Thursday, July 31, 2025

📻 Rundown + Brief Commentary per News Item

 ðŸ“» Rundown + Brief Commentary per News Item


1. Sesyon ng Kamara inagahan para sa mas maraming trabaho


Balita: Inilunsad ang bagong schedule ng plenary sessions mula alas-2 ng hapon (dating alas-3) para bigyang-daan ang mas mahabang oras sa pagtalakay sa mga panukala.

Komentaryo: Isang simpleng adjustment pero malaki ang epekto. Ipinapakita nito ang kagustuhan ng Kamara na pabilisin ang trabaho lalo na sa critical period ng pagbuo ng mga komite.



2. Kamara nagtalaga ng dagdag na committee chairman at opisyal


Balita: Patuloy ang pagtatalaga ng mga bagong opisyal sa mga komite sa pagbubukas ng sesyon.

Komentaryo: Kritikal ang prosesong ito upang masiguro ang maayos na pagpapatakbo ng mga deliberasyon sa iba’t ibang sektor ng batas.



3. DOT dapat managot sa mababang performance


Balita: May panawagan para sa accountability ng Department of Tourism sa umano’y hindi magandang performance.

Komentaryo: Ang performance ng DOT ay direktang konektado sa job generation at foreign exchange; dapat itong tutukan lalo na sa post-pandemic recovery.



4. Kamara, nagtalaga ng mga bagong pinuno ng mahahalagang komite sa pagbubukas ng 20th Congress


Balita: Tinukoy ang mga pinunong mangunguna sa powerful committees ng Kamara.

Komentaryo: Ang mga bagong lider ng committee ay may malaking papel sa direksyong tatahakin ng lehislatura; ang kanilang track record ay dapat salamin ng kakayahan at integridad.



5. Romualdez, suportado ang reporma sa badyet: ‘Every centavo must count’


Balita: Iginiit ng Speaker ang kahalagahan ng wastong paggamit ng bawat pondo ng bayan.

Komentaryo: Napapanahon at makabuluhan lalo na’t mataas ang expectations ng publiko sa paggamit ng pambansang budget para sa tunay na serbisyo.



6.  Panukalang maternity leave cash benefits sa informal sector, isinusulong sa Kamara


Balita: House Bill 2240 ni Rep. Yamsuan para sa cash benefits ng informal workers.

Komentaryo: Matagal nang isyu ito. Dapat bigyang-priyoridad ang panukalang ito para sa mga babaeng manggagawa na madalas isinasantabi sa benepisyong sosyal.



7. Romualdez, pinuri ang pinalawak na 4PH housing program ni PBBM


Balita: Nagpahayag ng suporta si Speaker Romualdez sa housing program ng administrasyon.

Komentaryo: Ang suporta sa pabahay ay patunay na ang economic recovery ay dapat may kasamang human settlement solutions.



8. 220 kongresista dumalo sa Thanksgiving Mass para sa pagbubukas ng 20th Congress


Balita: Isang makabuluhang misa bilang panimula ng bagong yugto sa lehislatura.

Komentaryo: Isang magandang tradisyon ng pagkakaisa at pananampalataya bago ang pagtutok sa tungkulin.



9. Romualdez: SONA ni PBBM magpapakita ng direksyon tungo sa inklusibong pag-unlad


Balita: Inaasahang magiging roadmap ng administrasyon ang SONA.

Komentaryo: Sa panahon ng recovery, kailangang mas klaro ang direksyon tungo sa inclusive growth—walang maiiwan.



10. Kamara maghahain ng apela sa SC kaugnay ng VP Sara impeachment ruling


Balita: Maghahain ng apela ang Kamara sa Korte Suprema.

Komentaryo: Makikita rito ang assertiveness ng Kamara sa paggiit ng constitutional mandate nito.



11. Romualdez: Pinalawak na YAKAP health program ng PhilHealth, hakbang para sa mas abot-kayang serbisyong medikal


Balita: Pinuri ang pagpapalawak ng YAKAP program para sa mas marami ang makinabang.

Komentaryo: Isa itong mahalagang hakbang sa pagpapalawak ng healthcare access para sa mahihirap.



12. Madrona: Subok ang pamumuno ni Romualdez, may gawa at malasakit


Balita: Nagpahayag ng suporta si Rep. Madrona kay Speaker Romualdez.

Komentaryo: Isa itong patunay ng solidong tiwala sa liderato sa gitna ng maraming hamon sa Kongreso.



13. Khonghun at Chua: Unahin ni Baste Duterte ang Drug Testing sa Davao


Balita: Hinikayat si Mayor Baste Duterte na manguna sa drug testing.

Komentaryo: Tamang hiling—ang lider mismo ang dapat magpakita ng halimbawa sa kampanya kontra droga.



14. Romualdez: $21B Investments mula sa Biyahe ni PBBM sa U.S., Tagumpay para sa Ekonomiya


Balita: Pinuri ang diplomatic mission ni Pangulo Marcos sa US na nagbunga ng malalaking investments.

Komentaryo: Ang hamon: paano ito mararamdaman ng ordinaryong Pilipino sa antas ng trabaho at kabuhayan?



15. Spox Kamara: Tinayuan ang Mandato ng Konstitusyon sa Impeachment


Balita: Ipinagtanggol ng tagapagsalita ng Kamara ang impeachment process.

Komentaryo: Ang impeachment ay legal na mekanismo—dapat itong tratuhin bilang bahagi ng check and balance, hindi personalan.



16. Tuloy ang Reporma para sa Mas Inklusibong Pag-unlad


Balita: Ipinahayag ng Kamara ang commitment nito sa patuloy na reporma.

Komentaryo: Ang tunay na reporma ay nasusukat sa epekto nito sa mga maralita at nasa laylayan ng lipunan.



17. Ridon itinalaga bilang public accounts chair, kokompleto sa ‘Quad Comm 2.0’


Balita: Si Rep. Terry Ridon ang itinalagang bagong chair ng Committee on Public Accounts.

Komentaryo: Mahalaga ang papel ng Quad Committee sa oversight; kailangan ng tapang at transparency sa pagbabantay ng pondo ng bayan.

A-dos ng Agosto, Taong 2025

Ika-dalawa o a-dos na ng Agosto, Taong 2025 — Katropa sa Kamara Script:


Isang mapagpala at masiglang umaga sa inyong lahat, mga Katropa! Good morning, Pilipinas! Good morning, Camp Aguinaldo! Magandang umaga, Luzon! Maayong buntag, Visayas! At Buenos días, Mindanao! Muli, samahan nyo po kami sa dalawang oras nating makabuluhang talakayan at balitaan dito sa Katropa sa Kamara!


Pause


Yes, Sabado na naman, mga Katropa! At narito na naman po kami upang ihatid sa inyo ang makabuluhang talakayan at balitaan sa Katropa sa Kamara, kasama si Terence Mordeno Grana.


OPENING SEGMENT (8:00 AM – 8:10 AM)


Title: Simula ng Katropa

Warm welcome at pagbati sa mga tagapakinig

Maikling recap ng mga kaganapan sa Kamara at sa bansa ngayong linggo


Pause


Pero bago tayo magsimula, unahin muna natin ang ating pagpapasalamat. Una sa lahat, ipinaabot natin ang taos-pusong pasasalamat sa ating Panginoong Maykapal sa patuloy Niyang pagbibigay ng biyaya at patnubay. Sa nakalipas na mga araw, pinagpala tayo ng Kanyang grasya at binigyan ng lakas upang maisakatuparan ang ating mga tungkulin para sa Kanyang kaluwalhatian.


Pause


Sunod naman nating ipinaabot ang taos-pusong pasasalamat sa ating mga opisyal sa Armed Forces of the Philippines. Unang-una, sa ating Commander-in-Chief, Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.; sa Kalihim ng National Defense, Atty. Gilbert ‘Gibo’ C. Teodoro Jr.; sa ating AFP Chief of Staff, Gen. Romeo S. Brawner Jr.; at sa ating bagong Commander ng Civil Relations Service, MGen Oliver C. Maquiling.


Pause


Of course, nagpapasalamat din tayo sa ating MCAG Group Commander at DWDD Station Manager, Francel Margareth Padilla, pati na rin sa kanyang Deputy Group Commander, Maj. Mark Anthony Cardinoza. At siyempre, isang malaking pasasalamat sa lahat ng bumubuo ng ating production staff—maraming, maraming salamat po!


Pause


Yes! Terence Mordeno Grana po, ang inyong lingkod—ang inyong kaagapay at gabay dito sa Katropa sa Kamara!”


Para sa inyong mga mensahe, tawag, o text, maaari ninyo akong maabot sa ating mobile numbers:

📱 +63 916 500 8318

📱 +63 905 457 7102


Pause


Ang Katropa sa Kamara ay inyong matutunghayan, eksklusibo, dito lamang sa DWDD Katropa Radio—1134 sa inyong talapihitan! Live din tayo sa ating Facebook page, Katropa DWDD-CRS Virtual RTV, at syempre, mapapanood din tayo sa YouTube—i-search lang ang DWDD Katropa!


Pause


OPENING SEGMENT (8:00 AM – 8:10 AM)


Title: Simula ng Katropa

Warm welcome at pagbati sa mga tagapakinig

Maikling recap ng mga kaganapan sa Kamara at sa bansa ngayong linggo

Anunsyo: Focus natin ngayong episode—tiwala, pananagutan, at pamumuno sa panahon ng pagsusulit sa gobyerno




Pause


@@@@@@@@@@@@@


Pause


Break


Okey, i-tuloy pa po natin ang ating mga pagbabalita komentaryo at naririto na pa po ang ating mga balita na ating nakalap…


Break


Sa ating pagbabalik, kayo po ay nakikinig sa palatuntunang Katropa sa Kamara kasama ako, Terence Mordeno Grana, dito lamang sa himpilang DWDD Katropa Radio!


At syempre, tayo ay sinasamahan sa ating technical side ng ating magigiting na engineers—(Ronald Angeles, Pherdee Blues, Leonor Tanap, Regine Ascaño, Jayton Dawaton, John Mark Molina, at iba pa. ) Maraming salamat sa inyong suporta!”


@@@@@@@@@@@@@


Pause 


Break


Okey, tuloy-tuloy na po tayo sa iba pang mahahalagang balita na ating nakalap…


NEWS ITEMS … next page


Pause


Break


@@@@@@@@@@@@@@


Sa ating pagbabalik, kayo po ay nakikinig sa Katropa sa Kamara kasama ako, Terence Mordeno Grana, dito lamang sa himpilang DWDD Katropa Radio!


At syempre, tayo ay sinasamahan sa ating technical side ng ating magigiting na engineers—Ronald Angeles, Pherdee Blues, Leonor Tanap, Regine Ascaño, Jayton Dawaton, John Mark Molina, at iba pa. Maraming salamat sa inyong suporta!”


Okey, tuloy-tuloy na tayo sa iba pang mahahalagang balita na ating nakalap…”


 @@@@@@@@@@@@@


Sa segment na ito, ibibigay ko muna sa inyo ang mga naganap nitong nakaraang mga araw sa ating bulwagan, sa ating plenary hall ng ating Kamara:


Pause 


Break


@@@@@@@@@@@@@@


Recap Segment:


“Sa puntong ito, mga Katropa, dadako na tayo sa ating pagbabalik-tanaw o recapitulation ng lahat ng ating natalakay ngayong umaga. Balikan natin ang mahahalagang balita at usaping ating tinalakay bago tayo tuluyang magtapos ng ating programa…”



@@@@@@@@@@@@@@


Closing Segment:


Dalawang oras na naman po ang lumipas, at muli na naman tayong pansamantalang magpapaalam. Maraming, maraming salamat sa inyong pagsubaybay at sa pagpapapasok sa amin sa inyong mga tahanan sa pamamagitan ng ating programang Katropa sa Kamara!


Daghang salamat usab sa atong mga kahigalaang Bisaya nga naminaw kanato karong taknaa!


Ito po ang inyong lingkod—kini ang inyong kabus nga suluguon, Terence Mordeno Grana.


At sa ngalan ng buong production staff ng ating programa, ako po ay nagpapahayag ng isang taos-pusong pasasalamat. Nawa’y pagpalain tayong lahat ng ating Panginoong Maykapal. God bless us all! Purihin ang ating Panginoon! Good morning! (30)