Monday, June 23, 2025

PANUKALANG REPORMA SA NFA NG DA PARA SA PAGPAPABABA SA PRESYO NG PAGKAIN, SUPORTADO NG KAMARA

Ipinahayag ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez na supotado ng Kamara de Representantes ang panukala ng Department of Agriculture (DA) na ireporma ang National Food Authority (NFA) upang mapababa ang presyo ng bigas, tulungan ang mga magsasaka, at patatagin ang sistema ng suplay ng pagkain sa bansa.


Layunin ng panukalang isinumite ng DA sa MalacaƱang na ibalik ang kapangyarihan ng NFA na bumili ng palay sa tamang presyo, at tiyakin na sapat ang suplay ng bigas para mapatatag ang presyo nito.


Gayundin, layunin rin nito  na ayusing muli ang NFA at bigyan ito ng malinaw na tungkulin para matulungan ang mga magsasaka at protektahan ang mga mamimili.


Ayon kay Speaker Romualdez, agad na tutugunan ng Kamara ang panukalang batas kapag ito ay naisumite na sa Kongreso.


Sa ilalim ng panukala, bibigyang muli ng kapangyarihan ang NFA na bumili ng palay sa makatarungang presyo at magkaroon ng mas matatag na buffer stock system upang makakilos agad sa panahon ng sakuna, hoarding o pagmamanipula sa merkado.


MULA SA KAMARA DE REPRESENTANTES, TERENCE MORDENO GRANA, NAG-BABALITA PARA SA ARMED FORCES RADIO, BOSES NG KAWAL PILIPINO

No comments:

Post a Comment