Wednesday, October 23, 2024

23 October 2

P6.352-T 2025 BUDGET ISINUMITE NG KAMARA SA SENADO


Pormal nang isinumite ng Kamara sa Senado kahapon (Oktubre 24) ang P6.352-trilyong panukalang 2025 budget na nakatutok sa social services at food security. 


Sa pangunguna ni Ako Bicol Rep. at House appropriations committee chairman Zaldy Co, ang naturang budget ay naglalaan ng malaking pondo para sa mahihirap, magsasaka, mag-aaral at mga sundalo.


Ayon kay Co, dinagdagan ng Kongreso ang pondo para sa Assistance to Individuals in Crisis Situations o AICS at Ayuda para sa Kapos ang Kita Program o AKAP para naman sa mga may trabaho ngunit kulang ang sahod. May dagdag ding pondo rin para sa edukasyon, agrikultura at maging subsistence allowance ng mga sundalo. 


Ang budget ay nakatakdang pag-usapan sa Senado. Inaasahan itong matatapos sa Disyembre para malagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. bago matapos ang taon. 

——————————


BILYUN-BILYONG PONDO PARA SA  BICOL FLOOD CONTROL 'FAKE NEWS' – REP. ZALDY CO


Pinabulaanan ni Rep. Zaldy Co, chairman ng House appropriations committee, ang kumakalat sa social media may bilyun-bilyong pisong pondo umano para sa flood control projects sa Bicol Region.


Ayon sa mambabatas, wala umanong katotohanan at pawang 'fake news' ang naturang balita na napakalaki ng pondo sa flood control sa kanyang lugar. Sa katunayan, isa aniya sa pinakamaliit ang alokasyon ng Bicol para sa national road at flood control projects.


Ayon kay Co, ang prayoridad ng kasalukuyang administrasyon at ni House Speaker Martin Romualdez ay ang pagsasama o convergence ng flood control sa water management ng National Irrigation Administration para palakasin ang food security.


Diin ni Co, ang bawat proyekto para sa pagbaha ay konektado sa irrigation facilities ng NIA para matugunan ang pangangailangan sa patubig ng mga sakahan.

—————————-


Speaker Romualdez suportado pagkansela ng Quad Comm hearing, pagtuon ng atensyon sa pagtulong sa nasalanta ng bagyong Kristine



Buo ang suporta ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez sa naging desisyon ng Quad Committee ng Kamara de Representantes na kanselahin ang nakatakdang pagdinig ngayong Huwebes upang maituon ang atensyon ng mga mambabatas sa pagtulong sa mga nasalanta ng bagyong Kristine.


Iginiit ni Speaker Romualdez ang kahalagahan na ang mga opisyal ng gobyerno, kasama ang mga miyembro ng Kamara ay kasama ng kanilang mga constituent sa mga kritikal na panahon.


"We welcome the decision of the Quad Comm as announced by Chairman Ace Barbers. Ang atensyon dapat natin ngayon ay kung paano makakatulong sa ating mga kababayang nasalanta ng bagyo,” ani Speaker Romualdez.


“It will allow our representatives to be where they are most needed – among their people, providing immediate aid and relief. In moments like this, it is imperative that we set aside our legislative duties to prioritize the welfare of our fellow Filipinos,” saad ng lider ng Kamara na mayroong mahigit 300 miyembro.


Kinilala rin ni Speaker Romualdez ang mabilis na aksyon ng Kamara kaya nabuo ang P411 milyong halaga ng tulong na ipadadala sa mga nasalanta.


“This financial assistance is just the beginning of our efforts to help our kababayans recover from this disaster as instructed by President Ferdinand R. Marcos Jr.,” ani Speaker Romualdez.


"The resources we have mobilized reflect our commitment to respond promptly and with urgency to the needs of those displaced and affected by Typhoon Kristine. We are doing everything in our power to make sure help reaches the most vulnerable," dagdag pa nito.


Matatandaan na nakipag-ugnayan si Speaker Romualdez upang agad na makapagpalabas ng P390 milyong halaga ng cash assistance sa 22 distrito na apektado ng bagyo sa Bicol Region, Eastern Visayas, CALABARZON, at MIMAROPA, gayundin sa apat na party-list representative na nakabase sa mga rehiyong ito.


Sinabi ni House Deputy Secretary General Sofonias “Ponyong” P. Gabonada na ang Office of the Speaker at Tingog Party-list ay naghanda ng tig-2,500 relief pack para sa bawat kinatawan o kabuuang 62,500 pack na nagkakahalaga ng mahigit P21 milyon na mula sa Speaker Disaster Relief Funds upang matulungan ang mga nasalanta ng bagyo,


Mayroon din umanong bukod na relief mission si Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co, chairman ngHouse Committee on Appropriations. 


"Ngayon ang tamang panahon para magkaisa tayo bilang isang bansa, kailangan nating lahat magtulungan. Bayanihan ang sagot dito. We call on every Filipino, from all sectors, to contribute what they can to support those in need. The recovery and rebuilding process will take time, and everyone’s participation is vital," sabi ni Speaker Romualdez.


"What we need is a 'whole-of-nation approach' to rebuild lives and communities. This includes not just government intervention but also collaboration from the private sector, NGOs and ordinary citizens. Together, we can get through this,” wika pa nito.


Tiniyak ng lider ng Kamara na patuloy ang isasagawa nitong pagbabantay, maglalaan ng pondo at gagawa ng batas kung kinakailangan para sa mabilis na pagbangon ng mga nasalanta.


"Rest assured that we are prepared to provide further assistance should the situation escalate or should more help be needed. We are constantly coordinating with national and local agencies to ensure that relief efforts are ongoing and sustained,” saad pa ni Speaker Romualdez.


“Sa mga pamilyang nawalan ng tirahan at kabuhayan, palagi kayong nasa aming mga dasal. The House of Representatives, along with the whole nation, stands with you. We are ready to assist in any way we can." (END)

————————


Pagdinig ng House Quad Comm kinansela dahil sa Bagyong Kristine


Ipinagpaliban ng House Quad Committee ang ika-10 pagdinig nito ngayong araw upang bigyang daan ang mga miyembro ng Kamara de Representantes na matulungan ang mga naapektuhan ng pananalasa ng Bagyong Kristine.


Nagpahayag si Rep. Ace Barbers, overall chairman ng Quad Committee, ng pag-aalala para sa mga Pilipinong naapektuhan ng bagyo at nanawagan para sa pagkakaisa at mabilis na aksyon para umagapay sa mga nangangailangan.


“Our primary focus right now is to assist our constituents who have been severely impacted by Typhoon Kristine. Many of our fellow Filipinos are dealing with devastating loss and damage to their homes, livelihoods, and communities. As representatives of the people, we have a duty to be on the ground and lend every possible support,” sabi ni Barbers.


Binigyang diin din ng mambabatas ang pangangailangan sa isang whole-of-nation approach sa pag responde sa krisis. 


“This is not the time for division. We need a united response to ensure that those who are hardest hit by this calamity receive immediate relief. The national government, local government units, the private sector, and civic organizations must all come together in a coordinated effort to help our kababayans rebuild,” dagdag pa ni Barbers.


Ipinaabot din ni Barbers ang pakikidalamhati sa mga biktima ng bagyong Kristine. “Our hearts go out to every Filipino family affected by this disaster. We stand with you in this difficult time, and rest assured that we will do everything in our capacity to assist in the recovery process.”


Hinikayat naman niya ang mga kasamahang mambabatas na tutukan ang kanilang mga lokal na komonidad at manguna sa pagpapaabot ng tulong. “Our duty extends beyond legislation—we are here to serve, especially in times of crisis. Let us focus all our attention on providing immediate aid to those who need it the most.”


Ayon kay Barbers isasapubliko kung ng House Quad Committee kung kailan ang susunod nitong pagdinig. (END)

————————


Paglaban sa iligal na droga, hindi pagsasagawa ng EJK pinondohan ng Kongreso— Rep Abante



Iginiit ng isa sa mga lider ng House Quad Committee na pinondohan ng nakaraang mga Kongreso ay ang kampanya laban sa iligal na droga at hindi ang pagsasagawa ng extrajudicial killings kung saan nasa 20,000 ang nasawi, marami sa mga ito ay inosente at nadamay lang.


Ito ang sinabi ni Manila 6th District at House Committee on Human Rights Chair Rep. Benny Abante bilang sagot sa mga patutsada na bumaliktad na ang mga mambabatas na dating pumapalakpak sa Duterte drug war.


Iginiit ni Abante na bagamat sinuportahan ng Kongreso ang laban kontra droga ng dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pamamagitan ng pagbibigay ng pondo sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) hindi umano kasama rito ang pagpatay sa mga inosenteng, mahihirap na Pilipino.


"The objective of this campaign was to end the threat posed by illegal drugs, not to cut short the lives of innocent men, women, and children,” ayon kay Abante. 


“The bloody drug war implemented during the Duterte administration, as explained by one of our colleagues, did not solve the drug problem. In fact, it worsened it, creating more harm than good by orphaning thousands of children who lost their parents, often the family breadwinners, on mere suspicion of involvement in drugs,” ayon pa sa mambabatas.


Sinabi pa ng mambabatas, "The victimized families, left fatherless by Oplan Tokhang and Oplan Double Barrel, are now even poorer five to ten years later. With no support from their slain breadwinners, these children and relatives struggle to get a proper education, and as a result end up as street children who often get involved in petty crimes due to their poverty. Instead of solving the problem, the previous administration exacerbated it.” 


Sinabi pa ni Abante na may mga grupo na hindi nagsalita noon laban sa marahas na digmaan kontra droga ng nakaraang administrasyon, na aniya’y maaaring dahil sa mga hakbang na ginawa ng administrasyong Duterte laban sa mga taong hayagang tumutol sa kanilang kampanya kontra ilegal na droga.


“Media outlets were silenced, and those who opposed the drug war—such as lawyers, judges, and politicians—were implicated in illegal drugs. Their names were unjustifiably included in publicized drug lists, and they were later murdered because of it––with no thorough police investigation following their deaths," paliwanag ni Abante.


“Worse, some law enforcers, particularly from the PNP, competed over who to kill, regardless of whether the targets were legitimate or not, all for the lure of substantial monetary rewards."


“In simple terms, the Duterte government used taxpayers’ money, through intelligence funds, to kill thousands of Filipino drug suspects deprived of due process––including innocents," dagdag pa ng mambabatas.


Paliwanag pa ng mambabatas, “it is on record, documented in the media, that Duterte emboldened the police to commit abuses and murders, by saying ‘kill them, and I’ll take care of you."


Binanggit pa ni Abante na hindi nahuli o nasampahan ng kaso ang mga pinaghihinalaang malalaking drug lord sa ilalim ng Oplan Tokhang at Oplan Double Barrel, kabilang na si Michael Yang, maging ang dalawang magkapatid na ibinunyag ng pulis na anti-drug officer na si Col. Eduardo Acierto. (END)


—————————


Reward system ng Duterte drug war malinaw na— Quad Comm leaders



Para sa mga lider ng House Quad Committee ang pagkumpirma ni retired Police Col. Edilberto Leonardo sa testimonya ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Royina Garma ay nagpatibay na totoong mayroong reward system sa drug war ng administrasyong Duterte, kaya libu-libo ang naging biktima ng extrajudicial killings (EJK).


Sa isang press conference nitong Miyerkoles, sinabi nina Surigao del Norte 2nd District Rep. Robert Ace Barbers, ang overall chair ng Quad Comm, at mga co-chairman na sina Manila 6th District Rep. Bienvenido “Benny” Abante Jr. at Santa Rosa City Lone District Rep. Dan Fernandez na malinaw na ang reward system ang dahilan kung bakit marami ang nasawi sa kampanya kontra droga.


"It has been established that actually there's a reward system [during the Duterte drug war]. ‘Di na pwedeng itanggi pa ng previous administration," ani Abante, na nagtanong kay Leonardo kung totoo ang sinabi ni Garma na mayroong reward system.


"Na-establish ang point namin diyan. Whether it be his claim or not, it will be a burden of proof sa mga ayaw tumanggap. Di na sa kanila," sabi pa ni Abante. 


Iginiit naman ni Barbers ang kahalagahan ng naging pahayag ni Leonardo sa pagdinig.


"Ang kanyang ginawa lang naman ay kinoroborrate niya ay sinang-ayunan niya ‘yung testimonya na binigay ni Col. Garma sa kanyang sinumpaang salaysay. Meaning, he is in agreement, he is in approval of the affidavit that Col. Garma executed," dagdag pa nito.


"So wala pa namin nakikita pang dapat i-dagdag because na-establish na nga ng quad-comm ‘yung existence ng sinasabing reward system doon sa mga nangyayaring extrajudicial killings," sabi pa ni Barbers.


Sa ilalim ng reward system, sinabi ni Garma na binibigyan ng reward ang mga pulis na nakakapatay ng drug suspect. Ang halaga ng reward ay P20,000 hanggang P1 milyon depende sa target.


"Meaning in the implementation of the war on drugs, may nangyayaring extrajudicial killings at ito nabibigyan ng reward. So ‘yan ang pinaka-importante na punto kung saan sinang-ayunan at confirmed na may klaseng sistema, reward system, itong si Col. Leonardo," saad ni Barbers.


"Ang kanyang pag-amin sa Quad Comm will be placed on the records and this record that we will use as basis in writing our committee report, isasama namin,” sabi pa ng solon.


Naniniwala si Barbers na makatutulong ang testimonya ni Garma at Leonardo sa isasagawang preliminary investigation ng DOJ.


Naniniwala rin si Fernandez na malinaw na ang cash-reward-driven drug war.


"Talagang na-establish na eh, kung matatandaan niyo, nagsimula tayo doon sa Davao Colony kung saan may dalawang PDL (persons deprived of liberty) yung sina Tata na nagsabi na binayaran sila ng tig-iisang milyon. Actually nagoyo pa sila doon," ani Fernandez.


"So basically doon, naka-affidavit ‘yung mga ‘yan. Pati na si Warden Padilla, kino-confirm din niya may nag-utos para patayin at sinabi nila tata may nag-deliver ng pera at binigay doon sa asawa niya," saad pa nito. 


"So ngayon ‘yung mga kila Garma, kila Leonardo, mga confirmatory at mga corroborating na ‘yung mga yan.... So basically kung titignan natin, talagang mayroon talaga. Wala naman makakapag-deny,” dagdag pa niya.  "Ang sinasabi natin, officially binanggit on record doon sa atin sa Quad Comm at ‘yan ang hinahabol natin na maging part of our hearing, or records.” (END)

—————————


Sen Bato lalong nadiin sa testimonya ni Espenido



Lalong nadiin si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa sa pagkumpirma ni retired Police Lt. Col. Jovie Espenido sa testimonya ng umano’y drug lord na si Kerwin Espinosa na gawa-gawa lamang ang kuwento na nag-uugnay kay dating Sen. Leila de Lima sa bentahan ng iligal na droga.


Sinabi ni Santa Rosa City lone district Rep. Dan Fernandez, co-chairman ng House Quad Comm, na lumipat kay Dela Rosa ang burden of proof sa pahayag ni Espenido na totoong inutusan siya at si Espinosa upang gumawa ng kuwento na ginamit upang sampahan ng kaso si De Lima.


"Syempre ang burden ngayon na kay Senator Bato na. Eh kasi nga nagsalita si Espenido. Nasa kanya ngayon kung paano niya i-dedepensa ‘yung kanyang sarili," ani Fernandez, chairman ng House Committee on Public Order and Safety sa isang press conference nitong Miyerkoles.


Si Dela Rosa ang hepe ng Philippine National Police (PNP) ng ipatupad ang war on drugs ni dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.


Sinabi ni Fernandez na binibigyan ng House Quad Comm ng pagkakataon si Dela Rosa upang masagot ang mga alegasyon laban sa kanya.


"That's the reason why, ‘yun na nga, kung a-alisin niya ‘yung parliamentary courtesy na pwede naman, dahil nga ang ating mga congressman kapag in-invite [sa Senate] pumupunta doon," sabi pa ng solon.


Sinabi ni Fernandez na kung hindi sasagot si Dela Rosa ang magiging bahagi lamang ng rekord ng Kongreso ay ang mga pahayag nina Espenido at Espinosa.


"So basically maipo-prove niya sa Quad Comm and it will form part if the records na talagang pinatunayan niya na ‘yung mga sinasabi ni Espenido, walang katotohanan," sabi ni Fernandez.


"Hanggang hindi niya ginagawa ‘yun, 20 years from now, ang makikita ay ‘yung records ng Congress. ‘Yung mga salita nila outside the Congress, hindi na mapapansin yun eh kasi walang record ‘yun. At least ‘yung sa atin, magagamit talaga. And that's the reason why we are continuing inviting them over to be part of the investigation," sabi pa nito.


Sa pagdinig ng Quad Comm noong Martes, sinabi ni Espenido na binawi nito ang kanyang naging pahayag sa pagdinig ng Senado kung saan kanyang iniugnay si De Lima sa kalakalan ng iligal na droga.


Sa naunang pagdinig ng Quad Comm, sinabi naman ni Espinosa na pinilit lamang siya at si Espenido ni Dela Rosa upang idawit si De Lima, na nakulong mula Pebrero 2017 hanggang Nobyembre 2023 dahil sa kanilang gawa-gawang pahayag.


Ngayong kinumpirma na ni Espenido ang testimonya ni Espinosa, sinabi ni Surigao del Norte 2nd district Rep. Robert Ace Barbers, overall chairman ng Quad Comm, na dapat sagutin ni Dela Rosa ang alegasyon.


"Once and for all dapat ma-clarify ‘yan, I don't know kung inimbita rin nila si Senator Leila de Lima doon or maybe siguro na-imbitahan nila si Col. Espenido. Kung maninindigan si Col. Espenido at sasabihin niya ‘yung sinabi niya doon sa Quad Comm sa Senado, kung siya ay matanong, ay mukhang malaking issue ‘yun para kay Senator Bato," sabi ni Barbers.


"At dapat meron siyang explanation kung ito'y matatanong at ito'y lalabas na kwento doon mismo sa Senate. So ‘yan ang tingin ko na napaka-importante ang punto rin no," dagdag pa nito.


Sinabi ni Barbers na hindi malayo na gawa-gawa rin ang kuwento sa iba pang opisyal na isinangkot sa bentahan ng iligal na droga, ilan sa mga ito ay napatay sa ilalim ng Duterte drug war.


"Bakit? Kasi lumalabas kung titignan natin ‘yung mga salaysay nung mga witnesses sa quad-comm, lumalabas na parang trumped-up charges, o di kaya ay pinilit, o di kaya ay finabricate ‘yung mga kaso laban sa mga nakasuhan ng droga tulad ni Senator Leila de Lima," ani Barbers.


"At hindi malayo na ginawa rin ito sa iba. Kagaya maaari, maaaring nangyari rin ito sa mayors kung saan, inakusahan na bilang...high-value target or drug lord, kung kaya't siguro sila pinagbabaril at inassassinate.”


"So palagay ko malaki ang implication kapag doon lumabas itong pag-recount ni Col. Espenido mismo sa harap ni Sen. Bato,” dagdag pa ni Barbers. (END)

No comments:

Post a Comment