Monday, October 7, 2024

RPPt Misis ni Harry Roque hindi sumipot sa pagdinig, ipinaaaresto ng House quad comm



Matapos na muling hindi sumipot sa pagdinig ng komite, ipinag-utos ng House Quad Committee ang pag-aresto sa misis ni dating Presidential Spokesperson Harry Roque na si Mylah Roque.


Inaprubahan ni Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, ang overall chairman ng Quad Committee ang arrest order laban kay Mylah Roque matapos na hindi ito dumating sa pagdinig ngayong Biyernes kaugnay ng iligal na Philippine offshore gaming operators (POGOs).


Nauna ng naglabas ng arrest order ang komite laban kay Harry Roque na tumanggi na isumite ang mga dokumento kaugnay ng kanyang yaman na pinaniniwalaang lumaki dahil sa operasyon ng iligal na POGO.


Si Mylah Roque, isang dating trustee ng Pag-IBIG Fund na kumakatawan sa mga pribadong employer, ay ipinatawag sa pagdinig matapos lumabas na siya ang pumirma sa isang lease agreement kasama ang mga Chinese nationals na sangkot umano sa iligal na operasyon ng POGO.


Ang mga Chinese national ay naaresto noong Hulyo sa ari-arian sa Benguet na pagmamay-ari ng PH2, isang subsidiary ng pamilya ni Roque na Biancham Holdings.


Sa kabila ng ilang ulit na pag-imbita, hindi dumalo si Mylah Roque kahit na isang beses na nagpalaki sa paniwala na mayroon itong kinalaman.


Bukod sa mag-asawang Roque, ipinatawag din ng Quad Committee ang dating executive assistant ni Harry Roque na si Alberto Rodulfo “AR” Dela Serna upang matukoy ang posibleng kaugnayan nito sa operasyon ng POGO.


Si Dela Serna at Harry Roquer ay mayroong joint bank account.


Nauna rito ay hiniling ng komite kay Harry Roque na isumite ang kopya ng kanyang Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth o SALN, mga tax record, at mga business transaction.


Kahit na sinabi noong una na susunod ito, walang isinumite ni Roque at nagtago.


Iniugnay ang paglobo ng yaman ni Roque sa operasyon ng POGO.


Ang Quad Committee ay binubuo ng Committees on Dangerous Drugs, Public Order and Safety, Human Rights, and Public Accounts—na nag-iimbestiga sa kaugnayan ng POGO sa bentahan ng iligal na droga at extrajudicial killings ng ipatupad ng Duterte administration ang war on drugs campaign nito. (END)

————————-


Quad Comm hangad na makamit hustisya para sa mga biktima ng EJK-- Chairman Barbers 


Nangako ang Quad Comm ng Kamara de Representantes na nag-iimbestiga sa isyu ng extrajudicial  killings (EJK), na makamit ang hustisya para sa mga biktima ng extrajudicial killings (EJK) at mga paglabag sa karapatang pantao noong panahon ng administrasyong Duterte. 


Ito ang tiniyak ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, overall chairperson ng komite, sa ika-walong pag-dinig ng Quad Comm kung saan dumalo ang ilan sa mga biktima ng EJK, kanilang pamilya at iba pang testigo na nais ilahad ang kanilang mga mapait na sinapit. 


“Sa ating mga kababayan sa lahat ng dako ng daigdig, hindi po natutulog ang hustisya.  Gagawin po namin ang lahat ng aming makakaya upang magampanan ang aming tungkulin bilang mga mambabatas. Ipaglalaban namin ang lahat ng ating mga karapatan. Karapatang mabuhay ng tahimik, walang takot, malaya, at may dignidad,”  sabi niya. 


“We will continue to hear your stories, seek out justice and truth, and fight for your rights, in the face of threats to suppress them.  Together we fight for dignity and honor. We can only craft protection if we know the truth. Those who violated our laws should be brought to justice,” saad ni Barbers na siya ring chairman ng Committee on dangerous drugs. 


Ayon kay Barbers ang House of the People ay bukas sa mga biktima, pamilya o sinomang saksi na nais ilahad ang kanilang mga karanasan mula sa kamay ng mga mapagsamantalang alagad ng batas na nagpatupad sa malagim na war on drugs ng nakaraang administrasyon. 


"Mga minamahal naming mga kababayan, ano man po ang hadlang na itatapon sa amin, mananatili kaming tapat sa inyo.  Makaka-asa kayo na patuloy naming gagampanan ang aming tungkulin. Mananatiling bukas ang aming mga pintuan para sa inyo dito sa…House of the People,” dagdag niya. 


Ayon kay Barbers nagsilbing inspirasyon sa pagharap ng mga saksi ang pagkakatuklas ng tunay na motibo sa pagpatay kay PCSO Board Secretary Wesley Barayuga upang hindi na ito muling mangyari.


Dagdag pa niya, ilalatag ng mga testigo ang malagim at mapait nilang karanasan nang walang takot matapos na mabigyan ng bagong pag-asa at sa tulong ng Quad Comm ay makamit ang hustisya na naging mailap sa kanila sa maraming taon. 


“Sa lahat po ng aming ginagawa, wala kaming gustong sirain at wakasan kundi ang pang aabuso sa kapangyarihan, ang pagmamalabis, ang panloloko at pagsasamantala ng mga dayuhan, pagnanakaw sa kaban ng bayan, pananakot, at pagpatay ng walang katwiran o pagsasa alang-alang sa karapatang-pantao kapalit ng pangakong salapi, promosyon sa posisyon, o pagbabalik sa serbisyo,” giit niya. 


Sabi pa ni Barbers na ang mga pangako at pabuyang alok ay nakasira sa maraming institusyon, dangal, paniniwala, pananampalataya at respeto sa  buhay ng tao na naging kanser aniya ng lipunan. 


“Ang mga pangakong ito at pabuya ang sumira ng mga institusyon, paninindigan, dangal, paniniwala sa Diyos, relihiyon, pagpapa halaga sa kapwa at sa halaga ng buhay, sa mga pamilya, at nagpatibay ng maling paniniwala ng mga sangkot sa karumal dumal na krimeng ito na ang kanilang ginawa ay tama at ang kanilang pabuyang natanggap ay kanilang premyo sa pagsunod sa mga utos ng nakatataas,” sabi niya. 


“Isang matinding kanser ng lipunan ang nangyari. Marami sa mga sangkot ay nagkamal ng limpak-limpak sa salapi na sya ngayon nilang ginagamit upang patuloy na takutin ang mga biktima, na para bagang walang katapusang kasamaan ang hanggang ngayon ay namamayani at naghahari sa ating bayan,” saad pa niya. 


Binigyang diin  ng lead Quad Comm Cair na binibigyang kapangyarihan ng Saligang Batas ang Kongreso sa pagsasagawa ng pagsisiyasat  in aid of legislation upang makatulong sa pagbuo o pag-amyenda ng mga batas. 


“Para sa kaalaman ng lahat, mismong ang ating Saligang Batas o Konstitusyon ang nagbigay ng kapangyarihan sa Kongreso na mag-imbestiga upang bumalangkas ng mga batas na magbibigay proteksyon sa mga mamamayan laban sa mga masasamang gawain gaya ng mga nakita at napatunayan natin sa mga nakalipas na pandinig,” sabi pa niya 


Bagamat itinanggi na ng mga sangkot sa EJK na kumita sila sa naturang ligal na aktibidad, lumalabas na kumuha sila ng serbisyo ng high-profile na mga abogado na mahal ang singil.


“Habang patuloy sila sa pagtanggi na sila ay kumita ng limpak limpak, patuloy naman sila sa pag kuha ng serbisyo ng mga abogado na limpak limpak din kung maningil.  Paano nila nababayaran ang mga sangkatutak na abogadong ito. Sila na rin ang nagpa sinungaling sa kanilang mga sinabi rito,” aniya pa (END)

—————————-


Panukala na gawing heinous crime ang EJK itinulak sa Kamara


Isang panukalang batas na naglalayong gawing karumal-dumal na krimen ang extrajudicial killings (EJK) at patawan ito ng mabigat na parusa ang inihain sa Kamara de Representantes ngayong Biyernes.


Ang hakbang na ito ay naglalayong isulong ang katarungan at pananagutan para sa mga ahente ng estado at nasa kapangyarihan na mapapatunayang sangkot sa hindi legal na pagpatay.


Ang House Bill (HB) No. 10986 o ang Anti-Extrajudicial Killing Act ay inakda nina Senior Deputy Speaker Aurelio "Dong" Gonzales Jr., Deputy Speaker David "Jayjay" Suarez, at mga co-chairmen ng Quad Committee na sina Reps. Robert Ace Barbers, Bienvenido "Benny" Abante, Dan Fernandez, at Stephen Joseph "Caraps" Paduano.


Ang iba pang may-akda ng panukalang batas ay sina Reps. Romeo Acop, Johnny Pimentel, Gerville "Jinky" Luistro, Rodge Gutierrez, Paolo Ortega, Jay Khonghun, at Jonathan Keith Flores.


Ang panukalang batas ay batay sa mga natuklasan at rekomendasyon ng Quad Committee na nagsasagawa ng imbestigasyon sa extrajudicial killings (EJK) na naglalayon na magtakda ng mahigpit na pamantayan sa batas upang tugunan ang mga krimeng ito at tiyakin ang pananagutan ng mga mapapatunayang nagkasala.


“Extrajudicial killing or the killing of individuals without judicial proceedings or legal authority, poses a grave threat to the rule of law, democracy and the protection of human rights. These acts bypass established judicial procedures, undermining public trust in the justice system and violating the basic rights to life and due process guaranteed by the Constitution,” ayon pa sa panukala.


“The lack of accountability for such crimes contributes to a culture of impunity, where perpetrators believe they can act without fear of legal consequences. This bill seeks to explicitly criminalize EJK, ensuring that any individual, regardless of rank or position, who is found guilty of participating in, authorizing, or condoning such acts will face appropriate criminal penalties,” dagdag pa dito.


Sa ilalim ng panukala, ang extrajudicial killings (EJKs) ay ituturing na mga karumal-dumal na krimen, na nangangahulugang ang mga mahahatulan ay maaaring humarap sa mabibigat na parusa, kabilang ang habambuhay na pagkakulong o reclusion perpetua na walang pagkakataon na magbigyan ng parole.


Itinatakda ng batas na ang EJKs ay tumutukoy sa mga ilegal na pagpatay na isinagawa ng mga opisyal ng pamahalaan o ng mga kumikilos na may pahintulot o pagtanggap ng mga kautusan mula sa estado.


“Extrajudicial killing (EJK) refers to any killing other than that imposed by the State pursuant to the provisions of the Constitution on heinous crimes or a deliberate and arbitrary killing of any person not authorized by a previous judgment pronounced by a competent court affording all the judicial guarantees which are recognized as indispensable by civilized peoples,” ayon pa sa panukala.


“It may be committed a public officer, person in authority, agent of a person in authority, or any person who is acting under the actual or apparent authority of the State,” dagdag pa nito.


Itinatakda din nito ang “Administrative Negligence,” o ang “kakulangan ng aksyon ng sinumang pampublikong opisyal, taong may awtoridad, o tauhan ng taong may awtoridad na pigilan ang extrajudicial killing sa kanyang nasasakupan.” 


“By defining EJK as a specific crime, this bill aims to strengthen the legal framework for investigating, prosecuting, and punishing those responsible for these heinous acts,” saad pa ng panukala.


Ipinapahayag ng panukalang batas na ang sinumang ahente ng estado na mapatunayan na nagkasala sa extrajudicial killing (EJK) ay makakatanggap ng parusang habambuhay na pagkakulong.


“The penalty of life imprisonment shall be imposed upon a public officer, person of authority, agent of a person in authority, or any person who is acting under the actual or apparent authority of the State, who commits an extrajudicial killing or who orders the extrajudicial killing,” ayon pa sa nilalaman ng panukala.


“Any superior military, police or law enforcement officer or senior government official who issued an order to any lower ranking personnel to commit an extrajudicial killing for whatever purpose shall be equally liable as principals,” dagdag pa nito.


Sa mga pagkakataong may kinalaman ang mga pribadong indibidwal ngunit napatunayang kumilos sila sa ilalim ng patnubay o kasabay ng mga opisyal ng estado, ang parehong parusa ay ipapataw sa kanila.


“The classification of EJK as a heinous crime is a necessary step to restore public confidence in the justice system and uphold the rule of law.  It affirms the State’s duty to ensure that all individuals are afforded the protection of law and that justice is served in every case of unlawful killing,” saad pa ng panukalang batas.  


“By adopting this measure, the State not only seeks to provide justice for victims and their families but also to send a clear message that all acts of violence outside legal processes will not be tolerated,” paliwanag  pa nito. 


Kabilang sa mga pangunahing nilalaman ng panukalang batas ang probisyon para sa mga reparations para sa mga pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killing (EJK).


Itinatakda rin ng panukala na ang gobyerno ay magbibigay ng kompensasyon sa mga pamilya ng mga biktima bilang pagkilala sa mga hindi makatarungang pagdurusa na kanilang dinanas sa pamamagitan ng pagtatatag ng isang Extrajudicial Killing Claims Board. (END)

————————-


Speaker Romualdez pinuri pagtaguyod ni PBBM sa karapatan ng Pilipinas sa ASEAN summit



Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa kanyang pagdepensa sa interes ng Pilipinas sa ASEAN Summit kung saan kanyang iginiit ang pangangailangan na igalang ang international law at mga patakaran para sa kapayapaan, katatagan, at kasaganaan para sa lahat ng stakeholders.


Kinilala ni Speaker Romualdez kung papaano ang proactive diplomacy ni Pangulong Marcos, na nakatuon sa sitwasyon ng West Philippine Sea, sa panahon ng ASEAN Summit at mga kaugnay na summit sa mga kasama sa dayalogo gayundin sa mga bilateral na pagpupulong sa iba pang mga pinuno ng bansa na nasa Laos, ay nakakuha ng internasyonal na atensyon. at suporta.


Binigyang-diin ni Speaker Romualdez ang kahalagahan ng posisyon ni Pangulong Marcos, na nagpapatibay sa pangako ng Pilipinas na ipagtanggol ang pandaigdigang batas, lalo na ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), sa pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa rehiyon.


“President Ferdinand R. Marcos, Jr.’s his firm and resolute leadership in advocating for a rules-based international order in the South China Sea deserves our commendation,” ayon kay Speaker Romualdez, pinuno ng Kamara de Representantes na mayroong mahigit 300 kinatawan.


“His clear and principled stand during the ASEAN Summits and his bilateral discussions with other world leaders highlights the Philippines’ unwavering dedication to safeguarding our territorial integrity and promoting peace in the region," ayon kay Speaker Romualdez.


Binanggit ni Speaker Romualdez na ang matibay na pagtatanggol ni Pangulong Marcos sa mga interes ng Pilipinas sa West Philippine Sea sa ASEAN Summit ay may mahalagang at praktikal na epekto sa buhay ng mga ordinaryong Pilipino.


“It simple words it means the President wants to ensure our fishermen could catch fish in waters that are rightfully ours without fear from harassment or violent attacks, that our people for generations to come can secure food from the bounty of the sea,” saad pa nito. 


“It was meant to secure for our nation, our people and our posterity the benefits of the rich mineral and potential oil deposits and other resources in our Exclusive Economic Zone which international law has granted us the right to explore, manage, and exploit.”


Ipinunto pa ng mambabatas na sa mga nagdaang araw, ginamit ni Pangulong Marcos ang bawat pagkakataon upang talakayin ang isyu ng paggalang sa pandaigdigang batas at pagpipigil, hindi lamang sa mismong ASEAN Summit kundi pati na rin sa mga pagpupulong kasama ang mga dialogue partners tulad ng China, South Korea, Japan, Canada, India, at Australia.


Inaasahan ding tatalakayin ang isyu ng South China Sea sa ASEAN-US Summit at ASEAN-UN Summits sa huling araw ng pulong ng mga lider ng bansa sa ASEAN.


Sa isyu ng mga maritime dispute sa konteksto ng pandaigdigang batas at pagbibigay-diin sa kahalagahan ng mapayapang pag-uusap, sinabi ni Romualdez na pinatibay ng Pangulo ang posisyon ng Pilipinas at inudyukan ang ASEAN at iba pang mga katuwang na makiisa sa mga hakbang para sa isang mapayapa at nagkakaisang Southeast Asia.


Tinukoy niya ang “ASEAN Leaders’ Declaration on the ASEAN Outlook on the Indo-Pacific for the Future-Ready ASEAN and ASEAN-Centered Regional Architecture” na inaprubahan noong Oktubre 9.


Kabilang sa mga ipinahayag ng mga lider ng mga kasaping bansa ay ang pagtutulungan upang "panatilihin at isulong ang katatagan sa maritime sphere at palakasin ang maritime cooperation sa Timog-Silangang Asya, kabilang ang maritime security, maritime safety... sa pamamagitan ng mga kaugnay na mekanismo na pinamumunuan ng ASEAN, alinsunod sa pandaigdigang batas, kabilang na ang 1982 UNCLOS."


"President Marcos’ diplomatic efforts in Laos resonate deeply with our shared goal of regional security. His leadership reinforces our pursuit of peace, security, and cooperation among nations, especially in these times of heightened tensions in the South China Sea," ayon kay Speaker Romualdez.


Ipinahayag pa ng pinuno ng Karama ang kanyang kumpiyansa na ang mga diplomatikong pakikipag-ugnayan ni Pangulong Marcos ay magdudulot ng mas mabungang pakikipagtulungan, hindi lamang sa mga kasaping estado ng ASEAN kundi pati na rin sa international community.


Inaasahang darating si Pangulong Marcos sa bansa sa Biyernes ng gabi matapos ang kanyang matagumpay na paglahok sa 44th and 45th ASEAN Summits sa Laos. (END)

————————-


Kerwin Espinosa pinilit ni Bato Dela Rosa para isabit si De Lima, Peter Lim sa illegal drug trade



Isiniwalat ng self-confessed drug lord na si Rolan “Kerwin”Espinosa na pinilit lamang siya ng noon ay Philippine National Police chief, at ngayon ay Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, upang idawit si dating Sen. Leila de Lima at negosyanteng si Peter Lim sa kalakalan ng iligal na droga.


Ginawa ni Espinosa ang pahayag sa imbestigasyon ang House Quad Committee kung saan ikinuwento nito ang karanasan ng kanyang pamilya at ang pagiging biktima ng extrajudicial killings (EJKs) ng kanyang tatay sa implementasyon ng brutal na war on drugs ng administrasyong Duterte.


Ang ama ni Espinosa, na si Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa ay ini-ugnay sa bentahan ng iligal na droga at pinatay ng mga pulis sa loob ng kulungan noong Nobyembre 5, 2016. Ang dating alkalde ay kusang loob na sumuko matapos na pagbantaan ng noon ay Pangulong Rodrigo Roa Duterte na siya ay magiging target kung hindi susuko.


Ayon kay Espinosa, matapos na iuwi sa Pilipinas makaarang arestuhin sa Abu Dhabi ay kinausap siya ni Dela Rosa at pinilit na iugnay si De Lima, Lim at iba pa sa bentahan ng iligal na droga.


“Sinundo ako ng mga kapulisan dito sa atin, ang sumundo sa akin si General Bato, inakbayan niya ako papunta sa sasakyan,” ani Espinosa na isinakay umano sa isang puting bulletproof na Toyota Land Cruiser.


Si Dela Rosa ay naka-upo umano sa harap at si Espinosa ay nasa pagitan ng dalawang pulis sa likod.


Habang nasa biyahe ay sinabihan umano siya ni Dela Rosa na idawit si De Lima at Lim.


“Sinabihan niya ako na aminin mo na sangkot ka sa kalakaran sa droga dito sa Pilipinas at idawit ko si Peter Lim at si Leila de Lima para madiin na sila,” sabi ni Espinosa.


Si De Lima napawalang-sala sa mga drug case na isinampa sa kanya matapos na makulong ng pitong taon. Sinabi ni De Lima na siya ay kinasuhan upang mapatahimik sa pagbatikos kay Duterte.


Si Peter Lim naman ay sinabi ni Duterte na pinakamalaking drug dealer sa bansa.


Sinabi ni Espinosa na siya ay pinagbantaan ni Dela Rosa na mayroong mangyayaring masama sa kanya kung hindi susunod sa kanyang gusto.


“Kung hindi raw ako sumunod sa plano, pwedeng mangyari sa akin ang nangyari sa ama ko, isa sa mga pamilya ko ang mamatay din,” sabi pa ni Espinosa.


Ipinasama rin umano kay Espinosa ang actor-politician na si Richard Gomez na sa kanyang pagkaka-alam ay wala namang kinalaban sa iligal na droga. Si Gomez noon ay mayor ng Ormoc City at ngayon ay kinatawan ng ikaapat na distrito ng Leyte.


Matapos iugnay sa bentahan ng iligal na droga, sinabi ni Espinosa na tumira ang kanyang tatay sa White House sa loob ng Camp Crama sa Quezon City kung saan nakatira si Dela Rosa upang siya ay manatiling buhay.


Inilipat si Mayor Espinosa sa Baybay Provincial Jail kung saan ito napaslang sa isang police operation.


Batay sa nakarating na kuwento kay Kerwin nagmakaawa ang kanyang ama bago binaril “Nagmamakaawa ang aking ama, ‘Sir, huwag niyo po akong patayin,’ pero wala, binaril pa rin siya,” sabi nito.


“Ang aking ama at ang aming pamilya ay naging biktima ng EJK. Napakasakit po sa amin ang pagkawalay ng napakaraming inosenteng buhay,” sabi pa ni Kerwin na naging emosyonal sa pagdinig.


“Ang aking ama ay mabuting naglingkod sa aming mahal na lungsod ng Albuera, ngunit ang kanyang mabubuting layunin ay hindi natupad dahil pinatay siya,” dagdag pa nito.


Nagpahayag ng kalungkutan si Kerwin sa kawalan ng hustisya sa sinapit ng kanyang ama.


“Matagal na po kaming naghihintay ng hustisya. Alam ko po na ang aking ama, saan man siya ngayon, ay naghihintay din ng katarungan,” sabi ni Kerwin sa mga miyembro ng komite.


“Sana po sa pagpunta ko dito ay makatulong ako na matuldukan ang isyung ito at mapanagot ang mga may sala,” dagdag pa nito. (END)

—————————


Kerwin Espinosa handang umatras sa mayoralty bid 



Handa umanong umatras si Kerwin Espinosa na talikuran ang pulitika makamit lamang ang hustiya sa sinapit ng kanyang ama na pinatay umano sa isang police operation sa loob ng kulungan.


Sa pagdinig ng House quad committee ngayong Biyernes, iginiit ni Espinosa na walang kinalaman sa puliitka ang kanyang pagtestigo sa komite.


Si Espinosa—ang anak ng pinaslang na si Albuera Mayor Rolando Espinosa, ay napatay sa loob ng kulungan noong 2016 matapos na maisama sa narcolist ng noon ay Pangulong Rodrigo Duterte. 


“Hustisya po para sa papa ko, kaya kong talikuran ‘yang pulitika,” ito ang tugon ni Espinosa sa tanong ni Quad Committee co-chair Santa Rosa City Rep. Dan Fernandez.


Bilang patunay, sinabi ni Espinosa na handa siyang umatras sa kandidatura para tutukan ang paghahanap ng hustisya para sa kanyang ama.


Sa pagharap sa Quad Committee, ikinuwento ni Espinosa ang mga naranasan ng kanyang pamilya sa drug war-related EJKs sa ilalim ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.


Idinetalye rin niya kung paano siya pinilit noong 2016 ng noo’y hepe ng Philippine National Police, na ngayo’y Senator Ronald “Bato” Dela Rosa, na aminin ang kanyang pagkakasangkot sa kalakalan ng droga at isama ang mga kilalang tao, kabilang si dating Senador Leila de Lima at negosyanteng si Peter Lim.


Tinanong ni Fernandez ang mga motibo ni Espinosa sa kanyang paglabas, lalo na’t siya ay kamakailan lamang nagsumite ng kandidatura para sa pagka-alkalde.


“Hindi mo kami masisisi kung mag-iisip kami na may halong pulitika ang ginagawa mo. But if you withdraw, baka ako mismo maniwala sa sinasabi mo,” ayon kay Fernandez.


Ipinahayag din ni Zambales 1st District Rep. Jay Khonghun ang kanyang pagdududa sa ‘timing’ ng testimonya ni Espinosa, lalo na’t ito ay nangyari sa panahon ng halalan.


“Bakit niyo po naisipan na ngayon lumabas at magsabi ng katotohanan lalo na ngayong panahon ng eleksyon? Baka isipin na ginagawa niyo ito para sa election campaign o media mileage,” ayon kay Khonghun.


Nilinaw ni Espinosa na ang kanyang desisyon na lumantad ay dulot ng hangaring makamit ang hustisya, hindi pulitika, at idinagdag niyang siya ay nahikayat ng iba pang mga biktima ng EJK na nagsalita


“Ginagawa ko ‘to na lumutang dito sa Quad Comm kasi napanood ko, marami nang lumutang na mga biktima sa EJK na marami nang naglakas na loob na isiniwalat ang mga hinanaing nila sa pangyayari ng patayan sa ating bansa sa EJK,” giit pa nito.


“‘Yun ang nag-udyok sa akin kung bakit ako lumutang dito sa Quad Comm, walang halong pulitika po ito,” ayon pa kay Espinosa. (END)

————————-


Quad Comm hangad na makamit hustisya para sa mga biktima ng EJK-- Chairman Barbers 


Nangako ang Quad Comm ng Kamara de Representantes na nag-iimbestiga sa isyu ng extrajudicial  killings (EJK), na makamit ang hustisya para sa mga biktima ng extrajudicial killings (EJK) at mga paglabag sa karapatang pantao noong panahon ng administrasyong Duterte. 


Ito ang tiniyak ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, overall chairperson ng komite, sa ika-walong pag-dinig ng Quad Comm kung saan dumalo ang ilan sa mga biktima ng EJK, kanilang pamilya at iba pang testigo na nais ilahad ang kanilang mga mapait na sinapit. 


“Sa ating mga kababayan sa lahat ng dako ng daigdig, hindi po natutulog ang hustisya.  Gagawin po namin ang lahat ng aming makakaya upang magampanan ang aming tungkulin bilang mga mambabatas. Ipaglalaban namin ang lahat ng ating mga karapatan. Karapatang mabuhay ng tahimik, walang takot, malaya, at may dignidad,”  sabi niya. 


“We will continue to hear your stories, seek out justice and truth, and fight for your rights, in the face of threats to suppress them.  Together we fight for dignity and honor. We can only craft protection if we know the truth. Those who violated our laws should be brought to justice,” saad ni Barbers na siya ring chairman ng Committee on dangerous drugs. 


Ayon kay Barbers ang House of the People ay bukas sa mga biktima, pamilya o sinomang saksi na nais ilahad ang kanilang mga karanasan mula sa kamay ng mga mapagsamantalang alagad ng batas na nagpatupad sa malagim na war on drugs ng nakaraang administrasyon. 


"Mga minamahal naming mga kababayan, ano man po ang hadlang na itatapon sa amin, mananatili kaming tapat sa inyo.  Makaka-asa kayo na patuloy naming gagampanan ang aming tungkulin. Mananatiling bukas ang aming mga pintuan para sa inyo dito sa…House of the People,” dagdag niya. 


Ayon kay Barbers nagsilbing inspirasyon sa pagharap ng mga saksi ang pagkakatuklas ng tunay na motibo sa pagpatay kay PCSO Board Secretary Wesley Barayuga upang hindi na ito muling mangyari.


Dagdag pa niya, ilalatag ng mga testigo ang malagim at mapait nilang karanasan nang walang takot matapos na mabigyan ng bagong pag-asa at sa tulong ng Quad Comm ay makamit ang hustisya na naging mailap sa kanila sa maraming taon. 


“Sa lahat po ng aming ginagawa, wala kaming gustong sirain at wakasan kundi ang pang aabuso sa kapangyarihan, ang pagmamalabis, ang panloloko at pagsasamantala ng mga dayuhan, pagnanakaw sa kaban ng bayan, pananakot, at pagpatay ng walang katwiran o pagsasa alang-alang sa karapatang-pantao kapalit ng pangakong salapi, promosyon sa posisyon, o pagbabalik sa serbisyo,” giit niya. 


Sabi pa ni Barbers na ang mga pangako at pabuyang alok ay nakasira sa maraming institusyon, dangal, paniniwala, pananampalataya at respeto sa  buhay ng tao na naging kanser aniya ng lipunan. 


“Ang mga pangakong ito at pabuya ang sumira ng mga institusyon, paninindigan, dangal, paniniwala sa Diyos, relihiyon, pagpapa halaga sa kapwa at sa halaga ng buhay, sa mga pamilya, at nagpatibay ng maling paniniwala ng mga sangkot sa karumal dumal na krimeng ito na ang kanilang ginawa ay tama at ang kanilang pabuyang natanggap ay kanilang premyo sa pagsunod sa mga utos ng nakatataas,” sabi niya. 


“Isang matinding kanser ng lipunan ang nangyari. Marami sa mga sangkot ay nagkamal ng limpak-limpak sa salapi na sya ngayon nilang ginagamit upang patuloy na takutin ang mga biktima, na para bagang walang katapusang kasamaan ang hanggang ngayon ay namamayani at naghahari sa ating bayan,” saad pa niya. 


Binigyang diin  ng lead Quad Comm Cair na binibigyang kapangyarihan ng Saligang Batas ang Kongreso sa pagsasagawa ng pagsisiyasat  in aid of legislation upang makatulong sa pagbuo o pag-amyenda ng mga batas. 


“Para sa kaalaman ng lahat, mismong ang ating Saligang Batas o Konstitusyon ang nagbigay ng kapangyarihan sa Kongreso na mag-imbestiga upang bumalangkas ng mga batas na magbibigay proteksyon sa mga mamamayan laban sa mga masasamang gawain gaya ng mga nakita at napatunayan natin sa mga nakalipas na pandinig,” sabi pa niya 


Bagamat itinanggi na ng mga sangkot sa EJK na kumita sila sa naturang ligal na aktibidad, lumalabas na kumuha sila ng serbisyo ng high-profile na mga abogado na mahal ang singil.


“Habang patuloy sila sa pagtanggi na sila ay kumita ng limpak limpak, patuloy naman sila sa pag kuha ng serbisyo ng mga abogado na limpak limpak din kung maningil.  Paano nila nababayaran ang mga sangkatutak na abogadong ito. Sila na rin ang nagpa sinungaling sa kanilang mga sinabi rito,” aniya pa (END)

————————


Misa idinaos sa Kamara  para sa mga biktima ng EJK, kanilang pamilya 



Isang banal na misa  ang idinaos sa Kamara de Representantes para sa mga biktima ng extrajudicial killings (EJK) at kanilang mga pamilya noong Biyernes, isang pagpapakita ng pagkakaisa at pag-asa para sa mga pamilya at kaibigan ng mga nasawi sa madugong war on drugs campaign ng administrasyong Duterte. 


Ang misa ay pinangunahan ni Father Joel Saballa, kasama sina Fr. Noel Gatchalian, Fr. Joselito Sarabia, at Fr. Christian Sambajon, na dinaluhan ng nasa 100 pamilya ng mga biktima ng EJK sa People's Center. 


Sa homilya ni Fr.  Noel Gatchalian binanggit nito ang kahalagahan na makamit ang hustisya at mapanumbalik ang dignidad para sa mga biktima.


Binuksan ni Fr. Saballa ang misa sa pagpapasalamat na mabigyang pagkakataong marinig ang panig ng mga pamilya ng mga biktima ng EJK. 


“Ngayon din po ay natitipon tayo bilang pasalamat sa pagtugon sa dasal nating sa unang pagkakataon, maririnig na ng buong bansa ang boses ng pamilya ng mga namatayan dala ng extrajudicial killings,” sabi Fr. Saballa. 


“Lubos ang pasasalamat ng mga pamilya na sa pagkakataong ito’y magtipon-tipon, dala-dala ang mga pangarap, dala-dala ang mga hangarin na makamit ng mga nangamatay (ang hustisya) ng walang kalaban-laban sa kamay po ng mga nasa poder nang nakaraan,” dagdag  niya. 


Ipinapakita nito ang pag-asa sa kabila ng mga hamon, ay mananaig ang hustisya para sa mga naulilang mahala sa buhay. 


“Tayo’y manalangin at ipagdasal natin ang ating mga lider ng ating bansa na ngayon ay tumutulong sa atin upang makamit ang hustisya ng ating pong mga kababayan na pinaslang ng karumal-dumal,” ani Fr. Saballa 


Panawgan  naman  sa pagbabalik ng hustisya at katotohanan ang sentro ng homiliya ni Fr. Gatchalian 


“Alam naman natin na unti-unti nating nararating ang katotohanan, at nagkakaroon tayo ng lakas upang isiwalat ang katotohanan. Ang katotohanan na ang pinakamapait at masakit na yugto sa kasaysayan ng Pilipinas ay ang tinatawag na pekeng war on drugs,” saad ni Fr. Gatchalian 


angk aiyang mensahe ay para sa paglalahad ng katotohanan at pananagutan para sa mga sangkot sa  pagkawala ng maraming buhay. 


ang naturang misa ay idinaos bago ang ika=walong pagdinig ng Quad Committee na nag-iimbestiga sa EJK, Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) at sindikato ng iligal na droga.


Siniyasat ng komite ang mga isyu ukol sa extrajudicial killings kung saan naisiwalat ang pagmaalabis at pang-aabuso sa 'war on drugs' 


Paghimok pa ni Fr. Gatchalian na mahalagang kilalanin ang pagiging inosente ng mga pinatay, "Marami po ang inosenteng pinaslang at karapat-dapat lamang na sila ay bigyan ng katarungnan.” 


Binigyang halaga ng misa ang pakikidalamhati, katotohanan at hustisya sa pagtugon sa trahedyang dala ng extrajudicial killings at magsisilbing paalala na bagamat mayroon nang pag-usad at marami pa ang dapat gawin para makamit ang tunay na hustisya. (END)

—————————


Speaker Romualdez pinuri pagtaguyod ni PBBM sa karapatan ng Pilipinas sa ASEAN summit



Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa kanyang pagdepensa sa interes ng Pilipinas sa ASEAN Summit kung saan kanyang iginiit ang pangangailangan na igalang ang international law at mga patakaran para sa kapayapaan, katatagan, at kasaganaan para sa lahat ng stakeholders.


Kinilala ni Speaker Romualdez kung papaano ang proactive diplomacy ni Pangulong Marcos, na nakatuon sa sitwasyon ng West Philippine Sea, sa panahon ng ASEAN Summit at mga kaugnay na summit sa mga kasama sa dayalogo gayundin sa mga bilateral na pagpupulong sa iba pang mga pinuno ng bansa na nasa Laos, ay nakakuha ng internasyonal na atensyon. at suporta.


Binigyang-diin ni Speaker Romualdez ang kahalagahan ng posisyon ni Pangulong Marcos, na nagpapatibay sa pangako ng Pilipinas na ipagtanggol ang pandaigdigang batas, lalo na ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), sa pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa rehiyon.


“President Ferdinand R. Marcos, Jr.’s his firm and resolute leadership in advocating for a rules-based international order in the South China Sea deserves our commendation,” ayon kay Speaker Romualdez, pinuno ng Kamara de Representantes na mayroong mahigit 300 kinatawan.


“His clear and principled stand during the ASEAN Summits and his bilateral discussions with other world leaders highlights the Philippines’ unwavering dedication to safeguarding our territorial integrity and promoting peace in the region," ayon kay Speaker Romualdez.


Binanggit ni Speaker Romualdez na ang matibay na pagtatanggol ni Pangulong Marcos sa mga interes ng Pilipinas sa West Philippine Sea sa ASEAN Summit ay may mahalagang at praktikal na epekto sa buhay ng mga ordinaryong Pilipino.


“It simple words it means the President wants to ensure our fishermen could catch fish in waters that are rightfully ours without fear from harassment or violent attacks, that our people for generations to come can secure food from the bounty of the sea,” saad pa nito. 


“It was meant to secure for our nation, our people and our posterity the benefits of the rich mineral and potential oil deposits and other resources in our Exclusive Economic Zone which international law has granted us the right to explore, manage, and exploit.”


Ipinunto pa ng mambabatas na sa mga nagdaang araw, ginamit ni Pangulong Marcos ang bawat pagkakataon upang talakayin ang isyu ng paggalang sa pandaigdigang batas at pagpipigil, hindi lamang sa mismong ASEAN Summit kundi pati na rin sa mga pagpupulong kasama ang mga dialogue partners tulad ng China, South Korea, Japan, Canada, India, at Australia.


Inaasahan ding tatalakayin ang isyu ng South China Sea sa ASEAN-US Summit at ASEAN-UN Summits sa huling araw ng pulong ng mga lider ng bansa sa ASEAN.


Sa isyu ng mga maritime dispute sa konteksto ng pandaigdigang batas at pagbibigay-diin sa kahalagahan ng mapayapang pag-uusap, sinabi ni Romualdez na pinatibay ng Pangulo ang posisyon ng Pilipinas at inudyukan ang ASEAN at iba pang mga katuwang na makiisa sa mga hakbang para sa isang mapayapa at nagkakaisang Southeast Asia.


Tinukoy niya ang “ASEAN Leaders’ Declaration on the ASEAN Outlook on the Indo-Pacific for the Future-Ready ASEAN and ASEAN-Centered Regional Architecture” na inaprubahan noong Oktubre 9.


Kabilang sa mga ipinahayag ng mga lider ng mga kasaping bansa ay ang pagtutulungan upang "panatilihin at isulong ang katatagan sa maritime sphere at palakasin ang maritime cooperation sa Timog-Silangang Asya, kabilang ang maritime security, maritime safety... sa pamamagitan ng mga kaugnay na mekanismo na pinamumunuan ng ASEAN, alinsunod sa pandaigdigang batas, kabilang na ang 1982 UNCLOS."


"President Marcos’ diplomatic efforts in Laos resonate deeply with our shared goal of regional security. His leadership reinforces our pursuit of peace, security, and cooperation among nations, especially in these times of heightened tensions in the South China Sea," ayon kay Speaker Romualdez.


Ipinahayag pa ng pinuno ng Karama ang kanyang kumpiyansa na ang mga diplomatikong pakikipag-ugnayan ni Pangulong Marcos ay magdudulot ng mas mabungang pakikipagtulungan, hindi lamang sa mga kasaping estado ng ASEAN kundi pati na rin sa international community.


Inaasahang darating si Pangulong Marcos sa bansa sa Biyernes ng gabi matapos ang kanyang matagumpay na paglahok sa 44th and 45th ASEAN Summits sa Laos. (END)


—————————-

Panukalang POGO ban, inihain sa Kamara


Naghain ng panukalang batas ang mga pinuno ng Kamara de Representantes noong Biyernes upang tuluyan ng ipagbawal ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa, isang hakbang na magpapatibay sa direktiba ni Pangulo Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na tiyakin ang kaligtasan ng publiko at pambansang seguridad laban sa mga krimeng nauugnay sa mga operasyong ito.


Ang panukalang Anti-Offshore Gaming Operations Act ay naglalayong ipagbawal ang lahat ng uri ng offshore gaming sa bansa at parusahan ang sinumang lalabag.


Ang panukalang batas ay inihain bago ang muling pagbubukas ng imbestigasyon ng House Quad Committee ukol sa mga koneksyon ng iligal na POGO, sa ilegal na kalakalan ng droga, pang-aagaw ng lupa ng ilang Chinese, at mga extrajudicial killings na nauugnay sa giyera kontra droga ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.


Kabilang sa mga pangunahing may-akda ng panukalang batas sina Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr., Deputy Speaker David “Jay-Jay” Suarez, at ang mga pinuno ng Quad Committee na sina Representatives Robert Ace Barbers, Dan Fernandez, Bienvenido “Benny” Abante Jr., at Joseph Stephen “Caraps” Paduano.


Kasama rin bilang mga may akda sina Representatives Romeo Acop, Johnny Pimentel, Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, Rodge Gutierrez, Paolo Ortega V, Jay Khonghun, at Jonathan Keith Flores.


Binanggit ng mga mambabatas ang mga mapanganib na gawain na nauugnay sa mga POGO hub, na nakapaloob na lugar na ginagamit upang itago ang mga karumal-dumal na krimen. Ang mga pagsalakay ng mga awtoridad sa pagpapatupad ng batas ay nagbunyag ng mga abusong ito at nagdulot ng malaking alalahanin sa kaligtasan ng publiko.


Ipinunto ng mga mambabatas ang mga mapanganib na aktibidad na konektado sa mga POGO hub, na patuloy na nangyayari sa loob ng lugar kung saan itinatago ang mga karumal-dumal na krimen. Ang mga pagsalakay ng mga awtoridad sa mga gusaling ito ay nagbunyag ng mga pang-aabusong ito at nagdudulot ng panganib sa kaligtasan ng publiko.


“Several raids conducted by law enforcement agencies on illegal POGO hubs reveal cases of kidnapping, illegal detention, human trafficking, prostitution, and tortures,” ayon pa sa mga may-akda ng panukala. 


“Further, the authorities suspect that illegal POGOs are likewise involved in cybercrime, investment scam, money laundering, tax evasion and other fraudulent practices,” ayon pa sa panukala.


Bukod sa mga krimeng ito, binanggit din ng batas ang lumalalang mga problema sa pambansang seguridad, na ayon sa ulat ng Department of National Defense na may ilang POGO hub ang ginagamit ng international criminal syndicates, na nagdudulot ng direktang banta sa bansa.


Ipinapakita rin ng panukalang batas ang limitadong benepisyo sa ekonomiya ng mga POGO, na ang mga pamumuhunan ay nag-ambag lamang ng 0.2% sa GDP ng bansa noong 2023. Sa kabilang banda, ang mga krimen at negatibong epekto sa tiwala ng mga mamumuhunan ay nakikita bilang mga pangunahing hadlang sa pag-unlad ng ekonomiya.


Binanggit din ng mga may-akda ang mga mungkahi mula sa Department of Finance, National Economic and Development Authority, Makati Business Club, at University of the Philippines School of Economics, na lahat ay sumasang-ayon na ipagbawal ang POGO, na sinasabing ang social and security costs ay higit na mas mataas kumpara sa mga benepisyo sa ekonomiya.


“While banning the conduct of POGO and POGO-related activities and services comes with potential economic losses, allowing them to proliferate comes with the long-term and much higher cost to public safety and institutional integrity,” ayon pa sa mga may-akda, na umaayon sa mga rekomendasyon ng mga sektor ng gobyerno at negosyo.


Sa pinakahuling State of the Nation Address (SONA), idineklara ni Pangulong Marcos ang agarang pagbabawal sa mga POGO,  dahil sa kanilang pagkakasangkot sa mga financial scams, human trafficking, money laundering, at iba pang iligal na gawain.


Binigyang-diin ng Punong Ehekutibo na ang "labis na pang-aabuso at kawalang-paggalang ng mga POGO sa sistema ng batas ng Pilipinas ay dapat na mahinto."


Sa ilalim ng panukalang Anti-Offshore Gaming Operations Act, mahigpit ang mga parusa para sa mga lalabag. Ang mga nagkasala ay maaaring makulong mula apat hanggang sampung taon at pagmumultahin ng hanggang P10 milyon para sa mga paulit-ulit na paglabag. 


Habang ang mga dayuhang empleyado ng POGO ay agad na ipapa-deport, habang ang mga opisyal ng gobyerno na tumulong sa pagpapadali ng mga iligal na operasyon ng POGO ay matatanggal sa serbisyo at matatanggalan ng mga benepisyo.


“It is necessary to enact a law to ensure that anti-POGO measures are institutionalized, thus, this proposed measure,” pagbibigay diin pa ng mga may akda kasabay na rin ng panawagan sa pagkakaroon ng legal framework upang permanente ng ipagbawal ang offshore gaming at protektahan ang bansa mula sa mga masamang epekto nito.


Sakaling maaprubahan, kabilang sa mandato ng batas ang pagpapatigil ng lahat ng aktibidad ng POGO sa Disyembre 31, 2024 at titiyakin na ang mga ito ay magbabayad ng tamang buwis bago tuluyang maipasara. (END)


————————

Panukala na gawing heinous crime ang EJK itinulak sa Kamara


Isang panukalang batas na naglalayong gawing karumal-dumal na krimen ang extrajudicial killings (EJK) at patawan ito ng mabigat na parusa ang inihain sa Kamara de Representantes ngayong Biyernes.


Ang hakbang na ito ay naglalayong isulong ang katarungan at pananagutan para sa mga ahente ng estado at nasa kapangyarihan na mapapatunayang sangkot sa hindi legal na pagpatay.


Ang House Bill (HB) No. 10986 o ang Anti-Extrajudicial Killing Act ay inakda nina Senior Deputy Speaker Aurelio "Dong" Gonzales Jr., Deputy Speaker David "Jayjay" Suarez, at mga co-chairmen ng Quad Committee na sina Reps. Robert Ace Barbers, Bienvenido "Benny" Abante, Dan Fernandez, at Stephen Joseph "Caraps" Paduano.


Ang iba pang may-akda ng panukalang batas ay sina Reps. Romeo Acop, Johnny Pimentel, Gerville "Jinky" Luistro, Rodge Gutierrez, Paolo Ortega, Jay Khonghun, at Jonathan Keith Flores.


Ang panukalang batas ay batay sa mga natuklasan at rekomendasyon ng Quad Committee na nagsasagawa ng imbestigasyon sa extrajudicial killings (EJK) na naglalayon na magtakda ng mahigpit na pamantayan sa batas upang tugunan ang mga krimeng ito at tiyakin ang pananagutan ng mga mapapatunayang nagkasala.


“Extrajudicial killing or the killing of individuals without judicial proceedings or legal authority, poses a grave threat to the rule of law, democracy and the protection of human rights. These acts bypass established judicial procedures, undermining public trust in the justice system and violating the basic rights to life and due process guaranteed by the Constitution,” ayon pa sa panukala.


“The lack of accountability for such crimes contributes to a culture of impunity, where perpetrators believe they can act without fear of legal consequences. This bill seeks to explicitly criminalize EJK, ensuring that any individual, regardless of rank or position, who is found guilty of participating in, authorizing, or condoning such acts will face appropriate criminal penalties,” dagdag pa dito.


Sa ilalim ng panukala, ang extrajudicial killings (EJKs) ay ituturing na mga karumal-dumal na krimen, na nangangahulugang ang mga mahahatulan ay maaaring humarap sa mabibigat na parusa, kabilang ang habambuhay na pagkakulong o reclusion perpetua na walang pagkakataon na magbigyan ng parole.


Itinatakda ng batas na ang EJKs ay tumutukoy sa mga ilegal na pagpatay na isinagawa ng mga opisyal ng pamahalaan o ng mga kumikilos na may pahintulot o pagtanggap ng mga kautusan mula sa estado.


“Extrajudicial killing (EJK) refers to any killing other than that imposed by the State pursuant to the provisions of the Constitution on heinous crimes or a deliberate and arbitrary killing of any person not authorized by a previous judgment pronounced by a competent court affording all the judicial guarantees which are recognized as indispensable by civilized peoples,” ayon pa sa panukala.


“It may be committed a public officer, person in authority, agent of a person in authority, or any person who is acting under the actual or apparent authority of the State,” dagdag pa nito.


Itinatakda din nito ang “Administrative Negligence,” o ang “kakulangan ng aksyon ng sinumang pampublikong opisyal, taong may awtoridad, o tauhan ng taong may awtoridad na pigilan ang extrajudicial killing sa kanyang nasasakupan.” 


“By defining EJK as a specific crime, this bill aims to strengthen the legal framework for investigating, prosecuting, and punishing those responsible for these heinous acts,” saad pa ng panukala.


Ipinapahayag ng panukalang batas na ang sinumang ahente ng estado na mapatunayan na nagkasala sa extrajudicial killing (EJK) ay makakatanggap ng parusang habambuhay na pagkakulong.


“The penalty of life imprisonment shall be imposed upon a public officer, person of authority, agent of a person in authority, or any person who is acting under the actual or apparent authority of the State, who commits an extrajudicial killing or who orders the extrajudicial killing,” ayon pa sa nilalaman ng panukala.


“Any superior military, police or law enforcement officer or senior government official who issued an order to any lower ranking personnel to commit an extrajudicial killing for whatever purpose shall be equally liable as principals,” dagdag pa nito.


Sa mga pagkakataong may kinalaman ang mga pribadong indibidwal ngunit napatunayang kumilos sila sa ilalim ng patnubay o kasabay ng mga opisyal ng estado, ang parehong parusa ay ipapataw sa kanila.


“The classification of EJK as a heinous crime is a necessary step to restore public confidence in the justice system and uphold the rule of law.  It affirms the State’s duty to ensure that all individuals are afforded the protection of law and that justice is served in every case of unlawful killing,” saad pa ng panukalang batas.  


“By adopting this measure, the State not only seeks to provide justice for victims and their families but also to send a clear message that all acts of violence outside legal processes will not be tolerated,” paliwanag  pa nito. 


Kabilang sa mga pangunahing nilalaman ng panukalang batas ang probisyon para sa mga reparations para sa mga pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killing (EJK).


Itinatakda rin ng panukala na ang gobyerno ay magbibigay ng kompensasyon sa mga pamilya ng mga biktima bilang pagkilala sa mga hindi makatarungang pagdurusa na kanilang dinanas sa pamamagitan ng pagtatatag ng isang Extrajudicial Killing Claims Board. (END)

————————-


RPPt Speaker Romualdez tinukuran si PBBM sa pagsusulong ng digital connectivity, pagpapalakas ng MSMEs sa ASEAN



Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa kanyang pagdiin sa panawagan na palakasin ang digital connectivity at digitalization bilang mga pangunahing hakbang sa pag-unlad ng ekonomiya sa rehiyon ng ASEAN.


Sa plenary session ng 44th ASEAN Summit sa Laos, itinampok ni Pangulong Marcos ang pagbabago ng digitalization na isa umanong mahalagang puwersa para sa mabilis at matatag na pakikipag-ugnayan sa ASEAN at isang pangunahing kasangkapan para isulong ang inobasyon, pag-unlad, at mga pagkakaroon ng mga bagong pagkakataon.


Ayon kay Speaker Romualdez, ang pakikilahok ng Pangulo sa ASEAN Summit at ang kaniyang adbokasiya para sa digital transformation ay pakikinabangan ng mga karaniwang Pilipino sa pamamagitan ng pagbubukas ng mas maraming trabaho at oportunidad sa negosyo.


“This is not just about diplomacy and high-level discussions. The President’s push for stronger digital connectivity in ASEAN translates to real, tangible benefits for the Filipino people,” ayon kay Speaker Romualdez. 


“By fostering innovation and increasing access to digital markets, we are unlocking opportunities for local businesses, especially MSMEs, and creating new jobs for our workforce.”


Binanggit din niya na ang pagpapabuti ng digital connectivity sa rehiyon ay magbibigay daan sa mas maraming pagkakataon para sa mga negosyo at negosyante sa Pilipinas, na maaaring magresulta sa paglikha ng napakaraming trabaho para sa mga Pilipino. 


“The President’s vision of a digitally connected ASEAN where innovation thrives and opportunities abound is fully aligned with our own national efforts,” ani Speaker Romualdez, pinuno ng Kamara de Representantes na mayroong mahigit 300 kinatawan.


“In the Philippines, we have already taken significant steps to accelerate digitalization through key initiatives such as the E-Government Act, the Public Service Act amendments, and various infrastructure programs aimed at expanding broadband access to remote areas,” dagdag pa nito. 


Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), umabot sa humigit-kumulang $35.4 bilyon ang digital economy ng bansa noong 2023 at nag-ambag ito ng 8.4 porsyento sa Gross Domestic Product (GDP) ng bansa. Nagresulta ito sa 7.7 porsyentong paglago mula sa $33.6 bilyon na Gross Value Added ng digital economy noong 2022.


Sa kanyang pahayag sa plenary session ng ika-44 na ASEAN Summit, inilarawan ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng paglikha ng isang ligtas at mapagkakatiwalaang digital environment upang itulak ang rehiyon na maging ika-apat na pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo.


Kinilala rin ni Panguklong Marcos ang kahalagahan ng ASEAN Digital Economy Framework Agreement (DEFA) na layuning itaas ang digital economy ng ASEAN sa USD 2 trilyon bago mag-2030.


Ipinahayag ng Pangulo ang kahalagahan ng pamumuhunan sa matatag na cybersecurity, paglinang ng kasanayan ng mga tao sa digitalization, at pagbuo ng mga pangunahing digital infrastructure upang matiyak ang pang-ekonomiyang direksyon ng ASEAN.


Ayon kay Speaker Romualdez, suportado ng Kamara ang mga inisyatibang ito na makatutulong sa pagpapa-unlad ng 70 milyong micro, small, at medium enterprises (MSMEs) sa ASEAN, na bumubuo sa 99% ng mga negosyo sa rehiyon.


“MSMEs are the backbone of our economies, and ensuring they have access to digital platforms, financing, and training will be essential to their success,” ayon kay Romualdez, bilang pagsang-ayon mga pananaw ng Pangulo na dapat pondohan at suportahan ang digital transformation para sa mga MSMEs.


“We in the House of Representatives will continue to work hand-in-hand with the Executive branch to allocate resources and pass measures that will ensure the Philippines plays a key role in making ASEAN a global economic powerhouse,” sabi pa nito.


Ayon kay Speaker Romualdez, ang digitalisasyon ay hindi lamang nagpapalakas ng mga ugnayang pang-ekonomiya sa mga miyembrong estado ng ASEAN kundi nagtataguyod din ng inklusibidad sa pamamagitan ng pagtugon sa digital gap, lalo na sa mga komunidad na hindi sapat ang serbisyo.


“We are committed to seeing the fruits of these efforts translate into a more vibrant, resilient, and inclusive economy for all Filipinos and our neighbors in the ASEAN region,” ayon pa kay Speaker Romualdez. (END)


——————————

Pagbibida ni PBBM sa ASEAN Business and Investment Summit makahihikayat ng dagdag pamumuhunan na lilikha ng dagdag na trabaho para sa mga Pilipino— Speaker Romualdez



Kumpiyansa si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na nakahikayat si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng mga mamumuhunan sa ginawa nitong pagbida sa Pilipinas sa ginanap na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Business and Investment Summit sa Laos.


Sa kaniyang mensahe sa ASEAN Business and Investment Summit noong Miyerkules, inilatag ni Pangulong Marcos ang istratehikong posisyon ng Pilipinas bilang lumalagong ekonomiya sa Southeast Asia, na may alok na iba't ibang oportunidad sa iba't ibang sektor gaya ng manufacturing, infrastructure, technology, at sustainable energy. 


Sabi ni Speaker Romualdez na ang pagdami ng mga dayuhang mamumuhunan sa bansa ay makalilikha ng dagdag na mapapasukang trabaho na may disenteng pa-sweldo, magbubukas ng oportunidad para sa mga lokal na negosyo at dagdag na kita para sa pagpapatupad ng mga programa sa edukasyon, imprastraktura, agrikultura at iba pa.


“The President’s presentation at the ASEAN Business and Investment Summit sends a clear signal that the Philippines is open and ready for business. His emphasis on the country’s competitive advantages has positioned us at the forefront of investment opportunities in the region,” sabi ni Speaker Romualdez, lider ng mahigit 300 kinatawan sa Kamara de Representantes.


“We are confident that the results of his pitch will be seen soon as businesses respond to the opportunities that our country offers,” dagdag pa niya.


Muling tiniyak ni Speaker Romualdez ang pagsuporta ng Kamara sa legislative agenda ng administrasyon ni Pangulong Marcos upang mapagbuti pa ang pamumuhunan sa bansa.


“We remain committed to working with President Marcos’s administration’s initiatives to provide a more conducive environment for foreign investments as part of the broader goal of achieving inclusive and sustainable economic development for the Filipino people,” sabi niya.


Ayon kay Speaker Romualdez ang pakikisalamuha ni Pangulong Marcos sa ASEAN business community ay inaasahang magreresulta sa pagdagsa ng mga foreign direct investment (FDI) na lalo pang magpapatibay sa direksyon ng ekonomiya ng bansa.


“Foreign investors are now looking at the Philippines with fresh eyes, especially given our efforts to improve infrastructure, digitalization, and ease of doing business,” wika niya.


“These investments will bring in capital that will drive new projects, create thousands of jobs for Filipinos, and spur economic growth across multiple industries. From manufacturing to IT services and tourism, we foresee major boosts in both local enterprises and the labor market,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.


Tinukoy din ni Romualdez na ang pagpasok ng mga mamumuhunan ay makatutulong sa pagkakaroon ng paglipat ng teknolohiya at kasanayan na pakikinabangan ng mga Pilipinong manggagawa at negosyante.


“Our people stand to gain from the innovation and expertise brought in by global companies. This will not only enhance our workforce’s competitiveness but also provide Filipino businesses with access to international markets and cutting-edge technologies,” aniya.


Sinabi pa ni Speaker Romualdez na ang aktibong pakikilahok ni Pangulong Marcos sa ika-44 at ika-45 ASEAN Summit ay lalong nagpatibay sa hangarin ng Pilipinas na bumuo ng matatag na ugnayang pang-ekonomiya sa pagitan ng ASEAN member states at karatig bansa, bagay na salig sa mithiin ng pamahalaan na gawing central hub ng komersyo at inobasyon sa rehiyon ang Pilipinas.  (END)


——————————

Speaker Romualdez suportado panawagan ni PBBM na bilisan negosasyon para sa SCS code of conduct



Suportado ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang panawagan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na bilisin ang negosasyon para matapos na ang ASEAN-China Code of Conduct (COC) upang matiyak ang pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa South China Sea.


Sa ika-27 ASEAN-China Summit sa Laos noong Miyerkoles, Oktobre 9, binanggit ni Pangulong Marcos ang panibagong pangha-harass at agresibong aksyon ng China Coast Guard sa mga sasakyang pandagat at panghimpapawid ng Pilipinas na nasasagawa ng routine activity sa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.


Ayon kay Pangulong Marcos, ang mga insidenteng ito ay malinaw na pagbabalewala sa international law at standard, partikular ang UNCLOS at nangangailangan ng sama-samang paggawa ng isang panuntunan upang hindi na ito muling maulit.


“The swift finalization of the Code of Conduct is essential in the pursuit of a peaceful resolution to the disputes in the South China Sea, managing tensions, and preventing future conflicts,” sabi ni Speaker Romualdez, lider ng Kamara de Representantes na mayroong mahigit 300 kinatawan.


“The House of Representatives stands solidly behind President Marcos in his steadfast efforts to secure a common ground for all stakeholders towards greater cooperation and security in the South China Sea,” dagdag pa nito.


Ipinunto ni Romualdez na ang mga pahayag ng Pangulo sa ASEAN Summit ay naglalayong protektahan hindi lamang ang interes at teritoryo ng bansa kundi maging ang kabuhayan ng mga mangingisdang Pilipino at ang seguridad sa pagkain ng bansa.


“This summit isn’t just about foreign policy. The President is working hard to safeguard our natural resources, which directly affects our fishermen and the communities that depend on them for their livelihood,” paliwanag ni Speaker Romualdez.


Sa kabila ng mga naging aksyon ng China, iginiit ni Pangulong Marcos na patuloy pa ring maghahanap ang bansa ng mapayapang resolusyon upang mapanatili ang kapayapaan at katatagan ng rehiyon.


“Looking ahead, the Philippines commits to deepening and expanding ASEAN-China relations in a comprehensive manner, thereby contributing further to the region’s long-term peace, development, and cooperation,” sabi ng Pangulo.


Habang naghahanap ng solusyon sa tensyon, nagpahayag ng kumpiyansa si Speaker Romualdez sa pamumuno ni Pangulong Marcos at iba pang lider sa ASEAN na magkakaisa ang mga ito sa pagpapanatili ng kaayusan at katatagan ng rehiyon. (END)

—————————


RPPt Speaker Romualdez tinukuran si PBBM sa pagsusulong ng digital connectivity, pagpapalakas ng MSMEs sa ASEAN



Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez si Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa kanyang pagdiin sa panawagan na palakasin ang digital connectivity at digitalization bilang mga pangunahing hakbang sa pag-unlad ng ekonomiya sa rehiyon ng ASEAN.


Sa plenary session ng 44th ASEAN Summit sa Laos, itinampok ni Pangulong Marcos ang pagbabago ng digitalization na isa umanong mahalagang puwersa para sa mabilis at matatag na pakikipag-ugnayan sa ASEAN at isang pangunahing kasangkapan para isulong ang inobasyon, pag-unlad, at mga pagkakaroon ng mga bagong pagkakataon.


Sinabi ni Speaker Romualdez na ang pakikilahok ng Pangulo sa ASEAN Summit at ang kaniyang adbokasiya para sa digital transformation ay pakikinabangan ng mga karaniwang Pilipino sa pamamagitan ng pagbubukas ng mas maraming trabaho at oportunidad sa negosyo.


(“This is not just about diplomacy and high-level discussions. The President’s push for stronger digital connectivity in ASEAN translates to real, tangible benefits for the Filipino people,” ayon kay Speaker Romualdez. 


“By fostering innovation and increasing access to digital markets, we are unlocking opportunities for local businesses, especially MSMEs, and creating new jobs for our workforce.”)


Binanggit din ni Romualdez na ang pagpapabuti ng digital connectivity sa rehiyon ay magbibigay daan sa mas maraming pagkakataon para sa mga negosyo at negosyante sa Pilipinas, na maaaring magresulta sa paglikha ng napakaraming trabaho para sa mga Pilipino. 


(“The President’s vision of a digitally connected ASEAN where innovation thrives and opportunities abound is fully aligned with our own national efforts,” ani Speaker Romualdez, pinuno ng Kamara de Representantes na mayroong mahigit 300 kinatawan.


“In the Philippines, we have already taken significant steps to accelerate digitalization through key initiatives such as the E-Government Act, the Public Service Act amendments, and various infrastructure programs aimed at expanding broadband access to remote areas,” dagdag pa nito.)


Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), umabot sa humigit-kumulang $35.4 bilyon ang digital economy ng bansa noong 2023 at nag-ambag ito ng 8.4 porsyento sa Gross Domestic Product (GDP) ng bansa. Nagresulta ito sa 7.7 porsyentong paglago mula sa $33.6 bilyon na Gross Value Added ng digital economy noong 2022.


Sa kanyang pahayag sa plenary session ng ika-44 na ASEAN Summit, inilarawan ni Pangulong Marcos ang kahalagahan ng paglikha ng isang ligtas at mapagkakatiwalaang digital environment upang itulak ang rehiyon na maging ika-apat na pinakamalaking ekonomiya sa buong mundo.


MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCES RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO


Kinilala rin ni Panguklong Marcos ang kahalagahan ng ASEAN Digital Economy Framework Agreement (DEFA) na layuning itaas ang digital economy ng ASEAN sa USD 2 trilyon bago mag-2030.


Ipinahayag ng Pangulo ang kahalagahan ng pamumuhunan sa matatag na cybersecurity, paglinang ng kasanayan ng mga tao sa digitalization, at pagbuo ng mga pangunahing digital infrastructure upang matiyak ang pang-ekonomiyang direksyon ng ASEAN.


Ayon kay Speaker Romualdez, suportado ng Kamara ang mga inisyatibang ito na makatutulong sa pagpapa-unlad ng 70 milyong micro, small, at medium enterprises (MSMEs) sa ASEAN, na bumubuo sa 99% ng mga negosyo sa rehiyon.


“MSMEs are the backbone of our economies, and ensuring they have access to digital platforms, financing, and training will be essential to their success,” ayon kay Romualdez, bilang pagsang-ayon mga pananaw ng Pangulo na dapat pondohan at suportahan ang digital transformation para sa mga MSMEs.


“We in the House of Representatives will continue to work hand-in-hand with the Executive branch to allocate resources and pass measures that will ensure the Philippines plays a key role in making ASEAN a global economic powerhouse,” sabi pa nito.


Ayon kay Speaker Romualdez, ang digitalisasyon ay hindi lamang nagpapalakas ng mga ugnayang pang-ekonomiya sa mga miyembrong estado ng ASEAN kundi nagtataguyod din ng inklusibidad sa pamamagitan ng pagtugon sa digital gap, lalo na sa mga komunidad na hindi sapat ang serbisyo.


“We are committed to seeing the fruits of these efforts translate into a more vibrant, resilient, and inclusive economy for all Filipinos and our neighbors in the ASEAN region,” ayon pa kay Speaker Romualdez. (END)

————————-


RPPt Speaker Romualdez suportado pagdalo ni PBBM sa ASEAN summit sa Laos



Buo ang suporta ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagdalo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa ika-44 at ika-45 na ASEAN Summits sa Vientiane, Lao People’s Democratic Republic (LPDR).


Iginiit ni Speaker Romualdez ang kahalagahan ng pagtitipon upang matugunan ang mga isyu na nakakaapekto sa rehiyon gayundin sa interes ng Pilipinas partikular ang isyu ng West Philippine Sea at ang pagtiyak na magpapatuloy ang pag-unlad nito.


Gaya ni Pangulong Marcos, sinabi ni Speaker Romualdez na mahalaga ang mga summit upang mapag-usapan ang mga geopolitical issue at kooperasyong pangrehiyon. Si Speaker Romualdez ay kasama sa opisyal na delegasyon ng Pilipinas sa Laos.


"The ASEAN Summits come at a crucial time for the Philippines, as we confront increasing tensions in the West Philippine Sea. President Marcos will articulate the country's advocacy for the peaceful resolution of disputes, in line with international law. It is vital that we stand united with ASEAN in promoting an open and rules-based order," ani Speaker Romualdez.


Sa ika-42 ASEAN Summite na ginanap sa Labuan Bajo, Indonesia noong Mayo 2023, nanawagan ang lider ng mga bansa sa rehiyon ng “self-restraint” sa paggawa ng mga aktibidad sa pinag-aagawang teritoryo at iginiit ang kahalagahan na mapanatili ang South China Sea bilang “sea of peace.”


Muli ring iginiit ng ASEAN leaders ang pangangailangan na masolusyunan ang problema ng mapayapa at naayon sa prinsipyo ng international law kabilang ang 1982 UNCLOS.


Bukod sa mga isyung pangrehiyon, sinabi ni Speaker Romualdez na mahalaga ang summit sa mga Pilipino upang matugunan ang kanilang pinansyal na pangangailangan.


Kumpiyansa rin si Speaker Romualdez na maisusulong ni Pangulong Marcos ang pagpapalalim ng ugnayan nito sa isang bansa na makatutulong sa pag-unlad at seguridad ng bansa.


"The well-being of the Filipino people depends on how we navigate these challenges. President Marcos' leadership in these summits is essential in ensuring that the Philippines not only secures its national interests but also contributes to the broader goals of regional stability and inclusive growth," sabi ni Speaker Romualdez. 


Ayon pa sa lider ng Kamara, ang tema ng ASEAN ngayong taon na “Enhancing Connectivity and Resilience” ay kahanay ng Agenda for Prosperity ng administrasyong Marcos na nakatuon sa pagpapalakas ng ekonomiya ng bansa at pagpapaganda ng kabuhayan ng mga Pilipino.


"These summits offer an opportunity to engage with ASEAN's external partners, paving the way for increased cooperation in key areas such as food and energy security, trade, investment, and supply chain resilience,” saad pa ni Romualdez.


“The focus on Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) is especially crucial, as these sectors are the backbone of our economy," dagdag pa nito.


Iginiit rin ng lider ng kamara ang pangangailangan na ipagpatuloy ang kolaborasyon ng mga miyembro ng ASEAN at mga partner nito upang matugunan ang mga pandaigdigang hamon at pag-unlad ng rehiyon. (END)

————————-


RPPt Speaker Romualdez ikinagalak pagtatalaga kay Cavite Gov. Jonvic Remulla bilang kalihim ng DILG



Ikinagalak ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang pagkakatalaga kay Cavite Governor Jonvic Remulla bilang Kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG).


Ipinahayag din ni Speaker Romualdez ang kanyang buong tiwala sa mga kwalipikasyon ng gobernador at sa malawak na karanasan nito sa lokal na pamahalaan na pamunuan ang DILG.


"We are happy with Gov. Jonvic’s appointment as DILG Secretary. Bilang isang matagal na naging lokal na opisyal, alam niya ang tunay na pangangailangan ng ating LGUs, lalo na pagdating sa pamamahala, kapayapaan at seguridad," ayon kay Speaker Romualdez.


Binigyang-diin ni Speaker Romualdez na ang mahabang panahon ng paglilingkod ni Remulla bilang lokal na opisyal ng pamahalaan ay nagbigay sa kanya ng natatanging kwalipikasyon para sa posisyon.


"Sa tagal na niyang naglingkod sa Cavite, kilala niya ang bawat sulok at pangangailangan ng kanyang probinsya. Alam ni Gov. Jonvic kung paano pag-isahin ang lokal na pamahalaan at ang pambansang gobyerno para sa kabutihan ng bawat Pilipino," ani Speaker Romualdez.


Pinuri rin ng lider ng Kamara ang paraan ng pamumuno ni Remulla na nagbunsod sa Cavite upang maging isa sa mga lalawigan sa Pilipinas na may mabilis na paglago ng ekonomiya.  


Ipinahayag niya ang kanyang tiwala na ang estratehikong pananaw at makabagong diskarte ni Remulla ay magdadala ng kinakailangang reporma at mga pagbabago sa mga LGU sa bansa.


"Gov. Jonvic’s deep understanding of local issues, combined with his dedication to public service, will greatly benefit our LGUs nationwide. He knows what it takes to elevate local governance and to create a safe and secure environment for all Filipinos," ayon kay Speaker Romualdez.


Binigyang-diin pa ng mambabatas mula sa Leyte ang pagtutok ni Remulla sa kapayapaan at kaayusan, na naging mahalagang aspeto ng kanyang pamumuno sa Cavite.


Kumpiyansa rin si Speaker Romualdez na ang pamamaraan ni Remulla sa pagpapanatili ng seguridad at katatagan ay magiging angkop sa kanyang bagong tungkulin bilang Kalihim ng DILG.


Kinilala rin ng lider ng Kamara ang mga pagsisikap ni Remulla sa paglikha ng mga polisiya na nagtataguyod ng kaunlaran, progreso sa ekonomiya, at malakas na pakikipagtulungan sa pagitan ng publiko at pribadong sektor sa Cavite, na binigyang-diin na ang mga inisyatibong ito ay maaaring epektibong maisakatuparan sa pambansang antas sa ilalim ng kanyang pamumuno sa DILG.


"Malaki ang ating tiwala na sa pamumuno ni Gov. Jonvic Remulla sa DILG, patuloy nating mapapaunlad ang ating mga lokal na pamahalaan," ayon pa kay Speaker Romualdez. (END)

——————-


RPPt Speaker Romualdez pinuri si PBBM sa pagsasabatas ng Self-Reliant Defense Posture Revitalization Act



Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang paglagda ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. sa Self-Reliant Defense Posture Revitalization Act, na isang malaking tagumpay para sa pagpapalakas ng kakayanang pangdepensa ng bansa sa gitna ng tensyon sa West Philippine Sea (WPS).


Nagpasalamat din ang lider ng Kamara de Representantes sa administrasyon ni Pangulong Marcos sa pagbibigay nito ng prayoridad sa pambansang seguridad at modernisasyon ng kakayanang pandepensa ng bansa na magiging mahalaga sa pagpapanatili ng kapayapaan at katatagan sa rehiyon habang pinangangalagaan ang mga interes ng bansa sa karagatang sakop ng Pilipinas.


“As a nation, we are committed to peace and diplomacy in the resolution of disputes, but we will also stand by our duty to defend our territory and uphold international law. This law ensures that our military is well-prepared and self-sufficient,” ani Speaker Romualdez.  


Ang Self-Reliant Defense Posture Revitalization Act ay naglalayong iangat ang lokal na industriya ng depensa, pahusayan ang mga inisyatiba para sa modernisasyon ng militar, at palakasin ang pakikipagtulungan sa mga kaalyadong bansa upang matiyak ang isang maaasahang estratehiya ng depensa laban sa mga panlabas na banta.


“This is a pivotal moment for the country. The passage and signing of this law sends a strong message that we are serious about protecting our sovereignty and securing our future,” ayon pa sa pinuno ng Kamara na may higit sa 300-kinatawan.  


Ang bagong batas, na kilala bilang Republic Act No. 10242, ay resulta ng pagsasama ng House Bill (HB) No. 9713 at Senate Bill (SB) No. 2455. Kabilang ito sa mga pangunahing panukala ng Pangulong Marcos Jr. at ng Legislative Executive Development Advisory Council (LEDAC).


Binibigyang-diin ni Romualdez ang kahalagahan ng batas na ito sa pagbawas ng pagdepende ng bansa sa mga military imports sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kakayahan sa lokal na pagpapagawa ng mga kagamitan, pananaliksik at pagpapaunlad.


Aniya, ito ay magtutulak sa modernisasyon ng militar ng bansa sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga lokal na industriya ng depensa, na mahalaga para sa mga ordinaryong Pilipino, dahil mas mapapangalagaan nito ang soberanya ng bansa, lalo na sa gitna ng tensyon sa mga lugar tulad ng West Philippine Sea.


Dagdag pa rito, binigyang-diin ni Romualdez na ang muling pagpapasigla ng lokal na industriya ng depensa ay makatutulong sa pag-unlad ng ekonomiya sa pamamagitan ng paglikha ng mga trabaho, pagsulong ng makabagong teknolohiya, at pagpapalaganap ng kulturang pagiging self-reliant sa loob ng sektor ng depensa.


“This law will not only strengthen our security but also open up opportunities for our industries to grow and innovate. It paves the way for greater collaboration between government and private sector partners to build a robust defense ecosystem,” saad pa nito. 


Sa ilalim ng RA 12024, sinabi ni Speaker Romualdez na bibigyang-prayoridad ang mga negosyo na pag-aari ng mga Pilipino na nakatuon sa pag-unlad, produksyon, produksyon ng mga piyesa, serbisyo, o operasyon ng mga gamit pandigma sa Pilipinas.


Hangga't maaari, ang Pilipino ang kukuning mangaggawa sa sektor na ito.


Bilang karagdagan, binubuksan ng batas ang mga pagkakataon para sa inobasyon sa mga larangan ng artificial intelligence, robotics, at cyber defense.


“By fostering technological advancements, the law will help the Philippines stay ahead in these emerging areas and contribute to long-term economic growth. By shifting the focus to local production of defense equipment, the law will lessen our country’s reliance on costly imports,” ayon kay Romualdez. 


“This ensures that Filipinos’ tax money is reinvested in our local economy and for social services, like education, health care, infrastructure, and financial assistance to the poor.”


Tiniyak din ni Speaker Romualdez na susuportahan ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang pagpapatupad ng batas sa pamamagitan ng pagtiyak na mayroon itong sapat na alokasyon sa badyet para sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at sa pag-unlad ng local defense industry. 


“As the leader of the House of Representatives, I pledge our full support in allocating the necessary resources to turn this law into reality. We will ensure that our armed forces have the tools, technology, and resources they need to protect our sovereignty and defend our people from any external aggression,” giit pa ni Romualdez. (END)

—————————


RPPt Speaker Romualdez pinuri pagpapalakas ng PH-South Korea strategic partnership 



Nagpahayag ng suporta si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa pagpapalalim at pagpapalawig ng partnership ng Pilipinas at Republic of Korea (ROK) na pinag-usapan sa isang state luncheon noong Lunes sa Malacañang bilang parangal kay South Korean President Yoon Suk Yeol at First Lady Kim Keon Hee.


Ayon sa lider ng Kamara de Representantes na mayroong mahigit 300 kinatawan, ang pagbisita ni Pangulong Yoon ay isang malaking hakbang para sa pagpapatibay ng Philippine-ROK relations. Ngayon taon ay ipinagdiwang ang ika-75 taong anibersaryo ng diplomatic relation ng dalawang bansa.


“As we celebrate the 75th anniversary of our diplomatic relations this year, President Yoon’s visit is a milestone that sets the stage for an even closer partnership,” ani Speaker Romualdez. “The elevation of our relations to a strategic partnership signals our shared commitment to navigate the increasingly complex global landscape together.”


Binigyan-diin ni Speaker Romualdez ang pagkakaisa ng Kongreso ng Pilipinas sa pagsuporta sa mga strategic initiative na naglalayong palakasin ang relasyon ng dalawang bansa.


“Congress is fully committed to nurturing and expanding our dynamic and multifaceted relations with South Korea. This partnership is vital to achieving shared prosperity and mutual growth,” sabi ni Speaker Romualdez.


Nagpahayag din ng kumpiyansa ang lider ng Kamara na lalo pang yayabong ang relasyon ng dalawang bansa sa larangan ng modernisasyon ng depensa, ugnayang pag-ekonomiya at palitan ng kultura.


“South Korea has long been one of our most reliable partners, not only in terms of trade but also in defense and security. Our nations continue to benefit greatly from this relationship,” punto ni Speaker Romualdez.


Kinilala rin ni Speaker Romualdez ang mahalagang papel ng South Korea sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines at ng mga humanitarian efforts nito sa mga joint exercise gaya ng KAMANDAG. 


“South Korea is a trusted defense partner, and their support for our military modernization and the Philippine Coast Guard is crucial to strengthening our national security and territorial integrity,” saad pa ni Speaker Romualdez.


Binanggit din ng lider ng Kamara ang lumalawak na kooperasyon ng dalawang bansa sa larangan ng ekonomiya, partikular ang pagkompleto ng domestic requirement para sa bilateral Free Trade Agreement (FTA), nations inaasahan na lalo pang magpapalalim sa relasyong pangkalakalan ng dalawang bansa.


“South Korea remains a key trading partner, and with the FTA, we foresee greater opportunities to expand our trade relations and increase economic exchanges for the benefit of both nations,” wika pa nito.


Kinilala rin ni Speaker Romualdez ang kahandaan ng ROK na suportahan ang mga proyektong pang-imprastraktura ng Pilipinas gaya ng pagsasagawa ng feasibility study sa Bataan Nuclear Power Plant para sa pag-unlad ng nuclear technology ng bansa.


“South Korea’s contributions to our development priorities through the Economic Development Cooperation Fund have been invaluable, and we look forward to continued cooperation in areas such as energy and infrastructure,” wika pa ng Speaker.


Ang South Korea rin umano ang pangunahing pinanggagalingan ng mga foreign tourist sa bansa sa nakalipas na dalawang taon na magpapalakas sa pagkaka-unawaan ng mga residente ng dalawang nasyon.


“The strong bond between our people is a cornerstone of our relationship, and we are excited to see this connection flourish further through increased tourism and cultural exchanges,” sabi nito.


Muli ring iginiit ni Speaker Romualdez ang pangako ng Pilipinas, partikular ang lehislatura na palakasin ang strategic partnership ng bansa sa South Korea.


“As we move forward, we are confident that the Philippines and South Korea will continue to work closely together, addressing global challenges and building a future of shared progress, peace, and prosperity,” deklara ng lider ng Kamara.


Noong Hulyo 2023, bumisita ang noon ay Speaker Kim Jin-Pyo ng National Assembly ng South Korea kay Speaker Romualdez sa Batasang Pambansa sa Quezon City, na lalong nagpalakas sa relasyon ng lehislatura ng dalawang bansa.


Sa naturang pagbisita, iprenisinta ni Speaker Romualdez ang  House Resolution No. 93 na pinagtibay kasama ang South Korea para sa selebrasyon ng ika-70 anibersaryo ng Korean Armistice Agreement. (END)


————————-

RPPt Hindi maipaliwanag na kontrobersya sa OVP, DepEd budget dahilan ng pagbulusok ng trust approval rating ni VP Sara— Majority Leader Dalipe



Ang pagkabigo ni Vice President Sara Duterte na ipaliwanag ang kinukuwestyong paggastos nito sa pondo ng Office of the Vice President (OVP) at Department of Education (DepEd) ang nakikitang dahilan ni House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” M. Dalipe ng Zamboanga City sa pagbulusok ng rating nito.


Ang pahayag ni Dalipe ay kaugnay ng kaugnay ng resulta ng survey ng Stratbase, Inc. na isinagawa noong Setyembre kung saan bumaba sa 29% ang nakuha ni VP Duterte mula sa 45% noong Hulyo, o bumaba ng 16%.


Sinabi ni Dalipe na ang porsyento ng mga sumagot na may "mataas na tiwala" kay Duterte ay bumaba ng 10%, na lalong nagdiin sa laki ng pagbagsak ng kanyang kasikatan.


Naniniwala si Dalipe na ang patuloy na pag-iwas ni VP Duterte na harapin ang mga paratang ng umano’y iregularidad sa OVP at sa kanyang panahon bilang kalihim ng DepEd sa mga pagdinig sa Kongreso ay nagdulot ng lumalaking kawalan ng tiwala ng publiko sa kanya bilang isang halal na opisyal.


Sinabi ni Dalipe na ito ang pinakamalaking pagbagsak sa ratings sa hanay ng mga pangunahing opisyal ng gobyerno ng bansa.


“Sa palagay natin, nagde-demand ng transparency at accountability ang taumbayan kay VP [Sara] sa gitna ng napakaraming tanong na hindi niya sinasagot o masagot. Repleksyon ito kung anong klaseng lider ka kasi dapat iniingatan natin ang pondo ng bayan,” ayon kay Dalipe.


PINAKAMALAKING PAGBABA SA BALANCE LUZON


Batay sa resulta ng survey, sinabi ni Dalipe na nakapagtala si VP Duterte ng pinakamalaking pagbagsak sa kanyang trust ratings sa Luzon (hindi kasali ang Metro Manila) kung saan ang trust rating ay bumagsak ng 25% o mula 36% noong Hunyo ay naging 11% na lamang nitong Setyembre.


Ito aniya ay sinundan ng 21% na pagbagsak sa National Capital Region (NCR), kung saan ang trust rating niya ay bumaba sa 13% mula sa dating 34%.


Ayon kay Dalipe, naitala ang 15% na pagbagsak sa Visayas, habang ang kanyang trust ratings sa Mindanao ay bahagyang tumaas ng 4%. Ang survey ay mayroong margin of error na ±3%.


PAGBABA NG RATING SA URBAN AT RURAL AREAS


Ayon sa mambabatas, ang trust rating ni Duterte ay naapektuhan maging sa urban at rural areas. Sa urban areas, bumaba ang kanyang trust rating sa 21%, samantalang sa rural areas ay nagkaroon ito ng 11% na pagbagsak.


“This shows that regardless of geography, the call for accountability resonates deeply with Filipinos everywhere,” ayon kay Dalipe.


PAGBABA SA UPPER AT MIDDLE-CLASS 


Ayon kay Dalipe, ang pagbagsak ng trust ratings ay naramdaman sa lahat ng socio-economic classes, na may pinakamalaking pagbaba na naitala sa mga upper at middle class (ABC), kung saan ang kanyang trust rating ay bumagsak ng 26%. Ang Class D ay nagkaroon ng 15% na pagbagsak, habang ang Class E ay nagpakita ng 9% na pagbaba.


“This erosion of trust among the upper and middle classes is especially alarming, as these groups typically have a significant impact on public opinion,” ayon pa sa obserbasyon ni Dalipe.


KABABAIHAN BUMABA ANG TIWALA KAY VP


Ipinapakita rin sa survey, ang malaking pagbaba ng tiwala ng mga kababaihan kay Duterte na bumaba ng 22% o mula sa 50% noong Hunyo ay naging 28% nitong Setyembre. Habang ang mga kalalakihan ay bumagsak din ng 10%.

 

“It’s clear that the Vice President is losing support from women, who may have once been a strong base for her,” giit pa ni Dalipe.


PAGBABA NG RATING, SA PANGKALAHATANG EDAD


Ayon kay Dalipe, ang pagbagsak sa trust ratings ni Duterte ay pareho sa lahat ng antas ng edad.


Sinabi niya na ang pinakamalaking pagbaba ay nakita sa mga nasa edad 35-44, kung saan ang kanyang trust rating ay bumagsak ng 19%, kasunod ng 16% na pagbagsak sa mga nasa edad 45-54.


Pati na rin ang mga mas batang botante na nasa edad 18-24, na madalas na itinuturing na mas matatag sa kanilang mga opinyon, ay nagpakita ng 11% na pagbaba, ayon pa sa mambabatas.


PINAKAMALAKING PAGBABA NG TRUST RATING SA MGA NAKAPAGTAPOS NG KOLEHIYO


Ayon kay Dalipe, nakaranas si Duterte ng pinakamalaking pagbagsak sa tiwala sa mga nakapagtapos ng kolehiyo, na may 37% na pagbaba.


Sinabi niya na hindi rin nakaligtas ang mga may mas mababang antas ng edukasyon, dahil ang kanyang trust rating ay bumaba ng 20% sa mga respondent na nakapagtapos lamang ng elementarya.


PANAWAGAN PARA SA TRANSPARENCY AT PANANAGUTAN


Iniuugnay ni Dalipe ang malaking pagbagsak na ito sa pagtanggi ni Duterte na harapin ang mga paratang ng mga iregularidad sa badyet sa OVP at mga kahina-hinalang desisyon sa pagbili ng mga kagamitan sa DepEd.


“Palagay ko, hangga’t hindi satisfactorily naipapaliwanag ni VP Duterte ang mga tanong sa paggamit niya ng pondo ng bayan sa DepEd at sa OVP, magpapatuloy na mawawalan ng tiwala ang mga kababayan natin sa kanya,” ayon kay Dalipe.


“Ang kailangan ng mamamayan ay sagot, hindi palusot,” dagdag pa nito.


Hinimok ni Dalipe si Duterte na direktang harapin at sagutin ang mga alegasyon na ipinupukol sa kaniya.


“If she wants to restore the public’s faith in her leadership, she must be willing to explain these anomalies transparently and truthfully, under oath. This is the only way to regain the trust of the Filipino people,” dagdag pa ng kongresista. (END)

———————————


RPPt PBBM tama sa pagpapasara ng mga POGO- DS Suarez


Tama ang naging desisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.na ipasara ang mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGO), na nauugnay sa mga sindikato ng iligal na droga, at mga kaso ng extrajudicial killings, na nagsisilbing banta sa seguridad at kapayapaan ng bansa, ayon kay Deputy Speaker David "Jayjay" Suarez.


"President Marcos was absolutely correct in his call to shut down POGOs. Nakita naman natin sa ating mga Quad Committee hearings na hindi lamang ito tungkol sa sugal, linked din ito sa iligal na droga, at EJKs. Hindi ito simpleng problema: this is organized crime, and we must put an end to it,” ani Suarez.


Sa pagdinig ng Quad Committee ng Kamara de Representantes, lumalabas umano na mayroong isang malawak na sindikato na umano’y pinamumunuan ng dating presidential adviser ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na si Michael Yang katuwang ang negosyanteng si Allan Lim.


Ang sindikatong ito ay sangkot sa iba’t ibang kriminal na gawain—mula sa pagpupuslit ng droga, money laundering, hanggang sa pagpapatakbo ng mga iligal na POGO—na isinasagawa kasabwat ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.


Sa pagdinig, kapwa iprinesinta nina Suarez at Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” Gonzales Jr. ang isang detalyadong matrix na nagpapakita kung paano pinamunuan nina Yang at Lim, kasama ang kanilang mga kapwa Chinese, ang nasa likod ng isang malawak na criminal network.


Dagdag pa ni Suarez, natuklasan sa mga pagdinig ang mas malalim na ugnayan ng operasyon ng POGO sa mga kriminal na gawain, na nasa likod ng lehitimong gaming operations, talamak ang mga iligal na aktibidad gaya ng human trafficking, money laundering, at mga krimeng may kinalaman sa droga.


"Hindi lang POGO ang problema dito. The evidence presented during the Quad Comm hearings shows that drug syndicates are using these platforms as a front for their illegal trade. Nakakatakot na hindi lang sugal ang pinag-uusapan natin dito, kundi ang buhay ng ating mga kababayan," ayon pa sa mambabatas mula sa Quezon.


Ipinunto rin ng mambabatas ang nakakabahalang pagdami ng mga extrajudicial killings na konektado sa iligal na industriya ng POGO.


"We cannot ignore the growing violence surrounding POGO activities. People are being killed, and these deaths are directly linked to the criminal syndicates operating behind the scenes. Kailangan natin itong sugpuin nang mabilis," ayon kay Suarez.


Binanggit pa niya na kahit na may mga hakbang nang isinasagawa ang gobyerno upang ipasara ang mga operasyon ng POGO, hindi dapat huminto ang laban sa mga iligal na aktibidad na ito.


"POGOs are just one part of a larger problem. We need to dismantle the entire network of syndicates using these platforms as a cover for their illicit operations. I fully support President Marcos in his commitment to cleaning up these industries," dagdag pa ni Suarez.


“Dapat din nating papanagutin ang mga politikal na personalidad na sumuporta at nagpadrino sa mga POGOs na ito. They should be held accountable, especially if their participation entailed violating the law or circumventing our statutes,” saad pa nito.


Nanawagan rin si Suarez para sa mas mahigpit na pagpapatupad ng batas at mga reporma sa polisiya upang mapigilan ang pagbabalik ng mga ganitong uri ng operasyon sa hinaharap.


"We cannot allow this to happen again. We need stricter laws, better enforcement and more cooperation between our agencies to ensure that the Philippines does not become a haven for criminals," ayon pa rito.


Pinasalamatan din ni Suarez ang isinasagawang imbestigasyon ng Quad Comm, na may malaking bahagi sa pagtuklas ng lalim ng problema.


"Maraming salamat sa ating mga kasamahan sa Kongreso na patuloy na naghahanap ng katotohanan. We need to remain vigilant and continue this fight until we eliminate every trace of these operations," saad pa ni Suarez. (END)

—————————-

RPPt PBBM, Speaker Romualdez, Tingog, DSWD pinangunahan halos P100M payout sa 12k benepisyaryo sa Davao region



Pinangunahan nina Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr., Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez, Tingog Partylist Reps. Yedda K. Romualdez at Jude Acidre, Social Welfare and Development (DSWD) Sec. Rex Gatchalian, at iba pang ahensya ang paghahatid ng halos P100 milyong halaga ng tulong sa may 11,808 benepisyaryo sa Davao Region kasama ang healthcare worker, estudyante, mga kabataan, at mga guro.


Sa ilalim ng flagship program ni Pangulong Marcos na Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP), na pinasimulan ng Kamara de Representantes sa pangunguna ni Speaker Romualdez at DSWD bilang implementing agency, inanunsyo ni House Deputy Secretary General Sofonias “Ponyong” P. Gabonada ang payout ng AKAP sa iba’t ibang sektor sa Davao Region para sa libu-libong indibidwal at pamilya na may kabuuang halagang P91.955 milyon.


“With the instruction of President Marcos, we will continue to deliver direct assistance to our people, especially with the good news about the inflation last month that eased to 1.9 percent from 3.3 percent in August and 4.4 percent in July,” ani Speaker Romualdez. 


“From the national level down to local officials, President Marcos is working very hard through unity and cooperation to deliver meaningful support and uplift the lives of the Filipino people,” dagdag pa ng lider ng Kamara.


“The Marcos administration is very responsive to the needs of our people, and it is our commitment that no Filipino should feel abandoned during crises. Tingog will always work hard to ensure that aid will be delivered to those who need it most,” sabi naman ni Rep. Yedda Romualdez said.


Sabi naman ni Acidre, “Tingog, being a consistent partner of the Marcos administration in providing help to all sectors, will continue to champion efforts that bring tangible support to our people. Whether it is healthcare workers, students, educators, and others, they all deserve timely assistance.”


Sinabi ni Gabonada na AKAP payout ay ginanap noong Oktobre 2 sa Davao de Oro State College (DDOSC) New Bataan Campus, kung saan 2,190 estudyante ang nakatanggap ng tig-P2,000 tulong o kabuuang P4.38 milyon.


Ayon kay Gabonado, ang event ay dinaluhan nina reelectionist Sen. Ramon “Bong” Revilla, Jr., Davao de Oro 1st District Rep. Maria Carmen “Maricar” S. Zamora, at iba pang lider ng Lakas-Christian Muslim Democrats (CMD) mula sa mga bayan New Bataan, Monkayo, Compostela, Montevista, Maragusan, Maco, Nabunturan, at Laak. 


“This is the commitment of the Marcos administration and the House of Representatives under Speaker Romualdez's leadership in partnership with Tingog Partylist, government agencies, and local officials to continue supporting Filipinos in need, especially in the face of challenging times,” ani Gabonada.


Sa kaparehong araw, sinabi ni Gabonada na ang tanggapan ni Speaker Romualdez, Tingog, DSWD, at iba pang partner ay nanguna rin sa payout sa Davao Regional Medical Center (DRMC) sa Tagum City.


Binigyan umano ang may 2,288 benepisyaryo ng tig-P10,000 o kabuuang P22.88 milyon.


Sa ilalim ng AKAP, ayon kay Gabonada binigyan ng kabuuang P56.09 milyon ang may 5,609 benepisyaryo sa Southern Philippines Medical Center (SPMC) sa Davao City, tig-P10,000.


Ayon kay Gabonada ang payout ceremony ay ginanap sa Medical Social Service Building ng SPMC at dinaluhan ng mga pangunahing opisyal kabilang sina Dr. Ricardo Audan, Medical Center Chief, Atty. Oscar Mata, Chief Administrative Officer, Director Edwin Morata mula sa DSWD-Central, at Gerry Ramirez, Social Services Head ng Office of the Speaker.


Natulungan din sa ilalim ng AKAP noong Oktobre 5 ang 1,721 guro sa pribadong paaralan sa Tagum City na nakatanggap ng tig-P5,000 o kabuuang P8l605 milyon, ayon kay Gabonada. Dumalo sa event sina Davao del Norte Vice Governor De Carlo “Oyo” Uy at ilan pang opisyal sa lugar. (END)


—————————-

RPPt Speaker Romualdez kumpiyansa sa kakayanan ni DML Tulfo na sumali sa Lakas-CMD



Nagpahayag ng kumpiyansa si Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa kakayanan ni Deputy Majority Leader for Communications Erwin Tulfo sa pagtaguyod sa kapakanan ng mga ordinaryong Pilipino.


Si Speaker Romualdez ang nangasiwa sa panunumpa ni Tulfo bilang miyembro ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD) noong Biyernes.


“Rep. Erwin Tulfo is a tremendous asset to both our party and the nation, embodying not only seasoned public service but also courage and integrity,” ani Speaker Romualdez, pangulo ng Lakas-CMD.


Si Tulfo ang ika-112 miyembro ng Lakas-CMD sa Kamara de Representantes ngayong 19th Congres. Siya ay dating journalist at kalihim ng Department of Social Welfare and Development, na nakilala sa kanyang walang takot na pagseserbisyo sa publiko at walang humpay na dedikasyon sa pagtaguyod sa kapakanan ng mga ordinaryong Pilipino.


Siya ay kasalukuyang nangunguna sa mga survey kaugnay ng May 2025 senatorial election.


“Cong. Erwin’s track record speaks for itself, and we are honored to welcome him into Lakas-CMD. His fearless advocacy for the underprivileged and commitment to improving the lives of ordinary Filipinos make him a perfect fit for our mission of nation-building,” sabi ni Speaker Romualdez.


Nagpahayag din ng kumpiyansa si Speaker Romualdez na ang pagpasok ni Tulfo sa partido ay magdadala ng bagong enerhiya sa panahon na mahalaga ang pamamahala.


“As the newest member of Lakas-CMD in the House, Cong. Erwin strengthens our commitment to public service. His no-nonsense approach is exactly what we need as we push for reforms and transparent governance,” saad pa ni Speaker Romualdez.


Ang pagpasok ni Tulfo, ayon sa lider ng Kamara, ay inaasahan din na magpapalakas sa pagsulong ng mga panukalang batas na magdadala ng kinakailangang pagbabago sa lipunan at sa pagpapabuti ng kapakanan ng mga Pilipino.


“With Cong. Erwin on board, we are even more determined in our quest for meaningful change. His experience, leadership, and dedication to public welfare will be invaluable not just to Lakas-CMD but to the entire nation,” punto ni Speaker Romualdez.


“His voice will play a crucial role in advancing our legislative agenda, and we are confident that his influence will help uplift the lives of every Filipino,” dagdag pa nito. (END)

—————————

RPPt PNP diplomatic channel sisilipin sa umano’y paggamit ni Garma sa pagpapadala ng milyon sa dating asawa sa US



Sisilipin ng quad committee ng Kamara de Representantes ang paggamit umano ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma sa diplomatic channel ng Philippine National Police (PNP) upang makapagpadala ng milyong halaga sa kanyang dating mister na dati ay nakatalaga sa Estados Unidos.


Nananatili pa ring palaisipan sa quad comm kung bakit magpapadala ng malaking halaga si Garma sa dati nitong asawa na si Police Colonel Roland Vilela.


Sa pagdinig ng komite noong Setyembre 27, lumabas ang mga ebidensya kaugnay ng umano’y paggamit ng diplomatic pouch ng PNP upang makapagpadala ng malaking halaga kay Vilela noong ito ay isang police attaché sa Philippine Consulate General sa Los Angeles, California sa pagitan ng 2020 at 2022.


Ang PNP diplomatic pouch ay ginagamit para sa opisyal na komunikasyon at suweldo ng attaché.


Sa pagtatanong ni Antipolo City 2nd District Rep. Romeo Acop sa mga opisyal ng PNP kabilang ang dating hepe ng Directorate for Intelligence bago naging PNP Chief na si Benjamin Acorda Jr., lumabas na posibleng magamit sa personal na interes.


Ayon kay Acorda may mga pagkakataon na kakailanganin ng dagdag na pera ng police attache at maaari itong idaan sa diplomatic pouch. "Yes, Your Honor. Especially if there are some special occasions or visits and additional expenses that are incurred by our police attachés,” paliwanag ni Acorda.


Tinanong din ni Acop kung maaaring gamitin ang diplomatic pouch sa personal transfer na kunwari ay isang opisyal na padaal. “Personal na padala pupuwede, would that be correct?” 


Sagot naman ni Acorda, “Yes, Your Honor, to my understanding.”


Tinanong din ni Acop si Vilela kung mayroon itong tinanggap na pera sa diplomatic pouch bukod sa kanyang opisyal na sahod.


“Kanino galing iyong hindi kasama sa suweldo mo at MOOE na natatanggap mo through the diplomatic pouch?” tanong ni Acop.


Sagot naman ni Vilela, “Iyong sahod ko po na dito, Your Honor” na ang tinutukoy ay ang P120,000 buwanang sahod nito sa Pilipinas bukod pa sa $8,000 na kanyang kinikita bilang isang police attaché.


Inusisa rin ni Acop si Police Captain Delfinito Anuba na inuutusan umano ni Vilela at siyang nagpapalit ng peso para maging dollar na ipinadala sa kanya sa US.


Ayon kay Anuba inutusan siya ni Vilela upang magpapalit ng pera.


Sinabi ni Anuba na ang peso ay ibinigay sa kanya ni Sergeant Enecito Ubales Jr. upang ipapalit.


“Saan mo naman kukunin iyong peso na iko-convert mo sa dollars?” tanong ni Acop na sinagot ni Anuba ng, “Sa PCSO building, Sir… Mga security po ni GM [Garma], Sir.”


Ayon kay Anuba dalawang beses itong nagpapalit ng malaki— isang P30 milyon at isang p20 milyon.


Itinanggi naman niu Ubales, na pinsan at security aide ni Garma, ang sinabi ni Anuba.


“May katotohanan ba iyong sinabi niya [Anuba]?” tanong ni Acop na itinanggi ni Ubales.


Sinabi ni Acop na “Mas paniniwalaan ko ito [Anuba]. Sinungaling ka (Ubales) rin, eh.”


Ikinontempt ng komite si Ubales at ipinakulong sa Quezon City Jail.


Hindi pa natutukoy ng komite kung para saan ang perang ipinadala kay Vilela at patuloy ang ginagawa nitong pangangalap ng dokumento at impormasyon.


Si Garma ay naging sentro ng imbestigasyon dahil sa pagiging malapit umano nito kay dating Pangulong Rodrigo Duterte at sa kanyang papel sa implementasyon ng madugong war on drugs ng nakaraang administrasyon.


Si Garma ay dating Police colonel na matagal na naitalaga sa Davao at humawak sa iba’t ibang posisyon bago naging general manager ng PCSO.


Naitalaga umano si Garma sa PCSO sa tulong ng ngayon ay Sen. Christopher “Bong” Go. Siya ay nag-early retirement sa PNP at makalipas ang ilang araw ay inanunsyo ng administrasyong Duterte na siya ay itatalaga sa PCSO.


Apat na testigo ang nag-ugnay kay Garma sa pagpatay sa tatlong Chinese drug lord na nakakulong sa Davao Prison and Penal Farm noong 2016 na itinuturing na bahagi ng extrajudicial killings sa ilalim ng war on drugs ni Duterte.


Si Garma ay itinuturo rin na nasa likod ng pagpatay kay PCSO board secretary Wesley Barayuga, na isang retiradong police general dahil sa pagtutol umano nito sa pagpapalawig ng operasyon ng small town lottery.


Si Garma ay iniuugnay din sa Davao Death Squad (DDS), ang vigilante group na itinuturong nasa likod ng mga EJK noong panahon ni Duterte bilang mayor ng Davao City.


Sinabi ng self-confessed DDS hitman Arturo Lascañas na si Garma ay isa sa mga unang miyembro ng DDS at lider umano ng isang grupo ng mga hitmen.


Nakikipag-ugnayan si Lascañas sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng imbestigasyon nito sa war on drugs ni Duterte.


Itinanggi ni Garma ang mga alegasyon laban sa kanya.


Noong Agosto 28, si Garma ay pinagbawalan na pumunta sa Estados Unidos mula sa Japan matapos kanselahan ng US gov’t ang kanyang visa na valid hanggang 2028.


Tumanggi ang US embassy na magkomento kaugnay nito pero katulad din ito ng nangyari kay Senator Ronald “Bato” dela Rosa noong 2020. Kinansela umano ang US visa ni Dela Rosa dahil sa kanyang kaugnayan sa war on drugs ng administrasyong Duterte. (END)

No comments:

Post a Comment