Friday, July 4, 2025

📻 KATROPA SA KAMARA – TELEPROMPTER SCRIPT

Sabado, Hulyo 5, 2025 | 8:00 – 10:00 ng umaga



Bating Panimula


Isang mapagpala at masiglang umaga sa inyong lahat, mga Katropa! Good morning, Pilipinas! Good morning, Camp Aguinaldo! Magandang umaga, Luzon! Maayong buntag, Visayas! At Buenos días, Mindanao! Terence Mordeno Grana po lamang at muli ninyo po akong makasama ngayong Sabado sa ating palatuntunang Katropa sa Kamara, kung saan tatalakayin natin ang mga napapanahong isyu sa Kongreso, partikular na sa ating Kamara de Representantes, mga panukalang batas, at mga balitang may direktang epekto sa ating mga kababayan. Kaya muli, samahan nyo po kami sa dalawang oras nating makabuluhang talakayan at balitaan dito sa Katropa sa Kamara!


Pause


Pero bago tayo magsimula, marapat lamang na unahin muna natin ang ating pagpapasalamat. Una sa lahat, ipinaabot natin ang taos-pusong pasasalamat sa ating Panginoong Maykapal sa patuloy Niyang pagbibigay ng mga biyaya at patnubay. Sa nakalipas na mga araw, pinagpala Niya tayo ng Kanyang grasya at binigyan Niya tayo ng lakas upang maisakatuparan natin ang ating mga tungkulin para sa Kanyang kaluwalhatian.


Pause


Sunod naman nating pasasalamatan ay ang ating mga opisyal sa ating Armed Forces of the Philippines. Unang-una dito  ay ang ating Commander-in-Chief na si Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.; sa Kalihim ng National Defense Depatment, Atty. Gilbert ‘Gibo’ C. Teodoro Jr.; sa ating AFP Chief of Staff, Gen. Romeo S. Brawner Jr.; at sa ating Commanding General ng Civil Relations Service, MGen Oliver C. Maquiling.


Pause


Of course, hindi puwede nating makakalimutang pasalamatan ang ating MCAG Group Commander at DWDD Station Manager, Francel Margareth Padilla at ang kanyang Deputy Group Commander, Maj. Mark Anthony Cardinoza. At siyempre pa, isang malaking pasasalamat din sa lahat ng mga bumubuo ng ating production staff na pinangunahan ni Ms Angel Cruz Camomot — maraming, maraming salamat po!


Pause


Yes! Terence Mordeno Grana po, ang inyong lingkod—ang inyong kaagapay at gabay dito sa Katropa sa Kamara!”


Ngayong araw, tututukan natin ang mga balitang lumutang nitong nakaraang apat na araw—mula sa mungkahing dagdag sahod, reporma sa buwis, laban sa smuggling, at mga panukalang pangkaunlaran para sa mga maralita. May opinyon, may analisis, at syempre, may ginhawang dala sa impormasyon!


oooooooooooooooooooooo



(Rep. Romualdez itinulak mas maayos na voucher program para sa mga estudyante, guro)


Itinulak ni reelected Leyte Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez, ang Speaker ng katatapos na 19th Congress, ang panukalang batas na naglalayong i-repeal ang E-GASTPE law at palitan ito ng isang mas malawak at mas tumutugong voucher system para sa mga mag-aaral at guro sa mga pribadong paaralan.


Inihain ni Romualdez ang ang panukalang Private Basic Education Vouchers Assistance Act o House Bill (HB) No. 4 sa pagbubukas ng 20th Congress nitong Lunes.


Layunin ng panukala na i-repeal ang mga pangunahing probisyon ng Republic Acts (RA) Nos. 6728 at 8545, na sama-samang kilala bilang Expanded Government Assistance to Students and Teachers in Private Education (E-GASTPE) Act.


Layunin din nitong lumikha ng isang bagong Bureau of Private Education sa ilalim ng Department of Education na mangangasiwa sa pagpapatupad ng voucher subsidies, mga programang suporta para sa guro, at tulong para sa institutional development ng mga pribadong paaralan.


Sinabi ni Rep Romualdez na hindi na akma sa panahon ang lumang E-GASTPE law kung kaya’t inihain nila ang panukalang ito upang na Filipino mag-aaral ang maiiwan, a principle enshrined under the Bagong Pilipinas campaign of President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.


Layunin din ng panukala na tulungan ang mga pribadong paaralan na makabangon mula sa mga kinakaharap nilang suliranin.


Sa tala, noong nagsimula ang COVID-19 pandemic noong 2020, bumagsak ng 48% ang enrollment sa mga pribadong paaralan, na nagpapakita ng kahinaan ng sektor. Ayon sa paliwanag ng panukala.


Sa ilalim ng proposal, ang mga kwalipikadong estudyante mula sa middle-income at mahihirap na pamilya ay bibigyan ng government-issued vouchers upang makapag-aral sa mga pribadong basic education schools kapag masyado nang masikip o walang magagamit na pampublikong paaralan sa kanilang lugar.


Magkakaiba ang halaga ng voucher depende sa kalagayang pangkabuhayan ng mag-aaral, kung saan bibigyan ng prayoridad ang mga pinaka-nangangailangan.


Ayon sa kanya, itong voucher system na ito, hindi lang ito para makalipat ng eskwela ang bata. This is about expanding choices, empowering families and fixing the imbalance in our education system.


Maaaring lumahok ang mga pribadong paaralan sa programa sa pamamagitan ng isang recognition process at kailangang sumailalim sa pana-panahong quality assessments batay sa student outcomes, teacher development, at institutional readiness.


Ang mga paaralan sa conflict-affected o geographically isolated areas na may limitadong resources ay bibigyan ng mas maluwag na kundisyon sa pagsali.


Kabilang din sa panukala ang pagtatatag ng Teachers’ Salary Subsidy Fund at In-Service Training Fund upang mapanatili at mapaunlad ang mga guro sa pribadong sektor, bilang tugon sa mga taong pagkakabawas ng mga guro dahil sa paglipat sa mas mataas ang sahod sa pampublikong paaralan.


Upang matiyak ang maayos na pamamahala, ang Bureau of Private Education ang magiging pangunahing opisina para sa lahat ng usapin ukol sa private basic education, kabilang ang pagmamanman sa paggamit ng vouchers, performance ng mga paaralan, at pagsunod sa mga polisiya ng DepEd.


Magkakaroon din ng bagong inter-agency Basic Education Assistance Council na binubuo ng DepEd, DBM at NEDA para sa pagbibigay ng strategic oversight.


Ipinag-uutos din sa panukala ang publikasyon ng isang public registry ng mga lumalahok na paaralan, kabilang ang tuition rates, laki ng klase, bilang ng available slots, at mga extracurricular offerings upang makatulong sa mga magulang sa paggawa ng desisyong may sapat na batayan.


Bukod sa vouchers para sa mga mag-aaral, binibigyan din ng kapangyarihan ng panukala ang DepEd na magbigay ng tulong sa antas ng paaralan tulad ng suporta sa pasilidad, curriculum development, at training para sa mga guro upang matiyak na mananatiling viable at competitive ang mga pribadong institusyon.(END)


————


PAMBUNGAD NA KOMENTARYO:


Sa panukalang Private Basic Education Vouchers Assistance Act na isinumite ni Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez bilang House Bill No. 4, muling nailalagay sa sentro ng pambansang usapan ang matagal nang isyung kinakaharap ng ating pribadong sektor sa edukasyon—ang hindi patas na suporta, lumalaking agwat, at pagbagsak ng enrollment.


Sa kasalukuyan, kapag napuno na ang mga public schools, walang malinaw at sistematikong alternatibo para sa mga estudyanteng walang ibang mapuntahan kundi ang mga pribadong paaralan. Pero paano kung wala rin silang kakayahang bayaran ito?


Dito pumapasok ang diwa ng panukalang batas—isang makabagong voucher system na hindi lang nakatutok sa estudyante, kundi pati sa mga guro, pasilidad, at mismong mga institusyon. Isang buo at integrated na solusyon.



PANGUNAHING PUNTO NG OPINYON:

1. Makatarungan at Maka-bata:

Hindi dapat maging hadlang ang kahirapan sa pagpili ng kalidad na edukasyon. Ang panukalang ito ay nagsusulong ng equity in education—na ang bata mula sa mahirap o middle-income na pamilya ay mabibigyan ng pantay na oportunidad.

2. Tugon sa Krisis sa Pribadong Edukasyon:

Hindi lingid sa ating kaalaman na libu-libong pribadong paaralan ang nagsara, at libu-libong guro ang nawalan ng trabaho noong kasagsagan ng pandemya. Sa panukalang ito, may malinaw na interbensyon sa institusyon at guro, kabilang ang Teachers’ Salary Subsidy Fund at In-Service Training Fund.

3. Pagpapagaan ng Pabigat sa Pampublikong Paaralan:

Sa dami ng lumilipat mula pribado patungong pampublikong paaralan, nabibigatan ang sistema. Ang tulong sa pribadong sektor ay hindi pabor-paboran, kundi national strategy upang maibsan ang krisis sa public education.

4. Transparency at Accountability:

Ipinatutupad sa panukala ang public registry ng mga paaralang kasali sa programa, kalakip ang tuition, klaseng size, at extra services. Sa ganitong paraan, ang mga magulang ay makagagawa ng desisyong batay sa kompletong impormasyon.

5. Pagkilala sa Pribadong Sektor Bilang Kasangga:

Matagal nang katuwang ng pamahalaan ang private schools sa edukasyon. Panahon na upang kilalanin sila bilang partner, hindi kompetisyon.



PAGLALAGOM:


Ang House Bill No. 4 ay hindi lamang reporma sa edukasyon—ito ay panlipunang paninindigan. Isang panukalang nagsasabing: ang kalidad ng edukasyon ay karapatan, hindi pribilehiyo.


Kung maisasabatas ito, hindi lang mga paaralan at guro ang makikinabang, kundi ang buong bansa. Sapagkat ang edukasyon ay hindi gastos, kundi pamumuhunan sa kinabukasan.



PAGTATAPOS NA PAANYAYA SA TAGAPAKINIG:


Mga Katropa sa Kamara, panahon na upang suriin at suportahan ang mga repormang tunay na may saysay sa ating mga kabataan. Panatilihin nating bukas ang talakayan, at huwag tayong titigil hangga’t ang bawat batang Pilipino ay may akses sa dekalidad at dignified na edukasyon—pribado man o publiko.


ooooooooooooooooooooooo

ooooooooooooooooooooooooo



Ipinagmalaki ni Congressman Kenneth Gatchalian ng Valenzuela ang kanyang kauna-unahang dalawang panukalang batas sa Mababang Kapulungan ng Kongreso—mga panukalang hindi lamang produkto ng personal na karanasan kundi bunga rin ng pakikipag-ugnayan sa mga mismong sektor na nangangailangan ng atensyon ng pamahalaan.


Sa kanyang House Bill No. 168, binibigyang-halaga ni Gatchalian ang mga SPED teachers sa pamamagitan ng panukalang itaas ang kanilang salary grade. Isa itong makatarungang hakbang upang kilalanin ang espesyal na kakayahan at dedikasyon ng mga guro sa mga batang may natatanging pangangailangan.


Kasabay nito ay ang House Bill No. 167, na naglalayong gawing mandatory ang pagkakaroon ng sensory rooms sa mga pampublikong pasilidad. Ito ay makakatulong sa mga indibidwal na may sensory processing needs—na kadalasang hindi nabibigyang pansin sa pangkaraniwang espasyo publiko.



KOMENTARYO AT OPINYON PARA SA BROADCAST:


Ang ganitong uri ng legislation ay isang magandang halimbawa ng consultative and compassionate lawmaking. Hindi lamang ito mula sa papel o teknikal na pag-aaral. Ang panukala ay isinilang mula sa tunay na karanasan—isang ama na may anak na kabilang sa Learners with Disability (LWD).


Napapanahon na po talaga ang pagbibigay ng dignidad sa mga SPED educators. Sa tagal ng panahon, tila nakakubli sa anino ng mainstream education ang kanilang mga sakripisyo. Gayundin, ang mga occupational therapist, speech pathologist, at iba pang allied professionals na mahalagang bahagi ng holistic development ng mga batang may special needs ay dapat ding kilalanin at bigyan ng tamang suporta.


At hindi po rito natapos si Congressman Gatchalian. Ang kanyang pangalawang panukala—ang pagkakaroon ng sensory rooms sa mga pampublikong lugar—ay hindi lang solusyon kundi isang pagkilala sa karapatan ng mga may kapansanan na maging bahagi ng ating mga komunidad. Lumikha tayo ng mga espasyong inclusive, hindi exclusive.


Ang tanong: Kailan pa natin ipagpapaliban ang ganitong uri ng batas kung hindi ngayon?



REKOMENDASYON SA MGA TAGAPAKINIG:


Magsalita tayo para sa mga hindi kadalasang naririnig—ang mga batang may special needs, ang kanilang mga magulang, at ang mga tagapagturo’t tagapag-aruga na araw-araw na nagbibigay ng higit pa sa kanilang tungkulin. Sa susunod na pagtalakay sa Kamara ukol sa mga panukalang ito, bantayan natin. Ipagdasal, ipanawagan, at suportahan.


oooooooooooooooooooooooo

ooooooooooooooooooooooo



Segment: Barbers: Bitay sa mga Smuggler (ref: NEWS)


Iminungkahi ni dating Rep. Ace Barbers ang parusang bitay para sa mga lokal at dayuhang smuggler ng produktong agrikultural at pangisdaan.


Opinyon:


Matindi ito.

Ngunit sa lawak ng pinsala ng smuggling—sa kita ng mga magsasaka, sa kalusugan ng mamimili, at sa buwis ng bayan—ito ay pahayag ng desperasyon laban sa katiwalian.

Mahalaga ring tanungin: sapat ba ang kasalukuyang pagpapatupad ng AGES Act?


oooooooooooooooooooooo

oooooooooooooooooooooo


Segment: Pagwawakas at Pabaon na Kaisipan


Ang linggong ito ay puno ng panukala, debate, at pangarap para sa isang mas makataong pamahalaan.

Mula dagdag-sahod hanggang reporma sa buwis, malinaw na gustong ipakita ng ilang lider natin na may kakampi ang karaniwang Pilipino sa loob ng Kongreso.


Ang ating dasal ay sana’y hindi ito manatili na panukala

— kundi maisabatas, maisakatuparan, at maramdaman ng bayan.


ooooooooooooooooooooooooo



Segment: Bukas na Talakayan at Tanong mula sa Tagapakinig


Sa puntong ito, bukas ang ating linya para sa inyong tanong, reaksyon, at mungkahi.

Pwede kayong magpadala ng mensahe sa ating opisyal na page o sa pamamagitan ng text.

Ano ang inyong pananaw sa mga panukalang tinalakay natin ngayong araw?


ooooooooooooooooooooooo



Segment: Paalam at Paalala


Hanggang sa susunod na Sabado, ito po ang Katropa sa Kamara.

Ako si Terence Mordeno Grana, nagsasabing:


“Ang batas ay para sa tao, at ang lingkod-bayan ay dapat nagsasalita para sa bayan.”


Maging mapanuri, makialam, at makilahok!

Mabuhay ang sambayanang Pilipino! ðŸ“»ðŸ‡µðŸ‡­


oooooooooooooooooooooo

No comments:

Post a Comment