Friday, August 12, 2022

“NO CELLPHONE DURING CLASSES BILL,” ITINUTULAK SA KAMARA

Nais ni House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda na maipagbawal na ang paggamit ng “cellular phones” at katulad na digital devices sa panahon ng klase ng mga estudyante.


Sa House Bill 662 o “No Cellphone during Classes Bill” --- itinutulak ni Salceda na masakop nito ang lahat ng pribado at pampublikong kindergarten, elementary, secondary at tertiary education institutions.


Sa ilalim ng panukala, ipagbabawal ang access at paggamit ng cellphones at smart devices habang may klase, maliban na lamang kapag may emergencies at may teaching programs kung saan kinakailangang gumamit ng cellphones at kaparehong gamit.


Oobligahin naman ang mga paaralan na magkaroon ng “device depository office” kung saan ilalagak ng mga estudyante ang kani-kanilang cellphones at gadgets, pagpasok nila ng school premises.


Inamin ni Salceda na ang paggamit ng cellphones at iba pang digital devices ay maraming benepisyo gaya sa mga negosyo, trabaho at paaralan, gayundin sa komunikasyon ng mga magkakaibigan o magkakaanak, at iba pang mga posibleng gamit.


Ngunit ang paggamit aniya ng cellphones ay “Janus-faced” o doble-kara, dahil sa kabila ng maraming advantages, ang mga ito ay nakaka-distract o nakakaabala at nakakagulo sa trabaho at school activities lalo na sa hanay ng mga kabataan. (Isa)

No comments:

Post a Comment