa ilalim ng administrasyong Duterte kung magsasanib-puwersa ang Kamara at Senado.
Ayon kay Quad Comm overall chairman Robert Ace Barbers, ipapanukala nila kina Speaker Martin Romualdez at Senate President Chiz Escudero na magkaroon ng joint committee hearing upang pag-isahin ang pagsisiyasat sa EJK.
Sa ganitong paraan aniya ay magiging mas malawak, komprehensibo at matalino ang mga tanong ng mga mambabatas at masisigurong patas ang imbestigasyon.
Paliwanag ni Barbers, kahalintulad ito ng joint session sa State of the Nation Address ng Pangulo o bicameral conference committee.
Malawak na usapin umano ang EJK na mahalagang talakayin kaya panahon na para magtipon at gumawa ng solusyon sa pamamagitan ng bagong batas na magpapatigil sa patayan.
Suportado naman ni Barbers ang pagsasagawa ng parallel investigation ng Senado at inaasahan nilang magtutugma ang imbestigasyon ng dalawang kapulungan ukol sa isyu.
————————-
AKAP para kay Ma’am at Sir: A heartfelt tribute to DepEd teachers, non-teaching personnel in Leyte’s first district
In celebration of Teachers’ Day, over 4,500 teachers and non-teaching personnel from Palo, Sta. Fe, Alangalang, San Miguel, Babatngon, Tanauan, and Tolosa in Leyte’s 1st District were honored Sunday sas beneficiaries of the “AKAP para kay Ma’am at Sir” initiative.
This program is a part of the Department of Social Welfare and Development’s (DSWD) Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP), which was made possible through the collaborative efforts of House Speaker Martin Romualdez and the Tingog Partylist, led by Cong. Yedda Marie Romualdez and Cong. Jude Acidre.
“Mahal na mahal ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga Pilipino, lalo na yung mga taga-Leyte. Kaya lahat ng nahihirapan sa pang-araw-araw na gastusin ay matutulungan natin dito sa AKAP ni PBBM,” said Speaker Romualdez, leader of the 300-plus-strong House of Representatives.
The celebration was made even more exciting with performances by Wacky Kiray, who entertained the audience and added a dose of laughter to the meaningful gathering.
During the event, raffle prizes were also given out, with 10 lucky individuals receiving P10,000 in cash and another 10 fortunate winners awarded brand-new laptops. These prizes were personal gifts from Speaker Romualdez and Tingog Partylist, adding an element of surprise and joy to the celebration.
Representing Speaker Romualdez was Cong. Jude Acidre of the Tingog Partylist. In his keynote message, Acidre expressed the Speaker’s unwavering commitment to expanding this initiative to cover all public school teachers in the province and eventually those in private schools and state universities and colleges (SUCs).
He said the initiative represents a broader mission to ensure that teachers, who have made extraordinary contributions to their communities, are properly supported and appreciated.
"Speaker Romualdez deeply values the sacrifices and dedication of our teachers. This program is a token of our gratitude, and it’s just the beginning. We envision a future where every teacher, whether in public or private institutions, will feel the support of the government for their pivotal role in shaping the nation’s future leaders," Acidre said in his address.
The event was also attended by key officials from the education sector, including the DepEd Region 8 Regional Director Evelyn Fetalvero, Assistant Regional Director Ronelo Firmo, and Schools Division Superintendent Mariza Magan, who expressed their gratitude for the program and acknowledged the essential role it plays in uplifting the morale of educators.
The recipients of the financial aid also expressed their profound gratitude. Many of the teachers shared how this timely assistance would help them support their families, especially amidst rising costs.
One teacher remarked, “This program is not just a financial blessing; it’s a reminder that our efforts as educators are valued. Speaker Romualdez and the Tingog Partylist have truly touched our hearts today."
Rep. Yedda Romualdez said the “AKAP para kay Ma’am at Sir” initiative is more than just a financial assistance program; it is a sincere tribute to the heart and soul of the education system – our educators.
Speaker Romualdez, the DSWD, and Tingog Partylist have reaffirmed their commitment to supporting educators, recognizing their lasting impact on shaping a stronger, brighter future for the country. (END)
—————————
Sovereign rights ng PH sa West Philippine Sea patuloy na igigiit— Speaker Romualdez
Tiniyak ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na patuloy na igigiit ng Pilipinas ang sovereign rights nito sa West Philippine Sea (WPS).
Ginawa ni Speaker Romualdez ang pagtitiyak sa isinagawang ribbon-cutting rites para sa "War of Our Fathers-A Brotherhood of Heroes,” isang exhibit ng Philippine Veterans Bank na inialay sa mga beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong Linggo na may kaugnayan sa pagdiriwang ng ika-80 anibersaryo ng Leyte Landings na ginanap sa sa Leyte Convention Complex sa Palo, Leyte.
Ayon sa lider ng Kamara ang giyera na nilabanan ng mga Pilipino may 80 taon na ang nakakaraan ay iba sa laban na kinakaharap ng mga Pilipino ngayon.
“Today, we face a new battlefield. Our enemy is no longer a foreign invader but the threats to our territorial integrity, the undermining of international laws, and the growing tensions in the West Philippine Sea,” ani Speaker Romualdez.
“Just as our forefathers fought side by side with allies in the past, today, we strengthen our alliances with like-minded nations to defend the principles of freedom and democracy. This is a new war - a war for peace, stability, and the preservation of our way of life. We are committed to protecting our sovereign rights, ensuring that the future generations will live in a free and secure Philippines,”
Ayon kay Speaker Romualdez ipinagmamalaki nito na manindigan kasama ng gobyerno sa pagtaguyod ng rules-based international order partikular sa maritime domain ng bansa.
“We continue to advocate for the peaceful resolution of disputes, guided by the principles enshrined in the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). We honor the legacy of our veterans by ensuring that our nation’s sovereignty is respected, especially in the West Philippine Sea,”saad pa ni Speaker Romualdez.
Iginiit ng lider ng Kamara na ang pagdepensa ng karapatang soberanya at integridad ng teritoryo ng bansa ay isang paglaban sa kinabukasan ng mga Pilipino.
“Ang laban na ito ay hindi lang tungkol sa teritoryo. Ito ay laban din para sa ating karapatan, para sa kapayapaan, at para sa kinabukasan ng bawat Pilipino. Ipinaglalaban natin ang mga prinsipyong itinaguyod ng ating mga bayani—karapatan, kalayaan, at katarungan,” wika pa nito.
Nanawagan si Speaker Romualdez sa mga Pilipino na humugot ng tapang sa mga Pilipino na nakipaglaban noong digmaan.
“The legacy they left behind is not one of violence, but of enduring peace through unity and determination. Just as they were victorious in the face of adversity, we too can overcome the challenges we face today—whether they are threats to our sovereignty or the persistent challenges of poverty and inequality,” sabi pa niya.
Sa pagdiriwang ng ika-80 anibersaryo ng Leyte Landing, sinabi ni Speaker Romualdez na ang okasyon ay hindi lamang isang paggunita sa kasaysayan kundi isang panindigan sa prinsipyo ng kapayapaan, kalayaan, at soberanya.
“These values, which were so valiantly defended by our forefathers, remain crucial as we confront new challenges in a rapidly changing world,” sabi pa ng lider ng Kamara.
“Ang magbalik-tanaw sa nakaraan ay isang napakahalagang gawain. Sa pamamagitan ng ganitong mga espesyal na okasyon, binibigyan natin ng halaga at pagkilala ang mga sakripisyo ng mga bayani ng ating bansa. Higit pa rito, ito ay isang paalala na ang kanilang laban para sa kalayaan ay patuloy na ating isinusulong,” giit pa nito.
Ayon kay Speaker Romualdez, ang Leyte Landings ay isang paggunita sa yugto na nagpabago sa kasaysayan ng bansa patungo sa pagkakaroon nito ng kalayaan.
“On this day, 80 years ago, Filipino and Allied forces joined hands in a historic display of courage and unity that set the stage for the liberation of our country. It was a struggle for freedom from foreign domination, and through their sacrifices, we regained our independence and dignity,” wika pa ni Speaker Romualdez.
Ang paggunita sa Leyte Landing ay dinaluhan nina Defense Secretary Gilberto Teodoro. Jr., Japanese Ambassador Endo Kazuya, Australian Ambassador HK Yu, US Major Gen. Matthew McFarlane, Tingog Partylist Rep. Jude Acidre, mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Gov. Carlos Jericho Petilla, mga beneteranong Pilipino, at mga opisyal ng Philippine Veterans Bank sa pangunguna ni Renato Claravall.
Nagpasalamat ang lider ng Kamara sa mga beteranong Pilipino at mga opisyal ng Philippine Veterans Bank sa pag-organisa ng selebrasyon.
“Maraming salamat sa pamunuan at mga kawani ng Veterans Bank of the Philippines sa pagsasaayos ng okasyon na ito. Maraming salamat din sa lahat ng inyong mga hakbangin upang mabigyang parangal ang kabayanihan ng ating mga magigiting na ninuno, para maging inspirasyon ng kasalukuyang henerasyon,” saad pa nito. (END)
————————-
Ex-Pres Duterte inimbita ng House quad comm
Nagpadala ng imbitasyon kay dating Pangulong Rodrigo Duterte ang quad committee ng Kamara de Representantes na nag-iimbestiga sa mga kaso ng extrajudicial killings nang ipatupad ang war on drugs campaign ng nakaraang administrasyon.
Ang imbitasyon ay may petsang Oktobre 18, 2024 at pirmado ni House Committee on Dangerous Drugs chairman Robert Ace Barbers, ang overall chair ng quad committee.
Iniimpormahan ng imbitasyon si Duterte kaugnay ng isasagawang pagdinig alas-9:30 ng umaga sa Oktobre 22 sa People’s Center Building ng Kamara de Representantes sa Batasan Complex, Batasan Hills, Quezon City.
“In this regard, the Joint Committee respectfully invites you to attend the said inquiry to provide valuable insights and shed light on the issues under discussion particularly on extra-judicial killings,” sabi ng imbitasyon.
Nauna ng sinabi ni Duterte na siya ay dadalo sa pagdinig ng Kamara.
Hindi naman dumalo si Duterte sa mga naunang pagdinig ng komite. (END)
———————-
VP Sara kailangan ng psychological evaluation matapos ang nakababahalang mga pahayag — solons
Posibleng kailangan umano ni Vice President Sara Duterte ng psychological evaluation matapos sabihin sa isang press conference na na-imagine nito na pinuputol ang ulo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., at nagbanta na huhukayin ang labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang itapon sa West Philippine Sea.
Sinabi ni House Assistant Majority Leader at Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun na nakakabahala ang mga pahayag ni Duterte lalo at isa siyang mataas na opisyal ng bansa.
“Walang matinong tao ang makakaisip, lalo’t gagawa, ng ganitong klaseng pahayag. Nakababahala ang antas ng kawalan ng katinuan sa kanyang mga salita,” ani Khonghun.
“For someone in such a high position to make violent and grotesque threats, even in jest, shows a troubling level of instability,” giit pa ni Khonghun. “Kailangang magkaroon ng masusing psychological assessment upang matiyak kung siya ay karapat-dapat pang maglingkod sa bayan sa ganitong kritikal na posisyon.”
Ganito rin ang naging pahayag ni House Assistant Majority Leader at La Union 1st District Rep. Paolo Ortega V na nagpahayag rin ng pagkabahala sa seryosong implikasyon ng mga sinabi ni Duterte.
“Ang ganitong uri ng marahas at nakakatakot na mga pahayag ay hindi katanggap-tanggap mula sa kahit sino, lalo na sa isang nakaupong Bise Presidente. Malinaw na may malalaking katanungan tungkol sa kanyang estado ng pag-iisip at emosyonal na kalagayan,” ani Ortega.
“We urge the Office of the Vice President to consider seeking professional help for Vice President Duterte, as this behavior is deeply concerning and could have serious consequences for our nation’s leadership,” dagdag pa nito.
Sa isang press conference noong Biyernes, sinabi ni Duterte na na-imagine niya na pinupugutan si Pangulong Marcos. Ito umano ang indikasyon na toxic na ang kanilang relasyon.
Sinabi rin ni Duterte na nagpadala ito ng mensahe kay Sen. Imee Marcos sa isang group chat at sinabi na kung hindi ititigil ang mga pag-atake ay ipahuhukay nito ang labi ng dating Pangulong Marcos Sr. at itatapon ito sa WPS.
Inilabas ni Duterte ang pahayag sa isang press conference noong Biyernes matapos na usisain ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang kuwestyunable nitong paggamit ng kanyang confidential funds sa ilalim ng Office of the Vice President at Department of Education.
Sa naturang pagdinig, itinanggi ng mga sundalong dumalo na may natanggap silang confidential fund mula kay Duterte para sa Youth Leadership Summits (YLS). Ayon sa mga sundalo ang Armed Forces of the Philippines at ang mga lokal na pamahalaan ang gumastos sa summit.
Ayon sa rekord ng Commission on Audit, isinumite ni Duterte ang mga sertipikasyon mula sa AFP para patunayan ang ginastos nitong P15 milyon na ipinambayad umano sa mga impormante.
Pero ayon sa mga opisyal ng AFP ang mga sertipikasyon ay para sa pagdaraos ng YLS.
Sa halip na sagutin ang mga tanong kaugnay ng paggamit ng confidential fund sa ipinatawag na press conference, ang inihayag ni Duterte ay mga atake kay Pangulong Marcos.
“The Filipino people deserve leaders who are mentally and emotionally stable, especially during challenging times,” sabi ni Ortega. “Mas makakabuti para sa bansa kung sumailalim si Vice President Duterte sa isang propesyonal na pagsusuri.”
Sinabi naman ni Khonghun na ang isyu ay hindi lamang pagkakaroon ng financial accountability.
“Higit pa ito sa usapin ng maling paggamit ng pondo ng bayan. Ang nakakaalarmang pag-uugali ng Bise Presidente ay nagpapakita ng mas malalim na problema na kailangang tugunan,” sabi ni Khonghun.
“We cannot afford to have leaders who let their emotions spiral out of control in such a public and extreme manner,” dagdag pa nito. (END)
————————
Speaker Romualdez pinuri pagkakaisa ng mga bansa sa paggunita ng ika-80 anibersaryo ng Leyte Landing
Binigyang-diin ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang kahalagahan ng pagkakaisa ng mga bansa upang makamit ang kapayapaan sa paggunita ng“Leyte Landings” na pinangunahan ni US General Douglas McArthur noong Oktubre 1944.
“Your presence today is a testament to how far we have come in terms of promoting and protecting our respective national interests – no longer through the destructive contest of arms and violence, but through peaceful diplomatic efforts which is more sustainable,” sabi ni Speaker Romualdez sa mga foreign diplomat na dumalo sa pagdiriwang ngayong Linggo.
“We commend the solidarity of the nations of Australia, Japan and the US in our shared aspirations for a secure and peaceful region. The Leyte Landing was a turning point in World War II here in the Asian region,” ani Romualdez.
Nakasama ni Speaker Romualdez sa pagdiriwang ng ika-80 Commemorative Anniversary ng Leyte Landings na ginanap sa MacArthur Landing Memorial National Park, Candahug Palo sina Ambassadors Hae Kyung Yu ng Australia, Endo Kazuya ng Japan, US Major Gen. Matthew McFarlane, Tingog Partylist Rep. Jude Acidre, at Leyte 2nd District Rep. Lolita Karen Javier, at iba pa.
“It is a privilege to join you here as we celebrate a singularly significant event in history, not just for the country, but for the world,” sabi ng lider ng Kamara de Representantes na siya ring pangulo ng Philippine Constitution Associations.
“These pave the way for the continued development of our respective countries, further strengthening our diplomatic and economic relations, opening up new opportunities, all for our mutual benefit. Let us continue working in this regard,” wika ni Romualdez.
Dumalo rin sa pagtitipon sina Philippine Veterans Affairs Office Administrator Reynaldo Mapagu, at mga opisyal ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Leyte Governor Carlos Jericho Petilla at Mayor Remedios Petilla.
“As we celebrate bravery, let us also celebrate the progress we have made in forging peace so that what happened then will not happen again,” paghimok ng House Speaker, na siya ring pinuno ng Lakas-Christian Muslim Democrats, ang pinakamalaking partido sa bansa ngayon.
“We gather together today to honor the brave men and women, whose names may not be as famous as General Douglas MacArthur but nonetheless made personal sacrifices so that we can be where we are today,” dagdag pa ng lider ng Kamara.(END)
————————-
Castro hiniling masusing imbestigasyon sa anomalya sa DepEd sa ilalim ng pamumuno ni VP Sara
Nanawagan si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Representative France Castro ng isang komprehensibong imbestigasyon kaugnay ng napaulat na mga anomalya sa Department of Education (DepEd) sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte.
Ang hiniling na imbestigasyon ni Castro ay kasunod ng ibinunyag ng dati at kasalukuyang opisyal ng DepEd na nakatanggap sila ng envelope na mayroong lamang pera mula kay Duterte at ang kuwestyunableng paggamit ng confidential funds.
“The allegations of cash gifts and misuse of funds at DepEd are deeply troubling and demand a thorough investigation. It is crucial to uphold integrity and transparency in our education system, which is fundamental to the development of our youth,” sabi ni Castro.
Sinabi ni Gloria Mercado na buwan-buwan siyang nakatanggap ng envelope na may laman na tig-P50,000 noong naging Head of Procuring Entity (HoPE) ng DepEd.
AYon naman kay dating DepEd Bids and Awards Committee (BAC) Chairperson Resty Osias nakatanggap din siya ng mga sobre na may laman na P12,000 hanggang P15,000.
“The revelations by DepEd officials about receiving cash envelopes from high-ranking officials are alarming. Such practices, if true, constitute a serious breach of public trust and must be addressed with utmost urgency,” ani Castro.
“The education sector is already grappling with significant issues, including the perennial shortage of classrooms. Instead of addressing these challenges, the alleged corruption further undermines the quality of education that Filipino students deserve,” dagdag pa nito.
Nanawagan si Castro sa kanyang mga kapwa mambabatas na suportahan ang isinusulong nitong imbestigasyon.
“We must unite in demanding accountability and ensuring that the resources meant for education are used appropriately and transparently. Our educators, students, and the Filipino people deserve nothing less,” sabi pa ng lady solon. (END)
————————-
Garma marami pang pasabog kaugnay ng EJK ng Duterte drug war— Rep Acidre
Kumpiyansa si Tingog Partylist Rep. Jude Acidre na marami pang pasabog si retired police colonel at dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma kaugnay ng mga pagpatay sa pagpapatupad ng war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa kanyang pagharap sa pagdinig ng House Quad Committee, isiniwalat ni Garma ang reward system sa war on drugs na mistulang nag-enganyo sa mga pulis na pumatay ng mga drug suspect sa halip na arestuhin ang mga ito.
Si Sen. Christopher “Bong” Go ang sinasabing pinanggalingan ng pera na ginagamit na reward sa mga pulis na pumapatay ng mga drug suspect.
“Her testimonies lay bare what many have feared: that the so-called war on drugs wasn’t just a campaign against crime—it was a state-sanctioned bloodbath,” ani Acidre. “The details we are hearing are appalling, and it is clear that this wasn’t an anti-drug campaign—it was a systematic execution plan with rewards for killings.”
Si Garma ay itinalaga ni Duterte bilang General Manager ng PCSO matapos itong mag-earlier retirement bilang pulis.
Sinabi ni Garma na kinontak siya ni Duterte noong 2016 upang maghanap ng pulis na siyang magpapatupad sa Davao model ng war on drugs sa buong bansa. Ang kanyang inirekomenda ay si Police Col. Edilberto Leonardo.
“These revelations are shocking, but unfortunately, they aren’t surprising. The Duterte administration was known for its violent rhetoric, but we are now seeing how deeply entrenched this violence was in the institutions themselves,” sabi ni Acidre. “Garma’s testimony doesn’t just implicate rogue officers—it implicates the highest levels of government, including Duterte and Go.”
Ayon kay Garma, sinabi sa kanya ni Leonardo na siya ay nagsumite ng proposal kay Duterte sa pamamagitan ni Go. Kasama umano sa plano ang pagre-report ng mga napapaslang at ang reward para sa mga ito. Ibinabalik din umano sa mga pulis ang gastos sa kanilang operasyon.
“We are talking about a reward system for murder. This isn’t governance; this is criminal,” dagdag pa ni Acidre. “The fact that such a system existed—and that it was reported directly to figures like Go—proves that this wasn’t a war on drugs, but a war on the most vulnerable in our society.”
Itinakda ang susunod na pagdinig ng House Quad Committee sa Oktobre 22 at inaasahan umano ni Acidre ang muling pagharap ni Garma para isiwalat pa ang kanyang mga nalalaman.
“Tingog Partylist demands justice for every victim of these operations, and we will not stop until every individual responsible—no matter how powerful—is held accountable,” saad pa ng kongresista. “The blood of thousands cries out for justice, and we will not turn a blind eye.”
Hinimok ni Acidre ang publiko na maging mapagbantay habang unti-unting naisisiwalat ang mga detalye at lumalabas ang katotohanan kaugnay ng mga ginawa ng administrasyong Duterte.
“The Filipino people deserve the truth, and those responsible must face the consequences,” sabi pa ni Acidre. (END)
———————-
House leaders kay VP Sara: Tigilan na ang drama, sagutin kuwestyunableng paggamit ng OVP, DepEd confidential funds
Hinamon nina House Assistant Majority Leaders Jay Khonghun ng Zambales at Paolo Ortega V ng La Union si Vice President Sara Duterte na itigil na ang drama at direktang sagutin ang pagtanggi ng mga opisyal ng military kaugnay ng ₱15 milyong confidential fund na ginastos ng Department of Education (DepEd) para sa Youth Leadership Summits (YLS) noong 2023.
“Tama na ang pambubudol at pagpapalusot. Naghihintay ang publiko ng malinaw na sagot tungkol sa hindi mo ipinaliliwanag na paggamit ng confidential funds. Pumalag maging ang militar dahil pinalabas ninyong nakinabang rin sila sa pagpondo sa YLS kahit hindi,” ani Khonghun, Chairman of the House Special Committee on Bases Conversion.
“Pakisagot, Madam VP Sara: Niloko mo ba ang militar o hindi? Mahalaga ring malaman ng publiko kung saan napunta ang ₱15 milyon na sinasabing ginamit ng DepEd para sa YLS sa ilalim ng iyong pamumuno, na mariing itinanggi ng militar,” ani Khonghun.
“No amount of on-screen meltdowns can bury the issue of the alleged misuse of confidential and intelligence funds (CIF) under either the Office of the Vice President (OVP) or DepEd. The Filipino people demand answers,” giit pa ni Khonghun.
Sinabi naman ni Ortega na makikita kung anong klaseng lider si Duterte batay sa mga ginagawa nito sa gitna ng mga alegasyon ng maling paggamit ng pondo. “For VP Sara: given how you’re handling these allegations, now tell the people what kind of leader you are.”
“This is just the latest in a series of alleged misuse of public funds. Unfortunately, the Vice President has never addressed these issues directly and instead resorts to making outlandish statements. Puro soundbytes, pero walang substance,” ayon pa sa mambabatas mula sa La Union.
“Patuloy na inililihis ang mga mahalagang isyung dapat sagutin sa mga kuwestiyunableng paggamit ng confidential funds sa pamamagitan ng panlilinlang at walang basehang paninira laban sa administrasyong Marcos. The Filipino people see through these diversionary tactics. They weren’t born yesterday. Pinagtatawanan ka na nila, Madam VP. Now it’s up to you—will you continue being a comedy act or be woman enough to confront these issues?” dagdag pan ni Khonghun.
Sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability kamakailan, lumalabas na nagsumite ang DepEd ng walong sertipikasyon mula sa Armed Forces of the Philippines upang patunayan ang paggastos ng ₱15 milyong confidential fund para sa Youth Leadership Summit (YLS) events noong 2023.
Subalit ayon sa mga opisyal ng militar na dumalo sa pagdinig ang AFP at mga lokal na pamahalaan (LGUs) ang gumastos sa summit at hindi ang DepEd.
Ang sertipikasyon ay ginamit para patunayan na nagbayad ang DepEd ng ₱15 milyon sa mga impormante.
Ayon sa apat na opisyal ng militar, hindi sana sila nagbigay ng mga sertipikasyon kung alam lang nila na gagamitin ito ng DepEd sa liquidation ng ₱15 milyong confidential fund na pinalabas na ibinayad sa mga impormante.
Nabunyag ang impormasyon sa pagtatanong ni Bukidnon 2nd District Rep. Jonathan Keith Flores kina Retired Maj. Gen. Adonis Bajao, Lt. Col. Carlos Sangdaan Jr., at Colonels Manaros Boransing at Magtangol Panopio sa isinasagawang imbestigasyon ng House Committee on Good Government and Public Accountability sa diumano’y iregularidad sa paggamit ng public funds ng Office of the Vice President at DepEd sa ilalim ng pamumuno ni Duterte.
Sa naturang pagdinig ay inamin ng tagapagsalita ng OVP na si Michael Poa na si Duterte at ang senior disbursing officer ang mayroong direktang kontrol sa paggastos ng confidential funds.
Si VP Duterte ay nagsilbi bilang kalihim ng DepEd mula Hunyo 30, 2022, hanggang Hulyo 19, 2024.(END)
————————
Hamon kay VP Sara: Ipaliwanag “under oath” paggamit ng confidential fund, sobrang mahal na renta ng safe houses
Hinamon ng mga pinuno ng Kamara de Representantes si Vice President Sara Duterte na tigilan na ang pag-iwas at magpaliwanag “under oath” kung saan nito ginastos ang milyun-milyong confidential funds, kabilang ang P15 milyong pondo na ginamitan ng sertipikasyon mula sa Armed Forces of the Philippines kahit na wala namang ibinigay na pondo sa kanila.
Noong Setyembre 18, humarap si Duterte sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability subalit tumanggi itong manumpa na magsasabi ng katotothanan kaugnay ng kinukuwestyong paggamit nito ng daang milyong halaga ng confidential funds.
Ito ay taliwas sa ginagawa ng mga iniimbitahan ng Kongreso. Matatandaan na kahit ang mga dating Pangulo na sina Joseph Estrada, yumaong Fidel Ramos, at yumaong Benigno "Noynoy" Aquino III ay nanumpa na magsasabi ng totoo ng humarap sa congressional investigation.
Sa pinakahuling pagdinig ng Committee on Good Government ay lumabas na ginamit ng ginamit ng Department of Education (DepEd), noong pinamumunuan pa ito ni Duterte ang sertipikasyon mula sa Armed Forces of the Philippines upang patunayan ang paggastos ng P15 milyong halaga ng confidential funds.
Pero ayon sa mga opisyal ng AFP na humarap sa pagdinig wala silang natanggap na pondo mula sa DepEd para sa pagsasagawa ng Youth Leadership Summits (YLS). Ang AFP at mga lokal na pamahalaan umano ang gumastos sa aktibidad na ito.
Ikinaalarma nina House Deputy Majority Leader Jude Acidre at House Assistant Majority Leader Paolo Ortega ang impormasyong ito na lumabas sa pagdinig.
“This is a clear misuse of public funds. The Vice President claimed her office spent millions on activities already fully funded by the military. Why lie about where the money went? We need to know what the OVP did with these funds,” ayon kay Acidre.
Binanggit din ni Acidre na ang paggamit ni Duterte ng mga sertipikasyon mula sa AFP bilang batayan ng ginawa nitong paggastos ay nagbigay ng maling impormasyon sa mga auditor ng Commission on Audit (COA) at sa publiko.
“This is not just about accounting errors; this is deception. Using the military to cover up the improper use of confidential funds is an egregious act,” saad pa ni Acidre.
Bukod pa rito, siniyasat din ng komite ang paggastos ng Office of the Vice President (OVP) ng P16 milyon para sa renta ng mga safe houses sa loob lamang ng 11 araw noong 2022.
Bagamat nagpatawag ng press conference noong Biyernes, hindi naman ipinaliwanag ni Duterte ang kinukuwestyong paggastos ng confidential funds ng kanyang tanggapan.
“We are still waiting for the Vice President to explain the need for 34 safehouses in less than two weeks. The public has a right to know why P16 million of their money was spent so dubiously,” ayon kay Ortega.
Ipinunto ni Ortega na ang hindi pagbigay ni Duterte ng malinaw na mga sagot tungkol sa mga safehouse at ang kahina-hinalang paggamit ng mga aktibidad ng AFP bilang pangtakip ay lalong nagpapa-init sa tanong kung sana napunta ang pondo.
Binigyan diin ng mambabatas ang kahalagahan na humarap sa si Duterte sa pagdinig, manumpa na magsasabi ng totoo at ihayag kung papaano nito ginastos ang pondo.
“If there’s nothing to hide, she should testify under oath. This is public money, and the Filipino people deserve transparency and accountability. No more evasions, no more squid tactics,” giit pa ni Ortega.
Sinabi naman ni House Assistant Majority Leader at Nueva Ecija Rep. Mika Suansing, “The ongoing investigations regarding the alleged misuse of OVP and DepEd funds under Vice President Duterte puts the Vice President’s leadership into question. Particularly concerning are the OVP disbursements, which the Commission on Audit has disallowed, and the alleged delivery of spoiled milk and nutribuns to public schools.”
Dismayado rin sina Acidre at Suansing sa mga pahayag ng Bise Presidente sa publiko na nagmungkahing ituon na lamang ang pansin sa mga suliraning kinakaharap ng bansa sa halip na makialam sa pulitikang nagdudulot ng pagkakahati.
“Unfortunately, Vice President Sara Duterte continues to engage in politicking at a time when the nation demands unity and decisive action,” ayon kay Acidre. “Instead of addressing these legitimate concerns through appropriate and respectful channels, she dismissed them as political attacks. Such an approach sow division and distracts us from what matters—the urgent challenges our people face.”
“We implore the Vice President to instead focus on working with all of us for the welfare of the Filipino people,” saad naman ni Suansing.
Pinuri naman ni Acidre si Pangulong Marcos Jr. sa kanyang pamumuno sa bansa sa kabila ng mga hamong minana mula sa mga nakaraang administrasyon, at sa pagtuon ng atensyon nito sa paghahanap ng solusyon sa halip na manisi.
“The problems we face are not new, yet President Marcos has refrained from pointing fingers at past leaders. Instead, he has shown leadership by focusing on solutions that benefit our people,” sabi pa ni Acidre. “The Vice President has a unique opportunity to contribute meaningfully to this national effort, yet her recent actions have become more of a distraction than a help.”
Hinihikayat niya ang Bise Presidente na isantabi ang alitang pulitikal at makilahok sa mga hakbang na tunay na makapagpapabuti sa kalagayan ng mga Pilipino.
“If she truly believes she can offer better leadership, then the path forward is clear: focus on delivering concrete results instead of fostering discord. The Filipino people expect leaders who build bridges, not walls—those who pursue durable solutions over fleeting political gain,” ayon kay Acidre.
Pinaalalahanan din ng mambabatas ang lahat ng mga public official, kasama na ang Bise Presidente, tungkol sa kanilang sama-samang tungkulin na magsilbi para sa kapakanan ng publiko.
“Our challenges demand collaboration, unity, and an unrelenting focus on the common good. It is time for all of us to rise above politics and work together for nation-building. Our people deserve no less,” pagdidiin pa ni Acidre.
————————
VP Sara nilapastangan si Pang. Marcos Sr. para mailihis ang atensyon ng publiko sa kuwestyunableng paggamit nito ng daang milyong pondo
Nilapastangan ni Vice President Sara Duterte ang yumaong si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. upang mailinis ang atensyon ng publiko sa kinukuwestyong paggamit nito ng daang milyong confidential fund ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).
Ito ang sinabi ng isang miyembro ng Young Guns bloc sa Kamara de Representantes bilang tugon sinabi ni Duterte na “Kung ‘di kayo tumigil, huhukayin ko yang tatay ninyo, itatapon ko siya sa West Philippine Sea.”
Ang pagbabanta ay nakatuon kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. at sa kaniyang pamilya.
Sa isang press conference noong Biyernes, sinabi ni Duterte na sinabihan nito si Sen. Imee Marcos na kanyang itatapon ang labi ngyumanong Pangulo sa West Philippine Sea sa isang group chat.
Nagawa itong sabihin ni Duterte kay Sen. Marcos kahit na ilang beses niyang sinabi na sila ay magkaibigan at sa kabila ng pagtatanggol ng senador sa Ikalawang Pangulo.
“Using and disrespecting the dead runs counter to our culture. For us Filipinos, that is a no-no,” ani House Assistant Majority Leader at Taguig City Rep. Pammy Zamora.
“Ang kawalang-galang sa patay ay hindi makatao at lalong hindi maka-Filipino. Hindi natin ginagawa ‘yan sa sinumang patay, kamag-anak o hindi. In fact, we love our departed. We visit them in their resting places whenever we can,” dagdag pa ni Zamora.
Sa halip na gumamit ng ganitong taktika, hinimok ni Zamora si Duterte na harapin na lamang ang mga alegasyon laban sa kanya kaugnay ng kinukuwestyong paggamit ng confidential funds at pondo ng DepEd noong siya pa ang kalihim nito. (END)
————————
Young Guns kinondena pagbabanta ni VP Sara na huhukayin labi ni FM para itapon sa WPS
Mariing kinondena ng “Young Guns” ng Kamara de Representantes ang banta ni Vice President Sara Duterte na hukayin ang labi ni dating Pangulong Ferdinand E. Marcos Sr. at itapon ito sa West Philippine Sea kung hindi titigilan ang pagbanat sa kanya.
“Bastos at desperada,” ganito inilarawan nina House Assistant Majority Leader Zia Alonto Adiong (Lanao del Sur, 1st District) at 1-Rider Partylist Rep. Rodge Gutierrez, si VP Duterte kaugnay ng kanyang mga binitiwang pahayag.
Naniniwala naman ang dalawa na gumagawa lamang ng eksena si Duterte para malinis ang atensyon ng publiko mula sa mga nadiskubreng iregularidad ng Kamara sa ginawa nitong paggamit ng confidential funds.
“Threatening to desecrate the dead just to shift the narrative is utterly unacceptable,” sabi ni Adiong. “The Vice President must answer the allegations against her, not stoop to such shameful actions.”
Sinabi ni Adiong na ang pahayag ni VP Duterte ang bagong pinakamababang pampublikong diskurso at isang direktang pag-atake sa cultural values ng mga Pilipino.
“This isn’t just political banter—it’s a blatant act of desecration. In our culture, we honor the dead. To use them as pawns in a political game is disgusting,” ani Adiong. “Vice President Duterte should focus on addressing the misuse of public funds instead of resorting to such disgraceful tactics.”
Para naman kay Gutierrez ang mga pahayag ni Duterte ay pagpapakita ng pagiging desperado nito.
“This is pure desperation. Instead of facing the allegations head-on, VP Duterte resorts to vile threats,” diin ni Gutierrez. “It’s a clear attempt to divert attention, but no amount of disrespect will cover up her mismanagement.”
Ang pagtuligsa ng mga mambabatas ay kasunod ng pahayag ni Duterte na kanyang sinabi kay Sen. Imee Marcos na kanyang huhukayin ang labi ni Marcos Sr. at itatapon ito sa West Philippine Sea.
Nagpatawag ng press conference si VP Duterte isang araw matapos na imbestigahan ng House committee on good government and public accountability ang ginawang paggastos sa confidential fund ng Office of the Vice President at Department of Education (DepEd), na dating pinamumunuan ng ikalawang Pangulo.
Tinutuligsa sa VP Duterte sa hindi nito pagdalo sa mga pagdinig ng Kamara upang ipaliwanag ang ginawa nitong paggastos ng pondo. (END)
—————————
Kritisismo ni VP Sara kay PBBM sumasalamin sa uri ng kanyang pamumuno— Kamara
Tinuligsa ng mga lider ng Kamara de Representantes si Vice President Sara Duterte sa sinabi nito na walang kakayanan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na pamunuan ang bansa.
Ayon kina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. at House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe si Duterte, na nasasangkot sa mga kuwestyunableng paggamit ng pondo, ang mayroong mahinang uri ng pamumuno.
“It’s Vice President Duterte, not President Marcos, who has failed as a leader. She mismanaged public funds and let the Department of Education (DepEd) fall apart under her watch,” ani Gonzales.
“The country’s disastrous performance in the PISA, showing a five- to six-year lag in learning competencies, is a direct result of her failed leadership,” dagdag pa nito, na ang pinatutungkulan ay ang resulta ng 2022 Programme for International Student Assessment.
Sinabi ni Dalipe na mabuti na lamang at nagbitiw na si Duterte bilang kalihim ng DepEd.
“Her departure saved the education system from further decline. Under her, DepEd was in free fall, and the entire education sector suffered,” ani Dalipe.
“The appointment of President Marcos of Secretary Sonny Angara is a huge step toward repairing the damage she left behind,” pagpapatuloy nito.
Ang mahina umanong klase ng pamumuno ni Duterte ay kabaliktaran ng ipinakikita ni Pangulong Marcos sa pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa at ang pagtulong sa mga nangangailangang Pilipino.
“President Marcos is delivering where it matters—stabilizing the economy, fighting inflation, ensuring food security, and making sure the most vulnerable are provided with vital support. That’s real leadership, not the evasion and incompetence we saw from Duterte,” sabi pa ni Gonzales.
Kinilala rin ni Dalipe ang paglaban ni Pangulong Marcos sa interes ng Pilipinas sa West Philippine Sea at ang pagkondena nito sa ginagawa ng China sa mga mangingisda at sasakyang pandagat ng Pilipinas samantalang si Duterte ay nananahimik lamang umano sa isyu at inaakusahan pa na pro-China.
“President Marcos is standing up for our country on the global stage, especially against China. His diplomatic efforts are a clear mark of strong, decisive leadership,” saad pa ni Dalipe.
Naniniwala ang mga mambabatas na ang mga pahayag ni Duterte ay ginawa upang pagtakpan ang mga isyung kinakaharap nito partikular ang kuwestyunableng paggamit ng pondo ng bayan.
“The Vice President’s attack on the President is pure deflection. She’s the one who failed as a leader, and now she’s trying to shift the blame. The Filipino people see through this,” wika pa ni Gonzales.
Muli ring iginiit nina Gonzales at Dalipe ang kanilang suporta kay Pangulong Marcos at hinamon si Duterte na aminin ang kanyang mga pagkakamali sa halip na atakehin ang iba para mailigtas ang sarili.
“The truth is simple: President Marcos is leading with strength, while Duterte is running from accountability,” giit ni Dalipe. (END)
————————-
ARAL law ginawa para matiyak na walang estudyanteng maiiwan— Speaker Romualdez
Kinilala ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang kahalagahan ng ARAL (Academic Recovery and Accessible Learning) law na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong Biyernes.
“This landmark piece of legislation is designed to ensure that students in both the public and private education system who are lagging in their learning process will not be left behind,” ani Speaker Romualdez.
“The law is consistent with the economic development mantra of the Marcos administration that calls for giving every Filipino the opportunity to improve so that he catches up with the rest of our population in terms for making life better for themselves,” dagdag pa ng lider ng Kamara de Representantes na mayroong mahigit 300 kinatawan.
Sa ilalim ng ARAL law (Republic Act 12028), sinabi ni Speaker Romualdez na magkakaroon ng libre at epektibong national intervention mechanism para sa mga estudyante na nahihirapang matuto ng mga aralin sa partikular sa reading, mathematics at science upang maabot ang competency na itinakda ng Department of Education (DepEd).
“It seeks to address issues on learning difficulties of basic education learners and provide solutions based on assessments by DepEd personnel,” saad pa ng lider ng Kamara.
Ang buong titulo ng ARAL law ay “An Act establishing an Academic Recovery and Accessible Learning Program and appropriating funds therefor.”
Ang programa ng bagong batas ay tutulong din sa mga nais na bumalik sa pag-aaral at sa mga mag-aaral na mahina na reading, mathematics at science, at sa mga estudyante na bumagsak sa pagsusulit.
Ang ARAL program ay isasagawa tuwing summer break.
Ang mga estudyante sa pribadong paaralan na nangangailangan ng tulong sa pag-aaral ay maaari ring sumali sa ARAL program. Ang DepEd ang tutukoy sa mga eskuwelahan na maaaring makilahok sa intervention program.
Ang mga guro, para-teacher, at pre-service teacher ay maaaring pumasok sa ARAL program bilang mga tutor. Sila ay makatatanggap ng bayad alinsunod sa pamantayan ng DepEd at Department of Budget and Management (DBM).
Ang mga para-teacher ay susuweldo gamit ang badyet ng DepEd o special education fund ng lokal na pamahalaan kung saan naroon ang mga tuturuang estudyante.
Ang tutoring service ng pre-service teacher ay ituturing na relevant teaching experience na kanyang magagamit kapag nag-apply ng plantilla position sa DepEd.
Ang tutorial sa ilalim ng ARAL program ay maaaring gawin ng face-to-face o online o kumbinasyon ng dalawa.
Ang DepEd ay inatasan na makipag-ugnayan sa Commission on Higher Education (CHED), Department of Information and Communications Technology (DICT), Department of Interior and Local Government (DILG), at iba pang stakeholder para sa epektibong implementasyon ng ARAL program.
Ang anumang kontribusyon, donasyon, o grant pera man o in kind ay bibigyan ng exemption sa pagbabayad ng donor’s tax at magagamit na allowable tax deduction.
Ang gastos sa implementasyon ng programa ay isasama sa taunang pondo ng DepEd.
Ang mga lokal na pamahalaan ay pinapayagan na gamitin ang kanilang special education fund para sa pagpapatupad ng programa.
Ang DepEd, katuwang ang iba pang ahensya ang gagawa ng implementing rules and regulations ng bagong batas. (END)
————————
Rep. Abante: Bato dapat ipaliwanag ‘allowance’ na ibinigay ni Bong Go sa mga pulis noong Duterte drug war
Dapat umanong ipaliwanag ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa ang sinabi nitong dagdag na “allowance” na iniaabot ni Sen. Christopher “Bong” Go sa mga pulis noong ipinatutupad ang war on drugs campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang sinabi ni House Quad Committee co-chair Rep. Bienvenido "Benny" Abante Jr. na nagdududa na baka ito ay bahagi ng reward system na kasama sa “Davao Model,” na itinuturong dahilan kung bakit libu-libo ang namatay sa Duterte war on drugs.
"Kung totoo mang allowances ito, it raises more questions than answers. May memo ba ito from the PNP? May approval ba ito ng relevant government agencies like DBM? Dumaan ba ito sa Kongreso, kasi kung totoong intel funds ito, pondo ito ng bayan,” ayon pa sa kinatawan ng Maynila.
Una ng kinumpirma ni PCSO General Manager Royina Garma sa kanyang testimonya ang pag-iral ng isang "rewards system” kung saan binibigyan ng reward ang mga pulis na nakakapatay ng drug suspects. Ito ay katulad umano ng “Davao Model” na ipinatupad ni Duterte noong siya pa ang alkalde ng Davao City.
Ayon din kay Garma, ang pera na ginamit na reward ay mula sa isang tauhan ni Go, noong ito ay Special Assistant to the President pa.
Paliwanag pa ni Abante, "while Sen. Dela Rosa’s clarification that the cash disbursements were intended to support police operational needs such as meals and transportation, the Quad Comm stresses that this admission raises critical questions about transparency and accountability."
"Assuming that these are allowances, then Sen. Bato needs to answer these questions: were there safeguards in place to ensure that these allowances were used for legitimate operational needs? How was the distribution of these funds monitored to prevent misuse or the incentivization of violence?” tanong pa ng kongresista.
“As the former PNP chief, Sen. Dela Rosa must further elaborate on the systems implemented by the PNP during his tenure to prevent abuses by officers who may have interpreted these cash payments as rewards for aggressive action,” sabi pa ng mambabatas.
Hihingi ng tulong ang House Quad Comm sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) upang beripikahin ang mga pahayag ni Garma, kung saan sinabi niya sa joint panel na isang Peter Parungo ang nagproseso ng mga pabuya para sa umano'y pagpatay ng mga drug suspect at idinaan ito sa mga bangko.
“Totoo ba itong sinasabi ni Sen. Dela Rosa or is this simply an attempt to distance the program from accusations of extrajudicial killings? The truth will eventually come out," saad pa nito.
"Mas dumami ang ating tanong kay Sen. Bato. Sana dumalo na lang siya sa ating mga hearings para under oath ang kanyang lahat ng statements. Baka kasi i-deny niya ang mga sinabi niya ngayon sa mga susunod na pagkakataon,” wika pa ni Abante. (END)
————————-
***** Mga opisyal ng AFP hindi pabor sa paggamit sa kanila ni VP Sara para ma-liquidate P15M DepEd confidential funds
Hindi payag ang mga opisyal ng sundalo sa ginawa ni Vice President Sara Duterte na gamitin ang inilabas nilang sertipikasyon sa pag-liquidate ng P15 milyong halaga ng confidential funds ng Department of Education (DepEd) dahil hindi naman ito sa kanila napunta.
Kung alam lamang umano nina retired Maj. Gen. Adonis Bajao, Lt. Col. Carlos Sangdaan Jr., at Colonels Manaros Boransing at Magtangol Panopio na sa ganito gagamitin ang hininging sertipikasyon ay hindi sila magbibigay nito.
Ang apat ay tinanong ni Bukidnon 2nd District Rep. Jonathan Keith Flores sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability noong Huwebes kaugnay ng mga iregularidad sa paggamit ng pondo ni VP Duterte.
Humingi umano ng sertipikasyon ang DepEd sa AFP kaugnay ng isinagawang Youth Leadership Summits (YLS), isang regular na programa ng mga sundalo laban sa insurgency noong 2023. Ang AFP at mga lumahok na lokal na pamahalaan umano ang gumastos sa programa.
Pero ginamit umano ng DepEd ang mga sertipikasyon upang patunayan at bigyang katwiran ang paggastos ng P15 milyong confidential fund na inilista bilang bayad sa mga impormante.
Tinanong ni Flores si Boransing kung siya ba ay naglabas ng mga sertipikasyon kung alam niya kung saan ito gagamitin.
“If we were made aware that the certification was going to be used to justify expenses that never passed through our office, we would not have issued it,” ang tugon ni Boransing.
Sinabi pa ni Boransing na bahagi ng patakaran ng AFP ang hindi pagbibigay ng certifications sa mga event o gastos na walang direktang kinalaman ang militar.
“If someone from another agency asked for a certification for something we were not present for, we would not issue a certificate of appearance or any certification at all,” paliwanag ni Boransing.
Sinegundahan naman ni Panopio ang pahayag at sinabing, “If we are aware that it will be used to justify expenses we had no hand in, we would not issue the certification.”
Gayundin ang tugon ni Sandangan, “I would not,” nang tanungin kung siya ba ay maglalabas ng sertipikasyon kung alam niya ang tunay na layunin nito.
Bago ito, tinanong ni Batangas 2nd District Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro ang mga opisyal kung alam ba nila na ang kanilang mga sertipikasyon ay gagamitin upang bigyang-katwiran ang P15 milyong bayad ng DepEd sa mga impormante.
“We are not aware, Ma’am,” sagot ni Bajao, na sinang-ayunan din ng ilang mga opisyal ng militar.
Itinanggi ng lahat ng apat na opisyal na alam nila na ang kanilang mga sertipikasyon ay gagamitin upang suportahan ang pahayag ng DepEd na gumagamit ito ng mga confidential funds para sa mga pabuya sa mga informant.
Idinagdag ni Luistro na ang mga sertipikasyon, na layuning kumpirmahin lamang ang pakikilahok ng militar sa YLS, ay ginamit nang walang kaalaman ng AFP upang bigyang-katwiran ang gastos ng DepEd.
“Without the knowledge of the AFP, the certification was issued to DepEd to justify the P15 million allegedly used for the payment of rewards,” ayon sa lady solon.
“To this point, Mr. Chair, we’re not even sure whether that money was indeed paid as a reward to informers,” dagdag pa ni Luistro.
Nilinaw ng mga opisyal ng militar na ang kanilang mga sertipikasyon ay para lamang sa mga aktibidad ng YLS, at hindi upang bigyang pahintulot ang anumang financial transaction na may kaugnayan sa mga impormante. (END)
—————————
Pamimigay ng VP Duterte ng envelope kinumpirma ng DepEd official
Kinumpirma ng isang opisyal ng Department of Education (DepEd) na siya ay nakatanggap ng mga envelope na may lamang pera mula kay Vice President Sara Duterte noong ito ang kalihim ng Department of Education (DepEd).
Sinabi ni DepEd director at dating Bids and Awards Committee (BAC) chairman Resty Osias sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability na apat na envelope ang natanggap nito noong 2023 at ang laman ay P12,000 hanggang P15,000.
“I must say, I did. thought it was a common practice in the department. The very first time I encountered that matter was sometime in April of 2023,” ani Osias.
Sa pagtatanong ni Manila Rep. Rolando Valeriano sinabi ni Osias na nakatanggap ito ng sobre mula Abril 2023 hanggang Setyembre 2023 at ibinigay ito ni dating DepEd Assistant Secretary Sunshine Fajarda.
“I didn’t know why I was summoned to the office of ASec Shine. And then, I was given an envelope. It was later on I found out there was money in it. It’s not because I was BAC member yet, because I wasn’t at that time,” paliwanag ni Osias.
Sa naunang pagdinig ng komite, sinabi ni DepEd USec Gloria Mercado na siyam na envelope ang kanyang natanggap mula sa VP Duterte at bawat isa ay naglalaman ng P50,000. Natanggap niya ito noong siya ang Head of Procurement Entity (HOPE) ng DepEd, kaya umugong ang espekulasyon na ito ay suhol.
Ipinunto naman ni Valeriano na huminto ang pagbibigay ng envelope kay Osias noong Setyembre 2023 kung kailan tumigil na rin si VP Duterte sa paggamit ng kanyang confidential funds.
“Mukang sumakto. Sa panahon na ‘di na ginagamit ng DepEd ang confidential funds for the last quarter nang pumuputok na issue ng confidential funds,” punto ni Valeriano. (END)
————————-
VP Sara itinuro ng dating opisyal ng DepEd na may kontrol sa confidential funds ng tanggapan
Itinuro ni dating Department of Education (DepEd) Undersecretary, Chief of Staff, at spokesperson Michael Poa si Vice President Sara Duterte na siyang may kontrol sa confidential fund ng DepEd noong ito pa ang kalihim ng ahensya.
Sa pagdinig ng House committee on good government and public accountability, tinanong si Poa kaugnay ng confidential fund ng DepEd pero sinabi nito na siya ay walang kinalaman sa paggamit ng naturang pondo.
Si Poa ang spokesman ng Office of the Vice President sa kasalukuyan.
Ipinaliwanag ni Poa na bagamat siya ang inatasan na tumugon sa inilabas na audit observation memorandum ng Commission on Audit (COA), wala siyang bahagi sa proseso ng pagdedesisyon kung saan ito gugugulin.
“It would probably be the Secretary or the ones responsible for the confidential funds,” ayon kay Poa, bilang tugon sa tanong ni Bukidnon 2nd District Rep. Jonathan Keith Flores.
“The Secretary and the SDO are the only ones that are privy,” dagdag pa niya na tumutukoy kay Duterte at kay Edward Fajarda, ang Senior Disbursing Officer ng DepEd.
Sa pagdinig ng komite noong Biyernes, pinuna si Poa sa ginawa nitong paggamit ng mga sertipikasyon mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) upang bigyang-katwiran ang paggastos ng P15 milyong confidential fund ng DepEd na inilista nito na ibinigay sa reward sa mga impormante.
Ang mga sertipikasyon ay may kaugnayan sa mga Youth Leadership Summits (YLS) na isinagawa ng AFP noong 2023.
Subalit, itinuro ni Flores ang hindi pagkakatugma-tugma, na binibigyang-diin na ang mga programa ng AFP ay walang direktang ugnayan sa confidential funds ng DepEd.
“You are using certifications from another agency, which didn’t spend a peso from your office, to justify your expenses. It’s confusing,” ayon kay Flores.
Inamin ni Poa na hindi niya alam na ang mga aktibidad ng AFP ay walang kaugnayan sa confidential funds ng DepEd ng kanyang isumite ang mga dokumento sa COA.
Nilinaw niya na ang mga sertipikasyon ay layunin sanang ipakita na nagbigay ang DepEd ng impormasyon sa AFP tungkol sa mga lugar na nangangailangan ng mga seminar, ngunit inamin niyang hindi ito malinaw na nakaugnay sa paggastos ng DepEd.
“It all boils down to the fact that you are using a certification of an activity of a different agency. It’s wrong, di ba?” tanong pa ni Flores.
Inamin ni Poa ang pagkakamali, subalit sinabi nitong sinunod lang niya ang proseso batay sa mga dokumentong nasa kanya.
“I got the certifications, I got the documents evidencing payment, the DEPs, which are the acknowledgment receipts, and I submitted to COA,” paliwanag pa ni Poa.
Nang tanungin tungkol sa kung sino ang may huling pasya sa paggamit ng mga confidential funds, itinuro ni Poa si VP Duterte at si Fajarda.
Una na ring itinanggi ng lahat ng apat na opisyal ng militar na nagsagawa ng YLS ang pagtanggap ng anumang CIF mula sa DepEd, na nagsasabing ang mga gastos para sa summit ay mula sa AFP at mga lokal na pamahalaan.
Ayon sa mga pahayag nina Retired Maj. Gen. Adonis Bajao, Lt. Col. Carlos Sangdaan Jr., at Colonels Manaros Boransing at Magtangol Panopio sa komite, hindi sila naabisuhan na ang mga sertipikasyong kanilang ibinigay ay ginamit upang ipaliwanag ang P15 milyong CIF na diumano'y inilalaan para sa pagbabayad sa mga “informers”.
Una ng ipinagtanngol ni VP Duterte ang paggamit ng CIF ng DepEd ay kinakailangan para sa pangangalap ng impormasyon upang maiwasan ang insurgency at extremism sa mga paaralan.
Gayunpaman, nagkaroon ng pagduda tungkol sa kung paano pinamahalaan at binigyang-katwiran ang mga pondong ito, na nagresulta sa panawagan para sa transparency.
Kinumpirma ng COA na ang P15 milyon na ibinayad daw sa mga impormante ay bahagi ng P75 milyong halaga ng confidential fund ng DepEd. Naglabas ang COA ng notice of disallowance upang humingi ng mga karagdagang dokumento para patunayan ang ginawang paggastos ng pondo. (END)
—————————
Mga opisyal ng AFP hindi pabor sa paggamit sa kanila ni VP Sara para ma-liquidate P15M DepEd confidential funds
Hindi payag ang mga opisyal ng sundalo sa ginawa ni Vice President Sara Duterte na gamitin ang inilabas nilang sertipikasyon sa pag-liquidate ng P15 milyong halaga ng confidential funds ng Department of Education (DepEd) dahil hindi naman ito sa kanila napunta.
Kung alam lamang umano nina retired Maj. Gen. Adonis Bajao, Lt. Col. Carlos Sangdaan Jr., at Colonels Manaros Boransing at Magtangol Panopio na sa ganito gagamitin ang hininging sertipikasyon ay hindi sila magbibigay nito.
Ang apat ay tinanong ni Bukidnon 2nd District Rep. Jonathan Keith Flores sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability noong Huwebes kaugnay ng mga iregularidad sa paggamit ng pondo ni VP Duterte.
Humingi umano ng sertipikasyon ang DepEd sa AFP kaugnay ng isinagawang Youth Leadership Summits (YLS), isang regular na programa ng mga sundalo laban sa insurgency noong 2023. Ang AFP at mga lumahok na lokal na pamahalaan umano ang gumastos sa programa.
Pero ginamit umano ng DepEd ang mga sertipikasyon upang patunayan at bigyang katwiran ang paggastos ng P15 milyong confidential fund na inilista bilang bayad sa mga impormante.
Tinanong ni Flores si Boransing kung siya ba ay naglabas ng mga sertipikasyon kung alam niya kung saan ito gagamitin.
“If we were made aware that the certification was going to be used to justify expenses that never passed through our office, we would not have issued it,” ang tugon ni Boransing.
Sinabi pa ni Boransing na bahagi ng patakaran ng AFP ang hindi pagbibigay ng certifications sa mga event o gastos na walang direktang kinalaman ang militar.
“If someone from another agency asked for a certification for something we were not present for, we would not issue a certificate of appearance or any certification at all,” paliwanag ni Boransing.
Sinegundahan naman ni Panopio ang pahayag at sinabing, “If we are aware that it will be used to justify expenses we had no hand in, we would not issue the certification.”
Gayundin ang tugon ni Sandangan, “I would not,” nang tanungin kung siya ba ay maglalabas ng sertipikasyon kung alam niya ang tunay na layunin nito.
Bago ito, tinanong ni Batangas 2nd District Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro ang mga opisyal kung alam ba nila na ang kanilang mga sertipikasyon ay gagamitin upang bigyang-katwiran ang P15 milyong bayad ng DepEd sa mga impormante.
“We are not aware, Ma’am,” sagot ni Bajao, na sinang-ayunan din ng ilang mga opisyal ng militar.
Itinanggi ng lahat ng apat na opisyal na alam nila na ang kanilang mga sertipikasyon ay gagamitin upang suportahan ang pahayag ng DepEd na gumagamit ito ng mga confidential funds para sa mga pabuya sa mga informant.
Idinagdag ni Luistro na ang mga sertipikasyon, na layuning kumpirmahin lamang ang pakikilahok ng militar sa YLS, ay ginamit nang walang kaalaman ng AFP upang bigyang-katwiran ang gastos ng DepEd.
“Without the knowledge of the AFP, the certification was issued to DepEd to justify the P15 million allegedly used for the payment of rewards,” ayon sa lady solon.
“To this point, Mr. Chair, we’re not even sure whether that money was indeed paid as a reward to informers,” dagdag pa ni Luistro.
Nilinaw ng mga opisyal ng militar na ang kanilang mga sertipikasyon ay para lamang sa mga aktibidad ng YLS, at hindi upang bigyang pahintulot ang anumang financial transaction na may kaugnayan sa mga impormante. (END)
——————————-
Rep. Abante: Bato dapat ipaliwanag ‘allowance’ na ibinigay ni Bong Go sa mga pulis noong Duterte drug war
Dapat umanong ipaliwanag ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa ang sinabi nitong dagdag na “allowance” na iniaabot ni Sen. Christopher “Bong” Go sa mga pulis noong ipinatutupad ang war on drugs campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang sinabi ni House Quad Committee co-chair Rep. Bienvenido "Benny" Abante Jr. na nagdududa na baka ito ay bahagi ng reward system na kasama sa “Davao Model,” na itinuturong dahilan kung bakit libu-libo ang namatay sa Duterte war on drugs.
"Kung totoo mang allowances ito, it raises more questions than answers. May memo ba ito from the PNP? May approval ba ito ng relevant government agencies like DBM? Dumaan ba ito sa Kongreso, kasi kung totoong intel funds ito, pondo ito ng bayan,” ayon pa sa kinatawan ng Maynila.
Una ng kinumpirma ni PCSO General Manager Royina Garma sa kanyang testimonya ang pag-iral ng isang "rewards system” kung saan binibigyan ng reward ang mga pulis na nakakapatay ng drug suspects. Ito ay katulad umano ng “Davao Model” na ipinatupad ni Duterte noong siya pa ang alkalde ng Davao City.
Ayon din kay Garma, ang pera na ginamit na reward ay mula sa isang tauhan ni Go, noong ito ay Special Assistant to the President pa.
Paliwanag pa ni Abante, "while Sen. Dela Rosa’s clarification that the cash disbursements were intended to support police operational needs such as meals and transportation, the Quad Comm stresses that this admission raises critical questions about transparency and accountability."
"Assuming that these are allowances, then Sen. Bato needs to answer these questions: were there safeguards in place to ensure that these allowances were used for legitimate operational needs? How was the distribution of these funds monitored to prevent misuse or the incentivization of violence?” tanong pa ng kongresista.
“As the former PNP chief, Sen. Dela Rosa must further elaborate on the systems implemented by the PNP during his tenure to prevent abuses by officers who may have interpreted these cash payments as rewards for aggressive action,” sabi pa ng mambabatas.
Hihingi ng tulong ang House Quad Comm sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) upang beripikahin ang mga pahayag ni Garma, kung saan sinabi niya sa joint panel na isang Peter Parungo ang nagproseso ng mga pabuya para sa umano'y pagpatay ng mga drug suspect at idinaan ito sa mga bangko.
“Totoo ba itong sinasabi ni Sen. Dela Rosa or is this simply an attempt to distance the program from accusations of extrajudicial killings? The truth will eventually come out," saad pa nito.
"Mas dumami ang ating tanong kay Sen. Bato. Sana dumalo na lang siya sa ating mga hearings para under oath ang kanyang lahat ng statements. Baka kasi i-deny niya ang mga sinabi niya ngayon sa mga susunod na pagkakataon,” wika pa ni Abante. (END)
———————-
VP Sara nabuko, walang inilabas na confidential fund para sa youth summit
Nabuko ang ginawang paggamit ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte ng sertipikasyon mula sa Armed Forces of the Philippines upang mabigyang-katwiran ang paggamit nito ng confidential fund kahit na wala namang ibinababang pondo sa kanila.
Ito ang lumabas sa pagdinig ng House committee on good government and public accountability nang talakayin ang P15 milyong halaga ng confidential fund na ginamit na pambayad ng mga impormante.
Inusisa ni Batangas 2nd District Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro ang mga opisyal at retiradong opisyal ng AFP kaugnay ng inilabas nitong sertipikasyon na ginamit ng DepEd sa liquidation ng P15 milyong confidential fund nito.
Ayon kina retired Maj. Gen. Adonis Bajao, Lt. Col. Carlos Sangdaan Jr., at Colonels Manaros Boransing at Magtangol Panopio ang sertipikasyon ay kaugnay ng Youth Leadership Summits (YLS) na isinagawa noong 2023.
Itinanggi ng apat na nakatanggap sila ng pondo mula sa DepEd para sa YLS. Kinumpirma naman ito ni retired Gen. Nolasco Mempin na noon ay isang DepEd Undersecretary.
“I was asked by the Office of the Secretary to ask for the certification coming from these units, but it is clear to them or even to me that no funds are involved, meaning no funds are released to these units. What the Office of the Secretary just wanted to know is the product or the result of the collaboration of various stakeholders including DepEd, with regards to our youth, so it is clear that DepEd has not released any single centavo to the conduct of YLS,” sabi ni Mempin.
“If you are saying General Mempin that no DepEd funds were used for the Youth Leadership Summits, where did you spend the P15 million?” tanong ni Luistro.
“Your Honor, Mr. Chair, I was not aware of it because the task given to me is just to coordinate because to be candid about it, the commanders of Col. Boransing, Col. Panopio, and Lt. Col. Sangdaan are my former colleagues or classmates in the Philippine Military Academy,” ani Mempin.
Upang maging malinaw, tinanong muli ni Luistro si Mempin kung walang inilipat na pera ang DepEd papunta sa AFP para sa YSL, sinabi nito na wala.
Ayon kay Mempin hindi rin nito alam na gagamitin ang mga sertipikasyon para patunayan ang pagbabayad sa mga impormante.
Sinabi naman ni Boransing na ang YLS ay ginagastusan ng Philippine Army at mga lokal na pamahalaan.
“For our participants, we used the Philippine Army fund, and the LGUs used their funds for the youth,” sabi ni Boransing.
“We all closely monitor the program of the Youth Leadership Summit to ensure that it is multi-stakeholder and it fits the objectives of the program. So we have personal knowledge, we can go around in each barangay, but they have — since they use the budget from the Philippine Army, we have after-activity reports, fund utilization reports, pictures and documentations,” dagdag pa ni Boransing.
“You mentioned earlier Col. Boransing, you are using the fund of the Philippine Army. You confirm that? Are you sure? […] For the eight YLS, that were conducted, you used the fund of the Philippine Army,” tanong naman ni Luistro.
“Yes Mr. Chair […] For our participants we used the Philippine Army, the 40 students they used the local government unit funds, Mr. Chair,” sagot ni Boransing.
Iginiit ni Luistro ang pagkakaiba ng sertipikasyong isinumite ng DepEd at ang pahayag ng mga opisyal ng sundalo.
“If no DepEd funds were released for the [YLS], where was the P15 million spent?” tanong ni Luistro.
Kinumpirma naman ni COA representative Atty. Gloria Camora na ang P15 milyon ay bahagi ng P75 milyong confidential fund na nilabasan ng COA ng notice of disallowance dahil sa kakulangan ng mga dokumento na makapagpapatunay ng ginawang paggastos.
“Let us all be reminded na ito pong confidential fund na ito pera ng taumbayan, all of us are accountable to the Filipino citizens,” sabi ni Luistro. “Public office is a public trust. We should be accountable to the people at all times.”
Dagdag pa nito: “Without the knowledge of [PA], the certifications were issued to DepEd to be able to justify the P15 million that was used allegedly for the payment of rewards. To this point, Mr. Chair, we're not even sure if that money was indeed paid as rewards to the informers.”
Sa nakaraang pagdinig, inusisa ni Surigao del Sur 2nd District Rep. Johnny Pimentel ang paggamit ng P112.5 milyong confidential fund para sa seminar lalo at kokonti lamang ang lumahok dito.
Lumabas sa pagdnig na ang special disbursing officer ng DepEd na si Edward Fajarda ang responsable sa P75 milyong cash advance mula sa confidential fund.
Ang sertipikasyon mula sa mga sundalo ang ginamit upang mabigyang-katwiran ang paggastos nito. (END)
————————-
Imbestigasyon ni Sen Bato sa Duterte drug war conflict of interest– Rep Fernandez
Nagpahayag ng pangamba si Laguna Rep. Dan Fernandez, co-chairman ng House Quad Committee na nag-iimbestiga sa mga kaso ng extrajudicial killing (EJK) sa ilalim ng administrasyon ni Duterte, sa desisyon ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na magsagawa ng Senate inquiry sa madugong giyera kontra droga dahil malinaw na mayroon ditong “conflict of interest.”
Ipinunto ni Fernandez, chairman ng House Committee on Public Order and Safety, na si Dela Rosa ay may mahalagang papel na ginampanan sa Duterte war on drugs campaign dahil siya ang hepe ng Philippine National Police (PNP) ng ipatupad ito na nagresulta sa pagkamatay ng libu-libong Pilipino.
“Delicadeza na lang sana ang pairalin ni Sen. Bato. For me it is highly inappropriate for him, the chief enforcer of the drug war, to lead a probe into the very operations he designed and implemented,” ayon kay Fernandez.
“As the architect of the war on drugs, Sen. Bato would be practically investigating himself. This undermines the integrity and objectivity of any findings that may result from this investigation,” dagdag pa ng mambabatas.
Noong Miyerkules, ipinahayag ni Manila 6th District Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr., co-chair ng House Quad Comm, ang kanyang pagdududa sa kakayahan ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na magsagawa ng patas na imbestigasyon kaugnay ng madugong giyera kontra droga ng administrasyong Duterte.
Ayon kay Abante, chair ng House Committee on Human Rights, maaaring makompromiso ang integridad ng sinasabing Senate probe dahil malapit si Dela Rosa kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na nagtalaga sa kanya kay PNP chief at sumuporta sa kanya upang maging senador.
“I would think that he (Dela Rosa) would be more biased than actually balanced in that hearing,” ayon pa kay Abante sa ginanap na press conference sa Kamara noong Miyerkules.
Binanggit ni Fernandez na ang pamumuno ni Dela Rosa sa PNP sa panahon ng administrasyong Duterte ay nababalot ng maraming kaso ng EJK, na iniuugnay sa ipinatupad na reward system kung saan nakatatanggap ng pera ang mga pulis na nakakapatay ng drug suspect.
Ito ang naging sentro ng testimonya ni ex-PCSO General Manager at retired Police Lt. Col. Royina Garma na nagkumpirma sa pagpapatupd ng “Davao model” sa buong bansa, isang sistema ng pabuya sa salapi para sa matagumpay na pagpatay sa mga drug suspect sa panahon ng administrasyong Duterte.
Ang kontrobersyal na kampanya kontra droga ay nagresulta sa libu-libong pagkamatay, marami sa mga ito ang nananatiling nasa ilalim ng pagsusuri ng mga human rights organizations at international bodies.
“An inquiry into the extrajudicial killings must be impartial, transparent and independent. Sen. Bato will have none of that since he is part of the personalities being investigated. He cannot claim to offer any of these guarantees,” ayon pa sa mambabatas.
“This Senate investigation risks becoming a whitewash if its leadership is not changed,” dagdag pa nito.
Hinimok ng pinuno ng Quad Comm ang Senado na magtalaga ng mas independiyenteng senador upang manguna sa imbestigasyon, isang indibidwal na hindi direktang sangkot sa pagpapatupad ng kinukwestyong polisiya.
“Accountability requires that those who were part of the implementation of questionable policies take a step back from leading investigations into their own actions. The Filipino people deserve a credible and honest probe, not one marred by conflicts of interest,” diin pa nito.
Muling pinagtibay ng mambabatas ang dedikasyon ng komite sa paghahanap ng katarungan para sa mga biktima ng EJKs at sa pagtitiyak na ang mga responsable ay mapapanagot.
“Now is the time for transparency, and we call on the Senate to do the right thing. Let an independent investigation proceed, free from the influence of those directly tied to the drug war’s darkest chapters,” ayon pa sa kongresista. (END)
—————————
Mayor Espinosa ng Albuera, Leyte pinatay ng mga pulis sa loob ng kulungan dahil sa pabuya - Acop
Pinaslang ng mga pulis si Mayor Rolando Espinosa ng Albuera, Leyte dahil sa malaking pabuya na ibinigay ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga pumapatay ng drug suspect sa ilalim ng war on drugs campaign ng adminiatrasyon nito.
Ito ang inihayag ni Antipolo City Rep. Romeo Acop, isang abogado at vice chairman ng apat na komite ng Kamara na bumubuo sa Quad Comm sa ika-8 pagdinig noong Biyernes.
Ang Quad Comm ay ang pinagsama-samang komite ng Kamara na nag-iimbestiga sa mga extrajudicial killings kaugnay ng giyera kontra droga at mga paglabag sa karapatang pantao, at iba pang mga isyu.
Inilahad ni Acop ang kanyang opinyon sa pagtatanong nito kay dating Police Col. Marvin Marcos, ang hepe ng Region 8 Criminal Investigation and Detention Group (CIDG), at sa mga kasama nito sa pagdinig ng Quad Committee kamakailan.
“Iyong puzzle po ninyo, kaya nag-apply sila ng search warrant para makapasok at mapatay nila iyong tao. May reward iyong patay, eh. Iyong buhay, wala, eh,” paliwanag ni Acop, na isa rin dating heneral at miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Magiting Class of 1970, na sinang-ayunan din ni Surigao del Norte Robert Ace Barbers.
Si Espinosa ay pinatay habang nakakulong sa loob ng sub-provincial jail ng Baybay City noong Nobyembre 2016, na pinalalabas na isang engkwentro habang isinisilbi ang isang search warrant.
Ang alkalde, na isa sa maraming lokal na opisyal na iniuugnay ni Duterte sa ilegal na droga, ay una ng nakulong nang mahulihan ng ilegal na droga.
Sa panahon ng pagpatay kay Espinosa, si Jovie Espenido, na ngayon ay paretiro na, ay isa sa mga paboritong tauhan ni Duterte sa giyera laban sa droga, ang hepe ng pulisya ng bayan ng Albuera.
Sa parehong pagdinig ng Quad Comm, nagkaroon ng palitan ng kuro-kuro sa pagitan ni Barbers, ang pangunahing tagapangulo ng panel, at isa sa mga co-chairman na si Abang Lingkod Partylist Rep. Joseph Stephen “Caraps” Paduano, at Marcos tungkol sa pagkamatay ni Espinosa.
Paulit-ulit na tinanong nina Barbers at Paduano si Marcos kung bakit kinakailangan ng kanyang CIDG team na kumuha ng search warrant laban kay Espinosa, na nakakulong, kaugnay sa ilegal na bagay na sinasabing nasa kanya sa loob ng kulungan sa Baybay City.
Ipinagtataka rin ni Barbers at Paduano ay kung bakit kailangan ni Marcos, na utusan ang kanyang team leader, si Maj. Leo Larraga, na arestuhin ang nakakulong ng alkalde ng Albuera.
“I heard you said na you ordered Maj. Larraga to arrest si Mayor Espinosa, why would you make such an order eh hindi lang siya arestado, naka-detain na siya. So bakit? What was the logic behind that order?” tanong ni Barbers kay Marcos.
Ipinapaliwanag ni Marcos ang layunin ng search warrant, nang putulin siya ni Barbers.
“No, no, yung arrest order that you ordered Maj. Larraga to implement. Sinabi mo kasi kanina I ordered Maj. Larraga to arrest Mayor Espinosa. Hindi ba naka-detain na siya?” tanong ng mambabatas.
“Yes sir. But if we will have a positive result based on the implementation of the search warrant on illegal drugs and possession of firearms, we will also arrest him to file another case because it would be a separate case dun sa nakakulong po siya, kasi ibang kaso po yun sir,” sagot naman ni Marcos.
Ayon pa kay Barbers: “It’s still a puzzle to me na kung bakit nagkaroon ng order na kinakailangan pa pala ng search warrant sa loob ng kulungan. Di ba normally ang ginagawa nyo Oplan Galugad. Gagalugad meron kayong info dun sa loob. Hindi naman na kailangan ng search warrant.”
Ang 19 na pulis ay kinasuhan sa korte kaugnay sa pagkamatay ni Espinosa, subalit ibinasura ng korte.
Base sa mga nakalap na testimonya ng Quad Comm, umaabot ng hanggang sa P1 milyon ang ibinabayad sa mga pulis at gun-for-hire na nakapatay ng high-profile drug suspects tulad ng mga lokal na opisyal.
Sa testimonya ni Espenido, sinabi nito na ang pondo na ginagamit sa deug war reward system ay nagmula sa jueteng at iba pang ilegal na sugal, mga Philippine offshore gambling operators (POGO), at mga intelligence fund na maaaring nagmula sa Office of the President at sa Philippine National Police (PNP).
Aniya, ang pondo ay dumadaloy mula kay Sen. Bong Go na kilalang malapot kay Duterte. (END)
————————
Abante naniniwala na ikakanta ni Leonardo alam sa Duterte drug war
Naniniwala si Manila 6th District Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. na ikakanta ni dating National Police Commission (NAPOLCOM) Commissioner Edilberto Leonardo ang kanyang nalalaman sa isinasagawang imbestigasyon ng House quad committee sa extrajudicial killings (EJK) kaugnay ng madugong war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Abante, co-chair ng House Quad Committee isasalang nila si Leonardo kapag nagsumite ito ng kanyang sinumpaang salaysay kaugnay ng kanyang nalalaman sa EJK.
“Until such time that Col. Leonardo would submit to us an affidavit, doon namin siya isasalang,” ani Abante sa isang press conference sa Kamara de Representantes.
Sinabi ni Abante na magiging malakas din ang testimonya ni Leonardo gaya ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Royina Garma na nagkumpirma na mayroong reward system para sa mga pulis na nakakapatay ng mga drug suspect.
“Sa aking palagay, personally, meron,” ayon kay Abante na nagsabi na maaaring magkaroon na ng sinumpaang salaysay si Leonardo sa pagdinig ng komite sa Oktobre 22.
Umaasa si Abante na ilalahad ni Leonardo ang lahat upang mas maging malinaw ang mga detalye ng kontrobersyal na war on drugs ni Duterte na nagresulta sa pagkamatay ng libu-libong katao.
Nauna rito, sinabi ni Garma na si Leonardo ang inirekomenda nito kay Duterte na mamuno sa pagpapatupad ng Davao model war on drugs sa buong bansa. Si Leonardo ay dating nakatalaga sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Region 11.
Sinabi ni Garma na nag mga pulis na nakakapatay ng drug suspect ay binibigyan ng reward na galing sa staff ng noon ay Special Assistant to the President, at ngayon ay Sen. Christopher “Bong” Go.
Sinasabing mas malalim ang mga impormasyong hawak ni Leonardo kaugnay ng operasyon at mga polisiyang sa kontrobersyal na war on drugs.
Ang Quad Committee ay binubuo ng Committees on Dangerous Drugs, Public Order and Safety, Human Rights, at Public Accounts. (END)
————————-
Speaker Romualdez pinuri si PBBM sa pagpapalakas ng ugnayan ng PH, UAE
Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez si Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa ginawa nitong pagpapatibay sa pagiging magkaibigan at kooperasyon ng Pilipinas at United Arab Emirates (UAE).
“The President’s cultivation of our strong ties with the UAE is what prompted UAE President Sheikh Mohamed bin Zayed to recently grant pardon to 143 Filipinos,” ani Speaker Romualdez, lider ng Kamara de Representantes na mayroong mahigit 300 kinatawan.
“We support the foreign policy thrust of our President in fostering friendly interaction and cooperation with other countries and in making the Philippines, to use his words, ‘a friend to all, an enemy to none’,” sabi pa ni Speaker Romualdez.
Inaasahan na ni Speaker Romualdez na lalo pang magiging malapit at matatag ang ugnayan ng Pilipinas at UAE.
Ibinahagi ni Pangulong President Marcos Jr. kamakailan na nagka-usap sila ng lider ng UAE upang ipaabot ang pasasalamat sa iginawad na pardon sa 143 na Pilipino gayundin sa ipinaabot na tulong sa bansa kasunod ng pananalasa ng mga bagyo.
“I extended to him my heartfelt thanks for the UAE’s humanitarian aid in the wake of the recent typhoons and floods that struck the Philippines,” sabi ng Pangulo.
“It is always inspiring to hear how our Filipino workers continue to excel and make a positive contribution in the UAE. I expressed my gratitude for the kindness extended to them, particularly their generous pardon of 143 Filipinos, which has brought relief to many families,” aniya.
Pinasalamatan din ni Speaker Romualdez ang presidente ng UAE “for his kind gesture in pardoning our compatriots and in giving them a second chance at rehabilitating and improving themselves.”
“In behalf of our pardoned kababayan and their families, we would like to express our deep gratitude to President Mohamed bin Zayed. We also would like to thank him for hosting thousands of overseas Filipino workers (OFWs) and for treating them well,” saad ng mambabatas.
Sabi pa ni Speaker Romualdez sa ibinigay na presidential pardon “brought immense relief to our compatriots and their loved ones, and further strengthened the bonds of friendship between our two countries.”
“We hope we could reciprocate their kindness in the future, even in terms of our country providing them their labor requirements and our OFWs rendering efficient and excellent service,” saad pa niya. (END)
————————
Pagiging patas ni Sen Bato sa isasagawang Senate probe sa Duterte drug war pinagdudahan
Duda si Manila 6th District Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr., co-chairman ng Quad Committee ng Kamara de Representantes kung magiging patas si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa sa isasagawa nitong imbestigasyon sa madugong war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Naniniwala si Abante, chairman ng House Committee on Human Rights, na makokompormiso ang integridad ng imbestigasyon dahil kilalang malapit si Dela Rosa kay Duterte.
“I would think that he (Dela Rosa) would be more biased than actually balanced in that hearing,” ani Abante sa isang press conference sa Kamara de Representantes nitong Miyerkoles.
Si Dela Rosa ang hepe ng Philippine National Police (PNP) ng ipatupad ni Duterte ang madugong war on drugs kung saan libu-libo ang pinaslang.
Hindi si Dela Rosa ang most senior official ng PNP ng italaga ni Duterte bilang hepe ng pambansang pulisya.
Nauna ng sinabi ni Dela Rosa na magsasagawa ng sariling imbestigasyon ang Senado sa war on drugs at iimbitahan si Duterte.
Sa kabila ng kanyang pagkakasangkot sa implementasyon ng war on drugs, sinabi ni Abante na isang welcome development ang pagsasagawa ng imbestigasyon ng Senado dahil makatutulong ito sa imbestigasyong isinasagawa ng Quad Comm.
“In fact, sabi ng Bible, two is better than one. Eh ‘di partner na kami ng Senado when it comes to investigation,” sabi ni Abante.
Sinabi ni Abante na si Duterte ang magdedesisyon kung pupunta sa pagdinig o hindi.
“It’s up to him actually… Hopefully, he will come and say what he would like to say,” dagdag pa ng mambabatas.
Nakapagsagawa na ng walong pagdinig ng Quad Comm at lumutang ang pangalan ni Duterte sa pagbibigay ng reward para sa mga pulis na nakapatay ng drug suspect.
Ang nagsiwalat nito ay si dating Philippine Charity Sweepstakes Office general manager at retired PNP colonel Royina Garma na kilalang malapit kay Duterte at umamin na inutusan ng dating Pangulo na maghanap ng mamumuno sa implementasyon ng Davao model war on drugs sa buong bansa.
Kung hindi man dumalo si Duterte sa pagdinig ng Kamara, sinabi ni Abante na kanilang babantayan ang pagdinig ng Senado.
“Whatever he will say, babantayan namin ng maigi ‘yan,” sabi ni Abante.
Iniimbestigahan ng Quad Comm ang kaugnayan ng iligal na Philippine offshore gaming operators (POGOs), sa kalakalan ng iligal na droga, at extrajudicial killings sa pagpapatupad ng Duterte war on drugs. (END)
——————————
Castro: CIF posibleng hindi lang reward para sa pagpatay sa drug suspects kundi pati sa mga kritiko ni Duterte
Nagpahayag ng pagkabahala si House Deputy Minority Leader at ACT Teachers Party-list Rep. France Castro sa posibleng paggamit ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ng confidential at intelligence funds (CIF) bilang reward sa pagpatay sa mga tumutuligsa sa kanya.
Ani Castro maaaring nagamit ang CIF hindi lamang para bigyan ng reward ang mga pulis na pumatay ng mga drug suspect sa ilalim ng war on drugs ng nakaraang administrasyon.
Binanggit rin ni Rep. Castro ang malaking pondong inilaan sa intelligence at confidential funds sa Davao noong panahon ni Duterte bilang alkalde na nagpatuloy hanggang sa pamumuno ng kaniyang mga anak na si Vice President Sara Duterte, at Mayor Sebastian Duterte.
"Davao intelligence funds in 2011 were P109,500,000, in 2012 P113,000,000, in 2013 P115,000,000, in 2014 P120,000,000, and in 2015 P144,000,000," ani Castro.
"Noong 2016 pa lang sa Davao P144M na ang confidential funds nila hanggang umabot na sa P2.697 billion noong 2022. Humirit pa ng illegal na P125M na OVP confidential fund si VP Duterte. Mula 2016 hanggang ngayon nasa mahigit P3 billion na ang nakuha ni VP Duterte na confidential funds pero kahit anong patunay na nagastos ito ng tama ay wala tayo," dagdag pa niya.
Diin ni Rep. Castro, ang P2.697 bilyon na alokasyon para sa confidential funds mula 2016 hanggang 2022 para sa Mayor ng Davao City ay nagamit sana pang suporta sa sektor ng edukasyon lalo na para sa benepisyo ng mga guro.
Nabigyan aniya sana ng tig-P1,000 city allowance ang tinatayang 17,000 mga guro ng lungsod sa loob ng 13 taon. "This funding could have greatly contributed to improving the quality of education by ensuring that teachers had access to essential teaching materials and resources, ultimately benefiting the learning experience of countless students, at least for Davao City," saad ni Castro.
Sa testimonya aniya ni Col. Royina Garma sa pagdinig ng Quadcom, nagamit ang confidential funds bilang reward money sa drug war EJK.
Saad bi Castro na noong 2016, pinondohan ang confidential and intelligence funds ng Office of the President (OP) ng P500,000,000, noon namang 2017 ay binigyan ito ng P2,500,000,000, habang noong 2018 ay umabot ito ng P2,500,000,000, at kaparehong halaga din noong 2019.
Noon namang 2020, 2021 at 2022 ay may pomdo ito na P4,500,000,000.
"It was during this time when thousands have been killed under the fake drug war and hundreds more were killed who were critics of the Duterte administration," ani Castro na.
Mapapansin aniya na sa unang dalawang taon ng administrasyong Duterte ang confidential at intelligence funds ay nasa P2.5 billion, ngunit nang timindi ang pag atake sa mga kritiko, lumobo ito sa P4.5 billion.
"Ang mga panahong iyon ang sunod-sunod ang mga raid sa mga opisina at tahanan ng mga progresibong organisasyon at indibidwal. Ito rin ang panahon ng sangkatutak na mga nanlaban daw sa mga pulis," pagtatapos ni Casto na nanawagan para sa isang masusing imbestigasyon sa posibleng pang aabuso sa paggamit ng pondo at tuluyan nang pagbasura dito dahil sa kawalan ng transparency. (END)
————————-
Money trail ng Duterte war on drugs susundan ng House Quad Comm
Sundan ang pera, hanapin ang utak.
Ito ang gagamiting diskarte ng House Quad Committee sa pagpapatuloy ng isinasagawa nitong imbestigasyon sa mga kaso ng extrajudicial killings (EJKs) sa pagpapatupad ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ng kanyang war on drugs campaign.
Naniniwala ang mga lider ng House Quad Committee na mahahanap ang utak sa pagbibigay ng reward sa mga pulis na nakakapatay ng drug suspect sa pamamagitan ng pagtunton sa dinaanan ng pera.
Ayon sa mga co-chair na sina Reps. Bienvenido “Benny” Abante Jr. at Dan Fernandez, ang joint panel ay humihingi ng tulong sa Anti-Money Laundering Council (AMLC) upang sundan ang daloy ng pera na may kaugnayan sa mga operasyong ito
Ang hakbang na ito ay bunsod sa pagsisiwalat ni dating General Manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, Royina Garma, na nagsabing ang mga cash reward para sa pagsasagawa ng mga EJK ay ipinasok o idinadaan sa bangko.
Si Garma, isang retiradong police colonel na kilalang malapit kay dating Pangulong Duterte, na nagsiwalat ng reward system na nasa likod ng mga pagpatay at detalyadong inilarawan ang kaugnayan dito nina Duterte at ng kanyang malapit na kaibigan na si Sen. Christopher “Bong” Go.
Ayon kay Abante, “the Quad Comm will leave no stone unturned. Those who profited from the killings must be held accountable, and the AMLC is key to tracking down these illicit transactions that led to the deaths of innocent civilians.”
Sinabi naman ni Fernandez, “the use of financial institutions for illegal activities is a serious crime. We will follow every lead to ensure that those responsible face justice.”
Plano ng Quad Committee na pormal na hingin ang tulong ng AMLC ngayong linggong ito. Naniniwala ang mga mambabatas na ang financial probe ay magbibigay-liwanag sa buong saklaw ng daloy ng pondo na nasa likod ng marahas na kampanya ni Duterte laban sa droga
Hinimok din nina Abante at Fernandez ang mga pulis na nakatanggap ng mga cash reward na lumantad
“Your testimony could be critical to uncovering the truth. This is the time to speak up,” ayon kay Abante, chair ng House Committee on Human Rights.
Tiniyak ni Fernandez, chairperson ng Committee on Public Order and Safety, na bibigyan ng makatarungang pagtrato ang sinumang lalantad at makikipagtulungan sa panel.
“We are giving those involved a chance to help clear the air and ensure justice is served,” saad pa nito.
Iginiit ng mga lider ng Quad Comm na ipagpapatuloy ang imbestigasyon at binigyang-diin na walang sinuman ang nakatataas sa batas at ang lahat ng sangkot ay papanagutin.
Ang pinansyal na imbestigasyon ay isang pangunahing hakbang sa pagsusuri ng komite sa libu-libong pagkamatay sa panahon ng kampanya ni Duterte laban sa droga. Sa pamamagitan ng pagtukoy sa pinagmulan ng mga pondo at pagkilala sa mga tumanggap, layunin ng Quad Committee na ilantad ang mga financial network sa likod ng mga extrajudicial killings, na posibleng magbunyag ng mga pangunahing indibidwal na nakinabang mula sa EJK.
Ang masusing pagsusuri sa daloy ng pondo ay maaaring mag-ugnay sa mga mataas na opisyal sa mga operasyong ito, na naglalantad ng kabuuang saklaw ng pananagutan sa drug war ng nakalipas na administrasyon. (END)
No comments:
Post a Comment