Speaker Romualdez: Kamara, suportado ang pag-reorganisa ng Gabinete ni PBBM, nangangakong paiigtingin ang oversight
Ipinahayag ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez nitong Huwebes ang buong suporta ng Kamara sa kautusan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. na magpatupad ng reorganisasyon sa Gabinete, na tinawag niyang isang matapang na hakbang na nagpapatunay sa determinasyon ng Pangulo na maghatid ng mas mahusay na pamahalaan at serbisyo publiko.
“Buong suporta ang ibinibigay ng Kamara de Representantes sa desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na i-reorganisa ang kanyang Gabinete. Isa itong matatag at kinakailangang hakbang—patunay na siya ay nakikinig, kumikilala at kumikilos nang may paninindigan,” pahayag ni Speaker Romualdez.
Ang pahayag ay kasunod ng panawagan ni Pangulong Marcos sa lahat ng miyembro ng kanyang Gabinete na magsumite ng kanilang courtesy resignations, upang bigyang-daan ang muling pag-aayos ng kanyang opisyal na pamilya at muling pagtutok sa mga pangunahing prayoridad sa nalalabing bahagi ng kanyang termino.
Tinuturing ang naturang hakbang bilang bahagi ng mas malawak na estratehiya upang mapagaan ang burukrasya at matiyak ang mas epektibong paghahatid ng serbisyo sa publiko.
“Bilang Speaker at pinuno ng Kamara na binubuo ng 306 na miyembro, saludo ako sa tapang ng Pangulo sa panawagan ng pananagutan at muling paglalapat ng direksyon sa pamahalaan. Handa kaming makipagtulungan sa bagong Gabinete upang makalikha ng trabaho, mapababa ang presyo ng pagkain, at mapabuti ang serbisyong pampubliko,” dagdag pa ng Speaker.
Binigyang-diin din ng lider ng Kamara ang mahalagang papel ng Kongreso sa pagtiyak na ang mga reporma ng ehekutibo ay naipatutupad nang maayos at naaayon sa mga layunin ng pambansang kaunlaran.
“Paiigtingin natin ang ating tungkulin sa oversight at itutulak ang kanyang adyenda. Isa itong misyon na pinagsasaluhan ng Kamara at ng mga lider na may malasakit sa reporma,” ani Speaker Romualdez.
Nilinaw ng Malacañang sa pamamagitan ni Executive Secretary Lucas Bersamin na ang panawagan ng Pangulo para sa courtesy resignations ay hindi nangangahulugang sabay-sabay na pagpapatalsik sa mga opisyal, kundi pagbibigay lamang ng kaluwagan sa Pangulo upang buuin ang pinakamabisang koponan para sa lumalawak at nagbabagong pangangailangan ng bansa.
Tiniyak ni Speaker Romualdez na patuloy ang dedikasyon ng Kamara sa pagsusulong ng mga repormang naaayon sa mga layunin ng administrasyon, at sa pagsigurong mananagot ang ehekutibo kung kinakailangan.
“Ang kailangan ngayon: pagkakaisa at malasakit. Ako ay kaisa ng Pangulo. Ang bayan ang dapat laging inuuna,” pagtatapos ni Speaker Romualdez. (WAKAS)
————————-
Speaker Romualdez, Ipapabatid sa House Prosecutors ang Impeachment Notice mula kay SP Escudero
Kinumpirma ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez nitong Huwebes na natanggap na ng Kamara ang liham ni Senate President Francis “Chiz” Escudero kaugnay ng nalalapit na proseso ng impeachment laban kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte, at nangakong ipapasa ang komunikasyon sa House Panel of Prosecutors.
Sa liham na may petsang Mayo 22, 2025 na ipinadala kay Senate President Escudero, isinulat ni Speaker Romualdez:
“Kinikilala ng House of Representatives ang pagtanggap ng liham mula sa inyong Kagawaran na may petsang 19 Mayo 2025, kaugnay ng beripikadong reklamong impeachment laban kay Pangalawang Pangulo Sara Z. Duterte.”
“Ito ay ipapasa sa Panel of House Prosecutors,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.
Natanggap ng Tanggapan ng Pangulo ng Senado ang opisyal na liham mula kay Speaker Romualdez nitong Huwebes ng hapon, batay sa tatak ng oras na 12:28 n.g.
Ang liham ni Speaker Romualdez ay tugon sa komunikasyong ipinadala ni Escudero noong Mayo 19, 2025, kung saan ipinaalam ng Senado sa Kamara na ito ay handa nang magsagawa ng mga susunod na hakbang sa impeachment process.
Ayon sa pahayag ni Escudero:
“Alinsunod sa Rule II ng Rules of Procedure on Impeachment Trials, nais naming ipabatid sa inyong tanggapan na, matapos maisaayos ang proseso ng impeachment laban kay Pangalawang Pangulo Sara Z. Duterte, ang Senado ay handa nang tanggapin ang mga House prosecutors sa ganap na ika-4 ng hapon ng Hunyo 2, 2025.”
Binigyang-diin rin ni Senate President Escudero na inaasahan ng Senado na babasahin ng House prosecution panel ang pitong sakdal laban sa Pangalawang Pangulo sa isang bukas na sesyon.
“Tulad ng nakasaad sa aming liham noong Pebrero 24, 2025, inaasahan ng Senado na babasahin ng prosekusyon ang pitong paratang sa ilalim ng Articles of Impeachment sa isang open session,” aniya.
Dagdag pa ni Escudero, ang Senado ay pormal na magsasakatawan bilang impeachment court sa ganap na alas-9 ng umaga sa Hunyo 3, 2025.
Ang pagkakabuo ng Senado bilang impeachment court ay may layuning “maglabas ng summons at iba pang kaugnay na kautusan,”ayon sa liham.
Ang palitan ng liham sa pagitan nina Speaker Romualdez at Senate President Escudero ay nagmamarka ng transisyon ng proseso ng impeachment mula sa House of Representatives patungo sa Senado, na ngayon ay may hurisdiksyon bilang impeachment court.
————————
Pahayag ni House Minority Leader Marcelino “Nonoy” Libanan ukol sa Reorganisasyon ng Gabinete ni Pangulong Marcos
Tinatanggap namin ang desisyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na i-reorganisa ang Gabinete—isang hakbang na nagpapakita ng kanyang patuloy na paninindigan para sa isang tumutugon at epektibong pamahalaan.
Ang kapasyahang ito ay sumasalamin sa hangarin ng Pangulo na panatilihin ang pinakamataas na pamantayan ng paglilingkod-bayan sa pamamagitan ng pagtatalaga ng mga karapat-dapat na indibidwal sa mga pangunahing posisyon upang matugunan ang patuloy na nagbabagong pangangailangan ng sambayanang Pilipino.
Ang pagbabago, kung pinangungunahan ng malinaw na bisyon at matatag na pamumuno, ay maaaring magbigay ng panibagong sigla at magpatalas ng pokus sa pagharap sa mga hamon ng kasalukuyang panahon.
Ang reorganisasyon ay nagbibigay ng pagkakataong palakasin ang pagkakaugnay-ugnay ng mga institusyon, paghusayin ang pagpapatupad ng mga polisiya, at lalong paigtingin ang pakikilahok ng publiko.
Lubos naming sinusuportahan ang mga pagsisikap ng Pangulo na isulong ang isang masigla at inklusibong pambansang adyenda.
Handa ang Minorya na makipagtulungan sa reorganisadong Gabinete sa paraang makabuo ng makabuluhang pagkakaisa tungo sa ating mga layunin: katatagan, kasaganahan, at kaunlaran para sa Pilipinas.
———————-
Barbers, Pinuri ang Hakbang ni BBM na I-rekalibrate ang Gabinete
Isang mambabatas mula sa Mindanao ang nagpahayag ng suporta sa hakbang ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hilingin sa lahat ng mga Kalihim ng Gabinete na magsumite ng kanilang courtesy resignation. Aniya, bibigyan nito ng kalayaan ang Pangulo na palitan ang mga matataas na opisyal ng pamahalaan na hindi mahusay sa kanilang tungkulin o hindi siya ipinagtatanggol sa panahon ng batikos mula sa mga kritiko o oposisyon.
“Naniniwala akong dapat niyang italaga sa Gabinete ang mga taong may walang kapintasang integridad at katapatan sa kanya at sa kanyang administrasyon…mga taong bilang kanyang alter ego ay kayang tuparin ang kani-kanilang mandato sa taong bayan at hindi magdadalawang-isip na kondenahin ang pananalakay ng Tsina sa West Philippine Sea at ipagtanggol siya sa iba pang pambansang isyung ibinabato sa kanya at sa kanyang administrasyon,” ayon kay Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers.
Si Barbers, na pangunahing tagapangulo ng House Quad Committee at Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, ay nagsabing dahil sa mababang performance ng ilang miyembro ng Gabinete, tila hindi nararamdaman ng masa ang mga layunin at tagumpay ng Pangulo sa mga isyung may kinalaman sa kalusugan, seguridad sa pagkain, at kapayapaan at kaayusan.
“Napapanahon na upang maglabas siya ng panibagong mga direktiba upang maipatupad ang isang masigla at makabagong sistema ng pamamahala na tiyak na makakakuha ng pagtanggap mula sa masa. Tama ang direksyong tinatahak ng Pangulo. At kailangang kumilos siya agad at may paninindigan upang mapanatili ang mga naabot ng kanyang administrasyon,” diin pa ni Barbers.
————————
Hepe ng OCD, hinikayat ang mga pribadong security personnel na maging frontliners sa disaster resilience
Aktibong pinalalakas ng Office of Civil Defense (OCD) ang pakikipag-ugnayan nito sa sektor ng private security services upang maisulong ang isang kultura ng kahandaan sa sakuna sa buong bansa.
Sa ginanap na ika-50 anibersaryo ng Philippine Chapter ng ASIS International kahapon sa The Peninsula Manila, binigyang-diin ni OCD Administrator at National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Executive Director Undersecretary Ariel F. Nepomuceno ang mahalagang papel na maaaring gampanan ng mga security personnel sa larangan ng disaster preparedness at response.
“Iminumungkahi ko na tayo ay magkaisa sa isang layunin,” panawagan ni Nepomuceno. “Ang bawat guard post ay hindi lamang magiging tagabantay ng lugar, kundi magiging sentro rin ng kahandaan at pagtugon sa panahon ng sakuna.”
Binanggit niya ang pangangailangan ng mas malawak at mas malalim na kolaborasyon, at hinikayat ang libu-libong private security officers sa buong bansa na magsilbing “force multipliers” sa panahon ng emergency.
Sa harap ng pagiging isa sa pinaka-disaster-prone na bansa sa buong mundo ayon sa World Risk Index, at ng banta ng isang magnitude 7.2 na lindol mula sa West Valley Fault, nanawagan si Nepomuceno sa mga security officers sa mga gusali, tirahan, malls, hotel, at paaralan na gumanap ng mahalagang papel hindi lamang sa pagtugon kundi sa paghahanda at pagbawas ng panganib sa sakuna.
Ibinahagi rin niya ang tatlong pangunahing haligi ng kahandaan sa sakuna ng pamahalaan:
“Una, ang mga solusyong inhenyeriya—ang pagsunod sa no-build zone at pagtiyak na matibay ang mga gusali. Ikalawa, ang muscle memory na ating binubuo sa pamamagitan ng mga regular na drill. At ikatlo, ang kakayahan ng bansa—ng pambansang pamahalaan, lokal na pamahalaan, at pribadong sektor—na tumugon sa panahon ng sakuna.”
Hinikayat niya ang mga security officers na maging bahagi ng bawat aspeto: tumulong sa inspeksyon ng mga gusali at pagsunod sa mga alituntunin, mamuno sa community drills, at maging bahagi ng unang tumutugon sa mga emergency.
“Bumuo ng mga team na tutugon. Bumuo ng mga lider na mamumuno sa mga bisita ng hotel, sa inyong mga empleyado, at sa inyong mga pamilya sa tahanan. Simulan ang pag-oorganisa,” ani Nepomuceno.
Hinimok din niya ang industriya ng seguridad na pormalisahin ang pakikipag-partner sa OCD upang malinaw ang kanilang papel, maibahagi ang mga resources, at makalahok sa mga regular na pagsasanay. Binanggit niya ang kasalukuyang pagpapaunlad ng isang 10-ektaryang field training center sa Clark para sa layuning ito.
Bilang pangwakas, binigyang-diin ni Nepomuceno ang kahalagahan ng pagkakaisa at pananagutang kolektibo:
“Ang pagsagip ng buhay ay bahagi ng aming mandato—at bahagi rin ng inyo. Magagawa natin ito kung tayo ay magtutulungan,” aniya.
—————-
Chairman Barbers: Mindanao voters ibinasura pananakot, sinuportahan impeachment backers
Ibinasura ni House Quad Comm lead Chairman Robert Ace S. Barbers ng Surigao del Norte ang pahayag na ang inihaing impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte ang dahilan kung bakit konting kandidato lamang sa pagkasenador ng Alyansa para sa Bagong Pilipinas ang nanalo.
Ayon kay Barbers, malinaw na maraming mga kongresista na sumuporta sa impeachment ang nanalo sa katatapos na midterm elections sa kabila ng pangangampanya ni Duterte laban sa mga ito.
“The results speak for themselves,” giit ni Barbers, chairman ng House Committee on Dangerous Drugs, na isa sa mga sumuporta sa impeachment case na inihain ng Kamara sa Senado.
“Thirty-six out of 44 Mindanao lawmakers who signed the impeachment complaint were reelected. That’s a clear 81.81% win rate. If the impeachment was such a political liability, we would’ve been wiped out in our own districts. But we were not—we were overwhelmingly returned to office,” dagdag pa ng mambabatas.
Sinabi ni Barbers na sinuportahan ng mga botante sa Mindanao ang mga nagpakita ng tapang para sa katotohanan at hindi pinaboran ang mga kandidatong naduwag at nagpatakot.
“Let’s be honest—voters are smarter than we give them credit for. They did not vote based on who defended or attacked a Duterte. They voted for local leaders who delivered, who stood their ground, and who worked with integrity,” dagdag niya.
Sinabi ni Barbers na ilan sa taga-Mindanao na sumuporta sa impeachment at nanalo sa halalan ay sina Rep. Zia Alonto Adiong at Rep. Yasser Balindong ng Lanao del Sur, Rep. Romeo Momo ng Surigao del Sur, Rep. Dimszar Sali ng Tawi-Tawi, Rep. Roberto ‘Pinpin’ Uy Jr. ng Zamboanga del Norte, Rep. Samantha Santos ng Cotabato, at sina Rep. Keith Flores at Jose Manuel Alba ng Bukidnon.
Sinabi ni Barbers na ang “blame game” na isinusulong ngayon ng ilang sektor upang isisi sa impeachment ang pagkatalo ng mga senatorial candidate ng Alyansa ay unfair at inaccurate.
“Senate campaigns are won with message, machinery, and momentum—not by shielding sacred cows from scrutiny. If some candidates underperformed, it was because we didn’t connect enough at the national level, not because we fought for truth and transparency,” ani Barbers.
Binigyang-diin niya na ipinakita ng resulta sa Mindanao na nakilala ng mga botante ang kaibahan ng lokal at pambansang halalan, at hindi nila itinuring na kataksilan sa pamahalaan ang impeachment.
“The fact that my wife Bernadette and so many of my colleagues were reelected proves that Mindanaoans know the difference between political vendetta and constitutional accountability,” ayon kay Barbers.
“They backed us because we had the spine to uphold the rule of law, even if it meant taking on powerful names. That is not political suicide—that is leadership,” dagdag pa ni Barbers. (END)
——————
Para sa pagpapatuloy ng Bagong Pilipinas Agenda: Mga lider ng Kamara nagpulong upang paghandaan 20th Congress
Sa unang pagkakataon matapos ang 2025 midterm election, nagpulong noong Biyernes ang mga lider ng iba’t ibang partido politikal sa Kamara de Representantes upang talakayin ang mga trabaho na maaaring ihabol sa nalalabing panahon ng 19th Congress at paghandaan ang pagpasok ng 20th Congress.
Ginanap ang pagpupulong ng mga senior House leaders at ilang personalidad sa Shangri-La Hotel sa Makati upang pag-usapan ang mga hakbang para sa bagong Kongreso, na nakatuon sa pagpapatuloy ng mga gawain sa lehislatura at suporta sa Bagong Pilipinas agenda ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr.
Ayon kay Quezon 2nd District Rep. David “Jay-Jay” Suarez, stalwart ng Lakas-Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), llimitado ang termibo ng mga kongresista sa tatlong taon kaya dapat ay magtrabaho ng maaga.
“Purely administrative matters were tackled. We have three years and 315 congressmen—so there’s a lot of groundwork to be laid out, especially on committee assignments and organizational concerns,” ayon kay Suarez, ang kasalukuyang Deputy Speaker at treasurer ng Lakas-CMD.
Sinabi ni Suarez na ang maagang paghahanda ay mahalaga upang matiyak na magiging maayos at mabilis ang pagsisimula ng trabaho ng Kamara sa Ika-20 Kongreso.
“Ayaw naman natin mangyari na kung kailan tumatakbo na ang Kongreso saka pa lang tayo bumubuo ng organisasyon. Dapat pagpasok ng July 1, trabaho na agad,” ani Suarez.
Inilarawan ni Suarez ang pagtitipon bilang isang “meet and greet,” dahil ito ang unang pagkakataon na nagkatipon muli ang mga pinuno ng partido matapos ang nakakapagod na kampanya.
Ngunit higit pa roon, sinabi ni Suarez na ang pulong ay nagsilbing senyales ng pagkakaisa ng koalisyon para sa pagpapatuloy sa susunod na Kongreso—na nakasalalay sa inaasahang pananatili ni Leyte 1st District Rep. Martin G. Romualdez bilang Speaker of the House.
“We are the dominant majority party—if I’m not mistaken, we have around 103 elected congressmen—and we are 100% behind the leadership of Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez. This is all under the banner of continuity,” giit ni Suarez.
Dumalo sa pulong si House Secretary General Reginald “Reggie” S. Velasco at ang mga pinuno ng mga partido at mga magbabalik na miyembro ng Kamara sa 20th Congress kabilang sina Reps. Yevgeny Vincente “Bambi” Emano (Misamis Oriental, Nacionalista Party), Romeo M. Acop (Antipolo City, National Unity Party), Albert S. “Abet” Garcia (Bataan, NUP), at Jose “Bong” J. Teves Jr. (TGP Party-list, PCFI), Alfredo A. “Pido” Garbin Jr. (Ako Bicol Party-list, PCFI), Reps. Jose C. “Pepito” Alvarez (Palawan, NUP) at Wilfrido Mark M. Enverga (Quezon, NPC), Deputy Speaker Kristine Singson-Meehan (Ilocos Sur, NPC), Rep. Luis Raymund “LRay” Villafuerte Jr. (Camarines Sur, NUP President), Ronnie Puno (NUP Chairman), Senior Deputy Speaker Aurelio “Dong” D. Gonzales Jr. (Pampanga, Lakas-CMD), House Majority Leader Manuel Jose “Mannix” Dalipe (Zamboanga City, Lakas-CMD), Rep. Eleandro Jesus “Budoy” Madrona (Romblon, Nacionalista Party), at Deputy Speaker Raymond Democrito Mendoza (TUCP Party-list, PCFI). (END)
——————
Speaker Romualdez: P20/kilo na bigas hindi nalang pangako kundi polisiya na sa ilalim ni PBBM
Pinuri ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang programa ng Department of Agriculture (DA) upang makapagbenta ng bigas sa halagang P20 kada kilo na isa umanong mahalagang hakbang tungo sa pagkakaroon ng seguridad sa pagkain at pang-ekonomiyang katarungan para sa mga pamilyang Pilipino.
Sinabi ni Speaker Romualdez na lubos ang suporta ng Kamara sa inisyatibang ito ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” R. Marcos Jr. at isusulong na ito ay magtuloy-tuloy at maging pangmatagalang pambansang polisiya at hindi lamang isang pilot project ng gobyerno.
“This is not a one-time rollout. This is the beginning of a national transformation. President Marcos is showing us that with political will and smart budgeting, P20/kilo rice is not just possible—it’s happening,” ani Speaker Romualdez.
Sinimulan ng DA ang pamamahagi ng bigas na ibebenta sa halagang P20 kada kilo sa pamamagitan ng National Food Authority (NFA). Ang bigas ay binili mula sa mga lokal na magsasaka.
Binigyang-diin ni Speaker Romualdez na susuportahan at palalawakin ng Kongreso ang modelong ito, sa pagbili ng bigas mula sa mga magsasaka sa patas na presyo at pagbebenta sa mga mamamayang mababa ang kita sa subsidized na halaga.
“We will allocate the necessary funds to scale this program nationwide through the 2026 General Appropriations Act,” ani Speaker Romualdez. “This kind of ayuda uplifts everyone—consumers, farmers, and the economy.”
Sinabi rin ni Speaker Romualdez na pinag-aaralan ng Kamara ang pagsasama-sama at pag-aayon ng mga umiiral na programa, gaya ng 4Ps, food assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Rice Program ng DA, upang makabuo ng isang pinagsama-samang Rice Assistance Fund.
Ang pondong ito, ayon kay Speaker Romualdez, ang magbibigay-kapangyarihan sa NFA upang patatagin ang suplay ng bigas na ibebenta sa halagang P20 kada kilo sa mga kwalipikadong benepisyaryo.
“We will also consider tapping AKAP and other targeted subsidy programs as complementary channels to reach the near-poor and vulnerable,” dagdag ni Speaker Romualdez.
Tiniyak ni Speaker Romualdez sa publiko na ang Kamara, kaagapay ang Ehekutibo, ay titiyakin na ang pagpapatupad ng P20/kilo na programa sa bigas ay magiging mahusay, transparent, at ligtas mula sa katiwalian o pang-aabuso, sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya gaya ng integration sa national ID, e-vouchers, at digital monitoring.
“No Filipino should go hungry when our farmers are ready to feed the nation. P20/kilo rice is not a fantasy—it’s a question of priority. And it is a top priority under this administration,” ani Speaker Romualdez.
Pinuri rin ni Speaker Romualdez si Pangulong Marcos Jr. sa pamumuno sa pagsusulong ng mga matapang at makataong solusyon upang tugunan ang inflation at kakulangan sa pagkain.
“President Marcos is turning a vision into action. The House of the People stands solidly behind him as we turn this action into permanent policy,” pagtatapos ni Speaker Romualdez. (END)
——————-
Walang bloodbath sa impeachment ni VP Sara kundi paghahanap ng katotohanan, pananagutan
Hindi ‘bloodbath’ tulad ng pagsasalarawan ni Vice President Sara Duterte ang magaganap na impeachment trial sa Senado, dahil para ito sa paghahanap ng katotohanan at pananagutan.
Ito ang tugon ni House Deputy Majority Leader Lorenz Defensor, isang miyembro ng House prosecution panel sa naging pahayag ng Bise Presidente na nais nitong maging madugo ang impeachment trial.
Sa isang panayam sa radyo, sinabi ni Defensor na parehong dapat maging handa ang prosecution at defense panels sa paglalahad ng kanilang kaso sa Senado, na magsisilbing impeachment court sa pagbubukas ng Ika-20 Kongreso.
Ayon kay Defensor, magiging mas madali para sa taumbayan na tanggapin ang anumang kalalabasan ng paglilitis—maging guilty man o hindi ang hatol kay Duterte.
“Maganda sigurong sabihin natin na ‘winner takes it all’ ang impeachment trial na ito. Hindi kailangan maging bloodbath. Gusto natin malinaw lang ang pagkakalatag ng ebidensya ng prosecution at ng defense teams,” ayon kay Defensor.
Dagdag pa ng mambabatas: “Gusto ko makita na handa si Vice President para sakaling ma-acquit siya… madaling tanggapin ng taumbayan, madaling tanggapin ng 215 members of Congress who signed the impeachment complaint. At sana, ‘wag pakialaman ng ating Korte Suprema ang impeachment. This is a purely political process.”
Matatandaan na noong Pebrero, bago mag-adjourn ang sesyon, pinagtibay ng Kamara de Representantes ang Articles of Impeachment laban kay Duterte matapos itong pagtibayin ng nakararaming miyembro.
Inakusahan si Duterte ng culpable violation of the Constitution at betrayal of public trust dahil sa umano’y maling paggamit ng confidential funds ng Office of the Vice President at bilang kalihim ng Department of Education na hindi nito sinagot sa mga pagdinig ng Kamara.
Binigyang-diin ni Defensor na ang impeachment ng isang mataas na opisyal ay hindi isang judicial proceeding, kundi isang political process na pinamamahalaan ng Konstitusyon at nasa kapangyarihan ng lehislatura.
“It is a political question na dapat sagutin ng mga nahalal na senador at mga kongresista, at ‘di dapat pakialaman ng Korte Suprema,” giit niya.
“Kung wala namang grave abuse of discretion on the part of the House or the Senate, I am confident na our Supreme Court will respect the separation of powers,” dagdag ni Defensor.
Naipadala na ng Kamara ang Articles of Impeachment sa Senado, at ayon kay Defensor, wala nang puwang para sa anumang mosyon na ibasura o bawiin ang kaso.
“Kapag nai-transmit na ng House ang Articles of Impeachment sa Senado, nakalagay sa ating Konstitusyon that the trial shall proceed forthwith. Hindi pwedeng mag-motion to dismiss sa isang impeachment complaint dahil ito ay isang national inquest,” paliwanag ng kongresista.
Sinagot din ni Defensor ang mga haka-haka na maaaring may mambabatas na babawi sa suporta sa reklamo o maghain ng mosyon para bawiin ito, na aniya’y malabong mangyari dahil makasisira lamang ito sa kredibilidad ng proseso.
“Maaaring may magsubok niyan, pero hindi ko nakikitang papayagan pa ‘yan ng Kongreso, lalo na ng Senado. Hindi rin maganda ‘yon para kayong nagbalimbing sa sarili ninyong impeachment complaint,” ayon pa kay Defensor.
Nang tanungin ukol sa pahayag ni Duterte na walang sapat na ebidensya laban sa kanya, sinabi ni Defensor na kampante ang House panel sa lakas ng kanilang kaso.
“Confident kami, kaya sinasabi ko na instead of a bloodbath, gusto namin winner takes all,” giit ni Defensor.
Ipinaliwanag niya na ang impeachment trial ay hindi sumusunod sa mahigpit na pamantayan ng ebidensya ng mga kasong kriminal o sibil. Sa halip, ang mga senador na magsisilbing hukom ay kailangang gumamit ng konsensya at sariling paghatol sa pagsusuri ng mga ebidensyang ihaharap.
Tungkol naman sa nakabimbing petisyon ng kampo ni Duterte sa Korte Suprema para ipatigil ang trial, nanindigan si Defensor na hindi dapat makialam ang mataas na hukuman maliban na lamang kung may malinaw na grave abuse of discretion mula sa Kongreso.
“Abangan natin kung sa palagay ng Supreme Court ay may grave abuse of discretion… pero I am confident na ang ating Korte Suprema will respect the separation of powers,” giit pa ni Defensor.
Sa huli, sinabi ni Defensor na ang impeachment trial ang tanging paraan para matapos ang kontrobersya.
“Mas magandang matuloy na ito, matapos, at may closure ang Pilipinas. Kung sasabihin ng senator-judges natin na walang kasalanan ang Vice President, napakadaling tanggapin ‘yun ng mga miyembro ng Kongreso at katunggali niya. Pero kung may pananagutan siya, dapat ring tanggapin ang desisyon,” anang mambabatas.
“Winner takes all tayo sa impeachment trial na ito para mas madaling tanggapin ang magiging resulta,” ayon pa kay Defensor. (END)
———————-
Tingog nakakuha ng 3 puwesto sa Kongreso, nagdala ng karangalan ng Visayas sa pambansang entablado
Nakakuha ng tatlong puwesto ang Tingog party-list sa Kamara de Representantes sa paparating na 20th Congress, isang isang mahalagang tagumpay upang maipagpatuloy nito ang pagbibigay ng serbisyo na nakasentro sa taumbayan at naka-ugat sa komunidad.
Nitong Mayo 19, 2025, opisyal na idineklara ng Commission on Elections (COMELEC), bilang National Board of Canvassers, ang mga nanalong party-list groups sa katatapos na midterm elections.
Ang Tingog ang isa sa mga nangunang party-list group at nakakuha ng tatlong upuan sa 20th Congress matapos makapagtala ng 1,822,708 boto.
Ang Tingog ay kakatawanan sa Kongreso nina Andrew Romualdez, Jude Acidre, at Happy Calatrava. Kabilang din sa mga nominee ng partido sina Alexis Yu, Paul Richard Muncada, Yedda Romualdez, Aref Usman, Liza Barientos, Jaime Go, at Glenn Jude Rufino.
Hango sa salitang Waray na nangangahulugang “boses,” itinatag ang Tingog sa Tacloban City matapos ang pananalasa ng super typhoon Yolanda. Mula sa pagiging isang regional movement, lumago ito bilang pambansang plataporma para sa paggawa ng mga inklusibong batas, mabilis na maipaabot ang serbisyo publiko, at pamamahalang nakabatay sa komunidad.
“This renewed mandate is deeply humbling. It tells us that the people still believe in the kind of leadership we offer—one that listens, that serves, and that delivers,” sabi ni Rep. Jude Acidre, na muling magsisilbi para sa kanyang ikalawang termino.
“TINGOG was born from the silence that followed Yolanda, at a time when our region felt forgotten. We made a commitment then: that Eastern Visayas would never again be without a voice. Today, we carry that voice not just for our own, but for every Filipino who longs to be heard. Sa dulo ng lahat, ang hinahanap pa rin ng tao ay isang pamahalaang tunay na nakikinig at tapat na nagsisilbi,” dagdag pa nito.
Hanggang ngayong buwan, may kabuuang 174 panukalang batas na akda ng Tingog ang naaprubahan ng Kamara de Representantes, kung saan 46 sa mga ito ang naging ganap na batas gaya ng:
• RA 11703 – Samar Island Medical Center Act
• RA 11934 – SIM Card Registration Act
• RA 11960 – One Town, One Product (OTOP) Philippines Act
• RA 11976 – Ease of Paying Taxes Act
• RA 11984 – No Permit, No Exam Prohibition Act
• RA 12009 – New Government Procurement Act
• RA 12076 – Ligtas Pinoy Centers Act
• RA 12124 – Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP) Act
Mayroon ding mahalagang papel na ginampanan ang Tingog sa pagpasa ng Magna Carta of Filipino Seafarers. Ang komite ni Acidre— ang House Committee on Overseas Workers Affairs, ang nagsulong ng naturang panukala.
Bukod sa paggawa ng batas, patuloy na inilalapit ng Tingog ang pamahalaan sa mamamayan sa pamamagitan ng 218 TINGOG Centers sa buong bansa. Ang mga center na ito ay nagsisilbing tulay upang maipaabot sa mga komunidad—lalo na sa mga lugar na liblib at kulang ang natatanggap na serbisyo—ang mahahalagang programa ng pamahalaan tulad ng medikal na tulong, pinansyal na ayuda, at suportang pangkabuhayan.
“This isn’t just about holding public office—it’s about upholding a duty to ensure that no Filipino is left behind,” ani Andrew Romualdez, unang nominado at papasok na kinatawan.
“Through TINGOG, we strive to make public service tangible—something that reaches people where and when it matters most. At the heart of that is a government that listens with intent and serves with integrity,” dagdag pa ni Romualdez.
Para naman kay Happy Calatrava, na dating Regional Chair ng TINGOG sa Visayas, ang tagumpay na ito ay parehong nakakapagpakumbaba at personal. “This is an opportunity to give back to the communities that shaped us. From Leyte to Cebu, from Samar to the rest of the country—we carry the voice of the region and the hopes of the people we serve.”
Sa pagkakamit ng tatlong puwesto sa ika-20 Kongreso, sinisimulan ng Tingog ang isang bagong kabanata na nakaugat sa pinagmulan nito, ginagabayan ng adbokasiya, at determinado sa layuning mailapit ang pamahalaan sa mamamayan. (END)
———————
Yamsuan, tiniyak ang ‘walang palakasan,’ pantay na pagtrato sa lahat kasunod ng tagumpay sa Parañaque
Tiniyak ni bagong halal na Kinatawan ng Ikalawang Distrito ng Parañaque na si Brian Raymund Yamsuan sa kanyang mga nasasakupan na ang kanyang layunin na itaas ang antas ng serbisyong pampubliko sa distrito ay isasakatuparan nang may patas at pantay na pagtrato para sa lahat.
Ibinigay ni Yamsuan ang pangakong ito kasunod ng kanyang nakakagulat na pagkapanalo laban sa matagal nang nakaupong kongresista ng distrito, si Gus Tambunting.
Sa miting de avance noong Mayo 10 kasama ang kanyang mga kapartido sa Team Pagasa, buong tapang niyang sinabi: “Ako si Brian Yamsuan, ang magiging susunod na congressman ng District 2 ng lungsod ng Parañaque!” kasabay ng masigabong palakpakan mula sa libu-libong tagasuporta.
Makalipas ang tatlong araw, nagkatotoo ang kanyang pahayag: tinalo niya si Tambunting sa isang mainit na labanan sa congressional seat ng Distrito Dos ng Parañaque, sa agwat na halos 10,000 boto.
“Bukod sa paggawa ng mga batas na makabubuti sa Parañaque at sa buong bansa, sisiguraduhin nating bilang kongresista, magiging epektibong tulay ako sa pagitan ng pambansang pamahalaan at ng taumbayan upang maihatid sa kanila ang mga programang panlipunan, pang-edukasyon at pangkabuhayan na nararapat sa kanila,” pahayag ni Yamsuan.
Nanalo si Yamsuan sa kabila ng mga reklamo ng vote buying laban kay Tambunting, na nabigyan ng show-cause order ng Comelec Kontra Bigay committee at inatasang sagutin ang mga alegasyon.
Nagwagi rin ang mga kapartido ni Yamsuan sa mas pinaiting ngunit payak na kampanya ng Team Pagasa. Si Benjo Bernabe ay nanalong bise alkalde ng lungsod ng Parañaque, at napigilan ang muling pagtakbo ng incumbent na si Joan Villafuerte.
Kinumpleto nina Tess de Asis at Binky Favis ang tagumpay ng Team Pagasa nang sila’y ideklarang mga halal na Konsehal matapos makuha ang ikalawa at ikatlong pinakamataas na boto para sa Sangguniang Panlungsod.
“Bawat Parañaqueño na nangangailangan sa Distrito Dos ay sisikapin nating matulungan. Babaguhin natin ang dating sistema. Tulad ng lagi ko nang ginagawa noon sa aking masigasig na paglilingkod sa distrito bago pa man ako mahalal, wala tayong papaboran, walang palakasan,” ani Yamsuan tungkol sa kanyang pagkapanalo.
Ipinahayag din ni Congressman-Elect Yamsuan na makikipag-ugnayan siya sa mga Parañaqueño na maaaring nawalan ng trabaho matapos ang halalan upang ialok sa kanila ang mga kabuhayang maaaring makuha mula sa mga programang kanyang naisaayos sa pakikipagtulungan sa Department of Labor and Employment (DOLE).
“Simula sa unang araw ng ating panunungkulan, agad nating isasakatuparan ang ating H.O.P.E. agenda para sa distrito,” ani Yamsuan.
Layunin ng agenda na ito na matiyak na ang mga residente ng Ikalawang Distrito ng Parañaque ay: 1) may dekalidad at abot-kayang serbisyong pangkalusugan; 2) may sapat na oportunidad sa trabaho at kabuhayan upang umangat ang pamumuhay; 3) may katiwasayan at kapayapaan sa komunidad; at 4) may akses sa dekalidad na edukasyon.
Nagpasalamat si Yamsuan sa kanyang maybahay na si Cathy at sa kanilang mga anak; sa kanyang mga kapartidong nanalo; at sa mga miyembro ng kanyang kampanya, mga kaibigan, at tagasuporta na tumulong upang makamit ang tagumpay.
“Una sa lahat, maraming salamat sa Panginoong Diyos. Lubos din akong nagpapasalamat sa mga nagbuhos ng kanilang panahon, lakas at kakayahan at sinamahan tayo every step of the way noon pa man bago magsimula ang kampanya,” ani Yamsuan.
“Sa aking maybahay na si Cathy, sa aming mga anak, at sa buong pamilya ko na walang sawang sumusuporta sa akin kahit sa gitna ng paninira, panggugulo at panlalait — maraming salamat sa inyong pagmamahal at suporta,” dagdag niya.
“Sa mga itinuring ko nang kapatid sa Team Pagasa — sina Vice Mayor-Elect Benjo Bernabe, mga bagong halal na Konsehala Tess De Asis at Konsehal Coach Binky Favis — hindi ko makakalimutan ang inyong hindi matitinag na tiwala, tiyaga at suporta. Maraming salamat sa inyo. Kasama ang mga Parañaqueño, sama-sama nating babaguhin at iaangat ang kalidad ng serbisyo publiko sa District Two,” pagtatapos ni Yamsuan. ###
——————
Barbers, napanatili ang kontrol sa lalawigan ng Surigao del Norte
Nananatili sa poder ang angkan ng Barbers sa lalawigan ng Surigao del Norte matapos nilang magwagi nang malaki laban sa huling pagsubok ng kanilang mga katunggali na maagaw ang puwesto ng Gobernador at Kinatawan ng Ikalawang Distrito ng lalawigan.
Idineklara ng Commission on Elections Provincial Board of Canvassers noong Mayo 13, 2025 sina incumbent Governor Robert Lyndon Barbers at Rep. Bernadette Barbers—maybahay ni papalitang Kinatawan Robert Ace Barbers—bilang mga nagwagi sa katatapos na halalan.
Nagpaabot ng taos-pusong pasasalamat sina Robert Lyndon at Bernadette sa mamamayan ng Surigao del Norte, na karamihan ay matagal nang sumusuporta sa kanilang angkan mula pa noong dekada nobenta, simula kay yumaong Senador Robert “Bobby” Barbers na nagsilbi ring Congressman ng SDN at Kalihim ng DILG.
Batay sa tala ng ABS-CBN Halalan 2025 (hanggang 12:21 ng tanghali, Mayo 15), nakakuha si Robert Lyndon ng kabuuang 173,037 boto—lamang ng 5,803 laban sa kalabang si Bingo Matugas na nagtala ng 167,234 boto para sa pagka-gobernador.
Si Bernadette Barbers naman ay nakakuha ng 123,091 boto, na may lamang na 24,042 laban kay Jun Jun Egay na nakakuha lamang ng 98,639 boto para sa pagka-kongresista ng Ikalawang Distrito.
Nagwagi rin ang kanilang kaalyado at incumbent Mayor ng Surigao City na si Paul Dumlao na tinalo si Nitoy Matugas sa pamamagitan ng 24,096 boto—nakakuha si Dumlao ng 57,400 boto kumpara sa 33,304 ni Matugas.
Ayon kay outgoing three-termer Congressman Robert Ace Barbers, ginamit niya ang lahat ng makakaya at impluwensiya upang hikayatin ang mga kababayan na huwag magpadala sa mga pangakong wala umanong laman ng kanilang mga kalaban sa politika sa lalawigan.
“Sa kabila ng aming pagkapanalo, naniniwala ako na may nangyaring hindi kanais-nais sa proseso ng halalan sa lalawigan—may anomalya pa ring kailangang tuklasin. Bakit? Dahil inaasahan naming mas malaki pa ang magiging lamang namin sa boto, lalo na sa mainland Surigao del Norte,” ani Barbers.
“Gayundin, naging matindi ang aming laban sa ilang bayan ng Siargao Island kahit alam naming balwarte iyon ng aming kalaban,” dagdag pa niya.
Nagpahayag ng pasasalamat sa Diyos sina Robert Lyndon, Bernadette, at Robert Ace Barbers sa kanilang tagumpay at nangakong itutuloy ang pagsulong ng mabuting pamamahala sa buong lalawigan ng Surigao del Norte. (30)
————————-
Chairman Barbers: Tinanggihan ng mga botante sa Mindanao ang pananakot, sinuportahan ang mga tagapagtaguyod ng impeachment
Itinanggi ni House Quad Committee Chairman Robert Ace S. Barbers ng Surigao del Norte nitong Sabado ang mga pahayag na ang mababang boto ng mga kandidatong senador ng Alyansa sa Mindanao ay dulot ng impeachment complaint laban kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte, at tinawag ang mga ganitong kuro-kuro na “mapanlinlang at hiwalay sa tunay na damdamin ng mga botanteng Mindanaoan.”
“Nagsasalita na ang resulta,” ani Barbers, na siya ring Chairman ng House Committee on Dangerous Drugs. “Sa 44 na kongresistang Mindanaoan na lumagda sa impeachment complaint, 36 ang muling nahalal. Iyan ay malinaw na 81.81% win rate. Kung ang impeachment ay tunay na pampulitikang liability, sana’y natalo kaming lahat sa sariling distrito. Pero hindi—kami ay muling ibinoto nang may malaking kalamangan.”
Isa si Barbers sa mga miyembro ng Kamara na sumuporta sa impeachment, at aniya, pinili ng mga taga-Mindanao ang tapang kaysa takot, at hindi nagpadala sa pananakot o blind loyalty.
“Maging tapat tayo—mas matalino ang mga botante kaysa sa inaakala ng iba. Hindi sila bumoto base sa kung sino ang dumepensa o umatake sa isang Duterte. Bumoto sila para sa mga lokal na lider na may nagawa, may paninindigan, at may integridad sa serbisyo,” dagdag ni Barbers.
Binanggit niya ang ilang kapwa kongresistang muling nahalal at sumuporta rin sa impeachment, kabilang sina Rep. Zia Alonto Adiong at Rep. Yasser Balindong ng Lanao del Sur, Rep. Romeo Momo ng Surigao del Sur, Rep. Dimszar Sali ng Tawi-Tawi, Rep. Roberto ‘Pinpin’ Uy Jr. ng Zamboanga del Norte, Rep. Samantha Santos ng Cotabato, at sina Rep. Keith Flores at Jose Manuel Alba ng Bukidnon—lahat ay matagumpay na naipanalo muli ang kanilang mga puwesto.
Ayon pa kay Barbers, hindi makatarungan at hindi tama ang itinatakbo ngayong “blame game” ng ilang sektor na ibinubunton ang pagkatalo ng Alyansa sa Senado sa impeachment complaint.
“Ang kampanya sa Senado ay nananalo sa mensahe, makinarya, at momentum—hindi sa pagtatanggol ng mga ‘sagradong baka’ mula sa pagsusuri. Kung may kandidatong hindi nagtagumpay, ito’y dahil hindi namin naabot nang sapat ang pambansang damdamin, at hindi dahil lumaban kami para sa katotohanan at transparency,” ani Barbers.
Binigyang-diin pa niya na ipinakita ng resulta sa Mindanao na marunong ang mga botante na magkaiba ang lokal at pambansang halalan, at hindi nila itinumbas ang impeachment sa pagtataksil.
“Ang katotohanang muling nahalal ang aking maybahay na si Bernadette at marami sa aking mga kasamahan ay patunay na alam ng mga taga-Mindanao ang pagkakaiba ng political vendetta at constitutional accountability,” ani Barbers.
“Sinuportahan nila kami dahil may lakas-loob kaming panindigan ang batas, kahit pa ito ay laban sa makapangyarihang pangalan. Hindi ito political suicide—ito ang tunay na pamumuno,” pagtatapos niya. (WAKAS)
—————
Rehabilitasyon ng San Juanico Bridge tinukuran ng Tingog
Nagpahayag ng pag-aalala ang Tingog Party-list sa abalang dulot ng partial closure ng San Juanico Bridge—isang mahalagang imprastraktura na nag-uugnay sa mga isla ng Leyte at Samar at nagsisilbing gulugod ng koneksyon at komersiyo sa Silangang Visayas.
Sa pakikipagtulungan sa Tanggapan ni House Speaker Martin Romualdez, nagsagawa ang Tingog Party-list ng isang multi-agency consultative meeting noong Mayo 17, 2025, na dinaluhan ng mahigit 30 ahensya ng pambansang pamahalaan—kabilang ang DPWH, MARINA, PPA, LTFRB, DSWD, DEPDev, OCD, at iba pa—upang mag-organisa ng agarang at koordinadong tugon ng pamahalaan.
Mula noon, pinangunahan ng TINGOG Party-list at ng Tanggapan ni Speaker Martin Romualdez ang pagmomobilisa ng mahahalagang interbensyon at pakikipag-ugnayan sa mga kaugnay na ahensya upang matiyak ang kaligtasan ng publiko, mapagaan ang pasanin ng mga apektadong mananakay at negosyo, at maisakatuparan ang ganap na pagpapanumbalik ng koneksyon sa transportasyon. Kabilang sa mga pangunahing kaganapan ang mga sumusunod:
• Pakikipagtulungan sa DPWH at MARINA upang tukuyin at ihanda ang mga alternatibong ruta at pantalan. Kabilang dito ang Amandayehan Port sa Basey, Samar, na inihahanda na para sa Ro-Ro operations.
• "The first Ro-Ro vessel to operate in the San Juanico Strait—the LCT Aldain Dowey—has been deployed by Sta. Clara Shipping Corporation. Its deployment is expected to ease the logistical bottleneck caused by the bridge restrictions and facilitate the continued movement of goods and passengers, especially heavily loaded vehicles affected by the 3-ton weight limit."
• "Permits for additional Sta. Clara Shipping vessels have been approved. Coordination with PPA and MARINA is ongoing to finalize docking arrangements and activate alternative maritime routes."
• Sa pakikipagtulungan sa DPWH, inilunsad ng TINGOG ang 24-oras na libreng sakay para sa mga apektadong pasahero at mananakay.
• Itinatayo ang pansamantalang terminal para sa pasahero at mga sentrong tulong sa magkabilang dulo ng San Juanico Bridge, na nag-aalok ng silungan, batayang serbisyo, at agarang suporta, sa tulong ng DSWD, OCD, AFP, PNP, DICT, at mga lokal na CSWDO.
Nagpapasalamat kami sa aming mga pambansa at lokal na kasangga sa agarang pagtalima at pakikipagtulungan, at pinupuri namin ang patuloy na pagsisikap ng DPWH, MARINA, at PPA upang mapabilis ang mga pangmatagalang solusyon habang pinangangalagaan ang kaligtasan ng publiko.
"TINGOG Party-list also expresses its strong support for the proposed ₱1.7 billion rehabilitation fund for the San Juanico Bridge, as outlined by DPWH. This proposal reflects the scale and urgency of work required to strengthen and future-proof this critical structure."
Kaugnay ng sitwasyon, muli naming inihahayag ang aming suporta sa mga sumusunod na pangunahing rekomendasyon:
• Pagdedeklara ng state of emergency upang mapabilis ang kilos ng pamahalaan, pagpapadali ng lohistika, at mobilisasyon ng pondo.
• Paglikha ng Cabinet-level Emergency Response Task Force at isang Regional Task Force upang pamunuan ang sabayang, real-time na mga hakbang para sa pagbangon at pag-iwas.
• Pagtaguyod ng isang One-Stop-Shop Permit Center upang pabilisin ang mga clearance kaugnay ng transportasyon at lohistika.
• Pagpapalawak ng mga operasyon ng Ro-Ro, regulasyon ng pamasahe at pamamahala sa mga pantalan, at pagpapabilis sa pagbibigay ng special permits sa mga operator ng sasakyang pandagat.
• Paglalaan ng tulong pinansyal sa mga apektadong MSMEs, regulasyon ng presyo ng mga pangunahing bilihin, at paglulunsad ng region-wide na economic impact assessment ng DEPDev at PSA.
Nananatili kaming umaasa na ganap na maibabalik ang koneksyon sa transportasyon at lohistika sa lalong madaling panahon. Magpapatuloy ang TINGOG Party-list sa pagtindig kasama ang mga mamamayan ng Silangang Visayas—katuwang ang pamahalaan, pribadong sektor, at civil society partners—upang isakatuparan ang aming misyon ng maayos na pamamahala, tumutugong pamumuno, at konkretong serbisyo sa rehiyon. (END)
——————
AKBAYAN, PROKLAMADONG TOP PARTYLIST NG COMELEC; NANGAKONG BUBUO NG “REFORM BLOC” SA KAMARA
Pormal nang ipinroklama ng Commission on Elections (COMELEC) ang Akbayan Partylist bilang pangunahing nanalo sa 2025 party-list elections matapos itong makakuha ng tatlong puwesto sa ika-20 Kongreso. Sa likod ng makasaysayang tagumpay—na nakapagtala ng mahigit 2.77 milyong boto—nangako ang Akbayan na bubuo ito ng isang malawak na “reform bloc” sa Mababang Kapulungan upang isulong ang agarang mga reporma sa batas na tunay na makapagpapabago sa lipunan.
Ang mga incoming representatives ng Akbayan—human rights lawyer na si Atty. Chel Diokno, dating National Youth Commission commissioner Perci Cendaña, at Indigenous Peoples at women’s rights advocate Dadah Kiram Ismula—ay inanunsyo ang pagbubuo ng “Akbayan Reform Bloc,” katuwang si Dinagat Islands Rep. Kaka Bag-ao, isang dating mambabatas ng Akbayan. Nangako silang makikipagtulungan sa kapwa mambabatas na may malasakit at paninindigan para sa makabuluhang pagbabago.
Si Diokno, na itinalaga rin bilang bahagi ng House prosecution panel sa nalalapit na impeachment trial ni Pangalawang Pangulo Sara Duterte, ay inilahad ang pangunahing misyon ng kanilang blokeng Akbayan: isulong ang hustisya, panagutin ang mga dapat managot, at ipanalo ang mga repormang kailangan ng sambayanang Pilipino.
“Lubos kaming nagpapasalamat sa tiwala ng taumbayan at sa pagkakataong ipagpatuloy ang serbisyo publiko na kilala na ang Akbayan. Hindi namin kayo bibiguin. Mananatili kaming tapat sa pagsusulong ng karapatan at kapakanan ng mamamayan sa pamamagitan ng mga makabuluhang batas na magpapagaan ng buhay at magtataguyod ng isang mas makatarungan at inklusibong lipunan,” ani Diokno.
“Maliwanag ang assignment namin bilang mga kinatawan ng Akbayan: Una, itaguyod ang panawagan ng mamamayan para sa katarungan at pananagutan. Pangalawa, ipanalo ang mga repormang kailangang-kailangan upang guminhawa ang buhay ng ating mga kababayan,” dagdag pa niya.
Pinaigting din ni Cendaña ang panawagan para sa pagkakaisa ng mga progresibong mambabatas sa pamamagitan ng reform bloc upang maisulong ang makabuluhang mga batas, iwasan ang lumang estilo ng politika, at maghatid ng alternatibong liderato.
“Pinatunayan ng halalan 2025 na kahit may disimpormasyon at malalakas na makinaryang politikal, kayang manalo ng taumbayan. Pero alam nating tatlong puwesto ay hindi sapat para pasanin ang lahat ng laban. Kaya’t bubuuin natin ang isang mas malawak na alyansa para sa pagbabago—kasama ang mga lingkod-bayan gaya ni ML Rep. Leila de Lima, na matagal nang kasama natin sa laban para sa hustisya at katotohanan,” ani Cendaña.
Para kay Ismula, ang pagbabalik ng Akbayan sa Kongreso ay tagumpay rin ng mga katutubo sa usaping representasyon sa paggawa ng mga polisiya. Isang kinatawan ng Sama-Banguingui ethnic group, dati siyang nagsilbi sa Office of the Indigenous Peoples Mandatory Representative sa Zamboanga City.
“Nasasanay ang ating lipunan na palaging nasa laylayan ang mga katutubo. Sa panalong ito, nais nating patunayan na hindi lang dapat dalhin sa Kongreso ang mga isyu ng katutubo—kundi pati ang kanilang boses, lakas, at ambag sa paggawa ng mga makabuluhang batas,” diin ni Ismula.
Inanunsyo rin ng Akbayan na kabilang sa kanilang mga pangunahing panukalang batas sa ika-20 Kongreso ay ang pagpasa ng Security of Tenure Bill, panukalang P200 dagdag-sahod, pagpapalakas ng Anti-Hospital Detention Law, pinalawak na subsidiya para sa mga estudyante, at mga reporma sa sistema ng pambansang badyet. #
————-
Rodriguez, tumutol sa panukalang ASEAN unified visa system: “Magbubukas ito ng pinto sa mas maraming Chinese spies”
Muling inihayag ni Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez ang kanyang pagtutol sa plano ng Pilipinas na lumahok sa ASEAN unified visa system, dahil umano sa banta nito sa pambansang seguridad.
Nanawagan si Rodriguez kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na utusan si Department of Tourism (DOT) Secretary Christina Frasco na bawiin ang suporta ng ahensiya sa naturang panukala.
Ang pinaplanong ASEAN visa system ay may pagkakahalintulad sa Schengen visa system ng Europa, kung saan maaaring makapasok sa maraming bansa ang mga turista gamit lamang ang isang visa.
Ayon kay Rodriguez, kung matutuloy ang partisipasyon ng Pilipinas sa sistemang ito, “mas lalala pa ang panganib sa ating pambansang seguridad, interes, at kapakanan ng ating lipunan kumpara sa kasalukuyang sistema ng pag-iisyu ng visa.”
“Papayagan nitong makapasok sa Pilipinas ang mga turistang Tsino na maaaring mga espiya sa pamamagitan ng pagkuha ng ASEAN visa sa mga bansang malapit sa China tulad ng Cambodia at Laos, o kaya sa Thailand na kilala sa pagbibigay ng maluwag na visa sa mga Chinese nationals. Ito ay mas mapanganib kaysa sa kasalukuyang sistema natin,” babala ni Rodriguez.
Aniya, kahit sa kasalukuyang sistema ay nakakalusot na sa bansa ang tinatawag niyang mga “Trojan horse” mula China—mga nagpapanggap na turista, estudyante, o negosyante ngunit espiya pala.
“Marami sa kanila ang napatunayang espiya ng Beijing. Nahuli ang ilan sa kanila sa paligid ng mga kampo-militar at sensitibong opisina ng pamahalaan, kabilang na ang Commission on Elections,” dagdag niya.
“Ang iba naman ay sangkot sa panloloko, ilegal na sugal, POGO, human trafficking, drug smuggling, at iba pang krimen. Isa silang salot sa ating lipunan. Hindi natin dapat pahintulutan ang kanilang mas madaling pagpasok sa bansa sa ilalim ng sistemang ito,” ayon pa kay Rodriguez.
Hinimok niya si Frasco, mga opisyal ng DOT, at mga stakeholder sa industriya ng turismo na isaalang-alang ang pambansang seguridad sa pag-endorso ng mga proyektong gaya ng ASEAN unified visa.
“Suportado natin ang pag-angat ng turismo at ekonomiya sa pamamagitan ng mas maraming turista. Ngunit, sa gitna ng ating alitan sa China sa West Philippine Sea, hindi tayo dapat basta tanggap lang ng tanggap ng mga turistang Tsino. Kailangang dumaan sila sa masusing pagsusuri ng ating mga embahada at konsulado sa China,” giit ni Rodriguez.
Noong Mayo 15 sa isang forum sa Bangkok, Thailand, iniendorso ni Frasco ang panukalang ASEAN unified visa system, at nagpahayag siya ng pag-asa na ito ay matalakay sa gaganaping ASEAN Summit na iho-host ng Pilipinas sa susunod na taon.
—————
Yamsuan, paiigtingin ang mga programa sa kabuhayan at trabaho upang hindi umasa sa ‘ayuda’ ang mga taga-Parañaque
Nangako si Parañaque 2nd District Representative-elect Brian Raymund Yamsuan na lalo niyang paiigtingin ang pagpapatupad ng mga programa ng pamahalaan para sa kabuhayan sa kanyang distrito upang mapalawak ang oportunidad para sa mga nangangailangang residente na maiangat ang kanilang pamumuhay, imbes na umasa lamang sa ‘ayuda’ o paminsang tulong-pinansyal.
Ayon kay Yamsuan, nagsimula na siyang makipag-ugnayan sa ilang non-government organizations (NGOs) upang tumulong sa pagsasanay ng mga kwalipikadong benepisyaryo ng kanyang mga entrepreneurship programs na “Dagdag-Puhunan” at “Bigay-Negosyo,” na isinakatuparan na niya noong nakaraang taon sa tulong ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Dagdag pa niya, muli niyang ihahain sa ika-20 Kongreso ang ilang panukalang batas na naglalayong magtatag ng mga lokal na opisina para sa paghahanapbuhay na partikular na tututok sa mga senior citizens at persons with disabilities (PWDs), at magsusulong ng mas malawak na suporta sa mga maliliit na negosyo sa pamamagitan ng mga programang pang-financing.
“Ang kailangan natin ay mabigyan ng mga oportunidad ang mga tao na umangat ang kanilang estado ng pamumuhay. Hindi ‘yung basta magbibigay lang tayo ng ayuda nang walang follow-through. Ang pagbabago, magsisimula rin sa mga tao mismo. Bibigyan natin sila ng oportunidad para magtiwala sa sarili nilang kakayahan sa halip na umasa lang sa ayuda,” saad ni Yamsuan sa isang panayam sa media.
Ang tinutukoy niyang “follow-through” ay ang pagbibigay ng mga livelihood training at seminar para sa mga tumatanggap ng ayuda upang mahikayat silang magtayo ng maliliit na negosyo at “maka-graduate” sa pagiging umaasa lamang sa ayuda.
Ayon kay Yamsuan, ang kanyang mga programang “Dagdag-Puhunan” at “Bigay-Negosyo” ay may kalakip na masusing pagsasanay bago ma-qualify ang isang aplikante bilang benepisyaryo.
Palalawakin pa ang mga programang ito upang isama ang mga seminar sa financial literacy, na layong turuan ang mga benepisyaryo kung paano mag-ipon, gumastos, o mag-invest nang wasto—gamit man ang ayuda o kita mula sa kabuhayan.
“Ang ayuda, kailangan pa rin iyan ng ating mga mahihirap na kababayan bilang pantawid. Pero ituturo natin sa kanila kung paano ito gamitin nang tama. Ganoon din sa mga tumanggap ng tulong mula sa ating livelihood programs,” ani Yamsuan.
Naniniwala siyang maaaring magbunga ng mga kwento ng tagumpay ang mga programang ito kung wasto ang paggamit ng pondong ipinagkakaloob.
Ikinuwento niya na sa isa sa kanyang mga house-to-house visits noong kampanya, isang benepisyaryo ng “Bigay-Negosyo” ang nagpasalamat sa kanya matapos itong makapagtayo ng sari-sari store, na ngayo’y naging reseller na rin ng mga produkto ng Magnolia at soft drinks sa kanilang komunidad.
“Napag-aral niya ang dalawang anak. Umalis sa mababang sahod ang kanyang asawa at ngayon ay katuwang na niya sa pamamalakad ng tindahan. Ito ang mga kwentong gusto nating dumami sa distrito—para sa tunay na pagbabago na mangyayari lamang kung lahat tayo ay magtutulungan,” pagtatapos ni Yamsuan. ###
—————
KINAKAILANGAN NG MAS MATAAS NA ANTAS NG TRANSPARENSIYA SA BUDGET, MABUTI ANG PAGLAHOK NI PBBM SA BICAM PERO MAARING LUMAMPAS SA HANGGANAN — REP. DAZA
LUNGSOD QUEZON, 22 Mayo — “Magandang ideya ito. Panahon na talaga upang gawing mas transparent ang proseso ng pagbuo ng budget. Gayunman, ang kapangyarihan sa paggasta ay nasa Kongreso. Maari nating pag-isipan kung paano maaaring legal at ayon sa Saligang Batas na makibahagi ang ehekutibo upang maiwasan ang manipulasyon sa budget,” pahayag ni Senior Deputy Minority Leader Paul R. Daza (Unang Distrito, Northern Samar) kaugnay ng balak ni Pangulong Bongbong Marcos na dumalo sa bicameral conference deliberations para sa pambansang budget ng 2026.
Ayon sa Konstitusyon ng Pilipinas, “Ang lahat ng panukalang batas para sa paglalaan ng pondo, buwis o taripa, panukalang nagpapahintulot ng pagtaas sa pambansang utang, panukalang lokal, at pribadong panukala ay dapat magsimula lamang sa Kapulungan ng mga Kinatawan, ngunit maaaring magmungkahi o sumang-ayon sa mga pagbabago ang Senado.” (Seksyon 24, Artikulo VI)
Paliwanag ni Daza, “Anumang opisyal ng sangay ehekutibo na direktang sasali sa deliberasyon ng budget ng Kongreso ay maaaring lumabag sa prinsipyo ng checks-and-balances sa pagitan ng tatlong co-equal branches ng gobyerno. Personal kong gusto ang ideya ng mas malinaw na proseso sa pagbuo ng budget, ngunit marahil ay mas mainam kung bubuksan na lang sa publiko at midya ang lahat ng deliberasyon—kabilang ang nasa Bicameral Conference.”
Ang pambansang budget ay sentro ng pondo para sa mga programa ng gobyerno tungo sa pambansang kaunlaran. Ayon sa mga eksperto sa pananalapi, lumalakas ang panawagan ng taumbayan para sa transparency, lalo na sa harap ng mga kwestyonableng dagdag, pagsingit, at muling paglalaan ng pondo ngayong taon.
“Kung wala ang masusing pagbusisi ng publiko at tunay na transparency, bilyon-bilyong piso ng buwis mula sa mamamayan—na dapat ay napupunta sa batayang serbisyo, pamumuhunan, at imprastraktura—ay nauuwi lamang sa pork barrel. Sa malinaw na pangangailangan ng ating ekonomiya, sayang ang ganitong pondo,” dagdag pa ni Daza.
Sa isang ulat ng Philippine Institute for Development Studies (Ayeng, 2024), binigyang-diin na ang patuloy na inflation, mataas na interes sa utang, at mahinang panlabas na demand ang ilan sa mga dahilan kung bakit nahuli ang gross domestic product (GDP) ng Pilipinas sa huling bahagi ng 2024 kumpara sa ibang bansa sa ASEAN.
Halimbawa, ang Vietnam—na matinding katunggali ng Pilipinas sa ekonomiya—ay nagtala ng GDP na 7.55% sa ikaapat na quarter ng 2024. Sa Pilipinas, 5.2% lamang ang naitala sa parehong panahon, kaya’t ang buong taong GDP growth ay umabot lamang sa 5.6% (PSA, 2024).
Sang-ayon din ang mga eksperto na magpapatuloy ang Pilipinas sa pagharap sa mga hamong panloob at pandaigdig—kabilang ang tensyong geopolitical, abalang supply chain, at pabagu-bagong kalagayang pinansyal sa buong mundo. Lahat ng ito ay hahamon sa economic planning, kaya’t kinakailangan ang maingat na fiscal management at mga polisiyang angkop sa kasalukuyang panahon (Rivera, J.P., 2024).
“Hindi uunlad ang ating bansa kung hindi maayos ang budgeting. Sa pinaka-pangunahing hakbang, dapat bukas ang mga pagpupulong ng bicam sa midya at publiko. Dapat ding ipamahagi ang detalyado at kumpletong ulat, hindi lang buod ng lump sum. Natural, may karapatan ang taumbayan na malaman kung saan talaga napupunta ang kanilang pera. Dapat makita sa ulat ang lahat ng ‘galaw’—mula NEP, hanggang Bicameral Conference, hanggang sa pagsasabatas ng GAA,” pagtatapos ni Daza.
——————-
No comments:
Post a Comment