Monday, September 30, 2024

Hajii


MALAWAKANG PAGDINIG LABAN SA MANIPULASYON SA PRESYO NG MGA PANGUNAHING BILIHIN, ISASAGAWA NG KAMARA


Ipinasa ng Kamara ang isang resolusyon na nananawagan ng malawakang pagdinig laban sa smuggling at manipulasyon sa presyo ng basic goods at essential commodities.


Sa pasado nang House Resolution 2036, bubuo ng tinatawag na "Quint Committee" o limang mga komiteng magasagawa ng mga padinig na pangungunahan ng Committees on Ways and Means, Trade and Industry, Agriculture and Food, Social Services at Special Committee on Food Security para sa joint inquiry.


Layunin nito na tugunan hindi lamang ang problema sa smuggling at price manipulation kundi pati na rin ang gutom at pagsusulong ng food and nutrition security.


Sinabi ni Albay Rep Joey Salceda na nakasaad sa kanyang aide memoire na sesentro ang mga hearing sa food security, affordability at sufficiency.


Hindi umano ito investigative kundi informative, kung saan sisikapin na makabalangkas ng policy objectives na kinabibilangan ng Murang Bigas, Murang Karne, Murang Isda at Murang Prutas at Gulay.


Sa sandaling makumpleto na ang apat na paksang layunin nito, susunod naman umanong hihimayin ang mga isyu ng murang pabahay, murang gamot, murang langis, murang kuryente at murang patubig.



Para maging produktibo ang mga pagdinig, inaasahang ipatatawag sa mga experts' meeting ang key resource persons mula sa agriculture sector, mga ekonomista at kinatawan ng mga think-tank at civil society organizations.


MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCES RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO


——————————-


In-adopt ng Kamara ang isang resolusyon na nananawagan ng malawakang pagdinig laban sa smuggling at manipulasyon sa presyo ng basic goods at essential commodities.


Batay sa adopted House Resolution 2036, bubuo ng tinatawag na "Quint Committee" na pangungunahan ng Committees on Ways and Means, Trade and Industry, Agriculture and Food, Social Services at Special Committee on Food Security para sa joint inquiry.


Layon nitong tugunan hindi lamang ang problema sa smuggling at price manipulation kundi pati na ang gutom at pagsusulong ng food and nutrition security.


Nakasaad sa aide memoire na ibinahagi ni Albay Representative Joey Salceda na ang initial hearings ay sesentro sa food security, affordability at sufficiency.


Hindi umano ito investigative kundi informative, kung saan sisikapin na makabalangkas ng policy objectives na kinabibilangan ng Murang Bigas, Murang Karne, Murang Isda at Murang Prutas at Gulay.


Kapag nakumpleto na ang apat na paksa ay susunod namang hihimayin ang mga isyu ng murang pabahay, murang gamot, murang langis, murang kuryente at murang patubig.


Para maging produktibo ang mga pagdinig, inaasahang ipatatawag sa experts' meeting ang key resource persons mula sa agriculture sector, mga ekonomista at kinatawan ng civil society organizations at think-tanks.

————————

Hajji Handang tumugon si Surigao del Norte Representative Robert Ace Barbers sakaling alukin ng administrasyong Marcos na pumalit bilang kalihim ng Department of the Interior and Local Government.


Ayon kay Barbers, maituturing na isang pribilehiyo ang tawagin ng pangulo ng bansa upang gawing katiwala ng isa sa mga ahensya ng gobyerno.


Sakaling imbitahan sa posisyon ay gagawin umano ni Barbers ang trabaho hindi para sa iisang tao kundi para sa bayan.


Gayunman, nilinaw ng kongresista na wala pa namang kumakausap sa kanya o nag-aalok na maging susunod na DILG Secretary bagama't may mga nagtatanong na sa kanya.


Kung mabibigyan ng pagkakataon ay magiging isang karangalan aniya ang makapagserbisyo.


Mababatid na naging kalihim din noon ng DILG ang ama ni Congressman Ace na si dating Senador Robert "Bobby" Barbers sa ilalim ng administrasyong Ramos.


Ang nakababatang Barbers ay nakatakdang matapos ang termino sa Kongreso sa susunod na taon.


—————————


Hajji Kumpiyansa si House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda na matatapos na ang hindi patas na trato sa local creatives sector matapos lagdaan bilang batas ang pagpapataw ng value-added tax o VAT sa non-resident digital service providers.


Ayon kay Salceda, matagal nang binubuwisan ang domestic creatives habang hinahayaan ang mga dayuhang kumpanya na magbenta ng produkto at serbisyo nang walang tax.


Tali aniya noon ang mga kamay ng sektor habang nakikipagkumpetensya sa mga dayuhan dahil may full access ang mga ito sa merkado.


Paliwanag ni Salceda, hindi biro ang labindalawang porsyentong pagitan sa pagtrato sa foreign digital services dahil nangangahulugan ito na mas mura ang kanilang serbisyo sa digital space kumpara sa domestic competitors.


Naniniwala rin ang kongresista na maaaring makalikom ang batas ng walo hanggang labindalawang bilyong piso sa unang taon ng implementasyon.


Ang susunod na hakbang umano ng foreign digiral service providers ay ibenta ang produkto sa pamamagitan ng local partners upang singilin ang local expenses bilang input tax.


Bukod sa buwis, nakapaloob sa batas ang 5 percent earmark sa loob ng sampung taon na popondo sa creatives industry.


Ipinunto pa ni Salceda na matagal na dapat namuhunan ang bansa sa industriya dahil sa angking potensyal nito bilang pinakamalaking sector exporter sa ASEAN at bunsod ng kultura at multilingual society.

No comments:

Post a Comment