Monday, December 2, 2024

Ryan

Moratorium sa pagbabayad ng student loan malaking tulong sa maaapektuhan ng kalamidad— Speaker Romualdez



Ikinalugod ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa bagong batas na magbibigay ng moratorium sa pagbabayad ng student loans sa panahon ng kalamidad at iba pang emergency.


“The moratorium will be a big relief to students, both in public and private schools, including those run by local government units, in times of calamities, disasters, and similar emergency situations,” ani Speaker Romualdez.


Ayon sa lider ng mahigit 300 kinatawan ng Kamara de Representantes, nilalayon ng bagong batas na pansamantalang maibawas ang paghihirap ng mga estudyante na hinagupit ng kalamidad upang maituon ang kanilang atensyon sa pagbangon.


“This assistance, together with other forms of support the government would extend to them, would make recovery and return to normal life easier and faster for them,” aniya.


Dagdag pa ng lider ng Kamara, sa pamamagitan ng moratorium ay naipapakita ang pagtupad ng pamahalaan sa hangarin na mabigyan ng patas na oportunidad na makakuha ng kalidad na edukasyon ang lahay ng mag-aaral.


Sa ilalim ng bagong lagdang batas, sakop ng pagpapaliban ng mga pagbabayad ng student loan ang mga estudyanteng naka-enrol sa state universities and colleges, local universities and colleges, private higher education institutions, at pampubliko at pribadong technical-vocational na institusyon na ang tahanan ay matatagpuan sa mga barangay, bayan, lungsod, lalawigan, o rehiyon na isinailalim sa state of calamity o state of emergency na idineklara ng Pangulo o ng lokal na Sanggunian alinsunod sa mga kaugnay na batas, at tuntunin at regulasyon. 


Ang mga kalamidad, sakuna, sitwasyon ng krisis at iba pang uri ng emergency ay maaaring pang nasyunal o lokal ang saklaw, gaya ng rehiyon, probinsiya, lungsod o munisipyo, barangay, at sa lebel ng komunidad. 


Sakop ng pagpapaliban ng pagbabayad ay ang lahat ng uri ng bayarin, kasama ang interes, at iba pang mga singil sa mga pautang para sa higher education at technical-vocational education and training na natamo ng mga mag-aaral hanggang 30 araw pagkatapos ng deklarasyon ng state of calamity o estado ng emergency. 


Kasama naman sa mga kondisyon para sa pagbibigay ng pagpapaliban sa pautang ng mag-aaral ang deklarasyon ng state of calamity o emergency; ang lugar kung saan pansamantala o permanenteng naninirahan ang estudyante ay apektado ng isang sakuna, kalamidad, emergency, o crisis situation; at ang nasabing mag-aaral o ang kanyang pamilya ay nagtamo ng pinsala o pinsala sa pananalasa ng naturang kalamidad, sakuna, emergency o krisis. 


Sa loob ng animnapung araw mula sa pagiging epektibo ng batas, ang Commission on Higher Education at ang Technical Education and Skills Development Authority, sa pagsangguni sa Philippine Association of State Universities and Colleges, the Association of Local Colleges and Universities, the Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines at iba pang kahalintulad na institusyon at iba pang mga non-government stakeholder ay dapat maglabas implementing rules and regulations.


Magiging epektibo ito matapos ang 15 araw mula sa araw na nailathala ito sa Official Gazette o pahayagan na general circulation.


Pinag-isa ng bagong batas ang House Bill No. 9978 at Senate Bill No. 1864. (END)

@@@@@@@@@


Ligtas Pinoy Centers Act proteksyon ng publiko laban sa kalamidad – Speaker Romualdez


Kumpiyansa si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na malaki ang maitutulong ng Ligtas Pinoy Centers Act na nilagdaan ngayong araw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. upang maging batas para mabigyan ng proteksyon ang mga Pilipino sa kalamidad.


Sa ilalim ng bagong batas ay itatatag ang mga fully-equipped evacuation centers sa lahat ng lungsod at bayan sa buong bansa na magsiisilbing pansamantalang matutuluyan ng mga pamilyang maaapektuhan ng bago o pagbaha.


“When these shelters are built, people will be aware of where to go when they need to evacuate. The centers will have the necessary facilities and supplies for them,” ani Speaker Romualdez, na pangunahaing may-akda sa Kamara de Representantes ng Ligtas Pinoy Centers Act. 


Napapanahon aniya ang pagsasabatas ng panukala lalo ay lumalakas at mas mapanira na ang mga tumatamang sama ng panahon dahil sa climate change.


“We should have prepared for this eventuality years ago because we are visited every year by at least 20 typhoons. But it’s still not too late to prepare and we should start building the needed evacuation centers soon,” dagdag niya.


Binigyang diin naman ni Speaker Romualdez ang kahalagahan na mailikas ang mga pamilya bago pa dumating ang isang malakas na bagyo.


Kasama sa panuntunan ng pagtatayo ng mga evacuation centers ang mga sumusunod:


1. Itatayo sa istratehikong bahagi ng lungsod o bayan hindi maa-isolate at may sapat na distansya mula sa danger areas;


2.  kailangan na ito ay disaster-resilient, at itinayo gamit ang matitibay na materyales para makayanan ang bagyo na may lakas ng hangin na  300 kilometers per hour at lindol na may lakas na  8.0 magnitude;


3.  magkakaroon ito ng tamang bentilasyon at sasapat para sa inaasahang bilang ng evacuees batay sa populasyon ng naturang lungsod o bayan;


4.  mayroon ito dapat na: sleeping quarters; hiwalay napaliguan at palikuran para sa mga babae at lalake (isa para kada  20 babae at lalake, at isa para sa kada walong ma kapansanan o nakatatanda);


5.  pagkakaroon ng kusina, food preparation at kainan;


6.  lugar para sa pagtatapon ng basura, wage segregation;


7. Health care areas, na may kasamang  isolation o quarantine area;


8.  Recreation area


9.  Rain harvesting at collection system;


10.  reserbang kenerhiya para sa pailaw at oeprasyon ng medical at  communication equipment;


11.  Powerhouse at water pumping facilities; at


12. imbakan ng pagkain at iba pang non-food item.


Ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ang magiging tagapagpatupad ng batas.


Inaatasan ang konseho na bumuo ng listahan ng mga siyudad at bayan na prayoridad para sa evacuation centers depende sa pagiging lantad nila sa panganib at kakayanan na i-host ang naturang pansamantalang mga tuluyan.


Ang lungsod o bayan na iyon ang magiging responsible sa pamamahla at operasyon ng  centers.


Ang Department of Public Works and Highways naman ang magpapatayo ng naturang evacuation centers gamit ang muna ang kanilang sariling pondo, na kalaunan ay isasama na sa taunang pambansang budget.


Maglalabas ang NDRRMC, katuwang ang iba pang ahensya ng gobyerno at pribadong ahensya, ng implementing rules and regulations para sa pagpapatupad ng bagong batas. (END)

@@@@@@@@@&


Matapos lumabas na gawa-gawa lang si Mary Grace Piattos:

Rekord ng 677 iba pang tumanggap ng confidential fund ni VP Sara ipinakakalkal sa PSA



Sumulat ang House Committee on Good Government and Public Accountability sa Philippine Statistics Authority (PSA) upang ipahanap kung mayroong rekord ang 677 na nakalistang tumanggap ng confidential fund ni Vice President Sara Duterte.


Ang sulat ay ipinadala ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua, chairman ng komite, kay National Statistician Claire Dennis Mapa matapos lumabas na walang rekord sa database ng PSA si “Mary Grace Piattos,” na isa sa nakatanggap ng confidential fund batay sa isinumiteng acknowledgment receipts (ARs) ng Department of Education sa Commission on Audit (COA).


Noong Miyerkoles, sinabi naman ni SA Assistant National Statistician Marizza Grande na ang ahensya ay walang rekord ng isang Kokoy Villamin na isa rin umano sa mga nakatanggap ng confidential fund ni Duterte batay sa isinumite nitong AR sa COA ng DepEd at Office of the Vice President (OVP).


Batay sa dalawang AR na natanggap ng COA, bagamat magkapareho ang pangalan ay magkaiba ang pagkakasulat at pirma nito.


Ang mga AR ay isinumite ng DepEd at OVP upang bigyang katwiran ang paggastos nito ng kabuuang P612.5 milyong confidential funds mula Disyembre 2022 hanggang Setyembre 2023.


“May we request for the verification of the Civil Registry Documents (birth, marriage, and death) of the names in the attached list relative to the investigation being conducted by the Committee,” sabi ni Chua sa sulat na may petsang Disyembre 5.


Ayon sa PSA walang birth, marriage, o death records i Piattos sa kanilang database.


“This is deeply troubling. If Mary Grace Piattos doesn’t exist in official records, we have to question whether the other 677 names are legitimate or if they are part of a wider scheme to misuse funds,” sabi ni Chua.


Binigyang diin ni Chua ang kahalagahan na malaman ang katotohanan sa likod ng mga AR na isinumite ni Duterte sa COA sa pagtiyak na nagastos ng tama ang pondo.


“If even one peso was spent improperly, it is our responsibility to find out and hold those responsible to account,” giit ni Chua.


Napukaw ng pangalang “Mary Grace Piattos” ang atensyon ng mga kongresista sa isinagawang imbestigasyon dahil katunog ito ng pangalan ng isang restaurant at isang brand ng potato chips.


“Ensuring the authenticity of these recipients is crucial for maintaining transparency and accountability in the use of public funds. We are committed to uncovering the truth behind these transactions,” sabi pa ni Chua.


Ayon kay Chua ang resulta ng pagsusuri ng PSA ay magiging mahalagang bahagi ng kanilang isinasagawang imbestigasyon. (END)


@@@@@@@@@@@


PH dapat bumalik sa ICC- Rep Luistro


Itinulak ni Batangas Rep.  Gerville “Jinky Bitrics” R. Luistro ang pagbalik ng Pilipinas bilang kasapi ng International Criminal Court (ICC). 


Ginawa ni Luistro ang pahayag matapos na manawagan kamakailan ang European Union (EU) na pag-isipan ng bansa ang ginawang pag-alis nito sa ICC noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.


“There must be a court of last resort - which will complement domestic courts - that will investigate and, where warranted, try individuals charged with the gravest crimes of concern to the international community, namely: genocide; war crimes; crimes against humanity; and the crime of aggression,” ani Luistro sa isang pahayag,


Ang pagbabalik sa ICC, ayon kay Luistro ay sang-ayon sa hustisya at pagpapanatili ng karapatang pantao at makataong dignidad.


“It is imperative for the Philippines to take an unqualified position in its membership in the ICC, not to mention that these commitments are anchored on values that are parallel with that of the Philippines, as enshrined in the Bill of Rights of the 1987 Philippine Constitution,” sabi ng lady solon.


Ayon sa kongresista ang ginawang pagkalas ng Pilipinas sa ICC noong 2019 ay isang nakalulungkot na desisyon.


“It sent the wrong message to the international community that we were unwilling to uphold the protection and promotion of human rights, which should be inherent to every individual, and displayed the fragility of our democratic institutions,” sabi ng mambabatas.


“At its core, the withdrawal from the ICC signified to our people that our Government’s commitment to international treaties, more importantly to our domestic laws, is malleable enough and can be distorted to the whims of a select few,” dagdag pa ni Luistro.


Ang pagbalik umano ng Pilipinas sa ICC ay isang pagkilala ng bansa sa pagkakaroon ng hustisya at pagpapanagot sa mga may sala.


“We are a nation of laws, not a nation of men,” wika pa ni Luistro. Rejoining the ICC would reaffirm the country's commitment to international norms and strengthen its legal framework in holding perpetrators of grave crimes accountable–that, regardless of their status, economic standing, or power, no one is above the law.” (END)

@@@@@@@@@@@@@


Rep Garin isinisi sa dating pinuno ng DOH pag-expire ng bilyong halaga ng mga bakuna



Isinisi ni House Deputy Majority Leader Janette Garin sa pinuno ng Department of Health (DOH) noong administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkasira ng bilyun-bilyong halaga ng bakuna at medical supplies na binili ng gobyerno.


Ayon sa inilabas na ulat ng Commission on Audit kaugnay, mahigit P11 bilyon halaga ng mga gamot at medical supplies ang nag-expire kabilang dito ang 7,035,161 botelya ng mga bakuna laban sa COVID-19.


"Itong mga nangyari at nakita ng COA ay dahil sa weak leadership at management ng Department of Health noong nagdaang administrasyon," ani Garin, na isa sa mga kinatawan ng Iloilo.


Ayon pa kay Garin, na dati ring naging kalihim ng DoH, maaaring iwasan na maaksaya ang mga bakuna at gamot sa pamamagitan ng pagsubaybay sa dami ng suplay at paggamit ng mga medical supplies ng tama.


"Kung sino ang program director, pagkabili ng mga bakuna at gamot, obligasyon mong ipagamit kaagad at i-monitor ito," ayon sa mambabatas, idinagdag pa niya na ang mga direktor ng programa na hindi kayang mag-monitor at mag-distribute ng maayos ng mga medical supplies ay dapat sibakin sa kanilang puwesto.


"Doon sa warehouse, imbentaryo sila ng imbentaryo, dapat doon may accountability kung sino ang implementing department ng DOH. Dapat may close coordination na kapag binili na dapat nang gamitin hindi kung kailan pa-expire na ay doon pa lang magkakandarapa na i-implement," ayon pa kay Garin.


Kamakailan lang ay pinuna rin ni Garin si Health Secretary Ted Herbosa sa kakulangan ng mga bakuna na maaaring nagresulta sa pagkasawi ng ilang indibidwal. 


"Ang dami ngayong namamatay sa pertussis, stock out kayo sa bakuna. Ang dami ngayong may mga bulate, ang dami niyong mga nag-eexpire na praziquantel. Ang dami niyong mga binibiling gamot, nililibing siya kasi nag-eexpire," ayon pa sa dating health secretary.


Noong 2023, iniulat din ng COA na ang kabuuang halaga ng mga gamot at iba pang imbentaryo ng DOH ay umabot sa P7.43-B. Kasama sa halagang ito ang mga gamot na nasira, malapit nang mag-expire, o mga gamot na nag-expire na. (END)

@@@@@@@@@@@@@


Inisyatiba ni PBBM para sa pagbangon ng Marawi, pinuri ni Speaker Romualdez 



Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez nitong Biyernes ang mga hakbang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para sa rehabilitasyon ng Marawi City kabilang ang pagtatatag ng Office of the Presidential Adviser for Marawi Rehabilitation and Development (OPAMRD) sa ilalim ng Executive Order (EO) No. 78.


Ayon kay Romualdez, ang pagtatayo ng OPAMRD ay isang mahalagang hakbang tungo sa muling pagbangon ng Marawi at sa pagtiyak na maipatutupad ang mga programa para sa kapakanan ng mga apektadong residente ng lungsod.


Kasabay nito, binigyang-diin ng pinuno ng 307-miyembro ng Kamara de Representantes ang mga hakbang na isinagawa ng kanyang kapulungan upang mapabilis ang rehabilitasyon ng Marawi City mula sa pinsalang dulot ng 2017 Marawi siege, kabilang na ang taunang alokasyon sa pambansang badyet ng hindi bababa sa P1 bilyon para sa iba’t ibang proyekto at programa.


Sinabi ni Speaker Romualdez na ang mga pagsisikap ni Pangulong Marcos ay sumasalamin sa matinding dedikasyon ng administrasyon na lutasin ang mga matagal ng isyu na nagpabagal sa tuluyang pagbangon ng Marawi City at mga kalapit nitong komunidad.


Ayon sa lider ng Kamara ang paglikha ng OPAMRD ay isang makabuluhang hakbang upang matiyak na ang mga pagsisikap para sa pagbangon at rehabilitasyon ng Marawi ay hindi lamang mapalalakas kundi mapabibilis at mas magiging maayos.


“It is a demonstration of President Marcos’ sincerity in delivering on his promise to the people of Marawi and the entire Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM),” saad nito.


Ipinunto niya na sa bahagi ng Kamara, ang tiniyak na mula sa simula ng rehabilitasyon ng Marawi ay may sapat na pondo at may mga nakatakdang mekanismo ng pangangasiwa at pagsubaybay.


Kabilang sa mga ginawang hakbang ng Mababang Kapulungan ang mga sumusunod: 


1.Ang taunang alokasyon para sa Bangon Marawi Comprehensive Rehabilitation and Recovery Program, na nakatuon sa mga proyektong pabahay, imprastruktura, at kabuhayan para sa mga pamilyang nawalan ng tirahan. Ang mga alokasyong ito ay masusing sinusuri upang matiyak ang transparency at pananagutan.


2. Pinalakas na Pagsubaybay sa mga Pondo para sa Rehabilitasyon - Nagdaos din ang Kamara ng maraming pagdinig at imbestigasyon upang matiyak na ang mga pondong inilaan para sa rehabilitasyon ng Marawi ay nagagamit nang maayos. Muling iginiit ni Speaker Romualdez ang pangako ng Kongreso na isagawa ang tungkulin nito sa pangangalaga upang maiwasan ang pagkaantala, maling pamamahala, o katiwalian.


3. Suporta sa mga Proyektong Pang-Lokal ng BARMM - Sa pagpapahalaga sa mahalagang tungkulin ng pamunuan ng BARMM at mga lokal na pamahalaan sa rehabilitasyon ng Marawi, nakipagtulungan ang Kongreso upang pagtugmain ang mga pambansang at pang-rehiyong hakbang, lalo na sa mga proyekto sa imprastruktura, serbisyong panlipunan, at mga programa para sa kapayapaan.


Sinabi ni Speaker Romualdez na bagamat may mga pag-usad na, patuloy pa rin ang mga hamon, kabilang na ang pagkaantala sa mga pangunahing proyektong pang-imprastruktura, pagbibigay ng permanenteng pabahay, at pagbabalik ng mga kabuhayan. 


Ayon sa kaniya, ang pagbuo ng OPAMRD ay naglalayong tugunan ang mga isyung ito sa pamamagitan ng paglikha ng isang centralize authority na magsasama-sama ng mga hakbang ng gobyerno at tinitiyak na ang lahat ng mga programa ay nakaayon sa pangangailangan ng mga apektadong komunidad.


“The people of Marawi deserve a rehabilitation process that is efficient, transparent and inclusive. By creating OPAMRD, President Marcos has ensured that these objectives are prioritized,” saad pa ng mamababatas.


Hinimok din ng pinuno ng Kamara ang pakikilahok ng mga lokal na stakeholder, pribadong sektor, at civil society, na ayon sa kanya ay mahalaga sa ikatatagumpay ng OPAMRD. 


“We must involve the people of Marawi every step of the way. Their voices, their aspirations, and their experiences must shape the path forward,” giit pa nito.


“The rehabilitation of Marawi is not just about rebuilding structures - it is about restoring dignity, hope, and opportunity to our fellow Filipinos. Let us work together to ensure that Marawi’s story becomes one of resilience and triumph over adversity,” ayon pa sa kongresista.


Ipinahayag din ni Speaker Romualdez na ang Mababang Kapulungan ay maglalaan ng mga kinakailangang pondo at magpapasa ng mga kaukulang batas upang palakasin ang mga hakbang ng OPAMRD.


Makikipagtulungan din umano ito sa Executive branch at pamunuan ng BARMM upang matiyak na ang programa sa rehabilitasyon ay makakatugon sa mga pangangailangan ng mga mamamayan ng Marawi. (END)


@@@@@@@@@@@@


Salu-salo sa Palasyo, walang kinalaman sa impeachment complaint laban kay VP Sara — House leader 



Pinabulaanan ng isa sa mga lider ng Kamara de Representantes ang espekulasyon na may kinalaman sa mga impeachment complaint na inihain laban kay Vice President Sara Duterte ang ginanap na hapunan sa Malacañang kung saan nagsama si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ R. Marcos Jr. at ang mahigit 200 kongresista.


Ayon kay House Deputy Majority Leader at La Union 1st District Rep. Paolo Ortega V matagal nang naplano ang naturang salu-salo na layong palakasin ang pagkakaisa at pagpapakita ng suporta para sa administrasyon ni Pangulong Marcos.


“Wala pong kahit anumang katotohanan ang mga lumabas o na-speculate o iniisip ng ibang tao. [‘Yun po ay] sobrang simple na salo-salo lang at ang highlight ay nung prinesinta ang resolution of support ng House,” sabi ni Ortega sa isang pulong balitaan. 


“Karamihan nga po ng nabasa ko sa Twitter, kabaliktaran po ng totoong nangyari,” dagdag niya. 


Sabi pa ni Ortega, halos dalawang taon nang ikinakasa ang pagtitipon ngunit laging hindi natutuloy dahil sa problema sa schedule. 


“Noong kakaupo po ng ating Pangulo, noong first six months niya actually, he met with the Solid North congressmen. Last year, ang alam ko, we tried to schedule a meeting with the President na parang salo-salo, not necessarily a Christmas dinner lang, pero hindi po natuloy. Siyempre napaka-hectic ng schedule,” paliwanag ni Ortega . 


Ginanap ang salu-salo nitong Disyembre 4 na nagsimula alas-sais ng gabi. Dumating si Pangulong Marcos bandang 6:30 ng gabi.


Nagkaroon aniya ng pambungan na mensahe si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez at saka iprinisenta ang resolusyon na naghahayag ng suporta ng Mababang Kapulungan ng Kongreso na inaprubahan ng Kamara. 


“The President was very touched at dala malaking bagay sa kanya na may suporta po sa kanya ang House of Representatives,” ani Ortega na ibinahagi rin na tumagal lang ng halos isang oras ang hapunan at kuwentuhan. 


Ang resolution of support ng Kamara ay simbolo ng kanilang pakikiisa sa Pangulo lalo na sa gitna ng mga pagbabanta ang hamon. 


Hindi na aniya bago ang ganitong mga resolusyon sa lokal na lebel kaya't mas signipikante aniya na pinagtibay ito para sa Pangulo. 


“Sa local government nga po ‘pag may resolution of congratulations dinadala pa namin sa pinagbibigyan namin. E ano pa po kung Pangulo ang binigyan ng resolution of support? Siyempre may weight din po ‘yun,” punto niya 


Matatandaan na sinabi ni Vice President Duterte na mayroon itong kinausap na indibidwal para patayin sina Pangulong Marcos, First Lady Liza Araneta-Marcos, at Speaker Romualdez kung siya man ay mamamatay.


Dahil naman dito ay pinaigting ang security protocol para sa Pangulo at mas naging mapanuri naman ang publiko sa kaniyang mga galaw at motibo. 


Binigyang diin ni Ortega na walang halong politika ang naturang hapunan at walang pag-uusap tungkol sa mga impeachment complaint na inihain laban kay Duterte. 


“Hindi nga po napag-usapan ‘yung pulitika. More on ang nasabi ng ating Pangulo, kung ano ang mga trabaho na ginagawa ng legislative at ng executive, magtrabaho lang tayo,” he said. 


Nang matanong naman inulit muli ng Pangulong Marcos ang naunang apela sa mga mambabatas na huwag suportahan ang naturang mga reklamo, tumugon si Ortega,  “Wala po.” 


Nahaharap si Vice President Duterte sa dalawang impeachment complaint dahil sa akusasyon ng pangwawaldas ng  ₱612.5 million na confidential funds at ang pagbabanta sa Presidente at iba pang opisyal. (END)

@@&&&&&&&&&&&&&&&&@&@



Kawalan ng rekord ni ‘Mary Grace Piattos' sa PSA hindi na nakakagulat— Rep Ortega


Hindi na nagulat si House Deputy Majority Leader at La Union 1st District Rep. Paolo Ortega V sa pagkumpirma ng Philippine Statistics Authority (PSA) na walang rekord sa kanilang database si “Mary Grace Piattos,” isa sa mga sinasabing nakatanggap ng confidential fund ni Vice President Sara Duterte. 


Sabi ni Ortega na inaasahan na nito ang naging resulta ng pagsusuri ng PSA dahil na rin sa kwestyunableng mga pangalan na pinagbigyan umano ng confidential funds ng Office of the Vice President (OVP)  at Department of Education (DepEd) na dating pinamunuan ni Duterte.


“Hindi na tayo nagulat dun sa Mary Grace Piattos,” ani Ortega sa isang pulong balitaan sa Kamara de Representantes ngayong Huwebes.


Bago pa inilabas ng PSA ang resulta ng paghahanap nito, nag-alok ng P1 milyong pabuya ang House Good Government committee sa kung sinuman ang makapagtuturo o makapagbibigay ng impormasyon para mahanap si Mary Grace Piattos.


“Sayang lang po ‘yung pabuya, hindi na makukuha kasi wala naman po talagang Mary Grace Piattos,” ipinunto ni Ortega  na binigyang diin din na walang saysay ang paghahanap sa isang gawa-gawang tao. 


Nakapukaw ng atenyon ng publiko ang pangalang “Mary Grace Piattos,” na pinagsamang pangalan ng isang kainan at brand ng sitsirya,  nang lumabas ito sa isa sa mga acknowledgment receipts (ARs) na isinumite ng OVP sa Commission on Audit. 


Ginamit ito para bigyang katwiran ang paggasots sa  P500 million na confidential funds noong huling quarter ng 2022 at unang tatlong quarter ng 2023. Hiwalay pa ito sa P112.5 million na  confidential funds ng DepEd noong si Duterte pa ang kalihim. 


Hinihintay naman aniya ng House Committee on Good Government and Public Accountability o Blue Ribbon Committee, ang beripikasyong sa iba pang pangalan sa AR kasama na ang  “Kokoy Villamin.” 


Lumabas ang lagda ni Villamin sa mga AR sa OVP at DEPED na kinuwestyon at pinagudadahan dahil sa maraming pagkakaiba.



“Si Kokoy na lang ang isa pang inaantay din. Pero with the development nga po ni Mary Grace Piattos, malamang sa malamang baka ganun din po ‘yung resulta,” ani Ortega sabay dagdag na maaaring peke rin ang iba pang pangalan na ginamit. 


Nanawagan na si Ortega sa PSA na suriisn ang lahat ng pangalan sa mga isinumiteng AR ng OVPat DEPED sa kanilang paggamit ng confidential fund. 


Nagpalabasna ng sertipikasyon ang PSA na walang birth, marriage o death record si Piattos. 


Nagbabala si Ortega sa paggamit ng mga gawa-gawang personalidad sa mga opisual na dokumento na senyales ng matagal ng panloloko at pagdududa sa integridad ng mga pinansyal na transaksyon ng OVP sa paggamit ng confidential funds. 


Nagpapatuloy ang House Blue Ribbon Committee sa imbestigasyon at pagsusuri sa higit  4,000 na AR  na isinumite ng OVP at DEPED sa Commission on Audit upang bigyang-katwiran ang kanilang paggastos.


Nakatuon ang pagiimbestiga sa alegasyon ng maling pamamahala ni Vice President Sara Duterte may P612.5 milyong confidential funds partikular ang iregularidad sa paggamit nito.(END)

@@@@@&&&&&&&&&


Panggigipit ng China bahagi ng diversionary tactic? ‘Minsan di mo maiwasang mag-isip’ – DML Ortega 


Napaisip ang isang mambabatas sa ‘timing’ ng ginagawang panggigipit ng China sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas sa West Philippine Sea, na posible umanong isang hakbang upang i-divert ang atensyon ng publiko mula sa mga isyung pampulitikal.


Sa press briefing sa Kamara de Representantes, sinabi ni House Deputy Majority Leader at La Union Rep. Paolo Ortega V, na ang mga ulat ng muling pambobomba ng tubig ng mga barko ng China sa mga barko ng Philippine Coast Guard at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources sa Bajo de Masinloc, ay sinadya upang takpan ang ingay kaugnay ng impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.


“Medyo tahimik sila nung mga nakaraang araw pero syempre kino-condemn natin yung mga ganyan,” ayon kay Ortega said, na tinutukoy ang paulit-ulit na pangha-harrass ng barko ng China sa mga mangngisdang Pinoy at PCG.


Tiniyak naman ng mambabatas ma kailangan ng patuloy na pagsisikap sa pagtatanggol ng soberanya ng Pilipinas.


“Patuloy po nating ginagawa pa rin ‘yung mga hakbang natin na nire-report natin, kino-condemn natin. Patuloy pa rin yung mga military exercises natin sa ating mga borders,” dagdag pa nito.


Gayunman, duda si Ortega sa tiyempo ng bagong insidente.


“Minsan parang may pattern. Nakakapagtaka din minsan na parang may konting iringan tsaka kaguluhan dito sa lupa pero sa dagat meron din,” saad nito. 


Posible aniya na may kaugnayan ang mga lokal na tensiyon sa politika at ang mga pandaigdigang insidente na kinasasangkutan ang China.


Ipinahayag ng kongresista ang kanyang pagkabahala hinggil sa mga tagasuporta ng China at ang kanilang posibleng impluwensya sa pagbuo ng mga naratibo. 


“Binu-bully din ng mga nananakop ‘yung ating mga coast guard tsaka ‘yung mga mangingisda doon… lalo kung may mga pro-China tayo na mga advocates, saka mouthpiece,” ayon kay Ortega. 


Bagama’t hindi matiyak ang hinala, sinabi niyang ang sitwasyon ay tila “nagkakasabay” sa ilang mga sitwasyon.


Ang mga kamakailang hakbang ng China ay tumutugma sa pag-init ng tensyon sa politika sa Pilipinas, habang ang mga talakayan ukol sa mga pambansang polisiya at ugnayang panlabas sa China ay patuloy na namamayani sa mga usaping pambansa. 


“Minsan, pag binasa mo po yung mga comments sa social media, yung mga articles, parang ganun po patungo eh,” giit ni Ortega.


Ayon kay Ortega, ang tiyempo ng mga insidenteng ito ay madalas ay mapapaisip na maaring may pagkakaugnay.


Paglilinaw naman ni Ortega na kaniyang hinala ay hindi isang akusasyon.


“Pero what I’m saying is na minsan, di mo maiwasang mag-isip eh,” saad nito. 


Patuloy ang ginagawang pangilgipit ng China sa mga pinagtatalunang teritoryo, kabilang na ang West Philippine Sea, sa kabila ng pandaigdigang pagkondena.


Sa pinakahuling ulat, mas higit na agresibo ang mga Chinese vessels sa mga mangingisdang Pilipino at mga awtoridad sa dagat, na lalong nagpapalala ng tensiyon sa pagitan ng dalawang bansa.


Binanggit din ni Ortega ang pandaigdigang konteksto ng isyu, lalo na ang pakikibahagi ng Pilipinas sa mga joint military exercises kasama ang Estados Unidos at mga kalapit-bansa. 


“We have to look at the greater scheme of things na hindi lang naman po yata ‘yung politika sa lokal ang may konting iringan. Meron din pong konting tensyon sa global scene,” ayon sa kongresista.


Umaasa naman ang kongresista na nawa ay hindi totoo ang kaniyang mga hinala.


“Sana mali ako,” pahayag pa ng mambabatas.


Gayunman, sinabi ni Ortega ang kahalagahan ng pagiging mapagmatyag at patuloy na pagkilos upang maprotektahan ang soberanya ng bansa.


“We still continue what we’re doing. Andyan naman po ang ating navy and nandyan naman po ang ating coast guard… ituloy po natin kung ano yung ginagawa natin.” (END)

@&&&&@@@&&@&&&&


Pagsuporta ng Kamara kay PBBM isang simbolo ng pagkakaisa ng bansa laban sa anumang mga banta



Pinagtibay ng Kamara de Representantes, sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, ang buong suporta nito kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos, Jr. na isa umanong simbolo ng soberanya ng bansa at nangako na gagamitin ang kanilang kapangyarihan upang labanan ang anumang pagtatangkang guluhin ang gobyerno at sirain ang liderato ng Punong Ehekutibo.


Ang deklarasyon ng pakikiisa ay idineklara sa isang Manifesto of Support kay Pangulong Marcos na inihain ng mga mambabatas sa pangunguna ni Speaker Romualdez noong Miyerkoles ng gabi sa Christmas fellowship sa Malacañang. 


Ito ay naganap sa gitna ng mga banta sa buhay ng Punong Ehekutibo mula kay Vice President Sara Duterte at ng panawagan ng kanyang kampo para sa pagkilos laban sa administrasyon.


“Guided by the Philippine Constitution as the supreme law of the land, we, the Members of the House of Representatives of the Republic of the Philippines, reaffirm our unwavering commitment to defend the democratic institutions and sovereignty of our nation,” ayon sa manifesto. 


Binigyang-diin nito ang pagkakaisa ng mga mambabatas sa pagtatanggol ng mga prinsipyo ng demokrasya at katatagan ng bansa. Ipinahayag ng mga miyembro ng Mababang Kapulungan ang kanilang katapatan kay Pangulong Marcos, na inihalal ng 31 milyong Pilipino – ang pinakamataas na mandato na natamo ng sinumang pangulo sa kasaysayan ng bansa. 


“The Philippine Constitution entrusts us with the solemn duty to protect the nation from threats – both internal and external – that seek to undermine our independence, security and democracy. Recognizing the significant challenges facing the President and his administration, we unite in declaring our firm support for the President and his vision for a Bagong Pilipinas,” saad pa sa manifesto.


Ang manifesto of support ng Mababang Kapulungan ay nilagdaan ni Speaker Romualdez, Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe, Agusan del Norte Rep. Jose “Joboy” S. Aquino II, Sekretaryo Heneral ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD); Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, Pangulo ng National Unity Party (NUP); Rizal Rep. Michael John R. Duavit, Pangulo ng Nationalist People’s Coalition (NPC); Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, Isang Kasapi ng Nacionalista Party (NP); San Jose del Monte Rep. Florida “Risa” Robes, Kasapi ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP); at Navotas Rep. Tobias “Toby” M. Tiangco, Pangulo ng Partido Navoteño.


Ipinagkaloob din ng mga pinuno ng Mababang Kapulungan kay Pangulong Marcos ang kopya ng Resolution No. 277, na pinagtibay bilang House Resolution (HR) No. 2092, na may titulong, “Expressing

the unwavering and unqualified support and solidarity of the House of Representatives to the leadership of His Excellency, President Ferdinand R. Marcos Jr., and the Honorable Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez in the face of serious and dangerous remarks and defiant acts that threaten the very foundation of democratic governance, rule of law, and public trust and integrity of government institutions.”


Sinasaad sa manifesto, na nagtatakda ng limang pangunahing prinsipyo at mga pangako bilang suporta kay Pangulong Marcos at sa kanyang administrasyon.


Una, binigyang-diin nito ang pagtatanggol sa Pangulo bilang simbolo ng soberanya ng bansa, na nagsasabing, “The Constitution vests executive power in the President, making him the embodiment of the people’s will and the nation’s unity. Any threat against the President is a threat against the Republic. We shall remain vigilant and resolute in ensuring his safety and the stability of his administration.”


Pangalawa, binigyang-diin nito ang kahalagahan ng pagpapatibay ng pangingibabaw ng batas at demokratikong pamamahala, na nagsasabing, “The Constitution enshrines the principles of democracy, justice and the rule of law. We categorically condemn any attempts to destabilize the government or subvert the administration’s programs aimed at advancing national progress.”


Pangatlo, muling itinaguyod ng manifesto ang pangako na protektahan ang bansa mula sa mga panloob at panlabas na banta, “As mandated by the Constitution, we commit to mobilizing all legislative resources to safeguard the Republic against threats to its independence, security and peace. We will support initiatives that strengthen national defense, public order and social stability.”


Pang-apat, binigyang-diin nito ang kahalagahan ng pagkakaisa ng lehislatura para sa kapakanan ng bansa, “We recognize that unity among branches of government is critical to achieving national goals. Guided by constitutional principles, we will work in partnership with the President to pass laws that address the most pressing concerns of our people.”


At panghuli, tinitiyak ang Mababang Kapulungan na maipatutupad ang mandato ng Pangulo, “In accordance with the Constitution, we pledge to protect the integrity of the President’s mandate, enabling him to lead the country effectively toward sustainable development, good governance, and genuine reform.”


Ang mga prinsipyong ito ay nagpapalakas ng buong suporta ng Kamara sa pamumuno ng Pangulo at ang pangako nitong protektahan ang mga demokratikong institusyon at soberanya ng bansa.


Sa manifesto, kinondena ng Mababang Kapulungan ang mga pagtatangkang pabagsaki n ang gobyerno at binigyang-diin ang tungkulin sa pagsuporta sa administrasyon ni Pangulong Marcos.


“At all costs, we will stand united with President Ferdinand R. Marcos, Jr. to uphold and defend the Constitution, ensure the welfare of our people and safeguard the future of our nation.”


“We, the Members of the House of Representatives, solemnly affirm that our collective strength lies in the unity of purpose, fidelity to our democratic principles, and unwavering commitment to serve the Filipino people.”


“Together, let us rally behind our President to protect and preserve the gains of democracy as we build a stronger, more united and more prosperous Republic.” (END)

@@&&&&@&&&&&&&&&


Panawagan ni SP Chiz sa mga senador na iwasang magkomento sa impeachment sinuportahan



Sinuportahan ng isang lider ng Kamara de Representantes noong Huwebes ang panawagan ni Senate President Francis “Chiz” Escudero sa mga senador na iwasan ang pagbibigay ng pahayag sa publiko kaugnay ng impeachment complaint na inihain laban kay Vice President Sara Duterte.


Sinabi ni Deputy Majority Leader at La Union 1st District Rep. Paolo Ortega V na makabubuti na maiwasan na magmukhang may hatol na ang mga senador bago pa man mabasa ang reklamo at makita ang mga ebidensya.


“Tama po ’yun. Actually, nakikiisa po tayo sa statement ni Senate President Chiz,” ani Ortega sa isang press conference sa Kamara de Representantes.


“Kasi wala naman pong judge na sasabihin niya na pabor siya o hindi pabor sa ganitong kaso. Kahit saan pong judiciary kayo pumunta, wala pong judge na pupunta sa social media o kaya man lang sa publication na sasabihin niya na hindi ako pabor sa ganito, hindi ako pabor sa impeachment, pabor ako sa—wala pong gumagawa noon,” sabi nito.


Iginiit ni Ortega ang kahalagahan ng apela ni Escudero.


“Kaya nga nagbigay ng word of caution si Senate President. At tama naman po, ’yun naman po dapat ang gawin na, if ever it reaches the Senate,” sabi pa ng kongresista.


Dalawang impeachment complaint na ang inihain laban kay Duterte kaugnay ng mali umanong paggastos nito ng confidential fund na malinaw na pagtataksil sa tiwala ng publiko, at isang krimen.


Sa ilalim ng Konstitusyon, ang Kamara ang mayroong ekslusibong kapangyarihan na simulan ang impeachment.


Kapag nakumbinsi ang one-third ng kabuuang bilang ng mga miyembro ng Kamara na mayroong sapat na batayan ang impeachment, maghahain ito ng kaso sa Senado na siyang magsasagawa ng impeachment trial. (END)

@@@@&&&&@&&&&&&


Walang lobby sa mga miyembro ng House majority bloc para i-impeach si VP Sara



Wala umanong nagla-lobby sa majority bloc ng Kamara de Representantes kaugnay ng impeachment complaint na inihain laban kay Vice President Sara Duterte.


Ayon kay Deputy Majority Leader at La Union 1st District Rep. Paolo Ortega V nakatuon ngayon ang atensyon ng Kamara sa paggawa ng batas.


Sa isang press conference ngayong Miyerkoles sa Kamara, ipinunto rin ni Ortega na ang reklamo ay nasa kamay pa ng Office of the Secretary General.


“Wala pa po. Wala pa pong kahit ano,” sabi ni Ortega. “Talagang sabi ko nga po, we’ve been very focused on the hearings. ‘Yun pa rin po ang goal, ‘yun pa rin po ang thread ng focus namin sa majority.”


Bagamat masasabi umanong sapat na ang mga lumabas na impormasyon at ebidensya sa pagdinig ng Kamara ay hindi pa tahasang napag-uusapan ng majority bloc ang impeachment ni Duterte.


“Hindi pa po namin napag-uusapan as a group and as the majority hanggang ngayon. So never pa namin napag-usapan,” sabi ng solon.


Iniimbestigahan ng Blue Ribbon panel, na ang opisyal na pangalan ay House Committee on Good Government and Public Accountability, ang iregularidad sa paggastos ni Duterte ng confidential funds na may kabuuang halagang P612.5 milyon sa ilalim ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).


Samantala, iniimbestigahan naman ng Quad Comm ang umano’y extrajudicial killings sa pagappatupad ng war on drugs campaign ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, iligal na operasyon ng POGO at kalakalan ng iligal na droga.


“Ang trabaho po namin, we’re constitutionally mandated na aktuhan po ‘yan lalo ’pag na-refer na ‘yan,” saad ni Ortega. 


“Pero ‘yun nga po may proseso pong pagdadaanan ‘yan. Hindi naman po iisang boto lang ‘yan. Boto po ng buong House at ibabato po natin sa Senate, then depende po sa progress ng mga na-file na impeachment complaints,” pagpapatuloy nito.


Isinantabi naman ni Ortega ang espekulasyon na maiimpluwensyahan ng religious organization ang desisyon ng Kamara sa impeachment dahil lahat umano ang sektor ay dapat na pakinggan.


“Lahat, lahat naman po ng sektor. Siyempre po pag policy-driven kayo, legislative ang trabaho niyo, you will consider po lahat ng boses ng lahat ng sektor,” wika pa ni Ortega.


“At the end of the day, kailangan may consensus kasi nga po iisa po ang goal naman natin dito sa House of Representatives—ituloy ‘yung ating mga ginagawang trabaho,” saad pa nito.


Dalawang impeachment complaint na ang inihain laban kay Duterte. (END)

@@&&&&&&&&&


AFP tiniyak katapatan sa Konstitusyon, iniluklok na Marcos gov’t


Muling pinagtibay ng mga matataas na opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang katapatan sa Konstitusyon at sa iniluklok na pamahalaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa kanilang pakikipagpulong kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa Kamara de Representantes noong hapon ng Martes. 


“We commit to the Constitution and the duly-constituted authorities. We will watch your back,” ayon AFP Deputy Chief of Staff Lt. Gen. Jimmy D. Larida, pagtitiyak nito kay Speaker Romualdez sa dedikasyon ng militar at sa kanilang mandato ayon sa Konstitusyon.


Binigyan-diin naman ni Lt. Gen. Ferdinand Barandon, commander ng Armed Forces Intelligence Command, ang propesyonalismo ng militar at ang suporta nito sa mga institusyon ng gobyerno.


“The Armed Forces will remain professional, mission-focused, and always supportive of duly-constituted government,” ayon kay Barandon.


Ang pulong, kung saan kabilang sa mga dumalo ng 17 bagong talagang heneral at senior flag officer, ay nakatuon sa pagsuporta ng pamahalaan sa militar sa pamamagitan ng paglalaan ng karagdagang pondo at welfare programs.


Ipinahayag ni Speaker Romualdez ang kanyang buong suporta sa modernisasyon ng AFP at muling inilahad ang kanyang panukala na magbigay ng ₱350 na subsistence daily allowance para sa mga sundalo. Ang inisyatibo ay bahagi ng direktiba ni Pangulong Marcos na layuning mapabuti ang kalagayan ng mga uniformed personnel.


“Sa bersyon ng 2025 national budget ng Kongreso, naglaan tayo ng pondo para sa ₱350 daily subsistence allowance na ating isinulong alinsunod sa kautusan ni Pangulong Marcos upang matulungan ang ating mga sundalo,” ani Speaker Romualdez. “Kung susuportahan po ng Senado ang ating panukala at madagdagan pa ang pondo, mas maganda para sa kapakanan ng ating mga sundalo,” giit pa ni Speaker Romualdez. 


“Our soldiers are the backbone of our nation’s security and defense. We must ensure they have the resources they need to serve with honor and dedication,” ayon pa sa pinuno ng Kamara.


Panawagan din ng pinuno ng higit sa 300- kinatawan ng Mababang Kapulungan ang agarang pagpapatupad ng mga programa upang itaas ang moral ng mga sundalo, lalo na ang mga nakatalaga sa malalayo at mapanganib na lugar.


Nagpasalamat naman ang AFP delegation kay Speaker Romualdez sa kanyang patuloy na suporta, na anila’y mahalaga sa pagpapalakas ng moral ng mga sundalo, at muling binigyang-diin ang kanilang katapatan sa Konstitusyon at sa pamahalaan.


Dumalo rin sa pulong ang iba pang pinuno ng Kamara, kabilang na sina Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe ng Zamboanga City, Deputy Speaker David “Jay-Jay” Suarez, at Senior Deputy Majority Leader Ferdinand Alexander A. Marcos. 


Nangako silang suportahan ang mga panukalang batas na magpapalakas sa kahandaan ng military operations at mga welfare program.


Sa pagtatapos ng pulong, binigyan diin ni Speaker Romualdez ang kahalagahan ng pagkakaisa at pagtutulungan upang matugunan ang mga pangangailangan ng AFP at epektibong maisakatuparan ang kanilang mandato na pangalagaan ang bansa.


“The House of Representatives will continue to work closely with the AFP leadership to address pressing concerns, including adequate funding for operations, modernization efforts, and the welfare of our men and women in uniform,” ayon pa sa pahayag ni Speaker Romualdez. (END)

&&@@@&&@&&@@&


Matapos aminin ni VP Sara na may kinausap ito para patayin si PBBM, Anti-Solicitation to Murder Act inihain ni Rep Acidre


Inihain ni Tingog Party-list Representative Jude Acidre ang House Bill No. 11166 o ang panukalang “Anti-Solicitation to Murder Act,” matapos aminin ni Vice President Sara Duterte na mayroon itong kinausap upang patayin sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First-lady Liza Araneta-Marcos, at House Speaker Martin Romualdez. 


Ang pag-amin sa publiko ni Duterte, na aniya’y “not a joke,” ay nagdulot ng malawakang kritisismo at kwestyon sa pananagutan sa pinakamataas na posisyon ng gobyerno


“Ang ganitong pahayag ay hindi maaaring balewalain. Kung kaya ito gawin ng basta-basta lang sa pinakamataas na opisyal ng bansa, what is stopping anyone from doing the same sa mga walang kalaban-laban nating kababayan?,” ayon kay Acidre, kasabay ng panawagan sa agarang pagkakaroon ng batas laban sa pang-uudyok ng karahasan. 


Ipinapaliwanag ng panukala na ang "solicitation to murder" ay ang paghimok, paghikayat, o pagpapalakas ng loob sa isang tao upang magsagawa ng pagpatay, direkta o hindi direkta, may bayad man o wala. 


Binigyang-diin ni Acidre na layunin ng panukalang batas na magpataw ng parusa sa solicitation, maisagawa man o hindi ang krimen.


“Ang House Bill No. 11166 ay tugon sa kakulangan ng malinaw na batas laban sa ganitong uri ng karahasan,” giit ni Acidre. “Hindi pwedeng hayaan na ang ganitong klase ng kilos, kahit na mula pa sa pinakamataas na opisyal ng gobyerno, ay walang katapat na parusa.”


Lumala ang kontrobersyang kinakaharap ni VP Duterte, makaraan na ring umalma ang Pangulong Marcos sa kaniyang pahayag kaugnay sa “criminal plot” at maglabas ng subpoena ang National Bureau of Investigation para imbestigahan sa mga posibleng paglabag sa anti-terrorism law. Isinama rin sa mga hakbang ang paghahain ng isang impeachment complaint na nag-aakusa sa Bise Presidente ng ““betrayal of public trust”.”


Ang House Bill No. 11166 ay naglalaman ng mga sumusunod na pangunahing probisyon:

• Proportional Penalties: Ang ‘paghihikayat’ na nagdulot ng pagpatay ay paparusahan ng reclusion perpetua, habang mayroong mas magaan na parusa para sa mga pagtatangkang o nabigong krimen.

• Independent Prosecution: Ang ‘solicitation’ ay maaaring kasuhan nang hiwalay mula sa aktwal na krimen, at maaaring tanggapin sa korte bilang ebidensya ang mga dokumento, recording, o testimonya.

• Civil Liability: Ang mga nagkasala ay kailangang magbayad ng danyos sa mga biktima o kanilang mga pamilya para sa mga moral at halimbawa ng pinsala.


“Public officials must lead by example and uphold the rule of law,” saad pa ni Acidre. “Ang panukalang batas na ito ay magbibigay ng malinaw na mensahe: hindi dapat hayaan na ang pananakot at karahasan ay bahagi ng ating lipunan, lalo na kung ito’y nagmumula sa mga may kapangyarihan.” (END)

@@&&@@@@@@@&&&&


Solon ipinasusuri sa PSA mga pangalan sa resibo ng confidential fund: “Mary Grace Piattos” posibleng hindi nag-iisa


Nanawagan ang isang solon sa Philippine Statistics Authority (PSA) na berepikahin ang lahat ng pangalan sa isinumiteng acknowledgment receipt (AR) ng Office of the Vice President (OVP) sa Commission on Audit (COA) upang bigyang katwiran ang paggastos ng confidential funds ni Vice President Sara Duterte. 


Ginawa ni Deputy Majority Leader at La Union 1st District Rep. Paolo Ortega V ang panawagan matapos sabihin ng PSA na walang rekord ng “Mary Grace Piattos,” sa kanilang database.


Si Mary Grace Piattos ang isa sa sinasabing binbigyan ng confidential fund ni Duterte.


“The revelation that Mary Grace Piattos is a fictitious identity raises serious red flags. The PSA must immediately audit and verify all the names appearing in the ARs submitted by the OVP to the Commission on Audit (COA),” ayon kay Ortega.


Base sa sertipikasyon mula sa PSA, walang rekord ng kapanganakan, kasal, o pagkamatay ang pangalang Piattos. Ang nabanggit na pangalan ay lumabas sa mga acknowledgment receipt (AR) na isinumite sa Commission on Audit (COA) bilang patunay ng gastos mula sa ₱500 milyong confidential funds ng OVP na inilabas sa apat na bahagi mula huling bahagi ng 2022 hanggang 2023.


Sinabi ni Ortega na ang paggamit ng pekeng pangalan ay maaaring isang sistematikong paraan ng panlilinlang.


“This isn’t just an isolated case. If a fabricated name was used to justify millions of pesos in spending, it undermines the integrity of public accountability. It also raises the question: how many more fake names might be buried in those ARs?” saad pa nito.


Hinikayat niya ang PSA na muling suriin ang lahat ng iba pang pangalan sa mga isinumiteng resibo upang matukoy ang posibleng lawak ng mga iregularidad.


“Hindi puwedeng tumigil tayo sa isa lang. The PSA’s findings should serve as a springboard to conduct a deeper investigation. The Filipino people deserve transparency and accountability, especially in the use of public funds,” punto pa ni Ortega.


Nauna nang nagbabala si Assistant Majority Leader at Tingog Party-list Representative Jude Acidre at Bataan 1st District Representative Geraldine Roman tungkol sa posibleng modus ng pamemeke ng mga financial records sa loob ng OVP sa pangangasiwa ni VP Duterte.


Kapwa naniniwala ang mga mambabatas na ang kaso ni Piattos ay “tip of the iceberg” pa lamang sa mas malawak na iregularidad.


Nangangamba rin Ortega na sinabing, “The certification from the PSA opens up a Pandora’s box of potential anomalies.”


“If one name was falsified, it is not unreasonable to suspect that other receipts may also contain fictitious names,” dagdag nito.


Sinegundahan din ni Ortega ang pahayag ni Acidre na ang prinsipyong falsus in uno, falsus in omnibus (mali sa isa, mali sa lahat) ay naaangkop sa mga financial record ng OVP.


“Kung gawa-gawa si Mary Grace Piattos, ano pa ang totoo sa mga dokumentong ito? We need to ensure that every peso spent is accounted for and supported by truthful, verifiable records,” giit pa nito. (END)

&&&@@&&&&&&&&&


Rep Yedda, Villarica pinangunahan inagurasyon ng bagong Women and Children Protection Unit


Pinasinayaan ng Association of Women Legislators Foundation, Inc. (AWLFI) ng 19th Congress, sa pangunguna ng chairperson nitong si Tingog Representative Yedda Marie Romualdez at Bulacan Fourth District Representative Linabelle Ruth Villarica ang bagong Women and Children Protection Unit ng National Center for Mental Health (NCMH) sa Mandaluyong kahapon.


Ang bagong pasilidad ay natapos sa pagsasama-sama at pagtutulungan ng NCMH sa pangunguna ni Director Noel Reyes at ng 86 women legislators katuwang ang lokal na pamahalaan ng Mandaluyong City.


Ang proyekto ay pinondohan ng AWLFI bilang suporta sa Republic Act Number 11036 o ang Philippine Mental Health Law, ang kauna-unahang mental health legislative act sa kasaysayan ng bansa na siyang naglalatag batayn sa paghahatid ng mental health services sa mga bulnerableng sektor ng lipunan.


Sa kanyang talumpati, kinilala ni Villarica, ang pangulo ng AWLFI, si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa kanyang pagtulong upang maipatayo ang bagong gusali.


Dumalo sa inagurasyon sina dating Pangulo at incumbent Pampanga Second District  Representative Gloria Macapagal-Arroyo, Mandaluyong Representative Neptali Gonzales II, Vice Mayor Carmelita “Menchie” Abalos at mga opisyal ng NCMH. Ang blessing ng gusali ay pinangunahan ni Fr. Ernesto Panelo. (END)

@@@@&&&&&₱&₱₱₱&


Barbers tinukuran sa paghiling sa NBI na imbestigahan vloggers, internet trolls na nagpapakalat ng kasinungalingan


Suportado ng Young Guns ng Kamara de Representantes ang paghingi ng tulong ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa National Bureau of Investigation (NBI) upang magtukoy at makasuhan ang mga vloggers na nagpapakalat ngb kasinungalingan laban sa mga miyembro ng House Quad Comm.


Iginiit nina 1-RIDER Party-list Rep. Rodge Gutierrez at House Assistant Majority Leader at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ang kahalagahan na mapanatili ang integridad ng Kamara at upang matugunan ang organisadong pagkakalat ng mga maling impormasyon.


“It seems to be a concerted effort talaga. While freedom of speech is protected under our Constitution, it has to be tempered with responsible practice and use,” ani Gutierrez. 


“Kasi when we’re talking about itong vloggers and social media, you have questions of jurisdiction, you have questions of cyberspace, the issue of anonymity. ‘Yun po ‘yung nakakatakot po dito,” sabi pa nito.


Ipinunto ni Gutierrez ang panganib ng mga kampanyang ito laban sa mga opisyal ng gobyerno.


“We have congressmen and congresswomen who, whether or not it is related to their function, have been receiving threats. They have been receiving anonymous messages, either death threats or threats to their families. It should be something that no one should be subjected to,” sabi ni Gutierrez. 


“Free speech is one thing, but to rely on character assassination is a totally different issue,” dagdag pa nito.


Sinabi naman ni Adiong na kinikilala nito ang pagkakaiba ng mga opinyon na bahagi umano ng demokrasya.


“But unfortunately in this kind of online landscape, we’ve seen troll farms, we’ve seen bloggers, hindi ko naman nila-lahat, who are up for grabs. Sometimes they are being used by political propaganda to malign, discredit a certain perceived enemy,” dagdag pa ni Adiong.


“How can you have a populace with informed decisions kung ang binibigay mo sa kanila ay puro mali, fake and misinformation?” wika pa ni Adiong. “The only way for us to have a healthy space for conversation is to basically agree on facts. Unfortunately, naging subjective ang facts ngayon dahil dun yung karamihan po sa mga trolls, mga troll farms, dinidistort nila ‘yung facts.”


Kapwa nagpahayag ng suporta ang dalawang mambabatas sa pangangailangan na protektahan ang public space.


“If it is proven talaga that these sophisticated schemes are being employed to really target congressmen and congresswomen, not for their personality but for that political purpose, then it must be something that should be acted on po talaga,” ani Gutierrez.


Sabi naman ni Adiong, “We can disagree, but at least disagree on facts. Para sa akin, ako personally, I would support the move of Congressman Chairman Barbers para maprotektahan natin ‘yung magandang spasyo sa pakikipagtalakayan sa publiko.” (END)

&&@@&&@&&&&&&


Pagpapasalamat, at pagninilay panawagan ni Speaker Romualdez bilang paghahanda sa nalalapit na kapaskuhan


Hinimok ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez noong Lunes ang kanyang mga kasamahan at mga kawani sa Kamara na gamiting pagkakataon ang panahon ng kapaskuhan sa pagpapasalamat, pagninilay, at diwa ng pagbibigay, kasabay ng pagkilala sa kanilang mahahalagang kontribusyon sa institusyon at sa bansa.


Sa kanyang talumpati sa flag-raising ceremony, binigyang-diin ni Speaker Romualdez ang kahalagahan ng pagpapahalaga sa mga biyaya ng buhay at magbigay tulong sa mga nangangailangan. 


“As Christmas draws near, we’re reminded that this season is not just about celebrations, but about reflection, gratitude, and the spirit of giving,” the Speaker said. “It’s a time to pause and appreciate what truly matters—our families, our friends, and the opportunities we’ve had to serve others.”


Hinimok ng pinuno ng Kamara na binubuo ng higit sa 300-mga kinatawan, at kaniyang mga kapwa mambababatas at buong legislative workforce na ibahagi ang kanilang kabutihang-loob sa mga mahihirap lalo na sa mga Pilipinong naapktuhan ng mga nagdaang kalamidad at sakuna.


“Christmas is a time of joy, but for many of our fellow Filipinos—especially those affected by calamities or tragedies—this season can be a struggle. We are in a unique position to make a difference,” saad niya.


Hinikayat din niya ang bawat isa sa paggagawa ng mga kabutihan, maging sa maliliit na paraan upang makatulong sa nangangailangan.


“Let us remember that the true spirit of Christmas is found in giving and sharing. Whether it’s a small act of kindness, lending a helping hand, or contributing to efforts that bring relief and hope to those in need, we can all do something meaningful. By working together, we can help make this season brighter for others, even in the smallest ways,” ayon kay Speaker Romualdez.


Dagdag pa nito, “I know that many of you already go out of your way to support your communities, and for that, I commend you. This year, let’s amplify that generosity. Let us be a source of light and hope not just for our own families but for others who may be facing difficult times.”


Ipinaabot din ni Speaker Romualdez ang kaniyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga kawani ng Mababang Kapulungan, para sa kanilang pagsisikap at dedikasyon sa kanilang trabaho.


“To all of you who work tirelessly every day, I want to express my deepest thanks. Your dedication, whether seen or unseen, keeps the wheels of this institution turning. You’ve managed tight deadlines, overcome challenges, and poured your heart into your work. All of that makes a difference—not just within these halls, but across our country,” saad nito.


Pinaaalalahan din ni Speaker Romualdez, ang mga empleyado ng legislative chamber na bigyan ng panahon ang pangangalaga ng kanilang kalusugan, at paglalaan ng panahon kasama ang kanilang pamilya lalo na sa panahon ng kapaskuhan.


“The holidays are a chance to recharge, reconnect, and reflect on what’s most important,” saad pa nito. “Remember, the work we do here impacts not only the present but also the future of the nation, and it starts with each of us being in our best shape—mentally, emotionally, and physically.”


At sa nalalapit na pagtatapos ng taon, tiniyak ni Speaker Romualdez sa mga kawani na ang lahat ng kanilang mga pagsisikap sa trabaho ay kinikilala at pinapahalagahan.


Kasabay nito ang panawagan ni Speaker Romuladez para sa kasiyahan, kabutihang-loob, at pagkakaisa habang patuloy na nagsusumikap ang Kamara na maglingkod sa sambayanang Pilipino.


“So, as we celebrate this Christmas season, let’s do so with joy in our hearts, generosity in our actions, and a renewed sense of purpose,” ayon kay Speaker Romualdez.


“Let’s take pride in what we’ve achieved together and continue striving to make a difference—not just in this institution but in the lives of every Filipino,” saad pa nito. (END)

&&@@@&&@&&&&&&


Apela ni PBBM iginagalang pero paghahain ng impeachment hindi mapipigilan— House Young Guns


Iginagalang umano ng Young Guns ng Kamara de Representantes ang apela ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. pero hindi umano maaaring pigilan kung mayroong maghahain ng impeachment na karapatan ng mga Pilipino sa ilalim ng Konstitusyon.


Sa isang press conference, sinabi nina House Assistant Majority Leaders Pammy Zamora at Zia Alonto Adiong, at 1-Rider Party-list Rep. Rodge Gutierrez na obligado ang Kamara na sundin ang prosesong itinakda ng Konstitusyon kung mayroong maghahain ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte.


Nauna rito ay kinumpirma ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na nagpadala ito ng text message sa kanyang mga kaalyado sa Kamara at hinimok ang mga ito na huwag ng ituloy kung mayroon man silang plano na maghain ng impeachment laban kay Duterte.


Sinabi ni Pangulong Marcos na walang maidudulot na mabuti sa mga Pilipino ang paghahain ng impeachment dahil matatali rito ang Kamara at Senado.


“We respect the opinion of the President. Napakalaking bagay nung sinabi niya,” sabi Zamora, na kinatawan ng ikalawang distrito ng Taguig City. “However, we cannot stop anybody here from filing or any citizen for that matter from taking interest in an impeachment complaint.”


Dagdag pa ni Zamora, “As of today, 11:07 a.m., wala pa akong naririnig, wala pa akong nababalitaan about any complaint. If someone does file, hindi naman namin pwedeng basta na lang upuan. Siyempre, pakikinggan din namin ang sasabihin ng Presidente, but we’ll also have to check the contents of the complaint.”


Sinabi naman ni Adiong na ang mensahe ng Pangulo ay hindi isang utos kundi isang apela at pagpapakita ng pagiging independent ng legislative branch.


“We value his guidance, pero sabi nga, hindi ‘yun directive. It’s an appeal,” sabi ni Adiong. “And that speaks about the character of the President, respecting the independence of the legislative branch.”


Pinuri ni Adiong ang Pangulo sa pagbibigay nito ng prayoridad sa interes ng bansa sa halip na unahin ang personal o politikal na interes.


“Despite that, he (President Marcos) was being the leader of the country, being practical about it,” sabi ni Adiong. “The President is prioritizing the concerns of the country, which is basically the problem of ekonomiya.”


Dagdag pa nito, “Ang sinabi niya, it won’t help any single Filipino. That’s how he appreciates the possible filing of an impeachment complaint. He’s putting the interest of the country above self-interest.”


Ipinunto naman ni Gutierrez na ang impeachment ay isang prosesong konstitusyunal at hindi maaaring isantabi.


“We have to take note, the executive branch is different from the legislative branch,” ani Gutierrez. “This is a constitutional mandate. The process of impeachment is nasa Constitution natin. Should there be any complaints filed, we are duty-bound to hear it out, check the merits, and give it due process.”


Sinabi ni Gutierrez na ang sinabi ng Pangulo ay maituturing na isang payo at hindi panghihimasok sa independence ng Kongreso.


“I wouldn’t call it a suggestion—it’s advice, given his wisdom of the situation,” sabi ni Gutierrez.“But I really don’t think that is an order. That’s a different jurisdiction of powers.”


“Ang kagandahan naman po with the government now is very open lines of communication,” he said. “When we have comments or opinions, they’re always open to listening, from the President to the Secretaries, all the way down the line,” dagdag pa nito. (END)

@@&&&&&&&&&@&@&&@



Tingog Partylist binuksan bagong centers, inilarga AKAP payout, Kalusugan Karavans


Binuksan ng Tingog Partylist, katuwang ang tanggapan ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang mga bago nitong center sa Nueva Ecija kasabay ng pamamahagi ng financial assistance at paglulungsad ng Kalusugan Karavans sa Tarlac, at Taytay, Rizal noong Nobyembre 30.


Katuwang si Nueva Ecija 4th District Representative Emeng Pascual, binuksan ng Tingog na pinamumunuan nina Reps. Yedda Romualdez at Jude Acidre ang Tingog Center sa Gapan upang mailapit ang serbisyo ng gobyerno sa mga residente sa lugar.


Sinabayan ito ng Ayuda sa Kapos ang Kita Program (AKAP) payout sa Congressman Emerson Pascual Convention Center at Gapan City Gym. Tig-333 benepisyaryo ang binigyan ng cash assistance sa dalawang payout center.


Sa pagbubukas ng Gapan Tingog Center ay umakyat na sa 157 ang kabuuang bilang nito sa buong bansa.


Katuwang si Board Member Jojo Matias, binuksan naman ng Tingog Partylist ang Cabanatuan Tingog Center. Nagsagawa rin ng AKAP payout sa Honorato Perez Sr. Memorial High School kung saan 333 benepisyaryo ang binigyan ng tulong pinansyal.


Sa Quezon City inorganisa naman ng Tingog Partylist ang AKAP payout sa Quezon City High School sa tulong ni Councilor Nanette Castelo-Daza kung saan 2,000 ang benepisyaryo.


Nagsagawa rin ng AKAP payout sa Amoranto Sports Complex sa tulong ni Quezon City 4th District Representative Marvin Rillo. Kabuuang 2,000 ang inabutan ng tulong pinansyal dito.


Kalusugan Karavan naman ang isinagawa sa Tarlac at Taytay, Rizal para matulungan ang mga residente na nangangailangan ng pangunahing tulong medikal.


“Ang araw ni Gat. Andres Bonifacio ay isang paalala sa amin, bilang mga lingkod-bayan, ng tunay na dahilan ng aming paglilingkod,” ani Rep. Acidre.


“Sa bawat ngiti at pasasalamat ng mga kababayang nabigyan natin ng tulong at ayuda sa pamamagitan ng mga programa tulad ng AKAP, lalong tumitibay ang aming hangarin—na walang Pilipino ang maiiwan sa pag-asenso. Ang tapang at malasakit ni Bonifacio ang patuloy na nagbibigay inspirasyon sa akin at sa Tingog Party-list na maglingkod nang tapat, magtrabaho nang mas mabuti, at maging kaagapay ng bawat Pilipino sa kanilang mga pangarap, para sa mas maliwanag at magandang bukas,” dagdag pa nito.(END)

@&@&&&&&&@@&&&@@


Barbers tinukuran sa paghiling sa NBI na imbestigahan vloggers, internet trolls na nagpapakalat ng kasinungalingan


Suportado ng Young Guns ng Kamara de Representantes ang paghingi ng tulong ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers sa National Bureau of Investigation (NBI) upang magtukoy at makasuhan ang mga vloggers na nagpapakalat ngb kasinungalingan laban sa mga miyembro ng House Quad Comm.


Iginiit nina 1-RIDER Party-list Rep. Rodge Gutierrez at House Assistant Majority Leader at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong ang kahalagahan na mapanatili ang integridad ng Kamara at upang matugunan ang organisadong pagkakalat ng mga maling impormasyon.


“It seems to be a concerted effort talaga. While freedom of speech is protected under our Constitution, it has to be tempered with responsible practice and use,” ani Gutierrez. 


“Kasi when we’re talking about itong vloggers and social media, you have questions of jurisdiction, you have questions of cyberspace, the issue of anonymity. ‘Yun po ‘yung nakakatakot po dito,” sabi pa nito.


Ipinunto ni Gutierrez ang panganib ng mga kampanyang ito laban sa mga opisyal ng gobyerno.


“We have congressmen and congresswomen who, whether or not it is related to their function, have been receiving threats. They have been receiving anonymous messages, either death threats or threats to their families. It should be something that no one should be subjected to,” sabi ni Gutierrez. 


“Free speech is one thing, but to rely on character assassination is a totally different issue,” dagdag pa nito.


Sinabi naman ni Adiong na kinikilala nito ang pagkakaiba ng mga opinyon na bahagi umano ng demokrasya.


“But unfortunately in this kind of online landscape, we’ve seen troll farms, we’ve seen bloggers, hindi ko naman nila-lahat, who are up for grabs. Sometimes they are being used by political propaganda to malign, discredit a certain perceived enemy,” dagdag pa ni Adiong.


“How can you have a populace with informed decisions kung ang binibigay mo sa kanila ay puro mali, fake and misinformation?” wika pa ni Adiong. “The only way for us to have a healthy space for conversation is to basically agree on facts. Unfortunately, naging subjective ang facts ngayon dahil dun yung karamihan po sa mga trolls, mga troll farms, dinidistort nila ‘yung facts.”


Kapwa nagpahayag ng suporta ang dalawang mambabatas sa pangangailangan na protektahan ang public space.


“If it is proven talaga that these sophisticated schemes are being employed to really target congressmen and congresswomen, not for their personality but for that political purpose, then it must be something that should be acted on po talaga,” ani Gutierrez.


Sabi naman ni Adiong, “We can disagree, but at least disagree on facts. Para sa akin, ako personally, I would support the move of Congressman Chairman Barbers para maprotektahan natin ‘yung magandang spasyo sa pakikipagtalakayan sa publiko.” (END)

@@@@@@@###@@###P


Pagpapasalamat, at pagninilay panawagan ni Speaker Romualdez bilang paghahanda sa nalalapit na kapaskuhan


Hinimok ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez noong Lunes ang kanyang mga kasamahan at mga kawani sa Kamara na gamiting pagkakataon ang panahon ng kapaskuhan sa pagpapasalamat, pagninilay, at diwa ng pagbibigay, kasabay ng pagkilala sa kanilang mahahalagang kontribusyon sa institusyon at sa bansa.


Sa kanyang talumpati sa flag-raising ceremony, binigyang-diin ni Speaker Romualdez ang kahalagahan ng pagpapahalaga sa mga biyaya ng buhay at magbigay tulong sa mga nangangailangan. 


“As Christmas draws near, we’re reminded that this season is not just about celebrations, but about reflection, gratitude, and the spirit of giving,” the Speaker said. “It’s a time to pause and appreciate what truly matters—our families, our friends, and the opportunities we’ve had to serve others.”


Hinimok ng pinuno ng Kamara na binubuo ng higit sa 300-mga kinatawan, at kaniyang mga kapwa mambababatas at buong legislative workforce na ibahagi ang kanilang kabutihang-loob sa mga mahihirap lalo na sa mga Pilipinong naapktuhan ng mga nagdaang kalamidad at sakuna.


“Christmas is a time of joy, but for many of our fellow Filipinos—especially those affected by calamities or tragedies—this season can be a struggle. We are in a unique position to make a difference,” saad niya.


Hinikayat din niya ang bawat isa sa paggagawa ng mga kabutihan, maging sa maliliit na paraan upang makatulong sa nangangailangan.


“Let us remember that the true spirit of Christmas is found in giving and sharing. Whether it’s a small act of kindness, lending a helping hand, or contributing to efforts that bring relief and hope to those in need, we can all do something meaningful. By working together, we can help make this season brighter for others, even in the smallest ways,” ayon kay Speaker Romualdez.


Dagdag pa nito, “I know that many of you already go out of your way to support your communities, and for that, I commend you. This year, let’s amplify that generosity. Let us be a source of light and hope not just for our own families but for others who may be facing difficult times.”


Ipinaabot din ni Speaker Romualdez ang kaniyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng mga kawani ng Mababang Kapulungan, para sa kanilang pagsisikap at dedikasyon sa kanilang trabaho.


“To all of you who work tirelessly every day, I want to express my deepest thanks. Your dedication, whether seen or unseen, keeps the wheels of this institution turning. You’ve managed tight deadlines, overcome challenges, and poured your heart into your work. All of that makes a difference—not just within these halls, but across our country,” saad nito.


Pinaaalalahan din ni Speaker Romualdez, ang mga empleyado ng legislative chamber na bigyan ng panahon ang pangangalaga ng kanilang kalusugan, at paglalaan ng panahon kasama ang kanilang pamilya lalo na sa panahon ng kapaskuhan.


“The holidays are a chance to recharge, reconnect, and reflect on what’s most important,” saad pa nito. “Remember, the work we do here impacts not only the present but also the future of the nation, and it starts with each of us being in our best shape—mentally, emotionally, and physically.”


At sa nalalapit na pagtatapos ng taon, tiniyak ni Speaker Romualdez sa mga kawani na ang lahat ng kanilang mga pagsisikap sa trabaho ay kinikilala at pinapahalagahan.


Kasabay nito ang panawagan ni Speaker Romuladez para sa kasiyahan, kabutihang-loob, at pagkakaisa habang patuloy na nagsusumikap ang Kamara na maglingkod sa sambayanang Pilipino.


“So, as we celebrate this Christmas season, let’s do so with joy in our hearts, generosity in our actions, and a renewed sense of purpose,” ayon kay Speaker Romualdez.


“Let’s take pride in what we’ve achieved together and continue striving to make a difference—not just in this institution but in the lives of every Filipino,” saad pa nito. (END)

No comments:

Post a Comment