Thursday, August 7, 2025

1 News & Opinion 250809

Speaker Romualdez pinangunahan ang Visayas Caucus para mapagisa, maitulak kaunlaran ng rehiyon



Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang unang pagpupulong ng Visayas Caucus noong Miyerkules ng hapon, kung saan nagsama-sama ang mga kongresista mula sa iba’t ibang bahagi ng Kabisayaan para magkaisa at mas mapalakas ang boses ng rehiyon sa mga usaping pambansa.


Sa pagpupulong na pinagbuklod ng iisang layunin para mapa-unlad ang rehiyon, nagkaisa ang mga mambabatas mula sa Regions 6, 7, 8, at Negros Island Region na magsama-sama—sa kabila ng pagkakaiba ang partido—para itaguyod ang kapakanan ng mga Visayan at maisama ang kanilang mga pangangailangan sa mga plano ng pambansang pamahalaan.


“This is more than a meeting of colleagues. It is a meeting of hearts united by the same roots, the same aspirations, and the same duty to serve our people,” ani Speaker Romualdez.


“Each of us carries the hopes of our kababayans back home. The Visayas Caucus is our way of making sure their voices are heard and felt in the halls of Congress.”


“Ang Kabisayaan ay mayaman hindi lang sa likas na yaman kundi sa sipag, talino, at tibay ng kanyang mga mamamayan,” dagdag pa niya. “Panahon na upang ang sigaw ng Visayas ay marinig, hindi lang sa plenaryo, kundi sa bawat desisyong pambansa.”


Itinatag ang Visayas Caucus bilang isang samahan na nakatuon sa adbokasiyang pang-rehiyon at hindi nakabase sa partido. Bagamat magkakaiba ang partido ng mga miyembro, naniniwala silang makakamit ang kaunlaran ng rehiyon sa pamamagitan ng pagkakaisa, pagtutulungan, at sama-samang pamumuno. 


“And very important and critical that the synergies and engagements and the relationships of all of us in the region become closer and tighter. And I think we have so much in common to share. I was recently also in Mindanao about the other month and we talked about the Mindanao agenda. So similar to what we talked about when I was in Butuan, in Caraga, we’d like to get the Visayan agenda—hence the Visayas caucus,” ani Speaker Romualdez.


“In other words, in the four regions that we have identified, we really want to focus and concentrate on what are the top priorities per region. And you having placed me here in this position to serve you as the Speaker, I would like to actually deal down with you sit down with you and get this priority projects, programs moving faster,” dagdag pa ng pinuno ng Kamara.


Binigyang-diin ni Speaker Romualdez na ang Caucus ay hindi magsisilbing political bloc kundi isang mekanismo upang matukoy ang mga karaniwang isyu, maisulong ang mga makabuluhang patakaran, at makakuha ng pondo para sa mga proyektong direktang makikinabang ang Kabisayaan.


Kabilang sa mga pangunahing layunin ng Caucus ang pagpapalakas ng imprastruktura; pagtitiyak ng sapat na suplay ng tubig at kahandaan sa panahon ng sakuna; modernisasyon ng agrikultura; pagpapalawak ng access sa serbisyong pangkalusugan at edukasyon; muling pagsigla ng turismo; pagpapabuti ng konektibidad sa pagitan ng mga isla; at pagsusulong ng digital transformation.


“Our goal is simple,” wika ni Speaker Romualdez. “We want a more resilient, more connected, and more empowered Visayas. This means building better roads and ports, bringing services closer to the islands, modernizing our farms, and making sure no Visayan is left behind in our nation’s progress.”


“Hindi ito pulitika—ito ay paninindigan para sa rehiyon. Sa Caucus na ito, bawat isla ay may boses, bawat komunidad ay may kinatawan, at bawat pangarap ay may pagkakataong matupad,” diin pa ng mambabatas mula sa Leyte.


Ang estruktura ng Caucus ay sumasalamin sa parehong pagkakaiba-iba at pagkakaisa ng rehiyon ng Kabisayaan, kung saan si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang nagsisilbing Lead Convenor.


Ang mga Regional Chairperson ng Visayas Caucus ay sina: Rep. Janet Garin para sa Region 6 (Western Visayas), Rep. Lolypop Ouano-Dizon para sa Region 7 (Central Visayas), Rep. Yedda Romualdez para sa Region 8 (Eastern Visayas), at Rep. Jeff Ferrer para sa Negros Island Region.


Kaagapay nila ang mga Deputy Chairperson na sina Rep. Joeben Miraflores, Rep. Edu Rama, Rep. Lolita Javier, at Rep. Chedeng Alvarez sa pagtutulak ng mga adbokasiyang pang-rehiyon.


Magtatatag rin ang Visayas Caucus ng mga sectoral working groups, makikipagtulungan sa mga ahensya ng gobyerno tulad ng NEDA, DPWH, DOTr, DA, at DILG, at itutulak ang pagkakaroon ng kinatawan sa mga inter-agency na grupo na may kinalaman sa pag-unlad ng rehiyon.


“This is just the beginning,” saad ni Speaker Romualdez. “What we have launched today is not merely a caucus—it is a commitment. A commitment to stand together, speak louder, and act faster for the future of the Visayas.”


“Ang Visayas Caucus ay sumasalamin sa pagkakaisa sa gitna ng pagkakaiba—isang malinaw na mensahe na kapag nagsama-sama tayo, walang imposible para sa ating rehiyon,” dagdag pa niya.


Sa tulong ng matatag na pamumuno, malinaw na layunin, at matibay na paninindigan, handang maging makabuluhang puwersa sa Kongreso ang Visayas Caucus—isang puwersang inuuna ang kapakanan ng mga taga-Visayas sa gitna ng pambansang kaunlaran. 


“Ang direksyon ay maaaring itakda ng partido, pero ang destinasyon ay itinutuon ng puso. At ang puso ng Caucus na ito ay para sa Kabisayaan—para sa bayan, para sa kinabukasan,” ayon pa sa pahayag ni Speaker Romualdez. (END)


__________


After News Opinyon


Ang pagkakatatag ng Visayas Caucus sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ay isang malinaw na hakbang upang bigyan ng mas malakas na boses ang Kabisayaan sa pambansang talakayan at paggawa ng patakaran. Sa isang Kongresong madalas hatiin ng pulitika at partidong pinagmulan, makabuluhan ang mensahe ng pagkakaisa na ipinakita ng mga mambabatas mula sa Regions 6, 7, 8, at Negros Island Region—na sa kabila ng pagkakaiba-iba sa kulay at paniniwala, nagkakaisa sila para sa kaunlaran ng rehiyon.


Tama ang punto ni Speaker Romualdez na hindi dapat maging political bloc ang Caucus, kundi isang plataporma para matukoy at maisulong ang mga isyung mahalaga sa mga taga-Visayas—mula sa imprastruktura, modernisasyon ng agrikultura, at mas maayos na konektibidad, hanggang sa pagpapalawak ng turismo at digital transformation. Sa ganitong paraan, natitiyak na ang mga desisyon at proyekto ay hindi lamang nakasentro sa pambansang antas, kundi tumutugon sa partikular na pangangailangan ng rehiyon.


Subalit, ang tunay na pagsubok ay nasa implementasyon. Ang maganda at detalyadong plano ay dapat sabayan ng mabilis na aksyon, malinaw na koordinasyon sa mga ahensya ng gobyerno, at masusing paggamit ng pondo upang maramdaman agad ng mga taga-Visayas ang benepisyo.


Kung magiging matatag ang ugnayan at pagtutulungan sa loob ng Visayas Caucus, maaari itong magsilbing modelo ng regional unity na pwedeng tularan ng iba pang rehiyon—isang patunay na kapag inuuna ang kapakanan ng mamamayan kaysa sa pulitika, mas mabilis mararating ang tunay na kaunlaran.



oooooooooooooooooooooooo


Mga Pilipino talo sa hakbang ng Senado na i-archive ang VP Sara impeachment 



Talo umano ang mga Pilipino sa hakbang ng Senado na i-archive ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte dahil sila ay napagkaitan na makita ang mga ebidensya at magkaroon ng pananagutan ang mga matataas na opisyal ng gobyerno.


“Ang na-deny po ng due process dito ay ang taumbayan,” ani Manila 3rd District Rep. Joel Chua, chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability, sa isang press conference.


Ipinahayag din ni House Deputy Majority Leader at Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong ang parehong sentimyento sa nasabing media briefing.


“The clamor for accountability is the victim of these actions that we have seen yesterday (Wednesday) at the Senate,” ani Adiong.


Sinabi ni Chua na hindi pa tapos ang laban at umaasa siyang aaksyunan ng Korte Suprema (SC) ang motion for reconsideration na inihain ng House of Representatives upang mabigyan ng due process ang sambayanang Pilipino.


“Sa amin pong paniniwala, hindi pa po tapos ang laban. Tayo po ay patuloy pa ring umaasa na mabibigyan ng due process [ang taumbayan],” ani Chua.


“Kaya tayo po ay umaasa na ito po ay pakikinggan tayo, lalong-lalo na po ‘yung motion for reconsideration na amin pong inihain sa Korte Suprema,” dagdag pa niya.


Sinabi ni Adiong na hindi na siya nagulat sa naging desisyon ng Senado, binanggit ang umiiral na political alignments sa institusyon, ngunit inamin na siya ay nadismaya at may mga naging malinaw na pag-amin sa naging proseso.


“Well, when I was watching actually what was being discussed and debated on yesterday (Wednesday), it came not as a surprise para po sa akin considering the political alignments in the Senate,” ani Adiong.


“But it was kind of—there was a revelation. To some degree, disappointing kung ako ang tatanungin mo,” dagdag pa niya.


Binigyang-diin ni Adiong na ang motion to archive ay binagong bersyon ng orihinal na mosyon na i-dismiss ang reklamo, na nagpapakita umano ng malinaw na intensyong isantabi ang kaso kahit may isinasagawang pagrebisa ang Korte Suprema.


“Remember, the motion to archive is actually the product of an amendment to the original motion which was to dismiss,” aniya.


“So if you look at the pattern, even previously when they already had the initial discussion about whether or not Senate would continue on with the impeachment proceedings, meron na pong intention really to dismiss the case,” dagdag pa niya.


Sinabi ni Adiong na malinaw sa mabilis na aksyon ng Senado ang kanilang layunin, lalo pa’t wala namang pinal na desisyon mula sa korte.


Binigyang-diin niya na nakapaghain na ang Kamara ng motion for reconsideration sa SC, kaya’t nananatiling bukas at hindi pa tapos ang impeachment process. (END)


__________



After News Opinyon


Malinaw ang sentimyento nina Rep. Joel Chua at Rep. Zia Alonto Adiong—ang tunay na talo sa mabilis na pag-archive ng Senado sa impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte ay ang sambayanang Pilipino. Sa hakbang na ito, nawalan ng pagkakataon ang publiko na makita at masuri ang mga ebidensya, at higit sa lahat, na makita ang pagpapatupad ng pananagutan sa mataas na antas ng pamahalaan.


Tama ang punto ni Chua na ang na-deny dito ay hindi lang ang Kamara kundi ang due process para sa taumbayan mismo. Kapag hindi binibigyan ng pagkakataon ang mamamayan na masaksihan ang paglalatag ng katotohanan sa harap ng impeachment court, nababawasan ang tiwala sa integridad ng mga institusyon.


Dagdag pa ni Adiong, malinaw na may “pattern” ang naging kilos ng Senado—mula sa orihinal na mosyon na i-dismiss, hanggang sa binagong mosyon na i-archive, lahat ay nagpapakita ng intensyong isantabi ang kaso kahit may nakabinbin pang pagdinig sa Korte Suprema. At sa bilis ng naging aksyon, lalo lamang lumalakas ang duda na iniiwasan ang masusing pagdinig.


Sa huli, nananatiling bukas ang laban sa legal na aspeto dahil sa inihain na motion for reconsideration ng Kamara. Ngunit higit pa sa ligal na usapin, ang hamon ngayon ay kung paano maibabalik sa taumbayan ang tiwala na ang proseso ng pananagutan ay hindi natatapos sa kapritso ng pulitika, kundi sa malinaw at patas na paglalapat ng batas.



oooooooooooooooooooooooo


SC inapakan exclusive power ng Kamara na magsimula ng impeachment sa inilabas na desisyon sa kaso ni VP Sara – Rep. Joel Chua


Pinanghimasukan umano ng Korte Suprema ang eksklusibong kapangyarihan ng Kamara de Representantes na magsimula ng impeachment process sa inilabas nitong desisyon sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte na sinuportahan ng 215 kongresista, ayon kay Manila Rep. Joel Chua ngayong araw.


Sa isang press conference, sinabi ni Chua— isang miyembro ng House prosecution panel at tagapangulo ng House committee on good government and public accountability—na nagdagdag ang Korte Suprema ng mga “parameters o steps” na sumasaklaw sa eksklusibong prerogative ng Kamara na magsimula ng impeachment laban sa isang opisyal.


Sinabi rin niyang ang mga karagdagang rekisito ay nagpapahirap sa Kamara na magsagawa ng impeachment sa hinaharap.


“Mahihirapan po dahil, with all due respect to the Supreme Court, pinahirap po, yung mga step ay mahirap na po. Actually po sa totoo lang po, nakalagay sa ating Saligang Batas, Congress shall promulgate its (impeachment rules). So ang dapat pong naglalagay ng alituntunin ay ang Kongreso. Kasi ang ginamit po na word dun ay shall, ibig sabihin mandatory,” ani Chua.


“Kaso dito po sa bagong inilahad ng ating Korte Suprema, kung saan po nagdagdag ng ilang parameters o steps para po maiakyat ang impeachment, mas magiging mahirap na po,” dagdag pa niya.


“Pangalawa po, sa akin pong paniniwala, ito po ay—of course, with due respect again sa ating Korte Suprema—ay pag-ooverstep po sa exclusive power ng Kongreso (House) to initiate impeachment,” giit niya.


Binigyang-diin niya na ang paglalagay ng karagdagang parameters para sundin ng Kamara sa pagsasampa ng impeachment laban sa isang opisyal ay hindi saklaw ng kapangyarihan ng Korte Suprema.


Ito ay katumbas umano ng pag-aamyenda sa impeachment rules ng Kamara.


“Pumapasok lang po ang korte supreme pag may grave abuse of discretion. Sa pagdagdag po ng parameters o steps para makapag initiate ng impeachment, ito po ay hindi na nila saklaw dahil ito po ay pagaamiyenda na po ng rules, kung saan binibigyan po ng exclusive power ang Kongreso,” aniya.


Samantala, sinabi naman ni Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong na ilang miyembro ng Constitutional Commission na bumuo ng kasalukuyang Konstitusyon ang nagsabing sinadya nilang gawing “mas madali, mas mabilis at madaling maintindihan ng ating mga kababayan” ang proseso ng impeachment.


Tinukoy niya ang paggamit ng salitang “forthwith” sa mandato ng Konstitusyon para simulan agad ng Senado ang paglilitis sa sandaling maisumite ng Kamara ang impeachment complaint.


Aniya, ang ginamit na salitang iyon ay “kasi it speaks of the urgency of the matter, kaya forthwith ang nilagay nila.”


“They themselves said it—gusto namin na mas madali at mas maiintindihan ng taong bayan,” dagdag pa niya.


Sa isang unanimous ruling noong Hulyo 25, idineklara ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon at walang bisa mula sa simula ang impeachment complaint laban kay VP Duterte dahil umano sa paglabag sa one-year bar rule.


Umapela na ang Kamara sa nasabing desisyon.


Kabilang sa mga parameter ng impeachment na ipinataw ng Korte Suprema at tinukoy ni Rep. Chua ay ang mga sumusunod:


Dapat may kalakip na ebidensya ang Articles of Impeachment o Resolusyon kapag ibinahagi ito sa mga miyembro ng Kamara, lalo na sa mga kinukunsiderang mag-endorso nito.


Dapat sapat ang ebidensya upang patunayan ang mga paratang sa Articles of Impeachment.


Dapat maipamahagi sa lahat ng miyembro ng Kamara ang Articles of Impeachment at ang kalakip nitong ebidensya, at hindi lamang sa mga kinukunsiderang mag-endorso.


Dapat nabigyan ng pagkakataon ang respondent sa impeachment complaint na maipahayag ang kanyang panig hinggil sa Articles of Impeachment at sa mga ebidensyang nagpapatibay sa mga paratang bago ito maisumite sa Senado, kahit pa may sapat nang bilang ng mga endorsement mula sa mga miyembro ng Kamara.


Dapat mabigyan ng sapat na panahon ang mga miyembro ng Kamara upang makapagpasya nang malaya kung kanilang ieendorso ang impeachment complaint. Gayunman, may kapangyarihan ang Korte Suprema na suriin kung sapat ang ibinigay na panahon. Ang petitioner na gagamit ng kapangyarihan ng SC ay kailangang patunayan na may pagkukulang ang mga opisyal sa pagtupad ng kanilang tungkulin.


Ang batayan ng anumang paratang ay dapat may kinalaman sa mga impeachable acts o omissions na naganap habang nasa kasalukuyang termino ang opisyal. Para sa Pangulo at Pangalawang Pangulo, dapat ang mga kilos ay sapat na seryoso upang maituring na krimen sa ilalim ng Article XI Section 2, o isang betrayal of public trust ayon sa itinakda ng nakararaming botante. Para naman sa iba pang impeachable officers, ang mga kilos ay dapat sapat na seryoso upang bumagsak sa ilalim ng mga gawaing nagpapahina sa respeto sa kanilang konstitusyonal na kalayaan at awtonomiya.


Inaatasan din ng SC ang Kamara na magbigay ng kopya ng Articles of Impeachment at ang kalakip nitong ebidensya sa respondent upang mabigyan siya ng pagkakataong tumugon sa loob ng makatwirang panahon. Dapat ding gawing available sa lahat ng miyembro ng Kamara ang Articles of Impeachment, ang mga ebidensya, at ang komento ng respondent. (END)


_________



After News Opinyon


Mabigat ang pahayag ni Rep. Joel Chua: sa kanyang pananaw, ang inilabas na desisyon ng Korte Suprema ay hindi lang simpleng interpretasyon ng batas kundi isang pagpasok sa eksklusibong kapangyarihan ng Kamara na magsimula ng impeachment. Ang pagdagdag ng mga “parameters” o rekisito bago makapagsampa ng kaso ay, ayon sa kanya, katumbas na ng pag-aamyenda sa impeachment rules—isang bagay na malinaw na nakasaad sa Saligang Batas na nasa kamay lamang ng Kongreso.


Kung susuriin, ang mga itinakdang dagdag ng Korte Suprema—mula sa obligasyon na ipamahagi ang ebidensya sa lahat ng miyembro at bigyan ng pagkakataon ang respondent na makapagpahayag bago pa maisumite sa Senado, hanggang sa pagbibigay sa SC ng kapangyarihang suriin kung “sapat” ang oras na ibinigay sa mga mambabatas—ay maaaring magpabigat at magpatagal sa proseso. Sa ganitong kalakaran, posibleng mawalan ng bisa ang mismong layunin ng impeachment bilang isang mabilis at malinaw na mekanismo para sa pananagutan ng matataas na opisyal.


Tama rin ang punto ni Rep. Zia Alonto Adiong na sinadya ng mga framers ng 1987 Constitution na gawing mas simple at madaling maunawaan ng publiko ang impeachment process, kaya ginamit ang salitang “forthwith” para sa agarang pagsisimula ng paglilitis sa Senado. Ang pagbibigay ng masalimuot na rekisito ay tila kabaligtaran ng orihinal na layunin na iyon.


Sa huli, nananatiling sensitibo ang isyung ito dahil binabalanse ang dalawang prinsipyo: ang kapangyarihan ng Korte Suprema na tiyakin ang pagsunod sa Saligang Batas at ang eksklusibong kapangyarihan ng Kamara na magsimula ng impeachment. Ngunit kung sa proseso ng pagbibigay-proteksyon ay nalalabag ang malinaw na hangganan ng kapangyarihan, hindi malayong magbukas ito ng mas mabigat na diskusyon—hindi lang sa kaso ni VP Sara Duterte, kundi sa hinaharap ng impeachment bilang isang sandata ng demokratikong pananagutan.



oooooooooooooooooooooooo


Romualdez: Pagsama ng OFWs sa 4PH, patunay ng malasakit ni PBBM



Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagsama ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs) sa Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ng administrasyong Marcos, na aniya’y isang patunay ng hangarin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na mapabuti ang buhay ng mga tinaguriang makabagong bayani ng bansa.


Ginawa ni Speaker Romualdez ang pahayag matapos ianunsyo ng Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) na kasama na ang mga OFW sa socialized housing program sa ilalim ng pinalawak na 4PH, anuman ang kanilang buwanang kita.


“This latest move shows that the President is sincere in his mission to give back to our OFWs, who have sacrificed so much for their families and for the country. By including them in this housing initiative, we are not only addressing a basic need—we are also acknowledging their immense contribution to the nation,” ani  Romualdez.


Ayon kay DHSUD Secretary Jose Ramon Aliling ang pagkakasama ng mga OFW sa programa ay tugon sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palawakin ang saklaw ng pangunahing housing initiative ng pamahalaan upang mas maraming Pilipino ang makinabang—lalo na ang mga nagtitiis magtrabaho sa ibang bansa para maitaguyod ang kanilang mga pamilya.


“As of 2023, there are about 2.16 million OFWs across the globe who work tirelessly to send remittances home—contributions that not only support their families but also bolster the Philippine economy,” ani Romualdez.


“Marami sa kanila ang walang sariling bahay at patuloy na nangangarap na makapundar ng tahanan para sa kanilang pamilya. Sa pamamagitan ng Expanded 4PH, mas napapalapit tayo sa katuparan ng pangarap na ito,” dagdag pa ng pinuno ng Kamara.


Ayon sa Pag-IBIG Fund Circular No. 473, kwalipikadong mag-apply para sa pabahay sa ilalim ng 4PH ang mga OFW basta’t sila ay aktibong miyembro ng Pag-IBIG, first-time homebuyer, at hindi hihigit sa 65 taong gulang sa oras ng aplikasyon. Kailangang matiyak din na sila ay insurable hanggang sa matapos ang termino ng loan, na hindi dapat lumampas sa edad na 70.


Nagbibigay rin ang pinalawak na programa ng abot-kayang financing, kung saan lahat ng socialized housing units—maging vertical o horizontal—ay maaaring i-avail sa pamamagitan ng subsidized interest rates sa loob ng hanggang 10 taon. Bukod dito, may karagdagang subsidiya mula sa pamahalaan upang higit pang mapababa ang buwanang bayarin ng mga kwalipikadong benepisyaryo.


Halimbawa, ang isang horizontal unit na nagkakahalaga ng P850,000 ay magkakaroon na lamang ng buwanang amortization na P3,583—mula sa dating P5,233. Samantalang ang isang vertical unit na may halagang P1.5 milyon ay babayaran na lang ng P6,234 kada buwan, kumpara sa karaniwang P9,235.


Sinabi ni Speaker Romualdez na ang pagsasama ng OFWs sa 4PH ay isang malaking hakbang para gawing mas inklusibo at abot-kaya ang mga socialized housing program ng bansa, lalo na para sa mga pamilyang nasa mababa at gitnang antas ng kita.


Hinikayat din niya ang DHSUD na patuloy na palawakin at pagbutihin ang saklaw at benepisyo ng 4PH upang matugunan ang housing backlog ng bansa, na tinatayang tataas mula 6.5 milyon ngayon hanggang 22 milyon pagsapit ng 2040.


“Nananatiling mataas ang bilang ng mga pamilyang Pilipino na walang sariling tirahan. Kahit may hanapbuhay, kulang pa rin ang kita para makabili ng bahay. Kaya’t tungkulin naming mga lingkod-bayan na gumawa ng mga paraan upang maibigay sa kanila ang oportunidad na magkaroon ng disente at matibay na tahanan,” paliwanag ni Romualdez.


Tiniyak din ng mambabataas kay Pangulong Marcos ang buong suporta ng pamunuan ng Kamara para paglikha ng batas at badyet na magpapalawak sa oportunidad ng homeownership para sa mas maraming Pilipino.


“Sa pagtataguyod natin ng Bagong Pilipinas, tungkulin natin na itaas ang dignidad at kalidad ng buhay ng ating mga kababayan. Ang pambansang pabahay ay isang mabisang paraan upang madama ng mga Pilipino na kasama nila ang pamahalaan sa pagtupad ng kanilang mga pangarap,” giit pa ni Romualdez. (END)


__________


After News Opinyon


Ang pagsama ng mga Overseas Filipino Workers sa Expanded Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) ay malinaw na patunay na ang gobyerno, sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay nakikita ang halaga at sakripisyo ng mga tinaguriang makabagong bayani ng bansa. Kung tutuusin, matagal nang panahon na dapat kasama ang mga OFW sa ganitong klaseng programa—dahil sila mismo ang nagbibigay ng malaking ambag sa ekonomiya sa pamamagitan ng remittances, habang patuloy na nagsasakripisyo para sa kanilang pamilya.


Tama si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na ang hakbang na ito ay hindi lamang tumutugon sa pisikal na pangangailangan ng tirahan, kundi isang pagkilala sa kontribusyon at karapatan ng mga OFW na magkaroon ng matibay at disenteng tahanan. Sa pamamagitan ng mas mababang amortization at subsidized interest rates, mas nagiging abot-kaya ang pangarap ng homeownership para sa maraming pamilya.


Gayunpaman, mahalagang tiyakin na ang implementasyon ng programang ito ay magiging mabilis, transparent, at walang magiging hadlang sa aplikasyon ng mga benepisyaryo. Hindi sapat na may magandang programa sa papel—dapat masigurong ang bawat OFW na kwalipikado ay talagang makikinabang dito nang walang labis na pasanin sa proseso.


Kung magtatagumpay, ang Expanded 4PH ay magiging simbolo ng konkretong malasakit ng pamahalaan sa sektor ng OFWs—isang hakbang na hindi lang nakatuon sa kasalukuyan, kundi pati na rin sa pangmatagalang pangarap ng bawat pamilyang Pilipino.



oooooooooooooooooooooooo


Speaker Romualdez binatikos ang Senado sa agarang pag-archive ng kaso ni VP Sara


“Why the rush?”


Ito ang tanong ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa naging aksyon ng Senado ng ipadala nito sa archive ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte sa kabila ng kawalan ng pinal na desisyon ang Korte Suprema.


“Yesterday, the Senate—not sitting as an impeachment court—moved swiftly to archive the complaint against Vice President Sara Duterte, despite the case still pending before the Supreme Court. To archive is, in effect, to bury the Articles of Impeachment,” ani Romualdez.


Binigyang-diin ng lider ng Kamara na hindi pa tapos ang kaso dahil wala pang inilalabas na pinal na desisyon ang Korte Suprema.


“Yet the ruling of the Supreme Court is not final. On August 5, the House of Representatives filed a Motion for Reconsideration. The Court found our arguments serious enough to require the respondents, including the Vice President, to submit their comment. The case is active,” paliwanag ng mambabatas.


Muling iginiit ni Romualdez na ayon sa Saligang Batas, tanging ang Kamara lamang ang may kapangyarihang magsimula ng impeachment, at ito ay “final within its sphere.”


“We exercised that power lawfully, transparently, and in good faith—not out of spite, but out of duty. Not to attack, but to ask for answers—answers the Vice President never gave,” sabi ni Romualdez.


Ipinaliwanag ni Romualdez na ang verified complaint na nilagdaan ng 215 miyembro ng Kamara—o higit sa one-third ng mga miyembro nito—ay sapat na para awtomatikong ipadala ang Articles of Impeachment sa Senado.


“No referral to committee was needed. No further plenary action was required. The process was complete,” dagdag pa ng kongresista.


“This was never about political maneuvering. It was about accountability—pananagutan—anchored on verified facts and sworn documents,” giit ni Romualdez.


Ipinahayag din ni Romualdez ang pagkadismaya sa mga personal na pagbatikos at sa pagkalat ng maling impormasyon matapos maisampa ang reklamo, na aniya'y nagpapahina sa kredibilidad ng mga demokratikong institusyon.


“Yet we have been met with personal attacks, sweeping accusations, and a narrative that seeks to reduce a solemn constitutional duty into mere power play. That’s not just unfair—it is dangerous. It undermines public trust in the very tools of democratic checks and balances,” aniya.


Binigyang-diin ni Romualdez ang tila kahina-hinalang bilis ng naging aksyon ng Senado kaugnay ng impeachment complaint laban sa Bise Presidente.


“Let’s be clear: The filing of the complaint was not rushed. What was rushed—remarkably—was its burial,” diin Romualdez.


Dagdag pa ng lider ng Kamara, “This moment will be remembered. And when it is, we hope it will be said: That the House stood its ground. That we honored our constitutional duty. That we acted not for ourselves, but for the Filipino people.”


“We do not rise against the Senate. We rise for the Republic. Tuloy ang laban. For the Constitution. For the rule of law. And for the enduring truth that no public office is ever beyond the reach of accountability,” giit ni Romualdez. (END)



After News Opinyon


Matindi ang punto ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez: kung may dapat tanungin sa bilis ng kilos, ito ay ang Senado—hindi ang Kamara. Aniya, hindi minadali ang paghahain ng impeachment complaint; ang minadali ay ang paglalagay nito sa archive kahit wala pang pinal na desisyon ang Korte Suprema at may nakabinbin pang Motion for Reconsideration.


Sa ilalim ng Saligang Batas, malinaw na ang Kamara ang may tanging kapangyarihan na magsimula ng impeachment, at sa pagkakataong ito, nakamit ang threshold na one-third vote mula sa mga miyembro. Nangyaring awtomatikong naipadala sa Senado ang Articles of Impeachment—hindi dahil sa pulitika, kundi dahil sa proseso at mandato ng institusyon.


Mahalaga ring pansinin ang babala ni Romualdez hinggil sa “dangerous narrative” na ipinapalabas—na ang isang seryosong konstitusyunal na tungkulin ay ginagawang simpleng larong pampulitika. Kapag pinapahina ng ganitong pananaw ang kredibilidad ng ating mga demokratikong mekanismo, direktang naapektuhan ang tiwala ng taumbayan sa gobyerno.


Sa huli, malinaw ang mensahe ng Speaker: ang laban na ito ay hindi laban sa Senado, kundi para sa Republika—isang paninindigan na walang opisina o opisyal ang dapat mailagay sa labas ng saklaw ng pananagutan. At kung ang kasaysayan ang huhusga, nais niyang manatili ang tala na ang Kamara ay tumindig para sa Konstitusyon at para sa bayan.


oooooooooooooooooooooooooo



Kamara hindi bababa sa gutter talk ng mga senador



Dumepensa ang dalawang lider ng Kamara de Representantes sa mga banat ng ilang senador sa kanilang individual explanations of vote kaugnay ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, at nanawagan sa mga miyembro ng Senado na igalang ang interparliamentary courtesy at iwasan ang mga personal na insulto laban sa mga miyembro ng Mababang Kapulungan.


Tumugon sina Deputy Majority Leader at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong at House Good Government Committee Chair at Manila Rep. Joel Chua sa mga pahayag sa plenaryo ng Senado, kabilang ang panawagan ni Sen. Imee Marcos na palitan si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at ang paratang ni Sen. Chiz Escudero na personal na pulitika ang nagtulak sa impeachment process.


“We will not be provoked by anyone to drag this issue to the level of gutter talk. Kami, nire-respeto po namin ang aming opisina at institusyon na aming nire-representa. Kung ibang opisyal po ay hindi ho nila binibigyan ng respeto ang kanilang opisina, that’s their prerogative,” ani Adiong.


“But we will not allow this discussion, this important discussion which is the public clamor for accountability, be made as a form of joke, to trivialize it by way of attacking personalities. Hindi ho namin ia-allow ‘yun,” dagdag pa niya.


“And I hope our counterpart in the Senate will still maintain the proper decorum and extend parliamentary courtesy,” ani Adiong.


Sinabi ni Adiong na patuloy na iginagalang ng Kamara ang proseso at protocol kahit pa sa gitna ng malalalim na akusasyon laban sa Pangalawang Pangulo.


“Since the start of this issue on the impeachment, their allegations of corruption, the acknowledgement receipts, the threatening the lives of the sitting President, First Lady and the Speaker, wala ho kayong narinig ni isa sa amin na ininsulto ang mga nakaupong huwes, mga nakaupong senador,” aniya.


“Never. And we never did that, we will never do that,” ani Adiong.


Iginiit niyang inaasahan ng Kamara ang parehong respeto mula sa Senado, lalo na sa mga usaping may kinalaman kay Speaker at sa institusyon.


“If the issue really is about technicalities, then let’s focus on technicalities. If the issue is about accountability, the prosecution team is more than willing to present to the impeachment court their evidences and suggestions,” giit niya.


Dagdag pa ni Adiong, ang mga kamakailang pahayag ay nagpapakita lamang ng pag-uugali ng nagsasabi nito.


“So I would hope that those insinuations should be stopped because they’re uncalled for and it will do no good to anyone. It only reflects the character of the one saying it,” aniya.


Tungkol sa pahayag ni Marcos na dapat palitan si Speaker Romualdez, sinabi ni Adiong na ito ay resolbadong usapin na ng Kamara sa pamamagitan ng unanimous vote.


“Our decision is based on what the Speaker has delivered. We delivered 100% of the LEDAC priorities. He is inclusive, he listens to all concerns, and he actually inspired us to work harder as representatives,” ani Adiong.


Dagdag niya, wala umanong lugar ang personal na paninira sa diskusyong nakatuon sa accountability.


“As to exactly what would be my personal opinion, sabi ko nga I have personal opinion on each of these senators but I kept it to myself. I would just like to borrow her own words ‘to make patol is human, to dedma is divine,” aniya.


“So dedma na lang kami, basta sa amin si Speaker Martin Romualdez delivered and we will still continue to support him and his leadership,” ayon kay Adiong.


Sa panig naman ni Chua, sinabi niyang hindi bababa sa personal na atake ang Kamara at patuloy nitong igagalang ang Senado.


“Kami po kasi hindi po kami nagre-resort sa mga ad hominem. So kami po ginagalang po namin ang Senado bilang isang institusyon. Kaya kami po magtatrabaho lamang ho dito sa Kongreso,” ani Chua.


Binigyang-diin niyang ang usapin ay tungkol sa hindi maipaliwanag na paggamit ng confidential funds.


“Ang nire-representa namin dito ay ‘yung taong-bayan at ‘yung taong-bayan po ay nanatili pong nagtatanong. At tinatanong po ng taong-bayan kung nasaan po napunta yung mahigit kalahating bilyong piso na nawawala po,” ani Chua.


Iginiit niyang ang pagtutok sa Speaker ay pag-iwas sa tunay na isyu ng publiko.


“Tinatanong rin po ng taong-bayan kung saan at kung sino si Mary Grace Piattos. So ito po hindi po ito mareresolba sa pamagitan po ng pag-atake sa aming House Speaker dahil ang issue po dito ay accountability,” ani Chua.


“Ang pagpili ng Speaker ay internal ng House at ang House ay nagsalita na by unanimous vote. Pero hindi naman ito ang issue dito. Ang issue dito ay accountability. So amin pong paniniwala ito ang dapat muna ang maresolba,” dagdag niya. (END)


_________


After News Opinyon


Malinaw ang mensahe nina Deputy Majority Leader Zia Alonto Adiong at House Good Government Committee Chair Joel Chua: hindi bababa ang Kamara sa antas ng gutter talk o personal na insultuhan, lalo na sa gitna ng isang seryosong usapin ng pananagutan. Sa halip, nanawagan sila ng pagpapanatili ng interparliamentary courtesy at pagtuon sa isyu—ang hindi maipaliwanag na paggamit ng confidential funds—imbes na ilihis ang diskusyon sa pamamagitan ng personal na pag-atake.


Tama ang punto ni Adiong: mula nang simulan ang impeachment laban kay VP Sara Duterte, wala pang narinig mula sa Kamara na direktang nanlait o bumastos sa mga senador, kahit pa matindi ang akusasyon sa kabilang panig. Ganito dapat ang pamantayan ng respeto sa kapwa institusyon—at inaasahan din nila na ito’y ibalik ng Senado.


Pinatotohanan naman ni Chua na ang mga personal na banat sa Speaker ay isang uri ng pag-iwas sa tunay na tanong ng taumbayan: Saan napunta ang mahigit kalahating bilyong piso, at sino si Mary Grace Piattos? Hangga’t hindi ito nasasagot, mananatili ang pagdududa ng publiko, at walang halaga ang palitan ng maaanghang na salita.


Sa huli, ang panawagan ng dalawang lider ng Kamara ay malinaw—ibalik sa sentro ng usapan ang accountability, hindi personal na pulitika. Dahil kung patuloy na mawawala sa pokus ang tunay na isyu, mas lalo lang mawawasak ang tiwala ng mamamayan sa parehong kapulungan.



oooooooooooooooooooooooo


Chairman Abante: Senate vote on VP impeachment sends dangerous message on accountability



Ipinahayag ni House Committee on Human Rights chairman Bienvenido “Benny” Abante Jr. ang kanyang matinding pangamba sa naging desisyon ng Senado na i-archive ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte, na tinawag niyang isang “dangerous precedent” na nagpapahina sa constitutional process upang magkaroon ng pananagutan ang mga matataas na opisyal ng gobyerno.


“The Senate’s action sends the wrong message: that accountability may be set aside. That should never be the case in a democracy governed by laws,” ani Abante.


Nagbabala si Abante na maaaring lumakas ang loob ng mga opisyal ng gobyerno na balewalain ang mga tanong ukol sa kaangkupan o legalidad ng kanilang kilos—lalo na kung sila ay popular sa politika o tinitingnang posibleng kumandidato sa mas mataas na posisyon.


“The impeachment process is not about 2028. It is about whether public funds were used during a time when no legal mandate had yet been conferred to an office. That is a clear question of constitutional integrity—not political ambition,” diin ni Abante.


Binatikos din ni Abante ang ilang senador na mistulang hindi sineryoso ang reklamo at agad itong binansagang politically motivated, nang hindi tinatalakay ang nilalaman ng mga alegasyon.


“Impeachment is not a political circus. It is a constitutional mechanism designed to hold high officials accountable. When we reduce it to mere political noise, we erode the very institutions we swore to uphold,” aniya.


Binigyang-diin niya na sinunod ng House of Representatives ang tamang proseso at kumilos alinsunod sa kanilang konstitusyonal na kapangyarihan nang ipasa ang reklamo sa Senado matapos makuha ang kinakailangang one-third vote ng lahat ng miyembro.


“The House did not weaponize impeachment—we exercised it in accordance with the Constitution. The question before us was not ‘Who wants to run in 2028?’ but ‘Were public funds used in a manner that requires accountability?’” tanong ni Abante.


Iginiit niya na nararapat lamang na ang taumbayan, lalo na ang kabataan, ay mabigyan ng mas magandang ehemplo mula sa mga nasa kapangyarihan.


“What are we teaching the next generation? That popularity shields you from accountability? That ambition is more important than truth?” tanong pa niya.


Bagama’t kinikilala niya ang kapangyarihang institusyonal ng Senado, sinabi ni Abante na hindi pa tapos ang usapin, dahil naghain na ng Motion for Reconsideration ang House prosecution panel sa Korte Suprema.


“This fight for truth is not yet over. The legal process continues, and more importantly, so does the public’s judgment,” ani Abante. (END)


___________


After News Opinyon


Matingkad ang babala ni House Committee on Human Rights Chairman Bienvenido “Benny” Abante Jr.—ang desisyon ng Senado na i-archive ang impeachment complaint laban kay VP Sara Duterte ay maaaring maglatag ng “dangerous precedent” na nagpapahina sa mismong mekanismo ng pananagutan sa ilalim ng Konstitusyon. Sa halip na magsilbing halimbawa ng integridad at transparency, lumalabas na maaaring balewalain ang proseso kung ang nasasangkot ay popular o may impluwensya sa pulitika.


Tama ang punto ni Abante na ang impeachment ay hindi larong pampulitika para sa 2028. Ang sentro ng usapin ay malinaw: may ginamit bang pondo ng bayan sa panahong wala pang malinaw na legal na mandato ang isang opisina? Ito ay tanong ng constitutional integrity, hindi ng personal na ambisyon.


Mapanganib kapag ang mga alegasyon ay agad binansagang “politically motivated” nang hindi man lang tinalakay ang ebidensya. Kapag ganito ang nangyayari, nawawala ang saysay ng impeachment bilang isang seryosong constitutional safeguard at nagiging “political noise” na lang ito sa mata ng publiko.


Sa huli, nananatili ang hamon: Ano ang itinuturo natin sa susunod na henerasyon? Kung popularidad at kapangyarihan ang nagiging pananggalang laban sa pananagutan, unti-unting mabubura ang tiwala ng mamamayan sa mga institusyon. At kapag nawala ang tiwalang iyon, mahirap na itong maibalik.


ooooooooooooooooooooooo


Hamon ni Adiong kay Sen. Marcos: “Gawin n'yo ang trabaho n'yo—ginagawa namin ang amin”



Binanatan ng isang lider ng Kamara de Representantes mula sa Mindanao si Sen. Imee Marcos nitong Huwebes kaugnay ng panawagan nito na palitan si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez—isang pahayag na "walang basehan, laban sa prinsipyo ng demokrasya, at isang hindi maingat na hakbang." 


“This is not about Speaker Romualdez. This is about the institutional mandate of the House to initiate impeachment. Trying to pin this all on one man is a cheap political trick,” mariing pahayag ni House Deputy Majority Leader Zia Alonto Adiong, isa sa mga lider ng House Young Guns.


Ayon kay Adiong, sa halip na batikusin si Speaker Romualdez, dapat tuparin ng mga senador ang tungkulin nilang dinggin ang mga kasong impeachment, hindi ang iwasan ito.


“The Speaker does not serve at the pleasure of the Senate. He serves because the House overwhelmingly trusts him to lead us in a time of great political responsibility. And he has done so with utmost integrity,” dagdag pa ni Adiong.


“Maybe the better question is: Why is the Senate avoiding accountability? Why archive a complaint when the Supreme Court hasn’t even ruled with finality yet?” tanong pa ng kongresista. (END)


__________


After News Opinyon


Matapang ang hamon ni Deputy Majority Leader Zia Alonto Adiong kay Sen. Imee Marcos: “Gawin n’yo ang trabaho n’yo—ginagawa namin ang amin.” Sa kanyang pahayag, malinaw ang mensahe na ang impeachment ay hindi tungkol sa isang tao lamang, kundi tungkulin ng Kamara sa ilalim ng Konstitusyon. Kapag isinisentro ang usapan sa personalidad ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, nawawala ang pokus sa mismong proseso at layunin ng impeachment—ang pananagutan ng isang mataas na opisyal.


Tama rin ang punto ni Adiong na hindi dapat naglilingkod ang Speaker “sa kagustuhan” ng Senado, kundi sa tiwala ng mga miyembro ng Mababang Kapulungan. Kapag mabilis na in-archive ang isang impeachment complaint bago pa magdesisyon nang pinal ang Korte Suprema, natural lang na magdulot ito ng tanong kung bakit tila iniiwasan ang masusing pagdinig.


Sa huli, ang usaping ito ay lumalampas sa simpleng bangayan ng liderato. Ito’y paalala na ang bawat sangay ng pamahalaan ay may malinaw na mandato—at kapag ang isa ay umiiwas sa kanyang tungkulin, hindi maiiwasang magduda ang taumbayan sa integridad ng proseso.


oooooooooooooooooooooooo


Konstitusyunal na proseso huwag gawing political circus— DS Ortega



Nanawagan si Deputy Speaker Paolo Ortega V ng La Union ng paggalang at pagpapakita ng hinahon sa pagitan ng dalawang kapulungan ng Kongreso, kasunod ng mga pahayag ni Sen. Imee Marcos hinggil sa liderato ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.


“Strong statements may grab headlines, but they do little to uphold the dignity of our institutions,” ani Ortega, isa sa mga lider ng House Young Guns. “We must not allow a legitimate constitutional process like impeachment to be dragged into a political circus.”


Binigyang-diin ng lider ng Kamara na ginampanan lamang ni Speaker Romualdez ang kanyang tungkulin bilang presiding officer ng House, na nakakuha ng itinatadhana ng Konstitusyon na one-third vote upang maipasa ang impeachment complaint laban sa Pangalawang Pangulo.


“The Speaker did not act alone. This was a collective institutional decision—one rooted in the Constitution,” paglilinaw ni Ortega.


“Calls for his removal overlook that fact and risk personalizing what is, at its core, a constitutional process. Let us set aside divisiveness and stand by the rule of law,” dagdag pa niya. (END)


__________


After News Opinyon


Tama ang punto ni Deputy Speaker Paolo Ortega—ang impeachment ay isang malinaw na konstitusyunal na proseso at hindi dapat gawing entablado para sa pulitikang pang-personal o pangpabango sa publiko. Kapag ang mga pahayag mula sa mataas na opisyal ay nagiging masyadong matalim at mabigat sa intriga, nawawala ang dignidad ng institusyon at lumilihis ang atensyon mula sa tunay na layunin ng proseso: ang pagsusuri sa pananagutan ng isang mataas na opisyal ng pamahalaan.


Mahalaga ring tandaan, gaya ng binigyang-diin ni Ortega, na ang naging hakbang ng Kamara ay hindi desisyon ng iisang tao kundi kolektibong pasya ng institusyon na nakabatay sa malinaw na probisyon ng Saligang Batas. Ang pagbibigay-kulay pulitika sa ginampanang papel ni Speaker Romualdez ay nagbubukas ng panganib na maging “political circus” ang isang seryosong mekanismo ng checks and balances.


Sa halip na magpalitan ng maaanghang na salita, mas mainam na magtuon sa mga ebidensya, argumento, at proseso—dahil sa huli, ang respeto sa Konstitusyon at sa institusyon ang tunay na sukatan ng demokratikong pamamahala.


ooooooooooooooooooooooo


Mga senador huwag gamitin ang Kamara at si Speaker Romualdez bilang panangga sa pagpigil na mailahad ang ebidensya laban kay VP Sara— Chairman Acidre



Nagbabala si House Committee on Higher and Technical Education chairman Jude A. Acidre ng Tingog Party-list laban sa ilang senador na umano’y ginagamit ang Kamara de Representantes at si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez bilang panangga para mabigyang-katwiran ang pagsuway ng Senado sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.


“Let’s not twist the narrative. The House did its job, and we followed the process. Kung may dapat magpaliwanag ngayon, hindi ang Kamara kundi ang Senado. You can’t defend one branch of government by attacking another,” ani Acidre.


Ginawa ni Acidre ang pahayag matapos ipahiwatig ni Senate President Chiz Escudero na maaaring may ambisyong pampulitika sa likod ng impeachment, at matapos manawagan si Sen. Imee Marcos na palitan si Speaker Romualdez.


“These are dangerous statements that cross a line. Tama na ang parinigan o intrigahan. Alam naman nating lahat na this is about accountability, not ambition. The Speaker presided over a constitutional process, not a political operation,” giit ni Acidre.


Binigyang-diin ng mambabatas na ginampanan ng Kamara, sa pamamagitan ng boto ng 215 miyembro, ang tungkulin nito sa ilalim ng Konstitusyon na ihatid sa Senado ang beripikadong Articles of Impeachment. Hindi aniya ito dapat ibaba sa antas ng personal na pulitika.


“When over 200 members vote in favor of impeachment, that’s not just one man’s decision. That’s the House speaking as an institution. Calling it a political maneuver is not only unfair, napaka-misleading nito,” dagdag niya.


Iginiit din ni Acidre na ang mga isyung nakapaloob sa reklamo ay nakaugat sa mga usaping mahalaga sa publiko, lalo na sa paggamit ng confidential funds ng Pangalawang Pangulo.


“Nag-umpisa ito dahil may tanong ang taumbayan. Hindi ito tungkol sa 2028 o kung sino ang gusto sa puwesto. Let’s not insult the intelligence of our people,” ani Acidre.


Binigyang-diin din niya na ang naging hakbang ng Senado na i-archive ang reklamo ay hindi nangangahulugang tapos na ang isyu, at lalong hindi nito nawawala ang obligasyon ng gobyerno na magpaliwanag sa taumbayan.


“Just because the Senate dropped the case doesn’t mean the issue disappears. The public is still waiting for answers. Deflection is not accountability. The Senate must deal with the fallout brought about by their own decision,” dagdag pa niya.


“Maiiwasan naman ang batikos ng publiko kung hinintay lang ng Senado ang final decision ng Supreme Court sa Motion for Reconsideration ng House. Pero parang nagmamadali, at mukhang naghahanap sila ng scapegoat,” dagdag pa ni Acidre.


Sinabi rin ni Acidre na nanatiling “calm, consistent and constitutional” si Speaker Romualdez sa buong proseso at hindi siya nagpadaig sa mga ingay na may halong pulitika.


“He allowed the House to vote freely, and he stood by that vote. Ano pa ba ang gusto niyong gawin ng isang leader? That’s what real leadership looks like,” ani Acidre.


Pinaalalahanan din ng mambabatas ang mga senador na igalang ang kalayaan ng Kamara, lalo na kung may pagkakaiba ng pananaw.


“Konting respeto naman. You don’t protect one institution by disrespecting another. We can disagree on the outcome, but don’t question our motives when all we did was follow the rules,” ani Acidre.


“Panahon na para ibalik sa sentro ng usapan ang taumbayan. Let’s stop the noise and start answering the questions that matter,” pagtatapos ni Acidre. (END)


_______


After News Opinyon


Malinaw ang mensahe ni Chairman Jude A. Acidre: huwag gawing “scapegoat” ang Kamara de Representantes at si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez para lamang bigyang-katwiran ang naging pasya ng Senado na i-archive ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte. Kung susuriin, malinaw sa kanyang pahayag na ang ginampanang papel ng Mababang Kapulungan ay malinaw na nakasaad sa Konstitusyon—ihain ang beripikadong Articles of Impeachment sa Senado matapos ang boto ng mayorya ng mga miyembro.


Mahalagang punto ang binigyang-diin ni Acidre: higit 200 kongresista ang bumoto pabor sa impeachment, kaya’t hindi ito personal na desisyon ng iisang tao, kundi tinig ng institusyon. Kapag tinawag itong “political maneuver,” hindi lamang ito isang maling paglalarawan, kundi isang pagbabaluktot sa tunay na proseso.


Tama rin ang kanyang obserbasyon na ang isyung ito ay nakaugat sa mga tanong ng publiko hinggil sa confidential funds—isang usaping may direktang kinalaman sa pananagutan at transparency ng gobyerno. Hindi matatapos ang diskusyon sa simpleng pag-archive ng Senado; mananatili ang obligasyon ng pamahalaan na magbigay ng malinaw na paliwanag.


Ang huling paalala ni Acidre ay isang hamon sa kapwa mambabatas: You don’t protect one institution by disrespecting another. Kung nais ng lahat ng sangay ng gobyerno na manatili ang tiwala ng publiko, dapat pagtuunan ng pansin ang mga tanong na mahalaga sa bayan—hindi ang ingay at intrigang pampulitika.


oooooooooooooooooooooooo


DS Khonghun kay Sen. Imee: “Konting preno naman sa pagsasalita” – 


“Wala na sa lugar” ang umano’y pahayag ni Senator Imee Marcos nang sabihin nitong dapat na palitan si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez dahil sa pagpapasa ng Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte. 


Ayon kay Deputy Speaker at Zambales Rep. Jay Khonghun hindi naaangkop ang naturang pahayag at itinuturing niyang paglabag ito sa respeto at kapangyarihang hiwalay na dapat iginagalang sa pagitan ng magkakapantay na sangay ng pamahalaan.


Nanawagan si Khonghun kay Sen. Marcos na maghinay-hinay at mag-ingat sa paglalabas ng mga opinyon lalo na sa mga usaping panloob ng Mababang Kapulungan.


“Konting preno naman sa pagsasalita. May hangganan ang mga puwedeng sabihin sa publiko, lalo na kung nakakasira sa integridad ng ibang institusyon,” ani Khonghun, sabay giit na nararapat lamang na igalang din ang Kamara gaya ng paggalang nila sa Senado.


Binigyang-diin ni Khonghun na dapat iwasan ng magkakapantay na sangay ng pamahalaan ang panghihimasok sa panloob na desisyon ng bawat isa, lalo na pagdating sa pagpili ng kanilang mga lider.


Ayon pa sa kanya, ang mga pahayag ni Sen. Marcos ay hindi lamang nagdudulot ng political tension, kundi maaaring makasira rin sa ugnayang nakabatay sa respeto ng kapwa mambabatas.


“What was said was not just a personal opinion. It became a public provocation. And when a senator calls for the ouster of the House Speaker, that’s not just political noise anymore, it becomes borderline interference,” giit ni Khonghun.


Dagdag niya, nananatili ang matibay na suporta ng karamihan ng mga miyembro ng Kamara de Representantes para kay Speaker Romualdez.


“Let’s be clear: Speaker Romualdez was chosen by his peers. He has led with clarity and vision, even amid difficult and sensitive political moments. That kind of leadership doesn’t get replaced just because one senator says so,” giit ni Khonghun.


Pinuri rin niya ang paraan ng Kamara sa paghawak ng proseso ng impeachment, at sinabing dumaan ito sa wastong deliberasyon at aprubado ng plenaryo.


“We don’t play fast and loose with the rules. Hindi ito parang padalos-dalos na desisyon. The Speaker merely carried out the mandate of the chamber,” ani Khonghun.


Binigyang-linaw pa niya na si Speaker Romualdez ay kumilos bilang tagapamuno alinsunod sa Saligang Batas, at hindi bilang pasimuno ng kaso.


“Hindi si Speaker ang may reklamo. Hindi siya ang naglilitis. Ang ginawa niya ay trabaho niya. Ginampanan lang niya ang tungkulin bilang lider ng Kamara,” dagdag pa ng mambabatas.


Nagbabala rin si Khonghun na ang pagbibigay-kulay pulitika sa ginampanang papel ng Speaker sa proseso ay nakakalihis sa mga mas mahahalagang isyu na tinatalakay sa reklamo.


“If we want to talk about accountability, then let’s talk about the allegations in the complaint. Hindi yung nagtuturo tayo ng mga personalidad na walang ginawa kundi tuparin ang kanilang tungkulin,” sabi pa ng mambabatas.


Bagamat maingat na umiwas sa paglala ng tensyon sa pagitan ng Senado at Kamara, iginiit ni Khonghun na hindi mananahimik ang mga kongresista kung sa tingin nila ay may pagkakamaling kailangang ituwid.


“Hindi kami palaban, pero hindi rin kami tatahimik kapag may mali. We owe it to the institution and to the people we represent to speak up when the House is being dragged unfairly,” diin pa ni Khonghun. (END)


____


After News Opinyon


Matingkad ang mensahe ni Deputy Speaker Jay Khonghun: may hangganan ang mga pahayag na maaaring gawin ng isang opisyal ng gobyerno, lalo na kung ito’y tumatagos sa kapangyarihan ng ibang sangay. Sa kaso ni Sen. Imee Marcos, malinaw ang puna ni Khonghun—ang panawagan na palitan si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ay hindi na simpleng opinyon, kundi isang hakbang na halos sumasagi na sa panghihimasok sa panloob na usapin ng Mababang Kapulungan.


Ang ganitong sitwasyon ay sumasalamin sa kahalagahan ng mutual respect sa pagitan ng co-equal branches of government. Kapag lumampas ang isa sa linya, hindi lang political tension ang bunga kundi maaari ring masira ang maayos na ugnayan na mahalaga sa pagpapatakbo ng gobyerno. Kung magpapatuloy ang ganitong uri ng “public provocation,” lalong titindi ang hidwaan imbes na masolusyunan ang isyu.


Tama rin ang punto ni Khonghun na ang proseso ng impeachment na pinangunahan ni Speaker Romualdez ay dumaan sa wastong deliberasyon at aprubado ng plenaryo—hindi ito personal na desisyon o pampulitikang hakbang. Kung gusto talagang pag-usapan ang accountability, aniya, dapat tutukan ang mismong laman ng reklamo, hindi ang taong nagpatupad lamang ng mandato ng institusyon.


Sa huli, ang paalala ni Khonghun ay malinaw: Maghinay-hinay sa salita, mag-ingat sa pahayag, at igalang ang kapangyarihan at proseso ng bawat sangay ng pamahalaan. Sapagkat sa respeto nagsisimula ang tunay na pagkakaisa at epektibong pamamahala.


oooooooooooooooooooooooo


Senado walang karapatan na manghimasok kung sino ang dapat mamuno sa Kamara— Suarez



Bumuwelta si Senior Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez ng Quezon nitong Huwebes sa panawagan ni Senadora Imee Marcos na palitan si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez bilang lider ng Kamara.


Para kay Suarez, ito ay isang hayag na panghihimasok sa usapin ng isang kapantay na sangay ng gobyerno.


“Let me be clear: no senator, regardless of stature or history, has the right to dictate who should lead the House. That decision rests solely with the elected members of this chamber, and Speaker Romualdez continues to enjoy our overwhelming confidence,” diin Suarez.


Giit pa ni Suarez, kumilos si Speaker Romualdez ayon sa itinakda ng Konstitusyon nang pamunuan nito ang pagsusumite ng Articles of Impeachment laban sa Pangalawang Pangulo. Aniya, “it is unfortunate that he is being vilified for upholding a process that the Constitution entrusts to the House.”


Dagdag pa ng kinatawan mula sa Quezon, “What we are seeing here is not a call for accountability. It’s a classic deflection from the real issues raised in the impeachment case. The Senate’s decision to archive the complaint does not erase the people’s demand for answers.” (END)


_________


After News Opinyon


Mabigat ang punto ni Senior Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez: malinaw na may hangganan ang kapangyarihan ng bawat sangay ng gobyerno, at ang pamumuno sa Kamara ay usaping eksklusibo sa mga miyembro nito. Sa ilalim ng prinsipyo ng separation of powers, walang sinumang senador—kahit gaano kataas ang posisyon o bigat ng pangalan—ang may karapatang magdikta kung sino ang dapat maging Speaker.


Ang pahayag ni Suarez ay hindi lang depensa kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, kundi paalala na ang proseso ng pagpili at pagpapatalsik sa lider ng Kamara ay nakabatay sa tiwala at boto ng mga halal na kinatawan, hindi ng ibang sangay ng gobyerno. Kapag may ganitong panghihimasok, nabubura ang malinaw na linya ng kapangyarihan na itinatag ng Konstitusyon.


Tama rin ang obserbasyon ni Suarez na ang panawagang palitan ang Speaker ay maaaring nagsisilbing “deflection” mula sa mas mabibigat na isyung dapat harapin—ang mga alegasyon at tanong na nakapaloob sa impeachment complaint. Hindi natatapos ang usapin sa simpleng pag-archive ng kaso; nananatili ang panawagan para sa malinaw na sagot at pananagutan.


Sa huli, ang mensahe ay simple: igalang ang kapangyarihan ng bawat sangay at harapin ang tunay na isyu, imbes na ilihis ang usapan sa pamamagitan ng mga personal o pampolitikang atake.


oooooooooooooooooooooooo


Desisyon ng SC hindi lamang dapat kinikilala ng mga senador kapag pabor sa kanila— DML Adiong



Hinamon ni House Deputy Majority Leader at Lanao del Sur 1st District Rep. Zia Alonto Adiong ang mga senador na kilalanin ang desisyon ng Korte Suprema hindi lamang kapag politically convenient sa kanila.


Ginawa ni Adiong ang pahayag matapos i-archive ng Senado ang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte bilang paggalang sa isang desisyon ng Korte Suprema na nagbasura sa transmittal nito, sa kabila ng inihaing Motion for Reconsideration ng Kamara de Representantes.


“Gusto ko rin pong i-highlight ito—‘yung sinasabi nilang disobedience, disrespect sa Supreme Court na ginawa raw po ng House of Representatives, gusto ko pong sabihin na when it is convenient to them, nirerespeto nila ang Supreme Court,” ani Adiong.


Binigyang-diin niya ang pagtanggi noon ng Senado sa desisyon ng SC na kinikilala ang hurisdiksyon ng International Criminal Court (ICC) sa mga umano’y krimen habang miyembro pa ang Pilipinas ng Rome Statute.


“Remember the Supreme Court also says that the time when the Philippines was still a signatory to the Rome Statute prior to its withdrawal, lahat po ng allegations ay sakop at nasa jurisdiction ng ICC. But they (Senate) did not respect that,” ani Adiong.


“But now they are respecting the Supreme Court to a point of archiving the impeachment complaint despite the fact that the Supreme Court has yet to make its decision with finality,” dagdag pa niya.


“So tatanungin ko rin, ano ba ang respeto? When it is convenient for you? When it is politically expedient for you? Let’s call a spade a spade,” giit ni Adiong.


Kinuwestyon din ng mambabatas ang hindi pagkakapare-pareho ng aksyon ng Senado—una ay ang pagpapaliban sa pag-convene ng impeachment court dahil sa debate sa kahulugan ng salitang “forthwith,” at pagkatapos ay ang mabilis na pag-archive ng complaint.


“When the Constitution says forthwith, when the transmittal was being done, when they have already received the complaint, the verified impeachment complaint, the Senate should immediately forthwith convene as an impeachment court,” saad ng solon.


Sinabi niyang ikinagulat ng marami, kabilang ang mga legal luminaries, na ang salitang “forthwith” ay nagkaroon ng iba’t ibang interpretasyon na nagdulot ng pagkaantala sa pag-convene ng impeachment court.


“It’s also in a very opposite contrast if you compare that to what happened yesterday (Wednesday) when they swiftly acted to archive the impeachment despite the fact that there is no definitive judicial conclusion because there is still a pending MR,” dagdag niya.


Ipinagtanggol ni Adiong ang hakbang ng Kamara na magsampa ng MR, na aniya ay isang konstitusyonal at legal na remedyo at hindi isang uri ng pagsuway.


“Kami po, nire-respeto namin ang Supreme Court. And most importantly, our Constitution is our compass, is our guiding light,” aniya.


Ipinagpatuloy niya, “That’s why we maintain our position that what is provided under the Constitution in order for one party to exhaust all legal remedies, we did that by virtue of filing for an MR.”


“At hindi po ‘yan disobedience. That is fidelity to the rule of law and fidelity to the Constitution as our guiding light,” pagtatapos ni Adiong. (END)



After News Opinyon


Kung susuriin ang pahayag ni Deputy Majority Leader Zia Alonto Adiong, malinaw ang kanyang punto: ang paggalang sa Korte Suprema ay hindi dapat nakabase sa pansariling interes o sa kung kailan ito politically convenient. Sa madaling sabi, hindi puwedeng “selective respect” sa batas—ngayon ay susundin, bukas ay babalewalain—depende kung pabor o hindi sa posisyon ng isang panig.


Ang tinutukoy ni Adiong na magkaibang aksyon ng Senado—una, ang pagkaantala sa pag-convene ng impeachment court dahil sa interpretasyon sa salitang “forthwith,” at pangalawa, ang mabilis na pag-archive ng kaso laban kay VP Sara Duterte—ay nagbubukas ng tanong tungkol sa konsistensya sa pagpapatupad ng konstitusyonal na tungkulin.


Ang mas mahalagang punto rito ay ang prinsipyo: ang tunay na pagtalima sa batas ay sinusukat sa kakayahan nating sundin ito kahit hindi pabor sa atin ang resulta. Kung papipiliin natin kung kailan lang tayo susunod sa desisyon ng Korte Suprema, nawawala ang saysay ng rule of law at nababawasan ang kredibilidad ng institusyon.


Sa huli, gaya ng diin ni Adiong, ang konstitusyon ang dapat maging “compass” ng lahat ng sangay ng gobyerno—hindi lamang kapag maginhawa, kundi lalo na kapag mahirap at hindi popular ang magiging desisyon.


oooooooooooooooooooooooo




No comments:

Post a Comment