Isa Umali / Mayroon nang konkretong patunay na hindi nagamit ng tama ang pera ng bayan.
Ito ang sinabi ni Rep. Raoul Manuel, matapos na kumpirmahin ng Philippine Statistics Authority o PSA na walang rekord na may “Mary Grace Piattos,” na nakita ang pangalan sa mga acknowledgment receipts, ukol sa isyu ng confidential funds ni Vice Pres. Sara Duterte.
Sa isang pulong balitaan, sinabi ni Manuel na sa wakas ay nalinaw na ng PSA na wala talagang Mary Grace Piattos.
Dito aniya makikita na nag-imbento lamang ang tanggapan ng bise presidente ng mga resibo para madepensahan ang hindi tamang paggamit ng confidential funds.
Sinabi ni Manuel na dapat ay maging daan ito para sa pagsasaayos ng batas kaugnay sa confidential funds, at dapat sabayan ng pagpapanagot sa may pagkakasala.
Kinumpirma naman ng mambabatas na mag-eendorso rin ang Makabayan Bloc ng impeachment complaint laban kay VP Duterte.
Ang reklamo ay ihahain sa mga susunod na araw.
————————
Milks/ Ibat-ibang advocacy groups nagsampa ng impeachment complaint laban kay VP Sara… ang Akbayan ang mag-e-endorso sa Kamara …
Naisumite na sa Kamara ang kauna-unahang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte at ang mag-e-endorso sa Kamara ay si Akbayan Parylist Representative Perci Cendaña.
Ang mga complainant ay sina Teresita Deles, Father Flaviano Villanueva, Father Robert Reyes, Randy de los Santos, dating Magdalo Reprentative Gary Alejano at iba pa.
Sila ay sinamahan bilang suporta si ML Partylist first nominee na si dating Senator Leila de Lima na tumatayong spokesman ng mga complainant.
Ang impeachment complaint ay ie-endorso sa Kamara ni Cendaña kasabay ang pahayag na ito ay laban para sa katotohanan, katarungan at accountability.
Sa panig ni de Lima, layunin ng impeachment complaint ang umanoy pang-aabuso sa kapangyarihan ni VP Sara at hindi lamang anya ito legal battle kundi moral crusade para mapanatili ang dignity and decency to public service.
########@@@@@@@@@@@@@
Kath / Itinutulak ngayon ni Albay Rep. Joey Salceda na ideklara ang taong 2024 hanggang 2030 bilang disaster and climate emergency years.
Sa kaniyang House Resolution 2105, ipinunto ng mambabatas marami nang bansa ang nagdeklara ng Disaster and Climate Emergencies dahil tumataas na temperatura na nauuwi sa environmental degradation, kalamidad, weather extremes, new normal, food at water insecurity, economic disruption, at iba pa.
Tinukoy pa ng mambabatas ang 2024 World Risk Report kung saan nangunguna pa ein ang Pilipinas sa mga bansa na may pinakamataas na disaster sa buong mundo.
Katunayan naramdaman anuya kamakailan ng Pilipinas ang tinatawag na Parade of Tropical Cyclones, o "train of typhoons".
Bagay na nagpapahirap sa mga tinamaang komonidad na makabangon agad.
"WHEREAS, the onslaught of Severe Tropical Storms (STS) Kristine and Leon from October 21 to November 1, 2024 are stark reminders once more of the need for urgent national and local action, with the said Severe Tropical Storms resulting into a combined reported figures of 162 deaths, 137 injured, 22 missing with PhP 10.56 billion damage to infrastructure, PhP 7.04 billion damage to agriculture, affecting 9.6 million persons in at least 79 provinces, necessitating the declaration of a state of calamity for 256 cities and municipalities in all 17 regions of the Philippines" saad resolusyon.
Kasama sa panawagan ni Salceda ang paglalabas ng Presidential proclamation para ideklara ang 2024 hanggang 2030 bilang Disaster and Climate Emergency years at atasan ang lahat ng national government agencies, local government units, GOCCs, government financial at insurance institutions pati SUCs na tugunan ang disaster at climate crisis sa pamamagitan ng build forward better faster approach.
Hinihikayat din na bumuo at magpada ng mga lehislasyon para tugunan ang disaster and climate emergency, kasama na ang pagpapabilis sa recovery and rehabilitation efforts, pagtatatag ng Department of Disaster Resilience bill at iba pa na may kinalaman sa pagtugon sa climate change.
Nauna nang ipinanukala ni Salceda sa Kongreso na ideklara ang 2020 bilang “Disaster and Climate Emergency Awareness Year” sa pamamagitan ng House Resolution 535 na inihain niya sa Kamara noon pang November 2019.
##
@@@@@@@@@##########@@
sa Umali / Panibagong panukala ang inihain sa Kamara na layong gawing batas at pondohan ang Ayuda sa Kapos ang Kita Program o AKAP.
Sa House Bill 11048 (ni Batangas Rep. Gerville Luistro) --- isinusulong na gawing regular na programa ng gobyerno ang AKAP upang matiyak ang tuloy-tuloy na implementasyon nito at makatulong sa mga Pilipino partikular ang minimum wage earners o mga nasa kategoryang “low income.”
Ang AKAP ay sinasabing parte ng pagtugon ng gobyerno laban sa mataas na “inflation” at alternatibong solusyon sa gitna ng isyu sa sweldo ng mga manggawa.
Kapag naging ganap na batas, ang mga benepisyaryo na nangangailangan ng ayuda ay maaaring mag-avail ng: food, medical, funeral o cash relief assistance.
Ang ayuda ay nagkakahahalaga ng P5,000 hanggang P15,000, “subject” sa assessment ng Department of Social Welfare and Development o DSWD.
Ang ayuda na lagpas P15,000 ay ipagkakaloob sa pamamagitan ng Guarantee Letter o GL, na dapat ay aprubado ng kalihim o otorisadong kinatawan ng DSWD.
No comments:
Post a Comment