Friday, September 9, 2022

SUBSTITUTE BILL NA NAGPAPALIBAN SA HALALANG BARANGAY AT SK, INIHABOL NG KOMITE NG APPROPRIATIONS

Inaprubahan ngayong Biyernes ng Komite ng Appropriations sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Rep. Elizaldy Co (Party-list, AKO Bicol) ang substitute bill na nagpapaliban sa Disyembre 2022 halalang Barangay at Sanguniang Kabataan (SK) sa ika-1 ng Disyembre 2023. Pinalitan ng substitute bill ang 41 panukala na iniakda ng 75 mambabatas. 


Ang pag-apruba ay isinagawa sa idinaos na pagpupulong na pinangunahan ni Committee Vice Chairman Rep. Ruel Peter Gonzaga (2nd District, Davao de Oro). 


Sa kanyang sponsorship remarks, sinabi ni Committee on Suffrage and Electoral Reforms Chairman Rep. Maximo Dalog Jr. (Lone District, Mountain Province) na ang halalan sa Disyembre 2022 ay kulang na sa 100 araw na lamang, at nangangailangan ang Comelec ng malinaw na direksyon mula sa Kapulungan, hinggil sa magkasabay na halalang Barangay at SK. 


Ayon sa kanya, ang pagpapaliban ng halalan ay magbibigay ng pagkakataon sa mas maraming Pilipino na makapagparehistro bilang mga botante sa pinalawig na rehistrasyon ng mga botante, kabilang na ang pahintulot sa pamahalaan na maiwasto ang hakbangin hinggil sa mga honoraria ng mga poll workers, na ang kanilang sinasahod ay sumasailalim pa rin sa buwis. 


Bilang sagot sa tanong ni Rep. Elpidio Barzaga (4th District, Cavite) kung gaano kalaking pondo ang kailangan para sa magkasabay na halalan, sinagot ni Comelec Chairman George Erwin Garcia na mangangailangan ang ahensya ng P8.441-bilyon kung itutuloy ang halalan ngayong taon. 


Ayon sa kanya, ang Comelec ay may natipid na P7.583-bilyon na maaaring magamit sa tuloy-tuloy na appropriation para sa susunod na taon. 


Samantala, binanggit ni Garcia na ang Comelec ay mangangailangan ng P17.93-bilyon kapag ang halalan ay itatakda sa Mayo 2023. 


Subalit dahil may natipid na P7.5-bilyon, ay mangangailangan na lamang ng karagdagang P9.51-bilyon. 


Panghuli, kapag ang halalan ay itinakda sa Disyembre 2023, mangangailangan ang Comelec ng P18.44-bilyon. 


Kapag ibinawas ang natipid na P7.5-bilyon, mangangailangan lamang ito ng karagdagang alokasyon na P10.85-bilyon. 

PAGDINIG SA P5.2B PANUKALANG BADYET NG COMELEC, TINAPOS NA NG KAPULUNGAN

Tinapos na ngayong Biyernes ng Komite ng Appropriations sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni AKO BICOL Rep. Elizaldy Co ang pagdinig sa P5.22-bilyong panukalang badyet ng Commission on Elections (COMELEC), para sa Piskal na Taong 2023. 


Sa kanyang pambungad na mensahe, binanggit ni Co na hawak ng COMELEC ang 82-porsiyentong trust rating matapos ang 2022 National and Local Elections. 


“The commission remained steadfast in its role as the sole authority and defender of the universal right to suffrage,” aniya, kabilang din ang positibong numero ng mga bumoto noong Mayo. 


Kabilang sa mga pangunahing bahagi ng panukala ng COMELEC ay ang pagtatayo ng sarili nitong gusali para sa kanilang pangunahing tanggapan sa Pasay City.  


Iniulat naman ni COMELEC Chairman Erwin George Garcia na gumagastos ang pamahalaan ng P169.79-milyon taun-taon para sa gusali na kasalukuyang inuupahan ng komisyon. 


Ang pondong kinakailangan para sa konstruksyon ay aabot sa P9.33-bilyon, gaya ng nakasaad sa presentasyon ng badyet ng COMELEC. 


Sina Cavite Rep. Ramon Jolo Revilla III at Albay Rep. Edcel Lagman ang kabilang sa mga mambabatas na nagpakita ng suporta sa panukalang proyekto.  


Hinggil naman sa automated election system (AES), tiniyak ni Garcia na lahat ng mga usapin na lumutang sa mga nakaraang halalan, ay isasaalang-alang nila at tutugunan bago ang halalan sa 2025. 


Samantala, ilang mambabatas ang nagpahayag ng kanilang suporta para sa hybrid vote-counting system, kung saan ang mga balota ay manu-manong bibilangin sa mga presinto ngunit ipapadala sa elektronikong pamaraan sa Board of Canvassers. 


Habang ang sistemang hybrid ay magkakahalaga ng higit sa isang ganap na computerized system, iginiit ni Zamboanga Sibugay Rep. Wilter Palma na dapat unahin ang pagprotekta sa tiwala ng mga tao at integridad ng halalan. 


Pinuri naman ni ACT TEACHERS Rep. France Castro ang COMELEC sa pagtataguyod ng kapakanan ng mga miyembro ng electoral lboard, kung saan karamihan sa kanila ay mga guro, sa pamamagitan ng pagtulak sa paglalaan ng karagdagang pondo para sa kanilang honoraria. 


Matapos ang pagdinig, nakahanda ng dinggin ang panukalang badyet ng COMELEC para sa deliberasyon nito sa plenaryo.

PAGDINIG SA P7.2B PANUKALANG BADYET NG DICT SUMENTRO SA MABAGAL NA IMPLEMENTASYON NG PROGRAMANG LIBRENG WI-FI SA PUBLIKO, PHISHING AT TEXT SCAM

Binusisi ngayong Biyernes ng Komite ng Appropriations sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni AKO BICOL Rep. Elizaldy Co ang P7.232-bilyon na panukalang 2023 badyet ng Department of Information and Communications Technology (DICT), sa pamumuno ni Secretary Ivan Joseph Uy. 


Sa P7.232-bilyon na panukalang badyet, P6.249-bilyon ang ilalaan sa Office of the Secretary; P347.7-milyon sa Cybercrime Investigation and Coordination Center (CICC); P200.17-milyon sa National Privacy Commission (NPC); at P435,265-milyon sa National Telecommunications Commission (NTC).  


Karamihan sa mga tanong na inihain ng mga mambabatas sa oras ng interpelasyon ay sumentro sa: 1) mabagal na pagpapatupad ng Free Public Wi-Fi Program ng pamahalaan; 2) paglaganap ng mga text scam at pandaraya, pati na rin ang phishing; at 3) mababang kapasidad ng pagtugon ng DICT. 


Sinabi ni Northern Samar Rep. Paul Ruiz Daza na hindi nagpabaya ang Kapulungan sa pagsuporta sa Free Public Wi-Fi Program, dahil naglaan ito ng P12-bilyong halaga para sa proyekto mula nang magsimula ito noong 2016 hanggang sa kasalukuyan.  


Aminado naman si Uy na isa sa mga sektor na may malaking butas ay ang programang libreng WI-FI. 


Sinabi niya na napag-alaman na lamang niya na karamihan sa mga lugar na ito ay inihinto na ang mga serbisyo noong ika-31 ng Agosto 2021 pa, at walang anumang pagsisikap na papanumbalikin pa ang kanilang koneksyon. 


“So, from January 2022 up to today, wala pong connectivity in many of the free Wi-Fi areas. That could have been anticipated. 


Apparently, the contract with the service providers only provided up to Dec. 31 with no plan at all of providing continuity. So, we now have in the ground access points and routers, but they are not lighted because there is no connectivity,” aniya.  


Sinabi pa ni Uy na ito ay isang simpleng kaso ng paghahanda para sa pagpapanumbalik ng mga koneksyon, ngunit hindi ito nangyari. “And that is so pitiful. We have for the past eight months a huge gap. 


Our people on the ground, our constituents are very disappointed. I was very disappointed in the lack of foresight, the lack of concern in this simple renewal. We have the funds, but there was no effort at all. Part of the program in the next few months is the reactivation of the subscriptions on a continuing multi-year basis,” aniya. 


Sinabi ni Daza na sa ilalim ng programa, ang target ay 105,000 na mga lokasyon. 


Ayon naman kay Uy, may 4,000 lugar ang may koneksyon sa ngayon. Ng tanungin ni Daza kung sino ang naging national program coordinator para sa programang libreng wi-fi nitong mga nakaraang taon, tugon ni Uy ay si dating Secretary Manny Caintic. 


Binanggit din ni Daza ang mababang fund utilization rate ng DICT, mula 25 hanggang 35 porsiyento lamang. 


Tiniyak naman ni Uy na sa ilalim ng kanyang pamumuno, target nila ang 70 hanggang 80 porsiyentong utilization rate sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga karagdagang programa. 


Samantala, tinanong ni Rama kung ano ang ginagawa ng DICT para matugunan ang problema sa phishing. 


Tiniyak ni Uy sa mga mambabatas na ang DICT ang nangunguna sa pag-iimbestiga sa usapin, at maaaring magbigay sa kanila ng impormasyon ang mga opisyal ng ahensya sa isang executive session.  


Kaugnay nito, iminungkahi ni AGRI Rep. Wilter Lee na bumuo ang DICT ng isang hotline na nakatuon lamang sa mga reklamo ukol sa text scam. 


Sinabi ni Uy na ang plano nila ay ang magtayo ng isang plataporma at magbigay ng kakayahang magamit ito. 


Pinangunahan nina Committee on Appropriations Vice Chairpersons at Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo at Makati City Rep. Luis Campos ang pagdinig. 

BAWAS BUDGET SA CHED, MAKAKAAPEKTO SA ILANG MGA PROYEKTO AT PROGRAMA NG KAGAWARAN

Ilang programa at proyekto ng CHED.. maapektuhan sa bawas budget ng commission on higher education, panawagan ng ahensya sa kamara.. iretain nalang ang kasulukyang budget.


----



natapysan ng halos 2 bilyong piso ang budget ng commission on higher education.



Sa pagsalang ng CHED sa house committee on appropriation.. iprinisinta ng ahensya ang 2023 budget na naaprubahan ng dbm na nasa 30.7 billion pesos mas mababa sa 32.7 billion sa 2022 GAA.


Malaking bahagi ng budget ng commison ay ilalaan sa  higher education development program habang nasa kalahating million naman ang sa  higher education regulation program.


Ayon kay ched chairman prospero de vera kabilang sa mga kinahaharap na issue ng ahensya dahil sa bawas budget ay ang epekto nito sa Tulong Dunong Program o TDP grantees para sa SY 2022 to 2023


mawawalan din ng pondo ang  pagpapatayo ng  mga local universities and colleges o LUCs at apektado na din ang  grantees para sa tertiary education subsidy ng mga estudyante na nakaenrol sa  private school na hindi state university  o luc category.


Umaasa si de vera na iretain na lamang ang kanilang budget gaya ng 2022 gaa dahil marami pa silang mga proyekto at programa na isasagawa. 

SINDIKATONG INTER-NASYUNAL, SANGKOT SA PHISHING AT TEXT SCAMS

International na sindakato.. sangkot sa phishing at text scams ayon sa kalihim ng DICT.

 

humiling ng executive session ang department of information and techonology sa kamara upang ireport ang initial findings ng kanilang imbestigasyon sa nagkalat na text scam sa bansa.

 

Sa isinasagawa ngayong budget hearing ng committee on appropriations natalakay ang massive text scam na natatanggap ng publiko.

 

Ayon kay DICT sec ivan john uy.. maging siya at nakakatanggap ng text messages

 

Anya.. nais nilang ipaalam sa mga kongresista na   kriminal na sindikato ang nasa likod na naturang phishing activities.

 

Base sa kanilang inisyal na imbestigasyon kailangan ang strategic action upang masawata ang ganitong illegal na aktibidad dahil hindi lamang mga pinoy ang sangkot bagkus mga international syndicates.

 

Umaasa si uy na unti unti nilang mareresolba ang problema sa text scam sa tulong ng mga mambabatas.

 

Maalalang pagkaupo ng kalihim sa pwesto ay agad ito lumikha ng task force  para labanan ang text scams at illegal websites.

 

Samantala.. inatasan naman ang mga miembro ng appropriation committee na agad na magtatag ng hotline ang upag agad na makapag sumbong ang publiko na nabibiktima o nakakatanggap ng mga text scam.

SUPORTA NG KAMARA SA PAGPAPATAYO NG SARILING GUSALI NG COMEEC, HINILING SA MGA MAMBABATAS

Humirit ang COMELEC sa mga kongresista na masuportahan sila sa planong pagpapatayo ng sariling building.


Sa pagtalakay ng House Committee on Appropriations sa 5.22 billion pesos 2023 proposed budget ng poll body, umapela si COMELEC Chair George Garcia sa mga mambabatas na tulungan silang maisakatuparan ang matagal nang pangarap na magkaroon ng sariling gusali..


Ani Garcia, kada taon, inaabot ang renta nila sa mga gusali at open space sa Palacio del Gobernador ng hanggang 159 million pesos.


Hindi pa aniya kasama dito ang renta sa mga lugar para sa kanilang special events tulad ng filing ng certificates of canvass at pagbibilang ng boto.


Dagdag pa ng tagapangulo ng COMELEC, kung ang ibang constitutional bodies tulad ng COA, CSC, maging CHR ay may sariling mga opisina, marapat lamang na ang COMELEC ay mayroon din.


Tinukoy din ni Garcia na mayroon halos 3 ektaryang lupa ang COMELEC sa bahagi ng Macapagal Avenue at dito nila target ipatayo ang kanilagn magiging opisina.


Batay sa 2023 NEP, 500 million pesos ang inilaan bilang inisyal na pondo mula sa kabuulang 9.5 billin pesos na gagamitin pampatayo sa gusali ng COMELEC.


##

Thursday, September 8, 2022

PROGRAMANG LIBRENG WIFI NG GOBYERNO, NAPAG-ALAMAN SA KAMARA NA WALONG BUWAN NANG PUTOL

Free public wifi  na programa ng gobierno, walong buwang nang putol ang subscription ayon kay DICT Secretary Ivan John Uy

 

Dismayadong binalita ni information ang technology Secretary Uy ang estado ng Free public wifi.

 

Sa pagsalang ngayon ng DICT sa budget hearing ng house committee on appropriation inamin ni UY na nagulat siya sa utilization ng budget ng DICT habang walong buwan nang putol ang subscription para sa Free Wifi program.

 

Anya, mula nang maupo ito sa pwesto ng agosto, nasa 20 percent lamang ang utilization rate.. ibig sabihin maraming pondo pero napabayaan na irenew ang subscription ng libreng wifi.

 

Nangako naman ang bagong kalihim ng DICT sa mga kongresista na hindi ito mangyayari sa kanyang termino.

 

Anya.. nakaprograma na ang mga plano ng DICT para paghusayin ang free wifi sa ibat ibang lugar sa bansa.

 

Ngayon anya hindi maaring magbagal at dapat isulong agad ang mga proyekto upang makamit ang connectivity sa pilipinas.

 

Giit ni Uy.. komited ang DICT na gawin ito sa ilalim ng kanyang pamumuno.

 

Para sa 2023.. nasa 7.23 billion pesos ang budget ng DICT na nasakapaloob sa national expenditure program.

PONDO PARA SA PAGPAPALIBAN NG BARANGAY AT SK ELECTIONS AY KUKUNIN SA SUPPLEMENTARY FUNDING NG COMELEC

Lusot na rin sa House Committee on Appropriations ang panukalang pagpapaliban sa Baranggay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE)


Batay sa section 4 ng panukala ang funding para sa pagpapaliban ng BSKE ay kukunin mula sa pondo ng COMELE sa ilalim General Appropriations Act o kaya naman ay Supplementary funding.


Bagamat nag mosyon ni Albay Rep. Edcel Lagman na ilagay ang ispesipikong halaga ng kakailanganing pondo para sa BSKE postponement, ang inaprubahang bersyon ng komite ay walang isinasaad na halaga.


Paliwanag ni Appropriations Vice chair Ruwel Peter Gonzaga, tutukuyin na lamang ang halaga oras na isalang ang panukala sa plenaryo.


8.44 billion pesos ang kabuuang budget na inilaan paras BSK elections para ngayong taon.


Sa halagang ito, may higit isabg bilyong piso nang nagamit.


Ang natitirang 7.587 billion naman ay magiging bahagi ng pondo sakaling matuloy nag panukalang postponement


Maliban pa ito sa 1 billion pesos na savings ng poll body mula sa katatapos lamang na national and local elections at hiwalay pang 421 million ayon kay Garcia.


Kung matuloy ang pagpapaliban ng BSK sa Mayo ng susunod na taon, kabuuang 17.9 billion pesos ang kakailanganing busget ng ahensya habang 18.4 billion naman kung sa disyembre.


Ang dagdag pondo ani Garcia ay para sa karagdagang cluster precint dahil sa inaasahang dagdag na botante.


Sasakupin din nito ang pagtaas sa benepisyo at allowance ng poll wokers kung saan sasagutin ng COMELEC ang 20% tax na ipinapataw.


Salig sa panukala, ipagpapaliban ang BSK sa December 5, 2023.


##

PAGTATAYO NG MGA REGIONAL OFFICE SA LAHAT NG REHIYON SA BUONG BANSA, TARGET NG DMW

Target ng Department of Migrant Workers na magtayo ng regional offices sa lahat ng rehiyon sa buong bansa.


Ayon kay DMW Usec. Maria Anthonette Velasco-Allones, tatlong malalaking regional offices ang itatayo sa NCR, Cebu at Davao na mayroon 101 na empleyado


Mayroon din medium offices na may 91 na personnel at small regional offices na may 41 na tauhan.


Bunsod nito, made-decentralize na aniya ang serbisyo para sa mga OFW.


“We will establish regional offices in all the regions. So there will be 3 large regional offices in ncr, region 7 in cebu and region 11 in davao. There are medium size regional offices in the car  reg 1 calabarzon and another region in the Visayas and then the rest po ay considered small regions. pero yung small po ay may 41 personnel yung medium ay may 61 personnel at yung malalaking regions ay 96. so maganda po ito madedecentralize po yung services.” Ani allones.


Kasabay nito ay tiniyak ni Usec. Allones na hindi madi-displace o mawawalan ng trabaho ang mga empleyado ng attached agencies ng DOLE na mapapasailalim na ngayon sa DMW.


Katunayan, nasa 1728 na posisyon ang inaprubahan ng DBM para sa ahensya.


Aabot naman ng 700 mahigit ang kasalukuyang empleyado ng ia-absorb na mga ahensya, kaya’t lahat sila ay tiyak na may trabaho at may 800 higit pa na kailangan punan.


“Walang displacement na mangyari. So we assure you po that we will adhere to the provisions of ra 6656 which is the reorganization law  in rolling out the placement of our existing personnel so all the merged agencies we will take care po of their respective employees. Under the approved OSSP we were givne by dbm a total of 1728 positions. Ang kasalukuyang pong nasa position na warm bodies is about 700 so kahit maplace na poi naming silang lahat, may balansa pa pong 800 plus na pwedeng punan.” Dagdag ni Allones.

KOMITMENT NG PAGSUNOD SA MGA SISTEMA NG SRA SA PAGBIBIGAY AYON SA ALOKASYON NG SUGAR ORDER, HINILING SA KAMARA

Hiniling ni House Ways and Means Chair at Albay, 2nd district Rep. Joey Salceda sa Sugar Regulatory Administration (SRA)’s ang kanilang commitment na sumunod sa “rules-based” system sa pagbibigay ng alokasyon para sa importasyon na otorisado ng  Sugar Orders.


Pahayag ito ni Salceda sa isinagawang joint Committee Hearing of the House Committees on Agriculture and Good Government. 


Sinabihan ni Salceda si Acting Administrator David John Thaddeus Alba na dapat ibabase nila ang kanilang import program sa pamamagitan rules-based system. 


Sinabi ng mambabatas na mayruon siyang listahan ng 

actual import allocations na inaprubahan ng SRA sa ilalim ng Sugar Order No. 3.


Tinanong ni Salceda kung ang SRA ay may sinusunod na rules sa import allocation.


Sagot ni SRA administrator Alba na ang board ang siyang mag determina kung paano ang distribution sa allocation ng import program.


Nilinaw naman ng SRA na hindi sila nagsasagawa ng auction lalo na sa import slots.


Binigyang diin naman ni Salceda na ang pag import ay isang unique privilege.


Iminungkahi naman ni Salceda na dapat mayruong gagawing auction o subasta sa sugar import slots para matiyak ang fair allocation para makapag generate ng revenues para sa local industry support.


Pagbibigay-diin ng mambabatas since hindi nag-iimpose ng taripa sa asukal ang bansa sa mga ASEAN neighbors, dapat magkaroon ng subasta o auction fees.


Nilinaw naman ni Salceda sa mga kapwa mambabatas na hindi niya dinipensa si USec Leocadio Sebastian ng sabihin nito na hindi ito nasangkot sa anumang anomalya sa gobyerno ang nasabing opisyal at matagal na niya itong kilala, kaya di nito lubos maisip kung bakit  nasangkot ito ngayon sa sugar controversy.

IMBESTIGASYON HINGGIL SA SUGAR ORDER NO. 4, TINAPOS NA KOMITE SA KAMARA

Tinapos na ng Committees on Good Government and Public Accountability at Agriculture and Food ang imbestigasyon kaugnay sa Sugar Order No. 4.


Salig na rin ito sa House Resolution 259 na inihain ni Minority Leader Marcelino Libanan para silipin ang mga isyu sa SO4 ang ang tangkang pagpupuslit ng asukal sa bansa.


Ayon kay Rep. Rida Robes, Chair ng Good Government Committee, lumabas sa isinagawa nilang imbestigasyon na wala talagang otorisasyon mula kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr, na siyang namumuno rin ngayon sa Department of Agriculture ang naturang pag-aangkat ng asukal.


“Lumabas na sa kanilang dalawa na there was no authority from the president na sila lang talagang dalawa ang nag-usap, at the same time salahat ng kanilang mga idinetalye ay may pagkakamali talaga sa proseso at polisya na kanilang ginawa.” Ani Robes.


Sa hiwalay naman na pahayag, sinabi ni Rep. Mark Enverga, Chair ng Cttee on Agriculture and Food, na ibabase pa rin nila ang kanilang rekomendasyon batay sa kung ano ang lumabas sa kanilang sariling pag-dinig.


Kasunod ito ng rekomendasyon ng Senate Blue Ribbon Committee na kasuhan sina agriculture usec. leocadio sebastian at dating sugar regulatory administrator hermenegildo serafica.


“we’ll proceed “Depending also on our own appreciation of the information that we have collated here dito sa joint committee hearings.” Saad ni Enverga.


Sa susunod na linggo, posible daw mailabas na ng komite ang resulta ng kanilang mga naging pagdinig, partikular na ang kasong ang irerekomenda nilang isampa laban kina sebastian at serafica.


##

BAGONG DEPARTMENT OF MIGRANT WORKERS, SUMALANG NA SA BUDGET BRIEFING

Sumalang na sa budget briefing ang bagong tatag na Dept of Migrant Workers.


Sa ilalim ng 2023 National Expenditure Program, pinaglaanan ng P15.210B ang DMW


Nahahati ito sa Office of the Secretary na mayroong P3.5B at P11.7B parasa OWWA.


Sa ilalim ng OSEC, nalipat ang ilan sa mga dati ay attached agencies ng DOLE, kabilang dito ang POEA, OWWA-NRCO, DOLE-ILAB, DOLE-VFP, DOLE-POLO, DOLE-NMP, DSWD ISSO, at DOLE-OFW Hospital.


Kasabay naman ng pag-presinta ng kanilang pondo sa mga mambabatas ay hiniling ni DMW Usec. Maria Anthonette Velasco-Allones, na mabigyan sila ng dagdag na pondo para OFW Hospital.


Bagamat nagsimula na aniya itong maging operational nitong Hulyo, ang 100-bed OFW hospital ay nagsisilbi pa lamang bilang isang infirmary.


Sa kasalukuyan, ang pondo sa pagpaptakbo ng ospital na nagkakahalaga ng kulang P200M ay galing sa DOLE.


Ngunit para sa susunod na taon, P13M lang ang naisama sa NEP, malaking tapyas mula sa kanilang original proposal na P749M.


Umaasa ang opisyal na makakuha ng suporta mula sa mga kongresista na maitaas ang kanilang pondo lalo at nasa higit 2,000 pasyente na ang naserbisyuhan ng OFW Hospital kasama ang hindi mga OFW.


##

PAGDINIG NG KOMITE NG APPROPRIATIONS SA P19.998-B NA PANUKALANG BADYET NG DTI, TINAPOS NA

Tinapos na ngayong Huwebes ng Komite ng Appropriations sa Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni AKO BICOL Rep. Elizaldy Co ang kanilang deliberasyon sa panukalang badyet ng Department of Trade and Industry (DTI) at mga sangay nitong ahensya. 


Ang panukalang badyet ng DTI para sa Piskal na Taong 2023 ay P19.998-bilyon, siyam na porsyentong mas mababa sa kasalukuyan nitong badyet. 


Inilahad ni DTI Secretary Alfredo Pascual sa Komite ang mga prayoridad na bumubuo sa badyet ng ahensya sa susunod na taon.  


Aniya, tututukan ng departamento ang Micro, Small, and Medium Enterprises (MSMEs) para mapanatili ang momentum ng paglago ng ekonomiya ng bansa. 


Sinabi rin niya na sasamantalahin ng ahensya ang mga pagkakataon para sa pagbabagong pang-ekonomiya sanhi ng pandemya dulot ng COVID-19, ang Fourth Industrial Revolution o Industry 4.0, at pagbabago ng klima.  


“Our new industrial policy would be driven by science, technology and innovation, as well as digital technologies to compete in global and domestic markets,” ani Pascual.  


Gayunpaman, sinabi ni Appropriations Committee Vice-Chairperson at Pangasinan Rep. Christopher De Venecia, na ang binawasang badyet ng ahensya ay lubhang nakakaalarma lalo na sa pagpapalakas ng pagbangon ng MSME pagkatapos ng pandemya.  


Nagtanong naman si Albay Rep. Edcel Lagman kung paano paplanuhin ng DTI na makamit ang pagpapaunlad ng MSME gayung mas mababa ang kanilang badyet kumpara sa kasalukuyan nilang badyet na P21.94-bilyon.  


Sinabi ni Pascual na makikipagtulungan ang ahensya sa pribadong sektor partikular sa Public-Private Partnership (PPP) kung hindi madagdagan ang kanilang badyet.  


“But it would be ideal if we could get funding to be added for the support of our MSMEs so we can accelerate the work we’re doing in upskilling, re-skilling and upscaling our small businesses,” dagdag niya. 


Binanggit din ni DTI Undersecretary Ireneo Vismonte na ang kapuna-punang pagbawas sa badyet ng DTI-Office of the Secretary (OSEC) ay makakaapekto sa pagtulong sa MSME, partikular ang P1.3-bilyong livelihood seeding program. 


Ang pagdinig ay itinaguyod nina Appropriations Committee Vice-chairpersons De Venecia at Negros Oriental Rep. Jocelyn Limkaichong.

SEPTEMBER 10 EPISODE: Mas malala sa Pharmally ang MLM scam sa mga Doktor Ngayon

Mga Ka Tropa, naalala ba ninyo ang Pharmally scandal?

 

Ito ay ang paggastos sa halos P67 Billion Pesos na pondo ng gobyerno sa kontrobersyal na Pharmally Pharmaceutical Corporation.

 

Lumalabas sa mga imbestigasyon na bilyon-bilyon ang nawawalang pondo ng publiko at madami rin mga kababayan ngayon ang nagdusa dahil sa hindi tamang pagtanggap ng gamit at serbisyong medikal sa mga ospital at clinic.

 

Pero ongoing ngayon ang isyu sa Pharmally at may mga personalidad na ngayon ay nabanggit na mula sa dating administrasyon. Ito ang bagong modus o iskandalo sa medical industry na kung hindi mapupuna ng ating mga law enforcement agencies at mga opisina ng gobyerno tulad ng BIR, baka mas malala pa ito.

 

May mga impormasyon kasi tayo na natatanggap na mga kombinasyon ng mga prescription. Ito ay yung dala-dalawa o doble-doble ang prescription ng mga doktor na talamak daw sa mga cardiologist dahil kailangan makaabot sa quota.

 

Hindi lang doble, meron din pinaghahalong mga gamot o inumin ang mga kompanyang sangkot sa multilevel marketing sa medical industry na kinakabahala naman ng mga doktor na mattitino at maayos.

 

Ang pinaka demonyo o pinaka masamang estilo kasi diyan ang ang QUOTA! Wala tayo impormasyon kung ilan ang quota pero ganito kasi iyon mga Ka Tropa, kapag linagyan mo ng quota, gagawin ng doktor ang lahat para maabot ang cash incentives. Mapanganib ito dahil magkakaroon ng mga double prescriptions at mixed prescriptions.

 

Kung ganito ang paraan ng pag reseta, eh baka makapahamak ito sa katawan ng isang pasyente. May kasabihan  nga na  “Anything excessive is dangerous”. Nung umpisa daw nitong raket, wala naman quota.

 

Labag ang quota sa MEXICO CITY PRINCIPLES na isang pamantayan sa medical industry at negosyong may kinalaman sa gamot. Noong 2013 pa nga, naglabas ang Food and Drug Administration ng Circular ng Adoption and Implementation ng for Voluntary Code of Business Ethics sa Bioharmaceutical Sector!

 

Alam ng DOH yan na bawal at FDA na rin nagsabi na dapat may standard sa pagnenegosyo dahil kalusugan ng mga Pilipino ang nakataya. Sa susunod na Sabado mga Ka-Tropa, mas lalalim pa ang ating kaalaman sa multi-level marketing scam na ito. At alam niyo ba magkano na ang sinasabing kinita na sa ganitong estilo, nasa 8 - 12 Billion na!

 

Abangan next week ang update dito!

 

###

EUKARISTIKONG PAGDIRIWANG PARA SA KAPISTAHAN NG KAPANGANAKAN NG BIRHEN MARIA, IDINAOS NG KAPULUNGAN

Nagsagawa ngayong Huwebes ang Kapulungan ng mga Kinatawan sa pamumuno ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez, ng Eukaristikong Pagdiriwang para sa Feast of the Nativity of the Blessed Virgin Mary. 


Pinangunahan ni Reverend Father Roland Jaluag, Parish Priest of Jesus Lord of Divine Mercy Parish ng Diocese of Novaliches ang Eukaristikong Pagdiriwang na ginanap sa Saint Thomas More Chapel sa Batasan Complex. 


Sa kanyang homiliya, sinabi ni Fr. Jaluag na habang ipinagdiriwang ngayon ng mga mananampalataya ang Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria, may tatlo pang bagay na kanilang ipinagdiriwang. 


Una, ipinagdiriwang din nila ang paghahayag, ang paglalahad ng pinakamamahal, pinakamaawain, at pinakamapagpatawad na Diyos Ama. 


Pangalawa, ipinagdiriwang din nila ang layunin ng kanilang buhay, at iyon ay ang yakapin ng nagliligtas na pag-ibig ni Jesus. 


At pangatlo, ipinagdiriwang din nila ang kagalakan ng lahat ng mga ina, lalo na ni Mother Mary. “She celebrates her life not for herself but for her children. So, we remind ourselves to celebrate endless hope for our freedom from oppression, sins, and selfishness,” ani Fr. Jaluag. 


Kabilang sa mga isponsor ng banal na misa ay sina Reps Rosanna “Ria” Vergara (Nueva Ecija), Florida “Rida” Robes (San Jose del Monte City), Ysabel “Bel” Zamora, (San Juan Cit), Aman Panaligan (Oriental Mindoro), at Michael Morden (Party-list, API).

PANUKALANG MAGNA CARTA PARA SA MGA FILIPINO SEAFARERS, TINALAKAY

Tinalakay ngayong Huwebes ng Komite ng Overseas Workers Affairs ng Kapulungan ng mga Kinatawan, na pinamumunuan ni Rep. Ron Salo (Party-list, KABAYAN) ang siyam na mga panukala na nagtatag ng Magna Carta for Filipino Seafarers.


Ito ay ang House Bills 368, 379, 736, 1515, 1647, 1758, 2269, 2287, at 3953. Sa kanyang pambungad na mensahe, sinabi ni Salo na ang mga katulad na panukala ay naaprubahan na sa ikatlo at huling pagbasa sa nakalipas na tatlong Kongreso. 


“In this 19th Congress, we hope to see the enactment of these proposed measures into law for the benefit of the hundreds of thousands of Filipino seafarers,” aniya. 


Sinabi ni Salo na ang panukalang batas ay naglalayong protektahan ang mga karapatan, at itaguyod ang kapakanan ng mga marinong Pilipino, sa pamamagitan ng pagbibigay ng kanilang mga karapatan at pribilehiyo, gayundin ang mga tungkulin at responsibilidad ng mga may-ari ng barko at mga recruitment agencies. 


Kapag naisabatas, ito ay makakatulong sa pagpapabuti ng mga kondisyon sa pagtatrabaho at pang-ekonomiyang kagalingan ng mga marino. 


Aniya makakaasa din siya sa suporta mula sa Department of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Ople, sa agarang pagpasa nito. 


Ayon kay Salo, ang inaprubahang bersyon sa ika-18 Kongreso ay nakapaloob ang mga sumusunod na karapatan ng mga marino: 1) karapatan sa makatarungang kondisyon sa trabaho; 2) karapatan sa pag-oorganisa par sa pakikipagkasundo sa collective bargaining at makalahok sa mga demokratikong proseso; at 3) karapatan kaunlarang propesyunal at pagsasanay, at iba pa. 


Ang  naturang panukala ay suportado Department of Foreign Affairs (DFA), National Labor Relations Commission (NLRC), Filipino Association of Mariner's Employment (FAME), Philippine Association of Service Exporters, Inc. (PASEI), Associated Marine Officers ' at Seamen's Union of the Philippines (AMOSUP), at Philippine Coast Guard (PCG). 


Gayunpaman, ipinagpaliban ni Salo ang pagpasa nito, at sinabing kailangan pa rin ang mga karagdagang input mula sa iba pang kinauukulang ahensya, para maayos ang panukalang batas. 


Samantala, tinalakay ng Komite ang House Resolution 93, na nananawagan para siyasatin ang pagpapatupad ng mga pambansang ahensya ng pamahalaan sa mga programa na naglalayong protektahan ang mga karapatan at itaguyod ang kapakanan ng mga overseas Filipino workers (OFWs). 


Si Rep. Marissa “Del Mar” Magsino (Party-list, OFW), na naghain ng HR 93, ay humiling sa mga kinauukulang ahensya na isumite ang kanilang mga position papers para tumulong sa imbestigasyon ng Komite.