Isa Humingi ng tawad ang self-confessed drug lord na si Kerwin Espinosa kay dating Sen. Leila de Lima.
Ginawa ni Espinosa ito, sa kanyang pagharap sa pagdinig ng House Quad Committee kaugnay sa mga kaso ng extrajudicial killings o EJKs.
Ayon kay Espinosa, sana ay mapatawad siya ni de Lima dahil nadala o naging uto-uto siya noon, kung kailan may pumilit umano sa kanya na idawit sa ilegal na droga ang dating Senadora gayung wala namang katotohanan.
Ukol naman sa isang picture kasama si de Lima, sinabi ni Espinosa na nagkataon lamang na pumasyal ang kanyang pamilya sa Baybay at nagkita sila ni de Lima doon at nagpa-litrato.
Gayunman, ito umano ang ginawang ebidensya para madiin si de Lima.
Matatandaan na si de Lima ay inaresto at nakulong dahil sa 3-counts ng drug-related cases. Ang mga ito ay ibinasura na ng Muntinlupa Regional Trial Court.
———————-
Isa Isang panukalang batas ang inihain sa Kamara na nagpapa-deklara sa extrajudicial killings o EJKs bilang heinous crime, at magpapataw ng mabigat na parusa sa mga “guilty” na opisyal ng gobyerno.
Ito ang House Bill 10986 o Anti-EJK Act, na inihain nina House Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr., Deputy Speaker Jayjay Suarez, at Quad Committee co-chairmen Reps. Robert Ace Barbers, Benny Abante, Dan Fernandez, at Stephen Joseph Paduano.
Ayon sa mga may-akda, layon ng panukalang Anti-EJK Law na maisulong ang hustisya at accountability sa hanay ng mga taga-pamahalaan at awtoridad na dawit o responsable sa mga krimen.
Ang panukala ay batay sa findings at rekumendasyon ng House Quad Committee na nagsisiyasat sa EJKs na naganap noong administrasyon ni dating Pang. Rodrigo Duterte.
Kapag naging ganap na batas, ang sinumang mahahatulan ay papatawan ng habambuhay na pagkakakulong o reclusion perpetua, nang walang “parole.”
Habang ang mga pamilya ng EJK victims ay pagkakalooban ng “reparation” o bayad-pinsala, at bubuo ng isang EJK Claims Board.
Naniniwala ang mga kongresistang author ng Anti-EJK Law na sa pagsasabatas nito, maibibigay ang tunay na hustisya sa mga biktima at kanilang pamilya, at magbibigay ng malinaw na mensahe na ang anumang karahasan na ginagawa sa labas ng legal na proseso ay hindi kukunsintihin.
—————————
Isa Pinatawan ng contempt ng House Quad Committee ang asawa ni dating Presidential Spokeseperson Harry Roque na si Mylah Roque.
Ito ay dahil sa kabiguan pa ring makadalo sa pagdinig ng Quad Committee.
Una rito, nagmosyon si Rep. Stephen Paduano na i-contempt si Ginang Roque.
Kinalauna’y pinagbigyan ito ng komite, at mag-iisyu ng arrest order.
Si Ginang Roque ay inimbitahan ng Kamara para linawin ang kanyang papel sa lease agreement sa Chinese nationals na dawit sa ilegal na POGO sa Bamban, Tarlac.
———————-
Isa Pinatawan ng contempt ng House Quad Committee ang asawa ni dating Presidential Spokeseperson Harry Roque na si Mylah Roque.
Ito ay dahil sa kabiguan pa ring makadalo sa pagdinig ng Quad Committee.
Una rito, nagmosyon si Rep. Stephen Paduano na i-contempt si Ginang Roque.
Kinalauna’y pinagbigyan ito ng komite, at mag-iisyu ng arrest order.
Si Ginang Roque ay inimbitahan ng Kamara para linawin ang kanyang papel sa lease agreement sa Chinese nationals na dawit sa ilegal na POGO sa Bamban, Tarlac.
————————
Hajji Naniniwala si Bohol Third District Representative Alexie Tutor na mahusay ang pagkakapili kay Cavite Governor Jonvic Remulla bilang bagong kalihim ng Department of the Interior and Local Government.
Ayon kay Tutor, bukod sa bata pa si Remulla ay maituturing din siyang "political heavyweight" sa lokal na pamahalaan.
Isa aniya si Remulla sa mga gobernador na gumagamit ng social media platform para sa good governance at public feedback.
Punto ng kongresista, kabisado ng gobernador kung paano, bakit at nasaan ang galaw ng pulitika sa bansa.
Bukod dito, ibinababa umano ni Remulla ang average age ng gabinete ni Pangulong Bongbong Marcos kasama sina Education Secretary Sonny Angara, Economic Czar Frederick Go at Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel.
Kabilang naman sa mga hamon na kakaharapin nito ang paglaban sa krimen, paghahanap sa high-profile fugitives at karahasan at pagpatay na may kaugnayan sa eleksyon.
No comments:
Post a Comment