Tuesday, October 8, 2024

Kath

Itinuturing ni Manila Rep. Bienvenido Abante Jr. na "welcome development" ang naging pahayag ni dating  Pangulong Rodrigo Duterte na handa siya humarap sa quad committee ng Kamara.


Sa panayam kay Abante, sinabi niya na ang pagpapahayag lang ng dating pangulo ng intensyon na dumalo sa kanilang pag dinig ay malaking bagay na.


("Sa amin, yung positive intention ng ating dating pangulo na mag-attend sa aming hearing, welcome development sa amin yun. In my committee, inimbitahan na namin siya although he failed to attend," ani Abante, co-chairman ng the quad-comm.)


Gayunpaman, posibleng hindi pa kasama ang dating presidente sa mga iimbitahan sa gagawing pagdinig ng Quad Comm ngayong darating na Biyernes.


Mayroon kasi aniyang ibang mga witness at resource person ang nakatakda nang humarap sa susunod na hearing.


("But I don't think he will be invited on Friday kasi mayroon pang ilan na mga witnesses na iimbitahin namin. Sayang naman kung hindi namin mapag-uukulan ng pansin lahat ng inimbitahan namin na witnesses at resource persons," sabi niya.)


Muli namang siniguro ni Abante na bibigyan ng kortesiya at respeto ang dating pangulo sakaling matukoy ang pagharap sa joint panel.


MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCES RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO


—————————


Tatapusin lang ni Marikina Rep. Stella Quimbo ang filing ng certificate of candidacy bago tuluyang ihain ang ethics complaint laban kay Agri party-list Rep. Wilbert Lee.


Ito ang kinumpirma ng lady solon nang samahan ang asawa na si dating Cong. Miro Quimbo sa paghahain ng COC sa COMELEC-NCR.


"After this filing period [of certificates of candidacy]...ifa-file na po namin [yung ethics complaint] ni Cong. Nikka. [BHW party-list Rep. Angelica Natasha Co]


Ani Quimbo, mayroong ipinadalang "apology letter" ang kasamahang kongresista, ngunit para sa kaniya, parang sapilitan lamang ito.


Aminado ang senior vice-chair ng appropriations committee na napatago siya sa likod ng podium dahil sa takot sa maaaring gawin ni Lee nang sugurin sila ng co-budget sponsor na si BHW party-list Rep. Angelica Natasha Co


"Iniwasan ko po yung inakala ko pong parang, I thought he was going to assault us. So yun ang nakita ko, that's why I ducked. So yun po." sagot ni Quimbo sa media.


Personal nang humingi ng paumanhin si Lee kay Co nang magkita sa Tent City kung saan naghahain ng COC ang mga senador at party-list representstives.


Hanggang sa ngayon ay wala pa ring pahayag ang kampo ni Lee tungkol sa insidente at sa planong ethics complaint laban sa kaniya.

——————————

No comments:

Post a Comment