Speaker Romualdez muling iginiit kahalagahan na magkaroon ng ASEAN Code of Conduct sa WPS
Muling iginiit ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pangangailangan na magkaroon ng ASEAN Code of Conduct na naksunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) upang matiyak ang hinaharap ng rehiyon at mga bansang kasapi nito.
Sa kanyang pagsasalita sa Manila Dialogue on the South China Sea noong Miyerkoles ng gabi sa Grand Hyatt Manila Hotel sa Bonifacio Global City, Taguig, iginiit ni Speaker Romualdez na hindi natitinag ang Pilipinas sa pagtaguyod ng soberanya at karapatan nito sa West Philippine Sea WPS).
“Our stance on these waters is not merely geographical; it represents our national pride, economic security, and the legacy we wish to pass on to future generations,” ani Speaker Romualdez.
Sinabi ni Speaker Romualdez na mahalaga ang isang peaceful and rules-based approach sa pagtugon sa isyu ng WPS at ang pag-angkin ng China sa South China Sea.
“This ruling establishes our rights under international law, affirming them as legitimate and recognized. It refutes any claims beyond the bounds of UNCLOS, safeguarding our sovereign rights within our exclusive economic zone,” sabi ng lider ng mahigit 300 kinatawan ng Kamara.
Binigyan-diin ni Speaker Romualdez ang pangangailangan na manatiling mapagmatyag matapos ang ginawang pagbangga ng China sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas at panghaharass nito sa mga mangingisdang Pilipino.
“When international partners support the validity of the Arbitral Award, they uphold principles benefiting all nations that value fair, peaceful, and rules-based maritime boundaries,” sabi ni Speaker Romualdez.
Hinimok ni Speaker Romualdez ang mga miyembrong bansa ng ASEAN na magkaisa sa pagbuo ng Code of Conduct alinsunod sa prinsipyo ng UNCLOS.
“A unified ASEAN voice is essential in maintaining stability and asserting that our region stands for cooperation—not coercion,” sabi pa nito.
“As Speaker, I affirm the legislative branch’s commitment to strengthening maritime security. We are enhancing our coast guard, investing in research, and collaborating with regional allies for a free, open, and stable South China Sea,” dagdag pa nito.
Nanawagan si Speaker Romualdez sa mga Pilipino na suportahan ang mga hakbang upang maipagtanggol ang karapatan ng bansa sa WPS.
“From fishermen to legislators, each of us plays a role in safeguarding our legacy. The WPS resources feed millions, support our economy, and are integral to a legacy we must protect for future generations,” saad pa nito.
Sa pagtatapos, binigyang-diin ni Speaker Romualdez na ang paninindigan ng Pilipinas sa WPS ay higit pa sa teritoryo kundi hanggang sa core principles nito.
“It’s about proving that the rule of law is stronger than aggression, that sovereignty is a right for all nations, and that we will secure a safe, respected, and sovereign Philippines for future generations. With the support of our allies and our people’s solidarity, we will uphold our dignity and sovereignty,” wika pa ng lider ng Kamara. (END)
—————————
POGO ban ni PBBM suportado ni Speaker Romualdez
Nagpahayag ng suporta si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa paglalabas nito ng executive order para sa agarang pag-ban sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) at iba pang uri ng offshore gaming activity sa bansa.
Ayon kay Speaker Romualdez ang utos ng Pangulo ay katulad ng ginagawa ngayon ng Kamara de Representantes na iniimbestigahan ang mga kasamaan na may kaugnayan sa POGO.
“The House of Representatives stands with President Marcos in his push to end the evils and illegal activities tied to offshore gaming, which have put our public safety, national security, and economy at risk,” ani Speaker Romualdez.
“This ban is a big step in protecting our communities and bringing order back,” dagdag pa nito.
Inilabas ng MalacaƱang ang Executive Order (EO) No. 74, na nilagdaan noong Nobyembre 5, 2024, matapos lumabas sa pag-aaral ng Department of Finance at Anti-Money Laundering Council na nag-uugnay sa POGO sa pagtaas ng krimen, mga problema ng lipunan at masamang epekto nito sa ekonomiya.
Ayon kay Speaker Romualdez ang resulta ng pag-aaral ay nagpapakita ng kahalagahan na matugunan ang mga panganib na dala ng iligal na offshore gaming sa bansa.
Binuo ng Kamara ang Quad Committee— ang joint panel ng Committees on Dangerous Drugs, Public Order and Safety, Human Rights, at Public Accounts—upang pangunahan ang pagsasagawa ng malalim na imbestigasyon sa mga krimen na may kaugnayan sa POGO, na nagsimula at dumami noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Lumabas sa imbestigasyon ang kaugnayan ng POGO at mga sindikato na sangkot sa money laundering, drug trafficking, at iligal na pagbili ng mga dayuhan ng mga lupain sa bansa.
“Our work through the Quad Comm has shown that POGOs present serious and far-reaching risks to our nation,” punto ni Speaker Romualdez.
Dagdag pa nito, “The House is not only supporting the executive order but also advancing legislative solutions to strengthen enforcement efforts and protect our communities. Our commitment to upholding the rule of law and ensuring national security is unwavering.”
Kamakailan ay inihain ng mga miyembro ng Quad Comm ang House Bill (HB) 10987 upang tuluyan ng ipagbawal ang POGO at HB 11043 na nagbibigay ng kapangyarihan sa gobyerno na kumpiskahin ang mga ari-arian na iligal na binili ng mga dayuhan, partikular ang mga may kaugnayan sa iligal na POGO.
Ang HB 10987 o ang Anti-Offshore Gaming Operations Act ay nagbabawal sa lahat ng uri ng offshore gaming sa bansa at nagpapataw ng apat hanggang 10 taong pagkakakulong at multa na hanggang p10 milyon sa mga lalabag.
Ayon sa panukala, ang lahat ng POGO sa bansa ay ipagbabawal simula sa Disyembre 31, 2024 at ang mga kompanyang ito ay dapat magbayad ng tamang buwis.
Ang HB 11043 o ang panukalang “Civil Forfeiture Act” ay magpapalakas sa constitutional ban sa pagmamay-ari ng mga dayuhan ng lupa sa Pilipinas.
Ang Office of the Solicitor General (OSG), sa tulong ng Department of Justice, ay inaatasan na manguna sa pagkumpiska sa mga ari-arian na iligal na nabili.
Ang mga makukumpiskang lupa ay gagamitin ng gobyerno para sa mga serbisyo publiko gaya ng ospital at eskuwelahan. Kung ang lupa ay sakahan, ito ay ipamimigay sa mga agrarian reform beneficiaries.
Noong Oktobre 21, isinumite ng Quad Comm sa OSG ang mga dokumentong nakalap nito kaugnay ng mga Chinese nationals na nagmamay-ari ng hekta-hektaryang lupain na kanilang nagamit gamit ang mga pekeng dokumento kung saan pinalabas na sila ay mga Pilipino.
Pinamamadali ng Quad Comm sa OSG ang pagrepaso at pagsasagawa ng civil forfeiture proceedings sa mga sangkot na ari-arian. (END)
————————
Honor and delicadeza: Chairman Abante magi-inhibit kapag sumalang si Col. Grijaldo sa House Quad Comm
Mag-i-inhibit si Manila Rep. Bienvenido Abante Jr. sa pagdinig ng Quad Comm kung dadalo sa pagdinig si police Col. Hector Grijaldo, na muling inimbita sa isinasagawang imbestigasyon.
“My decision to step aside during the testimony of Col. Grijaldo is one guided by honor and delicadeza. As a public servant, I believe it is essential to remove even the perception of a conflict of interest so that the vital work of the Quad Committee can proceed without distractions,” sabi ni Abante sa pahayag.
“This act reflects the values that I hold dear - values I believe should be shared by all public servants,” dagdag pa nito.
Ang pag-inhibit umano ni Abante, chairman ng House Committee on Human Rights, ay “reflects my belief that decency, honor, and integrity are non-negotiable.”
“While others may not feel bound by these principles, I believe that in the House of Representatives we must lead by example and show our countrymen that they have leaders who will not use their positions to further their own interests,” sabi pa nito.
Inakusahan ni Grijaldo sina Abante at co-chairman ng Quad Comm na si Rep. Dan Fernandez ng Sta. Rosa, Laguna na pumilit sa kanya na tumestigo sa mga bagay na wala naman siyang alam.
Itinanggi naman ito ni Abante at Fernandez.
“Let me reiterate: There is absolutely no truth to these accusations. By God’s grace, I have strived to always conduct myself with integrity, and I categorically deny any wrongdoing,” sabi pa ni Abante.
Nagpasalamat din si Abante sa mga nagpahayag ng suporta sa kanya.
“My resolve to seek justice for the victims and their families remains steadfast, and I will continue to work to exact accountability for the crimes committed against them,” saad pa ng kongresista.
Noong Huwebes, itinanggi ng dalawang abugado ni retired police Col. Royina Garma na pinilit ng dalawang co-chairman ng House Quad Comm si Grijaldo upang kumpimahin ang reward system sa Duterte drug war.
Inilabas ng mga abugado na sina Emerito Quilang at Rotciv Cumigad ang pinag-isang pahayag bilang tugon sa sinabi ni Grijaldo sa pagdinig ng Senado noong Oktobre 28 na pinilit siyang tumestigo sa mga bagay na wala itong alam.
Sina Quilang at Cumigad ay nagsilbing saksi ng ipatawag si Grijaldo para kausapin nina Fernandez at Abante.
Sa pagdinig ng Quad Comm noong Huwebes, isinapubliko ni Batangas Rep. Gerville Luistro ang naturang sulat ng mga abugado.
“I wish to invite the attention of the committee and the general public about this joint statement of the two lawyers whom I believe were present during that alleged incident or meeting,” sabi ni Luistro.
“If I may quote Mr. Chair the two lawyers state in this joint statement,” saad ng lady solon. “We would like to shed light on the nature of the interactions we observed the discussions were focused on ensuring clarity and understanding of Col. Garman’s affidavit particularly regarding any knowledge Col. Grijaldo might have about the reward system mentioned in it. At no point did any of the congressmen attempt to pressure Mr. Grijaldo into conforming to a predetermined narrative.”
“Mr. Chair, I wish to manifest that this letter clears clearly our Chairman Abante and Chairman Fernandez from the allegation of coercion and harassment about that incident which allegedly transpired during the hearing where Col. Grijaldo attended as testified to during the Senate investigation,” saad pa nito.
“With the enlightenment given to us by the counsels of record of Col. Garma, I am urging the Quad Committee, particularly Chairman Abante and Chairman Fernandez, to take the necessary action in order to penalize the perjured statement that Col. Grijaldo gave during the Senate investigation,” pagpapagtuloy pa nito.
Hiniling ni lead committee chairman Rep. Robert Ace Barbers ng Surigao del Norte Barbers sa committee secretariat na isama sa rekord ng komite ang pahayag ng mga abugado.
“Let it be on record that the letter sent to us by the lawyers of Col. Garma attests to the fact that there was no pressure employed in the meeting that was held between Cong. Fernandez and Cong. Abante and Col. Grijaldo,” sabi ni Barbers.
Sinabi ng mga abugado na ninais nilang lumabas upang tugunan ang sinabi ni Grijaldo na pinilit ito na magsalita.
“First and foremost, we wish to clarify that we were called solely to be witnesses or observers during this meeting. Our role was limited to observing the meeting, and we did not engage in any discussions. The dialogue was primarily between Congressman Dan Fernandez and Congressman Abante, who were the only individuals actively speaking,” sabi ng mga abugado.
“The discussions were focused on ensuring clarity and understanding of Colonel Garma's affidavit, particularly regarding any knowledge Colonel Grijaldo might have about the reward system mentioned in it. At no point did any of the congressmen attempt to pressure Mr. Grijaldo into conforming to a predetermined narrative,” pagpapatuloy ng mga ito.
Sabi pa nila, “Throughout the meeting, we can affirm that we did not witness any form of coercion or undue influence directed toward Mr. Grijaldo. The discussions taking place were cordial and respectful.”
Inilarawan din ng mga abugado sina Fernandez at Abante na propesyunal ang dalawa.
“At no point did we see or hear any actions or statements that could be interpreted as pressuring Mr. Grijaldo to conform to a specific narrative,” sabi ng mga abugado. “Our intention in providing this statement is to clarify the nature of the interactions that occurred and to provide an unbiased and factual account of the events.”
Nauna ng tumestigo sina Garma at retired police Col. Jovie Espenido kaugnay ng reward system sa Duterte drug war.
Ayon kay Espenido ang reward ay umaagos mula sa lebel ni Sen. Bong Go, na kilalang malapit kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang pondo umano para sa reward ay galing sa intelligence fund, at kita ng iligal na sugal gaya ng jueteng, Philippine offshore gambling operators at small-town lotteries (STL) ng Philippine Charity Sweepstakes Office. (END)
It’s about honor and delicadeza, Chairman Abante says of inhibition from Quad Comm whenever Colonel Grijaldo testifies
QUAD Comm co-chairman Rep. Bienvenido Abante Jr. of Manila on Friday said a sense of honor and delicadeza prompted him to inhibit himself from the mega panel’s proceedings whenever police Col. Hector Grijaldo is a resource person or a witness.
“My decision to step aside during the testimony of Col. Grijaldo is one guided by honor and delicadeza. As a public servant, I believe it is essential to remove even the perception of a conflict of interest so that the vital work of the Quad Committee can proceed without distractions,” he said in a statement.
“This act reflects the values that I hold dear - values I believe should be shared by all public servants,” he said.
Abante, who chairs the House Committee on Human Rights, said his track record “reflects my belief that decency, honor, and integrity are non-negotiable.”
“While others may not feel bound by these principles, I believe that in the House of Representatives we must lead by example and show our countrymen that they have leaders who will not use their positions to further their own interests,” he added.
The Manila lawmaker and another co-chairman, Rep. Dan Fernandez of Sta. Rosa, Laguna, have earlier announced their decision to stay away from Quad Comm whenever Grijaldo, former Mandaluyong City police chief, testifies.
Grijaldo has claimed that the two co-chairmen have coerced him into confirming the existence of a lucrative system of rewards for rouge policemen and hitmen who killed drug suspects during the Duterte administration’s bloody war on drugs.
Abante said he and Fernandez’s inhibition decision “is the principled thing to do following baseless allegations involving our conversations with a witness called to testify in the ongoing inquiry into the previous administration's bloody war on drugs.”
“Let me reiterate: There is absolutely no truth to these accusations. By God’s grace, I have strived to always conduct myself with integrity, and I categorically deny any wrongdoing,” he said.
He thanked “all those who have expressed support for me and the mission of the Quad Committee.”
“My resolve to seek justice for the victims and their families remains steadfast, and I will continue to work to exact accountability for the crimes committed against them,” he said.
On Thursday, in the course of the mega panel’s 10th hearing on extrajudicial killings during the Duterte administration, Batangas Rep. Gerville Luistro called attention to a joint statement issued by two lawyers of retired police colonel and former Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) general manager Royina Garma.
In their joint declaration, lawyers Emerito Quilang and Rotciv Cumigad said as witnesses during the meeting between Abante and Fernandez and Grijaldo, “we feel compelled to address the recent claims made regarding the supposed coercion and manipulation of testimony involving Colonel Garma's affidavit.”
“First and foremost, we wish to clarify that we were called solely to be witnesses or observers during this meeting. Our role was limited to observing the meeting, and we did not engage in any discussions. The dialogue was primarily between Congressman Dan Fernandez and Congressman Abante, who were the only individuals actively speaking,” they said.
“The discussions were focused on ensuring clarity and understanding of Colonel Garma's affidavit, particularly regarding any knowledge Colonel Grijaldo might have about the reward system mentioned in it. At no point did any of the congressmen attempt to pressure Mr. Grijaldo into conforming to a predetermined narrative,” they said.
The two lawyers added, “Throughout the meeting, we can affirm that we did not witness any form of coercion or undue influence directed toward Mr. Grijaldo. The discussions taking place were cordial and respectful.”
They pointed out that the two Quad Comm co-chairmen “engaged in a dialogue that was both professional and focused on the matters at hand.”
“At no point did we see or hear any actions or statements that could be interpreted as pressuring Mr. Grijaldo to conform to a specific narrative,” they stressed.
“Our intention in providing this statement is to clarify the nature of the interactions that occurred and to provide an unbiased and factual account of the events,” they added.
Garma and retired police Col. Jovie Espenido have testified to the existence of the well-funded reward system for killing drug suspects.
Espenido said funds for the rewards “flowed from the level of Sen. Bong Go (close aide of former President Rodrigo Duterte).”
He said the incentive scheme was funded from intelligence funds and money raised from illegal gambling activities like jueteng, Philippine offshore gambling operators and PCSO’s notorious small-town lotteries (STL).
Garma said several police officers close to Duterte were given STL franchises. (END)
——————————
2 bagong batas palalakasin proteksyon sa sovereign rights, yaman ng PH sa WPS— Speaker Romualdez
Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang paglagda ngayong araw ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. sa pagsasabatas ng panukalang Maritime Zones Act at Philippine Archipelagic Sea Lanes Law.
“The two laws enhance our efforts to protect our sovereign rights over the West Philippine Sea (WPS) and to preserve and exploit the resources in these waters for the benefit of our people,” saad ng lider ng mahigit 300 kinatawan ng Kamara de Representantes.
Ayon kay Speaker Romualdez ang pagbibigay ng proteksyon sa pinag-aagawang teritoryo na malinaw na nasa loob ng 200-mile special economic zone ng Pilipinas ay hindi lang usapin ng pambansang pagkakakilanlan ngunit isyu rin ng ekonomiya, seguridad sa pagkain at mahalagang legasiya ng bansa.
Batay na rin sa mga pagtaya at mga pag-aaral mayroon malawak na yamang dagat at naka-imbak na langis sa WPS na dapat nating pahalagahan upang pakinabangan ng mga susunod na henerasyon ng mga Pilipino.
“It is thus not surprising that our frenemy and neighbor continues to intrude into our waters and even undertakes periodic maritime surveys in this area,” dagdag pa niya.
Ayon kay Speaker Romualdez ang dalawang bagong batas ay magpapadala ng senyales sa mga karatig bansa ng Pilipinas na handa itong protektahan ang ating teritoryo.
“These new laws mark a historic moment in our efforts to secure and defend our maritime domain. By establishing clear boundaries and designating specific sea lanes, we strengthen our position under international law, safeguard our natural resources, and enhance our security in the West Philippine Sea and beyond,” diin ng lider ng Kamara.
Pinasalamatan ni Speaker Romualdez ang hindi natitinag na paninindigan ni Pangulong Marcos na depensahan ang interes ng bansa sa pinagaagawang teritoryo.
Ang dalawang bagong batas ay tumatalima sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), na kumikilala sa 200-mile exclusive economic zone ng Pilipinas at nagpapahintulot na magpasa ng mga pambansang lehislasyon para maprotektahan ito.
Ang Pilipinas at China ay kapwa lumagda sa UNCLOS.
Pagtitibayin din, ani Speaker Romualdez ng Maritime Zones Law at Archipelagic Sea Lanes Act ang July 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration na kumikilala sa EEZ ng Pilipinas sa UNCLOS at pagbasura sa pag angkin ng China sa halos buong South China Sea, kasama na ang West Philippine Sea.
“Unfortunately, at least two sea features the arbitral tribunal had declared as belonging to us are occupied or controlled by Beijing,” sabi niya.
Hinimok niya ang China na itigil na ang pananakop nito sa naturang teritoryo at hayaan ang Pilipinas sa paggiit nito ng soberaniya at ligal na karapatan sa WPS kasama na ang pagpapanatili ng marine, gas at oil resources na naririto. (END)
——————————
Code name ni Duterte na ‘Superman’ kinumpirma ng dating bodyguard driver
Kinumpirma ng dating bodyguard-driver ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na “Superman” ang call sign ng dating mayor ng Davao City.
Ang sinabi ng retiradong pulis na si Sanson Buenaventura ay mistulang pagkumpirma sa mga naging pahayag ng ilang personalidad gaya ng mga dating miyembro ng kinatatakutang Davao Death Squad (DDS).
Si Buenaventura, na naging bodyguard at driver ni Duterte mula 1988 hanggang 2008, ay tinanong ni Batangas 2nd District Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro sa pagdalo nito sa pagdinig ng Quad Committee ng kamara de Representantes noong Huwebes.
“Mr. Buenaventura, sino po si Superman? Hindi niyo rin po ba alam?” tanong ni Luistro.
Sagot naman ni Buenaventura, “Iyon ang call sign ni Mayor Duterte noong may radio pa kami.”
Pagpapatuloy ni Luistro, “At least you confirm that Superman is Mayor Duterte. Yes, he is actually called Superman by DDS.”
Sinabi ni Buenaventura na Superman ang tawag kay Duterte ng ilang grupo sa Davao City.
Nang usisain ni Luistro, sinabi ni Buenaventura na wala itong alam sa sinasabing DDS at media lamang umano ang gumawa ng tawag na ito.
“Narinig ko lang ‘yan. Ang nagbigay ng pangalang ‘yan is the media,” ani Buenaventura.
“Everybody in DDS knows Mayor Duterte as Superman. Are you not confirming to the Quad Comm the existence of the Davao Death Squad?” tanong ni Luistro na sinagot naman ni Buenaventura ng “Narinig ko lang, Your Honor. Ang nagbigay ng pangalang ‘yan is the media.”
Ipinaalala naman ni Luistro ang naging pahayag ni Duterte sa pagdinig ng Senado kung saan sinabi nito na mayroong DDS.
“Siya po ang maysabi,” ani Buenaventura na pinanindigan na wala itong alam sa DDS.
Sa pagtatanong ni Luistro, inamin ni Buenaventura na loyal ito kay Duterte. “Naging mabait po siya sa akin at sa pamilya ko. Kung may problema, andiyan po siya para tumulong.”
“So if there were orders that would have gone beyond your regular duties, would you have questioned them, or was your loyalty to him unquestionable?” sunod na tanong ni Luistro.
Sagot naman ni Buenaventura, “Your Honor, bilang driver at security ni Mayor Duterte, ang trabaho ko ay alagaan siya at sundin ang mga utos niya bilang public servant. Pero hindi po totoo na ako ay nasangkot sa kahit anong labas sa trabaho ko.”
Sunod na tanong ni Luistro, “But if people from the DDS, or anyone within Duterte’s circle, took ‘Superman’s’ orders to mean more than protection and security, are you telling us you would not know of it?”
“Hindi po, Your Honor. Ang pagkakaalam ko sa DDS ay naririnig lang sa media. Ako po ay driver lang niya,” sagot naman ng driver-bodyguard.
Ang pangalan ni Buenaventura ay ilang ulit na nabanggit sa mga testimonya ng iba’t ibang tao na nagsalita kaugnay ng DDS.
Sinabi ng self-confessed DDS hitman na si Arturo LascaƱas, sa kanyang affidavit noong 2017, na si Buenaventura ay mayroong malaking papel sa DDS at siyang responsable sa logistik at pananalapi at nagsisilbing liaison upang maiparating ang mga utos ni Duterte.
Ayon kay LascaƱas si Buenaventura ang nagbababa ng mga utos ni Duterte gaya ng mga papataying indibidwal.
Sa affidavit naman ng isang “Jose Basilio” inilarawan nito si Buenaventura bilang operational “big boss” ng Heinous Crime Investigation Section, na nasa likod umano ng pagbibigay ng clearance sa operasyon ng DDS na tumatarget sa mga kriminal.
Ayon kay Basilio ang mga utos mula kay Buenaventura ay pinaniniwalaang nagmula kay Duterte kaya sinusunod ito ng mga miyembro ng DDS.
Nabanggit din ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Royina Garma si Buenaventura na siya umanong nagbibigay ng P20,000 reward sa mga station commander sa bawat napapatay nilang drug suspect. (END)
————————
Detalye ng Davao mafia at ‘save the Queen’ ibubunyag ni Guban sa Quad Comm
Ilalantad ni dating Bureau of Customs (BOC) intelligence officer Jimmy Guban ang mga nasa likod ng tinaguriang "Davao mafia" at ang pagkakakilanlan ng "Queen" na nais nilang protektahan upang maging Pangulo sa tamang panahon.
Ito ang tiniyak ni Guban na humingi ng dagdag na panahon sa House Quad Comm upang mapaghandaan ang maaaring epekto nito sa seguridad ng pamilya.
“Your Honor, this time I cannot give you the categorical answer because of security,” sagot ni Guban sa pagtatanong ni House Assistant Majority Leader at Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun kaugnay sa binanggit nitong “save the queen” sa ika-10 pagdinig ng Quad Comm.
Habang ma-ingat sa pagbibigay ng detalye, sinabi ni Guban na ang mga “implementor” na kasangkot ay “hardcore killers" na konektado sa grupo ng Davao.
Ipinahayag niya na ang mga taong ito ay nagtatrabaho para "linisin ang kanilang mga pangalan, ang kanilang pamilya, para lahat malinis," na may pahiwatig ng isang kampanya upang ipagtanggol ang ilang interes sa anumang paraan.
Sa unang bahagi ng pagdinig, inakusahan ni Guban ang "Davao mafia" ng pagmamanipula sa kanyang pagbagsak na bahagi umano ng isang mas malaking plano "to save the queen” na maging susunod na pangulo."
Direktang tinanong ni Khonghun si Guban, “Mr. Jimmy Guban, yes or no lang, pamilya Duterte ba ‘yung tinutukoy mo?”
“Sorry, Your Honor, maybe next time,” ang tugon ni Guban.
Ibinahagi ni Guban na may patuloy na banta sa kaligtasan ng kanyang pamilya. “In fact, empleyado ng isang kongresista dito sinusundan ‘yung aking anak,” saad nito.
“Yung ex-Army, na kaibigan kong mga ex-Army, kinukontak nila not to be our security,” dagdag pa niya.
Kamakailan lang, ayon pa kay Guban ay binantaan din siya ng isang negosyante mula sa Davao na dudukutin ang kanyang anak.
“There was also a call from Davao negosyante, threatening my son that he will be kidnapped,” saad pa nito.
Sa kabila ng mga banta, siniseguro ni Guban na ilalahad ang buong lawak ng sinasabing katiwalian kapag siya ay makaramdam ng sapat na seguridad upang magpatuloy.
“Maybe, Your Honor, if I am already prepared dahil ilalabas ko ‘yan kahit with matrix and other sketches,” Sinabi niya sa komite, habang binigyang-diin ang pangangailangan para sa kaligtasan ng kanyang pamilya.
Dumalo rin sa isinagawang pagdinig noong Huwebes sa pamamagita ng videoconference si Police Col. Eduardo Acierto, na isinangkot ni Guban kaugnay sa shabu shipment sa Senate investigation noong 2018.
Ngunit ngayon, iginiit ni Guban sa Quad Comm na siya ay nakatanggap ng mga banta sa buhay at matinding pressure para isangkot si Acierto, na aniya’y kapareho niyang biktima ng "Davao mafia."
Sinabi ni Guban na hindi niya napigilan ang kanyang emosyon—na magkahalong galit at tuwa—dahil alam niyang siya at si Acierto, na umano’y kapwa biktima ng "Davao mafia," ay buhay pa.
“Pasalamat po kami sa Diyos dahil pareho kaming buhay. Si [former Philippine Drug Enforcement Agency deputy director general] Col. [Ismael] Fajardo po namatay. Si Captain [Lito] Perote, si agent Ernan Abario na kasama ko sa Customs, patay. Dalawa rin ang namatay sa akin. Sa kanya ilan ang namatay dahil po diyan sa Davao mafia and their purpose [is] to save the queen in order to become the next President,” ayon kay Guban.
Nauna nang inihayag ni Guban na kabilang umano si Davao City Congressman at dating presidential son Paolo Duterte; si Atty. Manases Carpio, asawa ni Vice President Sara Duterte; at ang negosyanteng Chinese at dating presidential economic adviser na si Michael Yang sa pagmamay-ari ng mga malalaking magnetic lifters kung saan itinago ang daan-daang kilo ng shabu sa ipinasok sa bansa noong 2018 sa ilalim ng nakaraang administrasyon.
Nag-umpisa ang kontrobersya nang dumating sa Maynila mula Vietnam ang mga steel-plated lifters na pinagtaguan ng 355 kilo ng shabu. Nakalabas naman ang apat pang lifter na naglalaman ng humigit-kumulang 1.68 tonelada ng droga, na tinatayang nagkakahalaga ng P11 bilyon. (END)
———————-
Sa ika-11 anibersaryo ng Yolanda hamon ni Speaker Romualdez: Maging handa laban sa climate change
Sa ika-11 anibersaryo ng pananalasa ng Super Typhoon Yolanda, nanawagan si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez nang patuloy na pagbabantay sa climate change, na mayroong malaking epekto sa kalamidad.
Bilang isa sa mga pinakamalubhang tinamaan ng Yolanda, binigyang-diin ni Speaker Romualdez, ang kinakatawan ng Leyte sa Kongreso, ang dedikasyon at pagsisikap ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa mga batas na magpapalakas sa kakayahan ng bansa sa pagharap sa epekto ng agbabago ng klima upang matiyak ang kaligtasan ng mga Pilipino sa hinaharap.
“Hindi na dapat maulit pa ang trahedyang naganap noong panahon ng Yolanda. Gaano man kalakas ang bagyong darating, dapat nating siguruhin na nakahanda ang ating mga kababayan. We must be vigilant against climate change to protect our people from falling victim to such tragedies,” ani Speaker Romualdez.
Sa Tacloban, ayon sa lider ng Kamara ang pagtatayo ng isang malaking seawall ay isang mahalagang hakbang patungo sa pagtiyak sa kaligtasan ng komunidad sa lugar.
Ang malaking estrukturang ito, na idinisenyo upang protektahan ang mga taga-Tacloban mula sa mga storm surge o daluyong gaya ng naranasan ng manasalasa ang Yolanda, ay nagsisilbing pisikal na panangga para sa lungsod.
“Ang seawall na ito ay nagbibigay ng kapanatagan sa puso ng mga Taclobanon, dahil alam natin na may dagdag na proteksyon laban sa mga bagyong maaaring dumating,” ayon kay Speaker Romualdez.
Dagdag pa niya, ang malaking seawall, na sinimulang gawin noong 2016 at opisyal na kilala bilang Leyte Tide Embankment Project, ay may habang 38.12-kilometro mula Tacloban City hanggang sa kalapit na bayan ng Tanauan at may taas na 30 metro.
Inalala ni Speaker Romualdez ang hirap na dinanas ng libu-libo niyang kababayan matapos manalasa ang Yolanda na kumitil ng libu-libong buhay at sumira ng mga tahanan at imprastruktura sa buong rehiyon ng Visayas kasama na ang kanyang distrito.
Ang Yolanda, isa sa pinakamalalakas na bagyong naitala sa kasaysayan ng mundo, ay nag-iwan ng pagkawasak sa Leyte at iba pang bahagi ng Region 8, kung saan maraming residente ang patuloy na nakikibaka sa mga epekto nito kahit ilang taon na ang nakalipas.
“As public servants, tungkulin namin na siguraduhin ang kaligtasan ng bawat Pilipino. Our commitment to address climate change should continue to inspire us to craft legislation that can shield our people from adverse effects of any calamity,” ayon pa sa mambabatas.
Isa sa mga pangunahing hakbang na isinulong ng Kamara sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez ay ang House Bill (HB) No. 7354 o ang Ligtas Pinoy Centers Act.
Sa ilalim ng panukala ay magtatayo ng mga permanenteng evacuation centers na hindi guguho sa mga bagyo at magsisilbing kanlungan ng mga komunidad sa panahon ng mga kalamidad.
“Ang Ligtas Pinoy Centers Act ay isa lamang sa mga panukalang ating tututukan hanggang maging batas, para lahat ng lalawigan, lungsod at bayan ay mayroong sapat na bilang ng evacuation centers,” ayon pa sa pinuno ng Kamara.
Ayon kay Speaker Romualdez ang mga itatayong evacuation center ay mayroong mga pasilidad gaya ng healthcare station at mga lugar para sa mga bulnerableng sektor gaya ng senior citizen at persons with disabilities.
Binigyang-diin ng lider ng Kamara na ang pag-iwas sa isa pang trahedya tulad ng Yolanda ay nangangailangan hindi lamang ng agarang tulong at mga hakbang para sa pagbangon, kundi pati na rin ng mga pangmatagalang estratehiya na nakatutok sa katatagan at pag-angkop sa mga pagbabago.
“Hindi sapat na tayo ay maghanda lamang para sa susunod na sakuna; kailangan natin ng mga istrukturang pangmatagalan na tatagal laban sa anumang bagyo o kalamidad,” dagdag pa ng kongresista.
Tiniyak ng Speaker na bibigyang prayoridad ng Kamara ang pagpasa ng mga climate resilience legislation, partikuar ang pagtatayo ng mga imprastruktura na kayang humarap sa pagbabago ng panahon.
“We are determined to equip our cities and municipalities with the resources they need to withstand the challenges posed by climate change,” giit pa nito.
Binigyang-diin niya ang kahalagahan ng mas pinagsamang koordinasyon sa pagitan ng mga ahensya ng gobyerno, mga lokal na pamahalaan, at mga komunidad sa pagpapatupad ng mga programang ito.
“It takes a whole-of-society approach to combat climate change effectively. We need everyone’s cooperation,” saad pa nito.
Habang ipinagdiriwang ang ika-11 anibersaryo ng Yolanda, na nagsisilbing paalala sa epekto ng malakas na bagyo, ipinahayag ni Speaker Romualdez ang kanyang pakikiisa sa lahat ng mga nawalan ng mga mahal sa buhay at tahanan.
“Hindi namin kayo pababayaan. We are here to make sure that no one is left behind as we move forward,” ayon pa kay Speaker Romualdez. (END)
————————
Abante: Pag-amin ni Duterte sa Senate probe sapat upang papanagutin ito
Sapat na umano ang pag-amin ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa pagdinig ng Senado na inutusan nito ang mga pulis na patayin ang mga drug suspect upang mapanagot ito, ayon kay Manila 6th District Rep. Benny Abante.
“Under oath in the halls of the Senate last week, former President Duterte himself spoke before the Senate and the nation and in his own words took responsibility for the blood spilled in his war on drugs. He did not deny. He did not deflect. He admitted that he gave orders. Orders that directed our own police forces to encourage suspected criminals to fight back so they could be killed,” ani Abante sa pagdinig ng House Quad Committee.
“Under oath, he admitted to the existence of the Davao Death Squad, an entity with a lethal mandate that was replicated around the whole country when PRRD was elected president in 2016,” sabi ng solon.
Sa kanyang pambungad na pahayag sa ika-10 pagdinig ng Quad Comm, nangako si Abante na isusulong ang paghahanap ng hustisya sa mga pinaslang sa war on drugs ni Duterte.
“The banality of evil must come to an end. We stand for those who cannot speak, for the voices that were silenced too soon, and we stand with the promise, the solemn vow, that we will do everything in our power to ensure this never happens in our country again,” sabi nito.
“So in hearts full of resolve, and eyes fixated on justice, let us continue this work. For if we are to be remembered, if the 19th Congress is to be remembered, let it be not for the jokes or the gaslighting, but for our dedication to the truth, our commitment to justice, and our compassion for those who suffer,” dagdag pa ni Abante.
Sa ilalim ng drug war ni Duterte ay libu-libo ang nasawi.
Iniimbestigahan ng komite ang kaugnayan ng iligal na operasyon ng POGO sa kalakalan ng iligal na droga at extrajudicial killings kasama ang reward na ibinibigay umano sa nakakapatay ng drug suspect.
“We have a responsibility—not only to the victims but to our nation. We must continue this work—unyielding, unrelenting, uncompromising [to go after those who] perpetrated this heinous crime. Now we must ensure that the cries of the oppressed are not drowned out by laughter. That the dignity of human life is restored and that no one, no matter how powerful, is above the law,” dagdag pa ni Abante. (END)
———————
Guban vows to further expose ‘Davao mafia,’ reveal identify of ‘queen’ in future Quad Comm hearing
Former Customs intelligence officer Jimmy Guban has vowed to expose those behind the so-called “Davao mafia” and reveal the identity of the “queen” they seek to protect and install as president in 2028 at the proper time.
Guban, a Quad Comm whistleblower, requested more time to make his disclosures, citing ongoing threats against his family.
“Your Honor, this time I cannot give you the categorical answer because of security,” Guban responded when House Assistant Majority Leader and Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun pressed him on the “save the queen” phrase he had mentioned earlier in Thursday’s tenth public hearing of the House Quad Comm.
While cautious about specifics, Guban indicated that he already knew the implementors involved, describing them as “hardcore killers” connected to the Davao group.
He suggested these individuals were working to “clean their names, their family, para lahat malinis,” hinting at a campaign to protect certain interests by any means necessary.
Earlier in the hearing, Guban accused the “Davao mafia” of orchestrating his downfall and that of others as part of a larger scheme “to save the queen in order to become the next president.”
During Khonghun’s questioning, Guban hesitated to provide further details, particularly about whether he was implicating the Duterte family, despite his earlier readiness to discuss the alleged network.
When Khonghun asked directly, “Mr. Jimmy Guban, yes or no lang, pamilya Duterte ba ‘yung tinutukoy mo?”
“Sorry, Your Honor, maybe next time,” Guban replied.
Guban recounted the ongoing threats to his family’s safety. “In fact, empleyado ng isang kongresista dito sinusundan ‘yung aking anak,” he said.
“‘Yung ex-Army, na kaibigan kong mga ex-Army, kinukontak nila not to be our security,” he added.
Guban also shared that a businessman from Davao had recently threatened to kidnap his son.
“There was also a call from Davao negosyante, threatening my son that he will be kidnapped,” he said.
Despite these threats, Guban committed to revealing the full extent of the alleged corruption when he feels secure enough to proceed.
“Maybe, Your Honor, if I am already prepared dahil ilalabas ko ‘yan kahit with matrix and other sketches,” he told the committee, as he emphasized the need to protect his family in the meantime.
Thursday’s hearing also featured a videoconference appearance by Police Col. Eduardo Acierto, whom Guban implicated in the 2018 shabu shipment during a Senate investigation.
Now, however, Guban asserted to the Quad Comm that he faced death threats and intense pressure to accuse Acierto falsely, describing both himself and Acierto as “victims” of the Davao mafia.
Guban said he could not contain his emotions—a mix of anger and relief—knowing that he and Acierto, both alleged victims of the “Davao mafia,” were still alive.
“Pasalamat po kami sa Diyos dahil pareho kaming buhay. Si [former Philippine Drug Enforcement Agency deputy director general] Col. [Ismael] Fajardo po namatay. Si Captain [Lito] Perote, si agent Ernan Abario na kasama ko sa Customs, patay. Dalawa rin ang namatay sa akin. Sa kanya ilan ang namatay dahil po diyan sa Davao mafia and their purpose [is] to save the queen in order to become the next President,” Guban said.
In a previous testimony last August, Guban named Davao City congressman and former presidential son Paolo Duterte; lawyer Manases Carpio, the husband of Vice President Sara Duterte; and former presidential economic adviser Michael Yang as alleged owners of the magnetic lifters used to smuggle shabu into the country in 2018.
The scandal surfaced when law enforcement seized two lifters with 355 kilos of shabu, while four other lifters—which reportedly contained 1.68 tons of shabu worth P11 billion—evaded capture, flooding the market and causing street prices to plummet. (END)
———————
EBET law makatutulong para mabawasan walang trabaho— Speaker Romualdez
Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang paglagda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa EBET (Enterprise-based Education and Training) Law.
“The enactment of the EBET bill will allow the government, with the collaboration of the private sector, to keep the number of jobless Filipinos down through various training and up-skilling programs,” ani Speaker Romualdez, lider ng mahigit 300 kinatawan ng Kamara de Representantes.
Pinangunahan ni Speaker Romualdez ang mga miyembro ng Kamara sa pagsaksi sa paglagda ni Pangulong Marcos sa panukala upang maging batas EBET Law sa Malacanang noong Huwebes.
Ayon sa lider ng Kamara makatutulong ang bagong batas upang mabawasan ang bilang ng walang trabaho sa bansa.
Nauna rito, iniulat ng Philippine Statistics Authority na bumaba ang unemployment rate ng bansa sa 3.7 porsyento noong Setyembre mula sa 4 porsyento noong Agosto at 4.5 porsyento noong Setyembre 2023.
“As I have always declared, as in inflation, the continuing challenge for us is to ensure that joblessness remains at the lowest level possible. The EBET Law will help us accomplish this task,” ani Speaker Romualdez.
Makatutulong umano ang bagong batas upang matugunan ni job-skills mismatch at ang kawalan ng kakayanan ng mga manggagawa na kailangan ng iba’t ibang industriya.
“We are hopeful that the law could effectively address these issues so we can prepare our workers for the demands of the local and foreign market, and assist them in finding new or additional employment so they can help their families,” sabi pa ni Speaker Romualdez.
Sa ilalim ng EBET law, ang mga manggagawa na maaaring pumasok sa EBET program ay ang mga bagong pasok sa labor force at ang mga nais na sumailalim sa pagsasanay para makakuha ng bagong kakayanan o matuto sa pagnenegosyo.
Ang isang trainee sa ilalim ng EBET program ay makatatanggap ng training allowance mula sa kanyang kompanya. Ang oras ng pagsasanay ay hindi dapat lumagpas ng walong oras kada araw.
Ang halaga ng training allowance ay hindi dapat mas mababa sa 75 porsyento ng minimum wage rate sa lugar.
Ang mga EBET trainee ay maaari ring humingi ng tulong pinansyal sa ilalim ng “Tulong Trabaho Fund” alinsunod sa Republic Act No. 11230 o ang “Tulong Trabaho Law.” (END)
—————————
Kaalyado ni VP Leni bilib sa paghahanap ng katotohanan ng House Quad Comm’
Nagpahayag ng pagkabilib ang isang kaalyado ni dating Vice President Leni Robredo sa paghahanap ng katotohanan ng House Quad Committee sa mga kaso ng extrajudicial killing sa Duterte drug war at ang kaugnayan nito sa iligal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) at kalakalan ng iligal na droga.
Sa kanyang manipestasyon sa pagdinig noong Huwebes, pinuri ni Assistant Minority Leader at Camarines Sur 3rd District Rep. Gabriel Bordado Jr. ang Quad Comm sa mga nagdaang buwan upang lumabas ang katotohanan.
“These Chairmen and their teams have shown unwavering commitment to truth-seeking,” ani Bordado.
“Through their painstaking efforts, the Quad Comm has not only brought critical issues to light but also raised the bar for how we should approach investigations in this chamber—with integrity, impartiality, and a clear sense of purpose,” dagdag pa nito.
Ang Quad Comm ay binubuo ng Committees on Dangerous Drugs na pinamumunuan ni Rep. Robert Ace Barbers, Public Order and Safety na pinamumunuan ni Dan S. Fernandez, Human Rights ni Bienvenido Abante at Public Accounts na pinamumunuan ni Joseph Stephen Paduano.
Pinuri rin ni Bordado sina Senior Deputy Speaker Dong Gonzales, Deputy Speaker Jayjay Suarez, at Rep. Romeo Acop na kasama sa pagsasagawa ng imbestigasyon.
“Extrajudicial killings strike at the heart of our moral obligations as public servants,” sabi ni Bordado. “This is a matter not just of law but of humanity, and we must work tirelessly to ensure justice for those who have been victimized.”
Iginiit din ni Bordado ang pangangailangan na mapanagot ang mga nasa likod ng mga pagpatay.
Nanawagan din ang kinatawan ng Camarines Sur na magkaisa at ipagpatuloy ang paghahanap sa katarungan para sa mga naapektuhang pamilya at komunidad.
“We must not allow these investigations to falter, nor the voices of those who seek justice to go unheard,” sabi ng solon. “As public servants, it is our duty to ensure that the truth is uncovered, that justice is served, and that we work together to prevent such abuses from ever occurring again.” (END)
————————
Mga abugado ni Garma itinanggi paratang ni Col. Grijaldo
Itinanggi ng dalawang abugado ni retired police Col. Royina Garma na pinilit ng dalawang co-chairman ng House Quad Committee si Police Col. Hector Grijaldo upang kumpimahin ang reward system sa Duterte drug war.
Inilabas ng mga abugado na sina Emerito Quilang at Rotciv Cumigad ang pinag-isang pahayag bilang tugon sa sinabi ni Grijaldo sa pagdinig ng Senado noong Oktobre 28 na pinilit siyang tumestigo sa mga bagay na wala itong alam.
Sina Quilang at Cumigad ay nagsilbing saksi ng ipatawag si Grijaldo para kausapin ng mga Quad Comm co-chairmen na sina Representatives Dan Fernandez ng Laguna at Bienvenido Abante Jr. ng Manila.
Sa pagdinig ng Quad Comm noong Huwebes, isinapubliko ni Batangas Rep. Gerville Luistro ang naturang sulat ng mga abugado.
“I wish to invite the attention of the committee and the general public about this joint statement of the two lawyers whom I believe were present during that alleged incident or meeting,” sabi ni Luistro.
“If I may quote Mr. Chair the two lawyers state in this joint statement,” saad ng lady solon. “We would like to shed light on the nature of the interactions we observed the discussions were focused on ensuring clarity and understanding of Col. Garman’s affidavit particularly regarding any knowledge Col. Grijaldo might have about the reward system mentioned in it. At no point did any of the congressmen attempt to pressure Mr. Grijaldo into conforming to a predetermined narrative.”
“Mr. Chair, I wish to manifest that this letter clears clearly our Chairman Abante and Chairman Fernandez from the allegation of coercion and harassment about that incident which allegedly transpired during the hearing where Col. Grijaldo attended as testified to during the Senate investigation,” saad pa nito.
“With the enlightenment given to us by the counsels of record of Col. Garma, I am urging the Quad Committee, particularly Chairman Abante and Chairman Fernandez, to take the necessary action in order to penalize the perjured statement that Col. Grijaldo gave during the Senate investigation,” pagpapagtuloy pa nito.
Hiniling ni lead committee chairman Rep. Robert Ace Barbers ng Surigao del Norte Barbers sa committee secretariat na isama sa rekord ng komite ang pahayag ng mga abugado.
“Let it be on record that the letter sent to us by the lawyers of Col. Garma attests to the fact that there was no pressure employed in the meeting that was held between Cong. Fernandez and Cong. Abante and Col. Grijaldo,” sabi ni Barbers.
Sinabi ng mga abugado na ninais nilang lumabas upang tugunan ang sinabi ni Grijaldo na pinilit ito na magsalita.
“First and foremost, we wish to clarify that we were called solely to be witnesses or observers during this meeting. Our role was limited to observing the meeting, and we did not engage in any discussions. The dialogue was primarily between Congressman Dan Fernandez and Congressman Abante, who were the only individuals actively speaking,” sabi ng mga abugado.
“The discussions were focused on ensuring clarity and understanding of Colonel Garma's affidavit, particularly regarding any knowledge Colonel Grijaldo might have about the reward system mentioned in it. At no point did any of the congressmen attempt to pressure Mr. Grijaldo into conforming to a predetermined narrative,” pagpapatuloy ng mga ito.
Sabi pa nila, “Throughout the meeting, we can affirm that we did not witness any form of coercion or undue influence directed toward Mr. Grijaldo. The discussions taking place were cordial and respectful.”
Inilarawan din ng mga abugado sina Fernandez at Abante na propesyunal ang dalawa.
“At no point did we see or hear any actions or statements that could be interpreted as pressuring Mr. Grijaldo to conform to a specific narrative,” sabi ng mga abugado. “Our intention in providing this statement is to clarify the nature of the interactions that occurred and to provide an unbiased and factual account of the events.”
Nauna ng tumestigo sina Garma at retired police Col. Jovie Espenido kaugnay ng reward system sa Duterte drug war.
Ayon kay Espenido ang reward ay umaagos mula sa lebel ni Sen. Bong Go, na kilalang malapit kay dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang pondo umano para sa reward ay galing sa intelligence fund, at kita ng iligal na sugal gaya ng jueteng, Philippine offshore gambling operators at small-town lotteries (STL) ng Philippine Charity Sweepstakes Office. (END)
————————
Acierto: Duterte protektor ng mga drug lord
Inakusahan ni dating Police Col. Eduardo Acierto si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na protektor ng mga pinaghihinalaang drug lord na sina Michael Yang at Allan Lim, na kilala rin bilang Lin Weixiong.
Noong 2017, sinabi ni Acierto na binuo ng kanyang grupo ang isang intelligence report na nagdedetalye sa pagkakasangkot ni Yang at Lim sa kalakalan ng iligal na droga. Si Yang ay naging economic adviser ni Duterte noong ito ay Pangulo pa.
Sa kanyang testimonya sa Quad Committee noong Huwebes, sinabi ni Acierto na sina Yang at Lim ay malapit na kaibigan ni Duterte.
“Sigurado po ako dahil sa mga nangyari sa aking mga tauhan, prinotektahan niya si Michael Yang at si Allan Lim,” sabi ni Acierto bilang sagot sa tanong ni Manila 6th District Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr., co-chair ng Quad Comm at chair ng House Committee on Human Rights.
Ang tinutukoy ni Acierto ay ang kanyang mga tauhan na sina Police Capt. Lito Perote at MSgt. Gerry Liwanag.
Dinukot umano si Perote ng mga armadong lalaki sa Bacolod noong Abril 2019 at hindi na nakita.
Si Liwanag ay binaril naman ng hindi kilala ng salarin sa San Jose del Monte City noong Pebrero 2021.
Sa intelligence report, sinabi ni Acierto na si Yang ang nagooperate ng mga drug laboratory sa Mindanao mula pa noong pasimula ng 2000s kasama na ang nasa Dumoy, Davao City na ni-raid noong Disyembre 31, 2004 kung saan mahigit 100 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P300 milyon ang nakumpiska.
Sinabi ni Yang na si Yang ay miyembro ng Johnson Chua drug syndicate na pinamumunuan ni Johnson Co, na nakabase sa mainland China.
Si Yang ay may alyas umanong Dragon dahil sa tattoo nito sa likod at si Lim ang in-charge sa pagpasok ng imported na ipinagbabawal na gamot sa tulong ng mga opisyal ng Bureau of Customs.
Sinabi ni Acierto na si Lim ang nasa likod ng shabu laboratory na niraid ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Cavite noong Hulyo 2018. Narekober dito ang P10.4 bilyong halaga ng shabu at kagamitan sa paggawa nito.
Naaresto umano si Lim pero pinalaya rin dahil sa teknikalidad.
Sinabi ni Acierto na isinumite nito ang report kina noon ay Philippine National Police (PNP) chief, ngayon ay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, dating PDEA Director Aaron Aquino, at Police Deputy Director General Camilo Cascolan. Binigyan din umano nito ng kopya ang pumalit kay Dela Rosa na si dating PNP Chief Oscar Albayalde.
Pero hindi umano binigyang pansin ang report ni Acierto.
“Wala silang ginawa, pinabayaan nila ang report,” ani Acierto. “Hanggang sa umabot na hindi ma-dispute ang report, ako at ang team ko ang siniraan.”
Matapos umano ilabas ang report, sinabi ni Acierto na inakusahan isya ni Duterte na sangkot sa ipinagbabawal na gamot.
Iniugnay umano si Acierto sa smuggling ng P11 bilyong halaga ng shabu na itinago sa magnetic lifter na naharang sa Manila International Container Port at sa warehouse sa Cavite noong 2018. Nagtago na umano siya matapos ito.
Ayon kay Acierto ipinapapatay umano siya ni Duterrte dahil sa pag-iimbestiga kay Yang at Lim kaugnay ng kalakalan ng iligal na droga.
“Pinapapatay po ako ni Duterte dahil tinutukan ko at pinaiimbestigahan ko si Michael Yang at Allan Lim na malapit na kaibigan ni Bong Go,” sabi ni Acierto na ang tinutukoy ay si dating Special Assistant to the President, at ngayon ay Sen. Christopher “Bong” Go. (END)
—————————
Duterte natatakot dumalo sa House quad comm? chairman Paduano
Maaari umanong natatakot si dating Pangulong Rodrigo Duterte kaya hindi ito dumating sa pagdinig ng House Quad Committee ngayong Huwebes, ayon kay Abang Lingkod Party-list Rep. Joseph Stephen "Caraps" Paduano.
Ayon kay Paduano matapos sabihin noong una na dadalo, muling sumulat si Duterte, sa pamamagitan ng kanyang abugado na si Martin Delgra para sabihin na hindi ito pupunta sa pagdinig ngayong Huwebes, Nobyembre 7.
"Naglolokohan tayo dito because the first letter promised us that he will be present after November 1. Kung hindi tayo naglolokohan dito, ano, natatakot siya na pumunta dito?" tanong ni Paduano.
Sa unang sulat, sinabi ni Delgra na hindi maganda ang pakiramdam ni Duterte at kailangan nito ng pahinga. Makadadalo umano sa pagdinig matapos ang Undas.
Sa kabila nito, dumalo si Duterte sa pagdinig ng Senado noong Oktobre 28.
Noong Martes, muling sumulat si Delgra kay House quad-comm overall chairman at Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers upang sabihin na hindi dadalo sa pagdinig ngayong Huwebes.
"This is the second hearing that we invited the former President. Mr. Chairman naglolokohan tayo dito," ani Paduano.
”Why? because the first reply made Atty. Delgra representing the former president is that, the excuse is that the former President needs much rest and assured this committee that he will be present in the next hearing at the same time he has a specific date, Mr. Chairman, given to this committee through this letter, after November 1," sabi pa nito.
"Let me read my chairman in toto the portion of such reply coming from Atty. Delgra. ‘Hence my client respectfully request to defer his appearance before the honorable committee scheduled tomorrow, rest assured that my client’s willingness to appear before the House of Representatives on some other available date preferably after Nov. 1, 2024,'" dagdag pa ni Paduano.
Inaprubahan ng Quad Comm ang mosyon ni Antipolo City 2nd district Rep. Romeo Acop na imbitahan si Delgra at Duterte sa susunod na pagdinig. (END)
————————
Barbers ibinalik kay Sen Bato pahayag na ‘gag show’ EJK probe ng House quad comm
Ibinalik ni House Quad Comm overall chair Robert Ace Barbers kay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa ang naging pahayag nito na isang ‘gag show’ ang pagdinig ng Kamara de Representantes sa extrajudicial killings (EJKs) na iniuugnay sa war on drugs campaign ng nakaraang administrasyon.
Ayon kay Barbers, maaari na ang tinutukoy ni Dela Rosa na gag show ay ang naging pagdinig ng Senate Blue Ribbon subcommittee kaugnay ng Duterte drug war.
“We may be accused of providing entertainment and likened to a gag show, but who is laughing?” tanong ni Barbers sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Quad Comm ukol sa mahigit 20,000 napaslang na may kaugnayan sa anti-drug war ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
“On the contrary, the one who said that must be so full of himself that he didn’t notice that the joke was on him,” dagdag pa ni Barbers.
Si Dela Rosa, na isang mahalagang personalidad sa drug war ni Duterte bilang dating hepe ng Philippine National Police (PNP), ay patuloy na tumanggi sa mga imbitasyon na dumalo sa imbestigasyon ng Quad Comm, at tinawag pa itong isang “gag show.”
Sa kanyang opening statement sa ika-10 pagdinig ng Quad Comm, sinabi ni Barbers na ang layunin ng imbestigasyon ay tuklasin ang katotohanan sa likod ng libu-libong pagkamatay, at hindi upang magpatawa.
Itinanggi din ng mambabatas mula sa Surigao del Norte ang mga paratang na pinilit ang mga saksi upang magbigay ng testimonya, kabilang na ang mga bagong alegasyon ni Police Colonel Hector Grijaldo, na nagsabing siya ay pinilit ng mga lider ng komite na patunayan ang pagkakaroon ng reward system sa kampanya kontra-droga.
Ayon kay Barbers, ang mga saksi at mga resource person ay nagbigay ng kanilang impormasyon nang malaya at walang anumang pressure mula sa joint panel, na binubuo ng mga komite ng Dangerous Drugs, Public Order and Safety, Human Rights, at Public Accounts.
Mariing itinanggi ni Barbers ang anumang pagtatangkang manipulahin ang mga testimonya, at pagbibigay diin sa integridad ng proseso ng imbestigasyon
“Forced admissions, in any way, were never a part of Quad Comm,” ayon kay Barbers, chair ng Committee on Dangerous Drugs.
Ipinunto ni Barbers na ang layunin ng Quad Comm ay hindi upang magbigay aliw kundi ay upang maghanap ng katarungan para sa mga pamilya ng mga biktima ng EJK at mga survivor na matagal nang naghahanap ng katotohanan.
Binigyang-diin ni Barbers ang tungkulin ng Quad Comm sa paggawa ng batas, na ang mga resulta ng imbestigasyon ay layuning magsilbing gabay sa paggawa ng mga bagong batas at mga rekomendasyon sa polisiya.
“If along the way, people are found to be liable, it is our duty to make sure that justice is served. There is nothing funny about it. We only mean serious business,” giit pa ng kongresista.
Tiniyak ni Barbers na nananatiling matatag ang komite sa kanilang misyon, at binanggit ang mga nakakagimbal na ebidensiyang kanilang natuklasan sa ngayon.
“We owe it to the people,” ayon pa kay Barbers, na nangangako na ipagpapatuloy ng komite ang kanilang tungkulin na tuklasin ang katotohanan. (END)
————————-
Quad Comm itinulak panukala upang makumpiska ng gobyerno ari-arian na iligal na binili ng mga dayuhan
Inihain sa Kamara de Representantes ang panukalang batas na magbibigay kapangyarihan sa gobyerno na kumpiskahin ang mga ari-arian na ilegal na nabili ng mga dayuhan, gaya ng mga ari-arian ng iligal na Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
Ang House Bill (HB) No. 11043 o ang “Civil Forfeiture Act,” ay resulta ng imbestigasyon ng House Quad Comm sa mga umano’y kriminal na aktibidad kaugnay ng operasyon ng POGO, tulad ng human trafficking at kalakalan ng ilegal na droga.
Ang panukalang batas ay inihain nina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr.; Deputy Speaker David “Jay-jay” Suarez; at mga pinuno ng Quad Committee na sina Reps. Robert Ace Barbers, Dan Fernandez, Bienvenido “Benny” Abante Jr., at Joseph Stephen Paduano.
Kabilang din sa mga may-akda ng panukalang batas sina Quad Comm senior vice chair Romeo Acop at mga mambabatas na sina Johnny Ty Pimentel, Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, Ramon Rodrigo “Rodge” Gutierrez, Francisco Paolo Ortega V, Jefferson Khonghun, at Jonathan Keith Flores.
Kamakailan, pinangunahan ng mga lider ng Quad Comm, kasama sina Gonzales at Suarez, ang pito pang mga mambabatas sa paghain ng panukalang na naglalayong gawing batas ang pagbabawal sa POGO sa buong bansa. Ito ay bilang pagtugon sa utos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na protektahan ang kaligtasan ng publiko at pambansang seguridad mula sa mga kriminal na aktibidad na kaugnay ng mga POGO.
Ang panukalang Anti-Offshore Gaming Operations Act ay naglalayong ipagbawal ang lahat ng offshore gaming sa bansa at magpataw ng mga parusa sa mga lalabag.
Noong Oktubre 21, inihain ng Quad Comm ang mga kinakailangang dokumento sa Office of the Solicitor General (OSG) para sa posibleng pagsasampa ng kaso laban sa mga Chinese nationals na inaakusahan ng paggamit ng pekeng Filipino citizenship upang makabili ng lupa at magtayo ng negosyo sa Pilipinas.
Hinimok ng mega-panel ng Kamara, na kinabibilangan ng mga Komite sa Dangerous Drugs, Public Order and Safety, Human Rights, at Public Accounts, sa OSG na pabilisin ang pagsusuri at magsagawa ng mga legal na hakbang, kabilang na ang mga proseso ng civil forfeiture, kasama ang mga kaugnay na ahensya.
Ang panukalang Civil Forfeiture Act ay naglalayong pagtibayin ang pagbabawal sa pag-aari ng lupa ng mga dayuhan, na nakasaad sa 1935 Constitution.
Nilalayon nito ang mga indibidwal na lumalabag sa mga restriksiyon ng Saligang Batas sa pamamagitan ng paggamit ng mga pekeng dokumento, na magpapahintulot sa pgkumpiska ng mga ari-arian.
“The continued violation to the provisions of our Constitution on alien land ownership cannot be allowed to continue,” ayon pa sa sinasaad ng panukala.
Binanggit ng panukala na marami sa mga lumalabag ay konektado sa mga POGO, na kamakailan ay ipinatigil ni Pangulong Marcos Jr. dahil sa pagkakasangkot sa mga ilegal na gawain.
Ipinagbabawal ng Konstitusyon ng Pilipinas ang pag-aari ng lupa ng mga dayuhan, maliban na lamang sa mga kaso ng pagmamana.
Ang Article XII, Sections 7 at 8 ng 1987 Constitution ay nagtatakda ng mga paghihigpit sa pag-aari ng pribadong lupa, na tanging para lamang sa mga Pilipino o mga korporasyong may hindi bababa sa 60 porsyentong pag-aari ng mga Pilipino.
Ang panukalang batas ay naglalayong mahigpit na ipatupad ang probisyong ito, partikular na laban sa mga dayuhan na gumagamit ng mga pekeng dokumento upang makaiwas sa batas.
Ayon sa mga may-akda ng panukalang batas, naging talamak ang isyung ito sa mga nakalipas na taon, partikular na sa pag-usbong ng mga POGO sa panahon ng pamumuno ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
“Thousands of aliens have been flocking to the Philippines to establish [POGOs] which has turned out to be closely linked to criminal activities, such as human trafficking and illegal drugs,” ayon pa sa mga may akda.
Nabatid sa mga imbestigasyon na ang ilang mga dayuhan ay nakakakuha ng mga pekeng birth certificate, pasaporte, at iba pang opisyal na dokumento, na nagpahintulot sa kanila na ilegal na makabili ng mga ari-arian.
Sa ilalim ng Civil Forfeiture Act, ang anumang lupain na inilipat o ipinagkaloob sa isang dayuhang hindi kwalipikado ay ituturing na walang bisa.
Ang OSG, sa pakikipagtulungan ng Department of Justice, ay magsisimula ng mga proseso ng civil forfeiture.
Sinasaad din sa panukalang batas na ang anumang real estate na nakuha ng isang dayuhan ay ituturing na ilegal na nakuha maliban lamang kung mapapatunayan ng may-ari o ng ibang partido na ito ay dumaan sa tamang proseso at naayon sa batas.
Ang panukalang batas ay may mga probisyon na naglalayong tiyakin na ang mga ari-arian na na-forfeit ay magagamit para sa kapakanan ng nakararami.
Kung ang lupa ay pang-agrikultura, ito ay ipapamahagi sa mga kwalipikadong magsasaka sa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Agrarian Reform.
Habang ang mga Non-agricultural lan ay itatalaga naman para sa mga pampublikong serbisyo, tulad ng mga paaralan at ospital, o ipapasa sa mga lokal na pamahalaan para magamit sa serbisyong panlipunan.
Layunin din ng panukalang batas na pagbutihin ang monitoring at pagpapatupad sa pamamagitan ng pakikilahok ng mga lokal na pamahalaan at ng Land Registration Authority.
Ang mga lokal na pamahalaan ay mag-uulat ng anumang kahina-hinalang paglilipat ng lupa sa OSG, habang ang LRA naman ay magbanantay ng mga paglilipat upang tiyakin ang pagsunod sa mga regulasyon.
Sa kabila ng mga limitasyon sa pagmamay-ari ng lupa para sa mga dayuhan, matagal nang sinasamantala ng ilang dayuhang mamamayan ang kahinaan ng batas, kadalasan sa pamamagitan ng paggamit ng mga pekeng korporasyon o ilegal na proseso. Layunin ng panukalang batas na magtaguyod ng malinaw na sistema para sa civil forfeiture, o ang pagbawi ng mga ari-ariang nakuha sa ilegal na paraan.
Sinisikap ng mga mambabatas ang mabilis na pagpasa ng panukalang batas, upang agarang masugpo ang talamak na paglabag sa mga batas sa pagmamay-ari ng lupa.
“Moving forward, it is then imperative to never let such activities continue in the Philippines,” paliwanag pa sa panukala.
Dagdag pa rito: “Thus, by reiterating existing policies against foreign land ownership, establishing the necessary framework for better enforcement, and allocating any forfeited real property for public use, we can curb corrupt practices, if not eliminate them altogether.” (END)
———————
Bloodless anti-drug campaign ni PBBM mas epektibo kaysa sa madugong Duterte drug war
Batay sa mga resulta, mas epektibo umano ang anti-illegal drug campaign ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kumpara sa madugong war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, over-all chairman ng Quad committee ng Kamara de Representantes, mula 2022 hanggang 2024 ay nakakumpiska na ang administrasyong Marcos ng P49.82 bilyong halaga ng iligal na droga at nagresulta sa hindi bababa sa 800 drug related deaths, kumpara sa war on drugs na ipinatupad ni Duterte mula 2016 hanggang 2018 kung kailan nakasamsam ng P25.19 bilyong halaga ng droga at nagresulta sa pagkamatay sa 20,000 katao na sangkot sa ipinagbabawal na gamot.
Sinabi ni Barbers na ang mga datos ay nakuha mula sa mga opisyal na ulat ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police (PNP), National Bureau of Investigation (NBI), at iba pang kaukulang ahensya ng gobyerno na isinumite sa Quad panel.
“Those statistics clearly refutes the claim by some quarters that the previous bloody drug war was a more effective approach or strategy than the bloodless anti-drug campaign. While both administrations aimed to reduce drug-related crimes, their methods and resulting outcomes reflect significant strategic and operational differences,” ayon pa sa mambabatas mula sa Mindanao.
Sa unang dalawang taon ng administrasyon ni Duterte, anti-drug law enforcement agents ay nakasamsam ng 3,294.44 kilo ng shabu (methamphetamine) at iba pang mga droga na nagkakahalaga ng P25.19 bilyon, na nagpapakita ng large-scale crackdown sa ilegal na droga, lalo na ang shabu, na nanatiling isang malaking problema sa bansa sa kasalukuyan.
Gayunpaman, sa unang dalawang taon ng administrasyon ni Marcos Jr., nakasamsam ang PNP, PDEA, NBI, at iba pang mga kaukulang ahensya ng may 12,183.65 kilo ng ilegal na droga, kabilang na ang 6,481.16 kilo ng shabu, 75.69 kilo ng cocaine, 115,081 piraso ng ecstasy pills, at 5,626 kilo ng marijuana, na may kabuuang halaga ng P49.82 bilyon.
“The recent drug seizures were almost double the value of drugs seized during the previous administration’s first two years in office, indicating that the larger volume and variety of drugs seized under the current dispensation was due to enhanced intelligence and operational precision, focusing more on major drug trafficking networks rather than street-level dealers,” saad ni Barbers.
Ayon sa official reports, ang drug war ng nakaraang administrasyon ay nagresulta sa pagkamatay ng 4,540 na napatay sa police operation ng PNP, habang 16,355 na personalidad na sangkot sa droga ang napatay ng mga hindi kilalang salarin, na sinasabing “riding in tandem”.
Noong 2018, dahil sa mga reklamo mula sa human rights groups at mga pamilya ng mga biktima ng extra-judicial killings (EJKs) at sa mga akusasyon ng hindi pagkilos ng pulisya sa mga kasong ito, ang PNP na pinangunahan noon ni dating PNP Chief at ngayo’y Senador Ronald “Bato” Dela Rosa, ay itinuring ang lahat ng mga pagpatay na may kaugnayan sa droga, na umabot sa 23,327 pagkamatay, bilang mga kasong “homicide under investigation” (HCIUs).
Sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon, ayon sa mga datos mula kay dating PNP Chief Benjamin Acorda Jr. at sa Dahas Project ng UP Third World Studies, nakapagtala ng 73 na pagkamatay mula sa mga lehitimong operasyon at 822 na pagpatay na may kaugnayan sa droga, na mas mababa kumpara sa mahigit 20,000 na pagkamatay noong unang dalawang taon ng administrasyong Duterte.
“The lower number of casualties suggests a shift toward more targeted, less lethal anti-drug law enforcement. This shift – from bloody to bloodless drug war – reflects the current administration’s potential emphasis on minimizing violence while still vigorously pursuing drug-related crimes,” ayon pa kay Barbers.
Sa unang dalawang taon ng panunungkulan ni Duterte, umabot sa 164,265 na mga personalidad ang naaresto dahil sa mga kasong may kinalaman sa droga, kabilang ang mahigit 6,000 na high-value targets (HVTs), na nagpapakita ng lawak ng mga operasyon ng pulisya laban sa droga, na tumutok hindi lamang sa mga droga sa kalye kundi pati na rin sa mga high-ranking drug individuals mula sa iba’t ibang drug network.
Sa unang dalawang taon ng kasalukuyang administrasyon, nakapag-aresto ang mga awtoridad ng 122,309 na tao, kabilang ang 7,364 na high-value targets (HVTs), na nagpapakita ng pagtuon sa mga high-ranking drug syndicate at layuning durugin ang mga network ng droga na pinapatakbo ng mga drug lord.
Tungkol sa pahayag ni Duterte na tumaas ang mga krimen sa ilalim ng administrasyong Marcos, itinanggi ito ng MalacaƱang at ng PNP, at sinabi nilang nakapagtala lamang ang pulisya ng 83,059 na index crimes mula Hulyo 1, 2022 hanggang Hulyo 28, 2024 – na nagpapakita ng 61.87 porsyentong pagbaba kumpara sa 217,830 na naitalang insidente sa parehong panahon noong 2016 hanggang 2018.
Ayon pa kay Executive Secretary Lucas Bersamin said “there has been a widespread decline in crimes across the board…Moreover, we have achieved stability and maintained peace and order in our country without foregoing due process (or) setting aside the basic human rights of any Filipino.”
Kabilang sa mga index crimes, ang pagnanakaw, physical injury, rape, murder, homicide, motorcycle and four-wheel vehicle, habang ang non-index crimes ay kinabibilangan ng reckless imprudence na nagdudulot ng pinsala sa ari-arian o sa katawan, iligal na pag-aari ng armas at mga bala, iligal na pagpuputol ng mga kahoy, acts of lasciviousness, direct assault, vandalism, at iba pangspecial laws.
Bilang paglalagom, sinabi ni Barbers na kapwa nagtagumpay ang mga kampanya laban sa droga ng administrasyong Duterte at Marcos sa pagbawas ng mga krimen at kasong may kinalaman sa droga, ngunit ang pamamaraan ni Duterte ay mas malupit at kontrobersyal, na may mataas na bilang ng mga nasawi at malawakang operasyon.
“The Marcos administration’s bloodless anti-drug campaign resulted to fewer fatalities and drug seizures, higher concentration on strategic arrests, and increased operational efficiency, suggesting a potential shift towards a more systematic and less violent anti-drug approach,” paliwanag ng kongresista. (END)
————————-
Nakahanda sina Reps. Dan Fernandez at Benny Abante na mag-inhibit o pansamantalang babakantihin ang posisyon bilang co-chairman ng House Quad Committee.
Ito ay kung tatalakayin na ang naging alegasyon ni dating Mandaluyong Police Chief Col. Hector Grijaldo na kinausap siyang dalawang kongresista para kumpirmahin ang “reward system” sa giyera kontra droga ni dating Pang. Rodrigo Duterte.
Sa ika-sampung pagdinig ng Quad Comm ngayong araw --- ipaliwanag ni Fernandez na ang kanyang pahayag ay para na rin sa “transparent, impartial, at honest investigation” sa akusasyon.
Dagdag niya, nakasalalay dito ang integridad ng Quad Comm ng Kamara, at ayaw din umano nilang dagsain ng mga puna o masamang komento ang komite nang dahil lamang sa kanila ni Cong. Abante.
Samantala, inisyuhan ng show cause order si Grijaldo, dahil sa kabiguang dumalo sa hearing ngayong Huwebes.
Habang inimbitahan naman si Atty. Martin Delgra, ang legal counsel ni dating Pang. Duterte, at siyang nagsumite ng sulat sa komite hinggil sa hindi pagdalo ng dating Presidente sa hearing ngayong araw./Isa
————————
Pagbibigay ng ‘cash allowance’ ni VP Sara mga opisyal ng DepEd binatikos
Binatikos ni Tingog Partylist Rep. Jude Acidre ang ginawa ni Vice President Sara Duterte na bigyan ng envelope na may lamang pera ang mga opisyal ng Department of Education (DepEd) noong siya pa ang Education Secretary.
Ginawa ni Acidre ang pahayag matapos aminin ni Ma. Rhunna Catalan, ang Chief Accountant ng DepEd sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability noong Martes, na nakatanggap din ito ng mga sobre an may lamang tig-P25,000.
Ang ibinigay na pera, ayon kay Acidre ay pinalabas umanong allowance mula sa Bise Presidente na isang paglabag sa ipinatutupad na “no gift policy” ng ahensya.
“In public service, policies like the ‘no gift policy’ are meant to uphold integrity, accountability, and transparency. However, when leadership’s actions contradict these principles, it sends a damaging message. While VP Duterte’s directive to enforce this policy was commendable, the revelation of cash gifts given without oversight raises serious questions about both consistency and ethical standards,” ani Acidre.
Ikinabahala rin ni Acidre ang naging salaysay ni Catalan sa komite tungkol sa mga hindi pagkakatugma sa mga patakaran at aksyon ng mga opisyal ng DepEd sa kalakalaran kaugnay ng paggamit ng pampublikong pondo.
“Such actions, if allowed to persist, create confusion among personnel and lead to skepticism about the sincerity of established policies. Trust is crucial for unity and effectiveness within any department. The stark inconsistency between what is preached and what is practiced undermines not only the policy itself but also the credibility of leadership,” ayon pa sa mambabatas.
Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa mga kasanayan sa pananalapi ng DepEd noong pinamumunuan pa ito ni Duterte, iginiit ni Acidre ang kahalagahan ng pananagutan sa paggamit sa pondo ng bayan.
“Public funds belong to the public, and as stewards of these resources, DepEd’s leaders must be above reproach. Congress will persist in seeking answers because ethical governance is not a courtesy—it’s an obligation,” saad ng mambabatas. (END)
————————-
Kongresista kay FPRRD: Sa House Quad Comm ka magpaliwanag
Sa Quad Committee ng Kamara de Representantes umano dapat magpaliwanag si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte kaugnay ng kanyang madugong war on drugs campaign, ayon kay House Assistant Majority Leader Pammy Zamora ng Taguig City.
Sinabi ni Zamora na ang Quad Comm ang angkop na venue kung saan maaaring bigyang linaw ni Duterte ang kampanya laban sa iligal na droga. Sa Nobyembre 7 ay muling magsasagawa ng pagdinig ang naturang komite.
“As a lawyer, ex-President Duterte has the opportunity to show Filipinos his commitment to lawful processes by participating in the Quad Comm inquiry into the war on drugs, which allegedly claimed over 30,000 lives,” ani Zamora, isa sa mga lider ng Young Guns ng Kamara.
Sinabi pa ni Zamora na ang presensya ni Duterte sa pagdinig ay isang pagrespeto sa rule of law at pagpapahayag sa lahat na anuman ang kanilang estado, titulo at posisyon sa gobyerno ay dapat handang magpaliwanag at managot sa kanilang mga ginawa.
Matapos ihayag sa media na dadalo sa pagdinig ng komite ng Kamara kung iimbitahan, nabigo si Duterte na pumunta sa pagdinig noong Oktobre 22.
Sa halip nagpadala ng sulat ang abugado nito sa komite at sinabi na masama ang pakiramdam nito at dadalo kung muling iimbitahan pagkatapos ng Undas.
Gayunpaman, nakarating si Duterte sa pagdinig ng Senate Blue Ribbon subcommittee noong Oktobre 28 na tumatakalay din sa war on drugs campaign ng nakaraang administrasyon.
Iginiit ni Zamora na sa pagdalo ni Duterte sa Quad Comm ay maalis ang impresyon na mas pinapaboran nito ang ibang mga lugar kaysa sa Mababang Kapulungan sa pagsagot ng mga tanong at magiging isa itong mabuting halimbawa sa mga kasalukuyan at dating opisyal na iniimbitahan sa pagdinig.
“I likewise assure that the former President would be treated with respect, and be given the opportunity to shed light on all the pressing concerns over the previous drug war,” ayon pa kay Zamora. (END)
———————-
Quad Comm hearings isang pagkakataon para linisin ni Duterte ang kanyang pangalan
Dapat ituring ng dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang kasalukuyang pagdinig ng Quad Comm ng Kamara bilang isang pagkakataon para linisin ang kaniyang reputasyon, lalo na ngayon na ang kanyang nakaraang administrasyon ay nasa ilalim ng pagsusuri dahil sa madugong kampanya laban sa droga.
Ito ang inihayag noong Miyerkules ni Manila Rep. Ernix Dionisio, isang abogado at miyembro ng Young Guns ng Kamara.
“It’s a chance for Duterte to solidify his legacy by showing he values truth and transparency, potentially gaining respect for addressing challenging questions head-on,” ayon kay Dionisio.
“The people expect responsible leadership. This shows that they see truth and integrity as essential traits for leaders, past and present. The former president is not exempt from this expectation,” dagdag pa ni Dionisio.
Bagama’t sinagot ni Duterte ang mga tanong tungkol sa kanyang kontrobersyal na kampanya laban sa iligal na droga sa pagharap nito sa Senate Blue Ribbon Committee noong Oktubre 28, hindi siya nagkaroon ng pagkakataong makaharap ang mga pangunahing saksi tulad ng dating General Manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) na si Royina Garma General Manager Royina Garma.
Si Garma, isang retiradong opisyal ng Philippine National Police, na nag-akusa kay Duterte na nanguna sa pagpapalawak ng tinaguriang “Davao model” sa buong bansa noong Mayo 2016, na nag-uudyok sa pagpatay ng mga pinaghihinalaang sangkot sa droga kapalit ng pabuya.
Ayon sa kanyang salaysay, inilahad niya na ang mga reward money para sa mga napapatay sa kampanya laban sa droga sa ilalim ni Duterte ay mula P20,000 para sa mga suspek sa kalsada hanggang P1 milyon para sa mga “chemist, trader, manufacturer, financier, at ninja cop.(END)
————————
Speaker Romualdez pinangunahan ang pagsusulong ng panukala para sa pagpapaliban ng BARMM polls
Pinangunahan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang mga miyembro ng Kamara de Representantes sa pagsasampa ng panukalang batas na naglalayong ipagpaliban ang unang eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na nakatakda sa Mayo 12, 2025 at ilipat ito sa Mayo 11, 2026.
Sinabi ni Speaker Romualdez na ang House Bill (HB) No. 11034 ay nagpapakita ng sama-samang layunin na matiyak ang isang maayos at epektibong transisyon para sa mga mamamayan ng Bangsamoro. Ang panukalang ito ay tugon sa kahilingan ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) kaugnay ng mga pagbabago sa rehiyon.
Una na ring naghain si Senate President Francis “Chiz” Escudero ng kaparehong panukala sa Senado, na nagbibigay-diin sa pagkakaisa at mahalagang pangangailangan ng dalawang kapulungan ng Kongreso para sa naturang usapin.
Ang BTA, na siyang namahala sa rehiyon mula nang ito ay itatag, ay pormal na humiling na mapalawig ang transition period. Ayon sa kanila, may mga mahahalagang tungkuling kailangang tapusin upang matiyak ang matagumpay na transisyon patungo sa isang democratically elected regional government.
Noong Oktubre, ipinasa ng BTA ang Resolution No. 641, na humihiling na palawigin ang transition period hanggang 2028.
Ang karagdagang panahon na ito ay magbibigay pagkakataon sa BTA na maisakatuparan ang kanilang tungkulin na maglatag ng mga pangunahing saligan para sa sariling pamamahala sa Bangsamoro. Kabilang dito ang pagpasa ng mga mahahalagang batas, pagtatayo ng mga institusyon, at pagbuo ng mga sistemang kinakailangan upang suportahan ang pamahalaan ng BARMM sa hinaharap.
Ipinunto ni Speaker Romualdez na ang kahilingan ng BTA ay sumasalamin sa tunay na pangangailangan ng karagdagang panahon upang maresolba ang mga mahahalagang isyu sa pamamahala, halalan, at administrasyon
Dahil sa kumplikadong kasaysayan ng rehiyon at ang mga hamon sa pagtatatag ng isang bagong kasarinlan sa pamamahala, binigyang-diin ni Speaker Romualdez na ang panukalang pagpapaliban ay naaayon sa layunin ng BTA na matiyak ang katatagan at kahandaan para sa unang halalan ng BARMM. Ipinapakita rin nito ang kanilang pagsisikap na maisakatuparan ang isang mapayapa, inklusibo, at matatag na Bangsamoro.
Bilang karagdagan sa mga hamong ito, ang kamakailang desisyon ng Korte Suprema na nagdeklara na hindi bahagi ang Sulu sa BARMM na lalong nagpalubha sa mga paghahanda para sa halalan ng 2025.
Ang pagkakatanggal ng Sulu ay nagdulot ng legal vacuum sa komposisyon ng BARMM Parliament, lalo na sa aspeto ng paglalaan ng mga kinatawan sa parliamentary district.
Itinatakda ng Bangsamoro Organic Law (BOL) ang balanseng representasyon ng mga partidong politikal, mga distrito, at mga sektor.
Sa pagtanggal ng Sulu mula sa hurisdiksyon ng BARMM, kailangan ng muling pagsasaayos sa alokasyon ng mga kinatawan sa parliyamento. Ang prosesong ito ay nangangailangan ng sapat na panahon at masusing pagbabago sa batas upang wastong maipakita ang bagong istruktura ng rehiyon.
Nangangamba ang BTA na ang pagsasagawa ng halalan sa 2025 nang hindi tinutugunan ang mga isyung ito ay maaaring magdulot ng malaking kakulangan sa operasyon at representasyon, na posibleng makasagabal sa epektibong pamamahala at katatagan ng BARMM.
Binanggit ni Speaker Romualdez na sa pagsuporta sa panawagan ng BTA para sa pinalawig na transition period, ang mungkahing pagpapaliban ay naglalayong bigyan ng panahon ang BARMM Parliament na ayusin ang komposisyon nito at pahintulutan ang BTA na magpatupad ng mas maayos na transition, nang walang abala mula sa mga hindi pa nareresolbang isyung legal at administratibo.
Sinabi pa ni Speaker Romualdez na ang pagpapalawig ay nagtataguyod sa pag-unlad ng BARMM tungo sa isang mas matatag at maayos na pamahalaan
“This postponement is not a delay in progress, but rather a necessary step to ensure that the foundations we are building for BARMM are solid and capable of supporting a sustainable autonomous government,” ayon sa pinuno ng Kamara.
Ang isang taong pagpapaliban ay magbibigay din ng pagkakataon sa BTA na makipagtulungan sa iba’t ibang sektor sa rehiyon upang matutukan ang kahandaan sa halalan at voter’s education, na magtitiyak na ang mga mamamayang Bangsamoro ay ganap na handa na makilahok sa isang demokratikong proseso na tunay na sumasalamin sa kanilang kagustuhan.
Ayon sa panukalang batas, ang Pangulo ay magtatalaga ng 80 bagong interim members ng BTA, na magsisilbi hanggang sa ang kanilang mga kahalili ay mahalal at makapagsimula sa kanilang tungkulin.
Sinasabi rin panukala na ang termino ng mga kasalukuyang miyembro ng BTA ay ituturing na natapos na.
Ang panukalang batas ay magiging epektibo 15 araw matapos itong mailathala sa Official Gazette o sa kahit isang pahayagan na may malawak na sirkulasyon.
Ilan pa sa mga co-author ng panukalang batas ay kinabibilangan nina Senior Deputy Speaker at Pampanga 3rd District Rep. Aurelio Gonzales Jr., Majority Leader Manuel Jose Dalipe, Senior Deputy Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Ferdinand Alexander “Sandro” A. Marcos, Deputy Speaker Yasser Alonto Balindong, mga Kinatawan Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur, Bai Dimple Mastura ng Maguindanao del Norte, Munir Arbison Jr. ng Sulu, at sina Yedda K. Romualdez at Jude Acidre ng Tingog Party-list.
Sa kanilang panukalang batas, binigyang-diin ni Speaker Romualdez at ng kanyang mga co-author ang mahalagang tungkulin ng BARMM sa pagsusulong ng kapayapaan at kaunlarang pang-ekonomiya sa Mindanao.
Ayon sa kanila, ang pagpapalawig ng transition period ay hindi lamang isang pagkaantala, kundi isang pagpapakita ng pangako na igalang ang mga hangarin ng mga mamamayang Bangsamoro, at tiyakin na ang makasaysayang unang halalan ay maisasagawa nang may patas na representasyon, katatagan, at kahandaan sa pamamahala.
“This legislation responds to the unique context of the Bangsamoro, allowing the region to uphold its autonomy while also adhering to the highest standards of governance within the Philippines,” ani Speaker Romualdez.
“This law is a testament to Congress’ dedication to the success of the BARMM, providing leaders with the time they need to complete this transition thoughtfully, inclusively, and with resilience for future generations,” dagdag pa ng mambabatas. (END)
————————
House Blue Ribbon panel chair nais malaman kung binigyan ni VP Sara ng travel authority ang chief-of-staff para makalabas ng bansa
Kinukumpirma ng chairman ng House Committee on Good Government and Public Accountability kung mismong si Vice President Sara Duterte ang lumagda sa travel authority ng chief-of-staff ng Office of the Vice President (OVP) na si Zuleika Lopez para makabiyahe ito sa Estados Unidos sa gitna ng imbestigasyong isinasagawa nito kaugnay ng iregularidad sa confidential funds.
Ayon kay Manila Rep. Joel Chua, chair ng komite na kilala rin bilang House Blue Ribbon committee, may mga mapagkakatiwalaang sources ang nagsabi ng impormasyong ito at kasalukuyan nilang inaalaman kung totoo.
Sinabi ni Chua na ang biglaang pag-alis ni Lopez ay tila isang pagtatangkang umiwas sa pagtestigo sa imbestigasyon ng kanyang komite ukol sa umano'y maling paggamit ng confidential fund ng OVP at Department of Education (DepEd)na may kabuuang halagang P612.5 milyon.
“Nakakalungkot na tila may effort na pigilan ang mga opisyal ng OVP sa pagharap sa aming imbestigasyon. Inaalam pa namin kung totoo nga bang si VP Duterte mismo ang pumirma sa travel authority ng kanyang chief-of-staff na lumipad papuntang U.S. bago ang ating hearing,” ayon kay Chua.
Ang imbestigasyon ng komite ay nakasentro sa P500 milyong confidential funds na ginastos ng OVP at P112.5 milyon na nasa ilalim naman ng DepEd, noong pinamumunuan pa ito ng Bise Presidente.
Ayon kay Chua, ang hindi pagdalo ni Lopez at ng iba pang matataas na opisyal ng OVP ay nakakahadlang sa pagsisikap ng komite na malinawan ang isyu ng umano’y maling paggamit ng pondo.
Ipinunto pa ng mambabatas na pinuna ng Commission on Audit (COA) ang malaking bahagi ng ginastos na confidential funds ni Duterte noong 2022 at 2023. Kasama rito ang P125 milyong confidential fund ng OVP na ginastos sa loob ng 11 araw noong Disyembre 2022.
“Bukod sa pagpigil sa kanyang mga opisyal, tinangka pa ng OVP na kumbinsihin ang COA para hindi ipasa sa amin sa House of Representatives ang mga dokumento sa amin,” ayon kay Chua, na tinutukoy ang isang liham mula sa OVP na naglalaman ng kahilingan sa COA na huwag ibigay ang mga audit documents sa Kamara.
Sa isang liham na may petsang Agosto 21, 2024, iginiit ng OVP na nilabag ng subpoena ng House Committee on Appropriations ang separation of powers at maaaring makagambala sa malayang proseso ng pag-audit ng COA.
Ang liham ay nagmungkahi sa COA na itago ang mga dokumento ng audit hinggil sa paggamit ng confidential fund ng OVP, na una ng napuna dahil sa mga kaduda-dudang paggastos, kabilang na ang P73 milyong hindi pinayagan sa loob lamang ng ilang araw noong katapusan ng 2022.
“Ang tanong ng taumbayan ay simple lang: Saan napunta ang pondong ito?” giit ni Chua.
“Instead of answering, they are trying to prevent COA from sharing important documents with the House of Representatives. This is a disservice to the Filipino people, who deserve transparency and accountability in the use of public funds,” dagdag pa ng mambabatas.
“Nakita naman natin sa hearings ng Blue Ribbon na may irregularidad sa paggastos, at ito ang dahilan kung bakit kailangan nilang humarap sa taumbayan. Kailangan malinawan ang bayan sa isyung ito. The people deserve answers, especially when public funds are involved,” saad ni Chua.
Binanggit din niya na patuloy na iniiwasan ni Duterte na harapin ng direkta ang mga isyu ng umano'y maling paggamit ng mga pondo, kahit na ang mga pangunahing opisyal niya ay pinipigilang dumalo sa mga pagdinig.
Ayon kay Chua, ang paulit-ulit na pagliban ng mga opisyal ng OVP, kabilang si Lopez, ay nagpapakita ng kakulangan sa transparency at accountability.
“Ang patuloy na hindi pagdalo sa aming mga hearings ay parang pagtakas sa pananagutan. Sooner or later, VP Duterte and the officials of the OVP will have to answer these questions. Hinding-hindi nila ito matatakasan,” ayon kay Chua.
“Kung malinis ang kanilang intensyon, dapat nilang ipaliwanag sa bayan kung paano nila ginastos ang pondong ito. Public accountability is not just a requirement; it’s a duty,” dagdag pa ng kongresista. (END)
————————
Sinong makikinabang sa pag-alis ng bansa ng chief-of-staff ng VP Sara?— Young Guns
Sino ang makikinabang sa pag-alis sa bansa ni chief-of-staff ng Office of the Vice President (OVP) na si Zuleika Lopez?
Ito ang tanong ng mga miyembro ng Young Guns ng Kamara de Representantes matapos na umalis si Lopez patungong Amerika sa bisperas ng pagdinig ng House Committee on Good Government sa kinukuwestyong paggamit ni Vice President Sara Duterte ng confidential fund ng OVP at Department of Education (DepEd).
Kapwa tinuligsa nina Deputy Majority Leader Jude Acidre ng Tingog Party-list at House Assistant Majority Leaders Zia Alonto ng Lanao del Sur, Jil Bongalon ng Ako Bicol Party-list at Cagayan de Oro Rep. Lordan Suan si Lopez sa pag-alis ng bansa sa kabila ng pag-imbita sa kanya sa pagdinig ng komite.
Duda si Acidre sa timing ng pag-alis ni Lopez at napatanong kung sino ba ang makikinabang sa kaniyang pag-alis.
“The first question you should be asking is, who is set to benefit from her absence? Sino ang magbe-benepisyo na umalis siya?” ani Acidre
Ilang beses na aniya inimbitahan ng komite si Lopez at anim pang opisyal ng OVP na dumalo sa pag-dinig ngunit kahit na minsan ay hindi dumalo ang mga ito.
“This is the fourth time, I believe, that they were invited to the hearings. Siguro justifiable naman if you would imply bad faith, na umalis siya sa gabi, bago nangyari iyung hearing,” dagdag ni Acidre.
Binigyang diin ni Acidre ang kahalagahan ng pagrespeto sa legislative process gayundin ang hindi magandang ehemplo ng pagbalewala sa mga imbitasyon ng komite.
“Hindi puwedeng i-balewala na lang ng komite na ini-ignore ang mga paanyaya. Kasi kung hahayaan ho namin na ibalewala lang ang mga paanyaya ng mga komite ng Kongreso, sino ang makakapigil sa iba na balewalain din ang mga susunod pang pagdinig ng ating mga komite?” aniya.
Kwestyunable rin para kay Adiong ang desisyon ni Lopez na unahin ang personal na lakad sa halip na dumalo sa pag-dinig.
“The timing is very suspicious. It also speaks of priority; as a public officer and a public official working in the government, it is your duty to respond to an official invitation by your co-equal branch, especially if it discusses a very important matter which is the utilization of public funds,” ani Adiong.
Bilang isang kawani ng pamahalaan, dapat bigyang prayoridad ni Lopez ang pagsisiyasat kaysa sa anumang pribadong isyu.
“It is incumbent upon COS Zuleika to appear before the committee because that’s her duty. Duty above personal travel dapat,” giit niya.
Bagamat naniniwala si Bongalon na may presumption ng good faith sa bawat aksyon, kaduda-duda ang pag-alis ni Lopez.
“Good faith is presumed in every act but the presumption does not apply in this case. Ibig sabihin mayroon bad faith. They were invited several times. Umalis po siya ng bansa the night before the scheduled hearing,” sabi pa nito.
Maaari din aniya isipin ng publiko na ang pag-alis ni Lopez ay paraan upang makaiwas ito sa pananagutan.
“Ang implikasyon po kasi nito is magdududa po kasi yung taong bayan. Ibig sabihin baka tumatakas sila or iniiwasan nila ito pong hearing para hindi sila matanong sa mga issues na pinupukol sa kanila,” dagdag niya
Sinang-ayunan ito ni Suan at ipinaalala na“flight is an indication of guilt.” Umaasa siya na hindi ganito ang kaso kay Lopez.
“The guilty flee when no one pursue it, but the innocent are bold as a lion. So gaya nang sinasabi ni Atty. Jil na kung wala namang tinatago, wala namang reason na umiwas po tayo,” sabi ni Suan
Ayon pa kay Adiong lalo lang nito pinapalakas ang hinala ng publiko na umiiwas ang OVP sa isyu.
“If they continue on behaving like this, refusing the invitation… then they reinforce the public perception. Mayron talaga silang iniiwasang sagutin,” aniya
Dahil sa pag-alis ni Lopez ay marami pa ring tanongn a hindi masasagot ani Acidre, lalo at wala rin naman maibigay na paliwanag ang ibang mga opisyal ng OVP na dumalo sa pag-dinig.
“With her absence, a lot of questions will be left unanswered,” ani Acidre
Nanawagan naman si Bongalon kay Lopez na unahin ang kaniyang responsibilidad sa publiko kaysa personal na interes dahil responsibilidad niyang ipaliwanag ang mga natuklasang iregularidad.
“The chief of staff has the obligation to explain the irregularities, the concerns and the issues kasi kung wala naman tinatago bakit ka umiiwas?” Pahayag niya
Sabi pa ni Acidre na hindi nila inuusig ang sinoman indibidwal ngunit ginagampanan lang ang mandato nila ng oversight.
“This is not just a matter of really zeroing in on specific individuals. But this is also to protect the integrity of the processes that we have here in the House and also to uphold the dignity of the institution,” saad niya. (END)
————————-
Young Guns walang nakikitang problema sa pagsertipika ng Senado sa transcript ng Duterte drug war probe
Walang nakikitang problema ang dalawang lider ng Young Guns ng Kamara de Representantes kung sesertipikahan ng Senado ang transcript ng pagdinig nito kaugnay ng war on drugs campaign ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na ipadadala sa International Criminal Court (ICC).
Ayon kina Deputy Majority Leader Jude Acidre ng Tingog Party-list at Assistant Majority Leader Jil Bongalon ng Ako Bicol Party-list ang pagdinig ng Senado ay isang pampublikong pagdinig kaya wala umanong dahilan kung bakit haharangin ang pagsasapubliko ng transcript.
Ipinunto ni Acidre na ang pagdinig ng Senado, kung saan inako ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang buong responsibilidad sa giyera kontra iligal na droga, ay ipinalabas ng live sa social media kaya napanood ito ng publiko.
“Well, the Senate hearing was a public proceeding. Nakita nga, it was streamed live in social media. It’s a matter of certifying. I don’t think there’s going to be a problem with it,” sabi ni Acidre.
Kinuwestyon naman nito ang alinlangan ng ilang senador sa pagbabahagi ng naturang transcript sa ICC, at sinabi na hindi dapat isiping nakikipagtulungan na ang bansa sa international body kung bibigyan ito ng kopya.
“I don't see the point of the good senator (Bato dela Rosa) kung bakit ayaw niya. It cannot be misconstrued as cooperating because other than what actually happened and what actually has been said, wala namang idadagdag doon,” dagdag ni Acidre.
Punto ni Acidre na kung ang mga salaysay sa pag-dinig ay pawang katotohanan lang ay walang dapat ikatakot kung ibahagi ang naturang transcript sa iba.
“Kung naniniwala naman na ‘yung katotohanan ay nasabi, kung totoo yung sinabi doon sa Senate hearing, kahit kanino pa i-submit ‘yun, hindi naman magbabago ‘yun eh. Ang katotohanan will remain to be the truth,” giit pa niya.
Sumang-ayon naman dito si Bongalon at sinabi na wala siyang nakikitang dahilan para hindi pagbigyan ng Senado kung lehitimo naman ang rason ng paghingi sa official transcript.
Pinatutungkulan niya ang pahayag ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na kung may justifiable na rason para sa pag-hingi at walang dapat tumutol dito.
“For me, I don’t see any reason for the Senate not to grant any request for the official transcript of the Senate Blue Ribbon Committee,” ani Bongalon
“If it's for a justifiable purpose, then they will issue it. Ano po ba ang dapat katakutan kung ito po ay i-release?” dagdag pa nito.
Pinabulaanan din ni Bongalon na ang pagbibigay ng kopya ng transcript ay pagtulong sa ICC dahil independent ang ginagawang imbestigasyon ng ICC.
“I guess the grant of any request for the transcript is not in any way aiding the ICC because we have to remember that ICC is doing any investigation independently. So dapat hindi tayo maging hadlang sa ano man ang magiging investigation ng ICC,” paliwanag pa ng mambabatas. (END)
———————-
Pagpapanatili ng Senado sa bawas-badyet ng OVP bendikasyon sa Kamara— Young Guns
Para sa mga miyembro ng Young Guns isang bendikasyon sa Kamara de Representantes ang ginawa ng Senado na panatilihin ang P1.3 bilyong bawas sa panukalang badyet ng Office of the Vice President (OVP) para sa 2025.
Hindi dinagdagan ng Senate Finance committee na pinamumunuan ni Sen. Grace Poe ang P733 milyong pondo na inilaan sa OVP para sa susunod na taon.
Ang inalis na pondo sa OVP ay inilipat sa pondo ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Health (DOH) upang madagdagan ang pondo nito na pantulong sa mga nangangailangan.
Sinabi ni House Assistant Majority Leader at Lanao del Sur Rep. Zia Alonto Adiong, ang sponsor ng badyet ng OVP sa Kamara, na gaya niya ay nahirapan din si Poe na makakuha ng mga kinakailangang dokumento upang mabigyang katwiran ang pondong hinihingi nito.
“As a sponsor, alam ko ‘yung na-experience po ng Senate ngayon when they were asking for the documents,” ani Adiong sa isang press conference nitong Miyerkoles.
“It would be really difficult, and I feel for her because it really is difficult for a sponsor to really defend the proposed budget kung walang coordination ang ahensya na dinindepensa mo,” wika pa nito.
Sinabi ni House Deputy Majority Leader at Tingog Party-list Rep. Jude Acidre na isang bendikasyon sa Kamara nag naging hakbang ng Senado.
“It also vindicates the stance taken by the Hon. Zia being the sponsor of the budget of the [OVP] kasi alam naman natin na medyo binabatikos siya,” ani Acidre.
Pagpapatuloy pa nito, “Pero nakita natin dito, pati sa Senado ay patuloy pa rin na iniiwasan ng Tanggapan ng Pangalawang Pangulo ang pag-defend ng kanilang budget sa tama at saktong pamamaraan.”
Sinabi ni Acidre na nakakabahala ang ipinapakita ng OVP sa usapin ng badyet na mistulang sinasabi na mas mataas ito sa proseso ng pagbabadyet.
“This is not the OVP’s money — it’s the people’s money,” sabi ni Acidre.
Iginiit naman ni Assistant Majority Leader at Ako Bicol Rep. Jil Bongalon, vice chair ng House Committee on Appropriations, na ang pagbabawas sa badyet ng OVP ay naka-ugat sa interest ng publiko at hindi pulitika.
“The adoption of the Senate on the budget of the [OVP] is just really a confirmation that what we did in the House is just a result of a work that is fair and there’s nothing about politics here,” ani Bongalon.
Binigyan-diin din ni Bongalon na hindi talaga inalis ang badyet kundi inilipat lamang ito sa ibang makabuluhang pagkakagastusan.
Para naman kay Cagayan de Oro City Rep. Lordan Suan ayaw makipagtulungan ng OVP upang maidepensa ni Adiong ang kanilang badyet.
“I saw that he was really sincere in wanting to defend the budget of the Vice President, and with what happened in the Senate—in reaffirming the proposal or the version of the House—I think that we can’t blame the Senate and we can’t blame Cong. Zia,” sabi ni Suan.
Iginiit ni Suan na naging maluwag ang Kamara sa OVP subalit wala umanong magagawa kung walang ibinigay ang OVP para mabigyan ng katwiran ang hinihingi nitong badyet. (END)
————————
Speaker Romualdez binati si Trump sa panalo nito
Isang mainit na pagbati ang ipinaabot ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez kay President-elect Donald Trump na nagwagi sa katatapos na halalan sa Estados Unidos.
“ON behalf of the House of Representatives and the Filipino people, I extend warm congratulations to President-elect Donald Trump on his recent victory. The American people have spoken, and we look forward to strengthening our enduring relationship with our oldest ally,” ani Speaker Romualdez.
Sinabi ng lider ng mahigit 300 kinatawan ng Kamara de Representantes na ang pamumuno ni Trump ay nagbubukas ng panibagong oportunidad upang mas mapalalim ang relasyon ng Pilipinas at Estados Unidos partikular sa larangang pang-ekonomiya na pakikinabangan ng mga Pilipino.
“We are optimistic that under President Trump, maritime security and regional stability will remain priorities, especially in the West Philippine Sea. The Philippines values a strong defense partnership with the U.S., supporting peace and stability across the Indo-Pacific,” sabi pa nito.
Pinuri rin ni Speaker Romualdez ang patuloy na suporta ng Estados Unidos sa counter-terrorism at pagtulong sa paglaban sa mga extremism group.
“As we enter this new chapter, the Philippines remains committed to a strategic alliance with the U.S., founded on mutual respect, shared interests, and the common goals of security and progress<‘ wika pa nito.
“Congratulations once again, President Trump. We look forward to further strengthening our partnership,” saad pa ng lider ng Kamara. (END)
—————————
‘No gift policy’ sa gobyerno nilabag ni VP Sara sa pagmimigay ng pera sa DepEd officils
Nilabag umano ni Vice President Sara Duterte ang “no gift policy” ng gobyerno sa ginawa nitong pamimigay ng sobre na may lamang pera sa mga piling opisyal ng Department of Education (DepEd) noong ito pa ang kalihim ng kagawaran.
Ito ang sinabi nina Deputy Majority Leader Jude Acidre ng Tingog Party-list at Assistant Majority Leaders Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur at Jil Bongalon ng Ako Bicol Party-list kaugnay ng pag-amin ni DepEd Accounting Division chief Rhunna Catalan sa pinakahuling pagdinig ng House Blue Ribbon committee na buwan-buwan itong tumanggap ng sobre na may lamang P25,000 mula kay Duterte bilang allowance sa loob ng siyam na buwan.
Ang pahayag ni Catalan ay pagkumpirma umano sa naunang sinabi ni dating DepEd Undersecretary Gloria Mercado na nakatanggap din ito ng sobre na may lamang pera mula kay Duterte.
“What does the testimony of Ms. Catalan also tell us? Two things kasi hindi ito masyadong na-emphasize. Una, kina-corroborate niya ang unang testimonya ni USec Mercado,” ani Acidre.
Patunay umano ito na hindi totoo ang sinabi ni Duterte na mayroon lamang sama ng loob si Mercado kaya sinabi nito na nakatanggap ito ng sobre na may lamang P50,000 kada buwan.
“Ibig sabihin nagsinungaling ang VP nung sinabi niya nagsisinungaling eto isang disgruntled employee lamang si USec Mercado,” dagdag pa ni Acidre.
Sinabi ni Acidre na hindi rin makatwiran na sabihin ito kay Mercado lalo at matagal na itong naglilingkod sa gobyerno.
“Ang VP mismo, nung siya ay Secretary of Education, ay hindi sumunod sa sariling polisya ng no-gift policy. So anong klase ng leadership meron ang isang tao na siya mismo ang babali sa sariling polisiya,” sabi ni Acidre.
Nagpahayag naman ng pangamba si Adiong sa pagbiyahe ng chief of staff ng Office of the Vice President (OVP) na si Zuleika Lopez sa Amerika sa halip na dumalo sa pagdinig ng komite.
“Holding a public office, you really have to uphold the integrity of your office. You represent an office, and it is your obligation to really respect your office and uphold the integrity of your office,” ani Adiong.
Iginiit rin nito ang kahalagahan ng transparency sa gobyerno lalo na sa paggamit ng pondo ng bayan.
“If it’s about the Congress exercising its oversight function, it's really well-established that resource persons and witnesses need to maintain transparency. You really have to be honest,” dagdag pa nito.
Ipina-subpoena ng komite ang pitong opisyal ng OVP kaugnay ng imbestigasyon sa paggamit ng confidential fund ni Duterte noong 2022 at 2023. Hindi dumalo ang mga ito alinman sa apat na pagdinig.
Sa unang pagdinig ng komite ay dumalo si Duterte subalit hindi naman ito nanumpa na magsasabi ng katotohanan na ikinalungkot ni Acidre.
“Nakakabahala na ‘yung pangalawang pinakamataas na opisyal ng ating bansa ay may ganitong attitude tungkol sa mga prosesong hindi naman kami ang gumawa kundi nasa Saligang Batas at patuntunan ng Kamara,” sabi nito.
Sinabi naman ni Bongalon na hindi maganda ang ipinakitang halimbawa ni Duterte sa hindi pagdalo sa pagdinig at pagtanggi na manumpa na magsasabi ng totoo.
“Nakakabahala, kasi baka sabihin nila maging example ito na ‘yung pangalawang pangulo ay hindi po nag-take ng oath,” sabi pa ni Bongalon. (END)
————————-
Pangako ni Duterte na hindi dadalo sa pagdinig ng House panel napako
Hindi umano tutuparin ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang nauna nitong sinabi na dadalo sa pagdinig ng House Quad Committee na nag-iimbestiga sa madugong war on drugs campaign ng administrasyon nito.
Sumulat ang abugado ni Duterte na si Martin Delgra kay House Quad Comm overall chair Robert Ace Barbers ng Surigao del Norte upang sabihin na natanggap nito ang imbitasyon ng komite sa dating Pangulo sa pagdinig nito sa Nobyembre 7.
Pero sinabi ng abugado sa sulat na nagdesisyon ang kanyang kliyente na hindi dadalo dahil duda umano ito sa integridad ng komite sa isinasagawang pagdinig..
“While my client’s attendance is supposedly for him to provide valuable insights and to shed light on issues under discussion particularly on extra-judicial killings, it is apparent that the inquiry is a mere political ploy aimed to indict him for crime or crimes he did not commit,” saad ng liham.
Ginamit ding dahilan ng abugado ang mga pahayag nina Manila Rep. Bienvenido Abante at Santa Rosa City Rep. Dan Fernandez, parehong co-chairman ng Quad Comm na maaaring mapanagot ang dating Pangulo sa ilalim ng Republic Act No. 9851 o ang Philippine Act on Crimes Against Humanity, Humanitarian La,. Genocide and Other Crimes Against Humanity.
Nagpahayag din umano ng pagkabahala ang dating Presidente sa pamimilit umano sa mga resource person na aminin kahit na ang mga bagay na wala namang alam ang mga ito.
“Said statement if indeed true, casts doubt as to the Honorable House Quad Committee’s integrity and impartiality,” sabi pa sa sulat.
Iminungkahi ng kampo ni Duterte na gamitin na lamang ang pahayag ng dating Pangulo sa ginawang pagdinig ng Senate Blue Ribbon subcommittee noong Oktobre 28.
Matatandaan na nauna ng sumulat si Delgra sa Quad Comm noong nakaraang buwan at sinabi na hindi maganda ang pakiramdam ni Duterte kaya hindi ito makakadalo sa pagdinig. Nangako rin ito na dadalo sa pagdinig ng komite matapos ang Undas. (END)
————————-
PAHAYAG NI REP. MUJIV HATAMAN SA MGA PANUKALANG IPAGPALIBAN ANG ELEKSYON SA BARMM SA 2026
Ang kapangyarihang mamuno at ang pribilehiyong magsilbi sa bayan na ating ibinibigay sa mga lider ng pamahalaan ay dapat magmula sa mandato ng taumbayan.
Ito rin ang aking posisyon sa pamahalaan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, kung saan nakatakdang magkaroon ng halalan sa pinakaunang pagkakataon itong darating na Mayo 2025.
The right of the Bangsamoro people to choose their own leaders who will be ultimately accountable to them is one of the highest expressions of our democracy as enshrined in both the Constitution and the Bangsamoro Organic Law.
Kaya ano mang panukala na nagsusulong ng pagpapaliban sa 2025 BARMM elections ay aking tinututulan dahil dapat maging tapat tayo sa pagtataguyod at pagtatanggol sa sagradong karapatan ng mga mamamayan na bumoto at magluklok ng mga lider na gagabay sa kanila sa mga susunod na taon.
It is my position that before we even entertain proposals to postpone the regional elections, extensive public consultations in BARMM should be undertaken to safeguard the right to suffrage of its citizens.
Kailangan ba ito? Makatarungan ba ito? Ito ba ay mas mainam para sa karapatan ng mga mamamayan sa Bangsamoro? Ano ang implikasyon nito sa demokrasya natin?
Sa ngayon, nagpahayag na ng kahandaan ang mismong Commission on Elections na isagawa ang 2025 BARMM elections. Handa na rin ang mga political at sectoral parties para sa nakatakdang halalan sa susunod na taon.
Handa na ang Comelec. Handa na ang mga partido. At naniniwala ako na handa na ang mga mamamayan ng Bangsamoro region sa darating na halalan.
Inilatag din ng Korte Suprema ang guidelines sa postponement ng elections sa kasong Macalintal vs Comelec (GR 263590 at GR 263673) noong taong 2023. Sinabi nito na ang halalan ay hindi basta-basta ipinagpapaliban at gagawin lamang ito sa ilalim ng ilang kondisyon, lahat ay nagtataguyod at nagtatanggol sa right to suffrage ng mga mamamayan.
Malawakang public consultations ang ating kailangan para maipagpaliban ang halalan sa 2025 sa BARMM, at hindi lamang ng opinyon ng iilang resource persons na maiimbitahan sa loob ng mga bulwagan ng Senado at Kamara.
Nananatili ako sa aking posisyon na dapat matuloy ang halalan sa BARMM sa susunod na taon, sang-ayon sa esensya ng ating Konstitusyon at ng BOL. Walang tunay na demokrasya kapag hindi mamamayan ang pipili ng kanilang mga lider sa pamahalaan./JohnCon/Mujiv
—————————
Pagbibigay ng ‘cash allowance’ ni VP Sara mga opisyal ng DepEd binatikos
Binatikos ni Tingog Partylist Rep. Jude Acidre ang ginawa ni Vice President Sara Duterte na bigyan ng envelope na may lamang pera ang mga opisyal ng Department of Education (DepEd) noong siya pa ang Education Secretary.
Ginawa ni Acidre ang pahayag matapos aminin ni Ma. Rhunna Catalan, ang Chief Accountant ng DepEd sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability noong Martes, na nakatanggap din ito ng mga sobre an may lamang tig-P25,000.
Ang ibinigay na pera, ayon kay Acidre ay pinalabas umanong allowance mula sa Bise Presidente na isang paglabag sa ipinatutupad na “no gift policy” ng ahensya.
“In public service, policies like the ‘no gift policy’ are meant to uphold integrity, accountability, and transparency. However, when leadership’s actions contradict these principles, it sends a damaging message. While VP Duterte’s directive to enforce this policy was commendable, the revelation of cash gifts given without oversight raises serious questions about both consistency and ethical standards,” ani Acidre.
Ikinabahala rin ni Acidre ang naging salaysay ni Catalan sa komite tungkol sa mga hindi pagkakatugma sa mga patakaran at aksyon ng mga opisyal ng DepEd sa kalakalaran kaugnay ng paggamit ng pampublikong pondo.
“Such actions, if allowed to persist, create confusion among personnel and lead to skepticism about the sincerity of established policies. Trust is crucial for unity and effectiveness within any department. The stark inconsistency between what is preached and what is practiced undermines not only the policy itself but also the credibility of leadership,” ayon pa sa mambabatas.
Habang nagpapatuloy ang imbestigasyon sa mga kasanayan sa pananalapi ng DepEd noong pinamumunuan pa ito ni Duterte, iginiit ni Acidre ang kahalagahan ng pananagutan sa paggamit sa pondo ng bayan.
“Public funds belong to the public, and as stewards of these resources, DepEd’s leaders must be above reproach. Congress will persist in seeking answers because ethical governance is not a courtesy—it’s an obligation,” saad ng mambabatas. (END)
—————————
DepEd chief accountant umamin na binibigyan ng sobre na may pera ni VP Sara
Isa pang opisyal ng Department of Education (DepEd) ang umamin na tumanggap ng mga sobre na may lamang pera mjla kay Vice President Sara Duterte noong ito pa ang kalihim ng ahensya.
Si DepEd Chief Accountant Rhunna Catalan ang ikaapat na opisyal na umamin sa pagdinig House Committee on Good Government and Public Accountability na nakatanggap ng pera mula kay Duterte.
“Yes, Sir,” sagot ni Catalan sa tanong ng chairman ng komite na si Manila 3rd District Rep. Joel Chua kung tumanggap ito ng envelope na mayroong lamang pera mula sa noon ay DepEd Assistant Secretary Sunshine Charry Fajarda, isang pinagkakatiwalaang opisyal ni Duterte.
Sa pagtatanong ni Chua, sinabi ni Catalan na “Minimal amount lang po, it’s 25,000 (pesos).”
Ayon kay Catalan si Fajarda ang nagbibigay sa kanya ng envelope buwan-buwan mula Pebrero hanggang Setyembre 2023.
Inamin din ni Catalan na hiniling sa kanya ni Fajarda na pumirma sa liquidation voucher para sa kabuuang P112.5 milyong confidential fund ng DepEd noong 2023. Ang voucher ay ginamit sa pagkuha ng tseke na ipina-enchash sa Landbank ng mister ni Fajarda na si Edward, ang special disbursing officer (SDO) ni Duterte sa DepEd.
Ang naturang pondo ay nahati sa tatlong tig-P37.5 milyon at in-encash sa unang tatlong quarter ng 2023.
Dahil sa sinabing ito ni Catalan, iginiit ni Abang Lingkod Rep. Joseph Stephen Paduano ang pangangailangan na humarap sa pagdinig si Fajarda.
“Mr. Chairman, all the more that… Ms. Sunshine Fajarda should be present in the next hearing para po patotohanan ‘yung statement ni Ms. Catalan,” dagdag pa ni Paduano. “Sabihin na natin, you were requested to sign it. So why did you sign it? As per request of Ms. Fajarda?”
“Yes, Your Honor, because it is needed as a covering letter or covering document to the liquidation documents, supporting documents,” sabi pa ni Catalan.
Ang mag-asawang Fajarda ay kabilang sa pitong opisyal ng Office of the Vice President na ipina-subpoena ng komite.
Nagtanong naman ang vice chair ng komite na si Manila 6th District Rep. Bienvenido Abante kung na-pressure ito na pirmahan ang liquidation reports dahil tumatanggap ito ng pera mula kay Fajarda.
“I was requested, Sir, in a nice way,” sabi ni Catalan.
“You received an envelope nine times, am I right?” tanong ni Abante na kinumpirma ni Catalan.
“Is that not a form of pressure?” sunod na tanong ni Abante.
Ayon kay Catalan tinanong nito si Fajarda kung bahagi ng confidential ang ibinigay nito sa kanya at sumagot umano ito na hindi at sinabi na ito ay allowance mula kay Duterte.
Hindi naman nakumbinsi si Abante.
“Those nine envelopes you received are a form of pressure on your part or from the same person that asked you to sign. Am I right?” tanong ng solon.
Sagot naman ni Catalan, “Maybe, Your Honor.”
Nauna rito, sinabi ni dating DepEd Undersecretary Gloria Jumamil Mercado na tumanggap ito ng mga sobre na may lamang pera mula sa Duterte mula Pebrero hanggang Setyembre 2023. Naglalaman umano ang bawat sobre ng P50,000.
Sa pagdinig noong Oktubre 17, sinabi naman ni dating DepEd Bids and Awards Committee chair Resty Osias na nakatanggap din ito ng mga sobre kada buwan na naglalaman ng P12,000 hanggang P15,000 mula Abril hanggang Setyembre 2023.
Sinabi rin ni dating DepEd spokesperson Michael Poa na makailang ulit itong nakatanggap ng sobre mula kay Duterte. (END)
————————-
Lady solon kumbinsido na swak si VP Sara sa malversation
Kumbinsido ang isang lady solon na sapat na ang mga ebidensyang nakalapt ng House Committee on Good Government and Public Accountability upang mapagharap si Vice President Sara Duterte ng kasong malversation kaugnay ng iregularidad sa paggamit nito ng confidential funds ng Department of Education (DepEd).
Sa pagdinig ngayong Martes, sinilip ni Rep. Gerville Luisto ng Batangas ang paggamit ng confidential fund ng DepEd laban sa insurhensiya at mayroon umanong nawawalang P10.4 milyon, bukod pa sa ibang natuklasang iregularidad.
“So, where is this amount now? In conclusion, I wish to believe that the confidential fund of the Department of Education was not properly recorded at its best, or misspent or misappropriated at its worst,” ani Luistro.
Ayon kay Lusitro hindi malinaw ang pagkakagastos sa P15.5 milyong halaga ng confidential fund ng DepEd batay sa mga isinumite nitong dokumento sa Commission on Audit (COA).
“What is consistent with respect to their location is equivalent only to the amount of P4.2 million. So there remains also an unexplained amount of P10.4 million,” sabi ni Luistro.
Sinilip din ni Luistro kung bakit DepEd ang nagsasabi sa mga national security agency ng gobyerno kung saan magsasagawa ng mga anti-insurgency program.
“It is the humble submission of this representation that there is a prima facie case of malversation and, in addition an apparent case of breach of public trust. For us to be able to know whether there is malversation, four elements must be present,” sabi ni Luistro.
Paliwanag ni Luistro mayroong apat na elemento ang malversation— una ang sangkot ay dapat isang public official, ikalawa ito ang custodian ng pondo, ikatlo dapat ay pondo ng publiko ang sangkot, at ang ika-apat dapat ay hindi ginamit ng tama ng pondo.
“For the information of the public, the malversation can be done intentionally. We call it ‘dolo’, which is with criminal intent. And it can be done as well by negligence. We call it ‘culpa’ or by negligence. In other words, with or without criminal intent,” ani Luistro.
“If the four elements are present, which I believe they are, there is prima facie case of malversation. With respect to the breach of public trust, this is violation of public's confidence in a public officer's ability to serve with integrity, impartiality and in accordance with law,” dagdag pa nito.
“Public trust is mandated by no less than the fundamental law of the land,” giit ni Luistro. (END)
—————————-
Michael Poa hindi spox ng OVP
Kinumpirma ni Atty. Michael Poe na hindi na siya spokesman ng Office of the Vice President (OVP).
Ito ang inilahad ni Poa sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, na nagiimbestiga sa umano’y maling paggastos ng P612.5 milyong confidential funds ni Vice President Sara Duterte sa ilalim ng Office of the Vice President at Department of Education.
“I would like to inform the Honorable Committee that I am no longer connected with the Office of the Vice President. Hindi na po ako ... Yung consultancy contract ko po was already pre-terminated, Your Honor,” tugon ni Poa nang matanong ng chairman ng komite na si Manila Rep. Joel Chua.
Nauna ng inabi ni Poa sa komite na sina VP Duterte at dating DepEd Senior Disbursing Officer Edward Fajarda ang may tanging kapangyarihan sa pamamahala ng confidential funds ng DepEd.
Si Poa ay naalis sa OVP matapos nitong sabihin sa nakaraang pagding na sina Duterte at Fajarda ang may direktang kontrol sa confidential fund, bagay na nakuwestyon dahil sa mekanismo ng DepEd para maging transparent at magkaroon ng pananagutan sa paggamit ng confidential fund.
Sinabi ni Poa na-pre terminate ang kanyang kontrata na sa Disyembre pa dapat matatapos.
Sa pagdinig nitong Martes, natanong si Poa kaugnay ng mga opisyal ng OVP na hindi dumadalo sa pagdinig ng komite.
“Your Honor, when I was still there, yes, they were connected with the OVP. Although as of today, hindi ko na po talaga masabi factually if they are still connected or not. I would assume, because of the position paper with the letterhead, that they're still connected,” ani Poa.
“But I cannot confirm that because nagpaalam po ako na umalis prior pa po to the previous hearing that we had,” dagdag pa niya.
Kabilang sa mga opisyal na ito sina OVP chief of staff Zuleika Lopez, Lemuel Ortonio, Atty. Rosalynne Sanchez, Julieta Villadelrey, Gina Acosta, Atty. Sunshine Fajarda at Edward Fajarda.
Bilang spokesperson, sinabi ni Poa na trabaho niyang harapin ang mga tanong ng media ngunit wala aniya siyang papel sa mga pagdedesisyon sa paggamit ng confidential fund. (END)
—————————
Chief of staff ni VP Sara bumiyahe pa-US sa halip na dumalo sa pagdinig kaugnay ng confidential fund misuse
Bumiyahe pa-Amerika ang chief of staff ni Vice President Sara Duterte sa bisperas ng pagdinig ng Kamara de Representantes kaugnay ng paggastos sa kabuuang P612.5 milyong confidential funds ng Office of the Vice President (OVP) and Department of Education (DepEd).
Napag-alaman ngayong Martes ng House Committee on Good Government and Public Accountability, na kilala rin bilang Blue Ribbon Committee, na si OVP Undersecretary Zuleika Lopez ay umalis ng Pilipinas noong Lunes ng gabi pa Estados Unidos.
Isa si Lopez sa pitong opisyal ng OVP na pina-suboena ng komite para humarap at magpaliwanag ukol sa umano’y maling paggastos sa P500 milyong confidential fund ng OVP noong 2022 at 2023.
Ipinagbigay alam sa komite na pinamumunuan ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua, na dumaan si Lopez sa immigration counter ng Ninoy Aquino International Airport-Terminal 1 ng alas-7:31 ng gabi ng Lunes at umalis lulan ng Philippine Airlines flight PR 102 patungong Los Angeles, California, at lumipad ng alas-10:25 ng gabi.
Nauna rito, hiniling ni Chua sa Department of Justice na isama si Lopez at ang anim na iba pang opisyal sa immigration lookout bulletin kasunod ng mga impormasyong natanggap nito na nagbabalak umalis ang mga ito.
Ang lookout bulletin ay para lang ma-monitor ang indibidwal na lalabas ng Pilipinas at hindi para pigilan ito.
Hindi rin sumipot ang anim na opisyal ng OVP sa pag-dinig ngayong araw dahilan para magpalabas muli ng subpoena ad testifican dum para sila ay humarap o papatawan ng mas mabigat na parusa.
Kabilang dito sina Assistant Chief of Staff at Bids and Awards Committee Chair Lemuel Ortonio, Administrative and Financial Services Director Rosalynne Sanchez, Special Disbursing Officer (SDO) Gina Acosta, Chief Accountant Julieta Villadelrey, at dating DepEd Assistant Secretary Sunshine Charry Fajarda at dating DepEd SDO Edward Fajarda.
Ipinapasubpoena rin sina: Budget Division Chief Edelyn Rabago at Chief Administrative Officer Kelvin Gerome TeƱido.
Ang mag-asawang Fajarda ay kilalang aide ng bise presidente at lumipat sa OVP matapos siyang magbitiw bilang kalihim ng DepEd noong Hulyo.
Lima sa anim na iba pang pinasubpoena ang nasa bansa pa batay sa kanilang travel records.
Hindi naman matukoy kung nasa bansa pa si Acosta dahil mayroon itong kapangalan.
Sa mosyon ni Abang Lingkod Rep. Joseph Stephen Paduano, na sinegundahan ni Deputy Speaker and Quezon 2nd District Rep. David “Jay-jay” Suarez, muling naglabas ng subpoena ang komite sa naturang mga opisyal. Na apat na beses nang bigong dumalo sa pag-dinig.
Hindi naman maintindihan ni Chua kung bakit patuloy na hindi nagpapakita ang naturang mga opisyal sa pagdinig.
“But to accommodate them, and to comply with our three-day rule as pointed out by Congressman Paduano, we will reissue the subpoenas,” sabi niya.
Babala niya na kung indi ap rin sisipot sa susunod na pag-dinig ay papatawan na sila ng mas mabigat na parusa partikular ang contempt order namauuwi sa pagpapa aresto at pagpapakulong sa kanila.
Ipinunto ni Paduano na kabilang ang three-day rule sa mga idinahilan ng mga opisyal sa kanilang position paper kung bakit hindi sila makakadalo sa pagdinig ngayong Martes.
Dapat ay mailabas at matanggap ang subpoena tatlong araw bago ang pag-dinig.
Ayon sa committee staff na naisilbi ang subpoena sa tanggapan ng OVP noong weekend ngunit tumanggi ang legal assistant na tanggapin ito.
Pinagpapaliwanag ng komite ang pitong opisyal sa maling paggamit sa P500 milyong CIF ng OVP at dagdag na P112.5 sa DepEd noo siya pa ang kaihim ng kagawaran.
Pinunan ng Commission on Audit ang halos kalahati ng naturang halaga at dinisallow pa P73 million ng P125 million na ginastos ng OVP sa loob ng 11 araw noong huling quarter ng 2022.
Matapos dumalo sa paunang pag-dinig ng komite, ay hindi na sumipot si Vice Presidente Duterte sa mga sumunod.
Sabi ni Manila 6th District Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr., senior vice chairman ng komite na binigyan na ng ilang pagkakataon ng komite ang mga opiyal ng OVP para magpakita.
“It’s unfair to us who have been here present and to all those resource persons who have been attending our inquiry. These OVP people have kept insulting us,” aniya.
Sabi ni Abante, susuportahan niya ang mosyon para ipa-contempt ang pito at sila ay ipaaresto at ipakulong sa susunod na pag-dinig.
“Actually, Chairman Paduano is very kind to them. I would have supported a contempt motion,” dagdag niya. (END)
————————-
Hamon kay Duterte: Tuparin ang pangakong pagdalo sa House Quad Comm
Hinamon ng isa sa mga lider ng Young Guns ng Kamara de Representantes si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tuparin ang ipinangakong pagharap sa Quad Committee katulad ng ginawang pagdalo nito sa Senate Blue Ribbon Committee.
“Elected leaders should have the courage to practice the virtue of having a word of honor,” ani House Assistant Majority Leader Zia Alonto Adiong ng Lanao del Sur. “Filipinos know the former president as someone with palabra de honor. Throughout his political career, especially during his decades as mayor of Davao City, he built a reputation as a man of his word. This integrity is largely why people repeatedly placed their trust in him.”
Ipinunto ni Adiong na mahalaga ang presensya ni Duterte sa imbestigasyon sa Huwebes, na magbibigay ng pagkakataon sa mga lider at miyembro ng Kamara na makakuha ng sagot mula sa dating Pangulo para maging malinaw ang mga isyu kaugnay ng Duterte drug war.
Naniniwala si Adiong na ang pagdalo ni Duterte sa pagdinig ay mahalaga rin para sa kaniyang mga tagasuporta.
“It would demonstrate that he’s not afraid of accountability, just as he showed in the Senate probe, where he took responsibility and advocated for the victims of extrajudicial killings during his administration, shielding his police officers from potential criminal or administrative charges,” paliwanag ni Adiong.
Sa isang sulat, sinabi ng abogado ni Duterte na si Martin Delgra na dadalo ang dating Pangulo sa pagdinig ng komite.
Kinumpirma ni Delgra, na nagsilbing chairman ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa ilalim ng administrasyong Duterte, sa sulat nito kay Rep. Robert Ace Barbers ng Surigao del Norte, ang overall chairman ng Quad Comm, na dadalo ang kanyang kliyente sa pagdinig matapos ang paggunita ng Undas.
“Rest assured of my client’s willingness to appear before the House on some other available date, preferably after Nov. 1,” ayon pa sa liham ng dating opisyal, makaraan na ring hindi dumalo si Duterte sa pagdinig noong Oktubre 22, dahil sa hindi mabuting pakiramdam, at biglaang imbitasyon.
“Considering his advanced age and the several engagements he had to attend, he is currently not feeling well and is in need of much rest. Hence, my client respectfully request to defer his appearance before the honorable committee,” ayon pa sa dalawang pahinang liham ni Delgra kay Barbers. (END)
——————————-
Para hindi na lalong madiin: Duterte posibleng pinapayuhan na huwag dumalo sa pagdinig ng House Quad Comm
Posibleng irekomenda ng mga abogado ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte na huwag na itong dumalo sa pagdinig ng Quad Committee ng Kamara de Representantes sa Huwebes dahil maaaring lalo lamang itong mabaon sa kanyang mga sasabihin gayundin ang mga kaalyado na sina Senador Bato dela Rosa at Bong Go.
Gaya ng kanyang mga naging pahayag sa Senado, maaari umanong lalong maibaon ni Duterte ang kanyang sarili kung haharap sa pagdinig ng Kanara na nag-iimbestiga kaugnay ng reward system sa Duterte drug war na sinasabing dahilan kung bakit libu-libo ang naging biktima ng extrajudicial killings.
Ayon kay Assistant Majority Leader, La Union Rep. Paolo Ortega ng Young Guns sa Kamara, na ang pagharap ni Duterte sa Quad Committee ay maaaring magdulot ng dagdag na ebidensya laban sa kanya at kina Dela Rosa at Go, na kapwa may mahalagang ginampanan sa kampanya kontra droga ng administrasyon.
“I believe his legal team might pursue a ‘play it safe’ strategy of ‘less talk, fewer mistakes,’ and they can best achieve this by advising Duterte not to attend the Quad Comm hearing. They’ll only dig themselves deeper if the former president speaks,” ayon kay Ortega.
Si Dela Rosa ang pinuno ng Philippine National Police ng simulan ang Duterte war on drugs campaign.
Sa testimonya naman ng mga humarap na testigo sa Quad Comm, nadawit si Go na siya umanong pinanggalingan ng reward na ibibigay sa mga pulis na nakakapatay ng drug suspect.
Sa testimonya ni dating General Manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Royina Garma, sinabi nito ang tungkol sa reward system o pagbibigay ng pabuyang salapi sa pagpatay sa mga drug suspect.
Binanggit ni Ortega na ang mga pagbubunyag na ito ay nagbigay ng nakakabahalang katotohanan sa mga naganap sa marahas na anti-drug war na ipinatupad sa nakalipas na administrasyon.
“If there was a reward system behind these ‘drug kills,’ this is a serious issue that needs full clarification. If both Sen. Dela Rosa and Sen. Go were involved, then responsibility does not lie solely with Duterte but with those who stood by him in this campaign,” ayon kay Ortega.
Sinabi pa ni Ortega na una na ring inamin ni Duterte, ang pag-iral ng Davao Death Squad, isang vigilante group na umano’y nasa likod ng maraming extrajudicial killings sa Davao City noong siya pa ang alkalde ng lungsod.
Inamin din ng dating Pangulo na kabilang din si Dela Rosa sa DDS, na nagdulot ng karagdagang mga kwestyon sa pananagutan ng mga opisyal na may pangunahing papel sa malawakang pagpapatupad ng ng drug war.
“Duterte admitted to the Davao Death Squad and mentioned that Sen. Dela Rosa was part of it. If this is true, we may be seeing a larger picture than we thought,” saad ni Ortega. “This isn’t just about policy; it’s about a pattern of violence that has characterized their approach to law enforcement.”
Binigyang-diin pa ni Ortega na ang mga pahayag ni Duterte sa nakalipas na pagdinig sa Senado, kung saan inako niya ang lahat ng pananagutan sa digmaan kontra droga sa mga naging katanungan ni Sen. Risa Hontiveros.
Subalit, nang pinilit ni Hontiveros na itanong kung siya rin ba ang mananagot sa pagkamatay ng mga inosenteng sibilyan, katulad ng 17-taong-gulang na si Kian delos Santos, ay tila walang maisagot ang dating Pangulo, ayon pa kay Ortega.
“Duterte claimed he was ready to assume legal accountability for the drug war. But when asked if he would take responsibility for the deaths of innocent young people like Kian delos Santos, he seemed unprepared to confront that level of accountability,” giit pa ni Ortega.
“This hesitation speaks volumes and reveals a reluctance to fully accept the consequences of the drug war,” dagdag pa ng kongresista. (END)
——————————
House panel sinisilip potensyal na maling paggamit sa kabuuang P612.5M confidential fund ni VP Sara
Sinisilip ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang potensyal na maling paggamit sa kabuuang P612.5 milyong confidential funds ni Vice President Sara Duterte sa ilalim ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd).
Sinabi ni Manila 3rd District Rep. Joel Chua, chairman ng komite, nakalulungkot na hindi pa rin naipapaliwanag kung saan ginastos ang daang milyong pondo noong 2022 at 2023.
“Ganun na lamang ang pagkadismaya marahil ng karamihan sa mga natutuklasan natin dito sa House Blue Ribbon Committee,” sabi ni Chua sa kanyang opening remarks. “Nakita natin dito kung papaano ginamit at ginastos ng [OVP] at ng [DepEd] ang pondong kompidensyal na ipinagkaloob sa kanila sa mga taong 2022 at 2023.”
Si Duterte ang kalihim ng DepEd mula Hulyo 2022 hanggang Hulyo 2024.
Iginiit ni Chua ang pangangailangan na maging malinaw kung saan ginastos ni Duterte ang P612.5 milyong halaga ng confidential funds ng dalawang ahensya.
“Marahil, pwede nang masabing improper ang gamit sa confidential funds ng mga ahensiyang ito,” punto ni Chua. “Upang mas mabigyan pa tayo ng linaw, nararapat na masagot ang katanungang ito: anong nangyari sa pera ng taong bayan?”
Dagdag pa ng solon, “Sa totoo lang, P612.5 million ang kabuuang confidential funds ang ibinigay sa OVP ad DepEd sa loob ng dalawang taon. Nasaan na ngayon ang P612.5 million? Sino ang gumastos nito at para saan ito ginastos?”
Iginiit ni Chua na hindi dumadalo sa pagdinig ng komite ang mga indibidwal na siyang direktang may kaugnayan sa paggastos ng confidential fund.
“Masasagot lamang ito ng dalawang tao: una, ang Head of Agency, which in the case of both the OVP and the DepEd, is the Vice-President, at ikalawa, ang Special Disbursement Officer (SDO) na sila Ms. Gina F. Acosta para sa OVP at Mr. Edward D. Fajarda para sa DepEd. Ngunit ni isa sa mga ito ay hindi nagpapakita sa atin,” sabi ni Chua.
Ayon kay Chua, si Fajarda, na dating SDO ng DepEd ay lumipat nas a OVP.
Sa P612.5 milyon, P500 milyon ang confidential fund sa ilalim ng OVP noong 2022 at 2023 at P112.5 milyon naman sa DepEd na ginastos noong 2023.
Kasama sa kinukuwestyon ang paggastos ng OVP ng P125 milyong confidential fund sa loob lamang ng 11 araw o mula Disyembre 21 hanggang 31, 2022 o average na P11.364 milyon kada araw.
Sa P125 milyon, P73.3 milyon ang kinukwestyon ng Commission on Audit (COA) ang paggastos. Kasama dito ang paggastos ng P16 milyon para sa 11 araw na renta ng 34 na safe house.
Ayon kay Chua isa sa mga safe house ang binayaran ng P1 milyon para sa apat na araw na upa o P250,000 kada araw.
“Sa P16 million na ito, makikitang may isang safe house na ginastusan ng P1 million base sa mga Acknowledgement Receipt para lamang sa apat na araw. Lumalabas na P250,000 per day ang upa at maintenance nito,” sabi ni Chua.
“Marahil kahit mag-check-in ka pa sa pinakamahal na hotel dito sa bansa ay hindi aabot ng ganito kalaki ang iyong bill,” he added.
Sinabi ni Chua na kapuna-puna na noong 2023 ay bumaba ang gastos sa renta ng OVP sa mga safe house. Sa unang dalawang quarter ng 2023, gumastos ang OVP ng tig-P16 milyon at P5 milyon na lamang noong ikatlong quarter.
“Talaga bang kinailangan nila ‘yung mga safe house na ito? Legitimate po ba ‘yung paggastos nila dito?” tanong ni Chua.
Kinukuwestyon din ni Chua ang paggamit ng P15 milyong confidential funds ng DepEd na ni-liquidate gamit ang sertipikasyon mula sa mga opisyal ng Philippine Army na nagsagawa ng Youth Leadership Summits.
Ayon sa mga opisyal ng sundalo, wala silang natanggap na pondo mula sa DepEd para sa pagsasagawa ng YSL.
“Saan na ba talaga ginastos at napunta ang pera kung hindi naman pala ito ginastos para sa Philippine Army?” tanong pa ni Chua. “Napag-alaman din natin na ang mga certifications mula sa infantry battalions ng Philippine Army ay ginamit upang palabasing may natanggap na mahigit P15 million ng confidential funds ang Army mula sa DepEd. Subalit mariing pinabulaanan ito ng mga mismong pumirma sa mga certifications.”
Ayon kay Chua nasilip ito ng COA sa pagsilip sa P15.54 milyong confidential fund na ginamit bilang reward sa mga impormante.
“Malinaw na madaling abusuhin ang confidential fund kung masyadong maluwag ang mga panuntunan sa pag-gamit nito,” sabi ng solon na iginiit ang pangangailangan ng mas malinaw na sistema upang matiyak na tama ang paggastos sa confidential fund.
Itinulak din ni Chua ang pagpapalawig ng kapangyarihan ng COA upang mas mabantayan nito ang paggamit ng confidential funds.
Iminungkahi ni Chua ang pagbalangkas ng panukala upang mas ma-regulate ang paggamit ng confidential fund batay sa mga impormasyong nakalap sa imbestigasyon ng komite.
“The mission of the Committee is to craft a bill, considering these revelations, to regulate and ensure the proper use of confidential funds,” sabi pa ng solon.
Sinabi naman ni Chua na malayo pa bago matapos ang pagdinig. “This is just the tip of the iceberg.” (END)
—————————
Walang nakatataas sa batas: Rep. Khonghun hinamon si Duterte na humarap sa Quad Comm
Walang nakatataas sa batas, anuman ang katayuan sa lipunan — mayaman o mahirap, pangulo man o hindi.
Ito ang paalala ni House Assistant Majority Leader Jay Khonghun ng Zambales kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, kasabay ng paghamon dito na dumalo sa pagdinig ng Quad Committee ng Kamara de Representantes sa Huwebes.
“Nobody, and I mean nobody, can ever be above the law – literally and figuratively. We are a nation of laws and not of men. This is too basic in all law schools,” ayon kay Khonghun.
“And not just that, this is taught early in school that even non-political science (pre-law) students know it. This very popular phrase is self-explanatory. This is also the essence and bedrock of our democratic society that we always hold dear,” dagdag pa ng mambabatas.
Sinabi ni Khonghun, isang lider ng “Young Guns” sa Kamara, na dapat ng gumawa ng susunod na hakbang si Duterte upang maprotektahan ang mga pulis na pumatay ng mga drug suspect sa ngalan ng kanyang war on drugs campaign lalo at wala na itong immunity sa kaso mula pa noong Hulyo 2022.
“There is the repeated demand for public accountability here, especially in light of the so-called state-sponsored executions where innocent lives have been lost in the name of the purported war against illegal drugs,” saad ni Khonghun.
“Go beyond rhetorics. Tell us the whole truth about EJKs, and don’t be selective in your testimony. The Filipinos deserve nothing less. Prove to us your real worth by showing you are the country’s poster boy in terms of transparency, that you’re not afraid of anything,” ayon pa kay Khonghun. “Truth, no matter how hard, should prevail above everything else, even more than power itself.”
“There should be truth above power, whose holders only come and go. As elected officials in charge of making laws, ferreting out the whole truth has been part of our mandate. It is our priority, and we will make sure that real culprits are indicted, powerful or not,” babala pa ng kongresista. (END)
——————————-
Salceda statement on the October 2024 inflation report
October’s inflation figure remains at the low end of the 2-4 percent target. The 10-month average also remains at 3.3 percent. I can now confidently say that the full-year inflation figure will be within the BSP’s 2-4 percent target band. This will also give the BSP license for further rate cuts, especially since expected OFW remittances this December will give them some room on the currency strength side.
Rice – PBBM’s tariff reduction policies working for consumers without hurting farmers
Year-on-year, rice price inflation remains a fundamental problem, but on a month-on-month basis, prices are declining for all cereals (rice, corn, and wheat products). There are also encouraging signs in meat prices, which have slowed to 3.6 percent inflation YOY and negative inflation month-on-month.
All-in-all, President Marcos’s policy of reducing rice tariffs by more than half seems to have produced positive results, while keeping farmgate prices high for farmers. Farmgate prices have increased from an average of 18.72 pesos per kilogram to 24.70 pesos per kilogram this year. That is a 32 percent increase in farmgate prices, whereas well-milled rice prices have only grown by 27.17 percent. The difference (given the local-import mix of our rice sector) seems to have come from the tariff reduction.
The full impact of India’s lifting of rice export bans early October will be felt more closely in November. That will also help blunt spikes in price due to generally higher December demand and the impacts of recent typhoons.
Promising meat prices
Based on our monitoring of prices, poultry meat prices continue to decline and have lost as much as 27 pesos from their prices last month. I expect current low-price levels to continue before picking up around the second week of December.
Fish prices are also stable, at -0.4 percent YOY inflation.
However, high corn prices will keep meat prices from declining significantly much further.
Overall
I do not see any major red flags from the October figures. In many ways, this is a return to the “boring” monthly reports where nothing sticks out of the ordinary – clear signs that the global trade regime and local prices have adjusted to the shocks of 2022 and 2023. Rice and corn remain the major determinants, as they usually are. Tariff policies have already been priced in. Any subsequent structural price reduction must come from addressing fundamental issues of yield, input costs, logistics costs, and post-harvest losses.
—————————-
Speaker Romualdez nanawagan ng pagmamahal, pagkilala sa mga nasawi sa pananalasa ng bagyong Kristine
Nanawagan si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa mga Pilipino na ipamalas ang kanilang pagmamahal at pagnbibigay ng pagkilala sa mga nasawi sa pananalasa ng bagyong Kristine ngayong “Day of National Mourning.”
“Let this day be a reminder that we are bound together, that we are a nation defined not just by resilience but by our deep compassion for one another,” ani Speaker Romualdez kaugnay ng paglalabas ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Proclamation No. 728.
“As we observe this Day of National Mourning, let each of us find it in our hearts to offer a moment of prayer, a word of comfort, or a gesture of kindness for those who are grieving and those who are rebuilding their lives,” dagdag pa ng lider ng Kamara de Representantes.
Tinatayang aabot sa 150 indibidwal, karamihan ay mula sa Bicol, ang nasawi sanhi ng malawakang pagbaha bunsod ng bagyo. “Our fellow Filipinos - mothers, fathers, children, friends, neighbors - are no longer with us.”
“They leave behind loved ones who carry the heavy burden of loss, and entire communities touched by sorrow,” sabi ni Speaker Romualdez. “It is a day for every Filipino to pause, reflect, and honor the memory of those whose lives were tragically taken by Severe Tropical Storm Kristine.”
“May the souls of those who perished rest in peace, and may we, as one Filipino family, find strength in each other as we move forward. Together, let us remember, let us grieve, and let us help one another rise from this tragedy with renewed hope and unity,” saad pa ng House chief.
“To each family mourning the loss of a loved one, we stand beside you, sharing in your pain. Your heartbreak is felt by the entire nation, and today, in this national moment of remembrance, you are not alone,” pagtiyak ni Speaker Romualdez sa mga naulilang pamilya.
“This day of mourning calls us to compassion and solidarity. As we remember those lost, we extend our deepest sympathies to every family affected, to every community struggling to recover,” saad pa ng pinuno ng partidong Lakas Christian Muslim Democrats. (END)
—————————
Mataas na trust, performance rating ni Speaker Romualdez, pagkilala rin pagsusumikap ng buong Kamara --Young Guns
Hindi na ikinagulat ng mga miyembro ng "Young Guns" ng Kamara de Representantes ang mataas na trust at performance rating na nakuha ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa survey ng OCTA dahil sa uri ng pagtatrabaho ng Mababang Kapulungan ng Kongreso.
Ito ang sinabi nina Deputy Majority Leader at PBA Party-list Rep. Margarita "Atty. Migs" Nograles, Davao Oriental 2nd district Rep. Cheeno Miguel Almario, at Cagayan de Oro City 1st district Rep. Lordan Suan matapos lumabas ang resulta ng Tugon ng Masa survey ng OCTA Research na isinagawa noong Setyembre.
Sa naturang survey, nakakuha si Speaker Romualdez ng overall trust rating na 61 porsiyento at overall performance rating na 62 porsiyento.
“I thank Speaker Romualdez for humbly crediting the entirety of the 300-plus strong House of Representatives for his survey scores. The truth is that his dedication is infectious, and his leadership inspires all of us to get the job done swiftly and properly," ani Nograles.
Sumang-ayon si Almario kay Nograles at sinabi na hindi maitatanggi ang magandang ipinakikita ng Kamara ngayon sa paggawa ng mga panukalang batas at paggamit ng oversight power nito upang matiyak na tama ang pagpapatupad ng mga batas.
“I'm proud to be associated with the bigger chamber of Congress, which in the past two and a half years has proven that our output or production can combine quantity and quality. The OCTA Research survey numbers show that Filipinos appreciate the House's quiet but passionate work ethic," ani Almario.
Ayon naman kay Suan, isinantabi ng Kamara ang mga dramang pampulitika para makamit ang hangarin ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na mapa-unlad na ekonomiya.
"Our terms as congressmen are short because we're only guaranteed three years after an election. But the House under Speaker Romualdez has refused to be limited by this and chose to make every session day count. Kahit nga bakasyon trabaho pa rin. We believe in this mindset and gladly follow it," sabi ni Suan.
Ngayong 19th Congress, natapos ng Kamara ang mga prayoridad na lehislasyon na tinukoy ni Pangulong Marcos sa kanyang State of the Nation Address (SONA) at Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) ilang buwan bago ang deadline.
Napagtibay din muli ng Kamara sa tamang oras ang panukalang General Appropriations Bill (GAB), o ang P6.352-trillion pondo para sa 2025.
Noong Agosto naman binuo ang Quad Committee na nakaka-siyam na pagdinig na kaugnay ng iligal na operasyon ng Philippine offshore and gaming operators (POGOs), extrajudicial killings (EJKs), kalakalan ng ipinagbabawal na gamot at money laundering. (END)
———————-
Pagbulusok ng trust, performance rating ni VP Duterte, hindi nakapagtataka
Inihayag ng mga lider ng Kamara de Representantes na hindi na nakagugulat ang pagbaba ng trust at performance ratings ni Vice Presidente Sara Duterte, na nahaharap sa iba’t ibang isyu gaya ng kinukuwestyong paggamit ng confidential funds.
Sinabi nina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. ng Pampanga at Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe ng Zamboanga City na ang patuloy na pagbagsak ng ratings ni VP Duterte, ayon sa resulta ng pinakahuling survey ng OCTA Research, ay nagpapakita ng patuloy na kawalan ng tiwala ng mga Pilipino sa umano’y kakulangan ng transparency at pananagutan ng Bise Presidente.
“It is expected. Pera ng taumbayan ang ginastos niya na hanggang ngayon ay hindi niya ipinapaliwanag at balot na balot sa kontrobersiyaq,” ayon kay Gonzales.
“Simple lang ang mga tanong: pakipaliwanag ang paggamit ng confidential funds noong DepEd Secretary pa siya at ‘yung mga safehouses na binayaran ng P16 million para lamang sa 11 araw. Para sa mga kababayan nating nagbabayad ng buwis, dapat ay sinasagot niya ito,” dagdag pa nito.
Ipinunto ni Gonzales ang mga isyu kaugnay ng umano’y P15 milyong inilaan para sa Youth Leadership Summit pero sinabi ng mga opisyal ng militar na mayroon silang natanggap na pondo, at ang P16 milyong ibinayad sa 11-araw na renta ng mga safehouse noong 2022 ay nakaapekto sa tiwala ng publiko kay VP Duterte.
“Ang ating mga kababayan ay naghihintay ng paliwanag. We are a democracy that values transparency, especially in public spending. Hindi dapat balewalain ang mga tanong ng publiko,” giit pa ng mambabatas, na naniniwala na ang pagtanggi ng Bise Presidente ay lalo lamang nagpalaki sa duda na mali ang ginawang paggastos sa pondo.
Sinang-ayunan ni Dalipe ang mga pahayag ni Gonzales, at binigyang-diin ang epekto ng mga kontrobersiyang kinakaharap nito sa kanyang kakayanan na mamuno.
“Mahirap magpanatili ng pagtitiwala ng bayan kapag maraming tanong ang hindi sinasagot. Her role as a top leader in the government requires accountability. Kung hindi niya kayang ipaliwanag ang mga ito, it’s only natural for the people to lose trust,” ayon kay Dalipe.
Ayon sa pinakahuling survey ng OCTA Research survey, bumaba ng anim na puntos ang trust rating ni Duterte sa 59% at walong puntos naman ang ibinaba ng performance rating nito na naitala sa 52%.
“From 87% trust rating noong Marso 2023 to 59% ngayon, that’s a significant fall,” punto pa ni Dalipe. “That means something is wrong with how the public perceives her leadership.”
Ipinunto ni Dalipe na ang pagbagsak ng ratings ni Duterte sa mga pangunahing rehiyon tulad ng National Capital Region at Balance Luzon, kung saan bumaba ang kanyang trust rating ng 13 at 9 na puntos, ay nagpapakita ng pagliit ng kanyang suporta sa labas ng Mindanao.
“Kung hindi siya kikilos para linawin ang mga isyu, she will continue to lose ground, especially in areas where she enjoyed broader support before,” babala pa ng kongresista.(END)
———————-
DOJ hinimok maglabas ng lookout bulletin laban sa 7 opisyal ni VP Sara na sabit sa confidential fund issue
Hinimok ng House Committee on Good Government and Public Accountability ang Department of Justice (DOJ) na maglabas ng lookout bulletin order laban sa pitong opisyal ng Office of the Vice President (OVP) kaugnay ng imbestigasyon sa maling paggamit ng confidential funds noong 2022 at 2023.
Ginawa ng chairman ng komite na si Manila 3rd District Rep. Joel Chua ang mungkahi kasunod ng inilabas na subpoena upang pilitin ang mga opisyal na humarap at magbigay ng testimonya matapos na hindi sumipot sa mga naunang pagdinig.
Kabilang sa mga opisyal na tinukoy ay sina OVP Chief of Staff Zuleika Lopez; Assistant Chief of Staff at Chair ng Bids and Awards Committee na si Lemuel Ortonio; Direktor ng Administrative at Financial Services na si Rosalynne Sanchez; Special Disbursing Officer (SDO) na si Gina Acosta; at Chief Accountant na si Juleita Villadelrey.
Kabilang din sa mga ipinatatawag ng komite sina dating Assistant Secretary ng Department of Education (DepEd) na si Sunshine Charry Fajarda at SDO Edward Fajarda, na ayon sa mga ulat ay nasa tanggapan na rin ng OVP.
Ang mag-asawang Fajarda at mga katiwala ni VP Duterte noong siya ay nagsilbi bilang kalihim ng Department of Education mula Hulyo 2022 hanggang sa kanyang pagbibitiw noong Hulyo 2024.
Sa kanyang pinakahuling liham kay DOJ Secretary Jesus Crispin Remulla, sinabi ni Chua na ang mga testimonya ng mga opisyal ng OVP ay mahalaga sa imbestigasyon at sa pagtitiyak ng pananagutan sa mga pondo ng publiko.
Binanggit ni Chua na nakatanggap ang kanyang komite ng impormasyon na ang mga nabanggit na indibidwal ay posibleng lumabas ng bansa.
“Considering these developments, I earnestly request your office to issue a Lookout Bulletin Order against these personalities,” saad pa ni Chua sa kanyang liham kay Remulla.
“This action is imperative to monitor their movements and prevent any potential attempt to flee the country, which could significantly hinder our investigation and broader efforts to uphold the integrity of public service,” dagdag pa ng mambabatas.
Nag-ugat ang imbestigasyon ng komite ni Chua sa isang privilege speech ni Manila 2nd District Rep. Rolando Valeriano, na nag-akusa kay Duterte ng maling pamamahala ng pondo ng OVP, batay sa pagsusuring ginawa ng Commission on Audit (COA).
Sa ulat ng COA, sinita nito ang paggastos sa P73 milyong pondo mula sa P125 milyong halaga ng confidential funds sa ilalim ng OVP noong 2022.
Ikinabahala rin ng mga kongresista ang ulat ng COA na naubos ang P125 milyong confidential fund sa loob lamang ng 11 araw o mula Disyembre 21 hanggang 31, 2022 o P11 milyon bawat araw.
Sa Notice of Disallowance, sina Duterte, Acosta at Villadelrey, na tinukoy bilang mga “accountable officials,” na siyang magbabalik ng pondo kapag tuluyang hindi naipaliwanag na tama ang ginawang paggastos sa kinukuwestyong P73 milyon ng COA.
Hindi sumipot ang pitong opisyal mula ng simulan ng komite ang pagdinig.
Pinalawig ng komite ni Chua ang kanilang imbestigasyon at isinama ang iregularidad sa paggamit ng confidential fund ng Department of Education sa panahon na pinamumunuan ito ni Duterte.
Kabilang sa ikinababahala ng mga mambabatas ang ginawang paggastos sa P112.5 milyong confidential fund ng DepEd noong 2023 na hindi pa umano malinaw ang pinagkagastusan.
Kabilang sa mga kinukwestyong pondo ay inilabas sa bangko gamit ang tatlong magkahiwalay na tseke, bawat isa ay nagkakahalaga ng P37.5 milyon, na inisyu kay dating DepEd SDO Edward Fajarda. Ang mga cash advances na ito ay ginawa sa unang tatlong quarter ng 2023 habang si Duterte ang Kalihim sa tanggapan.
Si Sunshine Charry, asawa ni Edward Fajarda, ay nabanggit din sa nakaraang testimonya ni dating DepEd Undersecretary Gloria Jumamil Mercado.
Ayon kay Mercado siya ay binibigyan ng envelope na may lamang P50,000 buwan-buwan noong siya ang head of Procuring Entity (HoPE) ng DepEd mula Pebrero hanggang Setyembre 2023. Ang pera ay ibinibigay umano ni Assistant Secretary Fajarda at mula kay VP Duterte.
Sa pinakahuling pagdinig ng komite, itinanggi nina retired Maj. Gen. Adonis Bajao, Lt. Col. Carlos Sangdaan Jr., at Colonels Manaros Boransing at Magtangol Panopio ang pagtanggap ng P15 milyong pondo mula sa mga confidential funds ng DepEd bilang pambayad ng mga impormante.
Nag-isyu ang mga opisyal ng militar ng mga certification para sa isinagawang Youth Leadership Summits (YLS), isang regular na programa laban sa insurgency na pinangasiwaan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) noong 2023.
Subalit ginamit umano ng DepEd ang mga sertipikasyong ito upang bigyang-katwiran ang paggastos nito ng P15 milyon na sinabi nitong ipinambayad sa mga impormante.
Ipinagtataka rin ng mga mambabatas ang paggamit ng OVP ng P16 milyon sa mga confidential funds sa pag-upa ng 34 na safehouses sa loob lamang ng 11 araw sa huling bahagi ng 2022. Ang ilan sa mga safehouse ay umabot sa halos P91,000 bawat araw—mas mahala pa kumpara sa mga high-end resort tulad ng Shangri-La Boracay.
Kinwestyon ni Chua kung ang mga safehouse ba ay nasa mga marangyang lugar, at ipinunto na kahit na sa Bonifacio Global City ang upa ay nasa P90,000 lamang kada buwan malayong-malayo sa P91,000 kada araw na renta ng OVP sa mga safehouse.
Batay sa isinumiteng rekord ng OVP sa COA, nagbayad ito ng P250,000 hanggang P1 milyon para sa renta ng mga safehouse mula Disyembre 21 hanggang 31, 2022.
Ang mga inupahang ito, na nakadetalye sa liquidation report ng OVP sa COA, ay bahagi ng P125 milyon mula sa CIF na ginastos sa loob lamang ng 11-araw. (END)
————————
Speaker Romualdez pinuri si PBBM sa paglagda sa 15 bagong batas habang naka-recess ang Kongreso
Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa paglagda nito sa 15 panukalang batas upang makapagpatupad ng reporma sa sektor ng agrikultura, edukasyon, defense, at hudikatura, habang naka-break ang sesyon ng Kongreso.
Ayon kay Speaker Romualdez ang hakbang na ito ng Pangulo ay pagpapakita ng kanyang pagtupad sa pangako na patatagin ang bansa at isulong ang pag-unlad nito.
“The signing of these 15 new Republic Acts (RA) during the recess shows a relentless commitment to our people,” ani Speaker Romualdez, lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 kinatawan.
“From strengthening our agricultural economy to enhancing judicial capacity and supporting education, these laws represent concrete steps to ensure a safer and more prosperous Philippines,” dagdag pa ng lider ng Kamara.
Ang mga panukalang batas na nilagdaan ng Pangulo sa pagitan ng Setyembre 26 hanggang Oktobre 30 ay nagpapalakas sa laban ng gobyerno kontra sa agricultural smuggling, pagpaparami ng mga sanay ng hudikatura,n at pagtatayo ng nationwide program para sa academic recovery ng bansa. Ang sesyon ng Kongreso ay magbabalik sa Lunes, Nobyembre 4.
Mula ng umupo si Pangulong Marcos noong Hunyo 30, 2022, kabuuang 103 panukala na ang nilagdaan nito upang maging batas— 50 sa mga ito ay nasyunal at 53 ang para sa lokal na pagpapatupad.
Ang mga panukala na nilagdaan ng Pangulo habang naka-break ang sesyon ay ang mga sumusunod:
1. RA 12022 na nagbibigay kahulugan sa agricultural economic sabotage at nagtatakda ng parusa rito, at nagbibigay ng hurisdiksyon sa mga kaso kaugnay nito sa Court of Tax Appeals (CTA), at nagtatakda ng mekanismo para sa implementasyon nito at nagbabasura sa Republic Act No. 10845 o ang “Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.”
2. RA 12023 na nag-aamyenda sa ilang bahagi ng National Internal Revenue Code of 1997, at naglalagay ng bagong probisyon para sa mas epektibong pangangasiwa sa pagbabayad ng buwis.
3. RA 12024 na nagpapalakas ng self-reliant defense posture program, at nagtataguyod ng pag-unlad ng national defense industry at paglalaan ng pondo para rito.
4. RA 12025 na nagtatayo ng limang sangay ng Regional Trial Court sa National Capital Judicial Region sa Muntinlupa City.
5. RA 12026 na lumilikha ng apat na sangay ng Regional Trial Court sa Fourth Judicial Region sa Calauag, Quezon.
6. RA 12027 na nagsususpendi sa paggamit ng mother tongue bilang pangunahing medium of instruction sa Kindergarten hanggang Grade 3, na nakasaad sa “Enhanced Basic Education Act of 2013.”
7. RA 12028 na nagtatayo at naglalaan ng pondo para sa Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) program.
8. RA 12029 na lumilikha ng dalawang sangay ng Regional Trial Court sa Fourth Judicial Region sa Silang, Cavite.
9. RA 12030 na nagtatayo ng tatlong dagdag na sangay ng Metropolitan Trial Court sa National Capital Judicial Region sa ParaƱaque City.
10. RA 12031 na lumilikha ng dalawang sangay ng Regional Trial Court sa Second Judicial Region sa Cabagan, Isabela.
11. RA 12032 na nagtatayo ng tatlong dagdag na sangay ngb Regional Trial Court at dalawang sangay ng Municipal Trial Court sa Tenth Judicial Region sa Dinagat Islands.
12. RA 12033 na lumilikha ng isang dagdag na sangay ng Regional Trial Court, na magsisilbing special court para sa mga kasong may kaugnayan sa ipinagbabawal na gamot sa Baybay City, Leyte.
13. RA 12034 na nagdadagdag ng anim na sangay ng Regional Trial Court sa Ninth Judicial Region, sa Diplahan, Zamboanga Sibugay.
14. RA 12035 na lumilikha ng tatlong sangay ng Regional Trial Court sa Tenth Judicial Region, sa Valencia City, Bukidnon.
15. RA 12036 na lumilikha ng apat na sangay ng Regional Trial Court sa Eighth Judicial Region, sa stationed Tacloban City, Leyte.
“Our new law against agricultural economic sabotage directly targets those who seek to exploit our farmers and consumers through smuggling and other illicit activities,” ani Speaker Romualdez na ang pinatutungkulan ay RA 12022.
“Agriculture is the backbone of our economy, and this law will protect it by enforcing strict penalties and giving jurisdiction to the CTA, ensuring those responsible are held accountable,” punto pa nito.
Sinabi ng lider ng Kamara na ang mga bagong batas ay naglalayong tugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino gaya ng mabilis na proseso ng batas at pagpapabuti sa kalagayan ng sektor ng edukasyon.
“The additional trial court branches will reduce case backlogs and ensure timely justice, while initiatives like the ARAL program and the strengthened defense posture reflect our commitment to education and national security,” sabi nito.
Sinabi ni Speaker Romualdez na ang mga bagong batas ay nagpapakita ng pangako na lalong patatatagin ang bansa at pagbubutihin ang serbisyo publiko kahit na ang 19th Congress ay naka-recess.
“The passage of these laws underscores our dedication to meaningful progress and a stronger future for every Filipino,” sabi pa ng lider ng Kamara.
“These 15 new laws are only the beginning. We remain focused on legislation that brings real change, prioritizing safety, justice, and prosperity for all,” dagdag pa nito. (END)
No comments:
Post a Comment