Pagbaba ng unemployment rate isang magandang balita— Speaker Romualdez
Isang magandang balita at positibong pag-unlad para sa bansa ang pagbaba ng bilang ng mga walang trabaho.
Ito ang sinabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kaugnay ng Labor Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nagpapakita na ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho ay bumaba sa 3.2 porsyento noong Nobyembre ng nakaraang taon mula sa 3.9 porsyento noong Oktobre 2024 o katumbas ng 1.66 milyong katao.
Bumaba rin ang antas ng underemployment sa 10.8 porsyento noong Nobyembre mula sa 12.6 porsyento noong Oktubre.
Sinabi ni Speaker Romualdez na ang pagbaba ng mga bilang ng mga walang trabaho at underemployment ay nangangahulugan na patuloy na lumalago ang ekonomiya ng bansa sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at patuloy ang pagdami ng mga oportunidad para makapagtrabaho at magkaroon ng pagkakakitaan ang mga mamamayan.
“The right economic policies are driving our growth and generating jobs for jobless Filipinos. We are happy for those who have found employment and who are working longer hours than before,” ani Speaker Romualdez.
“For those who remain unemployed, the government has various programs to help them. We hope that as the economy grows and create more jobs, they would eventually find employment,” sinabi pa ng pinuno ng Kamara de Representantes na binubuo ng 307-kinatawan.
Kabilang sa mga programang ito, ayon kay Speaker Romualdez ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) at ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) na pinangangasiwaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), pati na rin ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) na ipinatutupad naman ng Department of Labor and Employment (DoLE).
Iminungkahi ng kongresista sa mga Pilipinong walang trabaho na kumuha ng mga pagsasanay at retooling coursing na iniaalok na programa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Tiniyak din ni Speaker Romualdez sa publiko na ang Kongreso, lalo na ang Kamara de Representantes, ay patuloy na magiging katuwang ng administrasyong Marcos sa pagsisikap nitong mapanatili ang paglago ng ekonomiya at paglikha ng karagdagang trabaho para sa mga Pilipino.
“It’s a big challenge, which we hope to successfully address for the benefit of all of our people,” ayon pa sa mambabatas. (END)
@@@@@@@@@
Pagbaba ng unemployment rate isang magandang balita— Speaker Romualdez
Isang magandang balita at positibong pag-unlad para sa bansa ang pagbaba ng bilang ng mga walang trabaho.
Ito ang sinabi ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kaugnay ng Labor Survey ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nagpapakita na ang bilang ng mga Pilipino na walang trabaho ay bumaba sa 3.2 porsyento noong Nobyembre ng nakaraang taon mula sa 3.9 porsyento noong Oktobre 2024 o katumbas ng 1.66 milyong katao.
Bumaba rin ang antas ng underemployment sa 10.8 porsyento noong Nobyembre mula sa 12.6 porsyento noong Oktubre.
Sinabi ni Speaker Romualdez na ang pagbaba ng mga bilang ng mga walang trabaho at underemployment ay nangangahulugan na patuloy na lumalago ang ekonomiya ng bansa sa ilalim ng pamamahala ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at patuloy ang pagdami ng mga oportunidad para makapagtrabaho at magkaroon ng pagkakakitaan ang mga mamamayan.
“The right economic policies are driving our growth and generating jobs for jobless Filipinos. We are happy for those who have found employment and who are working longer hours than before,” ani Speaker Romualdez.
“For those who remain unemployed, the government has various programs to help them. We hope that as the economy grows and create more jobs, they would eventually find employment,” sinabi pa ng pinuno ng Kamara de Representantes na binubuo ng 307-kinatawan.
Kabilang sa mga programang ito, ayon kay Speaker Romualdez ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) at ang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) na pinangangasiwaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), pati na rin ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) na ipinatutupad naman ng Department of Labor and Employment (DoLE).
Iminungkahi ng kongresista sa mga Pilipinong walang trabaho na kumuha ng mga pagsasanay at retooling coursing na iniaalok na programa ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).
Tiniyak din ni Speaker Romualdez sa publiko na ang Kongreso, lalo na ang Kamara de Representantes, ay patuloy na magiging katuwang ng administrasyong Marcos sa pagsisikap nitong mapanatili ang paglago ng ekonomiya at paglikha ng karagdagang trabaho para sa mga Pilipino.
“It’s a big challenge, which we hope to successfully address for the benefit of all of our people,” ayon pa sa mambabatas. (END)
@@@@@@@@@
Mga lider ng Kamara ikinatuwa malakas na suporta sa imbestigasyon ng Quad Comm
Ikinatuwa ng mga lider ng Quad Committee ng Kamara de Representantes ang malakas na suporta na ipinahayag ng publiko sa imbestigasyon nito upang lumabas ang katotohanan at mapanagot ang mga may sala sa kalakalan ng iligal na droga, iligal na operasyon ng POGO, at libu-libong extrajudicial killings noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon sa resulta ng survey na isinagawa ng Pulse Asia mula Nobyembre 26 hanggang Disyembre 3, 2024, 61 porsiyento ang pabor sa imbestigasyon ng Quad Comm.
“This is a clear mandate from the people to pursue justice and expose the truth behind these systemic abuses. We will not waver in our mission to hold powerful offenders accountable,” sabi ni Quad Comm lead chair Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers at nina Quad Comm co-chairmen Dan Fernandez, ng Laguna, Joseph Stephen “Caraps” Paduano, ng Abang Lingkod Party-list, at Bienvenido Abante, ng Manila, at Quad Comm Senior Vice Chairman Romeo Acop ng Antipolo.
Sinabi ng mga lider ng Quad Comm na ang resulta ng Pulse Asia survey ay pagpapakita ng kumpiyansa sa kanilang ginagawang imbestigasyon.
“This overwhelming support from the Filipino people strengthens our resolve to go after those responsible for these systemic abuses. The people demand justice, and we will not back down,” sabi ng mga mambabatas.
Naniniwala rin ang mga lider na ang resulta ng survey ay isang mandato upang kanilang ipagpatuloy ang paghahanap ng katotohanan at mapanagot ang mga may sala.
“The message is loud and clear—Filipinos want accountability and reforms. This investigation is a crucial step in dismantling the networks of corruption and abuse tied to EJKs, illegal drugs, and POGOs,” sabi pa ng mga ito.
Ang Quad Comm ay binubuo ng Committees on Dangerous Drugs, Public Order and Safety, Human Rights, at Public Accounts.
Matapos makapagsagawa ng 13 imbestigasyon mula Agosto hanggang Disyembre 2024, nakumbinsi ang mga miyembro ng Quad Comm na ang war on drugs campaign ni dating Pangulong Duterte ay ginamit lamang upang pagtakpan ang isang “grand criminal enterprise” na kinasasangkutan ng mga matataas na opisyal ng gobyerno, sistematikong korupsyon, at international drug trafficking networks.
Kung mayroon umanong mga pinapatay sa war on drugs, mayroon umanong grupo na pinoproteksyunan na siyang lumago at namayagpag nooong panahon ni Duterte at mahalaga umano na lumabas ang katotohanang ito.
“These revelations are just the tip of the iceberg. Our work ensures that those who exploit the system are exposed and held accountable,” sabi pa ng mga mambabatas.
Iginiit rin ng mga mambabatas ang kahalagahan na makagawa ng mga batas upang matiyak na hindi na ito mauulit.
“Our objective is to break this cycle of impunity, ensure no one is above the law, and create safeguards to prevent such abuses in the future,” sabi pa ng mga ito.
Ayon sa resulta ng Pulse Asia, pinakamalakas ang pagsuporta sa imbestigasyon ng Quad Comm sa National Capital Region (73%) at iba pang bahagai ng Luzon (66%).
Mataas din ang suporta rito sa lahat ng socioeconomic classes, 64 porsiyento sa Class ABC, 62 porsiyento sa Class D, at 52 porsiyento sa Class E.
“This is a national issue, and the voices from every region and class validate the urgent need for this probe. Our commitment is to represent them all fairly,” sabi pa ng mga mambabatas.
Bilang sukli ng malakas na suporta ng publiko, nangako ang mga lider ng Quad Comm na kanilang itataguyod ang pagkakaroon ng hustisya, at gagawa ng mga hakbang upang mapigilan na muling maulit ang mga pang-aabuso.
“Our duty is clear: fight for justice and protect the Filipino people from those who exploit the system. With your support, we are stronger and more determined than ever,” dagdag pa ng mga lider ng Quad Comm. (END)
@@@@@@@@@@
Debosyon sa Poong Hesus Nazareno, patunay ng pananampalataya, pagkakaisa ng mga Pilipino— Speaker Romualdez
Ipinaabot ni Speaker Romualdez ang taos-pusong pagbati sa milyun-milyong deboto ng Poong Jesus Nazareno sa taunang pagdiriwang ng kapistahan, na kilala rin bilang Traslascion, sa Quiapo, Maynila.
“Ang Pista ng Jesus Nazareno ay simbolo ng malalim na pananampalataya ng bawat Pilipino. Nawa’y maging ligtas, maayos at puno ng pagkakaisa ang selebrasyon ngayong taon,” ani Speaker Romualdez.
Binigyang-diin ng pinuno ng Kamara ang hindi matatawarang debosyon ng mga Pilipino sa Hesus Nazareno, na nagpapatunay na patuloy na nagbibigay ng pag-asa at pagkakaisa sa mga mananampalataya. Ang Pista, na ginaganap tuwing ika-9 ng Enero, ay paggunita sa paglilipat ng makasaysayang imahen ni Hesus Kristo patungo sa Quiapo Church.
Ang tradisyong ito ay isa pinakapangunahing pagdriwang sa bansa, na nagtitipon ng milyun-milyong deboto mula sa iba’t ibang bahagi ng lipunan.
Sinabi ni Speaker Romualdez na ang pagdiriwang ay higit pa sa isang relihiyosong ritwal; kundi ay isang makapangyarihang simbolo ng pananampalataya at pagkakaisa.
“Ang taunang Traslacion ay nagpapaalala sa atin ng kahalagahan ng pananalig at pagkakaisa bilang isang sambayanan. Ang debosyon na ito ay sumasalamin sa tibay at tapang ng ating pananampalataya,” ayon pa sa pinuno ng Kamara de Representantes na binubuo ng 307-miyembro.
Kinilala rin ng mambabatas ang mga sakripisyo ng bawat deboto, kung saan marami ang naglalaan ng buong taon ng paghahanda para sa okasyong ito, bilang pagpapakita ng pasasalamat at pag-asa.
“The perseverance and dedication of our devotees remind us of the power of faith in overcoming life’s challenges,” saad pa ni Speaker Romualdez.
Ang taunang prusisyon ng Poong Hesus Nazareno, ay isa sa itinuturing na pinakamalaking pagtitipon sa buong mundo, ay naging espiritwal na sandigan para sa maraming Pilipino na naniniwalang ang pakikilahok sa prusisyon at paghawak sa imahen o sa lubid nito ay nagdadala ng biyaya at kagalingan.
Hinihikayat naman ni Speaker Romualdez ang mga deboto na panatilihin ang disiplina at tiyakin ang isang mapayapang pagdiriwang, pati na rin ang pangangalaga sa kalikasan habang dumadalo sa okasyong ito.
“Panatilihin po natin ang kaayusan sa ating pagdiriwang. Ang ating pananampalataya ay dapat magdala ng pagkakaisa at kalinisan,” ayon pa sa pahayag ng mambabatas mula sa Leyte. “Mahalaga rin po na ating pangalagaan ang kalikasan. Siguraduhin po natin na walang kalat na maiiwan matapos ang Traslacion.”
Dahil sa inaasahang pagdalo ng milyun-milyong deboto sa prusisyon, nanawagan ang Speaker para sa pagtutulungan ng mga organizer, otoridad, at mga makikiisa sa pagdiriwang upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.
Pinasalamatan din niya ang mga naging pagsisikap ng lokal na pamahalaan ng Maynila at mga opisyal ng simbahan para sa paghahanda sa kapistahan.
“Saludo po ako sa mga opisyal ng simbahan at pamahalaan na walang sawang nag-aasikaso upang maging matagumpay at ligtas ang Pista ng ating Jesus Nazareno,” saad pa ng kongresista.
“Nawa’y patuloy tayong gabayan ng Jesus Nazareno sa ating mga adhikain at pangarap bilang isang bansa,” wika pa ni Romualdez. (END)
@@&&&&&&&&@@@@
AKAP walang 'kickback'; tunay na tulong sa mga manggagawang kapos - Rep. Zaldy Co
Tiniyak ni House Appropriations Committee Chair at Ako Bicol Party-list Rep. Zaldy Co na ang Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) -- isang proyekto para sa mga Pilipinong may trabaho ngunit nananatiling mahirap -- ay malinis at walang bahid-katiwalian.
Sa isang panayam, diniin ni Co na ang AKAP ay hindi pork barrel dahil ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang humahawak ng pondo at tumutukoy ng mga benepisyaryo. “Ito ay zero-percent corruption. Diretso ito sa tao at DSWD ang namamahala,” aniya.
Ibinahagi ni Co na nabuo ang AKAP mula sa mga hinaing ng mga minimum-wage earners gaya ng food service crew at Grab drivers, na hindi kwalipikado sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Aniya, sila ang masisipag na manggagawa na halos hindi na makapagpahinga, ngunit nananatiling kapos dahil sa tumataas na presyo ng bilihin.
Ang AKAP, na sinimulan noong 2024 sa ilalim ng liderato ni House Speaker Martin Romualdez, ay may budget na P26 bilyon para sa 2025. Sa unang taon nito, halos limang milyong Pilipino ang nakatanggap ng tulong na P5,000 bawat pamilya.
“Nais kong ipagpatuloy ang AKAP kahit tapos na ang termino ko,” ani Co, sabay diin na kailangan ang political will upang mapanatili ang mga programang tulad nito.
(end)
*PRESS RELEASE*
Rep. Zaldy Co
Chairman, House Committee on Appropriations
Contact: Paulo Espiritu - +63 999 228 6055
January 8, 2024
*Kickback-free AKAP is for working poor -- Rep. Zaldy Co*
House appropriations committee chair and Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co on Tuesday said the Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP), a cash assistance conceptualized by the House of Representatives, is kickback-free and is intended for employed Filipinos who are still among the poor.
In a TV interview, Co explained that AKAP is not a pork barrel as the Department of Social Welfare and Development (DSWD) handles the funds and identifies the recipients.
“Itong AKAP, di yan pork barrel. This is zero percent corruption. Walang corruption [ito] dahil direct sa tao siya. Ang congressman, hindi siya ang humahawak ng pera. It’s DSWD. Ang namimili ng recipients, DSWD. Nagkakaroon yan ng corruption once na hinawakan, katulad ng confidential funds (AKAP is not a pork barrel. This is zero-percent corruption. This has no corruption because it goes directly to the people. The congressman does not handle the money; it’s DSWD. The DSWD chooses the recipients. Corruption happens when the funds are handled, like the confidential funds),” he said.
Co, a former seminarian, shared that the initiative was born during a gathering of individuals who once aspired to the priesthood. Minimum-wage earners like food service crew and Grab drivers were complaining about how they cannot avail of government social safety net efforts like the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) which target the unemployed.
“They are the ones who work 16 hours. They are the ones who pay for PhilHealth. They are the ones who pay taxes. They are the ones who work double time, triple time, just to make [ends meet]. When they go home, they're tired. They can't take care of their children because they need to sleep and they need to work,” he said in Taglish.
Co said he validated the data with the DSWD secretary and then came up with AKAP.
“Based on the study of [Philippine Statistics Authority], minimum-wage earners need government support because of the rise in rice prices caused by worldwide inflation. They were also affected by COVID-19. In two years [of the pandemic], they lost their savings. They are the 4Ps beneficiaries who graduated to non-poor status but went back to being poor. And when you work and you don't have children, you're not entitled to 4Ps,” he said.
“So, it's a pity that the law is unfair to people who work but don’t earn enough,” he added.
AKAP provides a range of support, including medical, funeral, food, and cash assistance through the DSWD’s Crisis Intervention Units and satellite offices nationwide, to minimum-wage earners who can show DSWD that their earnings are not enough to sustain them.
Known as a pet project of House Speaker Martin Romualdez, AKAP was first implemented in 2024. It has a budget of P26 billion under the 2025 General Appropriations Act
“If I have my way, if I have enough funds, or if we have enough funds, we would give all minimum-wage earners P5,000 because I always say the minimum wage should be P45,000. [But if you do that], there will be super-inflation, many businesses will close down. So the only way to do it is give it directly as a targeted response to the minimum-wage earners’ hardship,” he said.
Co said he wants AKAP to continue beyond his term in Congress.
Asked about his plans when he terms out, he said, “Naiiyak ako dahil yung vision ko for Bicol and sa buong Pilipinas, at least sana ma-sustain. Like this AKAP, noong umpisahan namin, it was really about having the political will to push through with it. Kasi, ang ginagawa ng mga kalaban o ng opposition, yung good, ginagawang masama. Sasabihin, political (The question makes me emotional because I wish that my vision for Bicol and the entire Philippines may at least be sustained. Like this AKAP, when we started it, it was really really about having the political will to push through with it. The opposition turns the good into bad. They will say it’s political).”
Co also highlighted AKAP's remarkable success in its first year, 2024, with nearly 5 million Filipinos receiving PHP 5,000 in cash assistance. Regions such as Cagayan Valley, Davao, and Caraga stood out, achieving 100% fund utilization, showcasing the program's efficiency and significant impact.
(end)
@@@@&&&&&&
Magalong dapat sumuporta sa ayuda para sa mga taga-Baguio— Rep Mark Go
Nanawagan si Baguio City Rep. Mark Go kay Mayor Benjamin Magalong na suportahan ang pagbibigay ng ayuda ng gobyerno sa mga residente ng kanilang siyudad.
Hinamon din ni Go si Magalong na huwag haluan ng politika ang isang magandang programa ng gobyerno.
Pinasinungalingan din ni Go ang paratang ni Magalong na ang Office of the Speaker ng Kamara de Representantes ang pagpapalabas ng financial assistance mula sa mga programa ng gobyerno na Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP), Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), at Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) gamit ang “7-7-7 Ayuda System”.
“Hindi totoo ang sinasabi niyang ‘seven-seven-seven.’ AKAP, AICS, and TUPAD are national government programs of President Ferdinand ‘Bongbong’ R. Marcos Jr. with well-defined processes and oversight mechanisms,” ani Go.
“Ginagawa po natin ang ating trabaho para masiguradong may budget ang mga national programs para sa Baguio. Dapat supportive at nakikipag tulungan siya kapag naipaglalaban natin ang budget para sa Baguio City dahil tumutulong ito na guminhawa ang buhay ng mga higit na nangangailangan,” dagdag pa ng mambabatas.
Ipinunto ni Go na ang mga lokal na pamahalaan ay mayroon ding kanya-kanyang programa at proyekto para sa kanilang mga nasasakupan.
“Ang city government ay may social funds rin at alam ko na ginagamit niya rin ito para sa mga taga-Baguio. Supportive tayo dito,” saad ng mambabatas.
Dagdag pa ni Go, “Our role is limited in facilitating these government assistance programs, which are implemented strictly in accordance with the law and existing guidelines. Every peso is accounted for and used solely to benefit those in need.”
“These funds are not tied to any individual or office but are directly allocated to support our fellow Filipinos in need,” giit pa ng kongresista. (END)
@@@@@@@@@@@
Posibleng paglabag ng NGCP sa Anti-Dummy Law, foreign ownership pinapasiyasat sa Kamara
Inirekomenda ng House Committee on Ways and Means ang pagsasagawa ng malalimang pagsisiyasat upang matukoy kung lumabag ang National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa Anti-Dummy Law.
Ito’y matapos makuwestyon ang istruktura ng pagmamay-ari at pamamahala sa NGCP pati na rin ang pagmamay-ari ng mga dayuhan ng malaking bahagi ng kompanya na posible umanong paglabag din sa Konstitusyon.
Sa briefing ng komite ngayong Martes, inilatag ng chairman na si Albay 2nd District Rep. Joey Salceda ang mga aniya’y nakakabahalang kontrol ng mga dayuhan sa pamamahala sa NGCP.
Iginiit ni Salceda na ang NGCP, na siyang namamahala at nagpapatakbo ng power transmission grid ng Pilipinas, ay dapat pagmamay-ari ng mga Pilipino.
Batay sa regulatory disclosure ang 60% ng NGCP ay pagmamay-ari ng Pilipino sa pamamagitan ng Synergy Grid of the Philippines habang ang nalalabing 40% ng kompanya ay kontrolado ng State Grid Corporation of China (SGCC)—isang state-owned enterprise na pinamamahalaan ng Chinese Communist Party. Gayonman, may dalawang dagdag na subsidiary ang SGP para sa indirect ownership sa NGCP.
Naniniwala si Salceda na may impluwensya ang mga dayuhan sa ownership structure at operational practices ng NGCP.
“While the NGCP has denied that it is controlled by the [SGCC], and that it has no executives that are Chinese nationals, its Chairman is Chinese, a top official of the SGCC, despite [SGP] supposedly being a larger shareholder than the [SGCC],” punto ni Salceda.
May 60 porsyento ng voting rights ang SGP sa NGCP, matapos ang share-swap deal na nagbibigay ng 67 porsyento ng bahagi nito sa OneTaipan Holdings Inc. at Pacifica2 Holdings.
Pagmamay-ari ng OneTaipan ang Monte Oro Grid Resources Corp., na may 30 porsyentong stake sa NGCP, habang ang Pacifica2 ang may-ari ng Calaca High Power Corp., na mayroon ding 30 porsyento.
Diin ni Salceda na ang ownership structure ng NGCP na hinati sa SGCC, Monte Oro Grid Resources, at Calaca High Power—ay kailangan busisiin sa ilalim ng “grandfather rule” ng Korte Suprema
Dito sinusuri ang beneficial ownership at ang kontrol sa patong-patong na corporate structures upang matiyak na tumatalima ito sa limitasyon itinakda ng Konstitusyon.
“We must look into the citizenship of the individual stockholders, i.e., natural persons, of that investor corporation to determine if the constitutional and statutory restrictions are complied with,” punto ni Salceda.
“If the shares of stock of the immediate investor corporation is in turn held and controlled by another corporation, then we must look into the citizenship of the individual stockholders of the latter corporation,” dagdag niya.
Bagamat nakatalima sa 60-40 Filipino-to-foreign equity ratio, kung ipapatupad ang grandfather rule ay kailangan ng dagdag pang pagsusuri kung may duda sa tunay na pagmamay-ari at kontrol.
“A resort to the Grandfather Rule is necessary if doubt exists as to the locus of the beneficial ownership and control,” paliwanag ni Salceda.
“In this case, a further investigation as to the nationality of the personalities with the beneficial ownership and control of the corporate shareholders in both the investing and investee corporations is necessary,” dagdag pa niya.
Inilantad pa ni Salceda ang komposisyon ng Board of Directors ng NGCP na binubuo ng ilang Chinese nationals na may mahahalagang posisyon.
Kabilang dito si Chairman Zhu Guangchao (Chinese); Vice Chairmen Robert Coyiuto Jr. (Filipino) and Henry Sy Jr. (Filipino); President/CEO Anthony Almeda (Filipino); and Directors Jose Pardo (Filipino), Francis Chua (Chinese), Shan Shewu (Chinese), Liu Ming (Chinese), Liu Xinhua (Chinese), at Paul Sagayo Jr. (Filipino).
Batay rin aniya sa mga opisyal na source mula sa gobyerno ng China, ang SGCC ay mayroong karapatan para patakbuhin ang Philippine grid.
“The official website of China’s Belt and Road Initiative says the State Grid gained the ‘right to run’ the Philippine grid,” diin pa niya.
Mayroon din aniyang ulat na inilathala ng isa sa mga opisyal ng SGCC na nagsasabi na ang Chinese entity ay nakikibahagi sa pamamahala ng overseas holdings nito, kabilang ang operational at senior management decisions.
Sa ilalim ng Anti-Dummy Law (Commonwealth Act No. 108, as amended) pinagbabawalan ang mga hindi Pilipino na makibahagi sa pamamahala, pagpapatakbo o pagkontrol ng anomang entity na sangkot sa nationalized o partially nationalized activity.
“For violations of the Anti-Dummy Law, the penalty of forfeiture of ‘such right, franchise, privilege, and the property or business enjoyed or acquired in violation of the provisions of this Act’ may be imposed,” sabi ni Salceda.
Una nang ibinabala ng ilang mambabatas ang pag-kontrol ng mga dayuhan sa NGCP na maaaring paglabag sa legal na limitasyon at maging banta sa seguridad sa kuryente ng bansa.
Anila na ang impluwensya ng dayuhan sa isang kritikal na public utility gaya ng national grid ay maaaring magkaroon ng mabigat na implikasyon sa bansa.
Kung mapatunayan, maaaring bawiin ang prangkisa ng NGCP at ibabalik ang konrol sa mga imprastraktura nito sa gobyerno ng Pilipinas. (END)
@@@@@@@@@@
Party-list groups nagpahayag ng buong suporta, kumpiyansa sa pamumuno ni Speaker Romualdez
Nagpahayag ng buong suporta at kumpiyansa kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang Party-list Coalition Foundation, Inc. (PCFI), na binubuo ng iba’t ibang party-list organization sa Kamara de Representantes.
Sa isang resolusyon, kinilala ng koalisyon na pinamumunuan ni Ako Bicol Rep. Zaldy Co, ang chairman ng House appropriations committee, ang malapit na kolaborasyon ng Kamara, sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez, sa administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at Senado sa pag-apruba ng mga pangunahing panukala, at ang naabot na tagumpay sa pagpasa mga panukala ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ayon sa koalisyon, napanatili ng Kamara ang matibay na relasyon nito sa Senado at Executive Branch upang matiyak na agad na maipapasa ang mga panukala na prayoridad na maisabatas ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) upang mapaganda ang pagseserbisyo ng gobyerno sa publiko.
“Speaker Romualdez’s leadership has been characterized by integrity, innovation, and a steadfast commitment to transformative legislation, earning commendations from his peers and the public, and reinforcing the House’s role as a pillar of democracy,” sabi ng koalisyon.
Sinabi ng grupo na ang Kamara, sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez ay nakapagtala ng bagong rekord ngayong 19th Congress. Umabot sa 13,454 panukala ang naihain, 1,368 sa mga ito ang naaprubahan, at 166 ang naging Republic Act— 73 ang nasyunal na batas at 93 ang lokal na batas. Ito umano ay nagtataas sa pamantayan ng pagiging produktibo ng Kamara sa pagseserbisyo sa publiko.
Ayon pa sa koalisyon, ang kapulungan ay nagpakita ng natatanging pagkakaisa sa pagproseso ng average na 12 panukala kada sesyon sa loob ng 178 session days, na repleksyon umano ng sama-samang pagnanais na matugunan ang pangangailangan at mithiin ng mga Pilipino.
Kinilala rin ng Party-list Coalition ang mga imbestigasyong isinagawa ng Kamara na isang pagganap sa kanilang oversight power.
“The House has shown resolute determination in seeking justice for the victims of extrajudicial killings (EJKs) associated with the illegal drug war, initiating comprehensive investigations to hold accountable those responsible and to dismantle the networks perpetuating such injustices,” sabi nito.
Binuo umano ng Kamara ang Quad Comm upang silipin ang kaugnayan ng mga Philippine offshore gaming operations, extrajudicial killings, kalakalan ng iligal na droga, at Chinese syndicates, na pagpapakita ng pagnanais ng Mababang Kapulungan na mapangalagaan ang karapatang pantao at pangingibabaw ng batas.
“Under Speaker Romualdez’s leadership, the House has passed significant legislation aimed at criminalizing extrajudicial killings and banning offshore gaming hubs, reflecting a proactive stance against human rights violations and illegal activities,” sabi pa nito.
Ayon pa sa koalisyon, ang kanilang mga miyembro ay saksi at aktibang kasama ni Speaker Romualdez sa pagtupad sa adhikain nito.
“Now therefore, be it resolved, as it is hereby resolved, that members of the Party-List Coalition Foundation, Inc. hereby express their unwavering support and full confidence in the leadership of Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, acknowledging his pivotal role in steering the House towards unprecedented legislative achievements, fostering unity among its members, and upholding human rights and social justice in the Philippines,” sabi pa ng resolusyon.
Sinabi ng grupo na suportado nito si Speaker Romualdez, ang Senado, at ang Office of the President sa pagpapatuloy ng mga hakbang patungo sa legislative excellence at pag-unlad ng bansa. (END)
@@@@@@@@@@@@
Refund mechanism para sa P204.3B sobrang singil ng NGCP hirit ni chairman Salceda
Isinulong ni Albay Rep. Joey Salceda, chairman ng House Committee on Ways and Means, ang paglikha ng isang refund mechanism para maibalik sa mga kustomer ang P204.3 bilyong sobrang kinita ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) sa gitna ng maliit na buwis na ibinabayad nito.
Sa kanyang presentasyon sa deliberasyon ng komite, ibinunyag ni Salceda ang labis-labis na kinita ng NGCP, na isa umano sa mga dahilan kaya kinakailangan ang pagkakaroon ng legislative reforms sa layuning mapangalagaan ang mga consumer ng kuryente mula sa sobrang singil.
Mula 2016 hanggang 2020, sinabi ni Salceda na ang kita na inaprubahan ng ERC ay nasa P183.5 bilyon, samantalang umabot sa P387.8 bilyon ang aktwal na kita ng NGCP, na nagresulta sa sobrang kita na nagkakahalaga ng P204.3 bilyon. Binigyang-diin ni Salceda ang kagya’t na paggawa ng hakbang upang maipatupad ang pag-refund ng sobrang kita pabor sa mga konsyumer.
“There is a 204.3 billion that has been computed by the ERC as being in excess of each WACC (Weighted Average Cost of Capital). And, there is no provision in law. That's the problem,” ayon kay Salceda.
“Ever since I became a congressman, almost every law I put that pertains to regulated industries, I always make sure that anything above WACC belongs to the people or belongs to the state. If it's PPP, it belongs to the state, because they're actors on behalf of the state,” saad pa nito. “If it's a franchise that deals with the consumers, then the excess revenues belong to the consumers. And, there should be a process of disgorgement, of repayment.”
Sa katunayan, sinabi pa ni Salceda na ang NGCP ang tanging kumpanya sa energy sector na hindi nagbabayad ng Corporate Income Tax (CIT), Value-Added Tax (VAT), at Real Property Tax (RPT).
Sa halip, ito ay sinisingil lamang ng 3% franchise tax, na siyang pinakamababang rate kumpara sa mga utility na may mga rate na itinakda ng batas, tulad ng PAGCOR at Cebu Air na nagbabayad ng 5%, pati na rin ang mga horse racing entities na umaabot ng hanggang 8.5%.
Ipinunto pa ng mambabatas na kumpara sa mga naunang kumpanya tulad ng NAPOCOR at TRANSCO, ang income tax exemption ng NGCP ay walang kondisyon.
Ang NAPOCOR ay obligadong gamitin ang mga kinita nito para sa pagpapalawak ng kanilang operasyon, samantalang ang TRANSCO naman ay kinakailangang ilipat ang kanilang mga kita sa PSALM Corporation.
Habang ang NGCP, na exempted mula sa buwis at walang anumang kondisyon na magtatakda ng reinvestment o benepisyo para sa publiko.
Isa pang ipinunto ni Salceda ay ang umano’y kawalan ng malinaw na mekanismo para sa makatarungang rate of return ng NGCP. Ayon kay Salceda, naiiba ang NGCP kumpara sa iba pang mga sektor, dahil ang mga kita nito ay hindi nililimitahan ng batas.
Sa halip, ang ERC ang nag-audit ng kita ng NGCP ayon sa EPIRA, gamit ang Performance-Based Regulation (PBR) system, na nakadepende sa tamang WACC (Weighted Average Cost of Capital).
“Can Congress still amend the NGCP franchise to make its tax and profit structure fair? Yes. Section 2, terms and conditions. This franchise shall be for a term of 50 years from date of effectivity. It is by granted and unconditionally shall be subject to amendment, alteration or repeal by Congress when the common good so requires,” saad pa ni Salceda.
Kinuwestyon din ni Salceda ang umiiral na WACC na 15.04%, na aniya’y “labis na mataas.” Iminungkahi ng kongresista na ibaba ito sa 10.3% upang umayon sa international standards at magdulot ng malaking ginhawa sa mga konsyumer.
Upang masolusyonan ang mga isyung ito, iminungkahi ni Salceda ang limang panukalang batas.
Una, ang paggamit sa Synergy Grid of the Philippines (SGP), na proxy ng NGCP, bilang batayan sa pagtukoy ng WACC upang maging patas at magkaroon ng transparency.
Ikalawa, iminungkahi ni Salceda na isailalim ang NGCP sa national security review ng Interagency Investment Promotion Coordination Committee (IIPCC). Pinagtibay niya ang pangangailangan ng mas mahigpit na pagbabantay dahil sa mga isyung may kaugnayan sa dayuhang kontrol.
Ikatlo, iminungkahi ni Salceda na ilipat ang NGCP mula sa kasalukuyang franchise tax regime sa regular tax regime, katulad ng sa mga water utility, upang matiyak ang patas na pagbabayad ng buwis. Sinabi ng mambabatas na ang malilikom na kita mula rito ay maaaring gamitin para sa Pantawid Kuryente subsidy o pangkalahatang pagbaba ng singil sa kuryente.
Ikaapat, iminungkahi ni Salceda ang pagtatakda ng makatwirang rate of return para sa NGCP, na katulad ng tradisyunal na 12% maximum Internal Rate of Return (IRR) na ginagamit para sa mga strategic industries bago ang pagpapatupad ng PBR.
At panghuli, hiniling ni Salceda ang pagpapataw ng windfall tax sa labis na kita ng NGCP, na maaaring gamitin para sa mga subsidiya ng mga konsyumer. Binanggit niya ang mga probisyon ng EPIRA na nagpapahintulot ng pagbabalik ng sobrang kita bilang dahilan para dito.
Binigyang-diin ng mambabatas na may kapangyarihan ang Kongreso na amyendahan ang prangkisa ng NGCP upang gawing mas makatarungan ang kanilang sistema ng buwis at kita. Hinikayat din niya ang kapwa mambabatas na gumawa ng hakbang upang matiyak na ang NGCP ay magtatrabaho nang tapat at para sa kapakanan ng nakararaming Pilipino. (END)
@@@@@@@@@@@
Pamumuno ni Speaker Romualdez, 2025 legislative agenda ni PBBM suportado ng Nacionalista Party
Nagpahayag ng suporta ang mga lider ng Nacionalista Party kay Speaker Martin Romualdez at sa 2025 legislative agenda ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. kasabay ng pagkilala sa kanilang pamumuno at pagnanais na maging produktibo at nagkakaisa ang bansa.
Ayon kina Las Piñas City Rep. Camille Villar, Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, at Romblon Rep. Eleandro Jesus Madrona, akma ang mga prayoridad ng 19th Congress sa agenda ng Bagong Pilipinas na magbibigay katiyakan na ang mga hakbang ng lehislatura ay nakatuon sa mga kinakailangan ng bansa tulad ng pagpapa-unlad ng ekonomiya, institutional reforms, at pagpapabuti sa kabuhayan ng mga karaniwang Pilipino.
“Speaker Romualdez’s leadership ensures na ang bawat hakbang natin sa Kamara ay may direksyon at malinaw na layunin para sa ikabubuti ng lahat,” ayon kay Barbers.
“Siya ang nangunguna sa pagbibigay diin sa pagkakaisa at pagtutulungan ng lahat ng political parties,” dagdag pa nito.
Ipinunto naman ni Villar na ang paraan ng pamumuno ni Speaker Romualdez, na nagpapalakas ng kooperasyon sa pagitan ng mga partido, ay naging susi upang makamit ang mga layunin sa lehislatura at higit pang mga tagumpay.
“With Speaker Romualdez at the helm, we’ve proven that unity in Congress can lead to great outcomes. Ang masipag at masinsin niyang trabaho ang gumagabay sa atin para maipasa ang mga batas na may tunay na benepisyo sa ating mga kababayan,” ayon kay Villar.
Sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez, naaprubahan sa Kamara ang 27 sa 28 priority bills ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC), kabilang ang Anti-Financial Accounts Scamming Act, VAT on Digital Transactions, at Self-Reliant Defense Posture Act.
Kasama sa iba pang mga prayoridad ng LEDAC na naging batas na ang mga sumusunod:
1. Amyenda sa Government Procurement Reform Act – RA 12009
2. Amyenda sa Anti-Agricultural Smuggling Act – RA 12022
3. Academic Recovery and Accessible Learning Program (ARAL) – RA 12028
4. Enterprise-Based Education and Training (EBET) Program - RA 12063
5. Philippine Maritime Zones - RA 12064
6. Archipelagic Sea Lanes - RA 12065
7. CREATE MORE - RA 12066
8. Amyenda sa Rice Tariffication Law (RTL) – RA 12078
Nakabinbin naman sa bicameral conference ang panukalang:
1. Blue Economy
2. Amyenda sa Foreign Investors’ Long-Term Lease
Naaprubahan na ng Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang mga sumusunod:
1. Reporma sa Philippine Capital Markets
2. Amyenda sa Right-of-Way
3. Excise Tax on Single-Use Plastics
4. Rationalization of the Mining Fiscal Regime
5. Department of Water Resources/ National Water Resources
6. Amyenda sa Universal Health Care
7. Open Access in Data Transmission
8. Waste Treatment Technology
9. Pagkakaroon ng National Citizens Service Training (NCST) Program/ Mandatory Reserve Officers’ Training Corps (ROTC)
10. Military and Uniformed Personnel Pension Reform Bill
11. E-Governance
12. Amyenda sa Philippine Immigration Act
13. New Government Auditing Code
14. Amyenda sa Electric Power Industry Reform Act (EPIRA) (Rationalizing the Mandate of the Power Sector Assets and Liabilities Management (PSALM) Corporation)
“Bilang tagapamuno ng Kamara, si Speaker Romualdez ay nangunguna sa pagtutulak ng tunay na reporma para sa ating bansa. Hindi lamang ito tungkol sa dami ng naipasang batas kundi sa kalidad at benepisyo ng mga ito sa sambayanang Pilipino,” sabi naman ni Madrona.
Kinilala rin ng mga lider ng NP ang pakikipagtulungan ni Speaker Romualdez sa mga miyembro ng Kamara, kaya’t naaprubahan ang 60 sa 64 na mahahalagang batas sa ilalim ng Common Legislative Agenda (CLA). Kabilang na dito ang SIM Registration Act, Maharlika Investment Fund Act, at Regional Specialty Hospitals Act.
Sinabi ni Villar, ang lahat ng ito ay naisakatuparan dahil sa pagkakaisa ng mga mambabatas sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez.
“He promotes camaraderie and unity among lawmakers, enabling us to focus on what truly matters – serving our citizens and passing legislation that improves their lives,” ayon pa kay Villar.
Idinagdag pa ni Barbers na ang kanilang partido ay lubos na sumusuporta sa direksyong itinakda nina Speaker Romualdez at Pangulong Marcos ngayong 2025.
“Ang Nacionalista Party ay mananatiling katuwang sa pagbuo ng mga batas na tumutugon sa mga pangangailangan ng bawat Pilipino. We are fully aligned with their vision for progress,” wika pa nito.
Pinuri rin ng mga opisyal ng NP si Speaker Romualdez sa pagbibigay prayoridad sa mga panukalang batas na tumutugon sa mga pangunahing problema ng bansa, tulad ng pagbangon ng ekonomiya, seguridad sa pagkain, at pampublikong kalusugan.
“Makakaasa ang ating mga kababayan na ang Kamara, sa pamumuno ni Speaker Romualdez, ay patuloy na magpapasa ng mga batas na may direktang pakinabang sa kanila,” giit pa ni Villar.
Habang naghahanda ang Kamara sa pagbabalik sesyon sa susunod na linggo, muling tiniyak ng mga lider ng NP ang kanilang pangako na maipasa ang natitirang mahahalagang panukala ng LEDAC at CLA at maisakatuparan ito bago matapos ang ika-19 na Kongreso.
“We are witnessing a productive and unified House, and it’s largely because of Speaker Romualdez’s example. He sets the tone, and everyone follows suit,” ayon naman kay Madrona.
“With the guidance of Speaker Romualdez and PBBM, we are ready to take on the challenges of 2025 and beyond.”
Tiniyak din ng NP ang patuloy na pakikipagtulugan kina Speaker Romualdez at Pangulong Marcos Jr. upang tiyakin na ang legislative agenda ay magsilbing gabay para sa patuloy na pag-unlad at mas magandang kinabukasan para sa lahat ng mga Pilipino.
“Our achievements are proof that when we work together under strong and inspiring leadership, we can accomplish great things for the Filipino people. Sa tulong ng liderato ni Speaker Romualdez at sa suporta ni Pangulong Marcos, sama-sama nating isusulong ang isang Bagong Pilipinas,” dagdag pa ni Barbers. (END)
@@@@@@@@&@&
NPC kinilala si Speaker Romualdez sa pagsusulong ng makabuluhang reporma ng PBBM admin
Kinilala ng Nationalist People’s Coalition (NPC) si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa pamumuno nito sa Kamara de Representantes upang maisulong ang mga makabagong reporma ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. upang mai-angat ang antas ng pamumuhay ng mga magsasaka, matiyak na sapat ang suplay ng murang pagkain, at ang pundasyon para sa isang maunlad at inklusibong Bagong Pilipinas.
Sinabi ni Quezon 1st District Rep. Mark Enverga, chairman ng House Committee on Agriculture and Food at tagapagsalita ng NPC, na ang layunin at direksyon ng pamumuno ni Speaker Romualdez ang nagpatibay sa super majority ng Kamara at naghatid ng mga batas ni Pangulong Marcos na tumutugon sa mga pinakamahalagang pangangailangan ng mga mamamayan.
“Speaker Romualdez’s leadership is the cornerstone of the House’s historic achievements. His ability to inspire unity and focus on results has made the 19th Congress a key partner of President Marcos in delivering the Bagong Pilipinas vision,” ani Enverga.
Binigyang-diin niya ang pagpapasa ng Republic Act (RA) No. 12022, o ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act, na nagdedeklara bilang economic sabotage sa agricultural smuggling, hoarding, profiteering, at operasyon ng kartel na may parusang habambuhay na pagkakakulong.
“This law is a game-changer for our farmers and all Filipinos who rely on affordable food. It dismantles the decades-long control of cartels and manipulators in the supply chain,” saad pa nito.
“Through Speaker Romualdez’s decisive leadership, we acted swiftly to protect our farmers, uphold market integrity, and secure our nation’s food supply,” wika pa ni Enverga.
Binigyang-diin din niya ang epekto ng RA 12078, na nag-aamyenda sa Rice Tariffication Law upang palawigin ang Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) hanggang 2031 at itaas sa P30 bilyon ang taunang alokasyon na pantulong sa mga magsasaka mula P10 bilyon.
“This law demonstrates our commitment to empowering rice farmers. Tripling RCEF funding equips them with the tools and resources to compete globally while ensuring rice availability for every household,” giit pa ni Enverga.
Sinasaad ng batas ang pagbibigay ng kapangyarihan sa Department of Agriculture (DA) na mag-angkat ng bigas kung kinakailangan, lalo na kung may kakulangan sa suplay o pagtaas ng presyo sa bansa.
“This balanced approach, championed under Speaker Romualdez’s guidance, addresses food security concerns while protecting local farmers,” paliwanag pa ni Enverga.
Pinuri din ng opisyal ni Enverga si Speaker Romualdez sa pangunguna sa supermajority coalition ng Kamara, na kinabibilangan ng NPC, upang ipasa ang 61 sa 64 na prayoridad na panukala na tinukoy ni Pangulong Marcos at ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC).
“Speaker Romualdez has set an unprecedented standard for legislative productivity, guiding the House to enact laws that transform lives, foster economic recovery, and drive national development. His leadership proves how Congress can drive real change,” sabi ni Enverga.
Gayundin, aniya ang pagsisikap ng pinuno ng Kamara na matiyak na mayroong pananagutan ang mga opisyal sa pagpapatupad ng mga programang pang-agrikultura at panlipunan.
“Speaker Romualdez’s commitment to good governance guarantees that the laws we pass are implemented effectively and benefit those who need them the most,” dagdag pa ng mambabatas.
Sa pagsulong ng bansa, nanawagan si Enverga na ipagpatuloy ang pagtutulungan upang mapakinabangan nang husto ang epekto ng mga repormang ito.
“Speaker Romualdez has shown us what true leadership can achieve. Together, we must build on this momentum to make agriculture a pillar of national progress,” giit ni Enverga.
“Under his guidance, we will continue to champion the welfare of Filipino farmers and fisherfolk for a brighter future,” dagdag pa ng mambabatas. (END)
@@@@@@@@@@
Tagalog SPEAKER ROMUALDEZ: 2025 BRINGS IN HOPE, RENEWED COMMITMENT TO SERVE THE FILIPINO PEOPLE
Sa ating pagsalubong sa Bagong Taon, nais kong ipaabot ang aking taos-pusong pagbati ng isang mapayapa, masagana at puno ng pag-asa na 2025 para sa bawat pamilyang Pilipino.
Ang Bagong Taon ay isang simbolo ng bagong simula – isang pagkakataon upang magtulungan muli at magtatag ng mas matibay na kinabukasan para sa ating bayan.
Ang taong 2024 ay nag-iwan ng maraming alaala para sa ating bansa. Madami tayong naging tagumpay, ngunit ito rin ay naging taon ng matinding hamon – sunod-sunod na bagyo, pagbaha at iba pang kalamidad ang nagdulot ng hirap at pagsubok sa ating mga kababayan.
Sa kabila nito, nakita natin ang diwa ng bayanihan na lalong nagpatibay sa ating pagkakaisa bilang isang bansa.
As we step into 2025, let us carry with us the lessons of the past year. Let us remain united in our resolve to rise above challenges, to rebuild what has been lost and to ensure that no Filipino is left behind.
Kasabay ng pag-asa sa bagong taon ay ang panibagong tapang at lakas ng loob upang harapin ang mga hamon at pagkakataon ng kinabukasan.
Bilang lider ng House of Representatives, nais kong tiyakin na ang inyong Kongreso ay mananatiling kaisa ninyo sa pagsusulong ng mga batas na tunay na makatutulong sa buong bansa. We remain strong in our commitment to prioritize legislation that will uplift the lives of our people – laws that will spur economic growth, improve public services and strengthen disaster resilience.
Mahalaga ring mabanggit ang pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor upang masigurong ang bawat Pilipino ay may access sa pangunahing serbisyo publiko. Patuloy tayong magsusulong ng mga programang magbibigay-daan sa mas maaliwalas na kinabukasan para sa bawat pamilya.
Sama-sama nating itaguyod ang isang Bagong Pilipinas ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., isang bansa kung saan ang bawat Pilipino ay may oportunidad, may seguridad at may pag-asa.
Muli, isang masaya, masagana at mapayapang Bagong Taon sa inyong lahat. Mabuhay ang Pilipino, at mabuhay ang ating mahal na Pilipinas!
@@@@@@@@@@@
Speaker Romualdez: 2025 ushers in hope, unity and renewed commitment to serve the Filipino people
SPEAKER Ferdinand Martin G. Romualdez is ushering in 2025 with a message of hope, unity and determination, as he called on Filipinos to embrace the New Year as an opportunity to build a stronger, more resilient Philippines.
“Sa ating pagsalubong sa Bagong Taon, nais kong ipaabot ang aking taos-pusong pagbati ng isang mapayapa, masagana at puno ng pag-asa na 2025 para sa bawat pamilyang Pilipino,” Speaker Romualdez said in a statement.
The leader of the 307-strong House of Representatives described the New Year as a fresh start and a chance for collective action to create a brighter future for the nation under President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.
“Ang Bagong Taon ay isang simbolo ng bagong simula – isang pagkakataon upang magtulungan muli at magtatag ng mas matibay na kinabukasan para sa ating bayan,” he pointed out.
Reflecting on the year that was, Speaker Romualdez noted that 2024 brought significant achievements but also major challenges, particularly the devastating series of typhoons, floods, and other calamities.
“Ang taong 2024 ay nag-iwan ng maraming alaala para sa ating bansa. Madami tayong naging tagumpay, ngunit ito rin ay naging taon ng matinding hamon – sunod-sunod na bagyo, pagbaha at iba pang kalamidad ang nagdulot ng hirap at pagsubok sa ating mga kababayan,” the Speaker said.
Despite these challenges, the House chief highlighted the resilience of Filipinos, who exhibited unity and the spirit of bayanihan in overcoming hardships.
“As we step into 2025, let us carry with us the lessons of the past year. Let us remain united in our resolve to rise above challenges, to rebuild what has been lost and to ensure that no Filipino is left behind,” Speaker Romualdez said.
“Kasabay ng pag-asa sa bagong taon ay ang panibagong tapang at lakas ng loob upang harapin ang mga hamon at pagkakataon ng kinabukasan,” he added.
The Speaker reaffirmed the House’s commitment to addressing the nation’s pressing needs through proactive legislation, saying it will remain focused on enacting measures that promote economic growth, improve public services, and enhance disaster resilience.
“Bilang lider ng House of Representatives, nais kong tiyakin na ang inyong Kongreso ay mananatiling kaisa ninyo sa pagsusulong ng mga batas na tunay na makatutulong sa buong bansa. We remain strong in our commitment to prioritize legislation that will uplift the lives of our people – laws that will spur economic growth, improve public services and strengthen disaster resilience,” he said.
He also emphasized the critical role of collaboration between the government and the private sector to ensure that all Filipinos have access to essential services and opportunities for a better future.
“Mahalaga ring mabanggit ang pagtutulungan ng pamahalaan at pribadong sektor upang masigurong ang bawat Pilipino ay may access sa pangunahing serbisyo publiko. Patuloy tayong magsusulong ng mga programang magbibigay-daan sa mas maaliwalas na kinabukasan para sa bawat pamilya,” Speaker Romualdez said.
The House leader reiterated his full support for President Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.’s vision of a “Bagong Pilipinas,” a nation of opportunity, security, and hope for all.
“Sama-sama nating itaguyod ang isang Bagong Pilipinas ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ R. Marcos Jr., isang bansa kung saan ang bawat Pilipino ay may oportunidad, may seguridad at may pag-asa,” he affirmed.
Speaker Romualdez closed his statement with a heartfelt wish for a prosperous and peaceful 2025: “Muli, isang masaya, masagana at mapayapang Bagong Taon sa inyong lahat. Mabuhay ang Pilipino, at mabuhay ang ating mahal na Pilipinas!” (END)
@@@@@@@@@@
Hamon ni Speaker Romualdez sa mga Pinoy: Pagsikapang tularan mga aral sa buhay, sakripisyo ni Rizal
Hinamon ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga Pilipino na alalahahin ang mga sakripisyo ng pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal upang makamit ng bansa ang kalayaan mula sa mga dayuhang mamumuhunan.
“On this day, let us not only remember Rizal’s sacrifice but also strive to embody his ideals. Let us serve as light to each other where unity and harmony can be achieved, and where prosperity can be a fruitful harvest in the future,” ani Speaker Romualdez.
Hiling ng lider ng 307-miyembro ng Kamara de Representantes na manatili si Rizal bilang liwanag na gabay ng bansa, kung saan ipinakita nito ang kanyang hindi matatawarang pagkamakabayan sa pamamagitan ng pag-aalay ng kanyang buhay para sa kalayaan.
“True love for our country can be shown not just in words, but most especially in actions – towards the move to provide a better and progressive future for the country,” sabi pa ni Speaker Romualdez.
Sinabi ng lider ng Kamara na ang pagiging bayani ni Rizal ay nabubuhay sa bawat Pilipino na nagsusumikap upang mai-angat ang bansa.
“Whether in the fields of education, science, governance or public service, we can see how Rizal’s heroism has influenced every Filipino who serve for the betterment of everyone,” wika p pa ni Speaker Romualdez.
Dagdag pa nito, “Rizal’s vision of a nation that values education, equality and freedom is the guiding light of our legislative agenda” where he makes sure all of the laws the House passes are aligned with Rizal’s vision of a peaceful and progressive future for the society.
“His ideals of patriotism, courage and commitment to the people continue to inspire and guide us as we navigate the challenges of our time,” sabi pa ni Speaker Romualdez kasabay ang kanyang paggiit na noong panahon ni Rizal ay binigyan-diin nito si pangangailangan ng edukasyon at pagmamalasakit sa iba bilang pundasyon ng demokrasya ng bansa. (END)
@@@@@@@@@
House leaders pinuri si Speaker Romualdez sa pagpapalakas ng oversight function ng Kamara
Pinuri ng mga lider ng Kamara de Representantes ang makasaysayang tagumpay nito ngayong 19th Congress hindi lamang sa pagpasa ng mga panukalang batas kundi maging sa pagpapalakas ng oversight function nito para isulong ang transparency, accountability, at maayos na pamamahala.
Kinilala rin nina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Deputy Speaker David “Jay-Jay” Suarez, at House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe ang ipinakitang “transformative leadership” ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kaya maraming naabot na tagumpay ang Kamara.
“The 19th Congress has set a new standard for legislative excellence, not just in passing laws but in ensuring that government programs and agencies are held accountable,” ani Gonzales.
“Our oversight function has been a cornerstone of this Congress’ success, and it reflects our commitment to protecting public interest and trust,” dagdag pa ng kinatawan ng ikatlong distrito ng Pampanga.
Sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez ay nagpamalas ng hindi mapapantayang legislative productivity ang Kongreso.
Mula Hulyo 25, 2022 hanggang 27, 2024, umabot sa 13,454 ang mga panukalang inihain, kabilang ang 11,241 na panukala, 2,212 resolusyon, at isang petisyon ang Kamara.
Sa 1,368 na naipasang panukala ng Kamara, 166 ang naging Republic Acts—73 sa mga ito ay national laws at 93 ang local laws. Nakapagsumite rin ng kabuuang, 1,319 na committee reports sa naturang panahon.
Sa kabuuang 178 session days, inaksyunan ng Kamara ang nasa 4,760 measures, o katumbas ng isang dosenang panukala kada sesyon.
Ito ay repleksyon hindi lamang ng pagiging episyente ng Kapulungan sa pagbalangkas ng mga batas kundi ng dedikasyon nito na matugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino.
“These statistics underscore our collective effort to deliver results. But beyond the numbers, the true achievement lies in ensuring that the laws we pass and the inquiries we conduct directly benefit the lives of every Filipino,” punto ni Dalipe.
Tinukoy din ng kinatawan ng ikalawang distrito ng Zamboanga City ang kritikal na papel ng mga pagsisiyasat ng mga komite sa pagpapalakas ng pamamahala at pagbuo ng makabuluhang mga polisiya ng bansa.
“Oversight is essential in ensuring that laws and programs deliver their intended benefits. This Congress has maximized its investigative powers to address systemic issues and propose real solutions,” ani Dalipe.
Isang halinbawa nito ang imbestigasyon ng Quad Committee sa iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), at ang koneksyon nito sa kalakalan ng iligal na droga, money laundering, at extrajudicial killings.
Natuklasan sa pagdinig ang pagkakasangkot ng POGOs sa mga financial crimes at korapsyon habang nabunyag din ang pamimili ng kampanya kontra iligal na droga ng administrasyong Duterte.
“These hearings demonstrated our resolve to protect national interests and uphold human rights,” ani Suarez, na kumakatawan sa ikalawang distrito ng Quezon.
“The findings led to meaningful recommendations, including stricter gaming regulations, enhanced anti-money laundering measures, and stronger safeguards against abuse of power,” dagdag niya.
Natatangi rin ang imbestigasyon ng Committee on Good Government and Public Accountability, na bumusisi sa maling paggamit ng P612.5 milyong halaga ng confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte.
“This inquiry was about upholding transparency and ensuring public funds are used effectively,” sabi ni Gonzales. “It highlighted the importance of stricter oversight mechanisms.”
Pinuri din ng mga lider ang hakbang ng Quinta Comm, na kilala rin bilang Murang Pagkain Super Committee, sa kanilang pagtalakay sa isyu ng agricultural smuggling, manipulasyon ng presyo ng bigas at kahinaan ng mga programa para maparami ang produksyon ng pagkain sa bansa.
“Our investigations into agricultural smuggling, hoarding, price manipulation, profiteering and cartels are a prime example of oversight in action,” ani Suarez.
“We identified gaps in enforcement and accountability, ensuring that future policies address these issues head-on,” dagdag pa niya.
Tinukoy pa ng mga lider ng Kamara ang pamumuno ni Speaker Romualdez kung saan naging sentro ng legasiya ng 19th Congress ang pagganap sa oversight function nito.
“Speaker Romualdez has redefined what it means to lead the House. He has made oversight not just a duty but a powerful tool for reform,” wika ni Gonzales. “Under his leadership, the House has become a guardian of public trust and a driver of accountability.”
Sinegundahan ito ni Dalipe na binigyang diin ang abilidad ni Speaker Romualdez na mapagkaisa ang Kapulungan para sa iisang hangarin.
“The Speaker’s steady hand and forward-thinking leadership have allowed us to push boundaries, achieve legislative milestones, and ensure that governance is grounded in accountability and service,” aniya.
Sa nalalapit na pagsasara ng 19th Congress sa Hunyo, sinabi ni Suarez na magpapatuloy ang Kamara sa paggamit ng kanilang mga tungkulin para sa kapakanan ng bansa.
“The 19th Congress has demonstrated that through strong oversight, we can ensure that every peso, every law, and every program benefits the Filipino people. This is the kind of leadership and legacy we must continue to uphold,” ani Suarez. (END)
@@@@@@@@@@@
Young Guns kinilala pamumuno ni Speaker Romualdez na nagresulta sa pagiging produktibo ng Kamara
Kinilala ng mga mambabatas na kabilang sa “Young Guns” bloc ng Kamara de Representantes ang magandang pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez kaya naging produktibo ang Mababang Kapulungan ng Kongreso ngayong 19th Congress.
“The numbers speak volumes about the commitment of this Congress to making a difference. From the filing of 13,454 measures to the enactment of 166 Republic Acts, this is a testament to the hard work, dedication, and unwavering focus of all 307 House members on addressing the needs of the Filipino people,” sabi ng Young Guns sa isang pahayag.
Ilan sa mga lider ng Young Guns sina Reps. Jay Khonghun (Zambales), Paolo Ortega V (La Union), Zia Alonto Adiong (Lanao del Sur), Jil Bongalon (Ako Bicol Party-list), Rodge Gutierrez (1-Rider Party-list), Pammy Zamora (Taguig), Margarita “Migs” Nograles (PBA Party-list), Cheeno Miguel Almario (Davao Oriental), Ernesto “Ernix” Dionisio Jr. (Manila), Lordan Suan (Cagayan de Oro City), Mikaela “Mika” Suansing (Nueva Ecija), at Inno Dy V (Isabela).
Ayon sa Young Guns. ang record-breaking legislative output ng Kamara ay patunay ng sama samang pagsusymikap, kolaborasyon, at dedikasyon ngayong 19th Congress.
Sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez, sinabi ng Young Guns na nagkaroon ng pagkakataon ang mga mambabatas upang umusbong at makapaghatid ng serbisyo sa mga Pilipino.
“Every member of this Congress, regardless of district or party affiliation, worked tirelessly to ensure that every measure passed uplifts the lives of our constituents. This is governance in action,” giit ng Young Guns.
Batay sa datos, mula Hulyo 25, 2022 hanggang Disyembre 27, 2024, ang mga miyembro ng Kamara sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez ay nakapaghain ng 13,454 panukala— 11,241 panukalang batas, 2,212 resolusyon, at 1,319 committee report.
Naproseso ng Mababang Kapulungan ang 4,760 panukala sa loob ng 178 session days o average na 12 panukala bawat session day.
“Processing an average of 12 measures per session day is a reflection of this Congress’ unparalleled commitment to legislative excellence. The passage of 166 Republic Acts—73 national and 93 local laws—proves that the Filipino people are at the heart of everything we do,” punto ng Young Guns.
Kinilala rin ng Young Guns ang mahalagang papel ng mga komite ng Kamara upang maisiwalat ang mga sistematikong isyu at makalikha ng mga panukalang batas na tutugon sa mga ito.
Tinukoy ng grupo ang marathon hearing ng Quad Comm na nag-iimbestiga sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs), at ang kaugnayan nito sa kalakalan ng iligal na droga, land grabbing ng mga Chinese nationals, at extrajudicial killings sa madugong war on drugs ng administrasyong Duterte.
“These hearings exposed how POGOs facilitated money laundering, fueled the illegal drug trade, and enabled unlawful land acquisitions. Most chillingly, they revealed a troubling pattern of extrajudicial killings that underscored impunity and abuse of power,” sabi pa ng Young Guns.
Ang natuklasan sa pagdinig ay nagresulta sa panawagan upang magkaroon ng mas mahigpit na gaming regulations, mas epektibong crime prevention measures, at mga bagong hakbang upang mas maprotektahan ang interes ng bansa at karapatang pantao.
Pinangunahan naman ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang imbestigasyon sa mali umanong paggamit ng kabuuang P612.5 milyong confidential funds ng Office of the Vice President at Department of Education sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte.
Tinukoy din ng Young Guns ang imbestigasyon ng Quinta Comm, na mas kilala bilang Murang Pagkain Super Committee, na nag-iimbestiga sa agricultural smuggling, price manipulation, at mga kahinaan sa programa ng gobyerno upang malabanan ang kagutuman at maging matatag ang presyo ng pagkain sa bansa.
“This ‘super committee’ has been a key force in holding market abusers accountable and ensuring government programs truly benefit the people,” sabi pa ng mga mambabatas.
Sa pagpasok ng 19th Congress sa huling yugto nito, muling iginiit ng Young Guns ang kanilang pangako na maipagpatuloy ang kanilang momentum.
“Every productive session reflects countless hours spent in committee hearings, exposing inefficiencies and crafting solutions that serve the people,” sabi ng mga ito. “The achievements of this Congress go beyond numbers. They represent hope, progress, and a commitment to nation-building that will leave a lasting legacy.”
Iginiit ng Young Guns na ang pamumuno ni Speaker Romualdez ay naging instrumento upang magkaisa ang mga miyembro ng Mababang Kapulungan at maabot ang kanilang mga napagtagumpayan.
“He has set the gold standard for leadership—one that inspires us to continue working harder for the Filipino people,” sabi pa ng mga ito. (END)
@@@@@@@@@@@@
2025 badyet pagpapakita ng pagnanais ni PBBM, Kongreso na mapabuti buhay ng mga Pilipino— Speaker Romualdez
Kinakatawan ng 2025 national badyet ang pagnanais ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ng Kongreso na mapabuti ang buhay ng mga Pilipino, ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.
Ayon sa lider ng Kamara na mayroong 307 miyembro, maituturing na “significant milestone” ang paglagda ni Pangulong Marcos 2025 General Appropriations Act.
“This budget represents the efficient and responsible use of resources, balancing fiscal discipline with the government’s commitment to improving the quality of life for all Filipinos. It is a critical step toward sustained growth and national development,” ani Speaker Romualdez.
Nagpadalamat si Speaker Romualdez kay Pangulong Marcos sa pamumuno nito at sa kanyang mga kasama sa Kongreso na walang kapagurang nagtrabaho upang matapos ang badyet.
“This budget reflects our united effort to ensure that government programs truly serve the people,” sabi ni Speaker Romualdez.
Ang napapanahon umanong paglagda ni Pangulong Marcos sa GAA, ayon kay Speaker Romualdez ay tumitiyak na hindi mababalam ang operasyon ng gobyerno sa pagtugon sa mga pangangailangan ng bansa.
“This decisive action prevents a reenacted budget and strengthens our resolve to achieve the country’s national development goals,” sabi pa ni Speaker Romualdez.
Ipinagmalaki rin ni Speaker Romualdez ang pakikiisa at kontribusyon ng Kamara sa paghubog sa badyet na naglalayong tugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino.
“This reflects our commitment to transparent, accountable governance focused on delivering meaningful results,” dagdag pa ng lider ng Kamara. (END)
@@@@@@@@@@@
Speaker Romualdez: Rizal’s ideals live on in every Filipino
Ngayong araw, buong puso nating ginugunita ang buhay at kabayanihan ni Dr. Jose Rizal, ang ating Pambansang Bayani. His ideals of patriotism, courage and commitment to the Filipino people continue to inspire and guide us as we navigate the challenges of our time.
Sa kanyang mga akda, inilantad niya ang mga suliranin ng lipunan noong kanyang panahon. Ngunit higit pa roon, ipinamulat niya sa atin ang kahalagahan ng edukasyon, pagmamalasakit sa kapwa at ang pagiging makabayan bilang mga pundasyon ng isang malayang bayan.
Today, Rizal’s ideals live on in every Filipino who works tirelessly to uplift our nation. Whether in the fields of education, science, governance or public service, nakikita natin ang diwa ng kabayanihan ni Rizal sa bawat Pilipinong naglilingkod para sa ikabubuti ng bayan.
Ang tunay na pagmamahal sa bayan ay naipapamalas hindi lamang sa salita kundi sa gawa – sa pagkilos para sa mas maayos at mas maunlad na kinabukasan ng ating bansa.
Bilang lider ng Kongreso, atin pong sinisiguro na ang mga batas na ating pinagtitibay ay tumutugon sa pangarap ni Rizal na magkaroon ng makatarungan at maunlad na lipunan. Rizal’s vision of a nation that values education, equality and freedom is the guiding light of our legislative agenda.
On this day, let us not only remember Rizal’s sacrifice but also strive to embody his ideals. Magsilbi tayong liwanag para sa isa’t isa at magkaisa para sa mas maganda, maginhawa at masaganang bukas.
Nawa’y patuloy tayong gabayan ng diwa ng kabayanihan ni Rizal sa lahat ng ating ginagawa para sa bayan.
Mabuhay ang mga aral ni Dr. Jose Rizal, at mabuhay ang sambayanang Pilipino! (END)
@@@@@@@@@@@@
Pinakamaraming naipasang panukala naitala ng Kamara sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez
Naitala ng Kamara de Representantes, sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ang bagong rekord sa pinakamaraming naipasang panukalang batas, isang patunay ng pagiging produktibo ng Mababang Kapulungan ngayong 19th Congress.
Ang naabot ng Kamara ay nagtataas sa standard na dapat sundan ng mga mambabatas sa hinaharap at nagtataas sa reputasyon ng Kamara bilang isang kapulungan na umaaksyon ng may resulta.
Mula sa pagbubukas ng 19th Congress noong Hulyo 25, 2022 hanggang noong Disyembre 27, 2024, umabot sa 13,454 ang mga inihaing panukala sa Kamara. Sa bilang na ito 1,368 ang naaprubahan kung saan 166 ang naging batas—73 ang national laws at 93 local laws.
“This Congress has set a new standard for productivity and purpose. Our collective achievements reflect our deep sense of duty to the Filipino people, ensuring that every measure we craft, debate, and pass uplifts lives, strengthens communities, and builds a resilient nation,” ani Speaker Romualdez.
Sa naihaing 13,454 panukala, 11,241 ang bills, 2,212 ang resolusyon, at isa ang petisyon. Nasa 1,319 committee report naman ang nahain sa nabanggit na panahon.
Sa loob ng 178 session days, naiproseso ng Kamara ang 4,760 panukala o average na 12 panukala kada sesyon.
Bukod sa pagpasa ng mga panukalang batas, nagsagawa rin ng imbestigasyon ang Kamara upang mapanagot ang mga opisyal ng gobyerno na mali ang ginagawa. Pinagtibay nito ang siyam na committee report mula sa mga isinagawang imbestigasyon, na nagpatibay sa pagiging isang guardian ng public trust ng Kamara.
“We are not just legislators; we are guardians of public trust. Every inquiry conducted, every recommendation adopted, ensures that governance is rooted in integrity and service to the people,” sabi pa ni Speaker Romualdez.
Ang kolaborasyon ng Kamara sa Senado ay isa rin umanong susi sa naging tagumpay nito.
“Our synergy with the Senate ensures that the laws we pass are practical, implementable, and responsive to the needs of the people,” punto ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.
Sa pagpasok ng Kamara sa huling yugto ng 19th Congress, nangako si Speaker Romualdez na ipagpapatuloy ang ginagawa ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
“This Congress will be remembered as one of decisive action, unwavering unity, and transformative legislation,” sabi ng House chief.
“We will not rest until every Filipino feels the impact of the progress we are creating—until we achieve a nation that is truly inclusive and empowered,” dagdag pa nito.
Sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez, naipakita ng Kamara na ito ay isang haligi ng integridad, inobasyon, at mga resulta. Ang naabot nitong tagumpay ay magsisilbi umanong pamana at patunay sa mahalagang papel na ginagampanan ng lehislatura sa paghubog ng isang matatag at inklusibong Pilipinas. (END)
@@@@@@@@@@
Naglipanang peke, malisyosong social media post pinaiimbestigahan sa Kamara
Pinaiimbestigahan ng pitong lider ng Kamara de Representantes ang naglipana umanong mga peke at malisyosong post sa iba’t ibang social media platforms kasabay ng pagpapatibay ng proteksyon sa freedom of speech ng mga Pilipino at pagtiyak sa kaligtasan ng digital world.
Ang resolusyon ay inihain nina Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Deputy Speaker at Quezon Rep. David “Jay-Jay” Suarez, Majority Leader Manuel Jose Dalipe, Minority Leader Marcelino Libanan, at Reps. Robert Ace Barbers ng Surigao del Norte, Bienvenido Abante Jr. ng Manila, at Joseph Stephen Paduano ng Abang Lingkod Party-list.
Hiniling ng pitong kongresista na isagawa ng House Committees on Public Order and Safety, on Information and Communications Technology, at on Public Information ang imbestigasyon.
Ayon sa resolusyon, kasabay ng pagdami ng gumagamit ng social media ay ang pagkalat ng mga maling impormasyon na lumilito sa publiko, sumisira sa reputasyon ng mga indibidwal at institusyon, at gumagambala sa pampublikong diskurso.
“False and malicious content has also been exploited by unscrupulous individuals to promote scams, cyberbullying and other activities that negatively impact public safety and order,” sabi ng mga mambabatas sa resolusyon na pinagtibay ng plenaryo ng Kamara.
“The balance between ensuring digital safety and protecting constitutional freedoms, particularly freedom of speech and expression, must be maintained, as these are cornerstones of democracy,” saad pa ng mga ito.
Ayon sa mga mambabatas, “there is a pressing need for a collaborative approach among relevant committees to identify gaps in existing laws and recommend measures to combat harmful content while upholding the rights of individuals to participate in free and open discourse.”
Sinabi ng mga kongresista na ang Republic Act (RA) No. 10175, o ang Cybercrime Prevention Act of 2012 ay nilikha upang tugunan ang pang-aabuso, maling paggamit at pagsasamantala nsa information and communication technology at labanan ang mga content-related offense gaya ng pagpapakalat ng mali at malisyosong impormasyon.
Tiniyak ni Gonzales at ng kanyang mga kasama na ang deliberasyon at ang magiging resulta nito ay isasapubliko.
Ang panukalang imbestigasyon ay gagabayan umano ng mga prinsipyo at layunin gaya ng pagtiyak na mapapangalagaan ang kalayaang magpahayag, matukoy ang mga butas sa batas upang ito ay mapunan, matiyak na mapalakas ang pagkakaroon ng pananagutan sa mga social media platform, malabanan ang cybercrimes, matiyak na ligtas ang digital space, at maisama at marinig ang mga stakeholder sa proseso. (END)
No comments:
Post a Comment