Friday, December 20, 2024

Radio Peeps

Isa Umali / Nagrally ang iba’t ibang militanteng grupo sa labas ng Batasan Pambansa, sa Quezon City ngayong Martes.


Ito ay para kondenahin ang umano’y “bloated pork barrel budget” o pambansang pondo para sa susunod na taon.


Ayon sa grupong BAYAN, ang inaprubahan ng Bicameral Conference Committee at kinalauna’y niratipikahan ng dalawang Kapulungan na 2025 National Budget na mataba sa pork barrel, ay posible umanong gamitin sa Eleksyon 2025.


Dismayado rin ang grupo dahil lumobo ang pondo ng ilang ahensya, gayung ang subsidya naman para sa Philhealth ay “zero” at malaki rin ang kinaltas sa alokasyon para sa edukasyon partikular sa Department of Education o Deped.


Giit nila, tanggalin ang anumang uri ng pork barrel sa pambansang pondo, maski ang confidential at intelligence funds o CIF; habang ibalik ang laan para sa edukasyon.


Kasabay nito, pina-aaksyunan ng mga militanteng grupo sa Kamara ang impeachment complaints laban kay Vice Pres. Sara Duterte.


Sa ngayon, dalawang reklamong impeachment ang kinakaharap ng bise presidente.

No comments:

Post a Comment