Isa Umali / Walang kinalaman si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa pagsisiyat ng mga kongresista ukol sa confidential funds ni Vice President Sara Duterte.
Ito ang sinabi ni Rep. France Castro, makaraang sitahin si Atty. Zuleika Lopez, chief of staff ni VP Duterte, sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability.
Una rito ay kinuwestyon ng kongresista ang sulat ni Lopez sa Commission on Audit o COA na humirit na huwag ibahagi ang audit observations sa Kamara patungkol sa confidential funds.
Nabanggit kasi sa liham na tila masigasig si Castro ang isyu ng confidential funds dahil sa “exposure.”
Dito na rin binanggit ng mambabatas na may pahayag noon si VP Duterte na baka may kuntsabahan ang Speaker at Makabayan Bloc laban sa isyu ng confidential funds.
Pero diin ng lady solon, “walang ganun” o walang kumpas si Romualdez hinggil sa congressional inquiry laban sa confidential funds.
—————————
Isa / Humingi na ng tulong ang House Committee on Good Government and Public Accountability sa Philippine Statistics Authority o PSA, National Bureau of Investigation o NBI at Philippine National Police o PNP.
Ito ay kaugnay sa mga kaduda-dudang acknowledgement receipts ng Office of the Vice President o OVP pati ng Department of Education o Deped noon para sa confidential funds, kung saan kwestyonable ang mga pangalan.
Sa pagdinig ng komite, nagmosyon si Rep. Jill Bongalon na mai-refer sa PSA ang nasa 158 na kahina-hinalang ARs para maberipika kung talaga bang nag-eexist ang mga pangalan, gaya ng “Mary Grace Piattos.”
Isa pang mosyon ng kongresista ay i-refer din sa NBI at PNP ang mga AR upang masuri ang mga handwriting o sulat-kamay at mga pirma.
Kinalauna’y inaprubahan ng komite ang parehong mosyon.
Maliban sa Mary Grace Piattos, lumutang din sa hearing ng Good Government committee ang pangalang “Kokoy Villamin” na nakita sa ARs ng OVP at Deped.
————————
Hajji / Napikon si House Deputy Speaker Jay-Jay Suarez sa mga opisyal ng Office of the Vice Presidente matapos na magturuan hinggil sa kinaroroonan ng Special Disbursing Officer na si Gina Acosta.
Sa pagpapatuloy ng pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, uminit ang ulo ni Suarez nang mag-mistulang "referral office" ang interpelasyon dahil sa hindi alam ng resource persons ang detalye ng isinasagawang thanksgiving activity ng OVP bilang bahagi ng 89th anniversary nito.
Base kasi sa travel order na inilabas ng OVP, inatasan si Acosta na manguna sa monitoring ng aktibidad na may kinalaman sa thanksgiving program ngunit nakasaad na sa iba't ibang lugar.
Sabi ni OVP Director for Operations Norman Baloro, ginaganap ang aktibidad sa CARAGA Region ngunit hindi tiyak kung saang partikular na munisipalidad o lungsod.
Maging sina Chief-of-staff Atty. Zuleika Lopez at Administrative and Financial Services Director Rosalynne Sanchez ay wala umanong ideya patungkol sa aktibidad.
Pero iginiit ni Suarez na imposibleng hindi nila ito alam at naglolokohan na lamang sila sa komite kaya hindi na nakapagtatakang binawasan ang panukalang budget ng OVP sa susunod na taon.
Sa huli, napag-alamang ang thanksgiving activity ay ginaganap sa bayan ng Magallanes, Butuan City at Gingoog City.
Pinatawagan na rin ni Committee Chairman Joel Chua si Acosta kay Atty. Lopez upang malaman kung nasaan ito ngayon.
—————————
Milks / Ito ang naintindihan ko base sa ating mga talakayanš
Milks/20nov24
P612.5M confidential funds ng OVP at DepEd winidraw ng cash sa dalawang branch ng Land Bank…
…
Cash na winidraw ang P612.5 million pesos na confidential funds ng Office of the Vice President noong 2022 at 2023.
Ito ang kinumpirma sa hearing ng House Committee on Good Government and Public Accountability nina Jean Abaya ng Land Bank Shaw Blvd branch at Nenita Camposano, assistant Vice President ng Land Bank DOTC branch.
Ayon kay Abaya, ang P125 million pesos ay apat na beses na winidraw ng cash.
Nakalagay ito sa dalawang sealed box ng Bangko Sentral ng Pilipinas at nilipat sa apat na gym bags o duffel bags.
Hindi na pinabilang sa counting machine ang mga pera danil request umano ito ng OVP.
Ang P37 million pesos na nasa Department of Education ay tatlong beses na winidraw sa branch ng Land Bank na nasa compound ng DepEd.
Walang makapagsabi sa mga kinatawan ng OVP kung saan dinala ang mga winidraw na milyones ng pera.
Ang Special disbursement officer na si Gina Acosta ang sinasabing personal na nag-withdraw sa dalawang branch ng Land Bank.
Matatandaan, sina Acosta at atty. Zuleika Lopez, chief of staff ang nasa “inner circle” ni VP Sara at umanoy may kontrol sa confidential funds ng OVP at Deped.
————————-
Hajji / Tumibay ang paniniwala ni Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong na kuwestyonable ang acknowledgement receipts na isinumite ng Office of the Vice President kaugnay sa paggamit ng confidential funds.
Sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability, ipinrisinta ni Adiong ang dalawang acknowledgement receipts kung saan ang isa na nagmula sa OVP at may petsang September 17, 2023 ay may pangalan ng recipient na "Kokoy Villamin".
Ang isang resibo naman na nanggaling sa Department of Education ay may parehong pangalan ngunit magkaiba ang signature o lagda.
Tanong tuloy ni Adiong kung nagkataon lang na ang dalawang opisina na pinamumunuan ng iisang leader ay nagsumite ng parehong ARs na dalawa ang recipients ngunit pareho ang pangalan.
Ipinaliwanag naman ni Commission on Audit Intelligence and Confidential Funds Auditor Gloria Camora na "highly unlikely" o malabong mangyari ang naturang scenario at napuna na inconsistent ang handwriting at signatures.
Dagdag pa ng kongresista, halos 4,500 acknowledgement receipts ang isinumite sa COA upang i-justify ang CIFs ngunit nababahala siya sa kakulangan ng supporting evidence para sa disbursement ng pondo.
Lumalabas na base sa mga dokumento at ARs ay wala umanong paraan upang pagtibayin na ang mga indibidwal na tumanggap ng confidential funds ay totoong tao.
—————————
Pam /
*LEAD IN*
House Blue Ribbon Committee, binusisi kung paano isinagawa ang daan-daang milyong pisong halaga ng confidential funds ng Office of the Vice President.
*SCRIPT*
Sa nagpapatuloy na pagdinig ay naging palaisipan kung paano na-withdraw ang kalahating bilyong pisong halaga ng confidential funds ng OVP.
Ayon sa kasalukuyang Department Manager ng Land Bank of the Philippines-Shaw Boulevard na si Jean Abaya…
Apat na beses na-encash ang tig-125 million na check ng OVP mula 2022 hanggang 2023.
Nasa hanggang 10 million pesos lamang din ang karaniwang limit ng vault ng bangko bilang bahagi ng kanilang security measures.
Dahil dito ay kanila aniyang nire-request sa kanilang clients na magpa-reserve upang maihanda nila ang cash requirement bago ang date ng encashment.
Ikinagulat din ng mga mambabatas ang pamamaraan ng OVP matapos sabihin ni Abaya na inilalagay lamang ang pera sa gym bags.
Paliwanag pa ni Abaya ay hindi na ito mano-manonv binibilang dahil bulto at selyado ang pera na galing Bangko Sentral ng Pilipinas.
*SOT: JEAN ABAYA | ACTING DEPARTMENT MANAGER, LANDBANK OF THE PHILIPPINES-SHAW BOULEVARD*
00;01 “_since malaki po ‘yong amount ni-release po namin siya at the back of the teller_” 00;05 *JUMP* 00;09 “_‘yong medyo descreet yong area para hindi naka-expose sa tao_”
Ikinagulat din ng mga kongresista nang malamang hindi gumamit ng armored vechile ang mga tauhan ng OVP bilang bahagi ng seguridad.
Depensa ni Abaya ay wala aniyang umiiral na Memorandum of Agreement ang bangko at OVP para sa naturang hakbang.
Nag-mosyon naman si Abang Lingkod Party-list Representative Stephen Paduano na imbitahan ang tatlong bank tellers ng mga panahong iyon maging ang kopya ng CCTV.
*END*
——————————
Isa Umali / Ang nakatakdang pagbabalik sa Pilipinas ni Mary Jane Veloso ay nagpapakita ng pag-asa, diplomasya at katarungan.
Ito ang inihayag ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, kasunod ng anunsyo ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na makaka-balik na sa ating bansa si Veloso, na nasa death row sa Indonesia dahil sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga.
Ayon kay Romualdez, ang kaso ni Veloso ay isa lamang sa mga halimbawa ng kinakaharap ng maraming Pilipino sa abroad.
Malaking-bagay aniya ang naging pagsusumikap ni Pang. Marcos, mga kaukulang ahensya at iba’t ibang grupo para makauwi na si Veloso.
Ipinapakita rin umano nito ang “commitment” ng administrasyon na protektahan at igiiit ang mga karapatan ng maraming OFWs, kahit sa pinaka-masalimuot na sitwasyon.
Kasabay nito, nagpasalamat ang House Speaker sa Indonesian government para sa kanilang “goodwill,” at inaasahan aniya na lalakas pa ang relasyon ng Indonesia at Pilipinas.
Sa panig naman aniya ng Kamara, patuloy silang gagawa ng mga lehislasyon at makikipag-ugnayan sa mga ahensya para higit na maprotektahan ang mga OFW mula sa mga sindikato at illegal recruiters.
————————-
Grace / nagpahayag ng pasasalamat sa Indonesian government at kay President Prabowo Subianto si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez kaugnay sa napipintong pag-uwi sa Pilipinas ni Mary Jane Veloso.
Ayon kay Romualdez, ang kabutihang ipinakita ng Indonesia ay tiyak magpapatibay sa ugnayan at pagkakabigan nito at ng Pilipinas.
Bunsod nito ay pinuri naman ni Romualdez ang mga hakbang ni Pangulong Ferdinand bongbong Marcos Jr at kanyang administrasyon para maproteksyunan ang karapatan at kapakanan ng mga overseas filipino workers na nagresulta sa nalalapait na pagbalik sa bansa ni Veloso.
tiniyak din ni Romualdez ang patuloy na pakikipagtulungan ng Kamara sa mga kaukulang ahensya ng gobyerno para maisulong ang mga polisiya na magbibigay proteksyon sa mga OFWs at kanilang pamilya.
ayon kay romualdez, ang sinapit ni Veloso ay isang patunay sa tindi ng mga pagsubok na hinaharap ng ating mga kababayang nagtatrabaho sa abroad at ang kahalagahan na maitaguyod ang kanilang karapatan at dignidad.
#######
———————-
Pam /
03;25 usec mercado testified that she was asked to allow these negotiated procurement of the department computerization program budget and she refused and after some time you asked her to resign the reason why you asked her to resign is because she refuse to conform to the negotiated procurement of the department’s computerization program
lopez: i was instructed by the vice president to call usec mercado and tell her that her that the principal has lost her trust in confidence
luistro: sabi niyo po kanina hindi po kayo nakikialam sa deped hindi po ba
lopez: your honor that was an isolated case in this case ginagawa ko po lang yong trabaho ko because the vice president was also the secretary of education and in that instance she said that i was to be the one to advise maam gloria that the principal has already lost her trust in confidence in ms mercado for certain reasons and that i cannot be mr poa whol will handle it because to prevent friction among senior officials in the department of educations
that thought being if it were mr poa who will be the one to say that to maam gloria it might create unnecessary friction in the working relationship of the senior officials of the department of education
^ she confirmed na siya nga ang nagsabi
3;28
luistro: in your capacity as a lawyer do you think you have a legal basis to do that?
lopez: yes i had legal basis to do that
luistro: why? your office is with the ovp and the person you’re asking to resign is with the deped
kasi if you are claiming na may legal basis the deped people has the legal basis to also meddle in the ops and separation of employees of ovp
lopez: mr chair for the record this is an isolated incident it was an instruction given to me by my principal and at the same time my principal was also the secretary of education so it was a task that i simply did which was to advice ms mercado that given that the principal — to advise her that the principal has lost her trust and confidence in her and then to please submit letter of resignation that was the task i had to do — i did your honor
3;30
instructed to meet with mercado
lopez: i think last year (cannot recall the month)
pinatawag namin siya sa ovp central office
mr ortonio called usec mercado
then she came to the office
we sat with her
sinabi namin sa kaniya the reason we called her
told her we were instructed
————————-
Pam / Naghain ang House Quadruple Committee ng panukala para agarang makansela ang pekeng birth certificate na gamit ng mga dayuhan.
Sa ilalim ng House Bill 11-11-7 o ang Fraudulent Birth Certificate Cancellation Bill, layon nitong magkaroon ng administrative process, upang mapabilis ang pagsasawalang-bisa ng fake birth certificate na nakuha ng foreign nationals.
Kabilang dito ang mga sangkot sa illegal drugs at iba pang criminal activities na mayroong kinalaman sa POGOs.
Kasunod din ito ng pagkakatuklas sa libo-libong mga dayuhang nakakuha ng birth certificate dahil sa falsification of documents.
Sa pamamagitan ng panukalang batas ay bubuoin ang isang Special Committee on Cancellation of Fraudulent Birth Certificates na pamumunoan ng Registrar General ng Philippine Statistics Authority.
Kabilang sa mga magiging miyembro nito ay magmumula sa Department of Foreign Affairs, Department of the Interior and Local Government, Department of Justice, at Office of the Solicitor General.
Sakop din dito ang mandato ng komite na mag-imbestiga ang mga hinaing, maglabas ng subpoena para sa mga ebidensya, at magbigay ng pasya hinggil sa mga pekeng birth certificate sa loob ng tatlompung araw mula sa pagtanggap ng mga dokumento.
Layon din nitong patawan ng parusa ang mga kawani ng gobyerno na mapapatunayang nakipagsabwatan sa mga dayuhan.
————————
Pam / Hindi masagot ng mga opisyal ng Office of the Vice President kung nasaan ang apat na empleyadong ipina-cite-in-contempt ng House Committee on Good Government and Public Accountability dahil sa hindi pagsipot sa imbestigasyon ukol sa isyu ng confidential funds.
Sa ikaanim na pagdinig ng komite ngayong araw, nabatid sa pamamagitan ng liham na nasa official travel sina Special Disbursing Officer Gina Acosta, Assistant Chief-of-staff Lemuel Ortonio, dating DepEd Assistant Secretary Sunshine Fajarda at dating DepEd SDO Edward Fajarda.
Pero sabi ng mga kongresista, tila naaabuso na ang travel order dahil ilang beses nang ipinatatawag sa pagdinig ang mga naturang opisyal.
Inusisa rin kung sino ang nag-apruba s official travel ng apat na indibidwal.
Paliwanag ni OVP Chief-of-staff Atty. Zuleika Lopez, kakapasok niya lang kahapon matapos ang dalawang linggong medical emergency ng kaanak sa Amerika at hindi niya nakita ang travel order.
Gayunman, kinumpirma ni OVP Administrative and Financial Services Director Rosalynne Sanchez na idinaraos ngayon ang iba't ibang aktibidad sa sampung satellite offices bilang bahagi ng 89th anniversary ng institusyon.
Dahil dito, inirekomenda ni Bukidnon Representative Keith Flores sa House Sergeant-at-arms na makipaag-ugnayan sa mga chief of police sa bawat lugar kung saan may pagtitipon ang satellite office upang maisilbi ang contempt order.
—————————-
Isa / “No show” si Vice President Sara Duterte sa ika- anim na pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability ngayong Miyerkules.
Sa liham na ipinadala sa chairman ng komite na si Rep. Joel Chua, nag-abiso ang bise presidente na hindi siya dadalo sa hearing.
Maaalala kasi aniya na hindi man lamang siya natanong sa September 18 hearing ng komite, ukol sa isyu ng maling paggamit umano ng confidential funds.
Matatandaan na noong Nov. 13, personal na tinanggap ni VP Duterte ang imbitasyon ng Good Government Committee.
Ito ang araw kung kailan sumalang ang tatay siyang si dating Pang. Rodrigo Duterte sa House Quad Committee, kaugnay sa isyu ng giyera kontra droga.
—————————
Hajji / Humarap na ang Chief-of-staff ng Office of the Vice President na si Atty. Zuleika Lopez sa ikaanim na pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability ngayong araw.
Kasunod ito ng pagbiyahe ni Lopez sa Amerika sa loob ng dalawang linggo at matapos ma-isyuhan ng subpoena ng komite.
Ito ang unang pagkakataon na dumalo sa imbestigasyon si Lopez upang sagutin ang mga alegasyon hinggil sa umano'y maling paggamit ng confidential funds ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte.
Mababatid na sa nakalipas na pagdinig ay sinasabing kasama si Lopez sa "inner circle" ni VP Sara na may kontrol sa confidential funds ng OVP.
Samantala, nakumpirma sa pagdinig na nabigo ang mga awtoridad na maisilbi ang contempt order laban sa apat na opisyal ng OVP dahil sila ay nasa official travel.
Ito ay sina Special Disbursement Officer Gina Acosta, dating DepEd SDO Edward Fajarda, Dating Assistant Secretary Sunshine Fajarda at Assistant Chief-of-staff Lemuel Ortonio na chairman ng bids and awards committee.
————————-
Hajji / Humarap na ang Chief-of-staff ng Office of the Vice President na si Atty. Zuleika Lopez sa ikaanim na pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability ngayong araw.
Kasunod ito ng pagbiyahe ni Lopez sa Amerika sa loob ng dalawang linggo at matapos ma-isyuhan ng subpoena ng komite.
Ito ang unang pagkakataon na dumalo sa imbestigasyon si Lopez upang sagutin ang mga alegasyon hinggil sa umano'y maling paggamit ng confidential funds ng tanggapan ni Vice President Sara Duterte.
Mababatid na sa nakalipas na pagdinig ay sinasabing kasama si Lopez sa "inner circle" ni VP Sara na may kontrol sa confidential funds ng OVP.
Samantala, nakumpirma sa pagdinig na nabigo ang mga awtoridad na maisilbi ang contempt order laban sa apat na opisyal ng OVP dahil sila ay nasa official travel.
Ito ay sina Special Disbursement Officer Gina Acosta, dating DepEd SDO Edward Fajarda, Dating Assistant Secretary Sunshine Fajarda at Assistant Chief-of-staff Lemuel Ortonio na chairman ng bids and awards committee.
—————————-
Isa / PAGTATATAG NG DEPARTMENT OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES, PASADO NA SA KAMARA
Aprubado na sa Kamara de Representantes ang panukalang magtatatag ng Department of Fisheries and Aquatic Resources o DFAR.
Sa joint hearing ng House Committee on Aquaculture and Fisheries Resources, at Committee on Government Reorganization ngayong araw ng Miyerkules, inaprubahan ang labing tatlong panukala na bubuoin bilang sa isang substitute bill na nagsusulong ng patatatag ng DFAR.
Sinabi ni Aquaculture Committee Chairman Brian Yamsuan na kapag nabuo ang DFAR ay inaasahang matutulungan ang milyong-milyong Pilipino na ang kabuhayan ay naka-depende sa karagatan at katubigan.
Ayon kay Congressman Yamsuan, tutugunan din ang mga isyu ukol sa pagbabawal o pagkakait sa mga mangingisda na maka-pangisda sa West Philippine Sea WPS.
Dagdag pa ng mambabatas, bagama’t may Department of Agriculture o DA sa kasalukuyan, hindi aniya masyadong nabibigyang-pansin ang aquatic resources ng bansa, na isa pa naman sa pinaka-malawak sa mundo. / Isa
MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCES RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO
—————————-
Isa / Mahigit 21,000 na mga dayuhang POGO workers ang nakapag-downgrade ng kanilang mga visa.
Ito ang kinumpirma ng Bureau of Immigration o BI, sa pagdinig ng House Committee on Games and Amusement patungkol sa panukalang POGO ban.
Ayon kay Atty. Pio Rodulfo III ng BI Legal Division --- mula sa 21,757 na dayuhang POGO workers na nag-downgrade ng visas, nasa 10,821 na ang nakaalis ng Pilipinas.
Matatandaan na ang visa downgrading ng POGO workers mula work visa para gawing temporary visitor visa ay bunsod ng kautusan ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na tuluyang pagbabawal sa operasyon ng mga POGO sa bansa.
Pero ayon kay Rep. France Castro, may natanggap silang report hinggil sa “modus” sa BI na “back to back racket” kung saan ang mga umalis na POGO workers ay pinababalik umano sa Pilipinas kapag naayos na ang mga papeles.
Tugon ni Rodulfo, ngayon lamang niya narinig ang naturang report, pero kanyang tiniyak na aalamin o sisiyasatin ito ng BI.
Dagdag ng opisyal, suportado ng BI ang panukalang POGO ban.
——————————
Isa / Pasado na sa House Committee on Games and Amusement ang panukalang batas na tuluyang nagbabawal ng Philippine Offshore Gaming Operator o POGO .
Nagkaisa ang mga miyembro ng komite na aprubahan ang “substitute bill” na mula sa iba’t ibang House Bills at Resolution na nagsusulong ng POGO ban.
Iniulat naman sa Department of Labor and Employment o DOLE na nasa 30,000 na manggagawang Pilipino ang maaapektuhan ng direktiba ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. na ipagbawal ang mga POGO sa ating bansa.
Sa pagdinig ng komite, sinabi ng DOLE na ang bilang ng na-profile nila ay aabot sa 30,567 na mga empleyado ng POGOs.
Tiniyak naman ng DOLE na tutulungan ang Pinoy POGO workers na apektado.
Samantala, as of Nov. 12, 2024 --- kinansela ng DOLE regional office ang nasa 36,000 na alien employment permits o AEP ng foreign nationals sa mga Internet Gaming Licensees o IGL, bilang parte pa rin ng utos ni Pang. Marcos na POGO ban.
—————————
Hajji / Nakukulangan si Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers sa legal assistance fund ng Philippine National Police kung saan maaaring hugutin ang tulong para sa mga personnel na nahaharap sa kaso habang ginagampanan ang tungkulin.
Sa motu proprio inquiry ng House Committee on Public Order and Safety, inihayag ni PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo na 200 million pesos ang alokasyon para sa legal assistance pero sa buong hanay ng Department of the Interior and Local Government.
Pero sabi ni Barbers, kahit sa PNP ay hindi na sasapat ang naturang pondo kaya ang dapat na gawing prayoridad ay ang mga pulis na nasugatan o namatay habang "in action" sa lehitimong operasyon.
Pinatitiyak din nito na matutukoy ang mga kaso na may kinalaman sa ilegal na droga gaya ng dapat ay may presensya ng Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA sa bawat buy-bust operation.
Pero nilinaw ng kongresista na pinahahalagahan nila ang mga pulis na nalalagay sa alanganin ang buhay.
Target nilang isama sa committee report na mabibigyan ng sapat na pondo ang legal assistance fund bilang suporta sa mga pulis.
Bukod sa mga opisyal ng PNP, kabilang sa humarap sa pagdinig si Police Corporal Rachael Cancino na naka-engkuwentro ng gun-for-hire group na sangkot sa ilegal na droga na sakay ng van noong 2017.
Kuwento ni Cancino, napatay ng grupo ang kanyang kasamahang pulis na si Police Corporal Jimbo Agtarap sa San Carlos City, Pangasinan.
——————————
Pam / Isinagawa ngayong araw sa Kamara ang unang pagdinig hinggil sa issue ng PNP personnel na sangkot sa pagpapatupad ng kanilang tungkulin sa anti-illegal drugs ng Duterte administration.
Pinangunahan ito ni Santa Rosa Representative Dan Fernandez na Chairperson ng House Committee on Public Order and Safety.
Sa kaniyang opening speech ay binigyang-diin ni Fernandez ang inihayag ni PNP Chief Police General Rommel Marbil na maraming mga pulis ang hindi lamang nagdusa sa pisikal na pinsala kung ‘di naharap din sa mga legal at administrabitong suliranin.
Sa datos ng PNP ay nasa 1,286 PNP officials ang apektado sa kampanya kontra ilegal na droga mula July 2016 hanggang June 2022.
Sa bilang na ‘yan ay higit dalawandaang tauhan ang nahaharap sa mga kasong kriminal na may kaugnayan sa pagpapatupad ng drug war campaign.
195 ang natanggal sa serbisyo habang halos apat na raan ang nasa proseso pa lamang at higit dalawampu ang nananatili sa kulungan.
*SOT: PBGEN. JEAN FAJARDO | CHIEF, PNP-PIO*
unfortunately some officers opted to leave the service or go on absence without leave rather than confront these legal challenges the situtation underscores the urgent need for reform and systemic support for our police officers they are not immune to the consequences of their action like all citizens they deserve to be treated with fairness and dignity
Kaugnay niyan ay nais isulong ng komite ang isang panukala na layong magkaroon ng isang special account sa proposed national budget ng pamahalaan na maaaring gamitin bilang ayuda sa law enforcers na nangangailangan ng tulong.
*SOT: REP. DAN FERNANDEZ | CHAIRPERSON, HOUSE COMMITTEE ON PUBLIC ORDER & SAFETY*
10;01 alalahanin nating nahaharap ang marami sa kanila sa samut saring suliranin dahil sa elemento ng instigation mula sa nakakataas sa kanila pinaniwala silang tama ang ginagawa nila makabubuti di umano sa bayan we need to recalibrate the mindset of our policemen biktima din ang iba sa kanila
*END*
—————————
Isa / Nakikiisa ang Kamara sa pagdiriwang ng National Children’s Month ngayong Nobyembre.
Sa katunayan, sa sesyon ngayong Lunes --- ang mga bata ang naging bida.
Isang grupo ng mga bata ang panauhin sa plenaryo, at inawit ang Lupang Hinirang na pambatang bersyon.
Naglahad din ng privilege speeches ang iba’t ibang kongresista, kaugnay sa sitwasyon ng mga bata sa ating bansa sa kasalukuyan, at kung papaano pa mapapalakas ang proteksyon sa kanila sa pamamagitan ng lehislasyon.
Nagkaroon pa ng aktibidad sa South Wing Annex ng Kamara, na dinaluhan ng Philippine Legislators' Committee on Population and Development, Child Rights Network, Council for the Welfare of Children at iba pa.
Ang National Children’s Month sa Kamara ngayong taon ay mayroong tema na “Champions for Children: The 19th Congress’ Legacy of Protecting and Empowering Children.”
Kabilang sa mga isinusulong na panukalang batas ay ang Magna Carta for Children, Teen Pregnancy Prevention Bill, Positive Parenting Bill, at marami pang iba.
——————————
Milks / Nakatakdang talakayin ng Commission on Appointments sa Miyerkules ang appointment ni DILG Secretary Juanito Victor Remulla.
Ayon kay CA Assistant Minority Leader Johnny Pimentel , inaasahan na mapagtitibay agad ang confirmation ni Remulla dahil anim na buwan na lamang bago ang 2025 midterm elections,
Sabi ni Pimentel, kailangan matutukan na ni Remulla ang kanyang tungkulin ag mga preparasyon habang papalapit ang campaign period.
Paliwanag ni Pimentel, ang DILG ang pangunahing may koordinasyon sa PNP at iba pang ahensiya ng gobyerno para matiyak ang pagdaraos ng maayos na halalan.
Bukod pa ang pagtiyak na dapat maihahatid ng mga lokal na pamahalaan ang basic services sa mga mamamayan.
Ang CA Committee on Interior and Local Government na pinamumunuan ni Senator Juan Miguel Zubiri ang tatalakay sa confirmation hearing ni Remulla.
————————
Milks / Dahil sa pagmamatigas ni Vice President Sara Duterte na i-depensa at ipaliwanag ang 2025 budget ng kanyang tanggapan… malamang mawalan nga ng trabaho ang tinatayang dalawangdaan na kawani ng Office of the Vice President.
Ayon kay House Assistant Majority Leader Jefferson Khonghun, huwag isisi ni VP Sara sa Kamara ang magiging epekto ng budget cut sa operasyon ng OVP lalo na sa benepisyo ng mga empleyado nito dahil tumanggi siyang ipaliwanag kung papaano gagastusin ang pondo.
Sabi ni Khonghun, ilang beses binigyan ng pagkakataon ng House Committee on Appropriations si VP Sara na pumunta sa budget hearing ng sarili nitong tanggapan.
Narito si House Assistant Majority Leader Jefferson Khonghun…
Timestamp 0:10-0:35
Sa reklamo ni VP Sara, 200 personnel ng OVP ang posible umanong mawalan ng trabaho dahil sa kinaltas na budget nagkakahalaga ng P733 million pesos.
In-“adopt” ng Senate Finance Committee ni Senator Grace Poe ang bersiyon ng Kamara na P1.3-billion budget cut sa 2025 budget ng OVP .
Ito ay sa pagkabigo din ni VP Sara na magsumite sa Senado ng mga kailangan na dokumento.
————————
Hajji / Nagpasya ang mga miyembro ng House Committee on Good Government and Public Accountability na mag-ambagan upang magbigay ng pabuya sa sinumang makapagtuturo sa kinaroroonan ng isang nagngangalang "Mary Grace Piattos" na may kaugnayan sa confidential funds ng Office of the Vice President.
Sa pulong balitaan ngayong araw, kinumpirma ni Zambales Representative Jay Khonghun na magkakaloob sila ng isang milyong piso sa makapagbibigay ng impormasyon kung sino at nasaan si Piattos.
Sinabi ni Khonghun na bagama't may iba pang mga pangalan na kaduda-duda sa acknowledgement receipts, si "Mary Grace Piattos" ang tila may pinakamalaking nakuha.
Lumutang ang pangalan ni Piattos sa pagdinig ng Good Government and Public Accountability kung saan isa umano ito sa signatories ng acknowledgement receipts na isinumite ng OVP sa COA kaugnay ng confidential funds.
Punto ni La Union Representative Paolo Ortega, maikukumpara sa listahan sa sari-sari store ang mga ginamit na pangalan ng OVP.
Nalulungkot din sina Khonghun at Ortega na hindi dadalo si Vice President Sara Duterte sa susunod na pagdinig ng House panel kahit na personal nang iniabot sa kanya ang imbitasyon.
Kung tutuusin ay nais na umano nilang matapos ang imbestigasyon ng komite at mapaaprubahan na ang committee report kaya importante sa kanila ang pagdalo ng resource persons na makapagpapaliwanag ukol sa sinasabing maling paggamit ng pondo.
—————————
Isa / Sisimulan na sa komite ng Kamara ang pagtalakay sa panukalang ipagpaliban ang unang regular elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM.
Batay sa kalendaryo ng Kamara, ang pagtalakay sa House Bill 11034 na akda ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez at iba pang lider ng Kapulungan ay itinakda sa Nov. 20 (araw ng Miyerkules).
Ang House Committee on Suffrage and Electoral Reforms ang mangunguna sa pagdinig, kung saan kabilang sa imbitado ay ang Commission on Elections o Comelec at iba’t ibang stakeholders.
Sa ilalim ng House Bill, sa halip na May 12, 2025, isinusulong na isagawa na lamang ang halalan sa BARMM sa May 11, 2026.
Giit ng Liderato ng Kamara, hindi nila layong i-delay ang progreso sa BARMM, kundi para maresolba muna ang mga isyung legal at administratibo.
Nais din umano nila na matiyak na magiging handa ang transition para sa mga taga-Bangsamoro at alinsunod sa hiling ng Bangsamoro Transition Authority.
Sa Senado, si Senate President Francis Escudero ang naghain ng counterpart measure, na una na ring nagsabi ng pangangailangan ng naturang panukalang batas.
———————————
Grace / malaki ang maitutulong sa imbestigasyon at sa direksyong tinutumbok ng house quad committee ang mga impormasyong ibinihagi ni dating pangulong rodrigo duterte.
ayon kay quad committee overall chairman rep. robert ace barbers, ang mga inihayag at naging sagot ni duterte sa tanong ng mga mambabatas ay malaking bagay sa committee report na kanilang ilalabas.
sabi ni barbers, ikokonsidera din nila ang mga sinabi ng dating pangulo sa mga isinusulong at babalangkasin pang panukalang batas kaugnay sa isyu ng extra judicial killings at paglaban sa ilegal na droga.
00:42 - 1:12
IN…. everything that came out was all significant
OUT…. when we recommend remidial legislation
binanggit ni barbers na kailangan pa nilang magsagawa ng dagdag pang mga pagdinig pero hindi nila masabi sa ngayon kung kakailanganin pa na muling imbitahan si dating pangulong duterte.
######
—————————
Grace / binigyang-diin ni House Committee on Good Government and Public Accountability chairman at Manila 3rd District Rep. Joel Chua na hindi totoo na isang beses lang nila iniimbitahan si vice president sara duterte para dumalo sa pagdinig.
ayon kay Chua dumalo si VP sara sa una at ikalawang pagdinig pero hindi na ito sumipot sa ikatlo, ikaapat at ikalimang pagdinig at tanging liham lang ang pinadala.
nagsilbi uli ng imbitasyon ang komite na tinanggap ni vp sara para sa pagpapaptuloy ng pagdinig nito sa nov 20 pero hindi naman daw ito dadalo.
sa kabila nito ay tiniyak ni chua na patuloy nilang ibibigay ang respetong nararapat para sa ikalawang pangulo at bahala din si vp sara kung aattend ito o hindi sa susunod na hearing.
sabi ni Chua, umaasa din sila na susuklian ng ikalawang pangulo ang respetong ito dahil ang tanggapan ng ikalawang pangulo ay co-equal constitutional branch of government ng kamara.
ang pagdinig na isinasagawa ng house blue ribbon committee ay patungkol sa umano’y kwestyunableng paggamit ng pondo partikular ng confidential funds ng OVP at department of education sa panahon ng pamumuno ni vp sara.
#######
—————————
Hajji / Isinusulong ni Representative Perci CendaƱa ang isang panukalang batas na layong gawing accessible sa marginalized communities ang mga simpleng transaksyon sa tanggapan ng gobyerno na nagbibigay ng frontline services.
Batay sa House Bill 11078 na tatawaging "Bawal Judgmental" Bill, tatanggalin ang mahigpit na dress code sa mga opisina ng pamahalaan na walang kinalaman sa serbisyo na kadalasang nagiging sanhi ng diskriminasyon sa mahihirap at sa indigenous communities.
Ipinaliwanag ni CendaƱa na nagreresulta ang polisiya sa dress code sa pagtataboy ng marginalized communities kaya dapat nang tanggalin ang pananamit na wala namang koneksyon sa frontline services.
Hindi aniya lahat ay abot-kaya ang maayos na "outfit" kaya ang layunin ng panukala ay gawing bukas ang mga tanggapan ng gobyerno anuman ang socioeconomic status.
Nakasaad pa sa panukala na tatawagin ding "Open Door Policy Act" na pagbabawalan ang government offices na may frontline services na magpatupad ng dress code para sa mamamayan na may simpleng transaksyon lang at bukod sa damit ay kasama ang sapin sa paa.
————————
Grace / hindi kapani-paniwala at malinaw na isang pagkukunwari lang ang hamon ni dating pangulong rodrigo duterte sa International Criminal Court (ICC) na bilisan ang imbestigasyon laban sa kanya at ipakulong sya agad kung mapapatunayan na guilty sa crime against humanity.
reaksyon ito ni Akbayan Partylist Rep. Perci CendaƱa sa pahayag ni duterte sa House Quad Committee hearing na pumunta na ngayon dapat ang ICC sa Pilipinas at madaliin ang imbestigasyon bago pa sya mamatay.
para kay CendaƱa, ang mensahe ni Duterte sa ICC ay isang pagtatangka na baguhin ang tunay na kwento ukol sa madugong kampanya nito laban sa ilegal na droga upang mailihis ang mga alegasyon laban sa kanya.
gayunpaman, sinabi ni CendaƱa na handa silang sakyan ang pahhayag ni Duterte para makamit ang layunin ng ICC na mapanagot ito sa libu-libong pinatay sa ilalim ng ipinatupad nitong war on drugs.
######
No comments:
Post a Comment