Barbers, iginiit ang pagpataw ng parusang kamatayan sa mga lokal at dayuhang smuggler ng produktong agrikultura at pangisdaan
Isinusulong ngayon ng isang beteranong mambabatas mula Mindanao ang muling pagpataw ng parusang kamatayan laban sa mga lokal at dayuhang smuggler at hoarder ng mga produktong agrikultura at pangisdaan. Ayon sa kanya, ang mga gawaing ito ay hindi lamang nagpapahirap sa ating mga magsasaka at mangingisda, kundi nagdudulot din ng panganib sa kalusugan ng mamamayang Pilipino at pagkalugi ng kita ng gobyerno na sana’y magagamit sa pagpapaunlad ng ekonomiya.
Ayon kay dating Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers, bagama’t nilagdaan na bilang batas noong Setyembre ng nakaraang taon ang Anti-Agricultural Economic Sabotage (AGES) Act na nagpapataw ng mabibigat na parusa laban sa mga smuggler at cartel, patuloy pa rin ang talamak na smuggling ng mga produktong agrikultural at pangisdaan.
“Hindi yata kinatakutan ng mga smuggler ang AGES Act. Patuloy pa rin ang mga walang konsensyang negosyanteng mula sa China, kasama ang kanilang mga kasabwat na Pilipino, sa pagsingit ng mga bulok na isda, gulay, frozen na pato, manok, baboy, at iba pang pagkain sa ating bansa,” pahayag ni Barbers, isa sa mga pangunahing tagapagtaguyod ng muling pagbabalik ng death penalty sa bansa.
Giit ni Barbers, panahon na upang ipatupad ang parusang kamatayan para sa mga krimeng may kinalaman sa smuggling, lalo na sa mga produktong agrikultura at pangisdaan, dahil ang mga ito ay hindi dumaraan sa pagsusuring pangkalusugan ng Department of Health (DoH) at Food and Drug Administration (FDA). Ito’y seryosong banta sa kalusugan at kabuhayan ng sambayanan.
Maging si Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ay nagpahayag ng pagkadismaya dahil sa patuloy pa ring smuggling, sa kabila ng AGES Act. Kaya iminungkahi niyang higpitan pa ang pagsusuri sa lahat ng produktong galing China—buksan ang lahat ng shipment containers at hadlangan ang pagpasok ng ilegal na kargamento.
“Para wala nang makalusot. Wala silang respeto sa batas, sa mga magsasaka natin, sa mga mangingisda. Binabastos na tayo. Hindi tama ‘yan!” ani Tiu Laurel nitong Martes matapos ang pagkakakumpiska ng mahigit ₱35 milyon halaga ng smuggled na bulok na isda at sibuyas sa BoC Compound sa Port Area, Maynila.
Bago tanggalin ang parusang kamatayan noong 2006, ito ay ipinapataw sa 13 kasong itinuturing na “heinous crimes” tulad ng pagtataksil sa bayan, pandarambong, pagpatay, panggagahasa, at droga.
Ayon sa AGES Act na nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. noong Setyembre 2024, ang smuggling ng produktong agrikultura o pangisdaan ay itinuturing na economic sabotage kung ang halaga ng produkto ay lumalagpas sa ₱10 milyon. Ang sinumang sangkot sa kartel, pondo sa smuggling at hoarding ay tinuturing ding economic saboteurs, na maaaring hatulan ng habangbuhay na pagkakakulong.
Ngunit ayon kay Barbers, tila hindi natatakot sa mga batas na ito ang mga smuggler, dahil sa paniniwalang kaya nilang suhulan ang mga taong dapat sana’y nagpapatupad ng batas.
“Hindi titigil ang mga smuggler at economic saboteurs sa kabila ng mahigpit na batas. Kailangan nang ibalik ang parusang kamatayan para sa kanila, pati na rin sa mga sangkot sa karumal-dumal na krimen at drug trafficking. Kamatayan lang ang wika na naiintindihan ng mga kriminal na ito,” pagtatapos ni Barbers.
————
OPINYON AT KOMENTARYO (para sa radyo):
Mga kababayan, hindi natin maikakaila na ang patuloy na smuggling ng mga produktong agrikultura at pangisdaan ay isa sa pinakamatinding suliraning kinakaharap ng ating bansa ngayon. Hindi lamang nito pinapatay ang kabuhayan ng ating mga magsasaka at mangingisda, kundi pinapahamak din nito ang kalusugan ng ating mamamayan.
Hindi ba’t napakasakit isipin na ang mga produktong hindi dumaan sa tamang inspeksyon, at minsan ay bulok na o kontaminado, ay malayang nakakarating sa ating pamilihan? At sa likod nito, may mga smuggler—lokal man o banyaga—na walang pakundangan sa batas, sa kalusugan ng tao, at sa kabuhayan ng maralita?
Ang panukalang ibalik ang parusang kamatayan para sa mga smuggler ay isang matinding hakbang. Isa itong radikal at kontrobersyal na panukala na tiyak na magpapainit ng diskusyon. Ngunit sa likod ng lahat, ang tanong: Anong hakbang ang makapagbibigay ng tunay at matagalang takot sa mga salot sa lipunan na ito?
Kung ang mga batas natin ay mistulang ginagawang papel lamang at nababalewala dahil sa laganap na suhulan at katiwalian, baka nga tama si Congressman Barbers—baka kailangan nang umabot sa pinakamabigat na parusa upang matauhan ang mga kriminal.
Pero sabay nating tanungin: Handa ba tayong muli bilang bayan na magpataw ng kamatayan? Handa ba ang ating sistema ng hustisya na maging patas, malinis, at walang bahid?
Sa huli, kailangan natin ng tapang na may hustisya, at batas na may ngipin, upang ang ating mga magsasaka at mangingisda ay hindi na maging biktima ng sariling sistema.
Ang batas ay para sa tao—hindi para sa mga smuggler.
ooooooooooooooooooooooooo
Paglawak ng suporta sa #OpenBicam campaign para sa national budget inaasahan ng Kamara
Inaasahan ng Kamara de Representantes ang paglawak ng suporta para sa #OpenBicam campaign sa pagtalakay ng pambansang budget, na matibay na sinusuportahan ni Leyte Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez para sa pagkakaroon ng pananagutan at transparency ng proseso.
“We are looking forward na magkaroon ng enough na suporta para mabuksan ang bicam. Para lahat ay makikita yung proseso,” ayon kay Atty. Princess Abante, tagapagsalita ng House of Representatives, sa isang media briefing nitong Lunes.
Ang mungkahi, na suportado ng mga nagbabalik na mambabatas at mga lider ng institusyon, ay naglalayong pahintulutan ang mga Pilipino na masaksihan sa real time kung paano pinagkakasunduan ng Senado at Kamara ang pinal na bersyon ng pambansang budget.
Sinabi ni Abante na buo ang suporta ni Romualdez, dating Speaker ng Ika-19 na Kongreso, sa inisyatibang ito bilang pagpapatuloy ng matagal nang adbokasiya ng mababang kapulungan na gawing mas bukas ang kanilang mga proseso sa paggawa ng batas.
“Yes, definitely Speaker Martin Romualdez welcomes ‘yung open bicam na maging transparent sa lahat ‘yung proseso ng pagbalangkas ng ating pagsasaayos at pag-aapruba ng budget ng ating bansa,” pahayag ni Abante, patungkol sa deliberasyon sa pambansang budget na karaniwang nagsisimula pagkatapos ng State of the Nation Address (SONA).
Ang bicameral conference committee sa pambansang budget ang nagsisilbing huling yugto ng pagdedesisyon matapos maipasa ng Kamara at Senado ang magkahiwalay na bersyon ng General Appropriations Bill.
Binigyang-diin ni Abante na hindi na bago sa Kamara ang transparency.
“Kahit naman na nung mga previous Congresses naging layunin na rin ng House of Representatives especially under the leadership of Speaker Martin Romualdez, ‘yung mga taon na binabalangkas ‘yung budget na maging transparent,” aniya.
Dagdag pa niya, kasalukuyan nang napapanood nang live at bukas sa publiko ang mga pagdinig ng mga komite hinggil sa budget.
“Kaya nga open sa lahat ang pagpapanood ng mga committee hearings,” aniya.
Ang plano na palawigin ang ganitong praktis sa bicameral conference ay bahagi ng mas malawak na kampanya para institusyonalisahin ang transparency sa pamamahala ng pondo ng bayan.
Nauna nang idineklara ni Rep. Romualdez na kanyang itutulak ang institusyonalisasyon ng #OpenBicam campaign.
“Transparency and accountability must be the cornerstones of the budget process,” aniya noon.
“I support the move to make bicameral conference committee discussions open to the public. This is a crucial step in restoring public trust and ensuring that the national budget truly reflects the will and welfare of the people,” dagdag niya.
“We passed key accountability measures. Now we must build on that momentum by opening the most sensitive and final stages of the legislative process to the Filipino people,” dagdag pa niya. (END)
——-
OPINYON PARA SA BROADCAST
Paksa: Paglawak ng Suporta sa #OpenBicam Campaign para sa National Budget
Segment Title: “Bukas na Bicam, Tiwala ng Bayan”
Para sa programa: Katropa sa Kamara
Ni: Terence Mordeno Grana
⸻
Sa isinusulong ngayong #OpenBicam campaign ng Kamara de Representantes, isang makabuluhang hakbang ang muling nabubuhay—ang paglalapit ng prosesong pampamahalaan sa mismong mamamayan.
Kadalasan, ang bicameral conference committee ay itinuturing na “closed door” at teknikal—isang bahagi ng batasan na hindi basta naaabot ng karaniwang mamamayan. Dito isinasalpak ang pinal na anyo ng pambansang budget, kung saan pinagkakasunduan ng Senado at Kamara ang mga bersyon nila ng General Appropriations Bill. Ang tanong: Bakit hindi natin ito masilayan nang hayagan?
Ang panawagan para sa #OpenBicam ay hindi lamang isang sigaw para sa transparency; ito’y panawagan para sa accountability. Sa panahon ng digital media at masigasig na pampublikong partisipasyon, hindi na sapat ang closed-door decision-making lalo na kung pera ng bayan ang pinag-uusapan.
Kaya makabubuting kilalanin ang liderato ni Rep. Ferdinand Martin Romualdez at ng mga mambabatas na sumusuporta sa kampanyang ito. Ang kanilang pagtulak para sa institutional transparency ay nagpapakita ng determinasyong ibalik ang tiwala ng taumbayan sa proseso ng badyet—isang prosesong dapat maging simbolo ng serbisyo, hindi ng lihim.
Kung sa ngayon ay live na napapanood ng publiko ang committee hearings, bakit hindi natin ipagpatuloy ito sa mismong final stage ng budget process? Dito mismo kadalasang nangyayari ang mga negosasyon sa pork barrel-style amendments, realignments, at insertions—mga bagay na hindi dapat ikinukubli kundi isinasapubliko.
Ang #OpenBicam ay hindi panibagong palabas sa social media; ito ay isang kongkretong hakbang sa demokratikong reporma. Kapag ang taumbayan ay may akses sa impormasyon, mas nagkakaroon ng saysay ang boto, mas tumitibay ang tiwala, at mas pinaiigting ang pananagutan ng mga halal na opisyal.
Konklusyon:
Ang budget ay salamin ng ating pambansang prayoridad. Kung ito’y nililikha sa dilim, paano natin masisigurong ito’y makatarungan? Panahon na upang ang huling kabanata ng budget process ay buksan sa liwanag ng kaalaman ng bayan.
Isang panawagan sa mga mamamayan: Ipanawagan natin ang #OpenBicam. Dahil kung totoo ang sinasabi ng ating mga lider na ito ay badyet ng taumbayan, ang taumbayan ay dapat may karapatang makialam, makinig, at managot.
oooooooooooooooooooooooo
Sa pagbubukas ng 20th Congress, muling inihain ni UNITED SENIOR CITIZENS PARTYLIST Representative, Congresswoman Milagros Aquino-Magsaysay ang panukalang UNIVERSAL SOCIAL PENSION (USP).
Layon ng panukalang batas na ito na mabigyan ng buwanang social pension ang LAHAT ng matatandang Pilipino na aabot sa mahigit labing-dalawang (12) milyon. Bagamat sinuportahan ni House Speaker Martin Romualdez at ng mayorya ng mga mambabatas, pumasa sa ikatlo at huling pagbasa sa nagdaang Kongreso, matatandaang hindi umusad ang bersyon nito sa Senado.
Giit ni Congresswoman Magsaysay, “Ako po ay hindi mapapagod at hindi titigil na ipaglaban at tayuan ang mga Karapatan, prebilehiyo at benepisyo ng ating mga nakatatanda. Matagal na po silang nananawagan, nagtitiis at nagsusumamo sa ating pamahalaan sa kaunting tulong na ito. Ibigay na po natin sa kanila hindi bilang ayuda, kundi bilang respeto at paggalang sa kanilang mga ambag sa ating lipunan.”
Umaasa rin ang mambabatas na tulad noong 19th Congress, susuportahan din ng mga bagong miyembro ng Kongreso ang nasabing panukala.
Bukod dito, inihain din ni Congresswoman Magsaysay ang ilan pang mahahalagang panukalang magbibigay ng pantay na pagkilala at ibayong pagmamalasakit sa mga nakatatanda tulad ng Philippine Geriatric Center Act na magtatakda ng sapat na pasilidad sa mga pampublikong pagamutan para sa mga matatanda at Anti-Senior Citizens Abuse Act na magpapataw ng kaukulang parusa para sa anumang uri ng pang-aabuso sa mga nakatatanda.
Kabilang din sa mga batas na inihain ni Congresswoman Magsaysay ang Philippine Dementia and Alzheimer Care Policy, Matatanda Ating Mahalin (Long Term Care) Act, Employment Opportunities for Senior Citizens and Private Entities Incentives Act, Expanded Senior Citizens Act, Sangguniang Nakatatanda, Senior Citizens Day Care Center Act, at Instituionalized Five Percent Senior Citizens Allocation.
Sa huli, sinabi pa ni Congreswoman Magsaysay na sentro ng kanyang mga pangunahing panukala ang pagbibigay halaga sa prinsipyo ng social justice at pagpapayabong ng kultura nating mga Pilipino na mapag-alaga at mapagkalinga sa mga nakatatanda. (30)
———-
Muling Paghahain ng Universal Social Pension at Ibang Panukala para sa Nakatatanda
Sa pagbubukas ng Ika-20 Kongreso, isa sa mga pinaka-makabuluhang panukala na agad na inihain ay ang Universal Social Pension o USP, na isinulong muli ni Congresswoman Milagros Aquino-Magsaysay ng United Senior Citizens Partylist. Isa itong panukalang may simpleng layunin, ngunit may napakalawak na epekto: buwanang pensyon para sa LAHAT ng senior citizens sa bansa—hindi lang sa mga indigent o walang kita, kundi para sa bawat Pilipinong lumampas na sa edad ng pagreretiro.
Sa mahigit 12 milyong matatanda sa bansa, ito’y higit pa sa tulong-pinansyal. Ito ay isang pahayag ng pagkilala.
Pagkilala sa kanilang ambag sa lipunan, sa kanilang papel bilang mga magulang, manggagawa, tagapagturo, at tagapangalaga ng mga halaga nating Pilipino.
Bakit makatarungan ang panukalang ito?
Una, ang pensyon ay hindi dapat ituring na limos.
Kung kaya ng estado ang maglaan ng bilyong pondo para sa imprastruktura, foreign engagements, at iba pa, bakit hindi para sa mga taong nag-alay ng lakas at buhay para itaguyod ang bansa?
Pangalawa, ang pagiging senior citizen ay hindi dapat maging hatol ng kahirapan.
Napakarami sa ating matatanda ang walang sariling kita, walang anak na sumusuporta, o walang kakayahang maghanapbuhay. Ang maliit na pensyon ay maaaring katumbas ng gamot, pagkain, o kahit pamasahe sa barangay health center.
Pangatlo, ang social pension ay tugon sa social justice.
Hindi ito pabor. Ito ay karapatan. Sa ilalim ng prinsipyo ng social equity, ang estado ay may obligasyong tulungan ang sektor na mas nangangailangan—at isa na rito ang mga nakatatanda.
⸻
Dagdag na mga panukalang karapat-dapat din suportahan:
Bukod sa USP, kapuri-puri rin ang hanay ng mga panukala ni Congresswoman Magsaysay para sa mga senior citizens—mula sa Geriatric Centers, Anti-Senior Abuse Act, Long-Term Care, Employment Opportunities, hanggang sa Senior Citizens Day Care Center Act.
Iisa ang tinutumbok ng lahat ng ito: ang dignidad at karapatan ng mga nakatatanda ay dapat pinangangalagaan, hindi kinakaligtaan.
⸻
Pangwakas:
Sa kultura nating mga Pilipino, ang paggalang sa matatanda ay hindi lang kaugalian—ito ay pagkatao.
Ang mga panukalang ito, lalo na ang Universal Social Pension, ay isang konkretong anyo ng pagmamahal, pagtanaw ng utang na loob, at pagkilala sa mga taong minsan ay umalalay sa atin.
Hindi ito tanong kung kaya ba ng gobyerno. Tanong ito kung gugustuhin ba ng gobyerno.
At kung tunay tayong para sa Bagong Pilipinas, dapat wala nang matandang naghihintay ng tulong, kundi tumatanggap ng karampatang pagkalinga.
oooooooooooooooooooo
Barbers, pinuri ang matapang na paninindigan ni DA Sec. Tiu-Laurel laban sa smuggler mula China; nanawagan ng total ban sa imported “basura” mula China
Pinuri ni dating Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers si Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu-Laurel sa matapang nitong paninindigan laban sa mga smuggler mula sa China na umano’y ginagawang basurahan ang Pilipinas sa pamamagitan ng pagpasok ng nabubulok na produktong agrikultural at pangisdaan.
Ayon kay Barbers, labis nang naaapektuhan ang kabuhayan ng mga Pilipinong magsasaka at mangingisda bunsod ng pagbaha ng mga murang produktong mula China na kadalasang bulok o sira na at hindi na ligtas kainin. Dagdag pa niya, ang mga produktong ito ay kadalasang may maikling shelf-life at panganib sa kalusugan, bukod pa sa pagiging salot sa lokal na kalakalan.
“Hindi sana nakakalusot ang mga produktong ito kung walang mga tiwaling opisyal sa mga paliparan at pantalan, partikular sa Bureau of Customs (BoC),” ani Barbers. “Hindi nila iniintindi ang epekto ng smuggling sa kalusugan, ekonomiya, at kabuhayan ng ating mga magsasaka at mangingisda. Dapat nang magpatupad ng polisiya ang Department of Finance para agad kasuhan, sibakin, at tanggalin sa serbisyo ang mga sangkot sa katiwalian sa BoC.”
Sa panayam sa media noong Martes sa tapat ng BoC compound sa Port Area, Maynila, kinondena ni Tiu-Laurel ang panibagong tangkang pagpupuslit ng mga nabubulok na frozen fish at fresh onions mula China na itinago sa anim na container vans na idineklarang naglalaman lamang ng noodles, kimchi, at dumplings. Tinatayang nasa ₱35 milyon ang kabuuang halaga ng mga ito.
Hinimok ni Tiu-Laurel ang mas mahigpit na risk assessment sa lahat ng produkto mula China at pagbubukas ng mga container upang hindi makalusot ang mga ilegal na kargamento.
“Para wala nang makalusot. Wala silang respeto sa batas, wala silang respeto sa ating mga magsasaka, mangingisda—binabastos tayo! Hindi tama ‘yan!” diin ni Tiu-Laurel.
Samantala, nasa hindi bababa sa 50 container vans pa ang naka-hold ngayon sa Subic Bay Port sa Zambales, dahil sa hinalang naglalaman din ang mga ito ng smuggled na produktong pang-agrikultura mula China.
Naniniwala si Barbers na dapat tuloy-tuloy ang kampanya laban sa smuggling na pinangungunahan ni Sec. Tiu-Laurel upang mapigil ang operasyon ng mga cartel—maging Chinese o Filipino gaya ng rice cartel—na nagnanais lamang magsamantala sa legit na mga negosyanteng Pilipino.
“Kawawa ang ating bansa sa mga smuggler na ito. Pati presyo ng bigas ay naapektuhan ng mga cartel. Lugi ang ating mga magsasaka at mangingisda sa harap ng murang imported na produkto na pinupuslit. Magagaling sila sa pandaraya, pero pahirap sila sa sambayanang Pilipino,” ani Barbers.
Dagdag pa niya, bukod sa mga isda at gulay, ang mga mapagsamantalang negosyanteng taga-China ay sangkot din umano sa smuggling ng frozen duck, manok, baboy, at iba pang produktong pagkain.
(Wakas)
_________
Narito po ang mungkahing komentaryo at opinyon sa Tagalog para sa inyong radio program batay sa balitang isinulat:
⸻
OPINYON AT PAGSUSURI
Mga kababayan, tila hindi na biro ang patuloy at garapalang pananamantala ng ilang negosyante mula sa China na walang pakundangan sa ating batas, sa ating mga alituntunin sa kalusugan, at lalong-lalo na sa kapakanan ng ating mga magsasaka at mangingisda.
Ang isyung ito ay higit pa sa simpleng smuggling o pagpupuslit ng mga produkto—ito ay malinaw na paglapastangan sa ating soberanya at kabuhayan. Isipin po ninyo: mga nabubulok na isda, sibuyas, at iba pang produktong agrikultural ang pinipilit ipuslit sa ating bansa—itinago pa sa mga container na kunwa’y naglalaman ng noodles at kimchi. Ano po ang tawag natin diyan kundi panlilinlang?
Kaya’t marapat lamang na purihin si Department of Agriculture Secretary Francisco Tiu-Laurel sa kanyang matapang na paninindigan. Sa wakas, may pinunong handang magsabi ng totoo—na binabastos tayo. At kung tutuusin, tama siya. Binabastos tayo bilang isang bayan kapag ginagawang basurahan ang ating mga palengke at pamilihan.
Sa ating mga nakaupo sa pamahalaan, lalo na sa Bureau of Customs, ito po ay isang babala. Hindi na ito panahon ng palusot. Ang taongbayan ay gising na, at alam na kung sino ang nagsisilbi sa bayan at sino ang nagsisilbi sa sariling bulsa. Kung may mga tauhan sa gobyerno na tumutulong sa pagpupuslit ng mga bulok na produkto, dapat lang silang tanggalin, kasuhan, at ikulong.
Pero higit pa riyan, dapat din nating pag-isipan bilang isang sambayanan kung bakit tila laging biktima ang ating mga lokal na magsasaka’t mangingisda. Dahil habang binabaha tayo ng murang imported goods, ay unti-unti namang nilulunod sa pagkalugi ang ating mga sariling produkto. Hindi ito patas. Hindi ito makatarungan.
Kaya ang hamon: ipagbawal na ang lahat ng produktong agrikultural mula sa China na may panganib sa kalusugan at kabuhayan. Kung hindi ito kayang ayusin sa antas ng inspeksyon, itigil na ang importasyon. Dahil mas mahalaga ang kaligtasan ng bawat Pilipino kaysa sa ilang pisong matitipid sa murang sibuyas o isda.
At sa dulo, ito ang mahalagang tanong: Kanino ba dapat kumampi ang gobyerno—sa mga smuggler na banyaga o sa mga Pilipinong naghihirap magbungkal ng lupa at maglayag sa dagat?
Mga kababayan, ang sagot ay malinaw. Kumampi tayo sa Pilipino.
oooooooooooooooooooooo
RICE bill ni Romualdez unang panukalang naihain sa Kamara pagpasok ng 20th Congress
Alinsunod sa programa ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., inihain ni Leyte Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez, ang Speaker ng katatapos na 19th Congress, ang House Bill (HB) No. 1 na naglalayong ireporma ang National Food Authority (NFA) upang makatulong sa pagpapababa ng presyo ng bigas, mapatatag ang suplay nito, at mapalakas ang suporta sa mga Pilipinong magsasaka.
Ang panukalang “Rice Industry and Consumer Empowerment (RICE) Act,” ang kauna-unahang panukalang batas na inihain sa bagong Kongreso na isang pagpapakita ng kahalagahan na ito ay gawing prayoridad.
Layunin nitong amyendahan ang Rice Tariffication Law at ibalik ang kapangyarihang regulasyon ng NFA upang makialam sa merkado ng bigas at pigilan ang hoarding, profiteering, at pagmamanipula ng presyo.
“Rice is life, and it is the soul of every Filipino family’s dining table. That is why this bill is the very first we filed in the 20th Congress. It reflects our singular focus on the daily struggle of every Filipino family to put affordable food on the table, and the need to reward our farmers with fair prices for their hard work,” ani Romualdez.
Idiniin niya na ang panukalang ito ay bahagi ng kampanya ng Bagong Pilipinas ni Pangulong Marcos at layunin nitong pababain ang presyo ng bigas sa pinakamababang antas nang hindi nalulugi ang mga magsasaka.
Ang panukala ay co-authored nina Tingog Party-list Reps. Andrew Julian Romualdez at Jude Acidre.
Sa ilalim ng RICE Act, muling magkakaroon ng kapangyarihan ang NFA na magrehistro at maglisensya ng mga bodega ng butil, magsagawa ng inspeksyon, at subaybayan ang kalakalan ng bigas.
Magkakaroon din ito ng kapangyarihang kumpiskahin ang mga naimbak na bigas at ipamahagi ito sa publiko upang labanan ang artificial shortage o biglaang pagsipa ng presyo.
“Hindi na puwedeng patuloy na ginagamit ang krisis sa pagkain bilang oportunidad para kumita ang iilan. Dapat may kakampi ang konsyumer sa gobyerno, at dapat din may kakampi ang magsasaka. Through this bill, we restore that balance,” diin ng lider ng Kamara mula Leyte.
Itinatakda rin sa panukala na ang NFA ay kailangang magpanatili ng buffer stock na manggagaling sa lokal na palay, at may kapangyarihang magtakda at magpatupad ng floor price para sa pagbili ng palay.
Ibig sabihin, magkakaroon ng patas at matatag na presyo ang ani ng mga magsasaka, habang makikinabang naman ang mga mamimili sa mas maaasahan at mas abot-kayang suplay ng bigas.
“We cannot fight hunger without confronting price manipulation. This bill is not about going backwards to failed models. It is about smarter regulation that meets today’s challenges like climate shocks, global price volatility and local production gaps,” paliwanag ni Rep. Martin Romualdez.
Binigyang-diin ni Rep. Romualdez na hindi aalisin ng panukala ang malayang importasyon ng bigas sa ilalim ng Rice Tariffication Law, ngunit magdadagdag ito ng mahahalagang pananggalang.
Aniya, hindi layunin ng batas na ito ang higpitan ang kalakalan kundi bigyang kapangyarihan ang estado na makialam kung kinakailangan para sa kapakanan ng publiko.
“Kapag bumabagsak ang presyo ng palay at lugi ang mga magsasaka, dapat may kakayahan ang NFA na bumili sa presyong makatao. At kapag sumisirit ang presyo ng bigas sa palengke, may mandato ang NFA na ibsan ang pasanin ng mamamayan,” aniya.
Ang panukala ay bunga ng pagtutulungan ng Kamara sa ilalim ng liderato ni Rep. Romualdez noong Ika-19 na Kongreso at ng ilang ahensya ng gobyerno tulad ng Office of the President (OP), Department of Agriculture (DA), at NFA.
Ipinapaloob din sa HB No. 1 ang parusang hanggang ₱2 milyon at pagkakakulong ng hanggang dalawang taon para sa mga lalabag sa floor price policy, at habang-buhay na diskwalipikasyon sa paghawak ng anumang posisyon sa gobyerno para sa mga opisyal na sangkot sa hoarding o profiteering.
“This is a bill of accountability. Dapat managot ang sinumang nambibiktima sa kahirapan ng ating mga kababayan para lamang kumita. We intend to use the full force of the law against those who take advantage of the people’s vulnerability in times of crisis,” pahayag ni Rep. Martin Romualdez.
Binibigyan din ng kapangyarihan ng panukala ang DA na pamunuan ang pagpapatupad ng mga mekanismong panunupil ng presyo, sa tulong ng NFA at sa koordinasyon ng mga lokal na pamahalaan at mga ahensiyang nagpapatupad ng batas.
“In this, we have unity in purpose. But unity does not mean uniformity. It means moving together, in one direction, toward solutions. Magkaisa na tayo sa layuning ito, na bumaba ang presyo ng pagkain, na umasenso ang magsasaka at na huwag nang gutumin ang karaniwang Pilipino,” aniya.
“Ito ay laban para sa kabuhayan at sikmura ng bawat Pilipino. This bill is our strongest statement yet: Hindi tayo papayag na gutom ang mamayani sa ating bayan,” dagdag pa niya. (END)
———-
OPINYON PARA SA BROADCAST
Paksa: House Bill No. 1 – Rice Industry and Consumer Empowerment (RICE) Act
Segment Title: “Bigas, Buhay, at Batas: Ang Laban para sa Sikmura ng Pilipino”
Ni: Terence Mordeno Grana
Para sa programang: Katropa sa Kamara
⸻
Ang pagpapasa ng House Bill No. 1 o Rice Industry and Consumer Empowerment (RICE) Act bilang unang panukalang batas sa pagbubukas ng Ika-20 Kongreso ay isang makapangyarihang pahayag: hindi pwedeng gutom ang unahin ng problema ng pamahalaan—dapat ito ang unang solusyon.
Sa gitna ng mataas na presyo ng bigas, bumabagsak na kita ng mga magsasaka, at manipulasyon ng merkado ng ilang tusong negosyante, malinaw ang mensahe ng panukalang ito: hindi na natin papayagang pagsamantalahan ang kahirapan ng Pilipino.
Ang RICE Bill ay hindi simpleng pagbabalik sa dating kapangyarihan ng NFA. Hindi ito “rollback,” kundi strategic recalibration. Binibigyan nito ng mas matatag at makatarungang papel ang pamahalaan para mamamagitan kung kinakailangan—para protektahan ang mga magsasakang lugi at ang konsyumer na api.
Isipin natin ito: kung walang buffer stock, walang makialam sa presyo, at walang ahensyang magbibigay ng floor price—kanino pa aasang umalalay ang magsasaka? Kapag may artificial shortage, sino ang kakampi ng mamimili? Ang kasagutan: dapat gobyerno.
Kaya’t tama lamang na ito ang House Bill No. 1. Dahil sa lahat ng batas na dapat unahin, ang nakataya rito ay kabuhayan at sikmura ng bawat Pilipino. Ang bigas ay hindi lang produkto sa merkado—ito ay simbolo ng dignidad at seguridad ng bawat hapag-kainan.
At sa panahong krisis ang pagkain sa maraming tahanan, hindi dapat ito maging oportunidad para sa pang-aabuso, kundi sandali ng pagkakaisa—ng gobyerno, ng sektor ng agrikultura, at ng taumbayan.
⸻
Pangwakas:
Ang RICE Bill ay hindi lang economic reform—ito ay moral stand. Isang pahayag na sa Bagong Pilipinas, hindi gutom ang mananaig.
Sa bawat butil ng bigas ay may pawis ng magsasaka at inaasahan ng bawat pamilya. Tungkulin ng batas na tiyaking ang bawat butil ay abot-kaya, makatarungan, at sapat para sa lahat.
Kaya dapat natin itong bantayan, suportahan, at isulong. Dahil kung hindi ngayon, kailan pa?
oooooooooooooooooooooooo
Kapag sinabing “ayuda,” madalas sa isip natin ay pansamantalang tulong—isang beses, tapos, bahala ka na. Ngunit sa panukalang isinusulong ni Rep. Brian Yamsuan ng Parañaque, nais niyang baguhin ang pananaw na ito: mula sa ayuda, tungo sa aktwal na kabuhayan.
Sa pamamagitan ng kanyang isinusulong na panukala para sa institutionalized funding ng Sustainable Livelihood Program (SLP) ng DSWD, hinahangad niyang gawing regular, mas malawak, at mas epektibo ang programang nagbibigay ng kapital, training, at marketing support para sa mga tinatawag nating “nano entrepreneurs” o mga negosyong binubuo ng isa o dalawang tao lamang.
Ano ang mahalaga rito?
Una, hindi lang pera ang iniaalok ng programa—kundi direksyon.
Hindi lang “dagdag-puhunan,” kundi dagdag-kaalaman at dagdag-kakayahan. Sa bawat ₱15,000 na panimulang pondo, may kalakip na skills training, mentoring, at follow-through monitoring mula sa DSWD.
Ikalawa, tumutugon ito sa isang puwang sa ating ekonomiya: ang nano-business sector.
Tama ang obserbasyon ni Rep. Yamsuan: ang mga solopreneurs—yung mga tahimik pero matitibay na nagnenegosyo sa maliit na kanto, palengke, o online—ay madalas hindi nabibigyan ng pansin. Ngunit sila ang bumubuo ng pundasyon ng ating local economies, lalo sa mga rural na lugar.
Ikatlo, sinasalubong nito ang mga “graduate” ng 4Ps.
Madalas, kapag natanggal na sa Pantawid Pamilya program ang isang pamilya, wala nang kasunod. Bumabalik sa kahirapan. Ngunit sa pagsasanib ng 4Ps at SLP, may tulay—mula sa cash assistance, tungo sa tunay na kabuhayan.
Pangwakas na Pananaw:
Ang panukalang ito ay larawan ng tunay na inclusive economic empowerment. Hindi lang ito suporta sa mahihirap, kundi pagtitiwala sa kanilang kakayahang umasenso—na sa wastong tulong, pagsasanay, at pagkalinga ng estado, kaya nilang maging produktibo, malaya, at maunlad.
At tulad ng kasabihang binanggit ni Rep. Yamsuan, “Mas mainam na turuan ang tao mangisda, kaysa bigyan lang ng isda.”
Sa Katropa sa Kamara, ito ang panukalang nagbibigay saysay sa ayudang may direksyon—tulong na hindi lang pansamantala, kundi pangmatagalan.
Dagdag-puhunan. Dagdag-pag-asa. Yan ang tunay na serbisyo.
oooooooooooooooooooooo
Para makapag-hubog ng world-class Filipino athletes: Tuloy-tuloy na suporta sa sports program tiniyak ni Speaker Romualdez
Kinilala ni Leyte Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez ang kakayahan at determinasyon ng mga atletang Pilipino upang manalo sa mga pandaigdigang kompetisyon.
At upang marating ito, tiniyak ni Rep. Romualdez sa publiko ang patuloy na paglalaan ng Kongreso ng pondo upang suportahan ang kanilang pagsasanay at pag-unlad bilang mga kampeon.
Ang pangakong ito ay kasunod ng anunsyo ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) at Department of Budget and Management (DBM) kaugnay ng ₱360-milyong proyektong dormitoryo para sa 400 student-athletes ng National Academy of Sports (NAS) sa New Clark City, Capas, Tarlac. Inaasahang matatapos ang pasilidad sa 2026.
Ang patuloy na pagtutok ng pamahalaan sa pagpapabuti ng mga pasilidad at suporta sa pagsasanay para sa mga batang atleta ay kasunod ng makasaysayang pagwawagi ni Alex Eala bilang second placer sa Lexus Eastbourne Open nitong weekend—ang una sa kasaysayan para sa isang Pilipino na umabot sa singles final ng WTA Tour.
Pinuri rin ni Speaker Romualdez si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pagtutok at pagbibigay ng prayoridad sa kapakanan at kinabukasan ng mga student-athlete, lalo na sa pamamagitan ng pagpapatayo ng makabago at world-class dormitories sa NAS.
“Congratulations to President Ferdinand ‘Bongbong’ R. Marcos Jr., through the BCDA and DBM, for this visionary initiative. This dormitory will serve not just as a facility, but as a home for our student-athletes to dream big and strive for gold,” ayon kay Speaker Romualdez.
“More than brick and mortar, such facilities represent the hopes of Filipino youth for a better and brighter future,” dagdag pa ng mambabatas.
Binigyang-diin ni Romualdez na patuloy na itataguyod ng Kongreso ang mga panukalang batas at suporta sa badyet para sa sports development, lalo na sa mga programang nagpapalago sa potensyal ng mga batang atleta sa mga pampublikong institusyon gaya ng NAS.
“Our student-athletes have the natural talent for sports. With sufficient government support, they have what it takes to bring honor to our country. It is our duty as lawmakers to ensure that their talent, grit, and determination are not wasted but rather nurtured and developed,” ani Speaker Romualdez.
“As Speaker of the House, I commit to reviewing the national budget to ensure these facilities receive the necessary legislative backing—from sufficient funding to sustainable operations,” dagdag pa ng kongresista.
Iginiit ni Speaker Romualdez ang kahalagahan ng matagalang pamumuhunan ng pamahalaan sa pagpapanday ng atletang Pilipino, kabilang ang kalidad na pagsasanay, tamang nutrisyon, at suporta sa akademikong aspeto.
“With Congress’s support, we can lay the groundwork for world-class training and holistic athlete development, empowering them to dream bigger and shine brighter,” wika pa ng pinuno ng Kamara.
Ang itatayong dormitoryo ay isang limang-palapag na gusali na may 14 na silid para sa babaeng estudyante at 14 na kwarto para sa mga lalaki. Magkakaroon ito ng atrium, dining hall, recreational spaces, kitchen at dishwashing area, mga opisina ng administrasyon, at mga silid para sa laundry at utility.
Sa ngayon, may 270 student-athletes ang naka-enroll sa NAS at nagsasanay sa iba’t ibang larangang pang-akademiko at pampalakasan. Kasalukuyan ding itinatayo ang bagong gymnasium at gymnastics court para suportahan ang kanilang pagsasanay.(END)
—————
RADYO BROADCAST SCRIPT
Segment Title: “Lakas at Pangarap: Pundasyon para sa Atletang Pilipino”
Para sa programang: Katropa sa Kamara
Ihahain ni: Terence Mordeno Grana
Air Time: 6–8 minutes
⸻
🎙 [PAMBUNGAD NA LINYA]
(Soft inspirational music fades in)
Magandang umaga po sa inyong lahat, mga ginigiliw naming tagapakinig ng Katropa sa Kamara! Ako po si Terence Mordeno Grana, at ngayong Sabado, dadalhin ko kayo sa isang usaping bumubuo ng panibagong pag-asa para sa mga kabataang Pilipinong may pusong palaban at pangarap na makipagtagisan ng galing sa buong mundo—ang tuloy-tuloy na suporta ng Kongreso para sa sports development program ng ating bansa.
⸻
🎙 [SEGMENT 1: PANGUNAHING BALITA]
Kamakailan lang po, tiniyak ni Leyte Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez—na nagsilbing Speaker ng ika-19 na Kongreso—ang walang patid na suporta ng Mababang Kapulungan sa paghubog ng mga world-class Filipino athletes.
Ito po’y kasunod ng ₱360 milyong proyekto ng Bases Conversion and Development Authority (BCDA) at Department of Budget and Management (DBM) para sa pagtatayo ng isang limang-palapag na world-class dormitory para sa 400 student-athletes ng National Academy of Sports (NAS) sa New Clark City, Capas, Tarlac. Target na matapos ito sa taong 2026.
Sa kasalukuyan, may 270 student-athletes na ang naka-enroll sa NAS, at lumalaban hindi lang sa mga paligsahan, kundi pati sa hamon ng edukasyon.
⸻
🎙 [SEGMENT 2: BRIDGING – REFLECTION & ANALYSIS]
Kaakibat ng balitang ito ang isang magandang paalala: hindi sapat ang talento ng kabataan kung walang matibay na suporta mula sa pamahalaan. Sa paningin ni Speaker Romualdez, hindi lang ito simpleng gusali. Ang dormitoryong ito ay tahanan ng mga pangarap. Sa mga silid at pasilidad nito, sisibol ang mga bagong Eumir Marcial, Hidilyn Diaz, at Alex Eala.
Isang patunay dito ang pagkakapanalo ni Alex Eala bilang kauna-unahang Pilipina na umabot sa singles final ng WTA Tour—isang tagumpay na sumasalamin sa kahalagahan ng maagang interbensyon at sustenableng suporta.
At ayon kay Speaker Romualdez, hindi rito nagtatapos ang pagtulong. Nangako siya na susuriin mismo ng Kongreso ang pambansang budget para matiyak na sapat ang pondo sa pasilidad, nutrisyon, akademikong suporta, at pagsasanay ng ating mga batang atleta.
⸻
🎙 [SEGMENT 3: PANAWAGAN SA PUBLIKO]
Mga Katropa, ang sports development ay hindi lamang tungkol sa medalya. Isa rin itong instrumento ng nation-building. Kapag hinubog natin ang ating mga atleta sa disiplina, tiyaga, at dangal, itinataguyod natin ang diwa ng Bagong Pilipinas—isang bansang may tapang, may galing, at may malasakit.
Kaya narito ang tanong namin sa inyo ngayong umaga:
Ano ang pananaw ninyo sa pagpupundar ng pamahalaan para sa kabataang atleta? Sapat ba ito? O may iba pa bang dapat unahin?
Maaari po kayong magpadala ng inyong opinyon sa ating official page o mag-text sa ating interactive hotline. Baka sa susunod nating episode, ang boses ninyo na ang marinig ng buong sambayanan.
⸻
🎙 [PAGTATAPOS]
(Uplifting background music returns)
Sa panahong ang mga kabataan ay nangangarap, responsibilidad nating mga nakatatanda ang humubog sa kinabukasan. Sa sports man o edukasyon, ang suporta ay dapat buo, tuloy-tuloy, at may direksyon.
Ako po si Terence Mordeno Grana, nagpapasalamat sa inyong pakikinig. Hanggang sa susunod na Sabado, dito pa rin sa Katropa sa Kamara, kung saan ang boses ng Kongreso ay para sa mamamayang Pilipino.
Magandang umaga po at mabuhay ang atletang Pilipino!
ooooooooooooooooooooooo
Anti-Poverty Solon, Suportado ang Panukalang Makakatulong sa Manggagawang Pilipino
“Buong suporta ko ang panukalang inihain ni Senador Win Gatchalian na layuning dagdagan ang take-home pay ng mga manggagawang Pilipino sa pamamagitan ng matapang at makataong reporma sa buwis,” pahayag ni 4Ps Partylist Representative Cong. JC M. Abalos kaugnay ng isinusulong ni Senador Gatchalian na “Ginhawa Bill” na naglalayong magpatupad ng serye ng reporma sa buwis kaugnay ng mga sahod ng mga manggagawang Pilipino.
Sa isang post sa kanyang social media page, binigyang-diin ni Cong. Abalos na ang panukalang ito ay isang hakbang upang maibigay sa manggagawang Pilipino ang ginhawang matagal na nilang nararapat, at handa siyang maging katuwang ni Senador Gatchalian sa pagsusulong ng isang mas makatarungan, mas simple, at mas tumutugong sistemang pangbuwis para sa sambayanan.
Ayon pa sa kanya, maghahain din siya ng katumbas na panukala alinsunod sa Seksyon 24, Artikulo VI ng Konstitusyon, na nagsasaad na lahat ng panukalang kaugnay sa kita ng gobyerno ay dapat magsimula sa Mababang Kapulungan.
“Ang panukalang ito ay magiging isang makabuluhang dagdag sa iba pang mga reporma sa buwis na balak kong ihain sa Mababang Kapulungan sa mga darating na araw,” dagdag pa ni Cong. Abalos.
Kamakailan, naghain si Cong. Abalos ng ilang panukalang batas na layuning amyendahan ang ilang probisyon ng Republic Act (RA) 11310 o ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) Act.
Isa sa mga panukala ay layong magtakda ng minimum na pondo para sa programa upang maprotektahan ito laban sa pagputol ng budget, gayundin ang dagdagan ang mga cash grants para sa edukasyon, kalusugan, at nutrisyon ng mga batang benepisyaryo ng programa. Isa pang panukala ay layong paigtingin ang ugnayan ng mga Parent-Leaders at Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng paglalatag ng malinaw na tungkulin ng mga Parent-Leaders sa implementasyon ng 4Ps. Nakasaad din sa panukala ang pagbibigay ng allowance sa mga Parent-Leaders para sa mga gastusing kaakibat ng pagtulong nila sa programa.
“Umaasa tayong maipapasa ang lahat ng panukalang ito at maisabatas sa loob ng Ika-20 Kongreso upang mapabuti ang buhay ng ating mga kababayang nabubuhay sa kahirapan,” dagdag pa ng batang mambabatas. ###
⸻
Komento at Opinyon:
Napapanahon ang panukalang “Ginhawa Bill” ni Senador Win Gatchalian at ang buong-suportang ipinahayag ni Cong. JC Abalos dito. Sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng bilihin at kabawasan ng tunay na halaga ng sahod, ang pagreporma sa sistema ng pagbubuwis ay isang konkretong hakbang upang matulungan ang karaniwang manggagawang Pilipino.
Hindi sapat na pasalamatan lamang natin ang kanilang sakripisyo — kinakailangan ng aktwal na pagbabago sa mga polisiya upang madagdagan ang kita nilang nauuwi sa pamilya. Ang layunin na gawing mas simple, mas patas, at mas makatao ang pagbubuwis ay hindi lamang makapagbibigay ginhawa, kundi magpapalakas din ng tiwala ng mamamayan sa ating mga institusyon.
Mahalaga rin ang papel na ginagampanan ni Cong. Abalos sa pagbibigay diin sa mandato ng Mababang Kapulungan sa pag-umpisa ng mga revenue measures. Ipinapakita nito ang kanyang pang-unawa sa proseso ng batas at ang kahandaang magtrabaho sa parehong antas ng Senado at Kongreso para sa kapakanan ng bayan.
Bukod pa rito, kapuri-puri ang kanyang patuloy na pagsusulong ng mga reporma sa 4Ps — mula sa pagtaas ng cash grants hanggang sa pagbibigay ng tamang pagkilala at suporta sa mga Parent-Leaders. Isa itong patunay na may mga bagong lider na hindi lamang nagpapasa ng panukala, kundi may tunay na malasakit sa kapakanan ng maralita.
Ang tanong na lang ngayon: Makikiisa rin kaya ang iba pang mga mambabatas upang maisulong ang mga panukalang ito? Dahil kung tunay nating nais ang Bagong Pilipinas, kailangang ang mga batas ay tumutugon sa pangunahing suliranin ng bayan — ang kahirapan at mababang sahod.
Ang ganitong mga panukala ay hindi lamang “Ginhawa Bill” — kundi “Pag-asa Bill” rin para sa bawat pamilyang Pilipino.
oooooooooooooooooooooo
Romualdez inihain panukalang lilibre sa PhilHealth premium milyon-milyong OFWs
Inihain ni Leyte Representative Ferdinand Martin G. Romualdez, ang Speaker ng 19th Congress, ang isang panukalang batas na layong ilibre ang milyon-milyong overseas Filipino workers (OFWs)—maging land-based man o sea-based—sa pagbabayad ng premium contributions sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Kasama ni Romualdez bilang may-akda ng House Bill No. 2 sina Tingog Party-list Reps. Jude Acidre at Andrew Julian Romualdez.
Ayon kay Speaker Romualdez, layunin ng panukala na patatagin ang serbisyong pangkalusugan ng bansa para maging mas maayos, pantay, at handa sa oras ng pangangailangan.
Nakapaloob sa panukalang batas ang mga reporma sa Republic Act No. 11223 o ang tinatawag na “Universal Health Care Act.”
Bukod sa pagbibigay-libre sa mga migranteng manggagawa mula sa pagbabayad ng premium, binibigyang-diin din ng panukala ang probisyon sa pagbabawas ng kontribusyon at ang pagbabawal sa paglipat ng pondo ng PhilHealth sa national treasury.
Ayon sa panukala, “half of the OFWs’ premium contributions shall be paid by the national government, while the other half shall be shouldered by their employers.”
Inaatasan din ng panukala ang PhilHealth at Department of Health (DOH) na maglatag ng mekanismo para sa pagpapababa ng premium contribution sa mga patakaran at regulasyong ipatutupad kaugnay ng batas na ito.
Sa bahagi naman ng pagbabawal sa paglipat ng pondo, malinaw na nakasaad:
“Notwithstanding any law to the contrary, no portion of the reserve fund or any fund or income of Philhealth, including the provident fund under Section 16 (C) and the special health fund under Section 20 of this Act, shall accrue to the general fund of the national government or to any of its agencies or instrumentalities, including government-owned or -controlled corporations.”
Nauna nang naglipat ang PhilHealth ng hindi bababa sa ₱60 bilyon sa National Treasury ayon sa utos ng Department of Finance (DOF). Nahinto naman ang dagdag na ₱30 bilyon matapos itong pigilan ng Korte Suprema. Sa ngayon, hinihintay pa ang pinal na desisyon ng Korte tungkol dito.
Paliwanag ng DOF, may pahintulot mula sa taunang badyet ng gobyerno ang inilabas nilang circular.
Ayon pa sa panukala, ang anumang hindi nagamit na bahagi ng premium subsidies para sa indirect contributors ay dapat ilaan “exclusively for an increase in benefits or a decrease in forthcoming premium subsidies.” Kabilang sa mga indirect contributors ang mga Pilipinong walang kakayahang magbayad ng premium gaya ng mga mahihirap at walang trabaho, kung saan binabayaran ng pamahalaan ang kanilang kontribusyon mula sa taunang pondo.
May probisyon din sa panukala na nagsasaad na ang premium contribution rates ay dapat ibatay sa actuarial studies at pagsusuri sa inaasahang paggamit ng mga serbisyong pangkalusugan. Anumang pagbabago sa mga rate ay kinakailangan pa ring aprubahan ng Kongreso.
Ipinapanukala rin ang paglikha ng Universal Health Care Coordinating Council, na siyang mangunguna sa mas mabilis na pagpapatupad ng batas at magsisilbing mekanismo ng koordinasyon sa mga ahensya at organisasyon.
Ayon kina Rep. Romualdez at ng kanyang mga co-author, ang mga mungkahing pagbabago sa batas ay layong punan ang mga kakulangan, linawin ang mga malabong polisiya, at tugunan ang mga problema upang matupad ang tunay na layunin ng batas.
“Once passed, this measure will certainly maximize the potential of the Universal Health Care law to become the instrument for universal and equitable healthcare access for every Filipino,” dagdag nila. (END)
————
Sa panukalang House Bill No. 2 na inihain ni Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez at mga kasamang mambabatas mula sa Tingog Party-list, isang mahalagang hakbang ang isinusulong para sa mga tinatawag nating “bagong bayani”: ang pagbibigay ng libreng PhilHealth premium sa lahat ng overseas Filipino workers, maging land-based o sea-based.
Sa dami ng kontribusyon—emosyonal, kultural, at ekonomikal—na ibinibigay ng ating mga OFW sa bayan, tila ba napapanahon na ang panukalang ito. Hindi dapat sa bawat padalang dolyar lamang sila kinikilala, kundi sa serbisyong panlipunan ding dapat nilang matamasa gaya ng bawat Pilipinong naiiwan sa bansa.
Bakit makabuluhan ang panukalang ito?
Una, itinutuwid nito ang isang malinaw na isyu ng katarungan.
Hindi makatuwiran na ang mga OFW, na araw-araw ay nilalabanan ang lungkot at pangungulila para sa pamilya, ay binibigyan pa ng dagdag na pasaning pinansyal sa pamamagitan ng mataas na premium contribution.
Pangalawa, nililinaw at pinoprotektahan nito ang pondo ng PhilHealth.
Sa panahong bumaba ang tiwala ng publiko sa pamamalakad ng ilang ahensya, ang panukalang ito ay nagsasaad ng transparency—hindi maaaring ilipat o galawin ng ibang sangay ng pamahalaan ang pondo ng PhilHealth. Dapat ay para sa miyembro lang ito, at hindi para sa ibang layunin ng gobyerno.
Pangatlo, isinusulong nito ang isang mas organisadong pagpapatupad ng Universal Health Care Law.
Sa pamamagitan ng UHC Coordinating Council, may malinaw na ahensyang mag-uugnay sa lahat ng kasangkot upang hindi magka-leche-leche ang implementasyon.
Pangwakas na pananaw:
Ang panukalang ito ay hindi lamang regalo sa ating mga OFW—ito’y pagkilala at pagbabalik sa kanilang sakripisyo.
Sa panahong sila ay may kailangan, dapat may maaasahan silang serbisyong pangkalusugan mula sa sariling bayan. At higit sa lahat, dapat ay may tiyak silang kasiguruhan na ang kontribusyon nila ay hindi nawawala, hindi napupunta kung saan-saan, kundi para sa kanilang kapakanan.
Sa Katropa sa Kamara, tayo’y naninindigan:
Ang kalusugan ay hindi dapat binabayaran ng dugo, pawis, at luhang galing ibang bansa. Ito’y karapatang dapat alagaan at igalang—dito mismo sa sariling bayan.
ooooooooooooooooooooooo
Cong. Bong Suntay, Nagsumite ng mga Panukalang Batas Para sa Special Education, Pag-iwas sa Pagkain na Nasasayang, Makabagong Paaralan, Maayos na Ayuda, at Tunay na CSR
Nagsumite si Congressman Bong Suntay ng limang mahahalagang panukalang batas para matulungan ang mga pamilyang Pilipino at gawing mas epektibo ang mga programa ng gobyerno.
Ang mga panukala ay layong:
•Tumulong sa mga batang may special needs – hindi lang autism kundi pati ADHD, dyslexia, at iba pang kondisyon; kasama ang mas maraming training para sa guro at mas inklusibong silid-aralan.
•Bawasan ang nasasayang na pagkain – sa pamamagitan ng pambansang target na bawasan ang food waste ng kalahati bago mag-2030, may malinaw na plano para sa negosyo, ligtas na donasyon, at tamang paghawak ng pagkain.
• Gawing makabago ang pampublikong paaralan – may mga programa para paunlarin ang pagbabasa at pag-iisip ng mga bata, pati pag-upgrade ng library, science lab, at teknolohiya.
• Ayusin ang pagbibigay ng ayuda sa krisis (AICS) – mas mahigpit na patakaran para hindi maabuso, siguradong direkta sa nangangailangan mapupunta ang pondo, at may kasamang training o community work para sa kayang magtrabaho.
• Siguruhing makakatulong talaga ang CSR ng mga kumpanya – malinaw na patakaran sa paggamit ng pondo para sa CSR at parusa sa maling paggamit.
“Makakatulong ang mga batas na ito sa mga pamilyang Pilipino sa pamamagitan ng mas maayos na serbisyo at tulong mula gobyerno at pribadong sektor,” sabi ni Cong. Suntay. “Mas magiging makatao at patas ang lipunan natin.”
Nanawagan si Cong. Suntay sa kapwa mambabatas na suportahan ang mga panukalang ito para sa mas maunlad at maaasahang Pilipinas.
————
OPINYON PARA SA BROADCAST
Paksa: Limang Panukalang Batas ni Cong. Bong Suntay para sa Serbisyong Makatao at Responsableng Pamamahala
Segment Title: “Lima Para sa Bayan: Mga Panukalang May Direksyon at Diwa”
Ni: Terence Mordeno Grana
Para sa programang: Katropa sa Kamara
⸻
Kapag pinag-uusapan ang tunay na “legislation with compassion and clarity,” nararapat bigyang-pansin ang limang panukalang batas na inihain ni Congressman Bong Suntay. Hindi ito mga panukalang naglalaman lamang ng pangako, kundi malinaw na pagsisikap na tugunan ang aktuwal na pangangailangan ng mga pamilyang Pilipino.
⸻
Unang panukala:
Ang pagtuon sa Special Education ay matagal nang overdue. Sa dami ng batang may ADHD, dyslexia, o autism na hindi natutugunan sa loob ng regular na silid-aralan, mahalaga ang panukalang magbigay ng sapat na training sa guro at lumikha ng tunay na inklusibong kapaligiran.
Hindi dapat invisible ang batang may special needs—dapat bahagi sila ng bawat plano sa edukasyon.
Ikalawa:
Ang laban kontra food waste ay hindi simpleng usaping kusina. Ito ay usapin ng konsiyensya. Sa panahong marami pa rin ang nagugutom, napapanahon ang pambansang plano na ligtas na i-donate ang sobra, ayusin ang food handling, at hikayatin ang negosyo na maging responsable.
Walang karapatang masayang ang pagkaing pwedeng bumuhay.
Ikatlo:
Ang panukala para sa modernisasyon ng mga pampublikong paaralan ay hindi dapat optional. Sa dami ng estudyanteng kulang sa libro, luma ang library, o walang access sa updated na teknolohiya, ang panukalang ito ay hakbang patungo sa mas mapagkumpitensyang edukasyon para sa lahat.
Ikaapat:
Sa isyu ng AICS o ayuda sa krisis, malinaw ang layunin—ayusin, linisin, at tiyaking napupunta sa tunay na nangangailangan. Hindi ito pagkitid ng tulong, kundi paglilinis ng sistema upang ang tulong ay makatawid, hindi makasayang.
At ang ikalima:
Tungkol sa Corporate Social Responsibility (CSR)—isang aspeto ng pribadong sektor na madalas ay pakitang-tao lang. Ang panukalang ito ay nagsasaad na dapat may pananagutan sa paggamit ng CSR funds, may patakaran, at may parusa sa maling paggamit.
Kung gagamit ng pangalan ng “pagtulong,” dapat may resulta, hindi press release lamang.
⸻
Pangwakas na Pananaw:
Ang limang panukalang ito ni Cong. Bong Suntay ay may iisang ugat: makataong pamamahala at responsableng serbisyo.
Hindi ito populismo. Hindi ito grandstanding.
Ito’y mga konkretong tugon sa mga tahimik na problema na araw-araw kinakaharap ng mga ordinaryong Pilipino.
Kaya’t nararapat lamang na ito’y tutukan, suportahan, at isulong.
Dahil ang batas na may layunin, kapag naipatupad nang maayos, ay hindi lang letra sa papel—ito ay bagong pag-asa sa buhay ng tao.
ooooooooooooooooooooo
Pagtatayo ng Philippine Centers for Disease Prevention and Control muling itinulak ni Rep Romualdez
Inihain ni Leyte Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez nitong Lunes ang panukala na naglalayong itayo ang Philippine Centers for Disease Prevention and Control (CDC), na magsisilbing pangunahing ahensya na tututok sa mga inisyatiba para sa pag-iwas at makontrol ang pagkalat ng nakahahawang sakit.
Kasama ni Rep Romualdez bilang may-akda ng House Bill (HB) No. 3 sina Tingog Party-list Reps. Jude Acidre at Andrew Julian Romualdez.
Sa panukala ay binigyang diin ng tatlong mambabatas ang isang probisyon sa Konstitusyon na nag-aatas sa estado na “protect and promote the right to health of every Filipino and instill health consciousness among them.”
“The State recognizes its duty to give utmost priority to public health measures, particularly with the continuing emergence and reemergence of infectious diseases that pose significant threats to nations worldwide,” anila.
Sinabi nilang ipinakita ng Covid-19 pandemic ang mahalagang papel ng epektibong mekanismo sa pag-iwas at pagkontrol sa sakit at ng matatag na imprastrukturang pangkalusugan.
“The pandemic revealed the deficiencies in the Philippines’ health system, particularly in the areas of disease surveillance, outbreak response, coordination, and data-driven policy-making,” anila.
Dagdag nila, upang maging handa ang bansa sa mga banta sa kalusugan sa hinaharap, “it is imperative to institutionalize reforms that will strengthen our capacity to protect public health.”
Tinukoy din nila na sa kasalukuyan ay walang itinalagang ahensiya na nakatuon lamang sa pag-iwas at pagkontrol sa sakit.
Ipinaliwanag nilang bagamat ginagampanan ng Department of Health (DOH) ang tungkuling ito sa pamamagitan ng iba’t ibang bureaus at opisina, madalas ay magkakahiwalay, kulang sa pondo, at hinahadlangan ng mga institusyonal na limitasyon ang mga pagsisikap nito.
“The establishment of a specialized institution will allow for more coherent, responsive, and science-based approaches to disease management,” diin ni Rep. Martin Romualdez.
Sa ilalim ng panukala, ang Philippine CDC ang mangunguna sa pagpigil ng pagkalat ng mga nakahahawang sakit sa pamamagitan ng paggamit ng balangkas na magsusulong ng whole-of-government at whole-of-system approach at pagpapabilis ng science-based decision-making, lalo na sa panahon ng public health emergencies.
“Investing in disease prevention and control is both a public health and an economic necessity. Institutionalizing this agency will not only enhance the country’s preparedness for future pandemics, but will also strengthen its capacity to address ongoing health challenges such as tuberculosis, human immunodeficiency virus, dengue and non-communicable diseases,” ani ng mga may-akda.
“Moreover, a centralized body will enable faster response times, more efficient resource utilization, and improved health outcomes for the Filipino people,” dagdag pa nila.
Kabilang sa mga tungkulin ng CDC ang:
- Pagbuo ng mga stratehiya, pamantayan, at polisiya para sa pag-iwas at pagkontrol ng sakit;
- Magsagawa ng disease surveillance at field epidemiology activities;
- Magsagawa ng data collection at analytics;
- Magtatag at palakasin ang mga public health laboratories;
- Magtakda ng pamantayan at polisiya para sa mga pribadong laboratoryo;
- Magrekomenda ng mga hakbang kaugnay sa mga banta sa pampublikong kalusugan sa mga naaangkop na ahensya ng pamahalaan;
- Pamunuan ang public health at risk communications;
- Magsagawa at mangasiwa ng health research at evidence synthesis;
- Magtayo ng kakayahan sa mga lokalidad para sa surveillance at health research;
- Itaguyod ang scientific integrity sa pamamagitan ng pagtitiyak na lahat ng produkto nito ay teknikal na tama, maka-agham at etikal, at kapaki-pakinabang sa pamahalaan at sa target nitong populasyon sa pamamagitan ng mga institusyonalisadong mekanismo at katawan.
Ang CDC ay direktang nasa ilalim ng opisina ng kalihim ng Department of Health.
Nakapaloob dito ang Center for Health Statistics, Center for Epidemiology and Surveillance, Center for Health Evidence, at Center for Health Laboratories.
Magkakaroon din ito ng tatlong opisina: para sa health economics; policy and planning; at administration, finance, and legal affairs.
Pangungunahan ito ng isang director general na may ranggong undersecretary, na tutulungan ng mga deputy director general na may ranggong assistant secretary. Sila ay itatalaga ng Pangulo.
Ang mga kaugnay na ahensya ay ililipat sa CDC, at ang paunang pondo nito ay sa kanila manggagaling. Ang mga susunod na pondo ay isasama sa taunang pambansang badyet. (END)
—————-
OPINYON PARA SA BROADCAST
Paksa: House Bill No. 3 – Pagtatatag ng Philippine Centers for Disease Prevention and Control (CDC)
Segment Title: “Kalusugan, Kakayahan, at Kapanatagan: Bakit Kailangan ng Sariling CDC ang Pilipinas”
Ni: Terence Mordeno Grana
Para sa programang: Katropa sa Kamara
⸻
Sa panukalang House Bill No. 3 na muling inihain ni Rep. Ferdinand Martin G. Romualdez at mga kasamang mambabatas, muling binubuksan ang isang napakahalagang usapin—ang pagtatatag ng sariling Philippine Centers for Disease Prevention and Control o CDC.
Matapos ang naranasan nating krisis sa COVID-19, may isang malinaw na aral tayong dapat tandaan: ang kahandaan sa kalusugan ay hindi luho, kundi pangangailangan. At sa kasalukuyang estruktura ng ating sistemang pangkalusugan, kulang tayo sa iisang ahensyang tutok, may awtoridad, at may kakayahang mabilis at epektibong tumugon sa mga infectious disease threats—mapa-pandemya man o simpleng outbreak sa mga lalawigan.
Ang panukalang ito ay hindi simpleng reorganisasyon. Ito ay isang institusyonalisadong reporma. Mula sa surveillance, laboratory capability, public health research, policy formulation, hanggang sa crisis communication—lahat ay ilalagay sa ilalim ng iisang bubong, iisang direksyon, at iisang responsibilidad.
Mahalaga rin ang aspeto ng science-based governance. Sa isang panahon kung saan mabilis kumalat ang disimpormasyon, ang CDC ay magsisilbing bantayog ng katotohanang maka-agham at makatao. Hindi ‘tsismis,’ kundi datos. Hindi haka-haka, kundi ebidensya.
Bukod pa rito, ang mabilis at maayos na pagtugon sa sakit ay hindi lang usapin ng kalusugan kundi ng ekonomiya. Apektado ang trabaho, kita ng mga pamilya, at mismong galaw ng bayan sa bawat banta ng sakit. Kaya’t tama lamang ang sinabi sa panukala: “Investing in prevention is also economic protection.”
⸻
Pangwakas:
Sa panahong may patuloy na banta mula sa dengue, TB, HIV, at iba pang emerging diseases, ang tanong ay hindi kung kailan ang susunod na krisis—kundi handa ba tayo kapag dumating ito.
Kaya ang sagot: huwag nang maghintay pa ng isa pang pandemya para kumilos.
Ang pagtatatag ng Philippine CDC ay isang panukalang dapat nating suportahan, bantayan, at itulak—para sa isang mas ligtas, mas malusog, at mas handang sambayanang Pilipino.
Sa usaping pangkalusugan, ang pagkukulang ay may kapalit na buhay. Kaya ngayon pa lang, kumilos na tayo.
oooooooooooooooooooooooo
No comments:
Post a Comment